Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted
Location PTV

USEC. IGNACIO: [Off mic] Ngayong araw ng Miyerkules, May 25, sabay-sabay nating tutukan ang update sa mas pinaigting na pag-monitor ng Department of Health sa sakit na monkeypox, usapin ng nuclear energy at posibleng pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant. Aalamin din po natin ang saloobin ng mga business groups patungkol sa recent wage hike at takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Canvassing ng mga boto ng Kongreso sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, naging mabilis at maayos, kung saan ngayong araw ay inaasahan nang ipuproklama ang mga susunod na pinuno ng bansa. Ang update sa Batasang Pambansa, alamin natin mula kay Daniel Manalastas. Daniel…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Daniel Manalastas.

Nakakita po ng bahagyang pagtaas ang Department of Health ng COVID-19 cases sa Luzon, kabilang na po ang Metro Manila. Ayon pa sa DOH na batay sa datos noong nakaraang linggo ay nakapagtala din ng positive one week growth rate ang Regions III, V, VIII, XII, Caraga at BARMM. Ngunit paglilinaw ng Kagawaran, nananatili pa rin sa minimal to low risk ang case classification ng bansa habang nasa low risk pa rin ang ating health care at ICU utilization rate.

Hindi naman kumbinsido ang DOH na ang bahagyang pagtaas sa mga kaso ay bunsod ng nagdaang eleksiyon o dahil lang sa mga emerging variants ng Omicron. Una rito, iniulat ng OCTA Research Group na tumaas sa 1.05 ang COVID reproduction number ng Metro Manila kung saan ang posible umanong worst case scenario nito ay ‘weak’ surge ng COVID-19 cases.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inanunsiyo nga po ng Department of Health ang kanilang mas pinaigting na pagmu-monitor ng sakit na monkeypox. Kaugnay nito po ay nagpatupad din ngayon ng istratehiya ang pamahalaan para po mapigilan ang pagpasok ng sakit na ito sa ating bansa. Alamin po natin ang detalye patungkol diyan at makakausap po natin si Dr. Edsel Salvaña, member po ng DOH Technical Advisory Group at isang Infectious Diseases Expert, good morning po Doc Ed.

DR, SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, sinabi nga po na hindi naman bago itong monkeypox. Pero, bakit ngayon lang po ulit daw lumutang at kumalat ang sakit na ito, Doc Edsel?

DR. SALVAÑA: Well, Usec. Rocky, iyong unusual kasi na presentation na mukhang nagkakaroon ng clusters sa mga lalaki and mukhang it might be sexually transmitted ang iniisip ng WHO. Bagama’t katulad ng sinabi mo, nagkakaroon na rin naman ng sporadic outbreaks nitong monkeypox.

Noong nagti-training nga ako noong 2003 sa US doon sa Milwaukee, may mga naalagaan kaming monkeypox at ito ay naging outbreak dahil mayroong infected na African rats na nakahawa ng Prairie dogs at iyong Prairie dogs ginawang pets ng mga taong ito. Wala namang namatay at iyon nga, na-contain naman po ito.

Ang monkeypox naman kasi ay hindi siya kasing-nakakahawa ng COVID, kailangan ay close contact at hindi rin naman ganoon ka-deadly, except siguro kung mayroon kang mga kapansanan.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc, iyong sinasabi na dahil sa pag-ubo o iyong sinasabing puwedeng makahawa, hindi po ito ganoon, tama po ba ito, Doc Edsel?

DR. SALVAÑA: Well, you can get monkeypox several ways. First is direct contact kasi iyong ganiyang mga pox lesion, iyong vesicles, punung-puno iyan ng virus. So kung pumunta sa mucus membrane mo – sa mata, sa ilog, sa bibig ay puwede kang mahawa noon.

Mayroon din iyong tinatawag natin na large respiratory droplet na close contact lang talaga. In other words, kung kasama mo sa eroplano iyong isang tao na may monkeypox at umuubo siya dahil may systemic symptoms naman ito, usually ang nahahawa lang iyong immediately around him, iyong katabi niya at iyong harap and sa likod na row – hindi po iyong buong eroplano iyong mahahawa.

Kaya sa tingin natin, hindi naman kasing contagious ng COVID at iyong kaniyang incubation period is 7 to 14 days eh. So actually may time to contact-trace and in fact, ang ginagawa rin dito, puwedeng magbigay ng vaccine within four days of contact para hindi matuloy iyong pag-outbreak. So ito po iyong mga strategies na ginagawa ngayon, bagama’t sa ngayon wala pa naman tayong nadi-detect na monkeypox dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. As of May 21 nga po, nasa labindalawang bansa iyong naiulat na kumpirmadong kaso ng monkeypox, sabi ninyo nga po, sa awa ng Diyos, wala pa rin po tayong kaso dito sa bansa. Pero, ano daw po iyong kasalukuyang ginagawang hakbang ng DOH para po talagang mapigilan o ma-monitor itong sakit na ito?

