Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ngayong ika-28 ng Mayo ating pag-uusapan ang mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19 siyempre sasamahan din po tayo ng mga panauhin na magbibigay linaw sa mga tanong ng taong bayan. Ako po ang inyong lingkod USec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #Laging Handa PH.

At para ihatid sa atin ang mga mahalagang anunsiyo mula sa IATF muli po nating makakasama si IATF at Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Good morning Secretary.

SEC. HARRY ROQUE: Magandang umaga USec. Rocky at magandang umaga Pilipinas. Balitang IATF po tayo ngayon umaga, nagpulong po ang inyong IATF kahapon, Mayo 27, kung saan inaprubahan ang rekomendasyon na i-improve at gawing mas simple ang priority group A4 ng COVID-19 immunization program.

Kabilang sa A4:

1) Ang mga nasa pribadong sektor na kinakailangang physically present sa lugar kung saan sila magtatrabaho.

2) Kasama rin sa A4 ang mga empleyado ng gobyerno pati na rin po ang mga nasa Government Owned and Controlled Corporations at local government units.

3) Pasok din sa A4 ang informal sector workers at self-employed na required na magtrabaho sa labas ng kanilang bahay at mga nagtatrabaho sa private households.

  • Inaprubahan din ng inyong IATF ang initial vaccine deployment para sa priority group A4 workers sa National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.
  • Inilagay naman ng inyong IATF sa priority group A1 ang mga papaalis or out bound Overseas Filipino Workers na madi-deploy sa loob ng apat na buwan mula sa petsa ng kanilang pagbabakuna.
  • Samantalang ang immediate family members ng health care workers ay kabilang na rin po sa priority group A1 oras magkaroon ng supply ng bakuna.
  • Patuloy naman ang pagbibigay ng prayoridad ng local government unit sa A1, A2 and A3 priority groups, ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng special lanes or vaccination centers para sa health frontliners, seniors at iba pang mga vulnerable sectors.
  • Para sa priority group A4, pupuwedeng mas unahin ng LGU ang nasa edad 40 to 59 years old kaysa sa 18 to 39 years old.
  • Para ma-improve ang gamit ng StaySafe.ph, in-adopt din po ng inyong IATF ang paggamit ng modules para sa establishment protection pati na ang citizen application subject sa presentation sa IATF ng operability nito.
  • Inaprubahan ng inyong IATF ang rekomendasyon para sa isang joint administrative order for the inter-operability of all contact tracing applications.
  • Sa mga bagay naman na may kinalaman sa turismo, ang Department of Tourism accredited accommodation establishment with certificate to authority to operate for staycation ay pupuwedeng mag-accommodate ng guest ng hanggang 100% venue capacity.
  • Pinapayagan din ang staycation hotels na huwag ng ipa-COVID-19 ang mga guest basta sila ay nasa edad na 18 to 65 years old.
  • Ang mga DOT accredited accommodation establishment naman sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine ay pinapayagang mag-accommodate ng guest hanggang 30% ng kanilang venue capacity subject sa DOT guidelines at iba pang mga kundisyon tulad ng kanilang kailangan nasa iisang pamamahay or household lamang ang mga bisita.
  • Minamandato naman ng mga LGU na gamitin ang Department of Information Communication Technology Vaccine Administration System or D-VAS na gagawing in phases at without prejudice sa paggamit ng LGU ng kanilang sariling local data base system bilang supplementary system.
  • At panghuli, pinayagan ng inyong IATF na mag-operate ang Off Track Betting stations na Philippine Racing Commission ngunit ito ay limitado lamang sa pagbebenta ng mga tickets sa mga lugar na nasa GCQ at Modified General Community Quarantine, subject sa strict observance ng Public Health Standard.

Iyan po muna ang latest sa inyong IATF. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan daan ko lang po iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Kris Jose ng Remate: Reaction po daw sa sinabi ng World Health Organization na meron na raw pong transmission ng UK at South African variant ng COVID sa NCR Plus, dagdag pa ng WHO na ang presensiya ng dalawang nabanggit na variants ay naglalagay sa NCR Plus sa very fragile situation sa kabila daw po ng pagbaba ng naitatalang kaso nitong nakalipas na linggo. Dapat po bang mabahala ang publiko lalo na iyong hindi pa nagpapabakuna sa balitang ito?

SEC. HARRY ROQUE: Well, ito po isang dahilan kung bakit kinakailangan iyong mga pupuwede na ay magpabakuna na po. We are racing against the new variants ‘no at ito po ay dapat maging dahilan kung bakit dapat paigtingin pa natin iyong MASK, HUGAS, IWAS.

Uulitin ko po, talaga pong nakakabahala itong mga bagong variants.

Kung maalala ninyo noong una silang pumasok dito noong Pebrero, eh talaga namang lumobo iyong numero; bagama’t napapababa naman natin ngayon ay hindi na tayo bumaba doon sa numero bago nga po nung Pebrero bago magkaroon ng new variants.

Ang panawagan po natin: Naririyan na po ang bakuna huwag na pong mag-atubili, huwag na pong mag-antay, magpabakuna na kung pupuwede na at MASK, HUGAS, IWAS pa rin!

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Ryan Macasero ng Rappler Cebu at ni Ivan Mayrina ng GMA News: What prompted the memo and drastic measure ordering the rerouting of Cebu bound International flights to Manila, does these have anything to do with Cebu defying IATF protocols and testing upon arrival when the IATF says it should be on the seventh day?

SEC. HARRY ROQUE: Wala naman po sigurong defiance, ang nangyari po kasi sa Cebu, naubusan po talaga sila ng hotel ‘no at ngayon lang po naaprubahan ng DOT na magkaroon ng mixed use sa kanilang mga hotels. So habang inaayos lang po natin iyong arrival protocols at bago po itong memorandum na ito ay nagsara na ng dalawang araw iyong Cebu International Airport dahil wala nga po silang mga hotels na paglalagyan ng mga dumarating na OFWs at mga Overseas Filipinos ‘no, eh habang inaayos lang po iyan ay iri-reroute muna mga flights. So, panandalian lang po iyan at inaasahan natin na maayos na iyong sistema at magkakaroon ng sapat na hotel rooms diyan sa Cebu.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may follow up po si Ivan Mayrina: What are the details daw po of this order? Will passengers be required to go on quarantine in Manila and tested here before being allowed to go to Cebu; and will Cebu bound passengers make their way to Cebu and what if daw po the provincial government insists on their own test upon arrival there?

