Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayon po ay araw ng Miyerkules, April 28, 2021, muli po nating tatalakayin ang mga pinakahuling hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Magpapatupad ang Pilipinas ng temporary travel ban sa mga pasahero mula po sa India simula bukas April 29. Ito po ay bilang pag-iingat ng bansa sa COVID-19 variant doon na nagdulot po umano ng matinding surge. Sa anim nga na magkakasunod na araw, nakapagtala ang India ng mahigit 300,000 daily new COVID-19 cases at patuloy din na tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa naturang virus. Ang report mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nakatakdang ianunsiyo mamayang gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classification sa bansa partikular sa NCR Plus. Kung ang isang grupo ng mga eksperto ang tatanungin, mas makakabuti kung gagawin dahan-dahan ang pagluluwag ng restrictions para maipagpatuloy ang magandang resulta ng ilang linggong ECQ at MECQ at maiwasan ang pagbilis muli ng transmission. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Suportado naman ni Senator Bong Go ang anumang quarantine classification na mapagdidesisyunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases basta mahalagang masiguro na hindi babagsak ang health system sa bansa. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Inanunsiyo naman ng Metro Manila Council—na inirekomenda nito ang pagpapatupad ng hybrid of Flexible Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR. Maliban dito inanunsiyo din ng MMC na simula sa May 1st ay magiging 10 P.M. hanggang 4 A.M. na ang unified curfew hours sa Metro Manila.

At kaugnay nga po sa bagong rekomendasyon ng Metro Manila Council, makakausap po natin si MMDA General Manager Jojo Garcia. Good morning, GM.

MMDA GM GARCIA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng mga nanunood po at nakikinig po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir bakit po napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayors na paikliin na po ang curfew hours sa Metro Manila starting May 1st?

MMDA GM GARCIA: Unang-una po ‘no, kasi nga po nagkaroon kami ng pagpupulong, nagkaroon ng mga rekomendasyon na talagang kailangan ibalanse natin ang ekonomiya sa health ‘no. So nag-present naman po sa amin ang DOH, ang NEDA po, nagbigay din kami ng briefing at based on that, alam naman natin puro experts iyong nasa IATF po, magagaling po diyan hindi lang po sa health, may economic din diyan, may NITAG ‘no. So based on that in-adjust namin iyong curfew ‘no na from 8 P.M. to 10 P.M., kahit papaano po makakatulong po ito sa paglago ng ekonomiya at the same time po mamu-monitor pa rin natin iyong mga nasa kalsada na wala naman kailangang gawin eh mapauwi natin sila ng 10 P.M.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bukod po sa movement ng mga tao sa labas, ang ibig sabihin po ba nito ay kahit ang ibang mga establishments ay papayagan na ring magbukas hanggang alas diyes ng gabi?

MMDA GM GARCIA: Iyong mga pinapayagan po ng IATF, naglabas naman po ng guidelines ang DTI diyan, so itong extra two hours malaking bagay po ito ‘no. Usually mga 8 P.M. po, before 8 nagsasara na po iyong mga establishments. Kapag ginawa nating 10 P.M. iyan kahit papaano madadagdagan sila ng 2 hours at dagdag din ng customers nila iyan, pero of course iyong minimum health protocol pinapatupad pa rin natin.

Kaya nga po iyong namungkahi ng ating mga mayors na flexible iyong MECQ, meaning nagbukas lang po nang kaunti ‘no, kaunting-kaunti ang ating ekonomiya pero at the same time nabantayan pa rin natin iyong borders ng NCR bubble ‘no. Alam naman natin kasi kapag tayo ay nag-GCQ, puwede ka nang tumawid kahit saan ‘no, wala nang higpit sa ating mga borders. Unlike kung MECQ tayo at iyong ating ibang karatig probinsiya ay naka-GCQ or MGCQ, kahit papaano po maku-control natin iyong borders natin.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up po diyan si Joseph Morong ng GMA News: Paano po iyong border control ng NCR Plus pa rin? Bawal lumabas at pumasok ang hindi APOR?

