Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Muli tayong makikibalita sa mga napapanahong issue sa bansa mula mismo sa mga opisyal ng pamahalaan. Samahan ninyo kami ngayong araw ng Miyerkules, June 9, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Muli pong nagpaalala si Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Christopher ‘Bong’ Go sa mga LGU na pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga medical frontliners, senior citizens at mga may comorbidity o iyong may mga nasa A1 hanggang A3 priority list ng pamahalaan. Ito ay kasabay ng pagpapalawak ng National Vaccination Program sa mga nasa A4 o ang mga economic frontliners. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Noong Lunes nga po ay isinama ang mga nasa A4 priority list o ang mga tinaguriang economic frontliners sa mga puwedeng mabakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19 virus, kaya naman po ngayong umaga, muli tayong makibalita sa vaccination rollout ng pamahalaan, makakasama po natin si Department of Health Director Napoleon Arevalo. Good morning po, Director.

Director? Babalikan po natin si Director Arevalo.

Samantala, nadagdagan po ng 4,777 ang mga nahawahan ng COVID-19 sa bansa base po sa pinakahuling datos ng Department of Health kaya naman po sa kabuuan ay umabot na sa 1,280,773 ang mga nagka-COVID sa buong bansa; 7,122 naman po ang mga dagdag na gumaling sa kabuuang 1,202,257 total recoveries habang 22,064 ang lahat ng mga nasawi matapos madagdagan ng siyamnapu’t lima. Sa kasalukuyan, nasa 4.4% ng total cases ang nananatiling aktibo o katumbas ng 56,452.

Samantala, habang patuloy na apektado ng pandemya ang kabuhayan at trabaho ng marami sa ating mga kababayan, hindi naman po tumitigil si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa paghahatid ng tulong partikular sa mga sektor na labis na naapektuhan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Department of Health Director Napoleon Arevalo. Good morning po, Director.

DOH DIR. AREVALO: Magandang umaga Usec., medyo maulan dito sa banda sa amin kaya medyo nawawala po tayo. Magandang umaga po sa inyong lahat at sa ating [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po sa inyong pagpapaunlak sa atin. Sir, ngayon po ay ilang doses na ang na-administer so far at ilan na po from each priority sector ang nabakunahan?

DOH DIR. AREVALO: Mayroon na po tayong mahigit sa anim na milyong doses na na-administer natin sa ating mga kababayan at nasa screen ninyo po iyong ating segment of the population na nabigyan na natin.

Mahigit 1.4 million doses sa ating group A1 population, ito iyong ating mga healthworkers; 1.6 million plus na rin po sa ating mga senior citizens; 1.5 million plus sa ating mga—those with comorbidity, iyong may mga sakit na at nakapag-umpisa [garbled] maliit pa po ang bilang na ito, 29 thousand para sa ating mga manggagawa dahil ito po ay iyong mga [garbled] po natin o iyong mga ceremonial po natin na mga A4 population na pagbabakuna.

So total po natin ngayon [garbled] 4.6 million mahigit para sa mga first doses at ang naka-complete po natin ng 2 doses ay mahigit 1.6 million – total of 6.3 million na po plus ang ating naibakuna sa ating mga kababayan po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ngayon po ba ay may bilang kayo kung ilan naman po mula sa A4 ang nakapagparehistro na at nabakunahan mula sa NCR + 8 areas?

DOH DIR. AREVALO: Patuloy po ang pagpapa-register ng ating mga A4 population or segment kasi po ito ay napakarami. Tinatayang nationwide, mayroon po tayong 13 million ayon sa datos ng NEDA. Patuloy po ang ating pagrirehistro dito at nasabi ko na po kanina na may 29,000 na tayong nabakunahan sa hanay nila at ito ay itinutuloy na natin sa NCR + 8 na simultaneous ang ating pagbabakuna sa A1, A2 and A3 + 4 however ito po ay magdedepende rin po sa availability ng bakuna natin na idi-deliver sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, basahin ko lang pong itong tanong ni Vivienne Gulla mula po sa ABS-CBN News: One million Sinovac COVID vaccine doses arrived over the weekend but some LGUs daw po in NCR+8 which is supposed to be the focus of vaccination have to temporarily suspend inoculations due to lack of vaccine supply. Bakit daw po ito nangyayari, saan daw po nagkakaproblema kung mayroon man at paano po natin ito matutugunan? Kung mayroon daw pong adjustment na kailangang ipatupad sa deployment para po matiyak na tuluy-tuloy ang ating pagbabakuna ng mga LGU?

DOH DIR. AREVALO: Ang ating mga dini-deliver sa ating mga vaccination site lalo na dito sa NCR+ ay based on their master list of eligible population. Nakakaranas po tayo na mayroong mga areas na natitigil iyong pagbakuna temporarily a day sapagkat ang magandang nakikita natin ay mabilis silang magbakuna.

