Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Sa iba’t ibang hamon pa rin ang ating kinakaharap dahil sa COVID-19 kaya naman ngayong umaga ay tatalakayin natin kung ano nga ba ang mga hakbang ng pamahalaan upang tuluyan nating masugpo ang sakit na ito.

ALJO BENDIJO: Tama ka diyan, magandang umaga, Usec. Rocky. Kaya naman ngayong Huwebes ng umaga ay sasamahan tayong muli ng ating mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang sagutin at linawin ang ating mga katanungan. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina PhilHealth President and CEO Dante Gierran, si Philippine Ambassador to United Arab Emirates Hjayceelyn M. Quintana, at Employees Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

ALJO BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang PTV correspondents mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ng Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-post ng inyong mga comments sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

At sa pinakahuling mga balita ngayon: Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibaba ang height requirements sa 5 feet and 2 inches sa mga lalake at 5 feet naman sa mga babae. Ngunit ang mga aplikanteng nabibilang sa indigenous groups ay mananatiling hindi kasali sa nasabing requirement.

Aniya, malaking tulong ang ganitong panukala upang mapalakas at mapatatag ang mga pulis, bombero at iba pang mga first responders sa oras ng sakuna. Dagdag pa niya, magiging daan din ito upang magkaroon ng mas maraming oportunidad ang mga Pilipino na makapaglingkod sa bansa.

Sa iba pang mga balita, Senator Bong Go patuloy na isinusulong ang mga panukala na naglalayong mas palalakasin pa ang healthcare assistance sa bansa at tulungan ang mga Pilipino na maka-recover mula sa krisis pangkalusugan na ating kinakaharap. Ilan lamang sa mga health-related bills na nauna na niyang inihain at kasalukuyan na ring tinatalakay sa Senado ay ang Medical Reserve Poor Act, Barangay Health Workers Act, Advance Nursing Education at iba.

Sa isang Zoom interview, pinaalalahanan ni Senador Bong Go ang ating mga kababayan na huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa Malasakit Center. Ngayong isa na itong batas, kailangan aniyang magkaroon ng Malasakit Center sa mga DOH-run hospitals at mga local government hospitals sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Samantala, para alamin ang magiging direksiyon ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth, narito po makakausap natin ang bagong talagang president at CEO nito na si Attorney Dante Gierran. Magandang umaga po, Attorney.

ATTY. GIERRAN: Magandang umaga rin sa inyo, ma’am, at sa mga kasamahan ninyo diyan, of course, sa mga nakikinig sa atin. Good morning sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, marami po sa mga opisyal ng pamahalaan ang naniniwalang kaya ninyo pong ibalik ang tiwala ng sambayanan sa PhilHealth. Paano po ba sa tingin ninyo maibabalik talaga iyong tiwala ng mga mamamayan sa national health insurance ng ating bansa?

ATTY. GIERRAN: Una sa lahat, mayroon akong mandato sa Presidente to eradicate ng entirely the corruption in the corporation, thus, the PhilHealth. And of course, the… iimbestigahan silang lahat; alamin natin kung ano, sino ang source ng corruption. At saka kapag nalaman natin ito, ipa-file ang appropriate na kaso. And maliban lang doon sa pag-file ng kaso, kailangan na pagandahin natin ang ating serbisyo sa mga tao. Una, to protect whatever is to be protected, deal what is left at the PhilHealth, and we have to rule with so much transparency. We have to rule with honesty. We have to rule with integrity. At ito kapag ginawa mo ito, makikita po ito ng taumbayan. At kapag nakita na iyan na tayo ay sinsero, ako ay sinsero just like ginawa ko sa NBI, at siguro manunumbalik sa atin iyong what we call the trust ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sinasabi pong malalim, malawak po ang naging korapsiyon sa PhilHealth, pero gaano po kayo ka-confident na kaya ninyong tukuyin ang ugat ng korapsiyon at panagutin ang mga pasimuno nito sa PhilHealth? Kakayanin po ba ito sa loob ng dalawang taon?

ATTY. GIERRAN: Sigurado iyan, Ma’am Rocky, na kakayanin talaga, kakayanin ko talaga iyan. Why? Firstly, I have the full support of the President no less. I have the support of Senator Bong Go. I have the support of my former colleagues at the National Bureau of Investigation. This is one of the units that comprises the task force that is currently investigating the alleged corruption within the PhilHealth.

