USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay April 19, 2021, araw ng Lunes, samahan ninyo kami sa panibagong linggo ng balitaan at pagbabahagi ng tamang impormasyon tungkol sa pinakamainit na usapin sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang kumikilos pa-hilaga Hilagang Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour. Bantay sa 5 A.M. bulletin ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo 250 kilometers sa East-Northeast ng Virac, Catanduanes. May lakas itong 195 kilometers per hour at bugsong umaabot sa 240 kilometers per hour, dahil dito inilagay sa Signal No. 2 ang Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur at Albay, silangan at gitnang bahagi ng Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran.
Nasa Signal No. 1 naman ang eastern portion ng Isabela, northern portion ng [AUDIO CUT] … Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon, Masbate, kabilang na ang Burias at Ticao islands.
Iniligay rin sa Signal No. 1 ang Leyte, Southern Leyte, northern portion of Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands. Inaasahan namang maglalabas ng pinakabagong bulletin ang PAGASA-DOST sa Bagyong Bising anumang oras mula ngayon.
Umabot po sa mahigit limampu’t pitong libong individual o higit labinlimang libong pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Bising sa Bicol Region. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council as of 7 P.M. kahapon, higit siyam na libong pamilya dito ay mula sa Albay habang may mga apektado ring pamilya sa Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon. May ilang pasahero naman ang na-stranded sa mga pantalan sa Bicol Region gayun din sa Maharlika Highway na umabot sa higit isandaan at pitumpu na individuals at higit walumpung trucks. Batay rin sa ulat ng NDRRMC na daraanan ang lahat ng national roads sa mga lugar na apektado ng bagyo.
At para po alamin ang sitwasyon ngayon sa Northern Samar na tinatahak ngayon ng Bagyong Bising makakausap po natin ang alkalde ng Munisipalidad ng Laoang, Mayor Harris Ongchuan. Mayor, good morning po.
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: Good morning. Good morning sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta na po ang sitwasyon ninyo riyan ngayon sa Laoang; marami na po bang mga nakapag-evacuate sa mga ligtas na lugar sa ating mga kababayan diyan?
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: Yes, oo. Nagsimula kami mag-evacuate Sabado pa lang ng gabi, around 6:30 P.M. nagsimula kami, Saturday night.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ilang pamilya po ang naapektuhan nitong Bagyong Bising sa inyong lugar; mayroon po bang napaulat na nawawala o casualty na naitala?
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: Awa ng Diyos ‘no, as of now ay wala pa namang ganoong situation na may nawawala; and casualties, wala pa naman. But based from na-gather namin na mga reports ‘no, as of 9:25 kaninang umaga ‘no, this morning, mayroon kaming mga 808 families na and 2,155 individuals nasa evacuation center ito. Report pa lang ito ng 14 barangays pa lang namin; hindi pa lahat ‘no kasi nahihirapan pa kami makakuha ng communication sa ibang barangays. We are composed of 56 barangays, and mayroon pa kaming mga island barangays, until now ay wala pa kaming communication doon.
USEC. IGNACIO: Opo, naku, eh papaano po iyong pagpapaabot ninyo ng ayuda po relief packs dito sa mga nasalanta; at kumusta po iyong mga kalsada riyan, nadadaanan po ba iyong mga pangunahing lansangan?
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: As of now, na-receive ko iyong report ‘no, from Laoang to our neighboring municipality which is Catubig, medyo mataas na raw iyong tubig so not passable na sa light vehicles.
USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, kayo po ba ay may kailangang tulong mula sa ating national government? Gamitin po natin ang pagkakataong ito na maipaabot sa kanila.
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: So far, hindi pa naman ganoon kabigat ‘no, although may mga reports lang ng flooding sa apat na barangays namin ‘no. Iyon ang problema namin ngayon dahil nga ang aming munisipiyo is nasa isla and then karamihan ng aming barangay ay nasa mainland. So iyong aming logistics ay nahihirapan kami dahil hindi rin kami makatawid doon sa mainland ngayon dahil nga sa masama pa iyong dagat. As soon as mag-okay na iyong…makatawid na kami, then ready na iyong aming relief operations, sisimulan agad namin.
USEC. IGNACIO: Mayor, lumalakas po ba ang hangin diyan o ulan kayong nararanasan?
