USEC. IGNACIO: Mapagpalang araw po sa lahat ng mga masusugid nating tagasubaybay sa loob at labas ng ating bansa. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula po sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Aljo,
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Ako naman po si Aljo Bendijo, hahalili po kay PCOO Secretary Martin Andanar at kasama ninyong aalam sa mga pinakabagong impormasyon at ang aksyon ng pamahalaan kontra COVID-19.
Lagi po naming paalala sa lahat na ugaliing magsuot ng facemasks, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama at kung wala namang importanteng lakad, manatili na lamang po sa inyong mga tahanan.
USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon, September 13, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,372 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umabot na po sa 261,260 na kaso; 49,277 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 20,472 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan po ay umabot na sa 207,568; habang pitumpu’t siyam naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 4,371.
Bagama’t bahagyang bumaba ang bilang ng reported cases kahapon, nanatili pa rin itong mataas. Mapapansin na sa nakalipas na anim na araw ay hindi bumababa sa tatlong libo ang kasong naitatala. At ang National Capital Region pa rin po ang may pinakamaraming kaso; kahapon po ay nadagdagan ito ng 1,307 COVID-19 cases. Nasa ikalawang hanay naman po ang Cavite na nakapagtala ng 2,040 na kaso. Sumunod naman po ang Laguna na may 207 cases. Pang-apat sa talaan ang Negros Occidental na may 199 cases, samantalang panlima naman po ang Bulacan na may 145 new cases.
Matapos makapagtala nang mataas na bilang ng recoveries kahapon, nasa 49,277 ang bilang ng active cases. Katumbas ito ng 18.9% ng total cases, mas mababa na ito kung ihahambing sa ating naiulat noong nakaraang linggo na nasa mahigit 20%.
ALJO BENDIJO: Sa bilang po ng active cases, 87.6% ay mild cases lamang, 8.8% ang walang sintomas, samantalang nasa 1.4% naman ang severe at 2.2% ang nasa kritikal na kalagayan.
Samantala, muli po naming ipaaalala sa lahat na maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kalilimutang magsuot ng face mask at magdala ng alcohol. Huwag ding kakalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din ang listahan ng inyong mga bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mainam din na magdala rin ng bottled water at tissue paper. Ito’y mga simpleng hakbang lamang pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Para naman sa ating mga balita: Naging matagumpay ang paglulunsad ng ika-82 Malasakit Center nitong Biyernes sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City, Isabela. Ito po ang pangalawang Malasakit Center na naitayo sa probinsiya at pangatlo sa buong Region II.
Sa naging pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamamagitan ng video call ay kaniyang binigyan-diin na maaaring lapitan ng sinumang nangangailangan ang Malasakit Center lalung-lalo na ang mga mahihirap.
Nanawagan din siya sa lahat na magtulungan upang matigil ang korapsiyon sa gitna ng pandemya, ito’y matapos ang isyu ng umano’y korapsiyon sa PhilHealth. Sa kabilang banda naman ay pinasalamatan ng Senador ang lahat ng health workers dahil sa kanilang sakripisyo para makapaglingkod lalo na ngayong panahon ng krisis.
Muli namang ipinanawagan ang mabilis na pagpapasa ng E-governance Bill para mas mapadali ang serbisyo ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng krisis. Sa nagaganap na Senate hearing ay inihayag ni Senator Go na bukod na maiiwasan ang red tape ay labis itong makakatulong upang maiwasan ang korapsiyon at maibigay ang tamang serbisyo sa ating mga mamamayan. Upang mabilis na maipatupad ang E-governance ay tinatayang nasa 7.6 bilyong piso ang ilalaan para dito.
Kaugnay nang mabilis na pag-digitalize ng proseso ng Department of Finance ay iniulat ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa 99% na ng mga MSME ang nabigyan nila ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa SSS at BIR.
Samantala, para maiwasan ang sunud-sunod na kalamidad sa bansa gaya ng sunog ay hiniling din ni Senator Go na ipasa na ang Fire Protection Modernization Bill. Aniya, panahon na para i-upgrade ang mga pasilidad ng Bureau of Fire Protection, gayun din ang pagdaragdag ng mga tauhan para sa kaligtasan ng sambayanang Pilipino laban sa sunog.
