Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, samahan ninyo kami para talakayin ang iba’t ibang isyu sa bansa. Makakasama natin maya-maya lamang ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan. Manatiling nakatutok!

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Mananatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila mula ngayong araw hanggang sa June 30. Maliban sa National Capital Region, Alert Level 1 din sa mga sumusunod na highly urbanized cities at independent component cities sa labing-tatlong rehiyon. [Flash up on the screen]

Nasa Alert Level 1 din ang mga sumusunod na component cities at municipalities hanggang sa katapusan ng buwan. [Flash up on the screen]

Samantala, nasa Alert Level 2 o nasa mas mataas na alert level ang mga sumusunod na component cities at municipalities, kabilang ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Occidental Mindoro, Palawan, Camarines Norte at Sur, Bohol, Cebu, at Negros Oriental

Matatandaang kabilang sa requirements para mailagay sa Alert Level 1 ang isang lugar ay dapat naabot nito ang 70% vaccination rate ng target nitong populasyon; habang ang isa namang batayan para ilagay sa Alert Level 2 ang isang lugar ay ang moderate risk case classification nito o moderate risk total bed utilization rate.

Nadagdagan pa ng labing-anim ang mga kaso ng subvariant ng Omicron sa bansa: Karagdagang anim na kaso ang naitala sa BA.5 Omicron subvariant, kung saan dalawa dito ay mula sa Metro Manila; habang sampu namang kaso sa BA.2.12.1 at ang pinakamataas na bilang ay nasa NCR at CALABARZON.

Samantala, nakakita ang DOH ng bahagyang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa higit sa sampung lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ngunit muling binigyang-diin ng ahensiya na nananatili pa rin na mababa ang hospital utilization rate ng bansa.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na sumunod sa minimum public health standards lalo na ang pagsusuot ng face masks para mapanatili ang low risk case classification ng bansa.

Muli tayong makibalita sa lagay ng mga ospital sa bansa, makakasama po natin si Dr. Jose Rene de Grano ng Private Hospitals Association of the Philippines. Good morning po, Dok Rene.

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Good morning, Usec. Rocky at sa atin pong mga nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, unahin ko na po munang kumustahin ang lagay ng mga ospital natin sa gitna po ng mga nadi-detect na Omicron subvariants at bahagyang pagtaas ng mga kaso.

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Yes po. Ang atin pong mga private hospitals, presently po, although nagkakaroon po kami ng mga cases ng mga positive COVID, hindi naman po ganoon kadami. Siguro dahil karamihan doon sa mga nagpa-positive ay with mild symptoms lang. So instead na magpa-admit, nagsi-self-quarantine na lang po sila.

So ang atin pong mga hospital utilization rate dito sa ating mga private hospitals, hindi po ganoon kataas kapag COVID-19 rates po, sa mga COVID-19 cases. Right now, iyong dumadami po sa amin are the non-COVID cases po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok Rene, matutukoy po ba kung aling areas iyong naobserbahan ninyo na may mabilis na pagtaas ng COVID-19 admission? Maiuugnay rin po ba ito sa nakitang Omicron subvariants sa mga lugar?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Doon sa cases po natin, nakikita natin na 50% ay galing sa NCR, ano po. Doon sa ibang areas ng CALABARZON, parang medyo may areas, halimbawa iyong Quezon at saka ibang provinces, may mga hospitals po na tumataas up to mga around 30 to 40% ng admission ng kanilang hospital. So these are mostly, I think, the public facilities, ano po. Dito po sa mga private hospitals namin, talaga pong hindi ganoon kadami ang mga nagpapa-admit po na COVID-19 cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagdating po dito sa non-COVID admission, kumusta po iyong assessment ninyo dito?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Ngayon po ay talagang dumadami ang admissions namin sa non-COVID cases. Most probably kasi po ito ay brought about o dahil itong mga dating sakit nila, iyong mga comorbidities nila – halimbawa, hypertension, diabetes, mga asthma, mga iba’t ibang sakit katulad ng cancer at saka mga sakit sa bato – na napabayaan siguro for the past two years or more ay ngayon na lang nila nakikita na parang nagkaka-affect sa kanila iyong hindi nila regular na pagpa-check-up.