In fact, araw-araw po sa pangunguna ni Secretary Galvez at ni Secretary Vince Dizon, ang ating pagmu-monitor ng ating pagbakuna sa NCR+8 at tinitingnan din po natin iyong mga natitirang bakuna nila sapagkat ito ang mga basehan ng ating pagri-replenish.

So, nararanasan po natin ito na mga pagtigil sa pagbabakuna dahil na rin sa ating limitadong supply. Iyong ating dumating na bakuna noong nakaraang linggo ay in progress na ang delivery at ito pong linggong ito, bukas, may darating din po tayo na karagdagang bakuna at ito po ay idi-deploy kaagad sa ating mga vaccination centers.

In fact, mayroon tayong mga timelines na dapat ito ay ibinibigay kaagad natin once the country receives it to our local governments at ang dictum po natin kapag na-receive na nila, once they received the vaccines ay kailangang maibakuna and may prescribed day po ito or days of vaccination campaign – six days kapag na-receive nila. Within six days dapat nila maibakuna na ito at iyong ibang bakuna, depende po sa temperature requirement, five days na maibakuna.

So, tinitingnan din po natin ito na kung sa inventory ay five days na lang ang kanilang natitirang bakuna, ito na po ang giya natin para i-replenish kaagad-agad po ng ating mga bakuna para hindi matitigil. Pero ang sinasabi po natin, depende pa rin po sa availability kasi ng bakuna natin sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa na tanong ni Vivienne Gulla: Some LGUs daw in NCR+8 also cannot begin A4 vaccination due to supply issues katulad ng binabanggit ninyo. They are saying kaunti lang po daw di-umano ang ibinibigay sa kanilang supply kahit mabilis naman po silang mag-rollout. So, ano po ang mga konsiderasyon sa paglalaan daw po ng bakuna sa mga LGU?

DOH DIR. AREVALO: Una po ay iyong kanilang preparedness to handle, to store and to actually inoculate the vaccines. Kapag mabilis kayong magbakuna, talagang mapapabilis din po iyong pag-allocate. Importante din po na ang ating A1, 2 and 3 are still our priority habang binabakunahan natin iyong A4. Kaya po tayo may mga lane pass sa mga A1, 2 and 3 sapagkat hindi pa po natin nai-exhaust iyong pagbakuna sa ating A2 and A3. Ito iyong mga matatanda at ito iyong ating mga with comorbidities.

Inaasahan natin na ngayong Hunyo po may dadating na bakuna na tinatayang ten million doses at sana po ay maidagdag na po natin ito sa ating mga A4 segment of the population. Pero ang sinasabi po natin lagi ay minu-monitor natin iyong kanilang mga stocks ‘no. Kailangan maubos iyong kanilang mga bakuna lalo na iyong mga first doses at kailangan [unclear] nila iyong pagbabakuna ng kanilang mga second doses. Kaya kung may natitira pa na mga bakuna, these are for the second doses.

Kung mayroon tayong critical na mga pangangailangan lalo na dito sa NCR+ kung saan ang focus dahil mayroon tayong nakikita ditong surge ng mga kaso ay binibigyan natin ng konsiderasyon na magamit iyong doses ng first vaccines intended pero ito po ay tinitingnan natin kung makakadating nang maaga din ang ating supply of vaccine para ma-replenish iyong gagamitin natin na second doses for the first doses na kakailanganin ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Vivienne Gulla: May we get daw po the deployment plan for the around ten million more vaccine doses expected to arrive in the Philippines this month? How many of these will go daw po to NCR+8 and how many will go to areas experiencing a surge in COVID cases?

DOH DIR. AREVALO: Opo. Siguro sa mga susunod na araw ay maibibigay natin iyong allocation pero ang ating prayoridad ngayon ay itong focused areas natin na NCR+8 dahil nakita nga natin na ang surge ay nandito at mayroon din tayong mga expanded areas na tinitingnan kung maaaring bigyan din sila po para sa kanila na karagdagan dahil sa nakikitang surge.

But ito pong kautusan po ng ating Pangulo ay i-prorate ang ating bakuna across the nation na walang maiiwan kaya po ang mga susunod na mga bakuna ay tinitingnan natin na magkakaroon [unclear] ng rehiyon ng kanilang allocation at mayroon lang tayong focused areas dahilan nga po sa mga surge.

Ito ay ilan lamang sa ating mga areas dito sa Pilipinas but ang kautusan po sa atin ay i-prorate ang ating mga bakuna sa ating mga vaccination center across the nation po.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po ang reaksiyon ninyo sa sinasabi ng mga mayor na vaccine envy na raw po ang nangingibabaw at hindi vaccine hesitancy?

