USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang oras na naman na punung-puno po nang makabuluhang impormasyon na dapat malaman ng bawat Pilipino ang aming ihahatid muli sa inyo.
BENDIJO: Kaya naman patuloy ang ating pagbibigay po ng mga mahalagang update kaugnay sa paglaban natin sa COVID-19. Siyempre, kasama pa rin ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ang inyong lingkod Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Philippine Ambassador to Austria, Ambassador Maria Cleofe Natividad at ang Pangulo po ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, si Engineer Orlando Marquez.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan at ang Philippine Broadcasting Service, PBS-Radyo Pilipinas. Samantala para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: Samantala, para po sa ating pinakaunang balita, muli pong nakiusap si Senator Bong Go sa mga concerned national government agencies tulad po ng DOLE at Department of Health na magtulungan upang mas mapalawak ang access sa libreng mental healthcare at psychosocial support services ngayong may pandemya.
Base po sa report ng National Center for Mental Health, tumaas ang bilang ng mga natatanggap nilang tawag sa crisis hotline nito kada buwan – mula apatnaraan noong May 2019 to February 2020 at nitong March hanggang August 2020 ay pumalo na ito sa 876.
Ayon po sa Senador, may COVID-19 man o wala napakahalaga ng mental health kaya dapat na siguruhin ng gobyerno na accessible ang anumang uri ng psychosocial services at assistance para sa lahat.
Samantala, inilunsad sa Far North Luzon General Hospital, Apayao Province po, ang ika-walumpu’t isang Malasakit Center kahapon. Ito po ang ikalawang center na naitayo sa Cordillera Administrative Region at ang ikaapatnapu’t isa naman sa Luzon. Ang Malasakit Center po ay one-stop shop kung saan maaaring makapag-avail ang mga Pilipino ng financial at medical assistance sa apat na ahensiya tulad po ng DOH, DSWD at PCSO.
[VTR of SEN. GO]
BENDIJO: Para alamin naman ang kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan diyan sa Austria, makakapanayam natin si Philippine Ambassador to Austria, Ambassador Maria Cleofe Natividad. Magandang araw mula dito sa Pilipinas, Ambassador.
AMBASSADOR NATIVIDAD: [off mic] Rocky at Sir Aljo. Magandang araw sa ating mga [garbled]. Magandang araw po sa ating mga kababayan sa Pilipinas at dito naman sa bansang Austria ay isang magandang guten tag.
BENDIJO: Guten tag po. Noong isang Ambassador, nai-feature po sa PTV-Cordillera ang isa nating kababayang Igorot diyan sa Vienna sa Austria na ginawaran po ng parangal ng ating embahada. Papaano po ninyo napili ang mga Dangal ng Pasuguan awardees? Ano po ang naging criteria at proseso po sa pagpili?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang PTV-Cordillera na pinityur (featured) ang isang awardee ng embahada na si Marjorie Akistoy. Siya ay isa sa labing anim na Filipino-Austrians na in-award ng embassy at binigyan ng Dangal ng Pasuguan award or Ehren der Botschaft sa pagkilala sa kanilang professionalism, dedication and commitment in serving the Filipinos and Austrians during this time of the pandemic. At ito po ay dahil na din sa pagkilala ng mga madaming Austrians sa napakabuting ginagawa ng ating mga kababayan dito sa bansang Austria na nagpapatakbo nila ang pamahalaan, ang society ng Austria sa kanilang commitment.
Ang labing anim po na aming in-award-an ay siyempre karamihan dito ay ang ating healthcare professionals, nurses and technicians. Ngunit kasama din dito ay—ang isa ay cook, isa ay nagtatrabaho sa supermarket, isa ay nagtatrabaho sa travel agency. So ito po ay spectrum ng Filipino community that is represented here in Austria. Alam ninyo po, ito po ay award na binigay ng embassy ngunit ang proseso ay grassroots approach. It is a Filipino community driven approach. Tinanong po namin sila kung sino ang kanilang mga naiisip na karapat-dapat tumanggap ng award na ito at sila mismo, ang members ng community, ang siyang nag-nominate sa kanila, sila po ang nag-submit ng write up kung ano ang ginagawa ng mga Filipino frontliners natin at ito po naman ay tinestify din ng kanilang mga supervisors.
Vinet (vet) po ito ng isang committee ng embassy at pagkatapos ay in-announce po namin at inimbitahan para sa isang formal na ceremony na dinaluhan ng matataas na opisyales ng Foreign Ministry ng Austria, ng Bishop ng Austria – si Bishop Scharl, ang isang nagmamay-ari ng napakalaking newspaper dito sa Austria, ang Kronen Zeitung at of course ang city government ng Vienna.
BENDIJO: Opo, Ambassador. Kamusta po iyong event at papaano po ninyo naidaos ito lalo na ngayon sa panahon po ng COVID-19 pandemic?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Alam mo Sir Aljo, pinag-isipan nga namin ito ‘no. Dapat na ba tayong magbigay ng award ngayong rumaragasa pa rin ang pandemic? Pero naisip namin na ito ang panahon na i-recognize natin ang effort ng ating mga kababayan dahil kailangan nila ng encouragement.
So ito naman ay isinagawa namin na they observed all the COVID protocol at lahat ng safety security measures. At nakikita ko diyan sa video clip na sila naman lahat ay naka-mask, we all wear mask and face shield, nag-observe kami ng social distancing, one meter apart ang mga silya at in-avoid namin ang too much social interaction. So pinaupo namin agad sila at ang programa ay nagtagal lamang ng isang oras pagkatapos ay nagkaroon kami ng simple reception.
