Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Miyerkules, ika-15 ng Hunyo, aalamin natin ang paghahandang ginagawa ng Philippine National Police, at ang maaaring maging epekto sa business community ng posibilidad na pagtaas sa Alert Level 2 ng National Capital Region. Aalamin din natin ang update at development sa sitwasyon ng mga COVID-19 vaccines sa bansa.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahintulot ng operasyon ng e-sabong sa bansa. Sa kaniyang mensahe matapos ang inspeksiyon sa main campus ng National Academy of Sports ng New Clark City sa Tarlac kahapon, sinabi niyang huli na nang magdesisyon siyang ipatigil ang operasyon nito. Inamin ng Punong Ehekutibo na nag-alinlangan siyang ipatigil ito dahil sa 640 million pesos na kinikita nito kada buwan. Ngunit kaniyang sinabi na naging dahilan ang e-sabong para sa pagkakawatak-watak ng mga pamilyang Pilipino kaya’t kinailangan itong ipatigil.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa posibilidad na pagtaas sa Alert Level 2 ng Metro Manila, ang isa sa higit na maaapektuhan dito ay ang business community lalo na ang mga micro business. Kaugnay niyan, makakasama po natin ang presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na si Sir Sergio Ortiz-Luis, Jr. Magandang umaga po, Sir Sergio.

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Yes, good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kung sakali raw pong itaas sa Alert Level 2 ang NCR, ano po iyong nakikita ninyong magiging epekto nito sa business community?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Well, actually, I don’t see any possibility naman, well, in the probability that alert level [will be increased]. Ako, medyo naano nga kami sa business community na bakit may mga taong ayaw matanggap na tayo ay magno-normalize na. At every time na mayroong lalabas na ano eh gumagawa sila ng istorya na nakaka-panic.

Alam mo, ang dapat mangyari talaga diyan, sinasabi naman ang alert ay base sa status ng ating health system – ospital, mga nurses. Eh sa ngayon, palagay ko, mas marami pa ang nasa ospital na mayroong flu kaysa sa COVID eh. At baka ma-overwhelm iyan dahil sa non-COVID matters eh mag-aalerto tayo, bakit hindi nila anuhin na itong COVID na ito ay napaka-mild at hindi naman kailangang maospital.

Bakit pa tatakutin ang mga tao na nagno-normal na, eh nakita mo naman na, Usec., ang mga problema natin. Sa sasakyan lang, iyong mga drivers, ayaw nang lumabas, ayaw ng ano dahil hindi kumikita eh sasabihin mo pa na mag-aano ka ng trabaho pero hindi papasok, ang eskuwela ay madi-delay na naman iyong face-to-face, eh ‘di lalo nang nagkalubug-lubog ang ekonomiya natin – for what reason? Tingin ko nga, ayaw lang mawala sa pansin iyong mga iba riyan, eh kung anu-ano ang naiisip na hindi naman mangyayari.

Eh kahit na mangyari, eh napaka-mild naman at talaga namang papunta na tayo roon sa endemic na iyan, iyang COVID. Eh bakit hindi natin matanggap na talaga tayo ay nagno-normalize at lagi na lang may naiisip na problema na milyun-milyon na naman na hindi naman kaya ng gobyerno nating ayuda kapag ginawa natin iyan. Eh ang dami nating problema, huwag na nating idagdag iyang mga ano na iyan, iyong mga prognosis na hindi naman mangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir, kung sakali lang po ‘no, kasi sinasabi nila na baka magtuluy-tuloy itong pagtaas, at kung mangyari ito, ano po ang nakikita ninyong solusyon para hindi po maging matindi iyong epekto nito sa business sector o sa mga negosyo?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Well, patuloy iyong pagno-normal; huwag gagalawin iyang alert-alert na iyan; pagbutihin iyong mga ospital natin; siguraduhin na tuluy-tuloy ang pagdadagdag ng facilities, mga gamit at asikasuhin iyong mga nurses natin para hindi tayo kukulangin kung sakali, dahil kapag nangyari iyan, mild na mild iyan. Mapupuno lang ang ospital pero parang flu lang iyan. Para lang tayong nag-a-alert dahil sa flu.

