USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Martes, ika-21 ng Hunyo, pag-uusapan po natin ang mga hakbang na isinasagawa para po mapigilan ang matinding pagbaha sa Metro Manila. Aalamin din natin ang COVID-19 response sa barangay level, at ang forecast at projection ng COVID-19 situation sa ating bansa.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Si President-elect Ferdinand Marcos, Jr. na mismo po ang pansamantalang uupo bilang kalihim ng Department of Agriculture sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Marcos, napagpasyahan niyang siya na muna ang mamumuno sa DA dahil sa tindi umano ng problema sa sektor ng agrikultura at para tugunan ang nakaambang pagtaas pa ng presyo ng pagkain sa susunod na quarter. Marami aniyang kailangang ayusin at palitan ang Kagawaran para mas makatugon sa isang sitwasyon ng global food supply.
Kaugnay naman ng mga napipisil niyang mamuno ng iba pang kagawaran ng gobyerno gaya ng health, foreign affairs at transportation departments, sinabi ni Marcos na mas umikli na ang shortlist ng mga pagpipilian niyang maging bahagi ng kaniyang gabinete.
Ayon kay Marcos, target niyang ianunsiyo ang iba pang Cabinet secretaries bago ang kaniyang inagurasyon sa June 30.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Hindi nakikita ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ang pangangailangang suspendihin ang excise tax sa langis sa harap po ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Marcos, mas nais niyang mabigyan ng tulong ang mga pinakaapektadong sektor sa pagtaas ng presyo ng langis. Kabilang na aniya rito ang sektor ng transportasyon at mga kabuhayan na nanganganib dahil sa oil price hike.
Dagdag pa ni Marcos, kailangang i-digitize ang bureaucracy at pabilisin ang pagproseso at pag-isyu ng National ID para matiyak ang mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang update sa COVID-19 response pagdating sa barangay level. Makakasama po natin si Undersecretary Martin Diño ng Department of the Interior and Local Government. Magandang umaga po, Usec.
DILG USEC. DIÑO: Magandang, magandang umaga siyempre sa 42,047 barangay sa buong Pilipinas. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., binigyan ng DILG po si Governor Gwen Garcia ng ultimatum na bawiin nito ang kaniyang executive order na payagan pong maging optional iyong pagsusuot ng face mask sa open spaces. Pero maninindigan diumano si Governor Garcia dito. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DILG USEC. DIÑO: Tayo naman ay susunod lang doon sa batas na ginawa ng ating Kongreso at Senado. Ito iyong Bayanihan Act para sa paglaban natin sa COVID-19. Actually, itong batas na ginawa ng Kongreso at Senado ay hanggang September, kaya kami dito sa DILG … tapos siyempre iyan ay pinatutupad galing sa utos ng ating Pangulo. Kaya si Secretary Año ay inutos naman sa lahat ng probinsiya, lahat ng siyudad at munisipyo. At ako naman, binaba sa akin up to barangay level, up to the 42,047 barangay. Ito iyong tinatawag na health protocol kasi mahigit dalawang taon na tayo dito sa problema natin sa pandemya.
Alam naman natin na ang ibang bansa, lalung-lalo na iyong mga progresibong bansa pa ang mga tinamaan nang nagtanggal ng face mask. Pero iyon nga, kung iyan ang kagustuhan ni Governor Gwen, eh tingnan na lang po natin kung ano ang tinatadhana ng batas at tingnan natin kung ano ang magiging kapasyahan ng Malacañang tungkol dito sa ginawang ordinansa ng Province of Cebu.
Kami naman sa barangay, we will continue iyong tinatawag na health protocol at saka iyong compliance. Tandaan natin, up to this day, nandidito tayo sa tinatawag na state of public health calamity sa buong Pilipinas, at iyan ay hindi pa binababa; nandito pa rin tayo sa pandemya at katunayan ay nasa Alert Level 1, Alert Level 2 at mayroong mga lugar din na baka tumaas ay nasa granular lockdown. Kaya ang ginagawa lang natin hanggang ngayon sa buong Pilipinas ay talagang magsuot muna ng face mask habang tayo ay nandidito pa sa itinadhana ng ating Kongreso at Senado, at siyempre ang magpapatupad niyan ay ang Inter-Agency Task Force.
