Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Ngayong araw po ng Huwebes, isang malungkot na balita po ang ating natanggap na pumanaw na po si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ngayong umaga. Isinugod po ang dating Pangulo sa Capitol Medical Center sa Quezon City ngunit binawian din ng buhay, atin pong inaantabayanan ang sanhi ng pagpanaw ng dating Pangulo. Si dating Pangulong Noynoy po ay animnapu’t isang taong gulang.

Nahalal noong 2010 bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas si Ginoong Aquino. Bago rito, naglingkod din siya bilang senador at kinatawan sa Kongreso ng Ikalawang Distrito ng Tarlac.

Ang buong PCOO at ang People’s Television ay nakikiramay po sa lahat nang naiwan ng ating dating Pangulo.

At para bigyan naman po tayo ng pinakahuling sitwasyon sa Capitol Medical Center, naroon po ang kasama naming si Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa’yo, Patrick de Jesus; manatili po kayong nakatutok sa PTV para sa karagdagang detalye sa balitang ito.

Muli, kami po ay nakikiramay sa lahat nang naiwan ng dating Pangulo.

Samantala, sa iba pa pong mga balita: Dumating na po sa bansa bandang alas siete y media ng umaga ang karagdagang two million doses ng CoronaVac vaccines mula sa kumpaniyang Sinovac ng China. Four hundred thousand doses po rito ay ang mga bakunang binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito na po ang 4th batch ng CoronaVac vaccines na dumating sa bansa ngayong buwan.

Sa iba pa pong balita: Senator Bong Go tiniyak ang suporta sa mga rebeldeng susuko at magbabalik loob sa gobyerno. Ayon po sa Senador, iba’t ibang programa ng pamahalaan ang naghihintay para sa kanila. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Base po sa panibagong datos ng OCTA Research, bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Dumidikit na nga ito ulit sa mga pigura po na naitala bago ang surge noong buwan ng Marso. Kabaliktaran naman po ang sitwasyon sa mga naitatalang kaso sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao. Upang ipaliwanag sa atin ang trends na iyan, makakasama po natin si Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research.

Good morning po sa inyo at welcome back po ulit sa Laging Handa, sirs.

DR. GUIDO DAVID: Magandang umaga sa inyo, Usec. Rocky, at saka sa lahat ng nakikinig at nanunood po sa atin.

PROF. RANJIT RYE: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Unahin ko na lang po ang isyung ito, kung sino po ang pupuwedeng sumagot na lang sa inyo, sirs. Dismayado po si Iloilo Mayor Treñas dahil sa hindi raw umano pag-allocate ng pamahalaan nang sapat na supply ng bakuna sa ibang mga lugar na hindi kabilang sa NCR Plus 8. Ang dahilan po ni Mayor, ito aniya po kasi ang lumalabas na pag-aaral ng OCTA Research sa pamahalaan. Para raw po sa [garbled] ang pagtaas ng cases, dapat naman aniya silang mabigyan nang sapat na supply ng bakuna para po mapababa ang cases sa probinsiya. Ano po ang tugon dito ng OCTA Research?

PROF. RANJIT RYE: Siguro ano ‘no, gusto naming i-recognize iyong frustration, iyong hirap na dinadanas ng mga kababayan natin sa Iloilo at sa Bacolod. Hirap na hirap po sila dito sa bagong surge ng COVID-19. Gusto lang nating pasalamatan si Mayor Treñas, you know, his citizenship and leadership has been very crucial in trying to manage the situation in his province ‘no, in his city. Medyo mahirap po talaga ang sitwasyon nila, marami silang cases at punung-puno po ang ospital nila. But we know, because nag-institute na ng quarantine restrictions through the help of the civil society in Iloilo and the private sectors and of course, the leadership of Mayor Treñas na alam namin they will overcome and prevail over the surge.

Now, doon ho sa ideas ng OCTA Research, alam mo ang OCTA Research ang trabaho lang namin magbigay lang ng mga ideya, ng rekomendasyon at dito sa NCR+8 kami ho, bagama’t kami ho ang unang-una hong nagsalita tungkol sa isyu na ito na dapat ho talaga eh mag-focus sa hotspots given the limited number of vaccines that we have, ang desisyon niyan ay nasa gobyerno at ang gobyerno po ang nag-decide sa NCR+8. Sinusuportahan po ng OCTA iyong desisyon ng gobyerno – number one.

