USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mga balita’t impormasyon kaugnay sa COVID-19 at issue ng iba’t ibang sektor ang muli po nating tatalakayin kasama pa rin ang mga kawani ng pamahalaan handang sumagot sa tanong ng bayan.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio – simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Assistant Secretary Rosalinda Bautista at Regional Director Cynthia Perdiz ng Philippines Statistics Authority; Department of Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan; at Executive Director Engineer Noel Binag mula po sa Department of Labor and Employment.
Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Asahan po iyong tuluy-tuloy na pagbabakuna kontra COVID-19 partikular na dito sa NCR Plus kung saan mataas pa rin po ang bilang ng mga tinatamaan ng naturang virus, ito po ay dahil sa pagdating ng mga karagdagang supply ng COVID-19 vaccines kabilang na po iyong 500,000 doses ng CoronaVac na binili ng pamahalaan at naipadala na sa bansa kahapon. Narito ang report ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ang testing capacity kontra COVID-19 para po makatulong sa pagpapababa ng positivity rate partikular dito sa NCR Plus. Maliban sa RT-PCR test, gumagamit na rin po ng antigen test kits sa Metro Manila at mga kalapit lugar para mapabilis ang isolation sa mga posibleng tinamaan ng virus. Ang report mula kay Mark Fetalco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Sa gitna po nang naitatalang mataas na kaso ng COVID-19, puspusan ang pagtatayo ng mga karagdagang modular hospitals upang mas marami pa nating kababayan ang matulungang gumaling sa COVID-19. Bilang Chairman of the Senate Committee on Health and Demography, pinuri ni Senator Bong Go ang inisyatibong ito ng pamahalaan. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nakapagparehistro na po ba kayo sa ating National ID System? Sa gitna po ng COVID-19 pandemic tuluy-tuloy po ang pamahalaan sa pagsasakatuparan niyan, pero paano tinitiyak ng Philippine Statistics Authority ang kaligtasan ng lahat habang isinasagawa ito? Para pag-usapan iyan, makakasama natin sa programa sina Assistant Secretary Rosalinda Bautista at Cynthia Perdiz po ng PSA Bicol Regional Director. Magandang umaga po sa inyo.
PSA RD PERDIZ: Good morning, Usec. Rocky.
PSA ASEC. BAUTISTA: Magandang umaga naman Usec. Rocky and RD Cynthia.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kaugnay po sa ating National ID System, ilan po sa ating mga kababayan na po so far ang nakapag-register na at kumusta na rin po iyong rollout nito?
PSA ASEC. BAUTISTA: Usec. Rocky, ako ang sasagot niyan ano. Sa buong Pilipinas dinivide kasi namin iyong pagpaparehistro sa tatlong steps.
- Step 1 ito iyong mayroong nagbabahay-bahay, kinukolekta iyong demographic information tapos bibigyan sila ng schedule kung kailan sila pupunta sa registration center para kuhanan ng biometric information.
- So iyong Step 2 naman ay iyon ‘yung pupunta na sila sa registration center at kukunin iyong biometric information.
- Pagdating naman ng Step 3, ito iyong aantayin na nila iyong kanilang ID kasi na-generate-an na sila ng tinatawag namin na PhilSys number.
So iyong Step 1, inumpisahan namin ‘to October last year at from October to December nakapagpalista na kami ng 10.6 million; January to March this nagtuluy-tuloy kami pero this time covering all provinces na and we were able to list 17.4 million. Noong last year na 10.6 lang iyong aming nailista, ito ay nasa 32 provinces lang.
So, dito sa April, tuluy-tuloy pa rin naming ginagawa ang paglilista pero dahil magbubukas na kami soon noong aming online portal, ang priority na namin nitong April ay iyong mga mahina ang internet connectivity o walang internet connectivity.
Okay. Pagdating naman sa Step 2, kasi ito iyong talagang mayroon kami – pupunta sila sa registration center at palapit na sila, na eventually pagkatapos ng Step 2, hihintayin na lang nila iyong kanilang ID – nakapagtala na kami ng 4.6 million as of April 20. So, iyon na iyong aming narehistro at ito ay nagsimula kami ng slow but gradual since January 8 pero naka-schedule kami na mag-ramp up itong end of March at starting April kaya lang inabutan naman kami, sumabay sa amin ang COVID-19 kaya medyo malaki iyong challenge sa amin ngayon.
USEC. IGNACIO: ASec. Rose, ilan po ba iyong target natin na maparehistro dito at paano po kayo nakikipagtulungan sa ating mga lokal na pamahalaan para po sa pag-rollout nitong registration, lalo nga katulad po ng sinabi ninyo, na kasabay pa ito ng kampanya din ng LGU para po labanan ang COVID-19 at kasabay din po ng pagpapabakuna sa ating mga mamamayan?
