USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, muli naming ihaahatid sa inyo ang mga balita’t impormasyon na mahalaga pong mapag-usapan at malaman ng taumbayan.a Makakasama pa rin po natin sa isang oras na talakayan ang mga panauhin mula po sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Ngayong araw po ay makakasama natin sa programa sina Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero; Undersecretary Joseph Encabo – ang Chairperson po ng Cooperative Development Authority; at si Dr. Edsel Salvaña – Infectious Disease Expert at member po ng DOH Technical Advisory Group.
Kung mayroon po kayong mensahe sa kanila, mag-comment lamang po sa ating live streaming sa PTV YouTube account at sa Facebook account.
Dumako naman po tayo sa mahalagang anunsiyo mula sa IATF:
Ayon po sa Tagapagsalita ng Pangulo na si Secretary Harry Roque, itinaas na ang deployment ceiling ng mga bagong healthcare workers for mission critical skills sa 6,500 mula sa dating limandaang katao lamang. Maaring mapasama rito ang mga healthcare workers na may hawak na kontrata hanggang May 30, 2021. Mananatili namang exempted sa ceiling na ito ang mga healthcare workers na nasa ilalim ng government-to-government labor agreements.
Upang mas mapaghandaan naman ang validation ng vaccination certifications, iniurong ng IATF sa June 22, araw ng Martes ang mas maikling quarantine protocols para sa nga in-bound travelers na fully vaccinated na rito sa Pilipinas.
Iginiit naman po ng IATF, mangingibabaw pa rin ang kanilang quarantine protocols sa lahat ng entry points sa bansa para sa mga papasok na international passengers kahit na may sariling patakaran ang mga local government units.
At panghuli po, nirirekomenda na ng IATF sa Pangulo ang pagsusuot na lamang ng face shield sa mga enclosed o indoor spaces gaya ng mga ospital, eskuwelahan, lugar ng trabaho, mga commercial establishments tulad ng pamilihang-bayan, public transportation at pook-sambahan.
Samantala, tiniyak naman po ni Senator Bong Go na walang masasayang na pondo para sa COVID-19 programs ng pamahalaan dahil kumpiyansa ang senador sa pamamalakad dito ng Duterte administration. Nagbabala naman si Go sa mga nagpapakalat nang maling impormasyon na maaaring makaapekto sa isinasagawang vaccination rollout sa bansa. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, isang paglilinaw lang po – itinaas na ng IATF sa 6,500 mula po sa 5,000 ang deployment cap ng health workers.
Isa po ang Bureau of Customs sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakapagdadala po ng kita sa ating bansa. Pero mula ng nakaraang taon, paano ba sila nakasabay sa hamon na dala ng COVID-19 at ano ang kontribyusyon ng ahensiya sa ating laban sa pandemya, aalamin po natin iyan mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Magandang araw po, Commissioner!
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Magandang umaga Usec. Rocky at magandang umaga sa ating mga tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa ating Laging Handa Public Briefing. Ang ating bansa po ay biglang niyakap ang mundo ng online transactions dulot ng pandemya, so ano pong ICT systems ang ipinatutupad ngayon ng Bureau of Customs na makakatulong po sa mabilis at ligtas na transaksiyon at operasyon po sa inyong tanggapan?
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat, Usec. Rocky, para sa pagkakataong ito na maipaliwanag sa ating mga kababayan ang mga innovations at mga improvements na ginawa natin sa Bureau of Customs para maihatid natin ang serbisyo sa ating mga mamamayan.
Ngayong panahon ng pandemya gaya ng sinabi mo, tumuon ang ating pansin ‘no sa pag-i-improve ng ating information communication technology projects kung saan hinahatid natin ang serbisyo sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng bagong teknolohiya ‘no, mga web based technology.
Sa ganang panahon ng pandemya, ang pinakamalaking naitulong sa ating mga mamamayan ay iyong ating Customer Care Profile System kung saan ay ang Bureau of Customs ay pupuwede nang tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga importers and exporters sa pamamagitan ng online ticketing system.
Of course, mayroon din tayo, iyong ating balikbayan tracking system, balikbayan package at saka parcel tracking system kung saan iyong ating mga mamamayan na may mga kargamento o packages na ipinapadala sa ating bansa ay puwede nilang subaybayan at alamin kung ano ang status ng kanilang mga kargamento.
Mayroon din tayong goods declaration verification system kung saan napapadali ang pagproseso noong ating mga shipments especially iyong mga shipments na dumadaan sa ating mga Puerto. Mayroon tayong electronic tracking system for container and cargo dahil ito ay kinakailangan para siguraduhin natin na ang lahat ng mga kargamento ay dumarating sa kani-kanilang mga tamang destinasyon.
