USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Update sa nagpapatuloy na bakunahan, disaster response sa pagpasok ng tag-ulan at issue sa reclamation project sa Coron, Palawan, ilan lamang po iyan sa mga isyung tampok natin sa talakayan ngayong araw ng Biyernes. Manatiling nakatutok. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa pagbabalik ng sesyon ng Senado kahapon, inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang tatlumpung local hospital bill na naglalayong mapahusay pa ang health services sa bansa. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Muli po tayong makibalita sa mga isinasagawang bakunahan sa bansa at iba pang pagtugon ng health department sa gitna po ng mga banta sa kalusugan. Muli po nating makakasama ngayong araw si DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa usapin ng COVID, kumusta po iyong vaccination rollout sa nakalipas na linggo?
DOH USEC. CABOTAJE: As of May 26, mayroon na tayong 73.7 million na mga nabakunahan na first, at least, one dose. Tapos iyong fully vaccinated natin ay nasa 69.1 million or about 76.87% of the population. Medyo tumaas na nang konti. Nakaka-two hundred thousand a day jabs na tayo compared to about less than hundred thousand during at bago mag-eleksyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pagdating dito naman sa pamamahagi ng second booster dose sa eligible population, masasabi po ba nating nag-increase iyong … partikular po sa mga senior citizens? May nabanggit na nga kayo na medyo tumaas po, pero isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kasi kay Red Mendoza ng Manila Times: Marami po ba raw iyong nagti-take advantage ng second booster dose simula noong in-expand ito sa A1 at A2?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky, mayroon na tayong mga … as of May 25, A1 na 36,000 na nabakunahan ng second booster. Tapos sa ating A2, mas marami iyan, mga 83,000 na tayo sa ating second booster ng senior citizen para ang total natin ng second booster ay 171,000. Naglalaro lang tayo sa mga less than 50 pero tumaas na, mga hundred thousand na ang tinaas nung binuksan natin sa A1 at saka sa ating senior, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na rin daw po iyong vaccination drive sa ilang mga lugar na mababa raw po iyong bakunahan, tulad daw po sa BARMM, sa Quezon Province at ilan pang mga rehiyon? May nakikita po bang problema raw sa vaccination sa mga lugar na ito, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: Sa BARMM, nagkaroon sila ng special vaccination day noong May 11 to May 20. We were also in Marawi. Maganda-ganda ang pagrampa ng bakunahan nila noong special vaccination days. So tumaas naman ng bahagya iyong ating BARMM. They were able even to one day, in one area, 500 ‘no – that is more than the average jabs per day.
Sa Quezon, binabantayan pa rin natin. Nagkakaroon tayo ngayon ng micro planning sessions. Ibig sabihin, titignan natin kung ano ba [garbled] pagbabakuna sa mga areas na mababa. They are currently doing sessions with Region XII. We finished Palawan and Masbate. And then, we are doing Quezon and Negros next week.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: Achievable daw po ba iyong target na 77 million fully vaccinated Filipinos by June 30? May bago bang strategies po bang ipatutupad para daw po bumilis ito pong pagbabakuna at mas marami pa ang maiengganyong magpabakuna?
DOH USEC. CABOTAJE: They are at 69 million. So para 77, mga six million pa. Yes, with great effort, we hope we can achieve the 77 million. Pinag-iibayo po natin iyong ating bakunahan sa ating mga five to eleven years old. We were encouraged sa BARMM kasi maganda iyong coordination ng ating DepEd at saka iyong ating mga local government units. Tumataas iyong bakunahan.
Ang isang sistema sa BARMM, kailangan kasi iyong parang pinaka-ulama, iyong patriarch ng clan ay makumbinsing magpabakuna para sabihin niya sa lahat ng mga kasama niya sa clan na magpabakuna.
And mas maganda ang reception in some areas of vaccination of COVID for the five to eleven, kasi nasanay na iyong mga bata pati iyong mga parents ay alam na nila na may mga bakuna na dapat sa mga bata – iyong mga regular immunization. So even in BARMM, maganda iyong ating pagbabakuna.
That’s one. The second strategy, iyong mga … nagpo-focus tayo sa mga low performing areas para makita kung paano natin tataasan. Siyempre ang isang napakalaking kailangan nating gawin, hanapan iyong mga hindi pa nakaka-second dose kasi sila ang magpapataas ng ating fully vaccinated na mga datos.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumpara dito sa four-door alert system ng DOH dito sa COVID-19, ano raw po iyong kaibahan ng sistema dito naman sa surveillance ng monkeypox sa border po ng bansa? May sapat po ba raw tayong kakayahan para ma-detect itong monkeypox?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, halos pareho ang further policies sa COVID-19 at saka monkeypox. Ang Kagawaran ay nag-i-emphasize na importante iyong isolation and quarantine for various kinds of communicable diseases [garbled] nakakahawang [garbled]. So higit na mahalaga ang pagbubukod upang hindi na maikalat pa ang virus sa ibang kasama sa bahay.
