Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli nating tatalakayin ang pinakamaiinit na balita sa bansa ngayong Lunes, May 10, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong araw po, ngayong gabi ay inaasahang darating sa bansa ang nasa 193,000 doses ng mga bakuna kontra-COVID-19 mula po sa Pfizer-BioNTech na umano’y may pinakamataas na efficacy rate laban sa mga bagong variants ng COVID-19 base sa mga pag-aaral na ginagawa sa ibang bansa.

Inaasahan na rin sa mga susunod na araw [garbled] mamahagi sa iba’t ibang lugar sa bansa ng nasa 3.5 million doses ng bakuna mula sa Sinovac at AstraZeneca na dumating naman sa bansa noong nakaraang linggo. Abangan ninyo po ang iba pang updates tungkol sa vaccination program ng pamahalaan dito sa PTV.

Samantala, bukod po sa panukalang pagtatag ng Virology Science and Technology Institute, isa pang batas ang muling inihain ni Senator Christopher “Bong” Go na naglalayong magkaroon ng sariling Center for Disease Control and Prevention ang Pilipinas gaya ng sa ibang bansa. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil diyan ay nagbigay-suporta ang World Health Organization at Department of Health sa panukalang Center for Disease Control na naganap sa Senate hearing noong May 6.

Samantala, sa pinakahuling report naman po ng OCTA Research Group, maaaring bumaba na sa 1,900 average daily cases ang maitatala dito sa Metro Manila pagdating ng May 14, iyan po ay base sa naging pagbaba ng reproduction rate sa rehiyon at sa buong bansa. Pag-uusapan po natin ang detalyeng iyan, kasama po natin sina OCTA Research Dr. Butch Ong at UP Professor Ranjit Rye. Makakasama rin po natin ang molecular biology at theology professor sa Providence College in Rhode Island at research fellow din po ng University of Santo Tomas at OCTA Research Group, Father Nicanor Austria po. Magandang umaga po sa inyo.

ALL: Good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning po. Advise ninyo na lang po ako, sirs, kung sino ang puwedeng sumagot at kung magkakaroon pa rin po ng additional answer doon sa question. Paki-advise lang po ako.

Good news nga itong sinasabi po na pagbaba ng reproduction rate dito sa Metro Manila, ano po. Ito na po ba iyong ideal na dapat nating i-maintain sa ngayon? Kung sino po ang puwedeng sumagot.

DR. BUTCH ONG: I can answer that, Usec. The reproduction number has gone down ever since we implemented ECQ early on ‘no, to the previous month. From a 1.9 na R number, we are now down at 1.67, 1.69 ‘no and it has been steadily declining ‘no. However, when we went to MECQ, the decline was lower, of course, understandable because the MECQ has lesser restriction than an ECQ lockdown.

So having said that, the hospital occupancy, especially the ICU, is still at almost critical at around 69%. As we know, the critical level is set at 70%. But all our hospital … or isolation beds, ward beds are holding on below 70% ‘no. So our hospitals are easing up a bit. However, the ICU is still a little full. Ang nakikita kasi natin ngayon, iyong ating daily new count is still very high, at pre-surge level ‘no. When we started with the surge, it was around, I think, 4,000 new cases per day; ngayon lumalaro tayo around 7,000 ‘no.

So with that, the positivity rate is still at a high 15%. The ideal or the … sabihin natin, the recommended positivity rate is only at five percent; so medyo malayo pa tayo with regard to the positivity rate.

So there are a little… may mga mixed tayo na mga interpretations din dito ‘no. Although pababa ang ating R value, we still have our daily new count way above pa rin our pre-surge level. So we are hoping that by the end of this week or next week, sana maibaba na natin ang ating daily new count to a much more manageable level.

USEC. IGNACIO: Opo. Sirs, kung kayo ay may additional po, advise ninyo lang ako. Ito po bang projected 1,900 cases per day ninyo, sir, ito po ba ay sa NCR lang at hindi pa kasama iyong extended provinces natin sa NCR Plus? And may na-report din po iyong OCTA kasi na mukhang may mga provinces din po na may tumataas na kaso. Ito po ba, papaano po iyong nationwide?