And of course, ako mismo, ako mismo, I offer myself. I’m already a senior citizen, wala na akong ibang gagawin pa kung hindi ibalik sa komunidad ang whatever benefit that I have right now not only for Filipinos but as an essence of Christian – living upright.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po iyong mga uunahin ninyong hakbang para po masiguro na hindi magpapatuloy iyong mga sinasabing umano ay anomalyang nagaganap po sa PhilHealth?

ATTY. GIERRAN: You have heard the President speaking over the media na kailangan na i-reorganize ang PhilHealth. Kasi kapag na-reorganize ito, magagampanan ko nang maigi ang aking trabaho. Dahil kapag nandiyan pa iyong mga miyembro ng sindikato sa loob na nag-o-occupy ng mataas na katungkulan diyan, mahihirapan po ako.

Of course, pagandahin at i-upgrade natin ang ating IT. Nakita natin iyong IT na iyon na … iyong IT na prinopose sa budget na overpriced, hindi makakalusot sa akin iyan. And then, ayusin natin ang legal office natin within PhilHealth, kasi ito ang nagli-legalize ng illegality, iyong legal office natin. Lahat ng problema sa baba coming from the level of the hospital, the institution at saka iyong doctors at saka mga PhilHealth officials na iimbestigahan, aakyat iyan sa legal office, pagdating doon, may support iyan. Kapag member ka ng grupo nila, siguradong walang mangyayari sa kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bibigyan-daan ko po ang katanungan ng ating—

ATTY. GIERRAN: And of course, hindi lang po pag-iimbestiga, pag-igihan ko ang pagsisilip ng ating financial statements ‘no, titingnan natin kung magkano, how much money do we have left. At kapag kulang, of course, hahanap tayo ng paraan kung anong gagawin natin, like, may mga collectibles naman ang PhilHealth eh, silipin natin iyon kung anong mga collectibles. And then we will write letter, we will write demand letter. Kung kukulangin pa, hihingi tayo sa Kongreso na dagdag na pondo just to resuscitate the ailing condition of PhilHealth.

And of course, sa akin, ang pinakaimportante po sa akin ay ito – tao. Maraming matitino sa gobyerno – maraming-marami – PhilHealth is included. Maraming tao diyan sa loob na matitino, suportahan natin sila. As a leader, I have to create an atmosphere, an environment where people would be free to communicate with me. I’ll have an opportunity to ask them the problem, what are the problems so that they can come to me, and with that, we will be encouraging people from the PhilHealth to do their job. Because basically po ang leadership… leadership is basically inspiring people. Leadership is directing people and I have to set myself as an example to all of them.

And with that—

USEC. IGNACIO: Attorney—

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: —sabihin ko sa kanila na my purpose is here is because I have been given the mission no less by the President. And what is that mission? Eradicate corruption and I am a person who would settle no less and no more. When I am given a mission that [unclear] to be successful.

USEC. IGNACIO: Attorney, bibigyan daan ko po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Arianne Merez ng ABS-CBN, ito po iyong tanong niya: What can you say to those who criticize your statement that you don’t know about public health? Do you plan to talk with former PhilHealth chief Ricardo Morales?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Hayaan ninyo sila, iyong nagko-comment, it is their right. It is their perfect right to comment that—I admit, ano bang alam ko sa public health? Of course, aaralin ko iyan. Ay ‘naku po…aaralin ko iyan, hindi ko alam eh. Alangan namang sasabihin ko na alam ko na hindi ko alam. So, ano?

I have to talk to experts, I’ll have to refer to experts to give me inputs. You know, we don’t have the monopoly of wisdom. Just like other people need me, I also need them. One of them I will talk to sir General Morales for insights. I’ll talk to him like something like, ano ba sir ang dapat gagawin, na dapat gawin at saka ano iyong mga ginawa mo na hindi ko dapat gawin. At least I will have the insight, I will have the clue, I will have the hint on what to do. That’s—as simple as that.

USEC. IGNACIO: Attorney, mula naman po kay Joseph Morong ng GMA 7, ito po iyong tanong niya: Can you give us an update on the order of the President to reshuffle daw po regional VPs? Will you hesitate filing a case against former PhilHealth president General Morales and Secretary Duque?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: To be technical about it, I don’t still have the appointment paper at the meantime, ma’am Rocky. Wala pa akong papel but even this early I am already preparing myself. Trying to fill myself, getting myself within PhilHealth.

Now, with respect to sabi ninyong filing ng kaso, I cannot stop evidence. I don’t have enough discretion to stop evidence. You know, kami sa NBI, ito ang kultura namin sa NBI. Kaibigan o hindi kaibigan pareho lang ang treatment because in investigation, the filing of case and finding facts, you have to collect cold facts, gather cold facts and then evaluate it. So, whoever gets hurt, whoever is… iyong sabing mapa-file-an ng kaso, it’s beyond my discretion. What matters most is ano po ang sinabi ng ebidensiya, iyon lang po.