Number two, hindi ho totoo na hindi nagdi-distribute ng vaccine sa probinsiya. Ang pagkakaalam namin sa sinabi ng mga kasama namin sa gobyerno, nagdi-distribute pa rin, continuous ang distribution lalo na sa A1 at saka A2 po kasi ho talagang priority ho talaga sila.

Pangatlo, ang paglaban sa surge talaga kailangan mo diyan testing, tracing and isolation. Iyan kasi ang immediate and urgent na kailangan nating gawin. When you want to reverse a surge, iyan ho ang kailangan. Iyong bakuna ho, importante iyan in preventing a surge. But really in dealing with it, hindi siya kasi ang pangunahing sandata kasi kung magpapabakuna ka, ang unang shot mo will give you some protection pero you have to wait a month for the next shot lalo na kung Sinovac ang gagamitin mo and two weeks after that para magkaroon ng antibodies.

So, hindi siya ang pangunahing sandata para labanan ang isang surge ‘no, or pababain o i-reverse. Ang isang urgent and immediate response talaga para lang bumaba ang surge ay iyong testing, testing and isolation na ginagawa naman ho ng Iloilo at ng ibang LGUs sa mga hotspots kagaya ng Davao, ginawa rin ng Zamboanga and it’s quite successful now. So, iyon ho ang tugon namin.

Pang-apat po, kapag sinunod natin iyong strategic plan ng gobyerno, hindi lang bababa ho ang kaso, hindi lang bababa ang hospitalization, hindi lang bababa ang mga mamamatay dito sa NCR+8, mabubuksan din natin ang ekonomiya sa mga lugar na ito at ang benepisyo nito para sa buong bansa.

Kung iisipin natin ang pandemya bilang isang ahas, iyong ulo nito nasa NCR+ eh, so, kung puputulin natin iyan hihina talaga iyong pandemya dito sa bansa at iyong mga lugar kagaya ng lugar ni Mayor Treñas, mabibiyayaan iyan eh hindi lang ng pagbaba ng mga kaso nila hindi lang sa pagbaba ‘no, ng paghina sa pagkalat ng COVID, pati ekonomiya nila magbi-benefit ho kasi iyong engine ho ng country’s growth, economic growth, iyong NCR ho. Kapag nagbukas na siya finally, hindi lang bubukas iyong ekonomiya, bababa din iyong ating COVID cases dito, kasi 60% ho ay nandito ho sa NCR+ eh. So, kailangan natin siyang bigyan ng pansin.

Now, iba ang sitwasyon kung nandoon na lahat ang ating supply. Kung marami tayong supply at magkakaroon tayo ng maraming supply towards the end of this year, eh walang problema ho, sabay-sabay tayo hong babakunahan. Pero sa ngayon ho, sang-ayon kami sa strategic choice ng gobyerno na NCR+ iprayoridad. Magbibigay pa rin ng bakuna para sa A1 at saka A2 all over the country dahil ito ang milestone na puwede nating ma-reach ngayon. Ang goal natin dito – minimum – ay population protection or herd immunity dito sa NCR+.

Ang mga modelo na ginawa namin, mga models na na-assimilate namin, hindi lang talaga siya beneficial para sa paglaban sa COVID-19 hindi lang sa NCR pero sa buong bansa, beneficial din siya kasi magiging basehan siya sa tuluyang pagbukas ng ekonomiya dito at siyempre kapag nangyari iyan, buhay at kabuhayan uusad or will move forward. So, that’s why we continue to support the government’s program and we hope that they can accelerate it. We are impressed by the current rollout of the vaccines, nag-i-improve na, na-o-optimize, nagiging mas efficient na. Sa katotohanan nga eh, I think iyong QC reached almost 40,000 jabs yesterday, so, alam mo iyon nag-i-improve na talaga iyong pag-rollout ng vaccine natin.

Ang panawagan namin sa OCTA, sana ho magpabakuna na tayo sa lalong madaling panahon dahil may banta ho ng Delta variant, iyan ho ay banta na seryoso. Kailangan ho mag-prepare tayo dito both at the government, private sector and civil society levels. Pero sa individual ho, ang unang step forward magpabakuna na po, kaya magpalista na po tayo sa mga barangays natin and sa lalong madaling panahon magpabakuna na tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Doctor Guido. Ngayon pong patuloy po iyong pagtaas ng mga cases sa ilang mga probinsiya, may irerekomenda po bang lugar ang OCTA Research na dapat na ring maidagdag sa NCR+8 at mayroon po ba kayong aalisin o idadagdag?

