USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa ating lahat. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ngayong araw ng Miyerkules, ika-8 ng Hunyo, aalamin natin ang update sa COVID-19 cases situation sa ating bansa. Pag-uusapan din natin ang detalye ng bagong Civil Service Commission Resolution na flexible work arrangements para sa mga government employees, at update sa ginagawang clinical study ng bakuna kontra African Swine Flu. Iyan po ang ating pag-uusapan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Muling nakapagtala ang bansa ng mga bagong kaso sa sublineage ng Omicron variant ng COVID-19. Batay po sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center, pitong kaso ang sa BA.2.12.1, habang tatlo naman sa BA.5. Dalawa sa BA.5 ay mula sa CALABARZON, habang inaalam pa ang lokasyon ng natitirang mga kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t itinuturing na recovered ang mga ito, hinahanap pa rin ang kanilang mga naging close contact.
Samantala, kinumpirma ng DOH na bahagyang may pagtaas sa COVID-19 cases ngunit nananatili pa rin sa low-risk classification ang bansa. Maliban dito, wala ring nakikitang pagtaas pagdating sa COVID-19 hospitalization rate.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, inaprubahan na ng Civil Service Commission ang Resolution # 2200209 o ang flexible work arrangement para po sa mga empleyado ng gobyerno. At upang malaman natin ang iba pang detalye tungkol diyan, makakasama po natin si Atty. Aileen Lizada, ang Commissioner ng Civil Service Commission. Magandang umaga po, Commissioner.
CSC COMMISSIONER LIZADA: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At sa lahat po ng nakikinig at nanunood, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bakit po ba mahalaga na ma-institutionalize ang flexible work arrangement sa atin pong mga kawani ng gobyerno?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Usec. Rocky, na-experience po ng HR ng 1.7 million government employees iyong challenges natin during the pandemic kaya naka-issue ho tayo earlier ng dalawang MC covering po ito ‘no – MC numbers 10 and 18.
Kaso itong MCs na ito ay hanggang September lang 2022, which is up to the date of the declaration of state of national emergency or unless earlier revoked. Now, kinakailangan ho natin tuluy-tuloy iyong pagserbisyo ng gobyerno, and as we give public service, kailangan ho we should provide safe work spaces for the government officials and employees.
Itong polisiya po na ito ay dapat pong i-adopt ng mga ahensiya para maging part po ng kanilang public service continuity plan na sinabi ho ito ng NDRRMC or the National Disaster Risk Reduction and Management Council. So itong polisiya na ito provides reasonable work arrangements sa ating mga senior citizens, persons with disability, pregnant and nursing mothers, immunocompromised persons with chronic conditions, and those who suffered from accidents affecting mobility but can still physically and mentally work. Ito ho ay magiging effective po ito nang June 15, published May 31 po.
Kaya minabuti po ng Komisyon na i-institutionalize itong ating polisiya on the flexible work arrangements para kahit anong dumating sa atin, we are able to anticipate; the heads of agencies may be able to adapt easily and we are an agile HR po.
USEC. IGNACIO: Pero, Attorney, ang effectivity po ba nito ay hanggang ngayong may pandemya lamang na nasa state of public health emergency pa ang bansa o effective pa rin po ito kahit po tapos na ang pandemya?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Epektibo po ito kahit tapos na po ang pandemya. This is our answer to the new normal para sa gobyerno ho.
USEC. IGNACIO: Ito pong arrangement na ito ay applicable po ba sa lahat ng government employees regardless daw po kung anong estado nila, kung regular man po sila o iyong tinatawag nating COS?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay, ang flexible work arrangement po sa gobyerno applies to employment with regular appointments, those that are submitted to the CSC for attestation kagaya ng mga permanent, temporary, substitute, provisional, co-terminus, fixed-term, casual, contractual.
Iyong mga COS at mga JOs o iyong mga job orders po, hindi ho sila covered ng polisiya na ito but the DBM and COA may formulate a parallel issuance on the matter for COS and job orders to take into consideration po itong polisiya po na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Para malinaw din, Attorney, ano ba itong tinatawag daw po na flexi workplace?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Dati ho, doon sa ating … iyong dating MC po natin, Usec. Rocky, isa lang ho ang nandoon, ang ating work-from-home kasi iyon naman po ang utos din sa atin na lahat ay nasa bahay. Pero nakita ho natin, ano ho iyong mga experience po natin ‘no. So itong sa flexi workplace na ito po ay may mga inputs na po kaming nakuha rin dito, at lumabas ho rin sa mga konsultasyon na ito.
So when we talk about flexi workplace, we’re talking about, number one, work-from-home. A work arrangement with the government officials and employees work at home or their residence.
Number two, work from satellite office. Work arrangement where instead of reporting to their office, report for work at their agency satellite office near their place of residence, central, other regional offices and field offices.