MMDA GM GARCIA: Tama po ‘no, essential lang po ulit ano. May guidelines naman pong ilalabas ang IATF diyan. Ang sa amin lang nagmungkahi kami ‘no, nag-suggest sa IATF, but still, we will respect the wisdom of the IATF kung ano po iyong irekomenda nila sa ating Presidente at kung ano po iyong approval. At kahit ano pa po na community quarantine ang ma-approve, nakahanda po ang ating mga mayors at handa po tayong sumunod.

USEC. IGNACIO: Opo. Noon pong nakaraan ay nagkaroon po nang slight hiccup iyong sa pagpapatupad noong curfew sa PNP dahil naghintay muna sila ng directives sa nakakataas po. Ngayon po ba ay agad na makapagbibigay na ng kopya ng MMDA resolution sa PNP para naman po masabi natin walang aberya o smooth sailing na po iyong pagpapatupad sa bagong curfew hours?

MMDA GM GARCIA: Binato ko na po iyong resolution kay Usec. Jon Malaya at Viniber ko rin po kay PNP Chief para at least hindi ho magkaroon ng kalituhan. At hopefully po talaga by May 1, mapapatupad na po natin ito dahil 17 mayors po ang pumirma rito sa resolution na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Base naman po sa desisyon ng Metro Manila Council, hanggang kailan po nila recommended ang MECQ sa NCR Plus?

MMDA GM GARCIA: Ang tingin natin, sabi nga ‘no, 2 weeks ang request natin para at least mapag-aralan natin, baka nga mapababa na natin nang todo ang ating kaso, makapagbukas na ulit lang ating ekonomiya. Talagang binabalanse natin iyan, iyong health and economy pero of course number one priority pa rin iyong health ‘no at iyong ating hospital care na mabakante. Maganda naman ang datos natin, pababa naman ano. Mayroong nilabas na datos ang DOH. Kaya lang kahit po bumababa iyan eh mataas pa rin ‘no compared noong February or January. Pero maganda rito iyong trend natin bumababa na, medyo lumuluwag ang ating mga ospital kaya kahit papaano nakapagbukas tayo nang kaunti ‘no, konting activity, itong hybrid na MECQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pakipaliwanag lang po sa taumbayan. Ano po ang ibig sabihin nitong hybrid o Flexible Modified Enhanced Community Quarantine? Ito po ba daw ay may kaibahan sa ipinatupad na MECQ sa NCR Plus?

MMDA GM GARCIA: Okay. Ang pagkaalam ko nga po maglalabas po ng guidelines ‘no, if ever iyan po ang ating approval ano. Maglalabas po ng guidelines ang IATF pero based po nga sa mga pagpupulong, ang difference lang nito may kaunting sector na bubuksan ‘no base sa DTI at base na rin sa safety ‘no, na ‘ito ay safe ito, hindi masyadong, kumbaga magta-transmit iyong ating COVID ‘no.’ So nagdagdag lang po nang kaunti, I think 2 or 3 activities lang na dinagdag, kahit papaano po makakatulong po ito sa ating mga kababayan na walang hanapbuhay.

Alam naman po natin mas madami tayong kababayan na arawan ang trabaho, na kapag hindi pumasok wala pong kita kaya ito po iyong mga bubuksan natin kung sakali. For example iyong mga barber shop puwedeng outdoor iyan so kahit papaano po madadagdagan po iyong trabaho. At the same time iyong safety po ay nandoon pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pakilinaw lang po, kasi ang isa po sa aktibidad sa sinabi ninyo na nadagdag ay itong pagpapaikli ng curfew hours ano po. Ano pa iyong isa bukod po doon sa sinabi ninyong border restrictions sa NCR Plus?

MMDA GM GARCIA: Yeah. Halos ganoon nga po ‘no, kaya lang nagdagdag lang po ng economic activity na which ang DTI po ilalabas po nila iyong guidelines diyan ‘no. I don’t want to preempt it ‘no, of course pinag-uusapan pa po nila iyan pero if ever po na maitutuloy po itong MECQ, ang talagang diperensiya lang po diyan iyong curfew at iyong dagdag activity po na sinisiguro naman po ng DTI at ng Health Department na safe po.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong sa inyo si Joseph Morong ng GMA News: Iyong barberya na outdoor, iyon po ba iyong proposal ng mga mayors? Papaano daw po iyong mga malls?