Nitong Biyernes, namahagi ang Senador ng ayuda sa mga nasunugan sa Tacloban City sa probinsiya ng Leyte.
Kasama natin na magbabalita mamaya sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Services, Eddie Carta mula sa PTV Cordillera at Julius Pacot mula naman sa PTV Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap din natin sina Usec. Artemio Tuazon, Jr. ng DOTr at si Lt. General Guillermo Eleazar, ang pinuno ng Joint Task Force COVID-19 Shield.
ALJO BENDIJO: Kung mga may nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo lang po iyan sa ating livestream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Simulan na po natin ang ating makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing.
Dahil po sa pagbabalik trabaho nang mas marami nating kababayan sa unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya, ngayong araw po ay ipinatutupad na po sa mga pampublikong sasakyan iyong pagbabawas po sa physical distancing measures. Para pag-usapan iyan ay makakausap po natin si Usec. Artemio Tuazon, Jr. ng Department of Transportation. Good morning po, Usec.
USEC. TUAZON: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa inyong dalawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta na po iyong unang araw ng pagpapaluwag natin ng distancing protocol sa ating public transportation dito sa Metro Manila; wala naman po ba tayong nakitang naging problema so far?
USEC. TUAZON: So far po, wala naman pong problema. But katulad po ng pagpapatupad ng mga ibang bagong alintuntunin natin, may konting adjustment period lang po doon sa ating mga transport public utility vehicles. Pero so far po, maayos naman po.
USEC. IGNACIO: Mula po kasi sa isang metrong layo nga, ginawa na po itong .75 meters simula ngayong araw. Then after two weeks daw, gagawin daw po itong .5 meters at .3 meters pagkatapos po ng isang buwan. So anu-ano po iyong mga pinagbasehan ninyo, ng IATF, sa mga distancing measure na nabanggit, Usec?
USEC. TUAZON: Usec., marami pong mga studies na nagawa po diyan, hindi lang po dito sa atin pati po sa ibang bansa na nagpapakita po na kapag itong ating reduction ng social distancing ay sinamahan natin ng pag-mandatory use ng facemask, face shield, no talking at saka iyong bawal po ang cellphone at pagkain, kasama na po diyan iyong disinfecting at saka iyong temperature check po para sa mga symptomatic. Iyan po ay magiging malaking tulong po para mabawasan po transmission ng virus sa public transport natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dahil po doon sa pagbabago ng distancing measures ay mas dumami na po iyong pasahero sa loob isang pampublikong sasakyan. So bukod po sa facemasks at face shield, ano pa po iyong mga protocols na idinagdag ninyo para po masiguro ang kaligtasan ng ating mga pasahero kontra COVID-19? Kasi, Usec., alam naman po natin na ang National Capital Region pa rin po ang may pinakamataas na kaso.
USEC. TUAZON: Tama po iyan, Usec. Ang atin hong isinamang ipinapatupad kasama po ng face shield at saka face mask requirement ay iyon pong bawal na po ang mag-usap sa loob po ng pampublikong sasakyan. Bawal na rin po ang mag-cellphone at bawal pong kumain sa loob. Ito po ay dahil sa napatunayan na po na ang pinakamalaki pong transmission ng virus ay through your droplets. Kung mayroon ho kayong face mask, face shield tapos hindi naman po kayo nagsasalita, hindi kayo nagsi-cellphone, hindi kayo kumakain, napakaliit na po iyong chances na mayroon pang droplets na lumabas po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong monitoring natin doon sa karagdagan o pagdadagdag ng pasahero sa mga eroplano naman po at barko at maging po iyong sa RORO?