It was a short but very meaningful event at lahat nga ng mga nakadalo ay sabi nga, “Ambassador naiyak naman kami sa ginawa mong ito dahil napagbuo mo ang community at binibigyan mo kami ng lakas at tapang para i-continue itong napakahirap na pakikibaka namin ngayon.”
BENDIJO: Opo. Kahapon Ambassador, naitala po ang pinakamataas na kaso ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansang Austria simula noong buwan ng Abril. Kumusta ba ang lagay—[signal cut]
AMBASSADOR NATIVIDAD: —tapos nagiging grabe uli. At ang embahada ay kinu-cover din namin ang bansang Croatia, Slovenia at Slovakia kung saan mayroong ding mga Filipinos na nandoon.
Dito sa Austria, there are around 6,000 Filipinos. But kung iyong mga Filipino-Austrians, ang tala natin ay nasa 30,000; at doon naman sa iba namang mga bansa ay nasa 300 or 100.
Ano ang mga ginagawa ng embahada? Tuloy ang aming pag-anunsiyo sa kanila, ang pagpapaalala sa kanila to take care of all the security and safety measures. At kami din ay tuluy-tuloy ang information campaign kung papaano makakatulong at ang tulong na inaabot na ng pamahalaan, ito ay sa aming pakikipag-ugnayan sa labor attaché natin, si Corina Buñag. Napakaigting ng aming pagtutulungan para maipahatid ang tulong sa ating mga kababayan sa repatriation, sa DOLE AKAP financial assistance. At sa DFA naman ay mayroon din tayong ATNS (Assistance to National Standby) Fund na aming ginagamit para sa ating mga kababayan na stranded, hindi makauwi, nangangailangan ng tirahan, nangangailangan ng pera para sa kanilang araw-araw na pamumuhay habang hindi pa sila makauwi.
So nakikipag-ugnayan kami pa din sa ating mga honorary consuls. Kasi alam mo, itong tatlong bansang aking hawak, hindi ko agad-agad silang mapuntahan. Kailangan kong magbiyahe or lumipad pa. So ginagamit namin ay ang ating mga honorary consuls na sila ang talagang on the ground at sila ang agad nagbibigay ng first aid or remedy measures para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.
ALJO BENDIJO: Opo. Ambassador, may ilan po tayong mga kababayan talagang naapektuhan nitong pandemya at marami pong nawalan ng trabaho. Gaano po ba kalaki ang naging epekto ng COVID-19 pagdating po sa employment ng ating mga Overseas Filipino Workers diyan sa Austria? At gaano po karami ang nawalan … o may mga nawalan po bang trabaho – huwag naman po sana – at papaano po sila tinutulungan ng ating embahada diyan?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Okay. Dito sa bansang Austria, karamihan dito ay ang … mga Pilipino natin ay properly documented at may trabaho sila kaya although nagkaroon ng lockdown at tumigil, tuluy-tuloy din naman ang pagpapasuweldo sa kanila. Siyempre iyong iba lang talagang medyo naapektuhan pero mabilis namang nakaka-recover ang ating mga Pilipino dito. Nagtutulungan din ang community ‘no.
Siguro ang mas malaki na problema naming hinaharap dito ay sa mga kababayan natin na nasa Croatia. Kasi karamihan sa kanila ay nanggaling sa Middle East at namalagi nga sa Croatia na walang proper documentation, so they are the most vulnerable kasi iyong kanilang employment contract, iyong kanilang papers ay hindi ayos. Sila ang mga kababayan nating mas naapektuhan nitong COVID pandemic, at sila ngayon ang aming niri-repatriate. At nakikipag-ugnayan kami nga dito sa DOLE para mabigyan sila ng karampatang tulong sa pagpapauwi kasi hindi naman sila puwedeng mamalagi dito sa Croatia kung hindi ayos ang mga papel. Ang sinasabi namin, umuwi muna sa Pilipinas ayusin, at kung kailangan ma-redeploy, kung may pagkakataon uli at saka gawin sa tamang paraan.
ALJO BENDIJO: Opo. Iyong mga challenges at mga oportunidad na nakikita ninyo sa hinaharap po diyan sa ating mga kababayan, lalo na diyan sa Croatia, napakarami—ilan po ang bilang ng mga undocumented from Middle East na nakapasok po ng Croatia?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Alam mo, wala pa kaming eksaktong numero. There are around 6oo Filipinos ngayon sa Croatia. And iyong iba ay nakipag-ugnayan na ako ‘no sa mga kababayan natin na hindi ayos ang mga papeles, siguro nasa mga limampu sila. Pero iyong iba ay natatakot pa rin, ayaw pang ipaalam sa amin kung ano ang tunay nilang kalagayan.
Pero ito ay lumalaking challenge para sa embassy, kasi nga galing sa Middle East nakikita nila na dito sa Europa, madaming oportunidad. Ang entry point will be Croatia pagkatapos ay lumilipat sila sa mga ibang bansa na mas [garbled] ang oportunidad katulad sa Italy or sa Alemanya so parang nagiging jump off point ‘no.
So ang aking tala ay siguro nasa mga limampu ang ating mga kababayan na hindi ayos ang mga papeles at ito ay lumalaki pa.
Ngayon naman sa mga oportunidad—yeah?
ALJO BENDIJO: Go ahead po.
