USEC. IGNACIO: Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio; at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina DILG Undersecretary Jonathan Malaya; Dr. Anna Lisa Ong-Lim, Board Member-Philippine Pediatric Society; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para naman sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Para sa ating unang balita: Senator Bong Go katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tinutulungan ang mga biktima ng sunog sa Agusan del Norte. Patuloy ang pagtulong Senator Bong Go sa mga Pilipinong apektado ng sunog. Nito lamang Miyerkules nagbigay ang tanggapan ni Senator Go ng mga pagkain, face masks, face shields, vitamins, mga gamot at tulong pinansiyal sa halos 70 katao na biktima ng sunog sa Barangay San Ignacio at Dumalagan, Butuan City, Agusan Del Norte. 52 out of 69 beneficiaries naman ang na-identify ng NHA na qualified para sa kanilang Emergency Housing Assistance Program. Ang DSWD, DTI, DOLE at TESDA ay nagsagawa rin ng assessment upang malaman kung sino ang qualified para sa kanilang mga nakalaang programa.
Samantala, 47 fire victims naman sa Barangay Ilang, Davao City ang binigyan ng face masks, face shields, mga pagkain, gamot ng tanggapan ni Senator Bong Go. Nagbigay din ang DTI ng 23 sari-sari store negosyo kits sa mga piling biktima ng sunog sa ilalim ng kanilang Programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa. Matatandaang nauna nang nagbigay ng tulong ang iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DSWD, DOLE, DOH, PCSO at PAGCOR.
Sa iba pang balita, kinausap ni Senator Bong Go si PhilHealth President Dante Gierran kaugnay sa hindi pa umano pagbabayad sa Philippine Red Cross para mga isinasagawang COVID-19 testing. Aniya nakikipag-usap na rin ang PhilHealth sa DBM para mabayaran ang PRC na naaayon sa procurement laws. [VTR of Sen. Go]
Upang alamin ang mahahalagang update kaugnay sa mga ipinatutupad na guidelines ng mga LGUs, makakausap natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang araw, Usec.
DILG USEC. MALAYA: Yes. Magandang araw Usec. Rocky at magandang araw po sa lahat ng ating tagapanood.
USEC. IGNACIO: Usec. unahin na natin iyong katanungan ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Bianca Dava ng ABS-CBN News: Ilang contact tracers na po ang ating na-hire sa iba’t ibang rehiyon at ilan pa po ang target nating i-hire?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Malapit na po nating makuha iyong ating target na 50,000 contact tracers na alinsunod po sa Bayanihan II Act. Ang latest datos po natin na na-hire na ng DILG ay nasa 35,345 at sa numero pong ito 35,345 na 27,879 ay na-train na po natin. At ito pong mga na-train na ay na-deploy na natin sa mga iba’t ibang mga LGUs sa buong bansa. 65,000 na po ang nag-apply sa DILG for the 50,000 slots.
We have processed some 57,743 applications at lumalabas nga po dito sa mga naproseso naming aplikasyon na marami namang kuwalipikado kaya nakapag-hire na po kami ng 35,345. I would expect po na in the next week matatapos na po ng DILG iyong pagha-hire ng additional contact tracers at maidi-deploy na po namin sila sa lahat ng mga LGUs sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Madz Reso ng GMA News Desk: Reaksiyon lang po sa papayagan ng IATF na makalabas iyong edad na 15 to 65 years old. Ano po ang magiging role ng DILG to regulate this?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Ginawa po ito ng pamahalaan dahil patuloy nga po iyong pagbaba ng kaso dito sa National Capital Region [garbled] reproductive number ay nasa .88 na lamang. Sa NCR is lower at .75 and ang atin pong positivity rate ay nasa 8%. So given na ganito nga po ang [garbled] datos sa ating bansa at sa National Capital Region ay nagpasya po ang IATF na payagan nang lumabas ang ating mga kababayan from 15 to 65 years old.
Ngunit mayroon pong authority ang mga local government units na mag-impose nang mas mataas na—or mas mababa or mas mataas na age limit sa kanilang mga lugar depende po sa kanilang local situation. Ang paalala lang po namin sa mga local government units na kahit po hindi pasok dito sa 15 to 65, for example po iyong mga seniors kung ang kanilang dahilan ng paglabas ay para makapag-obtain ng essential goods and services ay/or sila po kailangan magtrabaho ay sila po ay pinapayagan ng IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Pangalawang tanong ni Madz Reso ng GMA News Desk: May update po ba sa protocols ng areas placed under the new normal category?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Doon po sa huling pinalabas na omnibus guidelines in [garbled] as of October 15, 2020 mayroon na nga po ditong tinatawag na bagong kategorya which is called the new normal category ‘no. So ito po ang tinatawag na post-community quarantine scenario.
So ang isa pong lugar na walang community quarantine in place can now be considered as being under the new normal ‘no; ngunit wala pa po itong kumpletong datos.
