Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.

Paghahanda para sa pagdiriwang ng Independence Day, oportunidad para sa mga seafarers, COVID response update at mainit na usapin kaugnay sa pagsusuot ng face mask sa outdoor areas sa Cebu City, ilan lang po iyan sa mga lilinawin natin maya-maya lamang.

Siksik na naman po ang mga balita at impormasyon na ihahatid namin sa inyo

ngayong araw ng Sabado. Manatiling nakatutok.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, nanawagan si Senator Go sa pamahalaan na tiyaking matulungang maibsan ang epekto nito sa ating mga kababayan.

Nanawagan rin ang senador sa mga ahensiya na pabilisin ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers.

Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga oportunidad para sa mga kababayan nating nagbabalak magtrabaho sa barko at sitwasyon sa kanilang operasyon ilang araw po bago ang pagpapalit ng administrasyon, iyan po ang ating pag-uusapan.

Kasama po natin si Captain Jeffrey Solon, Officer-in-Charge Office of the Deputy Administrator for Planning ng Maritime Industry Authority.

Magandang umaga po, Captain.

CAPT. JEFFREY SOLON: Magandang umaga po sa iyo, Madam Usec. Rocky and sa lahat ng inyong tagapanood.

Gusto ko lang pong i-correct na iyong aking posisyon po ay Deputy Executive Director po ngayon sa STCW Office. Iba na po ang OIC ngayon sa Deputy Administrator for Planning.

Thank you po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po.

Paano po nakakaapekto sa operasyon at pagpapaalis po sa mga seafarer mula daw po nang magkaroon ng pandemya at kumusta na rin po ito so far?

CAPT. JEFFREY SOLON: Talagang ang laki ng hirap na naranasan ng ating mga kabaro, ating mga seafarers nang mag-umpisa ho iyong pandemic. And then at that time, iyon din ho halos kakapasok din namin na mag-join sa MARINA.

So, bale ako po iyong nagri-represent ng one-stop shop sa MARINA and then lahat po talagang punuan iyong mga hotel at kailangang magkaroon ng vaccination at magkaroon ng swabbing iyong lahat ng mga pupuntahan. So, malaking pasakit talaga itong pandemya.

But sa ngayon po ay talagang napakaluwag na at halos lahat ng bansa, halos naaalis na iyong mga restrictions kaya mas madali na po ngayon ang pagpapaalis ng mga seaman.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon, gaano po karaming Pinoy seafarers ang kinakailangan?

CAPT. JEFFREY SOLON: Ang total seafarers po natin na onboard ay almost, nasa around 500,000 na. Tumaas ito dahil sa conflict ng Russia at saka Ukraine.

So, iyong demand ng all-Filipino crew lalo na doon sa area ng Ukraine ay tumataas. So, kami dito sa MARINA ay tinutulungan po natin iyong ating manning industry na mapabilis po ang kanilang mga applications para mapagbigyan po agad iyong pangangailangan sa pagpalit o pag-replace ng mga Ukrainian at saka mga Russian seafarers.

USEC. IGNACIO: Opo, Sir, para lang din po malinaw sa mga interesado nating kababayang seafarers, may malaking pagbabago po ba daw sa proseso sa application para makapagtrabaho sa barko?

CAPT. JEFFREY SOLON: Yes, oo. Sa ngayon ay hindi na kailangan ng mga seafarers na pumunta sa MARINA. Paperless transaction na po tayo nayon. Ang kailangan ninyo lang ay iyong makapag-apply kayo doon sa inyong sariling MISMO o iyong MISMO account at doon na namin ini-evaluate iyong inyong application at once na approved ay hindi na nila kailangan pumunta sa MARINA, pumila para ipa-print iyong ating mga certificates.

Iyong certificates po ay QR coded din ho iyan kaya kahit sa barko ay puwede niyong i-print iyan at hindi na ninyo kailangan magdala ng karami-raming mga papel.

USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin po nito, Captain, hindi naman po ganoon magiging katagal ang pagproseso ng mga mag-a-apply lalo na po [at] may mga kailangan nang umalis ngayong July at August?

Tama po ba ito, Captain?

CAPT. JEFFREY SOLON: Yes, oo. Iyong mga ganiyang klaseng nagmamadali, sa MARINA naman na side kapag ang manning agency ay nagri-request na i-expedite ay tinutugunan po namin iyan. Kailangan lang po nila na magbigay ng mga kailangang dokumento para patunayan na ang tao ay talagang immediate ang pangangailangan ng pag-alis. Kasi kung hindi natin binibigyan ito ng mga requirements ay kahit lagyan po lahat ngayong araw na ito puro expedite tayo, mayroon at mayroong darating na super expedite at mayroon namang extremely expedite.