So, hindi natin tinitingnan ang tao; otherwise, kung tinitingnan natin iyong tao rather than tingnan ang evidence, anong mangyayari doon sa objectivity natin? Ang mangyari doon sa independence namin? And during my time I have proven that.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, isa pa pong tanong mula po kay Leila Salaverria ng Inquirer, ito po iyong tanong niya: Paano ninyo masisiguro na tuloy ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng reshuffle ng mga officials na inuutos daw po ni Pangulong Duterte?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Ang utos sa akin—o ang request sa akin ni Senator Bong Go is, ‘Dante, kapag nandoon ka na sa PhilHealth itong gawin mo. Suggestion lang naman ito, you have to strike a balance between cleaning up the PhilHealth and identify the cause of corruption and of course ayusin mo ang serbisyo.’ Kasi ang serbisyo dapat tuluy-tuloy iyan eh, it should not be hampered by what is going around like investigation.

Of course dahil baguhan pa ako, I have to feel my way in and then sabi ko nga, mayroon namang taong nakatalaga doon eh, mayroon namang mga opisyal na nakatalaga doon sa PhilHealth. Just because some of them, some of big shots are being removed or being suspended, it doesn’t makes PhilHealth stay or hindi na nagtatapos iyong PhilHealth because those corrupt people [signal cut]

USEC. IGNACIO: Okay. Nawala sa linya ng komunikasyon natin si Attorney Gierran.

Attorney?

Go ahead, Attorney.

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: USec., ‘answered already, ma’am. What’s the question?

USEC. IGNACIO: Medyo naputol po kayo, Attorney. Naputol po kasi kayo panandali pero ito po iyong susunod natin tanong: Ano po daw sa tingin ninyo ang main lapses ng PhilHealth sa serbisyo nito sa mamamayan lalo ngayong nasa gitna po tayo ng isang health crisis; at ano po iyong mga plano ninyong aksiyon tungkol dito?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Ma’am, can you repeat the question again?

USEC. IGNACIO: Opo, ulitin ko po iyong tanong. Kasi daw po iyong main lapses… Ito po… Attorney, ito po iyong tanong: Ano po sa tingin ninyo iyong sinasabing posibleng main lapses ng PhilHealth sa serbisyo nito sa mamamayan kasi nasa gitna po tayo ng health crisis, ito pong COVID-19. So, ano daw po iyong mga plano ninyo at aksiyon para po tugunan ito?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Ang main lapse doon ay corruption talaga. Case in point iyong IRM. Nakita ng Senado iyan, nakita ng Mababang Kapulungan, nakita nila. So, anong ginawa? Recommended for stoppage of IRM, iyong advance payment doon sa ospital, sa mga healthcare givers.

So, iyon talaga ang problema and because of that nawawalan ng tiwala ang taumbayan. Nawawala ang malaking pera ng PhilHealth because of that kasi iyon nga, iyong report ng COA something like 150 billion and even over since 2013, iyon ang nasagap naming balita. So, basically, corruption is the problem.

USEC. IGNACIO: Attorney, nakaatang po sa inyong balikat iyong pag-asa ng mga miyembro ng PhilHealth. Ang sinasabi nga po, transparency po ang isa sa pinakamabisang paraan para po masugpo ang kurapsyon. May suggestion po ba ang mga mambabatas na gamitin ang technology para magawa ito o kasama po ba ito sa mga plano bilang PhilHealth chief? Gaano po kahalaga ito ngayon sa ahensya?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Iyan, iyong IT, upgrading of IT. Ito ang explain ko ha, one of those problems in corruption is iyong mga fake claims. Fake claims, iyong sinasabi nila na upcasing, iyong sinasabi nila na bribery doon sa mga PhilHealth officers, as alleged, and then delayed payments ng mga ospital while all other hospitals that are malakas sa kanila sa loob ay madaling mabigyan ng reimbursement. Double procurement, iyong accreditation, all those things and the rest which we will study later, iyon ang mga kaso na nagbibigay ng problema sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito po, may pahabol na tanong muli si Leila Salaverria po ng Inquirer: Tingin ninyo po ba kailangan ng emergency powers for the President as proposed daw po by the House to address PhilHealth issues?