Ang kasiguruhan lang po ‘pag sinabing new normal ay kailangan sumunod sa mga minimum health standards ngunit iyong mga restrictions makikita natin under the Modified General Community Quarantine ay hindi na po natin makikita dito sa new normal. Dahil nga po sa new normal, it’s now under a post-community quarantine scenario.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. may nagtanong lang, halimbawa galing ka ng Metro Manila pupunta ka ng Laguna pero private car. Kailangan pa po ba daw ng requirements katulad ng—iyong mga health declaration. Ano pa daw po iyong mga kailangan kung pupunta ka sa ganoong lugar?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Magandang tanong po iyan Usec. dahil nga po doon sa pinalabas na IATF Resolution No. 79, iyon pong ating mga kababayan na tinatawag na non-APOR or iyong mga hindi kasapi sa Authorized Persons Outside of Residence [garbled] allowed to travel between GCQ and MGCQ areas for any purpose. So kung kailangan pong bumisita, kung kailangan pong—for leisure activities ay pinapayagan na po but subject to reasonable regulation by the local government units.
So as soon as lumabas po itong [garbled] na ito, sumasangguni na sa mga local government units with the Regional Task Forces para po malaman kung ano iyong mga reasonable regulations, kung anuman ang mga [garbled] at ngayon nga pong araw iyong konsultasyon ng Joint Task Force COVID Shield at ng DILG sa mga local government units.
So siguro po para mas maganda at hindi magulo, antayin muna po natin iyong magiging anunsiyo ng Joint Task Force COVID Shield kung ano iyong mga lugar na wala nang travel authority at ano naman iyong mga lugar na mga magri-require pa rin ng travel authority.
Kasi sabi nga po doon sa IATF resolution, it is subject to reasonable regulation by the local government unit. Ang ibig pong sabihin, I can foresee, Usec., of a situation wherein, for example, Baguio, mayroon pa rin silang triage doon. At for example, Camarines Norte, kapag sinabi po ng gobernador o ng local government unit na wala nang travel authority, hindi na po kailangang humingi ng travel authority at kumuha pa ng medical certificate.
So para po hindi magulo, para po hindi magkalituhan, I would advice the public to wait for the official announcement from the Joint Task Force COVID Shield and from the DILG kung anu-ano iyong mga LGUs na magri-require pa rin ng travel authority bago sila bumiyahe para hindi po sila maabala.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa pagbubukas naman ng turismo sa bansa, pinapayagan na rin po iyong pagtanggap ng mga hotels sa mga staycationers. Ano daw po iyong guidelines ninyo para dito? At puwede na rin ba silang tumanggap ng guests outside Metro Manila?
USEC. MALAYA: Ang DILG po will simply implement the regulations that were issued by the Department of Tourism. At base po sa naging kautusan ng DOT na pinirmahan ni Secretary Berna Puyat ay pinapayagan na po ang mga staycation based on the following regulations: Una po, mayroong negative antigen test; pangalawa, kailangan po mayroong certificate to operate coming from the Department of Tourism. At mayroon na nga pong sampung hotels na nabigyan ng authorization mula sa DOT. Alinsunod po sa DOT, lahat po ng guests, irrespective of age, ay puwede pong mag-staycation sa mga pinapahintulutang hotel so long as they have no underlying medical condition. At ang mga hotels po na 3 stars, at sa NCR naman ay 4 stars, ay puwede pong mag-apply para ma-accredit ng Department of Tourism.
So doon po sa tanong kung puwede na pong tumanggap ang mga hotels na ito – so long as they have the accreditation from the Department of Tourism, puwede na po silang tumanggap ng mga guests whether from the National Capital Region or from outside of the National Capital Region.
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, para naman daw po sa mga may travel goals na ni-lift na po ang restriction para sa non-essential outbound travel simula po October 21. Para lang po maliwanag sa lahat, ano po ba iyong mga requirements at guidelines bago sila payagang lumabas ng bansa?
USEC. MALAYA: Tama po iyan, Usec. Rocky, madami pong mga gusto nang lumabas ng bansa ‘no, gusto nang bumiyahe ‘no. Tama po, starting October 21, lahat po ng travel regardless of purpose ay pinapayagan na po ng Inter-Agency Task Force at hindi na po kailangang humingi ng exemption mula sa Department of Foreign Affairs.
Ang kailangan lamang po ay mayroon pong, of course, valid visa to the country of destination; mayroong confirmed roundtrip ticket; health insurance; at kailangan din po silang pumirma ng Bureau of Immigration declaration sa check-in counter that they acknowledge the risk involved in traveling. At very important po ay kailangan din mayroon po silang negative antigen result, 24 hours before hours before date of departure. Ang antigen test na ito will be facilitated by the airline itself.
USEC. IGNACIO: Okay. With the limited seating capacity po, pinapayagan na rin po iyong pagbubukas na din ng sinehan sa mga lugar na nasa MGCQ. So, ang tanong po dito, ano daw po iyong mga protocols na ipatutupad ng DILG? Kasi alam ninyo naman po, marami sa ating mga kababayan na talagang matagal na naka-quarantine at medyo nasabik na lumabas at siyempre makapanood naman po at makapag-relax kahit papaano.
USEC. MALAYA: Tama po iyan. Although madami pong naging mahilig sa Netflix sa panahon ng pandemya, kung minsan po ay maganda rin nga pumunta sa sinehan. Pero kina-clarify ko lang po, Usec., na ang mga sinehan ay pinapayagan lamang sa mga MGCQ areas, at hindi pa po pinapayagan sa mga GCQ.
