Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, muli ninyo kaming samahan sa isang oras na naman ng talakayan kaugnay sa mga isyu na dapat ninyong malaman, sasamahan tayo ng mga panauhing handang sumagot sa tanong ng bayan. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong umaga po ay makakausap natin sina House Deputy Speaker Lito Atienza; POEA Administrator Bernard Olalia; at si FDA Director Eric Domingo.

Maari po kayong magpadala ng tanong o mensahe sa kanila sa pamamagitan ng ating live streaming sa PTV YouTube at Facebook accounts.

Nagluluksa po ang buong bansa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III, kasalukuyan pong ginaganap ang public viewing sa labi ng dating Pangulo sa Church of the Gesu sa loob po ng Ateneo De Manila University, susundan naman ito ng isang misa sa ganap ng alas-singko ng hapon at magtatapos ang pagsilip ng publiko sa namayapa sa ganap na alas-diyes ng gabi.

Kahapon po ay inilabas ng Palasyo ang Proclamation No. 1165 na nagdideklara ng sampung araw na pagluluksa sa pagkamatay ng dating Chief Executive.

Samantala, labintatlong panukalang batas ang layong mas paunlarin ang kapasidad ng mga ospital sa mga probinsiya pirmado ni Pangulong Duterte. Ayon kay Senator Bong Go na siyang sponsor ng mga panukala, malaki ang maitutulong nito upang maipaabot ng maayos na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base po sa report ng Department of Health kahapon, June 24, 2021:

  • Umabot na sa 1,378,260 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 6,043 na mga bagong kaso.
  • 108 katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 24,036 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman nating gumaling na sa sakit ay nasa 1,302,814 matapos madagdagan ng 4,486 new recoveries kahapon
  • Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 51,410.

Samantala, upang makibalita sa takbo ng vaccination roll-out sa iba’t-ibang lugar sa bansa makakasama po natin live ngayon mismo sa studio si NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon. Good morning po Secretary at welcome back po sa Laging Handa at maraming salamat din po sa pagbisita ninyo sa PTV office.

SEC. DIZON: Maraming salamat Usec. Rocky, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nitong Miyerkules nga lang po na-achieve na natin iyong highest COVID jabs in a day. Ano po ang implication nito sa ating vaccination roll-out; are we expecting na magtutuloy-tuloy na po ito o mahihigitan pa sa mga susunod na araw?

SEC. DIZON: Usec. Rocky, tama iyong sinabi mo. Actually kahapon, Thursday eh pangalawang araw natin ng straight na umabot ng 350,000 mahigit ng ating vaccinations in one day. So, sa loob lamang ng dalawang araw ay naka-halos 700,000 tayong nabakunahan.

Ito na ang pinaka-mataas nating nagawa sa loob nitong magkasunod na dalawang araw and makikita natin na dahil sa trabahong ginagawa ng ating pamahalaan lalung-lalo na ng ating Vaccine Czar na si Secretary Charlie Galvez, ay padami na ng padami ang mga bakunang dumarating.

Kahapon lamang may dalawang milyong Sinovac na dumating, at sa mga susunod na araw at sa susunod na linggo mayroon pang padating na iba pang bakuna. Sa Linggo darating na ang unang-unang shipment natin na bakunang Moderna, ito ay bakunang galing sa Amerika, at ito ay ibabahagi natin pati sa private sector ‘no.

Sa Linggo, darating na ang unang-unang shipment natin ng bakunang Moderna. Ito ay bakunang galing sa Amerika, at ito ay ibabahagi natin pati sa private sector ‘no. Napakalaking tulong ng private sector sa atin lalo na ang ICTSI. At dahil sa efforts ng gobyerno at ng private sector ay dumadami na nang dumadami ang mga bakuna kaya tuluy-tuloy nating makikita pa ang pagtaas ng pagbabakuna natin araw-araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilang mga LGUs nga po iyong naunang umaalma na diumano ay hindi nabigyan o mabigyan nang sapat na bakuna ang lugar na hindi kasama sa NCR Plus 8. Kahapon nga po ay nabanggit ninyo, pati ni Secretary Duque, ang Plus 10 areas. So ano po iyong mga bagong lugar na padadalhan natin ng bakuna? At may mga high-risk areas po ba kayong namu-monitor o kailangan pang idagdag?