Palagay ko kung ikukumpara mo iyong, dahil tag-ulan, iyong cases ng flu at saka iyong cases ng COVID, pareho lang siguro, baka mas marami pa iyong nasa flu eh. Eh iyon ang sinasabi namin, mag-a-alert ka ba dahil sa flu? Magpapalit ka ba ng alert level dahil sa flu? Eh iyong mga ospital nga natin, sinasabi nila, overwhelmed sila sa mga non-COVID cases. Eh napaka-mild naman nitong ano eh, ni hindi natin alam kung may namamatay, ilan ang nag-aano, wala naman halos eh. Eh bakit tayo nagwo-worry masyado?

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir, kayo po ba ay pabor na ipatupad itong flexible work arrangement lalo na ngayong sinasabi po na nakikita na talagang nagkakaroon ng uptick ng mga kaso dito po sa National Capital Region?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Ang sinasabi ko nga, iyang uptick na iyan, hindi naman dapat masyadong pansinin dahil napaka-mild ng mga cases na iyan at hindi naman dumadami siguro ang namamatay. Baka mas marami pa ang namamatay sa gutom kaysa sa ano, kapag pinansin natin iyan.

Kung puwede, huwag na lang natin masyadong pag-aksayahan ng panahon iyan at tuluy-tuloy ang pagno-normalize, sapagkat ang mga tao natin ay kailangan na talagang magtrabaho, ang mga bata ay kailangan na talagang mag-aral.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ang sinasabi ninyo po, hindi na po kakayanin ng ating ekonomiya kung sakali pong magtaas pa ng alert level – iyon po ba ang sinasabi ninyo?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Totoo iyon, totoo iyon, Usec. Lalo pa nga kung magtataas ka nang wala namang necessity na magtataas ka. Iyong mga tao nga ay handa na talagang magtrabaho, eh bakit natin binibigyan na naman ng panic situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kasalukuyan din po tayong nakakaranas ngayon nitong tinatawag na global food crisis. Para sa inyo, ano po iyong hakbang at mungkahi ninyo, ng business community dahil po dito sa nangyayari namang global food crisis?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Iyan talaga ang problema, iyan ang talagang kailangang paghandaan lalo na nitong papasok na administrasyon. Maganda nga kung iyong mga papasok na managers natin ay mukha namang magagaling, so hopefully ay ma-address nila iyong sistema na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong ginagawa ninyo ngayon para kahit daw po paano ay maibsan itong epektong dala po ng global food crisis?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Well, ang mga kumpaniya naman, kami ay hindi naman namin talaga sakop iyan pero mayroon kaming mga seminars na ginagawa, inaano namin ang mga tao dahil kami ay nasa social relation kami sa mga labor eh, ang ECOP eh. Pero definitely, on a corporate level, marami doon sa mga kumpaniya natin, may mga ginagawa iyong malalaki.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, in less than three weeks po ay opisyal nang magpapalit ng administrasyon, ano po ang masasabi ninyo dito bilang presidente po ng ECOP?

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Well, kami, malaki ang pag-asa namin na we have a good team coming in, especially iyong mga economic managers na napili hindi dahil sa political basis but because, I think, talagang mga technocrat sila na kilala at mga kilala namin na magagaling na mga managers iyan sa economy. So umaasa kami na in spite of all the problems and challenges that we have, eh malulusutan natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Sergio, kunin ko na lamang po iyong mensahe at paalala ninyo sa ating mga kababayan. Go ahead po.

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS, JR: Well, ako, ayaw kong mag-ano na gumalaw tayo sa Alert Level 2 dahil hindi na natin kaya. Pero paalala: Dapat iyong mga protocols nating ginagawa, pag-iingat, ituloy natin. Huwag nating pababayaan iyan, dahil iyan ang advantage natin doon sa ibang bansa eh. Sila, balewala sa kanila iyong mga protocols na ginagawa natin [laban sa COVID], tayo inano natin iyan, kaya tayo eh nakasampa riyan [sa Alert Level 1].

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyo.

ECOP PRES. ORTIZ-LUIS: Maraming salamat din sa iyo, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Sir Sergio Ortiz-Luis, ang presidente po ng Employers Confederation of the Philippines, stay safe po, Sir.