Dito po sa mga MGCQ areas, ang kailangan lang pong ipatupad ay minimum health standards; at pangalawa po, they can only utilize the cinema up to 50% of the seating capacity or the [garbled]. Kung isandaan po ang puwedeng magkasya, kailangan po ay singkuwenta lamang ang makakapasok o makakapanood ng sine. And this policy, Usec., also is applicable to concerts, sporting events, religious services and work-related conferences sa mga lugar po na under MGCQ.
At kasama rin po doon sa mga lugar na iyon ay ang pagpayag sa limited face-to-face classes sa mga unibersidad at kolehiyo under MGCQ. Ngunit ito pong mga limited face-to-face classes na ito ay kailangan pong sumunod sa minimum health standards at kailangan din pong sumunod sa guidelines na ipatutupad at ilalabas ng Commission on Higher Education.
USEC. IGNACIO: Okay. Pinapayagan na rin po ang pagbubukas ng mga diving sites. So ano po iyong minimum health protocols na dapat ipatupad ng mga diving resort establishments?
USEC. MALAYA: Opo, totoo po iyan. Under IATF Resolution # 78 ay pinapayagan na po natin iyong tinatawag na recreational diving. At ang DILG po ay ipapatupad din iyong mga inilabas na pamantayan ng Department of Tourism. At base po sa datos ng DOT, marami na po silang nabigyan na mga dive sites ng accreditation.
Kailangan lang po tayong maging maingat dahil the dive sites also have to require a negative PCR test. Ibig sabihin po, test before dive – iyon po iyong polisiya na in-adopt ng DOT na i-implement po ng DILG. Guests of all ages po are open to these dive sites, except of course iyong may mga comorbidity, iyong mga buntis at may mga underlying health conditions.
USEC. IGNACIO: Siyempre po hindi maiiwasan iyong pagrenta ng mga diving gears, so paano daw po kaya ang mangyayaring pag-iingat dito? Mayroon din pong guidelines kayong ipapalabas tungkol dito?
USEC. MALAYA: Opo, Usec. Hindi nga po puwede iyong paghiraman ‘no ng mga diving gears. Bawal po iyon kasi nga po iyong pagpapahiram ay baka maging daan para magkaroon ng transmission ng COVID-19.
So sa pinalabas pong regulasyon ng ating Department of Tourism, kailangan pong magdala ng sariling scuba gear or equipment box ang mga gustong mag-recreational dive. Required din po na madalas ang disinfection, hand washing and face masks. At iyon pong mga diving resorts ay kailangan mayroong defogging solution para po sa kanilang mga guests or mga customers. At iyong mga diving boats ay kailangan din pong regular madi-disinfect para po maiwasan ang transmission ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., huling tanong na lang. So ito po bang ipinalalabas na guidelines ng IATF ay parang paghahanda na rin na posibleng mag-shift na po ang National Capital Region sa MGCQ?
USEC. MALAYA: Well, iyon po ang ating pinagdarasal, Usec., dahil araw-araw po na nasa GCQ tayo, we are losing some 19.5 billion in losses to the economy every week because of restrictions sa ating ekonomiya. At kailangan na po nating palitan ang ating polisiya from risk avoidance to risk management.
Ngunit, Usec., medyo nababahala lamang ang DILG dahil doon sa naging survey ng Pulse Asia on September 14 to 20, lumalabas na only 71% ng ating mga kababayan ay nagha-hand wash; at ang gumagamit lamang ng face masks ay 55%, at ang nagpi-physical distancing ay 33%, avoiding crowds at 28%, at iyong gumagamit ng face shield is only .01%.
So ito pong ganitong datos ay nakakabahala kasi lumalabas po na out of ten people, only seven hand washed; and out of ten people only five or 5.5 used facemask. Ngunit noong tinanong naman natin sila if they’re worried about getting COVID-19, 97% are worried or concerned ngunit hindi naman sila lahat nagpi-facemask – only 5 out of 10.
Kaya po nananawagan pong muli ang DILG sa ating mga kababayan na ang ating pinakamagandang sandata po, ang pinakamabisang sandata ng ating mga kababayan laban sa COVID-19 will always be minimum health standards. Wala namang gamot ito. Wala naman po itong vaccine pa. So the only way that we can protect ourselves and our family is through minimum health standards.
Baka lang po tayo maging complacent dahil nakikita nga natin na bumaba na ang mga kaso sa Metro Manila. Ngunit mayroon pa rin po tayong mga emerging hotspots sa mga probinsya gaya po ng probinsiya ng Batangas, Lungsod ng Iloilo, Bacolod, Iligan, Tacloban, Lanao Del Sur, Marawi. Ito pong mga lugar na ito ay nakakatala nang bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Although generally maganda po ang takbo ng ating COVID response at naku-control na po natin ang ating COVID situation. In Cebu and in Metro Manila, we have less than a thousand daily at pababa ng pababa. Mayroon pang lugar sa ating bansa na tumataas naman ang kaso.
