USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan mula po sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayong huling linggo po ng taong 2020 ay tuluy-tuloy pa rin ang ating pagbabalita tungkol sa mga napapanahong isyu sa bansa.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go sinabing patuloy ang paghahanap ng pamahalaan ng iba’t ibang posibleng pagkunan ng COVID-19 vaccine. Siniguro rin niya na uunahing mabakunahan ang mga nasa vulnerable sector. Ang buong detalye sa report na ito:
[VTR]
Samantala, nasa higit siyamnaraang mangingisda mula po sa Talisay City sa lalawigan ng Cebu ang hinatiran ng pamasko ng pamahalaan sa pamamagitan pa rin ng opisina ni Senator Bong Go at ng DSWD. Narito po ang report:
[VTR]
Sa Quezon City naman, security at utility personnel ng DSWD main office nakatanggap din ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Bong Go at ng ilang ahensiya ng pamahalaan; at mga golf caddie sa Pasay City na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya personal ding binisita at inabutan ng tulong ng Senador sa hiwalay na aid distribution. Narito po:
[VTR]
Samantala, bilang paghahanda naman sa nalalapit na pagsalubong sa taong 2021 ay muling inilunsad ng DILG at Bureau of Fire Protection ang taunang Oplan Paalala: Iwas Paputok. Inatasan ng Kagawaran ang mga lokal na pamahalaan ang PNP at BFP na higpitan ang pagbabantay sa mga fire cracker at pyrotechnic zones sa kani-kanilang mga lugar. Sa inilabas na bagong memorandum ng DILG, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbibenta at paggamit ng Watusi, Piccolo, Pop-pop, Five Star, Plapla, Lolo Thunder, giant bawang, giant whistle bomb, atomic bomb, atomic triangle, large size Judas Belt, Goodbye de Lima, Hello Colombia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Criton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke in Can, pill box, boga, kabasi at iba pang mga kaparehong paputok.
Papayagan naman ang iba pang mga pailaw tulad ng butterfly, fountain, jumbo regular and special luses, Mabuhay, Roman Candles, sparkles, Trompilyo, whistle device at iba pang mga kaparehong pailaw.
Muli po ang aming paalala: Bawal magpaputok sa darating na Bagong Taon at siguruhing sumunod sa mga direktiba ng pamahalaan para po sa ating kaligtasan.
Samantala, kasabay po ng pag-aasikaso ng national government sa pag-angkat ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang pharmaceutical companies abroad, ang mga lokal na pamahalaan ay willing na ring bumili ng bakuna para masiguro rin ang paggaling ng kanilang mga kababayan, kaugnay niyan ay makakausap po natin si Quirino Province Governor Dakila Carlo Cua.
Good morning po, Governor, at welcome po sa ating Public Briefing.
QUIRINO GOVERNOR CUA: Good morning po. Sa lahat po ng nanunood at nakikinig, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Good morning po. Merry Christmas, Governor. Governor, winelcome po ng Palasyo at ng DILG iyon pong idea na magkusa na po sa pagbili ng COVID-19 vaccine ang mga LGU. Ano po ang bentahe kung bibili ng sariling bakuna ang local government units?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Thank you, Usec.
Opo, salamat po na wine-welcome ng ating national government ang hakbang ng mga LGUs sa pagbili at pag-support ng vaccination program. Siguro ang pinaka-obvious na advantage ay dahil malapit kami sa ground ay mas madali natin na masusuyod iyong lugar at ma-identify sino ang mga dapat maprayoridad. At siyempre, dahil ito ay nangangailangan ng mga cold storage at iba pang special logistics, mas mabilis siguro ma-gather ng LGUs ang data na iyan na para malaman kung saan puwede umupa o makipag-collaborate sa private sector para mai-transport at mai-galaw at mai-move itong mga vaccine na parating po.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, karamihan ba sa mga member-LGU na Union of Local Authorities of the Philippines o iyong ULAP kung saan kayo po iyong tumatayong Presidente ang nagpahayag na ng inisyatiba na sa local appropriations na nila manggagaling daw po iyong pondo para sa bakuna?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Opo. Ang isang pinaka-outspoken and very active po diyan, Usec., ay iyong mga League of Cities, itong mga City Mayors na talagang proactive sila sa larangang ito. And ganiyan din naman ang sentimiyento ng maraming gobernador, mga provinces and governors have also expressed their intent to purchase and procure these vaccines para maka-support nga po sa national government.
USEC. IGNACIO: Kayo po sa Quirino Province, naghahanda na rin po ba kayo ng pondo para dito? Nasa magkano po iyong ilalaan ninyo dito mula po sa 2021 budget ng lalawigan?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Iyong budget namin na naipasa does not include it. But I was appealing to the NDRRM Council na sana i-allow iyong ating mga quick response money at saka iyong ating mga quick response funds, part iyan ng ating Disaster Risk Reduction and Management Funds.