So, hinihingian po natin sila ng mga dokumento just to prove na talagang immediate iyong pangangailangan.

USEC. IGNACIO: Opo. Captain, gaano naman daw po kalaganap iyong mga nahuhuling namemeke ng certificate o iba pang dokumento para po makapasa sa assessment ng MARINA at makapagtrabaho overseas?

CAPT. JEFFREY SOLON: Hindi naman ganoon kalaganap iyan at may nahuli na kami. In fact nasa website namin ng MARINA iyong mga taong involved na nahuli namin, ano.

So, may isang opisyal din diyan na sangkot at sinisigurado po namin na pati ang lisensiya niya ay matatanggal.

Ibang-iba ang MARINA ngayon kaysa MARINA noon. So, halos lahat po ng empleyado ay naka-align po sa kagustuhan ng ating administrator na maging corrupt-free po ang isang MARINA ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali lang po na mapatunayan na may namemeke ng dokumento, ano daw po iyong mga penalties na posibleng ipataw?

CAPT. JEFFREY SOLON: Itong mga seafarers natin na tumatangkilik dito sa mga fixers at napepeke iyong kanilang certificates ay ganito po: Minimum of P50,000 ang fine plus at penalty na one year suspension, iyan iyong minimum; kapag naulit po ay revocation na po ng kanilang seaman’s book at hindi na sila makakasakay. Kaya ito ay warning ho sa ating mga seafarers.

Sa STCW po, sinasabi po ng STCW na six months before mag-expire iyong inyong mga dokumento ay ayusin ninyo na. Marami pa rin na ang attitude ng ating seafarers na sinasagad nila iyong kanilang mga documents, validity ng kanilang documents. After na mag-expire iyong documents at saka pa lang sila mag-aayos.

So, nilagay lang po natin sa tama kung ano ang sinasabi ng STCW na six months before [expiration] ay dapat ayusin ninyo na ang inyong mga dokumento kasi bread and butter ninyo po iyan. Huwag ninyo po hayaang mapaso iyan.

USEC. IGNACIO: Sa ibang usapin naman po, ‘no. Captain, ano po iyong mga ipinagmamalaking accomplishment ng MARINA sa nakalipas na anim na taon sa ilalim daw po ng Administrasyong Duterte?

CAPT. JEFFREY SOLON: Unang-una po, ang MARINA ay very involved dito sa pagtugon sa pandemic [concerns] ng ating mga seafarers. Iyong pagpapauwi ng ating mga seafarers, very active po tayo diyan. Nagkaroon po tayo ng crew change hub dito. Malaki Ang naitutulong ng ating mga puerto na na-allocate as crew change hub, hindi lang po mga Filipino seafarers, pati po iyong international seafarers ay nakinabang dito.

As of now, mayroon po tayong labindalawang crew change hub at mag-i-increase po iyan, dahil ang gustong mangyari po ng ating Presidente, is that magkakaroon talaga ng mas maraming crew change hub itong ating bayan. Isa pa, marami kaming nagagawa ngayon, iyong isa mga importanteng nagawa at natugunan natin ay iyong tinatawag nating hybrid training na hindi na nila kailangang pumasok sa training center, they can attend training through hybrid training na physical attendance and online.

At saka itong mga certification po natin, isa po iyan na paperless transaction na po tayo at ito ang pinakahuli nating nagawa, ng MARINA through our administrator, Admin Empedrad, 50% na lang po ang renewal ng mga certificate at saka sa mga bagong aplikante ho sa seaman’s book, ito ay libre.

USEC. IGNACIO: Opo. Captain, sa ngayon may mga pangalan na po bang lumalabas na posibleng susunod daw po na magiging MARINA Administrator? May kaugnayan po dito iyong tanong ng ating kasamahan sa media na si Rose Novenario ng Hataw: May petisyon daw po ang Association of Licensed Manning Agencies o ALMA kay President-elect BBM para daw po ma-retain si Administrator Robert Empedrad? Ano daw po ang masasabi ng MARINA dito?

CAPT. JEFFREY SOLON: Actually, sa totoo lang, pati ang mga empleyado ng MARINA ay naghahangad na mai-retain si Admin Empedrad. Likewise itong petisyon ng ALMA, lately nalaman ko nga, may mga ganiyang klaseng petisyon.