DR. SALVAÑA: Tuloy naman po talaga iyong ating surveillance at iyong ginagawa natin ngayon na naka-mask tayo lahat, actually mabisa rin iyon to prevent monkeypox and it doesn’t spread as fast, mas madali siyang i-contact-trace and iyon nga, it’s not deadly. And actually, there are medications that are proven to work on this, wala lang dito sa bansa pero what we’re saying basically is hindi po talaga ito parang COVID na wala talaga tayong alam nang nag-start noong March 2020. Marami na po tayong alam sa monkeypox, gumagana po iyong bakuna against smallpox against monkeypox and of course, mayroon nang mga gamot na nakitang mabisa against smallpox and monkeypox.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ed, ngayon po, ang Pilipinas ay nag-i-implement ng tinatawag na 4-door strategy para po mapigilan itong pagpasok ng monkeypox. Maaari ninyo po bang ipaliwanag, ano daw po itong 4-door strategy na ginagawa ng pamahalaan?

DR. SALVAÑA: Well iyong 4-door strategy po, ano iyan, different layers ng protection na ginagawa po natin and really, it starts with, iyong nasa border control natin and then iyong PDITR strategies natin all the way down to iyong ginagawa natin sa community na mayroon tayong mga contact tracing, mayroon tayong testing at iyong paggamit ng mga mask and of course iyong vaccination natin that also protects people around us.

And masasakop na rin talaga dito iyong monkeypox kasi sa monitoring ay we make sure people aren’t symptomatic when they’re on the planes. And ito nga, iyong paggamit ng mask, mas magiging mas mabisa pa nga iyon against monkeypox kaysa sa COVID at sakop na rin po iyong pag-monitor natin ng mga other infectious diseases that are always a risk naman to get into our borders.

So iyong mga ganitong sistema po, mayroon po tayo nang layers of protection and so far, these have shown naman their value and we are able to slowdown the introduction of new variants and of new infectious diseases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ed, nakalatag naman po ang kahandaan ng DOH sakali po na – huwag naman – makapasok sa bansa itong monkeypox?

DR. SALVAÑA: Iyong monkeypox po, like I said, iyong ating mga strategies ay hindi naman nagbabago, kapareho lang rin naman iyong gagawin natin diyan – iyong contact tracing, iyong isolation. And of course bagama’t ngayon ay wala pa naman tayong stockpiles ng vaccines, mayroon naman tayong contacts with the United States Center for Disease Control and other agencies na kung kakailanganin natin ng tulong para sa pag-procure nito, may linkages naman po iyong ating gobyerno. But again, this is something na kailangan lang nating bantayan, pero this is not on the level of COVID po talaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Edsel, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media, may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagsasabi na ang monkeypox daw po ay less infectious kaysa sa COVID-19, even if one of the mode ng transmission nito ay ang pag-ubo ng isang infected person, pero ano daw po ang explanation dito?

DR. SALVAÑA: First of all, iyong amount of virus that comes out isn’t that much. Second is, usually ay nasa largest respiratory droplets lang talaga siya, hindi siya lumalayo masyado. Iyong later on, sa Omicron at saka sa Delta, nakita nila na mayroon na kahit iyong breathing lang, iyong dadaan ka lang sa isang tao. Hindi ba dati, before Omicron and Delta, ang sabi natin ay 15 minutes of contact, tapos later on nag-evolve na iyon. Itong sa monkeypox, prolonged po talaga, at hindi siya ganoon ka-transmissible because of the nature of the virus rin.

The other thing about monkeypox is that it doesn’t mutate very much, it’s a DNA virus compared COVID which is an RNA virus na nagkakamali talaga lagi iyong virus kaya nagkaka-mutation.

Very stable ang genome ng monkeypox and actually ang nakikita natin, so far doon sa genetic sequencing, mukhang isang klase lang talaga ito, isang klase lang, hindi sila nagmu-mutate at mati-trace mo kung saan talaga ito nanggaling.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ed, tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa usapin naman daw po ng COVID-19, dapat na daw po ba tayong mag-worry dito sa isang ‘weak surge’ ng kaso dahil sa pagka-detect ng Omicron sub-variant?

DR. SALVAÑA: I don’t think so. I mean, for instance, iyong increase ngayon is 9.9% from the last week, in fact, we were expecting it to be much higher, kasi kakatapos lang elections at katatapos lang rin ng mga malalaking rallies at ng mga ‘miting de avance’.