So ngayon po ay nagbalikan sila sa mga hospitals kasi nakita nila na medyo safe na po ang hospitals at iyon po, ang karamihan sa kanila po ay kinakailangang i-admit. Bukod pa po ito doon sa mataas na cases po natin ng infectious diseases, especially po sa ating pedia right now, sa mga bata na mga nagkatrangkaso, dengue at iba pa pong infectious diseases po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, pinaghahandaan ninyo po ba? Kasi may mga nakikita na po tayo talagang subvariants, nadadagdagan pa rin po o nagkakaroon ng uptick ang mga kaso dito sa NCR, gaano po kahanda ang ating mga ospital, Dok Rene?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Well, kami po naman na mga private hospitals, we are always ready for the COVID-19 cases. Hindi naman po sinara itong ating mga COVID-19 areas, nandoon pa rin ang mga kama. We are prepared to admit these patients. Ang magiging problem lang po natin is kung magkaroon tayo ng marami talagang cases and then magkulang ang ating healthcare workers especially the nurses. Iyon po ang puwede nating magkaroon ng limitasyon, kung magkukulang ang ating mga nurses, then that’s the only problem na napo-foresee namin na limitasyon po ng aming ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali po – pero huwag naman po sana – ano po ang gagawin ninyo kung sinasabi ninyo na nga po na posible ang kakulangan sa nurses ang inyong magiging problema? May nailatag po ba kayo, Dok Rene?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Kami naman po ay laging prepared diyan. But then, of course, sinasabi ko nga po, up to a certain point siguro na talagang wala na kaming maibigay na mga nurses, that’s the only time na siguro tatanggi na lang kami at sasabihin namin na puno na ang aming mga hospitals.

But then, iyon naman po, nagsi-shift lang naman po iyan from COVID areas or non-COVID areas, bigla naming isi-shift ang ating mga healthcare workers to the COVID-19 areas just in case talagang dumami po ang cases natin ng COVID.

USEC. IGNACIO: Dok, hingiin ko na lang din po iyong reaksiyon ninyo dito po sa kabila na nananatili pong Alert Level 1 sa Metro Manila at iba pang lugar. Kayo po ba ay pabor na panatilihin tayo sa Alert Level 1?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Siguro po, okay na rin iyan ‘no. Ang importante po sa amin or for the medical community is siguro iyong implementation po ng ating minimum health protocols, especially po right now na siguro ang kailangan natin na ipagpatuloy ay iyong pagwi-wear po ng mask. I think that’s a very important barrier po para at least magkaroon tayo ng proteksiyon sa different infections; hindi lang po sa COVID ito ‘no. Dahil mataas nga po ang infection especially ngayong third quarter ng mga viral diseases, ito pong pagwi-wear natin ng mask ay additional protection po ito; hindi lang po pang-COVID, para rin po sa ibang sakit.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Dok Rene, puwede nating sabihin na kayo po ay sa tingin ninyo, hindi pa po napapanahon na gawing optional ang pagsusuot po ng face mask kahit po sa outdoor?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Palagay ko po ay kailangang ituloy natin. Siguro kahit hanggang until end of the year, palagay ko wala namang magiging problema na mag-wear tayo ng mask eh. At palagay ko iyong added protection po na iyon ay mas maganda po kaysa sa risk na ating haharapin kung sakaling mag-alis tayo ng mask.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumustahin ko na rin po iyong vaccination rollout, pati na po sa mga health care workers. Kumusta na po ito so far?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: So far po, itong ating mga health care workers at saka iyon pong ating mga senior citizens, A1 and A2 po ay nabibigyan po ng second booster dose na. Although hindi pa po marami ano, marami pa ring tumatanggi ano, but ito pong ating health care workers, alam ko sa halos lahat ng aming mga hospitals ay nabigyan na po nitong second booster dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ulitin ko lang, marami pa rin pong tumatanggi sa hanay ng ating mga health care workers dito po sa second booster?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Hindi po. Siguro iyon pong A2 na talagang tina-target natin. Pero doon po sa mga A1 na mga health care workers, I think most of them are already vaccinated na doon sa second booster dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, para naman po sa mga health care workers, kumusta na po iyong natatanggap na COVID-19 allowance? Gaano karami ang hindi pa daw po nabibigyan, kung mayroon man po?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Iyon nga po. Actually, iyon ang ikinalulungkot din ng ating mga health care workers ano po. Lagi pong sinasabi ng Department of Health (DOH), “Okay, na-release na namin.” Sabi ng Department of Budget and Management (DBM), “Released na iyong P7.9 billion” – pero nasaan na po iyan ano?

Tinatanong namin iyong ibang private hospitals na miyembro, iyong iba po ay nakaka-receive ano, pero majority po ng aming mga private hospitals ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-receive nitong OCA, iyong One COVID-19 Allowance.

Iyon pong SRA (Special Risk Allowance) previously, last year, mayroon pa pong iba na hindi pa raw po kumpleto ang na-receive nila. Pero ito pong for this year na 2022 na One COVID-19 Allowance ay talaga pong halos majority po ng aming hospitals ay hindi pa po nakaka-receive.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, nagkaroon po ba kayo ng pakikipag-usap sa DOH patungkol po dito?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Tuluy-tuloy naman po ang pakikipag-usap, especially ng mga HR (Human Resources) ng mga different hospitals ano po. Ang sinasabi lang po sa amin ay maghintay lang po.