Hindi lang po sa ALMA, sa ibang sektor din ng ating industriya ay nanawagan na mai-retain ang kasalukuyang namumuno ng MARINA. Dahil ang importante kasi dito, iyong continuity ng program, lalo na po iyong pagtugon natin sa ating problema sa European Community, iyong tinatawag nilang EMSA (European Maritime Safety Agency).

So, iyan ay 2006 pa nagkaroon ng problema iyan at natugunan na po natin ngayon iyan within three months period, noong ma-receive po natin iyong kanilang final EC assessment report. Kailangang maipapatupad natin na ang lahat ng naipangako natin doon sa EMSA.

Natapos po natin iyong corrective actions at saka measures. Ang trabaho ay kakaumpisa lang, ang pagpapatuloy po nito, dahil kapag magbago po ang ating administrasyon ngayon dito sa MARINA. Hindi ko naman sinasabi na baka mawalan ng continuity. Pero itong ginawa naman po ni Admin Bob, to make sure na mayroong continuity ng ating programa, nagkaroon po tayo ng voyage plan at saka MIDP o Maritime Industry Development Plan.

Kapag ito ay napirmahan ni Presidente, iyan ay magiging blueprint, kailangang sundin ng susunod na administrasyon dito sa MARINA.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero so far, Captain, kumusta po iyong paghahanda para sa transition period?

CAPT. JEFFREY SOLON: Dito naman sa MARINA as I have mentioned, mayroon nga tayong voyage plan at saka MIDP. Iyong ating mga retainers, iyong ating mga plantilla positions, I am quite sure na itutuloy po nila iyan. Kung wala man ako, wala si Admin Bob o wala si [unclear], nandiyan po ang ating mga personnel sa MARINA na permanente sa MARINA na magpapatuloy po niyan. And rest assured na kahit wala kami sa MARINA, kung hindi kami maitutuloy diyan, we will be very much involved to make sure na patuloy ang programa ng MARINA.

USEC. IGNACIO: Opo. Captain, kunin ko na lamang ang inyong mensahe sa ating mga kababayan especially po doon sa mga nag-a-apply sa MARINA. Go ahead po, Captain.

CAPT. JEFFREY SOLON: Thank you, ulit po, Usec. Rocky.

Ito lang po ang masasabi ko sa ating mga seafarers ano. Ang inyong mga dokumento, ang tinatawag nating training documents ay inyong bread and butter. Iyan po ang kailangan ninyo sa inyong hanapbuhay. Kapag iyan ay paso, hindi na kayo makakasakay.

At ganito: Huwag po ninyong ipasa ang problema ninyo sa inyong dokumento sa manning agency. Dahil si manning agency, pinapasa din nila ang problema nila sa amin. So, maging responsible po tayo sa ating mga dokumento, six months before, dapat i-renew na ninyo iyan. Dahil mahigpit po naming pinatutupad ngayon, kapag one day na na-expire ang inyong certificate ay kailangan na ninyong mag-full training.

So, kung ayaw ninyong mag-full training, kailangan bago mapaso iyong inyong certificate, i-renew na kaagad. Iyan po ay nakasaad po sa batas ng ating STCW, iyan po.

Huwag po kayong mag-aalala, kami po dito sa MARINA ay lahat ginagawa po sa utos ng ating administrator na kailangan magkaroon ng mas madali at mas magaan na pag-transact dito sa MARINA. Buong regional offices po namin, ganoon po ang direksiyon.

Thank you po at maraming salamat sa pag-imbita po sa akin, Madame Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Captain Jeffrey Solon ng MARINA. Salamat po.

Para naman po linawin ang isyu kaugnay sa inilabas na Executive Order ng Cebu Province kaugnay po sa maaaring hindi na pagsusuot ng face mask sa outdoor areas. Makakasama po sa puntong ito, si Police Lt. Col Maria Aurora Rayos, ang Public Information Officer ng PNP Region VII. Magandang araw po, Coronel!

Ayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon kay Col. Rayos.

Samantala, upang makibalita sa mga inihandang programa para sa ika-124 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, makakasama natin si National Historical Commission of the Philippines, Senior Researcher Francis Kristoffer Pasion. Magandang umaga po, Sir.

FRANCIS PASION: Magandang umaga po sa inyong lahat at sa tagasubaybay po ng programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ba iyong magiging tema para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon? Bakit po bang mahalagang gunitain itong Independence Day?

