USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo. Ngayon po ay araw ng Martes, ika-labing walo ng Mayo, samahan ninyo po kaming muli na talakayin ang mga maiinit na isyung dapat ninyong malaman. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Dapat nang simulan ang pagbabakuna sa mga nasa A4 at A5 priority sector ng National Vaccination Program. Iyan ang suhestiyon ni Senate Committee on Health and Demography Senator Bong Go para mas mapabilis ang vaccine rollout sa Pilipinas. Aniya, dapat ding dagdagan ang vaccination centers sa siyam na high risk areas sa bansa. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman ng naging sunog na tumupok sa isang bahagi ng Philippine General Hospital ay handa umanong suportahan ni Senator Bong Go ang pagsusulong nang kinakailangang pondo para sa rehabilitation at pagbili ng mga kagamitang nasira ng sunog. Ang detalye, sa report na ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy na dumarami po ang mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa. Isa na rito ang kapwa South East Asian country na Singapore na nagsagawa ngayon nang malaking adjustment upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Kumustahin po natin ang lagay doon ng ating mga kababayan. Kasama po natin si Philippine Ambassador to Singapore Joseph Yap. Good morning po, Ambassador.
Okay, babalikan po natin si Ambassador Yap.
Samantala, as of 4 P.M. kahapon, umabot na po sa 1,149,925 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 5,979 ang mga nadagdag kahapon; 54,235 sa mga ito ang aktibo pa sa kasalukuyan. Nakapagtala naman ng karagdagang 6,602 new recoveries ang Department of Health kung kaya ito ay umabot na sa kabuuang bilang na 1,076,428; 72 naman po ang mga bilang ng mga nadagdag na nasawi kahapon dahil sa COVID-19. Mayroon naman pong 19,262 total deaths na sa kasalukuyan.
Muli po ang aming paalala na mag-mask, hugas, iwas at kung wala naman pong essential na lakad ay huwag na po tayong lumabas ng ating mga tahanan. At makibahagi rin po tayo sa pagsugpo sa pandemya sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Balikan po natin si Ambassador Joseph Yap. Magandang umaga po, Ambassador.
AMBASSADOR YAP: Magandang umaga po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, totoo po ba na balak magsara ng mga eskuwelahan diyan at hindi na rin daw po allowed ang dine-in dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19? Kumusta naman po ang ilan nating kababayan sa Singapore? Mayroon po bang kaso ng COVID-19 diyan?
AMBASSADOR YAP: Yes, po. Actually as of May 16 ang total number of cases dito sa Singapore ay 61,585. Of these, 61,104 ang fully recovered na; 450 na lang ang nasa hospital or isolation wards and 31 ang namatay so far. So ang concern lang is iyong mga number of local community cases ay tumataas. So the last one reported about 2 days ago, 38 local community cases po iyong report out of a total number of 49 cases during that day.
So, this is the highest number of local transmission since April 17 last year, so, this is really for them a spike. And then more worrisome pa rin on top of that is because mayroon pang mga unlink cases. In Singapore kasi they’re very, actually, quite good at contact tracing. Despite their system of contact tracing, there are numerous cases pa rin ngayon na hindi nila malaman kung saan galing iyong infection, so that is of concern to them.
But I general, relatively speaking, medyo kaunti pa naman nga ang cases dito sa Singapore except that relative to what they have been experiencing in the last few months and last year, medyo mataas relatively speaking, so, iyon ang concern. So, as a result nag-rollout sila ng additional restrictions and one of them as you mentioned, online learning na po uli iyong mga schools. Actually, for the longest time halos one year na, open po iyong schools nila and very few, halos walang infection in the schools, so, open iyong schools nila. Pero with this new upsurge, they have now returned to iyong online learning kasi may ilan-ilang clusters na ngayong lumalabas na some of the students are getting infected na rin, so that’s why they’re returning to online learning.