DR. DAVID: Well, Usec. iyong NCR+8 puwede nating i-retain iyong +8 pero puwede tayong magdagdag ng mga major areas of concern kasama na rin nga diyan iyong Bacolod and Iloilo City, ang Cagayan de Oro, Baguio City and a few others. Hindi naman malaki iyong madadagdag sa on the supply side, ibig sabihin doon sa pangangailangan natin in terms of vaccinations puwede nating isama sa rollout itong mga hotspots na ito.

Ganoon pa man, we’re happy to report na sa ngayon nakikita natin bumababa na rin iyong cases dito sa mga lugar na ito. Sa Iloilo City there are now less than 100 cases per day; sa Bacolod bumaba na rin; Cagayan de Oro, patuloy na bumababa; Butuan, bumababa rin and Dumaguete pababa na rin talaga.

So, in many of these areas na concern tayo before, halos lahat pababa na eh, so, nababawasan na rin iyong concern natin sa kanila and we’re happy na nami-mitigate iyong surge dito sa mga areas na ito using good pandemic management ng mga local governments.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang Doc Guido ‘no, pero ngayon po nagri-reflect na ba iyong datos ninyo na tumatalab po ang bakuna kung kaya bumababa ang kaso ng COVID-19 dito sa Metro Manila?

DR. DAVID: Usec., tumatalab iyong bakuna pero so far hindi pa ganoon karami ang na-vaccinate natin. We’ve only fully vaccinated two percent of the population sa buong Pilipinas and sa Metro Manila iba-iba iyong mga pace ng mga LGUs. Pero I believe iyong on average wala pa tayo sa 10% ng population sa NCR.

So, this is not enough to make a difference sa surge pero this is sufficient para matulungan iyong mga ano natin, iyong mga frontliners natin and iyong mga elderly natin because they have received most of the vaccination.

And iyong sa based sa projections natin, nakikita natin na if we continue the pace natin, we’re averaging 195,000 jabs per day, we’ll achieve a sufficient level of protection before the end of the year. Pero sana we hope na we accelerate pa natin ito, iyong rollout natin, iyong jabs natin per day para mas mataas iyong level of protection na makukuha natin by the end of the year sa bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, ikinababahala naman po ngayon itong Delta variant at mayroon na ngang Delta Plus variant na unang nakita sa India. Sakali lang po daw na madagdagan pa ang mga kaso nito sa bansa – huwag naman po sa na ano po – gaano kalaki po ang nakikita ninyong epekto nito sa laban natin kontra COVID?

PROF. RYE: Napakalaki ho kaya nga kailangan ho, unang-unang messaging natin kailangan mag-ingat po tayo. Kailangan natin—hindi ho panahon para magkumpiyansa, hindi ho panahon para magpabaya, hindi lang para sa mga mamamayan natin, para sa gobyerno, para sa private sector. Sa private sector we have to ensure safe workplaces, sa government tuloy pa rin ang testing, tracing and isolation strategies natin. Kailangan i-upgrade iyong treatment, iyong mga ospital natin kasi darating at darating po ang banta na ito.

Now, kapag dumating ito, Usec., kaya nga importante ho ma-accelerate po natin talaga nang todo-todo iyong ating vaccination kasi ang kalaban natin dito iyong variant eh. Kapag na-vaccinate tayo mas malaki iyong protection natin against these variants ‘no. And iyon nga iyong gusto naming i-emphasize, iyong Delta ho game changer siya eh. Kapag pumasok po siya, sakaling pumasok siya, dudurugin niya ho iyong ating healthcare system po dahil ho ang taas ho ng number of cases, biglang tataas ho iyong number of new cases ho kasi napaka-infectious niya.

Just to give you a sense ‘no, iyong ating UK variant kung mahawaan ang isang Professor Rye eh hanggang apat/lima ho ang nahahawaan, okay. Iyong ating bagong Delta variant eh hanggang six to eight ho ang puwede mahawaan ng isang infected individual. Napakalaki ho, napaka-contagious niya po kaya kailangan ho first level i-prevent natin siya on entering the country.

Kaya nga hindi po panahon para magluwag ng mga border restrictions natin, mga protocols natin at hindi rin panahon para tanggalin iyong mga proteksyon natin sa sarili naitn. In fact, dapat isuot natin iyan hanggang mabakunahan tayo and even mabakunahan tayo kailangan pa rin natin sumunod sa minimum public health standards kasi nga itong banta na ito, may Delta Plus pa, hindi natin nalalaman all about it. All we know is that some or the vaccines may not be very effective against these new variants, sa Delta Plus in particular.

