USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
Ngayong araw ng Huwebes, ika-6 ng Mayo, mainit na isyu at impormasyon na dapat ninyong malaman ang ating hihimayin at lilinawin kasama pa rin po ang mga opisyal ng pamahalaan na handang tumugon sa tanong ng bayan. Kaya mag-comment kayo sa aming live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account kung kayo po ay may nais isangguni. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Inaprubahan na kahapon ng FDA ang emergency use authorization ng Moderna vaccine, ito na po iyong ikapitong COVID-19 vaccine na may EUA sa bansa. Para alamin ang iba pang detalye, muli nating makakasama sa programa si FDA Director General Undersecretary Eric Domingo. Welcome back, Usec.
USEC. ERIC DOMINGO: Hi! Good morning, Usec. Rocky. Mukhang hindi ako maka-share ng screen, gusto ko lang ipaalala, sabihin sa ating mga kababayan, as of yesterday po mayroon na pong labing-apat na bakuna sa buong mundo ‘no na mga ginagamit. There are more than 100 vaccines under development, but mayroong 14 na mayroon nang EUA sa at least one country ‘no.
At dito po sa Pilipinas, mayroon na po tayong pito na nabigyan ng emergency use authorization. Ito po iyong mga kung naaalala po natin noon dati, iyong mga Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, iyon pong Sputnik, iyong Bharat Biotech na may conditional approval at saka ho iyong sa Janssen na Johnson & Johnson. Pero kahapon, after a very rigorous and thorough review by our regulatory and medical experts of the currently published and unpublished data, the FDA has granted emergency use authorization to Zuellig Pharma Corporation for the mRNA COVID-19 vaccine Moderna, manufactured po ito by Moderna BioTech. It is declared that all conditions for an EUA are present and that the benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risks.
Iyon pong interim data o iyon pong data na makikita natin sa kanilang mga clinical trial na na-publish na show that the vaccine has an overall efficacy rate of over 94% in preventing COVID-19, and the efficacy rate is consistently above 80% among all age groups 18 years old [and] older. Kasi tingnan din nila ito, so sa pangkalahatan, 94% ang kaniyang efficacy rate. Pero tingnan din nila sa mga special group katulad ng mga elderly, ng mga may comorbidities, may ibang sakit at saka doon sa mga pasyente na mga health workers. At sa lahat naman ng grupo ang kaniyang efficacy rate is consistently above 80%. So ito po ay aprubado sa mga tao na 18 years old and above.
The vaccine is given in two doses, with the second dose given after four weeks. Kung bibigyan kayo ng first dose ninyo ngayon, ang second dose ninyo ay ibibigay after four weeks at intramuscular injection din po ito na .5 ml.
The adverse events reported were mostly mild and transient and similar to common vaccine reactions. Ang binabantayan din po natin dito ay ang mRNA vaccine, katulad po siya ng Pfizer, ay iyong mga pasyente na may mga history of atopic or allergy para po tingnan lamang at bantayan sila for allergic reactions. Other than that, there are no specific safety concerns identified, but of course it must be noted that what we know reflects limited follow up and more adverse events may emerge that’s why a close surveillance and monitoring is needed.
So katulad ng iba nating mga bakuna na binigyan ng EUA, unang-una, hindi po ito marketing authorization; hindi po siya maaaring ibenta. Maaari lamang po siyang bilhin ng ating pamahalaan, at maaari pong makipag-partner ang pamahalaan sa mga idi-designate nila na vaccination partners like LGUs at saka iyong mga private sector. At nasa sa batas po that they will do this through a tripartite agreement. Of course, ang babakunahan po ay 18 years old and above, and of course kailangan din po ng informed consent [garbled] bakuna at ang atin pong emergency use authorization ay valid until matapos po ang pandemic or kung matapos naman po ang registration process at makakuha na po ng certificate of product registration ang bakunang ito.
So maraming salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., puwede ba nating sabihin na naging mabilis iyong pagproseso ng EUA ng Moderna kumpara sa ibang bakuna; kung naging mabilis, bakit po kaya?
USEC. ERIC DOMINGO: Oo, medyo mabilis talaga ‘no, ten days namin natapos ito. Well, unang-una, Usec. Rocky, kasi ano na siya, mayroon na siyang EUA sa Amerika, sa Europe, pagkatapos pati sa WHO na emergency use listing. Kapag kasi doon sa mga countries na iyon at saka sa WHO na very stringent, actually naka-publish iyong kaniyang mga evaluation at available sa atin iyan [garbled] evaluation reports. At since end of April, wala na rin naman kaming mga tinatanggap na mga application dahil natapos na natin iyong mga nauna, so even before they filed the official application, nababasa na ng mga experts natin ang mga datos na ito.
Pagkatapos, noong nag-submit naman sila ng kanilang official application, it was more or less complete; mayroon lang mga konting katanungan lang na hiningi iyong ating mga experts tungkol doon sa mga clinical trial na nasagot naman agad nitong proponent kaya po hindi tayo nahirapan sa pag-evaluate dito sa produktong ito dahil very easily accessible at saka published ang kanilang data.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan-daan ko lang iyong katanungan ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Nag-sorry po si Pangulong Duterte sa pagpapaturok ng Sinopharm kagabi. Pero somehow daw po idinipensa pa rin niya iyong paggamit nito at ipinababawi niya sa China iyong nakatakdang shipment nito. So paano po nabigyan daw ng compassionate special permit ang Sinopharm at anu-ano po iyong mga naging parameters?