ASEC. BAUTISTA: Actually, ang target namin for 2021 ay maparehistro ang 70 million, medyo katunog noong sa vaccine ano, pero talagang iyon ang aming target for 2021 since up to December mayroon kaming additional procurement noong aming mga registration machines or registration kits na ginagamit para maabot namin iyong 70 million.
Nag-employ din kami ng various strategies para kahit na may pandemic siyempre compliant kami. Kapag sinabi ng local government na close ito, mayroong temporary closure sa aming mga registration centers, we have to abide because ang aming mga registration centers ay coordinated with the local government units and that we conform to whatever orders that are imposed by the local IATF.
USEC. IGNACIO: ASec., tanong ko na lang po iyong pahabol muna sa inyo ni Joseph Morong: Kung mayroon daw pong joblessness figure ang PSA? And from the period ilan po iyong nawalan noong work from start noong COVID last year to present and ang current ECQ and MECQ period?
ASEC. BAUTISTA: Sir Joseph, wala na ako ngayon sa statistics kaya iyong last na employment statistics namin—kasi iyong labor force statistics namin ngayon ay kinu-conduct on a monthly basis. So, dati-rati by quarter noong last year pero alam mo naman na tumaas, nag-double digit figure tayo noong nagsimula ang pandemic since last year.
At iyong latest ngayon na nailabas ay for the month of March lang na monthly unemployment rate. Itong April na labor force ongoing pa lang namin ngayong period na ito, iyong for the whole month of April. Pero it’s a very significant number compared to previous years without the COVID.
USEC. IGNACIO: So, ano po iyong figure nitong March, ASec.?
ASEC. BAUTISTA: Puwede po ba, Ma’am, kukuhanin ko lang po iyong aking – para sigurado po tayo doon sa ating official statistics – si Ma’am Cynthia po muna ang ating tanungin. Kukuhanin ko lang po iyong figure.
USEC. IGNACIO: For regional director, Ma’am Cynthia, ayon po kay Albay Representative Joey Salceda, dapat na ihinto muna iyong isinasagawang door-to-door data collection para po sa National ID matapos na maiulat na nagpositibo daw po diumano ang isang data enumerator kaya kinakailangang i-quarantine po iyong ilang mga nakasalamuha nitong mga residente. Nakumpirma ninyo po ba ito at susunod po ba kayo sa request ng ating mambabatas?
PSA DIR. PERDIZ: Good morning, Usec. Rocky and sa lahat ng nanunood sa inyong magandang programa.
So, we want to correct ano po iyong news na iyon because actually ang reported pong nag-positive ay hindi po enumerator but iyon pong registration kit operator ng ating National ID System. So, kumbaga naka-assign siya sa isang center doon sa bayan sa Polangui and then siya iyong nagpositibo dahil nga asymptomatic at nagkataon lang na magpapa-opera siya sa colonoscopy sa Legazpi, kaya siya na-test at confirmed sa swab test.
Hindi po data collector ang nag-positive, and so far po walang nag-report sa atin na may ganoong case. Insofar siyempre, sa contact tracing po dahil nag-positive siya, maganda naman po iyong ating documentation dahil po lahat ng registrants na pumupunta sa registration eh pinapa-fill out po ng ating health survey card and then naka-logbook po and iyon po siguro ang nakuhang number sa contact tracing para maisagawa rin iyong kanilang swab testing. Pero hindi po data collector, isa pang registration kit operator doon po sa isang registration center sa Polangui.
USEC. IGNACIO: Kasi nga po may request nga po si Congressman Salceda ano po. Kayo po ba ay susunod doon sa request ng ating mambabatas?
PSA DIR. PERDIZ: Iyong doon po sa request ni Congressman Salceda, ipinaabot po natin iyon sa ating national statistician and dahil po na-mention ni DNS Rose na kailangan pong mag-abide kami kung anuman po iyong mas nakakabuti, iyong sa tingin ng ating local authorities, especially the local IATF, kung ano po sa tingin nila ang mas nakabubuti sa karamihan then we will abide, we follow.
So, as of September 17, nag-close po tayo sa Legazpi dahil po nai-report ninyo po iyong nag-positive na iyon and then nang sumulat po si Congressman Salceda automatic po on the day na ipinasara po natin iyong lahat ng registration centers sa Distrito Dos ng Albay including iyong Polangui po. So, iyon po iyong naging aksiyon ng office and at the same time siyempre kailangan naming maging mas maano pa doon sa ating operations para ma-ensure na we are following the local health protocols po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Director Cynthia. Balikan ko po muna si Assistant Secretary Rose tungkol sa tanong ni Joseph Morong. Ma’am?
ASEC. BAUTISTA: Thank you, Usec. Rocky. Para sa iyong katanungan, ang lumabas na unemployment rate noong February, for the month of February which we released last March 30 ay 8.8% na unemployment rate. Ito ay equivalent to 4.2 million persons without job.