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: Based sa aming experience ‘no dahil matagal naman kaming nakakaranas nitong mga masamang panahon ‘no, first time ito na medyo matagal ‘no, 24 hours na, more than 24 hours na itong binabayo. Although, hindi naman kami na-direct hit ‘no, but iyong hangin niya talaga sobrang lakas and last night, around 9 P.M., malakas rin ang ulan. So kahit malayo sa amin, sabi ko napakalakas nitong bagyo ngayon lalo na sa month of April, first time namin maka-experience nito ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, mag-ingat po kayo diyan at sa inyong mga kababayan. Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng update, ano. Nakausap po natin si Mayor Harris Ongchuan ng Laoang, Northern Samar. Salamat po, Mayor.
LAOANG MAYOR ONGCHUAN: Salamat, salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy naman nakaalerto ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa mga lugar na apektado ng Bagyong Bising. Ayon sa Malacañang, maliban sa kalamidad, kabilang sa mga tinututukan ngayon ay ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols kontra-COVID-19 sa evacuation centers. Ang report mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumating na ang ikalawang batch ng mga medical frontliner mula sa Visayas, dagdag na suporta sa puwersa ng health workers dito sa NCR Plus.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay inanunsyo ni Presidential at IATF Spokesperson Harry Roque na kasama na rin ang mga A4 priority list o mga tinatawag na mga economic frontliners sa mga puwedeng bakunahan laban sa COVID-19. Kaugnay rin niyan ang pagpapalawak ng National Vaccination Program ng pamahalaan pero ang problema, tila may kakulangan pa rin sa supply ng mga bakuna. Para pag-usapan iyan, we are joined by the WHO Representative to the Philippines, Dr. Rabi Abeyasinghe. Good morning, Dr. Rabi?
DR. ABEYASINGHE: Good morning, Usec. Rocky. Happy to be here.
USEC. IGNACIO: Thank you. Doctor, may we get your reaction on the government’s move to start the inoculation on our economic frontliners including teachers, public utility workers, media and the diplomatic community?
DR. ABEYASINGHE: Thank you for that question. It is an important element in the vaccine response. They are certainly envisage to be covered in the WHO’s prioritization groupings. What we are currently experiencing however, is because of the difficulty and accessing vaccines. We need to still prioritize and ensure full coverage of the frontline health care workers. Right now, we are happy to note that the Philippines has provided vaccinations for almost 1.25 million people. Of that, nearly 63% of the frontline workers have been protected. So we still short of protecting all the frontline health care workers and the current surge demonstrates that we need to have health care workers fully protected, so that they can work to care for the sick and help them heal. So we continue to emphasize that let’s work on a priority basis to protect the frontline health care workers and then move gradually to the other groups that have been identified. WHO agrees to these groups, but following the prioritization in fact, is important to maximize the impact of the vaccination as an additional tool in the entire COVID response. Thank you.
USEC. IGNACIO: Dr. Rabi, would we know that the COVAX facility’s main objective is to distribute COVID vaccines fair and square among participating countries. However, there are reports of alleged hoarding by vaccine producing countries. Can you confirm this report? And what is WHO and the COVAX facility doing on this?
DR. ABEYASINGHE: So, our director general early on identified this as a global moral failure that we are not distributing vaccines equitably to protect the most vulnerable and at risk populations. And this is precisely why one year ago WHO conceptualized with key partners the setting the of COVAX facility. We continue to see that the majority of vaccines are being procured by high income countries, while the significant impact of the pandemic affecting frontline health workers and elderly people in many of the least developed countries and middle income countries. So, we continue to urge countries to share vaccines and make available all technology and share technologies so that other countries can also join in increasing the production capacity of vaccines, so that the vaccine distribution can be done more equitably and more quickly.
USEC. IGNACIO: Dr. Rabi, as for the estimation of the United Nations, only ten countries had so far accomplished around 75% of their vaccination program. With the rate that this is going plus the uneven access to vaccine caused by the alleged hoarding, how far are we in defeating this pandemic?
DR. ABEYASINGHE: So, I want to reiterate Usec. Rocky we feel the vaccines as one additional tool in overall response and having vaccines is critically important. But we still emphasize that we can significantly reduce transmissions by properly implementing the minimum public health standards and the non-pharmaceutically interventions, while we wait and while we work towards making vaccines widely accessible. So, I think we need to recognize the realities. We have been fortunate that we have vaccines that were developed within one year of the pandemic. This is indeed unprecedented success and as we make them more accessible for all countries, we can still do a lot by ensuring that we practice the protocols that have shown that we can suppress transmission by complying with the guidelines. So let us do what we can and we will continue to work to ensure that we can access vaccines as quickly as possible.