USEC. ERIC DOMINGO: Noong ano pa po ito, ‘di ba kung naaalala po natin, noong February ay nanghingi po ng compassionate special permit ang PSG kasi nga tungkulin nila na protektahan ang kalusugan at ang seguridad ng Pangulo. At noong mga panahon na iyon, wala pa po talagang bakuna ‘no, mga March na po tayo nakapag-umpisa ng pagbabakuna sa Pilipinas, at may magdu-donate daw sa kanila ng bakuna from China.
So since, of course, the health of the President is of national importance, binigyan po ng FDA ang PSG ng compassionate special permit to use on PSG personnel, close-in security of the President, pagkatapos iyon pong mga close-in at saka authorized na civilians na laging nakakasalamuha ng Presidente. So ito po iyong bakuna na nagamit ng PSG kay Pangulo, at bagama’t ano po—totoo naman po, siyempre lahat tayo ay mayroon naman po tayong karapatan sa sarili nating katawan at [garbled] katawan, pero nakakatuwa naman po na noong na-explain naman po natin sa Pangulo kung ano po ang pagkakaiba ng EUA at saka sa CSP, at iyong CSP po kasi ay talagang hindi pa po iyan naaaral ng ating mga experts at hindi pa po dumaan iyan sa pag-aaral ng FDA, at nag-decide naman po siya na isauli na iyong mga bakuna na nandiyan ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Rosalie Coz: Nakasaad daw po kasi sa Memorandum Order #4 series of 1992 ng DOH na ibinibigay lang daw po iyong CSP sa mga unregistered drugs na gamot para sa malalang sakit gaya daw po ng AIDS, cancer at iba pang life threatening conditions. So admission po ba ito na kaya CSP ang ibinigay sa Sinopharm dahil may malalang sakit daw po ba daw ang Pangulo?
USEC. ERIC DOMINGO: Well, hindi naman po ‘no. So medyo luma na po iyong memorandum order na iyon. Actually, noon pong—kung hindi ako nagkakamali, June or July last year, in-amend na po iyan ng Department of Health to include mga emerging infectious diseases including COVID-19. So iyon po ang ano, kaya po nakakapag-compassionate special permit na rin po tayo ngayon para sa mga gamot for COVID-19 including investigational products for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5: Kung isasauli raw po iyong doses ng Sinopharm, ano raw po ang mangyayari sa mga nabakunahan na ng first dose? Paano iyong second dose nila? Oo nga, Usec., papaano iyon, ‘di ba nagpaturok si Presidente?
USEC. ERIC DOMINGO: Yes. So iyon po talaga, aaralin po ngayon ng Department of Health. In fact, mayroon po talaga—mayroon naman po talaga na ongoing na meetings ang Department of Health on that dahil mayroon po talagang mga instances for example na naturukan ka ng bakuna ng first dose tapos nagka-severe allergy ka, so hindi ka na puwede doon sa second dose noon at kailangang isipin ngayon kung ano iyong alternative.
So gumagawa po ng guidelines ngayon ang DOH kung paano po iyong interchangeability or mixing ng vaccines in case the second dose cannot be given na identical doon sa first dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Magkapareho po ang tanong ni Maricel Halili at ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN News: May pending studies ba on Sinopharm? If mayroon, what will happen to this, following the directive of the President at ano daw po ang update sa EUA nito?
FDA DG USEC. DOMINGO: So, wala pong pending na clinical trial ang Sinopharm dito sa atin. Noong una po iyang nagpahiwatig kung naalala natin early last year pero hindi po natuloy at hindi po nila dito ginawa ang clinical trial, so walang clinical trial ang Sinopharm dito.
Iyon naman pong sa EUA application nila, mayroon pong tatlong kumpanya na sumulat sa FDA separately na nag-a-apply ng EUA for Sinopharm at noong ibinigay po namin iyong listahan ng mga requirements, sa ngayon po ay wala pa pong nagsa-submit ng requirement sa atin. May isa naman sa kanila sumulat sinasabi na kinukuha pa nila iyong requirements nila galing sa China.
So, officially po, wala pa po talaga kaming natatanggap na official application for EUA for Sinopharm kaya talagang wala rin naman po kaming i-evaluate pa or ia-approve.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up po ni Maricel Halili: Why didn’t you speak up when the President was inoculated with Sinopharm? Sabi ni dating Health Secretary Cabral, hindi ninyo daw po hinayaan, diumano ay mabastos ang ahensiya ninyo nang wala kayong ginagawa. Ano daw po ang comment ninyo?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, hindi naman po ipinapaalam sa akin ng Pangulo kung ano ang kaniyang ginagawa at kasabay ninyo rin po noong malaman ko na na-inject siya. And nakakatuwa naman po the day after we were called to the meeting and we explained to him kung ano po iyong CSP at kung ano po iyong EUA.