DR. BUTCH ONG: All right, I can answer that. Outside the Metro Manila, we do have some provinces, which are areas of concern ‘no. We have Cagayan de Oro, Puerto Princesa and Bacolod in Negros Occidental. So those are some areas where we are seeing a slight uptick in the number of cases. In the areas of Rizal naman, sa CALABARZON, Rizal, the ICU occupancy is still at 100%. So even doon sa NCR Plus Bubble natin, mayroon pa rin tayong mga areas na medyo kailangan pang nang konting tulong pa.

Again ‘no, outside NCR Plus Bubble, it’s Cagayan de Oro in Misamis ‘no, Puerto Princesa in Palawan, and Bacolod in Negros Occidental.

USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of NCR Plus naman po, na-single out ninyo po ba iyong Laguna ngayon as not yet stable kumpara po sa iba pang nasa loob ng Greater Manila Area? At kumusta po raw iyong trend ng COVID cases ngayon sa Laguna?

DR. BUTCH ONG:  For Calamba, for example, in Laguna, the ICU utilization or occupancy is still at 79% ‘no. Medyo mataas pa rin ang Calamba, it’s improving a little bit ‘no kaya lang nasa mataas pa rin ang hospital occupancy. So pagdating sa Rizal, sa NCR Plus Bubble natin ‘no, sa Rizal, medyo mataas pa rin. Hindi pa rin nasa ideal level iyong ICU occupancy nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero tama po ba na iyong … masasabi natin na most improved naman sa NCR Plus ay itong Bulacan, sir?

DR. BUTCH ONG: That’s correct ‘no. Sa Bulacan nag-i-improve naman ang number of cases ‘no. May mga negative changes in cases tayo and maybe I can browse through our May 8 OCTA update ‘no. So may mga negative changes, meaning pababa ‘no. In Quezon City is minus 21%; Manila, minus 26; Makati, minus 19; Parañaque, minus 32. These are all in our OCTA May 8 update.

So gumaganda naman because of the ECQ and MECQ, it is going down and it is going to have a… sabihin na natin, positive outlook naman sana ‘no kapag hindi ma-reverse. We would like to remind everyone that the trend is still reversible ‘no. Hindi pa rin ito—when we say going down steadily ‘no, hindi siya definite na pababa na, at any point in time ay maaaring tumaas pa rin ito. But the indications in the NCR Plus Bubble are generally … generally for the past few weeks are going down.

USEC. IGNACIO:   Opo. Bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media pero unahin ko na po muna si Maricel Haliil bago po si Cresilyn Catarong. Ang tanong po ni Maricel Halilli ng TV5: Given the decrease on number of COVID cases, is it okay to place NCR Plus under GCQ after May 14 and how far are we from becoming an India? Kung sino po ang maaaring sumagot.

FATHER AUSTRIACO:   I’ll start by saying na OCTA Research is still—

PROF. RYE:   (OFF MIC) Generally speaking, the trend is downward for the whole region and NCR Plus and this is good for all of us but as we have also noted, the average daily attack rate is still high for many cities in the NCR, in fact, only Navotas is below the critical level. So, this is something that we need to look into.

Second, the positivity rate is still high at 14% and we’re hoping that in the next few days it will further improve. Third thing that we need also to look into, as Dr. Butch has also mentioned is the fact that, you know, ICU occupancy is still quite high. So, yes, we are healing. Yes, we’re trending in the right direction but we’re still not yet there.

We can understand if government will have discussions about extending the MECQ is really because we need some more time to heal; we also need some more time for government intervention such as contact tracing and of course expansion of hospital capacity apart from testing ‘no, okay; and improving our own strategy and, you now, systems as far as COVID-19 is concerned.

We will understand if government extends. Right now, the trends are good but we’re not yet where we’re supposed to be as far as managing the crisis in our region is concerned. So, this is where OCTA is: All of us want, lahat tayo gusto natin mag-GCQ na pero iyon nga, may mga indicators pa apart from R na hindi pa ganoon kaganap ang indication na naghi-heal tayo.

So, mataas pa po iyong average daily attack rate and iyong positivity mataas pa rin po. So, very slow iyong changes dito and ang tingin namin, ang tingin ng ibang members ng grupo namin, kailangan pa ng kaunting panahon. Although other members are saying, “I think we have achieved some level of improvement and the trend is downward, so, government can also consider a GCQ.”