Mayroon din tayong unified risk management system. Ito ay ginagamit natin para siguraduhin na iyong mga kargamentong pumapasok dito ay napo-profile natin nang maigi nang sa ganoon ay napoprotektahan naman natin ang ating ekonomiya laban sa mga smugglers.
So, ito iyong mga ilan lang sa mga proyekto na ginagawa natin. Of course, tuloy pa rin ang pag-improve natin ng ating electronic to mobile system, ang ating main computer system dito sa Bureau of Customs na siyang nagha-handle ng pang-araw-araw na transaksiyon lahat dito sa Bureau of Customs sa pangkalahatan sa buong Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Commissioner, maliban po sa ICT system na ini-implement ng BOC, so paano daw po hina-handle ng inyong tanggapan iyong tinatawag nating minimal human interaction ngayong may pandemya ano po? Nagpatupad po kasi tayo ng skeletal workforce sa mga opisina ng pamahalaan para po maiwasan iyong mabilis na pagkalat ng virus.
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Tama iyon, Usec. Rocky ‘no. Para maipatupad natin ang ating minimum health standards and of course iyong quarantine protocols, ang Bureau of Customs ay nag-implement ng no contact policy. Sinimulan natin ito noong 2019 at naisagawa natin ito nang pangkalahatan noong nagsimula tayo noong February 2020 kung saan binuksan natin ang ating unang customer care portal system at customer care center.
Ito ay isang pasilidad kung saan ang ating mga tumatangkilik sa Bureau of Customs ay puwedeng puntahan upang mag-follow-up ng kani-kanilang mga dokumento. Sa pagkakataong ito at sa pamamaraang ito nali-limit natin ang face-to-face transaction at nako-confine natin iyong mga movements ng mga transacting public dito sa Bureau of Customs.
Of course mayroon din tayo, iyong sinasabi nating customer hotline, iyong ating 8705-6000 kung saan pupuwedeng tumawag din ang ating mga kliyente para mag-follow-up at magtanong kung ano man iyong kanilang mga suliranin at mga concerns dito sa Bureau of Customs.
USEC. IGNACIO: Commissioner, ano naman daw po iyong strategy ng Bureau of Customs nang magsidatingan po itong mga PPE, medical supplies at siyempre iyong mga bakuna sa bansa na napakahalaga po ngayon, ano po? Ano po ang ginawa ninyo para po walang delay na mararanasan sa mga napakahalagang kargamentong ito?
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Malaki ang naitulong ng ating inter-agency task force sa pagdi-determine ng mga proseso at procedures na pinapatupad ng Bureau of Customs. Pero ang pinaka-key dito, iyong pinakasusi sa mabilis na pagproseso dito ay iyong pagtatayo namin ng aming mga one-stop shop offices sa ating mga Puerto most especially sa NAIA, sa mga airports natin – sa NAIA, sa Cebu at sa Davao na kung saan directly na ‘no, na sila na ang tumutugon at nagpoproseso.
Ang ginagawa natin sa one-stop shop, mayroon na tayong pre-arrival clearance kung saan itong mga critical vaccines na ito, mga critical medicines and equipment na kinakailangan nating ipanlaban sa COVID ay napoproseso na kaagad ‘no bago pa sila dumating dito sa ating bansa para sa ganoon paglapag nitong mga kargamento na ito, diri-diretso na sila doon sa ating mga storage facilities at doon sa mga intended destinations nila ng wala man lang problema at walang gaanong abala.
USEC. IGNACIO: Pero Commissioner, gaano po katindi iyong ginagawa ninyong aksiyon para po maiwasan iyong mga peke naman po na PPE at iba pang mga bagay na napakahalaga po para sa ating bansa?
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Dito gumagana iyong aming koordinasyon ‘no with the other agencies most especially sa ating Food and Drug Administration, sa DOH at sa IATF na rin mismo ‘no. Sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga ahensiyang ito, nasusuri namin lahat itong mga PPEs, mga kargamento na ito na pumapasok at nalalaman namin kung ano iyong mga legitimate na mga kargamento at iyong mga kargamentong walang karampatang certificate o permit galing sa FDA ay nasasabat na natin kaagad.