At sa kaniya naman pong sariling kusa ay nakapagdesisyon siya at sinabi nga naman po niya na may pagkakamali at pinababawi na po niya iyong mga bakuna. Pero hindi naman po iyon naipaalam sa akin at hindi naman po nagpapaalam sa akin ang Pangulo.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Do you think it will help boost public confidence when the President was inoculated with a vaccine covered by just a Compassionate Special Permit when there are several other vaccines were issued Emergency Use Authorization by the FDA and why daw po?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, I think that’s one of the factors din po, kaya ang Presidente sinabi na nga niya na talagang may pagkakamali at hindi na nga po mangyayari ulit at sinauli na niya iyong mga bakuna. Of course, ang gusto sana natin ay maramdaman ng ating mga kababayan na huwag talagang matakot sa bakuna dahil talaga pong ito ay nagagamit naman at talagang kapag naman po dumaan sa FDA eh talaga pong sinuri iyan ng mga expert natin.
At ganiyan din naman po ang ipinahiwatig ng mga expert natin na hindi natin magagarantiyahan po kasi ang bakuna na CSP kasi hindi po ito ineksamin ng ating mga experts at hindi po ito nabigyan ng authorization ng FDA. Pero lahat naman po ng mga bakuna na ngayon ay pito na na binigyan ng FDA ng EUA ay talaga pong dumaan sa masusing pag-aaral po ng ating mga eksperto at saka ng mga regulatory experts po natin dito sa FDA.
USEC. IGNACIO: Opo. Magkapareho rin po ang tanong ni Pia Gutierrez at ni Leila Salaverria: What does the FDA plan to do about the PSG’s refusal to cooperate in the probe on their unauthorized use of Sinopharm vaccine? Does the FDA plan to bring this to the President’s attention and seek his help? And what will be the implication if the truth behind the PSG’s unauthorized use of the vaccines will not be covered?
FDA DG USEC. DOMINGO: Kami naman po talagang continuously asking for information about it. I think the President has already made this clear, his position on that. So, hindi naman po kami dadaan sa Presidente kung hindi sa PSG naman po kami humihingi talaga ng impormasyon tungkol sa imbestigasyon na ito. Pero as of now, wala pa po talaga kaming natatanggap na kasagutan.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, FDA Director General Eric Domingo.
FDA DG USEC. DOMINGO: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, sa iba pang balita: Upang mas maging handa ang Pilipinas sa anumang pandemya na maaaring tumama sa hinaharap, mahalagang magkaroon ng mga pasilidad at sapat na suporta sa mga siyentipikong pag-aaral para dito.
Kaya kamakailan po ay inihain sa Senado ang Senate Bill 2155 o ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines Act of 2021 na layong magtayo ng isang laboratoryo na mangunguna sa mga scientific research initiative ng bansa. Narito po ang detalye.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy po ang programa na layong sugpuin ang mga katiwalian sa mga tanggapan ng pamahalaan. At upang alamin ang pinakahuling update po sa mga kasong isinampa ng PACC sa ilang mga opisyal na sangkot sa anomalya, muli nating makakasama si Presidential Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica.
Welcome back po, Chairman!
PACC CHAIR BELGICA: Magandang araw po, Ma’am Rocky at saka sa lahat po ng nanunood at lahat ng mga kasama natin sa media ngayong araw na ito.
USEC. IGNACIO: Chairman, last week po nabanggit ninyo po sa amin na may high-ranking officials kayo na sasampahan ng kaso. Kumusta na po ito at maaari ninyo bang sabihin sa amin kung sino po ang nasabing opisyal?
PACC CHAIR BELGICA: Opo. As promised last week, nag-file po kami ngayon ng kaso. Sisimulan na namin ang pagpa-file ng kaso every week for this year. We did file the first case for this week that involves DPWH official and DENR official.
If I can only make my presentation, Ma’am Rocky, ang imbestigasyon po na ito ay natapos namin [tungkol] sa anomalya ng opisina ng DPWH at DENR bureau tungkol sa pag-iisyu ng permit o certificate. Dahil sa korapsiyon at pagbibigay ng permit at certificate na labag sa proseso at umiiral na batas ay nagdulot ng masamang epekto sa kalikasan tulad na lamang po ng pagbaha at patuloy na pagbabaha.
Lumalabas po sa aming imbestigasyon na mayroong naging paglabag ang ilang opisyal ng mga nasabing opisina, kaya ang aming rekomendasyon sa kasong administratibo ng mga sangkot ay amin pong ipinarating na sa opisina ng ating Pangulo. At upang lalo silang mapanagot sa batas, kami rin po ay sumangguni na po sa Office of the Ombudsman upang maihain ang kasong kriminal sa mga sangkot na kawani ng gobyerno, ang amin pong nai-file online po sa kanilang website
Sa oras po na magbukas ang tanggapan ng Ombudsman or ang Tanodbayan ay ipapadala na namin ang investigation report ng aming opisina at rekomendasyon na sila na po ay makasuhan sa kanilang paglabag sa RA 3019 or Anti-Graft Law. At ang lahat ng ebidensiya na aming nakalap na magpapatunay ng kanilang pagkakasala ay amin din pong isusumite, dahil nga po na-extend po ang lockdown ng Ombudsman because of the extension ng MECQ pero tumatanggap na po sila ng mga online cases. So, that’s what we did.
And matapos po namin itong gawin, ang PACC ay patuloy na magbabantay sa imbestigasyon ng Ombudsman hanggang ang mga tiwaling opisyal na ito ay pormal na makasuhan at mapanagot sa batas lalung-lalo na po sa taumbayan na ating pinaglilingkuran.