So be rest assured that the DOH is working hand in hand with all our stakeholders for preparation should the monkey virus enter the country. Alam naman natin, door one, istriktong border control for countries, for travelers coming from high-risk countries and areas as primary level of defense.
We were informed by the Bureau of Quarantine na wala namang direct flight from the affected areas. At the point of layover ay nai-screen na. Nevertheless, we will have to look at fever surveillance and other questions for those who may have been coming or who had pass through these areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw naman iyong turnaround time para naman sa genome sequence ng monkeypox samples? May ganito ba tayo, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. According to the Philippine Genome Center ay five to seven days po ang turnaround time para makita iyong ating genome sequencing [result] niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, alam naman natin na talagang tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya, pero paano naman po nakaalerto daw ang mga ospital sa bansa para naman dito sa posibleng kaso ng monkeypox?
DOH USEC. CABOTAJE: Babalikan din natin iyong basic natin na minimum public health standards to prevent monkeypox transmission, iyong magma-mask tayo, airflow na maganda, tapos clean hands – mask, hugas, iwas and physical distancing – these will protect us against COVID-19. And then ini-intensify natin iyong screening sa ating mga borders and ensuring the surveillance systems are actively monitoring the situation.
USEC. IGNACIO: Opo. Sakali lang – pero huwag naman talaga sanang makapasok ito sa bansa, ano po – masasabi po ba nating handa ang ating healthcare facilities para dito, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. The basic infection control ay pareho at nasanay na tayo actually, nakapag-exercise na tayo with COVID-19. Titingnan lang natin kung ang sakit ba na ito, na virus ay monkeypox. We are looking also at the probable symptomatic treatment kung mayroon and they’re looking sa prevention for possible vaccination.
So, we coordinate with our global authorities kung ano pa ang puwedeng gawin for monkeypox control.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong lang po ni Athena Imperial ng GMA News: Ilan na daw po ang expiring COVID-19 vaccine? Ano ang gagawin sa mga ito at ano po ang update sa second booster?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong second booster, nasabi ko na ‘no, we have a total of about 171,848 second booster. Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by the end of May. But hanggang June, we are expecting – kung hindi ma-jab – about almost two million, kung hindi magamit by end of June.
On May 4, 2022, the DOH submitted a demand forecast of 34 million doses of COVID-19 vaccines. Ito iyong parang pampalit ng nag-expire na at saka iyong puwede nang ma-expire which includes brands such as Sinovac, AstraZeneca and Pfizer.
From the communication we received from COVAX, replacement for vaccine includes vaccines from all sources. So, hindi lang po iyong galing sa kanila, but they will also consider some of the vaccines that have been procured by the national government, even our private sector and our local government, pero tuluy-tuloy pa rin ang ating coordination with the COVAX.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up lang po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: Iyon daw pong sa mga paghahanda para sa turnover ng vaccination program to the next administration, magpapatuloy po ba ang NTF at NVOC under the new administration?
DOH USEC. CABOTAJE: We will leave it up to them. But the IATF na siyang overall ng NTF at saka ng ating Vaccine Cluster, is prepared to handover the documents and to brief. We just await kung ano iyong directions ng susunod na administration.
Of course, we will also defer kung sino man iyong bagong Secretary. Alam naman natin that the IATF is lodged with the Department of Health, tapos iyong mga measures, iyong vaccination are largely with the Department of Health.
Dito naman sa Kagawaran ng Kalusugan, we are now endorsing to the different concerned bureaus para ma-institutionalize iyong dati nang ginagawa ng ating National Vaccination Operations Center including iyong sa ating IATF, iyong tatlong cluster natin – Response, Vaccination at saka iyong Integration.
So, bahala na po ang susunod na administration kung ano po iyong direksiyon – kung magkakaroon sila ng inter-agency, [kung] itutuloy ba iyong parang structure ng NTF o gagawa sila ng panibagong structure.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kaugnay naman po sa dengue cases sa ilang lugar daw po dito sa Western Visayas, kumusta daw ang monitoring ng DOH dito? Manageable pa po ba itong naitatalang [mga] kaso, USec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky, manageable ang cases. From January to April 30, 2022 ay mayroon na tayong 22,277 dengue cases, so tuluy-tuloy po ang pag-monitor natin. And iyong mga kaso ay 15% lower compared to the reported cases during the same [period last] year. Medyo tumaas lang po nang kaunti noong week 12 to 16, mas mataas nang kaunti kaysa sa same period last year.
