Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Sabado samahan ninyo kaming muli upang alamin ang pinakabagong update kaugnay pa rin sa tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic. Kasabay po ng inyong pagtutok sa aming programa, manatili lang po tayo sa ating mga tahanan kung wala naman pong lakad na mahalaga. Sa pag-iwas po natin sa matataong lugar ay malaking bagay na po para hindi na kumalat pa ang virus at madagdagan pa ang mga kaso natin sa ngayon. Kababayan, isa po tayo sa susi para humupa ang krisis na ito.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana; Philippine Hotel Owners Association President Arthur Lopez; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, kung mayroon po kayong katanungan sa mga panauhin ngayong araw, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Bayani kung ituring ang mga frontliners na patuloy na nakikibaka sa hamon ng COVID-19 kaya naman sumasaludo at nagpapasalamat si Senator Go sa kanilang hindi matutumbasang sakripisyo at serbisyo sa bawat Pilipino. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

Bukas po ang nakatakdang huling araw ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus bubble at tayo po ay nakaantabay sa magiging anunsiyo ng Palasyo na maaaring mangyari ngayong araw. Pero sa dalawang linggong umiral ang mahigpit na quarantine classification sa Metro Manila at mga karatig probinsiya nito, kumusta na nga ba ang naging compliance ng ating mga kababayan sa mga protocols, makakausap po natin si Brig. Gen. Ildebrandi Usana, ang Spokesperson ng Philippine National Police. Magandang umaga po, General!

PNP SPOX B/GEN. USANA: [off mic]

USEC. IGNACIO: General, ito po ay tanong din ng ating kasamahan sa media na si Bianca Dava ng ABS-CBN News: Nasa ilang libong individuals po ba, sir, ang naitalang quarantine violators sa NCR Plus at alin po sa mga protocols ang may pinakamaraming naitalang paglabag?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Well, lumalabas po for a period of 13 days mula pa ng March 29, nagkaroon na po tayo ng 47,149 violations that were caught by our police personnel who are in the quarantine control points at the same time doon po sa mga law enforcement checkpoints po ‘no.

At lumalabas po out of this number 24,224 violated the non-wearing of face shield; and then doon naman po sa non-wearing of face mask mga 12,541; and then doon po sa violation ng mass gathering 47; and violation ng social physical distancing 4,405.

All in all we have this number 47,149 however dito po sa mga nag-violate, wala naman pong mga naaresto. Karamihan po sa kanila ay binigyan lang po nang karampatang warning and others were fined based po sa mga local government unit ordinances.

USEC. IGNACIO: Naging mainit na usapin nga po iyong pagkamatay ‘di umano ng isang quarantine violator matapos mapagod sa parusang ibinigay sa kaniya ng mga pulis. Bukod po sa insidente na ito sa Cavite, may iba pa po bang naireklamo sa pamunuan ng PNP na kaparehong insidente?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Wala pa naman pong mga iba pang kaso similar to what happened to General Trias at napaimbestigahan na nga po iyong Chief of Police after na na-relieve nga po siya doon sa pangyayaring iyon na una ay dineny na po niya ‘no. But because of the investigation that was being handled by the Provincial Director ng Cavite PPO, coming from the witnesses themselves na sadyang nagsagawa nga po ng physical exercises para doon po sa mga 8 violators, isa nga po dito ay namatay dahil nga po pala may karamdaman siya ‘no. So ito po’y iniimbestigahan na, but all other cases wala naman pong mga umabot pa sa ating kaalaman po.

USEC. IGNACIO: Pero General, simula’t sapul po ba ay alam ng mga tauhan ninyo sa PNP na hindi dapat po ganito ang uri ng pagpaparusa ano po kasi ayon nga sa DOJ, dapat daw po community service lamang? Bakit ang ilan po sa kanila ay nagpapahirap o namamahiya ng mga residenteng lumabag sa panuntunan?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Actually noong nagkaroon po tayo ng ECQ, ang instruction po ng ating Chief PNP, wala pong arestong isasagawa ang ating mga kapulisan ‘no – either warning or pagmumultahin lang base sa mga ordinances ng mga local government units. Iyon pong pangyayari doon po sa walong violators, ni-refer po ito ng barangay tanod after sila’y ma-apprehend doon po sa mga pulis ng General Trias.