So, we have to ensure that everybody follow the minimum health standards. Dahil kailangan po ilipat na natin ang frontline ng laban sa COVID-19 mula sa mga ospital papunta sa mga bahay. Sa mga bahay na po natin labanan ang COVID-19 at magagawa lang po natin ito kung tayo ay magiging disiplinado.
Kaya ang panawagan po ng DILG ay disiplina muna, dahil po ang tunay na bida ay ang Pilipinong may disiplina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec, kayo ba ay maglalatag ng panibagong strategy may kaugnayan dito sa survey na ito, kasi nagluluwag po tayo ng restriction and yet kasama rin tayo doon sa top 20 na mataas pa rin ang kaso ng COVID-19. So, papaano po ang gagawin ng gobyerno para po ito ay talagang maparating sa ating mga kababayan?
USEC. MALAYA: Opo. Dalawa po ang ating approach diyan, USec., iyong atin pong tinatawag na soft approach at iyong tinatawag nating hard approach.
Iyong soft approach po natin ay iyong ating intensified public health education campaign. Nandiyan po iyong BIDA Solusyon ng DOH, nandiyan po ang Disiplina Muna ng DILG, pinagsama na po natin iyan, ang tawag po ay ‘BIDA ang may Disiplina.’
Mayroon din pong ingat buhay sa mga kumpanya. Ito pong mga kampanyang ito ay mga behavioral change campaign ng ating gobyerno upang ipaalala sa ating mga kababayan ang minimum health standards. At mayroon din po kaming panawagan sa mga LGUs na magkaroon ng mga Barangay Disiplina Brigade sa bawat barangay na magiging tungkulin ng mga brigade na ito ay ipaalala sa kanyang mga kapitbahay, mga kaibigan, komunidad na kailangang sumunod lagi sa minimum health standard, kasi nga hindi pa tapos ang ating laban sa COVID-19.
At sa kabilang banda naman po, dahil alam naman po natin at tanggapin na po natin na marami po tayong mga kababayang pasaway at hindi sumusunod sa minimum health standards gaya nga po noong lumabas sa survey na ito ng Pulse Asia ay mayroon po tayong tinatawag na hard approach. At iyong hard approach naman po ay iyong ating law enforcement. At ang nangunguna po diyan ang Philippine National Police, para nga po ma-implement ng ating kapulisan iyong lahat ng mga quarantine regulations.
USEC. IGNACIO: USec. pasensiya na kunin ko na lang po iyong—alam kong abalang-abala ka. Kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating manunuod.
USEC. MALAYA: Ang amin lang po talagang panawagan para po manalo tayo sa laban sa COVID-19 ay sumunod sa mga minimum health standard gaya nga po ng aming sinabi kanina.
Nababahala po ang DILG na hindi pa po natin nape-perfect iyong adherence ng ating mga kababayan sa minimum health standards at kitang-kita naman po natin iyan sa ating pang-araw-araw na buhay na kailangang madalas ang paalala natin. So, ang maganda po niyan ay mismong sa ating mga bahay, doon po tayo magsimula ‘no. Kung makita po natin ang ating mga anak na lumalabas na walang face mask, walang face shield, iyong ating asawa o ating mga kamag-anak. Tayo na po mauna na ipaalala sa kanila, ‘oh dala mo ba iyong alcohol mo or nasaan iyong face mask mo at face shield mo?’
At siguro po maganda rin, Usec, na ipaalala sa kanila iyong 7 commandments ng pagsakay ng public transportation. Alam naman po natin iyong face mask, face shield, pero ulitin ko lang po, iyong no talking and no eating kapag sumasakay sa LRT, MRT, sa mga bus, and of course iyong physical distancing. Dahil kung gagawin po natin itong 7 commandments na ito hindi po tayo magkakasakit at hindi po tayo dadapuan ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: USec., pasensiya na po may pahabol na tanong si Vanz Fernandez ng Police Files, kumusta na daw po ang LGUs at mga barangay chairman na may mga kaso. Ano na daw po iyong update?
USEC. MALAYA: Gaya po ng inanunsyo namin mga several weeks ago, nagpalabas po ang Office of the Ombudsman ng mga suspension laban sa mga local government officials, partikular ang mga barangay officials na nagkaroon ng katiwalian sa pamimigay ng Social Amelioration Program first tranche. At ito pong mga barangay officials na ito ay na-suspend na ng kani-kanilang mga Mayor. So, they are now out of office for six months (garbled).
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Stay safe, USec.
USEC. MALAYA: Maraming salamat po at mabuhay din kayo.
USEC. IGNACIO: Dahil po sa pag-iingat sa gitna ng pandemya, apektado po ang pagpapabakuna ng mga sanggol na mahalaga para sa kanilang proteksiyon sa anumang sakit, kaugnay diyan makakausap po natin si Dr. Anna Lisa Ong-Lim, board member ng Philippine Pediatric Society. Good morning, Doc?
DR. LIM: Good morning Usec.
USEC. IGNACIO: Ayon po sa Department of Health, maaring magkaroon ng measles outbreak sa bansa sa taong 2021. Dahil diyan paano po ninyo hinihikayat ang ating mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak?