AMBASSADOR NATIVIDAD: Ngayon naman iyong nabanggit mo, mga oportunidad naman ‘no. Ako’y naniniwala that in every crisis, there is an opportunity. Ano naman ang opportunities na hinaharap natin para sa susunod na taon? Next year, we will be celebrating the 75th anniversary of our bilateral relations. At ngayon, ang pag-focus natin sa ating bilateral partnership with Austria ay lalo tayong magkakaroon ng oportunidad. We are working very hard to improve our trade and investment relations, sa mga services also. Sana makabalik na ulit ang mga nurses natin dito. Kapag lumuwag na ang sitwasyon, makapag-redeploy tayo ng mga ating skilled workers, in the IT profession also; pagkatapos ay iyong people-to-people exchanges. Ini-encourage namin na manumbalik ang mga Austrian tourists sa ating bansa sapagka’t ito ang isang best way to also improve our economy and to further strengthen our partnership with Austria.
Madami din akong nakikitang opportunity because of the new way of doing thigs ‘no, through social media, through online business. So huwag sana tayong papanghinaan ng loob. May challenges man, may setback, but there is always something good to look forward to. Just be creative, always be alert for ano iyong mga puwede nating gawin.
ALJO BENDIJO: Sa tala po ng ating embahada, Ambassador, nasa ilang mga OFWs ang nakapag-avail na ng repatriation program; at ilan na rin po iyong bilang ng mga inaasahang magbabalik-bansa sa mga susunod buwan?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Okay. So far, iyong mga natulungan ng embassy in one way or another, sa pagkuha ng kanilang temporary shelter, sa pagtulong sa kanila through arranging their tickets and other forms of assistance, assistance to nationals, siguro humigit-kumulang nasa isandaan na ang natulungan ng embassy.
At kami po ay bukas naman 24 hours, seven days. At sinasabi namin sa kanila na huwag magkaroon ng pag-aatubili na lumapit. At ako naman po ay masaya din kasi ang ating mga Pilipino dito, ang community organizations, there are around 60, sila po ang aming partner sa pagbibigay ng tulong. Niri-report na po nila sa akin na, “O Ambassador, nakapagpauwi po kami, natulungan namin ito.” Sabi ko, maraming, maraming salamat at talagang napakahusay ninyo na representative ng ating bansa.
At muli ay nais kong i-emphasize how very valued our Filipinos are here. Ito nga, sinabi din ito ni Ambassador Bita Rasoulian who is our Austrian Ambassador to the Philippines, na-witness niya kung gaano kabait, ka-professional, ka-dedicated ang ating mga tao. And dito sa Austria, natutuwa ako na buo ang community, nagkakaisa. And sabi ko nga, very effective kayo, lahat tayo dito ay ambassadors – hindi lang ako – at iyon ay malaking pasasalamat na nanggagaling sa aking puso.
ALJO BENDIJO: Opo. Para naman po sa kaalaman, Ambassador, ng ating mga kababayan, ano po iyong mga travel restrictions para sa mga aalis o papasok sa bansang Austria; at anu-ano ang mga bansang kasalukuyan pa rin pong naka-ban na tumungo riyan sa Austria?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Isang malaking challenge nga ito, Sir Aljo, sa ating mga businessmen, sa mga public servants na kailangang mag-travel dito. Kasi alam mo, Aljo, hindi lang kami bilateral, multilateral post din kami dito. Mayroon ditong presensiya ang United Nations to which we participate very actively. So madami tayong mga public officials who come here to attend important international organization meeting, like sa international atomic energy agency. Ngayon, hindi nga makabiyahe because of this restriction.
Ang bansang Austria ay ina-allow lamang ang mga Pilipino na mayroong diplomatic passport to comeback, to return here, iyong mga legal residence na Pilipino at unfortunately for tourism ay hindi pa sila open at lalo ngayon medyo naghihigpit pa – medyo nagluwag na – pero ngayon nagiging istrikto muli sila. Kaya hindi pa rin makabiyahe ang ating mga Filipinos na nais magpunta dito kasi mahirap talaga, may quarantine, kailangan mong magpa-COVID testing pag-alis sa Pilipinas at pagdating dito automatic ika-quarantine ka, whether or not positive or negative. Minsan naman house quarantine, pero iyon ay kailangang-kailangan nilang gawin.
So, halimbawa mag a-attend ka ng meeting ng tatlong araw, eh magka-quarantine ka ng 14 days, di ba hindi na worth it. So, iyon iyong mga difficulties din na pinose (posed) nitong pandemic. So, ngayon most of the work that we are doing are online. We attend meetings online. Pero at this point, gusto ko lang din sabihin, to our presence in international organizations here, like sa Atomic Energy Agency, alam mo agad-agad silang nakapagpadala ng tulong sa Pilipinas, tatlong RT-PCR machine, you know the gold test for COVID testing, ang napadala nila including an x-ray machine. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan natin sa international organizations dito sa Vienna.
So, iyon muna. Alam ang isa nga pa lang difficulty din is iyong mga Pilipino na nais namang umuwi sa ating bansa, hindi din sila makabalik, kung hindi sila Philippine passport holders, kasi nga may restriction din, iyon. And madam isa ating mga Pilipino ngayon ang hawak na is Austrian passport. So, gustung-gusto nilang makauwi, kaso siyempre kailangan din nating i-observe itong safety measures na ipinapatupad ng ating gobyerno.
BENDIJO: Okay, balikan ko lang po iyong mga undocumented na mga OFWs natin na stranded sa Croatia. Bukas naman po silang i-avail ang repatriation program ng pamahalaan, Ambassador?
