USEC. IGNACIO: Magandang araw po ng Biyernes. Samahan po ninyo kami para mapag-usapan o pag-usapan ang iba’t ibang isyu na mahalaga pong malaman ng taumbayan. Makakasama pa rin po natin ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw at sumagot sa tanong ng taumbayan.
Manatiling nakatutok. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Nanawagan si Senator Bong Go sa publiko na patuloy lang sumunod sa health protocols sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19. Nababahala rin aniya siya sa posibleng pagtaas sa Alert Level 2 ng ilang lugar sa bansa dahil maaaring maapektuhan ang trabaho ng maraming manggagawa. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para po sa mga miyembro ng Government Service Insurance System, alamin kung anu-anong loan programs ang maaaring aplayan. Para po bigyan tayo ng impormasyon kaugnay niyan, makakasama po natin si Deity Manampan, Officer-in-Charge and Vice-President ng GSIS VISMIN Operations Group. Magandang umaga po.
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Magandang umaga po, ma’am. It’s good to be back, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may loan condonation program ba ang GSIS?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Yes, ma’am. Actually po, dalawang klase po iyong condonation namin. Number one is for active members. Iyong for active members, ito po iyong when you avail for the first time, iyong Multi-purpose loan, automatic ay mayroon pong built-in diyan na restructuring program.
But what we will be discussing today is iyon pong tinatawag naming Program for Restructuring and Repayment of Debts or iyong tinatawag naming PRRD.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, sinu-sino iyong mga maaaring mag-apply daw dito? At anu-ano raw po iyong requirements?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Ma’am, dito po sa PRRD, we are targeting those government employees na umalis ng gobyerno, but were not able to settle their loan application with us. [Garbled] your chance para ma-settle iyong loan, iwas kaso, iwas na makipaghabulan with GSIS, especially those na mayroon pa palang matatanggap at age 60 tapos pinabayaan ninyo iyong mga loan accounts ninyo. Sayang naman, baka pagdating ng 60 mo, instead na magpipensyon ka na or instead na makukuha mo iyong 60, magsi-zero na.
So this is your chance now. We are waiving the penalties and surcharges pero kailangan ninyo pong mag-apply officially sa GSIS. Dalawa lang po ang requirements diyan, ma’am: Mayroon po iyong form na puwedeng available sa aming website. You can download it through our website. And then, puwede po kayong bumisita sa lahat ng offices or tanggapan ng GSIS nationwide; and dalawang valid ID lang po para po kayo ay makapag-apply.
Ang medyo bad news lang po, ma’am, for PRRD is hanggang June 30, 2022 na lang po ito. So if today is June 24, anim na araw na lang po iyong availment natin ng PRRD. So magmadali na po sana lahat para makapag-avail ng programang ito sa pinakamalapit na GSIS office.
USEC. IGNACIO: Opo, tama po. Pero, sir, magkano raw po ang puwedeng hiramin dito sa ilalim ng computer loan? At ano raw po iyong requirements? At nabanggit ninyo na rin iyong ilan kanina, paano naman daw po mag-a-apply dito?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Ma’am, iyong computer loan is a separate program which is, the bad news again is matatapos na naman ito by June 30, 2022. The computer loan program po is a one-time loan availment for, as the program applies. Ang pinaka-purpose lang po nito is mula noong nag-pandemic tayo, as a response ng GSIS, iyong mga nag-o-online classes, para po makabili ng computer; makapag-update ng kanilang mga available na na PCs; makabili ng scanners; makabili ng printers. Iyon po iyong intention ng computer loan.
Ang puwede pong i-loan natin dito is up to 30,000. At uulitin ko po, ma’am, one-time availment lang po ito because we are receiving questions kung puwede ba siyang i-renew especially those na nakapag-avail na earlier. So this is one-time availment. The loanable amount is 30,000 pesos ang the monthly installment is 983.33 pesos.