FRANCIS PASION: Ang team po natin ngayon ay ‘Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.’

Napakahalaga po ng pagdiriwang po ng ating kalayaan ‘no dahil ito po iyong hudyat ng ating pagsasarili, inaanunsiyo po natin sa buong mundo na tayo ay isang bansa na may sariling boses at we are best [unclear] course our own future.

So, binabalikan po natin, ginugunita po natin ng nangyari po noong June 12, 1898 ‘no. Kung saan po ang dating Heneral na si Emilio Aguinaldo na naging unang Pangulo ay nagdeklara po ng kalayaan ng Pilipinas po mula sa España. At ito po ay ginanap po ng mga 4:20 po ng Hapon, June 12, 1898 sa kanya pong bahay po sa Kawit, Cavite. At dito po unang pinatugtog ang atin pong pambansang awit na wala pa pong liriko noong panahong ito. At pangalawa po, iwinagayway po ang bandila po ng Pilipinas sa publiko.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Francis, bukas, sinu-sino po ang dadalo sa programa sa Maynila para sa Independence Day at ano rin po iyong mga inaasahan pang mga adktibidad?

FRANCIS PASION: Pamumunuan po ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ating pagdiriwang sa Rizal Park sa Maynila. Magsisimula po ang programa ng 9:00 o’clock. Ito po ay matutunghayan po natin po ang pagtataas po ng watawat at ang wreath laying po sa dambana po ni Jose Rizal sa Rizal Park.

At pagkatapos po nito, marami po tayong mga nakahandang plano. Una po sa lahat, libre po ang sakay sa MRT at LRT.

Kasabay po pala ng programang ito na ilulunsad po natin sa Rizal Park ay ang simultaneous flag raising and wreath laying po sa mga national historical sites po ng buong bansa. So, kasama po dito iyong sa Barasoain Church po sa Malolos, sa monumento po ni Bonifacio po sa Caloocan. Mayroon din po sa Cebu sa dambana po ni Lapu-lapu sa Mactan.

Lahat po ito ay nakaanunsiyo po sa amin pong website po at saka sa Facebook page po namin.

At maging ang amin pong mga museo, all of them po 27 museums all over the country, mayroon pong mga inihandang programa at webinars po na maaari pong daluhan ng atin pong mga kababayan online para po matutunan po natin at sariwain po natin ang ating kasaysayan at kung saan po tayo nagsimula.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumpara po noong nakaraang dalawang taon, mas nagluluwag na po tayo sa protocols dahil sa pandemic.

So, anu-ano po iyong mga programa na maaaring abangan naman ng ating mga kababayan bukas?

FRANCIS PASION: Bukas po, specifically ay mayroon po tayong partnership sa Ayala Malls, iyong ‘Kain Na Food Adventure’ na nagsimula po kahapon. Wala po masyadong programa po sa ngayon, pero bukas po ay mayroon po tayong socio-civic parade na isasabay ng Kawit, Cavite local government. And mayroon po tayong mga cultural show.

Tapos po, aside from the job fair na gaganapin din po sa Kawit, Cavite ay mayroon din po tayong Independence Day Concert sa ganap na hapon po ng June 12. Makikita po natin iyong ating mga mang-aawit, mga sikat po na mang-aawit. At to cap off po iyong June 12 celebration po natin, sa gabi po ng June 12 at 7:00 PM sa Rizal Park ay mayroon po tayong grand display of fireworks.

So, ibu-broadcast po ito. Lahat po ng kaganapan pong mahalaga ay ibu-broadcast po sa aming Facebook pages po, and I think po, sa atin din pong state network.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hindi lang po dito, Sir Francis, sa Pilipinas ang nagkakaroon ng celebration, ano po? Maging iyong mga kababayan natin sa ibang bansa ay nagkakaroon din ng pagtitipon?

Tama po ba ito?

FRANCIS PASION: Opo. May mga nakahanda pong programa po ang ating Department of Foreign Affairs sa kani-kanila pong mga Sentro Rizal, sa mga embahada po sa buong mundo. maging po sa mga dambana po ni Jose Rizal sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

So, check ninyo na lang po ang website po [para makita] ang mga nakahandang programa ng DFA sa kanila pong web pages.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bilang isang Pilipino, papaano po natin maisasabuhay o sa simpleng paraan, ang makiisa po sa paggunita ng Independence Day, Sir Francis?

