USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay araw ng Martes, ika-7 ng Hunyo, atin pong pag-uusapan ngayong araw ang latest na kalagayan at sitwasyon sa probinsiya ng Sorsogon. Tatalakayin din natin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at langis. Aalamin din natin ang sitwasyon ng mga ospital sa pagdami po ng non-COVID patients.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit na nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon ng Bulkang Bulusan na pumutok nitong linggo. Ayon kay NDRRMC Executive Director and Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo Jalad, pumalo na sa 2,784 na pamilya o 13,920 na mga indibidwal ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkan. Higit dalawang daang indibidwal naman ang kinakailangang ilikas mula sa kanilang mga tahanan. Samantala, umabot naman sa higit 20.2 million pesos ang nasira sa sektor ng agrikultura, ngunit wala namang naitalang pinsala pagdating sa linya ng komunikasyon, suplay ng kuryente at tubig, at kahit sa transportasyon.
Pagtiyak naman ni DOH Secretary Francisco Duque III, nakaposisyon ang mga gamot, hygiene kits at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng higit labimpitong milyong piso.
[VTR]
USEC. IGNACIO: At upang bigyan tayo ng update sa kasalukuyang sitwasyon at mga pangyayari po matapos ang pagputok ng Bulkang Bulusan nitong Linggo, makakasama po natin ang Spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na si Sir Mark Timbal. Magandang umaga po, Sir Mark.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po. At sa lahat po ng ating mga kasama at kababayan, magandang umaga po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, bigyan ninyo po kami ng overview sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng Bulkang Bulusan at iyon pong mga nasa paligid nito.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Tuluy-tuloy po iyong pagbabantay natin dito sa NDRRMC sa mga kaganapan po diyan sa mga communities sa paligid po ng Bulusan. As of this day po, medyo mapayapa naman po ang bulkan at wala naman pong naganap na major eruption activity kagaya noong Sunday.
Ang babala po ng ating mga siyentipiko, tuluy-tuloy po itong babantayan while under Alert Level 1. At iyong pag-iingat po sa pagpasok doon sa 2-kilometer extension ng danger zone at iyong pagbabawal sa pagpasok doon sa 4-kilometer danger zone ay patuloy po na pinapatupad.
Medyo humupa na rin po, Usec. Rocky, iyong pagbuhos po ng abo. Natigil na po iyong ashfall pero naapektuhan po iyong tatlong munisipalidad ng Juban, Irosin at Casiguran. Kaya po nagkaroon po ng suspension of classes doon nitong nakalipas dahil iniiwas po na ma-expose iyong mga bata at malanghap iyong abo na naiwan po doon sa area.
Pero ongoing po ang cleaning activities po. Nagtutulungan ang ating local leadership sa community pati na rin ang mga kapulisan, Coast Guard, Armed Forces of the Philippines at pati ang Bureau of Fire Protection para maalis na po itong mga naipong abo na ito.
Namigay po ang ating Office of Civil Defense ng N95 masks doon sa community, at ang DSWD Region V po ay nagbaba ng additional 1,000 family food packs para doon sa evacuated population po doon sa area.
Nagkaroon po ng problema sa patubig iyong community po na spring water ang pinagkukunan dahil exposed po ito at nalagyan ng abo. Kaya po ang local government unit ay naging mabilis sa kanilang pagresponde, may water tankers po na dineploy, at iyong private sector partners po ay namigay din po ng bottled water, pati iyong mga kaibigan po natin diyan sa Philippine Red Cross ay namigay din po ng additional supplies, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, nabanggit po ng Phivolcs na may posibilidad pa rin po na pumutok itong Mt. Bulusan. May nga nabanggit po kayo na mga apektadong munisipalidad. Nakikita ninyo po ba na may mga madadagdag dito? Kung mayroon man po, ano pong paghahanda ang gagawin ninyo?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Iyong behaviors daw po kasi nitong si Bulusan, mahirap pong i-predict. Pero mayroon po tayong contingency plan po para po sa volcano emergency. Lahat po ng mga munisipiyo, mga local government units na nakapaligid diyan sa volcano ay may karampatang kahandaan na po na pinaalala ng NDRRMC.
Una po diyan, iyong paghahanda sa lahat ng mga evacuation centers para madali po itong gamitin at kaagad na ma-occupy ng mga kababayan natin in case na kailanganin. Kasama rin po diyan iyong pag-iimbentaryo ng mga supplies na kakailanganin ng mga kababayan natin, including iyong mga face shields and health items, hygiene kits, etc. At pati iyong logistical support, mga assets po, mga vehicles na magagamit kapag kailangan madalian pong alisin itong mga kababayan po natin doon po sa areas na posibleng maapektuhan.
Depende po kasi sa magiging laki ng event or emergency ang magiging area of impact po nito ‘no. Pero kasi itong nangyaring ashfall, Usec. Rocky, dahil sa sobrang lakas ng hangin sa area na westerly ang direction, sa may western side ng bulkan po nagkaroon ng ashfall, doon sa mga communities po na nabanggit natin.
Pero iyong other phases po ng bulkan ay hindi nakaranas ng ashfall. Mayroon nga pong community doon [technical problem] …
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, nawala kayo sa ating linya ng komunikasyon. Okay, nakikita ko na kayo. Pakiulit lang po iyong bandang … sinabi ninyo na may mga—
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Yes, Usec. Rocky [technical problem]
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, ayusin lang namin iyong linya ng komunikasyon sa inyo, ano po. Nagpuputul-putol po kayo. Okay na po, naririnig ninyo na ako, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Yes, I can hear you, Usec. Can you hear me?