At kami naman, iyan naman ang ipapatupad namin sa lahat ng mga LGU, from province, ang governor; city at municipality, ang ating mga municipal mayors at saka city mayors; and of course, on [unclear] lahat ng mga barangay sa buong Pilipinas. Ang order namin is still, ipatupad ang health protocol. Kaya nga ngayon hindi lang iyan, ngayon siyempre dati mayroon tayong vaccination, iyong tinatawag na fully vaccinated eh ngayon eh mukha yatang hindi na masyadong effective iyan kaya nandidito na tayo sa booster one at saka booster 2.
Kaya walang tigil ang ating siyudad at munisipyo, ang probinsiya at ang ating mga barangay dito sa tuluy-tuloy na ating kampaniya sa pagbabakuna. Hindi tayo hihinto dito. Sabi ko nga, hanggang huli, hanggang sa June 30, hanggang matapos ang panunungkulan ng ating Presidente, President Rody Roa Duterte, ay sabi ko nga, tuluy-tuloy ang ating gagawin. Kung sino iyong mga aabutan natin na magpapabakuna, and I hope iyong incoming President, President Bongbong Marcos will continue kasi ito lang iyong panlaban natin dito sa deadly na COVID. Akala nila, wala nang bisa iyan. Tandaan ninyo, kapag ang tinamaan ay hindi bakunado, delikado tayo diyan. And of course, sabi ko nga, hindi lang iyan, hindi lang sa COVID, pati nga ngayon, inalerto na rin namin ang lahat ng barangay sa Pilipinas para naman dito sa dumarating na problema natin sa dengue.
Kaya, Usec. Rocky, tuluy-tuloy po ang ating kampaniya lalung-lalo na sa pangkalusugan ng ating bansa at lalung-lalo na sa lahat ng barangay sa buong Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Usec., isunod ko na lang po iyong—may mga tanong po kasi para sa inyo dito mula po sa ating kasamahan sa media. Isusunod ko na po iyong tanong ni Maricel Halili ng TV5: Kumusta na raw po ang ipinatutupad na face mask policy sa Cebu? Ano raw po ang sinusunod na protocols ngayon ng barangay at ng PNP? May mga nasita na raw po ba o naaresto for not wearing face mask outdoors?
DILG USEC. DIÑO: Oo naman. Walang tigil ang ating mga barangay sa pagsita dahil unang-una, ang pinuproteksiyunan natin ay ang buhay ng mga bawat Cebuano at bawat Pilipino; iyan ang ating pinatutupad. If you remember, halos nagkaroon ng surge diyan. At pinadala pa nga natin ang ating kasundaluhan, ang ating kapulisan, at lahat halos ng mga secretaries ng kaniya-kaniyang departamento, even the DENR Secretary Cimatu, Secretary Eduardo Año.
Kung natatandaan ninyo, talagang binabaan namin per barangay diyan sa Cebu mismo. At ito naman ang ating kinatatakot ‘no, dahil sabi ko nga, nasa huli ang pagsisisi. Baka mamaya kapag sumipa iyan ay hindi natin mari-reverse dahil buhay ng tao ang nakataya diyan.
At siyempre, inuulit ko, ang panlaban lang natin diyan ay bakuna, of course, iyong pagsusuot o iyong health protocol kamukha ng face mask, social distancing. Kaya hindi kami titigil, tuluy-tuloy iyan – at ang lahat ng barangay natin ay inaatasan natin na ipatupad itong lahat nang ipinagbabawal at ipinag-uutos ng Inter-Agency Task Force lalung-lalo na iyang sabong at iyong mga inuman sa kalsada, lalo na iyong mga walang face mask – tuluy-tuloy ang ating pagpapatupad niyan, kahit na mayroong ginawa ang Province of Cebu na ordinansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong pa rin po ni Maricel Halili ng TV 5: May official communication na daw po ba ang Cebu LGU sa DILG tungkol sa face mask protocols? Will they follow the instructions of DILG?
DILG USEC. DIÑO: Oo naman at saka wala namang pagbabago diyan. Kung ano iyong naging policy natin, ng Bayanihan Act na ginawa ng ating mga senador at saka mga congressman, tuluy-tuloy pa rin iyan, walang pagbabago iyan. Kung halimbawa, babaguhin man ng LGU o iyong local government unit, lalo na ang Province of Cebu, nasa sa kanila iyan. Basta tandaan natin na mayroon tayong ipinatutupad na health protocol at iyan ay mayroong mga kaakibat na kaparusahan. Like here in Metro Manila, mayroon pa rin iyang penalty. Halimbawa in Quezon City ay P300 t0 P500 tapos mayroon pang community service; and the same thing, we will impose that.