Kasama dito sa pagtugon dito sa problema ng mga fake na mga PPEs ay iyong aming enforcement effort kung saan ang ating mga enforcement units naman ay ginagalugad itong ibang mga distributor, iba-ibang mga lugar kung saan ibinebenta itong PPEs para malaman natin kung itong mga PPEs na ito ay covered ba tamang mga import permits at nagbayad ba ito ng ating customs duties and taxes. At kung sa ganang may mga violations sila ay ito naman ay hinuhuli natin at sinasampahan ng kaso.
USEC. IGNACIO: Commissioner, sa ngayon po gaano karaming bakuna ang na-clear na po ng Bureau of Customs?
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Sa huling tala namin, mayroon na tayong 14,214,000 doses na nai-process dito sa Bureau of Customs simula noong dumating itong mga bakuna. Nine million dito ay Sinovac; 2,556,000 million ay AstraZeneca; sa Pfizer-BioNTech ay 2,478,000 million; ang sputnik V ay 180,000 doses. At ang karamihan dito sa 14,214,000 million na vaccines na ito ay lumapag sa NAIA. Samantalang 210,600 naman ay na-process natin sa Cebu.
USEC. IGNACIO: Commissioner, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan lalo na po sa ating mga negosyante na unti-unti na pong bumabangon mula sa pandemya.
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Sa ating mga kababayan, gusto ko lang po kayong i-assure na ang Bureau of Customs ay 24/7 po na tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga customer especially sa pagkakataong ito. Kami ho ay atubili hindi lamang sa pagpo-process ng ating mga critical medicines, mga bakuna at mga supplies kung hindi atubili rin kami sa pangongolekta ng buwis para masuportahan natin ang mga iba-ibang programa ng gobyerno at of course kasama na rin doon ang effort namin na malabanan ang smuggling para protektahan naman natin ang ating industriya at ekonomiya.
Sa mga tumatangkilik po sa Bureau of Customs, kung may mga suliranin kayo, may mga concerns po kayo, ang aming tanggapan po ay bukas ‘no. Pupuwede po kayong sumangguni sa aming customer care portal center at pupuwede rin po kaming kontakin sa aming website – customs.gov.ph at sa aming customer hotline iyong 8705-6000 para makinig at alamin kung ano iyong mga problema at umasa po kayo na kami po ay mabilis na tutugon sa inyong mga pangangailangan.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa inyong panahon, BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Stay safe po, Commissioner.
BOC COMMISSIONER GUERRERO: Sige po, Usec. Rocky. Stay safe din po. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, daan-daang mga nawalan naman ng hanapbuhay sa Lalawigan ng Cebu ang pinasyalan ng outreach team ni Senator Bong Go para mabigyan ng ayuda at pagkakataong magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamgitan ng TUPAD program ng DOLE. Panoorin po natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa pag-upo po ng bagong chairperson ng Cooperative Development Authority na si Undersecretary Joseph Encabo, anu-ano nga ba ang mga pagbabagong aasahan upang matulungan ang mga kooperatiba na makaraos sa krisis na kinakaharap natin ngayon, iyan naman po ang ating pag-uusapan kasama si CDA Chairperson Undersecretary Joseph Encabo. Magandang araw po, Usec!
USEC. ENCABO: Magandang araw po, Usec. Rocky at sa inyong programa. Ako ay nagagalak at muling makabahagi po sa programa ng bagong opisina kung saan ako na-appoint. Maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng ating manunuod Usec, ano po ba ang mandato ng Cooperative Development Authority; ano po ang saklaw nito at sinu-sino iyong mabe-benepisyo sa inyong mga programa?
USEC. ENCABO: Well, unang-una, batay po sa bagong batas na Republic Act 11364, nagkaroon po tayo ng strengthening ng CDA para po sa kabutihan at welfare ng ating mga kooperatiba.
Ang mandato po dito kung ating ida-dissect ay, una, paano natin sila ma-alleviate sa poverty at magkaroon po ng economic sustainability, magkakaroon po ng social justice patungo po sa tinatawag nating nation building.
So ang mga kooperatiba ngayon will be in an active role in the nation building through reforms, programs and plans and this is in response to the continuity of the Duterte administration. So, ito po ang isa mga pangako ng ating Pangulo para palakasin ang ating mga kooperatiba, nagkaroon po tayo ng bagong batas, 11364 at mayroon pa pong dagdag na batas kung saan ay makikilahok ang ating mga LGUs, ito iyong Republic Act 11535 kung saan nagkaroon na rin po ng Cooperative Development Officer sa mga LGUs.