Samantala, nag-inspeksiyon po kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasilidad ng National Sports Academy na sinimulang itayo noong nakaraang taon sa New Clark City, Capas, Tarlac. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Tanggapan ni Senator Bong Go, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemya na [mga] micro entrepreneurs sa Leyte. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: US FDA, sinabing safe and effective ang Pfizer COVID-19 vaccine para po sa mga nasa edad lima pababa, at kaugnay niyan ay makakausap po natin si Dr. Nina Gloriani, ang chairperson ng Vaccine Expert Panel.

Magandang araw po, Doc Nina.

DR. NINA GLORIANI:Good morning, Usec. Rocky at sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sinabi po ng US Food and Drug Administration na ito pong Pfizer COVID-19 vaccine ay talaga namang safe and effective para po sa mga batang nasa edad lima pababa. Ano po ang sinasabi ng mga datos at nasabi po ng US-FDA na safe nga po itong Pfizer COVID-19 vaccine?

DR. NINA GLORIANI:Okay. Tatlo usually iyong tinitingnan natin ‘no, iyong safety; iyong immunogenicity, kung nakaka-produce ba siya ng appropriate immune response; at iyong tinatawag nating efficacy or protection.

As far as safety, pareho din lang ang nakitang mga side effects dito sa mga bata, na nakita rin sa mga matatanda and usually ito iyong sa injection site, tapos fever – hindi ba may kaunting [inaudible] and so on ‘no, pero mild to moderate pa rin ito so hindi siya naiiba doon sa nakita na natin sa mga mas may edad na.

In terms of immunogenicity, ang datos shows na ang antibody response ng mga bata ay mataas, mas mataas pa ng kaunti – kaunti lang sa mga tinatawag tayong Geometric Mean Titer (GMT) ratio, nasa 1.2 siya hanggang 1.3 kumpara doon sa 16 to 25 years and above. So, mataas pa nga ng kaunti pero sabihin na lang natin na pareho lang.

And in terms of efficacy – hindi pa kasi masyadong kumpleto din naman iyong efficacy pero may kaunting datos na – nasa 76 hanggang 80% ang proteksiyon na naibibigay niya against COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, sa kasalukuyang sitwasyon natin ng COVID-19, sa tingin po ba ninyo ay kailangan na pong mabigyan rin ng COVID-19 vaccine ang mga nasa edad lima pababa po sa ating bansa?

DR. NINA GLORIANI:Yes. Kasi bubuuin iyan ‘no, makukumpleto [na] iyong ating immunization coverage. Pero of course we have to consult the pediatricians also. Titingnan natin kung sino ang mga batang talagang puwedeng-puwede diyan.

Normally, we’re looking at more healthy children pero sa totoo lang, ang [mas] binibigyan din natin ng bakuna against COVID-19 ay iyong mga may sakit, kasi sila iyong mas makaka-experience ng more severe form of COVID-19.

So, after a lot of consultations, yes. So, tingnan natin, hindi pa naman nag-a-apply eh.

USEC. IGNACIO: Opo. Maaari daw pong mabigyan na ng EUA nitong US FDA at CDC ito pong COVID-19 vaccine for children under five [years old] ngayong linggo – tama po ba ito?

DR. NINA GLORIANI:Yes—

USEC. IGNACIO: Maaaring mag-start na ng rollout ng bakuna sa Amerika po sa darating na June 21. So, Doc Nina, sa tantiya po ninyo, gaano po katagal ang aabutin para naman po makapag-rollout din tayo ng bakuna para po sa five and below dito sa Pilipinas?

DR. NINA GLORIANI:Sa experience namin, iyong evaluation process upon application takes – kasi mayroon tayong forty days ‘no – pero that takes longer kapag medyo kulang iyong mga datos na naibibigay. So, maybe safe iyong three to four months na evaluation and approval process from the FDA.

Pero isipin natin na mayroon pang second layer ng approval, iyan po iyong sa DOH-HTAC (Department of Health – Health Technology Assessment Council). Kasi kung bibilhin ng gobyerno iyong bakuna, kailangan pong dumaan sa HTAC, tapos iyong procurement process, so baka mga six months. Hindi ko po masabi, pero iyong evaluation process alone may take about three to four months.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, mayroon pa po bang ibang brand ng bakuna iyong kasalukuyang pinag-aaralan din po ngayon na pupuwede pong magamit para po sa edad lima pababa?