In fact, we were kind of holding our breath na, kasi 14 days – up to 14 days ang incubation eh makikita na talaga natin kung mayroon mang spike in cases, it should be happening around this time. And so far, mukhang stable naman iyong cases, gawa na rin noong paggamit ng tao ng mask na tuluy-tuloy at tumataas na ang antas ng vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagsusulong o nagpu-push po na isama ang mga frontline economic workers at mga non-immunocompromised comorbid person sa second booster dose? Ano daw po ang assurance ng mga tao na ang first booster dose ay mananatiling epektibo pa rin laban daw po sa mga variants, kahit na ang iba ay more than six months na pong nakakuha ng kanilang first booster?

DR. SALVAÑA: We have good evidence naman na iyong first booster ay mabisa talaga. In fact, iyong incremental benefit from the second dose to the first booster is very big. Tapos iyong incremental benefit between the first booster and the second booster is much smaller compared to that of between second dose and the first booster. And hindi lang naman kasi antibody ang pinag-uusapan dito, kasama diyan iyong tinatawag natin na T-cells na parang kawad ng ating katawan na mas longer-lasting po talaga iyong proteksiyon na ito, nari-recognize po niya iyong virus sa loob ng cells.

So, I think at this point, iyong ebidensiya kasi na mayroon tayong hinahawakan para sa second booster dose is really just for elderly, mga 60 years old and above. Bagama’t sa United States, mukhang ini-extend na rin nila to 50 years old and above. So, pinag-aaralan po natin ito, and alam naman natin na may mga panibagong reformulated vaccines that are already in the pipeline. So, baka mas maging mabisa kung hintayin natin iyon, rather than ipilit natin itong mga old vaccines natin na ang ating ebidensiya is not very strong particularly for those populations na mataas naman talaga iyong survival rates and that they actually do react much better to the vaccines compared to people who are immunocompromised or older.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, nagpositibo naman po sa COVID-19 virus itong labing-limang (15) foreign tourists na bumisita po sa Palawan. Kung na-identify na po ba iyong mga individual na naging close contact daw po ng mga turista, Doc. Edsel?

DR. SALVAÑA: Yeah, I think you will have to talk to DOH about that particularly ang [unclear] Bureau. Pero ang alam po natin diyan is, mukhang isang klaseng virus lang naman talaga iyong umikot sa kanila, iyong BA.2.12.1 at mukhang mild or asymptomatic naman itong mga ito. So, vaccinated naman lahat iyan most likely, lalo na kung foreigners, hindi naman tayo papayag na pumasok sila na hindi vaccinated. And so, nakikita talaga natin iyong halaga ng ating detection at ng ating bakuna na kahit na may mga nakalusot na ganito ay nanatiling mild at hindi po nagiging threats sa ating healthcare system.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil sa pangyayaring iyan, Doc Edsel, minumungkahi po ba ninyo na mas higpitan pa ng Palawan ito pong kanilang restrictions?

DR. SALVAÑA: I don’t think so naman po, kasi mukhang gumagana naman iyong ginagawa natin eh. And again, the final common pathway diyan is, nabi-burden ba iyong ating healthcare system, may risk ba na magsarado at hindi na natin maaalagaan iyong mga pasyente? And because of vaccines, ang number of severe cases natin and hospitalized cases has really been very low. Kahit umakyat pa iyan ng kaunti, katulad nga ng sinabi ni Director Thea, iyong added pressure onto the hospitals is not anticipated to be much, dahil karamihan dito will be asymptomatic or mild.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, hingin ko na lang po iyong inyong mensahe at siyempre, paalala sa ating mga kababayan, dahil tayo po ay nasa gitna pa rin ng pandemya at mino-monitor itong monkeypox. Go ahead po, Doc. Edsel.

DR. SALVAÑA: Yes, thank you, Usec. Rocky.

I think, important talaga [na isipin nating] hindi pa rin po tapos iyong pandemya. Tama po ang ginagawa natin na paggamit noong mask. At kung hindi pa po kayo nagpapa-boost, tapos due na po kayo for booster, please get boosted na kasi karagdagang proteksiyon, hindi lang sa atin kung hindi doon sa mga tao around us.

Iyong mga bagay, like iyong monkeypox at mga bagong variants, continuous po talaga ang threats ng mga emerging at re-emerging infectious diseases. Ngunit dahil mayroon naman tayong mga policies na in place para masugpo ang mga ito as long as ma-implement natin properly and everybody cooperates, we can continue to protect each other.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Doc. Edsel sa inyong pagsama sa amin, Dr. Edsel Salvaña, member ng DOH-Technical Advisory Group at isang infectious diseases expert. Maraming salamat, Doc Edsel.

