USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay ika-labinlima ng Abril. Korapsiyon at epekto sa pagninegosyo ng umiiral na community quarantine ang sentro ng ating talakayan. Kasama po ang PTV News, ihahatid din namin sa inyo ang mga pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya tumutok lamang po sa ating programa at manatili sa ating mga bahay upang makaiwas sa kumakalat na COVID-19.
At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Makakasama natin ngayong araw sa program sina Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez; at Philippine Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica.
Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
At para sa ating unang balita: Maliban po sa Metro Manila, limang rehiyon sa bansa ang binabantayan ng Department of Health dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases at ang epekto nito sa kanilang healthcare utilization. Kasunod nito, nilinaw din ng Kagawaran na ang naitalang pagbaba ng COVID-19 cases nitong nakalipas na dalawang araw ay hindi pa raw po ang resulta ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine. Narito ang report ni Mark Fetalco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nadagdagan pa ng isolation facilities ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City para doon dalhin ang kanilang COVID-19 patients na may mild symptoms. Sa ngayon kasi, full capacity na ang Ospital ng Muntinlupa at tanging moderate at severe patients na lamang ang maaari nitong tanggapin. Ang detalye mula kay Louisa Erispe:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Louisa Erispe. Mag-ingat kayo ha.
Sa iba pang balita: Nagpasalamat si Senator Go sa tugon ng pamahalaan sa kaniyang apela na isama ang media gaya po ng field reporters bilang essential workers na prayoridad mabakunahan. Dapat lang aniya na maproteksiyunan sila ng bakuna dahil mahalaga ang tungkulin nila sa paghahatid ng tamang impormasyon sa publiko. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: At upang kumustahin ang estado ng pagninegosyo sa bansa matapos ang dalawang linggong ECQ at ngayon pong umiiral na MECQ sa NCR Plus, makakausap po natin si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Magandang umaga po, Secretary!
DTI SEC. LOPEZ: Hello! Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa lahat ng mga tagasubaybay ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pagkatapos po ng ECQ, muli naman pong isinailalim sa MECQ ang NCR Plus at iba pa pong lugar, ano po; tatagal ito ng tatlong linggo. Sa inyo pong datos, ilang establishments pa rin po iyong hindi nakakapag-operate?
DTI SEC. LOPEZ: Iyong huli po kasi nating survey—ongoing po kasi iyong survey natin ngayon. Iyong huli nating survey, bumaba na sa 4.6% of the total ang naka-close pa, pero iyon ay iyong before ECQ. Kaya nga hinihintay lang namin iyong resulta noong the past two weeks under ECQ, at mayroon pang ipapatakbo ngayong isang pang survey para sa third week April para under MECQ. But asahan natin na talagang dadami iyong naging sarado noong ECQ kasi nga talagang iyon iyong pinakamahigpit natin na quarantine.
At sa ating estimate nga ay kung hindi man iyong sa numero pa, hinihintay natin iyong survey, iyong numero ng mga closed establishments. Pero dito base sa mga talaan naman ng mga labor force, iyong mga sectors na sarado noong ECQ may mga 1.5 million estimate kami na na-displace, na nawalan ng hanapbuhay noong panahon na na-ECQ.
At ngayong MECQ, base uli dito sa mga datos natin ay may mga 500,000 out of the 1.5 ang makakabalik or nakabalik na ngayong MECQ. So, therefore mayroon pa tayong mga one million na aasahan nating makakabalik hopefully kapag nag-GCQ tayo.
USEC. IGNACIO: Pero Secretary, gaano po kalaking halaga iyong inaasahang mawawala sa kita ng bansa dahil dito sa mga ipinatupad po nating istriktong quarantine ngayong buwan ng Abril sa NCR Plus, at katulad nga po ng nasabi ninyo, ano po iyong naging pangkalahatang epekto nito sa ekonomiya ng bansa bukod pa nga po doon sa sinabi ninyo na may mga nawalan ng hanapbuhay?
DTI SEC. LOPEZ: Doon sa nawala sa ekonomiya, ang estimate po for the two weeks ay around 1% ng ating GDP. So, iyong 1% na iyon kung tayo ay may GDP na P18 trillion ay ito po ay sa 10% ay 1.8 at sa 1% ay P180 billion po ang estimate na nawala sa ating ekonomiya.
USEC. IGNACIO: Secretary, itong pagkakalagay natin sa MECQ status ay malaking bagay din po para daw kahit papaano maka-survive iyong ating mga negosyo?