Most of the cases are reported from Region III – 13%, [which is] about 2,858 cases; Sa Region VII, ito po iyong 2,905, another 13%; and sa NCR, may 10% po tayong reported cases, [equivalent to] 2,339 cases. And nationally, there were about 126 deaths reported, so about 0.6% case fatality rate.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kuhain ko na lamang ang iyong palagiang paalala sa ating mga kababayan lalo na po iyong may mga sintomas na pala, pero baka hindi na alam na dengue ito. Go ahead po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Sa dengue po, mayroon tayo iyong 4S kontra dengue:
Search and destroy breeding place. Ngayong tag-ulan, tingnan natin iyong ating mga flower vases, iyong ating mga gilid-gilid where you have accumulation of water;
Secure self-protection. Mag-long sleeves, tapos tingnan nating kung may proteksiyon tayo laban sa kagat ng lamok;
Seek early consultation. Importante iyan ‘no, huwag mong sabihing nagfi-fever ka [ay] COVID iyan, baka puwedeng dengue iyan;
And then kung marami-rami ang cases sa isang area, support natin iyong fogging and spraying in hotspot areas.
So, to minimize deaths, importante po iyong immediate referral o magkonsulta; kung hindi naman puwedeng makapunta sa immediate health facilities, puwede namang mag-teleconsult. Siyempre, inabisuhan na natin iyong ating mga health facilities to prepare for an increase in admission, especially sa mga bata na mas prone sa ating dengue cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay talaga namang palagiang nagpapasalamat sa iyong panahon na ibinibigay sa amin, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.
USEC. IGNACIO: Paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan at iba pang mga kalamidad na posibleng tumama sa bansa ang atin namang kukumustahin; kasama po natin si NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.
Magandang umaga po. Welcome back po sa Laging Handa, Sir Mark.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po. At sa lahat po ng mga kasama natin at mga kababayan, good morning po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Sir Mark, paano po naghahanda ang NDRRMC para sa panahon ng tag-ulan? Paano na kahanda ito daw pong mga lugar na madalas tamaan ng malalakas na bagyo?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama po kayo diyan, Usec. Rocky, dahil nagsisimula na nga pong muli ang pagbuhos ng ulan dito sa ating bansa dahil rainy season na naman ay ipinapaalala po ng NDRRMC sa ating mga local government units at mga disaster managers ang tamang kahandaan po para sa kahit anong emergency na bunsod po nitong panahon na ito.
Kasama po diyan iyong maagap na paghahanda ng mga evacuation centers na tutuluyan ng mga kababayan natin kapag panahon po ng emergency. Iyong paghahanda din po sa stockpiles ng mga relief items na gagamitin sa locality. Kung kakailanganin iyong pagbili at pagbuo muli ng mga stockpiles na ito lalo na kung nagamit last time. At iyong kahandaan din po ng mga search and rescue teams sa locality pati iyong mga assets, mga vehicles na ginagamit.
Ang ating mga government agencies naman po sa national level ay handa na din po para po sa ganitong panahon dahil tuluy-tuloy naman po ang ating mga pagsasanay at iyong pakikipag-ugnayan natin sa isa’t-isa para po masigurado na lahat po ng mga papel ng ating mga government agencies ay maisagawa nang maayos at maagap kapag ganito pong may emergency.
USEC. IGNACIO: So far pagdating dito sa disaster response, ano iyong mga naging improvements sa mga nakalipas na taon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Ang nakakatuwa po dito, Usec. Rocky, ay alam niyo naman na patuloy na umuunlad iyong sistema natin for disaster management lalo na sa parte ng response.
Mas maagap po ang ating bansa sa ating mga paghahanda. For example, sa bagyo po ay wala pa po sa Philippine Area of Responsibility iyong bagyo nagpi-pre-disaster risk assessment na tayo at tinutukoy na po natin kung saan puwede po itong dumaan at kung ano ang magiging epekto po nito.
Dahil natukoy na po natin iyan nang maagap, iyong tamang kahandaan po sa prepositioning ng mga relief items, prepositioning ng mga search and rescue teams, mga kagamitan, at mga kakailanganin pang mga equipment ay naisasagawa po natin.
Ang local government units naman po ay mas maagap na ngayon dahil alam po nilang gamitin iyong hazard mapping, na-tag na po iyong mga areas na danger zone. So, wala pa po minsan iyong bagyo, tirik pa iyong araw any nakakapagpa-evacuate na iyong ating mga LGUs para masiguradong maalis iyong ating mga kababayan from the danger areas.