Well, iyon naman po ang ginagawa namin kasi sabi nila may mga kakulangan din daw iyong iba na mga documentary requirements, pero ang alam ko po ay na-submit na nila lahat. So, we are just waiting kasi sabi nga po ng DBM ay na-release [na] noon pa. Parang out of the P7.9 billion supposedly eh parang P86 million pa lang po ang nari-release ng DOH.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, hind pa po pinapangalanan ni President-elect Bongbong Marcos Jr., ang susunod na magiging DOH Secretary. Pero kung kayo po ang tatanungin, kayo po ba ay mayroong napupusuan, Doc Rene?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Sa amin pong hanay, mayroon pong mga hospitals, different medical societies, even the PMA (Philippine Medical Association), mayroon po kaming niri-recommend and hopefully siya po ang tanggapin ng ating President-elect Marcos na siya pong gawing Secretary of Health, but of course the final decision ay sa kaniya pa rin po.

At ang amin pong niri-recommend ay si Dr. Ted Herbosa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, titingnan ko lang po kasi mayroon pong nagpadala ng tanong sa inyo dito pero kuhanin ko po muna ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Na ano po? Ano pong mensahe?

USEC. IGNACIO: Mensahe po sa ating mga kababayan partikular po doon sa mga hindi pa nagpapaturok ng bakuna, Doc.

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Well, ngayon po ay binibigyan tayo ng second booster dose. Kung talaga pong dapat tayo ay maka-receive niyan, halimbawa tayo ay health care workers and then the A2, iyong mga senior citizens, dapat po ay tanggapin po natin iyan. Iyan po ay libre at habang libre pa po! Ito po ay karagdagang proteksiyon para sa atin against the COVID-19 infection, at huwag po nating kalimutan palagi iyong minimum health protocols.

Ang pinakaimportante po ngayon at pinakasimpleng dapat lang nating gawin ay iyong pong pagwi-wear ng mask. Huwag po nating kalimutan iyan at iyan ang last barrier natin para po maprotektahan ang ating mga sarili, ang ating mga kamag-anak [laban] sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, hindi ko pa kayo puwedeng pakawalan kasi ito na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, pasensya na po. May tanong po sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilang nurses kaya ang kailangan pa ng private hospitals para po ma-ensure na sufficient na po ang workforce nila in case magkaroon po ng new increase sa COVID-19 cases?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Ang estimate po namin na umalis na mga nurses is around 40-50% of the previous number of nurses namin before. So, more or less iyon po ano, na ang nawala po sa amin ay mahigit kalahati.

So, ang ginagawa na lang po ng ibang hospitals para maka-ano diyan sa pagkawala ng mga nurses, niri-reduce po nila ang number of beds. But of course, iyon nga po ang magiging epekto po niyan, siyempre, kakaunti ang maa-admit na mga pasyente.

So, more or less ay ganoon po, kung madodoble po natin ang present number, iyon po, that’s enough po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rene, second question po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Napapanahon na po kaya na i-lift ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) ang deployment cap para daw po sa health care workers o kailangan pa po itong i-maintain sa ngayon?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Sa palagay ko po ay dapat i-restrict po natin iyan. Siguro iyong dating 5,000 a year will be enough. If you will note, noong last year po, 11,000 lang po ang nakapasang nurse ‘no and then nitong May, around 6,000 plus ang nakapasa out of the 9,000 na kumuha ng exam.

So, more or less [ay] magi-gauge ninyo na hindi naman po lahat iyan ay papasok sa ating mga different hospitals. So, more or less, magi-gauge natin kung ilan ba talaga ang puwede nating palabasin at papuntahin sa abroad. Huwag naman po sigurong sobra to the point na talagang mauubos na ang mga nurses natin dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rene, tanong naman po ni Red Mendoza although iyong iba po dito ay nasagot na ninyo, basahin ko na lang po at baka may maidagdag pa kayo, Doc Rene. Ang tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang reaksiyon ninyo sa pagkakalagay ng NCR at ilang mga probinsiya sa Alert Level 1 sa kabila ng unti-unting pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagkapuno ng mga ospital dahil sa non-COVID-19 cases? Sa tingin ninyo po ba ay makaka-keep up pa rin ang mga ospital?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Well, sa mga private hospitals po ay kaya pa naming gawin iyan, kasi nga po ang hospital utilization rate po ng COVID-19 cases ay mababa pa po ano. So, ibig sabihin, we can still admit [patients] at saka very low risk pa rin po tayo sa COVID-19 kasi mainly because ang mga sintomas po ng ating mga new variants siguro ay mas mild rather than the previous variants ano po. So, kaya pa po ng mga hospitals iyan.

And iyon pong pagmi-maintain natin sa Alert Level 1, sa palagay ko po ay okay na iyan. Ngayon po, kung talagang napapansin natin na talagang tataas or nagkakaroon ng trend ng pagtaas ng number of cases, then we should be prepared for that and the hospitals po will be ready, especially the private hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi rin po ng DOH na welcome po silang makipag-coordinate sa inyo tungkol sa mga hindi pa nababayarang benefits para sa mga health workers sa inyong member hospitals. Nakapag-usap na po kaya ang DOH at ang mga regional offices tungkol dito sa coordination para daw po sa mga COVID-19 benefits ng ating mga frontliners?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Iyon lang po talaga minsan ang nagiging problema natin ano, iyong bureaucracy na iyan ano. Well, supposedly dapat pagka-release po niyan, handed down na po iyan from the region to the provincial and kung dadaan pa po sa local government and then directly to the different hospitals, especially sa private hospitals.