But one thing led to another, we learned na pinag-exercise po sila where supposedly ‘pag nasa custody ang sinumang violators, ito pong pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon dapat kukunan lang po sila ng documentation sa kanilang pagkakakilanlan tapos i-release na po sila; however, iyong dalawang pulis po ay pinag-exercise nga po at bawal po ito.

In fact kahit na po sabihin natin na mayroong panuntunan pagdating sa ordinances, ang magbibigay ng desisyon para po sila ay mabigyan ng parusa ay iyon pong korte o iyong judge. In this case, hindi po nangyari iyon. Minabuti ng pulis na pag-exercise-in na lang itong mga nag-violate. And I guess in the past maaring last year ganito rin po iyong mga naging findings namin ‘no, may mga controversial issues that have been discussed even before ‘no sa public.

And we actually are requiring our police officers to be very careful with regard to this kind of thing that they are doing on their own without the knowledge perhaps of their Chief of Police. Kaya nga iyong Chief of Police nang una’y binigyan siguro siya ng impormasyon na wala silang isinagawang physical exercises only to find out na mayroon naman po pala.

So we are not tolerating this kind at rest assured kung mayroon man pong mga ilang mamamayan na nakaranas nang hindi dapat, na naayon sa mga ordinances o ano pa mang batas na ipinaiiral this period of ECQ, ito po ay bibigyang-pansin ng Philippine National Police.

USEC. IGNACIO: General, nito ring nakaraang araw may ilang pulis po iyong na-relieve sa puwesto dahil sa paggawa ‘di umano ng isang prank video. Ano po ang mensahe ninyo sa ating mga pulis na gumagawa pa rin ng mga ganitong uri ng aktibidades?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Totoo po iyan ma’am, ito po ay wala po sa ating professional conduct and ethical standards ng ating mga kapulisan ‘no. In fact they were relieved, iyon pong dalawang pulis na mismo nag-viral iyong kanilang isinagawang prank activity at in collaboration perhaps with some few people na civilian and apparently they violated iyong ating panuntunan sa ECQ rin ‘no. So ito ho’y binigyan na ng aksiyon, mayroon pong mga 15 on rotation doon po sa pangyayaring iyon, ni-relieve din but they will be eventually replaced. But iyong dalawa pong pulis ay sadyang makakasuhan, all the others hindi naman po sadyang nadamay doon sa mga nasa istasyon and this has already been acted upon by the Regional Director.

USEC. IGNACIO: General, bigyan-daan ko lang po iyong iba pang katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Mula kay Athena Imperial ng GMA News: Iniimbestigahan na po ba ng PNP ang umano’y armadong grupo na nangangatok sa mga bahay at umaatake sa Misamis Occidental. Takot na raw po ang mga tao doon base sa post nila sa social media.

PNP SPOX B/GEN. USANA: We’ll have to secure perhaps initial information from the regional director of PRO-10 (Police Regional Office-10), and rest assured that such information will be communicated, specifically doon po sa mga concerned individuals affected po dito ‘no.

Iyon pong kung ito po ay mga armadong grupo na associated with the leftist organization, the NPA in particular, we’ll see to it that appropriate action will be taken by the police. Kung ito naman po ay maituturing ng mga nasa hanay ng gobyerno, then that will also be validated based on the pieces of evidence that we can gather from there.

USEC. IGNACIO: General, naatasan din po ang PNP na hulihin ang mga iligal na nagbibenta ng Ivermectin. May mga nahuli po raw ba kayo?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Right now po, Ma’am, mayroon pong CIDG effort to address this particular issue. The discourses include perhaps whether Ivermectin is considered as legitimately sold in the market. For now, ang FDA po ang magbibigay ng go signal sa PNP that is not yet considered as having the seal of the FDA. Therefore, the PNP would just have to take action through the CIDG based on evidence that may be gathered, including the online selling, if necessary. And I guess, the CIDG has already been given instruction by the Chief PNP about this matter po.