USEC. IGNACIO: Sa gitna pa rin po ng pinagdadaanan natin sa COVID-19, sa tingin po ninyo kailan pa po masisimulan itong printing phase para po sa ating National ID?
ASEC. BAUTISTA: Actually, Usec. Rocky, nasa commissioning period na kami ngayon, nasa commissioning phase, iyon ang tawag namin, and next month we will be doing what we call the ramp up whereby ang production capacity ng Bangko Sentral ay kumbaga sasagarin na namin at 106,000 cards per day. So expect that by May, we will be doing the full production of cards kasi mayroon na kaming nakaabang na at least four million na ready for processing and card production.
USEC. IGNACIO: Sa mga nagbahay-bahay naman, ASec., at nagpapanggap diumano na data collector. Mayroon po bang ganito… sabi mula daw po sila sa PSA sa ilang mga lugar. Ito po ba daw ay pinaimbestigahan na ninyo at ano po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan para po masigurong hindi po sila maiisahan ng ganitong klaseng modus?
PSA ASEC. BAUTISTA: Pagdating po ng mga operations ng PSA maging ito ay statistical or related sa PhilSys ay lagi po naming ka-coordinate ang ating mga barangay officials. Kaya alam po ng ating mga barangay official kapag may mga ongoing activities sa lugar. Usually ho sila iyong magri-report sa amin mayroong ganitong nag-iikot na mga nagpapanggap.
So kapag ganoon po ang nangyayari binibilinan po namin iyong aming mga local officials na sabihan iyong mga tao within the area at kung makita nila itong mga nagpapanggap ay kumbaga pigilan sila sa kanilang mga ginagawa o niri-report po namin.
Pero para po makilala ng mga kababayan natin iyong mga nagpapanggap, para po sa national ID na mga na mga nagbabahay-bahay, kasi mayroon pa po kaming ongoing ngayon hanggang end of April. At karamihan po nito ay nasa lugar, hindi urban areas, nandoon sila sa mga lugar na low o walang internet connectivity. So doon po sila, may mga dala po silang ID, mayroon silang dalang tablet, na wala pong hawak-hawak po silang actually na mga papel kasi ang tatanungin nila ay iyong information regarding doon sa kakailanganin mo para sa national ID.
So, kukuhanan po sila ng picture na hawak-hawak nila iyong supporting documents para ipakita na they conform to the policy, to the data privacy policy.
So tatanungin sila, sampung items lang iyong tinatanong sa kanila:
- pangalan
- date of birth
- place of birth
- gender
- marital status, pero optional po ito
- whether Filipino or resident alien,
- permanent at saka present address
- mobile number and cellphone number.
Iyon pong permanent address ay napakaimportante na maibigay kasi po doon ide-deliver iyong kanilang national ID kapag po na-process na.
So ipaalam lang po sa amin, i-tweet, ilagay sa Facebook kung may mga taong nagpapanggap.
Pero nangyayari po talaga iyan na may mga nagpapanggap, iyon pala naman ang tatanungin sa iyo ay mag-o-offer sa iyo ng bagay na bibilhin mo, doon na rin nila malalaman na hindi naman talaga taga-PSA. Mag-ingat po ang ating mga kababayan sa mga ganoon.
USEC. IGNACIO: ASec., huli na lang po paalala lamang sa mga kababayan natin na hindi pa nakakapagparehistro sa ating national ID. Ano po ba ang mga kailangan at dapat nilang gawin para po makapagparehistro na?
PSA ASEC. BAUTISTA: Para po doon sa hindi namin mapupuntahan itong April, kasi hanggang April po iyong aming pagbabahay-bahay. Magbubukas na po kami this coming May, watch out po for the online portal ng Step one registration.
Doon po sa Step one registration, magpi-fill up sila noong mga items, iyong sampung items na binanggit ko kanina at mag-i-schedule sila, pipiliin nila kung kailan sila available na pumunta sa registration center at anong petsa at saang lugar, para ho bang similar doon sa pagpapa-schedule ng pag-apply for passport. Tapos po kapag pumunta sila doon kailangan dala nila iyong supporting documents.
So ano ba iyong mga supporting documents, ang ipapayo ko po ay gamitin nila iyong tinatawag namin na primary documents kagaya po ng electronic passport, UMID ID, driver’s license or birth certificate plus a government issued ID kung mayroon po sila noon. Pero kung wala sila noong apat na iyon, puwede rin silang magdala ng iba pang ID na mayroon sila kagaya ng senior citizens ID, voters ID, PWD ID at saka iba pa pong ID na ginagamit nila, puwede pa rin po iyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa ibinahagi ninyong oras sa amin, Assistant Secretary Rosalinda Bautista at Regional Director Cynthia Perdiz ng Philippine Statistic Authority. Ingat po kayo!