FRANCIS PASION: Siguro po alalahanin po natin na ang pagdesisyon po natin bilang isang bansa na lumaya ay hindi lamang po dahil tayo ay gusto lang natin iyong ambiguous na konsepto ng kalayaan, ano?

Una po sa lahat, kaya po tayo naghangad ng kalayaan dahil hindi po tayo nabigyan ng pantay na karapatan at ginhawa po noong panahon ng mga Espanyol. At noong nagdesisyon po tayo na magsarili, talagang kinuha din po natin ang responsibilidad na tumayo sa ating sariling mga paa.

At siguro po [ang isa] sa mga paraan po para sa pagdiriwang ng kalayaan po ay maging isang mabuting Pilipino po. Dapat aware po tayo sa atin pong mga duties and responsibilities po bilang isang mamamayan. Sumunod po sa mga patakaran ng atin pong lipunan. Ang pagiging makabayan po kasi ay nagta-transcend po ito hindi lamang po sa pagpapakita po ng Philippine flag, ng ating pambansang bandila. Ito po ay nakikita rin po sa diwa po ano, sa ating mga pangarap, sa paghahangad po natin na maiangat ang ating sarili at maiangat po ang ating bansa ‘no, katuwang po ang mga pangarap po sana natin sa hangarin po natin na isang mas magandang kinabukasan po para sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras.

Francis Kristoffer Pasion, ang Senior Researcher mula po sa National Historical Commission of the Philippines.

Walang nakakatiyak kung kailan po tatamaan ng kalamidad ang isang lugar. Kaya naman naniniwala si Dr. Cedric Daep, isang public servant mula po sa Albay na malaki ang maitutulong ng kahandaan ng bawat indibidwal para makaiwas sa mas malalang pinsala dulot ng kalamidad.

Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, ilan pong mga barangay sa Governor Generoso, Davao Oriental ang personal na sinadya ni Senator Go kamakailan.

Namahagi ang kaniyang outreach team ng ayuda sa mga kababayan nating pinaka naapektuhan ng pandemya.

Panoorin po natin ito.

[NEWS REPORT]

(NEWS REPORT)

USEC. IGNACIO: Muli po tayong makibalita sa patuloy na pagbabatay ng Department of Health sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Muli po nating makakasama si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec, magandang araw po.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta na daw po itong update natin sa COVID-19 cases sa nakalipas na linggo. Base po sa report ng DOH, may bahagyang pagtaas ng cases sa Metro Manila. Ano po daw iyong factors nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So sa ngayon nakikita natin, nasa low risk pa naman tayo. Ibig sabihin, itong mga kaso natin ay hindi po nasu-sustain ang pagtaas na tuluy-tuloy. Ngunit tama po kayo, medyo tumataas po ang mga kaso, especially here in NCR. We are seeing that the positivity rate has increased to 1.6% sa ngayon.

Makikita po natin dito po sa NCR, out of the 17 areas, mayroon po tayong 14 na areas na may positive na growth rate. Ibig sabihin ay nadadagdagan po ang kaso, pero katulad nga ng sabi natin, hindi pa po siya ganoon ka-significant because iyon pong ating admissions naman sa mga ospital ay hindi naman po tumataas pa. At ang ating severe and critical, hindi rin mataas.

Ang factors po na nakikita natin, Usec. Rocky, would be, unang-una, nandito na po iyong mga variants, iyong mga sub-variants ng Omicron and we know that it is more transmissible than the original Omicron. Pangalawa, we have waning immunity in our population. So, marami pa rin pong mga kababayan natin ang hindi kumukuha ng kanilang boosters and therefore, maaaring maging factor din po ito, dito po sa pagtaas ng kaso, dito po sa NCR at sa ibang area ng bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, kumusta po iyong estado ng mga nakitaan ng Omicron sub-variant katulad po ng BA.5 at BA.2.12.1 pati na po iyong paghahanap sa kanilang mga possible close contact?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, actually ‘no. Actually po ito pong mga sub-variant, mga individuals detected with this sub-variants, na-contact trace naman po natin iyong mga close contacts identified. Lahat naman po sa ngayon ay walang sintomas, naka-recover na po, most of them. We have identified three close contacts doon po sa bago nating detection ng BA.5 cases, lahat po sila asymptomatic at lahat po sila ay negative ang test results.