So, sinu-sino lang po iyong qualified? Unang-una, kapag nakapag-three months ka na ng premiums with GSIS and you are holding a permanent appointment, puwede ka na. Dapat nagtatrabaho ka sa isang agency na hindi suspended. The good news is, mangilan-ngilan na lang po iyong agencies natin na suspended sa buong Pilipinas. And at that time of the loan availment, dapat po ay hindi ka naka-leave of absence without pay. Ibig sabihin, at the time of the loan, when you are applying for the loan, nagsusuweldo po kayo. At ito pa ang pinakaimportante sa lahat, dapat po ay wala kayong pending admin case or pending criminal case kasi delikado, baka na lang biglang may desisyon, hindi na po tayo makakasingil.
Remember, GSIS is a social security system, kailangan po nating i-maintain iyong level ng pagbayad natin ng mga benepisyo ng ating mga retirees and mga future retirees pa.
Another one is dapat wala po kayong arrears sa inyong GFAL; maayos po dapat iyong mga loan ninyo. Okay lang po kung may arrears kayo sa housing loan, puwede pa rin po kayong mag-computer loan pero hindi po kayo puwedeng mag-computer loan kung may problema po kayo sa GFAL.
And then finally, dapat, pinakaimportante po ito, mayroon po kayong net take home pay verification na gagawin ang GFAL. Ibig sabihin, dapat after deducting the [unclear], iyong 983.33 na monthly amortization ng computer loan, dapat may matitira pong five thousand; and that is accordance to the General Appropriations Act po of 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kanina ay binabanggit mo, may ilang araw na lamang po kasi may deadline nga po para [garbled] deadline matapos by June 30, pero once na may mag-apply, gaano naman daw po ang itatagal para ito ay ma-approve?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Ma’am, mabilis na lang, mabilis naman po, ma’am. Kasi we know the deadline already, ang importante is matanggap namin iyan, for computer loan, ang importante ay matanggap namin iyan as the processing is madali naman po because you can apply through the kiosk; you can apply through email; you can apply through eGSISMO.
Once na natanggap na po ng GSIS iyan, it is good as applied already basta huwag lang lumagpas ng [June] 30. So ganoon din po sa PRRD. For as long as na-stamp na namin iyon as received, even if magkaroon ng konting delay because medyo may special documentation po tayong gagawin for PRRD, but for as long as the GSIS stamps it already and received on or before June 30, then we will process po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may mga katanungan po o nais na karagdagang impormasyon, ano raw po iyong puwede pang gawin, sir?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Number one po, mayroon po tayong website, iyong www.gsis.gov.ph. Mayroon din pong official Facebook page ang GSIS, iyon pong tinatawag na GSIS Facebook Page. Mayroon po kasi akong nakikitang nangungopya, so hanapin ninyo po iyong official na Facebook page. Mag-email din po sa gsiscares@gsis-gov.ph. You can check the website also, kasi po kami po, like for Visayas, mayroon kaming kanya-kaniyang email address, let’s say for Iloilo, gsisiloilo@gsis.gov.ph; ganoon din po sa Luzon, ganoon din din po sa Mindanao. Mayroon po kaming kanya-kaniyang email address and most of us in the branch offices, mayroon din po kaming kanya-kaniya ding sariling FB pages so, madali pong mag-communicate.
So, mayroon din po tayong 24/7 po, Ma’am na contact center or call center. If you are residing in Metro Manila, the number po is 8847-47-47. Pero kung nasa probinsiya po tayo or even iyong nasa Manila pero gustong tumawag via cellphone, uulitin ko po, Ma’am ha, 24/7 po itong ating contact center – for Globe and TM, the number is 1800-8-847-47-47 and for Smart, Sun, Talk ‘N’ Text that is 1-810-847-47-47. So, for the complete list of these contact centers, iyong Facebook pages, you can always check our website po, anytime, 24/7.