So itong DRRM fund, iyan sa tingin ko ang pinakamadaling gamitin. Anyway it’s to address the situation of the health emergency ‘di ba. So, akma naman.
Siguro clarification lang naman ang hinihingi natin mula sa NDRRM Council at sa DBM na ma-authorize nga at masigurado na puwede naming gamitin ang pondong ito pambili ng mga vaccine.
Pero, Usec., siguro at the onset gusto ko lang liwanagin na hindi kasi lahat ng LGU pare-pareho ang kakayahang makabili. Usually iyong mga cities, kaya nga po iyong League of Cities ay very proactive, they have more resources at their command at flexible silang makabili using their local funds. But some provinces, not all, but some provinces and some municipalities are challenged economically and financially kaya hindi ganoon kaluwag ang kanilang mga bulsa. But hopefully, lahat naman ng LGU kasi mayroong DRRM fund na 5%, hopefully kung iyan ay ma-authorize nga na gamitin namin a part of it, if not all of it for vaccine procurement and distribution, then biglang magkakaroon tayo ng funds na maaaring mare-allocate for vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo, ito pong National Vaccination Program ng pamahalaan ay puwede raw pong magtagal ng 3 to 5 years, kung saan annually ay planong bakunahan ang nasa 25 million Filipinos. Kung sakali po ba ay kayang i-sustain ng LGU iyong tatlong taon na bakunahan para po sa constituents ninyo?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Kaya naman siguro increments ang pag-uusapan. Pero Usec., sa tingin ko, nagiging conservative lang ang planning ng ating Vaccine Czar na si Secretary Charlie. Pero sa mga informal discussions, naniniwala naman ako na with the help of private sector. In fact, doon sa aking high school alumni association, may mga Viber groups na sila na gusto nilang tumulong sa gobyerno at sa publiko kung paanong makadagdag ng mga vaccines na ipapamudmod sa ating mga mamamayan. So, marami naman na private sector na mukhang tutulong din sa atin. So hopefully, baka hindi naman abutin iyong mga five years. Baka naman mas maiksi doon and… well, iyon lang ang aking pananaw.
USEC. IGNACIO: Governor, pero nagkaroon po ba kayo o magkakaroon po ba kayo ng pormal na pag-uusap with Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez o maski po sa FDA para po dito?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Yes, Usec. In fact, I think it was more than week ago, ten days ago approximately, when we had an ULAP assembly meeting. It was attended by iyong health committee chair ng Senate, si Senator Bong Go. It was attended by Vaccine Czar, Secretary Charlie Galvez; and Secretary Duque was there also; and the WHO was there, talking to the different LGUs in the country and explaining nga kung ano nga ang new protocols and new vaccine plans.
So, nakapag-initial na pagpupulong na po kami, pero aminado kami na kailangan pa ng maraming subsequent na meeting dahil kailangan pang maliwanagan iyong ibang detalye. Nalaman namin na iyong vaccine tulad ng Pfizer ay kailangan pala super lamig, negative 70 degrees daw or 80 degrees negative kailangang lamig niya. So, hindi lahat ng LGU or lugar ng Pilipinas ay maaaring pagdalhan nito ‘no. So iyon ang mga things that we need to discuss and more learn about.
We are also coordinating already with DOH, nakausap ko na po ang ilang representatives ng DOH telling us about their upcoming guidelines, so maglalabas daw po sila ng guidelines, hindi ko lang sure kung lumabas na but as of three days ago, wala pa naman. Kung paano makipag-collaborate sa DOH para makabili ng vaccines. So that includes the LGUs and I think that also includes private sector.
USEC. IGNACIO: Governor, sinabi rin po ni Secretary Harry Roque na mas maganda daw po siguro kung hindi manggagaling sa mga brands na pagkukuhanan ng vaccine ng national government ang bakuna na bibilhin ng LGU para hindi daw po mauubusan ang mga nasa vulnerable sector na priority ng national vaccination program. So ano po ng masasabi ninyo dito?
QUIRINO GOVERNOR CUA: I think he has a very good point, Usec. Rocky. But I think lahat naman iyan mapag-uusapan natin kasi iyong pag-identify ng vulnerable, iyong priority, iyong frontliners, iyong health workers, iyong mahihirap na nabanggit nga din ni Senator Bong Go, puwede naman nating pagtulungan iyan eh. At ang importante magkaroon tayo ng data based di ba, kung sino iyong nabakunahan na para hindi na uulitin ng local o kaya kapag nabakunahan na ng lokal hindi na uulitin ni national. So para hindi na magdoble. So, madali namang pag-usapan iyon. Iyong… siyempre magri-rely tayong lahat doon sa mga ia-accredit ng FDA at national government eh, hindi naman po kami makakabili ng mga vaccine na hindi sasabihin na puwedeng pagbilhan na according to FDA. I see the point, but I think those are small things that we can talk about and organize para mas maging efficient at mag-collaborate ang national at local.