USEC. IGNACIO: Opo, naririnig na namin. Pakiulit lang po iyong banda na sinabi ninyo na may area na … dahil sa malakas iyong hangin, may mga areas po na nagkaroon ng epekto. Go ahead po, Sir Mark.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Iyong ashfall po kasi ay naganap doon sa Irosin, Juban and Casiguran. Nasa western side po iyan ng volcano eh. Pero may area naman po na malapit talaga doon sa volcano, within the danger zone nga po na hindi nakaranas ng kahit anong effect nitong bulkan dahil nga po doon sa wind direction. Pero po iyong community po na iyan, ongoing po ang programa para sa resettlement ng local government unit. At mayroon pong arrangement ang ating LGU with the 60 families po na nakatira diyan na kapag nagkaroon ng emergency, ready to move at madali pong mai-evacuate ito pong mga pamilya.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi ninyo, Sir Mark, na isa sa mga kahandaang gagawin ninyo ay iyong pagtatayo ng mga … pagsi-setup ng mga dagdag na evacuation centers. Mga ilan po ito? At saan pong mga lugar ito, Sir Mark?
Okay, mukhang nawala na naman sa linya ng komunikasyon natin si Sir Mark. Babalikan po natin siya.
Sa napipinto pong pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ikinalugod ng Presidente na maayos na COVID-19 situation ang kaniyang iiwan sa bansa. Sa kaniyang Talk to the People kagabi, binigyan-diin ng Pangulo na malaking bagay sa pagbuti ng sitwasyon ang pinaigting na bakunahan kontra COVID-19 at ang mahigpit na pagsunod ng mga Pilipino sa mga itinakdang health protocols ng pamahalaan. Dahil dito, naiwasan din aniya ng bansa ang panibagong surge ng virus.
Umaasa naman ang Pangulo na magtutuluy-tuloy pa ang pagbangon ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng susunod na administrasyon.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Okay. Balikan na po natin si Sir Mark Timbal, ang spokesperson po ng NDRRMC. Sir Mark?
Okay… Ayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon kay Sir Mark.
Bumilis po ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o serbisyo sa bansa o ang inflation nitong Mayo. Ayon po sa Philippine Statistics Authority, mula sa 4.9% nitong Abril, bumilis ang inflation sa 5.4%, na pinakamataas sa lebel ng inflation simula po [noong] December 2018.
Paliwanag ng ahensiya, ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa food and non-alcoholic beverage at transportasyon – kagaya na lamang po ng harina, tinapay, karne at isda; ganoon din po ang krudo.
Sa kabila niyan, pasok pa rin ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 5% hanggang 5.8%. Paliwanag ng BSP, ang pagbilis ng inflation ay bunsod ng problema sa supply sa ilang piling bilihin dahil sa mga tensiyon sa ibang bansa, bagong COVID-19 infection sa ilang bansa at mas mabilis na monetary policy normalization. Tiniyak naman ng BSP ang paggawa ng monetary policy actions para maisulong ang price at financial stability sa Pilipinas.
[AVP]
Samantala, ramdam na nga ng mga Pilipino ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin, kaugnay niyan ay makakasama po natin si Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry. Magandang umaga po, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Magandang umaga po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Usec, may mga fast food at restaurants din po ngayon ang nagsabi na nagkukulang ang supply ng kanilang mga raw materials na naging sanhi ng hindi nila pagbebenta ng ilan sa kanilang menu. Ano po ba ang dahilan nitong nangyayaring global supply crisis o disruptions na ito?
DTI USEC. CASTELO: It’s still the Ukraine-Russia conflict, Usec., apektado talaga [ang] lahat ng bansa. Apektado ang supply natin, especially those that we get internationally from the global market at siyempre ang pagtaas ng presyo ng krudo; sa production, sa distribution ay nakakaapekto talaga sa presyo ng bilihin, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, nakakatanggap naman po ba kayo ng mga request galing po sa mga manufacturers na magdagdag-presyo ulit? Ganito po iyong tanong ni Sheena Torno ng SMNI News.
DTI USEC. CASTELO: Recently kasi, Usec, nag-increase tayo noong May 11, 2022 ng presyo ng pangunahing bilihin, iyong basic necessities and prime commodities natin. So, from the time of increase, mayroon tayong tatlong manufacturers na nag-request na naman ng panibagong [price] increase. Tatlo lang naman, Usec, hindi naman lahat ng produkto.
So, ito iyong pinag-aaralan natin at kasama na doon iyong pagtaas ng presyo ng Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal dahil nga sa wheat flour na inaangkat sa ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Lady Vicencio ng ABS-CBN News: Ano daw po ang mga produktong inaasahang magtataas ang presyo?
DTI USEC. CASTELO: Kung matapos at makita natin talaga from the studies na justified iyong increases na hinihingi nila. Of course, ang tinapay, Usec, kasama iyan; iyong Pinoy Tasty and Pinoy Pandesal and then we have detergent bars na nag-request ang manufacturer and then isang brand ng canned sardines.
Tatlo pa lang naman. So far, ito pa lang naman iyong nari-receive natin na mga request.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na, Usec, itong tanong ni Cleizl Pardilla ng PTV: Para daw po mas maintindihan ng ordinaryong mamimili sa pinakamurang food item, magkano po in peso value iyong 2-10% price increase request?