Sa bagong liderato ng CDA, tinitingnan po namin ang kapasidad ng ating mga koopetiba lalung-lalo na ang small and micro cooperatives and of course the medium cooperatives, kasama din natin iyan. Kung saan magkakaroon sila ng pagkakataon upang palakasin natin ang kanilang direct participation sa tinatawag nating e-commerce, mga online transactions at ang pagkakataon na sila ay makilahok sa tinatawag nating global value chain. So hindi lang po pang-regional, puwede na po silang mag-engage ng business nila sa international level.
So ang mga kooperatiba din, magkakaroon tayo ng tinatawag nating business matching information system na ang isang malaking kooperatiba ay puwede pong mag-adopt ay sumuporta sa isang maliit na kooperatiba para matulungan ang kanilang livelihood programs.
Isa din sa mga programa natin, Usec. Rocky, ay iyong pagtugon natin sa tinatawag na ease of doing business. Marami po tayong kooperatiba na nahihirapan ngayon dahil po sa mga tinatawag nating reportorial requirements o mga reports sinusumite nila towards the end of the year, napakarami po at napakakapal. So, across the board po iyon, kung Micro, Small—as we assess it, sabi ko, kailangan ng i-tailor fit itong mga reports na ito, para hindi naman mahirapan ang mga Micro and Small Cooperatives and even medium cooperatives.
So, itong mga reportorial requirements nila, magkakaroon po ng pagbabago, itong mga registration requirements, kung sino ang mga interesadong organisasyon o asosasyon na gustong maging kooperatiba ay hindi na po namin pahihirapan pa. It will be trimmed down and it will have a tailored fit para mas mapabilis po ang kanilang pag-apply sa CDA bilang isang kooperatiba.
And babalikan ko lang po, Usec. Rocky, itong tinatawag nating, iyong continuity programs ng ating administrasyon. Dahil gusto nating iangat ang ating mga Micro and Small and Medium Cooperatives at mai-graduate natin sila sa kanilang current status at ma-level up sa mas mataas na antas ay tutulungan natin sila, bibigyan po ng atensiyon ng CDA ang kanilang mga livelihood programs, iyong competency at saka capacity building programs ng ating mga kooperatiba.
Isa sa mga pamamaraan nito, ay iyong pagkakaroon ng review ng mga memorandum circulars na ibinigay ang CDA noon na sa tingin naming ngayon ay hindi na po applicable at kailangan nating baguhin dahil po sa panahon ng pandemya at maka-sustain ang ating mga kooperatiba lalung-lalo na sa mga regional levels and different provinces. So dapat ang mga programa ngayon ng CDA ay maging prospective and progressive para umasenso po talaga ang ating mga kooperatiba dahil alam po natin hirap sila ngayon sa pandemyang ito, sisikapin po ng CDA na magkakaroon po ng mga linkages ang ating mga koopetiba.
Like for example, magkakaroon po tayo ng mga programa sa mga coconut farmers cooperative na ma-enhance ang kanilang capability hindi lang po sa pagkakaroon ng… iyong copra industry or product pero iyong mga ibang produkto nila galing sa niyog ay puwede po naming tulungan at mai-connect po namin sila sa mga ibang manufacturing agencies or business entities, regional, national and global in that aspect.
And isang magandang hakbang na ginawa ng CDA ngayon ay nagkaroon po kami ng isang hotline, simula po ng naitayo ang CDA ngayon lang po nagkaroon ng CDA hotline, ang tawag po namin diyan ay CDA LISTENS, kung saan iyong mga mungkahi, mga reklamo, suggestions, recommendation ay pakikinggan ng bagong liderato ng CDA at iyon ay bibigyan namin ng aksiyon kaagad at mga resolusyon upang ma-satisfy po natin ang ating mga clienteles o ang ating mga kooperatiba.
And isa din po diyan, Usec. Rocky, lalo na sa mga kooperatiba nating nanunuod at nakikinig ngayon at itong Biyaheng Koop na isang programa ng Office of the Chairman na kung saan ang Office of the Chairman ay bibisitahin ang mga kooperatiba sa mga iba’t ibang probinsya at rehiyon at magkakaroon po ng diyalogo and at the same conference sa mga kooperatiba lalung-lalo na iyong mga Micro and Small and Medium para po marinig namin ang kanilang mga hinaing at saka mga problema at mabigyan din ng pagkakataon ang CDA upang magkaroon ng tinatawag naming sound policy and resolutions to their problems and concerns.
So sa ngayon po sinisigurado po namin na magkakaroon po ng magandang partnership ang CDA sa ating mga kooperatiba dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec, hindi naman po lingid sa ating kaalaman na magmula nga pong pumasok itong pandemya ay talagang bumaba ang ekonomiya ng bansa. Pero ano po daw ang magiging epekto nitong bago ninyong tanggapan doon sa mga kooperatiba na napilitan na pong magsara; papaano po ninyo sila tutulungan ngayon?