Kasi sa amin po kapag na-receive naman po iyan eh directly po pina-pass on na namin ito sa mga health care workers natin. Sana naman po ay hindi na tayo dumating sa point na makikiusap pa kami na, “Sige, i-release na ninyo iyan,” kasi these are benefits po ng ating health care workers at ito po ang pang-engganyo natin para mag-stay ang ating mga health care workers. Sana naman po ay huwag na silang mahirapan dito sa kanilang idinagdag na benefits na ganito po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Gaano ka-urgent na mapangalanan na po ang susunod na DOH Secretary?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Sa palagay ko, bago po dapat siguro mag-umpisa ang ating President-elect, dapat po ay may maibigay na siyang pangalan na po. And then ang inaasahan po namin, siyempre, kami sa hanay ng medical community ay iyon pong open at makatutulong po sa ating mga doctors, sa ating hospitals at saka sa different healthcare facilities po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras, Dr. Jose Rene De Grano ng PHAPI. Salamat, Doc!

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Thank you po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Senator Go, tiniyak na ipagpapatuloy ang mga hakbang ng Administrasyong Duterte sa pagsugpo ng ilegal na droga. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kumusta na nga ba ang industriya ng pelikula sa bansa ngayong mas nagiging maluwag na ang COVID-19 protocols?

Iyan po at ang update sa kasalukuyang ginagawa na PeliKULAYa 2022, aalamin po natin. Kasama po natin dito sa studio si Film Development Council of the Philippines Chairperson CEO Liza Diño.

Magandang umaga. Welcome back sa Laging Handa.

USEC. DIÑO SEGUERRA: Good morning, Usec. Rocky. Oh my God, first time nating nagkita in person. For the last two years lagi tayong virtual lang nag-uusap.

USEC. IGNACIO: Napakaganda mo pa rin, Liza.

USEC. DIÑO SEGUERRA: Thank you po.

USEC. IGNACIO: May ongoing program ang FDCP, Liza, this month, ito iyong PeliKULAYa 2022.

Bigyan mo kami ng detalye, ano ba iyong pinagkaiba nitong film fest na ito na ginagawa ng FDCP?

USEC. DIÑO SEGUERRA: So iyong PeliKULAYa, ito iyong unang-unang LGBTQIA+ film festival na managed at organized ng FDCP.

So imagine, ang gobyerno ang nagsusulong ng mga istorya para lalong magkaroon ng representasyon ang ating mga LGBTQIA+ na community dito sa Pilipinas.

So, it’s a film festival showcasing the different colorful stories ng ating LGBT.

So, mayroon iyang international films, mayroon iyang local films, short documentaries na talaga namang at least, you know, magbibigay ng impormasyon at, you know, iyong makita nila iyong buhay ng iba’t ibang miyembro ng LGBT.

USEC. IGNACIO: Oo. Liza, sinong nag-guide sa inyo para maiprisinta ninyo nang talagang napakaganda itong programa na ito?

USEC. DIÑO SEGUERRA: Well, I am an LGBT ‘di ba? I am from a ‘trans’ family. Ice is a trans man, I’m a transsexual gender and I think, napaka-personal din nito sa akin dahil ang dami pa ngayong struggles na kinakaharap ang ating LGBTQ community. And I think mas maraming dayalogo at discourse ang kailangang mangyari para marating natin, na maatim ng community na ito ang enabling laws para mas lalo silang maproteksiyunan at mabigyan ng equal rights. 

So, I hope that this festival will really be a vehicle and a platform para makarating tayo [kung saan] iyong gobyerno natin mismo ay pinoproteksyunan ang karapatan ng ating LGBTQ community.

USEC. IGNACIO: Hanggang kailan daw ito tatagal at ano iyong mga programa na dapat nilang abangan sa mga susunod na araw? 

USEC. DIÑO SEGUERRA: So June 10 hanggang 26, nag-umpisa na po tayo at tinulungan po tayo ng iba’t ibang foreign embassies like United Kingdom, the US, Spain, Mexico, Chile, Denmark – lahat po sila nagbigay ng mga pelikula.

So, mayroon tayong pelikula katulad ng Boys Don’t Cry with Hilary Swank, mayroon tayong Portrait of a lady on Fire na galing ng France na nanalo ng Cannes; at iyong mga Filipino films na rin naman natin katulad ng Big Night na pinalabas sa Metro Manila Film Festival, Gameboys: The Movie na pinangungunahan ni Elijah Canlas and Kokoy also, at marami pang iba na talagang ngayong talagang nagsarado ang sinehan, nagbubukas pa lang, wala pa tayo masyadong Filipino films na nakikita sa ating mga sinehan, sana ay suportahan nila ito at ito iyong maging panimula para suportahan ulit natin iyong pelikulang Pilipino.

USEC. IGNACIO: Oo. Kasi hindi naman matatawaran iyong angking galing talaga ng mga Pilipino pagdating sa sining at siyempre sa acting.