USEC. IGNACIO: Opo. Parang kukunin din po namin iyong mga numerong naibigay ninyo, para mai-flash namin sa ating TV screen at makita po ng ating mga kababayan, ano po. Sir, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe dito sa ating mga kababayan, partikular po iyong mga miyembro ng GSIS?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Iyon po, ang laki pa po ng budget natin for computer loan, pero magtatapos na po ito sa June 30, avail na po kaaagad; ganoon din po ang PRRD. Willing naman po ang lahat ng GSIS branch offices to assist you.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po. Eh, Sir, bakit malaki iyong budget at hindi ito nagamit? Wala po bang nakapag-loan? Ano po ang naging problema dito, Sir?
GSIS OIC/VP MANAMPAN: I think, Ma’am, one of the reasons na nakikita namin is some were applying for loan, pero hindi na-approve because hindi na po kaya ng net take home pay.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Sir Deity Manampan, OIC and Vice President po ng GSIS VisMin Operations Group. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin. Kapag marami pong mga magtatanong pa para po sa GSIS, iyong tungkol sa mga dapat nilang gawin. Kami po ay mag-iimbita pa rin po ng mga taga-GSIS. Salamat po sa inyo.
GSIS OIC/VP MANAMPAN: Maraming salamat po sa inyo. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Samantala, huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Patuloy po ang paghahanda ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para po sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. Kaugnay niyan, makakasama po natin si Commodore Armand Balilo, ang spokesperson ng Philippine Coast Guard. Magandang umaga po, Commodore.
PCG COMMODORE BALILO: Usec. Rocky, magandang umaga at magandang umaga po sa lahat ng inyong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Ilang araw na lamang po, Commodore bago ang inagurasyon. Kumusta po ang preparasyon ng Philippine Coast Guard para po sa inagurasyon ni President-elect BBM sa susunod na linggo? Ilan daw po iyong idi-deploy na tauhan ng PCG?
PCG COMMODORE BALILO: Puspusan po ang ating paghahanda para naman doon sa part ng Philippine Coast Guard doon sa buong security operations, para dito sa inauguration ng Pangulong Bongbong Marcos ‘no. Kasama tayo ng PNP, ng AFP at ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na naatasan po para masigurado na walang anumang insidente, nang hindi tayo malulusutan para hindi magkaroon ng katagumpayan itong mangyayaring inauguration.
Nag-deploy po kami, sa instruction po ni Admiral Abu, ang aming commandant, ng mga floating assets dito sa Pasig River, ganoon din po sa Manila Bay. Mayroon din po tayong ikakalat na mga barko at mayroon tayong standby reserve force para kung sakaling kakailanganin po ng PNP sa kanilang civil disturbance activities ay naka-ready po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commodore, sa ngayon ba – ito palagian itong itinatanong kapag mayroon pong malalaking event na gagawin – kung may namo-monitor na banta sa seguridad ang PSG kaugnay po dito sa gaganaping inagurasyon?
PCG COMMODORE BALILO: Wala naman pong information tungkol sa mga threats na maaaring maging reality pagdating nitong inauguration. Pero ang atin pong instruction sa lahat ng mga tauhan natin – alam ko, sa AFP at sa PNP ganoon din – ay talaga pong high-level of vigilance. Talaga pong dapat magmasid, mag-obserba, kunin ang cooperation ng publiko, para kung mayroong anumang suspetyosong pagkilos ng sinuman, ng anumang sasakyan ay mai-report po sa mga otoridad, katulad po ng Coast Guard, kung ito ay sasakyang pandagat para po hindi na magkaroon ng kaguluhan.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, ulitin lang po natin, anu-anong assets ng PCG iyong gagamitin para po sa maritime patrol sa araw po ng inagurasyon?
PCG COMMODORE BALILO: Basically po, mayroon po tayong mga small crafts, mga fast patrol boats, mayroon din po tayong jet ski at mayroon po tayong tatlong MRRV (Multi-Role response Vessel) dito sa Manila Bay na magpapalitan simula sa Sunday. Naka-standby din po ang ating medical teams at may K-9 units din po tayo na naka-standby para kung kailangan ng tulong ng ating mga kapulisan ay ready po tayong magbigay.