Kung wala mang penalty na ginawa ang mga bayan o munisipyo, eh doon naman tayo sa pagpa-file ng kaso siyempre sa Prosecutor’s Office. Dahil tandaan natin, batas iyan, Republic Act iyan. Okay?
USEC. IGNACIO: Opo. May mga natatanggap po ba kayong balita, Usec, na mga barangay na nagpapahayag na gusto rin nilang maglabas po ng memo na gawing optional na rin itong pagsusuot ng face mask outdoors?
DILG USEC. DIÑO: Wala. Alam mo masunurin ang ating mga barangay, dahil alam nila na mahigit dalawang taon na ang paghihirap, na iyong effort na ginawa nila, just imagine, i-lockdown mo ang barangay na hindi lalabas ng bahay. Kung sino lang ang bibigyan natin ng quarantine pass, iyon lang. Ayaw na nating pumunta doon sa sitwasyon na iyon, kaya nga kailangan buksan natin ang ekonomiya. Eh, kung halimbawang magkakaroon pa ng surge ulit, eh palagay ko, hindi ko alam kung kakayanin pa ng gobyerno lalung-lalo na iyong pagbibigay natin ng ayuda doon sa mga tao o iyong mga pamilya na nai-lockdown natin sa kani-kanilang tahanan.
Kailangan natin ngayon ay umandar ang ekonomiya at habang umaandar iyan, sumusunod naman tayo sa health protocol. Iyan naman ang aming pakiusap sa mga barangay.
USEC. IGNACIO: Usec, pagdating naman sa vaccination, kumusta naman po ang pamimigay ng bakuna sa mga barangay? May mga barangay po ba na mataas pa rin itong vaccine hesitancy o tuluy-tuloy po pa rin iyong isinasagawa ngayong pagbabakuna?
DILG USEC. DIÑO: Wala tayong tigil diyan, ano. Tuluy-tuloy ang pagbabakuna, lalung-lalo na doon sa mga lugar na talagang mababa ang ating vaccination. At tuluy-tuloy pa rin iyong ating kampanya na talaga ang panlaban dito sa COVID-19 ay ang bakuna lang talaga. Kaya nga nasabi natin na ngayong tapos na tayo doon sa mga fully vaccinated, nandito na tayo ngayon sa booster, dahil ito na ang pino-promote natin, lalung-lalo na na pinaghahandaan natin.
Actually, may order kami na tingnan ang lahat nang hindi pa nagpabakuna and at the same time, engganyuhin sila na magpabakuna at ito lang talaga ang ating panlaban. Sabi nga, eh iyong mga walang bakuna, iyan ang delikado, kapag tinamaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, ano naman po ang ginagawang hakbang ng inyong tanggapan para daw mahikayat pa itong mga kababayan natin na magpabakuna kontra COVID-19 sa mga barangay natin.
DILG USEC. DIÑO: Actually, mayroong incentive iyan ‘no. Kaya nasabi ko nga kung halimbawa ituloy lang iyong mungkahi ng ating Secretary Concepcion – kasi, di ba, Alert Level 1 pa rin tayo, na lahat ng papasok sa airconditioned room, hindi lang iyong fully vaccinated, ibig sabihin, mayroon nang booster shot iyong kanilang ID at saka siyempre iyong ating mga government facilities.
Actually, alam mo ba ngayon, Usec. Rocky sa Congress, hindi ka puwedeng pumasok ng Congress kung hindi ka nagpa-antigen, every week ay magpapa-antigen ka kapag pumasok ka ng Kongreso, eh ‘di ganoon din iyong ibang ahensiya ng pamahalaan ay tutulad. Hindi ba Congress ang gumawa ng Bayanihan Act natin?
So, wala naman sigurong mawawala kung susunod lang tayo sa health protocol. Kamukha niyan, sabi ko nga, ten days or nine days na lang, para umupo ang bagong administrasyon, tingnan natin kung ano ang magiging polisiya ng ating magiging bagong Presidente, President Bongbong Marcos. Pero siyempre, hangga’t ang polisiya na ipinatutupad ni President Rody Duterte ay ang wearing of face mask, iyan ang susundin natin, iyan ang ipatutupad natin, up to the last minute ng panunungkulan ng ating kasalukuyang Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, dito nga po sa nalalapit na pagpapalit ng administrasyon, ano po ang sa tingin ninyo ang mga programa o proyekto ng DILG Barangay affairs na sana po ay maipagpatuloy pa rin sa susunod na administrasyon?