So, wala pa iyan sa bansa natin, hindi pa iyan kumakalat. Ang goal natin ngayon ma-prevent iyan at kung may makalusot, hindi kakalat iyan kung susunod tayo sa minimum public health standards. Lahat ng variant na iyan, iisa lang ang laban diyan eh—o dalawa actually. Unang-una, iyong pagpapabakuna; at number two, iyong pagsunod sa minimum public health standards. So iyan ho iyong banta ng Delta, marami ho nang nahihirapan na bansa dahil dito sa bagong variant na ‘to. Isipin na natin nandito siya kaya lalo pa tayong mag-iingat.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Prof. Rye para sa inyo, sapat po ba iyong ginagawang measures ng gobyerno para po ito mapigilan?

PROF. RYE: Well, we would really like to have more testing out there lalo na sa ating mga probinsya. We would like to have more of budget na tuluy-tuloy for contact tracing all throughout this year. Pinag-uusapan ang Bayanihan 3, pinag-uusapan po iyong alokasyon para labanan ang COVID, sana dagdagan po natin ang budget sa apat na bagay:

  1. One, iyong sa bio-surveillance – bumili ng equipment at magtayo ng tao para malaman natin mas maaga ‘no at sa mas mabilis na paraan kung ano iyong mga variants na kumakalat.
  2. Number two, bigyan natin ng suporta iyong Bureau of Quarantine natin, lakasan ang kapabilidad nito kasi ang daming lumulusot po eh ‘no.
  3. Number three, kailangan natin nang mas marami pang budget for testing and testing not just in the NCR but all over the country ‘no.
  4. Pang-apat, mas malaking budget po for ating contact tracing. It has to be all throughout the year ho o from now until December po ‘no this year. Kailangan ho talaga tuluy-tuloy ang contact tracing kasi kung makalusot man ang Delta, doon natin mapipigil ‘yan.
  5. Number five, dapat mag-ready na tayo ng mga contingency plans po. Kung pupuwede ‘no, kailangan natin pagplanuhan ‘to – paano tayo magri-respond. At hindi ho puwede atrasado iyong mga lockdown natin dito kasi kapag makalusot ‘to at magkaroon ng community transmission, mabilis ho itong makaka-infect ng isang buong siyudad eh. So kailangan ho mabilis ho iyong lockdowns natin at pati iyong pag-test and trace natin.
  6. And then of course iyong treatment po, kailangan ho natin ng hospital beds na may mga nurse at doktor po.

So iyon ho, I think marami pang dapat gawin ang gobyerno, alam mo constant ang need to improve eh. We can always do better and I think what we learned from the last surge is, we need to prepare for surges – that’s the first thing; and second, we need to provide expanded testing, tracing, isolation and treatment if we are going to deal with a future surge.

And dahil hindi pa tayo bakunado lahat, vulnerable po ang Pilipinas lalo na ang Metro Manila sa mga surges po.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Doc Guido: Ilang mga senador po iyong umaalma sa Department of Health kaugnay sa paggamit ng face shield. Pero nagsabi na ang Pangulo, face shield pa rin po tayo indoor and outdoor. Kung kayo po sa OCTA naman ang tatanungin, ano po ang stand ninyo daw dito?

DR. DAVID: Well Usec., although hindi namin nasuri nang husto iyong pag-aaral na ginawa ng mga eksperto, ibig sabihin we took it at face value na iyong ginawa nilang pag-aaral ay may basis and sinu-support namin iyong desisyon ng Pangulo na ipatupad muna iyong pagsusuot ng face shield sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po: Kung magtutuluy-tuloy daw po iyong pagbaba ng cases sa Metro Manila, pabor po ba kayo na ilagay sa GCQ o MGCQ na ang Metro Manila?

DR. DAVID: Well Usec., ngayon we are less than 700 case per day pero hindi pa tayo umaabot sa pre-surge levels na 500 cases per day. Hopefully within one to two weeks maabot na natin iyan. Pero siyempre gusto muna natin makita pa ulit iyong datos, ‘pag umabot na tayo sa pre-surge levels bago tayo gumawa ng decision diyan. Sa ngayon siguro okay naman iyong quarantine restriction natin, baka puwede nating ipanatili iyan pero iyon nga, we can reevaluate ‘pag nakita natin iyong datos at ‘pag nakikita natin nag-i-improve iyong situation.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Team. Mabuhay po kayo. Salamat po sa inyo.