USEC. IGNACIO: Dr. Rabi, apart from the AstraZeneca vaccine, the Johnson & Johnson vaccine also has serious concern over the blood clotting incident on it vaccinees. Now that it is securing na EUA from our FDA. Does WHO stand firm in its recommendation to push through with the rollout of this vaccines, despite this concern?
DR. ABEYASINGHE: So, this is an interim position, because we are looking very closely and the evolving evidence. Both the AstraZeneca Vaccines and the Johnson & Johnson vaccine, Viral Vector Vaccines and they seem to be associated with what we call TTS or Thrombosiswith Thrombocytopenic Syndrome in very rare situation. Now, it’s critically important that we gather more information and understand what is the connection and how does this happen and who is at risk.
While we work on this fronts together with many of our partners and research institutions and indeed the vaccine manufacturers, it is clear that the evidence strongly supports continued use of the vaccines because the lives we will protect by the use of the vaccines through the prevention of severe disease and deaths will be significantly greater than the rare occurrence of these events or TTS events that have been identified.
At the same time we are also making efforts to strengthen surveillance and monitoring to identify such events and also to educate clinicians on how best to manage them and indeed to educate the vaccine recipients on what signs and symptoms they need to look out for so that they can seek early care to prevent complications from these events happening. So, we are working on many fronts to minimize the impact of these events and prevent them. And as we have more information we will be sharing them including the Philippines.
USEC. IGNACIO: Dr. Rabindra, I’ll read some questions from our media partners. This is from Harlene Delgado of UNTV: The British Medical Journal published an editorial recognizing the airborne spread of SARS-CoV-2 and emphasizing the need to improve indoor air quality through better ventilation. It also noted that aerosol scientists have shown that even talking and breathing are aerosol-generating procedures. What’s the WHO’s take on this? Should the country consider reviewing its policies and now focus its effort in curbing COVID-19 airborne transmission?
DR. ABEYASINGHE: So, we are aware of this and we are looking at these conclusions carefully. We still recognize that this is not a big risk factor; we have to take in the context of relative risk. We continue to emphasize that the aerosols generated whether it’s through talking, coughing or sneezing can be controlled by the wearing of mask and that’s why WHO has been advocating for the wearing of mask to prevent the likelihood of these aerosols landing on surfaces or on other people.
While every precaution needs to be taken, we are also conscious of the fact that unless we have a clear impact analysis of what degree of transmission can be attributed to aerosol, to airborne transmission, our primary focus should on the prevention of transmission through the wearing of the mask and hand hygiene that we have been advocating.
If the—to move to most stringent use of double masking or N95 mask, etc., we need to be conscious that this is relative to the risk posed by airborne transmission that’s why WHO has clearly recommended that where airborne transmission is highly likely specially where medical procedures are happening that we advocate for the use of N95 mask.
But if there is relatively low risk in other circumstances, it does not justify using those precious commodities to minimize that risk to minimum.
So, we continue to emphasize that it is largely aerosol generated transmission and we need to continue to follow what we have been advising. But we are still looking at these new reports and we are studying them.
Thank you.
USEC. IGNACIO: Dr. Rabindra, our next question is form Sam Medenilla from Business Mirror: When is the next batch of COVID-19 vaccine from the COVAX Facility is expected to arrive?
DR. ABEYASINGHE: Unfortunately I cannot confirm dates but we are expecting a consignment within this month. So we believe that we will receive some stock of vaccine within this month and also some vaccines next month. So, we are optimistic that we will continue to deliver on our commitments to the Philippines though the COVAX Facility.
USEC. IGNACIO: His next question is: Has WHO already determined if the new variant of SARS-CoV-2 which was first reported in Cebu more infectious or more fatal compared to the usual kind of COVID-19?
DR. ABEYASINGHE: The so-called “P3 variant” that has been isolated in Japan and Philippines – Yes, we are looking at this carefully and trying to compare with the epidemiological information. The evidence we have seeing, particularly the stabilization of transmission in the Central Visayas and Cebu indicates that this probably does not have that increased transmissibility that was originally thought to be associated with it.