USEC. IGNACIO: Sir, kumusta rin daw po iyong sitwasyon ng mga persons deprived of liberty sa mga cell units? Paano ninyo raw po sinisiguradong naa-isolate iyong mga nagkaroon ng COVID-19 symptoms?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Mayroon pong proseso na isinasagawa bawat Chief of Police. Usually, bago i-refer iyon pong mga apprehended person to be placed in the custody ng ating mga kapulisan, sila po ay dumadaan po ng RT-PCR. And then sometimes, iyon pong ilan sa mga na-apprehend din, pinadadala po sila sa isang make-shift facility na guwardiyado rin, at ito naman po ay para maiwasan nga rin po ang pagkakahawa-hawa ng ilan po sa mga persons under police custody po.

USEC. IGNACIO: Okay. Sa inyo pong hanay, Sir, mataas pa rin po iyong bilang ng mga nagkaka-COVID-19, ano po. Hindi pa po ba ninyo kailangan na magkaroon ng augmentation kagaya ng hiling ng ating medical frontliners dahil sa marami sa kanila po iyong nagkakasakit na?

PNP SPOX B/GEN. USANA: Totoo po iyan, ma’am. Umabot na rin po halos nang 17,000 – to be exact 16,975 cases na nagpositibo. Right now ang active po ay 2,456; ang mga naka-recover naman po ay 14,477 or about 83% of the total number ng nagpositibo po.

Lately, may namatay na naman po kami, dalawang hanay – isang chief police personnel at saka isang non-uniformed personnel po. So umabot na po ng kuwarenta y dos ang bilang ng mga namatay po sa PNP.

And we are only hoping po na ang ating mga kapulisan will be more careful than ever. They need to really maintain iyong kanilang dapat maging panuntunan din sa usapin po ng minimum health protocols. And we are also hoping na baka magkaroon din po ng mga dagdag na vaccines, baka po makatulong po ito sa ating mga frontliners.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, PNP Spokesperson Ildebrandi Usana.

PNP SPOX B/GEN. USANA: Salamat din po, Ma’am. God bless po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, sa ibang balita: Namahagi ang outreach team ni Senator Bong Go ng ayuda sa higit limandaang indigent residents ng Limay, Bataan; ang DSWD namahagi rin ng financial assistance. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nanawagan na ang ilang grupo ng mga doktor na gawin na ring medical facility ang mga hotels dahil napupuno na ang bed capacity ng mga hospital. Pero ayon sa mga hotel owners, wala na rin daw silang maipapahiram na kuwarto sa ngayon.

Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Philippine Hotel Owners Association President Arthur Lopez. Magandang araw po, Sir.

PHOA PRES. LOPEZ: Good morning. Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Sir, gaano po ba karaming hotels iyong pinapayagang makapag-operate ngayong may quarantine? At ilan po riyan iyong naka-allocate na gamitin daw po for staycation at ilan para sa isolation facilities?

PHOA PRES. LOPEZ: Right now—sorry ha, Taglish ako dahil Chabacano ako eh, hindi ako masyadong marunong sa Tagalog.

Explain ko lang sa inyo, ang Philippine Hotel Owners Association, we have 70 owners that owns 300 hotels. Right now, all the hotels in the NCR are fully-booked. Why do I say fully-booked? Because OWWA has taken over these hotels for the OFWs that are returning back to the country.

So wala na kaming maibigay na ibang hotel para gawing isolation facilities. In fact, I met with Senator Gordon the other day, ang Red Cross is also now setting up isolation facilities in some public areas or schools. And we are donating, some in kind, beddings, food. So wala talagang makuhang hotel na. You know, maraming nagugulat kung bakit fully-booked kami. Fully-booked also because we cannot mix quarantine guests sa mga regular guests dahil baka mahawa. So very limited ang available rooms ngayon.

USEC. IGNACIO: Sir, pero iyong paggamit po ba ng government sa mga hotel bilang quarantine facilities, enough po ba ito para po mapanatili [garbled] operasyon ng inyong negosyo?

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Just enough. As you know since the pandemic, the revenues ng mga hotel bumagsak by about 80 to 90 percent, okay. So at least iyong [garbled] we are able to pay our employees who are working this time and also pay iyong electricity – as you know ang electricity namin may mga minimum usage. If you don’t make the minimum babayad ka pa rin, okay, so that’s why nakakatulong nang malaki sa mga hotel iyan; otherwise, talagang tuluyan nang magsara kami. At saka si Secretary Puyat is very helpful so you know, we always run to her if we have any issues with government. So tama lang, sapat lang.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano pong suporta na natatanggap ng mga hotels na ginagawang quarantine facilities from OWWA and from the Department of Tourism?