USEC. TUAZON: Opo. Sa eroplano po, wala pong masyadong mababago sa eroplano kasi mula pa po noong umpisa ang sinusunod po natin po ay iyong mga protocols ng IAO at saka ng IATA. Kaya po sa kanila, dahil sa configuration po ng mga eroplano puwede po sa kanilang hindi masyadong i-observe iyong social distancing. Ang ginagawa lang po sa kanila, iyong last three rows po ng eroplano ay hindi pinasasakyan para ito po iyong parang maging isolation area kung sakali man may mag-develop ng symptoms within the flight.
Iyong sa maritime po natin, kapag nag 0.75 tayo po na social distancing between passengers, it will increase the capacity of our RORO vessels to about 75% din po, so mas marami pong makakasakay.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., puntahan naman natin iyong mga tanong ng mga kasama natin sa media. Unahin ko lang po itong si Meg Adonis po ng Philippine Daily Inquirer: Sino daw po ang nag-request ng pag-reduce ng physical distancing in public transport – ang railway sector po ba o pati na rin po ang road sector?
USEC. TUAZON: Hindi po. Nagmula po iyang request sa ating mga mamamayan dahil nga po nagbubukas na po iyong ating ekonomiya, kailangan po ring makapasok sa trabaho ang mga tao natin, ang mga mamamayan natin at matagal na pong hinihingi na tulungan natin ang pagbubukas ng ekonomiya sa pagbubukas din po ng ating public transport para naman po makapunta sa kanilang mga trabaho ang ating mga mamamayan.
Ito po ang narinig ni Secretary Tugade kaya inatasan niya iyong different sectors po ng ating public transport na pag-aralan na po iyan. Pinag-aralan po nila iyan, tulad ng sinabi ko may mga studies po here and overseas na naging basehan po nila sa pagmungkahi niyan sa IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Ikalawang tanong ni Meg Adonis: Kung mayroon daw pong data kung magkano po na po ang naging losses ng MRT 3 and LRT 2 since nag-require po ng 1-meter physical distancing?
USEC. TUAZON: Pasensiya na po, wala po sa akin iyong datos niyan ngayon pero maaari ko pong ibigay, hihingin ko po sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joan Nano ng UNTV, Usec. Ito po ang tanong niya: Maaari po bang maipaliwanag ng DOTr iyong tungkol sa International Union of Railways na study na sinasabing pinagbatayan ng pag-reduce ng physical distancing sa public transport?
USEC. TUAZON: Opo, Usec. Ang ginawa po ng International Union of Railways, tiningnan po nila iyong lahat ng experience po ng iba’t-ibang bansa na miyembro po noong International Union of Railways at nakita po nila na hindi po sa public transportation, hindi po sa rail system nagmumula ang transmission o hindi po ito ang vector for transmission ng COVID-19.
Kung titingnan po natin ngayon, karamihan po ng ibang bansa lalo na po dito sa Asya, tayo lang po ang nag-e-enforce ng one (1) meter distancing between passenger. Iyong iba po ay hindi na po nag-e-enforce niyan. Tapos makikita po rin sa datos na from the time nag relax na po iyong mga bansa na iyan at tinanggal na po nila iyong social distancing o binawasan nila iyong social distancing nila sa kanilang mga rail sector at saka iba pang transport sectors, makikita po na actually, bumaba po ang mga COVID cases nitong mga bayan na ito. So, ipinapakita lang po nito na hindi po sa public transportation nagmumula ang transmission ng virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya: Sabi ng transport group na ACTO, bakit hindi na lang dagdagan iyong mga sasakyan na bumibiyahe instead na bawasan ang physical distancing?
USEC. TUAZON: Ginagawa na po namin iyan, Usec. Sa katunayan po, ngayong araw ito 28 bagong ruta ang aming binuksan para sa mga jeep. Katumbas po ito ng mga 1,156 na mga units ng jeep ang puwede na pong pumasada.
Pero katulad po ng nasabi namin dati, maski payagan po namin ito na pumasada nang pumasada kung wala naman pong sasakay na pasahero at kulang ang maisasakay nilang pasahero mahihirapan po sila at hindi po sila papasada kasi nga lugi po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Arianne Merez ng ABS-CBN, Usec.: Medical experts from PGH have said that reducing physical distancing measures are risky. May we know what study exactly is the basis of DOTr for this policy? Who exactly did the DOTr consult?