But iyon nga, we very cautious. We would like all of these indicators to be below critical levels including ICU occupancy, including the average daily attack rate, to be able to sustain all the downward trend that we achieved at very great sacrifice to the region and to the country in general.

USEC. IGNACIO:   Opo. Father Nicanor Austriaco, baka po may gusto ayong idagdag? Father Nicanor?

FATHER AUSTRIACO:   Thank you. I just wanted to add, you know, the MECQ that we are in right now is actually not the same MECQ we were in in August. So, if you look at the mobility numbers, we are actually much more comparable to a GCQ.

So, we understand of course that the government wishes to reopen in order to revive our economy and provide the necessary resources for those our kababayans who are hungry. But as my colleagues in OCTA pointed out, we wanted to sustain the good trends that we have had so far.

USEC. IGNACIO:   Yes, opo. Iyan din po iyong tanong ni Cresilyn Catarong ng SMNI News. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times para daw po kay Professor Ranjit. Kung papayag po ang grupo sa GCQ, ano pong modifications sa GCQ ang kailangan nating i-enforce? Sa tingin ninyo rin po ba sapat iyong ginagawa ng gobyerno para palakasin ang pagpapabakuna sa priority groups?

PROF. RYE:   Okay. So, number one, we will support whatever government decides. What we’re suggesting is caution, what we’re suggesting is a calibrated slow exit strategy ‘no, so that we can sustain the trends.

Now, whether it’s a GCQ or MECQ, the terms don’t seem to be as accurate as we understood it last year. What we have now is a very, very flexible MECQ. To answer Red’s questions, context is important. We are trying to prevent the entry this new and more contagious variants very specifically from India.

We don’t know what the situation is with the sequencing as far as the five individuals who tested positive coming from India. So, we want to await that. That’s one area of caution that we want to focus on.

Number two, government is trying its best to rollout improvements in its COVID response and many of these improvements will require infrastructure, the training of contact tracing workers, expansion of hospital facilities and these will take time. This is why it might be prudent to consider an extension at this point.

Of course, what we feel is it’s important that the industries – if we decide to extend pa a week or two – the industries that are closedown now can slowly, in a calibrated fashion, be opened up.

Red, medyo nasa GCQ na tayo halos eh if you think about it. Only certain industries are closedown to prevent transmission. But these industries, if they comply with minimum public health standards, if they have the engineering to prevent transmission within their business establishment and if their employees are vaccinated, I think that we can slowly open up.

The key here is to have a gradual exit or whatever the government calls it, a gradual exit from the quarantine so as not to reverse the trend. The trend can easily reverse especially now that’s we have B.1.1.7 here, we have the South African variant also here.

So, you know, it’s a very complex decision to make but we will support government if it extends the MECQ suggested by some of our fellows to between one or two weeks or if it decides to go on GCQ but with modifications, with more strict monitoring and enforcement of minimum public health standards not just in public areas but also in the private sector, for example, restaurants and malls then we will support that.

USEC. IGNACIO:   Yes. Sunod pong tanong ni Red Mendoza – kung sino pong puwede sumagot at kung mayroon po kayong puwede ring sabihin, i-advise ninyo lang po ako: Ini-expect po ba natin ang pagbaba pa lalo ng kaso sa mga hospital in the next few days at ano po ang inyong assessment sa ating hospital bed capacity?

PROF. RYE:   Father Nic could answer that. Father Nic?

FATHER AUSTRIACO:   Yes. So, as my colleague Dr. Butch Ong has pointed, hospital occupancy has been improving gradually over the last few weeks. And we expect as the daily case slowed, as the daily attack rate continues to drop, we will expect similarly with about two or three week delay a drop in cases.

Now, one of the challenges that the National Government has faced has actually not been the number of beds but the number of staffing, especially nurses to staff those beds. So, one of the additional reasons we can provide for a slow, gradual reopening is to allow the National Government to increase and enhance the nursing staff and the health care workers staff that would allow all the beds that are available to be staffed adequately at a standard of care that provides what is needed for our kababayans.

So, it will gradually improve over the next few weeks as long as the R is sustained and we expect hopefully that by June, most if not all of our hospitals will have dropped below the critical level that some of them are at this time.