DOH DIR. AREVALO: Sa isang banda, ito ay maganda rin na nakikita natin na hindi na aalinlangan ang atin mga kababayan na pagpabakuna. However kailangan din po nating i-state lagi sa atin, ipaintindi sa ating kababayan na ang ating mga bakuna ang the best vaccine that we are considering ay iyong mga bakuna na nandito na sa Pilipinas at hindi na natin hinihintay na i-idi-deliver sa atin.

At susundin pa rin po natin iyong ating prioritization framework dahilan po sa limitado pa. Pero ang tinitingnan natin in the horizon, magmulang third and fourth quarter mayroon na po tayong mga bakunang mga darating na ten million per month. Sana iyan ay matuloy, hindi naman po nagpapahinga ang ating vaccine cluster sa pagni-negotiate at pagsi-secure ng bakuna para sa Pilipinas.

So, pinapaintindi po natin sa ating mga kababayan na wala tayong preference ng mga bakuna kung hindi iyong best vaccine ang ating sinasabi ay iyong available na dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Tanong po naman po ni Naomi Tiburcio ng PTV: Nag-abiso na daw po ang US-CDC na ang pupunta ng Pilipinas ay kailangang fully vaccinated na at iyung mga hindi daw po bakunado ay inabisuhan na iwasan ang non-essential travel. Para sa impormasyon ng nakakarami, ano po ba iyong requirements ng Department of Health sa mga dumarating sa Pilipinas; kasama na po ba dito ang kumpletong bakuna?

DOH DIR. AREVALO: Opo. Ito ay pinag-uusapan na po kung iyong ating mga returning OFWs, pinag-usapan na po ito na kapag dumating po sila dito, kung sila ay kumpleto ang bakuna, maaring sila ay tumuloy sa kanilang mga residensya at ang ating mga hindi pa bakunado, iyong ating protocol na kina-quarantine pa rin po sila and kailangan mayroon po tayong swabbing test, tapos ang resulta ay tinitingnan natin kung maaari na silang bumalik sa kanilang mga lugar.

At pinag-uusapan din ng DFA at ng iba pang offices iyong ating pag-travel din lalo na iyong ating mga OFWs na nagre-require iyong mga ibang bansa ng mga bakuna. At sinasabi doon sa nakaraang abiso ng DFA na iyong mga bakuna na nire-require ng ibang bansa ay ni-negotiate na kung puwedeng i-expand iyong ating mga bakunang ina-accept sa ibang bansa na kung magta-travel iyong ating mga kababayan sa kanilang bansa whether on official business or kung sila ay deployed as Overseas Filipino Workers.

USEC. IGNACIO: Director, matutuloy po ba daw iyung pagdating ng mga bakuna bukas o kaya ay this week. As per Secretary Galvez po noong Lunes ay may inaasahan daw po tayong darating na 1 million doses ng Sinovac at Sputnik at 2 million ng Pfizer mula sa COVAX Facility?

DOH DIR. AREVALO: Ang aking pagkakaalam po, tuloy po iyong Sinovac delivery tomorrow June 10; iyong Sputnik V at iyong others ay kailangan pa nating masiguro kung ano iyong indicative date or final date ng pagdating. Pero as I have said, kanina po tinatayang 10 million ang ating inaasahan na doses by the end of June.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil daw po may Emergency Use Authorization na rin ang Sinopharm, makakapag-procure na rin po ba tayo ng bakunang ito?

DOH DIR. AREVALO: Depende po ito sa vaccine cluster, mayroon po tayong mga task groups na ang responsibilidad nila ay sa vaccine identification, negotiation and procurement. Kung mayroon na po tayong basehan ng pagbibili, katulad nito sa Sinopharm, ay ito po ay depende sa rekomendasyon ng ating mga task groups na namamahala sa pagni-negotiate at pagbibili ng mga bakuna.

Sa statement ng ating Undersecretary Rosario Vergeire, ang sinasabi niya wine-welcome natin na mayroon po tayong EUA na ito o EUL from the WHO at ito pa rin ay nasa rekomendasyon ng ating negotiation at procurement task groups kung tayo ay bibili na nitong mga newly issued EUA o EUL ng WHO po.

USEC. IGNACIO: Bukod po daw sa EUA ng Sinopharm ay inaprubahan na din daw po ng FDA ang pagbabakuna ng Pfizer sa 12 to 15 years old. So, may mababago po ba sa prioritization natin sa ngayon at sa palagay ninyo kailan po kaya mababakunahan ang age group na ito?

DOH DIR. AREVALO: Opo. Mayroon na po nitong advisory ang WHO na maaari ng magbakuna sa 12 years old and above. Ang US ata po ay kung hindi ako nagkakamali ay nag-umpisa na sila dito.

Ayon din sa statement din ng ating Spokesperson ng Department of Health, si Usec. Vergeire, wine-welcome natin itong development na ito at ito po ay sinasang-ayunan ng Philippine Pediatric Society of the Philippines at ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na maari na ngang magbakuna sa 12 years old and above.