At, Usec. Rocky, dahil tuluy-tuloy nga po iyong pagmu-modernize ng ating Armed Forces of the Philippines ay natutuwa po kami kasi iyong mga Black Hawk helicopters natin, iyong mga bagong barko ay malaki po ang naitutulong sa ating mga disaster operations kasama iyong search and rescue pati iyong delivery and transport ng mga relief items.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, hindi na bago sa atin na tinatamaan tayo ng malalakas na bagyo, ano po? Pero masasabi po ba natin na disiplinado sa usapin ng maagang paglikas ang ilan nating mga kababayan tuwing may banta na po ng kalamidad?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Sa totoo lang po, Usec. Rocky, compared to the previous years, noong hindi pa masyadong naa-appreciate ng mga kababayan natin iyong value ng preemptive evacuation ay mayroon talagang nagrereklamo, mayroon talagang nagri-resist, kasi nga naaabala talaga sila at iyong iba ay kampante sila doon sa kinatitirikan or kinalulugaran nila.
Pero matapos po iyong mga matitinding pinagdaanan nating mga calamity ay mismong mga kababayan na natin ang nagtatanong sa kanilang local government units kung dapat na bang magpa-evacuate.
Sila po ay mulat na dito sa mga panganib na ito at alam po nila iyong mga dapat nilang gawin. Patuloy pa rin po iyong ating education campaigns para diyan, para masigurado na alam ng mga kababayan natin ang lahat ng mga hakbangin na dapat gawin kapag ganito pong panahon.
Tumataas po ang kooperasyon ng ating mga kababayan at ang layon po natin ay mapanatili po ito para masigurado pong ligtas ang mga communities natin.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang, Sir Mark, itong kasamahan natin sa media, mula po kay JP Nuñez ng UNTV: Na-identify na daw po ba ng NDRRMC iyong lahat ng mga danger zones sa bansa para hindi na daw po tirahan ng tao at makaiwas sa sakuna?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama po kayo diyan, Usec. Rocky at saka kay Sir JP.
Mayroon po tayong National Hazard Mapping Program at itong mga hazard maps na ito ay naibigay na natin sa mga local government units. Nagpa-training na nga din tayo sa kanila noon pa para mas maintindihan nila at mas magamit itong mga hazard maps na ito.
Pero po kung ang layon po, iyong sa tanong nga ni Sir JP na huwag nang tirhan at mayroon pong mga areas po talaga na hindi na dapat tinitirhan. Pero may mga areas naman po na hindi naman nandoon palagi iyong panganib. So, ang ginagawa lang po doon sa mga areas na iyon ay iyong tamang paghahanda, laging handa dapat iyong mga kababayan natin na nakatira doon at nakikipagtulungan sa pamahalaan kapag may nakaambang panganib lalo na po iyong flooding kasi hindi naman araw-araw po ay lubog sa baha iyong mga ibang areas at mayroon tayong mga flood control programs naman na isinasagawa at naisakatuparan na. Ito pong mga ito ay isa sa mga konsiderasyon na laging mayroon ang ating local government units.
At ito pong pangangalaga sa mga kababayan natin, kasama po diyan iyong paghahanda pati na rin po iyong possibility pong relocation. Pero kapag iyong area po talaga ay talagang mapanganib na talagang ikamamatay ng kababayan natin sa kahit anong oras basta nandoon siya, doon po talaga inaalis na natin sila doon through relocation. At kung iyong areas naman po kagaya ng mga nakatira sa tabing-ilog, part po ng programa ng ating pamahalaan lalo na dito sa kalungsuran na ma-declog iyong ating mga waterways. Kaya pansin po ninyo, marami pong areas dito sa Metro Manila ang nai-relocate na po iyong mga informal settler families na nakatira sa tabi ng ilog para masigurado na malinis at mapapaluwag iyong daanan ng tubig para makaiwas din sa pagbaha.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, susugan ko na lang din itong tanong ni JP Nuñez ng UNTV: Nababanggit niyo na nga po, kung may mga nakatira pa rin sa danger zone, ano po ang dapat gawin ng mga LGU or ng mga nakatira dito?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Partnership po iyan. May responsibility po ang LGU na laging turuan ang ating mga kababayan at lagi silang matyagan para kapag may nakaambang panganib po ay mabigyan sila ng maagap na babala at maisagawa ang dapat na paglikas.
Ang mga kababayan naman po natin ay dapat, number one, nakikipagtulungan sa pamahalaan, at number two, alam po dapat nila ang mga karampatang hakbangin na dapat gawin kapag may emergency.
Kapag sinabi naman po ng ating local government units na itong area po na ito kagaya nung naalala niyo po, Usec. Rocky, iyong diyan sa landslide sa Leyte? May mga areas po diyan na talagang dineclare na hindi puwedeng tirahan. Kapag sinabi pong ganoon ng ating pamahalaan ay huwag na po nating ipilit. Hindi naman po sa pinagbabawalan lang tayo, kapag nagbigay po ang pamahalaan ng pagbabawal na ganiyan ibig sabihin po, may plano po na ilipat tayo sa ibang lugar na mas ligtas. At ang kailangan pong gawin natin ay tumalima at makipagtulungan sa pamahalaan dahil ililipat naman po tayo sa mas ligtas na lugar.