USEC. IGNACIO:   Yes, thank you. Ayon po sa DOH naman, kaya raw po nagkakaroon ng pagbaba sa bilang ng COVID-19 sa Metro Manila ay posibleng dahil sa bumababa rin po iyong mga samples na tini-test ng mga laboratory araw-araw. Ito po ay, siyempre, makakaapekto sa mga data na inaaral ng inyong grupo. So, ano po ang masasabi ninyo dito, kung sino po ang puwedeng sumagot, Sirs?

PROF. RYE:  Yeah, we were forewarned by Usec. Vergeire about this; and in fact, that is why we are very cautious. All of us, lahat tayo gusto ng mag-GCQ eh, kaso nga lang, iyon nga we have to get the data, we have to get a good picture. That is why we are holding off on a definitive recommendation, kasi po pinag-aaralan pa po namin iyong datos.

Pero generally speaking week on week po nasa downward trend po tayo. Now, how far down? Okay, we are going to ascertain that in the next few days. Pero ang importante po talaga kung anuman ang maging desisyon ng government, dapat calibrated po siya, dapat po isaalang-alang niya iyong pag-rollout ng mga improvements doon sa COVID response at sa testing, sa contact tracing. Marami tayong hinire na bagong contact tracers, nasa training pa sila, hindi pa lahat nailalabas, nairo-rollout lahat ng plano tungkol diyan lalo sa app ano.

Number three po iyong pag-extend ng hospital capacity natin. Ang importante ring kailangang tingnan natin iyong attack rate po, iyon ho iyong titingnan natin kung bumababa, nasa kritikal pa ho ang maraming lugar sa NCR Plus. So, iyon po ang pinapanuod namin, tinitingnan namin ng mabuti at aware po kami na hindi lahat nakakapag-submit at nasabihan kami this morning ng Usec ng DOH na ito ang sitwasyon.

Ganoon pa man, tuluy-tuloy pa ho dapat kung gusto nating ma-sustain iyong ating downward trend, malaki po ang role ng ating mga kababayan. Dapat po tuluy-tuloy pa rin po iyong ingat, mas lalo pa tayong mag-ingat ngayon. Tuluy-tuloy po iyong pagsunod sa minimum public health standard, iyong pagsuot ng face shield, face mask, iyong paglayo-layo natin at paghugas ng kamay, importante po iyon.

Ngayon pong MECQ, dahil nga medyo maluwag ang MECQ natin, nakikita natin nagkukumpulan iyong mga kababayan natin, nagpapabaya at nagkukumpiyansa. May mga ilan tayong mga kababayan na ganyan na ang pananaw, dapat po tanggalin natin sa pag-iisip natin iyan, nakita na natin iyong nangyari noong last surge, marami po ang namatay at totoong-totoo ang COVID po.

So kailangan po, kung gusto nating mag-sustain at maka-exit dito sa MECQ at mabuksan ang ekonomiya para hindi lang tayo may buhay, may kabuhayan pa tayo kailangan po magtulung-tulungan po tayo, dapat tuluy-tuloy pa rin po iyong pag-ingat natin. Hindi ho namin gusto iyong nangyari sa Caloocan po na talagang nagpapabaya po iyong iba nating kababayan, hindi ho talaga dapat at this time iyon. Kasi hindi pa tayo nakaka-exit na mabuti dito sa surge na ito. So iyan at of course ang panawagan namin, tuluy-tuloy dapat ang pagbabakuna, kung puwede na kayong magpabakuna, kasama kayo sa  A1,A2,A3 ay magpabakuna na po kayo sa lalong madaling panahon.

So iyong mga ganyang hakbang makakatulong po tayo pa ma-exit po dito sa MECQ at magkaroon tayo ng laya as far as the economy is concerned. So iyon po iyong panawagan namin natin sa OCTA, dagdagan natin ang pag-iingat natin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Para naman po kay Father Nicanor, kayo po ba daw ay pabor sa binagong quarantine guidelines sa mga incoming passengers mula po sa ibang bansa?