We are looking at the epidemiological information – looking at the number of people affected and the treatment outcomes and this process takes time. And so as regards to severity of disease and indeed even regarding the transmission potential of the P3 variant we are still analyzing the data and so we can’t conclude conclusively about the potential impact of this variant. So it is still listed as a variant of interest rather than a variant of concern.
USEC. IGNACIO: Thank you for joining us this morning, Dr. Rabindra Abeyasinghe of the World Health Organization. Mabuhay po kayo!
DR. ABEYASINGHE: Thank you, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, ay kahapon po ay naitala ng Department of Health ang pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa na umabot na sa mahigit 72,000 recoveries. Dahil dito ay nasa 779,084 na ang lahat ng mga naka-recover mula sa sakit.
10,098 naman po ang mga bagong nahawaan kaya sa kabuuan ay nasa 936,133 na ang lahat ng mga nagka-COVID; 15,960 naman ang total death tally matapos itong magdagdagan nang 150. Dahil sa mataas na bilang ng recovered individuals, bumaba naman sa 141,089 ang active cases noong Sabado ay pumalo sa mahigit 200,000.
98.4% sa mga aktibong kaso ay mild at asymptomatic; 0.5% ang critical; 0.7% ang severe; samantalang 0.43% naman ang moderate cases.
Ang atin pong sama-samang pagsunod sa basic health protocols ay mabisang solusyon sa tumataas na COVID-19 cases. Manatili po tayo sa ating mga tahanan kung hindi naman po kinakailangang lumabas.
Muli po, maging BIDASolusyon sa COVID-19.
Sa kabila po ng mga hamon ng COVID-19 pandemic sa bansa, buhay pa rin ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa ng mga Filipino. Patunay diyan ang community pantries na itinayo sa iba’t-ibang mga lugar at ang nagsimula nito na nasa Maginhawa Street sa Quezon City ay tuloy-tuloy pa rin sa pagtulong.
Ang update doon mula kay Naomi Tiburcio. Naomi?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Naomi Tiburcio.
Usaping agrikultura at kalikasan naman sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Bukod po sa COVID-19 pandemic, isa pang patuloy na kinakaharap ng local hog raisers ay ang epekto ng African Swine Fever sa kanilang kabuhayan. Nagdulot ito ng kakulangan sa supply ng baboy sa merkado na siya pong dahilan naman ng pag-aray ng mga consumers dahil sa mataas na presyo ng bilihin. Kaya naman po ang tugon dito ni Pangulong Duterte at ng Department of Agriculture ay babaan ang taripa ng pork importation, pero ang Senado ay tutol dito.
Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Senate Majority Floor Leader, Senator Juan Miguel Zubiri. Good morning po, Senator.
SENATOR ZUBIRI: Hello! Magandang umaga po, Usec. Rocky. Kumusta po kayo?
USEC. IGNACIO: Mabuti naman po. Senator, paano po ba mas na-aggravate iyong sitwasyon ng mga local hog raiser dahil sa importation ng pork products lalo na’t ibinababa pa iyong taripa dito dahil sa bagong EO?
SENATOR ZUBIRI: Actually, nakakatakot. Kasi itong bagong EO, Usec. Rocky, feeling ko hindi po alam ng ating mahal na Pangulo ang epekto nito sa ating mga magsasaka lalo na sa hog raisers. Ang plano kasi, mag-import na lang po, ibababa po nila ang taripa ng imported pork products, at ang matatamaan po diyan ay ating mga magsasaka.
So ang sanhi po nitong kakulangan ng pork products sa ating merkado, Usec Rocky, ay dahil po sa ASF – iyong African Swine Fever. May pandemya nga po tayo ng COVID; dito naman sa baboy ay may pandemya din po na wala rin pong lunas ‘no, wala pong gamot ito. At ang nangyari, halos kuwarenta porsiyento po ng ating pork products or baboy ay pinatay dahil sa ASF, and almost 40% of the industry ay apektado, almost 60 billion pesos po ang nawala dahil dito sa ASF na ito na matagal na po natin pinakikiusap sa ating DA. Noong March 2019 pa lamang po ay nag-hearing na po kami diyan na nakikiusap po kami sa DA na sana bantayan natin ang mga smuggled o hulihin po natin itong mga smuggled pork products at ang pagpapasok ng produkto galing sa mga bansa na may ASF. Eh parang walang nangyari, Usec. Rocky. Hindi nga nabantayan nang mabuti kaya ang daming pumasok na produkto na mayroon pong ASF-infected products.