And number three, work from another fixed place where work within the Philippines – hindi po puwedeng abroad – work within the Philippines is done at a place conducive for productive work and efficient performance of official duties and responsibilities other than their home or residence or satellite office.
Pero klaruhin po natin ito ha, “conducive for productive work”, hindi ho puwedeng ngayong weekend ay doon po ako sa Boracay o doon ho ako sa Palawan – hindi po puwede because this is still a subject to agreement between the supervisor recommendatory and the head of agency still has the final say on this.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kasama din po ba dito sa flexi work arrangement iyong compressed workweek, skeleton workforce, work shifting, flexi time? At iyon daw combination ng flexible work arrangement, kung puwede raw po ay maipaliwanag ito sa ating mga kababayan lalo po sa ating mga government employees?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Aside sa flexi work arrangement, iyong sinabi ko kanina, flexi workplace, kasama ho ang compressed workweek. When you say compressed workweek, dapat ho ay 40 hours tayo/one week or eight hours a day.
But when you say compressed workweek, nilalagay na lang ho natin sa four days. Pero hindi ho ibig sabihin na Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday lang kayo magtatrabaho at wala ng tao sa Friday, or Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday at walang tao sa Monday – hindi ho, kailangan may tao pa rin.
So nandiyan ho iyong compressed workweek. Number two, skeleton workforce refers to a minimum number of government officials or employees required to man the office to render service when full staffing pattern is not possible.
Ang third po, work shifting. Ito po, it refers to work arrangement applicable to office na nagtu-twenty-four hours; occupational groups that provide security and safety kagaya po ito ng mga CAAP, Bureau of Immigration, iyong Customs, public health, security.
Mayroon din ho tayong flexi time. Ano ho ang ibig sabihin ng flexi time? Puwede hong pumasok ang kawani ng gobyerno anytime between 7 A.M. to 7 P.M. provided eight hours of work din ho tayo ‘no. And iyong core working hours natin which is 8 A.M. to 5 P.M. kinakailangan pong may tao diyan. Hindi ho puwedeng lahat ng opisina ay 10 A.M. and lalabas ng 7 P.M. Hindi ho puwede, kasi nasanay na ho ang mga tao na 8 A.M. ay mayroon ho tayong trabaho, may tao na sa opisina.
And the last one is a combination of all of this. Example, compressed workweek, hindi naman kinakailangan 10 hours sila nasa opisina kasi the mental health is quite different ‘no, maaapektuhan talaga. So puwedeng eight hours sa opisina lahat for four days and one day work-from-home kung ang work-from-home po ay applicable sa inyong trabaho.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po iyong binabanggit ninyo, Attorney, kasi ang concern po daw ng iba nating mga kababayan na baka raw po na bumagal ang mga government transactions dahil daw po dito sa flexi work arrangement. Paano raw po ito masisiguro ng ahensiya ng gobyerno na hindi po maaapektuhan ang kanilang trabaho at serbisyo dahil dito sa bagong arrangement?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Salamat po. Unang-una, itong mga flexi-work arrangement, hindi po ito automatic, na parang “yehey.” Hindi ho. Depende pa rin ho ito sa ating heads of agencies. Ang ginagawa lang ho ng CSC, we provide options. And then, kung ano ang applicable sa agency, puwede po ninyong gamitin.
So, mayroon po tayo sa Item 5, Paragraph 8. General requirements para sa flexible work arrangements: “The agencies are tasked to formulate their internal guidelines”.
Kinakailangan po ang ahensiya ng gobyerno ay gumawa ng internal guidelines ninyo that they will adopt and implement and it should comply with CSC, DOLE, DOH JMC #1 series of 2020 to be submitted sa CSC Regional Offices for records and reference. Kasama ho dapat dito ang mga trabaho or tasks na puwedeng ma-accomplish outside ng offices.
At saka iyong agencies po, shall have to adopt performance standards and timeliness. Kasi po, let’s say, on research siya. Kapag work-from-home na kayo, siyempre wala ka nang time to commute di ba? So, save na iyon. So, if your target for this week is let say, seven researches, so puwedeng pag-usapan ng management at ng empleyado, so sige, since work-from-home ka, dadagdagan natin iyong targets mo. So, this is output-based ‘no. And failure to deliver, puwede naman i-cancel ninyo o i-deny ninyo next time na magri-request siya. Because hindi naman ito forever, because this is just a request na puwede hong i-pilot po natin.
And then also, puwede pong mag-adopt ng video conferencing and teleconferencing, puwede po ninyong ilagay, no virtual background, parang kagaya nito, nakikita ninyo kung nasaan ako at ano ang nasa likod ko.