DTI USEC. CASTELO: Ito iyong range na pinakamababa talaga, Usec, kasi nili-limit sana natin iyong puwedeng maging increase up to 7% pero lumalampas tayo, so nagiging 10%. Ang 2% natin would constitute mga P0.25 lang iyan; mayroong P0.50, mayroong P0.75, depende doon sa value ng produkto talaga kasi iyong percentage ng increase, doon natin kino-compute. So, nag-uumpisa po sa P0.25. Pinakamalaki na, Usec, ay aabot ng 10%, iyong P1.50.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Cleizl Pardilla ng PTV: Aside daw po from prices of raw materials, consideration din po ba daw ng DTI sa pag-apruba ng taas-presyo na dagdagan ang sahod ng mga manggagawa?
DTI USEC. CASTELO: Hindi po, Usec. Walang kinalaman ang suweldo ng manggagawa sa paggalaw ng presyo ng manufactured food products. I think it’s a consideration naman for increase ng suweldo o ng wages iyong pagtaas ng presyo ng bilihin – baka baliktad po [ang tanong] Usec. Pero sa atin, ang computation talaga natin is based on raw materials and production. So, hindi po involved iyong factor ng wages natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Cleizl Pardilla ng PTV: Ilang bakeries na daw po ang hindi nagbebenta ng Pinoy Tasty at Pinoy Pan de sal dahil lugi na raw po sila? Gaano rin daw po kahalaga na ma-approve iyong mga price adjustment requests?
DTI USEC. CASTELO: Nakikita naman natin, Usec, [na] mayroon namang mga justifications, but DTI is just waiting iyong mga month-on -month and week-on-week na presyo ng mga raw materials nito kaya tinitingnan natin ang mga adjustment at kung magkano, kasi magkaiba iyong ina-approve mo iyong request doon sa amount na niri-request.
Kasi kung halimbawang nagri-request ng P4.00, iko-compute natin kung halimbawang justified nga na mag-increase siya, puwedeng mag-increase pero kung magkano [ito]? So, iyong P4.00 puwedeng maging P1.00 lang muna, puwede maging P2.00, kasama iyon doon sa inaaral natin.
And then, we’re going to approve naman or release as soon as matapos natin iyong studies natin. Kasi, Usec, hindi naman din puwede ang basic goods natin [ay] basta-basta na lang natin payagan na mag-increase because these are the most basic products na binibili naman ng mga ordinaryong mamimili kaya inaaral talaga natin nang husto.
USEC. IGNACIO: Pero, Usec, kung hindi po maaprubahan itong request ng mga manufacturers na dagdag-presyo, maghahanap po sila ng ibang solusyon katulad ng babaan ang timbang ng produkto nila, ano daw po ang masasabi ng DTI dito?
DTI USEC. CASTELO: Actually, Usec, iyon ang iniiwasan talaga natin. Ayaw nating mag-suffer iyong kalidad ng produkto dahil ito na nga iyong ino-offer natin sa mga ordinaryong mamamayan, iyong pinakamababang presyo [and] at the same time iyong quality or iyong kalidad ng produkto [ay] nandiyan pa rin.
That’s why talagang todo ang pag-aaral natin at hindi naman po tayo nagdi-disapprove. Tina-time lang natin at hinahati-hati natin para sa consumers para hindi sila masyadong mabigatan na isang beses ka lang mag-i-increase tapos sobrang laki.
At kadalasan, Usec, kami na rin po ang nakikipag-negotiate. Ang DTI, kung maririnig ninyo, we negotiate with the manufacturers. Ibig sabihin po, Usec, kami na ang tumatawag sa manufacturers para sa consumer para kapag inilabas mo iyong presyo, ito na talaga iyong pinakarasonable, ito na iyong pinakapuwede at pinaka-affordable na magiging presyo para sa consumers na hindi naman lugi ang manufacturers.
Kasi, Usec, ayaw naman natin talaga silang malugi because baka magsara sila, magbabawas ng empleyado o totally hindi na i-produce iyong produkto na mababa ang presyo na hindi makabubuti para sa mga consumers – ayaw natin iyon, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Lady Vicencio ng ABS-CBN News: How often daw po can manufacturers request for price increase? For example daw po noong May, may approved hike na daw po for instant noodles pero may pending request daw po yata ulit ngayon, Usec. Ruth.
DTI USEC. CASTELO: Oo. Usec., they can request as much as they want. Okay lang naman pero hindi ibig sabihin na nag-request sila ay aaprubahan na dahil dumadaan nga sa masusing pag-aaral ‘yan… tina-time din natin kung kailan natin iri-release dahil nga iyong—o kailan natin ia-approve. It takes us four to six weeks, Usec., para mag-aral nitong mga presyo na ‘to para sa isang produkto at sinisigurado natin na in one publication, if we have 200 – right now we have 212 shelf-keeping units in the bulletin.
Ang pinapayagan lang natin na tumaas ang presyo at any given publication is 30%, pinakamalaki na po itong publication natin noong May 11 na nasa 38% noong total number of products ang gumalaw – nasa 82 shelf-keeping units iyan, Usec., out of 212 – ito na ‘yung pinakamalaki. But at any given publication, nili-limit natin sa 30% lang sana iyong produktong tataas ang presyo para ang consumers mayroon pa siyang 70% na produktong puwedeng pagpilian na hindi tumaas ang presyo at similar quality, similar taste siguro, lasa o iyong kalidad noong produkto na available pa rin sa merkado.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong pa rin po ni Lady Vicencio ng ABS-CBN News: With the pending request of manufacturers para daw po sa price hike sa basic goods, may tips po ba daw ang DTI for consumers kung paano po ito mapaghahandaan?