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Okay. From OWWA actually mayroon silang budget, so the hotels are charging them very, very minimum rates that is affordable. Like an example, iyong Bellevue Hotel before the pandemic, ang rate namin is about 6 to 7 thousand depending on the occupancy. But right now mga P3,000 lang, okay, so mataas ang overhead ng mga hotel. But sabi ko okay lang iyan at least nakakabayad kami ng electricity, nakakabayad kami ng mga empleyado – iyon ang pinakaimportante. Iyong mga owners kung may matira, okay; kung wala, wala tayong magawa.

But we are supporting the government and importante itong OWWA because ang mga binu-book nila diyan are our OFWs. We treat them as heroes as you know even in good times. So now during this need period inaalagaan din ng gobyerno, inaalagaan din iyan ng mga hotels.

USEC. IGNACIO: Sir, balik tayo doon sa issue na gawing treatment facility ang mga hotel ano po. May alinlangan po ba kayo na baka iyong mga dadalhin po sa inyong mga hotel, iyong mga positibong kaso sa inyong facilities?

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Actually nangyayari na ngayon iyan, iyong mga ibang hotel namin are classified as Oplan Kalinga, okay, I’m sure you heard of this. Lahat ng mga binu-book diyan ay positive cases, matagal na iyan and namu-monitor iyan ng Bureau of Quarantine to make sure that walang nakakalabas. Even sa OWWA hotels minu-monitor ng Bureau of Quarantine, walang nakakalabas, very strict. So that’s already happening.

Now to convert hotels to hospitals, I think that’s gonna be very difficult ‘no kasi maraming kailangan ang hospital, mas marami silang detalye ang kailangan to support patients – operating rooms particularly, okay, so I don’t know. But ang problema wala tayong mabibigay na hotel kasi kung hindi kawawa naman ang mga OFWs natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sir, hinihingi rin daw po iyong suporta ninyo na makapag-donate ng ilang mga kagamitan na puwede raw pong magamit ng ilang isolation facilities gaya po ng bed sheet at toiletries. So, ano daw po ang masasabi ninyo dito?

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Sinabi ko earlier I met with Senator Gordon, ang Red Cross ngayon ay nagsi-setup ng mga isolation facilities. Mayroong isa sa Ateneo de Manila, mayroon isa sa La Salle, okay, mayroon sa UP so we are supporting Red Cross. So we’re providing these items you have just mentioned.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, bukas po iyong huling araw ng ECQ sa NCR Plus Bubble at hindi po natin alam kung mai-extend pa ito. So ano po iyong magiging effect nito sa inyong sektor kung sakaling i-extend pa o ‘di kaya’y ibaba sa MECQ classification?

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Well kung ibababa nila sa MECQ classification, siguro puwede nang mabuksan ang mga banquet facilities based on health protocol. MICE – meetings, incentives, conventions baka puwede na natin buksan with very, very strict health protocol. So okay sa akin iyan of course.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa mga kinauukulan natin ano upang mapangalagaan din iyong inyong industriya ngayon pong may pandemya.

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Well gusto ko lang na—we’re asking for their support and understanding. Marami kasing gustong gamitin ang hotels namin pero ang sabi ko earlier wala na tayong mabibigay na kuwarto. Marami akong tawag na bakit ayaw bigyan ng mga hotels sa tawag ng Physicians Association, I forgot the name. So iyan rin ang sagot ko na wala na kaming maibigay. Wala na, wala nang [garbled].

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Arthur Lopez, ang Presidente po ng Philippine Hotel Owners Association. Stay safe po, sir.

PHIL. HOTEL OWNERS ASSOC. PRES. LOPEZ: Salamat. Thank you very much. Stay safe.

USEC. IGNACIO: Thank you. Okay po.