And then number two, even trabaho po is now going back to default is work from home. For a while, they were requiring 75% of people to go back to work na in the office pero ngayon back to work from home uli. And then of course, wala na ring dine-in sa restaurants. Iyong mga restaurants dito have actually been opened sana for many months already pero sa ngayon bawal uli mag-dine-in, puro take-out na lang at saka delivery.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, mga ilang araw/linggo po tatagal itong mas pinahigpit na health protocols po ng Singapore?
AMBASSADOR YAP: At this time po, ang announcement nila is it started Sunday, May 16 and will last until June 13. So, almost one month po ang additional restrictions.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, may report na po ba na may nakapasok na rin diyan, iyon pong sinasabi nating mga variant ng COVID-19 at anu-ano po ito kung mayroon man po?
AMBASSADOR YAP: Yes po. There was actually a report issued by the government on May 10 where they reported na it’s six COVID-19 variants from different countries are already here in Singapore. So, may P1 – Brazilian; B1351 – South African; B117 – UK; and then there are B1525 – UK na second variant; and then B16171; at saka B16172 na tinatawag nilang Indian strains.
So, based on that, they are concerned dahil based on the experience ngayon parang lumalabas more infectious iyong mga strains na ito, especially the Indian variant. So, for example, I was mentioning kanina may lumalabas na mga tinatawag nila dito ‘clusters’ which means maraming kasong related to one another. So, may dalawang malaking clusters dito, iyong isa iyong Tan Tock Seng Hospital.
This is actually the first time na nagkaroon ng malaking cluster in a hospital in Singapore. They’ve been very efficient, wala halos walang infection sa mga hospitals, so, halos walang mga nurses or doctors na na-infect during the last year. Pero this time, may na-infect na isang nurse and then maraming patients na were infected also. So, 44 cases po iyon sa Tan Tock Seng Hospital. Mga patients at saka iyong mga relatives nila na bumibisita sa kanila.
And then sa Changi Airport, nagkaroon din ng ongoing malaking cluster din, may mga more than 60 cases na kaso related too. Nag-umpisa lang iyan from one cleaner in the airport then kumalat through all the different contacts niya. So, because of that concern sila, so they are now taking all these additional precautions dahil nga ang feeling itong mga variants na ito are definitely more infectious and it also seems to be affecting mga children, mga bata na last year halos kaunting-kaunti lang iyong mga cases ng mga children last year.
USEC. IGNACIO: Ambassador, panghuli na lamang po. Mayroon po bang naitala – sinabi nga po ninyo na tumataas po ing kaso sa Singapore – pero may Pilipino po ba na nagka-COVID? Kung mayroon man po, ano po ang tulong ang ipinaaabot natin sa kanila?
AMBASSADOR YAP: Okay po. Mayroon tayong mga Filipinos who have been affected by COVID. Sa ngayon, as of May 16, 2021, we have a total of 578 Filipinos who have been confirmed with COVID since the start of the pandemic dito sa Singapore. Out of itong 578 na ito, 543 have fully recovered and have been discharged. 35 na lang po ang nasa hospitals or isolation wards and we’re happy to report naman po na walang fatality sa mga kaso natin of our Filipino kababayans dito.
So, ang ginagawa naman, dito naman sa Singapore, the government actually takes care of all the COVID cases. Kapag you test positive, the government will bring you to the hospital or to an isolation ward and kung long term pass holder ka, meaning may permit ka to stay in Singapore, the government actually takes care of all the expenses for iyong treatment in the hospital. So, in terms of iyong mga expenses, wala naman tayong worry for our kababayans for that, the government of Singapore takes care of that.
Now, the embassy naman ang tulong natin po is we have an arrangement with the Ministry f Health dito na for every Filipino who is tested positive and they bring to the hospital, ibinibigay po ang contact numbers natin sa embassy so that they can reach out to us kung may kailangan sila or may concern sila? So, mayroon na ring nag-reach sa atin when they were hospitalized, so, we have been able to assist them naman.