MMDA GM GARCIA: Actually DTI po ang naghain po niyan, sila po ang gumagawa ng guidelines, sila po may sakop diyan, kung ano po iyong mga papayagan. At ang mga mayors naman natin ano, sabi ko nga may tiwala iyan sa mga experts natin sa IATF na kapag sinabing bubuksan ito or magkakaroon nang konting adjustments sa economic activities, definitely po susundin natin iyan dahil iyong guidelines po nang pagpapatupad at enforcement nasa LGU pa rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Sweeden Velado ng PTV: Once herd immunity is achieved in Metro Manila, would you already allow gathering outdoors?

MMDA GM GARCIA: Depende po sa ating health experts iyan ‘no. Alam naman natin iyan talaga ang target natin. Last week nagkaroon kami ng pagpupulong with the business sector, we want to thank them ‘no, sila Sir Bill Luz, sila Sir Paulo, sa pagtulong nila sa pagbabakuna ‘no. Talagang iyan ang target natin, iyong tinatawag nating herd immunity. I think that’s 70% of the population ano of NCR so mga 10 million iyan.

So base naman po ‘no sa pagtulong ng ating private sector, sa effort po ng ating mga LGUs, ang target po natin 4 to 6 months po matatapos po natin iyan kaya hopefully po talaga by December, iyong Pasko, masaya na po ang Pasko natin.

USEC. IGNACIO: Naku oo, sana nga ano. Sir, tungkol naman po sa resolution ng Metro Manila Council sa pakikipag-coordinate ng mga LGU, sa mga organizers naman po ng community pantries, ito po ba ay namu-monitor kung nasusunod talaga?

MMDA GM GARCIA: Yes, nag-iikot na iyong ating mga LGUs. Unang-una lilinawin lang natin, hindi natin sila pinapakuha ng permits ‘no. Madami na pong opinyon diyan na ang pagtulong po sa kapwa ay hindi kinakailangan ng permit ‘no. Ang nilabas lang nating resolution, urging ‘no, slowly ‘no, na iyong ating mga organizer niyan maki-coordinate lang sa ating LGUs, sa barangay or sa mga mayor nila para at least iyong minimum health protocol po mapatupad natin ano. Of course maganda po iyong ganiyang idea na nagtutulungan tayo, bayanihan… pero we should also think iyong safety ng pagpila diyan, iyong mass gathering, hindi magkahawaan. Maganda po iyong purpose niyan, kaya lang po natin pinapa-coordinate iyan para matulungan iyong ating mga organizers sa pagpapatupad ng minimum health protocol.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon din bang assistance na maaari daw pong ibigay ang MMDA sa mga community pantries na manghihingi ng tulong lalo na iyong mga pantry na talaga pong dinadagsa ng mga tao?

MMDA GM GARCIA: Unang-una, iyong pagdating nga sa security at health protocol puwede tayong magpadagdag ng kaunting tao pero mas more po iyon sa mga LGU ‘no. Alam naman natin ang mandato ng MMDA mas more sa traffic, flood control ‘no, pero kung kaya nating tumulong sa augmentation ng tao siguro tutulong tayo diyan.

Pagdating naman doon sa mga supplies, maybe we will [unclear] na willing tumulong. We can just coordinate it or kayo mismo mga empleyado puwedeng mag-ambag-ambag diyan ‘no.

Ang sa atin nga lang iyong bayanihan spirit huwag po nating tatanggalin iyan pero huwag din tayong makakalimot na tutulong nga tayo kaya lang magkakaroon naman ng hawaan eh sayang po iyong purpose natin ng pagtulong.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin, Metro Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia. Stay safe po, GM!

MMDA GM GARCIA: Thank you po! Mag-ingat po tayong lahat! God bless po.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, silipin naman po natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 cases.

Umakyat po sa 925,027 ang bilang ng mga gumaling sa bansa matapos maitala kahapon ang dagdag na 10,109 recoveries; mas mataas po iyan kung ikukumpara sa mga bagong nahawaan ng sakit na nasa 7,204.

63 naman po ang mga bagong nasawi sa kabuuang bilang na 16,916. Sa kabuuan ay mayroon na pong 1,013,680 na ang mga tinamaan ng virus mula po nang nagsimula ang pandemya sa bansa noong isang taon.

