USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ngayon po ang huling araw ng buwan ng Mayo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky, at sama-sama nating talakayin ang pinakamainit na isyu sa loob at labas ng bansa dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una nating balita: Isasalang ngayong araw sa Senado para sa ikatlong pagbasa ang ilan sa mga panukalang batas ni Senator Bong Go na naglalayong pataasin ang kapasidad ng ilang mga pampublikong ospital sa iba’t ibang lalawigan bansa. Aniya, malaki ang maitutulong ng mga ospital na ito para tugunan ang mga pangangailangang medikal ng bawat Pilipino anuman ang katayuan nila sa buhay. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kasama sa mga inunang sektor na babakunahan sa bansa ang mga senior citizens para po masigurong protektado sila laban sa malalang epekto ng COVID-19. Bunsod nito ang mainit na usapin ngayon ay kung dapat na nga ba silang payagan na makalabas kapag fully vaccinated na sila, para pag-usapan po iyan, makakausap po natin ang Chairperson ng National Commission of Senior Citizen, Atty. Franklin Quijano. Good morning po, sir.
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Good morning po, Usec. Rocky Ignacio. And good morning sa lahat ng mga tagapanood, all the viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bakit po palagay ninyo ay dapat nang payagan na makalabas ang ating mga senior citizens na may kumpleto nang bakuna laban sa COVID-19?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Well, Usec., even earlier, even before na-vaccinate sila, we were hoping that the local governments and the government would be able to clean up areas and create safe spaces. Kaya if you will understand bakit … bakit sa bahay lang kami? That is because the home is supposed to be a safe space. And therefore, if we advocate for bigger areas, the safe space, baka naman puwedeng mapapapunta doon iyong senior citizen.
And so, we are saying that not only are we conscious of our physical health but also our mental and psychological health. And therefore, kung nababakunahan na po iyong senior citizen, dapat lang po na iyong mga areas where they would be able to spend their hard-earned retirement pays will be able to help in the rebound of our economy.
Kaya po we believe that sa gabi, kapag nilinis ang lahat ng grocery stores, ang lahat ng malls, ang lahat ng mga pharmacies, kapag malinis lang iyan sa gabi, we hope that we will be allowed the first two hours in the morning. Soon as it is opened at kung kami lang ang papayagan inside the malls, the grocery stores and the pharmacies for the first two hours in the morning, we know that we will be able to spend and help in the rebound of this economy. But more than that, we will also be able to exercise a bit. Ang nakikita po namin is, we have been promoting for safe spaces. We have even been promoting for age-friendly cities and communities.
We know that there are areas na medyo congested, and we understand that and we do not insist na pupunta tayo, ang mga senior citizens, sa congestion areas. But there are areas na open po at protected and safe, and we hope that since vaccinated na po ang senior citizen, we would be allowed out.
Thank you po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, sa opinion ninyo, itong ganitong klaseng suggestion, sa palagay ninyo ay mas makaka-encourage po ito ng ating mga senior citizen na talagang magpabakuna na rin talaga kasi mayroong ilang porsiyento pa rin po sa A2 ay hindi pa rin po nakakapagpabakuna? Sa palagay ninyo po ito ay makakatulong?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: I agree, tama po. Kapag you allow iyong nabakunahan na senior citizen to go out and then makikita naman by demonstration effect hindi naapektuhan si senior citizen na vaccinated moving around, then all others will follow.
But even then, I still would like to say na huwag po tayong maghintay ibigay itong example na ito, dapat lang naman yata na ang senior citizen ay magpabakuna na regardless of whether we are allowed out or not.
USEC. IGNACIO: Opo. May suggestion po ang isang senior citizen’s welfare advocate na payagan na rin daw pong makalabas kahit isang dose pa lang ang nabakuna sa kanila. Sang-ayon po ba kayo dito?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Yeah, sufficient naman iyong isang dose. Siyempre for us to be sustainable… may second dose. But iyong first dose is sufficient enough,
You know, Usec. Rocky, I’ve been trying to interact with lots of health care professionals, and they are saying na immunity is really the name of the game. Kapag pinanganak ka at immune ka, hindi ka naaapektuhan ng sakit. And then you get the boosters for this immunity by taking the mother’s milk; kapag na-breastfed iyong bata, lalong ma-immune. And then as we grow old especially if we have the stresses in life bumabagsak iyong immunity and therefore, we are encouraging all those individuals in our country to eat good food so that their immunity will be sustained. And of course, when we get sick, we have to find the means to heal us, the medicine, kaya there is a debate going on over allowing Ivermectin just like what Senator Johny Ponce Enrile is saying, and all other drugs na they think can help in curing us.
