Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng Pilipino saanmang panig ng mundo. Muli nating pag-uusapan ang pinakahuling balita tungkol sa National Vaccination Program ng pamahalaan ngayong Miyerkules, May 26, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH COVID-19 Vaccines Explained.

Una sa ating mga balita: Isinumite na sa plenaryo ang committee report para sa isinusulong na Department of Overseas Filipinos pero sa halip na pangalanan itong DOFil, iminungkahi na gawin itong Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos. Labis naman itong ikinatuwa ni Senator Bong Go na isa sa proponent ng panukalang batas. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, muli tayong makikibalita sa pinakahuling bilang ng mga nabakunahan na laban sa COVID-19 kasabay po nang pagbibigay-linaw sa ilang usapin kaakibat ng rollout, sasamahan tayo ulit sa programa ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang Chairperson ng National Vaccination Operation Center. Good morning po, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Good morning Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., good news itong paglampas natin sa 4-million-mark na mga doses na naibakuna na sa bansa ano po. Ngayon po ba ay ilan ang total count natin? Please go ahead with your presentation, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you very much. We are all happy ‘no that we have reached the 4-million mark. As of yesterday, if you can show the slide, mayroon na po tayong almost 4.5 million, ‘yan – 4,495,000 po ang jabs na nai-administer natin; 3.4 million ang first dose and one-third ay nakakumpleto na ng second dose.

Karamihan po ng ating nabakunahan, iyong tinatawag nating priority A1, nasa 85% na po tayo ng ating A1 ng first dose na masterlisted tapos pumapangalawa po iyong mga senior citizen na 1.1 million. Mga 12% pa lang po ang ating nababakunahan na senior citizen kaya kailangan pa ring isulong natin iyong A2 at saka A3 and these have been registered/vaccinated in 1,381 vaccination sites.

So nagpapasalamat tayo sa lahat ng tumulong at tumutulong pa para isulong iyong ating pagbabakuna, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero nami-maintain po ba o nalampasan na natin iyong average daily count na 160,000 na naitala nitong weekend at kung magtutuluy-tuloy na po ba iyong magandang turnout na ito ng mga nabakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Noong dumating iyong ating COVAX AstraZeneca, lumaki nang husto iyong ating supply so we were able to reach 170,000 average for 1 week. Actually, naitala natin ang pinakamataas noong May 21, naka-238,888 jabs tayo. Kung patuloy ang pagdating ng ating mga bakuna, sinisigurado natin na kakayanin natin ito. But siyempre it will depend on the vaccine supply that will be arriving.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kailan po ba daw officially sisimulan iyong pagbabakuna sa A4 sector o nagsisimula na po ba ito o para mas dumami pa iyong daily average natin?

DOH USEC. CABOTAJE: Tinatantyang first week of June na simulan natin iyong A4. But kung matatandaan mo Usec. Rocky, mayroon tayong symbolic ‘no, on May 1st for our OFWs and our labor force who belong to the A4. Pero ito ay gagawin lang po natin sa tinatawag nating NCR Plus 8, so buong NCR tapos iyong Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Cebu and Davao lang muna. Samantalang ang ibang rehiyon ay patuloy pa rin ang [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa Pilipinas lang ba may ganitong uri ng sectoral prioritization sa pagbabakuna?

DOH USEC. CABOTAJE: Ah, hindi. Mga bansa tulad ng US, ang ginawa nilang priority ay iyong kanilang health workers tapos iyong [garbled] at most vulnerable kagaya ng mga senior citizens and persons with comorbidities. Even in Israel, ang inumpisahan nila ay iyong mga health workers tapos iyong mga senior citizens.

USEC. IGNACIO: Opo. Bigyan-daan ko lang, Usec., itong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN dahil may kaugnayan po ito diyan ano po: Can we get the latest number daw po of individuals under the A4 and A5 priority groups in NCR Plus? Are the vaccines expected to arrive this last week of May and June sufficient to cover them? And if not daw po, how does the LGU determine who among them to vaccinate first?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa unang tanong tungkol sa total population ng ating A4, ang estimate ng NEDA for buong A4 ng buong bansa ay 22.4 million. Pero dito sa NCR ay nasa 13 million – NCR Plus ito ‘no. And sa ating A5, iyong ating poor, ang basehan po natin ay ang ating National Household Targeting System, ang estimate ng NEDA ay 8.5 million po itong mga populasyon sa A5.

Kung kaya ba ng mga darating na vaccine, as of today wala na po tayong dadating na bakuna up to the end of May. Ini-expect natin po mga 10 million doses in June. So kung hindi talaga kakayanin kung 13 million ang ating estimate for the A4. Ang gagawin niyan, ipa-prioritize ng mga LGU kung sino iyong kailangan nilang unang mga mabakunahan sa ating A4. We will leave it to the LGU to strategize, sino ba ang most at risk, most vulnerable sa mga A4 depende sa kanilang mga lokalidad.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Vivienne: How many AstraZeneca vaccine doses expiring next month remains unused? And how many have been used up so far? And are we on track to consuming all before they expire end of June?

USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. Ang natanggap natin ay two million doses ng AstraZeneca. To date, we have already given one million doses administered out of the two million, and kailangan na lang natin about 500,000 for the first dose. Kasi iyong another 500,000 doses are allocated as second dose for those who have been given the first dose in March. At ang ginamit kasi nila ay iyong 12-week interval so karamihan po ng mga nabakunahan, iyong galing sa 525,000 noong first batch ay ngayon pa lang magti-twelve weeks at saka iyong sa first week and second week of June.

So kung may one million na tayong naibakuna ngayon tapos another 500,000 for our second dose, mga almost 497,000 na lang ang kailangan nating maiturok as first dose sa month of June. So we are confident, by end of June ay nai-jab na itong ating remaining 500,000 as first doses habang kinukumpleto natin iyong pang-second dose noong first batch.

USEC. IGNACIO: Okay po. Panghuli pong tanong ni Vivienne Gulla: Can we explain daw po the difference among herd immunity, herd containment and population protection? What is the government’s target daw po this year? And what is achievable given the current numbers and vaccine situation?

USEC. CABOTAJE: We are shifting to the term “population protection” through mass immunization kasi po iyong ating herd immunity, marami pong mga kaakibat na mga criteria: We are considering the variant; We are considering the regular definition of the herd immunity na magkakaroon ka ng protection, ng full protection na tuluy-tuloy. Kasi ngayon, hindi pa natin alam kung kailangan ng mga booster shots at saka iyong mga ibang bakuna ay naa-address pa iyong ating mga variants. So ang ating term ngayon ay really “population protection”. We prevent hospitalization. We prevent and minimize deaths by prioritizing. And the bigger the population that is vaccinated, we have population protection so hindi magkakahawaan. Kung may magkahawaan man, this will be very mild. And hindi naman transmissible usually kapag nabakunahan ka na, hindi ka na makaka-transmit o kung maka-transmit ka man ng infection ay very mild ang symptoms.

Ang ating tina-target will be based on our global supply. So alam naman natin na may konting problema ngayon sa merkado because of the surging cases in India tapos nasunog pa, so we were looking before at targeting 70 million na Filipinos by end of this year or early next year. Medyo ni-refocus natin ito at ang target natin ay about 50 to 60% naka-concentrate iyan sa NCR Plus para mas mapabilis – mass vaccination, population protection in geographic setting. So naka-limit sa certain geographic areas.

But if the supply will be good and the global market will improve and dadami ang supply, we will be able to give more and reach our initial target na 70 million by end of this year.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Myrna, bigyan ko lang ng daan itong tinanong ni Celerina Monte kasi may kinalaman din sa unang bahagi ng mga sinasabi ninyo: The remaining 15% na still not vaccinated among A1 priority group, ano raw po iyong reason bakit hindi pa sila nagpapabakuna? Mostly saan pong area itong 15% na not yet vaccinated?

USEC. CABOTAJE: Ang sa NCR po, 97% na ang ating A1. Ang karamihan po iyong mga nasa probinsiya, kailangan natin pong hikayatin iyong ating mga barangay health workers, iyong ating mga members ng ating Barangay Health Emergency Response Team, medyo nag-aantubili pa sila. So kailangan talagang kumbinsihin, these are mostly in the provinces and in the regions.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paano raw po posibleng makaapekto sa vaccine supply natin mula sa COVAX Facility iyong mga nababalitang nabakunahan na kahit hindi naman daw po kasali sa priority sector, at itong bakuna for sale?

USEC. CABOTAJE: Minu-monitor natin lahat ng galaw. Pinapa-monitor na po natin sa ating mga regional health offices kung sino ang hindi sumunod sa ating polisiya. And we are also happy that we are even receiving reports from media, even from ordinary people na ito ay nag-jump the line. So tinutulungan tayo para ma-monitor at ina-advise po natin iyong LGU na may mga ganitong nangyayari. And we also write kung kinakailangan iyong mga nag-jumping the line.

The other question, Usec. Rocky, was about? Ano iyong isang question niya?

USEC. IGNACIO: Sandali lang po, hahanapin ko lang po. Iyong papaano po makakaapekto iyong kahit daw po hindi kasama sa priority sector? At iyong for sale, bakuna for sale, mayroon na po bang nakarating sa inyo na ganito?

USEC. CABOTAJE: Marami na po, even the actual exchange of text messages have reached us in terms of the bakuna for sale. Pero pinapaimbestigahan na po iyan sa pamumuno ng ating Metro Manila Development Authority Chair Benhur Abalos, tinitingnan, kasi ang tinutukoy dito ay Pfizer, at alam naman natin na ang Pfizer ay dito lang karamihan sa NCR.