USEC. IGNACIO: Governor, kumustahin na rin po namin ang COVID cases sa inyong probinsiya lalo na ngayong holiday season kung saan may nangyayari pong mga pagtaas ng kaso?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Opo. Dito sa amin sa Quirino, we are running a total 30 mula doon sa simula. So, relatively mababa pa rin ang bilang namin. We have about 14, but I think today, it’s already 11 or 10 active cases na lang. So, we are keeping our fingers crossed na during this Christmas season eh tumalab lahat ang aming paalala sa mga mamamayan na kahit Pasko eh let’s spread the cheer but not COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin ko na lang po ang mensahe ninyo sa inyong mga kababayan at sa ating mga manunood.
QUIRINO PROV. GOVERNOR CUA: Usec. Rocky, I think unti-unti ‘no nakikita natin, lumiliwanag na; there’s light at the end of the tunnel. Lumalabas na iyong mga positive news like vaccine, although there are emerging threats tulad ng new strain that we should all be careful about. Sa tingin ko, with the help of local governments, fully supported of course by our national government, by the IATF and ng ating mahal na Pangulo, maa-address natin iyong mga pangangailangan unti-unti po.
Humihingi na lang ako ng pang-unawa sa aking mga kababayan dito sa Quirino kung na-inconvenience man for the past several months, konting tiis pa, malapit na tayo sa finish line para maayos natin iyong mga problema.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Dakila Carlo Cua mula po sa Lalawigan ng Quirino. Mag-ingat po kayo Governor, mabuhay po kayo!
QUIRINO PROV. GOVERNOR CUA: Salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, mga pampublikong transportasyon papasok at palabas ng Baguio City balik-operasyon na. Ang detalye sa ulat ni Jorton Campana ng PTV Cordillera. Jorton?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jorton Campana ng PTV Cordillera.
Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Nahahanay po sa listahan ng mga terrorist group ang CPP-NPA matapos makitaan sila ng probable cause ng Philippine Anti-Terrorism Council kaya naman tuluy-tuloy pa rin po ang ating pamahalaan sa pangunguna ng ating militar sa pagsawata sa kaguluhang dala nila sa bansa. Makakasama natin ngayong umaga ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines si Major General Edgard Arevalo, kasama po ang dalawang dating miyembro ng New People’s Army na sina Jeffrey Celiz na kilala bilang si Ka Eric at si Noel Legazpi na kilala bilang si Ka Efren upang bigyan-linaw ito. Magandang umaga po sa inyo.
AFP SPOKESPERSON MAJ. GEN. AREVALO: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky; at sa lahat po ng nakikinig at nanunood sa atin dito sa Laging Handa briefing, isa pong magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. General, bakit po natin naikategorya na terorista ang CPP-NPA?
AFP SPOKESPERSON MAJ. GEN. AREVALO: Well, dahil po sa nature ng ginagawa nilang pagpatay, pag-abuso sa mga kababaihan, panununog ng mga private and public properties, heavy equipment ng Department of Public Works and Highways, pangingikil sa mga tao partikular sa mga negosyante ng malalaking halaga ng salapi upang gamitin sa paglaban sa ating pamahalaan. So by the very nature ano ng kanilang ginagawa at ang krimen na kanilang naku-commit ay sila po ay maituturing nating terorista at iyan naman po talaga ang hatid nila sa ating mga kababayan. That’s why hindi lamang po ang Pilipinas ang nagtuturing sa kanila bilang terorista kung hindi maging ibang bansa kagaya ng Amerika, Australia, New Zealand, United Kingdom, Singapore at iba pang bansa sa mundo.
USEC. IGNACIO: Opo. Masasabi nga pong long-overdue na itong pormal na deklarasyon sa CPP-NPA as a terrorist group at enemy of the state. Ano na po ang susunod na hakbang ng AFP para po tuluyan nang sugpuin iyong communist insurgency sa bansa at pigilan po iyong recruitment lalo na po sa mga kabataan?
AFP SPOKESPERSON MAJ. GEN. AREVALO: Tayo po, Usec. Rocky, ang tinatawag na tip of the spear ano kung ang pag-uusapan ay paglaban dito sa teroristang grupong CPP-NPA. At makikita naman po natin na ang operasyon po ng Armed Force of the Philippines ay tuluy-tuloy; hindi po tayo huminto kahit ngayong panahon ng Pasko at hindi rin po tayo hihinto ngayong panahon ng Bagong Taon.
Hindi po natin iminungkahi sa ating Pangulo na magkaroon po ng peace negotiation o holiday truce na naman this time sapagka’t sa lahat po ng pagkakataon nagkaroon tayo ng peace negotiations ay wala po silang ginawa kung hindi i-violate ang sarili nilang unilateral ceasefire declaration o ang pag-uusap sa dalawang panig; hindi po nila ginagalang. Patuloy ang kanilang ginagawang pagpatay at pag-ambush hindi lamang sa mga sundalo na hindi naman gumagawa ng combat operations, kung hindi maging sa mga inosenteng sibilyan at non-combatants; ganoon din po, patuloy ang kanilang ginagawang pangingikil.