FATHER AUSTRIACO:  Yes, so I arrived last night in the Philippines and I just started my 10 day quarantine and I am aware that you know, that the quarantine levels were increased from 7 days to 10 days and I will be here in the hotel in Makati for 10 days. But I am very supportive in this change in the quarantine, because we have to protect ourselves from the Indian variant, the B1617. Because what we have noticed is that in the last year and a half, every time there is a new variant we have a surge and so we have to protect ourselves and the best way to protect ourselves from this new variant is to have as tight a quarantine border as possible, and the data shows that the ten day quarantine will decrease the risk to less than 1% of transmission.

So, even though I am fully vaccinated, I have received the Moderna vaccine I completely consent to the quarantine procedures, because again, we have to protect our country and we have to protect our country from the Indian variant that as we can see now in the United Kingdom is quite transmissible and would cause another surge if it enters the Philippines.         

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Jayson Rubrico ng SMNI News: Kailan po mararamdaman  iyong  pagbaba daw ng COVID-19 cases not because of the ECQ and MECQ implementation but because of the vaccine na itinurok sa ilang mga residente na po?

FATHER AUSTRIACO:  So, I can answer that. The data from Israel and from the United Kingdom now and from the United States basically show that we have to vaccinate at least 45 to 50% of the population to see the effect, which means that here in the NCR we would have to vaccinate about 6 million people of our 12 million people here before we see a substantial effect on the number of cases.

So hopefully with the government’s vaccine strategy and vaccine campaign, we hopefully will begin to see this probably in the third or fourth quarter of this year.

USEC. IGNACIO:  Sunod pong tanong niya: Do you think dapat daw pong unahin iyong  pagbabakuna dito sa Metro Manila before iyong other areas, since Metro Manila is the epicenter of  the pandemic kung saan kalahati sa COVID-19 cases sa Pilipinas ay nandito daw po at 1/3 sa economic activity sa buong bansa ay nakatuon sa Kalakhang Maynila?

FATHER AUSTRIACO: In fact, this week OCTA will release our modeling data that supports the claim that we should focus our vaccination strategy on the NCR in order to accelerate the healing that we have as well as to decrease the total number of cases, the total cases in the country. So we hopefully will release that manuscript with the data later this week.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin po sa SMNI News Online: Ayon daw po sa isang alkalde dapat sa priority list ng government sinunod na bakunahan ay ang mga economic frontliners o mga nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga bahay after the healthcare workers list if the government  is really concerned with the economy without compromising the health of every Filipinos. What’s your take on this?

PROF. RYE: Alam mo we are in total support of full vaccination of our adult population, kung mayroon lang talagang supply, talagang suportado namin talaga na mabakunahan pati iyong mga economic frontliners natin. Pero right now po dahil po may problema tayo sa supply kaya nga may priority listing. So sang-ayon po kami sa priority listing po ng DOH na by risk category ‘no, so una iyong healthcare workers natin, una iyong mga matatanda natin sa lipunan at saka iyong mga may comorbidities.

Pero ganoon pa man, iyon nga ang pinag-uusapan na ng OCTA, January pa lang pinag-uusapan na ng OCTA na baka mayroon tayong puwedeng i-tweak sa strategy natin, aside from priority listing magkaroon tayo ng regional approach, dahil po iyong concentration po ng kaso dito nga po sa NCR plus, sa mga lugar ng Bulacan rin, Rizal and so we were thinking baka this might be a way to slow down the epidemic in the country and then quicken iyong pagbukas ng ating ekonomiya.

And so iyon ang suggestion ng OCTA since January, kami ang unang nagsalita tungkol dito na iyong regional approach, iyon nga lang naglalabas kami ng mga modelo. So may modelong ilalabas po si Professor David, may modelong ilalabas po iyong grupo ni Professor Austriaco, ang suma total nito lahat pa rin po ay babakunahan iyon nga lang mauuna ang NCR. Lahat ng healthcare workers dapat mabakunahan bago ma-implement itong model namin, so may assumptions po siya. At pangatlo po, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna ng buong bansa iyon nga lang ang ipa-prioritize muna sa mga lugar na napakarami po ng kaso and hopefully marinig din ng ating mga government officials itong plano na ito at makapag-recalibrate tayo.

Lahat pa rin po babakunahan, iyong buong bansa pa rin po ay babakunahan pa rin, pero iyon nga po uunahin muna dito sa mga lugar kagaya ng NCR Plus na napakarami ng kaso at ang NCR po napakalaki ng impact sa ekonomiya, kung bukas ito malaki ang impact nito sa buhay at kabuhayan po.