Also, agencies may adopt a monitoring scheme or mechanism, such as submission of daily or weekly reports. So, hindi ho ito automatic na gagawin ninyo kaagad, mayroon ho dapat tayong parameters and mayroon ho dapat kayong internal policy. So, this one po, kaya nga natin kinausap si DICT, si National Privacy Commission, may mga inputs din po silang ibinigay sa atin, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon pong tanong iyong ating kasamahan sa media. Unahin ko na po itong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po kaya ang government workers under flexible work arrangements? Is this expected to increase pa kaya with the new issuance daw po ng Civil Service Commission?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Maraming salamat po, Sam and Usec.
Malalaman po natin iyan after June 15, kasi they will be making their respective internal policies and they will submit to the Regional Offices and maybe we will give them some time para mag-isip sila at para kung gusto ba nilang i-adopt – puwede naman kasing hindi nila i-adopt.
Pero kasi, sa isang opisina ko ‘no, we learned na noong lahat [ng empleyado] ay pinapasok, biglang humina iyong internet. So doon sila napa-ano, oh, sige, work-from-home, ang iba ganito. So, after a few months siguro, kapag once na all-in na po, we will consult our Regional Offices and kung sino po iyong nag-submit and then, we will update and report to you.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Sam Medenilla: May cap din po ba kung ilang workers sa isang government office ang puwedeng mag-avail ng flexible work scheme? If mayroon po, ano po ang nasabing limit?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Exactly po ‘no, may point. That is why, ang ginagawa ng CSC, we provide options. But the final say, assessment, evaluation, submission approval is to the head of the agency. So, kinakailangan na kung mayroong magri-request sa opisina, so let us say sa isang legal team, kung ilan ang puwede nilang ilagay? Hindi po CSC ang magsasabi na, ito lang dapat, because they are in a better position to assess their respective roles vis-à-vis the numbers that they have na kailangang-kailangan hong i-maintain nila, iyong core working hours po nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Naomi Tiburcio ng PTV: May grupo daw po ng government workers na nagsasabing maaaring makaapekto sa overtime pay ng mga empleyado sa ilalim ng compressed work-week set-up. Ano daw po ang masasabi ninyo dito, Attorney?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Ang compressed work-week ho, this is a result of a consultation ng empleyado at ng management. Kung mayroon po kayong mga reklamo, let us say ten hours, kasi, overtime pay is allowed, if you exceed the numbers of hours. So, kung let’s say four days kayo, 40 hours na iyan. Pero ewan ko kung mag-overtime ka pa, kasi ten hours ka na, gusto mo pa bang 11 hours nasa opisina ka?
So, iyong one hour na iyon, you are entitled to overtime pay as long as you report for work. Iyong mga nagwo-work-from-home, satellite office, fixed place ay you are not entitled to overtime pay. Overtime pay is given to those who report for work.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question po ni Naomi Tiburcio: Ayon din sa grupo, dagdag gastos sa kuryente at internet nga iyong flexible work arrangement. Maaari po bang magbigay ng suporta ang ahensiya sa mga maaapektuhang empleyado?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Nakalagay din po iyan sa polisiya, support mechanisms po. Puwede pong pag-usapan, kaya nga po kinausap namin si DBM at mayroon din po, nakalagay din po doon na iyong para sa COA, para wala po tayong mga disallowances. So, please read the policy, mayroon po doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, paano rin din daw po masisiguro na hindi maaabuso itong ganitong klase ng arrangement?
CSC COMMISSIONER LIZADA: May mga parameters kasing set in place tayo. At kinakailangan pong tingnan at i-monitor ng HR ng ahensiya once approved na iyong kanilang internal policy. So, ito hong ginagawa nating ito, dapat ho, iyong kawani ng gobyerno, kasi public office is a public trust, huwag po nating gamitin ito for our personal gain or benefit.
Ito po ay ginagawa para maayos po iyong ating pagserbisyo sa taumbayan at ginagawa po ng CSC ito to protect your welfares, so huwag po nating abusuhin. That is why, it’s important po na may internal policy set by the agency.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po iyong penalty o posibleng parusa sa mga empleyado ng gobyerno na mapapatunayang inaabuso itong flexi-work arrangement?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Wala pong nakalagay sa polisiya, because this is intended to better public service, para continuous iyong ating pagserbisyo sa publiko. Iyong penalty po ay nandiyan na ho tayo sa Rules on Administrative Cases in the Civil Service or RACCS. Puwede po tayo doon kumuha. Depende ho, case to case basis. Puwede hong insubordination, neglect of duty, misconduct and so on.
So, it does not change anything, it’s just that, we are adapting to the new normal. We are presenting itong mga flexible work arrangements, because in anticipation or foresight of other challenges na puwede nating harapin na mga kawani ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan daw pong government workers who were infected by COVID-19, based daw po sa Civil Service Commission data?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Kami po ay nagri-rely sa datos po na ibinibigay ng DOH, because it’s a running data. So, hanggang ngayon po kasi, still mayroon pa rin po tayong pandemic; and kasi may binigay hong link ang DOH, and all agencies should be updating.