Pero po sa espirito ng limitadong bakuna sa ating Pilipinas, sinusunod po natin iyong ating prioritization framework na iyong older individuals muna, iyong ating mga most at risk and vulnerable population. Kung mayroon na po tayong sapat na bakuna, ikukonsidera po natin iyong ating mga kabataan 12 years old sa mga bakunang nararapat para sa kanila.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak, Director Napoleon Arevalo ng Department of Health. Mabuhay po kayo and stay safe.

DOH DIR. AREVALO: Marami pong salamat, USec at mabuhay din po kayo at God bless us all.

USEC. IGNACIO: Samantala, para muling buhayin ang sector ng transportasyon at suportahan ang mga apektadong Public Utility Vehicle drivers gayundin din ang mabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng libreng sakay ang mga commuter, ipinatupad ng LTFRB ang service contracting program sa ilang ruta ng mga pampublikong sasakyan, kumustahin po natin ang developments ng programang iyan, makakausap natin si LTFRB OIC Executive Director Joel Bolano. Good morning po, sir.

LTFRB OIC EXEC. DIR. BOLANO: Good morning Usec at sa lahat ng nakikinig at nanunood po sa program ninyo, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ngayon po ay kumusta po iyong pagpapatupad nitong service contracting program sa mga PUV drivers at masasabi ba nating generally successful ang programang ito?

LTFRB OIC EXEC. DIR. BOLANO: Thank you, Usec. Sa ngayon po ay tuluy-tuloy pa rin po ito at hindi naman po natin masabi na naabot po natin iyong target sa ngayon, pero pinipilit po ng LTFRB at DOTr na maabot po iyong dapat na maibigay sa ating mga beneficiary, Usec.

USEC. IGNACIO: Pero puwede pong pakipaliwanag ulit, Director, kung ano po iyong incentives na nakukuha at makukuha po PUV drivers na kabilang sa programang ito. Tama po ba weekly sila binabayaran para po sa pagbibigay nila ng libreng sakay?

LTFRB OIC EXEC. DIR. BOLANO: Opo, Usec. Dalawa po iyong service contracting natin, iyong sinasabi po natin na net contracting saka iyong gross contracting.

Iyong net contracting po, ito po iyong mga kalimitan mga traditional PUJ natin na binabayaran po on a weekly basis per kilometer na kanila pong biyahe pero mayroon pa rin po silang tinatawag na fair box, kumbaga may pamasahe.

Iyong gross naman po na service contracting, ito po iyong free rides ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000 basta kayo po ay kasama na sa program.

Iyon pong magri-register o mag-o-on board naman from May 1 to June 15, mayroon pong P20,000. Bukod po dito kapag kayo po ay tuluy-tuloy na bumibiyahe na limang araw na naka-online, kasi po ang nagmu-monitor nito Usec ay system, kapag nagla-log in sila doon sa tinatawag na driver’s app para ma-monitor natin sila. Sa limang araw na sunud-sunod mayroon pa rin po silang weekly additional na P7,000 na incentive.

USEC. IGNACIO: Pero Director, linawin lang natin, diretso po bang nakukuha ng mga drivers iyong payouts na ito o dumadaan ito sa mga operator?

LTFRB OIC EXEC. DIR. BOLANO: Doon po, Usec, sa mga PUJ na traditional diretso po ito sa driver ano po. Doon po sa mga kasama natin na cooperative, iyong mga modern jeepney’s natin saka iyong mga corporation natin na buses dumadaan po ito sa ating mga operator kasi sila po iyong nagpapasuweldo doon sa kanilang mga drivers, pero po mayroon pong tinatawag tayong payroll na nanggagaling sa LTFRB kung magkano po ang ibabayad nila based doon sa kilometer run noong kanila pong mga units.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po ilang drivers na iyong nabigyan ng payout, ng mga incentives na ito? Kasi ayon po kay Senator Grace Poe mukhang mabagal daw po diumano ang implementasyon ng programang ito.