DR. LIM: Usec, salamat diyan sa tanong na iyan. Very important na maaalala ng mga magulang na kahit sa panahon ng pandemya kailangan pa ring maibigay sa tamang edad and sa tamang schedule iyong mga bakunang nakalaan para sa mga bata particularly those who are under one-year-old and also those who are under five.
So, ito po iyong regular na programa ng ating mga local health centers na ayon sa DOH, eh tumuloy din naman kahit nagkaroon ng pandemya, although maaring may mga lugar na limited iyong capacity nila or maaring iyong ibang mga assigned sa health centers ay nabigyan ng ibang assignments.
So the reminder is: Puwede pong makipag-ugnayan sa kanilang mga local health centers para alamin kung ano iyong mga schedule at matanggap ng mga bata iyong bakuna.
Also, it’s important to also coordinate with your private medical providers or pediatricians kung doon talaga kayo nagpapatingin and you can be vaccinated there as well.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kasi marami po sa mga magulang ang natatakot pong lumabas para magpunta halimbawa sa malapit na barangay para pabakunahan ang kanilang anak. Sa ngayon po paano po nakikipagtulungan ang Philippine Pediatric Society sa DOH para sa ganitong kampanya kontra tigdas at paano po talagang maa-assure itong mga nanay na pagpunta po nila sa barangay o sa ospital ay safe pa rin po sila?
DR. LIM: Iyong isang activity na pinagtutuunan ng pansin ng Philippine Pediatric Society ay itong reminders, na public reminders kasi nga baka nga nawala na sa isip ng mga magulang na kailangan iyong pagbabakuna. So, this is really more a public information campaign.
Pero siguro USec., I can share with you, sa mga private clinics karaniwan na ngayon iyong naka-schedule by appointment lahat ng dumarating na mga pasyente para nga maiwasan natin iyong magkumpul-kumpulan sa waiting room or sa ospital and even bago pa makarating iyong mga bata sa ospital, na-screen na natin ng maayos para mawala rin pangamba ng mga magulang na maaring doon sa ospital magkahawaan.
So really, it’s more managing the exposures. Tinitingnan po natin kung paano ang magandang sistema para hindi marami ang magkakasama at any one time eh mabilisan ang pagpa-process ng mga pasyente.
USEC. IGNACIO: Doc, bakit po kailangang mapaabot natin ito sa mga magulang; bakit po talagang mahalaga iyong bakuna sa kalusugan ng mga sanggol at paalala natin gaano po dapat kadalas na mabakunahan ang isang bagong silang na sanggol?
DR. LIM: Matagal na kasing kasama talaga ng public health programs itong pagbabakuna, USec. Dahil alam natin na may mga sakit na talagang lubhang nakakahawa and also wala ring gamot. So, tingnan na lang natin iyong example noong measles, ito ay naging problema natin noong nakaraang taon, umabot ng 70,000 iyong naapektuhan, under 1,000 iyong namatay and that is a very sad reality. Kasi sa panahon ngayon, bakit naman kailangan pang may mamatay sa tigdas.
So dahil nga nakikita natin na sobrang nakakahawa itong mga sakit na ito, ang tanging lunas lamang ay iyong pagbabakuna and kung nasusunod sana natin iyong regular schedule hindi naman sobrang dalas iyong kailangan na visits para mabuo iyong schedule.
Sa ating public program, may dalawang bakunang ibinibigay pagkapanganak ng bata, tatlong bakuna na ibinibigay at 6, 10 and 14 weeks at iyong huling bakuna sa measles and measles rubella at 9 and 12 months. So actually, we’re only talking about a total of 5 visits to the local health center, napaka-achievable, ‘di ba?
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., anu-ano po ba iyong mga sakit na maaring maiwasan ng isang individual sa pagkakaroon nang sapat na bakuna kasama na po siyempre ang sanggol?
DR. LIM: So siguro let’s focus first on the kids ‘no, karaniwan ang ating target eh iyong mga sakit na nakakahawa tulad ng measles, diphtheria, fourth diseases and tetanus, polio ‘no isa pang malaking focus target iyan ng ating Department of Health and Hepatitis B. So itong mga ito matagal na nating kilalang sakit, matagal na siyang kumakalat sa ating communities and dahil nga noong panahon na maganda ang ating compliance with vaccination, napakaganda ng ating protection rate. Kaso nga nitong mga huling panahon dahil sa sunud-sunod na krisis, nagkaroon nga ng pagbagsak ng compliance and ito sana iyong ating gustong mapagtuunan ng pansin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kumpara noong nakaraang taon, ilan po iyong ibinaba ng mga batang hindi nabakunahan ngayong taon?
DR. LIM: So base doon sa datos na nai-share minsan ng Department of Health sa isang press conference, kung ang tina-target nila sa bawat quarter are about 25% para mabuo iyong 100% target sa isang buong taon ‘no, iyong ni-report na 1stquarter target nangalahati lang sa ¼ so napakakonti, something like 16% lang ang na-achieve nila.