Muli naman pong bumaba ang active cases sa 71,675 dahil sa mataas na bilang ng mga naka-recover mula po sa COVID-19.

Nagpaalala po ang Centers for Disease Control and Prevention sa mga kumpleto na ang bakuna kontra COVID-19 na mahalaga pa rin po ang pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar. Una na po rito iyong inanunsiyo ni US President Joe Biden na hindi na required magsuot ng face mask ang mga fully vaccinated maliban na lamang kung sila ay nasa crowded areas.

Mismong si Biden ay naglakad sa White House nang walang suot na face mask. Ipinagmalaki niya na aniya’y magandang progreso ng COVID-19 situation doon, maalalang Disyembre nang turukan si Biden ng Pfizer COVID-19 vaccine. Samantalang hinimok naman ng US President ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

[Biden video clip]

USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin ang latest sa findings ng OCTA Research Group kaugnay sa pagbaba pa ng transmission rate ng COVID-19 sa bansa, makakausap po natin si Dr. Guido David at si Professor Ranjit Rye.

Magandang umaga po sa inyo dalawa at salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon.

PROF. RYE: Magandang umaga po sa inyo at sa lahat ng nakikinig at nanunood po sa atin.

DR. DAVID: Good morning, Usec.!

USEC. IGNACIO: Kung sino na lang po ang maaaring sumagot sa inyo. Sapat na po ba itong isang linggong MECQ sa NCR Plus o mas makakabuti po kung mas mahaba pa o hahabaan pa iyong quarantine classification na ito?

PROF. RYE: Sa aming pag-aaral, mas mainam talagang mas mahaba siya ‘no kasi napakataas po ng naging base of number natin. Iyong number of cases po ay nagsimula ng napakataas ho na limang libong kaso new cases araw-araw. Ngayon ho ay talagang bumabagal na siya pero mataas pa rin at more than 3,000 cases po. So, mas mainam talaga mas matagal ang healing period natin.

Pero naiintindihan namin, gaya nga ng sabi ng iba ninyong panauhin, na talagang kailangang balansehin ang health at saka ang ekonomiya po at iyang balancing act na iyan para sa amin on a weekly basis iyan eh.

So, after next week po we expect better numbers. We expect po na iyong health care situation natin mag-e-ease nang kaunti. We also expect ‘no kapag ma-sustain nating iyong ‘R’ for at least a week, let’s say 0.8 ‘no at lower than 1, makikita natin slowly bababa iyong mga kaso natin, daily cases.

So, of course the longer the better po kasi talagang we will solidify or stabilize iyong downward trend po natin. Si Professor David has some numbers baka puwede siyang—Professor David?

DR. DAVID: Good morning! Thank you, Professor Ranjit and good morning, Usec. and sa mga viewers and listeners.

So what we are seeing right now, a significant improvement, masasabi nating successful iyong community quarantines natin for the past several weeks. Iyong reproduction number natin bumaba from a high of two, more than two, ngayon nasa 0.85 na lang. Average number of cases sa NCR 3,500, this is a 36% decrease compared to the peak natin na 5,500 average number. And the positivity rate 18% na lang and it’s decreasing.

So, the numbers are trending in the right direction, magandang balita iyan. We have several LGUs na pababa na ang cases with a two or three week downtrend. Pero sinabi nga ni Professor Ranjit, hospitals are still full and based doon sa mga pag-aaral namin, they will still remain to be full. Mas maraming magpapa-admit as long as we’re having more than 2,800 cases per day. So, hopefully in one to two weeks mabababa natin iyong number of cases per day natin sa NCR to mga less than 2,800 and by that magsisimula na magkaroon ng easing sa hospital capacity natin.

USEC. IGNACIO: Kung sino na lang din po ang maaaring sumagot dito ano po. So, [choppy a/v] kaya bago tayo puwedeng masabi nating magluwag ng ating restriction patungo dito sa [garbled]?

PROF. RYE: Professor David could give number.

DR. DAVID: Sorry, Usec., medyo hindi ko hindi masyadong narinig iyong question because of my connection, medyo unstable.