DR. SALVAÑA: Thank you po and stay safe.

USEC. IGNACIO: Kasalukuyang lagay ng turismo at sitwasyon ng COVID-19 cases sa Concepcion, Romblon ang atin namang pag-uusapan ngayong umaga, at makakasama po natin si Mayor-elect Nicon Fameronag ng Concepcion, Romblon. Sir Mayor-elect, magandang umaga po.

Mayor, hindi ko po kayo naririnig, pero ako ay natutuwa at nabisita ninyo kami sa studio ano po. Bilang kayo po ay dating Undersecretary ng Department of Labor and Employment at kayo nga po ang bagong uupong mayor ng Concepcion, Romblon, kumusta naman po ang inyong pag-a-adjust sa inyo pong bagong tungkulin?

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Hindi pa masyadong nagsi-sync in, Usec. Rocky at maraming salamat sa pag-congratulate mo. Ang sabi ko kanina, it’s nice to be back dito sa inyong studio at natutuwa ako at ikaw ang nakasama ko ngayong umaga. Welcome na welcome ka sa Concepcion, Romblon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Naku, salamat po. Hayaan ninyo bibisitahin ko po kayo talaga. Salamat po. Dahil uupo nga po kayo bilang mayor ng Concepcion, Romblon, so may naplano po ba kayo o anong plinano ninyong gawin o simulang programa sa inyong unang buwan ng pagkakatalaga sa puwesto?

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Well, dahil nga nasa gitna pa tayo ng pandemya, Usec. Rocky, ay masaya kong ibinabalita na ang Concepcion, Romblon ay zero case naman sa kasalukuyan. Pero katulad ng sinabi ni Dr. Edsel kanina, kailangang laging handa at patuloy naman ang ating mga health authority sa pagmo-monitor.

Lalo na sa katulad naming isla, iyong pagpasok ng mga turista ay isang malaking bagay na ating binabantayan, kagaya din ng mga local travelers. Nakahanda naman tayo at ang lokal na pamahalaan, bagaman hindi pa tayo nag-a-assume. Sa nakita natin sa nakaraang dalawang taon, nakahanda naman [tayong] makipagtulungan sa ating mga health authorities.

Sa mga pansamantalang plano natin, alam mo nanalo tayo sa kampanya na aayusin natin ang ating lokal na pamamahala lalo na sa pagpaplano sa patubig, sa produksiyon ng pagkain, kasi diyan ang ating nakikita na kukuhanan natin ng pangkabuhayan at mga trabaho para sa ating mga kababayan, lalo na sa gitna ng pandemya na medyo mataas pa ang ating unemployment rate.

So, during the first 100 days, Usec. Rocky, ipinahayag natin sa ating mga kababayan sa Concepcion, Romblon na magkakaroon tayo ng malawakang konsultasyon sa mga barangays kung papaano isasagawa ang maayos na pagpaplano ng kanilang mga lokal na nasasakupan; itataas natin ang antas ng kanilang kapasidad na tumugon sa mga krisis lalo na sa mga natural calamities kasi ang Romblon ay natural na daanan ng mga bagyo. So kailangang parating alerto ang ating mga lokal na opisyal sa tuwing magkakaroon ng mga warning na may paparating na mga bagyo at ang pag-iimbak ng sapat na mga kagamitan at mga pagkain na maibibigay natin sa ating mga kababayan doon. So ilan lamang iyan sa mga pangunahing nakasalang sa ating agenda sa unang isandaang araw ng ating pag-upo mula sa Hunyo treinta (30).

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Nicon, kasi ang buong bansa nga po ay patuloy pa ring bumabangon sa mga paghihirap dulot ng pandemya, partikular na nga po itong industriya ng turismo. Diyan po sa Concepcion, Romblon, kumusta po iyong estado ng turismo sa inyong lugar at ano naman daw po ang inyong mairirekomendang tourist spot sa ating mga kababayan?

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Well, katulad ng ibang munisipyo sa Pilipinas na halos hindi nabisita ng mga foreign tourists nitong nakaraang dalawang taon, at kahit ng mga lokal na turista o mga local visitors kung tawagin, isa ang Concepcion, Romblon sa nakaranas din ng ganitong sitwasyon. At ngayon lamang na medyo lumuwag na ang ating kalagayang pangkalusugan ay unti-unti nang pumi-pickup ang bilang ng mga dayuhang turista. Karamihan sa kanila pala ay lokal na umuuwi sa Concepcion, Romblon dahil matagal silang nawala.