DILG USEC. DIÑO: Tuluy-tuloy pa rin, lalung-lalo na ang ating kampanya sa illegal drugs. Iyong BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council), tuluy-tuloy tayo diyan.
Iyong road clearing operation sa buong Pilipinas, major thoroughfares at saka pagbawi ng sidewalk para sa ating mga pedestrian at siyempre iyong Manila Bay Clean Up. Iyan ay buong Pilipinas na. Pinalilinis natin ang estero, kanal, dalampasigan, iyong ating karagatan at ang implementation ng Republic Act 9003.
And of course, iyong ating fight against insurgency, fight against violent extremism, fight against terrorism na pinangungunahan ng barangay iyan lalung-lalo na, itong ating ELCAC.
At of course, iyong Oplan Listo na kung saan every time na magkakaroon ng trahedya, magkakaroon ng kalamidad, nandiyan ang barangay, nandiyan ang ating siyudad at munisipyo na umiikot para siguraduhing ligtas ang ating mamamayan.
At ngayon, ilulunsad natin iyong Oplan Maghanda, ito ang ginawa naman na coordination ng Department of the Interior and Local Government at saka ang DOST na kung saan mayroon tayong mga bagong warning design na ginawa diyan.
And of course, iyong ating mga barangay now, nadagdagan ang pondo at ito ay pagsunod sa Mandanas Law. Tapos siyempre ang SK natin ngayon ay mayroon nang allowance ang SK Kagawad, Secretary at saka Treasurer. Pinirmahan na ng ating Pangulo iyan.
At saka siyempre, iyong ating ELCAC na kung saan, ngayon mayroong 1,400 na barangay ang makakatanggap ng tigpa-five million or more, para doon sa kanilang mga economic development program. And of course, iyong pagtutok natin sa Build, Build, Build ng ating Pangulo, ito ay tuluy-tuloy at monitor tayo diyan.
So, ito ang ginagawa ngayon ng ating kabarangayan sa buong Pilipinas and of course, hindi natin puwedeng kalimutan ang food security na kung saan mayroon kaming tinatawag na urban farming at ito iyong talagang kailangang-kailangan natin ngayon.
At siyempre tumutulong rin kami sa monitoring ng ating mga ayuda sa ating mga sektor na talagang nangangailangan, most especially ang ating transportation sector. Iyan po ang mga ginagawa ng [Office of the Undersecretary of] Barangay Affairs, at ang buong programa ng DILG.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pasensiya na ‘no, may pahabol lang pong tanong sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: Hanggang kailan po ang ibibigay na grace period ng DILG sa Cebu Provincial government para po baguhin ang ordinansa nito, making mask wearing optional para po maging compliant sa existing policies ng IATF? Tanong po iyan ni Sam Medenilla ng Business Mirror.
DILG USEC. DIÑO: Ang alam ko, three days lang iyon, iyon ang pagkakaalam ko. At parang hanggang ngayon o bukas na lang ‘yung deadline.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng panahon sa amin, Undersecretary Martin Diño ng Department of Interior and Local Government. Stay safe po, USec.
DILG USEC. DIÑO: Maraming, maraming salamat. Mabuhay.
And of course, to the 42,047 barangays sa buong Pilipinas, maraming salamat sa matino, mahusay, maaasahan, may malasakit at tapang na paglilingkod. Stay safe. God bless us all.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, alamin na natin ang mga hakbang na isinasagawa ng MMDA para mapigilan ang matinding pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan. Makakasama natin si MMDA Chairperson Romando Artes.
Magandang umaga po, Chair.
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Magandang umaga, USec. Rocky at sa inyong tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, last month pa lang po, sa pagsisimula ng rainy season ay nagsagawa na po ng measures ang MMDA para po mapigilan ang mga pagbaha dito sa Metro Manila. So, ano na po ang update dito, Chair?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Tuluy-tuloy po, USec. Rocky, iyong ating declogging ng mga canals at paglilinis po ng estero. Iyon naman pong ating mga pumping stations ay nasa 100% capacity, meaning, kinundisyon po natin iyan.
At ganoon din po, pinaghandaan natin iyong mga krudo. Kahit na nagmamahal, mayroon po tayong sufficient stock at sufficient buffer para tuluy-tuloy ang pagtakbo ng ating mga pumping stations.