Samantala, tumungo naman tayo sa katimugang bahagi ng bansa. May ulat si Clodet Loreto mula po sa PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 case sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, April 9, 2021, umabot na sa 840,554 ang total number of confirmed cases matapos pong makapagtala ng 12,225 na mga bagong kaso. 401 naman po ang mga bagong nasawi, iyan po ang pinakamalaking bilang na naitala sa loob ng isang araw kaya naman po umabot na sa kabuuang bilang na 14,520 ang COVID-19 deaths sa bansa. Nadagdagan naman din po ng ating mga kababayan ang gumaling sa sakit na ngayon po ay nasa 647,683 matapos makapagtala ng 946 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman po sa kasalukuyan ay 178,351.

Update sa sitwasyon po sa bansa sa gitna nang mabilis na pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19, ating alamin mismo kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na po, alam namin kayo’y abalang-abala ano po. Ito po ay tanong ni Red Mendoza ng Manila Times at maging ni Bianca Dava ng ABS-CBN: Muli daw pong sumampa nga sa mahigit 12,000 ang reported cases kahapon. Ikinababahala rin ng marami iyong all-time high COVID deaths na umabot po sa 401. Ito na raw po ba ang masasabi nating surge ng mga namatay dahil sa COVID-19 at may posibilidad po ba na tumaas pa daw po ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So tinitingnan natin ngayon ang trends ng deaths, nakikita po natin that the number of deaths are increasing. Ito pong 401 na ito, 11% or 45 happened in February, 72% or 287 happened in March and 49 or 12% happened in April. Ito po iyong continuous kasi na nagba-validate tayo ng deaths and the sources of information will be coming from the local government then the hospital. Kaya po iyong iba dito nakukuha natin noong last month pa or noong iba pa hong mga buwan dahil nga po ngayon lang naba-validate iyong deaths. Pero ‘pag tiningnan natin, recent naman po itong March and April and we can see really that the cases of deaths are increasing.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Bianca Dava ng ABS-CBN: Ano raw po iyong details ng 401 na deaths reported yesterday at kailan po ito at saan daw po ang mga lugar na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon po ‘yung sinabi ko kanina Usec. Rocky, ang mga 401 – pito po namatay noong January, noong February 45, noong March 287 at noong April po 49 ang namatay.

‘Pag tiningnan naman ho natin kung saan mga nangyayari ito, pinakamadami po ng mga deaths na ito nangyari sa Region III at 46%, sa Region IV-A at 23%, sa NCR po at 13% and sa Region VII at 10% at iyong iba po ay maliliit na porsiyento na lang sa ibang rehiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ba iyong dahilan na nakikita ninyo bakit po parang late nairi-report itong mga datos na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang isang issue po natin kasi, when we get our source from the hospital, the data is complete – nandiyan po iyong cause of death, nandiyan iyong date of death so wala ho tayong problema, agad-agad nating nairi-report iyan. Ang medyo nagkakaroon tayo ng delays would be coming from our Disease Reporting Unit sa local government kasi usually when they get the data from their deaths, hindi po kumpleto – walang cause of death, walang date of death. Hindi po natin puwedeng itala sa official tally natin kung hindi po kumpleto ang detalye kaya kailangan pong mag-verify pa with local government at saka ibinabalik sa atin.

USEC. IGNACIO: Okay. Nakapagpaliwanag na rin po ba daw iyong mga laboratoryo na nagsara noong Holy Week kung kaya’t bumaba daw po iyong bilang ng mga na-test sa panahon na may surge tayo?

DOH USEC. VERGEIRE: Amin pong iniimbestigahan ano and we were able to send out letters para lang po malaman natin na kung bakit despite the memorandum that they should remain open, they have closed ‘no especially during this critical period. Kaya nga po tayo ay nagpapaalala uli sa ating laboratories na kailangan bukas tayo kahit holiday and weekends this time na mataas po ang ating mga kaso because it affects our case bulletin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bukas po iyong last day ng pag-iral ng ating ECQ. Ano daw po ang magiging rekomendasyon ng Department of Health, kailangan po bang i-extend pa natin nang isang linggo ang ECQ or pupuwede po tayo ay mag-MECQ?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon nag-uusap pa ho ang IATF regarding this matter. We will give you information after the meeting pero we are expanding already our capacity to accommodate patients. Sa katunayan po, ngayong hapon bubuksan na po iyong 900 plus bed capacity ng National Center for Mental Health kung saan mag-a-admit tayo ng mild and moderate cases. Nakapagbukas na rin po tayo ng ekstensiyon ng ating mga ospital, these are modular hospitals in different hospitals in Metro Manila. Mayroon na rin pong mga tinatayo na mga extension na mga temporary treatment and monitoring facilities para lang po maka-accommodate tayo nang mas maraming mild and asymptomatic at hindi po nila mapuno ang ating mga ospital.