DR. NINA GLORIANI:Yes. Iyong mRNA vaccines – Pfizer at Moderna – ay nagsusunud-sunod na. Nauuna usually iyong Pfizer pero ang Moderna ay inaayos na rin iyong kanilang data for the younger children, so iyong six months to less than five years.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, ito pong Philippine FDA ay inaprubahan iyong EUA ng Moderna COVID-19 vaccine para sa six to eleven years old pero naghihintay pa raw po ng rekomendasyon ang Department of Health mula sa WHO. Mayroon na po bang update daw dito?

DR. NINA GLORIANI:Wala pa po. Wait lang tayo. Wala pa po.

USEC. IGNACIO: And last month din po ay nabanggit ninyo, Doc Nina, na kayo po ay naghihintay sa mga COVID-19 vaccine manufacturers na mag-apply po sa FDA para po mabigyan sila ng EUA at magamit po iyong kanilang mga bakuna para sa booster shots ng mga bata. May mga nag-apply na po ba?

DR. NINA GLORIANI:May isa pa lamang, Usec. Rocky, na nag-apply at medyo natatagalan sa evaluation. Pero iyong iba na hinihintay natin sana, iyong major players ay hindi pa. Sana ay mag-apply na rin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Puwede po ba naming malaman o puwede ninyo po bang banggitin kung sino po itong unang nag-apply na, Doc Nina?

DR. NINA GLORIANI:FDA na lang po [ang magsasabi], Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, pinaplano naman po ngayon itong expanded face-to-face classes sa mga paaralan. Sang-ayon po ba kayo na gawing mandatory itong pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga bata bago po payagang um-attend sa face-to-face classes?

DR. NINA GLORIANI:Medyo mahirap po iyong sinasabing mandatory sa ating sitwasyon ‘no, even sa adults hindi natin [iyan] ma-mandate. So, ang importante po siguro ay iyong mga teachers, lahat ng staff, iyong makakasalamuha ng mga bata ay fully vaccinated.

Tama po iyon ‘no, pero dito po sa children, baka mahaba-haba pa po lalo itong mga younger, ito iyong mga nursery siguro and kinder. Kailangan po natin ng konsultasyon sa ating mga espesyalista at mga pediatricians.

Pero we encourage talaga, lalo iyong mas older na children kasi iyon ang proteksiyon nila. Makakatulong iyon talaga nang malaki sa proteksiyon and for them to normalize, socialize, and mas mobile kasama iyong matatanda.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Walong buwan nang magsimulang magbakuna ng twelve to seventeen years old ang Pilipinas. May we get updates kaugnay ng booster shot para sa nasabing age group? Nananatili daw po bang mataas ang proteksiyon nila laban sa mga bagong subvariants ng Omicron kahit walang booster?

DR. NINA GLORIANI:Okay. Hindi ko masasabi iyong detalye diyan sa age group na iyan, pero [ang] alam ko, tumaas na rin naman nang kaunti.

Ang nangyayari kasi, after you reach a certain immunization coverage [ay] talagang bumabagal iyan ‘no, pero at least nasa 152 million doses na tayo – overall ito ‘no, hindi ko masabi iyong twelve to seventeen or above – ven the booster ay tumaas.

So, ang importante siguro ay maintindihan lang ng lahat na nakatutulong ng malaki ang booster kaysa doon sa dalawang doses lang sa pag-protect sa atin against, especially, itong variants of concern lalo na ang Omicron. So, malinaw po iyong data doon.

So, a third dose, and of course mayroon na rin tayong second booster especially for the elderly, ay importante rin na maibigay to these vulnerable people.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Na-review na po ba or ongoing ba ang review ng second booster para daw po sa general population?

DR. NINA GLORIANI:[Sa] palagay ko ay nasa HTAC na po iyan, wala na po iyan sa amin sa evaluation committee or even sa FDA. Kasi iyong pag-deploy po niyan ay maramihan na po iyan, [kaya] ang HTAC na po ang magdi-decide diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi may kaugnayan po iyong tanong diyan ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN, basahin ko na lang din po: May mga panukalang idadagdag daw po sa mga kuwalipikadong tumanggap ng second booster ang may comorbidities kahit hindi immunocompromised, pati po iyong mga edad 50 to 59 years-old, ano daw po ang pananaw ninyo dito?