USEC. ENCABO: Magkakaroon po ng review ang Board of Directors sa kanilang current status kung bakit sila ay magsasara at kung mayroon po kaming mga programa na akma sa kanilang pangangailangan, lalung-lalo na mga financial assistance and programs, sila po ang magiging priority namin. Kaya po itong cooperative business matching namin ay hindi lang po manggagaling CDA ang kakayahan na magtulong kung hindi iyong ibang kooperatiba din na hanggang ngayon ay maganda pa rin ang takbo sa panahon ng panahon pandemya at may kapasidad din po na magtulong sa kapwa kooperatiba.
And sa ngayong panahon, Usec. Rocky, ang Office of the Chairman at ang CDA ay nagkaroon na rin po ng mga meetings at conferences sa labas ng ating bansa ‘no, international at pini-present na rin po natin iyong mga produkto ng ating kooperatiba lalung-lalo na iyong mga naapektuhan sa pandemic, na iyong mga produkto nila ay kaya pong mai-provide doon sa ibang bansa at ito naman ay sa pakikipagtulungan ng DTI.
At isa sa mga measures at saka reforms at plano na aming naumpisahan na ay pakikipag-partners ng mga iba’t ibang agencies para iyong mga resources nila ay tatanggapin din at matatanggap ng ating mga kooperatiba. At doon po sila puwedeng magsimula ulit para sa kanilang pangkabuhayan or livelihood programs.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isa po nga sa naging problema ng mga kooperatiba iyong mga restrictions ano po, kung saan pansamantalang nagsara iyong ibang mga establishment, dahilan upang hindi nga makapaningil ang mga kooperatiba. So nabanggit ninyo nga kanina na tutulungan ninyo sila na maging—iyong sa digitalization natin na tinatawag ano po, para mas mapabilis ang kanilang transaksiyon at proseso.
USEC. ENCABO: Tama po iyon. May mga iba’t ibang kooperatiba ay talagang nahihirapan sa paniningil. Kaya po kapag iyong mga hinaing nila ay aming natatanggap, agad-agad po iyong CDA ay susulatan at tatawagan iyong mga ahensiyang concerns or mga private entities concerned para ma-call iyong attention at bigyan ng priority in terms of paying them and even in the collection process. So iyon po ang aming mga immediate measures o hakbang na iniimplementa ngayon.
At because of these restrictions, nag-iisip na rin kami kung ano iyong mga alternative programs and at the same time measures or parameters para hindi lang po sila focused sa kanilang mainline business or livelihood program but they can now venture into other livelihood activities that will support their administrative and their operation aspect. Kaya nga po nagiging lenient ngayon ang CDA sa mga request para lang po mapatuloy ng ating mga kooperatiba ang kanilang mga programa at hindi po mapabayaan ang kanilang mga miyembro.
So mayroon po kaming mga policies na sinuspinde muna para po magbigay-daan sa mga kooperatiba sa kanilang mga kaniya-kaniyang reporma at diskarte sa kanilang organisasyon para ma-maintain lang po at magkaroon ng sustainability during this time of pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Napakaganda po niyan. Kami ay magpa-follow-up sa inyo ng mga iba pang kaganapan diyan ano po. Maraming salamat sa inyong pagsama sa amin CDA Chairperson, Undersecretary Joseph Encabo. Congratulation po sa inyong muling appointment at sama kayo ulit sa amin sa mga susunod naming programa, Usec.
USEC. ENCABO: Maraming salamat po sa pagkakataong ito at ang CDA naman po ay bukas ang kaniyang tanggapan para po sa mga problema at mga suhestiyon ng ating mga kooperatiba. At handang-handa po kami, makikipag-ugnayan sa kanila para sa ikakabuti ng kanilang kooperatiba at ng lahat.
Maraming salamat po. Stay COVID free and God bless.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Thank you po.
Samantala, narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, June 17, 2021:
- Umabot na sa 1,339,457 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,637 na mga bagong kaso.
- 155 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na po sa 23,276 ang total COVID-19 deaths.
- Patuloy naman po ang pagdami ng mga kababayan nating gumagaling sa sakit na ngayon po ay 1,257,774 na matapos po makapagtala ng 4,585 new recoveries kahapon.
- Ang total active cases naman po natin sa kasalukuyan ay nasa 58,407.