I am taking this opportunity to communicate to the HRs of all other agencies, to please visit the link na binigay ng DOH and update po tayo doon, kung ilan na po iyong apektado, para maayos po natin iyong ating datos, so we will also understand.
That is why we are doing this policy para ma-address po natin nang tuluy-tuloy iyong ating pagseserbisyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner Lizada, mensahe o paalala na lamang po sa ating mga kababayan, partikular po sa ating mga kawani ng pamahalaan.
CSC COMMISSIONER LIZADA: Nagpapasalamat kami sa tumulong ho sa amin, which is more or less two years in the making. Maraming salamat po to the academe – Ateneo De Manila, De La Salle University; Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad, Development Academy of the Philippines, Department of Budget and Management, National Privacy Commission, MMDA, DICT.
Ito po ang sagot ng ‘Komisyon’ para sa new normal natin sa gobyerno. We have learned our lessons sa pandemic, we need to have foresight, we need to anticipate. And because of this, the Commission issued Resolution Number 2200209 which will take effect, June 15.
So, dahil ang taumbayan, ang publiko ay umaasa sa atin, sa gobyerno, dapat po tuluy-tuloy, walang patid ang ating pagseserbisyo.
Sa mga heads of agencies, please choose well, please consult as well iyong employees ninyo. Sa mga empleyado po, officials ng gobyerno, gawin po natin ang the best para sa taumbayan. And CSC will always give our best to protect your welfare, so that we can serve the public truly.
Maraming salamat po, Usec. Rocky, sa pagkakataon.
UEC. IGNACIO: Commissioner, kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong paglalaan ng oras sa amin ngayong umaga, Atty. Aileen Lizada, ang Commissioner ng Civil Service Commission. Salamat, Attorney.
CSC COMMISSIONER LIZADA: Thank you.
USEC. IGNACIO: Para naman po sa latest update ng COVID-19 cases situation sa ating bansa, makakasama po natin dito ngayon si Dr. Guido David ng OCTA Research. Magandang araw, Professor David.
DR. GUIDO DAVID: Magandang araw, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Professor, ayon po sa OCTA Research, tumaas ng 10% ang daily average cases daw po ng COVID-19 dito sa National Capital Region. Ano daw po ba iyong eksaktong numero na tinitingnan natin dito?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Kapag titingnan natin iyong seven-day average, actually, kahapon iyong 10%, ngayon [ay] 14% na. So, umabot na tayo sa 90 cases per day sa Metro Manila. Noong nakaraan na linggo, it was at 79 cases per day, so, kapag ikukumpara natin, 79 to 90, this is 14% higher.
Iyong pinakamababa natin was about three weeks na nag-a-average tayo ng mga 63 cases per day. So, unti-unting tumataas iyong cases, USec. Rocky, from 63 na pinakamababa, ngayon ay nasa 90 cases per day. Hindi pa naman iyon mataas pero nandiyan iyong may slight concern na iyon nga, bahagyang tumataas kada linggo ang mga bilang ng kaso sa Metro Manila. Iyong reproduction numbers, 1.25[%] tapos iyong positivity rate ay tumataas din, USec.
So, magandang nag-iingat na tayo bago pa man magkaroon ng pagtaas. Hindi pa naman natin masasabing tataas talaga ito pero mas mabuti nang may pag-iingat tayo sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Pero masasabi po bang isa sa mga nakakaapekto sa pagtaas na ito ay ito pong nakapasok na Omicron subvariants sa ating bansa? Itong BA.2.12.1, BA.4 at BA.5 o puwede pong sabihin na nagiging kampante na tayong mga Pilipino dahil sa patuloy na mababang data ng COVID-19?
DR. GUIDO DAVID: USec., usually, multi-factor ho iyan. So, may factor din talaga iyong nagiging kampante ang mga kababayan natin; may factor din iyong waning immunity; at may factor din iyong nakapasok na nga iyong mga subvariant na tinutukoy natin, itong Omicron BA.4, BA.5, may na-detect na dito na originally galing South Africa at saka iyong BA.2.12.1 na galing sa US.
So, iyon nga, it’s a combination of these factors. Hindi natin masasabing isa lang na factor iyan kaya nga kasama dito iyong pagiging kampante ng mga kababayan natin kaya mahalaga na mag-ingat pa rin tayo, USec.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko po, Professor, itong tanong ng ating kasamahan sa media na si Mela Lesmoras ng PTV: Paano daw po makakaapekto ang na-monitor na uptick sa COVID-19 cases sa susunod na alert levels na ipatutupad po ng IATF?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., sa ngayon, hindi pa naman tayo alarmed at hindi pa naman natin kailangan mag-overreact at itaas iyong alert level sa ngayon kasi mababa pa rin naman iyong bilang ng kaso kahit na tumataas. We are still at low risk sa Metro Manila.