PSA ASEC. BAUTISTA: Maraming-maraming salamat at ingat din.
USEC. IGNACIO: Samantala, Health Secretary Francisco Duque III nagpabakuna na kontra-COVID-19 gamit ang bakuna ng Sinovac. Ang karagdagang detalye niyan ihahatid ni Cleizl Pardilla:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat Cleizl Pardilla. Ingat Cleizl!
Samantala, nanatiling stable ang credit rating ng Pilipinas sa BBB+ rating ayon sa credit rating company ng Japan na Rating and Investment Information Incorporated. Ayon sa R&I inaasahang makaka-recover ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng agresibong public investment. Malaki rin ang tulong sa ekonomiya ng mga reporma ng pamahalaan sa pagbubuwis at iba pang regulatory reform.
Sinusukat ng isang credit rating ang abilidad ng isang bansa na magbayad ng mga utang. Sa pamamagitan ng mataas na credit rating, inaasahan ang pagpasok ng investment sa bansa na makakatulong sa pagbuo ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na sa pamamagitan ng pagbagal ng inflations, stable banking system at mabilis na pagsulong ng financial digitalization, maaaring magtuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Isa po sa mga proyektong tinututukan ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagsasaayos sa sistema ng transportasyon sa bansa. Sakaling matapos ang railway projects, malaking kaginhawaan ito sa mga commuters sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Ano nga ba ang estado ng mga ginagawang construction? Alamin po natin iyan mula kay DOTr Undersecretary for Railways, Undersecretary Timothy John Batan. Good morning po, welcome po sa Laging Handa.
DOTR USEC. BATAN: Yes. Good morning po and to all of our watchers po and listeners this morning.
USEC. IGNACIO: Usec., nabanggit po na ang investment na ibinigay ng kasalukuyang administrasyon sa sektor po ng riles ay higit na malaki kahit na pagsama-samahin pa daw po ang railway sector investment na naibigay sa nakaraang limampung taon. Maaari ninyo po bang ipaliwanag at ilan po iyong kasalukuyang railway contracts ng DOTr?
DOTR USEC. BATAN: Tama po iyan, Usec. Rocky. Una po sa lahat para po makita natin iyong laki noong investment po na isinasagawa ng pamahalaang Duterte sa ilalim po ng Build, Build, Build ay tingnan po natin kung ano po iyong mayroon tayo noong 2016. Noong 2016 po noong 2016 po ay mayroon lamang tayong 77 kilometers na operating po na mga linya, sa buong bansa na po iyan at nandiyan po ang katumbas na 61 stations at 234 na mga tren.
By 2022 po ay magkakaroon tayo nang aprubado, may pondo, may contractor at ongoing construction at ang ilan po ay partially operable na na aabot po ng 1,200 kilometers po na mga railway projects throughout the country, 168 po na mga stations at higit 1,300 pong mga bagon. So iyan po iyong bilang noon pong ating mga proyekto.
Ngayon po, hindi lang po iyan drawing dahil po pati ang pondo ay nandiyan na po. Kung maipapakita po natin iyong slide 10, makikita po natin na mula po sa 515 million po na mga proyekto noong 2016 ay makikita po natin na sa kasalukuyan ay mayroon po tayong 1.7 trillion po na mga proyekto at iyan po ay may pondo na galing po sa iba’t iba nating mga development partners. So ang pinakamalaki po diyan ay iyong galing sa Japan International Cooperation Agency na mga nasa 48% po, nandiyan ang Asian Development Bank na mayroon pong 27% at nandiyan din po ang China na may 18% at ang mga public-private partnerships natin na may 6%.
Ngayon mayroon po tayong aprubadong proyekto, mayroon po tayong pondo ngunit kung wala po tayong mga contractor ay wala din pong magtatayo nitong mga proyektong ito. Kung kaya po kung titingnan po natin iyong slide 15, noon pong July 2016 ay mayroon lang po tayong siyam na contracts under the railway sector, siyam lang po. Nagtapos po tayo ng 2020, so as of December 2020 po ay mayroon na po tayong 34 na railway contracts. So iyong apat na taon po mula noong July 2016 hangga’t nito pong December 2020 ay naiangat po natin nang more than 3 times ang bilang po ng ating mga aktibong kontrata sa sektor ng riles.
At iyan po, bawat kontrata po ay naghahalaga ng abot sa 16 billion pesos at makikita po natin diyan kung gaano po talaga ang ating catch up, gaano po kalaki ang ating investment ay tinutuon po dito sa sektor. At iyan po ay aakyat pa nang higit po sa 60 na mga kontrata po sa katapusan po ng termino ni Pangulong Duterte.