But the common denominator is really immunity, and vaccination is really a shock treatment in order for us to have higher immunity. I therefore ask all the senior citizens, please have yourself vaccinated. This is one way not only to strengthen life but to enjoy life. God bless senior citizens.
USEC. IGNACIO: Opo. Kanina rin nabanggit ninyo po iyong kapag fully vaccinated na, payagan na silang pumasok sa supermarket at maging sa iba pang business establishment or maging sa restaurant. Pero mayroon ding nagsasabi po o nagsusulong na bigyan din ng incentive itong ating mga senior citizen kapag po fully vaccinated na, itong sa tinatawag nating ‘bakuna pass’?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: That’s going to be a wow! Thank you! Thank you, Usec. Rocky, for such an idea. But you know, the senior citizens believed that we are part of nation-building. Marami pong skills set, karanasan, and other knowledge-based training si senior citizen which they can help in the rebound in nation-building.
And so, alam po natin na bumagsak iyong performance ng ating economy by 10% because of the pandemic but if you allow the senior citizen to move around, especially those who are vaccinated, help in the country’s economic development, definitely makakatulong po tayo. Makakatulong po ang senior citizen in bringing back the economic health, iyong dating sigla ng ating bansa, maibalik po kapag pinayagan si senior citizen na tumulong.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pero sa kabila ng iba’t-ibang suggestion para payagan na pong makalabas ang senior citizen ano po, too early pa rin daw po ito ayon sa health experts. Puwede pa daw po kasi pong maging carrier ang mga fully vaccinated kaya mas mainam na pag-usapan na lang iyong pagluluwag ng restriction kapag nasa 70% na ng population ang nababakunahan. So, ano po ang masasabi ninyo dito?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Usec. Rocky, I’m only saying if there are safe spaces, allow the senior citizens to move. We are not challenging naman the issue on may mga spaces na talagang toxic, hindi puwedeng pumunta si senior citizen doon. Pero kapag may mga – say, parks na kinakain naman iyong mga toxins ng greeneries, so necessarily we’ll consider them as safe spaces. So, sana po magkatulungan, sana you will allow the senior citizen to help in nation-building.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa pa rin po sa pinag-uusapan ngayon, Atty. Quijano, ay iyong early voting para sa mga senior citizen kasama po iyong PWDs at mga buntis either sa mismong mga election precinct or via mail. Ano po ang reaksyon ninyo dito?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: I agree with you on that. Like I said, in the morning kasi when the atmosphere is clearer and safer, then the senior citizens would be able to go out na wala namang maraming toxins. And then of course, after the senior citizens, the rest of the populace who are stronger and more immune can come in.
It’s not saying that all senior citizens are not immune, marami po sa ating senior citizens like I said 40%, according to the UP Institute of Aging, 40% of the senior citizens are healthy and yet of course we are conscious na given na we are healthy, we still need to build-up our immunities some more.
So, I feel that tama iyan sa mga umaga, is really saying, Usec. Rocky, nasa dapit-hapon na po si senior citizen, sana ipahiram ninyo ang umaga.
USEC. IGNACIO: Pero Attorney, may tala po ba kayo kung gaano kalaki ang voting population ng mga senior citizen? Gaano kahalaga makaboto rin sila sa susunod na eleksiyon?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Well, kapag bumoto ang lahat, Usec. Rocky, you can be assured of a ten million votes, kasi wala ng issue ng disqualification, lampas na nga sa edad eh. So, it’s not like 18 or 17, ito 60 plus na. So, we have the numbers but we do not want to brag and say the senior citizens are fully behind in one column. We really are saying, if allowed we can help build our country not only economically but also politically and socially.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon po ay may isa ring panukalang batas sa Senado na magdadagdag po sa social pension ng indigent senior citizens from P500.00 to P1,000 at sa oras daw po na maipasa ito mula sa DSWD ay ililipat sa tanggapan ninyo sa NCSC ang implementation at distribution nito after three years. So, ano po ang reaksiyon ninyo dito?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Suporta tayo diyan. In fact, we are supporting the Universal Social Pension Bill. Alam ninyo po, Usec. Rocky, ang daming gulo dahil iyong iba nakakatanggap, iyong iba hindi. And so the way Congress like to resolve it is baka naman puwedeng lahat na lang para walang isyu.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero para sa inyo, bakit mahalaga ang batas na ito?