Pero puwede nating ma-prevent itong pagtaas ng bilang ng kaso. Mahalaga sana, USec., na magpabakuna at magpa-booster ang mga kababayan natin. Ito ay napatunayan na malaking tulong sa pag-manage ng pandemic kaya kahit noong January, noong nagka-surge tayo, hindi tayo nagsarado, hindi tayo nag-lockdown.
Iyan ang gusto natin na management, dahil bakunado na tayo, mayroon tayong wall of immunity, hindi natin kailangang maghigpit sa ngayon. I’m not saying na hindi tayo maghihigpit, baka mag-iba iyong sitwasyon within the next few weeks, puwedeng i-reevaluate iyong alert level natin. Pero sa ngayon, mahalaga ang pagsunod natin sa health protocols para maiwasan natin itong pagtaas ng bilang ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Nitong nakaraang linggo po, tumataas din iyong positivity rate pero bumababa naman iyong hospital care utilization sa NCR. Papaano po ito maipapaliwanag, Professor?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Iyong hospital utilization, may delay siya usually bago siya tumaas eh. So, naunang tumataas iyong positivity rate and iyon nga, nakikita nating unti-unting tumataas, nasa 1.6% na sa Metro Manila, medyo tumataas pa siya nang bahagya.
Pero possible din naman na dahil mild iyong mga cases ay hindi nagiging dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso sa hospitals, iyong mga naa-admit sa hospitals pero at the same time mabuti na, USec., na mag-ingat tayo kasi hindi natin masasabi iyan with certainty dahil minsan nag-iiba iyong anyo ng COVID dahil may mga subvariant. Ito, pinag-aaralan pa natin itong mga subvariant kung paano siya makakaapekto. Alam natin mild siya pero kung hindi pa tayo ganoon kasigurado, mas mabuting nag-iingat pa rin tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi, may nakikitaan din po ng pagtaas ng COVID-19 cases sa mga probinsya. Anong partikular pong mga lugar ito, Professor?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., medyo paiba-iba sila pero sa CALABARZON area ay may nakikita rin tayong pagtaas nga. Ganoon din sa ilang bahagi ng Central Luzon, like sa Tarlac, may bahagyang pagtaas. Sa Western Visayas din, may bahagya ring pagtaas na nakikita tayong cases.
Hindi pa siya consistent, USec., na masasabi nating threat talaga pero, again, sana iyong mga kababayan natin ay mag-ingat din doon sa mga areas na iyon at sumunod sa mga health protocols at iyong pagpapabakuna at pagpapa-booster ay mahalaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ano po iyong masasabi ninyo sa pagsusulong ng pag-lift ng [State of] Public Health Emergency doon po sa sinasabi ninyo naman na nasa low risk pa rin tayo?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., nasa low risk tayo pero hindi pa natin masasabi kung ano iyong magiging effect nitong mga subvariant na ito dahil na-detect lang sila medyo recently, one month ago or so.
So maganda sana siyempre, i-monitor muna natin kung ano’ng magiging effects nito. Puwede namang pag-usapan iyong pag-lift ng [State of] Public Health Emergency pero sa ngayon, hindi pa naili-lift iyong declaration ng pandemic worldwide ng World Health Organization. So, siyempre, sumusunod din naman tayo sa World Health Organization at siguro within the coming months kung talagang hindi na tumataas iyong bilang ng kaso, puwede na talagang pag-usapan ito pero sa ngayon I think it’s better to be cautious muna.
Kasi sa New York, nag-alis sila ng mask mandate tapos noong nagkaroon ng surge doon sa Omicron BA.2.12.1, ibinalik nila iyong mask mandate. So, mahirap na iyong pabalik-balik, mas mabuti sigurado na tayo na patapos na iyong pandemic bago natin i-lift itong mga emergencies at itong mga mandates.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Mela Lesmoras ng PTV: Para daw po sa iyong grupo, ano daw po ang iiwang COVID-19 legacy ng Duterte administration?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., maraming challenges sa umpisa pero we managed it well kasi iyong sa huli nga, tayo iyong isa sa mga pinakamagandang pandemic COVID situation sa Southeast Asia. So, nalunasan natin with the help of vaccination and helping together, working together. I mean, siyempre, these are trials and tribulations for our country and our countrymen pero nalusutan natin ito and I would say na success talaga iyong program ng gobyerno sa COVID-19 in the end.
At ito iyong magandang ipinapakita natin and hopefully tumaas na tayo sa mga worldwide rankings pero, again, may mga sarili silang metrics, hindi naman natin kino-contest iyan, position nila iyan. Para sa akin, maganda iyong pandemic response sa atin especially in the end lalo na iyong vaccination rollout natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Since nakatutok din ang OCTA daw po sa COVID-19 situation ng Pilipinas, mula noong umpisa hanggang ngayon, anu-ano po iyong nakikita ninyong COVID-19 response measures na dapat pong ipagpatuloy ng BBM administration at mga bagay na dapat ihinto na?