Kaya ang nangyari, ginagamit po nila itong pagkain na ito, for example, halimbawa po ang Maling, noong March 2019, pinakikiusap na po namin sa DA na huwag na po silang magpapasok ng luncheon meat galing po sa China dahil mayroon po itong ASF – African Swine Fever. Ang nangyari po, hindi po nila naitigil ang pagpasok nito. Ang sabi nga nila iyong iba smuggled, hindi po nila nabantayan nang maigi. Kaya ang ginawa po ng ating mga kababayan ay pinakain po ito bilang kanin-baboy sa mga babuyan diyan sa Rizal. Diyan po nag-umpisa iyong ASF outbreak. At dahil po diyan, hay naku, halos kuwarenta porsiyento ng ating industriya ngayon ay namatay dahil dito sa ASF na ito. Almost 4.3 million heads of pigs ang pinatay nitong taong 2020 lamang po at a tune of almost 50-60 billion pesos.
Kaya ang ginawa po ng Pangulo, ang naging parang remedyo ng ating gobyerno ay mag-import na lamang. Pero sa tingin ko, ito po ay isang band-aid solution; hindi po ito pangmatagalan na solusyon dahil kung magpa-import po tayo nang magpa-import, ang mamatay po dito ay ang ating mga magsasaka.
Halos 70,000 po farmers, almost. At ilalagay mo na po sa limang tao kada farm na empleyado, almost 350,000 po ang apektado dito. Kung times five (5) pa per family, milyun-milyon po ang apektado dito. Kaya napakalaki pong kawalan itong pagbagsak ng ating industriya ng baboy sa ating bansa. Kaya umaapela po kami kay Presidente na kung puwede ay huwag naman babaan ang taripa ng imported pork, dahil ngayon, sa taripa ng imported pork na 40% ay stable naman po ang ating presyo ng pork. Kailangan talaga nating tingnan ang sanhi ng pagbagsak, ang pagtaas po ng presyo ng pork, ang kakulangan ng local pork industry.
Iyan sana ang tutukan natin, Usec. Rocky. Tulungan natin ang ating mga magsasaka na mabuhay muli, ang tawag natin diyan diyan ay repopulation of the pigs dito sa kanilang mga farms; kailangan natin ma-repopulate ito.
Kaya nananawagan din po kami sa ating mahal na Pangulo na kung puwede mag-declare na po ng isang state of calamity para sa ating mga pork producers para sa ganoon ay mabigyan po sila ng subsidy, ika nga ayuda or maski na pautang na maliit lang pong interest ang hinihingi nila para makabili po muli ng baboy at ma-repopulate ang kanilang mga piggeries at farms – iyong backyard, iyong medium size at small sized piggeries. Kasi talagang walang-wala na po sila, natamaan sila ng ASF, wala po silang ayuda na galing sa gobyerno para mabayaran itong mga baboy na nilibing na po nila, hindi po natin mabenta iyan, hindi po natin makain iyan dahil may ASF iyan, double dead ika nga, hindi puwedeng ibenta itong may sakit na pork products kaya kawawang-kawawa ang ating magsasaka.
Ayaw po nating mawalan po ng pag-asa ang ating magsasaka at tuluy-tuloy na pong mag-import na lamang tayo ng baboy at pork products talagang mamamatay ang industriya. Kaya hindi po natin gustong mangyari iyon, dahil naawa din po tayo sa ating mga magsasaka.
Tingnan po natin ang nangyari sa ating rice industry noong nagkaroon po tayo ng Rice Tariffication Law na puwede na pong mag-import, ang kumita po ang importer, ang lumiit ng kita ang ating mga magsasaka. Kaya kailangan natin hingin po ng tulong galing sa ating Pangulo na kung puwede huwag muna natin ibaba ang taripa nitong imported pork products.
USEC. IGNACIO: Senator, ano na po ang nangyari dito sa joint resolution ng ilang senator para po i-revoke nga iyong EO 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa tingin po ba ninyo ay papakinggan ito ni Pangulong Duterte?