SEC. HARRY ROQUE: Well, dahil nga po rerouted lahat ng flights kinakailangan dito po sila mag-quarantine muna bago sila pauuwiin ng Cebu.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Aileen Taliping ng Abante Tonite: Reaksyon daw po ng Palasyo sa inilabas na survey result ng Pilipinas online survey for potential 2022 presidential candidates kung saan nangunguna si Vice President Leni Robredo, pumapangalawa si Mayor Sarah Duterte at pangatlo daw po si Senator Manny Pacquiao?

SEC. HARRY ROQUE: Naku, mukhang wishful thinking po iyan at hindi ko po naririnig kung ano iyong polling company na iyan. Ako po naniniwala ako sa of cross something method ng survey dahil ako po ay nagtrabaho doon sa pamantasan kung saan binuo iyang cross something method; pero ang pinaniniwalaan ko po ay iyong mga pinagkakatiwalaang polling companies na malinaw po kung paano ang procedure nila bagama’t 1,200 ang kanilang sample.

Kasi kapag talagang random po ang statistical surveys natin eh nagiging accurate naman. So hindi ko po alam kung anong prosesong ginawa nitong kumpanyang ito at sa totoo lang hindi ko po naririnig pa iyang kumpanyang iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Rosa Licos ng UTNT: Walk through daw po ang publiko sa proseso ng pag-apruba sa mga request na GCQ at MECQ ng mga LGU sa probinsiya. Halos linggo daw po ba ang inaabot bago maaprubahan ang mga apela; ano po ang mga factors na kinu-consider? Bakit parang mabagal daw po magdesisyon?

SEC. HARRY ROQUE: Hindi naman po, in fact hindi na tayo nag-aantay ng mga meetings bago aktuhan ang mga apela, meron na po tayong kumbaga small body nag-i-evaluate niyan kasama po diyan ang DILG, kasama po diyan ang DOH at tinitignan nga po iyong mga factors na two week daily average, iyong daily attack rate, iyong critical care capacity at saka iyong kapasidad ng lokal na pamahalaan na mapatupad iyong ating prevention, detection, isolation treatment at saka i-integration.

So, iyon po ang proseso at mabilis naman po iyan dahil alam naman natin na iyong period of time na nagkakaroon recommendation at ipinagbibigay-alam sa LGUs kung ano iyong recommendations sa kaniya at saka iyong apela at iyong pag-announce ng quarantine classification ay maikling panahon lang po. So hindi naman po nagtatagal iyang proseso appeal, matter of days lang po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po ni Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: Some Chinese nationals in the Philippines reportedly got vaccinated against COVID-19 through the government’s inoculation drive. What is our policy for the vaccination of foreigners working here considering that some of our OFWs have been vaccinated by their host countries?

SEC. ROQUE: Well unang-una po ‘no, wala po kaming nalalaman tungkol dito sa mga Chinese nationals na na-vaccinate. Posible naman po baka naman Filipino-Chinese iyan. Pero sa ngayon po, kinakailangan pang gumawa ng polisiya ang ating IATF sa pagbabakuna ng mga dayuhan. Siguro po darating iyan dahil darating na rin iyong bulto ng ating supply. Pero ngayong kulang po ang supply, pina-prioritize po natin iyong A1, A2, A3 at sa susunod na buwan nga po at ilang araw na lang susunod na buwan, kasama na po ang A4 at saka ang A5.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: There is a report daw po that 7 hospitals in Davao City will all get Pfizer COVID-19 vaccines. What would you like to say to people who are insinuating alleged preferential treatment for the President’s hometown? Can you please reiterate the criteria for vaccine distribution? Why do some cities get more vaccines than others?

SEC. ROQUE: Well, talaga pong ang Pfizer ay binibigay lang sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao kasi ito lang po iyong mga lugar na mayroong subzero facilities na kinakailangan ng Pfizer. So wala pong preferential treatment iyan, riyalidad lang po ‘no na talagang Pfizer was made for first world conditions requiring -40 po yata iyan ‘no, na storage facilities. So talagang Manila, Cebu at Davao po ang destinasyon ng Pfizer – sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong naman po mula kay Johnna Villaviray ng Asahi Manila: The Philippine Ambassador to the US said, the US has sent information that they are donating part of the 80 million surplus vaccines and the donation will arrive in June. Do we already know how many doses will be allotted to the Philippines? And if ever, which category they will be given to?

SEC. ROQUE: Wala pa po. Wala pa po tayong balita diyan dahil ang sabi nga ng ating ambahador sa Amerika eh may desisyon pa lang na magdu-donate. Pero kung kanino idu-donate, wala pa pong detalye.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol po ni Trish Terada ng CNN Philippines: Paano po ang travel ban to India? Mai-extend po ba kasi last day na po ngayon ito?