So sa madaling sabi po, ang kanilang ginagawa kapag may peace negotiation ay ginagamit nila ang pagkakataong ito upang makapag-recruit ng bagong miyembro; makapag-refurbish ng kanilang mga kagamitan; makapag-regroup doon sa mga lugar na nabawi natin; and of course, maka-recoup ng kanilang mabawi iyong kanilang mga losses.
At sa pananalita po mismo ni Ginoong Luis Jalandoni, sabi niya naman, kailanman ay hindi nila papalitan ang kanilang armed struggle sa pamamagitan nitong mga peace negotiations na ito. Itong peace negotiations sabi nila, mga ligal lamang ito na kaparaanan upang sa ganoon ay isulong pa nila lalo iyong kanilang tinatawag na armed struggle. So hindi sila seryoso, that’s why nagtutuloy po tayo ng ating operation at masasabi po natin, Usec. Rocky, sa ating mga kababayan na nanunood sa atin at nakikinig ngayon na nagiging matagumpay po ang ating ginagawang combat military intelligence and civil military operations katuwang ang mga local government units at mga ahensiyang nasyonal.
Masasabi po natin that they are now suffering from political and tactical defeat. Political defeat in the sense na iyon pong mga mass bases nila ‘no, iyong mga kung saan ang ating mga kababayan ay dati nilang… kung hindi man nalilinlang ay tinatakot nila upang sila ay suportahan, malakas na po ang loob ng ating mga kababayan ngayon. Sila na po ang nagri-report sa presensiya nitong mga teroristang grupong ito kaya po lahat ng operasyon na kinu-conduct natin ay nagiging matagumpay because of the critical and A1 information na binibigay ng ating mga kababayan.
Ganoon din po iyong mga mass bases nila na nagbibigay po sa kanila ng tulong lohistikal, iyon pong mga pagkain na kinikikil nila, iyong mga intelligence information na nanggagaling sa mga sibilyan kung kailan darating ang sundalo, kailan may sundalo – wala na po ngayon iyan.
Ang mga local government units, dineklara na rin po itong mga NPA na persona non-grata; hindi na sila dapat o papayagan na tumungtong doon sa kanilang nasasakupan. So sa madaling sabi po ay this cost their dislocation and isolation at nandoon na po sila sa mga kabundukan kung saan patuloy po ang ating ginagawang operasyon ngayon. And for the fourth quarter lamang po ay nakabuo na po tayo ng fourteen decisive major encounters at iyan po ay nagresulta ng kamatayan dito sa mga teroristang grupo na lumalaban sa ating pamahalaan. Dalawampu’t siyam ang ating nai-record at animnapu’t limang high-powered firearms ang ating na-seize ano o nakuha buhat sa kanila.
AFP major encounters, tuluy-tuloy po iyan. Sa katunayan noong panahong nagdiriwang sila ng kanilang nakakahiyang anibersaryo, iyong sinasabi nila na wala naman silang dapat ipagdiwang ay siyam na miyembro ng NPA mula dito Manolo Fortich sa Bukidnon ang sumuko at nagbalik-loob sa ating pamahalaan na sinasabi nila na sila ay nagising na sa katotohanan na sila ay ini-exploit lamang o nilalamangan o ginagamit nitong mga grupong NPA upang sila ay maging kasangkapan sa paniniil sa ating mga kababayan.
Aside from political defeat also, because ang NPA-ELCAC ay aktibung-aktibo, kaya po lahat ng mga issues ay ginagamit ng mga teroristang grupong ito upang makumbinsi pa ang ating mga kababayan na sumama sa kanilang hanay ay dahan-dahan subalit tuluy-tuloy na tutugunan ang ating pamahalaan. At higit sa lahat political defeat sapagka’t natatanggalan na sila ng maskara sa mga nagdaang hearing sa Senado hinggil sa tunay na kulay at tunay na pag-uugali nitong mga teroristang grupo na nakasuot, ika nga, nakasuot tupa pero lobong maninila ang kanilang kalooban.
Tactical defeat because of the massive surrender ng mga miyembro ng NPA na nagbabalik-loob na sa ating pamahalaan.
Binanggit ko po kanina kung ilan ang napatay, dito po lamang po sa fourth quarter and then ilan na po ang naaresto sa kanilang hanay.
Sa katunayan, Usec. Rocky, 68 guerilla fronts sila, subalit sa patuloy nating pag-o-operate, 58 na lamang ang natitira—sorry, 56 lamang ang natitira. Patuloy pa ang pagbaba ng bilang na ito, samantalang iyong iba ay patuloy na humihina.