SENATOR ZUBIRI: Sana po, umaasa po kami, dahil iyan din po ang sinabi ni Secretary Harry Roque na nakikinig naman po ang ating Pangulo sa iba’t ibang sektor ng ating bansa lalo na po sa ating mga mambabatas, kaya umaapila po kami sa kanya na sana pakinggan din po ng ating mahal na Pangulo ang side ng ating mga magsasaka at makikita naman po niya na with the existing tariff rates of 40%, ang presyo ng karne ay mababa na rin, katulad nito, ang kasim is P270 per kilo, ang liempo P300 per kilo, ito po ay at 40% tariff rates. Kasi kung bababaan pa po natin iyan ay talagang hindi na po makahabol ang ating mga hog raisers na liliit talaga ang kanilang kita at hindi na po sila mabubuhay niyan at kawawa naman po ang industriya, kawawa din po ang ating mga local farmers.
At alam mo Usec. Rocky, sinasabi kasi ng ating Secretary of Department of Agriculture, Secretary Dar food security ang kanyang number one talagang gustong mangyari para sa ating bansa. Pero ang totoong food security, kung titingnan po ninyo ang Thailand, ang Vietnam, titingnan po ninyo ang Malaysia, Indonesia, ang totoong food security, ang sapat na supply na nanggagaling sa lokal nilang mga magsasaka. Talagang sinusuportahan po nila ang kanilang mga magsasaka na hindi mawalan ng pag-asa, hindi mawala ng produkt0, talagang nagbibigay po sila ng subsidiya sa kanilang fertilizers, nagbibigay po sila ng soft loan. Ang ating mga magsasaka, hirap na hirap maghanap loan, kaya hanggang 5/6 na lang po sila at kapag na 5/6 po sila talagang disgrasya kapag may mangyari po sa kanilang mga inaani.
So ang gusto po naming apila kay Presidente is to reconsider po iyong kanilang pagbaba ng taripang ito. And also, we believe kapag marinig po ng ating Pangulo ang kabilang side nitong isyung ito ay I’m sure po he will reconsider. Dahil malaking dagok po ito para sa ating industriya ng agrikultura at hirap na hirap na po silang bumangon ngayon dahil sa ASF, kailangan po natin silang tulungan.
So hindi po sagot sa isang problema ay importation lamang, dahil ang nangyayari po kapag medyo tumaas na lang ang presyo ng bilihin, import kaagad. Ang problema kung import tayo ng import mawawala at masisira po ang ating agrikultura sa bansa. Kaya ang dami na pong lupang nakatiwangwang, ang dami na pong mga farms na nagsara at nag-collapse kaya nga medyo nagkakaproblema tayo sa insurgency sa countryside, doon sa ating kabundukan, dahil bagsak po ang industriya ng agrikultura.
Kailangan po nating palakasin ang industriya ng agrikultura sa ating bansa. But importation is not the answer to that. Importation will kill our local industries.
USEC. IGNACIO: Opo, senator magkakaroon po ba kayo diyalogo with President Duterte regarding this? Kasi nabanggit naman po ni Secretary Roque na bukas naman po ang Pangulo na pakinggan ang rekomendasyon ng Senado.
SENATOR ZUBIRI: Yes, Usec. Rocky, willing po kami kung bigyan po kami ng pagkakataon ng ating mahal na Pangulo na bumisita sa kanya sa Malacañang or puwede po zoom na lang para ligtas po ang ating mahal na Pangulo sa anumang COVID-19. Puwede naman po kami mag-zoom at ginawa na po namin iyan para sa diskusyon ng Bangsamoro na nagkaroon ng stakeholders meeting. So puwede rin po tayong magkaroon ng stake holders meeting with the President to appeal to the Presidente at hingin po sa kanya ang reconsideration ng kanyang panukala na executive order, dahil hindi lamang pagbaba ng taripa ang gusto po nitong executive order na ito, pati pag-import ng 400,000 metric tons of imported pork, iyon din pong pag-increase ng MAV, Minimum Access Volume.
Last year po, 2020, ang Minimum Access Volume ay 56,000 tons lamang po—56,000 tons ang pinayagan po ng ating gobyerno na makapasok sa ating bansa; ngayon ginawang 400,000 tons.