USEC. TUAZON: Yes, ma’am. Totoo po iyon ang sinasabi nila na kapag binawasan ninyo po iyong social distancing by itself kung wala po kayong ibang intervention, delikado po talaga iyan kasi palapit nang palapit iyong tao. Alam po natin na ang COVID-19 is transmitted through the droplets at saka iyong aerosol, so talaga pong magiging delikado iyan.
Pero ang ginagawa po natin, hindi lang natin basta tinatanggal/niri-reduce iyong ating social distancing. Marami po tayong in-implement na protocol diyan: Nandiyan na po iyong mandatory use of face mask; mandatory use of face shield; iyong no talking; no cellphone usage; no eating; tapos po nandoon po iyong ating tinatawag na temperature screening bago sumakay po ng public transport.
In that way po, wala pong symptomatic na makakasakay sa ating public transport. That being the case, ma’am, wala pong chance masyado iyong aerosol na lumipat o lumabas sa tao kasi nga po may ilang redundancies tayo eh para ma-prevent po iyong paglabas ng aerosol or ng droplets ng virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po mula kay Joseph Morong ng GMA 7: Kung kailan daw po papayagan iyong provincial buses at kung kailan daw po ito?
USEC. TUAZON: Ma’am, Usec., inaayos na po ng LTFRB iyan and I think, within the week ay maglabas na po ang LTRFB po ng kanilang guidelines para diyan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong araw din po ay pinayagan ninyong magbiyahe ang nasa 1,159 po na traditional jeepney units sa may 28 ruta sa Metro Manila. Anu-ano po iyong mga batayan ninyo para payagan ninyo silang magbalik-operasyon, Usec.?
USEC. TUAZON: Ang LTFRB po, ina-analyze po iyang mga rutang iyan regularly. Tinitingnan po kung nasaan iyong highest demand at iyon po ang ina-address nila, pina-prioritize po nila ang pag-address doon. Kung saan po iyong mataas ang demand, doon po nila pinapayagan iyong mga traditional jeeps na mag-ano po.
At saka kapag insufficient po iyong ating modernized jeeps o iyong buses, isa po iyon sa mga consideration nila para payagan itong mga traditional jeeps na ito na pumasada.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., linawin din po natin, may pagtaas po ba sa pamasahe sa mga traditional jeepney?
USEC. TUAZON: Sa ngayon po, wala po. Wala pa pong pinapayagan ang LTFRB na pagtataas ng pamasahe.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para naman po sa kaalaman ng lahat, unti-unti man po daw na nagbubukas nga ang ating pampublikong transportasyon ay tuloy-tuloy rin po ang pagbibigay ng libreng sakay sa ating health worker. Bigyan ninyo po kami ng update naman tungkol dito, Usec.
USEC. TUAZON: Usec., tuluy-tuloy lang po iyan. Iyan po ay commitment ni Secretary Tugade na tuloy-tuloy po naming ibibigay ang free shuttle para sa ating mga health workers as long as kakailanganin po. Ngayon po nakikita natin na insufficient pa nga iyong public transport, itinuloy po namin iyan para makasigurado tayo na nakakapasok iyong ating mga health workers sa kanilang mga ospital at trabaho.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kuhanin ko na lang po iyong inyong mga mensahe at iyong paalala ninyo po sa ating mga mananakay ngayong araw na ito.
USEC. TUAZON: Salamat, Usec.. Sa tingin ko po lahat naman tayo ay alam na at nakikita po na napakadelikado nitong COVID-19 virus na ito. Mahirap po talaga itong kalaban natin at talaga pong walang pinipili maski sino.
Ngayon, para lang po proteksyunan natin ang sarili natin, hihingin po namin ang tulong ng bawat mamamayan natin at lalo na po ang ating mananakay sa public transport, na kung maaari lang po ay sundin ninyo po lahat ng protocols. Ito po ay para sa proteksiyon ninyo at together po magkakatulong-tulong tayo para makatulong tayo doon sa pagbubukas ng ekonomiya; makabalik na ng paunti-unti ang buhay natin sa normal. Tulungan po tayo dito.