At dito tayo naghahanda kasi inaasahan natin, Usec. Rocky, na iyong ating mga dalampasigan na talaga namang pure at serene, makikita mo naman diyan sa video roll, ay kailangang maihanda natin sa pagdami ng mga bisitang darating na may pag-iingat, lalo na iyong social distancing na tinatawag, upang maiwasan nating magkaroon ng problema.

Isa sa maipagkakapuri ng Concepcion, Romblon, Usec. Rocky, ay ang mga dalampasigan o mga beaches na napakarami doon sa aming isla. At sa pag-upo natin, ating pinagpaplanuhan na idi-develop pa natin nang mas malawak at mas seryoso iyong ibang lugar na puwede nating ituro sa mga bisita na kanilang bisitahin, kasi paiigtingin natin ang ecotourism. Magsasagawa tayo ng mga tourism infrastructure upang makumpleto ang pagbisita ng ating mga bisita doon sa Concepcion, Romblon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, doon sa mga nagbabalak bumisita sa inyong lugar, ano po iyong requirements na dapat nilang ihanda para po makapasok diyan sa inyong lugar, sa Concepcion?

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Well, sinusundan natin iyong nasyonal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga requirements lalo na sa pagdating ng mga bisita. Una diyan iyong pagkakaroon ng bakuna at saka booster shots, at iyong pakikipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan kung ikaw ay tagaroon ‘no, dahil kailangang alam namin kung kailan kayo darating upang maihanda din namin iyong aming mga barangay at saka bayan. Kailangang matiyak namin na maayos ang transportasyon kasi nga tatawid ng karagatan, so kailangang matiyak din ang kaligtasan ng aming mga bisita upang maging masaya at kapaki-pakinabang ang kanilang pagbisita sa aming isla.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta po iyong COVID cases situation sa inyong lugar? Marami na po ba sa ating mga kababayan diyan ay bakunado na?

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Halos hundred percent na ang aming vaccination. Wala akong maibibigay na datos, Usec. Rocky, sa booster kasi hindi ko nasilip iyan bago ako lumuwas ng Maynila. Pero nakatitiyak ako na nauna na nating nabigyan ng booster shots iyong mga priority individuals na kailangan, maliban doon sa may mga comorbidity cases. Pero pagdating sa bakuna, nakatitiyak tayo na hundred percent na bakunado na ang mga taga-isla at lalung-lalo’t higit iyong mga pumupunta diyan – hindi natin pinapapasok iyan diyan nang walang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kukunin ko na lamang ang inyong mensahe o paalala sa ating mga manunood at saka iyong mga gusto pong bumisita diyan sa Concepcion, Romblon. Go ahead po, Sir Nicon.

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Well itong panahon na ito, Usec. Rocky, ay panahon na ng kung tawagin natin ay medyo ang alon ay hindi na masyadong cooperative kasi hanging Habagat na ang umiiral kasi katatapos lamang ng ating tag-araw o summer. Pero puwede pa ring bumiyahe diyan sa Concepcion, Romblon via Pinamalayan, Oriental Mindoro – via Calapan iyan, tatawid kayo ng Batangas – medyo mahirap iyong transportasyon pero iyan ang hamon sa mga mahihilig maglakbay lalo na kung pupunta sila sa mga lugar na ‘off the unbeaten track’ kung tawagin natin, Usec. Rocky – mga lugar na hindi gaanong binibisita. Pero talagang sa mga experienced pagdating sa adbenturismo ay makikinabang sila nang husto.

Inaasahan natin na itong mga pagsasakabatiran nating ito, katulad ng pag-appear sa iyong programa ay makakatulong ng malaki upang ang mga lokal na turista na gustong bumisita sa isla ay maengganyo, na sa mga susunod na araw ay i-consider nila ang Concepcion, Romblon bilang lugar na pag-aaksayahan nila ng tatlo hanggang limang araw na makapagpapahinga sila na walang atubili at walang ingay, ligtas at makikita naman talaga nila na ang lugar ay isang kaaya-ayang lugar na makakapagpahinga ang kanilang isip lalo na iyong mga medyo stressed sa urban living.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong ginawang pagbisita sa aming studio, Maraming salamat po, Mayor-elect Nicon Fameronag ng Concepcion, Romblon. Stay safe po. Maraming salamat po.

MAYOR-ELECT FAMERONAG: Thank you, Usec. Rocky, for having me1

USEC. IGNACIO: Thank you po.