So talagang unabated importation po ito, walang kontrol na importation ay kawawa naman po ang ating mambababoy at ang ating mga magsasaka na umaasa po na mabebenta po nila ang kanilang mga baboy na backyard or kanilang mga produksiyon sa merkado. Paano po nila mabebenta iyon, dahil kung imported na lahat pagpunta po natin sa merkado, halos lahat ng baboy ay galing po sa Estados Unidos, galing po sa Europa, galing po sa ibang bansa na sila lamang po ang yumayaman, ang magsasaka nitong mga bansang ito. So, kawawang-kawawa po ang ating mga magsasaka.
Sa tingin ko kapag nakita po ng ating Pangulo itong buong picture, ika nga the real picture ay iiba po ang kanyang… siguro plano para sa industriyang ito. And I think that would be the best and willing na willing po kami makipag-negotiate sa ating mahal na Pangulo, makipag-meeting sa kanya at ia-apila po namin itong kanyang executive order.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Senator Juan Miguel Zubiri. Ingat po kayo!
SENATOR ZUBIRI: Ingat din po kayo, Usec. Rocky. Mabuhay po ang ating bansa and may God bless our Filipino people. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Pinayagan na nga ng IATF na bakunahan na rin ang mga nasa A4 priority list o mga tinaguriang economic frontliners at kasabay ng pagpapalawak pa ng vaccination program ng pamahalaan, nanawagan din si Senator Bong Go nang mas maayos pang sistema at dagdagan ang vaccinations sites. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Bukod po sa usaping pangkalusugan, naging mainit na paksa rin nitong nagdaang linggo ang mga isyung pangkalikasan. Nandiyan po ang muling paglalagay ng dolomite sa Manila Bay at ang pag-lift ni Pangulong Rodrigo Duterte sa siyam na taong moratorium sa pagbibigay ng bagong mining agreement sa bansa. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si DENR Undersecretary Jonas Leonos para sa detalye.
Magandang araw po, Usec.
DENR USEC. LEONES: Magandang araw, Usec. Rocky at sa ating mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Usec., ano po iyong naging basehan ni Pangulong Duterte dito po sa pag-lift ng moratorium sa mining agreement? Isa po ba ang iyong DENR sa nagtulak sa Pangulo na muling buksan ang isyung ito?
DENR USEC. LEONES: Tama ka doon, Usec. Rocky. Hindi ito overnight discussion, in fact we have several discussions with different agencies, with the DOF and NEDA. Itong ban natin sa mining nagsimula ito during the time of President Aquino. Nine years na ito, nakita natin na puwede nating tingnan ay iyong ating mining sector so that we can undertake economic recovery. So ito iyong nakikita na imbes na tayo, maaari naman nating gamitin ang ating natural resources to come up or generate the necessary income for our economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko na lamang iyong tanong po ng ilang kasamahan natin sa media. May tanong po ang Daily Tribune news desk: Following President Duterte’s EO 130, what are the notable mining deals that could bring in additional revenues and by how much?
DENR USEC. LEONES: Mayroong [garbled] priority ng MGB mayroon tayong 100 na mining projects [garbled] na ma-implement natin itong mga projects ng mga mining projects na ito, it can generate a total of 21 billion para sa purse ng pamahalaan natin.
So, ang ginagawa natin dito, doon pa lang sa excise tax na makukuha natin out of these investment [garbled] for annual para sa royalty tax na makukuha natin sa mining. Although hindi kaagad natin mararamdaman kasi [garbled] period kasi itong mga mining operations natin but one to five years makikita na natin iyong epekto noong makukuha nating income dito.
But I just want to emphasize to our mga kababayan na hindi lang talaga naman pag-extract lang ito, laging nating susundin pa rin iyong environmental compliance dito para masiguro natin na balanced iyong economic aspect at saka iyong environmental aspect natin dito.
Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Sunod po nilang tanong: Environmental groups and other concerned citizens have been urging the Administration to reconsider the lifting of the mining moratorium. Will you heed their call?
DENR USEC. LEONES: Ngayon, hindi natin pinagtutuunan ng pansin iyong ganiyan dahil ang kailangan natin kasi marami tayong mga problema ngayon sa ating bansa na kailangan natin ng pagkukuhanan ng pondo at ito iyong nakita natin na talagang isa sa mga paraan para tayo ay makaahon nang kaunti para naman magamit natin iyong mga pondong makukuha natin para din sa mga like for example sa COVID-19 activities, sa pag-address sa pandemic, pagbibigay ng mga ayuda sa ating mamamayan. So, ito iyong isa sa mga paraan natin na ginagawa para ma-resolve natin ang mga problema natin sa pinansiyal.