So kung ako ‘no, kung nakakarinig ako ng ganiyan lalo na bilang isang pediatric infectious disease specialist, ako ay talagang kinakabahan kasi alam naman natin na kapag nagsimula na itong pagluwag ng quarantine status, magkukumpul-kumpol na naman iyang mga tao and dahil diyan sa pagkukumpulan na iyan, iyan ang mitsa na pagkalat ng sakit.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong karaniwang laging tinatanong ng ating mga nanay. May mga nagdadalawang-isip pa rin sa kredibilidad ng mga bakuna at paano po natin sinisiguro na safe ito? Ano po ba iyong masusing prosesong pinagdadaanan ng mga vaccines?
DR. LIM: So, thank you for that question Usec. Rocky. It gives me a chance to explain na bago pa mailabas ang bakuna sa merkado, bago pa natin iyan magamit sa ating mga bata or any age group, very meticulous ‘no, napakatindi nang pagsusuring ginagawa para ma-authorize o ma-license ang isang bakuna. May apat na phases ‘no, out of which dalawa iyong laboratory-based, dalawa naman iyong tinatawag na larger human scale trials and bago pa magamit ang isang bakuna or mai-release siya commercially, hindi lang daang libo ‘no ang karaniwang ginagamit na database or information-base para masabing talagang safe and effective ang isang bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero may mga possible po bang harmful side effects itong vaccine sa isang tao?
DR. LIM: Ang bakuna naman kasi ‘no, kahit anong gamot or bakuna wala namang magki-claim na 100% ang effectiveness. Ang safety, karaniwan tinitingnan natin iyong mga madadalang nating naririnig na matitinding epekto. Pero sa karamihan, ang mga epekto lang nararamdaman eh iyong mga ordinaryong pananakit noong pinagturukan, pamamaga or lagnat and in most cases iyon lang talaga ang mararamdaman ng nabakunahan.
Now dahil mayroon din naman tayong sistema na tinatawag na adverse events following immunization monitoring, kapag mayroon mang naramdaman ang isang pasyente matapos bakunahan, iyan ang trigger para magpatingin ulit siya sa kaniyang provider para mai-report at masuri kung iyon ba ay nanggaling sa bakuna or nagkataon lang, na natiyempuhan na matapos mabakunahan ay may naramdaman siya.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kunin ko na lang po ang inyong mensahe, paalala sa ating mga kababayan partikular po sa mga magulang.
DR. LIM: Salamat sa pagkakataon ‘no Usec. na mabigyan natin ng reminder once again ang ating mga parents ‘no, ang ating mga caregivers na very important na masundan ang immunization schedule ng inyong mga anak and ito ang isa talagang napaka-effective/napakabisang paraan para makaiwas sa sakit. So although lahat tayo ngayon nakatuon ang pansin sa pag-iwas sa COVID, huwag din naman nating kakalimutan na nandidiyan pa rin ang ibang mga mikrobyo, nag-aantay lang iyan ng pagkakataon at magsasamantala kung binigyan natin ng puwang. So ang ating depensa magpabakuna para mabigyan ng magandang proteksiyon ang ating pamilya.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Anna Lisa Ong-Lim, Board Member ng Philippine Pediatric Society. Salamat po.
DR. LIM: Salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito. [VTR]
Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba pang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Aaron Bayato ng Philippine Broadcasting Service.
Pinakahuling update naman sa COVID-19 sa bansa. Mula po sa Kagawaran ng Kalusugan, muli nating makakasama sa programa si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.
USEC. VERGEIRE: Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Usec., unahin ko na iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Bianca Dava ng ABS-CBN: What is the DOH reaction to the IATF’s adjustment of age-based stay at home restrictions, allowing people from 16 to 65 years of age to go out?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ito naman pong mga ganitong desisyon ay pinag-uusapan sa Inter-Agency Task Force kung saan represented naman po lahat ng sektor diyan. At makikita naman po natin na may mga safeguards tayo kahit na magpalawak tayo ‘no or expanding the age limit dito for age na papayagan natin na lumabas.
So iyon pa rin ho ang aming paalala, iyong safeguard natin na bagama’t pinapayagan na natin ang mga ganitong edad na lumabas, gusto pa rin ho natin ipaalala na iyong minimum public health standards compliance pa rin ang makakapagprotekta sa ating lahat kung saka-sakali nga po na magtuluy-tuloy po na talagang iyong mga different age groups po natin ay mapayagan nang lumabas.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Bianca Dava ng ABS-CBN: How will the Philippine Red Cross’ decision to stop COVID-19 testing covered by PhilHealth affect our testing capacity? How are DOH negotiations with Philippine Red Cross going so far?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am, noon pong Huwebes ay nagpunta na ho ang presidente ng PhilHealth, together with its officials, to sit down ‘no with the Philippine Red Cross para pag-usapan. And it is currently being resolved, mayroon na lang ho tayong mga inaayos na mga datos para po magkaroon po tayo ng final resolution on this issue.
So nakikipagtulungan naman po ang Philippine Red Cross sa atin para lang maiayos natin ito dahil may mga kailangan pa hong mga datos para lang po makapag-comply so that we can be able to provide them the necessary payment.