PHILHEALTH PRESIDENT & CEO GIERRAN: Maganda! Napakaganda po! Kasi you know, ano pa po ang… the basics of—the basics of governance, the basics of leadership at the basic of helping Filipinos kung hindi iyong serbisyo para sa kalusugan. Because kapag ang kalusugan natin ay mako-compromise, my goodness, sino pa ang magtatrabaho just like sa COVID ngayon? Anong mangyayari sa atin? You know, with this COVID ngayon apektado tayong lahat. Apektado ang ating personal liberty, apektado ang ating disposisyon, apektado ang ating mga kagustuhan, even the families could no longer see each other and iyong pinakaimportante – ekonomiya.

Hindi puwede—saan tayo pupunta kapag ganito tayo lagi? So, aasa lang tayo sa gobyerno? Aasa tayo sa dole out? So, ito ang mahirap, itong mahirap sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mamamayan, siyempre lalo na po iyong sa mga miyembro ng PhilHealth bilang pinuno po ngayon—bagong pinuno ng PhilHealth, Attorney.

PHILHEALTH PRES & CEO: Okay. Thank you Ma’am Rocky for asking that question. Ito lang masasabi ko sa lahat ng ating mga kaibigan, sa mga Pilipino – bigyan ninyo ako ng chance. Bago ako, give me a chance. With a chance let us have hope. Let us not prejudge anybody, much more ako po. Nandito ako, magtulungan tayo, tulungan ninyo ako. Kasi malinaw ang sinasabi ni Presidente, “Dante, for the last two years of my reign, gagamitin ko ito para lang huhulihin ang lahat ng grafters, so tulungan mo ako dahil gusto kong ayusin, pagandahin ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan.”

So, we can only do this, I can only do this with the help from you. I cannot do it alone, that’s false hope. No man is an island as they are saying. So magtulungan tayo. Isantabi natin iyong pulitika. Two years pa eh, pambihira naman kayo – two years pa. Saka na, saka na pag-usapan natin. Ang pag-usapan natin na walang maraming mamamatay sa atin diyan sa COVID. Magkaisa tayo, Pilipino naman tayo eh. Kahit na mga Amerikano nag-pray, me and I myself, I’m praying to the Lord na sana po protect us Lord from COVID, protect us Lord from sickness. Iyan lang po, thank you.

USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, maraming salamat po sa inyong oras at panahon. Si Attorney Dante Gierran, President and CEO ng PhilHealth. Stay safe, Attorney.

PHILHEALTH PRES. & CEO: Thank you, Ma’am Rocky.

BENDIJO: At upang kumustahin naman natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan diyan po sa United Arab Emirates, makakapanayam natin si Philippine Ambassador to United Arab Emirates, Ambassador Hjayceelyn Quintana. Magandang araw po mula sa Pilipinas, Ambassador.

AMBASSADOR QUINTANA: Good morning.

BENDIJO: Opo. Kumustahin lang po natin ang kalagayan ng ating mga kababayan, mga Pilipino po diyan nagtatrabaho sa isang restaurant kung saan naganap po ang isang gas explosion, sa Abu Dhabi po iyan ma’am. Ilan ang bilang ng sugatan at ano po ang kalagayan nila sa kasalukuyan, Ambassador?

AMBASSADOR QUINTANA: [Garbled] but delayed iyong sa video, oo…

BENDIJO: Kumusta po iyong ating mga kababayan po diyan sa Abu Dhabi na may nangyari pong pagsabog—babalikan na lang natin mamaya si Ambassador Hjayceelyn Quintana. Ayusin lang natin ang linya ng ating komunikasyon. Usec., kung ready na iyong isa nating–

USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan natin si Ambassador Quintana maya-maya.

Samantala nasa gitna man po tayo ng isang krisis pangkalusugan, patuloy pa rin ang ating pangangailangan para makapaghanapbuhay. Ngunit sakaling magkasakit o maaksidente dahil sa trabaho, ano nga ba ang makukuhang benepisyo ng mga empleyado mula po sa pamahalaan. Aalamin natin iyan kasama po natin ang Employees Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis. Ma’am, magandang umaga po.

ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Magandang umaga po Usec. Rocky at saka Mr. Aljo. Thank you po for inviting ECC for your program at magandang hapon din sa lahat ng inyong mga televiewers and listeners po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ito po una nating tanong: Ano po ba iyong Employees Compensation Program at sinu-sino po iyong qualified na makakuha ng benepisyo nito?

ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Ang Employees Compensation Commission po ang isang ahensiya under the Department of Labor and Employment at ang mandato po namin ay magbigay ng package of benefits para sa mga empleyado sa private at saka sa public sector na nagkaroon ng sakit or aksidente or namatay man siya dahil doon sa sakit or aksidente na iyon na work-related po. So ang mga covered po namin na mga members ay lahat po ng may employer-employee relationship at miyembro po ng SSS at saka GSIS po.

USEC. IGNACIO: [Off mic] upang makapag-avail ng mga nabanggit ninyong benepisyo, ang mga manggagawa po mula naman po sa pampublikong sektor o tayo lang po na nasa gobyerno ito?

ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Both po, both public and private sector employees po ay covered ng programa at iba-iba po iyong ating mga benepisyo na binibigay under the program po. Mayroon po tayong tinatawag na loss of income benefit or disability benefits na tinatawag at kasama po dito iyong sickness benefit or ang tinatawag nating temporary/total disability, mayroon din po tayong permanent/partial disability at saka permanent/total disability.

So mayroon din po tayong mga rehabilitation services at saka death and funeral benefit. Para naman po doon sa mga naapektuhan ng pandemic ngayon o iyong nag-positive sa COVID-19, ang atin pong mga benepisyo para sa kanila ay iyong sickness benefit na tinatawag natin, iyong funeral benefit at saka death benefit po.

Ang importante po Usec. Rocky na itong benefits po under Employees Compensation Program are over and above the benefits that can be claimed from SSS for non-work related incidents naman po or diseases. So idadagdag lang po iyong EC benefits o iki-claim din po siya noong ating mga empleyado kung work-related po iyong contingency na nangyari po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano pong klase nga ng mga benepisyo iyong puwedeng ibigay naman po sa mga—ibigay ng ahensya ninyo, iyong mga—bukod po doon sa mga nabanggit ninyo sa mga qualified beneficiaries. Kailangan po ba talaga—mas priority ba na dapat mabigyan iyon pong government worker na naapektuhan po ng COVID or ito po ay—I mean nagkasakit po ng COVID-19 or puwede po ito para sa lahat?

ECC EXEC. DIR. BANAWIS: Ah, para sa lahat po ng work-related [garbled] ang Employees Compensation Program po ay may mga benefits. Iyon pong nag-positive sa COVID-19 ay covered po under the program kung ito po ay work-related or nakuha dahil sa kaniyang trabaho o dahil sa kaniyang working environment katulad po ng ating mga frontliners. So puwede po nilang i-claim iyong benefits o i-apply po sa implementing agencies ng Employees Compensation Commission. Ito po ay sa SSS kung ang empleyado ay sa private sector at sa GSIS naman po kung ang empleyado ay from the government sector po.

USEC. IGNACIO: Ma’am, ulitin ko lang, ano po iyong mga compensation programs para po sa mga workers at kanilang pamilya sakali pong magkaroon sila ng work-related injuries or sickness?

EXEC. DIR. BANAWIS: Gaya ng nabanggit ko po kanina, mayroon tayong disability benefits o iyong tinatawag nating loss of income benefits. So, compensation po iyong binibigay dito kapag ang mga ito ay iyong ating sickness benefit, ‘EC sickness’ tawag po doon.

Mayroon din po tayong medical benefits, so kapag po naospital sila ay puwede nilang i-claim iyong percentage of one day steps for their hospitalization ano po. And then they also have the permanent partial disability, kung halimbawa dahil sa aksidente ay naputulan po sila ng kamay o ng paa o nawala iyong function ng isang part ng kanilang body ay mayroon po tayong tinatawag na ‘permanent partial disability.’ Mayroon din po tayong permanent total disability kung halimbawa po ay dalawang paa, iyong the whole function of a body part ay nawala na po ay mayroon po siyang tinatawag na ‘permanent total disability pension’ po. At kung nagkaroon po naman ng death dahil doon sa work-related incident ay mayroon din po tayong funeral benefit and death benefit at mayroon din po tayong rehabilitation services na binibigay.

Iyong rehabilitation services most of these are actually applied at Employees Compensation Commission offices here in the NCR and doon po sa ating mga regional offices.

Nagbibigay po ang ECC ng livelihood and skills training na libre po para sa mga tinatawag nating kliyente po natin ay persons with work-related disabilities at kapag nakapag-training na po sila ay mayroon din po tayong starter kit na binibigay up to 20,000 pesos at mino-monitor po namin iyong kanilang livelihood project. Kapag na-sustain po iyan in one year ay nagbibigay po tayo ng another complimentary kit na 10,000 pesos po.