USEC. IGNACIO: Usec., pansamantala munang sinuspinde ng Department of Health iyong pagbabakuna ng AstraZeneca sa edad na 59 pababa. Hanggang kailan daw po ito tatagal at ano din daw po ang mangyayari sa mga nakatanggap na noong initial shot; mababakunahan pa rin ba daw po sila ng second dose?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. ‘no. Kailangan po nating klaruhin sa ating mga kababayan, this is a temporary suspension, it is a precautionary measure because of the reports that we have received from the Global Health Referral Network natin na sinasabi na nagkaroon nga ng relasyon itong adverse event na ito dito sa bakuna.

Ito pong pagti-temporarily suspend natin, pag-aaralan po ng ating mga eksperto itong sinasabing mga ganitong incidents na adverse events at saka inaantay po natin ang rekomendasyon din ng WHO.

So for this precautionary measure, maybe it’s just going to last about 2 weeks for us to have all of these recommendations at kung positive naman po ang rekomendasyon, tayo po ay magtutuluy-tuloy dito sa pagbabakuna ng AstraZeneca.

Iyon pong mga nabakunahan na ng AstraZeneca, hindi naman po kailangan mangamba. Unang-una, iyong adverse event na ito, wala pa ho tayong nanu-note na ganiyan dito po sa ating country kaya nga sinasabi natin precautionary measure lang ‘to.

Ang second dose po ng mga nabigyan na ng AstraZeneca would be around end of May pa or June kaya alam po natin na darating iyong AstraZeneca vaccines from COVAX and also iyong recommendation ng WHO aantayin natin para maituloy po natin itong pagbabakuna na ito.

USEC. IGNACIO: Usec., bigyang-daan lang natin iyong tanong ng kasama natin sa media ano po. Mula kay Kris Jose ng Remate, ito rin po iyong tanong ni Athena Imperial ng GMA News: Reaksiyon po sa ulat na pumanaw po ‘di umano ang isang miyembro ng Manila Police District o MPD dahil sa COVID-19 kahit nabigyan na daw po ito ng first dose ng Sinovac. Patunay po ba ito na kahit nabakunahan na ang isang tao laban sa COVID-19 ay maaari pa rin daw pong mamatay kapag dinapuan ng virus?

DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyan ano. Kailangan po nating alalahanin na ang full effect ng bakuna ay makukuha ninyo mga 3 to 4 weeks after you get your second dose. So halimbawa nakakuha ho kayo ng first dose, hindi pa ho ganoon kataas ang antibody titers natin to give or to receive the full protection of the vaccine.

Kaya po namin laging ipinapaalala na kahit na nabakunahan na tayo, kailangan pa rin nating magtuluy-tuloy mag-ingat dahil puwede pa rin ho natin makuha ang sakit at maaring iyong epekto nga noong bakuna ay hindi pa rin tumatalab sa ating katawan dahil first dose lang at maari pa rin ho tayong magkaroon ng mga ganitong incidents.

USEC. IGNACIO: Follow up question po ni Red Mendoza pa rin: Dapat po bang mabahala ang publiko na nagbabalak na magpaturok ng Sinovac dahil sa usaping ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi po dapat mabahala ang ating public regarding this matter. Kailangan po nating maintindihan ang sitwasyon. Usually, sa pagkaka-analyze namin ng mga datos ng mga nagkakaroon ng COVID-19 pagkatapos ng kanilang injection ay nakikita ho natin that the persons were already incubating during the time that they were vaccinated. Ibig sabihin, sila po ay na-expose na bago sila nagpabakuna at nag-manifest ang symptoms nila pagkatapos nilang bakunahan.