Ngayon po baka naitatanong bakit po ganito kalaki ang ating investment dito po sa ating mga railway projects. Siguro po kung makikita natin sa slide 26, kita po natin na ang talaga pong problema natin sa congestion, ang problema po natin sa traffic sa ating mga kalye ay masusolusyunan lamang po ng isang high capacity mass public transport system. Halimbawa po iyong ating North-South Commuter Railway Project kasama po ang PNR at pati po ang ating Metro Manila Subway ay sa kauna-unahan pong pagkakataon ay makakakita po tayo ng isang train set na walo po ang bagon.
Sa kasalukuyan po ang pinakamarami natin ay apat na bagon lamang at iyan po ay makikita natin sa LRT 1 at sa LRT 2, ngunit ito pong ating subway at NCR project ay magkakaroon po ng walong mga bagon. Ano pong ibig sabihin niyan? Ibig sabihin po, bawat isang train set ay makakapagtanggal nang hanggang 1,300 po – higit sa 1,300 na mga sasakyan mula po sa ating mga kalsada. At iyan po ay bawat isang tren at mayroon pong tren na darating bawat lima hanggang sampung minuto sa atin pong mga istasyon.
So iyan po iyong estado ng ating investment po sa rail sector. At bakit po natin isinasagawa iyan? Siguro po kung titingnan natin sa slide 2, noon po kasing 2017 nakita po natin na iyong nawawala po sa ating ekonomiya dahil po dito sa traffic congestion dito po sa ating greater capital region, iyan po ang Metro Manila, ang Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite ay abot po or higit po sa 1.2 trillion po – 1.2 trillion pesos kada taon. So iyan po ay may katumbas na 7% ng GDP natin noon pong 2019, iyan po ay 2 times more ng lahat po ng foreign direct investment na pumasok sa bansa noong taong iyon at 10% po ng ating stock market.
Pero siguro po ang magandang ipakita po dito ay kung ano po ang sana iyong napaggamitan natin na mga social welfare services kung hindi po nawala iyang amount po na iyan, iyang economic activity po na iyan sa ating bansa dahil sa traffic. Iyan po ay sapat para po magpatayo nang higit sa isang milyong public school classrooms, higit po sa dalawanlibong provincial hospitals na nakikita po natin ngayong panahon ng pandemya ay napakahalaga at higit po sa apat na milyong ektarya ng agricultural lands.
So dahil po dito ay talaga po tayo ay nag-i-invest sa ilalim po ng Build, Build, Build. Kung maipakita lang po natin ulit sa slide 21, talaga pong malaki po ang ating iginugol na investment po sa ilalim po ng liderato ni Secretary Tugade dahil po ang pangako po ni Pangulo ay ang magdala ng isang komportableng pamumuhay po sa bawat Pilipino at isa po doon sa pinakamalaking dahilan nang uncomfortable life po natin ay ito pong dulot ng trapiko, dulot po ng congestion at beyond that po iyong nakita nga natin kanina, napakadami na po nating nawawala sa ekonomiya dahil po dito sa problema natin sa trapiko.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kakayanin bang matapos daw po ang construction ng mga ito na nabanggit ninyo bago daw po matapos ang termino ni Pangulong Duterte at ano daw pong strategy iyong ginagawa ng DOTr para po mabilis na maisakatuparan ang mga proyektong pangriles?
DOTR USEC. BATAN: Opo, Usec. Rocky. Iyon pong ating kasalukuyang mga proyekto, ito po ay ang pinakamadaming proyekto po, pinakamalaki pong programa sa sektor ng riles na nakita po in history po actually ng ating bansa. Mayroon po tayong tatlong proyekto pong matatapos ngayong taon – nandiyan po iyong LRT 2 East Extension na atin pong i-inaugurate nitong Hunyo; matatapos po iyong Common Station na siguro po narinig natin na 2007 pa po iyan; at matatapos [garbled] hong ating MRT 3.
Ngayon po napakahalaga niyang MRT 3 Rehabilitation Project na iyan dahil po kung aalalahanin po natin, napakadami pong naging aberya noon pong mga nakaraang taon sa MRT 3. At siguro po para maintindihan natin iyan, noon pong 2012, noon pong Agosto ng 2012 ay kinaya pong magkarga ng MRT 3 nang higit sa 600,000 katao kada araw. Unfortunately po dahil po sa maintenance practices nito pong mga nakaraang taon, iyan po ay bumaba sa 300,000 kada araw noon pong 2016 to 2018. So nangalahati po halos ang kayang ikarga ng MRT 3 dahil po sa aberya dahil po sa nasira siya.
Ngayon po ang atin pong ginawa sa pamumuno po ni Secretary Tugade at kasama po ng ating mga partners po sa Japan, ang Japan International Cooperation Agency, ay tayo po ay nagsagawa nang isang malawakang rehabilitasyon ng MRT 3 at iyan po ay matatapos by December of this year. Ano pong ibig sabihin niyan? Iyon pong dating bumaba nang hanggang anim na tren lang po na tumatakbo kada araw ay maibabalik po natin sa 20 to 22 na mga tren kada araw. Ahead of schedule po tayo diyan dahil sa naisagawa na po natin iyan noong Disyembre last year.