We also provide prosthesis kapag nawalan ng kamay o ng paa o ng fingers na nangyayari sa mga manufacturing companies nagbibigay po tayo ng free prosthesis para sa ating mga persons with work-related disabilities. Nagbibigay din po tayo ng free PT and OT services at habang sila po ay nagkakaroon ng PT or OT session or nagti-training nagbibigay po tayo ng transportation and meal allowance na P500 per day.

Lahat po iyan ay ginagawa hindi lang dito sa central office ng ECC kung hindi pati sa ating mga regional offices nationwide. Ang opisina po namin sa regions ay mostly nasa Department of Labor and Employment.

USEC. IGNACIO: Ma’am, may tanong po si Joyce Balancio ng ABS-CBN. Ang tanong po niya, magkano daw po ang katumbas ng benefits na binabanggit ninyo?

EXEC. DIR. BANAWIS: Ang unahin po natin iyong sickness benefit na nabanggit ko po kanina. Ang sickness benefit po sa private sector ang maximum po niya ay P480 per day, depende po ito sa monthly salary credit, kung familiar po tayo kung ano po iyong monthly salary credit na ating binibigay or binabayaran na premium sa SSS, iyon din po iyong monthly salary credit na kino-consider po ng ECC sa pag-compute po ng sickness benefits. So, it’s up to a maximum of P480. So gaya ng sabi ko kanina, in addition pa ito sa makukuha sa SSS.

So, doon naman po sa permanent partial disability, depende po kung ano iyong nawala na parte ng katawan or the function. Mayroon pong schedule po, kung nawala po iyong isang kamay halimbawa o isang paa, up to a maximum of 50 months of the monthly income benefit, kino-compute din po ito ng ating mga medical evaluators at mga processors sa ating systems, sa SSS or GSIS. Iyong PTD po ganundin po kino-compute, for life po iyon na binibigay sa ating mga pensyonado ng EC.

Doon po sa funeral benefit, fixed amount po iyon na P30,000 in addition to what they get from SSS and GSIS. Tapos iyong death pension din po ay kung ano iyong naging pension ng ating person with work-related disability noong buhay pa siya, kung ano iyong naging permanent total disability pension niya makukuha po noong kaniyang survivor or dependents po niya. Ganoon po iyong mga amounts ng benefits po ng ECC po.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kasama rin po ba daw iyong ating mga frontliners na kinabibilangan ng mga health workers at uniformed personnel na magkakasakit o sakaling maaksidente habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa inyong mga nabanggit na tulong po?

EXEC. DIR. BANAWIS: Tama po iyon, Usec. Rocky. Lahat po ng ating mga frontline workers both in the public and the private sector at lalo na iyong ating mga uniformed personnel na for the past years nalaman namin na hindi nila alam na sila ay miyembro pa ng ECC under the GSIS partnership, iyong implementing agency po kasi namin ng GSIS. Kasi for a long time now, iyong ating mga uniformed personnel ay hindi na po miyembro ng GSIS, pero patuloy po silang naging miyembro ng ECC since the start of the EC program po. So lahat po iyan, basta po may employer-employee relationship at miyembro ng SSS at GSIS mandatory members po sila ay covered po sila ng ating employees compensation program po.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kung pumanaw po daw ang mga worker dahil sa work-related injury or sickness, ano po daw ang makukuhang assistance ng kaniyang pamilya?

EXEC. DIR. BANAWIS: Mayroon tayong funeral benefit para sa kanila po. It’s a fix amount of 30,000 which is again in addition to what they can get from SSS and GSIS. And then mayroon din po tayong tinatawag na survivorship pension, kung ano po iyong natanggap noong pumanaw na person with work-related disability, kung siya ay namatay dahil doon sa kaniyang work-related disease or accident at makukuha rin po ng kaniyang survivor po iyon.

USEC. IGNACIO: Ma’am, paano naman po iyong magiging proseso ng pag-claim ng benepisyo, ano po iyong mga requirements?

EXEC. DIR. BANAWIS: Ang proseso po ng pag-claim ay pumunta lang po sa SSS or GSIS kung private kayo or government sector sa GSIS. At magdala lang po ng mga basic requirements. Ang basic requirements po para mag-claim ay iyong kaniyang certificate of employment na nakalagay iyong kaniyang job description, para malaman kung iyong nangyari sa kaniya ay dahil sa trabaho ano po; tapos iyong medical records niya, particularly for COVID-19 positive claimants, iyong diagnosis po niya as COVID-19 positive; tapos dadalhin din po niya iyong tinatawag nating EC logbook, lahat po kasi ng employers po required na mayroon silang record noong work-related accident sa opisina nila ano po. So kasama rin po iyon sa mga requirements at saka siyempre iyong accident report or kung injury iyon na nasa labas ng opisina, iyong police report at iyong mga accomplished na mga forms para i-claim itong EC benefit na downloadable po sa SSS and GSIS websites at pati na rin po sa ECC website.