Magandang balita po, mahigit isandaan at tatlumpung libo o 133,596 ang total vaccine na naipagkaloob na po o na-administered sa Metro Manila kahapon, June 17, 2021. Inuulit ko po, ang numerong ito ay kahapon na bilang lamang sa National Capital Region. Kung isasama ang bilang mula sa June 13 hanggang 17 ay nasa halos kalahating milyon na po or 492,051 ang total doses administered – NCR pa lamang po ito – kung saan may maraming aktibong kaso ng COVID-19.
Sa buong Pilipinas, kahapon ay halos tatlongdaang libo or 285,151 ang ating nabakunahan buong araw. At kung bibilangin mula June 13 hanggang June 17, nasa 899,843 na po ang kabuuang bilang ng doses administered sa bansa. So asahan po natin na tataas pa ito lalo na’t bulto-bulto na pong supply ng bakuna ang dumarating sa bansa ngayong buwan at mayroon pa po tayong aasahan na marami pang paparating sa mga susunod na araw at buwan.
Samantala, binabantayan ngayon ang Delta variant na unang nadiskubre sa bansang India. Dumarami kasi ang kaso ng variant na ito partikular sa America at United Kingdom lalo na po sa mga hindi pa nababakunahan. Dito sa Pilipinas, ano nga ba ang estado nang mas nakakahawang B.1.617.2 COVID variant na ito.
Para bigyan tayo ng update, makakasama po natin si Dr. Edsel Salvaña ng Infectious Diseases Expert at miyembro po ng DOH Technical Advisory Group. Magandang araw po, Doc.
DR. SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano na po bang update sa monitoring ng Delta variant sa ating bansa? Bukod po doon sa huling naiulat na ilang Pinoy seafarers na dumating noong Mayo, may nakita po ba tayong mga bagong kaso nito?
DR. SALVAÑA: Well sa ngayon, Usec. Rocky, 13 – labingtatlo ang naitatalang cases ng Delta variant sa Pilipinas. Lahat po ito ay returning travelers, siyam po diyan iyong galing doon sa MV Athens Bridge, apat doon po ay naging pasyente ko and isa po ang namatay. Mukhang naiwasan naman natin iyong pag-spread sa community for now, although closely minu-monitor po ito talaga dahil nakakatakot po talaga ang pinapakita nitong Delta variant sa iba’t ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Lahat po ba ng individual na nagpositibo sa Delta variant ay nakakatiyak tayong contained at wala na pong ibang nahawahan? So, paano po iyong mga na-expose sa kanila? Ano po ang nangyari o ginawa?
DR. SALVAÑA: Ah yes, Usec. Rocky. Well iyong sa ship naman, iyong sa MV Athens Bridge, na-quarantine naman sila pagdating dito at diretso sa ospital at tinest naman po namin bago namin ni-release na negative na po talaga iyong kanilang PCR. Iyong doon sa iba, naagapan naman po sa quarantine protocols natin iyong mga taong nakitang may Delta variant at so far – fingers crossed po talaga – wala pang ibang nakikitang spread in the community.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bakit po dapat tayong mag-ingat dito sa tinatawag na Delta variant na ito?
DR. SALVAÑA: Well, itong nakikita natin ngayon, iyong nakikita natin sa UK, sa US, sa China, sa Indonesia mukhang ang bilis po talaga kumalat nitong Delta variant. In fact new cases in the UK, 90% na po are Delta variant. At ang isang nakakabahala doon sa mga partially vaccinated na isang dose pa lang iyong nakukuha nila, mukhang less po iyong effectiveness bagama’t protective pa naman kung nakadalawang doses na. Kaya importante po talaga always get the second dose.
And ang nakikita rin po is lalung-lalo na doon sa mga areas sa China, of all places, kung saan nagsimula, ngayon nagkaroon sila ng outbreak nitong Delta variant. Minsan patung-patong po iyong transmissions – may first generation, second generation, third generation transmission – ang hirap-hirap pong mag-contact trace, mas maraming mukhang mas malubha iyong sakit.
At ako nga po mismo, iyong sa aking experience dito sa apat na inalagaan ko, mukhang they really do have a chance to have more severe disease – ang tataas po noong mga markers ng pagmamaga, inflammation sa kanila at iyong isa nga po ay tuluyang namatay.
USEC. IGNACIO: Pero sa ngayon po, Doc, in-extend natin iyong travel ban sa India at mga bansang nakapalibot dito ano po o may transit flight mula dito. Para sa inyo sapat na po ba itong pananggalang o preventive measures para hindi makapasok ang variant sa Pilipinas?