DR. GUIDO DAVID:Yes, USec. Magandang mga katanungan iyan.
Iyong unang-una siguro, ay iyong One Health Command System, maganda iyang ipagpatuloy. Iyong medyo centralized iyong response lalo na during the peak of the pandemic although medyo pahina na rin iyong pandemic, although nandiyan pa rin yung virus.
Maganda pa rin siyempre iyong responses natin, not just nationally pero at the local level – iyong mga pag-quarantine natin; iyong sa hospital scaling up na ginawa ng Department of Health; iyong testing natin, baka puwede nating ma-improve iyong contact tracing; iyong vaccination natin siyempre, sana maipagpatuloy pa rin iyan.
Pero kung wala na iyong [State of] Public Health Emergency, of course, it is necessitated na hindi na ipo-provide ng government iyong free vaccines dahil it will be for public purchase na iyon kung gusto nilang magpabakuna. Pero hanggang nandiyan pa iyong [State of] Public Health Emergency, I think sana, maipagpatuloy natin iyong vaccination para sa mga kababayan natin na gustong magpabakuna. Sana naman iyong mga kababayan natin ay magpabakuna na rin habang libre pa iyong bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, kunin ko na lamang iyong dagdag-mensahe mo sa ating mga kababayan at manunood ngayong umaga. Go ahead, Professor David.
DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec. Rocky, maraming salamat sa pag-iimbita ulit.
Marami tayong naranasan nitong dalawang taon under the Duterte Administration na, iyon nga, dumating iyong COVID, maraming challenges sa atin, pero ito, sa tingin natin ay patapos na. Although nandiyan pa rin iyong virus, hindi na siya tulad ng mga naranasan natin last year or early this year na talagang affected tayo.
Ngayon, siyempre ang focus natin is on economy, itong mga kabuhayan natin, mga trabaho.
So marami tayong mga kakaharapin, especially with the incoming administration, kailangan pa rin siyempre ay talagang magtulungan tayo. As of this time, dapat isa na lang iyong kulay natin – kulay natin ay kayumanggi. At tayong mga Pilipino, kailangan magtulungan tayo para sa ikauunlad ng bansa natin.
In the meantime, habang may banta pa ng COVID, let’s stay safe. Let’s practice health protocols at magpabakuna tayo at magpa-booster tayo.
Maraming salamat, Usec.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat din sa inyong walang sawang pagbibigay sa amin ng mga impormasyon, Dr. Guido David ng OCTA Research. Salamat, Dok.
Senator Bong Go, nanawagan sa lahat na sumunod sa mga health protocols kasunod ng pagpayag ng IATF on the Management of Emerging Infectious Diseases na hanggang 100% ang kapasidad ng mga business establishments sa mga lugar na nasa Alert Level 1. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy pa rin po ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa ating bansa upang makagawa ng bakuna laban sa African swine flu. At para bigyan tayo ng update tungkol diyan, makakausap po natin si Undersecretary Rowena Guevara ng Department of Science and Technology. Magandang araw po, Usec.
DOST USEC. GUEVARA: Magandang araw, Usec, at magandang araw sa ating mga tagapanood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ang DOST ay nagbigay ng 15.95 million pesos as financial assistance sa BioAssets Corporation, isa raw po itong research and diagnostic company na kasalukuyang nagri-research para po sa paggawa po ng African swine flu vaccine. Gaano po kahalaga para sa ating bansa na makapag-develop po ng ganitong uri ng vaccine?
DOST USEC. GUEVARA: Usec, nalaman naman natin na dahil dito sa African swine fever, dama ng ating mga mamamayan ang pagtaas ng presyo ng baboy, kaya naman itong diagnostic kit ay dini-develop nitong mga Balik Scientists at saka gusto nilang maka-develop ng mga vaccines para sa ASF.
Iyong company na BioAssets Corporation, pinangungunahan nila iyong BRIDGES (Brisk Response through In-location Diagnostics and Genome Sequencing) project na nagsi-set-up sila ng first high-containment mobile laboratory unit na idi-deploy nila sa Mindanao.
Ang mobile laboratory unit na ito ay makakatulong sa mga veterinarian at saka mga farmers para magkaroon ng diagnostics doon sa point-of-need para makaresponde kaagad sa disease outbreak. Alam naman natin ang mga patakaran ng Department of Agriculture tungkol dito sa ASF, kaya kung makaka-respond kaagad itong laboratory, mas mapapabilis ang aksiyon at mas kaunti na lang ang ating mga kailangang patayin na mga baboy.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano na po iyong update dito sa ASF vaccine project? Base po sa mga datos, gaano na po kalapit na maging successful itong paggawa ng ASF vaccine, Usec?