Ang mga opisyal po na sangkot na amin pong kinasuhan sa DPWH, sa DENR dahil sa paglabag sa kanilang—sa pagkakasalang administratibo kaugnay ang kanila pong mga tungkulin ay sa DPWH dredging permit sa Sto. Tomas Maculcol River, Flood Control Dredging Project na nasa San Felipe at San Narciso, Probinsya ng Zambales.
Ang mga sangkot pong opisyal ay si: 1. Engineer Antonio Molano, Jr. buhat ngayon—or simula ‘no ay ang Assistant Secretary po sa Regional Operations ng Visayas, NCR at Region IV-B ng DPWH. Siya po ang dating Regional Director ng DPWH Regional Office III. Siya rin po ay respondent sa kaso natin sa PACC.
Pangalawa po ay si Engineer Metodio U. Turbella ay Director po ng DENR Management Bureau, DENR-EMB. Siya rin po ay respondent sa—sa national office po siya nagri-report.
At ang ikatlo po ay si Bb. Lormelyn E. Claudio ay Regional Director naman po ng DENR-EMB Region VII. Ang mga alegasyon na ibinintang sa kaniya na nagawa niya noong siya’y Regional Director ng DENR-EMB Region III.
Ang mga katunayang nakuha sa kaso ay naitatag nang maayos dahil sa mga paratang na suportado ng mga nilalaman na dokumento at iba pang patunay na wastong isinumite sa Komisyon. Ang lahat ng ito ay isinalaysay sa amin sa mga sumusunod—iyon po, ma’am. And this is—if you want to know the details—would you like to know the details of the case?
USEC. IGNACIO: Baka po tayo kapusin ng oras, Chairman. Iyan po ay kukunin na rin ng ating mga kasamahan dito sa PTV ano po. Pero ang sunod nating tanong, Chairman pumirma na rin daw po si Mayor Vico Sotto ng manifesto ng PACC. Bukod po sa kaniya, may ilan daw po bang LGUs pa iyong nagpahayag ng kanilang suporta at paano ninyo rin po sila hinihikayat na makiisa sa inyong manifesto?
PACC CHAIR BELGICA: Yesterday po I attended an event, sa Pasig po ginawa ng NYC, it was the National Youth Commission who started the event – ito po iyong Cyberspace League, Kabataan Kontra Katiwalian na amin pong pinagtutulungan. Gumawa po sila ng parang mobile cyberspace league kung saan magtuturo sila noong mga kabataan sa broadcasting. Pangalawa, tutulong po sa kampanya laban sa korapsyon at this will be piloted in Pasig. So si Mayor Vico was there and he [garbled] po signed a manifesto to fight against corruption at nakikipagtulungan sila sa PACC. So this will be furthered, implemented doon po sa Pasig, also and of course sa buong bansa through the National Youth Commission po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, mahigit isang linggo bago magtapos ang pamamahagi ng ayuda ng mga LGUs. Sa palagay ninyo po ba bukod sa mga nabanggit ninyo kaninang opisyal, naku eh baka madadagdagan pa po ba iyong mga local officials na masasampahan ninyo ng kaso?
PACC CHAIR BELGICA: Medyo inaasahan po namin iyan. In fact, we had a meeting with the DSWD and DILG at the end of the week, last week, Friday para po usisain iyong kanilang proseso at iyong mga issues na bumagsak po sa PACC. As I’ve said, there are over 10,000 na reports already ng mga kababayan natin nagrireklamo dahil kulang ang ibinigay or hindi sila kasama sa listahan or dapat silang bigyan or hindi sila binigyan. So inalam po natin ang proseso nila and we heard them and we gave suggestions also and we learned that mayroon na po silang mga kaniya-kaniyang mga grievance committee’ng ginawa.
But then kung mayroon pong—iyong sa mga kasong nahahawakan namin, if we find na mayroong mga—normally ito ay mga barangay officials. But then because of our findings last week, we will be holding a coordination meeting also with the, again with the DILG and DSWD and with the local government officials particularly their mayors. Kasi po ang in charge or responsible na po pala sa pagdi-distribute nito ay iyong mga mayor, our local government so ang mga reklamong ito ay dapat po sa kanila itanong at sila po ang mag-address.
At kung mapapatunayan po, again as I’ve said, kung mapapatunayan based on evidence na mayroong pagmamalabis or korapsyon na nangyari, ito po ay paiimbestigahan ng PACC at makakasuhan if evidence warrant.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson Belgica, bago ko kayo pakawalan ay may pahabol lang po si Tuesday Niu ng DZBB. Makikisuyo daw po uli na kung pupuwede ninyo daw pong ulitin iyong pangalan noong tatlong officials at saan po ito sila.
PACC CHAIR BELGICA: Okay. Ang mga opisyal po na ito ay galing DPWH at DENR. Una po, Engineer Antonio Molano, Jr., Assistant Secretary nga po siya ngayon sa DPWH subalit noong nagawa niya po itong korapsyon na ito, sa aming pagsisiyasat, allegedly sa aming pagsisiyasat, siya po noon ay Regional Director ng DPWH Region III. Asec. na po siya ngayon in short.