So ibig sabihin nito, Usec. Rocky, ay nagiging magtagumpay ang ating operasyon. Kung kaya nga ang atin pong tatlong mahahalagang mensahe sa ating mga tinuturing natin na mga kapatid pa rin ano na nalinlang nitong mga teroristang grupong ito: Una, ang pagkalupig at pagkatalo ng komunistang New People’s Army ay hindi na po mapipigilan at tuluy-tuloy na po. It is imminent and irreversible.
Ikalawang punto, ang paglaban po natin sa teroristang grupo ay magtutuluy-tuloy at hindi po ito hihinto. Gamit po natin ang matibay na suporta buhat sa ating mga kababayan, sa mga local government official at ang patuloy po na pagbaba ng bilang ng kanilang mass base at mass base support ay irreversible na po ang kanilang pagkagapi.
At ikatlo po, gusto nating iparating sa mga nakikinig at nakaririnig sa atin na ito na po ang magandang pagkakataon upang sila ay magsalong ng sandata. Nakikita na po nila na ang kanilang mga kinikilalang mga lider kung paano sila ginagamit upang maging kasangkapan sa paniniil sa ating mga kababayan. Eh ito na po ang pagkakataon upang sila ay makabalik sa normal na pamumuhay, isalong ang kanilang mga sandata at i-take advantage ang mga programa kagaya po noong tinatawag nating Enhanced, Comprehensive Local Integration Program kung saan po sa pamamagitan ng mga programang ito, programang pangkabuhayan, pangkalusugan, tulong legal ay makapagsisimula po sila ng bagong buhay at makababalik na po sila sa kanilang mga dating komunidad kung saan man sila naging produktibong bahagi.
At higit sa lahat, tuluy-tuloy sapagka’t maging ang Anti-Terrorism Council ano po ay nakapagpasa na ng resolution na nagsasabi na itong NPA at ang CPP ay mga teroristang grupo kung saan dahil dito sa kapangyarihan ito ang AMLC, Anti-Money Laundering Council ay mayroon na ngayong kadahilanang upang silipin at i-freeze ang mga accounts ng mga taong miyembro ng Communist Party of the Philippines at saka ng New People’s Army, upang sa ganoon hindi na nila magamit itong mga perang nakaimpok sa bangko galing sa kanilang pinagkikilan sa ating mga kababayan at negosyante ay hindi na po nila magagamit upang labanan ang ating pamahalaan.
USEC. IGNACIO: General, tanungin ko naman po sila Jeffrey at Noel. Puwede po ba ninyong ikuwento sa amin kung ano po ang nagtulak sa inyo para tumiwalag sa CPP-NPA? Unahin ko po muna si Jeffrey.
JEFFREY CELIZ: Yes po, Usec. Rocky. Magandang araw po.
USEC. IGNACIO: Papaano po ninyo—ikuwento po ninyo sa amin ang inyo pong—papaano nagtulak sa inyo para po tumiwalag na sa CPP-NPA?
JEFFREY CELIZ: Paglaban ng pamahalaan at ng buong bayan laban po sa CPP-NPA-NDF. Una po, iyong tanong ninyo: Kung papaano po kami nakabalik sa aming mga pamilya at nagdesisyon na maging bahagi ng laban ng gobyerno at ng buong bayan natin upang mapatigil na ang karahasan, terorismo at madugong pamamaraan na ginagawa ng CPP-NPA-NDF at mga kasabwat nito. Ay ang unang dahilan po ay ang aming pagtingin na wala ng ibang ideolohiyang patutunguhan (garbled) at tuloy na pagbubuwis ng buhay (garbled)…
USEC. IGNACIO: Jeffrey, babalikan po namin kayo ano po. Puputul-putol po iyong dating ninyo sa atin ano po. Si Noel naman po kung okay po ang inyong linya. Ikuwento po ninyo kung paano po kayo tumiwalag sa CPP-NPA, ka Noel?
NOEL LEGAZPI: Magandang tanghali, Usec. Rocky. At magandang tanghali rin sa lahat ng tagapanood ng Public Briefing.
May tatlong pangunahing kadahilanan bakit ako lumabas sa CPP-NPA-NDF noong January 2018. Unang-una po, dahil sa napakagandang nangyayari sa Lipunang Pilipino sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Napakadaming development iyong nagawa ng kasalukuyang gobyerno, tapos nakita ko kasi iyong sincerity eh sa kasalukuyang administrasyon kung papaano nito sinasagot iyong hinaing ng taumbayan. Kaya kung maalala natin, sa maagang bahagi ng panunungkulan ng Duterte administration ay may mga batas ng naisulong at na-approve para sa sagutin nga iyong hinaing ng taumbayan. Halimbawa, iyong batas hinggil sa health na nagkaroon ng batas na libre na para sa mamamayang Pilipino iyong sagutin sa pagpapaospital ng mga kababayan natin. At pangalawa, iyong Tertiary Free Education Act na isang magandang batas din na nagawa ng gobyerno. At iyong Build, Build, Build Program ng pamahalaan na kung saan nakapag-generate ng maraming trabaho.