DOST USEC. GUEVARA: Usec, ano kasi, uunahin nila iyong test kit. Iyong test kit, baka sa end of the year or early next year. Tapos iyong para naman doon sa vaccine, aabutin sila ng mga dalawang taon para i-develop iyan. So, mga end of 2023 or mga 2024 pa natin makikita iyong vaccine na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Maliban po sa bakuna ay nagdi-develop din sila – nabanggit ninyo na nga po – ng ASF test kit. So ano po ba itong test kit na ito? At paano raw ito makakatulong laban sa African swine flu?
DOST USEC. GUEVARA: Alam ninyo po ngayon, Usec, mayroon rule ang Department of Agriculture na kapag may isang na-detect lang na baboy na may ASF, [sa loob ng] isang kilometro, lahat ng baboy doon ay papatayin; tapos kapag certain kilometers ay may rules din sila.
Ngayon, kung magkakaroon tayo ng detection kit, hindi mo na kailangan na lahat ay patayin. Puwede mo nang i-detect sino iyong mga baboy na may sakit, at iyon lang ang kailangan nating idispatsa. Pero iyong mga walang sakit ay puwede namang hindi na patayin.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa rin po sa sinimulan nilang proyekto ay itong mobile laboratory. Maaari ninyo po ba kaming bigyan ng iba pang detalye kung para saan daw po itong mobile laboratory na ito?
DOST USEC. GUEVARA: Alam mo sa kasalukuyan ngayon, kapag tini-test nila itong mga hinihinalang kaso ng ASF, kukuha sila ng sample tapos dadalhin pa nila sa laboratoryo. Babaliktarin natin iyon – imbes na dadalhin mo sa laboratoryo, iyong laboratoryo iyong pupunta doon sa site kung saan mayroong suspect na ASF cases. Sa ganoong paraan, mas [garbled]
USEC. IGNACIO: Opo. Pero maliban po dito sa BioAssets Corporation, may iba pa po bang R&D companies na tayo po ay nakikipag-partner para po sa paghahanap ng lunas sa ASF?
DOST USEC. GUEVARA: Oo, mayroon pang dalawang other kits na nasa merkado. Mayroon tayong ASF Nano Gold, gumagamit iyan ng isothermal LAMP (loop mediated isothermal amplification) na dini-develop pa at kailangan pang irehistro.
Iyon naman sa ITDI-DOST kit ay base naman sa real time PCR na gold standard ng naman ng ASF virus diagnostic. So iyon ang puwedeng gamitin for certification. At sisiguraduhin nilang compatible ito doon sa mga shield deployable machines.
USEC. IGNACIO: Opo. Itong pagbibigay po ng financial assistance ng DOST sa mga research and development projects ay bahagi po ng Science for Change Program ng DOST. Ano po ba itong Science for change Program?
DOST USEC. GUEVARA: USec. Alam mo, noong 2016, napansin namin na madami sa mga research projects na pinupondohan ng DOST ay nasa tatlong rehiyon lang, NCR, CALABARZON at saka Central Luzon. Halos mga 20% lang iyong naibibigay natin doon sa rest of the other 14 regions of the country.
So, para ma-solve iyong problema na iyan, binuo natin iyong Science for Change Program. Na kung saan nagkaroon tayo ng apat na subprograms. Iyong una, iyong Niche Centers in the Regions for R & D or NICER, nagtatayo tayo ng R&D Center sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. At sa kasalukuyan, nakapagtayo na tayo ng 43 R&D centers, all over the country. Ang maganda dito, iyong funding na napunta doon sa 14 other regions ay sobrang laki na, kumpara sa napunta doon sa NCR, CALABARZON at saka Central Luzon.
Pangalawa, dati hindi nagri-research iyong industry natin. So, dalawang subprograms ng Science for Change ay iyong CRADLE at saka iyong BIST (Business Innovation through S&T). Doon sa CRADLE (Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy), Collaborative Research iyan between Academe and Industry. Iyong industry ang magsasabi, anong problem iyong iso-solve, tapos iyong academe, sila iyong nagso-solve ng problem. Mayroon na tayong 86 programs, projects under the CRADLE. At saka ang resulta ng mga ito ay sobrang ganda na. Ipapakita natin diyan sa Summit natin sa Friday, kung ano na iyong mga naging benepisyo sa mga kumpanyang ito.
At pangatlo, iyong Business Innovation Through Science and Technology for industry, tinutulungan natin iyong mga industriya na gustong mag-research para ma-improve iyong kanilang mga produkto, para ma-derisk iyong pag-i-invest nila sa R & D equipment, hanggang 70% ng R & D equipment funding ay sino-shoulder ng DOST. Tapos, kailangang mag-repay iyong industry, after two years at zero percent interest.