SEC. ROQUE: Well, aabangan po natin ang anunsiyo ‘no kasi ito naman po ay pupuwede nang i-issue upon recommendation ng DOH at saka ng DFA ‘no. At ang mag-i-issue na po diyan ay ang Office of the Executive Secretary, hindi na po kinakailangan dumaan sa IATF. So madali lang po ianunsiyo iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque. Stay safe po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyo at maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Sa iba pa nating balita: Pinasalamatan ni Senator Bong Go ang mga kasamahang senador sa pagsuporta sa ipinaglalaban niyang mga panukalang batas para sa Local Hospital Bill kaya naipasa na ito sa ikalawang pagbasa sa Senado. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ROQUE: Nagkaisa na po ang ilang tanggapan ng pamahalaan sa pangunguna ng Anti-Red Tape Authority na magkaroon ng green lane para sa mga local pharmaceutical companies na nais pong mag-produce ng COVID-19 vaccine sa bansa. Para alamin ang iba pang detalye ukol diyan, muli po nating makakasama sa programa si ARTA Director General Attorney Jeremiah Belgica. Welcome back po sa Laging Handa, Sir.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Magandang araw sa iyo Usec. Rocky, sa lahat ho ng ating mga tagasubaybay. I hope everybody is safe po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ngayong pinirmahan na po iyong memo para sa green lane ng mga private manufacturers na nais mag-produce locally ng mga vaccines, gaano na po kabilis ngayon ang processing ng mga application documents para po sa mga local vaccine manufacturers at ano na lang po iyong kailangan nilang pagdaanan?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Salamat Usec. Rocky sa katanungan na iyan ‘no. Dahil napirmahan na nga ito sa bisa ng pagtutulungan ng ARTA, DTI, DOH, FDA at DOST at ganoon na rin ang ating Vaccine Czar na si Secretary Charlie Galvez, ang pagpuproseso ng kanila pong mga dokumento ay hindi na ho lalagpas ng isang buwan. In fact 20 days to 30 days na lamang po ay matatapos po lahat at magkakaroon po ito ng green lane na tinatawag na one-stop shop na kung saan ang mga government agencies po na concerned na dadaanan po dati nang paisa-isa, ay ngayon sabay-sabay na po ‘no kapag ito ay sinumite ang requirements dito po sa green lane natin.

Kaalinsabay po nito ay ganoon din naman, mayroon din hong tinatawag na mga incentives na maaari pong aplayan ang mga nagnanais magtayo ng kanilang mga planta dito sa atin pong bansa for vaccination na ito naman po ay magagawa sa tulong po ng Board of Investments na under naman po ng Department of Trade and Industry. Dahil sa katotohanan lang Usec. Rocky, ang pribadong sektor naman ho talaga ang siyang magtatayo nito kaya kinakailangan makapag-avail din po ito, ang mga nagnanais magtayo ‘no, ng mga insentibo na ayon po sa ating batas. Ito po ay isinama na rin po natin diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ba ay for COVID-19 vaccines lang o regardless po kung anong uri ng bakuna ang kanilang gagawin?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Sa ngayon Usec. Rocky, ang sakop muna niyan is iyong mga COVID-19 related na mga vaccines ‘no, particularly iyong tinatawag na ‘fill-and-finish’ na kung saan ito iyong mga mayroon nang mga approved na mga EUAs at mga sertipikasyon sa iba’t ibang mga bansa na puwede hong dalhin dito by bulk at dito na lamang po iyong tinatawag na ipi-finish o iyong ilalagay po sa mga iba’t ibang mga vials.

Sa ngayon ay iyan ho muna ang sakop niyan pero amin hong nakikita na dahil nga po sinasabi nga natin na mutating itong virus at maaaring magkaroon ng ibang variant ay maaari rin ho natin itong gawin na as a precedent para ho sa modelo naman para sa iba rin pong mga vaccine manufacturing para naman po sa ibang mga sakit. Pero sa ngayon ay nagsisimula po tayo for COVID-19 related lamang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, dahil po diyan nadagdagan po ba iyong bilang ng mga manufacturers na nagpahayag ng kanilang interes simula po nang mapirmahan itong memo?

ARTA DG BELGICA: Tama iyan, USec. Rocky. Ito ay kaalinsunod rin sa pahayag ng ating Secretary ng Trade and Industry. Noong tayo’y nagsimula, mayroon ho tayong apat na nakita na mga companies na talagang sila’y interested at iyong iba ay kaya ho nilang magawa ito within the next less than one year, in fact, ten months daw po na once na makuha nila iyong mga clearances po nila maaari pong sa loob ng sampung buwan ay maitayo na po nila iyong kanila pong planta. And I believe na mayroon pa hong nagdagdag na dalawa or tatlo pa po na interesado sa pag-avail ng green lane.

USEC. IGNACIO: Opo. May kaparusahan po bang naghihintay para naman daw po doon sa mga ahensiya na hindi makakapag-comply sa ilang kautusan na nakapaloob po dito sa Joint Memorandum Circular?

ARTA DG BELGICA: Well, hindi nakapaloob dito eksakto sa wordings sa joint memorandum circular pero nakapaloob naman ito sa batas po natin sa Republic Act 11032 or Ease of Doing Business na batas na kung saan kapag mayroon hong nagpakatagal-tagal at hindi ho sinusunod ang mga proseso na naitalaga na sa kanilang mga Citizen’s Charter ay maaari po silang maparusahan ano at sinasabi nga po doon sa batas ay six months suspension sa unang pagkakataon at sa pangalawang pagkakataon po ay dismissal from public service.

Pero sa nakikita natin dito, USec. Rocky, hopefully ‘no wala namang magpapatagal dito dahil lahat tayo’y mismong nagkaisa ang mga ahensya para isulong talaga ang green lane alinsunod na rin sa direktiba ng ating Pangulo.

USEC. IGNACIO: Attorney, hingi na lang din po kami ng follow-up tungkol po dito sa show cause order na inihain po ng ARTA sa FDA dahil sa unprocessed documents. Ano na po daw ang update dito?

ARTA DG BELGICA: Nagsumite na po ang CDRR or ang Center for Drug Research and Regulation ng FDA sa ARTA ng kanilang initial submission noong Lunes ‘no, ito po noong May 24 at sila po ay nag-request ng extension hanggang May 31. Pero tayo po ay pumayag lamang na magbigay sila ng kanilang partial submission at punuin po nila ang kanilang mga submission by the 31st.

So, sila po’y nakapagsumite naman at atin pong ini-evaluate na ang paliwanag dito nila kung bakit mayroong mga application na 2013, 2014 pa ito nakabinbin.