Naalala niyo po iyong sa Taal Volcano? Iyong mismong isla ay binawalan na po ang pagtatayo ng mga bahay diyan na magiging permanent settlement. Inalis na po iyong mga tao diyan kasi talagang nature preserve po iyan at ang puwede lang mag-stay po diyan panandalian ay iyong mga mangingisda na nagtatrabaho doon sa paligid ng isla.
Iyan po ang dapat nating isinasagawa sa mga bagay na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, last week noong nakaramdam tayo ng lindol o naramdaman itong lindol sa iba’t ibang lugar sa bansa.
So, paanong paghahanda naman po ang ginagawa ninyo para naman sa gaganaping nationwide simultaneous earthquake drill sa June 10?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Yes, Usec. Rocky. Ang atin pong paghahanda sa earthquake drill ay tuluy-tuloy na ginagawa. Apat na beses po sa isang taon tayo nagsasagawa ng nationwide simultaneous earthquake drill.
Ngayong Hunyo nga po, June 9, 2022 sa ganap po na 9:00 ng umaga ay magkakaroon na naman po tayo ng earthquake drill. Ang ikalawang earthquake drill po natin for 2022. At dahil pandemic pa rin po tayo, ang ating focus po ay back to basic pa rin, iyong pagda-duck, cover and hold at iyong kahandaan laban sa earthquake sa loob ng mga tahanan at sa mga opisina ng ating mga kababayan.
Ito po ang ating tinutulak sa mga kababayan natin para kahit anuman ang mangyari ay mayroon dapat silang Go bag na mabibitbit nila kaagad. Alam po nila iyong pinakamalapit na evacuation site na open area para ligtas po sila sa falling debris kapag may earthquake emergency. Dapat alam din po ng mga kababayan natin iyong mga emergency hotlines at iyong mga tamang koordinasyon sa kanilang mga kamag-anakan para magkita-kita silang muli pagkatapos po ng emergency. Iyong mga karampatang kagamitan po ay dapat nasa kanilang mga Go bag pati na rin iyong mga kakailanganin nila na sapat para sa tatlong araw para po magamit kung sila ay pupunta sa evacuation center.
Sa pagtutulungan naman po ng pamahalaan, hindi po natatapos iyan. Mayroon po tayong mga aktibidad sa iba’t ibang ahensiya na nagpapalakas po ng kahandaan, hindi lang po ng ahensiya na iyon kung hindi nung kanilang pagbibigay tulong sa mga kababayan natin kapag may ganito pong emergency.
Iyong ating mga kasamahan pong siyentipiko sa PHIVOLCS ay hindi tumitigil sa kanilang pagmamatyag dito po sa ganitong tipo ng panganib at patuloy po ang kanilang pagbibigay ng impormasyon dito sa atin sa NDRRMC. At ito pong mga panganib na ito ay patuloy nating itinuturo at binibigyang linaw, ipaliwanag at pagbibigay kahandaan sa ating mga kababayan.
Ang equipment po natin for search and rescue ay tuluy-tuloy po ang improvement niyan, iyong training po ng mga search and rescue teams for collapsed structures during emergencies ay tuluy-tuloy din po iyan, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po naiba o nakaapekto itong pandemic sa mga paghahanda ng NDRRMC, especially dito sa information campaign kaugnay po sa usapin ng disaster response at resilience?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama kayo diyan, Usec. Rocky, kasi nga ngayong pandemic ay bawal nang magsama-sama na naman tayo sa isang malaking lugar or mass gathering, eh kapag earthquake drill ay kasama po iyong evacuation drill diyan. Hindi po muna natin naisasagawa iyong mga iyon lalo na iyong mga live na mga exercises natin, physical exercises kasi we’re following the social distancing protocols pa rin.
Kaya ang ginawa po natin, online po muna nating ginagawa lahat ng mga trainings pati iyong mismong drill natin ay online-based, via Zoom, at nakikita ito by live sa Facebook at saka sa YouTube. Kaya iyong kampanya po na ginagawa natin, mas mahaba po at mas marami tayong mga participants ngayon.
Dati po kasi kapag nagpapa-seminar tayo, Usec. Rocky, mga good for 50 to 100 people lang per region and depende sa agency. So more or less, nasa 1,700 people lang ang siguro nasi-seminar natin during that time. Pero ngayon, dahil online platform na at maraming nakaka-attend, minsan umaabot tayo ng 500,000 kataong uma-attend sa mga seminars natin.