At ganoon din po, mayroon pong ipinatutupad na World Bank-funded projects kung saan nagtatayo po ang DPWH ng mga bagong pumping stations at mayroon pong sampu na niri-rehab. Iyan po, pagkatapos po gawin ng DPWH itong mga pumping stations na bago, itu-turnover po iyan para i-operate po ng MMDA.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ano pong mga lugar ang mas pinagtutuunan ninyo ng pansin sa ngayon?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Unang-una po iyong CAMANAVA area na talaga pong mababa na lugar. Minsan po ay apektado sila ng high tide at low tide. Kapag nagha-high tide, kapag tumaas po ang tubig at nagkakaroon din po sila ng tubig.
Nagkaroon po tayo ng problema doon sa ating floodgate sa Malabon – Navotas River pero ito po ay nagawa na. Kahapon po, sa report ng ating Flood Control Center, mas maaga po doon sa deadline na June 24 ay nagawa na po iyong floodgates, so naisara na po at ini-expect po natin na bababa na po iyong tubig-baha na nai-experience ng ating mga kababayan diyan sa Malabon at Navotas po.
USEC. IGNACIO: Iyan nga po iyong sunod naming tanong. Gaano ba kalaki ang naging pinsala nitong pagbaha at anu-anong mga barangay po iyong naapektuhan bukod po doon sa mga nabanggit n’yo pong lugar, Chair?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Basically, USec. Rocky, sa Malabon at Navotas po iyong naapektuhan. Mas marami po sa Malabon, sa aking pagkakatanda, mga pitong barangays po iyong naapektuhan.
Pero sa ngayon po, as of yesterday, naisara na po iyong floodgate at pina-pump out na po natin iyong tubig para po talagang mawala iyong pagbaha diyan sa nasabing mga lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kasalukuyan pong inaayos ngayon ng MMDA at nakatakda pong isara ang EDSA – Timog Flyover dahil daw po sa nakitang crack dito. Dahil dito, nagkaroon po ng matinding traffic. So, ano po ‘yung repairs na ginagawa ngayon sa tulay at kailan daw po inaasahang matatapos ito?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Ito iyong malungkot na balita, USec. Rocky. Sa pag-aaral ng DPWH, na-determine nila na medyo mahaba iyong gagawin, thirty meters, it will take around thirty days.
At ni-request po ng DPWH na isasara o in-advise tayo na kailangan pong isara iyong buong southbound ng nasabing tulay para po ma-repair nang maayos ‘yung tulay kasi po nagba-vibrate daw po kapag dumadaan lalo na iyong mga buses kaya minabuti po nila na for safety at para po mas mabilis na gawin ay isara completely iyong tulay.
Ini-schedule po natin iyan starting Saturday, June 25 at 6:00 A.M., completely po isasara iyong tulay sa Timog – Kamuning EDSA Flyover at iyan po ay gagawin for thirty days. So, for thirty days, inaabisuhan po natin ang ating mga kababayan na mag-take po ng alternate routes.
Mayroon po tayong mga Mabuhay lanes, may mga signages naman po iyan at ipo-post po namin sa social media pages namin iyong mga alternatibong daan para po huwag magsabay-sabay o magkumpul-kumpol ang ating mga kababayan dahil service road lamang po ang madadaanan starting June 25 at 6:00 A.M.
USEC. IGNACIO: Pero ngayon po, kumusta po iyong sitwasyon? Safe pa po bang gamitin ito ngayon ng mga motorista, Chair?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Yes, safe pa naman po dahil iyong dalawang lanes actually na pinadadaanan nga natin ngayon sa bus carousel – ‘yung sa kaliwa; ‘yung sa kanan, sa mga pribadong sasakyang – safe na safe pa naman po dahil hindi naman po sila apektado, iyong dalawang linya. Iyong gitnang linya lamang po ang apektado.
So, safe naman po na padaanan, it’s just that ang sabi po ng DPWH na sa pagri-repair po ay mas maganda po na isara completely dahil nga po may mga vibrations. Kapag naglatag daw po sila ng semento diyan ay kailangan po ay wala na pong dumadaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po, Chair. Tumaas na naman po ngayong araw itong presyo ng langis. Ano po ang nakikita ninyong epekto nito, ang tuluy-tuloy na oil price hike, lalo po sa daloy ng trapiko at sa dami po ng mga sasakyang bumibiyahe araw-araw? Mayroon po ba kayong nakikitang epekto dito, Chair?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Opo. Noong May 5, nagpabilang po tayo ng sasakyan sa EDSA. Ang lumabas po ay 417,000 which is above na po doon sa 405,000 na pre-pandemic level. Pero noong June 9, nagpabilang po ulit tayo ng sasakyan, ang lumabas po sa ating bilang sa EDSA ay 392,000 na lamang.