Of course, they are isolated, so, hindi tayo makakabisita sa kanila, we’re not able to go see them but we are able to assist them kung may kailangan sila in terms of their urgent needs or to contact their next of kin or things like that, so, we’re able to assist them. And then of course ang what we do naman also is we issue daily advisories sa mga kababayans natin dito which we post in our Facebook at saka our website to update them kung ano iyong status ng mga COVID situation dito sa Singapore and then to reiterate iyong mga issuances ng government kung ano iyong mga bagong patakaran in terms of hygiene and in terms of iyong mga restrictions ng gobyerno. And then of course we also have our emergency contact numbers na they can call us or email us kung may kailangan sila.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Philippine Ambassador to Singapore Joseph Yap. Mabuhay po kayo, Ambassador.
AMBASSADOR YAP: Maraming salamat din for inviting me. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, kasabay ng pagpapalawig ng National Vaccination Program ng pamahalaan at ang pagdating ng mas marami pang bakuna sa bansa, dinagsa naman ang ilang vaccinations centers dito sa Metro Manila, particular sa Parañaque City. Alamin natin kung ano nga ba ang prosesong sinusunod ng mga LGU sa pagbabakuna. Kaugnay diyan makakausap po natin ang Regional Director ng DOH-NCR, Dr. Gloria Balboa. Magandang umaga po, Director?
DR. BALBOA: Magandang umaga din sa inyo at sa lahat ng mga nakikinig sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Director, ano po iyong nangyari dito sa isang mall sa vaccination site kahapon at grabe po daw iyong naging pagdagsa ng tao para magpabakuna?
DR. BALBOA: Iyon nga po ang nangyari. Kasi diyan kailangan po muna kasi magparehistro online iyong mga babakunahan. Tapos kapag nakarehistro na ay tini-text po sila doon sa schedule nila. So ang nangyari ho diyan, eh pati iyong mga hindi naka-schedule nagdagsaan. Kasi mayroon po tayong limit per vaccination center kung ilan lang iyong kaniyang mababakunahan for that day. Kaya nga mayroon talagang number na tini-text lang nila na pupunta.
Ang nangyari daw noong nag-imbestiga, parang mayroon daw nagsabi na mayroong libre nga na Pfizer vaccination diyan, hindi naman sinabi na by schedule. So iyong mga nakarehistro na, akala nila puwede na, nagdagsaan po. So iyon po ang nangyari kaya sana po hindi na maulit iyon and kailangan ma-improve iyong ating communications sa publiko na talagang hintayin po iyong kanilang schedule for vaccination.
USEC. IGNACIO: Pero, Director, may mga dapat bang baguhin sa proseso na kasalukuyang ipinapatupad para hindi na po ito maulit muli sa mga susunod na araw, kasi parang sa tingin ninyo mukhang marami na po talgang gusto na magpabakuna, so hindi po ba natin nakikita kung may dapat baguhin para ito pong naghihintay ay talagang mabigyan na rin po ng pagkakataon?
DR. BALBOA: Ang pinakaimportante talaga diyan is maipaalam sa publiko iyong proseso. Kasi kung mapapansin ninyo iyong noon nga po medyo mabagal iyong turnout ng mga babakunahan, ngayon biglang naging interesado na sila and then kasi nga medyo gusto itong Pfizer na ito, so ayon. But still kailangan may proseso, kasi itong Pfizer po na ito mas delikado po siya kumpara doon sa mga ibang bakuna. So talagang mayroong oras ng pagto-thaw kasi may temperature, sensitive sa temperature.
So, mayroon talagang puwedeng ilabas for that day, kasi mas istrikto po tayo doon sa number, so kailangan siguro talaga iyong pag-text doon sa mga naka-schedule. Eh, mayroon din kasing mga hindi sumasagot! So kapag hindi sumagot, nagti-text po sila ng parang additional na just in case nga hindi dumating. So baka mas napadami iyong parang tinext na additional, puwede ring nangyari iyon. So we really would request na ang ating mga kababayan, be on alert po sa kanilang cellphones. Kasi, lalo nagrehistro na sila at kapag nag-text na sa kanila mag-confirm na darating on that day at kailangang maaga, kasi minsan doon sa last hour na dumarating eh, okay? So iyon, nasisira iyong schedule.