So sa ngayon, wala pa namang natutukoy kung kanino galing at kung may patotoo dito sa ating mga naririnig. Pero pinag-iibayo po ng ating mga lokal na pamahalaan, even our regional office na bantayan at talagang siguraduhin na walang nagbibenta ng kanilang slot o kaya iyong money in exchange for the vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ngayon po ay isinusulong din iyong pagbabakuna sa mga OFWs lalo na iyong malapit na rin po ang deployment. Pero ang concern po nila, karamihan daw po sa mga bansa na pupuntahan nila ay gusto ay Pfizer lang o iyong kanilang niri-recognize na bakuna. Sa ngayon ay may kakulangan pa rin po tayo sa brand na ito, so ano raw po ang masasabi ninyo rito at ano raw po ang gagawin ng pamahalaan para rito?

USEC. CABOTAJE: Thank you, Usec. Rocky. This has been brought to our attention. Ang kailangan lang natin ay mag-usap-usap at international level. Ano ba iyong talagang kailangan na mga requirements pagpasok ng ating mga kababayan OFWs sa iba’t ibang bansa. We will continue to have talks with the DOLE and the DFA para makipagtalastasan sa mga bansang naturan, kung paano nila mairi-relax iyong kanilang mga requirements. Kung hindi man, titingnan natin dito sa ating bansa how else we can address immediately iyong mga concern na ito ng OFW.

Yes, we have some problems with Pfizer vaccine because of its availability but I am sure we will come to a win-win solution kasi alam naman natin na kailangan din ng ating mga OFWs na lumabas na sa ating bansa para sila ay magtrabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ian Cruz ng GMA News: Nagkakaroon po parati ng delay sa pagdating ng Certificate of Analysis o COA ng Sinovac, hindi po ba maaaring i-request na isabay na nila parati ang COA sa delivery ng vaccines?

DOH USEC. CABOTAJE: We have requested that pero tatandaan natin, vaccine supply is very scarce nowadays. So kapag na-manufacture na iyan, pini-pick-up na natin para siguradong mayroon na tayong stock. Mayroon naman silang provisional COA na ibinibigay but we need to have the final COA.

Ang sistema kasi sa ating mga Sinovac, fresh from the stocks iyan, manufacturing. So ang option is to wait for the COA and then get the vaccine; or get the vaccine immediately. I think we opted to get the vaccine. Anyway, based on track record, magaganda naman iyong Certificate of Analysis, they meet the standards of the analysis.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Ian Cruz: Our country daw po, 3,800 plus vaccination centers. If each center can inoculate at least 100 vaccinees per day, we’ll have at least 380,000 inoculations per day. In reality, such as here in NCR, most of them can vaccinate 600 up to 1,000 per day daw po. Bakit po ganoon pa rin kababa ang national average ng jab rate per day [garbled] gayung marami naman tayong vaccination centers at saan daw po kaya iyong problema?

DOH USEC. CABOTAJE: Tama iyong computation ni Ian. Tama siya based on the National Vaccine Deployment Plan pero titingnan natin na hindi naman sabay-sabay itong mga nagbabakuna, so not all of them are active. We’re still really lacking the supply. This will just tell us kung enough iyong supply, magkakaroon tayo ng—at we just even compute at 100 jabs per vaccination sites makukuha natin iyong ating mga bakuna.

But as of now, kahit mataas iyong ating inventory, many of them are reserved for second doses. So, while we have an inventory of about eight million, four million ang ating ibabakuna na, iyong iba naka-reserve sa second dose. So, that will just tell us na kapag dumating in the quantities that have been promised, mga ten million or fifteen million in the next coming months, we will indeed reach kung ma-mobilize natin lahat itong ating mga vaccination site we will reach the 300,000 jabs per day na ating tinitingnan na average – 300,000 to 500,000. We are aiming for one to two million a week kapag stable na iyong ating supply.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Sweeden Velado ng PTV: Why is it important to get vaccinated even if there are new variants of the virus?

DOH USEC. CABOTAJE: Kasi importante iyan na you are protected. There are studies which show that some of the vaccines have already been improved to cover some of the variants ‘no. So, basta nagpabakuna ka, there’s protection already even with just one dose tapos tumaas lang itong… nabo-boost ito when you have your second doses, tumataas iyong ating mga bakuna. Kung protektado ka na, the likelihood that you can get sick is very minimal. The likelihood you will get sick with the variant ay also very minimal.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Miguel Aguana ng GMA News Desk: A ship with 13 Filipino crew is heading for Manila. They tested positive for the Indian variant, ano pong gagawin pagdating dito? Treated na po sila for COVID pero papunta sila ng Pilipinas.

DOH USEC. CABOTAJE: Ang current policy ay ten days na quarantine when they arrive and then iti-test some of them to really have the genome sequence kung kinakailangan. But there are suggestions na reduce the number of quarantine from ten to fourteen days to seven days na lang.

So, we’ll leave it up to the assessment of our surveillance officers both at the quarantine and dito sa ating DOH if they need longer than seven days kung magka-quarantine pa sila, iyong tinatawag na hindi pa sila pabababain sa boat ng after seven to ten days.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Napabalita na si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay nagpahayag sa Twitter na gusto po niya di umano ay bumili ng bakuna para sa staff niya. Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na unawain na lang daw po si Commissioner Guanzon, pero hindi po ba ito paglabag sa alituntunin ng EUA?