Hinikayat ni Senate Committee on Health Chairperson, Senator Bong Go ang mga bagong halal na opisyal na ipagpatuloy ang mga programang nakatuon sa laban kontra COVID -19 na sinimulan ng Administrasyong Duterte. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nanawagan si Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon na pag-aralan po ang nuclear energy. Nagpahayag din naman si presumptive President Bongbong Marcos na kaniya pong tinitingnan ang posibleng muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant. Iyan po ang ating pag-uusapan ngayong umaga at kasama po natin si Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., ng Department of Energy, magandang araw po, Usec.

DOE USEC. ERGUIZA: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat po ng ating tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, usap-usapan po itong planong i-revive ni presumptive President Bongbong Marcos and Bataan Nuclear Power Plant. Kung masisimulang muli ito, ano po ba iyong magandang maidudulot nito sa ating bansa?

DOE USEC. ERGUIZA: Well, unang-una po, bago ang lahat gusto ko ring ulitin muna na ang Nuclear Power Plant po, as a source of energy is 24/7 at historically, na-prove na ang mga bansa na economically progressive ay gumagamit ng Nuclear Power Plant at Nuclear Power po. At ang worldwide direction po natin ngayon is the de-carbonization at kailangan natin ng clean energy at ang nuclear power naman ay declared as clean energy. So, iyon ang direksiyon ng buong mundo, dahil ang coal na 24/7 ay on the decline dahil sa carbon emissions.

Ngayon, tamang-tama naman po na noong pag-umpisa ni President Duterte ay binuo niya ang framework ng nuclear po. Sa tagal-tagal po na kapag ang nuclear ang pinag-uusapan ay nagiging parang sakit na ayaw pag-usapan. Eh, boldly, si President Duterte, inutusan niya ang Department of Energy, and sa pamumuno po ni Secretary Cusi ay nabuo po ang nuclear energy program po natin at ito po ay magiging basehan ng ating pagkakaroon ng nuclear power plant, dahil kung wala naman tayong nuclear program, hindi tayo nakapagbuo ng framework. Hindi po basta-basta ganoon ang pagpapatayo ng nuclear power plant, dahil kailangan ito ng about six to eight years of preparing the framework at ito nga po ay nangyari sa term ni President Duterte.

At nagkaroon naman tayo, noong candidate pa ho si presumptive President Ferdinand Marcos, he was the candidate who had an energy agenda that considered nuclear power. Nakita po natin ang thrust ni presumptive President Ferdinand Marcos na nili-link po ito sa ating economic development, of course sa cost ng energy. So, nakikinita natin ngayon, medyo mayroong alignment po ang programa na naumpisahan ni President Duterte at incoming President Ferdinand Marcos po dito. At nakikita natin na hindi mahirap na doon sa pagpapatupad ng isang nuclear energy program at eventually pagpapatayo po ng nuclear power plant, dahil po hindi po makakapagpatayo ng isang bagong plant o puwedeng i-rehabilitate ng Bataan Nuclear Power Plant kung wala iyong tinatawag natin na Nuclear Energy Program Framework na binuo ni President Duterte.

At narinig po natin na si presumptive President Ferdinand Marcos is seriously reconsidering really nuclear power, including the revival of the Bataan Nuclear Power Plant. Kaya according to previous studies naman po ‘no, subject of course to the ramping up of a regulatory framework – ang ibig sabihin, dapat nandoon iyong regulation rules natin at regulatory body, subject po doon – puwede na ho namang magkaroon ng Nuclear Power Plant na bago o kaya ang rehabilitation ng Bataan Nuclear Power Plant.

Ang nais ko lang i–mention, na previously nagkaroon po ng study on whether or not, puwede pa nating i-tap ang Bataan Nuclear Power Plant at noong panahon noong ni President Gloria Macapagal-Arroyo nagkaroon ng initial study doon, at ang nag-aral ho dito ay ang bansa ng South Korea at nagkaroon po ng updating three to four years ago.

Ang Department of Energy po ay humingi ng isang feasibility study sa apat na malalaking bansa kagaya ng Unites States, China, Russia and Japan po at South Korea rin. At lumabas nga po, ang nag-respond ay ang South Korea through the Korean Hydro Nuclear Power Company at ang pangalawa ang Rosatom ng Russia po. Ito ang the most respected among the best service providers po ng nuclear power sa buong mundo, sila po iyong maraming mga projects po. At base po sa pag-aaral nila na sinubmit po ito sa Department of Energy, sinabi po nila na puwede pa hong i-rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant.

USEC. IGNACIO: Usec. Erguiza, pero may mga natatakot po sa kanilang safety, kung sakaling magkaroon ng aberya sa planta. So, paano daw po masisigurado na walang aberyang mangyayari kung sakali pong mabuksan muli itong Bataan Nuclear Power Plant?