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Unang-una nating sasabihin sa kanila, doon po tayo sana bumili sa supermarkets at groceries dahil ito po ‘yung binabantayan ng DTI – diyan po kami nagmo-monitor talaga at sinisigurado natin na sumusunod sa SRP natin ang retailers. Ito na po ‘yung mga presyo na pinaka-reasonable at pinaka-affordable na napag-aralan talaga ng DTI.
Iba kasi ang presyo, Usec., kapag sa tier 3 level ka bumili – sa convenience store, sa sari-sari store o iyong mga maliliit na tindahan sa palengke – iba na po ang presyo because of the supply chain, iyong distribution nila na mas marami, mas mahabang dinadaanan… mas maraming steps kumbaga kaya mas mataas po ang presyo. Kung gusto natin talagang makatipid, sa supermarkets at groceries po.
At isang tip na rin, Usec., kung sana madala nila iyong kanilang… lahat naman tayo may cellphone, kung puwede po nilang i-download iyong upgraded e-Presyo application ng DTI, last week lang po namin ‘ay ni-launch – nandiyan po lahat ng presyo ng pangunahing bilihin, iyong BNPCs na binabantayan ng DTI, iyong produkto at kung saan po pinakamababa. Nakalagay na din po diyan iyong store, iyong location kung saan nila ‘to mahahanap, ito po ‘yung mga groceries and supermarkets natin.
So para po makatipid at para maging wise tayo na consumers, tingnan po natin iyong listahan bago mamili or dalhin natin para naku-consult natin iyong SRP bulletin natin, Usec. Ang latest publication po natin is May 11, 2022. So kung mayroon pong produkto na nandoon sa listahan natin at iba po ang presyo na nakikita ninyo sa stores, puwede po nating itawag iyan sa DTI 1384 so we can dispatch immediately or mag-email po sa consumercare@dti.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Ruth, maiba naman po tayo. Nagkita na po ba o nakipag-usap na po ba daw si DTI Secretary Ramon Lopez sa incoming DTI Secretary Alfredo Pascual para daw po sa pagkakaroon ng smooth transition sa DTI?
DTI USEC. CASTELO: Nag-uusap naman sila, Usec. Parang constant communication na sila ngayon because… siyempre nagbibigay rin ng tip si Sec. Mon kung ano ‘yung mga bagong issues at papaano i-address.
And then we had a meet-and-greet with Secretary Pascual, lahat po ng undersecretaries ng DTI [ay] nakipagpulong sa kaniya last week, nakapag-hello na kami at nagpakilala na rin kami sa kaniya… at siya rin po, nagpakilala rin sa atin. At hinihingi natin siyempre kung anong expectations niya, anong expectations natin at iyong mga programa na gusto niyang i-prioritize.
Secretary Lopez has expressed full support, Usec. Sinasabi niya rin sa amin na suportahan namin si Secretary Pascual at gawin lahat iyong kaya nating gawin sa DTI na higit pa sa suporta na nabigay natin kay Sec. Mon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Ruth, kunin ko lang iyong mensahe at paalala mo sa ating mga consumers at siyempre sa ating mga kababayan pa. Go ahead po.
DTI USEC. CASTELO: Oo. Paalala lang po—Usec., thank you very much for this opportunity. Paalala po sa ating lahat, lahat po ng basic necessities and prime commodities ng DTI bantay po ang presyo. So please consult the Suggested Retail Price Bulletin in the e-Presyo application at tulungan ninyo na rin po kami sana makapag-monitor kung mayroong mga stores na nagba-violate, puwede po ninyong i-report sa atin dahil hindi naman lahat iyan nakikita natin. At makakasigurado naman po tayong lahat na bantay po ng DTI ang presyo, hindi po tayo basta-basta nag-i-increase kung wala pong dahilan, kailangan pong i-justify nila at ito na po ‘yung pinakarisonable na binibigay natin sa consumers. Marami pong choices doon sa bulletin, isang item po, isang produkto marami pong brands ‘yan at shelf-keeping units na puwede nating pagpilian.
Iyon lang po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng oras sa amin, Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry. Usec., salamat po.
DTI USEC. CASTELO: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala balikan na po natin si Sir Mark Timbal, ang Spokesperson ng NDRRMC. Sir Mark, magandang umaga.
Okay. Mukhang wala pa rin po sa linya ng komunikasyon natin si Sir Mark Timbal…
Sa pagpapatupad po ng oil price hike ngayong araw, alamin natin ang iba pang detalye patungkol diyan. Kasama po natin si Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy. Magandang araw po, Usec.
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Magandang araw po, Usec. Rocky at sa ating tagapanood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Naku, Usec., ngayong araw mayroon na naman tayong big time oil price increase. Magkano po ba iyong itinaas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa ating bansa? Usec…
DOE USEC. ERGUIZA JR.: According ho sa mga announcements [garbled] mga six pesos ho sa diesel at two pesos po sa gasoline. It will take effect on Tuesday…
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., medyo nagpuputul-putol po kayo. Ayusin lang din—naririnig ninyo na po ba kami nang maayos, Usec. Gerpy?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo.