Sa kanilang mga paliwanag, iyong iba dito predated even iyong ibang mga opisyal doon sa loob. Pero ang tanong natin, kung ikaw ay dalawa o tatlong taon na diyan at inabutan mo iyang mga application na iyan, hindi ba dapat nilinis na rin iyan dahil—nilinis meaning inaksiyunan na rin dahil ito ay mga low risk applications na tinatawag at automatic renewals.

Pero anyway, ito’y sumasailalim na sa evaluation ng atin pong mga abogado at very soon magkakaroon po tayo ng resolusyon lalo na kapag nakumpleto na po nila ang kanila pong submission po sa ARTA.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Director General Jeremiah Belgica ng Anti-Red Tape Authority. Salamat po, Attorney!

ARTA DG BELGICA: Salamat po. Mabuhay po kayo, USec. at stay safe po tayong lahat!

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Tunghayan naman natin ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 27, 2021:

  • Umabot na sa 1,200,430 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 6,483 na mga bagong kaso.
  • Tumaas naman po sa 210 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 20,379 ang total number COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman po natin gumaling na sa sakit ay nasa 1,131,942 dahil sa 4,335 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases naman ay umakyat na sa 48,109.

Walang tigil po ang pamahalaan na maibigay sa mga mamamayan ang mga bakuna kontra COVID-19 upang mas mabilis na makamit ng bansa ang population protection. Ano nga ba ang ipinagkaiba ng population protection sa una na rin nating narinig na herd immunity?

Para ipaliwanag sa atin iyan, makakasama po natin si Dr. Edsel Salvaña mula po sa DOH Technical Advisory Group. Welcome back po, Doc!

DR. SALVAÑA: Thank you, USec. Rocky. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po sa inyong panahon, alam naming abala kayo Doc ano po. Kaugnay ng mga diskusyon po sa pagpapabakuna, madalas nga po nating naririnig itong herd immunity pero ano nga ba po ang ipinagkaiba nito sa tinatawag natin ngayong containment at iyong population protection? Ano po ang maidudulot nitong proteksiyon sa taumbayan?

DR. SALVAÑA: Well, unang-una po, po iyong herd immunity, iyon po iyong kung gusto po talaga nating i-eliminate iyong COVID-19 sa mundo. Medyo mahirap po talaga iyon kasi sa ngayon alam naman natin hindi pa tayo nagbabakuna ng mga bata dahil ngayon pa lang pumapasok iyong clinical trials.

Pero bago po natin makamit iyong herd immunity, mayroon po talaga tayong magkakaroon ng protection from COVID. Kaya naman po talaga problema iyong COVID ay dahil it’s about ten to fifteen times more deadly than the flu kasi po nagmimistulang trangkaso lang siya eh hindi naman po talaga natin kailangang isarado iyong ating bansa or iyong mundo.

Pero kasi iyon nga, mataas po talaga, marami pong namamatay sa COVID kaya ang importante ay protektahan natin iyong at highest risk for dying at alam po natin ito iyong mga seniors natin at iyong may mga kapansanan, mga chronic illnesses.

Kung mapuprotektahan po natin itong seniors at itong may mga kapansanan, magmimistula na lamang po talagang trangkaso itong COVID-19 at puwede na po nating buksan, na iyong mga mamamatay will be minimized, hopefully wala nga po, at iyon po iyong tinatawag na population protection dahil protektado po natin iyong most vulnerable members of society.

At iyong iba naman po hindi naman ganoon kataas iyong risk na mamatay sila kaya puwede na po tayong mag-open kahit ang nabakunahan lang natin ay iyong mga at risk or—na mataas iyong risk po talaga for dying.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, bakit po kailangan nating mag-shift from targeting herd immunity to population protection? Mas magandang strategy po ba ito para sa mga bansang katulad ng Pilipinas?

DR. SALVAÑA: Well, hindi naman po ibig sabihin magshi-shift talaga tayo kasi iyong population protection makakamit po talaga natin iyon if we target herd immunity. Pero habang mahirap pong kunin iyong herd immunity dapat po talaga i-prioritize natin iyong highest risk for dying para at least naman kahit hindi natin makamit iyong herd immunity mabubuksan na rin po natin ang ating society na ang risk naman na may mamatay is low.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, dito sa Pilipinas, ano po ba iyong realistic number para maabot natin iyong sinasabi nating herd immunity at population protection?

DR. SALVAÑA: Well, sa herd immunity po, iyong mga sinasabi naman po nila na 70% at assuming 100% efficacious po iyong bakuna ninyo and also iyong tinatawag na transmission blocking na kahit po sa ibang bansa ay pinag-aaralan pa rin at hindi pa rin po sigurado.

Again, iyong children medyo mahirap rin kasi sa ngayon na bakunahan sila dahil ang datos ay pumapasok pa lang. Pero doon sa population protection, alam po natin sa Israel noong na-vaccinate na nila iyong kalahati, 50% of their seniors, nakita na talaga nila na bumagsak iyong number of cases and number of deaths.

So, iyon po siguro isang ating dapat target sa ngayon kasi alam naman natin iyong ating health care workers sa Metro Manila more than 95% mukhang tumanggap na po talaga ng bakuna, pero iyong seniors po natin less than 10% pa eh.

So, kailangan po talaga nating isulong itong pagbabakuna sa ating seniors kasi sa tingin ko po if we already vaccinate more than 50% of seniors baka puwede na natin silang palabasin at even iyong mga bata kasi kaya naman iyong mga bata sa bahay lang ay dahil we’re concerned na baka kung mahawa sila sa eskuwela mabalik po nila doon sa mga vulnerable na mga seniors. At kung hindi na po iyon iyong kaso eh baka naman puwede magbukas na po tayo.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, kung pagbabasehan po iyong takbo ng vaccination natin ngayon kailan po natin inaasahang maabot iyong population protection?