DOH USEC. CABOTAJE: Siguro ang sinasabi niyang bibili ng bakuna, we have the law which allows the procurement of vaccines by the local government units, even NGAs and the private sector in coordination with the DOH and the NTF. Kaya nga naghihintay tayo ngayon ng mga binili ng ating private sector, they may be arriving next month. Baka iyon ang nasa isip ni Comelec Commissioner—

USEC. IGNACIO: Guanzon.

DOH USEC. CABOTAJE: Wala naman talagang available on individual or small-scale basis na mabibili ka kasi nga hindi pa rin siya commercially available; it will all be through the DOH, NTF or the EUA holders. So, ito iyong mga kumpanya na puwedeng ibigay from abroad, iyong manufacturing sila ang mag-i-import, pero dadaan pa rin iyan sa DOH at saka sa NTF. So, walang commercially available especially in very small quantities.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Rose Novenario ng Hataw: Susuportahan ba ng Department of Health ang imbensyon na oral COVID-19 vaccine ni Father Nick Austriaco?

DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya iyan ng ating polio vaccine na naging oral polio. Kung mas epektibo at mas convenient, we will support. But in terms of the study, baka hindi natin kakayanin na pondohan, so we may need to confirm and look at the data or any studies that are being done outside of the country. While we have clinical trials, kailangan din ng pondo for this study.

Kung mapapansin natin, at the beginning of the year we were not very sure na magkakaroon ng bakuna pero ang bilis ng ating pag-develop ng vaccines. So, now they are even talking about boosters, they are now talking about addressing the variants. Who knows kung puwede iyong oral instead na injectable, we will support basta scientific and passed all the requirements for a clinical trial and then kailangan din ng tinatawag nating – since wala pa siyang Certificate of Product Registration (CPR) at least Emergency Use Authorization.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje, sa pagsama ninyo ulit sa amin ngayong umaga. Salamat po at stay safe, USec.!

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you, USec. Rocky! You too. Good morning!

USEC. IGNACIO: Good morning po.

Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa: 1,188,672 na po ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 3,972 kahapon. 4,659 naman ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa sakit na ngayon po ay 1,120,452 na, 94.3% po iyan ng total cases ng COVID-19.

Samantala, lumampas na sa 20,000 ang bilang ng lahat ng nasawi dahil sa virus. Kahapon po kasi ay nadagdagan ito ng 36. Sa kabuuan, 48,201 pa ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, sa kabila po ng good news na pumalo na sa mahigit 4 milyong doses ng bakuna ang naipamahagi sa bansa, nakakalungkot na dumarami naman po ulit ang mga lugar na itinuturing bilang high-risk areas. Alamin natin ang aksiyong ginagawa ng National Task Force against COVID-19 para pigilan ang pagkalat ng virus. Makakausap po natin ang tagapagsalita ng NTF, Retired General Restituto Padilla. Good morning po, General.

RET. GEN. PADILLA: Good morning, Usec. Rocky at sa lahat po ng nakasubaybay sa programa. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo, welcome po sa ating Laging Handa Public Briefing. General, nakapanayam namin dito sa programa ang alkalde po ng Puerto Princesa at Coron, Palawan para po malaman kung ano ang nangyari at kung bakit po may surge ay hindi nila matukoy ang dahilan. Kayo po ba sa NTF ay nababahala sa pahayag na ito?

RET. GEN. PADILLA: Nagpunta na tayo sa Zamboanga, at I think nabisita na rin natin ang Puerto Princesa. Ang unang ginagawa ng National Task Force ay pakinggan at alamin kung ano ang mga nangyayari at kailangang gawin at hinihiling ng mga LGU na tulong. So sa ating napag-alaman batay sa ating naging konsultasyon sa kanila, maaaring may mga ilang mass gathering na hindi nila natukoy na nagdulot ng ganitong pagtaas. So, iba’t ibang klaseng mass gathering na maaaring hindi namu-monitor ang pinagmumulan ng mga kasong ito lalung-lalo na kung may mga sumali na mga dayuhan o iyong bumibisita lang sa lugar na iyon na nanggagaling sa iba nating mga lugar na mayroong mga kaso.

So, ang pinakamahirap kasi dito is iyong mga hindi nag-i-exhibit ng symptoms o iyong mga asymptomatic na maaaring wala silang nararamdamang sakit pero may dinadala na. So, iyon po ang binabantayan natin kaya patuloy pa rin pong ipinagbabawal ang mga mass gathering events.

Ang isa pa is iyong kakulangan ng testing. Kaya nga po sa pagbisita ng National Task Force, dala-dala na rin natin ang maraming mass testing kits para magamit nila – antigen test at saka PCR test. Kasi ang hinaharap nating kalaban dito ay hindi nakikita at ang pinakamainam na paraan para makita ito ay sa pamamagitan lang ng testing. So ito iyong ambag na naibibigay natin lalo na diyan sa Palawan na nadala rin natin sa Zamboanga.