SEC. DIZON: Unang-una ‘no, ang pag-allocate natin ng bakuna ay talagang depende sa dami ng bakunang nasa atin. At kailangan natin, sa tulong ng ating mga eksperto, talagang mag-prioritize ng mga areas. Kagaya ng sinabi ni Secretary Galvez, sa istratehiya natin ang kailangang mga unahin talaga natin, unang-una, iyong mga areas na highly urbanized dahil ito ang pinakamataas ang posibilidad na magkaroon ng surges at impeksiyon; at ikalawa, ito rin ang mga areas sa bansa na malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya.

Pero dahil po nga dumadami na ang bakuna, nag-announce na po si Secretary Galvez na tayo ay magdadagdag ng sampung mga bagong siyudad, kasama na diyan ang Iloilo, ang Bacolod, ang Zamboanga, ang Cagayan de Oro, ang Baguio City, ang Naga City, ang Legazpi City, ang Ormoc, ang Tacloban at iba pang mga lugar.

Habang dumarating ang bakuna, Usec. Rocky, tuluy-tuloy nating dadagdagan ang mga priority areas natin. Pero ang importanteng maintindihan din natin na hindi naman ibig sabihin na iyong priority areas lang ang padadalhan natin ng bakuna. Lahat ng mga areas sa buong bansa ay pipilitin nating mabigyan ng bakuna dahil ito ang gusto ng ating mahal na Pangulo, pero siyempre lahat ito ay nakadepende sa dami ng bakunang darating.

Pero ang maganda, dumadami na, at kampante tayo na sa susunod na linggo ay magri-reach tayo ng napakaimportanteng milestone na aabot na tayo ng sampung milyon. Ito po ang naging target natin bago matapos ang buwan ng Hunyo. At kampante tayo na bago matapos ang June ay aabot na tayo nang mahigit sampung milyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang gustong ipaabot na tanong si Melo Acuña, ano po. Dito raw po, mayroon daw pong report na nakarating sa kaniya na dito sa Zamboanga Region ay mataas daw po iyong vaccine hesitancy. Ang nangyayari ay parang may pangamba na baka raw po masayang iyong mga ipapadalang bakuna. Ano po ang gagawing aksiyon ng pamahalaan dito?

SEC. DIZON: Alam mo, napakaepektibo ng rollout ng ating mga local government units. Kaya nagpapasalamat tayo sa lahat ng ating mga mayor at sa lahat ng ating mga city health officials, provincial health officials, governors dahil despite iyong mataas na vaccine hesitancy sa ibang lugar ay maganda pa rin ang rollout. Pero nakakasiguro tayo na sa tulong ng ating mga local chief executive ay walang masasayang na bakuna. Kaya nga in-open up na natin iyan, puwede nang magbakuna ng ating mga workers; puwede na ring magbakuna ng ating mga indigent population, pati na rin ang ating mga OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nitong linggo nga po ay dumating sa bansa iyong ating ilang Israeli experts para tumulong sa vaccination planning and strategy natin. So ano po iyong kanilang naging assessment? At ano po specifically iyong kanilang mga rekomendasyon, kung mayroon man po?

SEC. DIZON: Alam mo nagpapasalamat tayo sa bansang Israel, napakalaki ng kanilang binigay na tulong sa pamamagitan ng kanilang mga advisers na pinadala dito. Alam ninyo naman, ang Israel ang isa sa mga pinakamagaling o pinakamagaling na bansang nag-rollout ng bakuna. Ngayon, 94% ng kanilang adult population ay bakunado na with two doses. At marami tayong natutunan sa kanila, unang-una na iyong pagsi-simplify at gagawing mas mabilis ang ating proseso. Iyon ang pinakaimportante, kailangan ang objective natin ngayon ay mabakunahan natin ang mas maraming kababayan natin nang mas mabilis. At kung sino ang may gusto ng bakuna ay dapat makatanggap ng bakuna. Pero siyempre iyan ay depende pa rin sa ating supply.