AMBASSADOR NATIVIDAD: Ito nga ay sinasabi namin, anytime that you want to go home, alam mo nagpapadala naman ng flights din ang DFA para nira-roundup iyong mga Pilipino na gusto ng umuwi at sabay-sabay ng niri-repatriate. Ang opisina, ang OMWA (Office of Migrant Workers Affairs) ay palaging nasa forefront nitong repatriation na ito at si Secretary Locsin mismo ang nagsu-supervise nitong mga repatriation flights mula dito sa Europe pabalik diyan sa Pilipinas.
Iyon nga lang, minsan din iyong ating mga kababayan para din pa sila handing umuwi sapagkat umaasa sila na bubuti na agad at sitwasyon at hindi na nila ma-miss iyong economic opportunities dito. Pero alam nila na handa ang pamahalaan, handa ang DFA at pinapaabot naming sa kanila ang information na kung gusto na nilang umuwi, we will try to find a route. Whether you are in Croatia tapos ang flight ay manggagaling pa sa Italy or sa Germany, ito ay ginagawan namin ng paraan para sila ay makarating kung saan man nandoon iyong return flight pabalik diyan sa atin.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Cleofe Natividad.
AMBASSADOR NATIVIDAD: Maraming salamat din sa iyo, Aljo and you keep safe. At sabi nga namin dito sa Vienna, tuloy pa rin – iyong OPM Neocolours band na kanta – tuloy pa rin tayo. Let us sustain the effort and with prayers we will get through this together. Mag-ingat po tayong lahat.
BENDIJO: Ingat po, Ambassador. Thank you.
USEC. IGNACIO: At upang mapakinggan naman ang panig ng kanilang samahan kaugnay po sa pagbiyahe ng mga jeepney sa bansa. Makakausap naman po natin ngayon si Engineer Orlando Marquez, ang Pangulo po ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas. Magandang araw po, sir?
LTOP PRES. MARQUEZ: Magandang araw po, Usec. Rocky at magandang araw po kay sir Aljo, kumusta po ang ating bansang Pilipinas. Kasama ko po dito iyong mga lider ng Rizal transport corporation ng Sta. Lucia Shopping Mall, nandirito sila dahil tiningnan nila Usec. Rocky iyong mga class 3, class 4 na mga modernong pampublikong sasakyan ngayon.
USEC. IGNACIO: Engineer ano po ang masasabi ninyo doon, kaugnay sa deadline po, kung saan hanggang sa huling buwan daw po na lamang pinapayagan ang pagbiyahe ng mga traditional na jeep?
LTOP PRES. MARQUEZ: Opo, iyon po ay talagang napag-uusapan iyan. Kaya nga po kami ay nagpapahayag lagi po, sa public transport, na bilang ako po iyong kinatawan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa buong Pilipinas, talagang kailangan na natin na mag-modernize, dahil nga iyon pong programa ng ating Pangulong Duterte, kami po ay sumusuporta, lalung-lalo na si Secretary Tugade na napakasipag na nagsusulong po noong public transport modernization. Kaya lang po mayroon kaming problema kaya gusto ko po na maiparating sa ating kagalang-galang na Chairman ng LTFRB at kay Secretary Tugade dahil po iyong ating mga main thoroughfare na ruta ng mga jeepney, sana naman po ay makapasada na po sila para sa ganoon po ay hindi na po namamalimos sa kalsada iyong ating mga kasamahan sa jeepney transport sector po, Ma’am Rocky.
USEC. IGNACIO: Sir, may mga main thoroughfare na nga po ang muling nagbukas, masasabi po ba ninyong nagbalik-normal na po ulit ang pamamasada ng ilan sa inyong mga kasamahang jeepney drivers at mga ilang porsiyento at ano po iyong main thoroughfare na gusto po ninyong hilingin sa ating pamahalaan?
LTOP PRES. MARQUEZ: Iyong mga ruta po ng biyaheng Cubao, Antipolo na ruta ng mga jeep ay gusto naman po naming na ma-upgrade iyong aming mga jeepney at iyon pong mga rutang iyan, hanggang ngayon, hindi pa po nakakapasada iyong ating jeepney. Iyong mga ruta po na mga biyaheng Pasig-Quiapo ay sana po papasadahin na po iyong mga jeep, iyong pa-ruta ng Alabang-Zapote-Bacalaran na napakaraming tao, iyon pong ruta dito sa Guadalupe hanggang FTI, iyon po iyong arka ngayon na dadaan po sa C5.
So libu-libo po ang tao na lumalabas na po ngayon at kami naman po ay talagang susunod kami doon sa protocols ng ating gobyerno, doon sa IATF, na mayroon po kaming face mask, mayroon po kaming face shield, mga alcohol, mga listahan doon sa registration ng mga pasahero.
Kami po ay nakahandang sumunod sa lahat ng protocol ng ating gobyerno. Kaya kami po ay idinadaing namin, dahil kami sa hanay ng PUJ ay ang aming estimate na nakatanggap ng ayuda ay umaabot lang siguro po wala pang 20% ang nakatanggap sa ayuda na ibinigay ng ating Pangulo. So, kami po ay nagpasalamat din kay Mr. Willie Revillame at kami po ay hindi nakatanggap at pasalamat pa din kami doon sa mga nakatanggap.
Sana po iyong mga may puso na gusto rin na mag-ambag na makatulong dahil hanggang ngayon marami pa kaming mga ruta, halos mga 60 to 70% na ruta Usec. Rocky ang hindi pa pumapasada na mga ruta natin. So, sana po ay makapasada kami ng gradual at susunod po kami doon sa protocol ng ating Secretary Tugade at saka sa Department of Health, sa ating mga PNP.