USEC. IGNACIO: Pero, General, sa palagay ninyo ay nagkaroon ba, may mga pagkukulang sa mga lugar na ito sa naging COVID response nila, katulad nga po ng nabanggit ninyo –kailangang pataasin, palakasin ang contact tracing at testing?

RET. GEN. PADILLA: Maaaring ang enforcement at iyong karamihan ng ating kababayan, sa tagal na ng panahon na nasa ilalim tayo ng pandemyang ito ay nagkaroon na ng pandemic fatigue at naging reaksiyon nila na bumalik sa mga dating normal. So itong pagsunod sa ating sinasabing minimum public health standards, ang siyang pinakamainam na proteksiyon natin. Kaya kung nalilingat tayo at hindi natin nagagawa ito diyan tayo maaaring mapasukan ng virus na ito. Kaya’t hinihikayat nga natin lahat ng local government units na ipagpatuloy pa rin na paigtingin iyong enforcement side ng ating mga public health protocols. Kasi kung hindi tayo tatalima dito, iyong pagkalat ng sakit ay siguradong mangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo, kung may problema sa testing at tracing ang LGU, General, papaano po ang gagawing assistance, ulitin lang natin, iyong assistance po na maibibigay ng NTF sa kanila para tugunan iyong kakulangan na ito at mapigilan iyong paglala pa ng transmission? Kabilang nga po sa binanggit ninyo na pagpapadala ng antigen testing kits.

RET. GEN. PADILLA: Yes, Usec. Rocky, mayroon tayong istratehiya na tinatawag na PDITR, iyong Prevention Detection Isolation Treatment Reintegration. So sa prevention, iyan iyong enforcement ng ating mga minimum public health protocols at saka iyong mga binibigay na issuances ng ating IATF na ipinapatupad ng ating National Task Force. Sa contact tracing, iyan ay matapos na ma-identify natin, iyong detect na tinatawag doon sa PDITR. At sa pagbisita natin may mga kasama tayo, tulad nila Mayor Magalongnna siyang bihasa sa contact tracing na nagbibigay ng best practices tungkol sa mga ginagawa ng ibang mga LGUs na maaaring i-adopt ng mga LGUs na ngayon kung saan natin nakikita ang pagtaas. So ganoon din ang ating pagbigay ng mga testing kits, kasi nga hindi nga natin nakikita ang virus at ang pinakamainam ay sa pamamagitan ng mga pagti-test ng mga concerned areas para matukoy natin kung sino ang may sakit, ma-isolate natin kaagad sila.

Iyong protocol din ng home quarantine, iyong ibang LGUs ay iyan pa rin ang kanilang ginagawa na hindi na natin inirerekomenda, kasi ang nangyayari ay nahahawa iyong lahat ng mga kasama nila sa pamilya at siya namang naipapasa rin sa iba sa komunidad. So iyong DPWH ay sumasama rin sa ating mga pagbisita sa mga LGU at tinatanong din nila kung kinakailangan din nila para sa isolation facilities. Kaya nga dito sa may Puerto Princesa at saka sa Zamboanga, ang DPWH ay tumutulong na magtayo ng mga isolation facilities para ng sa ganoon kung sinuman ang mati-test na positibo sa COVID ay ma-isolate kaagad at maiiwas na makahawa pa ng iba.

USEC. IGNACIO: General, nakapagpulong na ba ang NTF National Vaccination Operations Center dito sa pag-allocate ng mas maraming supply ng bakuna sa mga high risk areas at kalian po daw ito mangyayari?

RET. GEN. PADILLA: May mga anunsiyo na rin po ang Department of Health at saka sinabi na rin ni Usec. Vergeire na may proportional distribution ng mga bakuna. So tama po iyon, ang karamihan po ng mga bakuna ay pupunta sa mga surge areas kung saan matataas ang kaso para matulungan nating maprotektahan iyong A1 to A3 category at maibaba iyong mga posibilidad ng pagkalat nito sa mga vulnerable sa communities.

USEC. IGNACIO: General, bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media ano po. May tanong mula kay Sweeden Velado ng PTV: Hong Kong right now might just throw away millions of their vaccines dahil malapit ng mag-expire at wala rin po kasing masyadong gustong magpabakuna doon. Here in the Philippines, there is also vaccine hesitancy, ano po ang ginagawa natin to make sure na maituturok lahat ng bakunang dumating at hindi aabutan ng expiry date para hindi po tayo matulad sa Hong Kong?

RET. GEN. PADILLA: May guarantee naman sa ating mga health workers at saka LGUs na kayang ubusin po ang lahat ng mga bakunang dumating lalo na po iyong mag-i-expire tulad ng AstraZeneca. So, makakaasa po kayo na sa itinataas nating rate ng pagbakuna sa bawat araw at iyong hangarin nating itaas pa ito ng kahating milyon o higit ay nariyan ang pamamaraan at ang pasilidad upang magawa natin ang paggamit sa mga bakunang ito bago pa man dumating iyong mga takdang expiry date.