So information dissemination. That is why ito nga magandang paraan ito na nandito ako sa programa ninyo ngayon para ipaalam sa publiko na mayroon nga po talagang prosesong dapat sundin.
USEC. IGNACIO: Director, puwede po ba nating masabi na talagang tingin ninyo may mga gusto o preferred na bakuna itong ating mga kababayan o nakikita ba ninyo na magandang senyales ito na talaga pong tinatanggap na ng ating mga kababayan iyong sinabi natin na tumaas na iyong vaccine confidence sa bansa?
DR. BALBOA: Yes, kami naman ay natutuwa, kasi nga ito nakikita natin na tumaas na nga iyong vaccine confidence ng ating mga kababayan kasi talagang dagsaan sila. Pero sana hindi siya mai-relate doon lang sa kung anong klaseng bakuna like kagaya ngayon, Pfizer. Kasi lahat naman po ng ating bakuna – apat na klase na po iyan – ang available po sa atin, iyong Sinovac, AstraZeneca and then iyong Gamaleya paparating pa iyong susunod noon at saka itong Pfizer. Kung ano po iyong available na nandiyan po, sabi nga nila, that is the best vaccine that you can have. So dumaan po lahat iyan sa FDA, so kung ano na mayroon. Huwag na po tayo mamili, importante mayroon pong maibakuna sa atin.
USEC. IGNACIO: Ma’am, ulitin lang natin ano, sa ating mga kababayang nakikinig. So hindi po talaga puwede iyong walk-in.
DR. BALBOA: Kapag nag-walk-in kasi mas magulo, kasi madalas sa mga previous experiences mas marami iyong walk-in doon sa mga naka-schedule, so it would be better talaga na sundin iyong schedule. May mga LGUs na talagang hinding-hindi tumatanggap ng walk-ins at iyon ang nakita natin na mas maayos. Kailangan talaga alam ng mga constituents nila na ganoon iyong proseso. Kasi iyong mga iba naman tumatanggap ng walk-ins, pero they should understand na kapag walk-in lang sila siyempre nandoon sila sa huli ng pila at saka maghihintay muna sila, dahil ang priority na babakunahan iyong naka-schedule. Dahil nga siyempre magrereklamo naman silang mga naka-schedule, tapos inuuna iyong hindi naka-schedule, eh mas lalong magiging magulo iyon.
Iyon, minsan tinatanong are you willing to wait, so they really have to wait. Minsan kasi, iyon nga iyong mga hindi pa naka-schedule, sila pa iyong mas nagdi-demand na mabigyan na kaagad eh hindi naman pupuwede iyon, unfair naman po iyon sa talagang naka-schedule for that day.
USEC. IGNACIO: Ma’am, panghuli na lamang po. Ilang porsiyento na po iyong populasyon sa NCR na nabakunahan ng first and second dose?
DR. BALBOA: Okay, iyong first dose, siyempre iyon ang mas madami ano. Sa ngayon, mga 5% more or less ganoon. Pero siyempre hindi pa kasi tapos iyong buo kapag hindi natapos iyong second dose, so siyempre may interval. So hihintayin po natin iyong second dose bago natin masasabi na talagang nandoon iyong effectivity noong bakuna ay makikita natin and that is after two weeks pa more or less after the second dose.
So kailangan both iyong doses na iyon maibigay. Ito naman ang maganda kasi dumadami na iyong ating mga bakuna, parating na so maghintay-hintay lang, especially kung iyon nga A1, A2, A3 priority po talaga iyan. Kung kasama naman po kayo diyan sa mga categories na iyan huwag po kayong mag-alala kasi talaga pong mababakunahan po kayo. So, sumunod lang po tayo doon sa proseso para magkaroon po tayo ng orderly and seamless vaccination.
We are assuring you na kapag kayo napasama sa priority list naman eh mabibigyan. Iyong ating mga elderly at senior citizen at saka iyong mga kailangan ng alalay, eh talagang pagbibigyan po natin sila, mayroon silang fast lane. We are encouraging all LGUs to put fast lane para hindi naman po sila pipila ng mahaba po o matagal, dahil siyempre they need assistance, so pagbigyan na lang po natin sila.