Iyon pong takbo ng tren na bumaba po sa 25 kilometers per hour dahil po nasira iyong ating mga riles, naging baku-bako, ay ibabalik po natin sa 60 kilometer pero hour, again, ahead of schedule po, tapos by December of 2020.
At iyon pong tinatawag nating na headway o iyong paghihintay po sa pagitan ng dalawang tren, iyong pagdating po ng susunod na tren, dati po ay umaabot na iyan ng sampung minuto. Ngayon po ay naibaba po natin iyan sa apat na minuto at maibababa pa po natin iyan sa three and a half minutes po at the end of this year.
So, iyan pong tatlong proyekto na iyan ay matatapos po nitong taon na ito pero next year po ay makikita po natin iyong karagdagang mga proyekto na matatapos tulad po ng MRT 7.
Iyong MRT 7 po natin sa Commonwealth, iyan po ay isinumite sa DOTC pa po noon ng taong 2001. Napirmahan po ang kontrata ng taong 2008 at sa wakas po nung pumasok po itong administrasyong ito ay naumpisahan na po ang construction at matatapos na po next year.
Nandiyan din po ang LRT 1 – Cavite Extension natin. Ang LRT 1 – Cavite Extension po ay una pong naaprubahan ng ating Investment Coordination Committee ng NEDA noon pong Agosto ng 2000. Ang una pong budget para po sa right of way acquisition ay naibigay po noong 2007. So again, finally po ay umuusad na at matatapos na po sa mga susunod na taon ang LRT 1 – Cavite Extension sa ilalim po ng Build, Build, Build.
At siyempre nandiyan po iyong ating kauna-unahang Subway Project na nakita nga po natin na nagdadatingan na iyong ating naglalakihang tunnel boring machine na gagamitin po natin para doon sa ating mga underground tunnels para po sa subway.
At siyempre, nandiyan po iyong napakalaki nating proyekto, ang North–South Commuter Rail na magkukonekta po sa Clark International Airport papunta po sa Calamba. Ano po iyan, 148 kilometers, tatlong rehiyon po ang ikukonekta niya – ang Central Luzon, ang NCR at ang CALABARZON. Mayroon po tayong 35 stations at mayroon po tayong 22 local government units na dadaanan. Iyan po ay fully elevated, mayroon po tayo diyang airport express train at ongoing na po ang construction doon po sa Phase 1; iyong Phase 2 po natin nai-award na po natin lahat ng kontrata, nagmu-mobilize na po ang ating mga contractor; at iyon namang pong sa Calamba natin ay malapit na rin po tayong mag-award.
So, ilan po ito doon sa mga malaki po ito doon sa malaki nating proyekto pero tingnan po natin sa labas ng Kamaynilaan dahil po dati, iyong investment po natin sa railway sector nasa Kamaynilaan lang kaya po ang LRT 1, LRT2, and MRT 3, nasa Kamaynilaan lang po. Pero ngayon makikita natin kasama po itong North-South Commuter Rail, kasama po natin ang PNR, sila General Manager Jun Magno, nag-uumpisa na po tayong lumabas sa Kamaynilaan at maglagay po ng investment, ng railway infrastructure sa Central Luzon, Sa CALABARZON, nandiyan po ang Subic Clark Rail Project kasama po ang BCDA at siyempre po ang ating Mindanao Railway Project na ang atin pong Phase 1 ay mag-uumpisa po sa Davao at iikot po sa kabuuan ng Mindanao eventually.
So, iyan po Usec. Rocky, ang ilan po sa mga updates natin sa ating napakalaki po talagang railway projects ngayon po na naumpisahan po ng ating mahal na Pangulo sa ilalim ng Build, Build, Build program sa pamumuno po ni Secretary Tugade.
USEC. IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Is it possible to open the subway in Quezon City before President Duterte steps down next year?
DOTR USEC. BATAN: Ito pong subway natin, ang target po natin na within this term po ay makapagbukas po ng iba sa ating mga critical facilities. So, nandiyan po iyong Philippine Railway Institute na siya pong gagamitin natin bilang training center para po sa lahat ng ating mga railway lines; nandiyan po iyong East Valenzuela Station at nandiyan po iyong depot ng Metro Manila Subway Project.
Si Secretary Tugade po kasi ay nag-umpisa nitong tinatawag natin na partial operations na ang ibig pong sabihin, kung mayroon na pong mga pasilidad, kung mayroon na pong mga segment ng isang proyekto na natapos – dahil po ang lalaki po ng proyekto at minsan po mayroon po talagang nauunang mga segments – ay puwede na po nating buksan iyan para po magamit. So, iyan po ang status po ng ating subway project.
USEC. IGNACIO: Mula po kay Karen Villanda ng PTV: Tumaas na daw po ang bilang ng mga nakaka-recover sa COVID-19 sa mga tauhan po ng railway sector. Ano na po ang update at kailan po magbabalik ang normal na operasyon ng mga tren?
DOTR USEC. BATAN: Tama po iyan. Tayo po ay nagpapasalamat po na tumataas po iyong bilang ng ating mga nakaka-recover dito nga po sa ating railway sector. Kasi po ang nangyari diyan, noon pong mag-umpisa itong kasalukuyan nating pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID, si Secretary Tugade po ay nag-utos na magkaroon po isang mass testing na tinatawag para po sa lahat ng ating mga empleyado sa railway sector.
Ang layunin po niyan ay para po maibsan ang pagiging transmission vector or may mahawa doon po sa ating mga sistema ng riles. So, dahil po diyan sa mass testing, kung maaalala ninyo po noong Holy Week, tayo po ay nag-reduce ng capacity. Nagbaba po tayo ng bilang ng tumatakbong tren dahil po nabawasan po tayo ng mga kawani na kaya pong magtrabaho dahil nga po either nag-positive po sila or nagpa-test at hinihintay po iyong resulta.
So ngayon po, masaya nga tayo na unti-unti na pong bumabalik tayo doon sa ating usual po na operations. Halimbawa po ang MRT 3, nagbaba po tayo sa 12 tren noon pong week after Holy Week at kasalukuyan po, tayo ay tumatakbo na ng 17 to 18 po na mga tren. So unti-unti po, again, unfortunate po na mayroon po talagang mga nagpa-positive pero dahil po dito sa mass testing na isinagawa po natin ayon sa utos ni Secretary Tugade ay naibsan po natin iyong risk na maging transmission vectors po ang ating mga linya.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Timothy John Batan ng Department of Transportation. Ingat po kayo, Usec.!
DOTR USEC. BATAN: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, walang patid ang pamamahagi ng ayuda ni Senator Go sa ating mga kababayan. Kamakailan mga indigent displaced workers at vulnerable sectors naman ang pinuntahan ng kaniyang outreach team sa Quezon City. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At para talakayin naman po ang programang pangkaligtasan at kalusugan para sa mga manggagawa sa gitna ng pandemya, makakausap natin si Engr. Noel Binag, ang Executive Director for Occupational Safety and Health Center ng DOLE. Magandang araw po, Engineer.
ENGR. BINAG: Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Sir, au-ano po iyong hakbang ang ginagawa ng inyong ahensiya para po masiguro na naipapatupad ang mga programang pangkaligtasan at kalusugan sa mga pagawaan lalo po tayo po ay nasa gitna pa rin ng pandemya?
ENGR. BINAG: Ang Occupational Safety and Health Center ay nakatutok sa pagpapalakas [garbled] information dissemination tungkol sa Occupational Safety and Health practices para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga workplace: Ito ay tinuturo namin sa lahat ng aming mga trainings, kasama ang mga occupational safety and health network ay kasama rin po sa kanilang module ang kanilang COVID-19 prevention; at ang pangalawa po ay ang mga safety training organization ay niri-require po namin na magkaroon ng ganitong module sa lahat ng kanilang mandatory occupational safety and health training sa kanilang ginagawa. Bago namin sila bigyan ng accreditation, niri-require din namin na kasama ito sa kanilang mga training manual; at panghuli, kasabay po ay ang ating mga DOLE inspector, nag-i-inspect po sila upang matiyak ang compliance ng mga kumpanya ayon sa ating DOLE-DTI guidelines on work place prevention and control of COVID-19.
USEC. IGNACIO: Engineer, pero paano po ninyo pinapalakas, ng inyong ahensiya, iyong awareness po at compliance ng mga pagawaan dito sa OSHC standards, lalung-lalo na po iyong dapat napaka-importanteng pagpapatupad ng mga minimum health protocols?
ENGR. BINAG: Bukod sa aming mga training, kami rin po ay gumagawa ng mga IEC materials, tulad ng mga posters at infographics na binabahagi namin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nagsasagawa din kami ng mga webinar para higit pang mapalakas ang pagkalat ng mga impormasyon sa OSH at minimum health protocol sa work places. Mayroon din kaming mga series na mga webinars next week tungkol sa OSHC guidelines para sa public sector, guidelines din po on ventilation for work places and public transportation to prevent and control the spread of COVID-19. At mayroon din po tayong mental health in the workplace. Sana po makasama po namin kayo.