Sa ngayon natutuwa tayo dahil sa huling survey na lumabas, mahigit 50% na po ang gustong magpabakuna at marami pa po siguro ang nag-iisip at medyo hesitating pa. Pero kinalaunan po, kapag nakita nila na mainam at maayos po ang lahat ng bakunang ito, nabibigyan ng proteksiyon ang bawat mamamayan ay magpapabakuna na rin sila at tataas pa rin itong 50% na ito sa mas malapit sa ating tinutukoy na 70%.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ito ni Red Mendoza ng Manila Times. Gusto din po niyang kunin iyong posisyon ng NTF sa tanong na ito, although, ito po ay natanong ko na rin kay USEC. CABOTAJE: Napabalita na si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay nagpahayag sa twitter na gusto po niya diumano ay bumili na ng bakuna para sa staff niya. Sinabi po ni COMELEC Spokesman James Jimenez na unawain na lang daw po si Commissioner Guanzon. Pero hindi po ba ito paglabag sa alituntunin ng EUA at kung magkakaroon daw po ng pananagutan dito? Tanong po iyan ni Red Mendoza ng Manila Times.

RET. GEN. PADILLA: Usec.—Red, palagay ko iyong sagot ni Usec. Myrna kanina ay sapat na. Pero siguro ang pinanggagalingan lang po ni Commissioner ay iyong pagkakaintindi na may pamamaraan na sa pamamagitan ng tripartite arrangement sa gobyerno at pribadong sektor at doon sa vaccine manufacturers na maaring puwedeng gawin para makapag-angkat ng bakuna.

Alam naman po natin na ang commercial sale ng bakuna ay hindi pa po maaari dahil lahat po ng bakunang pinayagan nating gamitin dito sa atin ay nasa ilalim lang po ng Emergency Use Authority o EUA.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV-5: May proposal na payagan na ang mga bakunadong senior citizens na makapasok po sa mga restaurant. Is the NTF open to this idea? Will you allow this?

RET. GEN. PADILLA: Isusumite po natin sa mga eksperto ang ganitong panukala. Tandaan po natin, laging ang last say po nito ay nanggagaling sa mga dalubhasa at sa mga eksperto nating nasa medical practicing field at mga professionals. So kung ano po man ang irirekomenda nila, iyon po ang ating susundin at lahat naman po ng kanilang nirirekomenda ay naaayon po sa kaligtasan at safety at health concerns ng kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second po niyang tanong: Ilocos Sur local officials are saying that the ease on border restrictions is one of the reason daw po of COVID cases surge in the province. Ano ang plano rito ng national government, ibabalik ba iyong requirement na swab test para makapasok sa isang lugar outside the border?

RET. GEN. PADILLA: Mayroon pong karapatan ang bawat LGU na magpatupad ng kanilang mga ordinansa naaayon po sa kondisyon ng kanilang COVID cases. Kaya po nakikita ng LGU na ang pagtaas ay maaaring nanggagaling po sa mga cross border movements, maaari po silang mag-impose ng requirement at iyan po ay puwede nilang ipatupad, abisuhan lang po ang National Task Force nang sa ganoon malawakan po nating maikalat ang balitang ito na niri-require ng LGU na iyon.

Katulad po ng nangyayari sa ibang LGU na kung saan ang kaso ay tumataas, nag-request po sila na ilagay ang kanilang mga quarantine condition sa ECQ or MECQ at iyon naman po ay pinagbibigyan ng National Task Force at kaniyang nirirekomenda sa IATF na gawin. So iyong changes ng quarantine ay maaaring gawin, ang pag-i-impose ng mga ordinansang angkop sa pagprotekta sa kaniyang LGU ay maari ring gawin ng mga LGU’ng ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Retired General Restituto Padilla, ang Tagapagsalita ng National Task Force Against COVID-19. Mabuhay po kayo, General!

RET. GEN. PADILLA: Maraming salamat, Usec., at stay safe po tayong lahat at magpabakuna po pagka panahon na po natin. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, muli namang humarap si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa Senado para idepensa at iapela ang kaniyang panukalang batas na dagdagan ang mga kagamitan ng ilang pampublikong ospital sa bansa na pupondohan ng national government. Ang detalye niyan sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa dami ng mga hanapbuhay na [garbled] dahil sa pandemya, nananatili namang matatag ang industriya ng information technology at business process management sa bansa. At dahil sa malaking workforce nito, inaasahan pong malaki rin ang maiaambag nila para labanan ang COVID-19 sa oras na mag[garbled] sila sa pagbabakuna. Kaugnay po niyan, makakausap po natin si Mr. Rey Untal, ang Presidente po at CEO ng IT and Business Process Association of the Philippines. Good morning po, Mr. Untal.