The other day, nagpabilang po tayo uli, ang lumabas po ay 390,000 na lamang, so, nabawasan pa po nang dalawang libo at may kabuuan na pong kabawasan na 27,000 from the time before elections. At tingin po namin na malaking factor diyan ay iyong patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan po kasi ang tanong diyan ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: When will the MMDA implement the proposed new number coding schemes? Is there a real need for it, considering the recent series po daw ng oil price hikes?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Sa ngayon po, wala po tayong plano na magpatupad ng Expanded Number Coding Scheme dahil nakikita po namin na wala naman pong pangangailangan sa ngayon dahil po patuloy na nababawasan ang bilang ng sasakyan sa ating lansangan at moderate pa lang naman po iyong traffic.
At siguro po, i-iiwan natin iyan sa susunod na administrasyon, ang pagdi-decide kung kailan kailangan ng i-expand ang Number Coding Scheme. So, sa ngayon po ay mananatili po iyong present Number Coding Scheme po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, dahil sa mataas na presyo ng langis ngayon eh posible daw pong mas marami na ‘yung gumamit nitong e-bikes at e-scooters para makatipid ano po. Kaugnay niyan, iminumungkahi naman po ng MMDA na mas higpitan pa ‘yung mga regulasyon sa paggamit ng e-bikes at e-scooters. So, anu-ano po ba iyong mga gusto ninyong mabago o magbago sa regulasyon dito po sa paggamit ng e-bikes at e-scooters?
MMDA CHAIRPERSON ARTES: Actually, USec. Rocky, hindi po iyan regulasyon ng MMDA, iyan po ay issuance ng LTO, iyong LTO Regulation 2021-039 kung saan niri-regulate po iyong mga iba’t ibang klase ng e-bikes and e-scooters.
Unang-una, depende po sa classification or speed; kung saan sila puwedeng gamitin; kung kailangan po ng lisensya; kung kailangan po ng rehistro; at kung ano po iyong mga safety gears na gagamitin.
Iyong 12.5km/hour, puwede lamang po siya sa barangay roads or sa designated bike lanes. Iyon pong mga more than 50 kilometers an hour, dapat po mayroon na silang safety gears na tulad ng helmet na pang-motor, at kailangan po ay rehistrado sa LTO iyong e-bikes o e-scooter at may lisensiya po iyong gumagamit. Iyan po iyong ilan lamang sa mga regulations na nakalagay po doon sa LTO issuance na 2021-039.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, hingiin ko na lamang ang inyong mensahe o paalala para po sa ating mga kababayan, partikular po iyong mga gumagamit po dito sa EDSA Timog. Go ahead po, Chair.
MMDA CHAIRMAN ARTES: Opo. Kami po ay nananawagan sa ating mga kababayan ng kaunting pang-unawa. Ang repair po na ginagawa ng DPWH sa nasabing tulay ay para po sa kaligtasan ng ating mga commuters at mga may-ari ng sasakyan na bumabaybay dito. One hundred forty thousand a day po ang dumadaan sa tulay na iyan na kailangan pong i-secure iyong safety dahil po nakitaan ng sira iyong tulay na kailangan pong i-repair kaysa po lumaki iyong sira at makaaksidente.
So, sa mga pribadong motorista po, gamitin po natin iyong Mabuhay Lanes at iyong mga alternative routes. Para po dito, tingnan ninyo po iyong aming social media pages para sa mga suggested na alternatibong daan para huwag po tayong magkumpul-kumpol dahil iyong sideroad lamang po ang magiging bukas dahil completely ay masasara po iyong tulay for 30 days starting June 25 at 6 A.M.
Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat, Chair, sa paglalaan ninyo ng oras sa amin, MMDA Chairperson Romando Artes. Mabuhay po kayo and stay safe po.
MMDA CHAIRMAN ARTES: Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilang benepisyaryo ng Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan ay nabago ang buhay dahil sa mga benepisyong natanggap mula po sa programa. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, sa kabila ng patuloy na uptick ng COVID-19 cases sa NCR, nasa low-risk classification pa rin ito, ngunit ayon po sa forecast ng OCTA ay posible itong magbago. Kaugnay po niyan ay makakasama po natin ngayong umaga si Dr. Guido David ng OCTA Research. Professor, magandang umaga po.