LTFRB OIC EXEC. DIR. BOLANO: Sa ngayon po, Usec. Ang ongoing [garbled] more than 20,000 drivers po ito nationwide. Hindi pa naman lahat po nabibigyan ng mga initial payout o incentive, pero tuluy-tuloy po iyong pagbigay dito sa 20,000 na ito, pero karamihan po dito ay nakatanggap na especially po doon sa weekly payout natin, iyon pong binabiyahe po nila ay nabayaran na po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyong natitira po na hindi pa nagagastos na pondo, dapat daw po ay puwedeng gamitin ng ahensiya para makapag-provide pa nang libreng transportasyon para naman po sa mga gustong pumunta sa vaccination centers. So, may ginagawa po bang plano ang LTFRB tungkol dito?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Usec., actually as of today, wala pa pong instruction sa atin. Pero kung may plano pong ganoon, idadagdag lang ho natin sa policy direction ng LTFRB. Maganda pong suggestion iyon para po doon sa magpapabakuna. Once na ma-settle po sa amin iyong instruction o mababa po sa amin iyong instruction ay gagawin po natin iyong plano para po diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, natuloy po ba daw iyong general registration at orientation activity para naman po sa mga traditional jeepney drivers noong June 2? Bale sa ngayon daw po, ilan ang PUV drivers ang kasama sa programang ito ng LTFRB at ilang ruta na po ang sakop nito?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Usec., actually natuloy po iyon noong June 2 hanggang June 4. Unfortunately nga po siguro dahil umuulan, ang nakuha po natin na mga drivers na nag-register po doon, more than 500 drivers – malaki-laki na rin po ito sa 3 days ho natin na naidagdag po doon. Sa ngayon po iyon pong naka-register na po sa atin, iyong mga na-register na ho natin na mga drivers ay umaabot na po sa 62,000. Kaya lang iyong na on-board pa lang po natin, iyon po iyong nasa systems na at may mga kontrata na ito na napirmahan ay iyong sinabi ko po kanina na mga 20 plus na iyong binabayaran na po natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano naman daw po iyong requirement para sa mga drivers na gusto pang sumali sa service contracting program na ito ng LTFRB? Puwede pa po ba daw silang sumali?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Opo, Usec. Napakasimple lang po, iyon pong driver’s license lang po nila, iyon pong certification ng kanilang operator na sila po ay legitimate driver at iyon pong ruta po nila dapat operational ngayong GCQ or ganiyang may quarantine. At iyong pang-apat po, iyon po ‘yung pagpirma na po nila ng contract sa office. Isa-submit lang po nila iyon at pagkatapos noon may orientation and registration. Iyon lang po ang requirement Usec., para makasali.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hanggang kailan ninyo daw po nakikitang ipapatupad ng LTFRB ang programang ito para naman po sa benefit ng mga PUV driver at maging ng mga commuter?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Iyong Bayanihan Act natin Usec., ay hanggang June 30, so doon pa rin ho, unless po ito po ay ma-extend. Pero dahil po mayroon tayong tinatawag na payout, mayroon po kaming proposed na target na at least hanggang June 15 ang cutoff namin para po ma-liquidate po muna iyong mga babayaran natin. Pero kapag ito po ay na-extend, baka tuluy-tuloy lang po ito hanggang sa December po, kung sakaling December po ma-extend iyong ating Bayanihan Act.

USEC. IGNACIO: Opo. Maiba naman tayo, Director. Noong Lunes daw po ay nagwelga ang nasa 30 drivers, conductors at iba pang empleyado ng limang bus companies para daw po ibigay sa kanila iyong separation pay. Nawalan daw po kasi sila ng trabaho simula noong sumali sa EDSA Bus Consortium iyong mga pinagtatrabahuhan nilang bus company. So, ito po bang concern nila ay nakaabot na sa opisina ng LTFRB at ano po ang maaaring itulong natin sa kanila?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Iyon pong mga konduktor, actually nakarating na rin po sa atin iyon Usec., ano po. In fact nagkaroon tayo ng presscon together with our Chairman, Atty. Martin Delgra last Monday para po i-address ito. Iyon pong mga konduktor ho natin ay responsibilidad po na talagang bayaran as an employee ng mga operator natin lalo na sa mga buses, kailangan pong bayaran sila ng kanilang serbisyo. At kung sakali man po na may displacement sila sa kanilang kumpanya, puwede po natin silang i-refer sa DOLE para po doon sa mga ibang puwedeng hanapbuhay na puwede nilang pasukan.

Pero as far as the LTFRB is concerned, puwede ho naming makuha po iyong mga pangalan nila at iri-refer ho natin sa operator dahil kailangan pong mabayaran sila. Dahil doon sa free ride, doon po sa rates na binabayad po sa kanila, kasama po doon iyong overhead nila para doon sa bayad sa ibang empleyado nila other than the driver. So dahil mayroon pong empleyado sila na konduktor o other employees, kailangan po responsibilidad po ito ng ating mga operator.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman daw po sa S-PaSS, Director, kumustahin na rin namin iyong implementation nito. Sa ngayon marami na po bang nakapag-register at gumagamit nito? At lahat ba ng linya ng Land Transportation across the country daw po ay ginagamit na rin itong S-PaSS?

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Thank you, Usec. Naglabas na po kami ng [garbled] para po ipatupad itong S-PaSS as the instruction or provision po doon sa ating IATF at saka ng DOTr at saka ng DICT. Pero nagpalabas po tayo noong mga last week ng May kaya sa ngayon po ay nakikipag-coordinate na po tayo sa mga terminal para po makuha natin iyong mga compliant operator, although naipamahagi na po natin ito sa ating mga regional offices para po ma-implement ito. Sa ngayon Usec., inaantay natin iyong report from our regional offices at saka sa mga terminals po sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Executive Director Joel Bolano ng LTFRB. Mabuhay po kayo, Sir.