Pero kagaya ng sinabi ko kanina, dahil sa efforts ni Secretary Galvez at ng ating mahal na Pangulo ay dumadami na nang dumadami ang supply. At sa mga susunod na linggo, susunod na buwan, dadami’t dadami na at bibilis na nang bibilis ang ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Dizon, ngayong nasa A4 at A5 na po tayo sa vaccination rollout, kumusta po iyong naging observation ninyo sa inyong naging pag-iikot sa mga LGUs?

SEC. DIZON: Maganda po. Alam ninyo, ang NCR, napakabilis na po ng pagbabakuna. Nitong linggong ito, lampas 100,000 kada araw ang nababakunahan ng NCR. In fact, noong isang araw, noong isang linggo, umabot ng 200,000; at ngayong linggo, umabot nang 180,000 ang kanilang nabakunahan.

Ang Quezon City, umabot nang halos 50,000 ang kanilang nabakunahan; ang Maynila, 37,000. At ang iba pa nating mga siyudad, kahit iyong mga maliliit na siyudad tulad ng Las Piñas, ng Marikina, ng Pateros, ng Mandaluyong, ng Taguig ‘no na napakabibilis ng pagbabakuna. Pati Navotas ‘no na napakakaunti lang ng populasyon pero halos limanlibo ang nababakunahan niya.

So ngayon, ang ginagawa natin ngayon, tinutulungan naman natin ang mga regions sa labas ng NCR, tulad ng Region III, Region IV-A, Region VII, Region XI, pati na rin ang Region VI. So magtutulung-tulong lang po tayo sa tulong ng ating mga LGUs – ng mga mayor natin, ng mga governor – tingin ko po bibilis na tayo nang bibilis.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bilang Testing Czar, anong mga hakbang po ngayon ang ginagawa natin para maagapan itong banta naman ng pagkalat ng Delta variant, kasama na iyong Delta Plus, sa bansa? Masasabi po ba nating sapat ang bilang ng mga nati-test kada araw?

SEC. DIZON: Sa ngayon ay sapat ang ating mga nati-test. Pero tatandaan natin, hindi lang testing ang kailangan natin. Kailangan natin lalung-lalo na dito sa Delta variant ang kumpletong istratehiya – iyong prevention: iyong pagsusuot ng mask, face shield, paghuhugas ng kamay, pagdidistansiya; kailangan natin ang detection, kasama na diyan ang contact tracing din; kasama natin dapat diyan ang mabilis na pag-a-isolate at pag-aalaga sa ating mga magkakasakit sa buong bansa. So kailangan lang po talaga doble ingat at kailangan pabilisin natin ang ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po ng OCTA Research na dapat pang paglaanan pa ng pondo ang testing, bio-surveillance at contact tracing hanggang matapos ang taon. So kumusta po ang budget natin dito, Secretary?

SEC. DIZON: Okay naman po. Sabi naman po ni Secretary Avisado, ni Secretary Duque, mayroon naman tayong sapat na pondo. Pero alam ninyo, kailangan talaga i-manage natin nang mabuti ang ating mga pondo hindi iyan forever, hindi iyan unlimited. Kailangan iyan ay gamitin natin ang limitado nating pondo sa pinakaepektibong mga istratehiya. So kasama na natin diyan ang prevention, detection, isolation, treatment at ang ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat sa inyong pagsama sa amin ngayong araw, Testing Czar at NTF Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon. Salamat po. Siguro nakita ninyo naman po ang ating mga kasamahan na nagsimula na pong bakunahan dito sa PTV, kasama po ang IBC 13. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo, Secretary.

SEC. DIZON: Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo, kay Secretary Galvez. At nagpapasalamat din tayo sa management ng PTV at IBC 13, kay Secretary Martin, kay Usec. Kat, kay Usec. Rocky dahil ngayon po ay mukhang sa loob ng ilang araw ay matatapos na nating mabakunahan nang at least first dose ang PTV at IBC 13. Maraming salamat po at huwag po tayong matatakot sa bakuna; mas matakot po tayo sa COVID, at tuluy-tuloy lang po tayo sa pagtutulong sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po at welcome po sa pagbisita sa PTV, Secretary.