DOE USEC. ERGUIZA: Gusto kong mai-mention po at malaman po ng taumbayan. Doon sa pagbubuo ng nuclear power program po natin ay may sinundan po tayo na tinatawag natin na four cornerstones. Itong four cornerstones na ito ay kailangang we have to satisfy para sigurado po na ang ating programa, ang Nuclear Power Plant kung mayroon na ay totoong masusing napag-aralan.

Una ho, ang national policy at ito po ay inisyu at inumpisahan ni President Duterte, inisyu ang Executive Order 164 adopting a nuclear energy program and the inclusion on nuclear power in the energy mix. Kaya pinag-aralan po iyan at sinabi po na sa Philippine Energy Plan natin hanggang 2014 at puwede na sa 2013, na puwede tayong maglagay ng nuclear energy sa ating energy mix.

Pangalawa po, sa cornerstone po ay ang alignment with international standards. Kailangan po tugma tayo sa mga standards na ng buong mundo. Alam naman natin na halos perfected na ang nuclear power operations and producing this sa buong mundo. At nakita natin na ang mga countries na ito ay may mga sinusundan na infrastructure programs or concerns or development issues. Ito ay mga 19 po, ito ay ini-enumerate ng international committee energy agency, kasama dito ang safety, security, safeguard among others, emergency preparedness, human capacity, legal frameworks, etcetera, disi-nuwebe (19) po iyan.

So ito po, nakabuo tayo ng isang study, the nuclear infrastructure review at ang mga problema dito na nakita natin sa infrastructure ng Pilipinas when it comes to nuclear power, very integrated work plan addressing all the problems. So, ito ay isang literature, isang pinag-aralang study, naka-submit po sa international committee energy agency at mayroon tayong country nuclear infrastructure profile na naka-submit na po doon, na kumbaga, kung mayroong isang nuclear power plant na gusto ay nuclear power provider, gustong magpatayo ay nandoon na po iyong ating database. How prepared we are and what are the things to do – that includes safety, of course.

At ang pangatlo po ay nakita natin ang problema natin in the past, iyong polarization ng mga tao So, doon sa framework po natin, dito sa cornerstone, sinisigurado natin na ating magawa ang isang stakeholders’ consultation and acceptance.

At preliminarily, noong ginawa po natin itong ating strategic communication plan para maka-reach out tayo sa tao, nagkaroon tayo ng survey at 79% said, they are amenable to the Bataan Nuclear Power Plant’s coming back and about 65% are amenable to the putting up of a new Nuclear Power Plant. So, ito ay isang proseso na dadaanan doon sa framework natin. Hindi ibig sabihin na porke’t gusto na lang nating magpatayo, eh itutuloy natin. Nakasaad po ito sa ating mga framework.

At pang-apat po ay ang regulatory framework. Kailangan na itong lahat po, these binding concerns including safety ay maisabatas, para sigurado po na may ngipin, hindi lang pinag-uusapan ito bilang konsepto na ang Bataan Nuclear Power Plant ay dapat safe, hindi. Nasa batas po iyan at nakasaad doon – one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten – para po ma-attain itong safety na ito. At ito ay gagawin pa sa isang mahabang diskusyon at debate po sa Kongreso. Kasi kapag gagawa ka ng batas doon, pag-uusapan ninyo, ito iyong role ng Kongreso.

Iyong una, national policy, the Executive branch; then the alignment to standards nitong mga international agencies; at itong stakeholders acceptance and consultations sa mga tao at mga stakeholders.

Ang pang-apat ay sa kongreso, kaya dadaan po diyan at talagang pag-aaralang mabuti iyan.

At again, iyong isyu ng safety, kapag nandiyan na iyong regulatory body, kapag may nag-apply na nuclear power plant company, lahat ng safety concerns ay ia-apply nila iyan and ia-approve ng regulatory body. So, mahabang proseso po iyan to ensure that safety will be attained when we put up a nuclear power plant.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Erguiza, kung sakali pong ma-revive nga itong Nuclear Power Plant, patuloy pa rin po bang mag-o-operate itong mga coal-fired at gas-fired power plants bilang source po ng kuryente sa ating bansa?

DOE USEC. ERGUIZA: Well, una po, ang lahat ng klase ng power plant, may lifetime iyan. So ang [coal-fired power plant] may lifetime din iyan. Parang kotse rin iyan, darating ang time na ang kotse ay hindi mo na puwedeng gamitin dahil talagang hindi na talaga puwede. Ganoon din ang coal-fired power plants.

