USEC. IGNACIO: Magandang umaga sa lahat ng Pilipino saan mang panig ng mundo. Ngayon pong araw ng Martes, ika-28 ng Hunyo, atin pong aalamin ang update sa COVID-19 cases at COVID-19 vaccine situation sa ating bansa. Aalamin din natin ang mga paghahandang isinasagawa sa nalalapit na inagurasyon ni upcoming President Bongbong Marcos. At pag-uusapan din po natin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Malacañang inanunsyo ang ipatutupad na alert level sa unang bahagi ng Hulyo. IATF naglabas din ng updated testing requirements para po sa unvaccinated onsite employees. Ang mga iyan alamin natin mula kay Mela Lesmoras, Mela?
(NEWS REPORT)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report Mela Lesmoras. Sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. ating aalamin ang mga paghahandang isinasagawa ng DILG. Kaugnay niyan makakasama po natin si Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government. Good morning po, Undersecretary Malaya.
DILG USEC. MALAYA: Yes, good morning, USec. Rocky at good morning sa mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., kumusta na po iyong paghahandang isinasagawa ng DILG para po sa darating na inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos?
DILG USEC. MALAYA: USec., can you repeat the question?
USEC. IGNACIO: Opo. USec., iyong mga paghahanda ninyo, kumusta na po para po sa inagurasyon sa darating na Huwebes?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Well, handang-handa na po tayo ‘no. As of the matter of fact, USec. Rocky, katatapos lang ng meeting ng Committee on Security Preparations for the inauguration of our President-elect Bongbong Marcos. At dito sa meeting na ito ay satisfied si Secretary Año, with all the preparations being done by the government agencies na naka-focus po dito. Nandito po kanina ang– of course, PNP, nandito po tayo Camp Crame, nandito ang MMDA, ang iba’t ibang (unclear) sa Joint Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines, ang DICT, ang Coastguard at iba pang ahensya. At in-activate na po iyong ating tinatawag na Task Force Manila Shield. Composed of PNP personnel at magkakaroon na po tayo ng mga checkpoints sa araw na ito. May gun ban na tayo at sa mga darating na araw ay magkakaroon na po tayo ng temporary road closures.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., may mga listahan na po ba kung sinu-sinong mga malalaking personalidad ang dadalo sa inagurasyon at ilan po ba iyong inaasahang dadalo dito po sa inagurasyon sa National Museum?
DILG USEC. MALAYA: Well, USec. Rocky, we will let the Malacañan and of course the Office of the President-elect to make the announcements, kung sino iyong mga VIP guests na darating sa inagurasyon. Pero, on the part of the security committee, mayroon po tayong inaasahang around 1,250 guests at mayroon din po tayong designated areas para sa ating mga kababayan na gustong manood ng live doon sa National Museum at nandoon po iyan sa Padre Burgos area at sa may Intramuros Golf Course.
Kami po ay …we also encourage the different local government units na mag-sponsor ng mga live streaming sa kani-kanilang mga lugar para po doon sa mga kababayan natin na hindi na kailangang pumunta pa at manood live or personally. So, sa mga kababayan po natin na gugustuhing manood nang live, puwede po silang pumunta, ngunit kailangan po ay, they must use face mask, kailangan po sila ay bakunado at dala-dala po ang kanilang mga vaccination cards.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang natin, USec., ilang mga kalsada iyong ipinasara at maging iyong ilang bahagi ng Pasig River ay magkakaroon rin ng no sail zone. Marami pong mga Pilipino po ang maaapektuhan nito? Pero gaano po kahalaga itong pansamantalang pagsasara ng mga kalsada at ilang bahagi po ng Pasig River, USec?
DILG USEC. MALAYA: Yes, USec., unang-una po, isang araw lang naman ito. So we ask for indulgence of the public. Ang gusto po kasi natin ay maayos ang transition of (unclear), successful and orderly inauguration of our President-elect. So, sa tingin ko po ay maliit na sakripisyo lang ito para sa ating mga kababayan. In any case, nakapagdeklara na po ang Manila, City of Manila na wala namang pasok sa araw ng inagurasyon sa Lungsod ng Maynila. So, para din po maiwasan ang trapik, kaya naman po nagkaroon na ng holiday.
So, ito pong mga pagsasara natin ng ating mga kalsada is, of course, to ensure na kung anuman, na handa tayo sa anumang posibleng mangyari as part of the security preparations for the inauguration of our President-elect.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ulitin lang din natin. Kasi po ang mangyayari, itong inagurasyon eh alam naman po natin na napakahalaga pa rin po iyong pagsunod natin sa health protocols. Nabanggit ninyo kanina, iyong dapat ay vaccinated iyong pupunta. Paano po iyong mga nagnanais pumunta na hindi po vaccinated. Pwede po ba nating ulitin kung ano po iyong magiging proseso dito?
DILG USEC. MALAYA: Well, ang ipapatupad lang po natin ay iyong minimum public health standard. So, ibig pong sabihin, eh kailangan naka-face mask sila, nagdi-disinfect madalas ng kamay at sila po ay bakunado. Kasi nga po, ayaw po nating maging isang superspreader event itong pagtitipon na ito. So, mas maganda po, dalhin nila iyong kanilang vaccination card, para kung saka-sakaling dumaan sila sa screening at hanapan sila ng proof of vaccination ay maipapakita kaagad nila sa ating mga kapulisan.
USEC. IGNACIO: Opo. Nagpahayag po ang CPP-NPA-NDF sa plano nilang pagkilos sa darating na inagurasyon. May mga impormasyon po ba kayong nakalap kung ano po iyong pinaplano ng CPP-NPA-NDF, USec.?
DILG USEC. MALAYA: Yes po. Ang nakarating po sa atin ay mayroon nga pong simultaneous rallies na gagawin ang mga makakaliwang grupo sa araw ng inagurasyon. At mismong ang mga lider nila ang nag-anunsyo nito, nag-presscon sila. I think mga two days ago na magkakaroon nga sila ng mga protest rallies. Ang ating impormasyon na nakalap ay simultaneous rallies not in Metro Manila, but in other parts of the country. Sa labas po ng NCR, mayroon din silang gagawin sa Baguio, Cebu, Iloilo at Naga.
Ngayon, ang pakiusap lang po namin sa kanila, na hindi maging unruly o kaya naman maging cause [ng] disturbance itong mga pagtitipon na ito. It must be peaceful. Iyan po kasi ang nakalagay sa ating mga batas na ang pagpapahayag ng mga hinaing ay pinapayagan siyempre ng ating batas. These are constitutionally enshrined and must be protected, unless to public safety. So, sana po peaceful nga, kasi kung hindi po ito magiging peaceful, eh may karapatan naman ang ating kapulisan to apply its force.
So, ang pakiusap po namin sa kanila, please keep your protest peaceful, huwag na po tayo makipaggitgitan. Huwag na po nating gawaan ng eksena pa ito, na makikipaggitgitan sila o gagawa ng kaguluhan. Sana po ay respetuhin nila iyong naging desisyon ng taong-bayan noong nakaraang halalan, na iyong duly elected administration ay papasok na, kailangan ho ay magkaroon tayo ng orderly transition of power.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tayo po ay nasa Alert Level 1, inanunsiyo po ng Malacañang ngayon, hanggang July 1 to 15 or 16. Pero papaano po maipatutupad itong protocols dito po sa mga magra-rally? Kayo po ba ay may patakaran na ibibigay para sa kanila dito, kasi po ay nababanggit na rin na tumaas po ng halos 50% ito pong positivity rate ng ating bansa dito po sa COVID?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Alert Level 1 nga po tayo, at ang ibig pong sabihin ay low risk ang karamihan sa mga lugar. Ang atin pong bansa nationally ay napaka-low risk. Ang ating healthcare utilization rate nationally ay nasa around 15% lamang, so ibig sabihin ay low risk din po, although, may mga pagtaas po tayo ng mga kaso sa ilang parte ng ating bansa.
Generally po ay low risk tayo, but just the same ay kailangan pong ipatupad ng ating mga kapulisan iyong mga minimum public health standards; kailangan po ay naka-face mask.
So, kung kahit po kayo ay nag-a-attend as a VIP guest dito sa BBM inauguration o kung hindi naman, kayo ay protester, sabihin natin, kailangan po ay sumunod kayo sa mga minimum public health standards – kailangan naka-face mask, nagdi-disinfect at kailangan ay bakunado.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may iba pa po ba kayong nakikita o natatanggap na report na posibleng banta o panggugulo sa inagurasyon sa darating na Huwebes?
DILG USEC. MALAYA: Maliban po sa mga makakaliwang grupo, ay wala naman po. We have not received any serious security threat to the inauguration itself. Iyon nga lang ang binabantayan natin ay iyong makakaliwang grupo, dahil kung babalikan natin ang kanilang mga naging, you know, sa ating kasaysayan ‘no madalas ay ganoon naman talaga ang ginagawa nila, nanggugulo, nakikipaggitgitan sa ating mga pulis, pinu-provoke nila iyong ating kapulisan para magkaroon ng eksena, kasi kapag nagkakaroon ng eksena ay nami-media sila, nagagamit nila for propaganda. Naipapalabas nila sa kanilang mga ginagawa na repressive ‘no [unclear] allegedly ang pamahalaan dahil ginigipit sila.
So, habang may karahasan ay mas nagugustuhan nila iyon. So, alam po iyan ng ating mga kapulisan, that’s why Secretary Año gave a very clear instruction kanina – maximum tolerance, makipagdayalogo kung kinakailangan sa makakaliwang grupo ngunit iyon nga po ang pakiusap namin and I would like to repeat that Usec. Rocky, sana ay igalang naman ang naging desisyon ng majority or ng taong-bayan sa nakalipas na halalan. Huwag naman nilang gawaan ng eksena sa araw ng inagurasyon kasi ang buong Pilipinas, ang gusto po natin ay orderly transition of power.
So, iyan po sana iyong pakiusap namin sa mga makakaliwang grupo. If you want to do a protest action, you have all the right in the world to do that so long as peaceful po ito at huwag ninyo pong ipu-provoke ang ating mga kapulisan para gumawa ng eksena para ma-media kayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa orderly transition of power, Usec, ano pa po iyong ibang ginagawa ngayon ng DILG para naman po sa maayos na transition ng administrasyon?
DILG USEC. MALAYA: Well, kami po ay handa na rin sa pagdating ng aming bagong Kalihim, si incoming Secretary Benhur Abalos. Nagkaroon na po ng mga pagtitipon, pumasyal na po sa DILG si Secretary Abalos and have met with the executive committee at mga senior officials ng buong DILG kasama ang aming mga attached agencies, after that po ay nagkaroon ng mga small meetings between Secretary Año and Secretary Abalos at naging maayos naman po ito.
So, we are looking forward to his assumption to office on June 30 o July 1, kung kailan man po ay nakahanda po ang buong Kagawaran para ibigay ang buong suporta kay incoming Secretary Benhur Abalos.
In fact, sa pag-iikot po ni Secretary Año sa kaniyang farewell tour – kasi umikot po siya – BFP, BJMP, PNP, sa lahat ng aming attached agencies. Sa ngayon naman po ay sa Central Office naman siya mag-iikot – lagi po niyang sinasabi na “Let us give our full support to the incoming Secretary.” Ini-emphasize po niya iyong achievements and accomplishment and qualification of incoming Secretary Abalos, na he is a very qualified [unclear] department.
So, sabi ni Secretary Año na kung anuman iyong suportang ibinigay ninyo sa akin, sa kaniya, bilang Secretary sana daw ay ibigay din namin kay Secretary Abalos. At handa naman po ang buong Kagawaran na ibigay ang suportang ito sa incoming administration.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong palagiang pagbibigay sa amin ng oras, Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government.
Mabuhay po kayo, Usec!
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat, Usec. Rocky. God bless!
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman po natin ang update sa COVID-19 vaccine situation sa ating bansa, makakasama po natin si Dr. Rontgene Solante, miyembro po ng Vaccine Expert Panel at isang infectious diseases expert. Magandang umaga po Doc Solante!
- SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sinabi po ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani na we should consider expansion of second booster doon daw po sa lahat ng immunocompromised frontliners bukod daw po sa healthcare workers. Kayo po ba ay sang-ayon din dito?
- SOLANTE: Well, yes, I fully agree. In fact, isa iyan sa mga dapat target natin na palakasin natin ang population immunity sa bansa, especially now with these variants of concern na mas lalong nakakahawa. And remember, the frontline economic workers are also as vulnerable as AB priority population and that also include those with comorbidities.
So, nakikita naman natin na with these variants of concern ay mataas ang hawaan, pero if we give the booster ay malakas ang tsansa na hindi tayo maospital, less lang ang cases ng severe COVID which is more important now na kinakailangan natin na hindi mapupuno ang mga hospital because we continue to give that protection to everybody and that also includes the frontline economic essential workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Solante, bagamat inanunsiyo po ng Palasyo na ang NCR at ilang bahagi ng bansa ay mananatili sa Alert Level 1, pero tumataas po itong ating positivity rate. Sa tingin po ba ninyo ay nararapat na rin payagan ito pong pamimigay ng second booster shot sa general population dahil daw po nga dito sa pagtaas ng COVID-19 cases? At kailan po ba o paano po ba natin masasabi na ito na iyong tamang panahon para po payagan natin itong second booster shot sa general population?
- SOLANTE: Okay. Ganito iyong pananaw namin sa second booster ‘no. Ang population natin na naka-receive ng first booster ay masyadong mababa pa ‘no. Now tingnan natin dito na when we have COVID in 2020 and 2021 [ay] magkaiba na itong hugis ng virus na ito compared dito sa mga bagong variants of concern at puwede na tayong malulusutan ng infection or what we call breakthrough infection or [unclear] infection kapag hindi natin ma-maintain ang wall of immunity.
Now, the current data are telling us that with first booster, mataas pa rin ang protection na hindi tayo magka-severe COVID and medyo kaunti lang ang difference if we give the second booster kasi itong mga bakunang ito are not infection blocking. So for me, ang i-prioritize natin ngayon is receiving the first booster so that everyone will be protected, and the general population will not be getting the more severe form of COVID.
Napakababa ng booster natin, Usec. Rocky, ‘no, around 15 million lang, and the population na nabakunahan na ng primary vaccine series is 70 million, napakataas ng agwat na iyan. So, siguro in terms of implementation ay mas maganda unahin natin ang first booster na matanggap ng general population.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, magsisimula na rin po ito dapat last weekend, ito namang pamimigay ng booster shot sa mga non-immunocompromised na 12 to 17 years old pero hindi po ito natuloy, ano po ba daw ang dahilan at bakit ito na-delay, Doc?
- SOLANTE: Actually, ang pag-delay nitong pagbibigay ng non-immunocompromised ng booster sa 12 to 17 is based on the HTAC recommendation na unahin muna natin na makatanggap ng 40% ang mga elderly population ng second booster.
So iyon iyong nagiging delay ngayon. So, siguro titingnan natin itong mga lugar, kung ano itong mga lugar na mayroong more than 40% na nabakunahan ang mga elderly population. At doon natin i-focus na mabigyan ng booster ang 12 to 17 years old. Dahil napaka-importante ang booster sa ganitong klaseng edad. If you want to build a population immunity, especially now with this subvariant that is highly transmissible, then we should also prioritize this age group, not only the general population and the vulnerable population. More so, that mayroon na tayong balak na mag-face-to-face ang mga bata, within the coming school year. Napakaimportante ang ganitong klaseng proteksiyon, especially receiving the first booster for the 12 to 17 years old.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, last month po ay pinayagan na ng Philippine FDA ito pong paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine sa edad six to eleven. Ano na daw po iyong update ngayon dito?
- SOLANTE: Actually, ang nakita ko lang dito, kagaya noong na-implement din ito regarding approval ng Pfizer. Hinintay natin iyong tinatawag na age appropriate formulation ng bakuna ‘no. Kasi, kapag bumababa na iyong age group mo. Medyo iba na ang formulation ng mga bakuna na ito, ‘no, because mababa ang dosage. Kagaya ng sa Moderna, kapag six to eleven years, 50 microgram ang binibigay natin. So, siguro kapag available na siguro ito, doon pa lang tayo mag-u-umpisa sa mga six to eleven years old at napaka-importante nito dahil hindi lang Pfizer ang magiging available, which is also an mRNA vaccine, both of these vaccines are proven to protect this age group against severe COVID, even among this with the variants of concern.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po noon ni outgoing Vaccine Czar Carlito Galvez that the government wanted to vaccinate children of six months old this year? May mga iba po bang updates kayo tungkol dito, dito sa planong ito ng gobyerno?
- SOLANTE: Okay. So, I think that is also part of the vaccination program ng government natin, na for any age indication from the general population to the adolescent and to the early childhood at saka itong six months or five years old and below, dapat kasama ito sa bakunahan ‘no. Pero sa ngayon kasi, kaka-approve lang ng Pfizer and Moderna sa US sa pagbabakuna sa six months old to five years old. So, hintayin natin ang development niyan at hintayin din natin na mag-file ng EUA itong dalawang vaccine company para at least maumpisahan na rin ang pagbabakuna sa six months old up to five years old, para lahat ng population, mayroon na tayong tinatawag na vaccination coverage.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media ‘no. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times. Tama po ba ang naging reaksyon ni Secretary Joey Concepcion na ang HTAC ang diumano’y nagpapatagal sa pag-apruba ng mga bakuna dito sa ating bansa? Sa tingin daw po ba ninyo, ang FDA bilang vaccine panel na lang po ang mag-decide sa administrasyon ng bakuna at hindi ang HTAC?
- SOLANTE: Well, I fully agree with that, pero napagkasunduan kasi iyan, base doon sa isang batas na lahat ng mga approval, especially for an Emergency Use Authorization, dapat dadaan ng HTAC. So, kung mangyayari man ito, dapat siguro, repasuhin iyong ganitong klaseng batas ‘no. But, despite na hindi natin kaya iyon, na ma-repaso, then there should be communication between HTAC, FDA and the Department of Health, which is the implementing organization. And I know, HTAC will always base their assessment on cost effectiveness. And I think there are also allowances that they will also allow that, especially at this point in time. Nakikita ko kasi dito na, the necessity, the urgency of giving vaccine, especially in the priority risk is important. Because they always wait for the benefit over the risk.
Now, kung mayroon mang HTAC na recommendation na hindi katugma doon sa FDA at DOH recommendation, dapat pag-usapan. So that there will be a single communication that will really benefit the population.
USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ay kabilang din sa binuong advisory grupo ni Secretary Joey Concepcion. Kumusta po iyong naging pag-uusap ninyo nitong nakaraang Biyernes? Ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times.
- SOLANTE: Okay. So first of all, itong grupo namin, iyong kay Joey Concepcion ay nabuo, because we have one goal, it’s really to balance the protection of the population as we move forward with this pandemic and at the same time, open the economy, ‘no. So we give each of our expertise, sa akin, sa vaccination ‘no at saka iyong iba sa public health at saka iyong sa iba, regarding sa predictions ‘no. So lahat ito ay magiging positive and can be an added source of recommendation or information not only to the Department of Health but also to the present administration based on a one-nation-approach na magtutulung-tulungan tayo para makaiwas o makalampas tayo dito sa pandemic na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ivan Mayrina ng GMA News. Ano po ang masasabi ninyo sa pag-revise ng metrics sa alert levels na hindi kasama ang COVID growth rate at primary metrics ang health system capacity cross tabulated with ADAR?
- SOLANTE: Okay, napakaimportante niyan ‘no, dahil even before USec. Rocky ‘no, ang tinitingnan natin dito ngayon ay iyong health care utilization rate. With this current variant of concern, alam natin na napakataas ng hawaan. But we expect that less ang number ang ma-hospitalize at iyong mag-develop ng severe infection. So, what I mean by that? So, even mas mataas ang naka-positive ngayon. But that doesn’t mean that, we will elevate our alert level. Titingnan natin ang Health Care Utilization, titingnan natin ang viability ng healthcare system.
Kung hindi naman napupunuan, kaya pa maski mataas ang kaso, then we can do with that and continue with our activities, because this is driven by the fact na kung hindi napupuno, walang mga pasyenteng nagpupunta sa hospital, mababa ang mortality at mababa ang death rate na expected at this point, even with this highly transmissible COVID variants of concern.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iyong second question ni Ivan Mayrina ng GMA News. What can you say about the lifting of testing requirements for onsite workers in areas under alert level 1?
- SOLANTE: Yes, I fully agree with that, ‘no. So, iyon iyong mga (unclear) especially for those unvaccinated. With the low number of cases and at the same time, we have capacity or system to manage cases like these, siguro we need, paluwagan na rin natin ang testing capacity especially for, as requirement sa workplace. But siguro ang titingnan lang natin dito na, we still have to monitor them, we have to prioritize and engage with those who are not vaccinated, kasi ito pa rin iyong population na mataas ang risk na makakuha ng infection. So, that will be the other option na removing the test, but making vaccination highly accessible.
USEC. IGNACIO: Opo. Dalawang araw pa po ay magpapalit na ng administrasyon. Ano po iyong maimumungkahi ninyong gawin ng Marcos administration pagdating daw o sa pagbabakuna sa ating bansa laban sa COVID-19?
- SOLANTE: Okay. I think the next administration has plans on how to continue in this approach to this pandemic. And isa sa nakita ko diyan, iyong priority pa rin iyong pagbabakuna. And nakita natin diyan, siguro, we have to increase the uptake of the booster vaccination sa population, kasi nakikita pa rin natin na as long as there is a threat of this variant of concern, pwedeng tataas at pumapalo ang mga kaso. And the only way to curb this is to maintain the population immunity by revaccinating, by enhancing booster vaccination, so that hindi tayo mataas ang kaso at hindi magse-severe ang COVID natin, especially healthcare utilization aspect of the metrics.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Solante, maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng mahalagang impormasyon. Maraming salamat, Dr. Rontgene Solante, member ng Vaccine Expert Panel at isang Infectious Diseases Expert. Salamat po, Doc.
- SOLANTE: Thank you, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Tumaas po ng mahigit 50% ang weekly total COVID-19 cases sa ating bansa. At para po magbigay pa ng karagdagang detalye niyan ay makakausap po natin sa araw na ito si Dr. Guido David ng OCTA Research, Magandang umaga po, Professor Guido.
- GUIDO DAVID: Hi. Good morning, Usec. Rocky, at sa mga nakikinig at nanonood sa atin.
USEC. IGNACIO: Naku, as of June 25, Professor, tumaas sa 5.9% ang positivity rate sa NCR. Nalagpasan nito iyong recommended benchmark ng World Health Organization na 5%.
Ano po ang projection sa mga susunod na araw o linggo?
- GUIDO DAVID: Usec, iyong projections natin ay hindi naman nalalayo doon sa mga original projections natin. Tumataas pa nga iyong positivity rate and as of yesterday ay nasa 6% na siya from 5.9, so tumaas siya nang bahagya.
Tumataas iyong cases ng NCR, nabanggit ninyo nga na may 52% one-week growth rate, ang seven-day average natin is 342. So, we expect na baka tumaas pa siya to maybe between 400 to 500 this week. Actually kahapon, 434 cases pero baka umabot tayo ng mga 500 in a day. Pero hindi naman ito, Usec, nakakabahala. Mababa pa ito kumpara sa mga nakaraan na surge.
So, again, tulad ng lagi nating sinasabi ay patuloy na pag-iingat para sa mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, bukod dito sa NCR ay may iba pa bang lugar sa bansa ang nakikitaan ninyo ng pagtaas rin ng positivity rate? At anu-anong lugar po ito at gaano po kataas ang naging positivity rate dito po sa mga lugar na ito?
- GUIDO DAVID: Yes, Usec. Mostly nasa CALABARZON area aside from NCR, ang positivity rate ay nagri-range siya mga between 5 to 7%. Ibig sabihin, medyo mas mataas na rin siya doon sa recommended ng World Health Organization na less than 5%; kabilang dito iyong Batangas, Cavite, Laguna, Rizal; ang Pampanga rin ay nakitaan din natin ng pagtaas ng positivity rate.
Sa Western Visayas naman, sa Iloilo and sa Capiz, among other regions doon and then sa South Cotabato ay nakikita rin natin iyong medyo mas mataas nang kaunti na positivity rate.
Again, hindi pa naman ito lumalagpas ng 10% except for some areas na medyo kaunti lang iyong testing. So, patuloy na minu-monitor natin ito, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong nakikita ninyong dahilan pa rin noong pagtaas like dito sa CALABARZON, kasi halos magkakatabi po itong lugar na ito – Cavite, Laguna, Batangas?
- GUIDO DAVID: Yes, Usec. Parehas sa dahilan kung bakit tumataas iyong bilang ng kaso ngayon sa mga ibang bansa. Sa United Kingdom ay tumataas ulit iyong cases nila, may panibago na naman silang surge. Sa France, tumataas din iyong cases. Sa Portugal. Ito ay nangyayari din sa South Africa. Ang dahilan dito ay iyong BA4 at saka iyong BA.5 na mas nakakahawa. Iyong BA.5, supposed to be based on data is 35% more transmissible kumpara doon sa BA.2 na kumalat dito noong January; iyong BA.4 naman mga 19% more transmissible. So, mas nakakahawa sila kumpara doon sa BA.2.
So, alam natin na na-detect na ito sa bansa natin pero mahalaga pa rin, Usec, iyong pag-comply sa minimum public health standards, iyong pagsuot ng face mask. Malaki ang naitutulong nito sa pagpigil ng pagkalat ng cases at iyong pagpapabakuna at iyong pagpapa-boosters ay mahalaga pa rin, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, idineklara na rin ng DOH itong five areas sa NCR na nasa ilalim ng moderate risk. Aside dito po sa limang lugar na ito, ano pa ba o may iba pang lugar dito sa NCR iyong posibleng maisali na rin o maisailalim na rin po ba sa moderate risk?
- GUIDO DAVID: Well, sa pagkakaintindi ko, Usec, binago na nila ang metrics nila for determining iyong risk levels and alert levels. Unang-una, hindi na kabilang dito iyong ADAR at saka iyong ano, sorry, hindi na kabilang iyong growth rate. Iyong growth rate, ang katumbas niyan sa metrics namin ay iyong reproduction number. So, kumbaga hindi na factor kung tumataas or bumababa. Ang main factors na lang ay iyong ADAR at saka iyong hospital utilization. Para sa amin, tinitingnan pa rin namin iyong positivity rate kasi isa iyan sa mga metrics na medyo mahalaga rin, although limited na iyong testing natin kumpara sa nakaraan.
So, unfortunately hindi ko masasagot iyan, Usec, kasi dahil nagbago iyong metrics. Titingnan pa natin at ikukumpara rin namin iyong metrics namin, pero marami ng mga areas sa Metro Manila ang nakikita natin na may pagtaas na ng bilang ng kaso, hindi lang itong mga limang lugar na ito.
So, in terms of increasing number of cases, actually most of NCR siguro mga 14 LGUs out of 17 ay nakikitaan natin ng pagtaas ng bilang ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sabi ninyo na hindi pa tayo dapat mabahala diyan, pero kayo po ay isa sa miyembro ng newly formed Advisory Council of Experts. Gaano po kahalaga itong advisory group na ito upang makatulong po sa ating laban kontra COVID-19?
May kaugnay po dito, Professor, iyong tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong naging pag-uusap ninyo dito?
- GUIDO DAVID: Yes, Usec. Kasama rin diyan si Dr. Solante, si Dr. Nina Gloriani and many other medical experts and iyong ibang mga fellow ng OCTA Research, si Dr. Michael Tee, si Professor Ranjit Rye at si Father Nic Austriaco ay kabilang din diyan. At saka siyempre headed ito by Presidential Adviser Joey Concepcion.
Ang function nito ay to give advice or advisory messages or positions sa ating bagong pamahalaan or bagong administrasyon rather. And ang isa sa mga napag-usapan dito ay iyong exit strategy natin. Ano iyong magiging exit strategy natin kabilang dito iyong pagsusuot ng face mask or patuloy na pagsusuot ng face mask natin. Kabilang din dito iyong sa boosters at iyong pagbibigay ng booster shots sa mga kababayan natin. At iyon nga, kung sakaling hindi na i-extend iyong state of national emergency by September kung ano iyong magiging iyong parang kasama na diyan iyong exit strategy natin.
So, Usec, maganda iyong discussions doon kasi iba-iba iyong panig ng mga eksperto doon. Hindi laging magkakapareho iyong mga positions ng mga kabilang doon sa grupo na iyon pero in the end we agree on a position of the group based on data. So, data-driven iyong ginagawa namin and based on mga pag-aaral sa ibang bansa at saka dito rin, iyong mga pag-aaral natin dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kabilang din daw po sa napag-usapan na inirirekomenda itong gawing commercially available na rin itong vaccines after daw po ng ika-isandaang araw ng Marcos administration, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng ibang detalye tungkol dito, Professor?
- GUIDO DAVID: Well, Usec, mas expert dito siguro iyong mga medical doctors, pero iyong sa pagkakaintindi ko ay iyon nga, kapag natapos na iyong state of emergency, iyong EUA ay hindi na applicable at kailangan nang mag-apply for a commercial license itong mga vaccine companies. Kailangang isulong na nila ito kasi may proseso ito bago nila makuha iyong commercial license, bago ito magamit or mabili ng publiko through the private sectors.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Ivan Mayrina ng GMA News: Sang-ayon po ba kayo sa pag-revise ng metrics sa alert level sa two-week growth rate at primary metric ang health system capacity cross-tabulated with ADAR? What are your thoughts on this?
- GUIDO DAVID: Yes, Usec. Iyong two-week growth rate, nabanggit ko nga, equivalent iyan sa reproduction number. Iyan iyong nagsasabi sa atin kung pataas o pababa iyong bilang ng kaso. At ngayon hindi na ganoon ka-critical kung tumataas or bumababa siya. Ang critical ay iyong level ng cases at iyong level ng hospitalizations.
Of course, titingnan pa rin natin, Usec, iyong projection ng hospitalizations kasi kung tumataas siya at mukhang mapupuno iyong hospitalizations, maybe hindi pa puno sa ngayon, pero kung mapupuno siya in the near future ay tingin natin ay factor pa rin iyan. Pero we agree naman with the metrics, kahit kami ay medyo in-adjust na rin namin na hindi na namin binibilang iyong reproduction number, ang tinitingnan namin ay iyong ADAR at saka iyong hospital utilization.
Well, tinitingnan rin namin iyong positivity rate, although admittedly, mas kakaunti na ang nagpapa-test ngayon. So, medyo factor din iyan, influencing the positivity rate.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, kunin ko na lamang iyong paalala ninyo sa ating mga kababayan. Tayo po ay nasa gitna pa rin ng pandemya. Go ahead po, Professor Guido.
- GUIDO DAVID: Yes, USec., dalawang taon na, pero nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Hindi pa natatapos o hindi pa nade-declare na tapos na ang pandemic, ganundin iyong World Health Organization. Mayroon pa ring mga surge na nangyayari sa mga ibang bansa na nabanggit nga natin, so nandiyan pa rin iyong virus. Pero nalalabanan natin ito at pasalamat tayo, dahil marami ng bakunado at malaking tulong ito, kaya hindi na tayo nagkakaproblema kapag may surge na nangyayari. So, ngayon, weak surge na lang siya, dahil marami na ang bakunado. Kung wala tayong bakunado or kakaunti lang ang bakunado sa atin ay magkakaroon pa rin tayo ng surge tulad ng dati, nung last year, nung Delta surge na medyo malala.
So, malaki ang pasalamat natin at naging available itong mga bakuna, through the initiatives of the government with the private sector. Pasalamat rin natin sa mga kababayan natin na dahil sila iyong nagpapabakuna, ginagawa nila iyong parte nila, iyong bahagi nila. So, this is ano, itong resulta na nakikita natin ngayon ay effect ito ng pagtulong ng public, ng private sector at saka ng government. So sana, siyempre patuloy na sumunod tayo sa health protocols, para mapigilan natin ang pagtaas pa ng bilang ng kaso, kasi pwede pa ring maapektuhan dito. Magpabakuna tayo at iyong mga eligible for booster shots, mababa pa rin iyong, USec., iyong nagpapa-booster, kaunti pa lang. Marami pa tayong vaccines available. Sana magpa-booster din para ligtas tayong lahat.
Maraming salamat at mag-ingat tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay labis na nagpapasalamat sa pagbibigay ninyo lagi ng panahon sa amin, Dr. Guido David ng OCTA Research. Stay safe po.
- GUIDO DAVID: Stay safe, USec. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos, magiging simple, mataimtim at hindi umano lilihis sa tradisyon. Ang iba pang detalye sa panunumpa ng bagong Pangulo, inanunsyo na rin po ng kampo ng President-elect. May report po si Allan Francisco, Allan?
(NEWS REPORT)
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report, Allan Francisco. Dumako naman po tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid sa atin iyan ng PBS-Radyo Pilipinas.
(NEWS REPORT)
USEC. IGNACIO: Okay, babalikan po natin ang PBS-Radyo Pilipinas. Tumaas na naman po ang presyo ng langis ngayong araw. At kaugnay niyan makakasama po natin si Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy. Magandang araw po, USec.
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Magandang araw po, USec. Rocky at sa lahat ng ating tagapanood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Eh, ngayong araw daw po ay nagkaroon na naman po ng oil price hike, four consecutive weeks na po ito sa gasoline at five consecutive weeks naman po sa diesel. Ang dahilan po ba ng pagtaas na naman ng presyo ng langis ngayon ay kagaya pa rin po ba nung mga dahilan ng pagtaas nitong mga nakaraang lingo, USec.?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Nagkakaroon po tayo ng mga clarifications dahil sa variables. Maraming mga variables sa pagtaas ng presyo. Una, of course, iyong cost, nakita natin na tumataas, but last week we noticed na nag-fluctuate ito pababa. And ang nakita namin, bakit tumaas, it’s because one variable iyong forex. Binibili po natin itong mga krudo natin oil products based on the dollar. Kaya nagtaas ang foreign exchange, kaya tumaas din ang presyo natin.
But in addition to that po, because of the demand situation doon sa freight ay nagkakaroon ng malaking demand, nagkakaroon din sila ng additional premium sa cost at iyong mga traders, because of the demand, nakakadagdag din po sila ng premium doon. And let me also include ‘no, dati hindi napapansin ito, iyong ocean loss, kumbaga sa kuryente mayroong transmission loss, may singaw, for example ang gasolina, ito tsina-charge din po ito, kaya habang tumataas din po iyong presyo, kasi based on the price, ang basis nito ay nadadagdagan po, nagko-compound iyong cost po ng ating product.
Ito po, based on the final computification bumaba bahagya iyong presyo, but based on the other variables or factors, bahagyang tumaas po ang net price ng ating krudo and oil products.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa susunod na linggo, sa tingin po ba niyo magkakaroon ng rollback o magtutuloy-tuloy pa rin po itong pagtaas ng presyo ng langis?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Iyong trend po kahapon, Monday lumabas na iyong global market price ho sa trading. May bahagyang pagtaas ho, so kung ganito po iyong tutuluyan nito, magsasama ho, magko-compound iyong pagtaas ng presyo at iyong pagtaas ng dolyar. So, we just hope na iyong dolyar, iyong forex naman ang bumaba po sa ngayon. So, based on these two variables, kung talagang tumaas ito pareho, eh medyo tataas po talaga iyong presyo.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., hanggang ngayon po ay nananawagan pa rin ang DOE na amyendahan itong Republic Act 8479 o iyong Oil Deregulation Act? Anu-ano po ba iyong mga gusto ninyong mabago o baguhin sa Oil Deregulation Law?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Well, unang-una po, iyong automatic pricing mechanism, kung puwede nating ma-revisit ito. Nakita natin na nakatali lang po tayo doon sa presyo na lalabas doon sa world market price. At itong mga components nito, iyong freight, itong mga traders price and iyong mga ocean loss, kailangan ma-rebisa natin ito. At pangalawa doon sa request po namin ng ating unbundling, kasi may mga ibang cost na nadadagdag sa gasolina at ito ay na-cover, isang department circular po namin dito na sana eh makita natin iyong presyo, ano iyong mga idinadagdag ng mga stakeholders or oil companies.