At sa tulong din ng teknolohiya ngayong panahon ng pandemic ay nasusuri rin natin, kasi may mga surveys tayo na pinapasagutan, may mga post-exams tayo na pinapasagutan sa mga participants kaya nakikita natin na natututo talaga sila dito sa mga exercises na ito. At kapag nagdi-drill tayo, mayroon din tayong evaluation link na pino-float sa mga kababayan natin para may patunay na nag-participate talaga sila sa earthquake drills.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito na, Sir Mark, pagpasok po ng bagong administrasyon, ano po iyong ilan sa mga programa na nais ng NDRRMC na palakasin pa o maipagpatuloy?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Alam ninyo, Usec. Rocky, isa sa mga programa ng NDRRMC ay iyong pagtatayo ng mga evacuation centers na dedicated for that purpose. Ayan po, tuluy-tuloy po nating ginagawa iyan, at umaasa po kami na ang susunod na administrasyon ay ipagpapatuloy po ito. Kasama na rin iyong ating paghihimok para doon sa disaster department law, iyong Department of Disaster Resilience na iminungkahi ng ating Pangulo noong nakaraan niyang mga SONA. Tapos na ito sa third reading sa House of Representatives at nasa sa Senado na po ito binibista.
Kaya po excited kami doon sa mga bago pong uupo nating mga senador dahil tiyak po ay mayroon silang mga idea para mas mapahusay pa po itong panukalang batas na ito at iyan po [panukalang batas] ay isang tinututukan din natin.
Iyong pagpapalakas din po ng ating engagement sa mga kababayan natin sa pamamagitan po nitong mga activity for seminars, webinars, mga simulation exercises, lahat po iyan ay excited kami kasi ang parang commitment din po ng ating paparating na administrasyon ay ang patuloy na paninigurado sa kaligtasan ng mga kababayan natin. Kasama din iyong international engagements po natin on resilience. Ang capacity building po natin, capability building ay confident din po kami na magpapatuloy iyan kasi ang ating Armed Forces of the Philippines ay tuluy-tuloy din iyong improvement, at isa ang ating disaster management system sa nakikinabang sa mga improvement na ito. At excited po kami sa pagpapatuloy po ng pagpapalakas ng ating disaster management system.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay-panahon sa amin. Maraming salamat sa inyong oras at pagbibigay-impormasyon, NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mainit na usapin po ngayon ang kuwestiyonableng reclamation project sa Coron, Palawan. Ano nga ba ang naging basehan sa naging desisyon na ito ng DENR? Para po diretsang sagutin ang isyu kaugnay diyan ay makakasama po natin si Undersecretary Jonas Leones ng Department of Environment and Natural Resources, magandang umaga po, Sir.
DENR USEC. LEONES: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa ating mga nakikinig ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kinansela po ng DENR ang environmental compliance certificate ng reclamation project sa Coron, Palawan – tama po ba ito? Ano raw po ang naging basehan sa naging desisyon na ito ng DENR?
DENR USEC. LEONES: Kinansel [cancelled] natin, tama ka doon, USec. Rocky. Talagang kinansel ng ating ahensiya iyong na-issue nating ECC diyan sa reclamation project sa Coron dahil noong na-issue natin kasi ang ECC, dapat may mga responsibilidad na dapat gawin na mga proponent iyong naggagawa ng project diyan. Dapat nagsu-submit sila ng report, mga updates, pero napansin namin na itong mga mga simpleng gawain na ganito ay hindi nila nagawa.
So, nagkaroon ng lapses on the part of the proponent noong matigil sila dahil sa pandemic at mula noon ay hindi na sila nakapag-submit for more than five years. So, sa ating regulasyon, kapag may failure on the part of the proponent na mag-submit ng ganitong mga reports at wala kaming mga updates at nakita natin na tuluy-tuloy ang kanilang paggawa pero hindi naman sila nagbibigay ng mga updates, so may violation iyon kung kaya ito ang naging basehan ng ating ahensya para i-cancel iyong ECC na na-issue natin sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa tantiya ng DENR, gaano na kalawak ang mga nasirang bundok kung mayroon man po? Bakit po kaya nagpatuloy ito bago pa nagkaroon daw po ng umano’y malawakang pinsala?
DENR USEC. LEONES: Oo, iyon nga ang naging ano. Base doon sa investigation, USec. Rocky, noong nagsimula kasi noon sa reclamation, parang okay pa, medyo mabagal pa. Para ngang napansin ng investigating team na pumunta doon na lahat kami ay nagulat na minadali nila iyong pagre-reclaim.
Ang total kasi ng reclamation doon ay dapat 48 hectares, nagulat kami na sa tingin namin during the pandemic ay sinamantala nila na mag-reclaim nang mag-reclaim at kumuha ng mga filling materials diyan. Can you imagine, USec. Rocky, 40 hectares na, base sa report, ang kanilang na-reclaim. So, iyon ang nangyari diyan.