DTI SEC. LOPEZ: Opo, dahil ang ikinaiba ho talaga ng ECQ sa MECQ ay sa pamamagitan ng pagbubukas ng ilang sektor na napakaimportanteng maibalik para maibalik ang trabaho. At least po iyon po ay binigyan ng halaga under MECQ – iyong jobs na maibalik.
At ang negative list natin, ibig sabihin iyong sarado na lang kahit under MECQ ay talagang pinili iyong mga high-risk activities. At ang importante rin po, mahigpit din po na sarado pa rin or hindi pa rin puwedeng gawin iyong mga non-essential activities – non-essential travel, non-essential activities natin sa labas at talagang hanggang maaari ay sa bahay tayo at kung mayroon man ay mga errands ng pagbili lamang ng mga essential na bagay.
Kaya iyong mga tindahan nabuksan para iyong mga trabaho ay maibalik at iyong mga low- risk activities. So, kung doon sa ECQ ay mayroon pong mga allowed activities lamang. Nakalista po iyon, familiar na ho tayo doon, iyong mga very essential na referring let’s say to the food, to pharmaceuticals, groceries, supermarkets, drugstores, even hardware, and of course iyong iba pang mga utilities sector, capital market, banks, financial institutions, and of course iyong mga medical clinics.
Sa labas noon, outside those sectors, ito po ay binuksan na under MECQ pero may listahan na hindi pa puwedeng buksan. Iyon iyong sinasabi nating negative list, ito ho iyong mga high-risk activities. So, this basically would be the likes of iyong mga amusement parks, iyong mga puwedeng hindi na muna gawin o kaya iyong high-risk – iyong mga internet café even iyong indoor dine-in ay hindi muna pinayagan under MECQ. Pero iyong outdoor pinayagan na kasi outdoor po iyon, so mas maganda ang ventilation at hindi po mataas ang hawaan.
At ang iba pang mga high-risk activities ay hindi pa rin puwede under MECQ. Pero ang maganda ho noon, outside doon sa mga puwedeng under ECQ ay pinayagan na rin under MECQ. So, marami-rami ho ang makakabalik sa trabaho.
USEC. IGNACIO: Sa isang pahayag po, Secretary, nabanggit ninyo na kung ma-extend pa iyong strict community quarantine ay hindi daw po kakayanin na ng mga MSMEs iyong magpatuloy sa negosyo ano po. Sakali pong magpulong muli ang IATF, ito po ba ay ipu-push ninyo na maibalik na sa GCQ ang status ng NCR Plus?
DTI SEC. LOPEZ: Siguro ho depende ho sa dating ng data. Kapag maganda na ho talaga iyong improvement at nagkaroon na tayo ng surplus pagdating sa mga ICU rooms, iyong mga hospital beds. Iyon po iyong napakaimportante eh para ho talagang masabi natin na makabalik tayo sa GCQ, at kumaunti ang cases at iyong mataas po ang kapasidad na libre pa dito sa ating health care system.
Kaya dito ho sa pagbaba sa MECQ, pag-deescalate sa MECQ, kasama dito sa requirement dito iyong pagpapadami ng mga hospital beds at mga ICU rooms. Kasama ho sa requirement natin iyan para talagang maalalayan iyong health care ng ating mga kababayan na mangangailangan lalo na dito sa mga tatamaan at maging severe at critical dito sa pandemic na ito, kaya importante iyong infrastructure natin dito.
At kapag ito po ay further bumaba ang COVID cases at bumaba ang utilization rate, ibig sabihin maraming bakante, ibig sabihin puwede ho tayong magluwag uli to GCQ. Pagbukas sa GCQ, of course, mas marami pang makakabalik na mga trabaho dito under the GCQ. Pero ito ho ay base ho sa estimate ho natin kaya ho hanggang end of April itong MECQ, diyan po talaga natin makikita kung may mga improvement pa na mangyayari dito ho sa COVID cases at saka sa hospital care capacity po natin.
Of course kasama na rin po, Usec. Rocky, alam ninyo iyong our ability mag-contact trace at maitago lahat, ma-isolate lahat ng mga positive at iyong mga suspect kaya ho importante rin ho iyong contact tracing.
USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, base po doon sa pag-aaral ninyo, bago po nagkahigpitan ng quarantine restrictions, hindi ba naging super spreader events, Secretary, iyong mga establishment at ilan pang economic activities na nauna na pong nabuksan nitong nag-GCQ tayo?