USEC. IGNACIO: Okay. So, Usec., ano daw po iyong dahilan bakit nagkakaroon na naman ng oil price hike?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well gaya ng [garbled] namin noon, napaka-unstable po ng mundo… world market price. At alam natin basehan ng presyo ng ating crude ay ang ating framework ay ang Oil Deregulation Law at ito po ang nagsasaad na ang presyo ng ating krudo, ang finished products nito including diesel and oil which starts [unclear] from this benchmark provided for [garbled]. At doon ho nanggagaling ang computation po ng [garbled]. Kaya ho nagkaroon kami ng sulat sa Kongreso [garbled] in the next [garbled] mabigyan ho ng priority to revisit and review noon para makita ho natin at para ho makakapasok ang government sa ganitong mga sitwasyon.
Kung titingnan natin, parang nakatali iyong kamay po natin dito sa situation [garbled]… Pero sa isang bahagi ho ng mga presyo, mayroon iyong tinatawag natin na mga administrative operational insurance and other cost [unclear]. Mayroon ho kaming proposal to unbundle the price of crude oil o iyong mga finished products para makita ho natin na dapat ito hindi included doon sa tinatawag nila na world market price benchmark.
USEC. IGNACIO: Pero, Usec., aside from that, ano pa daw po ‘yung kayang gawin ng Department of Energy para po makatulong sa mga motorista at maibsan kahit papaano itong hirap na dala nitong oil price hike lalo na po sa mga namamasada?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Kung maalala ninyo ang Department of Energy po ay nagkaroon ng ugnayan sa mga oil companies to the extent that it can represent the consumers also, humingi ho tayo ng mga discounts at nagpaunlak po naman ang mga oil companies, at ito ay naka-post ho sa website.
And in so far as the consumers that are directly affected po, nagkaroon din kami ng suggestion noon kung maalala niyo to have the excise tax suspended but as whole-of-government ay effort nagkaroon tayo ng ugnayan sa Department of Finance at nakita ng Department of Finance na kung i-suspend mo ang excise tax, lahat, pati mga mayayaman ay makikinabang.
So, the subsidy system was developed para ma-focus doon sa mga mas nangangailangang transport sector, ang ating farmers and ating fisher folks.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong po ang ating kasamahan sa media, mula po kay Naomi Tiburcio ng PTV: Hanggang kailan daw po aasahan ang elevated oil price sa international market lalo’t nag-anunsiyo po ang Saudi Arabia na magtataas sila ng presyo ng krudo ngayong Hulyo?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Parang tag-ulan o tag-araw iyan eh, hindi ho natin malalaman kasi wala sa kontrol natin. Alam naman natin na nag-umpisa ito noong na-solve na ang pandemic at naging economically active ang mga bansa and this was worsened by – nitong nangyayaring Russia-Ukraine war.
Recently, nakita natin ang announcement kaya tumaas din ngayon ‘no, ang EU (European Union) na talagang they’re doing away with the supply of Russia and ipi-phase out nila totally until the end of December or more less around 90%.
Mayroon namang announcement po ang OPEC for an added production, pero kagaya ng sinabi ninyo nga po, baka mayroong palapit na pagtaas ng presyo. But definitely if we talk about the production then luluwag ho ang supply sa merkado at makakababa [ng presyo]. At hopefully hindi naman nila dadagdagan ang presyo para hindi naman makakasama sa buong situation.
Alam naman natin na iyong purpose naman ng OPEC dito ay para madagdagan ang supply. So, we will see in the next few days how this is going to affect the world market.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Naomi Tiburcio ng PTV: Bunsod po ng pagtaas ng demands sa krudo sa international market, sa tingin ninyo po ba ay aabot sa P100 ang kada litro ng gasolina o diesel sa Pilipinas ngayong 2022?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Hindi ho namin nakikita naman ito dahil walang mga drastic na talagang factors ‘no. Nakikita natin na tumataas o bumababa at mayroong mga factors din na talagang nakikita natin na iyong fluctuation kahit gumagalaw man ay hindi ganoon kabigat ano.
And under the situation right now, existing circumstances ay hindi naman ho aabot sa P100 iyan.
USEC. IGNACIO: Maiba naman po tayo, Usec. Pinag-aaralan po itong pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant, pero sinabi po ng ilang mga eksperto na i-adopt na lang daw po ang small modular reactor sa halip na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ano daw po ang opinyon ninyo dito?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, unang-una po, gusto kong i-mention lang na itong usapin sa nuclear power ay nagsimula po nitong [unclear]. Nagkaroon tayo ng problema rin sa oil. Kung maalala ninyo po nagkaroon po ng embargo ang OPEC noon at nagkaroon ng kakulangan sa supply. At inilabas ho ang idea na ito para magkaroon tayo ng other sources of energy in our energy business and to nuclear [energy] was considered.
And ito nagiging maganda ang usapin ngayon ulit dahil under the same situation and problems na napag-uusapan itong nuclear [energy] ngayon. Mayroon tayong nuclear energy framework na nabuo natin nitong time ni President Duterte at malaking bagay ito para sa pag-uumpisa ng nuclear plants po ng ating incoming President.
Na-mention ho ng ating President na ito pong BNPP ay baka ikonsidera po. Doon sa pag-uusap po namin doon po sa nuclear energy program implementing agencies, consisting of 18 government agencies that made a recommendation to include nuclear energy in the energy [unclear]. We leave the implementation o pag-rehabilitate ng BNPP sa next administration. Kasi of course iyong needs ho natin by that time at pangangailangan natin ay mas ramdam ho at mas alam ng current administration.