DR. SALVAÑA: Kung maganda po talaga iyong vaccine supply, sa ngayon, ang ganda naman po talaga noong pinapakita ng ating vaccination program, pataas nang pataas po iyong number of people na nai-inoculate. Kung iisipin po natin kung mayroon po tayong enough vaccine at kung iyong rate po natin na tina-target iyong 500,000 a day, at lahat po iyon kung gawin nating seniors, kung 10 million po iyong seniors, 2o days kakayanin po iyan. So kailangan lang po talaga nating makumbinsi kasi ngayon, I think hirap din ang mga tao na mag-convince sa ating mga seniors. Pero kung sasabihin po natin sa kanila, well you know, kung maraming seniors na nabakunahan na, baka hindi na natin sila kailangang ikulong sa bahay dahil protektado na po sila. Siguro baka mas magaganahan po silang magpabakuna sooner rather than later.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, ano po iyong magiging epekto naman sa pag-abot natin ng target population nitong vaccine hesitancy ng ilan nating mga kababayan?

DR. SALVAÑA: Iyon po talaga iyong problema, madi-delay po talaga iyong pag-ahon natin dito sa pandemya kung tuluy-tuloy po itong vaccine hesitancy, dahil hindi po natin makakamit iyong ating targets para magbukas. Kasi kung magbukas po tayo, tapos kaunti pa lang iyong seniors na nababakunahan, marami po talagang mamamatay.

USEC. IGNACIO: Doc, posibleng simulan na rin po iyong pagbabakuna sa nasa A4 sector sa mga susunod na araw, pero may ilang mga health workers at senior citizens katulad ng sinasabi nga ninyo nga po na nasa A1 at A2 priority list ang hindi pa rin nagpapabakuna. So sa tingin po ninyo saan po nagkakaroon ng problema talaga pagdating sa information drive natin sa bakuna at ano po iyong ginagawa natin para ma-address ito.

DR. SALVAÑA: Well, mukhang mahirap po talaga itong isyu ng vaccine hesitancy ‘no. Pero alam naman natin sa ngayon, ang vaccine hesitant is about 30%, mga 35% naman iyong tatanggap ng bakuna. Sa seniors nasa 10% pa lang po tayo, baka naman po mas mapabilis po natin iyong pagbabakuna sa kanila, kasi ayaw naman po natin na pagbuksan natin sa A4 eh hindi na mabibigyan ng bakuna iyong mga seniors at iyong mga may chronic illnesses. Pero ang assurance naman po is continue pa rin po iyong prioritization ng A2 at A3 over A4 pero kasi iyon nga saying din iyong vaccines nasa loob lang ng refrigerator, kailangan na po natin talagang ilabas, dahil kung hindi, baka mapaso din iyan! So, I think as long as we continue to prioritize the vulnerable/risk groups, wala naman pong problema na magbukas ng kaunti sa A4.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kahit po ba daw nabakunahan ay maaari pa ring carrier ng virus. Pero ano po ang pinagkaiba ng viral load ng mga nabakunahan na kumpara sa mga hindi pa?

DR. SALVAÑA: Unang-una mukhang mayroon po talagang transmission blocking properties lahat ng ating bakuna, dahil nakikita naman natin bumabagsak iyong risk of having symptomatic disease at may mga pag-aaral na rin na pati asymptomatic disease bumababa. At doon sa mga sinasabi nating may breakthrough infection, iyong mga taong nagkakaroon ng COVID, kahit nabakunahan na sila, fully vaccinated, sa pag-aaral po mukhang mababa po iyong level ng virus sa kanilang ilong.

And what that means is, number one, mild na talaga iyong disease nila at pangalawa, iyong risk na makahawa sila ng ibang tao, is very low. Kasi iyong viral load nila is about 4 times lower than somebody who is not vaccinated. At kung sakaling makahawa man sila dahil kaunti lang iyong virus na ipinapasa nila malamang iyong nahawa nila, mild rin iyong magiging infection. So all across the board po, so there is transmission blocking properties, kahit may makalusot, mas mababa ang risk or severe disease na pasyente, at less risk iyong severe disease iyong severe disease sa kanilang maaaring mahawa ng mas mababa rin naman iyong risk.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Edsel Salvaña mula po sa DOH Technical Advisory Group. Ingat po kayo, salamat po.

DR. SALVAÑA: Ingat po, stay safe.

USEC. IGNACIO: Upang pag-usapan naman po ang paghahanda ng COMELEC para sa malaking pagbabago na inaasahang mangyayari sa nalalapit na 2022 presidential elections, makakausap po natin si Commission on Elections Commissioner Antonio Kho Jr. Magandang araw po, Commissioner.

COMELEC COMMISSIONER KHO: Magandang hapon po sa inyong lahat. Thank you for having me here.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang buwan po bago po matapos ang voting registration para sa 2022 national elections, gaano na po ba karami so far iyong nakapagparehistro na sa COMELEC at kumpara po sa datos ng mga nagri-register prior to pandemic, masasabi po ba natin na malaki ang ibinaba nito this year?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Ang ating registration continuing naman ito until end of September of this year. So we are inviting all our voters, prospective voters to register and go to our offices para makapag-rehistro sila at puwede silang bumoto. So far, for the 2019 election, ang ating botante ay 61,800,000 plus. Ngayon, after that we deactivated around 7 million voters due to several reasons. Principally iyong failure to vote twice, from there nagkaroon kami ng continue registration. As of April the last ERB hearing, mayroon na po tayong around 59 million voters registered.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, anu-ano naman po iyong measures naman naman na ginagawa natin para maabot iyong target registered voters for 2022 elections?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Iyong ating situation medyo mahirap dahil sa COVID situation, alam naman ng lahat iyan. But we are intensifying our efforts to invite our people to register.

One of the things that we do right now is to make it easier for our people to register, mayroon tayong iRehistro, na iyong ating mga botante, puwedeng mag-download noong kanilang application at pumunta sa ating mga election offices. Mayroon din tayong mga satellite registration, wherein our election officers would have to go to the ground, doon sa mga communities para mag-register.