But ayon po sa pag-aaral ng ating mga eksperto, wala talagang direct link iyong pagkakaroon nila nitong COVID-19 with the vaccine which is Sinovac.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Red Mendoza: Ano raw po ang dapat na sanction sa mga barangay na tumatanggi na serbisyuhan ang mga pasyenteng may COVID? Ano po ang mga hakbang ng DOH para mas maging proactive ang mga barangay sa paghahanap po ng kaso?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, katulad ng lagi nating pinapaulit-ulit ‘no, ang local governments ngayon are leading the response; at ito pong mga barangays natin ay napakaimportante. So iyon pong sanction ay DILG can sanction them if they refuse to accommodate the patients kasi sila po ang inaasahan ng ating mga kababayan.

Mayroon po tayong tinatawag na CODE Strategy na naipag-utos na na gagawin sa bawat barangay. So kailangan lang pong tumugon ang ating local governments dahil sila po talaga ang inaasahan ng ating community, and even government is relying on them to have this effective response.

USEC. IGNACIO: Pahabol po na tanong ni Red Mendoza: Nagsabi po ang DOST na hindi po kailangan ng clinical trial ng Ivermectin dito sa bansa. Dahil po ba dito ay magbabago na raw ang pananaw ng Department of Health pagdating sa clinical trial ng Ivermectin dito sa bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan nating klaruhin iyan, Usec. Rocky. DOST said, hindi na kailangan ng clinical trial ng Ivermectin dito sa bansa kasi marami nang ginagawang other clinical trials in other countries. So parang sinasabi nila, baka hindi na efficient for government na magsagawa pa ng isa pa para dito; Hintayin na lang natin iyong resulta ng mga clinical trials from the other countries. Pero hindi diyan sinabi na because hindi na nila nirirekomenda ang clinical trial ay maaari na nating gamitin ang Ivermectin. Kailangan pa rin natin ng further evidence para masabi natin kung talagang puwede na nating gamitin and it’s going to provide protection to the public.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Isay Reyes: Ngayon po na may compassionate use na ang Ivermectin, ano po ang pros and cons na tinitingnan natin and posibleng side effects na dapat bantayan?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan din nating klaruhin iyan, Usec. Rocky. The compassionate special permit is a clearance or an authority given by FDA to specific doctors or to specific hospitals. So ibig sabihin, hindi po ito registration mismo, na rehistrado na iyong gamot. Meaning, you cannot still distribute or even market these kind of medicines. Gagamitin lang iyan ng doktor na nagpaalam sa FDA na gagamitin niya sa pasyente. So iyong doktor po ang accountable for the specific patient na gagamitan niya iyan base po doon sa sinabi niya sa FDA na kung paano niya gagamitin.

USEC. IGNACIO: Opo. Si Isay Reyes po ay mula sa ABS-CBN. Tanong naman po ni Bianca Dava ng ABS-CBN pa rin: Despite the implementation of lockdowns and strict minimum health protocols and the start of vaccinations, we are still daw po seeing record high COVID cases. What could be the factors behind the continued increase?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan po nating maintindihan, Usec. Rocky, na ang sakit na ito, COVID-19, has an incubation period of 14 days. So ibig sabihin, for example, iyon pong lumabas na kaso natin kahapon, nangyari na po iyan 14 days prior to yesterday. So iyon pong epekto nitong mga ginagawa natin, hindi pa ho natin nakikita dito sa mga kasong ito.

Katulad po noong nangyari sa atin noong July and August, noong nag-two weeks tayo na ECQ, ten days after nitong July and August na ECQ na ito saka natin nakitang bumaba ang kaso. And about three to four weeks after, saka natin nakita na nag-decongest ang ospital.

So ganoon din po ang expectations natin dito because the incubation period of the virus kin an individual is 14 days.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong naman po mula kay Athena Imperial ng GMA News: Kung mag-isa po sa bahay ang COVID patient na may mild symptoms like fever, cough and sore throat, ano po ang mga dapat gawin? May recommended po bang inumin na home remedy?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayong telemedicine hotlines that we have been blasting in our social media platforms. Pinakamaganda na rin po ay tayo ay kumonsulta dito para magkaroon nang mas tamang paggagamutan. Hindi po pare-pareho sa bawat tao, iyong iba cough lang ang mayroon, iyong iba sipon lang, iyong iba nilalagnat lang kapag mild symptoms.