Kami naman po ay talagang gusto namin na mabuhay dahil matagal na panahon ay kami po ay nag self-supporting na trabaho ang ginagawa namin. Kaya kung sana ay maipaabot sa amin iyong ayuda na ipinangako ng ating gobyerno ay kami po ay matutuwa.
At kahit hindi po hindi pa kami nakatanggap, ang hinihiling namin sana po ay makapasada na po ang aming mga ruta na binanggit po. Marami po lalo na dito sa probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite na pumapasok sa Metro Manila, USec. Rocky, ay hindi pa rin po nakakapasada ngayon kaya iyon po iyong aming pakiusap sa ating kagalang-galang na Secretary Tugade at sana ho iyong LTFRB ay ayusin-ayusin na po ang kanilang mga ginagawa dahil sa tingin namin ay marami ho ang pagkukulang at mayroon hong tinatawag namin na iba iyong tinititigan kaysa sa tinitingnan… ganoon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, ano naman po iyong nakikita ninyong malaking epekto nga sa mga PUJ drivers na hindi nga po makakaya namang makapag-comply sa iba pang mga requirements ng LTFRB bago po magtapos ang taong ito?
ENGR. MARQUEZ: Ngayon po sa amin, USec. Rocky, kaya binibilisan namin ngayon na kinukumbinsi iyong aming ibang mga kasamahan na sila ay hindi naniniwala na ito pong modernization program ay tuloy-tuloy po ito dahil kapag nawala na daw ang ating Pangulong Duterte, sinasabi noong mga iba, kinukumbinsi nila iyong mga operator, mga driver, na huwad daw pong maniwala, huwag daw papasok sa modernization.
So, iyong programa ng gobyerno kung ganoon ang paniniwala sino pa ang darating na gobyerno na paniniwalaan nila? Ito na nga ho, nagbigay na ang ating gobyerno lalo na kay Secretary Tugade, ng ayuda. Dati po ay otsenta mil (80,000) ang ating ayuda sa modernization sa PUJ, ngayon ginawa na po ni Secretary Tugade na 160,000. So, first time in history po sa ating kasaysayan na ngayon lang po nangyari po ito. Kaya ito pong public transport modernization program sana po ay maunawaan ng aming mga kasamahan na lider, operator, na ang public transport modernization program ito po iyong isa sa haligi ng ating ekonomiya na nagdadala po ng ikakaganda ng ating bansa.
Ngayon, kung tayo po ay mananatili sa ganitong klaseng public transport na kumbaga sa… ito, hindi ko ini-small dahil ako po ang inventor/designer ng air-coned jeep noong 1996 na hanggang ngayon ay bumibiyahe pa, ay kailangan na nating itaas naman natin ang kalidad ng ating pampublikong sasakyan dahil ang aming siniserbisyuhan, USec. Rocky, ito po iyong mga trabahador na tunay na bumubuhay ng ekonomiya na dapat deliberan natin sila ng mga komportable na sasakyan, affordable na pamasahe, hindi po iyong contracting na pamasahe dahil nga kami po ay nalulungkot dahil ang unang pinapasada ng LTFRB ay iyong mga contracting passenger na TNVS, mga Grab. So, papaano naman kami na tinagurian na pambansang pang-lupang sasakyan ng Pilipinas na gutom na at namamalimos naman sa kalsada.
So, iyon po ang aming idinadaing sa ating kagalang-galang na Pangulo at nakarating na po iyong aming reklamo sa ating Sekretaryo at sana po maaksyunan; at kinopy furnish namin sa Senado sa pamamagitan po ni Senator Bong Go at nagpapasalamat kami kaagad iyong tao ni Senator Bong Go at kinausap kami kaagad. Kaya ini-schedule na lang, ma’am Rocky, kung kailan kaya iyong aming pagharap sa ating kagalang-galang na senador na napakasipag; at saka doon sa Kongreso nag-file na rin po kami ng aming kahilingan para sa ganoon po ay maintindihan dahil kami po, ayaw po namin iyong nagra-rally sa kalsada kung hindi naman po kakailanganin.
Kaya ito pong aming idinudulog sa ating gobyerno ay sana ho ay huwag alisin ang mga jeep na kahit na lumaki ang kakalsadahan kaya naman po naming sumunod kung ano ang klaseng sasakyan na ilalagay sa aming ruta. Huwag lang ho kaming alisin at patayin ang aming pamilya.
Dahil ang tingin namin dito, USec. Rocky, sa pagtanggal sa amin, ng hindi pagpapatakbo sa amin, naintindihan namin iyong tinatawag na phase out. Pero ako po ay ayaw kong tanggapin po iyong salitang phase out kung hindi ang akin po bilang leader ay phasing out and phasing in, ipapasok natin iyong mga akma na sasakyan doon sa mga kakalsadahan na lumaki, lumaki ang populasyon para sa ganoon ho balansyado iyong pag-serbisyo sa taumbayan. Kailangan ho natin i-upgrade natin ang ating public transport para masolusyunan natin iyong napakabigat na problema sa traffic.
So, kapag ito po ay nasolusyunan na natin ay ang makikinabang po dito, USec. Rocky ay taumbayan, pasahero, driver, operator, na ang ginawa nga ni Secretary Tugade na I will appreciate, highly appreciated po kami doon sa consolidation at saka cooperative and corporation, na iyong ibang leader po hindi nila maintindihan na ang mauunlad na bansa na ating pinanggalingan, na nag-aral naman ng kaunti tungkol sa public transport modernization program, USec. Rocky, ay talagang ito na ho iyong ginagawa ni Secretary Tugade. Ito na ho iyong nangyari sa Singapore, ito na ho iyong nangyari sa Hong Kong, sa Japan, sa Korea. Marami ho ang kinaiinggitan natin na bansa na maunlad na dapat po ang magpaunlad at sumunod ay taumbayan, hindi po iyong puro kontra, puro kontra dito, puro karapatan, puro karapatan, kamatayan naman ang dulot.