Para sa mga nais matunghayan, Liza, itong personal na mga pelikulang tampok sa PeliKULAYa 2022, saan ito maaaring mapanood? 

USEC. DIÑO SEGUERRA: Oo. So, marami po tayong mga sinehan na nagsu-showcase ng mga pelikulang ito, of course, sa ating Cinematheque Centre Manila. Ito po iyong sinehan ng FDPC sa may Kalaw. Nasa ibaba po ito ng office namin. Gateway Cinemas, Metropolitan Theatre at ang iba’t ibang cinematheque centre sa buong PIlipinas ay nagpapalabas ngayon ng PeliKULAYa Film Festival at lahat ng mga tampok na pelikula dito.

USEC. IGNACIO: Oo. Kung puwede rin daw manood o makisali sa programa ninyo online; Kung online, saan daw website o social media pages sila dapat pumunta?

USEC. DIÑO SEGUERRA: Yes. Mayroon din po tayong mga featured films sa aming FDCP Channel. So, you only have to go fdcpchannel.ph at doon po makikita ninyo ang mga pelikula ni Jay Altarejos, mga LGBT films na iba.

Actually, may isang pelikula doon na documentary na tampok kami ni Ice ‘no, 2015 pa iyon ginawa.

USEC. IGNACIO: Anong title noon?

USEC. DIÑO SEGUERRA: Traslacion iyong tawag. So, it will give you a little sneak peak on, kami ni Ice as a couple, and how the journey para makarating kami dito na mas may acceptance na sa relationship namin.

USEC. DIÑO SEGUERRA: At saka magsisilbing inspirasyon pa rin ito sa iba ‘no, Liza?

USEC. IGNACIO: Tungkol naman sa short films competition, sinu-sino daw iyong mga naimbitahan na lumahok dito at ano rin daw ang dapat asahan sa gagawing gala night?

USEC. DIÑO SEGUERRA: So sa PeliKULAYa, ang bida natin ngayon ay iyong mga batang filmmakers.

So, mayroon tayoong main competition kung saan sampung short films coming from different schools like UP, FEU, Mapua iyong ating itatampok ‘no at sila ay boses nila, paano ang pagtingin nila sa istorya ng mga LGBT from their perspective and it’s really amazing to see them being more open. Kasi noong panahon, kahit nga noong kinasal kami ni Ice parang hindi pa ganito kabukas ang mga kabataan sa konsepto at aspeto ng LGBT at pagiging komportable sa iyong sariling identity, pero ngayon matutunghayan natin iyong kanilang mga istorya.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaano naman daw kahalaga na magkaroon tayo ng mga ganitong programa bukod doon sa mga nabanggit mo na kanina?

USEC. DIÑO SEGUERRA: Napakahalaga dahil iyon nga eh, the more na pinag-uusapan natin, the more na nano-normalize natin iyong conversation and with our theme “Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay!”

And with our theme, “Pantay-pantay, Iba’t ibang Kulay,” ibig sabihin, wala dapat tayong tinitingnang kulay pagdating sa pagkilala sa karapatan natin bilang tao. And this year, ang focus natin is on the transgender community. Kasi kahit sa LGBT, may lesbian, may gay, may bisexual, marami pa ring mga letters na hindi natin alam at hindi pa natin naiintindihan. So this year, iyong mga trans issues ang ating binibigyang-pansin at sino-showcase.

USEC. IGNACIO: Oo, na magiging bahagi rin ng ating lipunan, ano. Sa ibang usapin naman, kamakailan ay kinilala ang iba’t ibang bagong National Artists sa bansa. Ano iyong naging role ng FDCP sa pagpili ng National Artists, puwede ninyo ba kaming bigyan ng kaunting detalye? Ang napili ay si Ms. Nora Aunor, ang ating superstar!

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Yes ‘no. Naku, grabe! It’s so inspiring for the film industry na ang ma-confer ay tatlo ‘no sa linya at sa line up ng ating National Artists this year: So Sir Ricky Lee; of course, the only one, the superstar, Ms. Nora Aunor; at si Director Marilou Diaz-Abaya.

Ang partisipasyon ng FDCP is to really advocate iyong mga ginagawa ng ating mga icons, kung paano nila ini-inspire ang aming industriya; paano sila patuloy na nagbibigay ng guidance sa mga young filmmakers, lalo na si Sir Ricky Lee, mayroon siyang mga workshops. So, tinutulungan natin iyong mga ganitong inisyatibo ng ating mga artists and film makers.

Pero ang nag-confer sa kanila ay ang NCCA at, of course, hindi iyan maa-approve kung wala ang suporta ng ating mahal na Presidente. Kaya napakalaking regalo po, Tatay Digong, ng iyong ibinigay para po aprubahan ang ating mga bagong National Artists!

USEC. IGNACIO: Nagkausap na po ba kayo ni Ms. Nora Aunor?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Yes, I messaged her. She’s a very, very good friend and big supporter of FDCP. So nagpasalamat siya, I think magkikita kami soon and she plans to direct a movie to venture naman into being a director. So sana ay masuportahan natin at ng ating gobyerno ang susunod pa na gagawin ng ating National Artist, Ms. Nora Aunor.