Pero na-Temporary Restraining Order ito, hinihingi po namin ito na ma-incorporate sa ating Oil Deregulation Law, para may ngipin po, kahit na-TRO, hindi po pwedeng i-TRO ito. At iyong Strategic Petroleum Reserve, we have tried to work it out already, mayroon nang programa ng Philippine National Oil Company at mayroon na pong budget for feasibility study on that na ang ibig sabihin nito ay mayroon tayong reserve na mas malawakan, para kung magkaroon ng krisis, eh magagamit natin. At iyong ating inventory requirements to ensure that hindi tayo mawawalan talaga iyong kanilang pag-aangkat at pagtatago o pag-i-store ng ating mga products po.
Dati, may policy tayo, 30-days, in actuality naman ngayon, mga 40 plus days, eh mayroon naman tayong inventory. But, maganda po ito, we include it in the law, para hindi lang siya as a policy, magkakaroon ng matinding ngipin po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., sinabi po ni Senator Sherwin Gatchalian na ang magiging last resort natin dito paglutas daw po ng problema sa oil price hike ay ito daw pong pag-suspinde sa excise tax. Pero, it will cost the government more money, kaya iminumungkahi na lang po niya na itaas sa P3,000 ang ayuda sa Pantawid Pasada Program para po sa next five months? Ano po ang masasabi ninyo dito?
DOE USEC. ERGUIZA JR.: Opo.
USEC. IGNACIO: Usec?
Babalikan po natin si Usec. Erguiza.
Puntahan po muna natin si Al Corpuz para sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Al?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
Balikan po natin si Usec. Gerardo Erguiza Jr., ng Department of Energy.
Usec, ulitin ko lang po iyong tanong ko kanina: Ano po ang masasabi ninyo sa mungkahi po na itaas sa tatlong libo ito pong ayuda sa Pantawid Pasada Program para daw po sa next five months?
USEC. ERGUIZA JR: Opo, Usec. Rocky. Gusto kong i-confirm nga po na mayroong panukala noon na i-suspend ang excise tax muna, pero sinabi ng ating finance managers na makakaapekto ito sa ating mga utang, sa pagbabayad. At pangalawa, hindi ito ang talagang solusyon dahil pati iyong mga mayayaman ay malilibre ho dito, kaya pinili ho na i-recommend na magkaroon ng targeted sectors like the transport, ating mga farmers and fisher folks.
At nagkaroon nga tayo ng ayuda, kaya lang iyong framework noong ayuda natin is based on a timeline, hindi naman na-anticipate na talagang tatagal. So, naghahanap po ngayon ng isang paraan kung paano natin maipagpapatuloy itong ating ayuda na sa isang longer period. Maganda po iyong na-mention ni Senator Gatchalian na puwede nating i-revisit ito kung paano tayo magdadagdag at makapagbigay pa ng additional subsidy po sa mga targeted sectors.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Usec, ano pa iyong sa tingin ninyo iyong pinakamabuting paraan para po ma-address o maibsan man lang po iyong paghihirap na kinakaharap natin, ng ating mga kababayan dahil sa pagtaas po ng presyo ng langis?
USEC. ERGUIZA JR: Well, both ho iyong sabi natin, iyong long-term na mga amendment ho ng batas natin, pero ang epekto ho nito ay talagang matagal pa po. At pangalawa, on the ground, iyong sinasabi ho natin na subsidy system at kung puwede na ma-review pa ito on how we’ll be able to have a system na kapag nagkaroon ng tuluy-tuloy na problema ay ma-address and very responsible sa mga tao. And of course we urge everybody po to continue the conservation program and to use energy for power efficiently, kasi dito po magtutulung-tulugan pa tayo kapag napababa naman ho natin ang demand ay medyo mapapagaan din ho tayo lahat on the practical side.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ilang araw na lang po ay opisyal nang magpapalit ang administrasyon, kumusta na po ang transition na isinasagawa ng Department of Energy para dito?
USEC. ERGUIZA JR: We have prepared a transition plan at report at ito ay inihanda ho para doon sa mga bagong team na papasok po sa Department of Energy at of course, binigyan ho ng focus ano pa iyong mga pag-ukulan ng pansin sa enerhiya, kagaya ng pagbaba ng cost ng energy and at the same time, itong ating continuing concern on energy security.
So basically, dito po umiikot ang ating mga proposals na pagpapatuloy ho na gagawin.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inying panahon, Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. ng Department of Energy.
Stay safe po.
USEC. ERGUIZA JR: Thank you po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Nagpasalamat si Senator Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtitiwala nito sa kaniya.
Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Ang Marikina City ay isa sa madalas na nakakaranas po ng matinding epekto tuwing may malalakas na pag-ulan at bagyo, kaya naman po ay namahagi ng tulong doon ang tanggapan ni Senator Bong Go.
Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Update sa bakunahan sa Davao City, alamin natin sa report ni Hannah Salcedo ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para po sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Maraming salamat po, KBP!
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita po tayo muli bukas.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
News and Information Bureau-Data Processing Center