Ikalawa po ay galing naman po sa DENR, opisyal ng DENR, isang Director ng DENR national office, si Engineer Metodio U. Turbella for issuing the clearance na mayroon nang clearance na na-issue doon sa lugar na iyon sa Maculcol River. Ang nangyari ho rito, nagpatung-patong iyong mga clearance na hindi dapat. Para kayong apat na binigyan nang iisang permit para mag-occupy sa isang tindahan so ganoon po ang nangyayari doon—or clearance binigyan iyon.
Tapos ikatlo po si Ms. Lormelyn E. Claudio, Regional Director ng DENR-EMB Region VII ngayon pero noong mangyari ito, siya po ay Regional Director ng DENR-EMB Region III.
Ma’am ang gusto ko lang po also banggitin na napakalaki po nito dahil each contractor is set to earn if they get to operate in this business 1 billion pesos each. Tapos sa isang pagsisiyasat ng DENR noon na ibinigay po sa amin, this industry in 2019, this was an 8-billion dollar industry kaya po pinag-aagawan nila ito. At iyong mga—kung ito po ay masisimulan nang dredging, ang tinala po ng DENR kahit tatlongdaang taon daw po hindi matatapos ang mga idi-dredge dito.
So iyan po ang gravy doon sa pinag-aagawang hanapbuhay na ito and because of this corruption eh patuloy po ang danger sa mga tao na nakatira around Zambales na sila’y bahain, may mamatay, masira na ang kanilang lugar just because of this corruption kaya po natin ito inimbestigahan at kinasuhan po ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, kami’y nagpapasalamat sa iyong panahon. Pero iimbitahan ka pa rin namin dito lagi sa ating programa ano Chairman Belgica ha. Huwag kang magsasawa kasi kailangan natin talagang ipakita iyong ginagawa ng pamahalaan laban sa korapsyon. Maraming salamat po, Chairperson Greco Belgica ng PACC, mabuhay po kayo!
PACC CHAIR BELGICA: Salamat, Ma’am Rocky. Salamat po sa inyong lahat. Salamat, Philippines. God bless.
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, bukas po ang aming programa sa panig ng mga nabanggit na opisyal ni Chairperson Greco Belgica kani-kanina lamang po.
Sa ika-sampu naman po ng Mayo, gaganapin ang graduation rites ng mga kadete ng Philippine Military Academy sa gitna pa rin po ng COVID-19 pandemic. Para alamin kung paano muli ito isasagawa, makakausap po natin si PMA Superintendent Lt. Gen. Ferdinand Cartujano. Makakasama rin po natin ang Masaligan Class of 2021 Valedictorian na si Cadet First Class Janray Artus at si Cadet First Class Daryl Brix Colita, Salutatorian po. Magandang araw po sa inyo at welcome po sa Laging Handa.
LT. GEN. CARTUJANO: Magandang umaga po sa mga nanunood at nakikinig sa programa po ninyo.
USEC. IGNACIO: Unahin ko na si Lieutenant General Cartujano. General, November po last year ng ma-appoint po kayo sa puwesto. So paano po ba iyong naging strategy ninyo para talagang masiguro po ang kaligtasan at maiwasan ang mga aksidente sa mga cadet na sumasailalim sa training, kasi po ay naging isyu rin po ito bago kayo umupo bilang head ng PMA?
LT. GEN. CARTUJANO: Opo, so umupo po ako noong nakaraang taon, halos magtatapos na po iyong taon and pagdating ko po rito ay nakita ko iyong present training set up dito sa loob ng academy and ginawa po namin ay in-improve pa po namin iyong mga inabutan na namin dito.
So unang-una po sa pag-address sa COVID pandemic dito noon ay pina-test ko po lahat iyong mga kadete noong Disyembre at iyon nga po ay may mga napaulat na nag-positive, kaya naman po ay pinilit namin na ma-identify iyong mga iyon, na-segregate namin, ipina-quarantine namin agad at naihiwalay namin iyong mga positive. And then sa tulong na rin po ng butihing alkalde na si Mayor Benjie Magalong ay tinulungan po niya kami lalung-lalo na sa contact tracing at sa pag-inspect ng mga pasilidad namin dito. Nagbigay rin po siya ng mga PPE para sa mga personnel namin dito at iyon po unti-unti nasugpo po namin iyong pagkalat ng pandemya dito sa loob ng PMA.
So, as regards naman po doon sa training ng mga kadete ay sinusunod lamang po namin ang direktiba ni Secretary Delfin Lorenzana nang nagpalabas po sila ng memorandum order na magkaroon ng mga pagbabago dito sa sistema ng training sa PMA.
Unang-una na po naming ginawa dito iyong paghihiwalay po ng lahat ng mga kadete, lalo na sa barracks at sa mess hall. So we segregated all our cadets by classes, by barracks, so iyong mga plebo po sama-sama sa isa lang na barracks, ganoon din po iyong mga upper class cadets. Ganoon din po ang ginawa namin sa mess hall na hiwa-hiwalay din kapag kumakain ang mga kadete, while nasa loob ng mess hall. Ganoong bagay po naiiwasan po iyong mga bagay na hindi magagandang nangyayari palagi doon.
Sumunod po ay pinaigting namin iyong coverage ng tinatawag naming ‘All Right’ system. Ang ‘All Right’ ay isang challenge na ginagamit dito sa loob ng academy na dati po ay sa gabi lamang ini-implement, around alas-siyete ng gabi hanggang alas-diyes and after which ay wala na pong All Right. Ang ginawa po namin, ginawa po naming 24 oras iyong pag-challenge sa mga kadete as regards to All Right.