Iyong pang-apat na subprogram ay iyong RD Lead. Iyong RD Lead, nagdi-deploy tayo sa universities, sa colleges, RDIs at saka sa mga government agencies ng mga veteran researchers para tulungan sila na magtayo ng bagong facility, mag-develop ng mga tao nila at saka mag-research. So, lahat ng mga iyan ay pinondohan ng Science for Change Program.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. May pahabol lang pong tanong sa inyo si Tuesday Niu ng DZBB. Kung sakali daw pong matapos na ang paggawa ng test kit sa ASF po ito. Paano po ito gagamitin? Ano po ang gagamiting sample mula sa baboy at kung mayroon na nito, magkano naman po kaya aabutin ang presyo per test kit? Kakayanin naman kayang bayaran ito ng mga magbababoy o libre itong ibibigay ng gobyerno?
DOST USEC. GUEVARA: Iyong tungkol diyan sa eksaktong paraan, hindi na muna namin sasabihin. Pero normally, dugo naman ang kinukuha diyan. Ngayon, iyong presyo ng test kit, hindi pa nila masabi. Pero ang style kasi natin sa government, mayroon tayong tinatawag na shield validation, normally gobyerno muna ang nagpupondo sa ganiyan hangga’t hindi pa nabibigyan ng permit iyong paggamit nitong mga test kits na ito.
So, huwag po muna tayong mag-aalala doon sa presyo, ang importante po, ma-solve po natin itong problema natin sa ASF.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kasalukuyan po, ilan na po iyong naaprubahang proyekto, total grants awarded sa ilalim po ng mga component ng Science of Change, USec.?
DOST USEC. GUEVARA: USec., doon sa ating tinatawag na NICER, mayroon na tayong 43 centers for R & D, 2.3 billion na iyan sa labing-pitong regions. Doon naman sa CRADLE, mayroon na tayong 86 projects worth 396,6 million sa sampung regions. Doon sa BIST, mayroon tayong apat na projects worth 43.3 million at doon sa RDLEAD, nakapag-deploy na tayo ng 68 RD Leaders sa 66 host institutions.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano daw po makakapag-apply o makapag-submit ng proposal para po dito sa Science for Change Program?
DOST USEC. GUEVARA: USec., kakatapos lang ng ating call noong March 1 to 31. Kada taon, isa o dalawang calls ang ginagawa natin. Maaaring sa August or September ang pangalawang call para sa taong ito. Tapos ang susunod na ulit diyan ay next year.
USEC. IGNACIO: Opo. May sinisimulan ring bagong proyekto, USec., ang DOST kung saan po tini-train po ninyo ang mga scientist and technologist para daw po sa posibleng pag-adapt nitong blockchain technology? Ano po ba iyong Blockchain technology at paano ito makakatulong sa atin?
DOST USEC. GUEVARA: Iyong Blockchain technology ano iyan, it’s a way para makapag-establish ka ng trust between one person or institution and another person or institution. Ang pinakamadaling example diyan ay kunyari dati, kapag ang farmer, gusto niyang magtinda ng kanyang mga produkto, dumadaan siya sa middleman, bago umabot sa merkado.
Kapag gumamit tayo ng Blockchain, puwedeng diretsong makipag-transact iyong farmer doon sa kanyang merkado. Sa ganiyang paraan, mas malaki ang magiging kita ng ating farmer. Ginagamit din ang Blockchain sa mga financial institutions, kunyari mayroon kang financial instruction. Kunwari, nagtitinda ka ng lupa mo, tapos kailangan mong kumuha ng certificates and so on from a government agency, si Blockchain, nagagamit mo siya para siguraduhin na iyong matatanggap mong certificate ay galing sa tamang office at ito ay valid. So, iyan ang mga nagagawa ng Blockchain.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe o paalala para sa ating mga kababayan at siyempre dito sa ating mga Scientist at Technologist?
DOST USEC. GUEVARA: Inaanyayahan ko po ang ating mga researchers, scientist at engineers na samahan po ninyo kami sa June 10, magmula 9:00 AM hanggang 3:00 PM kung saan ipapakita natin kung ano na iyong mga nagawa dito sa Science of Change Program. Kung hindi po kayo physically makaka-join sa amin, samahan po ninyo kami sa Facebook. Maraming salamat po at magandang agham sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa paglalaan ninyo ng inyong oras sa amin, Undersecretary Rowena Guevara ng Department of Science and Technology. Mabuhay po kayo.
Samantala nagsagawa ng serye ng pamamahagi ng ayuda ang tanggapan ni Senator Bong Go sa lalawigan ng Leyte para sa mga naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya. Narito po ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ngayong National Dengue Awareness month, isinusulong ng Tropical Diseases Prevention and Control Unit ng Davao City ang mas pinalakas nilang information campaign. Ang detalye sa report ni Hanna Salcedo ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, update sa pamamahagi ng second booster dose sa Davao City, alamin natin ang report ni Julius Pacot ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang update sa Cordillera Region mula sa report ng ating kasamang si Alah Sungduan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita po tayo muli bukas. Ako po si USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)