DR. DAVID: Mabuhay. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, mahigit isanlibong senior citizen at mga nangangailangang residente ng Quezon City ang binigyan ng tulong ng outreach team ni Senator Bong Go. Hinikayat din ng senador ang mga nakakatanda na magpabakuna na upang maprotektahan sila mula sa malalang epekto ng COVID-19. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, June 23, 2021:

  • Umabot na sa 1,372,232 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 4,353 na mga bagong kaso.
  • 119 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na po ito sa 23,928 – ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman na gumaling na sa sakit ay nasa 1,298,442 matapos pong madagdagan ng 7,139 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 49,862.

Kaya patuloy lamang po tayo sa pagtalima sa mga ipinatutupad na health protocols upang tuluyan na nating masugpo ang COVID-19.

Samantala, bagama’t mababa ang posibleng malalang epekto ng COVID-19 sa mas nakababatang populasyon, hindi ibig sabihin nito na exempted na sila sa iba pang komplikasyon na maaaring idulot ng COVID-19. Kaya sa ngayon, pinag-aaralan na sa ibang mga bansa ang pagbabakuna sa younger age group. Iyan po ang ating aalamin dito sa Check the FAQs.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kumusta na nga ba ang clinical trials ng vaccination sa mga bata kontra COVID-19, atin pong makakausap si Dr. Mary Ann Bunyi, National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 Vaccine at isa rin pong eksperto sa Pediatric Infectious Disease. Magandang umaga po, Doc.

DR. BUNYI: Good morning po, Usec. Magandang umaga rin po sa mga nanunood sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumusta po ba so far iyong mga pag-aaral sa pagbibigay ng bakuna para po sa ating younger population; ano po iyong mga significant data na nakita ninyo?

DR. BUNYI: Oo. Sa ngayon, natutuwa tayo kasi unti-unting dumadami iyong mga bakuna na puwedeng gamitin sa mga matatanda, sa mga adults. Sa mga bata, so far naaprubahan na ng FDA iyong Pfizer na puwedeng gamitin sa mga batang edad 12 to 15 years old. So nangangahulugan mabisa at ligtas itong mga bakunang ito na puwedeng gamitin sa mga bata. Iyong isa pang bakuna, iyong Sinovac, mayroong pag-aaral na ginawa na sa China at approved na ito gamitin sa mga batang 3 hanggang 17 years old. Pero naghihintay pa tayo ng approval ng FDA na puwedeng magamit na ng mga bata dito sa Pilipinas.

Ang Moderna, isang bakuna na katulad ng Pfizer, mayroon na rin silang pag-aaral na ginagawa sa Amerika na gusto nilang malaman kung ito ay okay gamitin sa mga batang edad na 6 months old pala hanggang mga 11 years old. So sa ngayon sa Pilipinas, Pfizer pa lang ang puwedeng magamit para sa mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumpara po sa older age group, may pagkakaiba po ba sa efficacy rate at maging adverse effects na ibinibigay na bakuna sa mga bata?

DR. BUNYI: Kung pag-uusapan natin, eh mga adverse effects, pareho lang iyong nakita sa pag-aaral na nangyayari sa mga bata at saka sa matatanda.  In terms naman of bisa, sa Pfizer nakita nila mas maganda ang proteksiyon na binibigay sa mga bata compared sa mga young adults. Kapag sinabi kong young adults, ito iyong mga 18 hanggang mga 26 years old. Iyon pa lang iyong preliminary results na ipinapakita nila, ipinapahayag nila sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano naman po o aprubado na nga po ng FDA dito sa bansa iyong paggamit ng Pfizer vaccine para sa edad 12 to 15 years old so, bukod po diyan, base sa pag-aaral sa Coronavac ng Sinovac, maaari na rin po ba itong ibigay sa younger age group? Nabanggit nga po ninyo kanina 3 to pataas, years old ang pupuwedeng target na mabakunahan. So, tayo po, kailan po kaya tayo maaaring makapagbakuna para dito sa ating mga kabataang Pilipino?

DR. BUNYI: Naintindihan naman namin, na-recognize namin na ang kabataan ay isa rin sa mga vulnerable population na kailangang bigyan. Kaya lang limited pa kasi ang supply natin ng mga coronavirus vaccines. So naunawaan namin, ng organisasyon namin ng Philippine Pediatric Society at saka ng Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines na mas mainam na ibigay na muna doon sa mga grupo na katulad ng seniors, A2, iyong A3, iyong mga adults na mayroong comorbidities, ibigay na muna sa kanila iyong bakuna, Bakit? Kasi sila iyong nagkakaroon ng mas seryosong COVID-19. Sila iyong kapag nagkaroon ng COVID-19, sila iyong naoospital at sila iyong namamatay kapag nagkaroon ng COVID-19. Ikumpara natin sa mga bata, although nagkakaroon ang mga bata ng infection na COVID-19, marami sa mga bata eh asymptomatic, walang pinapakitang sintomas or very mild lang na hindi naman kailangan maospital at puwedeng magamot sa bahay lamang. So, iyon ang naging official stand ng organization namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Bunyi, may tanong lang po si Ivan Mayrina, kung nakarating sa inyo iyong report na nagkaroon daw po ng heart inflammation or pamamaga ng puso lalo sa mga batang naturukan ng Pfizer? Totoo po ba ito, nakarating na po ba sa inyo itong ganitong report?