Ayan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, naiintindihan po namin ang inyong mga sinasabi pero anu-ano po ba iyong mga klase ng jeep na pinapayagan pong bumiyahe at anu-ano po iyong ibinigay na qualification na dapat daw po ay i-comply para po muling makapamasada?
ENGR. MARQUEZ: Sa totoo lang, USec. Rocky, ako po mismo bilang isang operator at driver, una ho ang compliance na gusto ng ating Secretary ho, iyong hindi po nakakamatay na hanapbuhay. Ano po iyon? Iyong hindi umuusok sa kalsada dahil ang usok po nakakamatay. Iyan po iyong bitamina doon sa nabasa ko, bitamina ng bacteria na maging coronavirus. So, kung ito ho mga kababayan, na ito po ay para marinig ng ating mga kababayan na operator at driver na pumapasada, ibinabiyahe ang kanilang sasakyan na kahit umuusok ay ibinabiyahe pa rin, pinanghahanapbuhay, ang tawag ko doon, USec. Rocky, iyan po iyon hanapbuhay na nakakamatay, hindi ba ho.
USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, pero sa kabila po ng pagbabalik ng ilang mga bumibiyaheng jeep sa bansa, nagbigay babala po si Lieutenant General Eleazar na maaaring arestuhin o kanselahin ang driver’s license po o prangkisa ng mga lalabag doon sa sinasabi nating minimum health standards. So, paano ninyo po pinaghahandaan ito at nagkaroon po ba ng pagpupulong o konsultasyon kasama po iyong mga kinauukulan sa inyong hanay?
ENGR. MARQUEZ: Napakaganda, USec. Rocky, iyong inyong tinanong dahil kami, sinabi ko na kanina, na kami po ay sumusunod po kami sa protocol ng IATF na kailangang naka-face mask, naka-face shield at mayroon po tayong foot bath na apakan para lagyan ng alcohol ang ating mga sapatos, iyong tsinelas; at saka iyong kamay, mayroon po tayong alcohol na nakasabit po sa pintuan ng jeep para po mag-alcohol. Kailangan pong sundin namin iyon. Napakaganda po iyong ginawa po ni Secretary Tugade na magkaroon po ng face shield.
Alam ninyo ho, ako po pinag-aaralan nating mabuti iyong face shield ay dagdag gastos na sabi nga noong iba ay pambili na lang daw ng isang kilong bigas. Totoo po iyon pero alin ang mas mahalaga, iyong isang kilong bigas, isang kaban o iyong buhay ng tao kapag natamaan ng coronavirus? Kaya ito hong gastos na ito mga kababayan, sana tulungan natin una, ang ating sarili.
Kung wala naman tayong importante na pupuntahan, na lalakaran, na pupunta lang naman sa mga mall para maglakad-lakad lang doon na mag-window shopping na wala namang bibilhin ay sana ho manatili na lang tayo sa bahay dahil po ang ating mga sasakyan ay mayroon hong mga nakakapit na tinatawag na bacteria o virus. So, kapag kayo ho ay tinamaan diyan na wala ka namang pinuntahan na importante, eh hindi mabuti pa matulog na lang tayo sa bahay.
Kaya lang ang napakasakit ngayon, USec. Rocky, ay talagang kailangan natin ibangon ang ekonomiya ng ating bansa kaya ang ating mga kababayan na nawalan ng trabaho, sana ho mga kababayan ay maghanapbuhay tayo. Marami pong alternative na negosyo ho na dapat nating gawin. Kaya unang-una, nagpapasalamat kami kay Secretary Tugade at saka kay Secretary Lapeña ng TESDA dahil iyong mga nawalan ng trabaho ay mayroong training ngayon na technical course na puwede hong mapag-aralan sa TESDA ay libre.
Kaya maraming salamat po kay Secretary Tugade dahil po iyong mga programang ibinibigay niya dahil siya ho ang Secretary ng Department of Transportation, sana ho ay huwag tumigil ang ating Sekretaryo at alam ko po kung gaano kalaki ang puso ng ating Secretary Tugade po, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Engineer Orlando Marquez sa inyong oras dito sa atin, sa Laging Handa. Mabuhay po kayo and stay safe po, Engineer.
LTOP PRES MARQUEZ: Maraming, maraming salamat Usec. Rocky at kay Sir Aljo ang aking partner. Magandang umaga at magandang tanghalian Sir Aljo, Usec. Rocky. Akayin ko lang ho iyong aming mga kasamahan sa hanay ng transportasyon, sana ho ay sumunod tayo sa protocol ng gobyerno.
At pakiusap naman po sa LTFRB na sana po ay bilis-bilisan naman nila at iyong mga dapat ipatupad, magkaroon sana ho ng public consultation bago nila i-implement at sana ho huwag naman nilang patayin ang aming ruta ng mga jeepney na kung kailangan palakihin ang sasakyan, kaya namin pong sumunod. Kung magiging bus man iyan, ang magiging kailangan sa ruta namin, susunod po kami. Huwag ninyo lang kaming alisin dahil kami po ang nagpakahirap ng aming ninuno sa aming mga ruta. Sana po Chairman Delgra, tulungan mo kami, magtulungan tayo para sa ikauunlad para ang ating Pangulong Duterte ay totoo na matulungan natin ang layunin ng pangkabuhayan sa pangkalahatan sa sambayanang Pilipino.
Usec. Rocky, maraming salamat, sir Aljo at sa sambayanang Pilipino ang lagi kong sinasabi – walang ibang babangon sa bansang Pilipinas kundi tayong mga Pilipino. Iyan po, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Engineer. Samantala alamin naman natin po iyong pinakahuling update sa COVID-19 situation sa bansa. makakausap po natin ngayon si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw, Usec.
USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning po. Usec. alam namin, naku abalang-abala pa rin kayo. Naitala po iyong pagbaba noong bilang – dito muna tayo sa dengue cases sa bansa kumpara po noong nakaraang taon – so, ano po ba sa tingin ninyo iyong naging dahilan nito, Usec.?
USEC. VERGEIRE: Makikita natin ngayon sa ating talaan Usec. Rocky ‘no na bumaba kumpara from the previous year at the same period of time iyong ating mga numero na mga dengue cases. Unang-una, mai-attribute natin ito [garbled] sa tao ngayon [garbled] at siguro ito po ay isang indikasyon na napi-prevent po natin ang number of cases ng dengue.
Pangalawa po, makikita ho natin iyong talagang malaking diperensiya doon sa numero ng dengue cases natin ngayon and we can say that iyon pong mga response na ginagawa natin like iyong 4S strategy ay nagwo-work naman po para sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., balikan ko lang iyong una ninyong sinabi kasi po naputol kayo sa linya, hindi po namin narinig iyong una ninyong sinabi kaugnay po doon sa pagbaba po ng dengue cases. Puwede po bang ulitin ninyo, Usec.?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Alam ninyo po ito pong pandemya, itong response na naging aware masyado iyong mga tao, itong mga ginagawa natin for prevention ay naisama na rin po iyong mga ibang sakit ano, because we are really cleaning our houses, we are keeping our hygiene, we are preventing ‘no. Ito pong mga ginagawa natin, nakakasama iyong ibang sakit at sa tingin po namin ito pong paglilinis natin ng ating mga bahay at mga bakuran sa panahon ng pandemyang ito ay maaaring nakatulong din doon sa pagbaba ng kaso.
And pangalawa of course, makikita ho natin, kasi itong dengue ay tumatama sa mostly iyong 10 to 14 years old ay nasa bahay po sila ngayon at wala sa eskuwelahan. So mas naaalagaan, mas nababantayan at sabi ko nga mas nakakapag-prevent ngayon ang mga pamilya bunsod nitong pandemyang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., linawin lang din po natin iyong—although alam ko ito po ay nabanggit ninyo na rin ano, iyong kumalat po na balita tungkol doon sa bagong strain ng COVID-19 na target diumano iyong age group na 20 to 49 years old. Ano po ang pinagbatayan nito at totoo po ba ito?
USEC. VERGEIRE: Iyon nga po ang gusto naming liwanagin Usec. Rocky ‘no, kahapon po kami po ay nagbigay ng paliwanag. Unang-una, makikita ho natin talaga na ang most common na affectation ngayon ng COVID-19 ay nasa 20 to 50 years old and these are the working group. Sila po iyong lumalabas na ng bahay, nagtatrabaho na po sila, gumagawa po sila ng mga errands. So mostly, most of them, most commonly sila po iyong nai-infect. But it does not relate, wala pong relation doon sa sinasabing bagong strain ng virus.
Ito pong G614, ito po ay napag-alam ano ng ating mga institutions like RITM and Philippine Genome Center na mayroon pong alteration iyong virus natin sa ngayon ‘no, itong SARS-CoV-2 pero hindi niya sinabi na mas fatal siya o ‘di kaya mas infectious siya. Basta ang sinabi lang noong conclusion, mas mataas ang viral load ng mga taong nagkakaroon nitong ganitong strain and kailangan pa ho nang mas masusing pag-aaral at saka enough evidence para masabi po [garbled] na ito pong mga tinutukoy ngayon sa mga artikulo ay tama. So kailangan pa hong pag-aralan kasi ang Philippine Genome Center at RITM, maliit na population pa lang po ang naaaral nila, hindi pa ho nila nasasakop ang buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., noong nakaraang buwan ng Agosto nga nagkaroon ng clinical trials ang anti-viral drug na Avigan. So far, kumusta na po iyong observation ninyo sa mga pasyente? Natuloy po ba ito o ngayong buwan kayo dapat magsimula nitong sa Avigan, Usec.?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Hindi pa ho naumpisahan ngayon iyong Avigan trial natin. It’s set to start, hopefully ito pong September makapag-umpisa po tayo. Kailangan pong ma-finalize pa ho iyong ating mga clinical trial agreement at saka iyon pong mga ethics review ng mga ospital na kasama dito. So atin pong minamadali itong pagproseso ng mga dokumento and hopefully in the coming weeks we can already start with the clinical trial.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ma’am, kumusta po iyong naging pagpupulong po ninyo tungkol dito sa Sputnik, iyong sa vaccine po sa Russia at isa pang pharmaceutical company? Kumusta po iyong naging pagpupulong ninyo dito?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Kahapon po nakipag-meeting kami sa Pfizer ‘no and we met with their top officials. Sila po ay nagbigay ng kanilang proposal at ang Pilipinas naman, through the Secretary of Health, Secretary of DOST ay nakipag-usap po ukol dito. Mga [garbled] initial lang po na mga pag-aaralan. Ang pinakaimportante iyong confidentiality disclosure agreement ay mai-expedite para maintindihan po ng lahat kung ano po ang laman nitong agreement na ito at magkaroon po ng agreement between two parties.