Iyong pagpasok po ng ating small modular was really considered seriously previously, kasi ang pinag-uusapan ho ay iyong issue ng acceptability at kung ang nuclear [energy] nga ay totoong katanggap-tanggap na ng taong-bayan ay mas maganda na proof of concept po is small modular reactor because when we start po iyong BNPP it might spark a debate, kasi alam niyo naging debate din ito in the past.
But we trust po, na with the incoming President, kung nadesisyunan po ng ating Presidente na to take the bull by its horn, once and for all puwede naman. Kasi legacy project naman ito at nagkaroon ho ng expert study naman ho dito ang KNHP (Korean Hydro Nuclear Power Company) at ang ROSATOM ng Russia na sinasaad nila na ang pag-rehabilitate ng BNPP ay talagang puwedeng-puwede.
So, ang observation lang natin sa Nuclear Energy Committee, is of course to see to it that we give importance to safety and number that it will be an added capacity to our energy security and number three po iyong cost. Kasi siyempre kung iyong kakalabasan niyan ay mas mahal naman, eh as provided for by the policy, we need to secure reliable and affordable cost.
Nag-meeting ho previously two weeks ago ang Nuclear Energy Inter-Agency Committee and we made this observation that we leave this to the incoming administration po, doon sa priorities po kung ano ang uunahin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang po ang inyong paalala o mensahe para sa ating mga kababayan sa gitna pa rin po ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Go ahead po.
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo. Kagaya ng sabi nga nila po, ‘What goes up must come down’. Bababa rin iyan. Historically, nakita natin noong 2011, 2012 ay tumaas, noong 2014 ay tumaas pero bumaba rin po. Nagpapalit naman ang panahon.
In the meantime po, ang problema natin kasi malakas ang demand, let’s try to conserve energy. Kung hindi ho natin kailangang gumamit ng sasakyan natin at gumastos at gumamit ng krudo, kung puwede nating i-turnoff ang mga aircon natin, iyong mga unnecessary na nakabukas na mga appliances natin tulad ng computers. Once we do this, in its totality, bababa ang demand at makakatulong po tayo sa pagpapababa ng ating pagsisikip ng ating pangangailangan ng power o energy.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng oras sa amin ngayong umaga, Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. ng Department of Energy. Mabuhay po kayo.
DOE USEC. ERGUIZA JR.: As usual po, Usec. Rocky, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Sir Mark Timbal, ang spokesperson ng NDRRMC. Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po ulit.
USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina, ano po.
Ulitin ko lang po iyong tanong kanina: Saan po at ilang evacuation centers ang tinutuluyan ngayon ng mga lumikas na residente; ilang tao po ang kayang i-accommodate ng bawat evacuation center, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. So far po, Ma’am, sa atin pong report po na natanggap ay isang evacuation center lang po sa Tughan, Juban, Sorsogon ang ginamit po noong 260 nating mga kababayan na nagsilikas po dahil po dito sa ashfall incident.
Overall po, we have more than 300 evacuation centers across Sorsogon Province. At ang instruction po ng NDRMMC ay dapat po, kapag ganitong panahon na mayroong emergency ay kailangang magsilikas ng mga tao. Dapat handa po ang lahat evacuation center, lahat ng facility ng pamahalaan na puwedeng gawing evacuation center ay dapat kasado na po at nau-observe pa rin dapat ang physical distancing requirements.
Ibig sabihin po kapag kunwari po ay classroom ang gagamitin, dalawang magkamag-anak na pamilya lang po ang puwedeng gumamit per room. At kung modular tent naman po ay one family per tent ang arrangement po natin.
Kasama din po sa paghahanda iyong supply po ng relief items, hygiene items at iba pang kakailanganin lalo na sa health concerns ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, tanong po ni Kenneth Paciente ng PTV: Gaano kalaki daw po ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagsabog sa agrikultura ng buong Sorsogon; anong mga pananim daw po ang nasira, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Ang naitala po ng ating mga kasamahan sa Department of Agriculture, may estimated initial assessment po tayo na P20,285,000 worth of damages po sa rice and high-value crops doon sa area pati na rin po ang livestock, poultry dahil po dito sa ashfall.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Kenneth Paciente ng PTV: Anong intervention daw po ang gagawin ng pamahalaan para daw po tulungan itong mga apektadong magsasaka, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: The Department of Agriculture po, as what we’ve been informed by, nagtakda po ng animal evacuation center para sa livestock diyan po sa Sorsogon na puwedeng pagdalhan po ng mga alagang hayop in case na magkaroon ng malakihang evacuation muli.
Iyong tulong naman po sa ating mga magsasaka na naapektuhan po nitong naganap na ashfall ay ikinakasa po ng ating Department of Agriculture, base po sa magiging final assessment po nila. Kasi nagkaroon po sila ng pag-imbentaryo po ng kanilang mga supply po doon for both crops and livestocks na puwede po nilang ibigay na suporta doon sa ating mga magsasaka.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon pong 14 hikers at mga guide nila na naabutan po ng pagsabog ng Mt. Bulusan. Ano po iyong update sa kanila? Ligtas naman po silang nakababa pero may balita na po ba kayo kung kumusta sila ngayon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama po kayo, Usec. Rocky. Tama po kayo diyan, ligtas po silang nakababa. Ang nangyari po kasi ay nagha-hiking po sila, nasa kalagitnaan po sila ng hiking nila noong pumutok po itong si Bulusan.