Ang ano diyan ngayon, sa pagsulpot ng coal-fired power plants, mag-a-approve pa ang DOE ng mga pagpasok ng coal fired power plants kasi may certificate of endorsement iyan. At may policy nga ho ngayon na nagkaroon na tayo ng pagpapahinto doon sa pagtanggap ng coal-fired, may moratorium sa power plants. And slowly, hanggang ili-limit na ho ang capacity na nanggagaling sa coal-fired power plants para ma-limit na rin iyong emission ng carbon.

So eventually, depende ho sa magiging programa ng Department of Energy in the future. Ngayon may moratorium. To what extent will you allow ang coal-fired power plants? So hanggang doon lang po. As of now nakikita natin na talagang pababa ang paggamit natin ng coal-fired power plants at eventually magshi-shift tayo sa nuclear power po according to our direction.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung nuclear power na po ang magiging main source ng ating kuryente sa Pilipinas, ibig sabihin po ba nito bababa na rin iyong presyo ng kuryente natin?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, among the cheapest ho ang nuclear power. Actually ang cheapest diyan talaga ay iyong sa baseload na 24/7. Hindi lahat ng sources ng power ay 24/7. Like ang solar, ibang klase iyan – tinawag natin diyan renewable at picking kasi kapag may araw lang, doon lang may power. Ang wind, [unclear] power lang, so hindi siya talaga reliable in the sense na 24/7 ay nandiyan siya. Ang coal-fired [power] ho at ang nuclear power ay 24/7 – anytime kahit natutulog ka, nagpo-produce iyong plant ng power.

May debate dito na kung sinong mas mura. Pero mayroon tayong team na pinadala sa International Committee Agency with the experts doon ‘no, three to four years ago, and they’re going back this June for an update. Pag-aaralan nila iyong presyo ulit according to global standards at existing trends dito. Pero mas mura ho talaga ang direksiyon talaga ng nuclear power kasi po kapag nag-invest ka dito, 40 years ang lifetime, nagiging 60 at mayroon nang proposal at nag-uumpisa na sila na 80 years. So, kapag mayroon kang capital expenditure, i-distribute mo sa how many years, talagang mas mura ang kalalabasan.

And this is evident to all economically progressive countries, mababa iyong cost ng power nila, mababa iyong cost of production kaya mas madaming nag-i-invest/investors doon sa mga bansa nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung iri-revive itong nuclear power plant, sa tingin po ninyo magkano kaya po daw iyong kakailanganing budget ng pamahalaan?

DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, Usec. Rocky, as of now dalawa kasi ang klase ng [nuclear power plant] ngayon na niri-recognize – the conventional type, of course ito iyong mga dati, malalaki gaya ng Bataan Nuclear Power Plant. May innovations ngayon, mayroon nang tinatawag na small modular reactors, maliliit ito – puwede mong ilagay na sa 5 meters by 5 meters na isang compartment, makakapagpatayo ka ng modular nuclear power plant dito. So ito na ang trend ngayon sa buong mundo.

Nonetheless, when we talk of the conventional type, iyong legal framework natin, are we ready? The Philippines is not ready at this point kasi dahil sa Electric Power Act ho, itong reform act or EPIRA – ang generation ho ng power ay binigay lahat sa private at tinanggal ho sa National Power Corporation which is a government-owned corporation to generate power. Kaya as of now, wala ho tayong kakayahan – ang gobyerno, na magpatayo ng nuclear power plant na conventional kasi po wala sa mandate ho ng ating NAPOCOR ngayon.

But we can align together, with the drafting or putting up of the regulatory framework, we can amend our laws to include the government among those that can fund a nuclear power plant. Pero pagdating doon sa small modular reactor po, puwede ho ang gobyerno dahil po ang National Power Corporation ay puwede siyang magpatayo ng mga power generation sa missionary areas – ito ay sa mga islands o sa mga areas na hindi konektado sa grid natin, nakikita iyong transmission line noong mga independent lang. So ito are small sources of generation of power, puwede ho magpatayo dito.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Erguiza, kami po ay nagpapasalamat sa iyong pagsama sa amin at pagbibigay impormasyon, Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., ng Department of Energy. Thank you, Usec.

DOE USEC. ERGUIZA JR.: As always, Usec. Rocky. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Manatili pong nakatutok, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Kayo po ay nakatutok pa rin sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Dumako naman po tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid sa atin iyan ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Naghatid ng tulong sa mga residente ng Burauen at Pastrana sa Leyte ang tanggapan ni Senator Bong Go dahil sa hangarin nitong mapasigla ang komunidad na apektado ng pandemya. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin ang nakalap na balita sa Cordillera, ihahatid iyan sa atin ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: COVID-19 positivity rate sa Davao City, nananatiling mababa dalawang linggo matapos ang May 9 national elections. Ang detalye, hatid ni Hannah Salcedo ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

News and Information Bureau-Data Processing Center