Hopefully with all these measures, we will increase our registration. As of now po, based dito sa data na naibigay sa akin, as of the April ERB hearing, mayroong close to 60 million na po tayo. So mayroon pa po tayong darating na July and October ERB hearing, so we expect to reach around 60 million plus.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga sa COVID-19, inaasahan ang malalaking pagbabago pagdating sa ating election system ano po? Umpisahan po natin sa filing ng candidacy, may final guidelines na po ba ang COMELEC tungkol dito at kung kailan po io magsisimula.

COMELEC COMMISSIONER KHO: Iyong ating filing of certificate of candidacy that would happen on first week of October. So, alam na po ng mga prospective candidate that they be ready come October. In response doon sa COVID situation, pinag-uusapan pa ito, although wala pa itong final approval by the en banc, pinag-uusapan na i-categorized na lang iyong mga candidates probably by position and assign a particular date or dates for them. Let us say lahat ng mga senador, puwedeng i-assign sa kanila two days, mga presidential and vice presidential position, another day, for local officials, another day. Para hindi po sila sabay-sabay na pupunta sa mga election officers natin. So that would be one measure that we can avoid overcrowding sa mga offices po natin.

USEC. IGNACIO: Opo, pagdating naman dito sa campaign period, Commissioner, since tayo nga po ay nasa digital na, paano po ang magiging strategy ng COMELEC sa pag-assess ng campaign spending ng mga kandidato sa kanilang political ads online at anu-ano rin po iyong mga factors ang iku-consider ninyo?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Sa campaign, we cannot really remove iyong political rallies, nandiyan talaga iyan sa history, tradition na iyan sa kampanya. But there would be strict implementation of safety measures. Ipagbabawal po natin iyong mga overcrowding sa mga campaigns. Sa kampanya naman sa social media, expected po na this 2022, there would be a substantial increase sa paggamit ng social media sa campaign.

Now, in relation to expenses, i-clarify ko lang ho sa inyong lahat ano ho iyong ating ginagawa rito ‘no.

Sa kampaniya ho, dini-distinguish ho natin iyong campaign advertisement into two ‘no – iyong print media, as well as iyong broadcast media.

Sa print media ho, ang control points ng Comelec ay iyong frequency na paglabas ng mga kandidato sa print, as well as iyong size ‘no kagaya ng billboard, kagaya ng posters, kinu-control ho iyon; under the election code, mayroon hong mga measurements iyan.

Doon sa broadcast naman, dalawa ho iyan either radio or TV ‘no. Ang control points ho natin diyan ay iyong expenses. May limit po per candidate, depende po gaano kalaki iyong botante nila sa isang locality.

Now, iyong social media naman, this is a relatively new medium for candidates to reach the voters, kinonsider ho namin iyong social media as part of broadcast. So iyong mga kandidato who would like to advertise themselves, explain to the people there their programs of government can use social media but iku-control ho namin sila dito doon sa expenses nila incurred for entering to contract with social media carriers; so iyon po ang puwede nating gawin diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano naman daw po mamu-monitor ng Comelec iyong mga nagpi-premature campaign online?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Ganito po, there is no such thing as premature campaigning, legally speaking ‘no. May nilabas na na desisyon ang Supreme Court diyan na wala hong premature campaign. Let us say, today ‘no, may makita tayong isang pulitiko, isang local officials or national official na lumalabas sa TV, etc., we cannot consider that to be a political campaign because he is not yet a candidate ‘no, hindi pa siya kandidato. So wala hong pagbabawal diyan sa tinatawag natin iyong prohibited campaigning po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mismong araw naman daw po ng eleksiyon, Commissioner, ano raw po iyong mga pinag-aaralan ngayon ng Comelec na posibleng maging pagbabago sa voting process? May pinal na desisyon na po ba ang Comelec kung ilang oras po i-extend ang voting hours kung sakali po?

COMELEC COMMISSIONER KHO: With respect to the voting hours, pinag-uusapan na iyan sa loob ng Comelec ‘no. Chances are, mag-i-extend kami ng voting hours ‘no. Almost, probably, I can say almost sure that we will extend voting hours. Ang hindi lang namin nadesisyunan kung this would be a blanket thing for entire presinto natin ‘no. Puwede rin kasing case to case basis, depende iyan kung ang isang voting center ay maraming tao o kaya i-allow namin lahat – pag-uusapan pa iyan.

Ngayon, doon sa ating measures on voting day, kung napansin ninyo doon sa Palawan plebiscite natin noong sometime March, it’s a successful plebiscite ‘no. Ang normal turnout lang ng mga botante sa plebisito is less than… probably forty to forty-five percent lang iyan. Doon sa ating Palawan plebiscite, nag-reach siya ng 60%.

So na-feel namin dito na if Comelec will be able to implement safety and COVID-free measures sa plebisito, our people will come and troop to the polls.

Iyong ating Palawan plebiscite, gagamitin namin ito sa 2022 as an example; laboratory ho namin iyong Palawan plebiscite on COVID measures. One of the things we did during sa Palawan plebiscite ay iyong strict observance ng minimum public health standards – iyong physical distancing, iyong wearing ng face mask at face shields, iyong pagkuha ng temperature pagdating doon sa voting center ng mga botante. Nag-install ho kami ng sanitation stations, foot bath in every polling place. Nag-install ho rin kami ng voting booth at saka iyong disinfection po.

Then, mayroon ho kaming panibagong measure, iyong tinatawag namin isolated polling place. Ano ho iyong isolated polling place? Baka ho i-implement namin ito, pag-uusapan pa rin. Once the voter comes in, goes to the voting center, kukunan ho siya ng temperature. If he registers a 37 or 37.5 temperature, he will be asked to rest tapos kukunan ho siya ulit. Kung talagang mataas ang kaniyang temperature, lalampas ng 37.5, hindi ho siya papuntahin doon sa kaniyang presinto. Mayroon ho kaming special precinct, ang tinatawag ho naming isolated polling place, doon ho siya buboto. So iyon ho, para lang hindi makahalo siya sa ibang tao, but we will also give him or give her the right to vote.