So we are closely monitoring the situation and even the close contacts, para maputol natin ang transmisyon ng mga ganitong sub-variant sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, kumusta po itong vaccination rate so far? Kaya pa po ba natin maabot itong target na 77 million na katao na mabakunahan bago daw po matapos ang termino ni Pangulong Duterte?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, as for the latest announcement of our Vaccine Czar, Secretary Charlie Galvez, ang total targeted population na atin pong gustong ma-achieve by the end of June would be 70 million. So dito po sa 70 million, kapag tiningnan po natin ang fully vaccinated sa ngayon, it’s already 69.6 million. So, we are just looking at around 400,000 individuals, para ma-achieve natin ang 70 million na target by the end of June. But of course, we are targeting the whole eligible population as the months go by.

USEC. IGNACIO: Opo. Kailan daw po posibleng simulan naman ang pamamahagi ng booster dose sa general population, Usec?

DOH USEC. VERGEIRE: Kami po ay paulit-ulit na nagpapaalala sa ating mga local governments, pati na rin po sa ating mga kababayan: Ito pong fourth dose o iyong second booster shot for the general population, hindi pa po tayo nakakakumpleto ng ebidensiya.

Iyong mga ebidensiya po sa ngayon, pauna pa lang. May ebidensiya rin na iyong benepisyo niya ay hindi po ganoon kalaki, to outweigh the risk of being vaccinated. Kaya gusto po natin, maghintay pa po tayo ng further na ebidensiya, para po tayo ay makasiguro.

Pangalawa, may mga lumalabas na po na mga reformulated vaccines sa ngayon na mga makabago, which can address specifically the Omicron sub-variants, so hinihintay din po natin iyan.

So, maghintay lang po ang ating mga kababayan, huwag po tayong mainip, dahil ito pong ating third doses o iyong ating first booster shot hanggang sa ngayon, according to our experts, still works for us.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga learners, Usec, pinaplano po ng DOH na magsagawa ng vaccination sa mga paaralan. So, paano daw po ito pinaghahandaan at kailan daw ito inaasahang ipatutupad?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Nagkaroon po ng IATF Resolution kung saan ang mga ahensiya ay nag-agree na maaari nating gawin ang ating vaccination sa ating mga eskuwelahan. So, the Department of Education is also preparing for this, plus iyong CHED po ‘no.

So, ito po ay pag-uusap-usap ng bawat ahensiya, so that we can adequately prepare. So that, kapag pumasok po ang ating mga learners, kapag gusto ng mga magulang, they will give their consent, babakunahan po natin ang mga kabataan. This is giving or making these vaccines closer to our learners para po mas tumaas ang uptake natin.

USEC. IGNACIO: Usec, iyong sa usapin ng booster dose, iyong pag-redefine sa fully vaccinated individuals, kung saan isasama na iyong booster dose, nako-consider na rin po ba ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, ang IATF po ang nag-uusap ukol dito. Because they are our policy directing body para sa protocols natin sa COVID. At ito po ay patuloy na pinag-uusapan ng IATF. Ang isa pong worry talaga ng ating officials would be that, it might cause confusion again in our definitions and classifications. So sa ngayon ang rekomendasyon ng ating mga eksperto, gamitin muna natin itong ‘up-to-date’. Ibig sabihin, it’s not really an official classification, pero madi-determine natin kung sino talaga iyong mga taong nagka-booster at sino pa iyong walang booster dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa Executive Order na inilabas sa Cebu Province, hindi po niri-require na iyong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor settings. Ano po ang reaksiyon ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, naninindigan po ang Department of Health, kasama po ng aming mga eksperto, na ang face mask, ang pagsusuot ng face mask ay kailangang-kailangan pa rin natin. Alam po natin na mayroon na pong mga sub-variants na pumasok sa ating bansa. Alam din po natin na hindi pa po ganoon kataas ang antas ng pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Pangatlo, mababa pa rin po ang uptake ng booster dito sa bansa.

So, para po tayo ay manatiling protektado, ito pong face mask na ito ay nakapagbigay sa atin ng benepisyo for the past two years. Ituloy lang po natin, because this will protect us, not only for COVID-19, but also for the other respiratory infections and even with monkeypox. Kailangan po lahat ng local governments, lahat tayo, iisa lang ang protocol na susundin natin. Kailangan sabay-sabay tayo at magtulung-tulong, so that lahat tayo mapupunta tayo at maaatim natin iyong new normal na sinasabi natin.