SEC. DIZON: Maraming salamat. Good morning po. Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Samantala, isa pa rin po ang mga seafarers na talagang apektado ng mga umiiral na lockdown at border control sa iba’t ibang mga bansa, ngunit laging nakaalalay sa kanila ang labor department para tugunan ang kanilang pangangailangan. Para alamin ang hatid na programa ng pamahalaan para sa kanila, hindi lamang ngayong panahon ng pandemya, muli nating makakasama sa programa si POEA Administrator Bernard Olalia. Welcome back po ulit sa Laging Handa, Sir.

POEA ADMIN. OLALIA: Good morning po, Usec. Rocky. At good morning po sa mga viewers po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon pong araw ay ipinagdiriwang ang Araw ng mga Marino o Day of the Seafarers. So ano po ba ang mga programa ng inyong ahensiya para masigurong mabibigyan-proteksiyon at natutugunan iyong pangkalahatang pangangailangan ng ating mga seafarers, naku, lalo na po sa gitna ng pandemya.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku tama kayo, Usec. Rocky, ano. Dahil po sa araw po ng marino ngayon, atin pong ginugunita iyong kabayanihan na ipinapakita ng ating mga Pilipinong marino. At dahil po sa kabayanihang iyan, napakarami pong programa na ibinigay po ang ating pamahalaan ‘no.

Nangunguna na po dito iyong Joint Circular for the Seafarers Green Lane na isinulong po ng iba’t ibang departamento at ahensiya para gawing isang crew change hub ang ating bansa ‘no. Magbukas po tayo nang maraming mga piers, maraming mga ports para ma-accommodate po iyong pagpapalit ng ating mga marino at iyong kanilang immediate repatriation.

Maliban po sa Green Lane na binuksan po natin, kinilala po natin ang mga marino bilang essential global workers. At dahil sila po ay kinilala bilang essential global workers, ang IATF mismo po ay nagpasa nang napakaraming resolution – iyon po ‘yung mga resolution na kung saan pinapayagan po silang mag-travel kahit may mga restriction ‘no, pinapayagan po silang lumipad para doon sa crew change para po makapag-employ po sila sa mga barkong kanilang patutunguhan ano.

At tayo rin po sa POEA, napakarami rin po nating ginawa para po itaguyod iyong karapatan ng ating marino. Mayroon pong isinusulong ngayon, iyong tinatawag na Magna Carta for Seafarers na kung saan ang Kongreso natin, both Lower and Higher House po, ay ipinapasa po itong batas na ito para po sa karapatan at proteksiyon ng ating mga Pilipinong marino.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, sa inyo pong datos ngayong 2021 ano po, ilan na po ba iyong kasalukuyang numero ng ating deployment para sa sea-based workers at ilan po dito iyong mga seafarers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po, Usec. Rocky, kung maalala ninyo last year noong nagsimula iyong pandemic, bumagsak po ang ating deployment – at kasama sa pagbagsak eh of course iyong mga seafarers natin. Kung hindi ako magkakamali, nasa dalawang digit lamang ang ating pinapalabas ‘no dahil wala pa pong crew change ‘no. Pero dahil po sa mga isinulong na napakaraming polisiya at programa ang ating pamahalaan, lumago po iyong ating deployment.

Nagsimula po tayo ng January 21, 2021 ngayong taon nang halos 15,000 ang ating marinong dineploy po ‘no. Pero ngayong buwan ng Mayo dumoble na po iyon, halos 30,000 na po ang ating dini-deploy na seafarers patungo po sa iba’t ibang destination ano. Napakagandang graphics po nito kasi unti-unti na pong bumabalik ang datos natin doon sa pre-pandemic historical data natin. Kung maaalala po ninyo iyong ating pre-pandemic data natin, halos 40,000 ang ating pinapalabas po na mga seafarers.

USEC. IGNACIO: Opo. Noong nakaraang taon po ay isa ang inyong ahensiya sa nagbigay-daan para po maipatupad ang green lane for seafarers. So, ano po ba iyong layunin nito at gaano karaming Pinoy seafarers po ang natulungan nito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku tama po, Usec. Rocky ‘no. Tulad po ng nabanggit ko kanina, iyon pong green lane, ito po ‘yung papayagan natin na mag-travel ang ating mga seafarers kahit po may mga border closure at travel restrictions ‘no. Tayo po ang isa sa mga kauna-unahang bansa na nagpasa ng green lane – iyon pong green lane na ito ay sa pamamagitan nang pagpapasa ng ating joint guidelines na ipinalabas po ng Department of Finance, Department of Labor, Department of Foreign Affairs, POEA, OWWA, BI, MARINA saka iba-iba pa pong ahensiya na tumulong para po pag-ibayuhin iyong deployment po natin.

Nagbukas po tayo nang maraming mga piers para i-accommodate hindi lang po iyong Filipino seafarers kundi pati iyong mga foreign seafarers. Layunin po nito na magkaroon agad ng crew change para iyong mga marino po natin na sumasampa sa barko ay hindi naman magkaroon ng extension ng kanilang kontrata at sila po ay ma-expose sa unsafe environment ‘no. So iyon po ang isa sa mga ginawa po natin para po doon sa tinatawag nating green lane for our Filipino seafarers.

USEC. IGNACIO: Opo. Administrator, ano na po ang status daw ng isinusulong na Magna Carta of Filipino Seafarers; at kung sakali daw pong maisabatas ito, ano po iyong maaaring maitulong nito sa ating mga kababayang seafarers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po iyon pong tinatawag nating Magna Carta for Seafarers, ito po ay ipinapasa ng ating Kongreso para po mag-comply tayo doon sa tinatawag nating Maritime Labor Convention na kung saan ang Pilipinas ay isa po sa nag-ratify noong pong 2006. Layunin po ng convention na ito na pagandahin ang kondisyon, tulungan ang mga seafarers at i-promote iyong kanilang welfare. Gayun din po ang layunin ng Magna Carta for Seafarers.

Sa ngayon po ang POEA kasama po ng ibang mga stakeholders of the overseas employment industry particularly the seafaring organizations ay kasama doon sa tinatawag na Technical Working Group na kung saan pinagtutulungan po naming pagandahin iyon pong pag-craft ng batas para po doon sa Magna Carta for Seafarers ‘no. Ang ginagawa po kasi ng ating Technical Working Group, tinitingnan po iyong mga probisyon para i-uplift iyong mga promotion o iyong welfare ng ating mga seafarers ‘no.

At approach nito is pool of deployment ‘no, kumbaga magmula po sa educational nila, sa training po nila, sa skills nila bago po sila sasampa, iyong deployment, pre-deployment at saka po iyong repatriation ay lahat po iyon ay tutugunan ng ating pamahalaan. Layunin po nito na mapaganda iyong buhay ng ating marino habang sila po ay nakasampa sa barko at ‘pag sila po ay bumalik, pati po iyong kanilang repatriation ay maasikaso nang husto, hindi po iyong natitengga sila doon sa mga destination na ang tagal po nila at para rin po ito sa kapakanan hindi lang po sa kanila kundi para sa kani-kanila pong mga pamilya din.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa pagbabakuna, saang kategorya po ba nabibilang ang mga seafarers at may datos na din po ba tayo kung ilan na sa kanila iyong nabakunahan?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Dahil din po sa direksiyon ng ating pamahalaan na tulungan ang overseas employment industry partikular na po ang mga seafarers ‘no, kung maalala po natin mula sa B category, naiangat po ito sa A4 category at sa ngayon, ginawa na po ng IATF na A1 category dahil po sa utos ng ating mahal na Presidente.

Ang gusto po natin mabakunahan lahat po ng madi-deploy nating mga seafarers ‘no kasama na of course iyong mga land-based workers po natin.

Sa ngayon, nagtutulung-tulong po ang iba’t ibang ahensiya katulad po ng OWWA, ng DOLE at ang MARINA; nandiyan din po iyong mga pribadong stakeholders katulad po ng AMOSUP at iyong mga iba’t ibang organization ng manning agencies para po bakunahan iyong kani-kanila pong mga seafarers.

Kung hindi po ako nagkakamali, ito lamang pong Lunes na ito, nagkaroon po ng inoculation program diyan po sa Manila na kung saan dumalo po ang ating mahal na Secretary of Labor, si Secretary Bello at pinangunahan niya po iyong pagbabakuna ng mga seafarers po natin.

Hangga’t maaari, ibinibigay po namin iyong vaccine preference sa kanila para nang sa ganoon wala po silang maging problema ‘no. Gagawa po ng paraan ang ating pamahalaan para lahat po ng seafarers po natin ay ma-vaccine na po.

USEC. IGNACIO: Opo. So Administrator, ano naman daw po iyong latest update hinggil sa panawagan ng mga Pinoy seafarers na 17 months na po na stranded sa China? Ano po daw tulong ang ipinapaabot ng pamahalaan sa kanila ngayon at ano po iyong maaaring assistance na inyong maaaring ibigay sa kanila?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Iyon pong binabanggit po ninyo, Usec., iyon po iyong MV Angelic ‘no na kung saan iyong manning agency, iyong Magsaysay Agency, ay nakipag-ugnayan na po sa ating ahensiya sa POEA. Binigyan na po natin ng instruction na agaran pong tumulong doon sa repatriation ng labingpito nating seafarers na natengga na doon ano.

Alam ninyo po napakatagal na nila doon eh, na-deploy po sila last year bago po ang pandemic ‘no. At ang gusto po natin pagkatapos ng kanilang kontrata sila po ay agarang maiuwi natin nang sa ganoon hindi po sila ma-expose sa COVID-19 habang sila po ay nakatengga sa barko.

May mga restrictions lamang po sa bansang China kaya tayo po ay nakipag-ugnayan din sa Department of Foreign Affairs para ayusin iyong kanilang documentation at i-schedule po iyong kanilang flight pabalik po ng Pilipinas. Inatasan na rin po natin ang manning agency involved na ibigay iyong mga sustento, iyong mga food and sustenance po nila para nang sa ganoon hindi po sila gugutumin doon sa kanilang barko.

Pagkatapos habang natitengga po sila, tayo po sa POEA naman ay naglabas ng alituntunin noon na ibibigay ang kanilang monthly salary kahit po tapos na po iyong kanilang employment period. So habang nakatengga po sila, iyong kani-kanilang mga pamilya ‘no ay tatanggap po noong tinatawag na allotment, ipapadala po ng manning agency iyong suweldo ng ating mga seafarers sa kani-kanilang pamilya hangga’t hindi po sila nakakabalik dito.

So lahat po na iyan aasikasuhin po natin at tayo po’y magmu-monitor at ipa-follow up natin iyong agency para nang sa ganoon, agaran po natin silang maibalik dito po sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Administrator, nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating publiko lalo na sa mga kababayan nating marino.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Muli salamat po, Usec. Rocky, sa oportunidad na ito. At sa mga kababayan po natin lalung-lalo na iyong mga marino, iyong mga seafarers po natin – saludo po ang pamahalaan sa inyo. Alam po namin ang hirap at pagod ninyo kapag kayo po ay nagtatrabaho onboard a vessel.

Kaya bilang ganti naman po, kami sa aming pamahalaan, gagawin po namin ang lahat para po maibigay sa inyo ang tama at mabilis po na serbisyo. Ingat po tayong lahat at sana po ay pagpalain po tayo ng mahal na Panginoon. Thank you.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, POEA Administrator Bernard Olalia.

Samantala, huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pinangangambahan nga po ngayon sa iba’t ibang bansa ang banta ng mga bagong umuusbong na COVID-19 variant kaya naman muling nagpaalala si Senator Bong Go sa publiko na maging handa palagi at patuloy na sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman alamin ang update sa mga bakuna at gamot sa COVID-19, muli nating makakausap si FDA Director General Eric Doming. Magandang umaga po, Usec. Eric!

FDA DG DOMINGO: Hi! Magandang umaga, Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon nga po ay nabigyan ninyo ng full EUA ang bakuna ng Bharat Biotech, ano po ang ipinagkaiba nito sa ibinigay ninyong permiso ilang buwan na ang nakalipas?

FDA DG DOMINGO: Noong nakalipas po kasi mayroon pa silang hindi na-submit na certificate sa amin ano, bagama’t pumasa na daw sila doon sa kanilang inspection for good manufacturing practice, hindi pa nila na-submit iyong actual certificate kaya hindi sila maaaring mag-angkat at saka magamit iyong bakuna hanggang ma-submit lahat iyon. Pero na-submit na nila last week, so, ngayon maaari na po silang mag-import at maaari na pong gamitin din sa bansa po natin. Iyong Covaxin po ito na bago pong vaccine galing India.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nagsumite nga po ang Gamaleya Institute ng kanilang request kaugnay sa pag-amyenda ng kanilang EUA sa bansa. Tanong po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News kung may update na daw po sa move ng Gamaleya para pahabain iyong interval between the two doses or to register Sputnik V as a single dose vaccine? Ano na po ang dahilan sa pagbabagong ito at kailan daw po inaasahan ang desisyon ng FDA kaugnay nito?

FDA DG DOMINGO: Well, iyong sa single dose po hindi pa naman sila nag-apply for that, mukhang tinatapos pa po iyong clinical trials for that. Ang na-apply na po nila iyong extension ng kanilang interval between the first and second dose from three weeks to ninety days at ito po iyong pinag-aaralan ngayon ng mga vaccine experts natin.

So, kahapon nakausap ko po iyong vaccine expert natin, ang sabi nila, wala naman kasing problem kapag nadi-delay ang second dose pero may hinihingi lamang silang datos para ma-fix kung kailan po talaga iyong maximum period ng pagbigay ng second dose.

Kapag naman po nakasagot ang Gamaleya at maibigay po nila iyong data nila eh madidesiyunan naman po agad iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Naaprubahan nga po ninyo iyong paggamit po ng Pfizer sa mga batang populasyon, ang Sinovac po ba ay wala pang inihahaing EUA para sa naging pag-aaral naman ng efficacy ng vaccine sa minors?

FDA DG DOMINGO: Well, tinanong na rin po namin iyong ibang mga vaccines katulad nga po ng Sinovac at Moderna kung sila ay mag-e-expand din kasama po iyong mga bata. Pero pareho, both companies po ay hindi pa daw po sila ready mag-apply. I think they’re compiling pa po ng data from their clinical trial involving children below 18 years old at kapag ready na iyon at saka pa po sila mag-a-apply ng expansion ng kanilang EUA.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong pinag-aaralang mix and match ng bakuna sa ibang bansa? If ever po ba kukuha pa ng permit ang mga vaccine manufacturers for the purpose naman po ng mix and match?

FDA DG DOMINGO: Well, ano pa naman, iyon po kasing vaccine mismo mayroon na naman iyong authorization ano, so, ang DOH ngayon kasama ang PCHRD (Philippine Council for Health Research and Development) ang nag-aaral noong real world effectiveness at saka itong possible nga po na mix and match. So, kailangan po hintayin natin iyong rekomendasyon nila bago po natin siguro gawin iyan dito sa atin ‘no. Pero technically, ito naman pong mga vaccines na ito sa ngayon ay mayroon na pong authorization na magamit dito sa bansa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Nag-a-apply na po ang Pfizer at Moderna vaccine para sa kanilang full authorization sa US FDA, so, gaano katagal po kaya ang magiging proseso nito at sakaling maaprubahan, ibig sabihin po nito puwede na rin dito maibenta sa publiko o maibenta sa publiko?

FDA DG DOMINGO: Well, usually po sa bakuna, sa US FDA, it would take around siguro po six months or less bago po mag-approve doon. So, kung nakakuha po sila ng full approval doon, saka pa lang po sila mag-a-apply sa ibang bansa. So, hindi naman po automatic iyon, kailangan din po silang mag-apply ng full approval or marketing authorization dito sa atin after po sila makakuha sa US FDA.

USEC. IGNACIO: Pero Usec, may pamantayan po ba kung sino lang iyong mga vaccine manufacturers ang maaring mag-apply for full authorization; ano po iyong qualification ng WHO para dito?

FDA DG DOMINGO: Kailangan po tapos na ang clinical trial phase 3, iyan po ang common requirement ng mga regulatory authorities. Katulad po sa atin, nag-reregister po ang bakuna, kapag tapos na ang phase 3 clinical trial.