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Well, it’s really very important. Number one, we have senior citizens na nangangailangan ng suporta. In fact, there are retirees ng SSS na ang tinatanggap ay P2,000 lamang. So, we really need so much support and supplemental logistics and the government may be able to help in alleviating the conditions especially on the marginalized senior citizens. Importanteng-importante po, sana maipasa na po ito.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Atty. Franklin Quijano ng ating NCSC, ng National Commission on Senior Citizens. Stay safe po.
NCSC CHAIRPERSON QUIJANO: Thank you, Usec. Rocky and thank you everyone! God bless!
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang nakalap na balita ng Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
Mactan-Cebu International Airport nananawagang maibalik na ang inbound flight ng paliparan sa lalong madaling panahon. Magbabalita si John Aroa mula sa PTV Cebu.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa ng PTV Cebu. Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, nananatili pa rin pong mataas na dagdag kaso ng COVID-19 sa bansa:
- 7,058 ang bilang ng mga bagong nahawaan ng COVID-19 – mas mataas sa 6,852 na mga bagong gumaling mula sa sakit.
- Sa kabuuan 1,223,627 na po ang lahat ng mga nagka-COVID dito sa Pilipinas;
- 1,149,010 naman ang lahat ng recoveries;
- 139 ang nadagdag sa mga nasawi o katumbas nang kabuuang 20,860
- 4.4% o 53,757 naman ang nananatiling aktibong kaso sa bansa.
Mula naman po sa Rehiyon XI, Sangguniang Panlungsod ng Davao City, isinailalim sa lockdown matapos magpositibo ang ilang empleyado ng nasabing establishment. Magbabalita si Julius Pacot ng PTV Davao:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot, mula sa PTV Davao.
Samantala, Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Bill dapat nang makapasa sa Senado ayon kay Senator Bong Go. Ang nasabing panukalang batas sisertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Hindi po natutulog ang serbisyo, kaya naman patuloy si Senator Bong Go sa pagkakaloob ng tulong sa mga kababayan nating labis na apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya ngayong buwan ng Mayo. Kung saan-saang bahagi ng ating bansa namahagi ng tulong ang kaniyang outreach team. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa punto po ng ito, makakausap po natin si Dr. Butch Ong, UST Professor at OCTA Research fellow member. Magandang umaga po, sir!
DR. ONG: Magandang umaga, Usec. At magandang umaga sa mga nakikinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ay inaasahan na maglalabas ng bagong quarantine classification si Pangulong Duterte. Sa palagay po ninyo ay dapat nang ibalik sa MGCQ ang NCR Plus bubble?
DR. ONG: Well, according sa datos ng Department of Health ‘no, ang ating reproduction number ngayon ay nasa .69 ‘no and bumabagal ang pagbaba ng ating reproduction number. In fact, the last few days kung mapapansin natin bumabalik tayo sa 7,000 to 8,000 new cases per day ‘no. So siguro ay dapat pag-aralan pa siguro nang maigi kung ready na ba tayo bumaba sa MGCQ dahil iyong ating trending sa NCR Plus ay hindi pa stable ‘no, hindi pa siya talaga bumababa nang continuous ‘no. In fact, bumagal nga ang pag-decrease ng reproduction number natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Posible pa po bang mangyari ulit ang surge sa Metro Manila at ano po ang dapat na pinaghahandaan ng gobyerno upang hindi na ito maulit? Kasi po natandaan ko po sa interview namin sa isang opisyal po, mataas na opisyal dito sa Cagayan De Oro City, kapag daw po tumataas ang kaso sa Metro Manila ay tumataas din sa ibang bahagi sa Mindanao at sa Visayas.
DR. ONG: Oo, Usec. ‘no, iyong ating numbers ngayon ay gaya ng sinabi ko kanina, iyong trending ay hindi pa talaga stable so maaari pa talagang tumaas iyong ating daily new cases sa NCR Plus bubble ‘no.