USEC. IGNACIO: Dr. David, , [choppy a/v] at pumunta na tayo sa GCQ? , [choppy a/v] sa inyo kung isang linggo, dalawang linggo o, [choppy a/v]?

DR. DAVID: Usec., we understand na iyong balancing act na gagawin ng National Government to balance livelihood and iyong public health. Iyong sa iksi ng restrictions natin if we move to a more relaxed or flexible MECQ, for example—wala pa tayong datos dito kasi it depends on iyong specifications ng MECQ and how it will affect the numbers.

Pero we’re hoping na even as we ease some restrictions basta hindi iyong mga activities that lead to high risk. And we respect din iyong position ng Metro Manila Council to recommend na we can open up certain businesses but not the activities that are of high-risk such as for example indoor dining, although we support the restaurant business, sana iyong mga kababayan natin will still continue to take out food or magpa-deliver para ma-support iyong mga restaurants natin.

So, we hope na itong mga easing na restrictions, iyon nga, hopefully will not lead to—will be, iyon nga, calibrated and it will be safe na hindi siya magli-lead to significant community transmissions or to increase in cases.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagpapatuloy po ang ating Public Briefing.

Tanong ito ni Joseph Morong, Dr. Guido and Professor Ranjit, pasensiya na po kanina, paumanhin po. May tanong po si Joseph Morong para sa inyong dalawa: I-extend iyong MECQ, but there will be more businesses that will open, hindi ba siya counter intuitive?

PROF. RYE: The balance between the economy and the health concerns brought about by COVID is real and we recognized that a lot of people especially those who are daily wage earners, iyong ating mga arawan na nagtatrabaho po na naapektuhan po talaga. So, this was discussed at the level of the local government po, the DTI. Ang aming hope lang is that, the businesses that will be considered open during this modified or this hybrid MECQ ay hindi magdagdag sa super spreader events. They won’t become super spreader or create risk or spreading or further transmission of the virus. Mahirap talaga, it’s a balancing act na niri-recognize namin iyon.

On the other hand, ang suggestion namin is we have a longer MECQ we can heal po, we can stabilize iyong numbers natin both at the level po ng reproduction number, we can also lessen the number of daily cases. Sa OCTA po na-estimate namin, if it’s over 3,000 cases mapupuno pa rin po iyong mga ospital natin. Kaya kung mas matagal po iyong ating healing period, iyong exit strategy natin sa MECQ, maybe one or additional at most two weeks po, makikita po natin na talagang bababa po iyong daily number of cases natin, bababa po iyong reproduction number natin, iyong hospitals natin makikita mo luluwag talaga siya and iyon naman ang rason ho, kung bakit tayo nagka-quarantine rin eh – is to protect our health care system.

So the longer po na we have this MECQ, kahit na modified siya, kahit na hybrid, ito na iyong magiging exit strategy sa quarantine na ito. And once, we have one or two weeks of this, makikita natin, we will have a foundation to open up to GCQ na mas solid, na talagang solid. Enough for us to sustain for the next three or four months, tamang-tama darating na iyong mga bakuna natin. So, iyon po ang aming posisyon sa OCTA po na talagang hindi puwede pong mag-transition sa GCQ as we speak, kasi iyong trend po natin puwede pong mag-reverse. Kapag nag-reverse o iyan, madaling-madaling magkaroon ng sitwasyon kagaya ng India po dito sa Metro Manila na talagang grabe po ang pagkalat at mapupuno at mao-overwhelm na naman po iyong ating mga hospitals.

Right now po, hanggang ngayon puno pa rin iyong mga hospitals natin, kaya kailangan talaga ng additional week and after that week mag-assess po tayo, if we need another one. But definitely, it will take time po para ibaba iyong mga cases na ito. And we understand the adjustments being made. But as long as iyong mindset ng ating mga kababayan ay ECQ mindset po – iyong ECQ, iyong talagang nag-iingat tayo, hindi tayo nagpapabaya, hindi tayo nagkukumpiyansa, maagap at maingat tayo – we are confident po na we will exit out of this quarantine towards GCQ with significant improvements po.