DR. BUNYI: May report na ganiyan, iyong sinasabi nating myocarditis, iy0ng pamamaga ng puso sa mga young adults, 16 to 26 years old. Pero kailangan pa rin nating timbangin iyong benefit and risk na tanggapin iyong bakuna. Nangyayari ito sa 16 to 30 people out of a million doses. So, kung titingnan natin mas malaki pa rin ang makikita nating benepisyo kaysa sa risk ng side effect na iyan.

Number two, kailangan pang pag-aralan kung talaga bang mayroong koneksiyon doon sa bakuna, iyong pagkakaroon ng inflammation of the heart. Kaya masusi pang pinag-aaralan iyan.

USEC. IGNACIO: Doc, paano naman po daw makakaapekto itong pagbabakuna sa ating younger population sa long term goals ng bansa para sa pagtugon sa COVID-19?

DR. BUNYI: Okay. Kung sakali mang magkaroon na tayo ng sapat na supply ng bakuna at mabigyan ng pagkakataon na magbakuna sa mga bata. In the long run, itong mga batang ito na puwede rin kasing makahawa sa matatanda ay mapoprotektahan ang mga matatanda. So, ang transmission ng virus ay mababawasan kung lahat – from bata hanggang matanda ay mababakunahan na.

USEC. IGNACIO: So, paano naman daw ngayon ina-address ng Department of Health itong hesitancy ng mga magulang para sa kanilang mga anak, dahil sa stigma po na idinulot ng mga nakaraang isyu sa bakuna? Sa tingin ninyo paano daw ito makakaapekto naman sa vaccination rollout sa  younger age group?

DR. BUNYI: Kasi iyong mga magulang, kailangan makuha natin iyong tiwala nila. Ang mga magulang, mas maingat kasi iyan eh sa mga anak. So, ang mga pediatricians, kung masasabi ko, kung maishi-share ko sa inyo, may skills sila para makuha nila iyong kumpiyansa at saka iyong trust ng magulang.

Number two, dapat matapat tayo sa magulang, ibigay natin iyong tamang impormasyon tungkol sa bakuna, ano iyong puwedeng maging side effects, ano iyong puwedeng ibigay na benepisyo ng bakuna sa kanilang mga anak at papaano nila matutulungan iyong komunidad para maging safe doon sa sakit na iyon. At saka iyong magandang komunikasyon sa mga magulang, importante rin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bilang isang Pediatric Infectious Disease Expert, once daw po mag-start na po iyong inoculation sa younger age group, pupuwede po ba luwagan na iyong restriction sa mga bata o ibalik na iyong face-to-face classes?

DR. BUNYI: Siguro sa akin, hindi ko tatawaging face-to-face, siguro hybrid, puwede. So parang blended learning kami, mayroong online, mayroon pa ring face-to-face. Kasi kapag nagsimula tayo ng school opening, payagan ulit natin, hindi lang naman isang factor ang kailangan nating isipin, marami iyan. So, hindi lang iyong education materials kung handa na, handa na ba talaga ang mga paaralan to open up their facilities. So kailangan sundin pa rin iyong mga safety procedures para hindi kumalat ang COVID infection sa eskuwelahan. Dapat mayroon silang koordinasyon sa Barangay, sa LGU, para kung halimbawang magkaroon ng mga kaso, alam nila kung sino ang tatawagan, sino ang tutulong sa kanila.

So bukod sa bakuna – bakuna is just a layer of protection doon sa mga ginagawa na natin – so hindi dapat matanggal iyong pagsusuot ng mask, pagsusuot ng face shield, iyong physical distancing, iyong ventilation na tinatawag natin sa room at saka iyong classroom sizes, kasi dapat sinusunod pa rin natin iyong at least 3 feet in between students, harap, likod at saka iyong katabi nila. So, maraming bagay ang dapat nating isipin bago tayo talaga totally mag-relax ng restrictions natin. Ngayon kung lahat handa na puwede naman.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa iyong panahon at impormasyon Doc. Mary Ann Bunyi ng National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 Vaccine, ingat po salamat po uli.