Pero tama din, Usec., ang sinabi mo ‘no, iyong mga probinsiya naman ay tumataas na rin ang mga numero nila specifically ‘no kung mababanggit ko lang ‘no nasa OCTA Research report naman iyan – Isabela, Cagayan, Iloilo, Misamis Oriental, Davao, South Cotabato at Camarines Sur ay tumataas talaga iyong kanilang mga numbers ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Kapansin-pansin nga po, Doc, ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga rehiyon sa Visayas at Mindanao gaya sa Cagayan De Oro, Iloilo, Davao. So ano po ang nakikita ninyong daily attack rate sa mga lugar na ito? At ano po iyong suggestion na quarantine classification para sa mga nasabing lugar?
DR. ONG: Well, ang nakikita ko ngayon ay iyong positivity rate ano Usec., iyong positivity rate na nabanggit kong mga lalawigan ay medyo mataas ‘no – more than 20% ‘no. And if I may read: Camarines Sur, ang positivity rate ay 73%; ang Palawan, ang positivity rate ay 53% ‘no. Kailangan talaga nating paigtingin ang ating testing sa dalawang lalawigan na iyon ‘no.
And the other provinces: Cagayan nasa 38% positivity rate; South Cotabato – 32%. So kumbaga ay this could be because of either local transmission ‘no so ibig sabihin mayroong community transmission na ang COVID-19 doon o kaya ito ay nanggaling sa mga inbound travelers sa mga lalawigan nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Butch, ito nga pong sinabi ninyo na bumabagal ang pagbaba dito sa NCR Plus ng kaso. So, ano po ang dahilan kung bakit ganito po ang nangyayari?
DR. ONG: Well, as we have already—we already note na nasa heightened GCQ tayo, ibig sabihin na dahan-dahan na binubuksan ang industriya ‘no. So every week ‘no nakikita naman natin na iyong percent occupancy ng isang facility ay tumataas na nang dahan-dahan. So as more people are going around, we have increased mobility, therefore we have increased exposure and increased risk of acquiring COVID-19.
So ang ating panawagan talaga ay iyong mga facility management ‘no – whether hotel man iyan o restaurant man o kaya opisina ‘no – ay i-heighten din nila iyong kanilang COVID-19 minimum health standard at iyong guidelines ‘no to protect the company and the employees from getting infected ‘no.
So it is actually, kumbaga part of the factor of mobility ‘no. The more people are going around, the more risk that we carry and maaaring tumaas pa rin ang number of new cases. So dahil ang labanan ngayon ay nasa workplaces na, nasa area ng trabaho natin ‘no, we still must wear our face mask, do proper distancing, hand washing ‘no, avoid crowded places doon naman sa ating mga workplaces saka sa transportation ‘no, habang papuntang opisina.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bakit ninyo po nasabi sa OCTA na kailangang 90% ng vaccine supply ay dapat ilaan sa NCR Plus gayong nakikita na rin po natin iyong pagtaas din ng kaso sa mga probinsiya?
DR. ONG: Well, actually iyong ano diyan is iyong epicenter ng epidemya ay nasa NCR ‘no. Kung tutuusin natin iyong mga inbound travelers from other country ‘no, karamihan naman ay dumadaan sa NCR ports of entry ‘no – NAIA or even our seaboard, coastal ports of entry ‘no. So the earlier we vaccinate most of the NCR Plus Bubble ‘no, the earlier that we can probably stabilize the COVID cases in the country ‘no. However ‘no, having said that ‘no, we are also now seeing an increase in number of cases sa mga probinsiya na nabanggit ko kanina. And siguro kailangan din natin i-heighten din ang vaccine rollout din sa mga metro provinces ‘no, iyong mga cities sa mga nabanggit kong lalawigan.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang, Doc. Sa palagay ninyo dapat pong i-extend dito sa NCR Plus itong GCQ with heightened restriction?
DR. ONG: I think ang ano, let’s study for one more week ‘no. Kumbaga we still go for the heightened GCQ ‘no, opening the industries slowly – iyon naman ang mensahe ng government na dahan-dahan naman natin imu-move iyong economy, iyong ating commerce ‘no. So we can still go for the heightened GCQ and observe the trending for this coming week. So Usec. Napaka-importante nitong linggo na ito, so iyong ating mga kababayan, let’s focus on conducting the minimum health standards ngayong linggo na ito dahil ito ang critical weeks kung kailan mapapababa pa natin ang ating daily new cases.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Butch Ong, UST Professor at OCTA Research fellow. Stay safe po.
DR. ONG: Maraming salamat at good morning sa lahat.