Sa totoo, ang nakikita ko nga na epekto nito sa kanayunan, masyadong nahihirapan na kami sa recruitment kasi nga iyong mga magsasaka dati ay nakahanap na ng permanenteng trabaho. And tuluy-tuloy din iyong social development sa ibang bahagi ng iba’t ibang kanayunan sa Pilipinas. Kaya iyon nakita ko iyong development na iyon at isa sa mga dahilan iyon bakit ako lumabas.
Pangalawa, mas internal ito sa Communist Party of the Philippines, kasi nga gaya noong sinabi kanina ni Kasamang Eric. Iyong Marxismo-Leninismo-Maoismo bilang pang-ideolohiyang linya nila at saka iyong programa nila hinggil sa Pambansang Demokratikong Rebolusyon, sa tingin ko nalipasan na kasi ng panahon eh. For 26 years nasa kilusan ako, kung may development mang nangyayari, pero napakaliit. So every 5 years nagkakaroon kasi ng bagong mga plano at programa at bawat limang taon halos nasa 8% lang iyong accomplishment. Kaya sabi ko hanggang kailan mangyayari itong rebolusyon na ginagawa ng CPP-NPA-NDF. Kaya umabot ako sa konklusyon na hindi ito mananalo dahil ang sambayanang Pilipino ay may desisyon na, na hindi tanggapin iyang idelohiyang pilit na isinasaksak ng CPP-NPA-NDF sa sambayanang Pilipino. So ang ibig kong sabihin, hindi kailanman mananalo itong rebolusyon na ito. Maaaring sila ay naririyan, pero hindi nila maipanalo iyong rebolusyon dahil nga inayawan na ito ng sambayanang Pilipino.
And of course, pangatlo na dahilan, more on sa pamilya ito, Usec. Rocky. Kasi naawa ako doon sa anak namin, anak namin ng asawa ko, kasi kaming mag-asawa nasa bundok kami, tapos iyong anak namin iniiwan namin. Noong isang pagkakataon na tinanong ko siya, noong 2017, kung okay na ba siyang sumama sa amin. Ang sagot ng anak namin sa amin, ‘Gusto ko kayong makasama, pero ayaw kong sumama sa trabaho ninyo sa rebolusyon.’ So naawa kami dahil ang nakikita ko, tama din naman pala iyong sinasabi ng iba na nawawasak talaga iyong pamilya. So iyon iyong tatlong pangunahing dahilan kung bakit ako lumabas sa CPP-NPA-NDF.
USEC. IGNACIO: Sa palagay ninyo ay inline pa rin po ba iyong ideology na itinuturo ng CPP sa aksyon na ginagawa ng armed wing nitong NPA, Noel?
NOEL LEGAZPI: Iyon nga ang isang malaking problema, Usec. ano, kasi sinasabi nila na they are serving the people but iyong actual na ginagawa nila ay sinisira talaga iyong buhay at pamumuhay ng samabayanang Pilipino.
Sa loob ng limang dekada na nariyan sila, ilang libo na ba iyong mga namatay ‘no? Ilang milyong kantidad o cost ng damage na nagawa nila, ‘no? So ang dami, maraming equipment, mga pagmamay-aring property ng iba’t-ibang negosyante na kanilang sinunog, sinira dahil ayaw nga magbigay ng extortion money na kanilang hinihingi.
So, iyong ipinatutupad nila na mga gawain ngayon hinggil sa kanilang armadong pakikibaka, sa totoo lang lumalabas na talaga doon sa ideolohiyang ipinaglalaban nila.
USEC. IGNACIO: Noel, magpapasalamat muna ako sa iyo, pupunta muna ako kay General Arevalo kasi may iba tayong tanong para sa kaniya. Salamat sa inyo ni Jeffrey, Noel.
General Arevalo? May tanong po mula kay Leila Salaverria—
MAJ. GEN. AREVALO: Yes, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong mula kay Leila Salaverria, pareho rin po ito ng tanong mula kay Chiara Zambrano ng ABS-CBN at ni David Santos ng CNN Philippines, ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune at maging po ni Joseph Morong ng GMA News. Ito po ang tanong nila: Nakumpirma na po ba ng AFP na nabakunahan na ng Sinopharm vaccine ang mga sundalo? May mga opisyal ba na kasama dito pati na po ang AFP Chief? At ano raw po ang gagawin ng AFP sa ulat na nabakunahan na ang mga sundalo ng Sinopharm? Hahayaan ba ito ng military?