IBPAP PRES. & CEO UNTAL: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At magandang umaga rin po sa lahat ng iyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, paki-share muna sa amin kung paano po naka-cope iyong ating mga BPO companies sa Pilipinas for the past year na nasa pandemic po ang bansa.

IBPAP PRES. & CEO UNTAL: Marami po ulit salamat sa tanong na iyan. At naalala ko po huli ho akong lumabas dito sa programa ninyo, nabanggit ko na napakalaking tulong po na ibinigay ng ating mga kasangga sa gobyerno – ang [unclear], DTI, DOLE at iyong IATF po ‘no na binigyan po kami ng pagkakataon na maging essential na industriya at pinayagan kaming mag-operate.

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Kasabay ho niyan ay napalaganap po namin iyong pagtatrabaho sa pamamagitan ng work from home, at umabot nga po kami ng mga 70% na work from home especially po noong ECQ at MECQ; at malaking tulong po iyon sa pagpapatuloy ng aming industriya. Kaya ngayon po, nang tinitingnan nga po namin iyong aming statistic noong 2020, nakakagulat po at kami po ay lumaki pa rin kahit hindi naman kalakihan ang aming pag-grow, I think from a headcount standpoint, lumago po kami ng 1.8% and another 1.4% po sa revenue. And napakalaking bagay po noon kasi alam naman po natin iyong global economy and even iyong Pilipinas ay nag-contract po noong 2020. So, the fact po na nag-grow po ang IT-BPO ay I think, malaking bagay po.

USEC. IGNACIO: [off mic] nitong nagdaang taon para po siguruhing patuloy ang kalidad ng serbisyong ibinibigay ng BPO industry at iba pang tech company sa bansa.

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: So, nabanggit ko na rin po na napakahalaga po ng opportunity na makapag-operate kami in a hybrid set-up. Ang ibig pong sabihin noon, mayroon po kaming mga empleyado na nagtatrabaho sa mga opisina at mayroon din po kaming mga empleyado na nagta-trabaho sa kanilang mga residences.

Hindi lang po iyan nangyayari dito sa Pilipinas, ganoon din po sa ibang mga bansa and talaga pong niri-request po namin na maipagpatuloy po namin iyan lalo na sa aming obserbasyon po sa nakaraang first quarter and even po itong second quarter, lumalago po iyong mga requirements na dumarating dito sa Pilipinas for more companies for a combination po ng pag-expand at saka sa mga company na nag-i-invest dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa usaping bakuna naman po. Recently po ay napasama na nga po sa A4 priority sector ang BPO employees at kayo naman po sa IIBPAP ay mayroon na ring tripartite agreement para makapag-procure ng bakuna, tama po ba? Please tell us more about these po.

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Well, unang-una, ikinagagalak po namin iyong pagtanggap ng aming request na maipasok po sa A4 category ang ating IT at BPO na industriya. Isang industriya na itinalagang essential po noong panahon ng pandemya, malaking bagay po iyan kasi ang sabi nga po ng mga kasamahan natin sa negosyo, on top of mind po namin ang malaganap na pag-execute ng vaccine road map natin.

Kasabay po niyan, nakipag-partner din kami sa ilang mga tripartite agreements para magkaroon din po ng early access sa bakuna and nandiyan na po iyong partnership with Go-Negosyo, nandiyan po ICTSI foundation and a few others in the horizon and base po doon sa mga procurement na nagawa na po ng ating mga miyembro, mahigit pong isang milyong doses ang aming na-procure and while some of those ay darating pa sa Q3 and Q4, the fact po na mayrooon na po tayong A4 inclusion, mapapaaga po iyong pagpapabakuna ng iba nating mga empleyado.

Kaya later on po kapag nandito na iyong mga vaccine natin na atin pong binili, puwede po natin siyang gamitin sa mga dependents or even as a booster shot later on or even donate, go back to the government. Iyon po ang aming iniisip doon sa mga bakunang nabili na namin at sa pagkaka-include po namin sa A4 na priority ng pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo, pero puwede ninyo po ba kaming bigyan ng figure kung nasa ilan iyong bilang na mga mababakunahan once dumating po ang vaccine allotment sa inyo?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Alin po, iyong tungkol po doon sa nabili namin na or tungkol po sa bakuna na manggagaling sa LGU or national government. Clarification lang po?

USEC. IGNACIO: Iyon pong set-up na na-procure ninyo?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: So far po, iyong na-procure na po based doon sa records na available po sa amin at lumalaki pa po ito dahil tuluy-tuloy po iyong pag-procure habang dumadami po iyong tripartite [agreements] base on records, mahigit po isang milyon, mga one million-fifty thousand po iyong bakunang na-procure ng industriya, so sapat po iyon para sa mahigit kalahating milyon kung dalawang doses po kada-individual.