USEC. IGNACIO: Pero, Usec, mayroon po bang nagkonsulta na ibang LGUs pa sa DOH man o sa IATF o sa NTF tungkol po dito sa planong posibleng pag-aalis na ng face mask outdoor settings?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, marami na pong nagbibigay ng ganiyang rekomendasyon. Kaya ang ginawa po namin, nakipag-usap po tayo sa ating mga eksperto, pinag-aralan po natin kung ano po iyong mga experiences from other countries. Pinag-aralan din natin iyong mga current evidences. Nakita po natin sa ibang bansa, iyong malalaking bansa na ito na tumataas po ang mga kaso nila, when they have removed the mask mandate. So, gusto po nating pigilan muna ang ganitong pangyayari sa ating lugar, gusto natin makita muna natin na stable tayo dito po, in terms of cases at nakikita nating manageable ang mga kaso natin.

So, kaya po ang rekomendasyon ng ating eksperto, huwag na muna, atin pong ituloy muna ang pagsusuot ng face mask. Dadating po tayo diyan. So we take one day at a time, hinay-hinay po tayo. Huwag po tayong magmadali, let us not be impatient. Dadating tayo sa time na mawawala na rin ang face mask. But we need to manage the cases muna sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ibang usapin naman po. Ayon po sa National Patient Navigation and Referral Center, tumataas po iyong admission ng non-COVID patients sa mga ospital. Ano po kaya ang ibig sabihin nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, according to our experts also and our clinicians, iyong mga nagtatrabaho sa ating ospital, talagang it’s an expected situation, scenario kung saan ang mga taong may mga chronic diseases, iyong mga may sakit na pangmatagalan, iyong may mga comorbidities [ay] na-lockdown sila kasi sila for so long. So iyong mga pagkokonsulta, iyong mga pagpunta nila sa kanilang mga doktor ay nadi-delay nang nadi-delay every time there are increases in cases.

So, ngayon parang biglang bumulusok sila ay nagpupunta na lahat dahil maluwag na po ang restrictions natin and therefore nagkaroon tayo ng ganitong scenario. But we were able to manage this, Usec. Rocky, katulad nga ng sabi mo, we have this National Patient Navigation and Referral Center kung saan ito po ang nagsasaayos ng ating mga pasyente na gustong magpatingin sa ating mga ospital para po hindi tayo nagkakaroon ng punuan at saka mga pila sa ating emergency rooms.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media, mula po kay Vonne Aquino ng GMA News: Any update daw po sa dengue cases at sa chikungunya?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, sinagot natin ito kahapon, Usec. Rocky. So, napansin natin, it has been observed and reported to us that dengue cases in the country, specifically in Region VII, Region III, Region IX and Region II, nakikita po natin na tumataas po ang mga kaso ng dengue.

Tumaas na po kumpara doon sa same time/period last year. Kaya po nag-mobilize na tayo ng ating mga regional offices para mabantayan at mabigyan ng assistance ang ating local governments.

Nagbaba na po tayo ng pera. We have ordered that dengue brigade should be mobilized. Dapat iyong 4 o’clock habit ay ginagawa na ng bawat local government and most importantly, ang ating mga ospital po ay nakapagbukas na ng kanilang mga dengue fast lanes.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Vonne Aquino ng GMA News: Ano po ba iyong nakikitang factor sa kabila ng pagtaas ng bilang ng cases?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Usec. Rocky, katulad po ng ating mga naobserbahan ano, during the time na naka-lockdown tayo o ‘di kaya ay may mga restrictions tayo, ang interaksiyon ng mga tao ay maliit lang, at the minimum. Pero ngayon na mayroon na ho tayong mas mababang mga restrictions, so ang mga tao po talaga ay naghahalu-halubilo na. And therefore ito po ay isa sa mga factor na maaaring naging factor dito sa pagtaas nitong mga sakit like dengue and chikungunya.

Pero ang importante po ay tinitingnan din natin iyong factor na nag-summer season po kasi. So, iyong mga communities natin ay nag-iipon po sila ng tubig, kasi may mga water interruption, so, iniipon nila sa mga drum. Maaaring hindi natatakpan at nakakapag-produce tayo nitong mga lamok na nagki-carry nitong dengue na ito, iyong aedes aegypti.

So, ang atin pong paalala sa ating mga kababayan, kung sakaling kailangang mag-ipon ng tubig ay laging tatakpan, tanggalin po natin iyong mga stagnant at clear water doon po sa ating mga pamingganan, sa ating mga paso, doon po sa mga drum na hindi na ginagamit ang tubig dahil diyan po maaaring magkaroon ng kiti-kiti na nagiging lamok po na magdadala ng dengue virus sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Vonne Aquino ng GMA News: Anu-ano po ba daw ang mga sakit ang puwedeng makuha kapag pabago-bago or maalinsangan ang panahon?