LTFRB EXEC. DIR. BOLANO: Thank you, Usec. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, base po sa pinakahuling pag-aaral ng grupong OCTA Research, nalampasan na ng Davao City ang Quezon City sa may pinakamataas na average daily cases ng COVID-19. Kaugnay niyan, makakausap po natin sina Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Team. Magandang umaga po sa inyo.

PROFESSOR RYE:  Magandang umaga, Usec Rocky at sa lahat ng nakikinig at nanunood po sa atin.

DR. DAVID: Hi. Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong mga tanong ko, kung sino na lang po maaaring sumagot sa inyo ano po. So, gaano daw po kaseryoso ang sitwasyon ngayon sa Mindanao, partikular sa Davao City in terms of numbers kung ikukumpara sa NCR pagdating sa COVID cases?

DR. DAVID: Yes. Hi Usec., I will take that question. What we are seeing right now, iyong trend sa NCR is on a downward trend and we’re happy about that kasi the peak of the surge madami talaga iyong cases and puno iyong hospitals. Ngayon lumuluwag na iyong hospitals natin, we’re in the safe levels, our positivity rate is improving. And as we could have it na right now most of the cases, iyong increase ng cases, nakikita natin sa Mindanao – not just in Davao City but also in other areas in Mindanao – South Cotabato, sa General Santos, Cotabato City and in other places, also in Western Visayas.

So we could say na iyong increase dito, this is very concerning sa areas na ito. In some LGUs in Mindanao, mataas na iyong hospital utilization rate nila, hospital occupancy and ICU occupancy, so this is concerning. Sa Davao City hindi pa naman puno iyong hospitals but the increase in cases is concerning because kailangan nang mapabagal iyong pagtaas ng kaso otherwise we might see some hospitals starting to become full, even sa Davao City.

USEC. IGNACIO:  Opo. Doctor Guido, basahin ko lang po itong tanong sa inyo ni Rosalie Coz ng UNTV: With the daily recorded cases, masasabi na po ba natin na Davao na ang bagong epicenter ng COVID-19 surge?

DR. DAVID: Well, we would say na NCR is still averaging almost 1,000 cases per day. So nandoon pa rin naman sa NCR Plus iyong epicenter pero we could say na there’s a corresponding increase din sa Mindanao areas. It depends on the definition ng perspective of the person on what the epicenter is. From our perspective nga, we could say na it is also one of the epicenters ngayon along with Western Visayas.

USEC. IGNACIO:  Opo. Para naman po kay Professor Ranjit Rye, tanong po ni Rosalie Coz sa inyo. Good morning, Professor Ranjit: Ano daw po ang recommendation or measures na dapat paigtingin para daw po mapabagal ang paglobo ng kaso? And, ano po ang projection ng OCTA kung gaano po katagal itong surge outside NCR Plus?

PROF. RYE: Thank you, Usec., sa tanong. Unang-una, ginagawa na ng Davao City, ginagawa na ng Zamboanga City ang makakaya nila to slowdown a surge, to reverse the surge. Unang-una, mas mataas na iyong lebel ng quarantine classification nila, naghigpit na po sila at nag-increase to my knowledge ‘no, nag-increase na rin ang testing, tracing and isolation.

Ang sitwasyon ngayon specifically sa Davao ‘no is iyong pag-increase po ho ng ICU capacity, ng hospital capacity, ng healthcare workers, and generally po sa Mindanao kailangan talaga iyon ang gawin kasi next phase talaga diyan ang laban.

As the surge progresses, ang pupuntahan niyan ospital po for a minority of the people and kung significant ang surge, mapupuno ho iyong mga hospitals kaya kailangan ho ang focus talaga ay increasing hospital capacity not just po iyong beds and ventilators pero pati na rin po iyong ating hospital healthcare workers po. Napaka-importante ho, iyan ang pinaka-importanteng aspeto ng hospital capacity – iyong mga doktor at saka nurses natin.

So, iyon ho ang kailangang bigyan ng pansin. Kailangan nating i-improve furthermore more on testing, tracing, and isolation lalo na dito sa mga hotspots na ito and not just in Davao, even in Western Visayas, in some parts of Mindanao. The important point is a surge needs to be dealt with in a timely and appropriate responses and the best science is telling us we need to expand talaga iyong—improve iyong capacity natin to detect and isolate.

Ang average po for the country is around 10-13 days po eh. Matagal ho bago kayo—kapag na-test na kayo it takes a long time ho to isolate. Sa NCR ho, something like 8-9, maybe Davao would be somewhere there according to DOH, but it is still a long period of time and so kailangan ho i-improve iyan by expanding testing, strengthening contact tracing at ensuring na mayroon tayong isolation capacity para hindi ho mapuno iyong mga ospital natin with mild cases.