USEC. IGNACIO: Sa kabila ng masasabing matagumpay na pagharap ng bansang Israel sa COVID-19 matapos mabakunahan po ang karamihan sa kanilang populasyon, ngayon naman po ay sinusubukan nang makabangon ng mga naapektuhan nang higit sampung araw na bakbakan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas kabilang ang ilang Filipino migrant workers, kaugnay niyan, makakausap po natin si Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto. Magandang umaga po mula rito sa Pilipinas, Ambassador.
AMBASSADOR ALBERTO: Magandang umaga po sa inyo diyan. At kumusta po kayo diyan sa Pilipinas?
USEC. IGNACIO: Opo, mabuti naman po. Ambassador, kumusta na po iyong kasalukuyang sitwasyon ngayon sa Israel partikular po dito sa Gaza? Masasabi po bang mapayapa at ligtas na diyan ngayon dahil sa ceasefire?
AMBASSADOR ALBERTO: Ngayon po, nagkaroon po ng ceasefire mula po noong May 21, alas dos po ng madaling araw. So mapayapa na po ngayon ang sitwasyon sa Gaza ganoon din po sa Israel. So inaasam po natin na magkaroon ng—magpatuloy ang katahimikan. So wala na pong rocket attack, wala nang mortar attack dito sa Israel.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung ganoon po iyong sitwasyon Ambassador, masisiguro po bang mananatili iyong kaligtasan ng ating mga kababayan diyan sa Israel?
AMBASSADOR ALBERTO: Opo. Masisiguro po natin kasi una ay iyong depensa po ng Israel, iyong tinatawag po na iron dome, so kung mayroon pong mga rocket attack na nangyayari, mataas po ang porsiyento na nasasagupa nila iyon pong rocket attack na nasa loob ho ng iron dome, so ligtas po ang mga Pilipino rito.
Pangalawa po, kung mayroon pong ganoon, mayroon pong warning na binibigay, may sirena po. So nagkakaroon po ng pagkakataon ang mga Israeli, ganoon din ang mga Pilipino na nakatira sa Israel na pumunta po sa mga bomb shelter at makapagtago po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po iyong mga kababayan naman natin lalo na iyong nasa 300 overseas Filipinos na malapit po sa Gaza strip? Balik-normal na rin po ba iyong pamumuhay nila doon?
AMB. ALBERTO: Opo, balik normal na po ang pamumuhay nila. Tama po iyon, mayroon po tayong 300 Filipinos sa may Ashdod, South Ashkelon, sa mga bayan po na malapit sa Gaza Strip. Ito po ang mga lugar na marami pong pinabagsakan ng rocket, pero nasa loob po ng iron dome at nakakapagbigay po ng warning iyong Israeli government at nakapagtago po sa mga bomb shelter. So ligtas po iyong mga Pilipino natin. Sa ngayon po balik-trabaho na po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po iyong kasama namin sa PTV sa Naomi Tiburcio: Ano daw po ang mangyayari sa pulong ng Israel official at ng Philippine Embassy sa imbestigasyon ng UN sa kaguluhan sa Israel at Palestine? Paano po ito makakaapekto sa relasyong diplomatiko sa Israel at Pilipinas?
AMB. ALBERTO: Nagkaroon na po nang pagpupulong ang embahada at ang gobyerno po ng Israel tungkol po sa nangyaring botohan sa UN Human Rights Council sa Geneva. Ginagawa po natin ang lahat ng paraan para po iyong impact ng naging botohan doon ay hindi maapektuhan ang mga nandito po sa Israel at ang ating relasyon sa bansa ng Israel. Makakasiguro po kayo na ang Department of Foreign Affairs, ang embahada ng Pilipinas ay ginagawa ang lahat para mapanatili po na maganda ang relasyon natin sa bansang Israel.
USEC. IGNACIO: Ambassador, sa ngayon po ay inanunsyo ni Secretary Bello III na itutuloy pa rin po ang deployment suspension papuntang Israel. So sa palagay po ninyo ay ilang linggo pa ang dapat ipaghintay ng ating mga kababayan nating gustong makabalik sa Israel sa ngayon?
AMB. ALBERTO: Sa ngayon po ang ano po natin, ang advice ng Philippine Overseas Employment Agency, kung kailan po nila papayagan. Isa rin po sa naging dahilan ng pagkakaroon ng suspension noon ay itinigil iyong paglipad ng mga eroplano papunta rito sa Israel noong kasagsagan po ng mga kaguluhan dito, ng rocket attack. So hintayin lang po natin iyong advise po ng POEA pero sa ngayon po tuloy po ang lipad ng mga eroplano, international flight dito sa Israel.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong COVID situation diyan, Ambassador? Although isa po sa nangunguna na nga ang Israel sa dami na ng nabakunahan laban sa COVID-19 ay hindi po ba nakakaapekto itong giyera sa COVID situation diyan lalo na sa mga ospital?