DR. NINA GLORIANI:Sa totoo lang, ang Vaccine Expert Panel ay nagrekomenda very early on na A1, A2, A3 ang bibigyan ng second booster. Kaya lang siyempre, kung bibili tayo at kailangang desisyunan iyan, iyong socioeconomic benefits niyan ‘no.

Pero we agree, we actually recommend na iyong mga may comorbidities kasi hindi rin natin malaman kung ano iyong level ng immunocompromised na tinatawag, sa comorbidities.

Mayroong data diyan ‘no, magandang data ito, isang pag-aaral na tiningnan nila kung isa ang comorbidity mo, so iyong parating may sakit ka noon, may maintenance ka doon, [unclear]; Kung dalawa [ang comorbidities], kunwari may diabetes ka pa or mayroon ka pang chronic respiratory illness; Tatlo hanggang—Mayroon silang pag-aaral na [inaudible] comorbidities.

Mas mataas ang immunocompromised ng mga iyon, so kailangan nating ma-consider iyon sa pagbibigay ng second booster. Hindi necessarily na sinabi nating parang wala siyang immunocompromised, may comorbidities siya, kailangan malaman natin ang medical status din niya plus how many ba iyan. Iyon po [ang] importante sana na ma-consider.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon din po sa DOH ay posible pong itaas sa Alert Level 2 ang National Capital Region kung magtutuloy-tuloy daw po ang pagtaas ng COVID-19 cases. Ito din po ba ang nakikita ninyong paraan para po makontrol ang pagtaas pa ng COVID-19 cases sa NCR?

DR. NINA GLORIANI:Alam mo, Usec. Rocky, talaga namang kailangan na nating mag-normalize din ‘no, but we need to balance these things, so iyong economy at saka [health], of course, ayaw nating dumami ang taong maoospital, gagamit ng health services. Pero siguro, ito [ay] naisip ko lang kanina, narinig ko nga ang mga panukala para diyan, naisip ko lang [na] puwede namang modified na alert level.

Tuloy pa rin, open up, pero iyon pong mga may vulnerabilities, mga elderly, iyong mga maraming may sakit, huwag na lang po muna maglalalabas, kumain na lang muna sa bahay, iyong mga ganoon po, without disrupting others. Iyon siguro po ang nakikita ko lang na imo-modify para tuloy pa rin naman. Tingnan natin kasi babalansehin pong mabuti iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon lamang po ay inaprubahan na ng Cebu Provincial Board at opisyal nang naging ordinansa ito pong gawing optional ang pagsusuot ng facemask outdoor sa Cebu Province. Ano po ang opinyon ninyo dito, lalo’t ngayon po ay nagkakaroon din po ng uptick ng COVID-19 cases sa bansa partikular po sa NCR?

DR. NINA GLORIANI:Noon pong bumababa ang kaso natin, siguro mga bandang March/April ano, sinabi ko na po na, ako, I will opt for wearing of mask, mayroon pa nga akong sinabing forever, kasi hindi natin masasabi kung anong mangyayari. By opening up, papasok ang lahat ng posibleng tao na posibleng may dala hindi lang ng COVID-19, baka may dalang ibang sakit ‘no. And it will help us a lot.

So, para sa akin, importante na maintindihan ng mga tao iyong usefulness, iyong proteksyon na maibibigay ng masking. Medyo mahirap kasi kapag nagdedesisyon iyong iba tapos—Mahirap iyong sasabihin mo na puwede na kasi may mga tao po na hindi rin masyado marunong mag-protect, mag-take care. So, kapag mandated, para sa akin ay mas mabuti.

Alert Level 1 tayo ngayon, we are required, so that works. Actually, nakakatuwa po ‘no [unclear] maganda ang datos diyan, so ewan ko kung kapag mandated pa na magiging option na lang [ang pagma-mask]. Para sa akin, kailangan pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kuhanin ko na lang po ang inyong mga paalala at mensahe para po sa ating mga kababayan at sa ating manonood. Go ahead po, Doc Nina.

DR. NINA GLORIANI:Okay. Sabi nga ‘no, nagno-normalize na tayo pero ang parati nating nakikita pa rin ay iyong sinasabi na we’re really not off the hook yet. May mga variants pa tapos may mga pagkakataon or sitwasyon na maaari talagang makapasok ulit.

Of course, mayroon na tayong BA.4, I don’t know kung BA.5 [kung] mayroon na, pero iyan iyong mga wala pa sa atin or hindi pa tayo exposed tayo, so puwedeng-puwede pa natin makuha iyan at mag-spread pa sa atin.

So, balik tayo sa ating mga minimum public health precautions. At iyong mga bakuna ha, malapit na, na kung aalisin po iyong public health emergency situation natin, magbabayad na raw po. So habang libre pa, magpabakuna na po kayo, pa-booster na kayo para maprotektahan po tayo. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kami po ay nagpapasalamat din sa inyong laging paglalaan ng oras sa amin ngayong umaga. Dr. Nina Gloriani, congratulations din po sa inyo, sa Vaccine Expert Panel na recipient po ng DOST Science for the People Award. Mabuhay po kayo, Doc Nina!

DR. NINA GLORIANI: Thank you po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin natin ang mga paghahandang isinasagawa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa posibilidad na pagtataas sa Alert Level 2 sa NCR at sa nalalapit na inagurasyon ni incoming Vice-President Sara Duterte at ni incoming President Bongbong Marcos. Makakausap po natin si Police Col. Jean Fajardo, ang spokesperson ng Philippine National Police. Magandang umaga po, Colonel.

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, sa pahayag po ng DOH na posible nga raw pong tumaas sa Alert Level 2 ang NCR. Kung sakali po na ganito ang mangyari, handa po ba ang PNP para dito?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am, lagi naman pong handa ang PNP. Kung saka-sakali pong magtataas po ng alert level dito po sa NCR ay naka-ready po ang police natin na mag-render po ng public safety and security services po, particularly po iyong ating mga border control sa mga kalapit po na mga probinsiya at siyudad dito po sa NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Siyempre, Colonel, mas gugustuhin po natin na hindi na umabot pa sa ganito pong pag-aakyat o pagtaas sa Alert Level 2 ang NCR. Pero, ano pong hakbang naman po ang kasalukuyang ginagawa ng PNP para raw po makatulong at masiguradong sumusunod ang ating mga kababayan sa minimum health protocols?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Patuloy po tayo, ma’am, na nakikipag-coordinate dito po sa ating mga local chief executives lalung-lalo na po doon sa ating mga komunidad at mga barangay para nga po siguraduhin po na nakakatulong po, na aasistihan natin sila sa pagpapaalala sa ating mga kababayan na patuloy po sanang sumunod sa mga ipinatutupad po nating minimum public health standards and protocol dahil hindi naman po natin kakayanin, Usec. Rocky, na bantayan po talaga itong ating napakalawak na nationwide implementation po ng alert level.

So iyon po iyong aming patuloy na apela sa ating mga kababayan, na sumunod po doon sa IATF guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, sinabi nga po ng PNP na pananatilihin nila ang pagpapatupad po nitong mandatory wearing of face mask sa kabila po ng mandato ni Cebu Governor Gwen Garcia na gawing optional ang pagsusuot ng mask outdoor. Ganito pa rin po ba ang gagawin ng PNP kahit opisyal na pong ordinansa ito ng Executive Order 16 ni Governor Garcia?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Sabi nga po namin, from the start, nirirespeto po natin iyong authority and powers po ng ating mga local government units – in this case po, si Governor Gwen Garcia – sa paglalabas po ng mga executive orders. But iyong atin pong national government policy pertaining po sa implementation po ng IATF guidelines should prevail over local ordinances dahil nga po, alalahanin po natin na ang buong Pilipinas po ay nasa ilalim pa rin po ng state of public emergency at tatagal po iyan hanggang September 2022.

So iyon po iyong ating susundin po, iyong mandato po ng national government pertaining pa rin po sa strict observance po dito sa mga ipinatutupad na minimum public health standard.

USEC. IGNACIO: Opo. Na-relieve po sa puwesto bilang Cebu Provincial Police Office Head si Col. Engelbert Soriano ilang araw po matapos ipahayag niyang sang-ayon po siya sa inilabas na mandato ni Cebu Governor Garcia. Para lang po klaro, hindi po ba siya na-relieve dahil sa siya ay sang-ayon kay Governor? May iba po bang dahilan? Ano po ang naging dahilan [kung bakit] na-relieve si Sir Engelbert?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Ma’am, nilinaw na po natin iyong relief and transfer po ni Police Colonel Engelbert Soriano from Cebu Police Provincial Office patungo sa unit po ng Camp Crame ay bunga po doon sa implementation and policy po ng PNP pertaining po sa rotation po ng ating mga third-level officer. Ibig sabihin po, mula po sa ranggong police colonel hanggang pataas po, ito ay dahil na rin po may mga umiiral po tayong policy na ang maximum tenure po ng mga provincial directors/city director at pati po iyong mga chief of police po ng National Capital Region Police Office ay hanggang maximum of one year lang po. Puwede pong i-extend ito hanggang three months due to the exigency of service, but we have to get the approval of the Chief PNP.

On the case po ni Police Colonel Engelbert Soriano, he served as the provincial director po ng Cebu-PPO for more than one year now, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. So sinasabi po, wala pong kinalaman ito sa kaniyang naging pahayag, Col. Fajardo?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am, tama po iyon. At malinaw ko lang din po, ma’am, hindi lamang po si Police Colonel Soriano po ang naisyuhan po ng transfer order; marami po tayong third-level officer po na nai-transfer din po, kasabay po niya, at ito na rin po ay bunga na rin po, ma’am, na na-lift na po iyong ating, ‘ika nga, election period, na kailangan po nating humingi ng clearance sa Comelec with respect to the transfer of personnel.

Ngayon po, ang atin pong OIC was granted additional power po pertaining to the movement and transfer po ng PNP personnel to ensure po na hindi po maaantala at madi-disrupt po iyong ating pag-render po ng public safety and security po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon na pong kapalit si Police Colonel Soriano, Colonel Fajardo?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Siya po ay papalitan po ni Police Colonel Elmer Lim na galing din po sa Police Regional Office VII na siya po ay naitalaga bilang officer-in-charge po ng Cebu Police Provincial Office po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon pong darating na araw ng Linggo ay inauguration na po ni Vice-President-elect Sara Duterte. Ano po ang mga paghahanda na ginagawa ng PNP para po masiguradong payapa ang isasagawang inagurasyon?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: All systems go na po tayo, ma’am, dito po sa inauguration nga po ng ating Vice-President-elect Madam Sara Duterte. At effective June 18 po ay magkakaroon na po tayo ng semi-deployment diyan particularly doon po sa area na paggaganapan po ng inauguration event po ng ating papasok po na Bise-Presidente po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pinayagan dito sa inagurasyon ni upcoming Vice President Sara Duterte ang mag-rally, pero kailangan muna nilang kumuha ng permit. Ano po iyong mga rules and regulation na kailangang sundin ng mga gustong mag-rally? At may mga kumuha na po ba ng permit?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Tama po iyon, ma’am. Hindi naman po natin haharangan iyong mga karapatan ng ating ilang mga kababayan na magdaos ng mga ganitong mga rallies. Subalit sila lamang po ay papayagan doon po sa mga designated freedom parks, at hindi po natin sila hahayaan na makalapit po doon sa venue both for the inauguration po ng ating papasok na Vice President, kung hindi maging dito rin po sa inauguration po ni President-elect BBM. This is in order not to disrupt and disturb po iyong mga national events po na ito.

But like what we said nga po, ang PNP po ay papayagan po sila at hindi po sila ipo-prohibit na mag-conduct po ng kanilang mga protests doon po sa mga designated freedom parks.

USEC. IGNACIO: Pero, Colonel, mayroon na po bang kumuha ng permit?