USEC. IGNACIO: Magpapatupad po ba ng tinatawag na ‘no sail zone’ ang PCG, tama po ba ito? Saang mga lugar po ito ipapatupad?
PCG COMMODORE BALILO: May area lang, Usec. Rocky, sa bandang Pasig River na ipapatupad ito. Hindi namin nakita na kailangang magpatupad pa sapagkat enough na iyong sa Malacañang restricted area, na iyon lamang ang hindi payagan na maglayag iyong mga sasakyang pandagat ‘no. Nagbigay na po tayo ng Notice to Mariners at naiintindihan naman po ito ng mga kababayan natin.
Dito sa Manila Bay ay tuloy po ang biyahe [kaya] hindi naman masyado pero kung ito naman ay lalapit at na-observe namin na mayroong untoward o mayroong hindi magandang gagawin, nandoon naman po ang puwersa ng Philippine Coast Guard para po sasawatain o para po pigilan iyong mga anumang masamang balakin.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, sa ibang usapin naman po ano. Na-nominate po ni President-elect Bongbong Marcos si Mr. Jaime Bautista bilang incoming DOTr Secretary, ano po ang masasabi ng PCG dito, partikular po doon sa usapin ng modernisasyon sa inyong hanay?
PCG COMMODORE BALILO: Kami naman po, kahapon ay nagpadala na ng pagbati, sa pangunguna po ni Admiral Abu. Malugod na pagbati po sa pagka-appoint ni Bautista dito sa posisyon bilang DOTr Secretary.
Kami po ay naniniwala sa kaniyang kakayahan at ang daratnan niya naman po sa Philippine Coast Guard ay ipinapangako namin ang isang professional, committed, competent na mga tauhan na sa kaniyang disposal ay maaari niyang gamitin. At kami po ay magko-cooperate at tutulong sa anumang layunin ng Department of Transportation.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, masasabi ba natin na kasado na lahat para sa darating na June 30 na inauguration? May mga karagdagan pa po bang mga detalye pa or mga kailangan para po sa tagumpay nitong [inagurasyon] sa June 30?
PCG COMMODORE BALILO: Ang pinaka-importante rito, USec. Rocky, ay ang kooperasyon pa rin ng ating mga kababayan. Nasa kanila po ang bola upang mapanatili natin iyong katahimikan at kaayusan nito ngang idadaos na historic event.
Kung mayroon po kayong makikita na, sabi ko nga kanina, na suspetyosong activities, mayroong mga hindi magandang pagkilos, eh i-report n’yo po sa mga authorities at tayo naman po ay nakahanda, 24/7, at ready po tayong rumesponde.
Lahat po ng preparasyon ay ginagawa namin on our part sa Philippine Coast Guard, alam ko po na ganoon din iyong sa hanay ng pulisya at maging sa Armed Forces at pagtutulong-tulungan po natin na maitaas iyong level ng ganda at kaayusan nitong activity ngayong darating na inauguration ng Pangulong Marcos.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, kuhanin ko na lamang iyong paalala ninyo dito po sa ating mga kababayan na magtutungo dito po sa inagurasyon ng ating bagong Pangulo ng Pilipinas.
PCG COMMODORE BALILO: May mga panuntunan po na ipatutupad ang ating mga security forces lalung-lalo na po doon sa mga kalsada at gayundin po sa katubigan. At katulad po ng nasabi ko kanina, ang kooperasyon ng publiko ay critical dito sa ating magiging success dito sa ating activity. At inaasahan po natin na, dahil tayong lahat ay gusto nating maging maayos, secured at maging maganda [ito] sapagkat halos buong mundo po ay nakatingin dito sa gagawin nating inauguration. At tayo pong lahat ay magsama-sama at magkaisa para sa success po nito.
USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, bago ko kayo payagang umalis eh may pahabol lang pong tanong. Ano daw po ang nakikita ng PCG (Philippine Coast Guard) na epekto, kung nagkaroon man, sa nangyaring tornado kamakailan? Ito po ba ay nagkaroon ng epekto dito sa mga ginagawa ng PCG?
PCG COMMODORE BALILO: Wala naman po. Kahit po sa mga paglalayag sa karagatan, awa ng Diyos, wala po tayong nakitang anumang epekto nito sa mga kababayan nating gumagamit ng sasakyang pandagat. At patuloy po ang pagmo-monitor at kung sakaling may mga ganiyan pa, tayo naman po ay palaging naka-ready to respond.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo.
PCG COMMODORE BALILO: USec. Rocky, maraming salamat din sa iyo, sa team ninyo diyan at hanggang sa muli nating pag-uusap.
USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagdiriwang ng ‘Wattah, Wattah’ [o ‘Basaan’] Festival ngayong araw ng San Juan City, patuloy pa rin po ang paalala ng otoridad sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na health protocols.
Ayon po kay San Juan City Mayor Francis Zamora, required pa rin ang pagsusuot ng face mask. Aniya, kinakailangan talaga ito para po sa kaligtasan ng lahat lalo’t nasa gitna pa rin tayo ng COVID-19 pandemic.
Matapos ipagpaliban po ng dalawang taon ang tradisyon na ‘Basaan’ na pista dahil sa epekto ng pandemya, ibinalik ito ngayong taon. Kaugnay nito, nagsagawa ng motorcade para sa basaan sa mga pangunahing kalsada ng lungsod na pinangunahan ng Alkalde.
Huwag po kayong aalis, magbabalik pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[AD]
USEC. IGNACIO: Ito pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Para muling makibalita sa patuloy po na hakbangin ng pamahalaan sa pagtiyak sa proteksyon at pagpapaabot ng tulong sa ating mga OFWs, makakasama po natin si Atty. Hans Leo Cacdac ng OWWA.
Magandang umaga, po, Attorney!
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga, Usec. At sa inyong mga tagapanood at tagapakinig, magandang umaga rin po.
USEC. IGNACIO: Attorney, isa po sa mga tinututukan ng kasalukuyang administrasyon ay ito pong pagsusulong sa kapakanan at interes ng mga migranteng manggagawa o ang itinuturing nating mga bagong bayani.
Admin, pakibahagi naman po muli sa amin iyong ilang labor agreements na isinulong ng kasalukuyang administrasyon para daw po mas mapaigting pa, unang-una, iyong proteksiyon at kapakanan ng ating mga OFWs sa mga destination countries.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Oo. Naku, there is no doubt that si Pangulong Duterte bilang OFW President, bilang Ama ng mga OFWs ay nagpalawig ng napakaraming programa patungkol sa mga OFWs. [Audio cut]
USEC. IGNACIO: Opo. Admin, Attorney, naputol po kayo. Babalikan po namin kayo ‘no. Aayusin lang po namin ang linya ng aming komunikasyon.
Samantala, Senator Go, nanawagan sa mga taga-Davao Oriental na makilahok sa pagsugpo sa kriminalidad at iligal na droga sa lugar. Kasabay niyan ay namahagi naman po ang kaniyang team ng ayuda sa mga residente at nagpapaalala na lumapit sa Malasakit Center anumang oras.
Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako na po muna tayo sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, balikan na po natin si OWWA Administrator Hans Cacdac.
Attorney, balikan ko lang po iyong tanong kanina, iyong pakibahagi po iyong labor agreements na isinulong po ng Duterte Administration para po mapalakas iyong kapakanan po ng ating mga kababayan abroad?
Go ahead po, Attorney.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Oo, Usec, ang dami kong nasabi kanina naputol na pala iyong linya.