MAJ. GEN. AREVALO: Una sa lahat, Usec. Rocky, binabanggit po natin, wala pong AFP sanctioned na inoculation o pagbabakuna sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines. Given that information, patuloy po nating iba-validate iyang tungkol po diyan sa napabalita at sinabi pong iyan ng ating Pangulo; but what we are sure about and we are very thankful for ay iyong sinabi ng ating Pangulo na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay bahagi po ng mga unang bibigyan ng bakuna dahil nga po sa katotohanan, ang miyembro ng AFP ay kasama sa mga frontliners.
At gayun din po, ipinahayag po ng ating AFP Chief-of-Staff, si General Gilbert Gapay na ang atin pong commitment sa ating Pangulo na ang AFP ay maigting na tutulong at susuporta sa pagro-rollout po nitong mga bakunang ito kapag dumating na po ito sa ating bansa upang sa ganoon ay maging available na rin po ito sa ating mga kababayan partikular iyon pong tinatawag nating mga mahihirap na sektor at mga vulnerable sectors.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol po na tanong si Joseph Morong: Kasi may initial report po na allegedly po may nagkumpirma na isang mataas na opisyal ng Army na sinasabi po na na-vaccinate na po ang ilang mga sundalo. Reaksiyon po dito?
MAJ. GEN. AREVALO: Kagaya po ng nabanggit natin kanina, wala po tayong alam na AFP sanctioned na binakunahan ang Armed Forces of the Philippines. Now kung mayroon pong mga ganiyang report, hayaan po ninyo na i-validate po natin ito upang sa ganoon ay malaman natin kung ano pa ang detalye na mayroon po hinggil—tungkol sa balita na iyan.
USEC. IGNACIO: May follow-up question po Chiara Zambrano ng ABS-CBN News: Could you give more details about daw po iyong purported arrest of individuals identified as MNLF sa San Mateo, Rizal? At ano daw po ang charges were brought against them and how were they discovered?
MAJ. GEN. AREVALO: Nagkaroon po tayo, ayon po sa report na nakarating sa atin buhat sa commander ng 2nd Infantry Division si Major General Greg Almerol, ayon po sa kaniya ay nagkaroon po ng joint operation ang PNP at ang Armed Forces of the Philippines – joint operations upang arestuhin nga itong napabalita na mga tao na nagtipon diyan sa San Mateo, Rizal.
Ang resulta po niyan ay 35 katao ang dinakip; 26 diyan ay mga kalalakihan, siyam ang kababaihan, at sila po ay sa kasalakuyan nasa kustodiya na ng Philippine National Police at kinasuhan po sila ng Violation of the Heal as One Act and then kinasuhan na rin po sila ng violation ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Nakuha po kasi sa kanilang possession ang dalawang calibre 45 pistols, ang mga rounds ng shotgun, handheld radios, jungle knife at ibang military uniforms among others.
Ang impormasyon po na mayroon tayo ay idinenay na po ni Ginoong Misuari na ito po ay kanilang mga miyembro sapagka’t hindi po iyan tumutugon sa napag-usapan sa peace accord kung saan hindi sila dapat magdagdag ng kampo o magdala ng mga firearms o gumawa ng kagaya ng sinasabi nag-establish ng encampment o kung training man po iyan.
So, iyan po ang latest na mayroon tayong impormasyon hinggil sa bagay na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po, follow-up question naman po ni David Santos ng CNN Philippines: What is the AFP policy on who can get the COVID-19 shots in terms of priority?
MAJ. GEN. AREVALO: Mayroon po tayong—aalamin po natin kung anong binalangkas niyan na polisiya. We will defer to the Health Services Command hinggil diyan sa ganiyang polisiya but definitely the first among frontliners ang pangunahin nating bibigyan ng shots when they are already available.
USEC. IGNACIO: Pero in case lang po ito, General, sabi ninyo nga po iba-validate ninyo those who have gotten the shots lang daw po. Tanong pa rin ni David: Are they aware of existing FDA rules on vaccination in the country? Are they willing to be subjected to an inquiry by the FDA?
MAJ. GEN. AREVALO: Ano po iyan eh, sa ngayon sabi natin that’s a hypothetical question. Alamin muna po natin iyong impormasyon na iba hinggil diyan sa balita na iyan and we will make appropriate statements as soon as that is made available.
USEC. IGNACIO: Okay. May tanong naman po, follow-up question naman po ni Joseph Morong ng GMA News: Do you see any issue with vaccinating them with the Chinese vaccines without FDA approval?
MAJ. GEN. AREVALO: Again, sabi nga po natin, we will defer that question ano… kukunin natin kung anong information na ibibigay sa atin buhat dito sa ating Chief ng AFP Health Service Command.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May information ba ang AFP doon sa sinabi ng Pangulo na may mga uniformed personnel na nabakunahan for COVID-19? Ano po ang gagawing aksyon dito ng AFP given na wala pa pong approved COVID vaccines ang FDA?
MAJ. GEN. AREVALO: Sinagot na natin iyan kanina, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan naman po natin—General, salamat sa iyo. Balikan ko lang po si Jeffrey at si Noel.