Base doon sa kanilang mga violations, unang-una, iyong source ng kanilang quarry materials kaya nag-isyu rin ang MGB ng cease and desist order para doon sa kanilang sources. Pangalawa, itong kanilang permit, iyong ECC kinansel na rin. Ang mahirap kasi dito, ang dapat nilang gawin bago sila mag-full-blast ng reclamation, dapat talaga mag-secure sila sa Department natin, sa DENR, ng tinatawag nating Area Clearance.
Ito iyong permit na talagang magbibigay sa kanila ng clearance, ito iyong isa-submit nila sa PRA (Philippine Reclamation Authority) para magpatuloy iyong kanilang gawain o reclamation diyan.
So, because bigla silang nagmadali at marami ang nasira, hindi natin na-monitor, kung kaya nakita natin na malaking paglabag ito sa ating relokasyon kaya kinansel nila iyong mga permits na na-isssue ng ating Department sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinisisi ng ilan ang umano’y naging kapabayaan sa bahagi ng DENR dahil tila ‘di-umano ay nahayaan o hinayaan ang isinagawang pagtatambak sa ilang bahagi ng Coron. So, paano raw po kaya nakalusot itong naging reclamation, USec.?
DENR USEC. LEONES: Oo, nakikita nga rin namin iyan na mayroong kaunting lapse doon dahil dapat nakikita ng ating CENRO (Community Environment and Natural Resource Officer) or PENRO (Provincial Environment and Natural Resource Officer) on the region iyong progress noon kanilang gawain doon.
Pero sa amin naman kasi once we issue the ECC, dapat faithfully kino-comply ng proponent iyon. So, ngayon, nakita natin na may mga – kasi provincial government kasi, USec. Rocky, ang gumagawa niyan, mayroon silang ka-partner diyan although talagang it’s hard to admit – medyo nagkulang tayo sa pagtingin doon kasi pinabilis eh. Parang ang nangyari kasi during the pandemic, USec. Rocky, doon sila nagmadali kung saan talagang busy tayo sa pag-address ng COVID-19, ito, sila naman ay arya nang arya, so hindi natin masyadong nakita iyong kanilang ginagawa. Noong makita natin, noong nalaman natin, talagang malaki na pala iyong nare-reclaim nila diyan sa Coron.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. kung sakali pong maghain ng motion for reconsideration po at magbayad ng kaukulang danyos ang Coron LGU, ano po iyong magiging hakbang dito ng DENR? Sino daw po iyong maaaring managot sa mga mangyari dito?
DENR USEC. LEONES: Palagay ko kung mag-a-apply sila ulit ng ECC diyan ay kailangan munang makita natin iyong kanilang liability. Kailangan na kung may liability sila riyan, dapat panagutan nila iyan.
Pangalawa, baka mahirapan na tayo dahil may mga violations sila na nagawa. Malaki kasi iyon, iyong mga source ng filling material nila parang kulang sila ng permit sa MGB.
So, titingnan natin iyong ano, ito iyong mga proponent na dapat medyo ini-screen natin kung talagang they can faithfully comply with our environmental regulations.
Ngayon, kung makita natin talagang may mga nasira silang mga coastal area diyan, mga ecosystem na dapat prinotektahan, instead na protektahan ay tinakpan nila diyan, so mananagot sila sa ating ahensiya. At saka kung mayroon mang na-damage na mga individuals ay puwede rin silang magsampa ng kaso sa korte.
Pero definitely sa tingin ko, dahil sa ginawa nila ay medyo mahihirapan sila talagang mag-renew o mag-apply ng ECC. Pero iyong pagbabayad nila ng danyos ay talagang obligasyon nila iyon, pero iyong mag-apply sila ulit at mag-expect na ang DENR ay mag-i-issue pa ng permit ay medyo palagay ko ay dadaan sila sa butas ng karayom dahil sa mga ginawa nilang violation dito sa project nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ibang usapan naman po tayo ano. Kumustahin ko na rin po iyong paghahanda ninyo para dito sa transition period.
Ano rin po ang mga inaasahang challenges na kakaharapin po ng next administration kung mayroon man po?
DENR USEC. LEONES: Oo, marami, kasi marami tayong ginagawa sa DENR ngayon. Dapat ang challenge natin ay iyong epekto ng climate change. Makita mo, Usec. Rocky, talagang marami tayong ini-expect na bagyo; mga calamity na mga landslides sa mga flood-prone areas.
Kaya nga sa panahon ngayon ng ating pangulo, Pangulong Duterte ay mayroon tayong tinatawag na Task Force Build Back Better.