USEC. IGNACIO: For Dr. Guido, baka mayroon kayong idadagdag. Ano po iyong sa tingin ninyo, kasi sa kasalukuyan, tayo po ay nasa 8,000-9,000 pa rin per day, kailan po natin makikita na puwede itong bumaba ng 4,000 hanggang 2,000? Ito po ba ang mga datos na ideal para tayo po ay mag-shift na rin sa GCQ, Professor David?

PROF. DAVID: Yes, Usec. Rocky. Right now, iyong average natin sa national is less than 9,000 cases per day, so mga high 8,000 which seems like mataas pa. The reason is, kasi mas malaking nag-improve sa NCR compared sa national. Before iyong NCR almost 50% ng cases natin nationally, pero ngayon nasa less than 40% na lang ng cases nationally and right now we are averaging 3,500 na lang sa NCR from 5,500.

So ibig sabihin, iyong sa national numbers natin, it seems na hindi ganoon kalaking ibinaba, and that is because may mga region outside the bubble na nagkakaroon ng slight increases or sometimes increases din and that includes some part of Batangas, Pampanga and then also sa Region II and I think parts of CAR. Pero iyong numbers that we are hoping to see at the NCR na you know less that 3,000 it could be achieved one to two weeks and then hopefully mga four weeks, we could be down to mga 2,000 cases per day sa NCR. Kapag nangyari iyon, we are hoping na sa mga 7,000 cases per day na lang tayo sa national. It seems high pero I think we still have to address iyong mga areas of concern outside the NCR bubble which are having an increase para rin para mapababa natin iyong national numbers natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Sweeden Velado para po kay Professor Rye. Question po niya: Our goal for reproduction number is less than one and recently bumaba na po ang ating reproduction number. Can we say that we are flattening the epidemic curve?

PROF. RYE: Ay hindi pa po! We are long way from that. And maybe that discussion won’t be relevant for the next few months ‘no. But if we work at it we can, definitely we can – what you call this – slow down this epidemic here in the region. Ang importante po that is why we are asking for additional week or more for MECQ is really talagang to give time also for the national government to be able to implement, both national and local government, to implement their interventions.

I think it’s very clear, ang very sad experience natin with this terrible surge, iyong pangangailangan sa testing, expanded testing, tracing and isolation. And I think the national and local governments are already intervening. So the additional week or two will give us a chance to hire our contact tracers, organized them, the additional week could also give the local governments time to open up their new quarantine facilities and of course, iyong short to medium term iyong pag-hire ng health care workers, pag-expand ng capacities. Itong additional week na hinihingi naming MECQ makakatulong talaga diyan ‘no. Lalo na sa pag-reduce ng hospital capacity.

Iyong question about when to open, I think honestly, we have to get cases below 2,000 cases, I think a day sa NCR, we can manage po. Iyon ang base sa pag-aaral namin sa OCTA po. Anything over 2,000 case mau-overwhelm po iyong ating hospital system and we have to constantly work together iyong ating civil society, iyong mga komunidad natin, iyong ating private sector at iyong government po, both local and national. Malaki pong hamon itong pag-reverse ng surge, hindi po siya mangyayari overnight. It will take us a month to get back to the numbers, maybe a month or two to get the numbers, down to the numbers we had last January and that will requires significant cooperation po from all of us.

And so, importante po iyong governance nito and when I say governance, good governance, I am not just talking about government, I am talking about the private sector [also].

For example ensuring safe work places. Marami po ang mga nagkasakit sa mga work places po dito sa surge na ito. Nakita natin na madaming nagdadala ng sakit galing sa work place, iyong private sector po napakalaki po ng role diyan in ensuring safe work places. Iyong mga komunidad natin, iyong pagsunod sa minimum public health standards, importanteng-importante iyong monitoring enforcement niyan doon sa mga komunidad natin, citizens. Tayo, dapat mas maingat at maagap.

And of course doon din sa ating local governments po. Importante tuluy-tuloy ho kasi hindi pa po tayo, humina nga kaunti this week but we are not out of the woods yet po, puwede pong mag-reverse ito at kapag nagpabaya tayo. Kapag mag-reverse ito dadami na naman iyong kaso at mas mahirap pa ang sitwasyon kasi puno pa rin iyong hospital natin. So iyong hospital capacity, iyong pa-expand niyan over the next medium to long term iyan ang dapat goal ng gobyerno.