Kay Noel or kay Jeffrey, ano po ang masasabi ninyo sa mga kababayan natin lalo na ang mga estudyante at mga kabataan na target din pong i-recruit ng CPP-NPA? Si Noel po.
MR. LEGAZPI: Yes, Usec. Rocky. Kailangan mapagmatiyag po iyong mga kabataang estudyante ngayon kasi sila iyong primary target for recruitment, kasi sa paniniwala ng CPP-NPA-NDF, iyong magagaling na mga kadre kasi galing sa kabataang estudyante. Kaya ipinapayo namin sa kanila na huwag nilang sundan iyong yapak namin kasi masasayang lang iyong panahon nila, masasayang iyong oras nila, masasayang din iyong buhay nila.
Kung makikita natin napakarami na ang mga kabataang estudyante na na-recruit ng CPP-NPA-NDF pagkatapos namatay doon sa mga banatan at iyong iba nahuli. Iyong iba mayroon pa sa kanila hanggang ngayon nasa kulungan. Kaya sinasabi namin, ipinapayo namin sa kanila na kapag nilapitan sila ng mga legal front organizations ng CPP na kumikilos diyan sa loob ng mga paaralan, iwasan na nila ito.
Ayusin nila ang buhay nila. Sa totoo lang, napakaraming opportunity na puwedeng sunggaban ng mga kabataan, ano. Puwede naman silang pumasok talaga sa Armed Forces of the Philippines, sa Philippine National Police o kaya iyong iba’t-ibang trabaho na maihanda nila iyong magandang kinabukasan nila hindi katulad ng ginawa namin na nasayang iyong panahon namin sa mahabang panahon na inilagi namin sa loob na only to find out later na wala palang patutunguhan itong pakikibaka na ito, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Balikan ko naman po si General Arevalo. General Arevalo, pasensiya na po pero may pahabol pong tanong sa inyo si Joseph Morong ng GMA News: If he is saying not sanctioned, you mean to say, sir, binabakunahan ang sundalo nang hindi natin alam? General Arevalo?
Okay … Nawala na rin si General Arevalo? Okay, maraming salamat po sa—
Okay … Naririnig ninyo na kami, General? General Arevalo? Okay… mukhang nawala na rin sa linya ng komunikasyon si General Arevalo. Nagpapasalamat po kami sa kanila, kay Noel kay Jeffrey at kay Major General Edgard Arevalo.
Salamat sa inyong panahon, stay safe po.
USEC IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa, magbabalita si Aaron Bayato mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC IGNACIO: Maraming salamat Aaron Bayato mula sa PBS Radyo Pilipinas. Posibilidad ng pagsasailalim sa lockdown ng buong bansa dahil sa bagong strain ng COVID-19 umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga Davaoeño. May report si Regine Lanuza. Regine?
[NEWS REPORTING]
USEC IGNACIO: Daghang salamat, Regine Lanuza mula sa PTV Davao.
Samantala, sa pinakahuling tala na ipinalabas ng Department of Health kahapon, nasa 883 ang tinatayang bilang ng mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa kabuuang bilang na 469,886; 7,635 naman ang mga nadagdag na gumaling; habang 42 ang mga nasawi. Sa kasalukuyan ay nasa 438,678 na ang bilang ng mga recoveries, habang 9,109 naman ang bilang ng mga namatay mula sa pandemya.
Malaki ang ibinababa sa reported cases kahapon na pumalo lamang sa 883, ito na po iyong pinakamababa sa nagdaang isang linggo. Sa Lalawigan ng Rizal nagmula ang pinakamataas na bilang ng new cases na umabot sa 66; sumunod naman dito ang Lungsod ng Quezon; ang Benguet ay nakapagtala rin ng 47 new cases; 42 cases naman sa Davao City; samantalang 35 na bagong kaso ang nai-report sa Lungsod ng Maynila.
Ang mga aktibong kaso ay nasa 4.7% ng total cases o katumbas sa 22,099. 80.2% sa mga aktibong kaso ay mild cases lamang, ang mga asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas ay nasa 9.9%, 6.2% ang critical, 3.2% ang severe at .43% ang moderate cases.
Muli ang amin pong paalala, hindi pa po tayo tapos sa laban ng kontra-COVID-19. Maging maingat pa rin tayo para hindi mahawaan o makahawa ng virus. Kung kayo po ay bibiyahe gamit ang pampublikong sasakyan, sundin po natin ang seven commandments:
- Una, huwag pong kakalimutang magsuot ng face mask at face shield.
- Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono.
- Ipagpaliban din muna ang pagkain sa loob ng sasakyan.
- Kinakailangan din na may sapat na ventilation.
- Kailangan may frequent disinfection.
- Bawal magsakay ng symptomatic passenger
- At panghuli, kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 maaari po ninyong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
Apat na araw na lamang po ay 2021. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)