Ano po ba ito, ang coverage ng ‘All Right’ po ay tumitingin sa limang areas: Unang-una na po ang liquor, narcotics, gambling, maltreatment at iyon po. Kapag na-violate po ng kadete iyon, hindi po makakapag-all right iyong kadete, kaya ibig sabihin po, magkakaroon ng imbestigasyon kaagad-agad kung bakit hindi nakapag-all right iyong mga bata. So far we are succeeding with that, Sir, and wala po kaming insidente ngayon ng mga violation sa ‘All Right’.
Pinaigting din po namin dito iyong mga mentoring and counseling ng mga kadete, hindi lamang po sa mga plebo pati po sa mga upper class. Pinaigting din po namin and in-empower namin really iyong mga upper class cadets as regards to their roles being buddies, squad leaders and for the first classmen as small unit commanders and leaders. Likewise now po, mayroon kaming bubble set up. Ang PMA po kasi totally naka-lockdown nasa isang bubble nap o kami. Iyong area po ng mga kadete, which we called the cadet zone ay may bubble pa rin po sila doon, so there is a bubble within a bubble. Ang area lamang po ng mga kadete para sa kanilang mga aktibidades ay nali-limit lamang po doon sa kanilang bubble, kaya hindi po sila puwedeng lumabas doon sa mga area na iyon.
Ganoon din po, lahat po ng mga tao namin dito na hindi lang basta-basta makakapasok sa cadet zone at sa bubble ng mga kadete. Dapat po ay naka-PPE po lahat sila at lahat po ay nag-uobserba ng mga health protocols and all the restrictions are being observed by all. Iyon lamang po.
USEC. IGNACIO: General, magtanong lang po ako kay Cadet First Class Artus. Sa loob ng apat na taon, ano iyong masasabi ninyong pinakamahirap na pinagdaanan ninyong training at paano rin nagbago iyong pananaw ninyo sa edukasyon at pagiging sundalo simula ng magka-pandemya? Kayo ba ay nakapag-adjust agad dito?
CADET 1CL ARTUS: So magandang umaga po sa lahat po, lalo na po sa mga manunood sa programang ito. So noong nagkaroon nga ng pandemic, so nag-iba po iyong method of education or instruction dito sa academy. So, isa po iyon sa mga challenge na hinarap po namin as cadets. Ang secondly, ang pinakamahirap na part ng aming pagkakadete ay ang pagpi-plebo, kasi sa pagpasok namin ng PMA, two months po kaming nag-beast barracks. So ito po iyong stage ng pag-transform ng isang carefree civilian into a disciplined and well-mannered na military officer.
So sa pag-adjust naman po sa method of instruction dito sa PMA, nagkaroon po kami ng different programs dahil po sa ginawa ng PMA command and nasabi na po rin kanina ng aming PMA Superintendent, iyong mga programa na ginawa nila to adjust to the COVID pandemic. So nagkaroon po kami ng distance learning classes to cope with the COVID-19 pandemic. So iyon lamang po.
USEC. IGNACIO: Para naman po kay Cadet First Class Colita: Sa kabila po ng lahat ng mga sakripisyo ninyo, ilang araw na lang po ga-graduate na kayo. Pero ano ba ang pakiramdam na magtatapos kayo bilang valedictorian at salutatorian napi-pressure ba kayo, kasi siyempre opisyal na din kayong sasabak din sa inyong mga tungkulin?
CADET 1CL COLITA: Magandang umaga po sa ating lahat. Una ko pong sasagutin iyong tungkol po sa pressure. Iyong pressure po na nakaabang sa amin, right after graduation po, kasi magiging officer na po kami, imbes na bumaba po iyong tiwala namin sa sarili namin dahil sa mga pressure na naka-abang sa amin, ang ginagawa po namin minu-motivate at saka tsina-challenge lang po namin iyong mga sarili namin na as long as binibigay po namin iyong best namin sa lahat ng mga trabaho, assignments na ibibigay po sa amin, alam po namin lahat ng pressure na iyon magagantihan po ng magandang resulta.
Para naman po sa pakiramdam namin ni Cadet First Class Artus, sobrang saya at nagpapasalamat po kami kasi bago po kami pumasok ng PMA, iyong una lang po naming sa sarili namin is ga-graduate po kami. Kahit iyon lang po ang maibigay sa amin, sobrang saya na at ngayong nalaman namin na nasama kami sa top ng class namin, sobrang nagpapasalamat po kami. Iyon lang po.
USEC. IGNACIO: Tanong po ito para kay Cadet First Class Artus at First Class Colita: Saan mo naman ninyong napiling ituloy ang inyong pagsiserbisyo? Unahin natin si First Class Artus.
CADET 1CL ARTUS: Good morning po ulit. Ako po, napili ko po na sa Philippine Navy ipagpatuloy ang serbisyo para sa ating bayan po.
USEC. IGNACIO: Para kay First Class Colita?
CADET 1CL COLITA: Ako naman po ay manunungkulan bilang military officer ng Philippine Army po.
USEC. IGNACIO: Okay, para naman kay General Cartujano: Paano naman po ang magiging sistema ninyo this year sa isasagawang graduation rights at sinu-sino rin po ba iyong mga opisyal na inaasahang dadalo sa pagtitipon?