DOH USEC. VERGEIRE: Marami tayong sakit na maaari nating makuha. Actually, ito pong mga viruses na itom especially ngayong mga tag-ulan talagang nagbababala po tayo, not just the viruses but also the other organisms. Katulad po nitong mga sakit kapag tag-ulan – may leptospirosis, mayroon po iyong mga nagtatae, mayroon din po itong mga dengue na sinasabi natin.

Mayroon din po, kapag sudden changes of weather nati-trigger po iyong mga asthma ng mga tao. Iyong may mga hika, iyong may mga allergies din po, and also respiratory infections, iyon pong flu ang tinatawag natin.

All of this, marami sa mga sakit na ito ay nagma-manifest kagaya po ng ating COVID-19. So, dapat lagi po tayong aware, dapat lagi po nating alam kung ano ang dapat nating gawin. Kung saka-sakaling nagkakasintomas na po tayo, let us quarantine and isolate ourselves and have ourselves checked by our doctors.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Vonne Aquino ng GMA News: May problema pa po ba ang PhilHealth sa pagbabayad sa mga hospitals?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, nagkaroon na ng mekanismo ang PhilHealth, Usec. Rocky, kung saan napapabilis na nila ngayon ang pagbabayad sa ospital. Pero alam naman po natin that there are mechanisms in government na hindi natin puwedeng madaliin na ora-orada na ay mabayaran natin ang lahat.

But they are trying their best with this new mechanism and hopefully we’ll be able to provide, iyong appropriate at saka needed funds ng ating mga ospital through this mechanism na itinalaga po ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pahabol pong tanong ni Johnson Manabat ng ABS-CBN: Is it true na ang Quezon City is now under yellow status? There is a possibility of [a] surge?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, kumakalat po ngayon iyang balitang iyan. Unang-una gusto ko pong linawin, iyang slide po na iyan, Usec. Rocky, nag-meeting po ang Quezon City officials, it was a private meeting, an internal meeting among officials para lang mag-prepare, hindi para takutin ang ating mga kababayan. Kaso, nag-leak po, so nagpa-panic po ang ating mga kababayan sa ngayon.

Gusto ko lang pong paalalahanan ang ating mga kababayan, tama po kayo, tama rin po iyong slide na mayroon talagang pagtaas ng kaso dito po sa Quezon City and even in other parts of Metro Manila. Pero ang lagi po nating titingnan, accepted na dapat natin that the virus is here, that the virus will still cause infections.

Ang kailangan nating bantayan ngayon ay huwag magkaroon ng mga malulubhang kaso, huwag pong mapuno ang ating ospital. So, kailangan lang tuluy-tuloy tayo sa pagprotekta sa ating sarili by wearing the mask always at saka lagi po tayong mag-iisip na kapag tayo ay may sakit na, mag-isolate na po tayo at huwag nang lumabas ng bahay and thirdly, magpabakuna na po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, partikular iyong hindi pa po nagpapa-booster shot. Go ahead po, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Gusto lang po nating magpaalala sa ating mga kababayan, nandito pa po iyong virus, maaari po na makita natin na magtuluy-tuloy ang pagtaas ng kaso in the coming days. Pero ang sabi ko nga po, kailangan maintindihan natin, that the virus will stay here with us, kailangan ay maging handa tayo lagi. Alam po natin that we will be living with the virus.

So, kailangan po natin ng proteksiyon para sa ating sarili. Kailangan lagi po tayong naka-face mask and kailangan, pinaka-importnate, magpabakuna na po tayo. Ang atin pong bakuna na na-receive natin for the first and second doses, bumababa po ang immunity ng isang tao. So kailangan po ma-boost natin iyan. That is why you need to receive your boosters.

Hanggang hindi po tumataas ang antas ng pagbo-booster sa ating bansa, iyong vulnerability natin at saka iyong risk natin para magtaas pa rin muli ang kaso ay nandiyan. So magtulung-tulong po tayong lahat, para tayo po ay makarating na doon sa gusto natin na new normal [at] makabalik po tayo sa dati nating pamumuhay.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po inyong oras, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Matagumpay ang Build Build Build Program ng Administrasyong Duterte. Nagresulta ito ng paglago ng ekonomiya ng bansa. Ito po ang legacy na iiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tunay na magbibigay-ginhawa sa bawat Pilipino. Panuorin po natin ang report ni Karen Villanda:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po muli tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

 

Resource