DR. GUIDO DAVID: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, umabot po sa – tama po ba ito? – 71% ito pong growth rate ng COVID-19 cases sa NCR nitong nakaraang linggo. Ang tanong po ng marami: Dapat na po ba tayong mabahala dito?
DR. GUIDO DAVID: Hindi pa naman, Usec. Tumataas iyong bilang ng kaso, so iyong seven-day average natin ay tumaas na – 225; iyong positive rate sa Metro Manila, nasa four percent; at iyong reproduction number, nasa 2.05 – ibig sabihin, isang tao na may COVID, dalawa iyong nahahawaan, so medyo bumibilis iyong infection rate. Pero at this time, nananatili namang mababa pa iyong healthcare utilization natin sa Metro Manila, nasa 22%. So hindi pa masyadong tumataas, safe pa naman iyong hospitals natin, Usec. So, hindi naman tayo kailangang matakot o maalarma, pero siyempre kailangan ang pag-iingat pa rin natin at personal responsibility.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, isunod ko na po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Nakikita ninyo rin po ba na may posibilidad na umangat ang average daily attack rate sa 7 [cases per day] per 100,000 population sa mga susunod na araw? At kailan ninyo po ito expected na makita?
DR. GUIDO DAVID: Usec, iyong average daily attack rate sa Metro Manila, nasa mga 1.5 na – actually, mga 1.6 so tumataas siya. Posible ngang tumaas siya to seven so ibig sabihin, kapag umabot tayo ng mga more or less mga 1,000 cases per day sa Metro Manila ay nasa seven na tayo ng attack rate. At that rate or at that point, medyo mataas na iyong level of cases. Posible itong mangyari by end of June or first week of July base sa mga projections natin.
Of course, we are not projecting an increase in hospital utilization; tataas ito pero hindi ganoon kataas. So we should still be okay, pero ayun nga, at that level, siyempre kailangan talaga iyong pag-iingat ng mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, sa inyo pong naging statement na likely to change soon ang pagiging low-risk ng NCR, ano po ba ang nakikita ng OCTA sa forecast ngayon para masabi na, possible pong magbago ang classification ng NCR to moderate risk?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec., iyong bilang ng kaso, iyon nga nabanggit natin 225 cases iyong seven-day average sa Metro Manila. Possible itong tumaas between 500 and 1,000 and by end of June or first week of July. So, kapag ganyan, USec., masasabi na natin baka nasa moderate risk nga iyong situation natin. Although, kahit naman moderate risk effect, iyon nga iyong pinakamo-monitor natin for alert levels, iyong hospital utilization.
Pero, tumataas iyong bilang ng kaso, USec., hindi pa natin nakita iyong pagbaba niyan anytime soon, baka iyong peak, it could happen sometime first or second week of July. Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas iyong kaso, iyong pag-iingat nga natin, USec.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na rin po iyong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. The OCTA Research Group said that a surge in COVID-19 cases has started as the seven-day average of new infections in the NCR increased to 212 from June 30 to 19, or 85% daw po higher than the previous week. You were quoted as saying that the increase is a weak surge. Shouldn’t we be raising the alert levels now?
DR. GUIDO DAVID: Well, ang ibig sabihin, USec., ng weak surge ay hindi siya kasing-lakas ng surge na nakita natin noong January or even last year, iyong sa Delta surge, Delta wave and iyong Alpha, iyong March wave natin last year. Pero, that being said, iyon nga tumataas iyong bilang ng kaso, iyong pag-raise ng alert levels, decision ng IATF at ng Department of Health. Mayroon silang metrics na sinusunod for raising alert levels.
Pero ang gusto natin, USec., is raising awareness na tumataas iyong cases, not necessarily alert levels. Kasi, if we raise awareness, iyong mga kababayan natin, mag-ingat sila, baka magpabakuna, magpa-boosters na at the same time, matutulungan natin iyong ekonomiya natin na hindi natin pipigilin, hindi tayo magla-lockdown, hindi ka mag-e-escalate ng alert levels. But we have to raise awareness para makapag-adjust iyong mga kababayan natin. So that, kung may mga seniors, may mga comorbidities, they can adjust their behavior accordingly.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times. Basahin ko na lang din po, baka may maidagdag kayo. Sinabi po ng DOH na hindi pa surge ang nangyayaring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa, partikular po sa NCR. Ano daw po ang mga figures na maaari nating ikonsidera, para masabi po na magsi-surge na iyong mga kaso?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., may definition na ginagamit iyong Department of Health for a surge, pero kahit hindi naman natin tawagin na surge iyan. Definitely tumataas iyong bilang ng kaso at iyong growth rate, kahit anong, paano nating tingnan ay bumibilis, ibig sabihin bumibilis iyong hawaan, tumataas iyong reproduction number.