LT. GEN. CARTUJANO: Gusto ko pong ipaalam sa lahat na ang pagtatapos o graduation day nitong PMA ‘Masaligan’ class of 2021 ay gaganapin sa May 10 at 5:00 o’clock in the afternoon.
Alam po natin na ang atin pong butihing Presidente na si President Duterte ay ang Commander-in-Chief din po ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Alam po namin na gustung-gusto ng Presidente na pumunta rito sa PMA, but because of the situation that we are in right now ay minarapat na lamang po na ang Presidente ay dumalo – virtually nga lang po and he will address the graduating cadets via video teleconferencing po.
Napag-alaman din po namin na si Secretary Delfin Lorenzana ay na naanyayahan ng Presidente na samahan siya sa Malacañang upang addressing the graduating class. Napag-alaman namin din po na ang ating Chief of Staff na si Gen. Cirilito Sobejana ay pupunta po dito and he will attend physically ng pagtatapos ng mga kadete natin sa May 10 and inaasahan po namin ang kaniyang pagdating po dito bilang representante na rin ng ating butihing Presidente po.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, PMA Superintendent Lt. Gen. Ferdinand Cartujano at siyempre, congratulations po kina Cadet First Class Janray Artus at Cadet First Class Daryl Brix Colita at congratulations po muli at maraming salamat sa inyong panahon.
Samantala, ilang mga biktima ng sunog sa ilang Lungsod sa Metro Maynila ang pinuntahan ng team ni Sen. Bong Go para mamahagi ng tulong sa mga apektado nating mga kababayan. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ngayong araw po ay ginugunita ang Araw ng Paggawa o Labor Day para sa mga manggagawa sa informal sector, kaugnay diyan makakausap natin si Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla, Director IV ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Welcome back po.
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat po na nanunood ng Laging Handa Philippines, Maligayang araw ng paggawa para sa informal sector.
USEC. IGNACIO: Opo, unahin ko na lang iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa media, mula po kay Jillian Cortes ng Business World: Does the DOLE plan to hire more contact tracers under the TUPAD to be deployed in areas outside NCR, particularly daw po sa regions whose community quarantine were updated to stricter lockdowns and on areas that are part of the plus ng NCR?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Yes po Usec. Rocky, may instruction naman po si Secretary Bebot Bello na kung mayroon hong request ang local government unit ay puwede naman po natin i-tap ang ating tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced workers program para po sa contact tracing. Sa ngayon po, wala pa ho kaming natanggap na request from the local government units, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am sa inyo pong datos, gaano po ba kalaki ang bilang ng ating mga kababayang manggagawa na nasa informal sector at sino-sino po ang kabilang o bahagi ng sector na ito?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Usec. Rocky, ayon po sa Labor Force survey ng Philippine Statistic Authority noong February 2021 ay mayroon pong humigit kumulang na 15.5 milyong manggagawa sa informal sector. Ang 12 milyon ay iyong mga self-employed na walang tauhan o pasahod sa manggagawa habang ang more than three million naman po ay ang unpaid family workers.
So, kabilang po, Usec. Rocky sa sector na ito ang mga manggagawang walang sapat na kinikita, mga magsasaka at mangingisda, mga pansamantalang nawalan po ng trabaho at iyong mga nagtitinda po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po ng taunang paggunita sa Labor Day. Ano daw pong mga activities ang inihanda ngayon ng DOLE para po sa nasabing okasyon?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Para po sa paggunita ng Araw ng Paggawa para sa mga manggagawa sa informal sector, ang DOLE po sa pamamagitan ng Bureau of Workers Special Concern ay kasalukuyan pong ginaganap Virtual Advocacy Forum para po ilahad ang isinasagawang pag-aaral tungkol sa paid maternity leave para po sa mga manggagawang kababaihan sa informal sector. Partikular na po iyong mga hindi enrolled as voluntary member ng SSS.
Ang forum pong ito ay lalahukan ng International Labor Organization, ganoon din po ang ating Philippine Institute for Development Studies at ang International Organization po ng Alive and Thrive na mayroon pong inisyatibo patungkol sa Maternal protection and Breast Feeding forum.
Ito pong forum na ito ay live na mapapanood sa BWSC Facebook ngayong araw po at bukod sa forum ay tatalakayin din po natin ang mga initiatives na ginagawa ng pamahalaan upang maisulong ang agenda ng informal sector at maibsan ang epekto ng pandemic sa kanilang kabuhayan, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam din po natin na isa sa lubhang naapektuhan ng pandemya ay ang kabuhayan ng mga manggagawa nga sa informal sector. So, ano po iyong mga hakbang na ginagawa ng DOLE, siyempre sa pangunguna po ng Bureau of Workers with Special Concerns, para po tulungan silang makabangon mula sa naging epekto ng pandemya lalo na po sa kanila talagang kabuhayan?
ATTY. TRAYVILLA: Usec. Rocky, isa sa mga programang isinusulong, na mention na po iyong tulong panghanapbuhay sa ating mga disadvantaged and displaced workers or iyong TUPAD program natin na ito po ay emergency employment na maaaring tumagal ng sampu hanggang mga thirty days.