USEC. IGNACIO: Usec., tanong naman po ni Maki Pulido ng GMA News: Kung part po ito ng EO 130 iyong sa 79 EO was an order daw po to review if mining companies are complying with environmental standards and if they are paying enough taxes to the government. What has happened to this review?
DENR USEC. LEONES: Tama iyan, siguro ang gustong itanong ni Maki kung anong nangyari doon sa assessment, sa audit na ginawa natin. Just to backtrack, ito ay nagsimula doon noong panahon ni dating Secretary Gina Lopez when she suspended all the mining operations. And during that time, nagkaroon ng audit sa lahat ng mga mining companies natin. We reviewed, we look into their not only the requirement to pay the necessary fees and taxes but also their compliance with our environmental rules and regulations.
So, ang ginawa natin diyan during the time of Secretary Cimatu, pinadali na natin iyan, in-assess natin doon sa mga companies na talagang kita natin na they cannot comply with our environmental standards at talagang masama ang kanilang performance at [garbled]. But for those companies that we determine that they can comply our standards and they are responsible and they are complying with their obligations, so, ito iyong pinatuloy natin. So, ngayon, may thirteen na kaming pinayagan na mag-operate doon sa dati and then may mga two or three companies na nai-recommend namin for termination.
Pero ito sa mining natin ngayon kung magkaroon man tayo ng mga bagong mining projects, we will make sure that they will comply with our environmental rules and regulations. Kung hindi maka-comply at makikita natin na wala silang kapasidad na mag-comply then we will not be allowing them to undertake mining operations.
USEC. IGNACIO: Ang sunod po niyang tanong: Advocacy group Bantay Kita said that mining companies are not paying enough so the Philippine Government is actually losing billions of pesos in revenue. Mining communities are also not benefiting as they should be.
DENR USEC. LEONES: Sa ngayon, [garbled] itong mga polisiya [garbled] ay magkaroon ng additional revenues na mga royal tax. In fact, [garbled] law 4%. Ito ang naging basehan ng ating Pangulo para i-lift na iyong lifting ng moratorium.
So, iyon ang titingnan natin. Sa policy kasi, sa policy natin, iyon lang ang required na kailangang bayaran, mga excise tax and sa tingin ko hindi lang dapat nakatuon, Usec. Rocky, iyong mga benefits din, mga advantages ng mining operations makikita rin natin ang impact sa [garbled] talagang tumataas din iyong kalidad ng buhay doon sa local level.
But sa national level siguro, iyon ang tinitingnan natin sa mga polisiya natin kung [inaudible].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec.? Nawala sa linya. Usec., nagcho-choppy ka lang po. Usec.?
DENR USEC. LEONES: Hello? Hello, Usec.? Doon sa—
USEC. IGNACIO: Go ahead po.
DENR USEC. LEONES: Iyong sinasabi diyan na maaaring sa policy natin kailangang i-adjust iyan, Usec. Rocky. So, ang sinasabi natin diyan maaaring sa national level hindi pa natin ramdam iyan, but in the local level, sa mga munisipyo, may mga impact iyan dahil hindi lang naman royalty, hindi lamang mga excise tax ang nakukuha natin diyan but companies in the mining projects natin that also contribute to the improvement ng quality of life in the level.
USEC. IGNACIO: Usec., nag-choppy kayo kanina. May follow-up lang si Jo Montemayor: Saan pong mga lugar magaganap ang mga mining na ito? Tama po ba na over 100 ang new mining agreements? Nag-choppy po kasi kayo sa bahaging iyan, Usec.
DENR USEC. LEONES: Mayroon kaming pipeline mining projects na [garbled] project but dalawang phases ho, Usec. Rocky. Iyong phase 1 natin mga 35 mining projects and then the rest, 65 ‘no. So, ito iyong tinitingnan natin. We are now in the process of evaluating iyong mga naka-pipeline projects natin.
In fact, mayroon na tayong isang big ticket na project, iyong Silangan Mining sa Surigao will have a funding requirement of $700 billion. So, ito iyong tinitingnan natin. So, phase natin, 35 projects ang ipu-push through natin; iyong another 65 siguro sa phase 2 natin iyan mai-implement/maia-allow.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonas Leones ng DENR.
DENR USEC. LEONES: Salamat, Usec. Rocky at sa iyong mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.
Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)