So, iyon nga we have limited vaccines, let’s see how can strategically reallocate them to have the maximum effect as far as jump starting our economy is concerned, apart from protecting our citizens po. So iyon ay suggestion, dadaan pa po ito sa IATF, so ang daming dadaanan ito at ito ay proposal lang ng OCTA po.

USEC. IGNACIO:  For Father Austriaco: Kumusta na po daw iyong dine-develop ninyong oral vaccine  panlaban sa COVID-19?

FATHER AUSTRIACO:  Thank you for that question po. We are still working on that, on the vaccine. And so I had to return to the Philippines because of the surge. But my students are completing the research that we have in the US. And as soon as our vaccine is producing the spike protein, I’m back here in the Philippines to begin the plans to start the testing at UST. Because we have to set up the laboratory at UST. We have to get our supplies, we have to get our mice. So I’m here to begin planning for the next step.

USEC. IGNACIO:  Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong grupo at sa inyong panahon dito sa Public Briefing. Dr. Butch Ong, Professor Ranjit Rye at Father Nicanor Austriaco mula po sa OCTA Research Group, maraming salamat po.

PROF. RYE:  Salamat po.

USEC. IGNACIO:  Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 sa bansa. Muling nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover mula sa sakit. 1,022,224 naman na ang lahat ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 9,197 kahapon. Ang total recoveries na iyan ay nasa 92.8% ng total cases sa bansa na ngayon po ay nasa 1,101,990 kasama na po  diyan ang 7,174 na katao na bagong nahawaan ng sakit. Higit sa 200 naman po ang binawian ang buhay, kaya ang suma total po ay 18,472 deaths. 61,294 naman po ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Update naman po sa ating vaccination program, umabot na sa 2,395,494 ang doses ng mga bakunang naipamahagi na sa buong bansa as of May 8, 2021.  1,508,146 dito ang para sa mga medical front-liners. Sa Metro Manila naman po, 910,563 doses naman po ang naibigay sa mga priority sector. Pangalawa naman po ang Pilipinas sa may pinakamaraming doses ng bakuna na naiturok sa buong ASEAN region.

Sa ibang balita naman po, madaling araw noong Sabado, May 8 umatake ang mga armadong rebelde sa bayan ng Datu Paglas sa lalawigan g Maguindanao.  Anim na oras matapos ang pag-atake, agad naman silang nagpulasan dahil na rin sa mabilis na pag-aksiyon ng ating mga sundalo. Makibalita tayo sa mga pinakahuling sitwasyon ngayon sa Mindanao makakausap po natin ang Commander ng JTF Central at 6th Infantry Division Major General Juvymax Uy. Good morning po, sir.

MGEN. UY:  Good morning, Ma’am Rocky and good morning sa inyong mga televiewers sa inyong programa.

USEC. IGNACIO:  Opo. Commander, puwede po bang pakilarawan sa amin iyong mga pangyayari noong umagang iyon. Ang sabi po kasi ng tagapagsalita ng BIFF, sila raw po ay nagpapahinga at bibili lang sana ng pagkain sa palengke nang dumating ang mga sundalo at military. Ang militar daw po ang naunang nagpaputok, ito po ba ay totoo?            

MGEN. UY:  Ma’am Rocky, there is an ongoing offensive operations against the local terrorist group, ito po ang BIFF at ang Dawlah Islamiya. More than two months na po nating ginagawa ito dahil ito ay direktiba ng ating Pangulo, si President Rodrigo Roa Duterte, na wakasan ang problema ng terorismo lalung-lalo na dito sa Maguindanao sa panahon ng kaniyang termino.

So ang ginagawa po natin ay tuluy-tuloy iyong ating operations. Ang pangyayari po noong May 8 ng umaga sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao ay off-shoot po iyon na sila ay umalis doon sa infamous SPMS Box sa Maguindanao, ito po ay pinakalooban ng apat na bayan ng Maguindanao, ito  po ay nasa loob ng marshland.  Pagpunta nila sa Datu Paglas, sa katunayan po mayroong offensive operations, military operation na ginaganap iyong buong JTF central at 6th ID sa bayan ng Datu Paglas. Noong sila po ay paalis, dumaan sila sa bayan ng Datu Paglas, hindi po totoo na mayroong hostage taking na nangyari. Walang namatay na civilian, walang property na na-damage sa bayan ng Datu Paglas. Ito po ay kasama sa ating offensive operations na wakasan iyong problema ng terorismo dito sa buong Maguindanao lalung-lalo na sa buong Mindanao ayon sa direktiba ng ating Pangulo.