Ito pong nangyaring ito, amin pong nai-reroute iyong mga specimens na supposedly for the Philippine Red Cross dito rin po sa malalaki nating laboratoryo around Metro Manila and nearby Metro Manila, katulad ng Jose B. Lingad, Lung Center of the Philippines at iba pang malaking laboratoryo. This is a temporary measure so that we will be able to complete or proceed and continuously receive specimens para po hindi ma-hamper ang operations.
Isa po sa tinitingnan natin sa ngayon ay may pathway po tayong inilagay sa Omnibus guidelines kung saan ay maaari po nating ma-determine nang mas magkaroon ng rational na testing methodology kung saan iyon pong mga OFWs that are coming from other countries na galing naman sa low prevalence, kung talaga po iyong testing would be not really accessible, we can be able to just quarantine them for 14 days; and after 14 days, they can go back to their provinces.
USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po mula kay Madz Reso ng GMA News Desk: Nag-backout po ba ang Sinopharm sa clinical trial dito sa Pilipinas? Sabi daw po kasi ni DOST Secretary Dela Peña, maaari raw pong nag-back out sila sa clinical trial dahil sa sila ang gagastos para dito; and what is your reaction on this po?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am, pagdating po sa mga ganitong usapan, ang Department of Science and Technology directly coordinates with the manufacturers. So ang Department of Health po ay binibigyan na lang kami ng information kung sino po ang kasali at hindi po kasali. So maaari po na baka ang DOST po ang makapagbigay talaga ng sagot diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pitong buwan po nang magsimula ang community quarantine, at tila naging normal na nga po sa atin iyong pagsusuot ng facemask at iba pang gawi para po makaiwas sa COVID-19. Pero mayroon kayong tinatawag na ‘quarantine fatigue,’ ano po ba ang sintomas nito?
USEC. VERGEIRE: Well, ito po ang sinasabi natin ngayon ano, iyong quarantine fatigue, after so many months of being quarantined, people feel restless; people feel anxious; they’re irritable. Mayroon po silang mga withdrawal from social withdrawal, mayroon pong mga loss of motivation because of reduced productivity. Ito po iyong mga nakikita natin ngayong mga senyales ano.
And we just advise people na kailangan lang po talaga that we will have that coping mechanism. Kailangan tanggapin din sa kani-kanilang mga kalooban na talagang we will not go back to the way it used to be and we should transition to this new normal.
So patuloy po tayong nagbibigay ng mga paalala sa ating mga kababayan so that this quarantine fatigue will not affect ‘no ito pong mga behavior na gusto nating makita sa kanila which is really compliance to minimum health standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano po iyong maipapayo ng ating DOH para sa ating mga kababayan para po maiwasan o maibsan itong quarantine fatigue?
USEC. VERGEIRE: Ito nga po iyong aming laging pinapaalala ‘no, unang-una, please stay connected. Mayroon hong mga tao kasi, they’re withdrawing from everybody because of this quarantine status that we have. Stay connected. Hindi naman po kailangang lumabas para maging connected. We can use our social media to do that. Always call your friends, your loved ones. And of course, kailangan din po magkaroon tayo ng ibang pinagkakalibangan. Kung dati lumalabas tayo para manood ng sine, para pumunta sa parke, marami ho tayong puwedeng gawin sa loob ng bahay to keep us busy and to keep us entertained.
So ito lang po iyong aming mga mapapaalala sa inyo. And hopefully, everybody gets to imbibe that behavior na papunta na ho tayo doon sa new normal, and this will be part of our new normal.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa gitna pa rin po ng pandemya, nasa 3.6 million Filipino po ang nakakaranas naman ng mental health issue. So gaano po kalaki ang naging epekto o kontribusyon dito ng COVID-19 pandemic?
USEC. VERGEIRE: Makikita ho natin ano at nababalitaan natin, Usec. Rocky, na maraming mga kababayan natin na nagkakaroon ng mga mental health issues during this time of pandemic, mainly because of fear o iyong pagkatakot, iyong kanilang anxiety dahil sa kanilang trabaho, dahil sa kanilang takot na magkakaroon ng sakit pati ang kanilang mga loved ones ‘no. So we have established this hotline, dito po sa National Center for Mental Health kung saan marami po tayong hinayr [hired] na mga professionals so that we can cater dito po sa mga ganitong mga pagkakataon na kailangang may makausap ang ating kababayan.
So nakita ho natin na talagang during this time of pandemic, tumaas po ang mga number of calls na tumatawag sa atin at tumaas din po iyong mga nairi-refer din natin to specialists. So ito po iyong nakikita natin sa ngayon, and pinapaalalahanan nga po natin ang ating mga kababayan regarding our upkeep of our mental health.
So mayroon ho tayong mga programa ngayon na inilulunsad katulad nga ho ngayon, it’s the National Mental Health Week. And we have launched in different regions itong Mental Health Week para lang mabigyan ng katugunan ano at maging aware ang tao na may programa po tayo na ganito, na hindi lang po pangangatawan ang ating gustong alagaan, pati na rin po iyong ating mental health ay kailangang pinapangalagaan din.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng COVID-19 vaccine ano na po ang consideration ng Department of Health sa pagpili ng ipa-prioritize na makakatanggap nito?