And so iyan ang sitwasyon ngayon sa Davao, iyan ang sitwasyon ngayon sa Cagayan de Oro City, nandiyan rin iyong sa Zamboanga, nandiyan rin sa Iloilo. So, these are the challenges po. Sa Iloilo ho napakalaki ho ng sitwasyon, napakatindi ho ng sitwasyon, iyong hospital utilization nasa 83% na po, iyong sa ICU nasa 97% na po. Talagang it is in the midst of becoming overwhelmed.

So, ang panawagan namin sa National Government magpadala na tayo ng tao diyan, magpadala na tayo ng equipment, magpadala na tayo ng suporta natin dito sa mga lugar na ito lalo na iyong mga lugar na may certainty ‘no or there’s a possibility of the hospital system being overwhelmed.

Nakikita din naman ng DOH iyong nakikita namin eh and so last week—like for example sa Davao, nag-expand na rin ng capacity last week; dapat ready ang National Government to put up field hospitals in areas where the hospital capacity is already overwhelmed or about to be overwhelmed.

USEC. IGNACIO: Sa palagay po ba ninyo ay malaki naman po kaya—malaki ang maitutulong nitong 15 days na MECQ dito sa mga—kasama na po iyong Davao City hanggang June 20? At saka no po iyong projection ng OCTA na kapag hindi po naagapan itong mga pagtaas ng kaso sa mga nabanggit ninyong lugar?

PROF. RYE: Well, kapag hindi naagapan, iyun na nga ang nakikita natin—hindi naman rocket scientist ang kailangan diyan, nakikita na natin right now for Iloilo City the hospital capacity is close to being overwhelmed; Davao City is still good, it can manage, so ang suggestion, kapag naagapan iyan ang magandang balita doon hindi ho mao-overwhelm iyong hospital capacity or hospital system ho ng lugar, ng region na iyan or ng city na iyan. So, iyan ho ang first thing.

Number 2, may ginagawa naman po silang lahat, in fact, we’re seeing the heroism of our local governments, local government officials and workers, iyong mga frontline workers natin including iyong healthcare workers natin doon sa areas. I’m told from the ground na talagang nag-o-organize na sila and what will win the day talaga is the cooperation between communities, [garbled] and the local government whether it’s in Davao City or Iloilo City, that has been the important formula ‘no for reversing surges po.

So, kailangan ho talaga tulung-tulungan at may kumpiyansa kayo maaagapan naman ito. Ang ipinagdadasal natin siyempre sana ho wala na hong masawi dahil dito, madagdagan iyong mga mamamatay dahil dito kasi itong surge na ito lalo na if it’s driven—while we are hypothesizing it’s driven by the more contagious variants that have been spreading around the country, we hope sana that hospital care or critical care will be provided para wala na hong ma—may magkakasakit pero wala na hong mamamatay. So, iyon ang ipinagdadasal ho natin na wala nang masyadong mabibiktima nitong surge na ito.

But the surge is going through its motion so hindi pa siya nagpi-peak sa ibang lugar kaya ini-expect natin mas dadami pa iyong kaso at over a week or two makikita natin sa ospital iyan. So, this surge most likely the way it is it will last at least a month and we’ll see what will happen after one month of interventions and you know, working together by the city government, the private sector there and the communities.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Dr. Guido, dito daw po sa Metro Manila ay bahagya ring tumaas ang reproduction rate natin, tama po ba o nawala raw po iyong downward trend na naobserbahan ninyo sa mga nakalipas linggo? So, ano na po kaya iyong posibleng cause ng bahagyang pagtaas na ito o bumalik po iyong tinatawag nating pagbaba?

DR. DAVID:Thank you, Usec. Before I answer that question, I also want to add doon sa sinabi ni Professor Ranjit about the trend sa Mindanao, we actually made a projection na iyong Davao City will exceed iyong Quezon City based on the trends, so, it was in one of our previous reports and nangyari na nga siya because it is an upward trend. We haven’t revised it yet kung ano iyong magiging scale ng magiging—or iyong level na aabutin ng cases based on projections but we will be revising those soon.

And Professor Ranjit is correct, usually mga at least one month inaabot iyong surge sa isang locality. For example, Cebu City and NCR, it took us about two months for the surge to contain it. So, for a smaller LGU, usually one month at least as Professor Ranjit mentioned but sometimes it could take up to two months even with heightened restriction. So, iyon ang nakikita natin based on history.

Sa NCR naman, there was a slight reversal in the trend last week pero ngayon we’re back on a downward trend. So, the reproduction number increased which mean iyong pagbaba ng cases bumagal but we’re still now on a downward trend. Iyong reasons for that, we saw some small uptick in some areas possibility due to super spreader events pero na-control naman agad itong mga ito because iyong local government natin – swift response. So, now we’re back on a downward trend.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Professor Ranjit, dahil nagsisimula na tayo daw pong magbakuna expectedly ay bababa sana ang kaso ng COVID-19 pero ngayong dumarami na rin po iyong binabakunahan eh dumarami pa rin daw po iyong nahahawaan. So, ano daw po ang maipapayo ninyo sa mga LGU at mga kababayan natin mula sa mga areas of concern na ito?