Okay. Una, iyong pagtatalaga kay Pangulong Duterte bilang ‘Ama ng OFWs’, OFW President. Siya ang Pangulo na talagang nagbigay ng malawakang direktiba na tulungan, kalingain ang ating mga OFWs.
So, nandidiyan ang OFW Hospital na in-inspect ni Pangulo kamakailan lamang at ilulunsad iyong mga beds [unclear] next few days. Pinasisinayaan ni Sec. Bello iyong paglulunsad.
And then iyong OFW Bank na sinimulan din ni Secretary Bello na under the auspices of the Land Bank of the Philippines sa ngayon.
Of course, mayroon ding mga programa sa OWWA. I’m proud to say na 200 to 250% ang increase ng direct payment beneficiaries natin dito sa ating mga OWWA programs. Ibig sabihin, sa livelihood, scholarship, medical, calamity assistance, death and disability, and other OWWA programs ay 200 to 250 ang increase as compared to the previous administrations na mga nakatanggap ng pera mismo sa kanilang mga kamay mula sa OWWA.
Susunod pa diyan, iyong ating mga scholarship na pinalawig sa panahon ni Pangulong Duterte in partnership with CHED ay tumaas ng 100% ang new OWWA scholars natin dahil sa mga programang pinasinayaan ni Pangulo at ni Secretary Bello.
Wala pa diyan iyong sa COVID. 1,030,000 ayon sa utos ng ating mahal na Pangulo, ang nabigyan ng food assistance, quarantine assistance, at transport assistance sa panahon ng COVID. At patuloy ang ating mga programa, pagbibigay ng tulong sa mga nadapuan ng COVID. 20,000 na OFWs ang nabigyan natin ng tulong sa larangan na iyan.
Nagbigay din tayo ng cash assistance sa mga distressed OFWs na nanunumbalik. So, there’s no question.
Sa bilateral agreement, nandidiyan ang agreement with Kuwait, Israel, Germany. And then of course, iyong ASEAN Consensus, iyong malawakang kasunduan noong ASEAN Summit na nag-host si Pangulong Duterte noong 2017. ASEAN Consensus on the Protection of Migrant Workers Across Southeast Asia.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po dito sa onsite, ilan na ba sa ngayon po iyong ating Philippine Overseas Labor Offices o POLOs? At ano din po iyong serbisyong kanilang ipinaaabot sa ating mga OFWs, lalung-lalo na dito po sa ating patuloy na pagharap sa pandemya?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Onsite, there is no question, tumaas din ang ating welfare services by at least 30%. Ibig sabihin, mas marami ang OFWs na naserbisyuhan natin. On a yearly average, papatak na mga 120,000 a year ang mga OFWs ang natulungan natin onsite.
Dito sa panahon ng COVID, around 300,000 ang nabigyan natin ng either food packs or cash assistance.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kasi magpapalit na po ng administrasyon, mga ilang araw na lamang po, ito pong programa ng pamahalaan para po sa kapakanan ng ating mga OFWs sa COVID ay magpapatuloy po ba?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ano uli? Ano uli, Usec? Sorry, nasa Tuguegarao kasi ako.
USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na. Kasi po ilang araw na lamang po ay magpapalit na tayo ng administrasyon, ano. Alam po natin iyong ginagawa naman ng OWWA para tulungan po ang ating mga kababayan na tinamaan po talaga ng COVID. Pero dahil patapos na po, magpapatuloy pa rin po ba iyong programa para po sa ating mga kababayan patungkol dito sa COVID?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Hindi ko masyadong nahuli iyong tanong, Usec. Pero ang pagkaintindi ko sa tanong ay tungkol sa mga [garbled] mga programa. There’s no question na in the Duterte administration ay naitayo ang isang Napakahalagang pundasyon in terms of pagpapalawig ng mga programa.