USEC. VERGEIRE: Well, nandiyan naman po iyan sa deklarasyon at pronouncement ng ating Presidente dati. At it is aligned with the international recommendations also sa pakikipag-usap namin sa mga iba’t ibang international experts, na ang sinasabi talaga kapag nagkaroon ng bakuna, ang pangunahing sektor or population group na kailangang bigyang pansin at bigyan nitong bakuna: Unang-una iyong mga healthcare workers, iyong mga social health workers both public and private; at pangalawa na rin iyong dapat vulnerable population, kasi sila iyong mga at risk talaga na magkakaroon ng sakit for us to further prevent transmission and infection in the country. So, ito iyong dalawa talagang tinutugunan na sektor na maaring makakuha pangunahin at prioritized sila pagdating ng bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. USec maaari po ba ninyo kaming bigyan ng kaunting detalye kaugnay sa gamot na Acalabrutinib na isang cancer drug na isinama po ng WHO sa kanilang isasagawang solidarity trial na kinabibilangan po ng ating bansa?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Usec., ito pong Acalabrutinib this is a chemotherapeutic drug, ibig sabihin po ginagamit po ito doon sa mga taong may cancer, specifically iyong lymphoma. Ito pong gamot na ito napag-aralan sa international, na base sa ebidensiya, it can help in oxygenation at ang nababawasan po iyong mga inflammation or pamamaga sa iba’t ibang organs ng katawan. Alam po natin ang COVID-19 ang severe complication niya is really inflammatory response ‘no. At itong Acalabrutinib, base sa mga pag-aaral na isinagawa, may ebidensiya na nagpakita na nagkaka-decrease siya nang inflammation na nangyayari sa katawan. Kaya siya ay minabuting isinama ng WHO dito sa WHO clinical na trial na isinasagawa natin ngayon dito sa bansa at sa iba pang bansa sa mundo.
USEC. IGNACIO: Kung saka-sakali, tinatayang aabot daw po sa $10 per dose ang halaga ng COVID-19 vaccine. Usec., para po sa kaalaman ng ating manunuod, ilang dose po ba ng COVID-19 vaccine ang kinakailangang matanggap ng isang tao?
USEC. VERGEIRE: Iba-iba po iyong mga bakuna na pinipresenta sa atin, but most of these vaccines that are being presented ‘no at ginagawa ngayon sa merkado ay dalawang doses po siya. So, it’s two doses for each person. Iyon pong presyo, hindi pa rin po iyan sigurado ‘no. Marami pa pong lumalabas na ibang presyo and what the government is doing right now, nakikipag-usap po tayo sa iba’t ibang mekanismo katulad noong sa COVAX facility kung saan mabibigyan tayo ng mas mababa na presyo because we will be subsidized as one of those countries na puwedeng eligible for this ‘no., and aside from that, of course we are talking with other manufacturers through bilateral partners para mas mapababa pa natin ang presyo, mas maging accessible para sa Pilipinas itong mga ganitong klaseng bakuna.
USEC. IGNACIO: opo, Usec., sa lumabas po sa ginawang pag-aaral ng Australian researcher, kayang tumagal ng hanggang 28 days ng coronavirus sa glass, bank notes at stainless steels. Ano po ang nais ninyong paalala sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Usec., salamat po. Gusto lang po naming ipaalala kahit ilang oras pa iyan, kung ilang araw pa mag-stay ang virus sa isang bagay, kung gagawin lang po natin itong sinasabi nating palagiang paghuhugas ng kamay, iwas hawak po tayo sa mga bagay, iwas hawak sa ating mga mukha kapag nakahawak tayo ng commonly touched objects, we will be prevented from having infection. So kailangan lang po lagi tayong vigilant, we are always cautious, we are always aware para po alam po natin ang gagawin natin. And ito pong minimum health standards natin ang makakapagsalba sa atin and we will ensure that we will be safe and will not be infected by this virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Iyon pa rin, Usec. Rocky pinapapaalala pa rin natin sa ating mga kababayan, let’s be part of the solution, let’s BIDA solusyon: So iyong B po – bawal pong lumabas ng walang mask; I – iwas hawak sa mga bagay i-sanitize po ninyo ang mga kamay ninyo, maghugas tayo lagi ng kamay; D – dumistansiya po tayo ng isang metro; and A – napakaimportante, alamin po natin ang tama saka totoong impormasyon. So, lagi po tayong vigilant, lagi po tayong aware at lagi po tayong cautious at magsama-sama po tayo, so that we can be able to beat COVID-19.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagpapaunlak sa aming programa, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mabuhay po kayo.
Mula sa PTV-Davao my ulat po ang aming kasamang si Clodet Loreto. Clodet?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto. Samantala dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of October 16, 2020, naitala ang 3,139 newly reported COVID-19 cases. Ang total number of confirmed cases ngayon ay 351,750. Naitala rin kahapon ang 34 katao na nasawi kaya umabot na sa 6,531 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 294,865 with 786 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 50,354.
At iyan nga po ang ating mga balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan. Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Samantala, mga kababayan, 69 days na lang Pasko na po. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, lagi pa rin nating tandaan na ang pagmamahal at pagtutulungan sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat sa pagsama sa amin ngayong araw. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo muli sa Lunes dito lamang sa public briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)