DR. BUNYI: Salamat din po.

USEC. IGNACIO: Isinusulong po ng Department of Energy ngayon ang isang teknolohiya na layon pong tugunan ang numinipis na supply ng kuryente sa bansa, atin pong alamin kay DOE Assistant Secretary Gerardo Erquiza, Jr. ang tungkol sa nuclear power bilang isang viable na option para po magbigay sa atin ng panibagong source ng power. Good morning po, Asec.

DOE ASEC. ERQUIZA, JR: Good morning po Usec. Rocky, marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Asec., bakit po essential itong nuclear power sa energy mix ng bansa?

DOE ASEC. ERQUIZA, JROpo. Parang ang prinsipyo lang po dito ay huwag po natin ilagay ang—we don’t put our eggs in one basket, kailangan maraming sources of power kasi one day iyong mga fossil fuels natin like gasoline, coal kung saan nanggagaling ang energy natin ay maubos na and habang tumatagal ito nagiging mahal din at nagkakaroon tayo ng mga requirements especially now sa environmental concerns and mayroon tayong mga treaty na kung saan dapat pababain natin ang carbon emission at ang nuclear ay isang malinis na source of power and basically alam ninyo sa panahon ngayon umiikot ang mundo nag-iiba ang pangangailangan natin at kailangan talaga you have to source that 24/7. Sabi 24/7 hindi humihinto ang supply. Sa mga bahay natin ngayon, ang buhay natin umiikot na tayo sa virtual meeting, sa telephone, sa comforts natin sa bahay hindi na tayo ay lumalabag.

So, we really need a source of power that is stable and secured, sustainable and ang cost nito comparable itong ibang mga sources mas mababa. Kaya pinag-aralan po namin dito sa Department of Energy magkaroon ng energy plan na kung saan mag-i-inject ng isang some source of power na ma-address lahat itong mga concerns ng energy, ito ang nuclear power.

Ito’y matagal na inihain, nagsimula itong mga 1980s’ pero hindi na tuloy. Pero kung titingnan po natin, ang palo ng ekonomiya ang mga bansa na may nuclear power, iyong top twelve, ito po iyong mga mayroong nuclear power and they are the richest countries in the world.

We speak of economy, ang nuclear power is a good source of a stable, secured and reliable power. Kaya kailangan natin ilagay ito lalo na ngayon may COVID-19 pagkatapos nito kailangan natin i-follow iyong ekonomiya natin mayroon tayong Build, Build, Build Program. Everybody is very dependent already on power so we really have to come-out and inject in our energy mix ang isang source ng power na makakatulong sa bansa natin especially in the future.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Asec., ano po ba daw iyong bentahe nitong nuclear power kumpara po sa ibang source of energy na mayroon tayo ngayon at may nabanggit na rin po kayo gaano po daw kalawak ang kaya nitong masuportahan?

DOE ASEC. ERQUIZA, JR: Opo. Kasi basically may dalawang main sources of power na sinu-supply, itong tawag na peak, peak tapos iyong base load. Itong base load ito iyong 24/7, nagsu-supply iyan kahit natutulog tayo tumatakbo.

Iyong peak load power sources, ito iyong gagamitin mo lang pag kailangan, ang isang example nito iyong mga sources na ito gaya ng renewable, iyong solar.

Mayroon ka namang power pag may araw di ba at hydro-electric pag mayroong tag-ulan mayroong source of power, wind pag may hangin may power but this is not a complete reliable kasi pag walang araw, walang wind o walang tubig hindi nagpu-produce ng power.

So, they are these what we call based load sources of power gaya ng coal fired, iyong LNG, Liquefied National Gas and mayroon din pong nuclear, Pero ang may problema ho tayo dito sa coal ngayon kasi ang lumalabas na direksyon dito sa mundo ay iyong climate change nag-e-emit ang coal ng carbon.

So, nagkakaroon tayo ng climate change, itong mga causes ng mga violent typhoons, pagtaas ng tubig sa dagat at mga flooding. So, in one way or another all the countries are cooperating on these that’s why ang International Energy Agency po na kung saan nagkakaroon tayo ng ugnayan ay halos buwan-buwan kaming nagko-coordinate so that we will able to come out with a policy.