USEC. IGNACIO: Ma’am, salamat po sa inyo, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating publiko.

EXEC. DIR. BANAWIS: Maraming salamat din, Usec. Rocky. Ang ECC ay isang social protection program ng gobyerno at ito po ay maraming benepisyo under the program, pero we also recognize the primacy of prevention, kaya para sa ating mga televiewers at saka mga listeners napakaimportante pa rin po na safe tayo sa ating trabaho at safe din iyong ating working environment para hindi po natin kailangang mag-apply ng employees compensation claim, dahil ang EC insurance po ay naki-claim kapag nagkaroon ng work-related incidents. S0 alam naman natin ayaw po natin na magkaroon ng accident sa trabaho. So, mag-ingat po tayo sa ating trabaho at palagi pong iyong ating working environment ay dapat safe; ang employers at saka mga employees ay dapat nagko-cooperate with each other para po maging safe ang ating work place. Maraming salamat po. Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po, Ma’am Stella Zipagan-Banawis, Executive Director ng Employees Compensation Commission. Stay safe, Ma’am.

BENDIJO: Samantala, Usec, upang bigyan ng daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded nating mga kababayan dito po sa Metro Manila dahil pa rin sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang mga detalye panoorin natin ito.

(VTR PRESENTATION)

USEC. IGNACIO: Samantala puntahan naman natin si Alah Sungduan mula po sa PTV-Cordillera.

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao may report si Jay Lagang, Jay maayong ugto.

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Daghang salamat Jay Lagang. At upang kumustahin naman natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan diyan sa UAE. United Arab Emirates. Balikan natin si Philippine Ambassador to UAE, Ambassador Hjayceelyn M. Quintana. Ambassador magandang araw po mula sa Pilipinas.

AMB. QUINTANA: Magandang tanghali po sa inyo sa Pilipinas.

BENDIJO: Opo, kumustahin natin ang kalagayan ng ating mga kababayang Pilipino diyan sa Abu Dhabi, nagtatrabaho sa isang restaurant kung saan naganap po ang gas explosion, ilan po ba ang bilang ng mga nasugatan at ano po ang kanilang sitwasyon ngayon, Ambassador?

AMB. QUINTANA: Iyon po ang medyo malungkot na nangyari noong Lunes at nagkaroon nga po ng isang gas explosion accident sa isang fast food restaurant dito po sa Abu Dhabi. Siyempre tayo po ay nangamba ng kaunti dahil alam po natin na doon sa mga establisyimento doon ay maaaring may mga nagtatrabaho talagang mga Pilipino. Mga sampu po iyong mga nasugatan at nasaktan at walo po naman ang kinakailangang dalhin sa ospital. Ang pagkakaalam po namin sa kasalukuyan ay na-discharge na po ang karamihan, tatlo na lang po ang nagre-recover sa ospital. Ang medyo malungkot lang po ay dalawa po ang namatay nating kababayan dito sa aksidente na nangyari.

BENDIJO: Opo. May mga Pilipino pa po ba, bukod sa mga nagtatrabaho sa restaurant na naapektuhan ng pagsabog dahil malapit po sila sa area ng insidente at ano po iyong tulong na naipaabot sa ating mga kababayan sa mga oras na ito, Ambassador?

AMB. QUINTANA: Importante po sa mga ganitong mga aksidente ay nakakapagbigay po ang embahada, unang-una ng emotional support at nakikipag-ugnayan po kami kaagad sa mga otoridad para malaman kung sino ba talaga ang nasaktan, ang binawian ng buhay at iyon po ay isang hindi kaagad-agad natin malalaman dahil may mga imbestigasyon ding ginagawa.

Pero sa kasalukuyan naman po ay puwede nating makumpirma na tatatlo na lang po ang nagre-recover sa ospital at karamihan naman po ay na-discharge, hindi naman po ganoon kalaki ang mga sugat at hindi naman po life threatening. Iyon nga lang po dalawa po ang ating kababayan na namatay at kaagad-agad po nating nakausap ang pamilya. Ako po mismo ang tumawag sa asawa at doon naman sa isa ay nakausap natin ang kamag-anak.