So, iyon lamang po ang pakiusap po namin, sumunod na lang po tayo doon sa proseso. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DOH-NCR Director Gloria Balboa, mabuhay po kayo. Stay safe, Ma’am.
DR. BALBOA: Maraming salamat din.
USEC. IGNACIO: Samantala, marami na rin sa mga economic frontliners ang nag-aabang na rin na mabakunahan. Pero sa ngayon po tanging mga nasa A1 hanggang A3 sectors pa lamang ang pinapayagan ng pamahalaan. Kailan nga kaya sila maisasalang sa bakuna kontra COVID-19 at sinu-sino nga ba ulit ang mga kabilang sa A4 priority sector. Let’s check the facts ngayong umaga, kasama po ang National Economic and Development Authority.
Kasama po natin sa programa ngayon ang NEDA Undersecretary Rose Edillon. Good morning po, Usec Rose?
NEDA USEC. EDILLON: Yes, good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Usec, puwede po bang pakiklaro ulit kung sinu-sino ang mga kasama sa A4 priority group?
NEDA USEC. EDILLON: Yes, mayroon tayong dalawang criteria ano, iyong isa dito is iyong sinasabi naming na public facing, iyong mayroon silang high levels of interaction with or exposure to the public tapos ng dahil sa trabaho nila, they cannot dutifully practice iyong minimum public health standards.
Iyong second naman, ito iyong mga sectors na kailangan natin for security, consumer and worker safety, those working in priority government projects at lalung-lalo na those working para dito sa ating PDITR. So iyon iyong dalawang characteristics ng nasa A4 natin.
USEC. IGNACIO: Usec., nakapagsimula na rin po ba ng pagpapabakuna sa A4 population? Kung oo, ilan na po kaya ang nabakunahan at kung hindi pa po, kailan po expected nating magsimula iyong mabakunahan na sila?
NEDA USEC. EDILLON: Actually, nagkaroon ng parang ceremonial kick-off noong May 1 and that’s 5,000 na nabakunahan noon. Pero across the country, mayroon na tayong mga 9,142 na nabakunahan na A4. But we expect na kasi parang ang mangyayari ngayon dahil nga we are expecting na iyong dagsa ng bakuna over the time the next couple of weeks, io-open na rin sa A4. So, siguro baka mga umpisa ng June mag-start na itong A4 na priority groups.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kung ako po ay isang front line personnel in essential sector, ano po ang kailangan kong gawin para po mapasama sa listahan na mabakunahan na at mapa-rehistro? Magpaparehistro ba sa LGU o sa kumpanya? Ano po ang dapat gawin? Ano po ang maipapayo ninyo?
NEDA USEC. EDILLON: Actually ipo-post namin iyong datails noong listahan. Kasi mayroon tayong 17 sub-groups under A4. Pero, lahat itong mga frontliners coming from different sector – sa transports group, sa food retail, sa banking sector din, pero frontliners lang ‘no, maging iyong sa government, media kasama.
So, mayroon itong mga may seventeen sub-groups tayo, may listahan. Pero, ang ano namin dito, ang instruction pa rin is magpapalista ka sa LGU mo. So, kung saan iyong, actually LGU kung saan ka nagtatrabaho. So, ang isang maganda rin dito is kung puwedeng makipag-coordinate na yung iyong company sa LGU. Kasi para mabilis na iyong proseso, you also need to present iyong tinatawag namin na certificate of A4 illegibility. Kasi ‘di ba sa A1, nag-require tayo na okay lang magpakita ka ng PRC ID mo para masabi nga na health care worker. Sa A2 nag-require tayo ng OSCA para makita na senior citizens ka. Sa A3 magpapakita ka ng medical certificate para masabi na with comorbidity ka.