So pagkatapos po, pag-uusapan po kung ano po ang magiging arrangement. So wala pa ho tayo talagang final na agreement with Pfizer. As to the—iyong sa Gamaleya po, iyong sa Russian, nakipag-usap na ho kami kahapon sa Russian Embassy, pini-prepare ho natin ang ating gobyerno dahil haharap po tayo sa kanila in the coming weeks, maybe next week or the week after para po makapag-usap na ho nang maliwanag para po dito sa bakunang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., malaking bahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan II ang nakalaan po sa programa ng Department of Health. Saan po ba partikular na ilalaan ng DOH iyong pondong ito?
USEC. VERGEIRE: Mga about 38% po ng ating pondo na iyan ay para sa human resources for health. We like to continue on with the deployment of doctors, nurses, midwifes and other healthcare professionals.
Pangalawa po, of course nandiyan po iyong mga public health programs natin na kailangan po nating suportahan, mayroon din po tayong programa diyan o budget for the vaccine for COVID-19 and of course the other vaccines that we need for the national immunization program. At mayroon pong parte diyan na mayroon pa rin po tayong health facilities enhancement pero ito po ay depende sa pag-uusap pa rin po base po sa ating magiging hearings with our budget.
USEC. IGNACIO: Opo. So far ano po iyong update sa bilang naman ng mga medical health workers na nag-a-apply, mas nadagdagan po ba ito noong mga nakaraang araw?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, actually nadagdagan pero katulad ng po ng sabi natin, hindi pa rin nare-reach iyong target natin na more than 10,000 na healthcare workers na kailangan nating mai-deploy to augment our healthcare work force. So, nadagdagan po tayo, kaunti pa rin ang nadagdag, pero tayo po umaasa pa rin na in the coming days makakapagpadagdag pa rin tayo at makakapag-recruit para ma-deploy sa iba’t ibang facilities sa country.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kahapon nagtala tayo ng mahigit tatlong libo na namang bagong kaso. So, so far ano po ang nagiging assessment ninyo dito sa kaso pa rin ng COVID-19 sa bansa, pinakamarami pa rin iyong NCR?
USEC. VERGEIRE: Tayo po ay may average na about 2,200 to 2,400 cases that we are reporting per day which are the recent cases; ito po iyong mga bago. At makikita natin that NCR would comprise about 60% of these cases. So, ito pong mga kaso patuloy pong tumataas naman na nakikita natin at hindi natin iyan ikakaila. Pero ang kagandahan naman po, kapag tiningnan natin ang health system capacity natin lumuluwag-luwag na po ng kaunti. Kung dati po nasa mga 80, 81% tayo sa critical care utilization, ngayon po sa NCR, we are about 66%. So nakita po natin na iyong One Hospital Command System natin ay nakapagbigay ng magandang dulot dito po sa pagde-decongest ng ating ospital. Kabalikat na po niyan iyong Oplan Kalinga natin.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan partikular po sa ating mga medical health workers sa bansa na nakikibaka pa rin po sa COVID-19.
USEC. VERGEIRE: Yes. Usec. Rocky, gusto ko lang ipaalala at ipaalam sa ating mga healthcare workers suportado po kayo ng Kagawaran ng Kalusugan. Lahat po ng puwedeng maibigay ay atin pong pinipilit na maibigay sa inyong lahat para po kayo ay maproteksyunan. We recognize na importante po kayo sa labang ito at kami po ay patuloy na susuporta sa inyo. Kung mayroon po kayong hinanaing, maari lang pong dumulog sa aming tanggapan para mapag-usapan po natin ito.
At ang paalala po natin sa ating mga kababayan, sana po patuloy nating suportahan ang ating mga healthcare workers na ngayon ay araw-araw nakikipaglaban sa sakit na ito. Sana po ay kayo rin po ay maging parte ng ating solusyon, isapuso, isaisip po iyong mga minimum health standards para po matulungan natin ang ating healthcare workers at hindi naman po [line cut]
USEC. IGNACIO: USec. Vergeire, naputol kayo sa linya; pero maraming salamat po USec. Vergeire ng Department of Health.
USEC. VERGEIRE: Thank you very much.
BENDIJO: Samantala upang bigyan po ng daan ng Hatid Tulong program na layong mapauwi ang mga na-stranded nating mga kababayan dito po sa Kalakhang Maynila dahil pa rin sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang sinuspinde ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program. At para sa ibang pang detalye, panuorin natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula po sa ibang panig pa ng lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Aaron Bayato mula po sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
ALJO BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao, may report si Clodet Loreto. Clodet, maayong udto.
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Clodet Loreto.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 4, 2020, umabot na po sa 232,072 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 3,714 new COVID-19 cases.
Naitala rin kahapon ang apatnapu’t siyam na kataong nasawi kaya umabot na sa 3,737 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga naka-recover na umakyat na sa 160,549 with 1,088 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases po ay 67, 786.
Samantala, tulad ng ating araw-araw na paalala, maging BIDA solusyon sa laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face masks dahil sa pamamagitan nito ay mapipigilan ang pagkalat ng droplets mula po sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang chance na makahawa at mahawa po ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot po ng mask ay nagpapakita po ng respeto at courtesy sa ating mga nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
ALJO BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang numerong 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy din kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang mga sources ng impormasyon tungkol pa rin sa COVID-19. Maaari po ninyo bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalaga pong malaman ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KPB).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: Marami pong salamat, Usec. Thank you. At maraming salamat din, ingat Secretary Martin Andanar. Muli po, ako si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)