USEC. IGNACIO: Oo, sa dami ng kaniyang mga fans kasama na ang nanay ko. Gaano po kaimportante iyong ganitong uri ng pagkilala sa larangan ng ating kultura at sining?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Just for our government right now to champion our industry and inspire the industry by conferring these National Artists. Ibig sabihin, binibigyan pa rin natin ng importansya ang kultura at sining at lalo ngayon na nagiging divisive ang ating bansa, nagkakaroon ng polarization dahil sa mga kanya-kaniyang opinyon, napakalaking role na ginagampanan ng cinema para mag-change ng perspective natin at magbigay ulit ng inspirasyon for nation rebuilding.

So sana maging platform ang ating mga pelikula, bigyan ng investment ng ating bagong administrasyon para lalo pa po nating mapayabong ang ating bansa at makilala sa buong mundo.

USEC. IGNACIO: Okay. Bago tayo magtapos, Chair Liza, kumustahin ko na rin iyong recovery ng film industry natin. So far, kumusta na sila?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Napakalaki po kasi talaga ng epekto ng pandemya sa aming industriya dahil isa tayo sa mga pinakahuling nabuksan – ang sinehan. So imadyinin [imagine] mo, ngayon pa lang po nasasanay ulit ang mga tao na manood ng mga pelikula sa sinehan. At ngayon, Hollywood films ang talagang tinatangkilik ng ating mga audience. So mayroon po tayong isang pelikulang Pilipino ngayon na lalaban at magri-risk, sana po ay suportahan natin ang “Ngayon Kaya” with Paolo Avelino and Janine Gutierrez.

So sana, we can all rally behind our own Filipino films because nasa sa inyo po – ang ating mga manunood, ang ating mga kapwa Pilipino – nakasalalay ang pag-recover at pagbangon po ng industriya natin.

USEC. IGNACIO: Sabi mo nga, ito iyong unang pelikulang Pilipino na ginawa after pandemic.

 

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Opo. Maraming mga nakaabang, pero walang masyadong nagpapalabas dahil kailangan pa po nating i-build ulit iyong confidence ng ating mga audience to go back to the cinema.

USEC. IGNACIO: Kaya nga ngayong mas nagluluwag na nga ang restriction, ano iyong maaaring i-expect ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa industriya?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Well, napakarami po naming mga activities: Mayroon po tayong mga upscaling program. Kasi napakaimportante na i-enhance pa natin iyong skills ng ating mga workers. So mayroon po tayong mga behind the scenes academy na initiative; and of course, para naman po sa mga ating film productions, may incentive po tayo para lalo pa ho nating mahikayat ang ating mga filmmakers para gumawa ng pelikula. So sana po ay makatulong ito para ma-rejuvenate ulit at ma-revive ulit ang ating industriya.

USEC. IGNACIO: Oo, para magkaroon na talaga rin ng trabaho iyong ating mga kapatid diyan sa industriya.

Kunin ko na lamang iyong mensahe mo sa ating mga kababayan at siyempre sa ating mga nasa industriya.

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Siguro unahin ko po muna iyong ating mga kababayan: Nananawagan po ako sa inyong lahat na magtulung-tulong po tayo na payabungin ulit ang ating industriya ng pelikulang Pilipino by supporting our own. Marami pong mga producers natin ang excited na gumawa ulit ng mga pelikulang para sa inyo, kaya sana ay suportahan po natin sila.

At para naman po sa ating mga ka-industriya at mga manggagawa ng industriya: Nandito po ang FDCP lagi to assist and provide you with the empowerment na kailangan po ninyo para makagawa pa po tayo ng mga pelikulang makabuluhan at bumangon po ulit tayo nang sabay-sabay dito sa pandemyang na-experience natin.

USEC. IGNACIO: Oo, makakasama ka pa rin nila, Usec. Liza?

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Yes po. I was reappointed for another three years. But I haven’t paid our new President a courtesy call. Hinihintay lang namin po namin iyong schedule but sana po ay matuwa po siya, because I’m very excited to align with his vision and iyong direction niya po para din po sa arts and culture.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Liza Diño, ang chairperson din po at CEO ng FDCP.

Salamat sa iyo, Liza.

USEC. DIÑO-SEGUERRA: Thank you, Usec. Rocky. It’s nice to see you!

USEC. IGNACIO: Nice to see you.

Sitwasyon sa trapiko at mga programa na makatutulong para maiwasan ang mga road incidents naman po ang ating pag-uusapan.

Kasama po natin ang Chief ng Inter-Agency Council on Traffic o IACT na si Chief Charlie del Rosario.

Magandang umaga po, Sir Charlie.

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Hi. Good morning, Ma’am Rocky. Magandang umaga po sa ating lahat. 

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, bagamat hindi pa tuluyang nawawala ang COVID-19, paano po ba natin pinapanatiling ligtas ang ating mga commuters sa posibleng banta ng COVID-19 dito po sa mga pampublikong sasakyan?