Itong sa A4, nagri-require kami ng certificate, napaka-simple lang, na isang lang, basta nakalagay iyong letterhead, sinasabi lang doon na frontliner ka nga na eto iyong subgroups classification mo, tapos kung sino iyong head ng HR or head ng agency basta kung sino iyong signing authority siya lang ang magpipirma doon. So, iyon lang ang kailangang ipakita. Of course ang mangyayari niyan magkakaroon ng special arrangement iyong company with the LGU, di mas mapapadali natin iyong proseso.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dahil malapit na rin ang A4, ano po ang mensahe ninyo para sa ating mga frontliners personnel in essential sectors na nagda-dalawang isip pa rin pong magpabakuna?
NEDA USEC. EDILLON: Mas mataas talaga iyong benefit kaysa sa sinasabi nilang risk. Iyong mga nababalitaan nating risk sa ibang bansa, it’s actually parang one in a million na probabilities, in terms of probabilities. Pero, iyong benefits naman talagang far outweigh the cost. Marami na pong nabakunahan, mga A1, A3. Makikita naman po natin na maayos ang kalagayan nila. So, isa rin po iyon sa ano, iyong patunay, patunay na makakabuti po sa atin ito, sa ating sarili, pati na rin po sa ating mga mahal sa buhay, pati na rin po sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at siyempre sa inyong impormasyon Undersecretary Rose Edillon, mula po sa NEDA. Mabuhay po kayo Usec.
NEDA USEC. EDILLON: Maraming salamat. Keep safe!
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman po naman natin ang pinakahuling balita nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, makibalita naman tayo sa kasalukuyang sitwasyon sa ating mga karagatan. Makakausap po natin ang bagong Commander ng Philippine Fleet Rear Admiral Alberto Carlos ng Philippine Navy. Good morning po.
R/ADM ALBERTO CARLOS: Good morning po Usec. Rocky, mula dito sa headquarters ng Philippine Fleet sa Sangley Point Cavite, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Admiral, kumusta po iyong ginagawang pagbabantay ng Philippine Fleet sa mga karagatang nakapalibot sa bansa, particular po iyong ating mga Maritime vessels?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Tuluy-tuloy po iyon. Ang huli naming direktiba mula sa ating headquarters ay palakasin, lalo pang palakasin ang ating mga puwersa sa karagatan natin dito sa Palawan area, sa West of AOR and nagdagdag po tayo ng mga karagdagang mga sasakyang pandagat at ang ating Philippine assets ay dinala natin doon.
USEC. IGNACIO: Pero Sir, kapag sinabi nating Philippine Fleet, siyempre under ito ng Philippine Navy, ano po iyong main contribution ng Philippine Fleet sa ating Hukbong Pandagat?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Ang Philippine Fleet of under the force provider, force employer concept, kami po ang nagpo-provide ng mga warship and aircraft and well trained crew to para sa ating mga naval operating forces so that they can address the threats thereat and also protect our maritime interest. Iyong ating pong mga force employers ay ito po iyong ating mga unified commanders and Naval Forces commanders na nasa iba’t-ibang lugar ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay niyan, Sir, may tanong po si [unclear] ng SMNI news. Ano daw po ang status ng AFP Modernization sa Philippine Navy at ano-anu daw po iyong latest acquisition ng Philippine Navy sa ilalim ng AFP modernization Horizon 2, kasabay na rin po kung gaano daw ba kahalaga ang mga makabagong kagamitan sa daily operation ng Philippine Navy?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Under the modernization po, nagpapasalamat kami sa national leadership for the continued support sa modernization program ng AFP, hindi lang ng Philippine Navy, pati sa buong AFP. For the Philippine Navy, Philippine Fleet, ang ating pinakabagong dumating ay iyong ating dalawang bagong frigates na ating kinomisyon kamakailan lamang.
Marami pa po ang nasa pipeline na sinuportahan po ng ating national government. Hindi na po tayo magbibigay ng masyadong specific sa ating capability upgrade program kasi iyong ating strength and weaknesses ayaw po nating ilabas, para iyong ating mga kaibigan naman ay they cannot second guess our capabilities.