USEC. IGNACIO: Opo, puwede niyo po bang banggitin sa amin kung anong brand iyong inyong napili, Sir?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Sa una pong programa, nandudoon po iyong AstraZeneca; sa ikalawang programa po with ICTSI, nandoon po iyong Moderna. Mayroon din pong mga bagong arrangement na aming binabantayan, nandudoon po iyong Novovax at COVAXIN; at inaabangan din po namin kung magkakaroon po ng opisyal na tripartite agreement with Pfizer.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano daw po iyong magiging set-up ng inyong pagbabakuna? Mayroon na po bang free registration? May provision ba para isama sa pagbabakuna ang pamilya ng naturang empleyado or magko-coordinate pa rin po ba kayo sa LGU?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Sa kasalukuyan po ay mayroon po kaming mga agreements na inaayos sa mga health care service providers, at nandiyan din po iyong Zuellig na sila po ang namamahala sa logistics. Mayroon din po kaming mga individual na partnership with LGU.

Siguro po gagamitin ko na itong pagkakataon na ito para i-share po na mayroon po kaming ginawa with Quezon City. Katuwang po namin dito si Mayor Joy Belmonte, where they are providing priorities sa IT-BPO na mga employees. And so far po, mayroon po kaming sign-ups close to 70,000 employees na po namin na nagtatrabaho sa QC na mababakunahan po sa tulong po ng LGU.

Ang tulong po namin doon ay magbibigay po kami ng ayuda sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga volunteers, mga healthcare workers at libre pong ibinibigay ng Quezon City iyong bakuna sa aming mga empleyado.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may tanong lang po sa inyo si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Ano daw po iyong actual figure ng growth ng BPO comparison po year-on-year 2019 and 2020? For first quarter may growth din ba?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: So, noong natapos po iyong 2020, kung titingnan po namin sa headcount, nag-grow po tayo ng 1.8% and kung titignan naman sa revenue, nag-grow po tayo ng 1.4%. Again po ay napakalaking bagay po niyan dahil iilan lang po siguro iyong mga industriyang lumago doon sa panahon ng pandemya and labis po naming ikinatutuwa na nasama po kami doon sa mga iilang industriya na lumago.

Iyong first quarter po, wala pa ho kaming mga specific na mga detalye in terms of numbers pero po sa mga nakakausap ko pong mga country heads, marami po sa kanila ang nagsasabing maraming demands silang mina-manage ngayon hanggang po sa kasalukuyan and malaking indikasyon po iyan na patuloy iyong pagiging masigla ng ating industriya.

USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po niya: Ano daw po ang prospects ng BPO for this year?

IBPAP PRES. AND CEO REY UNTAL: Base po sa aming forecast naman, ina-anticipate po namin na ang growth ng BPO for this year will be anywhere between 5 to maybe 6.5 percent. Iyan po iyong aming opisyal na pigura na amin lang pong maisapubliko.

Pero, mayroon din po kaming survey na ginawa again sa mga kumpanya na nandito sa Pilipinas and itong survey po namin ay ginawa namin noong first few month of the year and marami pong mga respondent, maraming mga kumpanya na kapag titingnan po natin siguro nag-empleyo ng mga mahigit kalahating milyon ng mga IT-BPOs. And ayon po sa survey na aming isinagawa, 87% po ang mga kumpanya na sumagot at sinabi po nila na lalago sila ngayong 2021 and iyong range ng kanilang paglago ay anywhere between 5 to 15% po. And then iyong remaining 13% na sinabi nilang hindi sila lalago, again, tiningnan po namin iyong medyo maliliit na mga kumpaniya. So mukhang iyong sentimiyento po ng ating mga negosyante at mga [garbled] mga country heads ay positibo po ayon sa paglaki ng industriya ngayong 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pasensiya na, may pahabol pa rin po si Celerina Monte. Request po niya, iyong equivalent amount po nung 1.8 at 1.4%?

PRES/CEO IBPAP REY UNTAL: So iyong sa head count po natin, natapos po ang taong 2020 na mayroon na po tayong 1.32 million direct employment. And doon po naman sa revenue, ang pagkakaalala ko po, nagtapos po tayo sa $26.7 billion.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, sir. Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong umaga, Mr. Rey Untal ng IBPAP. Stay safe po.

PRES/CEO IBPAP REY UNTAL: Marami pong salamat, Usec. Rocky,

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, daan-daang mga residente naman mula sa iba’t ibang bayan ng Leyte at Eastern Samar ang pinuntahan at inabutan ng tulong ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna po ng outreach team ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang iba pang balita mula kay John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Kumustahin naman natin ang kaganapan diyan sa Cordillera, balitang hatid sa atin ni Jorton Campana. Jorton?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jorton Campana mula sa PTV Cordillera.

Alamin naman natin ang sitwasyon diyan sa Davao, balita mula kay Regine Lanuza.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza mula sa PTV Davao.

Maraming salamat din po sa ating mga partner agencies sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating programa at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa pagsama sa higit isang oras na talakayan tungkol sa mga bakuna dito sa COVID-19 Vaccines Explained. Ako pong muli ang inyong lingkod, Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center