Pero the good thing is, right now because of our collective sacrifice and our efforts, our shared responsibility and our cooperation and collaboration bumababa na po iyong numbers natin. And iyon nga gusto lang namin ma-sustain, sa OCTA ma-sustain lang natin ito for the next week or two whether it’s an MECQ or a modified—or you know, hybrid MECQ, this will really help improve our situation and conditions. So both at the level of hospitals, daily cases and whatever we achieve in the next week or two, iyan ang magiging magandang foundation for the next 3 or 4 months na bukas tayo sa GCQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sweeden Velado para po kay Dr. David. Dr. David, ito po ang tanong niya: Hirap po ngayon ang India sa paglaban sa COVID-19 and one of the factors po kung bakit tumaas ang cases nila doon ay new variants. We also experienced that but do you think the things that we did right and still doing in our country to contain the virus and variants from spreading further?

DR. DAVID: Yes. Thank you Usec. and thank you for the question.

Actually we are doing many things right kasi the variants are not spreading anymore. In fact naku-control na natin. So it happened many times sa parts of the country natin, nangyari siya sa Cebu City and parts of Cebu, nagkaroon din siya ng surge due to variants, it was variant-driven and na-control na nila after about 2 months. Nangyari din sa Mountain Province and sa northern regions, na-control din nila iyong spread of variants. And right now this is what we’re doing in NCR, we are on the way to controlling the variants. Hindi pa natin masasabing flattened na iyong curve natin but we are on a downward trend and we have reduced the number of cases significantly.

So at least from that standpoint, we are doing many things right. Of course we still need to scale up iyong testing natin, contact tracing, iyong hospital care system as Professor Ranjit said. Pero we are on the right path and you know, we really hope this won’t happen to us, iyong sa India. We believe that it won’t happen to us because we have systems in place to prevent that, you know, a surge like that from happening in our country.

USEC. IGNACIO: Opo. For Dr. Guido: Nabanggit ninyo po kanina na dapat na ring tingnan ang mababang hospital utilization rate. Sa ngayon po ba ay nasaan tayo pagdating sa hospital utilization rate? Malaki ba iyong naging tulong ng mga modular hospitals at [garbled] mula sa Visayas dito po sa sinabing pagbaba ng hospital utilization rate sa NCR Plus?

DR. DAVID: Yes, Usec. Actually nag-decrease na iyong hospital utilization rate natin sa NCR based on data from the Department of Health. Iyong ICU occupancy natin nag-decrease na rin from about mga 80 plus percent, ngayon nasa mga 70% na lamang—71% I believe. And then iyong hospital utilization rate bumaba na, nasa mga 60% siya on average.

Ganoon pa man, marami pa rin iyong taong nangangailangan ng hospital care and may mga pila pa rin sa ibang mga hospitals and malaking tulong ng pagpapadala ng mga healthcare workers from other provinces. Actually kailangan pa nga natin iyan eh so we hope puwede pa nating madagdagan iyong mga healthcare workers natin because dito tayo medyo nangangailangan talaga, mga healthcare workers, mga nurses sa NCR.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Dr. Guido David ay kay Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Team. Mabuhay po kayong dalawa at salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming imbitasyon.

PROFESSOR RYE: Salamat po, Usec.

DR. DAVID: Thank you, Usec.

PROFESSOR RYE: Ingat po tayo lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Kasunod ng naging selebrasyon ng quincentennial commemoration sa bansa kahapon na ginanap po sa Mactan, Lapu-Lapu City, tumungo naman po si Senator Bong Go sa Lungsod ng Carcar upang pamamahagi ng tulong sa higit dalawang libong tricycle drivers at market vendors kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Ang balitang iyan ihahatid ni John Aroa ng PTV Cebu live. John…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa. Puntahan naman natin ang mga balita sa iba pang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol, ng PBS-Radyo Pilipinas.

Nagpahatid din ng tulong si Sen. Bong Go sa ilang mga kababayan pa natin sa lalawigan naman ng Isabela. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa Cordillera magbabalita si Eddie Carta. Eddie, good morning!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, hanggang bukas pong muli dito pa rin sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center