Ang importante pong matandaan ng ating mga kababayan na nasa bahay with mild symptoms, any sign na nahihirapan silang huminga, they have to call their local government so that they can be facilitated to a hospital.

USEC. IGNACIO: May follow up lang po si Isay Reyes ng ABS-CBN News: Ano po ang side effects na nakikita natin for Ivermectin base po sa pag-aaral? At ano raw po iyong pros and cons nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, ayon doon sa mga clinical trials na sinasagawa ngayon across the different countries, ang usual naman po na mga side effects ng Ivermectin given at that low dose would be gastrointestinal symptoms, iyon pong mga usual sa isang gamot.

Pero mayroon pong isa na nagsabi that doon sa isang study na mayroon ding neurological side effects especially when taken in high doses. Kaya dito po dapat mag-ingat talaga ang ating mga kababayan especially na hindi pa po rehistrado ang Ivermectin dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Athena Imperial: May recommendation na po ba ang DOH tungkol sa quarantine status? Ibababa po ba o iri-retain? So sinabi ninyo nga kanina, Usec., na pinag-aaralan po at pinag-uusapan pa sa meeting.

Tanong po ni Rida Reyes ng GMA News: After two weeks ECQ, hospitals have remained congested with more health care workers getting infected and being put under quarantine. Ngayon daw po iyong ika-12, so tinanong din niya kung kailan daw po mararamdaman iyong epekto ng isinagawang ECQ? Bale binanggit ninyo na rin iyan kanina.

Ang susunod pong tanong ni Rida Reyes: Ilang porsiyento na po ba ng ating health care force ang natitira para umalalay sa pangangailangan ng COVID patients sa buong bansa since marami na rin pong nagkakasakit o naka-quarantine?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So hindi naman po talagang depleted nang husto ang ating mga health care workforce. Mayroon po tayong mga healthcare workers that are infected currently na talagang naka-quarantine o ‘di kaya ay naka-admit sa ating mga facilities. Pero nagdi-deploy po tayo ng karagdagang ngayon. We were able to deploy already 100 plus last week, and then ngayon pong susunod na mga araw ay mayroon pong another 90 plus na manggagaling po iyan sa iba’t ibang regions. And we are continuously hiring our personnel para po madagdagan pa itong mga cadre natin of health care workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up ni Rida Reyes: Masasabi po ba natin na nasa critical level na itong ating health care force natin?

DOH USEC. VERGEIRE: Ito pong critical level na tinatawag, depende po iyan ano. Kasi hindi naman po pare-pareho ang setting natin sa bawat ospital. So kapag tiningnan po natin, our Level III hospitals right now, operational pa ho tayo ‘no. Although kasi, ang nangyayari ngayon, aside from health care workers being infected, iyon pong mga tao natin from other non-COVID units of the hospitals are already being used para po dito sa COVID wards natin.

So, may mga ospital tayo na hindi muna nagpapa-outpatient ng kanilang ospital; iyong iba iyong mga elective surgeries, tinigil muna para iyong cadres natin ay mas maging focused tayo dito sa mga COVID wards natin.

So, saying its critical is part also of the health care utilization natin kapag ina-assess natin. Once a hospital is at that critical risk, kasama na po ang health care workers component diyan.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Advisable po ba ang pag-inom ng Lianhua Qingwen habang hindi pa nababakunahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Ito pong Lianhua na Chinese medicine has been registered by FDA. At ito po, kailangan maintindihan ng ating mga kababayan, ito pong gamot na ito ay ginagamit po ito doon sa China kung saan siya mina-manufacture para magkaroon ng relief of symptoms sa mga tao because of flu. So ito po, pinasok dito sa atin, kung saka-sakaling ginagamit ng ating mga kababayan, kailangan hindi sila complacent; hindi sila magkaroon ng false sense of security because this will just relieve their symptoms.

Now, if you are taking that tapos babakunahan kayo, sa tingin ko naman ay wala naman pong isyu iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health, at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Paalala lang po: Sumunod at makiisa po tayo sa mga ipinatutupad na health protocols – mag-mask, hugas, iwas. Ingat po tayong lahat.

At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center