DR. SALVAÑA: Well, iyong pag-ban po, doon sa India and other places, that helps. Pero of course alam naman natin ang bilis talaga mag-spread nitong variant na ito, kaya kinakailangan pa nating paigtingin iyong ating minimum health standards at iyong quarantine protocols po na isinusulong ng IATF, alam naman po natin, ito iyong 10 plus 4. Ten days na facility based quarantine plus four more days at home na home quarantine at mayroon po tayong testing on the 7th day. Dahil ito po iyong pamamaraan na kahit may makalusot, kahit mag-false negative pa man iyong test, hindi na nakakahawa by the time matapos itong 14 days na ito, mababa na po iyong tiyansa na mayroon pang natitirang virus kahit ma-miss po ng tests natin.
Katunayan, alam po natin sa Taiwan, nagkaroon sila recently ng outbreak at ang nangyari doon ay binabaan kasi nila iyong kanilang quarantine protocols, ginawa na lang nilang tatlong araw para sa mga piloto at testing on arrival. Ito po iyong nagsilbing paraan na nagkaroon po sila ng surge, alam naman po natin ang Taiwan, controlled na controlled. Noong ni-relax nila to three days iyong kanilang quarantine nagkaroon po talaga sila ng problema. Kaya according to the experts po ng technical advisory group tiningnan po namin iyong datos sa Centers of Disease Control ang pinaka-safe po talaga na minimum is ten days facility based quarantine, followed by four days quarantine at home; hindi na po puwedeng iksian iyon, unless ito ngang pinag-uusapan if vaccinated na po iyong traveler.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iyan ang susunod kung tanong: Bakit hindi puwedeng babaan sa seven days ang quarantine?
DR. SALVAÑA: Yes po. So sa pag-aaral ng Centers of Disease Control, ang nakikita po nila, kapag ang isang tao ay nahawaan ng COVID on the day of travel, tapos dumating po siya, kung tinest mo iyon on arrival, ang tiyansa na mag positive iyong test na iyon ay zero percent po, kasi kakahawa lang niya; tapos, mananatili po siyang nakakahawa up to ten days. By the 10th day, kahit hindi mo siya tinest, iyong amount of virus na nilalabas nitong tao ay halos hindi na po nakakahawa, less than 2% na po or 2.4% po iyong risk na makahawa pa siya na makalusot. Para mawala lalo iyong 2.4% na iyon, ina-advise pa rin natin na mayroong four days na home quarantine para tuluyang ligtas po talaga.
Alam naman natin, ang ating Presidente dati gusto talaga niya 14 days na facility based quarantine. Pero noong tiningnan po namin iyong datos, mukhang iyong ten days na facility based is okay, followed by four day home quarantine na under the supervision of the LGU po.
USEC. IGNACIO: Doc, may mga pag-aaral na nagsasabing—katulad na rin ng nabanggit ninyo na mas matindi iyong resistance ng Delta variant sa mga bakuna. So paano po ito makakaapekto sa isinasagawa nating rollout ng mga bakuna sa ngayon.
DR. SALVAÑA: Well, unang-una, dapat po talaga mas bilisan po natin itong pagbabakuna natin, hopefully mas dumami pa po iyong supply. Dahil alam naman natin sa fully vaccinated, wala namang problema, it continues to prevent severe disease. And this is true for fully vaccinated people, bagama’t iyong nakikitang problem natin are iyong partially vaccinated.
Ito nga may balita nagkaroon po ng outbreak sa mga healthcare workers sa Indonesia. Bagama’t Sinovac iyong ginamit sa kanila, karamihan sa kanila asymptomatic or mild disease lang; so gumagana pa rin po iyong bakuna. Kailangan lang nating malaman, ilan doon ang partially vaccinated, fully vaccinated, pero kasi titingnan rin natin sa UK, ang gamit Astra at saka Pfizer, 1/3 doon sa mga positive only got one dose of these vaccines and about 6.7% had completed vaccination. So nandoon pa rin naman gumagana naman po iyong mga bakuna natin pero mas safe po talaga kung tapusin natin iyong dalawang doses and at least two weeks out from there. Kung tapusin natin iyong dalawang doses and at least two weeks out from there.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang bansa nga po mostly po tinatamaan ng Delta variant ay mga kabataan, sa tingin ninyo na mahalaga rin magsimula na rin tayong magbakuna sa younger population para daw po maiwasan tamaan sila ng Delta variant?
DR. SALVAÑA: Sa ngayon concern po talaga iyon although alam naman natin ang tatamaan talaga ng malalang COVID is still the elderly population and siguro iyong nangyayari nga doon sa mga bansa kaya nila nakikitang younger iyong tinatamaan is kasi na-prioritize na nila dati at nabakunahan na iyong older population.