Maraming salamat, Usec..
USEC. IGNACIO: Marami pong salamat sa inyong oras. Mabuhay kayo, Usec. Artemio Tuazon Jr. ng Department of Transportation. Salamat sa inyong oras. Stay safe, USec..
USEC. TUAZON: Kayo rin po. Maraming salamat, Usec.. Thank you.
BENDIJO: All right. Habang inaantabayanan natin ang Task Force Joint COVID Shield with General Eleazar, Usec., marami tayong tanong din sa ating kapulisan, sa PNP.
USEC. IGNACIO: Yes. Iyong kanina nga ‘di ba—nanunood kanina ako ng Rise and Shine Pilipinas at nakita ko na iyong si Fifi ba na—‘di ba tiningnan niya iyong pagpapatupad ng pag-iral ng physical distancing, at sinasabi nga niya sa kaniyang report ay karamihan sa ating mga mananakay ay sumusunod naman talaga din. ‘Di ba, na napakaganda ring indikasyon na talagang sinabing ganito ang gawin, ang lahat ay sumusunod na sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan para rin sa lahat iyan.
Iyon nga lang, siyempre may mga nagtatanong na bakit medyo pinanipis iyong ating pagpapatupad ng physical distancing since ang National Capital Region pa rin iyong mataas iyong kaso ng COVID-19.
BENDIJO: Tama. Makuwela lang si Fifi, Usec. ‘no, pampasigla ng umaga. O kung may oras po kayo ha, ugaliin ninyong tumutok sa Rise and Shine sa atin pong traffic update with Fifi. Sumusunod … actually lahat—may bike lanes na, maganda na ang ginagawa ng lokal na pamahalaan sa Lungsod Quezon dito sa Elliptical Road.
USEC. IGNACIO: Kaya nga. Maganda ring pagkakataon ‘to na—at least sinabi ni DOTr Usec. Artemio Tuazon, Jr. na pinag-uusapan na rin iyong posibleng pagbabalik ng provincial buses kung kailan sila magbibiyahe at pag-uusapan daw na iyan next week. So unti-unti habang nagbubukas ang ating ekonomiya at patuloy ang operasyon, iyong mahigpit na guidelines doon sa safety and health protocols ay ipinatutupad din ng ating pamahalaan.
BENDIJO: Okay. Kung ready na si Gen. Eleazar, marami tayong tanong dahil unti-unti na ngang bumabalik ngayon sa new normal. Nagbubukas na ang ilang mga business establishments lalo na ang mga restaurant at nag-eengganyo din ang Health Department na mag-exercise ‘no, mag-ehersisyo ang ating mga kababayan para po palakasin ang ating pangangatawan, iyong APOR ‘no.
Isa po sa mga tinitingnang dahilan nang mabilis na pagtaas po ng COVID-19 sa bansa ay ang paglabag sa quarantine measures na ipinatutupad ng pamahalaan katulad ng limitadong bilang ng mga dadalo sa mga pagtitipon at maraming iba pa. Eh upang masawata ang mga lumalabag dito’y naunang iniutos ng Joint Task Force COVID-19 Shield sa atin pong kapulisan na i-monitor ang social media kung saan kadalasang nakikita ang mga quarantine violation. Ito’y umani po ng kritisismo dahil maaaring labagin ang karapatan sa privacy ng isang tao.
Upang bigyan po tayo ng updates tungkol diyan, makakasama natin ang pinuno ng Joint Task Force COVID-19 Shied Lieutenant General Guillermo Eleazar. Magandang umaga po, General Eleazar.
LT. GEN. ELEAZAR: Yes. Magandang umaga sa inyo, Aljo. Ganoon na rin kay Usec. Rocky at sa lahat ng mga nakikinig at nanunood sa inyong programa.
BENDIJO: Opo. General, umani po ng batikos ang una ninyong iniutos na gamitin ang social media para i-monitor ang mga post na nagpapakita ng mga quarantine violations dahil ito raw ay labag sa privacy ng nag-post nito. Para malinaw po siguro sa ating mga viewer, ano po iyong mga naging basehan ninyo para sa una ninyong utos?
LT. GEN. ELEAZAR: Aljo, siguro iyong iba kasi akala nila iyong pagmo-monitor ng ating pulis eh pati iyong mga private social media accounts nila mamo-monitor natin – hindi po iyon. Kina-klaro natin na ang ating imo-monitor po iyong ating mga official Facebook account. Alam ninyo, lahat ng police station natin eh before the pandemic, nagkaroon na po tayo nitong mga—aside from the hotline, naglabas na tayo ng mga Facebook account na kung saan puwede silang magpadala ng mga impormasyon sa atin na makakatulong. That is over and above the regular patrolling na ginagawa natin.
Kasi we would like to encourage at palakasin pa itong barangay reporting system natin through the use of our hotline at saka iyong social media.
So liliwanagin po natin: only those information – video or picture – na pinadadala talaga sa amin or iyon pong publicly and openly posted nila na talagang gusto nilang iparating sa amin ang amin pong imo-monitor.
Hindi po namin pakikialaman o panghihimasukan ang mga private social media accounts ng ating netizen for the reason na we cannot do that, first, dahil ito ay iligal; pangalawa, ang atin pong mga police station ay walang kapabilidad para po gawin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. General, may tanong po si Manny Vargas ng DZBB: Puwede na ang staycation. Open na ang Tagaytay for local tourists at iniengganyo ng Health Department na mag-ehersisyo ang bawat isa to have strength and health. Ano po ang posisyon ng Joint Task Force COVID Shield para sa mga nakatatanda nating mga kababayan, mga senior citizen at mga kabataan, 21 years old and below na supposedly bawal lumabas ng bahay unless authorized po sila, APOR? Maraming salamat, General.
LT. GEN. ELEAZAR: Yes, Aljo. Una po, ay nakasaad naman po iyan sa omnibus guideline ng IATF na even doon sa pinakamababang antas ng quarantine na MGCQ ay bawal pa rin po iyong mga minors at saka iyong mga senior citizen na lalabas except doon sa sinasabi nga natin na talagang walang ibang lalabas para mag-avail nitong kanilang mga pangangailangan or sila ay bahagi ng workforce. So mini-minimize po natin or iniiwasan talaga iyong kanilang paglabas.
Mali po iyong sinasabi na kagaya po doon sa Tagaytay – while it is true na iyong Tagaytay diniclare (declare) ng LGU nila na hindi na kailangan ang travel pass pagpasok doon, iyon po ‘yung manggagaling within Cavite. Kasi alam ninyo po sa atin ngayon, ang guideline pa rin ng National Task Force is that kung hindi ka APOR at ang lakad mo ay hindi related doon sa work mo, hindi pa rin tayo puwedeng lumabas at lalabas tayo ng probinsya. So that iyong galing sa Metro Manila eh magpupunta ng Cavite, eh dapat po may reason ka ng pagpunta doon at kung hindi ay dapat kukuha ka pa rin ng travel authority. So unless baguhin po iyan ng National Task Force, iyan pa rin po ang ating susundin.
Doon sa staycation naman, maglalabas po ng mga panuntunan pa ang IATF through the Department of Tourism tungkol diyan dahil sa atin pong mga narinig sa mga pahayag eh ang mag-a-avail lang po niyan is within the same locality or the same province or the same area. So that kung iyong mga hotel na iyan ay sa Metro Manila, taga-Metro Manila ka or sa probinsya, taga-doon ka sa probinsya. Na sa ngayon naman po ay wala naman pong restriction ang ating travel supposed to be within an area like Metro Manila or within the province or highly urbanized cities.
BENDIJO: Opo. General, from Maricel Halili ng TV-5: Good morning po. May we have your thoughts about the statement of General Cascolan that he is not in favor of shaming police officers in public? Do you think this will be an effective method to discipline police? Thank you.
LT. GEN. ELEAZAR: Iyan po’y nababalanse-balanse naman po iyan kasi nga sinabi ng ating Chief, PNP – Police General Camilo Pancratius Cascolan, eh iyong kailangan paalalahanan muna. At ang ginagawa nga po ngayon ng ating mga kapulisan through the different commanders in the ground eh pinapaalalahanan na so that iyong—kung sakaling magkaroon ng inspection eh dapat alam ninyo na iyong paalala na iyan. So para naman po iyan na ang ating pulis ay tinitingnan ang morale and welfare pero iyong sinasabi rin ng ating Chief PNP doon sa mga iilan-ilan na sinasabi nating hindi gumagawa nang tama ay hindi naman po kukonsintihin ng ating pamunuan iyan.
So balanse lang po ang kailangan pero just the same eh kung kayo po ay paulit-ulit na sinasabihan eh talaga pong siguro dapat—eh siguro tanggap ninyo na kayo’y mapahiya.
Pero sa simula bibigyan ng paalala at iyan naman po ang ginagawa natin ngayon, ginagawa ng ating Chief PNP, ang pagbigay ng paalala sa ating mga pulis. In fact, mariin iyong kaniyang bilin ngayon, iyong mga gumagamit na mga pulis na mga recovered/stolen vehicle ay talaga pong walang kapatawaran iyan. Eh iyong patulug-tulog sinasabi nga natin, inaayos natin po iyong shifting so that ‘pag duty ka ay dapat hindi ka natutulog. Kasi kung tutuusin naman po, kung naka-off ka ay dapat doon ka matulog/magpahinga. Pero ‘pag ikaw ay naka-duty, dapat ay huwag kang patulug-tulog.
Kaya uulitin natin, nagpapaalala ang ating Chief PNP, Police General Cascolan sa ating mga pulis na gawin ninyo ang tama para po naman kayo ay hindi napapahiya kung sakali man kayo ay napuntahan ng ating mga unit commanders na nagko-conduct ng inspeksiyon.
BENDIJO: Opo. General, dahil nga kulang tayo sa tao ay imo-monitor ninyo na lang iyong mga viral post at public accounts? So far, kumusta naman po iyong ginagawa ninyong social media monitoring at gaano na po karami ang nahuli ninyo using this method?
LT. GEN. ELEAZAR: Aljo, nililiwanag po natin, hindi natin aalisin pa rin po iyong ating police visibility patrolling kasi iyon talaga ang ating ginagawa. Kaya lang binigyan natin ng pagkakataon nga iyong iba nating mga kababayan through hotline na ayaw magpakilala at saka sa social media na magpadala sa atin. We will not use or utilize additional personnel or resources for this kasi may naka-assign naman tayo na mga police community affairs personnel natin na tumitingin doon sa mga Facebook account. At ang ating mga pulis naman through the use of our cellphone ay puwede pong ma-monitor kung mayroong publicly na naka-post doon na puwedeng maaksiyunan lalo na kung within jurisdiction ang gagawin.
Hindi ito ngayon lang natin ginagawa. In fact, may mga na-file na tayong mga kaso, dahil nag-viral at nag-conduct ng imbestigasyon. Nag-file na ng kaso sa mga ibang mga barangay officials, mga police at iba pa na doon sa ating pagsasagawa ng imbestigasyon. Hindi man natin sila nahuli sa akto kaya ang ating resort doon is to conduct investigation and file case against them doon po, before the fiscal’s office.
Now, mula po nang ating inilunsad itong ating social media account o iyong Facebook account ay kalimitan pong nagpapadala doon sa messenger, kasi ayaw nilang magpakilala. Hindi mismo doon sa Facebook account. And for the past, at least three days ay mahigit siguro po mga dalawang dosena o mahigit 20 iyong na-receive natin na mga reklamo. Base po doon sa isang report ngayon na may ongoing violation of physical distancing sa Taguig, nitong Sabado ng gabi, about 11:30, eh napakaganda naman kasi noong nagresponde iyong mga pulis, kasama ang ating barangay ay naaktuhan po natin iyon, kaya’t na-accost po sila, dinala sa police station at base doon sa ordinansa, eh binigyan po natin sila ng ordinance violation.