USEC. IGNACIO:   Pero, General, kayo po ay nagkaroon talaga ng intelligence report na gagawin po ito ng BIFF sa Datu Paglas?                 

MGEN. UY: Noong makita na mayroong report ng mga civilian na may presence ng BIFF sa Datu Paglas, agad-agad po tayong nag-conduct ng military offensive operations para ma-neutralize itong mga grupo na ito. So ang pangyayaring iyon ay may report ang ating mga civilian population dahil ayaw na rin po nila sa mga grupo ng terorista. Sa katunayan po ang buong Maguindanao dineklara na na persona non grata ang BIFF.                 

USEC. IGNACIO:  General, alam naman po ninyo na talagang hindi pa nawawala sa isipan ng maraming Pilipino iyong nangyari sa Marawi City at ito nga po ay may nagtangka na namang mangyari ito sa bahagi dito sa Maguindanao. So, ano po ang nakikita ninyong agenda, pakay na nais gawin ng naturang grupong ito?

MGEN. UY:   Ma’am Rocky, ang BIFF ay trying to project its strength na ganoon pa sila kalakas. Ang grupong ito ay in a very manageable situation. Ang isa lang po nilang ginagawang  taktika  ay ang tinatawag naming irregular warfare ang paggamit ng bomba, ang  improvised  explosive  device na ang common na tinatawag ay bomba na ang tina-target po ay hindi lang military, kung hindi ang tina-target ay civilian population at saka civilian communities.             

USEC. IGNACIO:   Opo, iyan nga po iyong sinasabi ninyo civilian communities, sa kabutihang palad po walang nasawing civilian ano po sa naging engkuwentro. Pero panigurado lang po na siyempre nag-iwan po iyan ng malaking takot o trauma dito po sa ating mga kababayan sa Datu Paglas, so ginawa kasi silang human shield ng mga terorista. So kumusta na po sila ngayon at ang iba pang residente doon at gaano po ang paninigurado na hindi na po mauulit iyong sitwasyon na ito?

MGEN. UY:  Ang inyong Armed Forces ay palaging ginagampanan ang aming tungkulin, ang aming pag-protect sa mga civilian communities at lalung-lalo na iyong mga civilians na ating mga kababayan. Pinapaalam po namin sa aming kababayan, ayon sa direktiba ng atin pong Pangulo, sa utos ng aming Chief of Staff, si General Sobejana, na kailangan naming wakasan itong terorismo. Ang mga tao sa bayan ng Datu Paglas ay normal na po ang situation simula pa po noong Sabado, hindi po tumagal iyong sinasabi nila na nakuha nila iyong bayan ng Datu Paglas, lalung-lalo na iyong market. Umbot lang po ito ng mga 15 minutes, sila ay nagpaputok pataas habang sila ay paalis sa bayan ng Datu Paglas.                           

USEC. IGNACIO:   Opo. Pero gaano po daw kalayo mula sa palengke iyong mga natagpuan ninyong improvised explosive devices? Sa palagay po ba ninyo ay may intensiyon talaga silang pasabugin itong palengke?                 

MGEN. UY:   Ma’am Rocky, sa nakikita namin ay hindi lahat improvised explosive devices, isa lang po ang nakita, ang iniwan nila ay mga unexploded ordnance na kung saan ay hindi po iyon buo na IED ng makita ng ating mga sundalo. Sa mabilis na pagresponde at sa pagtrabaho ng ating mga sundalo, hindi sila tumagal sa lugar na iyon, umalis sila kaagad-agad, Ma’am Rocky.              

USEC. IGNACIO:   Pero iyong nakita po ng mga sundalo doon na sinabi nga ninyo na hindi po lahat ng improvised explosive, ito po ay talagang magreresulta ng malaking pinsala o magiging mas harmful po sa tao?                   