PNP SPOKESPERSON COL FAJARDO: Sa ngayon po, ma’am, base sa ating coordination po sa Davao at saka dito po sa Manila ay wala pa po silang ibinibigay na mga listahan na nag-apply po ng permit. But nonetheless, ma’am, we are prepared to address this and we are anticipating nga po na magkakaroon po ng mga protest po diyan, dahil may mga naririnig at natatanggap din po tayong mga information, at ito naman po ay pinaghahandaan po ng PNP.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang police po iyong makatakdang i-deploy sa mismong inauguration sa linggo, Colonel?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Doon po sa inauguration po ni Vice President-elect Madame Sara Duterte po ay maglalatag po tayo at magdi-deploy po tayo ng mga around 3,500 to 3,700 PNP personnel to include po iyong ating mga personnel from the Armed Forces of the Philippines, pati na rin po iyong Philippine Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Opo. Nalalapit na rin po iyong inagurasyon ni upcoming President-elect Bongbong Marcos, ano naman daw po ang paghahanda na ginagawa ng PNP para dito at ilang PNP personnel naman po iyong nakatakdang i-deploy?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Patuloy pa rin po, ma’am, nasa final stage na po tayo ng ating preparation para naman po sa inauguration nga po ni President-elect Bongbong Marcos dito po sa Manila. Kasalukuyan nga po ay nilalatag na nga po iyong final deployment plan po natin at nakatakda po tayong maglatag ng more or less 6,500 to 6,700 PNP personnel diyan nga po sa venue at sa mga immediate area po malapit po diyan sa National Museum.

USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ba, sa kasalukuyan ay may natanggap na intel report or sinasabing banta sa mismong araw ng inagurasyon ni upcoming Vice President Duterte at ni upcoming President Marcos Jr.?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Sa ngayon po, ma’am, ay wala po tayong nari-receive na any credible or serious threats pertaining po dito sa dalawang napakaimportanteng event po sa June 19 at sa June 30. Subalit hindi po tayo pupuwedeng magkumpiyansa kaya po ay patuloy po iyong ginagawang intelligence monitoring and case build-up po ng ating mga kapulisan, kasama na  rin po iyong AFP para masiguro po na hindi po tayo malulusutan doon po sa mga nagpaplanong i-disrupt po itong inaasahan po nating malaking events po both, in Davao and in Manila po.

USEC. IGNACIO: Colonel, maiba naman po tayo ‘no. Hanggang ngayon po ay hindi pa rin sumusuko itong driver ng SUV na nag-hit-and-run sa isang security guard. Ano po ang kasalukuyang ginagawang hakbang ng PNP para po mapasuko o mahuli o mahanap itong driver?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO:  Patuloy pa rin po, ma’am, iyong ginagawa po nating manhunt operation laban nga po dito sa registered owner ng SUV na na-involve po sa hit-and-run involving a security guard. Nakapagsampa na rin po tayo, ma’am, ng kaso last June 6 against dito po sa registered owner at hinihintay po nating matapos po iyong preliminary investigation at inaasahan nga po natin na iyong prosecutor po ay maisasampa na po iyong kaso sa korte, and that is the time po na once maisampa na po sa korte ang kaso ay maglalabas po ng warrant of arrest ang korte at iyon po iyong ating inaasahan din sa mga darating na araw po.

USEC. IGNACIO: Kunin ko na lamang po iyong inyong mensahe at paalala para sa ating mga kababayan. Go ahead, Colonel?

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes ma’am.

Sa atin pong mga kababayan na nagnanais po na makasama at pumunta po doon sa mga event area, particularly diyan sa Davao at diyan po sa Manila, particularly sa Manila, marami po tayong isasara na mga pangunahing daan particularly iyong mga daan po na nandoon po sa paligid po ng mga venue. Kaya doon po sa mga a-attend po ay dumating po kayo ng maaga, dahil asahan po ninyo na magkakaroon po ng mga random inspection pertaining po doon sa mga tao na a-attend, pati po sa inyong mga bags at iba pang mga bagahe. Kaya kung kayo po ay nagbabalak na pumunta doon ay agahan po ninyo ang punta at hangga’t maaari, huwag na po kayo magdala ng mga bag para hindi po kaya maantala at ma-inconvenient. At the same time po ay asahan rin po ninyo na magiging medyo mabigat po iyong trapik sa mga malalapit sa areas po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong araw, Police Colonel Jean Fajardo, ang spokesperson ng Philippine National Police. Salamat, Colonel.

PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Thank you, ma’am.

USEC. IGNACIO: COVID-19 vaccination sa Davao City, ililipat na sa health centers. Ang detalye sa report ni Hanna Salcedo ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Bilang ng marriage registration sa Baguio City, tumaas ngayong buwan ng Hunyo. May report si Alah Sungduan ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas po muli.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)