USEC. IGNACIO: Opo, pahabol po na tanong ni Jayson Rubico ng SMNI news: Ano-ano daw po ang aasahan ng Philippine Fleet na mga developments and plans sa ilalim ng inyong liderato?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Well, under Philippine Fleet, ang aming number one po, ang aming short term goal ay iyong to deploy more ships, iyan ang aming short term objectives. Napakarami pong mga demand for more deployment of naval assets all around the country and kaya nga po pinapabilis po namin ang aming turn-around time. Hindi naman po kailangan, posible na laging 100% nandoon iyong mga barko namin, kailangan po natin silang ibalik sa ating yarda upang i-repair at i-maintain at palakasin lalo. So, ang amin pong objective ngayon is paikliin ang turn-around time so we can provide
USEC. IGNACIO: Sir? Okay babalikan po natin si Sir, mukhang nagkaroon po tayo ng problema sa ating linya ng komunikasyon. Kung nandiyan na? Nakabalik na ba si Rear Admiral? Okay, susubukan po nating balikan si Rear Admiral.
Samantala, magbabalik po ang Public Briefing # Laging Handa PH.
[COMMERCIAL]
USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Rear Admiral Carlos. Rear Admiral, Sir?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Yes, Usec. Rocky, pasensiya na mukhang may problema yata ang internet signal dito sa lugar ko.
USEC. IGNACIO: Opo, paumanhin din po. Sir, tungkol daw po sa mga pagbabago na asahan ng Philippine Fleet sa inyong liderato?
R/ADM ALBERTO CARLOS: Iyon po, dalawa po ang aming lines of effort ngayon dito sa Philippine Fleet. Ang una po ay, objectives po namin is to deploy more ships in the area. Kasi napakalaki po ng demand for naval assets ang ating mga force employers.
So, iiklian po namin, we are always improving our ship repair program para mapaikli po ang turn-around time, iyong kapag bumalik iyong barko dito sa amin for repair and maintenance. Hopefully, we can have a more responsive ship repair program then mapaikli namin iyong time na they will stay with us for repair and maibalik namin kaagad sa operating area.
Kaakibat po noon, in the long term naman po, is we were working on our capability upgrades. Never ending naman po iyong capability upgrades ng Philippine Fleet at Philippine Navy. We’ve just decommissioned the several of our capital ships na medyo legacy ships na. We’re not getting our money’s worth anymore, lagi nang nasisira.
So we decommissioned them, we decided to decommission them, and iyon pong mga replacement are already in the pipeline. So, kapag dumating po iyon coupled with our very responsive ship repair program, ang amin pong mga force employers, aming amin pong stakeholders in the area will be very-very happy to see more ships in their respective area and protecting our maritime interest in their respective AOR po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano naman daw po iyong kasalukuyang ginagawa ng Philippine Fleet bukod sa pagpapatrulya sa ating mga karagatan?
R/ADM ALBERTO CARLOS: At first, aside from our for core function, to patrol our seas, nandiyan din po ang aming tulong sa pandemic fight. We are deploying our forces with the government approach, sa mga swabbers, mga frontliners.
Marami po mga frontliners na taga-Philippine Fleet, taga-Philippine Navy. Aside from that po, we are also ready to assists sa mga disaster, kung magkaroon po ng mga disasters. May mga assets po kami that we can use for disaster response and ngayon po itong latest natin is we are very active in the community pantry aside from our core function about of going naval operation, we responded to the call for assistance and more participation ng AFP dito sa community pantry.
As of today, I’m happy to report that we have already help about more or less 3,000 families in our area and were doing this, gusto ko lang pong i-mention in partnership po with the “Tanging Yaman Foundation of the Ateneo De Manila”. Nag-partner po kami so that we can have a sustained community pantry program dito po sa Philippine Fleet.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Philippine Fleet Commander Admiral Albero Carlos. Mabuhay po kayo Sir at ang buong Hukbong Dagat ng Pilipinas! Stay safe po.
R/ADM ALBERTO CARLOS: Stay safe po at maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumating na ang nasa higit limangpung libong doses na CoronaVac Vaccine ng Sinovac sa Cebu kaninang umaga. Mula sa PTV-Cebu, may report si John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Aroa ng PTV-Cebu.
Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, hanggang bukas pong muli dito sa Public Brieifng #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center