DTI SEC. LOPEZ: Base ho sa data again, hindi ho malaking source iyong sa workplace. Yes, naka-contribute po sila especially dito po sa mga—kaya ho ipinagbawal nang maigi itong pagsasalu-salo, eating together during siguro lunch break, iyong pagkain sa canteen, pagkain sa mga pantry, mga kainan na lugar sa mga workplaces, iyon po iyong isang ipinagbawal nang mahigpit.
Pero base sa datos, ang contribution po ng mga cases ay mga clusters ho ng ilan sa workplaces ay around 20% lamang. Ang karamihan po talaga ay nangyayari sa labas. Maaari pong sa mga community at maaari ring sa household at saka po sa transportation. At isa nga sa observation noong bago nga nagtaasan uli iyong cases ay iyong pagdami rin noong mga non-essential activities and big gatherings. So, iyon po iyong talagang isang mahigpit na ipinagbabawal pa even ngayon, lalo na ngayon under MECQ.
And I would think na once we move to GCQ, isa pa rin iyan sa ipagpapatuloy munang ipagbawal – iyong mga gatherings po na non-essential until such time talaga na makampante tayo na may herd immunity at marami nang mabakunahan o kung hindi man ay may mas effective pa na mga medicines, mga gamot for home treatment na ma-discover. So, iyon po iyong critical na nakikita natin para talagang ma-manage nang husto itong pandemya na ito.
Kasi hanggang wala itong gamot at iyong vaccine, talaga pong ang ating magiging lagay ay adjustment po. Magpu-forward tayo magba-backward, depende ho sa situation in terms of hospital care capacity at saka COVID cases.
USEC. IGNACIO: Secretary, ilang araw nang ipatupad itong MECQ, kumusta naman po iyong compliance sa quarantine guidelines ng mga establishments partikular po iyong sinabi ninyo nga kanina na al fresco dining na pupuwede? Nakakasunod po ba sila, Secretary?
DTI SEC. LOPEZ: Opo, wala hong choice kung hindi sumunod. In fact, when you talk to ito pong mga grupo ng mga restaurants, maliit lang po talaga iyong may al fresco dining pero at least sabi nga nila iyong mga may opportunity na may lugar sila for al fresco at least makapagbukas sila. Pero ang estimate po nila wala pang 10% siguro ng lahat ng mga restaurant ay may al fresco facility or iyong may bukas sa outdoor na facility.
Karamihan ho kasi sila ay nasa loob ng mga buildings, loob ng malls kaya ho karamihan sa kanila, sinabi rin nila na magsasara na lang siguro muna sila hanggang end of April dahil nga bawal pa ang indoor dine in. Iyon po iyong actually malaking contribution pagdating ho sa trabaho, dahil ho ang restaurant industry ay may mga 2 million workers po diyan. So kung sabihin mo nang more than one-half ang sarado diyan, diyan pa lang more than 1 million na ang parang irregular ang—either walang trabaho or irregular ang kanilang pasok.
Kaya po malaking industriya, napakalaking impact po iyan pagdating ho sa trabaho. And of course sarado pa iyong ating mga personal care services, so nandiyan na ho lahat iyan – iyong mga—sa barber shops and salons and lahat noong klaseng mga services sa ating wellness and kalusugan ay sarado pa rin ho iyon because of the direct contact. Kaya ho ito ho ang—hopefully under GCQ, mag-GCQ na para ito naman iyong mabuksan na.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Naomi Tiburcio ng PTV, ito po tanong niya, parehas po sila ng tanong ni Christian Yosores ng Bombo Radyo: So ano na po daw ang updates sa mga vaccine manufacturers na maaring magtayo ng planta sa Pilipinas at anong mga kumpanya ang nakikipag-ugnayan sa DTI? Kung may timeline na po ba na kailangan dapat silang asahan, ng pagkakaroon ng sarili nating vaccine manufacturing site sa bansa?
DTI SEC. LOPEZ: Actually ho lahat ho—may mga apat ho mga ongoing, different stage ho ng usapan with our group, with the group of Secretary Galvez. At ito naman ho ay atin hong pina-facilitate at masasabi natin—at tutulungan din natin sila sa mga requirements din sa FDA. At hindi ko lang mabanggit iyong mga pangalan pero may mga apat ho at hopefully ho within this year or next year ay mayroon nang mga actual investments that will come in once ho ma-settle din ang kanilang mga concerns at mga requirements.