Iyong Department of Migrant Workers na magta-transition na po ito at magiging effective na, the incoming Secretary Toots Ople has the full support of the Overseas Workers Welfare Administration. Ang Department of Migrant Workers ay programa rin ng Duterte administration, at dito mapapalawig ang proteksyon patungkol sa mga OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. Napag-uusapan na lang din po itong repatriation ‘no, kumusta naman daw po iyong estado ng payables ng OWWA sa mga private partners na katuwang po ng ahensiya dito sa isinasagawang repatriation gaya ng mga hotels?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ongoing ang payments natin. We are down to around 200 million in payables—[technical problem]
USEC. IGNACIO: Attorney? Nawawala-wala po sa ating linya ng komunikasyon si Attorney Hans. Attorney, naririnig ninyo na po ako?
Opo, babalikan po natin si Attorney Hans Cacdac. Aayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon sa kaniya. Attorney? Okay, magbabalik po muna ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Kasama pa rin po natin si OWWA Administrator Attorney Hans Leo Cacdac.
Attorney, naririnig ninyo na po ako, Attorney?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po, Usec. Pasensiya na po, nasa Tuguegarao ako. Yes po.
USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na po. Hingi lang po kami ng update sa apat na Pilipinong kabilang po sa mga naaksidente sa nagbanggaang Korean at Taiwanese vessels. Kumusta na po ang lagay nila? At anong tulong po ang ipinaabot ng pamahalaan? Ganito rin po iyong tanong ni Maricel Halili ng TV5 na kung nakabalik na raw po sila ng bansa?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. They are all safe and sound. They are in quarantine. Kasi dinala sila, from PNG, Solomon Island, dinala sila sa Taiwan. And they are now in quarantine in a Taiwan hotel. And as of last night, pinuntahan sila ng ating POLO Welfare Officer. Binigyan ng food assistance kasi medyo may special order/request sila sa food, and then some other basic necessities.
So minu-monitor natin ang sitwasyon. They are in good hands kasi under quarantine sila. They just need to take care of themselves in their hotel quarantine rooms, and then in due time, sa pagkakaintindi ko, by next week ay makakauwi na sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Maricel Halili ng TV5: May we have details daw po about dito sa repatriation ni Attorney John Laylo? Anu-anong assistance daw po ang ibinigay ng government for the family?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ah, si Attorney John, iyong sa Philadelphia?
USEC. IGNACIO: Yes po, Attorney.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. We’re working hand in hand with the DFA, of course. Of course, Attorney John is a colleague in the legal profession and we pay respects to him; condolences to his family.
As we understand it, he was not an OFW in the US; tourist ang status niya. So we’re coordinating with the DFA. We’re just on hand for any type of assistance that Usec. Sarah Arriola and Secretary Locsin may request from us per direction of Sec. Bello.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kamakailan lang po ay niyanig ng lindol ang bansang Afghanistan. May balita po ba kung may mga Pilipinong naapektuhan o nangangailangan po ng assistance?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay, yes, nakahanda tayo diyan. Nakaantabay din tayo. We’re relying on the DFA’s reports on the ground. Of course, dahil tried and tested na tayo, ‘di ba tinulungan na natin iyong nanumbalik during the early part of this year and last year, so we’ve been helping the Afghan OFWs. And we are ready, once again, to assist and nakaantabay tayo. We are coordinating with the DFA.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, maraming salamat po sa inyong panahon. Alam namin kayo ay abalang-abala. Ano po ang ginagawa natin sa Tuguegarao? Puwede po ba naming malaman?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Oo, I am with Sec. Bello’s delegation. As you know, Sec. Bello is a native of Region II, and I myself have roots here. So namamahagi kami ng mga benefits and this could be a sort of a welfare tour ng ating mahal na Kalihim Sec. Bello, so I’m joining him in this particular visit.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin, Attorney Hans Leo Cacdac, ang administrator ng OWWA.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat, Usec. Ipagdasal po natin ang isa’t isa.
USEC. IGNACIO: Opo. At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)