USEC. IGNACIO: Opo, gusto ko po iyan, Engineer. Pero nabanggit po ninyo na ang inyong ahensiya ay nagsasagawa ng trainings para sa mga safety officers mula po sa pribado at pampublikong sektor, tama po ba? Ito po ba daw ay libre at ilan po iyong target natin na mabigyan ng kasanayan sa OSHC ngayong taon?
ENGR. BINAG: Libre po ang lahat ng training po namin sa Occupational Safety and Health Center mula pa po last year. Kami po ay inatasan po Labor Secretary Silvestre Bello na magsagawa ng 1,000 training batches po ngayong taon na ito. Kaya po nagsasagawa po kami ngayon ng mandatory OSH training para sa ating mga safety officers, katulad ng basic occupational safety and health trainings at construction safety and health training.
Priority po sa mga training na ito ay mga Micro, Small and Medium Enterprise na naapektuhan po economically ng pandemya. At ang mga maliliit na construction companies. Pero tinatanggap din po ang mga kumpanya na nagkaroon na rin po ng mga violations, sa OSH standard na ayon po sa ating mga DOLE Inspector ay kailangan po nating matulungan sila para po makapag-comply po sila sa ating standard.
Nagbibigay din po kami ng mga libreng trainings para sa mga government employees na itinalaga po nila bilang kanilang mga safety officers sa kanilang mga ahensiya.
Bukod po sa mandatory OSH training po, mayroon din po kaming mga specialized and advanced OSH trainings para magbigay po ng karagdagang kaalaman sa mga safety officers na nakatapos na po ng aming mga BOSHC or POSHC, kabilang po dito iyong 40 hours po fundamental or for industrial hygiene training.
Mayroon din pong managing emerging health issues in the workplace, fire safety orientation, industrial ventilation training; mayroon din po kaming scaffolding safety training, drug assessment team training, safety use of chemicals at work, accident investigation, crane and rigging safety, training of trainors sa OSH, fire safety orientation, work environment training, welding safety; at itong nakaraang quarter, itong nakaraang quarter po na year 2021 ay mayroon na po tayong na-train na mahigit po na mga 2,000 workers or manggagawa.
USEC. IGNACIO: Engineer, may update po ba kayo hinggil sa pagdideklara sa COVID-19 bilang isang work-related illness at kung sakali po na ito ay madeklarang work-related illness, ano po iyong maaring asahan dito ng mga manggagawa lalo na iyong mga nagkakasakit o magkakasakit dahil dito?
ENGR. BINAG: Kung sa evaluation po ng Employees Compensation Commission ay napatunayan po na sa trabaho po nila nakuha iyong COVID-19, ang atin pong manggagawa ay maari pong makatanggap ng compensation. Noong April 2 naglabas po ang ECC ng isang board resolution na naglalay0ng magbigay, palabasin ang isang proseso sa lahat ng ECC claims na mga manggagawa para po sa mga sakit na nakuha in line of duty sa panahon ng mga outbreak, epidemic at pandemya kabilang na po ang COVID-19.
Kabilang po sa mga basic requirements na kailangan po na ibigay ay iyong kanilang certificate of employments mula po sa kanilang employer na nagsasabi po na ang kanilang huling araw ng pagpasok at pangalawa po ang kailangan i-present ang kanilang RT-PCR result na nagpositibo sila sa COVID-19 mula sa anumang DOH accredited testing facilities. At kanila pong mga medical records at saka application form.
Ang ECC po pala at OSHC ay nagsagawa po ng isang focused group discussion kasama ang SSS, GSIS, [inaudible], PSMID at health care para po matukoy ang work relatedness ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Engineer, linawin lang natin: Iyan pong sinabi ninyo ay naaangkop po sa pribado at maging sa government offices?
ENGR. BINAG: Tama po iyan, Usec.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Engr. Noel Binag, Executive Director ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE. Salamat po.
Samantala, makibalita naman tayo sa Cebu, may ulat ang aming kasamang si John Aroa
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, April 22, 2021, pumalo na sa 971,049 ang total number of confirmed cases, matapos makapagtala ng 8,767 na mga bagong kaso. 105 katao naman po ang mga bagong nasawi, kaya nasa 16,370 na ang total COVID-19 deaths.
Ang mga kababayan naman natin na naka-recover na sa sakit ay umabot na sa 846,691 matapos makapagtala ng 17,138 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 107,988.
Tandaan: Kung may nararamdaman kayong sintomas ng COVID-19, makipag-ugnayan po sa inyong Barangay Health Center. Maaari rin po kayong tumawag sa hotline na 02-894-26843 or i-dial po ninyo ang 1555 para kumonsulta. Nandiyan din po ang One Hospital Command Center hotlines upang tulungan kayo na ma-admit sa pagamutan kung kinakailangan.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Huwag po tayong magpapatalo sa COVID-19. Tandaan: Mag-mask, hugas, iwas at magpabakuna kung kayo po ay pinapayagan na. Mag-ingat po tayong lahat. Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center