 I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Opo, Ma’am Rocky. Ganito po iyan: Hanggang ngayon po ay tuluy-tuloy pa rin po naman iyong ating patakaran lalo na po sa panglupang sasakyan, iyong public utility vehicles natin, na full seating capacity lang at hindi po namin pinapayagan ang standing o iyong nakatayo na mga pasahero sa ating mga pampublikong sasakyan, tuluy-tuloy po ang operasyon natin niyan.

Pinapatupad din po natin diyan iyong bawal po ang kumakain sa loob ng bus; ganoon na rin po ang paggamit ng mga cellphones at ganoon na rin po dapat laging naka-face mask.

At sinisugurado po natin na itong mga pamantayan na ito ay napapatupad po. Araw-araw po nandiyan ho tayo sa lansangan upang ito ay ipatupad.

Kasama po natin diyan ang opisina ng Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group, ganoon na rin po ang MMDA at saka mga local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. May ilang mungkahi po na bawasan ang capacity sa public transport dahil sa nakikitang bahagyang pagtaas po ng kaso ng COVID-19. Sang-ayon po ba kayo dito, Sir?

 I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Sa atin po, kung ano po iyong ipapababa o ipapatupad ng ating Kagawaran ng Transportasyon. Ako ay naniniwala po na dapat ho ay tingnan po at balansehin sa pang-ekonomiya na kadahilanan at ganoon na rin po sa health issues. Hindi po natin basta-basta puwedeng sabihin na hindi dapat o dapat.

Ang tinitingnan po natin diyan, mayroon po tayong mga eksperto na makakapagsabi niyan at kung ano po ang hihilingin sa atin ay iyon po ang ating ipapatupad.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali pong tumaas tayo sa mas mahigpit na alert level, gaano po kahanda ang I-ACT dito sa pag-impose nang mas mahigpit na restrictions?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Lagi po tayong handa diyan. Kung ngayon ay sasabihin na ganito po ang standard natin, ito po ang ipapatupad natin – agad-agaran po nating ipapatupad iyan. Hindi po natin lalagyan ng kadahilanan na hindi kayang ipatupad. Ipapatupad po natin kung ano ang kautusan!

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa ibang issue ‘no, naiulat kamakailan iyong insidente po na hit-and-run dito sa Mandaluyong.

Sa mga ganitong sitwasyon, paano ba talaga natin matitiyak iyong kaligtasan ng ating mga traffic enforcers laban po sa mga ganitong driver? 

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Alam ninyo po, lagi nating isinasauna at pinapaalalahanan ang ating mga traffic enforcers, kasama na rin po diyan iyong ating mga kasamahan sa ibang ahensiya na sa paggawa ng ating mga katungkulan ay unahin natin iyong safety natin.

Actually po sa I-ACT ngayon ay maipagmamalaki ko po na – sana ay hindi namin kailanganin – pero mayroon pong kahit paano ay may insurance po iyong ating mga operatives.

Mayroon tayong kasama sa pribadong sangay na nakipagtulungan po sa atin buhat noong nag-umpisa po ang I-ACT at iyon po ay covered naman po ng – kahit papaano – insurance po.

Nasubukan na po iyan noong mayroon pong naaksidente na ating kasamahan dito sa EDSA Busway na kung saan po ay namatay po iyong ating kasamahan, pero maski paano po ay nakatulong po iyong insurance policy na iyon.

USEC. IGNACIO: Mayroon po kayong programa kaugnay dito sa drunk driving at iba pang mga programa para maiwasan ang mga road accidents, anu-ano po ang mga programang ito, Sir Charlie? 

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Opo. Mayroon po tayo, sa pakikipagtulungan po ng Land Transportation Office sa Field Enforcement Division po, Law Enforcement Service na pinamumunuan po ni Asec. Edgar Galvante at iyong direktor natin sa Law Enforcement si Director Guinto po, kasama po iyong I-ACT doon ay mayroon po akong anim na mga kasamahan doon na kasama ngayon na nagpapatupad nitong Republic Act 10586 o iyong Anti-Drunk and Drug Driving Act.

Alam ninyo po dito sa EDSA Busway ano, napansin po natin na kapag mayroon na pong nai-report na aksidente riyan ay hindi lang po MMDA, hindi lang po kapulisan, hindi lang po iyong mga rescue ang nandiyan, nandiyan na rin po iyong ating LTO-IACT Anti-Drunk and Drug Driving Unit. Kasi po required po sa batas na kapag mayroon pong aksidente sa anuman hong kadahilanan, dapat ho ma-test ang mga driver na involved.