So ganoon po ang measures na in-implement namin sa Palawan plebiscite at balak ho naming i-implement dito sa darating na 2022 elections.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, pinag-iisipan ninyo rin daw po iyong scheduled voting para iwas siksikan sa mga presinto. So paano po ang gagawin dito?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Iyong concept ng scheduled voting, medyo administratively mahirap i-implement iyan ‘no. We will just have to probably extend the voting hours. Probably we could start around 6 o’clock and probably end around probably 7 or 8 o’ clock, depende po sa polling place; depende ho sa dating ng tao.

But we have to secure help sa media kasi mayroong tinatawag na during the voting hours kasi, mayroon iyong rush na darating. Usually, iyong morning ‘no, sabay-sabay iyong mga tao at saka iyong late afternoon. Normally, between 10 o’ clock to 3 o’ clock medyo mahina iyong dating ng tao. So kailangan lang nating makumbinsi iyong mga tao, iyong mga botante to really feel, to really look na tingnan nila kung saan sila puwedeng… anong oras sila bumoto, iyong time na sa tingin nila ay maluwag para lang hindi tayo magsiksikan sa ating mga presinto po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kabilang na rin po sa A4 priority list na babakunahan ang Comelec frontliners. Nasa ilang Comelec employees na po ba iyong kabilang dito; at kumusta rin po iyong pagsasaayos ng priority list?

COMELEC COMMISSIONER KHO: Yes. Nagpapasalamat kami sa IATF dito ‘no, nagpetisyon po kami sa IATF na i-consider ho iyong mga aming opisyales at saka employees sa Comelec as those part of A4. Presently ho, iyong ating leadership sa Comelec is explaining to our people iyong ano ang ibig sabihin ng A4 at paano sila makakakuha ng bakuna.

So hopefully, gamitin ko na rin itong avenue na ito to convince our people, our election officials doon sa ating sa field na i-avail itong A4 na ito na category para makapagbakuna rin tayo. Kailangan ho natin ito especially ngayon sa ating registration process, we are going to meet every day people so mabuti na rin hong protektado ho tayo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa ibinahagi ninyong mga impormasyon sa amin, Comelec Commissioner Antonio Kho, Jr. Ingat po kayo. Salamat po!

COMELEC COMMISSIONER KHO: Salamat, salamat sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: At siyempre, salamat din po sa pagtutok sa ating programa. Kay Cha Tobias, salamat sa iyo.

Samantala, sa iba pang balita: Senator Bong Go tiniyak ang mas maayos na kalingang pangkalusugan para sa mga Batangueño sa pagbubukas ng ika-114 na Malasakit Center sa Batangas City. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para mas mapabilis ang pagtukoy sa mga indibidwal na nahawahan ng COVID-19, isang proyekto po ang inilunsad kamakailan na layong mas ma-improve pa ang contact tracing efforts sa bansa, ito po iyong tinatawag na Project CONNECT. Para alamin ang iba pang detalye ukol diyan, makakausap po natin si Dr. Christopher Monterola, ang Head po ng AIM Aboitiz School of Innovation Technology and Entrepreneurship, welcome po sa Laging Handa.

DR. MONTEROLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa mga nakikinig sa inyo at nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, alam ninyo naman po na isa po sa itinuturing na ‘di umano’y weakest point sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 ay itong ating contact tracing. Kamakailan po kasama po ang LGU ng Pasig, nag-launch po kayo nitong tinatawag na Project CONNECT. So ano po ba ito at paano ito makakatulong sa ating contact tracing efforts?

DR. MONTEROLA: Okay. Una po, gusto ko pong categorically i-mention na ang weakest link pagdating sa paglaban sa COVID-19 ay lapse na mayroon ang ating health system mula sa tracing to testing to isolation pati kasama po iyon ngang health capacity kapag hindi natin naabot iyong kailangan natin para pagsilbihan iyong mga tao na na-expose dito sa COVID-19.

Ang ginawa po namin dito sa contact tracing sa pamumuno po actually ni Secretary Karl Chua, siya po ang nag-initiate nito at sa tulong nga po ng Aboitiz katulad ng sinabi ninyo, layunin po namin na madagdagan iyong mga effort natin pagdating dito sa contact tracing by connecting directly ang data galing sa DOH and automatically po mapupunta po iyan, maka-cache iyong data, malalaman po natin iyong mga vulnerable na sector, malalaman po natin iyong mga indibidwal na mataas ang per percentage, iyong tinatawag na super-spreader na mag-cause ng epidemic, dagdag na epidemic.

Kasi iyong super-spreader po, compared sa regular spreader, more than one thousand times po minsan ang chance nila na makahawa sa iba dahil po diyan. So automatic na po ito na nagagawa, dati po parang 1:7 lamang iyong contact tracing ratio natin kasi karaniwan manual, ngayon po automatic na po natin ito na nagagawa and we can go to the gold standard po na up to 1:37.

Iyon po, ito po iyong mga nailagay po dito sa tulong ng Aboitiz, sila po iyong nag-fund noong mga pangangailangan natin para ma-implement ang project na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, paano po nakakatulong iyong data science para maiwasan iyong transmission ng COVID-19? Puwede ninyo po bang ipaliwanag kung paano po iyong sistema dito sa automatic contact tracing gamit po ang SMS?

DR. MONTEROLA: Oho. Dalawang bagay po ‘no, una iyong pinakaimportante, iyong automation. Mula po sa dating pitong araw bago mo ma-trace iyong mga potentially nahawaan ng COVID-19, mari-reduce po ito ng 1.5 days dahil in-automate natin siya. At ayon po sa pag-aaral ng isang consultant ng NEDA, nangangahulugan po ito kapag mayroong 75% compliance iyong mga na-trace na iyon, puwede po nating pababain nang mahigit sa limampu hanggang animnapung porsiyento iyong bilang na posibleng madamay or mahawa dito sa COVID-19 na ito.