So, you know, puwede nating tawagin na continued increase in cases or tinawag nga namin, even si Health Secretary Duque, sinabi na weak or minor surge. Puwede naman natin gamitin iyan, pero again, iyong mahalaga is raising awareness na tumataas iyong cases, hindi pa tapos iyong pandemic, nandiyan pa rin ang virus, kailangan pa rin natin ng patuloy na pag-iingat.
USEC. IGNACIO: Opo. Maliban po sa NCR, Professor, anong mga lugar o probinsya po iyong tumataas na rin iyong COVID-19 cases?
DR. GUIDO DAVID: At this time, USec., sa part of CALABARZON, specifically sa Cavite, Laguna, Rizal, sumasabay sila sa Metro Manila. Tumataas na rin sila, iyong sa Benguet nagsisimula na ring may pagtaas ng kaso, saka sa Western Visayas specifically sa Iloilo area. Dito iyong mga nakikitaan natin ng pagtaas ng kaso. It’s probably, just a matter of time na iyong ibang probinsya ay magkakaroon na rin ng pagtaas ng bilang ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa COVID-19 situation po ng ating bansa ngayon at base po sa forecast din na nakikita ng OCTA. Sa palagay po ba ninyo ay dapat na talagang payagan itong pamimigay daw po ng second booster shot dito po sa general population?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., iyong second booster shot, pinag-aaralan iyan ng ating mga medical experts at mga doctors, since sila iyong gumagawa ng recommendation. And iyong pagbibigay naman ng second booster shot, nakabase iyan sa Science. So, evidence-based iyan, kaya’t pinag-aaralan. Sa ibang bansa, ang second booster shot, binigay nila sa mga 50-year-old and above. I am not sure kung iyan iyong susunod na ia-approve dito sa atin. Pero at least, iyan iyong progression. So, uunahin iyong mga may comorbidities, iyong mga seniors, frontliners.
And again, iyon nga, sa pagkaalam ko, patuloy na pinag-aaralan iyan ng ating mga medical experts kung ma-approve iyong second booster shots.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, kunin ko lang iyong mensahe mo at paalala lamang po sa ating mga kababayan at manunood. Go ahead po, Professor.
DR. GUIDO DAVID: Maraming salamat ulit, USec. sa pag-imbita. Ngayon nananawagan tayo sa ating mga kababayan, let’s do our part, personal responsibility, malaking bahagi dito sa ating pandemic management. Hindi natin mai-expect na lahat ay gagawin para sa atin. So, dapat kailangan tayo, gawin natin iyong parte natin, tumulong tayo at ano ba iyong personal responsibility. Well, kung kailangan nating maghanapbuhay, hindi naman tayo pinipigilan, pero, iyong may mga kasama sa bahay na mga seniors o may comorbidities iyong mga seniors mismo at may comorbidities.
We hope alam na natin kung ano iyong dapat gawin natin, kapag tumataas iyong bilang ng kaso. Alam na natin dapat paano maiwasan iyong pagkakahawaan. Let’s continue to wear face mask and follow health protocols, sundin natin iyong mga recommendations na ibinibigay ng ating gobyerno and let’s all have a safe rainy months nitong June and July. Tumataas, pero hindi natin pino-project na tatagal iyong wave na ito. Baka by the end of July ay patapos na itong wave na ito, so kailangan lang natin siyempre na i-manage ito habang nandito.
Maraming salamat, Usec, at magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagsama sa amin, Dr. Guido David ng OCTA Research. Stay safe po.
DR. GUIDO DAVID: Stay safe po.
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ni Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
Solo parents and senior citizen sa Davao, nakatanggap po ng ayuda mula sa tanggapan ni Senator Bong Go. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Art Book Fair, isasagawa sa Cebu City! Ang detalye sa report ni John Aroa ng PTV-Cebu.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita po muli tayo bukas.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center