Although nakarating sa atin, noong nag-debriefing po itong Disaster Officer po sa kanila noong Linggo din, naikuwento daw po nitong mga hikers na akala nila ay dumilim lang dahil uulan. Hindi po nila natukoy na pumutok na pala iyong bulkan, parang noong pagbaba lang daw po nila ay saka nila nalaman na nagkaroon daw po ng eruption.
But they’re all safe and sound ito pong mga hikers na ito along with their guide, apat po iyong guides nila. Ang tinitingnan po natin ay baka nakauwi na rin po itong mga ito, mga taga-Southern Tagalog Region daw po itong mga kasama natin na ito at sa awa ng Diyos ay wala pong nasaktan sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa tingin po ba ninyo ay dapat pang mag-declare ng state of calamity sa probinsya ng Sorsogon, Sir Mark?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: So far po, batay po sa pronouncement po ni Governor Chiz Escudero, ang situation po ay manageable po at the level of the local government unit. When it comes to the impact po, wala naman pong nasiraan ng mga bahay at ang mga serbisyo po ng ating pamahalaan at pati ng public utilities kagaya ng patubig, kuryente, telecommunications, ay hindi naman po napatid.
Kaya po ang expectation po natin habang magiging mahigpit po ang pagbabantay ng lahat tungkol dito sa mga kaganapan kay Bulusan, unti-unti pong makakabalik po kaagad sa normal iyong buhay ng mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, mensahe o paalala pa rin po sa ating mga kababayan lalo na po sa mga residente natin sa Sorsogon?
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Tatlong paalala po sa ating mga kasamahan po ano.
Sa local government unit po natin and disaster managers, nagpalabas po ng paalala ang NDRRMC sa mahigpit na pagbabantay po doon sa 4-kilometer [Permanent] Danger Zone at pati na rin po doon sa 2-kilometer Extended Danger Zone doon sa area.
Dahil po Alert Level 1 na po tayo, iyong mga usual activities po doon sa [Permanent] Danger Zone ay hindi pupuwedeng maipagpatuloy lalo na iyong mga hiking adventures po na iyan at iyong entry without vigilance doon sa 2-kilometer [Extended] Danger Zone ay dapat pong ipagbawal.
Ito naman pong mga kababayan po natin na nandoon sa areas po na nakakaranas ng ashfall, ibayong pag-iingat po dapat ang ating gawin. Mag-face mask po tayo, protektahan ang ating mga mata dahil matinding irritation po ang mangyayari kapag nalanghap po or nakapuwing itong ash po na ito.
Sundin po ninyo ang mga abiso ng ating lokal na pamahalaan para masigurado po ang ating kaligtasan. Makakaasa po kayo na tuluy-tuloy po na tutulong ang ating local government units pati ang ating Regional Disaster Council pati ang National Disaster Council po para sa pangangalaga at pag-provide po ng inyong mga pangangailangan until such time po na makabangon po tayong muli mula po dito sa nangyaring emergency po na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng updates. Sir Mark Timbal, ang spokesperson po ng NDRRMC.
NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Anytime, USec. Rocky. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Samantala, sinamahan ni Senator Bong Go si Senator Imee Marcos sa isang thanksgiving event na inorganisa nito kung saan ito po ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga Dabawenyo. Alamin natin ang detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ilang ospital sa Maynila, punuan dahil sa non-COVID patients. At upang bigyan tayo ng dagdag-impormasyon diyan, makakausap po natin si Dr. Jonas del Rosario, ang spokesperson ng Philippine General Hospital (PGH).
Magandang araw po, Doc Jonas!
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Magandang araw po sa inyo!
USEC. IGNACIO: Opo. Diyan po sa PGH, ilan po iyong pasyente ngayon na naka-admit sa ER? Ilan po ba iyong dapat na mga pasyenteng naka-admit lang sa ER?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Well, ang Emergency Room po ng PGH ay mayroon lang pong 70 bed capacity. Sa ngayon po ay may 150 patients po na nasa loob noon kaya 200% po ang excess sa aming capacity at dahil po doon ay masikip po ang Emergency Room at marami pong pasyente ang hindi matanggap sa ward.
USEC. IGNACIO: Doc, halos lahat po ng mga pasyenteng ito ay non-COVID patients ano po? Ano daw po iyong kadalasang sakit na itinatakbo dito sa Emergency Room?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Opo, halos lahat po ay non-COVID. Napakakaunti lang po ng COVID patients ng PGH ngayon. Ang mga usual po na mga sakit [ay] pneumonia po ang pinakamarami tapos diabetes, sakit sa puso, sakit sa baga at iyong sakit sa bato. Mayroon din pong mga pasyente na dinadala dahil po sa aksidente o trauma sa ating Emergency Room.
USEC. IGNACIO: Doc, gaano na po ba katagal na ganito na iyong sitwasyon diyan sa PGH?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Halos mag-iisang buwan na rin po na talagang dumadagsa ang pasyente sa aming ospital. Lalo na po itong huling dalawang linggo, talagang umaapaw po iyong aming Emergency Room. Marami po kaming mga pasyenteng natatanggap either walk-in po o kaya mga dinadala ng mga ambulansya [mula] sa iba’t ibang ospital.