MGEN. UY:  Hindi po, Ma’am Rocky. Ang nakita lang po ay isang improvised explosive device na iniwan nila sa daanan noong sila ay paalis para hindi sila masundan ng mga sundalo doon sa daanan na iyon. Pero may ginagamit tayong taktika na hindi dinaanan iyon, kaya na-clear po natin kaagad-agad.

USEC. IGNACIO: Ulitin lang natin General, sa palagay ninyo gaano po kalaki na iyong puwersa ng BIFF at ito po ba ay saang mga lugar nakakalat sa Mindanao at kakayanin pa po ba talaga nitong maghasik pa rin ng gulo sa ilang bahagi ng Mindanao?                     

MGEN. UY:  Ma’am Rocky, dito sa Maguindanao is less than 200 po iyong estimate namin sa BIFF at sa Dawlah Islamiya.     Pero iba po kasi ang Maguindanao, complex po ang problema natin sa terorismo. Ang ibig sabihin ng complex is kaya sila nagsu-survive because of family ties. Iyan po ang ina-address natin kasama iyong ating mga stakeholders na dapat kung nag-declare sila ng persona non grata kasama na iyong ibang pananaw nila sa kanilang bayan lalung-lalo na ang kanilang mga religious leaders, kaya po ito ina-address ng Provincial Government ng Maguindanao, ng mga mayors, para po ito ay matigil na at saka wala ng sumasapi sa grupo ng BIFF kasama na po iyong leadership ng Bangsamoro Autonomous Region na mga dati po ay miyembro ng MILF.

USEC. IGNACIO:   Opo. Nagpapatuloy po ba iyong pursuit operations laban dito sa BIFF? Ano daw po iyong kasunod na gagawin ninyo sa lugar para siguraduhin na hindi na talaga mangyayari ito, makakapasok muli ang BIFF at magpapalabas po ba ng mas mahigpit na seguridad o iyong heightened security sa Datu Paglas at maging po sa mga kalapit bayan nito?

MGEN. UY:   Ma’am Rocky, kasama iyong inyong mga sundalo, iyong inyong Armed Forces kasama po iyong aming kasamang security forces iyong Philippine National Police, sinisigurado po namin na mapaigting ang seguridad ng Maguindanao. Kasama po iyong aming mga stakeholders, napakalaki po ng role dito ng Provincial Governor, si Governor Mariam Mangudadatu, ang lahat ng mga mayors ng Maguindanao, lahat ng local leaders, malaki po ang ginagampanan nila para sa seguridad ng kanilang bayan at saka ng buong Maguindanao.

USEC. IGNACIO:   Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapa-unlak sa amin ngayong umaga, General. At sa patuloy ninyo rin pong pangangalaga ng ating seguridad. Major General Juvymax Uy, ingat po tayo sir.

MGEN. UY:   Ma’am, maraming salamat sa inyo at maraming salamat sa inyong televiewers.  Maraming salamat po! Good morning!

USEC. IGNACIO:   Samantala, nasa 1,934 na pamilya po ang tinatayang naapektuhan ng naging engkwentro sa pagitan ng 6th Infantry Division at ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong Sabado. Kasalukuyan pong nanunuluyan sa iba’t-ibang evacuation centers ang mga apektadong residente habang nagsasagawa naman ng assessment ang Ministry of Social Services and Development kasama po ang mga lokal na pamahalaan ng Datu Paglas, Buluan, at Pandag sa Maguindanao.

Samantala, isang ginang mula sa Biliran po ang tinutulungang maoperahan sa pamamagitan ng Malasakit Center para tanggalin ang mga bukol na matagal na niyang pinapasan simula pa sa kaniyang pagkabata. Panoorin po natin ito:

[AVP]

USEC. IGNACIO:   Natulungan naman pong makauwi sa Bicol ang isa nating kababayan na matagal ng street dweller sa Maynila sa pamamagitan ng Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program. Mula sa pagpapa-swab test hanggang sa pagkakaroon ng livelihood program sa probinsiya ay ipinagkaloob sa kaniya ng pamahalaan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, Davao City LGU, ipatutupad na ang uniform guidelines to regulate entry and exit in Region XI simula May 14. Ang buong detalye hatid ni Regine Lanuza.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao.

Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource