USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Sama-sama nating alamin ang pinakahuling balita tungkol sa pagbabakuna laban sa COVID-19 maging ang iba pang mahahalagang usaping may kinalaman sa pandemya. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa naging pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay muling binigyang pagpupugay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga frontliners na patuloy na tumutulong sa bansa para labanan ang COVID-19 – sila po ang mga health workers, uniformed personnel at iba pang itinuturing na frontliner na tinawag ng Pangulo bilang modern day heroes. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Maging ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ay nakikiisa na rin sa ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan laban sa COVID-19. Noong nakaraang linggo kasi ay sinimulan na rin ng MMDA sa pakikipagtulungan sa Mowelfund ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng entertainment industry na kabilang sa A4 priority list.
Kaugnay niyang ay makakausap po natin si MMDA Chairperson Benhur Abalos. Good morning po, Chairman.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang umaga at tanghali, Usec. Rocky. At sa lahat po ng mga nakikinig, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson, kumusta na po iyong naging rollout ng pagbabakuna ng MMDA at ng Mowelfund sa mga nasa entertainment industry? So far, ilan na po iyong mga nabakunahan?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Actually ‘no, mga 120 pa lang. Karamihan po sa kanila, alam ninyo iyong mga behind camera ‘no, ito po iyong mga tagahawak ng ilaw; ito iyong mga scriptwriters ‘no. At saka nakita naman natin, karamihan ay pasok po talaga sa A1, A2 and A3. Iyong iba ho ay mga workers ‘no, mga workers po natin. Makikita ninyo diyan si Joross; ang aking teacher, si Jovi Reyes po senior citizen; si Tita Boots Anson-Roa, senior citizen na rin; sila Rez Cortez, senior citizen.
Sa totoo lang, Usec. Rocky, kawawa talaga ang industriya, halos isa’t kalahating taon sarado ang sinehan. Pati mga takilyera ng sinehan, tinutulungan na rin natin para makabangon sila, iyong mga workers po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami nga rin ay natutuwa kasi alam naman po natin iyong epekto sa entertainment industry ng pandemya. So parang ito na rin iyong magiging daan para talagang makabangon sila. Pero ang tanong po, saan daw po galing iyong allocation ninyo ng bakuna, Chairperson? At anong brand po ang itinurok sa kanila?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, kung hindi po ako nagkakamali, ito ay Sinovac po ‘no. At ang allocation po nito ay of course iyong allocation po natin sa mga A4s, MMDA. Sa totoo lang, ako ay natutuwa dahil kanina ay nagkaroon na kami ng Monday program sa MMDA, outdoor. At ako ay natutuwa, for the last two weeks, wala na hong kaso ng COVID mismo sa MMDA. Halos siguro mga 60% ay nabakunahan na namin. Samantala noong araw, talagang sabihin na natin tuwing papasok ako rito parating kailangan isarado ko ang isang departamento. Ito ay nagpapatunay lamang na isipin ninyo zero cases na ang MMDA. Ito iyong nasa ground sila, mga traffic enforces, mga nagki-clearing, mga workers. Ito iyong nagpapatunay na talagang mabisa ang bakuna. Nakakatuwa talaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson, ilan daw po ang mga bilang ng mga manggagawa ng entertainment industry na projected ninyong mabakunahan? Ito po ba raw ay magtutuluy-tuloy hangga’t hindi po natatapos ang vaccination program ng pamahalaan?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, tuluy-tuloy po pero kukonti po ang—siguro, mga pa-singkuwenta-singkuwenta munang bakuna, mga 50 vaccines to 100 vaccines. Kung may makukuha po tayo ‘no, ganoon lang po. Kasi importante rito iyong nakapila po silang lahat. Inaayos po natin iyong tamang proseso po rito, iyong pagpapalista at pagpuproseso.
Kaya nga ito ang ating palatuntunin sa buong Pilipinas, iyong ginagawa natin, dahil tama po naman sila Secretary Charlie, tama ang ating Pangulo na ang bakuna ay talagang dapat [unclear] lalo sa mga probinsiya ngayon ay talagang sabihin na nating may surge. Inuuna po sila ngayon kung saan nagka-surge dahil naranasan din ito ng Metro Manila.
Pero alam ninyo, gusto ko ring—sa puntong ito ‘no, gusto ko ring ibalita na nakakatuwa sa Metro Manila dahil sa humigit-kumulang na dalawang linggo, -16.5 na po ang growth rate, -16,5. Ang daily attack rate ay 6.76; at ang bed occupancy po ay humigit-kumulang 36%. So napakagandang mga numero ito. And to give you an example ‘no, talaga pong tinututukan dito iyong mga senior citizens and persons with comorbidities ‘no.
I’ll just give you an example po, sa Mandaluyong, Usec. Rocky. Sa Mandaluyong, ang senior citizen na nabakunahan na nagparehistro sa MandaVax ay 80% na first dose. Eight percent na senior citizens ng Mandaluyong ay nabakunahan ng first dose. Pero iyong hindi naman nagparehistro, iyong talagang total percent lang ng senior, siguro mga 75% na ho ang nabakunahan. So ito ay nakakatuwa, bakuna tayo nang bakuna without losing sight doon sa mga A1, A2 and A3 natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Chairperson, ano naman daw po ang estado ng vaccination rollout dito sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw? May mga huminto ng pagbabakuna dahil daw po sa, sabihin natin na medyo nagkulang po ang supply?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, wala namang huminto ‘no. Medyo sabihin na nating inalalayan lang natin dahil hindi naman natin masasabi, this is a global problem talaga, iyong ating mga bakuna. Kaya napakasuwerte nga natin at napakasipag ni Secretary Galvez na ang daming nakukuha para dito po sa ating bansa.
In fact, pinaghahandaan namin ang 11 million na makukuha niya sa buong bansa. Hindi ko alam lang kung ilan ang maa-allocate sa Metro Manila. Pero kung marami-rami ito, isa lang ho ang masasabi ko: Handang-handa ang mga mayors po natin; handang-handa ang mga medical frontliners natin para dito po.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Abalos, may tanong lang po si Maricel Halili ng TV5 para sa inyo: Will the government sanction Manila government for insisting on first come, first serve for vaccination? Hindi ba ito cause for super spreader?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, actually, iyong sa nangyayari ngayon sa Maynila ay pinag-uusapan naman iyan ng DOH at ng City of Manila and right now siguro may mga kaunting adjustments lang siguro na gagawin dito if ever but I would say that all LGUs are really very efficient dahil halos nauubos na nila iyong ina-allocate sa kanila eh. Sa totoo lang halos nauubos na, so, these are just very rare instances pero dini-discuss naman po iyan dahil on the ground napaka-active po ni Director Balboa, ng mga DOH team po ‘no at ni Usec. Cabotaje.
USEC. IGNACIO: Opo. Maiba naman tayo. Tungkol naman po sa traffic sa major thoroughfare sa Metro Manila, particularly dito sa EDSA. Kayo po ay personally po ba masasabi ninyo na na-solve na iyong traffic congestion sa EDSA kagaya po ng naging pahayag ni Pangulong Duterte?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, I’ll just give you the numbers ‘no. Importante rito ay ang numero dito. Alam ninyo, nagpakuha po kasi ng volume of traffic, importante iyong number of volume na before the pandemic at sa ngayon. Pero ang pinaka-latest kong nakuha ay itong May, last month. Lumalabas po na iyong travel time na dating 21% na northbound ay naging 25.4 na at iyong 11 na takbo sa southbound – this is from Monumento to Roxas Boulevard ay 31.76 pero ang volume ng vehicles ay hindi na ho nagkakalayo, halos pareho na. This was taken last month po.
Ang masasabi, kaya tama ang Presidente dito maraming factors dito, Usec. Rocky. Number one, malaking bagay noong bus carousel; ang laking bagay noong LRT; ang laking bagay ng mga ginagawang bagong kalye ng Department of Public Works – samahan sila ng DOTr and of course nagbukas pa ng bagong tulay ngayon, ito po iyong tinatawag na Sta. Monica Bridge. Ito iyong tulay na magdudugtong ng Pasig papuntang BGC at papuntang Kalayaan. Instead of Passing through Guadalupe Bridge, dito na sila magsho-shortcut at next month kung hindi ako nagkakamali nga July or September even bubuksan na rin ang isa pang tulay, ang Mandaluyong to Makati Bridge.
So, ito ay talagang maiibsan ang daloy ng trapiko ng EDSA hindi lamang ang sistema ng bus carousel, ng mass transport, kasama na rin po rito ang mga infrastructure na ginagawa po ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Chair Abalos, malaking tulong nga po ang skyway, ano po, para ma-decongest nga ang EDSA pero paano po daw kapag magsisimula na iyong pagbabayad ng toll sa Skyway 3 sa mga motorist? So, nakikita ninyo po ba na puwedeng magsikip ulit iyong ating major thoroughfares?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, if ever naman na mangyayari po iyan, Usec. Rocky ‘no, nakahanda naman ang MMDA and by that time marami na ring mga kalye na napagawa ang Department of Public Works at marami ng mga infrastructures. In fact, natutuwa ako dahil nga kamukha ng sinabi ko, itong Sta. Monica Bridge na magtatawid ng Pasig to BGC ay ang laking tulong; itong Mandaluyong going to Makati ay malaking tulong not mentioning the fact na halos tinatapos na rin nila iyong LRT dito po sa Marikina papunta po rito sa Masinag at isa pang napaka-importante itong isa pang LRT naman ng DOTr, magmula naman dito sa Commonwealth papunta naman itong Bulacan ‘no. Kung hindi ako nagkakamali by next year matatapos na rin po ito.
So, hintayin po natin sabay-sabay po lahat it at sa totoo lang dito natin makikita ang malaking diperensiya talaga sa Kalakhang Maynila.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Abalos, may tanong lang po si Ivan Mayrina para sa inyo, babasahin ko na lang po, ‘no: May kumakalat daw pong larawan na kuha sa EDSA carousel nitong Biyernes ng gabi at makikita po dito iyong siksikan daw po ang mga pasahero na halos wala ng physical distancing. Maging ang LTFRB nagulat sa naging dagsa ng mga pasahero. Ano ho ang masasabi ng MMDA dito? Hindi ba ito cause of concern lalo na ang direksyon natin ay unti-unting pagluluwag pero hindi ito ba magiging cause ng another surge in the making kung hindi daw po ito mapipigilan, Chair Abalos?
MMDA CHAIR ABALOS: Yes. Ito po ay dinala na namin sa atensiyon ng Department of Transportation ‘no. Nakita ko na rin po iyong kumakalat na iyon para alamin po nila kung anong nangyari tungkol po dito sa mga buses. Kasi if ever, madali naman po mag-assist ang MMDA dito. Iyon kasing mga pagtatawag ng mga buses, kung gaano karaming buses is under the supervision po ng DOTr and I believe they are making several adjustments na po kaagad dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairperson, may ilan pong katanungan din para sa inyo ang mga kasamahan natin sa media. Mula po kay Gerard Dela Peña ng TV5: Ano daw po ang nakikita ninyong dahilan kung bakit bumibigat na ulit ang traffic sa EDSA ngayon? Are we back to the old normal?
MMDA CHAIR ABALOS: Yes. Sa totoo lang iyong kaunting traffic na ganito, ako, kaysa iyong walang tao sa kalye parang in a way parang nakikita ko na, wow, sisigla na sana ekonomiya naman natin. Ang mga tao ay very confident na lalo na iyong nakakadalawang bakuna. Importante ang minimum health protocol and what is important ay talagang mag-ingat po tayong lahat.
At gusto ko ring i-announce, Usec. Rocky ‘no, na mamaya may meeting kami sa IATF tungkol dito sa ating quarantine, pero gusto ko nang i-announce ngayon para malaman ng lahat na nag-meeting ang mga mayors kagabi, nagkaroon kami ng votation. Mamaya ay ilalabas ang resolusyon or probably tomorrow na starting June 15, in-adjust na ng Metro Manila Mayors ang curfew sa Metro Manila. Hindi na po ten o’clock, magiging twelve o’clock to four o’clock na po ang curfew.
USEC. IGNACIO: Opo. Susugan ko lang po iyan. May tanong po diyan si Patrick de Jesus ng PTV. Ang tanong po ni Patrick sa inyo ay: Kapag luluwagan na daw po ang community quarantine restriction sa Metro Manila, handa na raw po ba ang ating mga LGUs upang masiguro na hindi ulit magkakaroon ng surge kagaya noong nangyari noong March?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, yes, handang-handa po tayo rito. Talagang mahigpit po tayo at hindi lamang iyon, kung kaunting taas ng kaso sa isang lugar, kamukha noong isang araw kausap ko si Mayor Toby Tiangco at sinasabi niya, minu-monitor niya, kung kaunting tumaas, ito ay kaagad na inaagapan ng mga alkalde dahil alam mo, isang bangungot iyong nangyari noong Marso, ito iyong nagkaroon tayo ng mga variant kaya lahat ngayon alert na alert at minu-monitor everyday ang daily attack rate.
Kaya nga hawak ko ngayon – ang daily attack rate natin is just 6.76; ang ating two-week growth rate, dalawang linggo ito, -16.5, ito ay DOH figures at ang ating bed occupancy ay 36.3 sa mga ospital – napakagandang mga numero. Pero huwag kayong mag-alala, handa ang MMDA dito. Talagang sisitahin ang mga walang mask at importante social distancing at magtulungan po tayong lahat dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Patrick de Jesus: Regardless daw po sa new community quarantine classifications, nabanggit ninyo na nga po na magkakaroon na ng adjustment dito sa curfew hours sa NCR mag-ii-start po after June 15?
MMDA CHAIR ABALOS: June 15 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman pa rin po ni Gerard ng TV5: Ano po ang ginagawa ninyong paghahanda daw po sa traffic para sa muling pagbabalik-trabaho at balik-eskuwela sa new normal kasi sabi ninyo nga po maging ang mga MMDA ay talagang naproteksiyunan nang todo at lumalabas na ho, so ini-expect po natin, Chair Abalos, na talagang marami na ring nagpabakuna, so, expect na marami na rin po ang lalabas at iyong posible na magluwag po nang bahagya ang restrictions?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, pinaghandaan po namin ito. Ang mga nasa ground naming empleyado lahat ay bakunado na; ang ating clearing officers; ang ating mga traffic enforces; ang ating tiga-walis prinoteksiyunan po muna namin sila.
Pangalawa, parati po silang on the ground, parati po kaming nakatutok dito. Mino-monitor po namin maigi kung dapat bang magkaroon na tayo ng color coding pero sa ngayon sa nakikita naming mga numero although ang ating volume ay halos pareho na noong pre-pandemic ay hindi naman kinakailangan dahil maganda naman ang daloy ng trapiko except kung nagkakasabay-sabay lang during traffic hours. Nangyayari po ito pero tuluy-tuloy naman po ito.
Iyong mga hukay-hukay na iyan ay pina-check ko lahat at pinagsabihan iyong mga kontratista na kung puwedeng i-schedule nang tama – siguro gawin nila every weekdays na lang ito. Iyong mga pagbaha sa mga iilang lugar ay talagang inaayos na ngayon para kung magkaroon ng flashflood ay maayos ito. Ako ay nagpapasalamat din kay Mr. Ramon Ang, tinulungan kami dahil nagkaroon ng flashflood kailan lamang sa Quezon City, naayos kaagad ito at natanggal iyong mga bara-bara doon.
Ang akin lang panawagan, please huwag tayong magtatapon dahil tag-ulan na, baka ito pa maging sanhi ng baha at of course dahil diyan baka magka-traffic pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po—follow up lang po ni Karen Villanda ng PTV: So, ano daw po ang dapat gawin para masolusyunan iyong mga paglabag sa social distancing ng mga pasahero kapag po umuulan dito daw po sa EDSA Carousel?
MMDA CHAIR ABALOS: Well yes, ang DOTr po ang namamahala po nito, sa EDSA Carousel ‘no, tinatauhan po talaga nila ito. Siguro nakikita kong importante rito is bilangin na kung ilan talaga ang bus ang naka-deploy specifically on certain hours na peak para mas maraming bus kaagad ang mailagay.
Sa hanay naman ng MMDA, tutulong kami na walang bara sa Carousel itself ‘no. Importante po iyong walang bara at walang pumapasok na ibang behikulo rito. Tutulong po kami dito sa DOTr.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Jason Rubrico ng SMNI: Ano daw po iyong update sa bike sharing station; kailan daw po ito magsisimula, Chair Abalos?
MMDA CHAIR ABALOS: Well iyong bike sharing ngayon ay kung hindi ako nagkakamali nasa bidding process pa ito at inaalam ko lang po ‘no dahil inabutan ko na lang ito eh. Panahon pa ho ni Chairman Danny Lim ito. Aalamin ko pong maigi.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon lang pong request si Tuesday Niu ng DZBB. Chair Abalos, pakiulit lang daw po kailan effective ang bagong curfew. Medyo naghina daw po iyong kanilang signal doon.
MMDA CHAIR ABALOS: Inuulit ko po, nag-meeting po ang lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila, nagkaroon kami ng votation. Inalam nila na—ito’y base ‘no sa daily attack rate na 6.76 at ang 2-week growth rate na -16.5 at dahil sa bed occupancy sa Metro Manila na 36.3, dahil dito minabuti nila na luwagan in the sense na ang curfew ay ia-adjust na ng 12 o’clock ng gabi.
Ito’y magsisimula sa June 15 ‘no, 12 o’clock ng gabi. This will give more time sa mga taong kakain sa restaurants, sa mga malls na magbukas, may travel time at siguro makakatulong nang husto na sa ating ekonomiya; ito ho’y pinasa ng lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Jayson Rubrico ng SMNI: Nananawagan daw po iyong isang cyclist association sa gobyerno na kung matatapos na ang bike lane project ay simulan na din daw po iyong pagtatanim ng mga puno sa kahabaan ng kalsada sa Kalakhang Maynila partikular daw po EDSA. Ano daw po ang update sa naturang proyekto?
MMDA CHAIR ABALOS: Nagkaroon po kami ng Green EDSA Movement kay Mr. Yap. In fact pinaayos ko na po ito ngayon ‘no dahil may mga lugar talaga na hindi puwedeng lagyan ng puno dahil masyadong makikitid po iyong ating mga sidewalk. Pinag-aralan po namin ito, titingnan po namin kung papaano namin magagawan ng paraan – sa gitna o sa gilid, maski mga hanging plants na lang siguro. At tama kayo, importante ang greening kung kaya’t—lalo na sa ilalim ay pinaayos ko lahat ng nasa ilalim ng mga poste ng mga Skyway, pinalinis po ng MMDA ito, pinaalis iyong mga basura, mga naka-impound na vehicle. At please, huwag kayong paparada dahil itu-tow kayo ng MMDA dito, may kaukulang ordinansa rito.
At may mga lugar naman na magaganda na nakikita ko’t binisita ko, ipapakita ko siguro ito next week sa press. May mga lugar na puwedeng gawing pocket garden sa ilalim ‘no, tataniman din namin ‘to, lalagyan namin ito. At of course may movement kami sa MMDA na Greening of Metro Manila – isang bahay, isang halaman. Ibig sabihin kung kakasya sa bahay mo na isang puno, magtanim tayo ng puno; isang maliit na shrub o kung anong puwedeng itanim, magtanim tayo. This is of course as part of iyong sinasabi nating urban decay; labanan natin ang urban decay ng Kalakhang Maynila.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Abalos, panghuling tanong po ni Jayson Rubrico ng SMNI: Update daw po sa clearing operations sa ilalim ng flyovers. Kailan daw po ito matatapos at ano na daw po ang mga gagawing pagpapaganda sa ilalim ng mga flyovers? Kasi Chair Abalos alam mo naman, magtatag-ulan—tag-ulan na ngayon ano, talagang nakakatakot din na may tao sa ilalim ng mga ‘yan na nakatambay o minsan diyan pa tumitira, Chair.
MMDA CHAIR ABALOS: Well iyon pong nakita naming nakatira, ito’y kinoordinate namin sa DSWD para matulungan naman sila ‘no dahil talagang, I mean, ang kahirapan ay iniintindi – mabigyan nang tamang tulong sa paglipat sa probinsya, ng konting puhunan.
At iyong sa ilalim naman ay pinatanggal natin ang mga behikulo, akin pong kinoordinate sa mga kapulisyahan dahil iyong iba raw impounded – dinala na namin sa impounding station namin sa Napindan, pinaimbentaryo ko lang maigi. Pinalinis namin maigi at iyong mga barriers na nandoon na nakabodega o nakatambak pinadala ko rin sa—para part of the reclamation na lang ‘no, ilagay na lang, pinadurog ko lahat ito, pina-condemn ko. At iyong mga ibang opisina namin doon, iyong may ibang vehicles na hindi gumagana, pinatanggal ko lahat.
Give us probably 1 week tapos na tapos na pong lahat ito. At hindi lamang iyon, maglalagay kami ng mga signs na talagang bawal pumarada, bawal tumambay sa ilalim; iyong mga ibang lugar papagandahin po namin ito, magtulungan po tayo rito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, MMDA Chair Benhur Abalos. Maraming salamat po. Mabuhay kayo and stay safe.
MMDA CHAIR ABALOS: Salamat po. Ingat po tayong lahat. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa nakalipas na limang araw ay nananatiling lampas sa limanlibo ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon po sa talaan ng Department of Health kahapon, June 13:
- 7,302 ang mga bagong nahawahan kaya umabot na sa 1,315,639 ang lahat ng nagkasakit ng COVID sa bansa;
- 7,701 naman po ang nadagdag na gumaling o sa kabuuang 1,232,986;
- 22,788 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi na kahapon po ay nadagdagan ng 137;
- Nasa 4.6% naman po ang total cases ng mga nananatiling aktibong kaso sa bansa katumbas ng 59,865.
Isa po ang Cagayan Province sa itinuturing na high risk area sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar. At bukas po, June 15, matatapos na po ang ipinatutupad na MECQ dito. Ang tanong po: Nakatulong ba ito sa pagpapababa ng kaso sa Cagayan? Mai-extend ba o mali-lift na ang MECQ sa lalawigan? Kaugnay niyan, makakausap po natin ang kanilang Provincial Health Officer na si Dr. Carlos Cortina III. Good morning po, Doc.
DR. CORTINA III: Good morning Usec. Rocky at saka sa lahat ng mga tagapanood at tagapakinig ng PTV-4. Magandang umaga po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bigyan ninyo muna kami ng overview sa sitwasyon diyan sa inyong lalawigan. Ilan po ngayon ang total cases ng COVID-19 sa inyong lugar at ilan dito po iyong nanatiling aktibo?
DR. CORTINA III: Bale ang total na cases na po dito sa aming probinsya ay nasa 15,000 na po, Usec. Rocky, at ang active cases namin is 1,874 this point in time. Bibigyan ko po kayo nang medyo konting history para malaman po natin iyong kalagayan ng COVID dito sa aming probinsya.
Mula March 2020 hanggang March 2, 2021 we have only 2,542 cases wherein mayroon din kaming 39 deaths. From March 3 up to yesterday, June 13, nadagdagan po ito ng 12,533 at we have also a 301 deaths. So makita po natin iyong mabilis na pagdami ng kaso natin. At alam natin na noong December pababa na po pero ito na iyong sinasabi natin na one of the health protocols na medyo binabantayan natin iyong mass gathering. That’s why pagdating po ng January, from a few hundreds lang noong December na, naging 863 noong January; of which noong February bumaba po ng 317.
But came the Resolution 101 ‘no of National IATF ‘no wherein medyo nagluwag po tayo sa ating mga protocols just to balance our economy. Unti-unti nang tumaas naging 1,331, then noong April ito iyong pinakamataas sa buong region po, umabot ng 4,787. Noong May naman medyo nag-uumpisa nang bumaba 441 but again this June up to yesterday, we have 2,028 cases. Eh kung iduboble po natin iyon, parang similar din lang siya sa past 2 months.
But ang medyo nakakatakot po dito is iyong mga death namin from 2 to 3 per month, ngayon umaabot po sa mga 4 up to 5 deaths per day. So parang sa isang buwan ngayon nakaka-100 plus kami for the past three months. So iyon po iyong picture ng kaso dito sa probinsiya ng Cagayan. That is why alam natin kagaya ng nasabi Usec. Rocky earlier that the province of Cagayan and the City of Tuguegarao is nasa top 10. In fact, ito ay binabantayan ng ating pamahalaan dahil iyong resulta ng OCTA Research survey is talagang nakitang mataas po.
USEC. IGNACIO: Doc, kayo ay nasa MECQ ngayon ano po, kasi June 15 magkakaroon po ng panibago na namang quarantine classification. Ano po ang mairirekomenda ninyo, dapat po ba ay mas higpitan pa muna, ilagay ulit kayo sa ECQ?
CAGAYAN PHO DR. CORTINA: Alam ninyo, Usec. Rocky ito na iyong mariing sinasabi ng ating butihing gobernador who happens to be also a physician, Doktor din po siya at itong nangyayari po kasi na pagtaas ng kaso dito ngayon sa Cagayan, na-explain na usually sa daily program niya na we imported this disease from other countries of which, siyempre nauna diyan sa NCR, dahil alam naman natin iyong nangyari noong March 2020 at saka itong later part of February wherein bumaba rin dito sa probinsiya iyong mga kaso.
Then, dito naman sa probinsiya naging sentro kasi ang Tuguegarao City, because the Tuguegarao City has all the provincial offices and the regional offices kaya mas marami ang kaso dito. And of course nagtatrabaho din sila sa other municipalities kaya bumababa doon, now pumupunta na sa barangay level. That is why ang ating butihing gobernador noong pag-upo pa lang niya, Usec. Rocky, nagbaba siya ng 500,000 na per barangay of the 829 barangays, so that is around 410 million. Then 3 million per municipality, so that is around half billion or ¼ of our IRA ang ibinababa ng aming governor dito sa LGU municipality and barangay.
Now, as early as last year nagbaba na siya ng 50,000 para doon sa preparation ng quarantine facility. And just noong nag-i-start na naman itong year na ito nagbaba na naman kami ng 100,000 per barangay with the intention na para ito sa isolation ng by barangay dahil we have 820 barangays and we have a case now of let say 1,800, eh kahit tatlong pasyente sa isang barangay, naka-quarantine lahat. Kasi ito ang naging isang naging problema especially in the city wherein marami ang mga naka-home quarantine at alam natin kapag home quarantine, wala tayong control, iyong paglabas, pagpasok ng tao sa bahay. So, ito iyong plan natin talaga na iyong facility quarantine ang unang gagawin, that is why in the next few weeks magbababa na naman ang ating butihing gobernador ng 100,00 each again for the barangays so that matulungan natin talaga.
In fact, dito sa Tuguegarao City we just gave 10 kilos per family para makatulong naman kami ng kaunti sa aming mayor dito sa Tuguegarao and that costed us around 12 million for the 2,000 families that we gave 10 kilos of rice per family. And right now, may dalawang munisipyo kami na medyo tumataas din ang kaso, Aparri and Baggao, so we are giving another food pack costing us around 400 pesos per family pack. So, iyon Usec. Rocky, iyong tinitingnan natin, iyong pagdi-develop talaga ng facility quarantine in all the barangays, iyan ang tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo at nakakabahala po iyong pagtaas din siyempre noong health care utilization rate sa inyong probinsiya. Sa latest report nga po ay halos nasa critical level na ito at 84%. Ano na po ang sitwasyon ng mga ospital diyan ngayon sa inyong lalawigan? Pinapayagan po ba ninyo iyong home quarantine dito sa mga nagpositibo? Doc, nawala po iyong audio ninyo.
CAGAYAN PHO DR. CORTINA: Kulang po iyong facilities po.
USEC. IGNACIO: Iyon nga po mataas na, nasa critical level na rin po iyong hospital utilization ninyo, 84% daw po at paano po iyong mga nagka-COVID, pinapayagan po ba ninyo na sa home quarantine o sa bahay magpagaling?
CAGAYAN PHO DR. CORTINA: Hindi po namin pinapayagan iyan, Usec. Rocky. In fact the province of Cagayan has 12 hospital and we have 2 quarantine facility and all – lahat ng munisipyo natin, mayroong community isolation unit. But dito po sa Tuguegarao, medyo kulang lang po iyong kanilang facility, dahil with a case of 800, hindi nila kayang ma-accommodate lahat iyon, dahil nasa 500 lang, utmost iyong kanilang facility which includes already the hospitals in the City.
Because at least we have, iyong parang East Avenue diyan sa Manila or San Lazaro, iyong DOH referral hospital, we have here in Tuguegarao City and we have four other private hospital na level 2. So nakakatulong po iyon sa pag-treat namin noong mga positive cases. So bale sa mga ospital po naman naming, we have at least around 150 bed capacity. Medyo tama iyong sabi ninyo, kung sa COVID ward namin, medyo napupuno, mga nasa 80%, pero doon naman sa mechanical, ventilator, iyong mga ICU po namin, medyo bumaba na kaunti, nasa 60% lang po tayo ngayon.
USEC. IGNACIO: So, Doc ulitin ko lang po ano. Nasa MECQ kayo pero irerekomenda po ba ninyo or kailangan na mas mahigpit na quarantine classification like bumalik po sa ECQ ang Cagayan?
CAGAYAN PHO DR. CORTINA: Puwedeng i-maintain na Usec. Rocky sa MECQ, dahil bumababa iyong kaso, parang nag-plateau siya, although mataas na plateau, meaning nasa 1,009[sic] to 2,000 iyong parang active case namin. So mas maganda na mai-maintain natin sa MECQ pero with the increase of the number of barangay facility quarantine po, kaya magbaba na naman kami another 100,000. That’s 200,000 per barangay just for the building up of a facility, quarantine facility na sabi nga ni Governor earlier this morning sa programa niya, siguro habang on the way siya kanina ng isang radio station namin dito, na parang reserba.
Dahil ang nangyari kasi dito, Usec. Rocky, hindi naman iyong dami ng pasyente is nasa isang barangay lang. Although majority in the province ay nasa 35% po ang barangays na affected out of the 820 and in the city of Tuguegarao, sa 49 barangays, 45 ang mayroong kaso, so ganoon iyong picture dito po sa province. That is why very important iyong isolation facility, dahil kapag sa bahay talaga hindi po puwede iyon, Usec. Rocky. Hindi natin makukontrol iyong transmission kapag ganoon. Dahil that was the study in Cebu na dahil sa home quarantine, that was the culprit at saka iyong super-spreader na sinasabi nila sa mga work places natin sa lunch time kapag nagtatanggal na tayo ng mask, doon na iyong transmission of the disease.
USEC. IGNACIO: Opo kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak, Cagayan Provincial Health Officer, Dr. Carlos Cortina III. Mabuhay po kayo, Doc and stay safe.
CAGAYAN PHO DR. CORTINA: Kami ay nagpapasalamat din po, Usec. Rocky at saka sa PTV 4 at sa ating butihing Presidente, sa palaging pagtulong niya sa aming probinsiya lalo na itong darating na mga panahon na magkakaroon na ng flooding doon sa dredging ng Cagayan River. So maraming salamat po at God bless us all.
USEC. IGNACIO: Samantala, muli namang sumaklolo ang tanggapan ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa daan-daang mga pamilya na nabiktima ng sunog mula sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Rizal. Alamin natin ang detalye niyan sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid ‘yan ni John Mogol mula as PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, bago pa man po nagkaroon ng pandemya, malaking problema na ang usaping plastic sa ating bansa at lalo pa nga itong lumala ngayong higit isang taon na rin tayong nakadepende sa face mask at face shield para protektahan tayo laban sa COVID-19. Ang pagdami po ng medical waste na ito sa ating mga karagatan at kapaligiran, posible daw pong magdulot nang mas malalang epekto sa ating kalusugan. Kaya naman po aalamin natin ang hakbang na ginawa ng DENR para tugunan ang problemang iyan, makakausap po natin si DENR Spokesperson Undersecretary Benny Antiporda. Good morning, Usec.
DENR USEC. ANTIPORDA: Yes. Good morning ma’am and good morning to our listeners and viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. base po sa pag-aaral ng DENR, gaano karaming plastic waste partikular itong mga medical waste sa nadagdag sa ginagamit at tinatapon natin simula po nang nagkapandemya?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, medyo lumaki po iyong volume ng atin pong mga basura especially ito pong mga tinatawag nating household healthcare waste na kinabibilangan nitong face mask and face shield po natin. Well, nagiging problema po kasi natin dito is iyong tatapunan po talaga ano po. Kung mapapansin natin kapag nagkalat po sa kalye ‘yan, wala pong naglalakas ng loob na pulutin ito dahil alam naman po natin ang main objective po nitong face mask is to protect us against the virus ‘no. So hindi po siya napupulot then at the same time sakaling may maglakas-loob po na pulutin ito eh hindi naman po alam kung saan itatapon ano ho.
Kung kaya’t ito po iyong naging hakbang ng DENR wherein we came up with the National Solid Waste Management Commission Resolution. Ang komisyon po ay naglabas po ng Resolution 1364 providing guidelines on the management of COVID-19 related waste ‘no. And of course iyon ngang Resolution No. 1429, Series of 2021 eh enjoining all national government agencies to provide yellow bins in their respective premises for the proper storage of household healthcare waste and coordinate with respective LGU for transport, treatment and disposal of such waste.
Coordinated po ito sa PCG, sa DILG; sa PCG po pati ho iyong mga sea vessels natin ay sinasabi nating kailangan na pong mag-maintain nitong yellow trash bin na ito para po dito itapon ang ating mga healthcare waste na ‘yan ano po.
We in the DENR, we walk the talk wherein kung ano po iyong naging statement po natin na kailangan magkaroon ng trash bin na kulay dilaw ay ganoon po ang iniutos po ng ating Kalihim Roy A. Cimatu sa atin pong mga tanggapan dito kung kaya’t iyan po ang aksiyon na ginagawa ng DENR.
And of course under procurement din po, iyong ipamimigay naman po sa lahat ng LGUs. But of course, it will not be sufficient dahil sa laki po ng ating bansa, hindi naman po kayang pondohan lahat ‘yan. Pero hinihiling po namin iyon pong seryosong pagtulong ng atin pong mga local government units para ho maisakatuparan itong yellow trash bin kung saan ang tao po ay may direksiyon kung saan po nila itatapon ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman po implementasyon nito?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, nakapag-implement na po tayo sa Manila and some other parts here in the NCR Plus ano po. Kung saan po iyong mataas ang mga COVID cases ay nag-i-implement na po tayo – paunti-unti ay namimigay po tayo. But again, iyong big bulk of this eh lalabas po as soon as possible dahil tapos na po [garbled] ipamigay sakaling mai-deliver na po ito dito sa DENR.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., reaksiyon naman po ng DENR na pito po mula sa sampung ilog at dagat sa buong mundo na kinukonsiderang may malaking problema sa plastic ay galing daw po sa Pilipinas.
DENR USEC. ANTIPORDA: Well first of all, hindi po natin alam kung saan naging basis po nila rito. Yes, indeed mayroon po tayong problema dito po sa mga disposal ng plastic waste natin. But again the government is doing everything to make it sure na maging better Philippines po tayo when it comes to environmental protection especially diyan po sa usapin sa plastic ano po. Nakita naman po natin ang mga pagkilos hindi lang po ng DENR pati ng National Solid Waste Management Commission para ma-control po ito. And once and for all, iyon pong tinatawag po namin dito na unnecessary single use plastic ay talaga pong isinusulong namin na once and for all ay matigil na po ang paggamit dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero kung may mahuhuli daw po na medical facilities o kahit na individual na hindi nagtatapon nang tama sa mga medical waste, ano po ang parusang naghihintay sa kanila?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, mayroon pong kulong din iyan at mayroon pong mga penalties diyan dahil alam naman po natin na kagaya ho ng sinasabi ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na iyan pong mga basurang iyan ay hindi lang po basta basura iyan; iyan po ay maaaring ikamatay ng ating kapwa Pilipino, ng iba pang tao na mahahawa dahil sa kapabayaan po natin. Ito naman po, ang atin ay talagang pilit po nating ginagawa ng paraan, although we are shocked ‘no by the volume of this household/health-care waste. We never expected that this will end up in our doorsteps.
But again, being the action of the government ‘no, talagang we see to it na mayroon pong direksiyon iyong pagtapon nito. And one initiative na nagawa rin po ng ating DENR-EMB headed by Director Cuñado eh talaga hong pinadali natin iyon pong mga permits ng mga treatment facilities, napakarami pong permit na naipasa po natin para ho ma-accommodate po iyang mga medical waste na iyan na manggagaling po sa ating mga medical facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Benny, basahin ko lang itong tanong mula sa media. Tanong ni Cresilyn Catarong mula sa SMNI: Ano daw po ang update sa Manila Bay rehabilitation? Kailan po ito posibleng matapos at kailan posibleng mabuksan sa publiko?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, about the Manila Bay rehabilitation, actually it is beyond my jurisdiction to answer this ‘no. But I will just give you some inputs na lang ‘no para hindi naman po masayang iyong tanong.
Well, the DENR is fast-tracking everything. Personal pong pinangangasiwaan iyan ng ating Kalihim Roy Cimatu, of course, headed by the Task Force head na si Usec. Jonas Briones. Well, based on the information na natanggap po ng inyong lingkod is minamadali po iyan na maaari po hanggang July ay mai-open na iyan o matapos na po iyang proyektong iyan.
So rest assured na ang taumbayan po ay may makikitang malaking pagbabago at pagganda ng atin pong Manila Bay.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Cresilyn Catarong ng SMNI: Ano po ang maiiwang legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usaping ng pangangalaga sa kalikasan?
DENR USEC. ANTIPORDA: Well, of course, unang-una, ito pong mga ‘ika nga ay iyong unang ginagawa ng ating Pangulo na ang akala ng ating mga kababayan ay imposible, kagaya po nitong paglilinis po ng ating mga shorelines, nitong ating mga water bodies and of course, itong Manila Bay.
Well, iyong Manila Bay po ay nililinis. Ang tingin po ng tao ay Manila Bay lang ang nililinis – No! We are cleaning all the water bodies starting from your households to the creeks, to the rivers and all the way to the bay ‘no, to the ocean. Lahat po iyan ay nililinis po natin. But of course, it will take time para ho maging malinis po lahat iyan. But again, you can see the drastic change in what the DENR is doing to, again, save our environment and of course, protect it.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Benny Antiporda mula sa DENR. Mabuhay po kayo at stay safe!
DENR USEC. ANTIPORDA: Mabuhay rin po kayo at maraming salamat. Lagi lang po nating tatandaan: Ikaw, ako, tayo ang kalikasan kung kaya’t pangalagaan po natin. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling balita mula sa hilaga. Magbabalita sa PTV-Cordillera si Jorton Campana:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jorton Campana ng PTV-Cordillera.
Mula naman sa Rehiyon Onse, magbibigay ng update si Jay Lagang mula PTV-Davao.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV-Davao.
Maraming salamat po sa pagtutok ninyo sa amin ngayong umaga. At bago po kami magpaalam, kami po ay bumabati ng isang maligayang kaarawan sa ating mapagkawanggawa at tunay na may malasakit na senador, si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go. God bless po, Senator!
Muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo bukas dito lamang po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)