So, agree po ako na isama na natin iyong mga bata once na matapos natin itong matatanda, pero ang pinaka-highest priority pa rin po talaga iyong ating vulnerable population kasi mga ages 80 and above, halos 15% iyong risk nila na mamatay versus doon sa mga bata below 10 years old it’s less than .2% po.
So, malayo pa at itong nakikita natin, itong Delta variant nga even though mas maraming nahahawa na rin na mga bata mas malala pa rin iyong tama niya sa matatanda lalo na doon sa hindi pa nababakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., isa rin po kasi sa iniisip ngayon iyong posibleng face to face classes. So, sa tingin ninyo po ba advisable na ba itong limited face to face by August or early September o kailangan munang pahupain itong Delta variant na ito?
DR. SALVAÑA: Well of course, concern po talaga iyan pero unang-una kailangan lang naman talaga nating tingnan iyong risk in terms of may mamatay ba, kakalat ba, mao-overwhelm ba iyong ating health care system. So, iyong mga pilot efforts siguro dapat tingnan muna natin doon sa mga areas na mababa talaga, mga MGCQ areas at walang reports ng variant.
Pangalawa, gusto rin natin at least mataas iyong antas ng pagbabakuna sa mga vulnerable population. Kung karamihan nung mga matatanda sa isang lugar ay bakunado naman kahit pa makauwi ng COVID iyong bata hindi naman sila at risk na mamatay, puwede silang magka-mild disease or asymptomatic disease.
So, sa akin ang pinaka-importante, puwede naman pag-aralan baka kayang face to face kahit limited pero pinaka-importante is protected na po iyong ating most vulnerable population.
USEC. IGNACIO: May tanong po si Tuesday Niu ng DZBB sa inyo: Bilang consultant ng IATF at siyempre ito nga pong binabanggit natin na Delta variant, ano daw po ang naging position ninyo sa usapin ng paggamit ng face shield?
DR. SALVAÑA: Well, ganito po iyan, sa pag-aaral ang Delta variant is 60% more transmissible than Alpha. Ano ba iyong Alpha? Iyong Alpha is UK variant which is already 60% more transmissible than the original virus. So, 60% plus 60% pa. So, halos 4 times po iyong puwedeng maging increase transmissibility nito and there is preliminary data that even outdoors increased ang transmission ng Delta variant by about 40%.
So, para sa akin kahit pa sabihin nila na hindi na required ang face shield lalu na with the threat of this Delta variant, gagamit pa rin po talaga ako ng face shield, I will recommend it because it is an extra layer of protection. Hindi ko pipilitin kung ayaw ninyong gumamit ng face shield, kung tanggalin po iyong mandate but I still strongly recommend it lalo with the threat of the variant and I myself when I’m interacting with other people I will use these face shield po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ba ay may mensahe sa ating publiko Doc Edsel?
DR. SALVAÑA: Yes po, very important Usec. Rocky sa ating mga kababayan, lampas isang taon na po talaga itong ating COVID-19 pandemic mayroon na po talaga tinatawag na light at the end of the tunnel, matatapos na rin po natin itong pandemya na ito sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna.
Itong mga threats katulad ng Delta variant are really concerning kaya mas lalong dapat natin paigtingin itong ating pagbabakuna coupled with, habang naghihintay tayong mabakunahan, itong ating minimum health standards. Hindi po ito ang time na magluwag tayo dahil nakita naman natin kung anong nangyari sa India, iyong Delta variant more than three hundred thousand cases per day and more than four thousand deaths per day ang nagawa nitong Delta variant and ang R0 niya is about eight, ibig sabihin isang tao puwedeng maka-infect ng up to eight people.
So, malaking problema po talaga ito habang hindi pa natin nababakunahan ang karamihan ng ating mga kababayan kinakailangan pong mas lalong mag-ingat, gumamit po ng face mask, ng face shield, ng Physical distancing at maghintay lang po tayo ng kaunti, aabot rin tayo sa time na puwede na nating tanggalin ang mga ito kapag marami na po talaga ang nabakunahan at hindi na po at risk ang ating most vulnerable members of society.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Dr. Edsel Salvana, Infectious Diseases expert at miyembro ng DOH Technical Advisory Group salamat po.
Samantala, dumako naman tayo sa Cebu, may report ang aming kasamang si John Aroa. John?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa from PTV-Cebu.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap sa araw na ito. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita uli tayo bukas dito lamang po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center