Pangalawa po, mahina po iyong infrastructure natin, kaunti lamang po iyong gumagamit ng smart phone, hindi marami ‘no. Kaya mababa po, una noong ginamit po iyong katulad ng StaySafe, nakita po natin na hindi marami ang nagku-comply doon sa idea na iyon. So ang isa pong ginawa ng data science dito sa tulong ng ginawa ng team namin sa Aboitiz School of Innovation Technology and Entrepreneurship, gumawa po kami ng paraan para mas maging sophisticated iyong algorithm natin. Malalaman po natin nang mas mabilis ang mga tao na mas vulnerable at maiintindihan din po natin iyong mga indibidwal na potentially super spreader.

Malaking bagay po kasi iyong mga super spreader eh, iyong paikut-ikot na pumupunta sa iba’t ibang lugar at ang bawat LGU po magkakaroon din sila ng understanding kung papaano iyong mga tao nila, iyong kanilang mga nasasakupan ay gumagalaw sa kanilang distrito at sa labas ng distrito nila at papaano po nila ito properly mamu-monitor.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw po iyong pinagkaiba nitong Project CONNECT sa iba pang contact tracing apps tulad ng SafePass o iyong StaySafe?

DR. MONTEROLA: Ah, okay. Ang purpose po ng StaySafe at ng iba pang mga ibang ganito po, pare-pareho lang naman po ang purpose nila ‘no – contact tracing. Ang isa sa pinakamalaking kaibahan po nito ay dahil ang isa pong magli-lead nito ay iyong mga LGUs. Apatnapu na consortium ang nakapagsimula nito – iyong Pasig, Valenzuela, Antipolo at saka Mandaluyong – nagagamit po, gumagamit po iyong mga tao talaga noong StaySafe kasi namu-monitor din sila ng LGUs.

So ulitin ko po, pare-pareho po iyong purpose ng contact tracing na ‘to. Una po na-verify po namin na maganda na ngayon ang connection, diretso na ang connection ng DOH at saka itong app na ito so automatically mati-text mo na iyong SMS para pakita ko lamang po sa inyo iyong difference nito halimbawa with StaySafe.

Marami hong hindi gumagamit ng StaySafe. Sa amin pong pag-aaral, sa loob ng sampu hanggang labinlimang araw sa apat pa lamang na city na ito, halos kasing dami po ang mga indibidwal na nakukontak at nakikita ng application na ito kumpara sa StaySafe na nag-e-exist na nang mahigit na isang taon. So, isa lang po ito sa mga differences noon ‘no.

Pero pare-pareho po ang purpose nito at ang gusto nga po natin is inter-operability. Ang problema po kasi kapag masyadong kumplikado or masyadong nangangailangan ng mas mataas na teknolohiya katulad ng smart phone, hindi po nagagamit ng mga kababayan natin. Para hong gumagamit ka ng makina ng Ferrari sa tricycle ‘no. Kailangan po nating maintindihan kung ano iyong pangangailangan sa ating mga local government units at nakita po natin dito na ang pinaka-critical dito is iyon nga, mag-interoperate eventually lahat ng mga sistema na ito.

Dito po sa sistema natin, ang kailangan mo lang QR code, puwedeng printed, na ginagamit po ito ng Pasig at hayaan na iyong sopistikado nating data science na technology na kina-crunch ng aming supercomputer iyong data para malaman iyong mga potentially naku-compromise na individual.

I hope maliwanag iyong pagka-explain ko, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw po iyong naging role naman ng Aboitiz Group dito sa ‘Project Connect’ na ito?

DR. MONTEROLA: Ang alam naman po natin pagdating sa funding kailangan natin na mabilis. Araw-araw na marami tayong namamatay kaya po itong si Secretary Karl, hindi po talaga mandate ng NEDA siguro na gawin ito, pero they are very concerned with their projection of the economy. Kailangan natin ng mabilis at kailangan natin na—kailangan natin ng mga device/hardware para naturally ma-connect natin ang DOH at iyong ginagamit ng iba’t-ibang cities katulad halimbawa din iku-connect ang StaySafe, kailangan po ng mga hardware component niya.

At kung dadaan iyan sa procurement baka mas tagalan. Ang ginawa po natin sa tulong ng Aboitiz at actually ng iba pang mga private agencies, nagbigay po agad sila. Sa loob ng—mabilis ho ‘no, sa isang meeting lamang po nag-decide na tutulong po sila para ma-fund ito at hindi na kailangang dumaan sa mga procurement, mapaikli iyong proseso.

So, within ano po, three/four days nagawa namin iyong algorithm. Hindi natutulong iyong mga data scientist natin, hindi natutulog ang office ng NEDA at ang mga volunteers natin sa DOH at saka sa iba’t-iba pa pong tanggapan, and within a week or two nagawa na po natin na i-connect din iyan at na-test na po natin iyong sistema kasama iyong automated na SMS.

Mahusay na mga mayors po at ito iyong opisina ni Secretary Karl ang ilan sa mga dahilan kung bakit napabilis ito and of course iyong suporta ng Aboitiz para hindi magtagal ang pagbili ng kailangan na gamit.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Christopher Monterola ng Asian Institute of Management-Aboitiz School of Innovation Technology and Entrepreneurship. Mabuhay po kayo.

DR. MONTEROLA: Mabuhay rin po kayo, USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Bong Go, tumutok sa pagtulong sa mga taga-Surigao del Sur na apektado ng pandemya na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabawi sa naging hagupit sa kanilang lugar ng bagyong Auring. Mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong, sinaklolohan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang higit isang oras nating talakayan. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tandaan: mag-MASK, HUGAS, IWAS, at MAGPABAKUNA na po tayo! Paliwanag ng ating mga eksperto, ang bakunang nasa ating harapan ang pinakamagandang bakuna. Huwag na po nating palampasin ang pagkakataong magkaroon ng proteksiyon sa COVID-19.

Muli, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center