So, pagkatapos ng mga sakuna, ng mga calamity, iyong mga ahensiya, iyong whole-of-government approach, mga ahensiya ay nagtutulung-tulong para ma-restore iyong mga lugar na nasalanta ng bagyo. So, ito iyong dapat nating mai-propose sa susunod na administrasyon na dapat ay ituloy.
Pangalawa, ang aming ahensiya is mandated to protect the environment, conserve the natural resources. So, ito dapat ang pagtuunan namin ng pansin, masabi natin na dapat ma-implement strictly iyong mga batas na kagaya ng Clean Water Act, Clean Air Act, at saka iyong Solid Waste Management Act.
Ang problema kasi natin, lalung-lalo na iyong mga lokal na pamahalaan ay iyong basura, so ito talaga dapat ang matutukan at mabigyang-pansin.
Dito sa atin kasi, sabi nga ng ating Pangulo, medyo kulang iyong anim na taon para talagang magkaroon ng dent ang mga project implementation, mga rehabilitation. Dapat ma-convince natin iyong susunod na administrasyon kung sinuman ang uupo sa ating departamento na sana ay maituloy itong mga bagay-bagay na ito dahil ito talaga iyong magpoprotekta sa kapakanan at well-being ng ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang ang iyong mensahe sa ating mga kababayan.
At kung may nalalaman silang iligal na aktibidad partikular sa mga protected areas ng DENR, saan daw po sila maaaring lumapit, Usec?
DENR USEC. LEONES: Dati-rati, Usec. Rocky, puwede silang pumunta sa ating mga opisina sa region, sa CENRO, PENRO, sa DENR mismo. Pero sa ngayon ay kahit na text message ay pinapatulan na rin namin kapag may mga complaint.
So, hindi na kami masyadong istrikto sa mga formalities ng mga complaints. Kapag nalaman namin na na-email kami, na-text, tiyak na tiyak na mag-aaksiyon po ang ating ahensiya.
Ang atin pong Kalihim ngayon, si Secretary Jim Sampulna ay galing po sa field office. So, sanay na sanay po ang ating Kalihim ngayon na talagang mag-enforce ng mga batas kung mayroon siyang nakita na mga pagkukulang, mayroon siyag mga problema, mga complaint. Ang gusto po niya ay talagang maaksiyunan agad at binibigyan niya ng responsibilidad iyong ating mga opisyal sa ating ahensiya na humarap at makipag-ugnayan sa mga ibang ahensiya ng pamahalaan at sa ating mga mamamayan directly.
So, ito po iyong masasabi namin na kahit saan ay puwede kayong pumunta. Makikita ninyo sa website iyong aming mga telephone number, mga text number at puwede rin naman kayong personal na pumunta sa amin at enterteynin (entertain) po namin at ia-accommodate namin po kayo doon.
USEC. IGNACIO: Usec, pasensiya na mayroon pong pahabol na tanong si Robina Asido ng Manila Shimbun, ang sabi niya dito: Gaano daw po kalaki iyong na-damage sa environment dahil sa reclamation?
DENR USEC. LEONES: Ito ay sa Coron lang ito ano? Sa Coron?
Sa Coron, based sa assessment namin, Usec. Rocky, doon sa nagtanong ano. Nagulat din kami, ang total kasi ng reclamation area na iyan ay 48 hectares. So, dahil binilisan nila ang pag-reclaim para matapos agad, nakita natin na 40 hectares na pala ang niri-reclaim nila diyan.
So, ina-assess namin iyong mga damages ngayon diyan sa coastal area, sa ecosystem sa ilalim ng tubig diyan, at tinitiyak namin na under the NIPAS (National Integrated Protected Areas System) Law, under the Clean Water Act ay titingnan natin kung may malaking pananagutan sila, kung mayroon silang violations sa provision ng mga batas na ito. At tinitiyak namin na hindi lang administrative sanctions ang ibibigay namin sa kanila, kundi pati kriminal kung makita namin na dapat silang kasuhan sa korte, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po ni Robina Asido, opo tama po. Iyon daw pong reclamation sa Coron lang.
Salamat po sa inyong panahon, DENR Undersecretary Jonas Leones.
DENR USEC. LEONES: Salamat, Usec. Rocky, at magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan.
Puntahan po natin si Czarina Lusuegro mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, San Pablo City, Laguna naman ang tinungo ng tanggapan ni Senator Go kamakailan. Kaisa po ng DSWD na namahagi ng cash assistance sa mga piling beneficiaries, nag-distribute ang kaniyang team ng ayuda para sa mga residente.
Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, sa akin pong pagbisita dito sa Paoay, Ilocos Norte na balwarte po ni President-elect Bongbong Marcos Jr., hindi ko na rin po pinalampas na bisitahin ang tinatawag na Malacañang of the North.
Panoorin po natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)