AMB. ALBERTO: Hindi naman po. Isa nga po sa pinakamababa ng cases ng COVID ngayon ay ang Israel. So maganda po iyong naging vaccine rollout nila, naging solusyon po talaga iyong vaccination. So sa ngayon po, halos lahat po ngayon na mga Pilipino rito ay nagkaroon na rin ng vaccine at iyong naging insidente sa Gaza ay hindi nakaapekto kasi noong panahon na iyon eh halos karamihan or 50% na ng Israeli ay nakatanggap na ng vaccine.
USEC. IGNACIO: So, Ambassador, karamihan po sa ating mga Filipino migrant workers diyan ay bakunado na po?
AMB. ALBERTO: Tama po. Noong Marso po, nagkaroon po kami ng survey dito, nakita po naming na halos lahat na po ng Pilipino ay nagkaroon na po ng vaccine. Kasi po ang ginagawa po rito karamihan po ng ating mga kasamahan na Pilipino dito sa Israel ay sila po ay caregiver. So kapag binakunahan po ang kanilang pasyente, iyong inaalagaan po nila, kasama rin po iyong Pilipino na caregiver na binibigyan ng vaccine. So sa ngayon po dahil maganda po ang rollout ng vaccine halos lahat po ng Pilipino natin ay nakatanggap na po ng vaccine.
USEC. IGNACIO: Ambassador, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga Pilipino na nandiyan sa Israel.
AMB. ALBERTO: Una po, nagpapasalamat po ako sa mga kasamahan nating Pilipino dito sa Israeli, naging matulungin po sila. Malaki po ang tulong nila noong panahon ng kasagsagan ang krisis dito sa Israel. Nakita po natin iyong bayanihan spirit at pagtutulungan ng mga kapwa Pilipino. Sila po ang kausap namin, sila po iyong tumutulong sa amin lalo na po iyong mga matagal na rito na nakaranas na rin po ng ganitong mga eksperyensiya na krisis. Sila po mismo ang nagbibigay payo sa mga bagong dating po na Pilipino. So, ako ay nagpapasalamat sa mga kasamahan nating Pilipino na nandito po sa Israel na nagtulungan po during noong panahon ng krisis.
Pangalawa po, ako rin po ay nagpapasalamat dito sa mga kasamahan ko sa embahada at ganoon din po sa gobyerno ng Israel sa pag-provide ng tulong at pagsiguro po na ang aking mga kasamahan na Pilipino rito [garbled]. Ang embahada po ay handa pong tumulong sa kapwa Pilipino kung ano po ang ating magagawa base sa ating kakayahan. Tayo po ay nakahandang tumulong sa ating mga kababayan, at sana po ay patuloy na maging maganda ang samahan po ng mga Pilipino na nandito po sa Israel at ang ating Embahada ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Ambassador, ilan pong Pilipino tayo mayroon sa Israel ngayon?
AMB. ALBERTO: Sa ngayon po ay mayroon tayong 29,473 Filipinos na nandito po sa Israel.
USEC. IGNACIO: Opo, medyo naputul-putol po kayo, pasensiya na. More than 29,000?
AMB. ALBERTO: Opo, more than 29,000 po ang nandito po Israel.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo, Ambassador, sa amin. Mag-ingat po kayo diyan, Philippine Ambassador to Israel, Macairog Alberto. Mabuhay po kayo, Ambassador!
AMB. ALBERTO: Mabuhay po kayo! Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa Cordillera Region. Cash assistance mula sa pamahalaan ipinagkaloob sa halos 1,500 workers ng sampung tourism business establishment sa Baguio City na apektado ng pandemya. May update si Florence Paytocan ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Florence Paytocan mula po sa PTV-Cordillera.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agency sa kanila pong walang sawang pagsuporta sa ating programa at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.
Mag-ingat po tayong lahat sa COVID-19, bakunado man o hindi pa. Panatilihin pa rin po ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at ang distansiya mula sa ibang tao. Magparehistro na rin ang mga pinapayagang sektor sa inyong mga LGU para po makapagpabakuna na bilang pananggalang sa pandemya.
Ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)