USEC. IGNACIO: Usec, basahin ko lang iyong tanong ni Greg Gregorio ng TV 5: US FDA is going to include a warning against a rare heart inflammation among adolescents and young adults following inoculation of Pfizer and Moderna COVID-19 vaccines. Are we going to include the same in the EUA of these vaccines in the Philippines?

FDA DG DOMINGO: Opo, kapag po nagkaroon ng update o ng revision ng product information that is universal. So, iyon pong product information na listed sa atin will also reflect that.

USEC. IGNACIO: Opo, Puwede po bang ipaliwanag natin sa publiko, Usec, iyong kahalagahan ng pagbabakuna lalo na ngayon may mga bagong COVID variants, nandiyan iyang Delta at saka Delta plus. Kasi po ay ilan na nga iyong nagdadalawang-isip pa ring magpabakuna, pangamba kasi nila baka diumano hindi epektibo ang mga bakuna sa mga umuusbong na variants. So ano po ang masasabi ninyo dito?

FDA DG DOMINGO: Oo, Usec. Rocky. Mas lalo nga pong importanteng magpabakuna sa ngayon, kasi bagama’t nakikita sa mga pag-aaral na kahit paano nababawasan ng kaunti ang effectivity ng mga vaccines kapag nagkakaroon ng bagong variant, pero hindi po nawawala completely ang protection na ibibigay nila sa atin kontra sa sakit at kung mayroon man pong magkasakit nagiging mild lamang at hindi namamatay. So kailangan po talaga mapabilis natin ang pagbabakuna ng karamihan sa atin para hindi na nga po kumalat dito kung sakali mang makapasok itong mga variant na ito.

Alam po ninyo ang border control natin now is very strict to make sure that the Delta variant doesn’t come in. But if it does come in, mas mahirap pa rin itong kumalat kung karamihan sa atin ay bakunado na.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang si Joseph Morong ng GMA News: Is one brand better over another, kasi iba-iba po ang napupunta sa iba’t ibang provinces?

FDA DG DOMINGO: Ang ano po kasi natin, wala naman pong isang brand na kayang i-supply ang lahat ng Pilipino, kaya talaga pong we have to spread out the different brands, among different populations. Ang masasabi ko lang po is whatever brand is better than no vaccine at lahat naman po ng brand na na-approve natin ay umabot po sa pamantayan ng proteksiyon na kailangang ibigay ng isang bakuna.

USEC. IGNACIO: Usec, ilang mga hospital naman daw po ang nakapagsumite na ng kanilang application ng compassionate special permit para naman po sa Ivermectin, ilan na rin daw po ang naaprubahan so far?

FDA DG DOMINGO: Wala na po, wala na pong compassionate special permits for Ivermectin, dahil mayroon na pong registered na product na available in the market. So, ang compassionate special permit ay binibigay lamang sa mga gamot na hindi available sa Pilipinas pero registered sa ibang bansa para mai-import dito. Pero, since nagkaroon na po ng mayroong CPR na Ivermectin dito sa atin, wala naman pong compassionate special permit.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras FDA Director General Eric Domingo.

FDA DG DOMINGO: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, Senator Bong Go nakiisa sa pagdiriwang ng ika-450 anniversary ng lungsod ng Maynila nitong Huwebes, June 24. Personal na bumisita ang senador sa Liwasang Bonifacio sa Maynila kung saan nagbigay siya ng kanyang talumpati. Samantala, pinuri naman ng Senador ang hakbang ng lungsod na magbukas ng COVID-19 field hospital bilang bahagi ng pagtugon sa laban kontra COVID-19. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, upang mas mapabilis ang pagkamit ng population protection, hinihikayat ng DepEd Cordillera Region ang mga guro at non-teaching personnel na suportahan ang programa ng pamahalaan na ‘Vax to school, ligtas na bakuna para balik eskuwela’ campaign. Ang report ihahatid sa atin ni Debbie Gasingan:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, hindi po muna natin makakasama sa programa si House Deputy Speaker Lito Atienza dahil sa isang mahalagang pagpupulong at nais ko rin pong magpasalamat sa pag-monitor, panunood o pagsubaybay sa LagingHanda Public Briefing kay Col. Antonio Francisco ng Philippine Air Force. Salamat po.

Samantala, dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center