PROF. RYE: Unang-una, napakakaunti pa ng nababakunahan sa buong bansa ‘no, less than 2% of the total number of vaccinations we need to do. Napakakaunti pa to have an effect, so iyon ang sagot ko sa tanong ng media. We need something like 32-50% to see significant changes in the trends as far as the epidemic is concerned.

Masaya ako na nagro-rollout na iyong ating vaccination program, sana ho the government’s eagle eyes, focus on the ball, simulan na talaga dito sa NCR+ at ubusin na talaga lahat ng kailangang mabakunahan dito. If government will stick to the plan, we will have some good news by September/October po as far as containment is concerned.

And if we work really hard together – iyong government, private sector, tayong mga individuals and communities, we will have a better Christmas definitely, that Christmas 2021 will be very different and will be a better Christmas than we had last year, siguro mas marami na tayong nasa labas dito sa NCR plus area.

So iyon po, while we are going through our vaccination program lagi tayo magiging vulnerable, kapag hindi pa natin na-reach iyong 50 to 70%, vulnerable tayo to surges and outbreaks. So kaya ang kailangan lalo pa tayong mag-ingat po. Hindi po panahon para magkumpiyansa o magpabaya, dapat tuluy-tuloy pa rin iyong testing, tracing and isolation, iyong programa ng local and national government tungkol diyan.

Dapat tuluy-tuloy pa rin ang monitoring and enforcement ng minimum public health standards at tayo po, mga kababayan ay dapat tuluy-tuloy pa rin ang laban. Hindi pa po tapos ang laban natin with COVID and kailangang magtuluy-tuloy pa rin iyong pagsunod natin sa minimum public health standards. Iyan po talaga kasama ng bakuna ang tatalo sa COVID. Kung wala ka pang bakuna, parang bakuna po ang magsuot ka ng face shield, face mask, maghugas-kamay, mag-social distancing.

So while iyong vaccination program is being rolled out at hindi pa malaki ang porsiyento ng nababakunahan dito sa lugar natin at sa bansa natin vulnerable tayo sa mga surges and outbreak. Kaya tuluy-tuloy pa rin dapat ang pag-iingat natin.

USEC. IGNACIO: Panghuli na lang po kay Dr. Guido. Sir, sinabi mo na bumalik tayo doon sa downward trend, itong NCR+8 natin. So sa palagay po ninyo  by June 15, kasi nasa GCQ with restriction tayo, puwede na po ba na magkaroon tayo ng mas maluwag na quarantine restrictions?

DR. DAVID: Well Usec, that’s a matter for discussion. We will see, kasi right now ang bilis mag-change ng trend. So last week, we were just on an unfavorable trend and now we are on a downward trend. So maybe we could wait for the numbers pa and then we can check, I mean I know malapit na iyong June 15, but this is something na we should care to look at. I think maybe we can talk about easing restrictions gradually pa ulit, adding more capacities which is what we have done, kasi so far iyong nakita nating transmissions nangyayari sa communities eh, rather than in work places or in business, because they have been very careful. I mean business establishments have been very careful with pandemic response nila and management. So, but this is definitely, you know, matter for discussion within the next few days. Let’s look at the numbers pa muna.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Team. Salamat po sa inyo.

PROF RYE: Salamat, Usec.

DR. DAVID: Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol, mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, humihiling naman o in-extend ng Malacañang hanggang June 12 ang diversion ng mga flights papuntang Cebu patungo sa NAIA dito sa Pasay. Ito ay sa kabila ng panawagan ng provincial government na hayaan silang ipatupad ang mga sarili nilang polisiya para labanan ang COVID-19. Magbabalita si John Aroa. John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu.

Samantala, silipin naman natin ang pagbabakuna ng San Juan City sa kanilang essential workers. Una dito, hinimok ni Mayor Francis Zamora ang mga manggagawa at negosyante sa kanilang lungsod na magpabakuna kontra CONVID-19. Lalo daw makakatulong ito para makabangon ang iba’t ibang mga industriya mula sa epekto ng pandemya. Ang update doon alamin natin mula kay Patrick De Jesus, live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.

Samantala, humihiling naman ng tulong ang Benguet Provincial LGU mula sa National Task Force against COVID-19 para mas mapaigting pa ang COVID testing sa probinsya. Alamin natin ang detalye ng balita mula kay Rachelle Garcia, live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Rachelle Garcia ng PTV-Cordillera.

Maraming salamat din sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Maraming salamat din po sa pagtutok ninyo sa amin ngayong umaga. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)