USEC. IGNACIO: Nabanggit ninyo nga po kanina na 70 lang iyong capacity ng ER pero umaabot sa 150 iyong pasyente. At dahil nga po naging punuan na iyong ER diyan sa PGH, ano daw po iyong ginagawa ninyong hakbang para po masolusyunan ito at hindi po magsiksikan ang mga pasyente, Doc Jonas?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Well, una po, talagang mino-monitor po namin iyong aming mga ward at kung puwede po na i-facilitate iyong mga discharges ng mga wards para matanggap po itong mga nasa Emergency Room. Everyday po ay sinisigurado namin na ma-maximize po iyong bed capacity sa loob ng ospital para matanggap sila.
Pangalawa po ay nakikipag-coordinate ho kami sa iba’t ibang mga ospital na kung puwede ay tanggapin iyong ilan naming mga pasyente. Medyo mahirap po maglipat ng pasyente kapag nasa loob na po ng PGH pero nakikipag-ugnayan pa rin po kami. Minsan po ay may naililipat kami.
Iyong mga wards po ay dinagdagan namin ng mga at least 10 to 15 beds. Iyong iba nga po ay hindi na kama kundi mga stretcher beds na lang muna po para ma-accommodate iyong mga pasyente. Dahil po doon kaya nanawagan po kami na sa ngayon po ay mayroon kaming tinatawag na Code Triage na kung talagang iyong mga life and limb threatening emergencies lang po ang aming tinatanggap. Ngayon po ay itinigil na rin muna po namin iyong mga elective procedures na naman para talagang matutukan lang ho itong mga emergency. Bawal muna pong mag-admit ulit ng mga pasyenteng elective lang naman po ang rason para ma-admit sa ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Jonas, isunod ko na po itong tanong sa inyo ng ating kasamahan sa media; mula po kay Re Mendoza ng Manila Times: Assured na rin po ba ang mga pupunta sa PGH na maa-accommodate sila despite sa mga balita na halos napupuno na ang ER ng inyong ospital?
PGH SPOKESPERSON DEL ROSARIO: Iyon nga po, kailangan ay coordinated po ang transfer kung galing po sa ibang ospital. Hindi po puwedeng pupunta lang po doon na galing sa ibang ospital.
Pangalawa po iyong mga walk-in po, iyong public walk-ins na dumidiretso doon, malamang po ay hindi rin basta-basta matanggap kung hindi po ito talagang life and limb threatening emergency.
Ang amin pong payo, kung hindi naman po talaga malubha at hindi emergency ay pumunta po sila doon sa kanilang local hospital po or secondary provincial hospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman daw po iyong COVID cases ngayon sa PGH? Ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Do we see po ba na ang mga kaso ay hindi na kasing-lala noon sa Delta surge, at handa rin po ba ang PGH lalo na at may nakikitang uptick sa mga kaso ng COVID-19?
PGH SPOKESPERSON DEL ROSARIO: Opo. Kami po o ang PGH po ay patuloy na COVID referral center. Mayroon po kaming facility, iyong tinatawag naming Bayanihan Isolation Facility, nandoon po lahat iyong aming mga COVID patients ngayon.
Sa ngayon po ang bilang lang ay kulang ng dalawampu ang aming COVID patients. Mostly po ay moderate lang naman. May mga ilang severe, pero so far po ay hindi pa namin nararamdaman iyong nababalitang pagtaas ng bilang.
Marami po siguro sa aming mga pasyente ay nagpa-test at mostly ay mild lang naman po iyong symptoms kaya sa bahay na po nagpapagaling.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano rin daw po ang status ng pagbabakuna sa mga health care workers?
Ilang percent na raw po ang nakakuha ng first booster dose at ilan na raw po ang nag-second booster dose?
PGH SPOKESPERSON DEL ROSARIO: Iyong first booster ay tapos na iyan; halos close to 90% nung aming healthcare workers ay na-booster. Nandito na kami sa second booster, ongoing po twice a week. Nasa mga 25% pa lang po kasi kauumpisa lang po namin last week pero patuloy po iyong aming pagbibigay ng second booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Jonas, kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe o paalala po sa ating mga kababayan at manonood ngayon.
Go ahead, Doc Jonas.
PGH SPOKESPERSON DEL ROSARIO: Iyon po, nakikiusap po kami sa ating mga kababayan na huwag na munang tumuloy sa Philippine General Hospital kung hindi naman po talaga malubha iyong kalagayan dahil ang situation po sa emergency room ay napakahirap, punung-puno po ng pasyente at baka hindi po kayo matanggap doon kaagad.
At kung kayo naman po ay magpapalipat, dapat po iyong ospital ay makikipag-coordinate po sa amin.
Mayroon po dating tinatawag na One Hospital Command Center ngayon po ang tawag na doon ay iyong DOH NPNRC or National Patient Navigation and Referral Center, mayroon po silang hotline iyong 1555. Doon muna po tayo tatawag para po malaman kung puwede pong dalhin sa PGH.
USEC. IGNACIO: Sir Jonas, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong araw at pagbibigay impormasyon, Doctor Jonas del Rosario, ang spokesperson ng Philippine General Hospital.
Salamat po.
PGH SPOKESPERSON DEL ROSARIO: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan sa atin ni Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
Umaasa si Senator Bong Go na magtutuluy-tuloy pa rin ang mga positibong pagbabago na nasimulan sa ilalim ng Administrasyong Duterte kahit magpapalit na ng administrasyon.
Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Samahan ninyo po ako muli bukas.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center