So, marami na po tayong mga natulungan dito under TUPAD Bayanihan 1 and TUPAD Bayanihan 2. Sa kasalukuyan po, na-mention na rin, inilunsad din natin itong TUPAD Contact Tracers.
Mayroon po tayong ini-hire na 5,754 contact tracers na mag-u-augment po sa current composition ng mga contact tracers na nakatalaga sa local government units. At sa pagdiriwang po ng Araw ng Paggawa, noong Sabado ay nilagdaan din natin iyong Joint Memorandum Circular ng DILG, DOLE at MMDA para po lalong mapagpatibay ang proyektong ito, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, maaari po ba ninyong idetalye ang mga paraan kung papaano daw po makapag-apply sa mga nabanggit ninyong mga programa ang ating mga manggagawa mula dito sa informal sector?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Opo. Upang makapag-apply po sa TUPAD, maaring magpunta lamang po ang mga interesadong manggagawa sa pinakamalapit na office ng DOLE sa kanilang lugar. Maaari din po silang magtungo, Usec., sa Public Employment Service Offices sa kanilang lokal na pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Okay. Bukod po sa mga nabanggit ninyong programa, meron pa ba kayong pinaplanong iba pang maaring ma-avail na programa ng mga manggagawa mula dito sa ating informal sector?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Yes po Usec Rocky. Bukod po doon sa TUPAD, meron din po tayong DOLE Integrated Livelihood Program o mas kilala sa tawag na Kabuhayan Program na maaring i-avail ng ating manggagawa sa impormal na sektor.
Sa ilalim po ng Kabuhayan Program ang DOLE ay nagbibigay ng livelihood assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo natin tulad ng manggagawang walang sapat na kita, kababaihan, mga magulang o tagapag-alaga ng mga child laborer, indigenous peoples, mga manggagawang matatanda, may mga kapansanan, mga nawalan ng trabaho dahil sa sakuna o pagkalugi ng kumpanya, magsasaka, mangingisda, mga kabataan, mga rebeldeng nais magbalik loob, pati rin po mga biktima ng sagupaan noong giyera.
So ang kuwalipikadong beneficiary po natin ay maaring makakuha ng hanggang thirty thousand para sa mga individual na project at hanggang one milyon naman po para sa mga proyekto ng grupo.
Sa ilalim ng programang ito din po Usec. Rocky, ay naitatag din natin ang isang proyekto na akmang-akma po ngayon sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, ito ay ang Free Bisikleta Panghanapbuhay Project or FreeBis Project kung saan namigay po ang kagawaran ng mga bisikleta, reflectorized vest, insulated bag, helmet, pati cellphone load na nagkakahalaga po ng 5,000 iyong load para po sa mga beneficiaries po na interesadong magsimula ng kanilang delivery service at puwede din po isabay ang e-loading business, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo Attorney, isa nga po sa mga isinusulong ngayon ay ito ngang Magna Carta of Workers in the Informal Economy na naglalayon nga daw pong mas mabigyan proteksiyon at mapangalagaan ang ating mga kababayan na nandito sa sektor na ito.
So, ano po iyong status nito ngayon at kung sakali po daw maisabatas ito, paano po ba ito talaga makakatulong sa informal sector lalo na iyong sa kanilang mga hanay na talaga naman pong naapektuhan ng pandemya?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Sa ngayon po Usec., nakabinbin po sa Kongreso ang mga panukalang batas patungkol po sa Magna Carta Workers in the Informal Economy. Samantala ang isinusulong po na substitute bill na pinamagatang Workers in the Informal Economy ay nasa Committee on Labor and Employment na para sa kanilang pag-apruba.
kung sakali pong maisabatas po ito Usec. Rocky, mabibigyang proteksiyon ang mga karapatan at kapakanan ang mga manggagawang sa informal sector katulad po ng pagkakaroon ng registration system.
So, sa pamamagitan po ng registration system, mas mapapabilis ang pagbibigay ng tulong kung sakaling ang informal sector ay tamaan ng sakuna o ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Ang batas din po ay magsusulong sa proteksiyon ng mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa pamamagitan po ng pagsisiguro ng kanilang basic rights tulad ng maayos na lugar na trabaho, malayang pag-avail ng mga trainings at seminars, patas na sahod among others, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, Attorney, para sa mga kababayan natin may katanungan sa mga programa ninyo, saan daw po sila puwedeng makipag-ugnayan?
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Kung meron po tayong gustong tanungin regarding po sa program sa DOLE at kung gusto po nating mag-avail ng mga sa programs ng DOLE, pumunta lang po tayo sa pinakamalapit na DOLE Regional, Provincial or field office na malapit sa inyong lugar, meron din po tayong hotline, puwede rin po tayong magtanong doon. Doon po sa 1349, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong muling pagsama sa amin Attorney Trayvilla, ingat po kayo.
DOLE ATTY. TRAYVILLA: Thank you so much USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 5, 2021, umabot na sa 1,073,555 ang total number confirmed cases matapos makapagtala ng 5,685 ng mga bagong kaso.
178 na katao po ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 17,800 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan na naka-recover na sa sakit ay nasa 993,042 matapos makapagtala ng 8,961 new recoveries kahapon; ang total active cases sa kasalukuyan ay 62,713.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap, kami po ay lagi pa ring nagpapa-alala na mag-MASK, HUGAS, IWAS. Stay safe po mga kababayan, muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center