So tama ang nuclear doon sa energy mix, it doesn’t mean that—ngayon ipapatayo natin nuclear power plant kasi bago mangyayari po iyan mayroon tayong mga masusing training, pag-aaral at the same time iyung proper consultation with the people, ito ang na-miss natin. We have mistakes in the past and we don’t want to commit these same mistakes again. Tingnan natin mabuti, makonsulta natin, mapaabot natin sa tao, taong bayan kung ano iyong kabutihan ng nuclear plant at pag naintindihan po sisimulan natin ang proseso na kung saan ma-ensure natin lahat na safe at maayos.

Isasabatas po ito, isasabatas hinihintay po nating magpalabas ang ating Pangulong Duterte nung polisiya kung saan isasaad doon na puwedeng maumpisahan ang masusing pag-aaral at pag-include ng nuclear power sa energy mix. Pagkatapos po nito ay titingnan natin ito ay nasa batas, hindi lamang ito ay isang polisiya para ma-ensure po natin at doon sa batas ilalagay iyong mga provision on safety, security, safest guards at kailangan magkaroon ng isang body ito, iri-regulate at titingnan na ang nuclear power plant ay magiging safe at ang pagpapatayo ng power plant etc. all the provisions necessary to see to it that the people are safe nakasaad dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon po iyong mga gagawin ng Energy Department para po maibsan iyong pangamba ng publiko dito sa tinatawag na nuclear power. Sakali pong maaprubahan ito ano po iyong mga sites o location na pinag-aaralan ninyo kung saan po ito posibleng itayo? 

DOE ASEC. ERQUIZA, JR: Well mayroon na hong sistema diyan, may mga kinse na mga sites all over the country na na-identify, that’s just the first stage. Kung saka-sakali mayroon na hong isang proposal titingnan iyong site talaga.

May specific details kung ito ba ay prone sa earthquake, flooding and other distraction or disturbance na puwedeng ma-endanger po ang isang locality or as whole iyong bansa po.

So, dalawang process po iyan, we have identified but this will be subjected to rigorous evaluation kung saan ang mga experts that include people from the International Energy Agency, experts all over the world will be consulted and asked to participate, the process will be transparent all problems will be addressed. 

USEC. IGNACIO: Opo Asec., bukang-bibig naman po nitong mga nagdaang araw, itong Bataan Nuclear Power Plant. May balak pa po bang gawin dito ang DOE para po mapakinabangan? 

DOE ASEC. ERQUIZA, JRWell, iyong Bataan Nuclear Power Plant po unang-una nagkaroon kami ng study kung puwedeng itong i-rehabilitate, ang lumabas iyong ginawa ho ng Korean Hydro and Nuclear Company and [unclear] ng Russia, sinabi nila po na puwede naman pong i-rehabilitate ito po nasa picture. 

Pero the question is: Will we rehabilitate muna, may problema pa pala diyan sa Bataan po kasi ang legal framework natin ito ay pag-aari ng gobyerno pero nandoon sa batas na natin na bago hindi puwedeng magpatayo ang gobyerno ng nuclear power plant. So, mayroong konting legal problem ho diyan. 

Pangalawa po, kung saka-sakaling pumasok po tayo ng nuclear, ang diskusyon po namin sa isang committee po na nabuo ni Presidente na ako po iyong nagpi-preside sa briefing ay magkakaroon tayo ng idea na angkop sa concept natin na unahin muna natin iyong other sources or forms nuclear power plant like the small nuclear reactors po, small modular. 

Proof of concept lang ito para maipakita sa taong bayan na ito ay safe at maayos kasi pag unahin ho natin ang Bataan Nuclear Power Plant medyo ito gigisingin niya iyong mga pagkakasamaan ng loob, we were divided in the past, polarized at gigisingin lang po natin ang diskusyon dito at baka iyong away noong nakaraan ay ibabalik po natin.

So, unahin muna natin na ipakita through some other nuclear power plants, iyung small modular na ito ay safe at ‘pag okay na ito siguro ang taong bayan approved na ito ay mas madali nilang tatanggapin kung ire-rehabilitate natin ulit o papatakbuhin itong Bataan Nuclear Power Plant.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras Assistant Secretary Gerardo Erquiza, Jr.

DOE ASEC. ERQUIZA, JR: Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyo. 

USEC. IGNACIO: Samantala, sa gitna ng kaliwa’t kanang usapin kaugnay sa paggamit ng face shield, ang pamahalaan ng Benguet ay suportado ang desisyon ng IATF na ipagpatuloy ang paggamit nito sa mga matataong lugar para sa karagdagang proteksiyon. Narito po ang report: 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Magbabalita naman mula sa Region XI si Julius Pacot ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV-Davao.

Dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at ng kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)