Sa latest po na aking nakuhang istatistika, sa mga naaksidente po na narespondehan po ng LTO, ganoon na rin po ng IACT buhat po noong nag-umpisa po ang IACT na makisama o sumama sa LTO Anti-Drunk and Drug Driving Unit ay mayroon tayong narespondehana na animnapu’t isa na road crashes at ang nakababahala po rito ay tatlumpu’t lima sa na-involve na aksidente o road crash na ito [ay] nakita po na positibo na nagmamaneho po na nakainom o higit po sa pinapahintulutan ng batas na magmaneho kung tayo ay nakainom at nagmamaneho.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Charlie, puntahan ko lang muna ito. May tanong po sa inyo si Tuesday Niu ng DZBB, babasahin ko po ano: Papaano ninyo matitiyak na nasusunod ang mga sinabi ninyong mga patakaran sa public transport lalo na kung umaandar na o bumibiyahe na po ang sasakyan? May mga bus marshal ba sila para sumita sa mga driver at mga pasaherong lumalabag like baka daw po overloading na habang nasa biyahe pero panay ang pick-up pa [rin] ng mga pasahero?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Mayroon po. Mayroon tayong tinatawag na ‘mystery riders.’ Hindi naman po sa lahat ng pampublikong sasakyan ay mayroon tayong mystery riders. Statistically po, dito po sa Commonwealth ay kasama po natin ang LTO. Alam ninyo po, ang mga kasamahan natin sa I-ACT ay mayroon pong mga deputized iyan.

Iyan hong ipinapakita natin ngayon, iyong EDSA Busway po, bawat istasyon po diyan ay may I-Act iyan. Kasama natin ang Philippine Coast Guard po diyan na nagbabantay. Kami po ay umaakyat doon sa bus, tsini-tsek po natin iyong mga alituntunin na ipinapatupad po natin diyan – iyong paggamit ng face mask, pagkatapos po iyong bawal kumain, iyong paggamit po ng cellphone, iyan po, naipatutupad po iyan.

Kung makikita ninyo po diyan sa footage na nilalagay ninyo, may nakikita kayong nag-a-assist, mga kasamahan ho natin sa I-ACT iyan, ganoon na rin po ang LTFRB. So, sama-sama ho kami diyan at may mga mystery riders po tayo.

Sa Commonwealth po, kapag nakita po nating punuan na po iyong nakasakay, iyan po ay pinapara at nahuhuli po iyong driver.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po tayo. Naiulat iyong pahirapan sa pagsakay ng ilang commuter dahil kaunti na lang po ang pumapasadang PUJ dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo. Ito po ba ay naoobserbahan ninyo sa ilang mga lugar?

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Mayroon hong pagbaba sa numero ng pampublikong sasakyan ‘no. Of course, hindi naman po natin mapipilit iyong ating mga drivers or operators kung iyon po ang paniniwala nila. Pero lagi lang ho nating alalahanin at ipinapaalala po talaga, na dapat po ay gawin natin ang naaayon po sa prangkisa na tayo po ay magbigay ng serbisyo sa publiko.

So, hinihiling po natin! Alam ninyo po, kasama natin ang LTFRB diyan, nakikiusap po tayo! Binabalanse po nila iyong usapin tungkol po sa pagdagdag ng pasahe ganoon na rin po sa ekonomiya, ang impact din po sa ating mga mananakay. So, tinitingnan po iyan at nakikita naman po natin na last week po ay mayroon yatang naaprubahan po na provisional authority ng LTFRB sa halagang piso po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Charlie, kami po ay nagpapasalamat sa inyo pero kuhanin ko muna iyong inyong mensahe sa ating mga drivers, mapa-private man o PUV drivers. Go ahead po, Sir Charlie.

I-ACT CHIEF DEL ROSARIO: Maraming salamat po, Usec.

Nananawagan po kami sa lahat, hindi lang po sa mga drivers natin [sa] pampubliko at pang pribado, kung hindi po sa lahat ng road users, lahat po ng gumagamit ng lansangan, tumupad po tayo sa batas-trapiko. Wala hong mawawala sa atin kung tutupad po tayo sa batas-trapiko.

Alam mo po, Ma’am, may nagtanong sa akin minsan, “Sir, ang dami-dami ninyong law enforcers, paano ho bang mawala na kayo sa kalsada para hindi na ho ninyo kami gambalain?” Ito lang ho ang isasagot ko diyan, simple lang po. Matuto po tayong tumupad sa batas-trapiko, matuto po tayong rumespeto sa mga batas, mawawala ho kami sa kalsada.

Pero hanggang mayroon pong nagba-violate at mayroon pong ayaw tumupad sa mga batas-trapiko, sa mga alituntunin, nandiyan po kami hindi lamang po para manghuli kung hindi para po siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng mananakay o lahat ng gumagamit ng lansangan.

[Para] sa akin po, ang enforcement ay hindi po iyong numero kung ilan po ang nahuli, ang enforcement po para sa akin ay iyon pong ilang buhay ang puwede nating iligtas sa pang-araw-araw sa paggamit ng lansangan.

Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat din sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Charlie Del Rosario, ang Chief of Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT). Salamat po, Sir Charlie!

Dumako po tayo sa iba’t ibang mga balita sa lalawigan sa bansa, puntahan po natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Nasa 3,000 mga residente sa Tarlac, hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Go. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po is Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo muli bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)