At ioorganisa po namin ang mga pagkokonsulta namin later on. Kailangan lang ayusin muna ng mga pamilya. Siyempre ang unang-una nilang gustong malaman ay kailan nila makukuha ang labi ng kanilang mahal sa buhay at ito po ang aming tinututukan ngayon sa mga otoridad. At pinapaliwanag naman po sa atin ng otoridad na sila po ay bibilisan po nila ang imbestigasyon para po mai-release na kaagad ang mga remains. At mismong sila po ay makikipag-usap din sa pamilya. Iyon po ang nakukumpirma namin at kami po ang nagiging tulay. At siguro kapag natapos po iyon, saka naman natin uupuan kung ano naman po ang mga next steps para sa mga pamilya na naiwan.

BENDIJO: Opo, may tanong lang ang ating kasama sa PTV, Ambassador, na si Naomi Tiburcio PTV correspondent nasagot na ninyo iyong ilang tanong niya. So, basahin ko lang po ha. Kailan po iuuwi ang labi ng mga Pilipinong naapektuhan po diyan, namatay sa kanilang mga pamilya. At iyong magiging proseso, Ambassador, ng pagpapauwi o kaya sa pagpapalibing sa mga nasawi?

AMB. QUINTANA: Dahil po ito ay isang aksidente, kailangan po muna na matapos iyong imbestigasyon at iyan po ang aming nililinaw sa mga pamilya at humihingi po kami ng kaunting pang-unawa at hindi naman po natin siguro patatagalin pa iyan. Kailangan lang pong matapos iyong imbestigasyon ng otoridad. At ito po naman ay nauunawaan na ng pamilya, kasi ako po mismo ang nagpaliwanag sa kanila. At sinabi natin na tututukan natin at pabibilisin hangga’t maaari. Mismong ang asawa po ay narito at kaya sila po ay nakikipag-ugnayan directly rin sa mga otoridad, sa aming tulong kung kailangang naming mag-make ng representations para sa kanila. Iyon naman pong isa ay nasa Pilipinas po ang pamilya, so kami po ang nakikipag-ugnayan sa mga dapat naming kausapin kasama na rin iyong mga employers po nila.

BENDIJO: Tungkol naman po sa COVID-19 situation diyan sa United Arab Emirates – Abu Dhabi or Dubai – gaano po karami ang mga Pilipino diyan na nagpositibo, Ambassador, kumusta po ang sitwasyon nila at ano po ang mga health measures na ipinatutupad ng UAE para mapigilan ang pagkalat po ng COVID-19 sa kanilang bansa?

AMB. QUINTANA: Very well managed po ang situation dito pagdating sa COVID-19. Siyempre mayroon din namang mga nagpositibo sa atin. Ang mga active cases sa aming naitala ay mga 300 po at ang importante ay nakaka-recover po naman karamihan at sila po ay nadadala sa mga hospital at nabibigyan ng treatment, iyan po ang importante. So, hopefully po itong mga nagpopositibo ay maka-recover na sa lalong madaling panahon.

BENDIJO: Ambassador mensahe at paalala na lang po sa ating mga kababayang mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan na diyan sa United Arab Emirates?

AMB. QUINTANA: Well, again ako po ay nakikidalamhati sa pamilya ng mga namatay doon sa nangyari noong Lunes at madalas ko pong ipaalala sa ating mga kababayan ditto, we are the third biggest expatriate group po dito sa UAE, na patuloy na mag-ingat at maging mindful po sa mga security and also safety protocols ng bansang ito. At karamihan naman po ay sumusunod at nagko-cooperate at ako po ay naliligayahan kapag naririnig iyon.

BENDIJO: Maraming salamat Ambassador Hjayceelyn M. Quintana. Ingat po kayo diyan, Ambassador.

AMB. QUINTANA: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 2, 2020 umabot na sa 226,440 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 2, 280 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 27 katao na nasawi kaya umabot na sa 3, 623 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 death sa ating bansa, ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 158, 610 with 609 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 64,207, Samantala tulad ng ating araw-araw na paalala, maging BIDA Solusyon laban kontra-COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask, dahil sa pamamagitan nito napipigilan po ang pagkalat ng droplets mula sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang chance na makahawa at mahawa ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan ang pagsusuot ng mask ay nagpapakita rin po ng respeto at courtesy sa mga taong ating nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong i-dial ang numerong ito 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26-843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial lamang ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay–linaw sa mga impormasyon na mahalagang na malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: Maraming salamat. Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar. Maraming salamat, Usec. Ako muli si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Aljo at ako naman po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo muli bukas, dito lamang sa public briefing #LagingHanda.PH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)