USEC. IGNACIO: Uhum. Secretary, may poder po ba daw kayo dito sa mga nangyayaring fake bookings sa mga food delivery apps; at kung mayroon man po, ano daw po iyong ginagawa ng DTI tungkol dito?
DTI SEC. LOPEZ: Well dito ho ay—amin ho actually ini-encourage iyong online payment para talagang maiwasan itong mga fake bookings. Ibig sabihin babayaran na iyong mga binibili. Pangalawa, isa ring panukala natin na pina-follow up ko nga rin ito, iyong registration noong mga cellphone cards ‘no, iyong mga SIM card para talagang may traceability kung sino ho iyong may mga intensiyon or iyong mga nanlilinlang/nanloloko dito ho sa mga online transaction na ito.
So ito po ay—kasi resulta ito noong hindi sila nati-trace kaya maaring puwedeng nagpa-frank call or nanloloko sila. So nakakagulo ho sila at unfortunately naaapektuhan iyong mga maliliit din na negosyo dito. Kawawa naman ho so sana ho maiwasan ho—huwag ho natin talagang gawin ito.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DTI Secretary Ramon Lopez. At kumusta rin po kayo, Secretary?
DTI SEC. LOPEZ: Mabuti po. Stay safe ho tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary.
Samantala, arestado ang siyam na indibidwal sa Quezon City dahil sa iligal na pagbibenta ng COVID-19 test kits. Ayon po sa PNP Criminal Investigation and Detection Group, ang mga na-recover na test kits ay ibinenta online. Umaabot sa 30 million pesos ang halaga ng mga nasamsam na test kits. Wala umanong naipakitang license to operate ang mga suspect, wala din silang hawak na special permit to sell and distribute ng test kits. Alinsunod na rin sa alituntunin ng Food and Drug Administration, nahaharap ang mga naarestong indibidwal sa kasong may kaugnayan sa pagbabawal nang pagbibenta ng FDA certified COVID-19 antibody test kits.
Isang taon bago matapos ang administrasyong Duterte, nasaan na nga ba tayo pagdating sa usapin ng kontra korapsiyon. Iyan at iba pang update sa kanilang imbestigasyon sa mga umano’y sangkot sa iregularidad sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang atin pong pag-uusapan kasama si PACC Chairperson Greco Belgica. Welcome back, Chairman.
PACC CHAIR BELGICA: Hi. Magandang umaga po Ma’am Rocky at saka magandang umaga po sa lahat ng ating mga nakikinig at mga kasamahan sa media.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, nitong Lunes pumirma na si DPWH Secretary Mark Villar ng manifesto po sa ilalim ng project Kasangga Tokhang Laban sa Korapsiyon Project. So kailan po target na maumpisahan iyong data-tracking system at monitoring sa kanilang mga tanggapan?
PACC CHAIR BELGICA: Kaagad po iyan ano. Ang kaparte po ng programang iyan ay iyong pagtatalaga noong mga command groups una po sa main office para mag-monitor at mag-validate at mag-report ng mga impormasyon sa PACC hinggil sa korapsiyon sa pagpapatupad ng mga proyekto. Also part of the project is iyong pag-i-integrate ng amin pong mga command centers, PACC po, ang inaayos po naming command center will be integrated with the command centers of every departments na amin pong yayayain at makikipagtulungan sa amin para labanan ang korapsiyon.
So within the—nauna ho iyong Customs, so we are working with Customs to organize the command groups, diri-diretso po iyan hanggang sa mga districts. And ganoon din po sa DPWH, there are almost 300 attendees noong araw po na iyon kasama ang lahat ng district offices sa buong Pilipinas and the highest ranking or the high-ranking officers of Secretary Villa all signed the manifesto with the commitment to voluntary resign if they ever get into corruption.
Maganda po ang naging resulta, ang atin pong mga opisyal ng gobyerno has—very positive ang kanila pong pakikipagtulungan. And as we have recognized na—and we reminded everyone that public office is a public trust and therefore our positions are positions of privilege that has legal requirements for continued employment. So sabi ko nga basta tulung-tulong tayo, magkakasama… mahirap ang laban pero sa tulong ng Diyos at ‘pag magkakasama tayo, magtatagumpay tayo. Iyan po.
It is being setup, there was a coordination meeting yesterday to start the ball rolling sa pag-u-organize po ng mga command groups and command centers sa mga ahensiyang ito po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, anong mangyayari naman po sa mga opisina sakaling mayroong hindi po makikipag-cooperate sa proyektong ito?
PACC CHAIR BELGICA: Of course they will be… you know, targets of our investigation dahil why wouldn’t you want to cooperate with the campaign that the President himself is leading? Nais ko pong ipaalala na ito po’y alinsunod sa utos sa amin ng ating Pangulo bago po ako i-appoint na Chairman, na paigtingin ang laban sa korapsiyon. At ito pong programang iyon ang sagot namin doon sa utos ng Pangulo na iyon, sa aming mandato na kaniya pong siyento-porsiyentong sinusuportahan at sinususugan, ganoon din po si Senator Bong Go.
And I think lahat ng matitinong government officials diyan na marami naman po are also willing to do it. But then if you—you know of course mayroon kaming mga nakukuhang mga… parang bang umaayaw or nagsasalita behind the event. However, kahit pumirma sila but then they become part of our list na bakit parang may tinatago ito. And by next week po pagbukas na po ng Ombudsman, we will be filing cases, initial cases doon sa mga hawak po naming mga kaso dito sa office.
At ngayon pa lang gaya po noong sa Customs at saka DPWH, antimano right after the launching of the program, we have already been receiving reports na tungkol doon sa ahensiya that we are investigating right now – including conducting lifestyle checks. So we are geared up to file a case next week and preparing to file more cases in the coming weeks to come.
USEC. IGNACIO: Chairperson Greco, ‘di ba mayroon na po kayong nasimulan na imbestigasyon noong November pa po noong nakaraang taon sa ilang opisyal at mambabatas na umano ay sangkot sa korapsiyon sa DPWH. At iyon ilan nga po pinangalanan pa ni Pangulong Duterte sa kaniyang public address. Kumusta na po ito, ang mga nabanggit na opisyal po ba ay nakita ninyo na talaga pong nagkaroon ng masasabi nating pagkakamali, pagkakasala?
PACC CHAIRMAN BELGICA: Ang update po doon, napakaganda po noong imbestigasyon na nagaganap ngayon. We have discovered many damning evidences doon sa mga opisyal na iyon. However, doon po sa mga legislators that were involved in the investigation, ito po ay tinurn-over na namin sa Department of Justice, sa Task Force against Corruption, because we don’t have jurisdiction to investigate legislators. However, ang amin pong mga findings were turned over para po kanilang maimbestigahan.
Subalit doon sa mga tao na nasa amin po ang jurisdiction, like the DPWH, napakaganda po ng mga resulta ng mga investigation. We are, right now, substantiating with documents and evidence iyong mga testimonies na nakuha namin. Hindi ko na po muna sasabihin, pero as expected, these are positive results that supports the theories that we had. At ito po ay brining up (bring up) namin noong DPWH, namin ni Secretary Mark ng DPWH, ang event, iyong tokhang natin iyong kasangga na, you know, naririnig pa rin namin at mayroon pa ring mga reports na pumapasok sa amin na patuloy naming ini-imbestigahan at iimbestigahan and we will surely result to filing of cases is a vision ng mga reports na ito sa ating Pangulo.
So as we have said, na mas maganda kung magtulungan na lang tayo, kaysa wala kaming intention na maging kalaban ninyo, pero kapag you know, you get into corruption, we will do our job and press everything in our authority to make sure that accountability is given.
USEC. IGNACIO: Chairperson, patuloy po iyong pamamahagi ng ayuda ng mga LGUs sa ating mga kababayan na naapektuhan nitong nagdaang ECQ. May mga reklamo na po ba kayong natatanggap, ang PACC, tungkol dito and in case po mayroon, so far paano po kayo nakikipag-ugnayan sa DILG kung sakali man na magkakaroon ng imbestigasyon dito?
PACC CHAIRMAN BELGICA: Nakakalungkot, pero we have just received 8,000 reports tungkol dito sa (garbled). So we are ano po, ito sina-summarize namin iyong mga reports para sa gagawing meeting with the Department of Interior and Local Government para maaksiyunan po ito, maimbestigahan at makasuhan kung totoo. At the same time, inendorso na po namin iyong mga wala sa aming jurisdiction. We are also looking at the systems that they have been using.
Kahapon nga lamang po, kausap ko, I think it was over five hours of investigation together with the DOH and DICT and ARTA, para po tingnan itong mga sistemang ginagamit nila, bakit ang daming, una iyang COVID spike, bakit hindi naku-control, contact tracing. Tapos ito nga pong isyu sa DILG pa with ayuda and DSWD. Tinitingnan po namin iyong sistemang gagamitin nila, bukod doon sa mga complaints na isinasama, dahil a lot of it, you know, monitoring has to be strengthened and para maiwasan po itong mga ganito.
I remember, if you remember, iyong unang ayuda, we received 9,000 complaints, ngayong kakasimula pa lang 8,000 na po kaagad. So very alarming po iyan and you know, I hope po talaga iyong mga nakikinig sa atin ngayon will help each other, you know mga barangay are getting involved with this. Huwag na po nating kupitan or pag-interesan iyong mga perang iyan na para sa tao, dahil kawawa naman po ang tao. Kaunti na nga lamang po iyan para po sa pamilya nila, para sa kanila para mabuhay. Ibigay na po natin sa kanila iyan, dahil kapag pinakialaman po natin iyan and we will find out and when we find out. We will make sure that you are answerable to laws.
Tulung-tulong po tayo. I’m not saying lahat masama! There are 42,000 barangays, we have 8,000 complaints. So marami nakakatanggap, and then kawawa naman iyong isang tao, isang pamilya na hindi nakakatanggap. So iyon lamang po ang aking paalala.
USEC. IGNACIO: Chairperson, kabahagi rin po ba kayo dito sa diumano ay korapsiyon at monopoly lalo na sa usapin ng karneng baboy sa loob daw po ng Department of Agriculture? Kumusta po iyong progress, kung kasama man po kayo, bahagi dito sa investigation?
PACC CHAIRMAN BELGICA: Opo, the PACC has conducted an investigation with regards to the expose that was made by Senator Lacson. Pinatawag po namin ang mga DA officials, nakausap na rin po namin si Secretary Dar, ang kanilang mga key offices. We also talked to mga stakeholders and we got information from them, we also talked to Customs na rin po, dahil tumatawid po iyan. At mayroon po kaming mga initial findings na amin pong sinusundan, kung saan maaaring nagkakaroon ng problema dito nga po sa pork issue po na ito.
Unang-una doon po sa sino ang mga nakakapag-import, pag-i-isyu ng mga import permits, pangalawa iyong paglabas po nito. Iyon po ang tinitingnan namin. We also have names already at mga leads na maaaring mga tao na involved dito, malalaking tao at mga negosyante na involved dito sa pagmamanipula ng sistemang iyan. Hindi pa po tapos ang aming imbestigasyon, pero we have a team dedicated to that as well.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras Presidential Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica.
PACC CHAIRMAN BELGICA: Maraming salamat, Ma’am, God bless and God bless the Philippines. Stay safe.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
Samantala, ilang indigent residents sa Guagua, Pampanga na nangangailangan ng tulong medikal, inabutan ng tulong ng grupo ng Senator Bong Go. Nandoon din po ang DSWD na namahagi ng financial assistance. Narito po ang detalye.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magpapatupad ng mas maikling operasyon ang LRT Line 2 simula po sa Sabado hanggang sa katapusan ng Abril, ito ay matapos madagdagan ang bilang ng kanilang mga tauhan na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ng isinagawang mass testing sa mga empleyado nito. Ang report mula kay Karen Bilianda:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang iba pang ulat mula sa mga lalawigan, makakasama natin si Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Makibalita rin tayo sa Cordillera, ang ulat ihahatid sa atin ni Eddie Carta.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta.
Narito naman po iyong pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng DOH kahapon, April 14, 2021, umabot na sa 892,880 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 8,122 na mga bagong kaso. 162 naman po na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 15,447 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman natin na nakaka-recover sa sakit ay nasa 704,386 na matapos po makapagtala ng 501 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 173,047.
Kaya naman po hindi kami mapapagod na magbigay paalala sa lahat, kung kayo po ay nakakaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19 o na-expose sa isang COVID positive, huwag pong mahiya o matakot na makipag-ugnayan agad sa inyong Barangay Health Center. Maari din po kayong tumawag sa hotline na 02-894-26843 o i-dial ang 1555. Nandiyan din po ang One Hospital Command Center hotlines upang tulungan kayo na ma-admit sa pagamutan kung kinakailangan.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap, muli salamat po sa mga ahensiyang nakasama natin sa pagsiserbisyo-publiko. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Tandaan: Mag-MASK, HUGAS, IWAS! Sa ganitong paraan hindi lang sarili ang maari nating mailigtas mula sa COVID-19 kung hindi pati na rin ang ating mga pamilya at mga nakakasalamuha.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center