BENDIJO: Opo, paano po ninyo natitiyak na totoo iyong mga isinusumbong sa inyo gamit po iyong Facebook? May na-encounter na po ba kayong may nagsumbong na isa nating kababayan only to find out eh hindi naman po totoo iyong akusasyon sa kaniya?
P/LT.GEN. ELEAZAR: Well, una po talagang kailangang po natin ng validation. Kahit nga po iyong mga tumatawag sa hotline o sumusulat sa atin, bina-validate natin iyan. At iyong mga photos and videos ay tsinek muna natin iyan kung iyan ba talaga po ay legit, kasi kung fake iyan ay talagang tigil ang ating pag-iimbestiga. Pero kung iyan po ay legit, then we will seek the assistance from the barangay para ma-identify natin kung sino iyong tinutukoy doon at kung mayroon tayong basehan, kukuha tayo ng additional evidence. Kasi po iyong pinadala na impormasyon that will not stand alone sa pagpa-file natin ng kaso, magdadagdag pa tayo ng ebidensiya at kapag nakakuha tayo noon – kagaya ng ibang mga violation, ng mga ordinansa at mga batas natin – ipa-file natin iyong case na iyon po sa Office of the City Prosecutor for their evaluation. At kung may basehan, probable cause ay puwede pong mag-isyu ng warrant of arrest iyan base sa violation na ito at iyon po ang aaksiyunan ng ating police kung mayroon pong warrant of arrest.
BENDIJO: Para malinaw, General, sa taumbayan: Hindi po kaagad makukulong iyong mga nahuhuling may paglabag. Anu-no po iyong mga kaparusahan na maaaring matanggap ng atin pong mga violators?
PLTGEN. ELEAZAR: Aljo, liliwanagin po natin na ito po kasing violators ng ating mga quarantine rules and protocols, kalimitan po diyan ay violation iyan noong mga existing ordinance na inilabas ng ating mga LGUs. So, depende po ito sa LGU. Ang hinihikayat nga po ng DILG at itong ating mga LGUs na sa unang offense ay dapat ang parusa diyan ay community service muna, pangalawa na lamang po iyong pagbibigay ng multa at pangatlo iyong puwedeng makulong. So, ang lagi nating tatandaan we can always accost them just like what we have done to around 392,000 violators from the past 181 days, pero kalimitan nga diyan po naman ay hindi naman po natin iyan kinukulong, even pinagmumulta base doon sa ordinansa na existing doon sa lokalidad na iyon.
BENDIJO: Opo, paalala lang po sa ating mga manunood, baka may mga karagdagan pa kayong mga reminders, General Eleazar?
PLTGEN. ELEAZAR: Well, una po doon sa isyu about the social media or Facebook kontra PNP, eh huwag po kayo mag-alala, hindi po kami makikialam sa inyo pong mga private accounts. In fact, ang amin pong cellphone, ito po ay for violation on protocols sa labas ng bahay, in public places like pag-iinom, pati po iyong mga nandiyan na nagsasagawa ng mga fiesta or party. Sa loob ng bahay, eh sarili po ninyo iyon, pero hinihingi namin ang inyong kooperasyon na sana kahit sa loob ng bahay ay sundin po ninyo iyong mga minimum protocols para naman maiwasan din kung sakali man iyong pagkakahawaan diyan. At ang atin pong sinasabi nga, eh iyon pong kooperasyon at inyong impormasyon ay kailangan po natin. Hindi po natin iba-violate ang inyong privacy at contrary to that eh binibigyan po namin kayo ng pagkakataon na makatulong, mayroong boses para tumulong doon po sa mga nakita nating violations sa ating kapaligiran.
BENDIJO: Opo, General may pahabol na tanong from Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: General, sorry po may pahabol pong tanong iyong aming kasamahan na si Vanz Fernandez sa Malacañang Press Corps: Ilan na daw po iyong nahuli na lumabag sa social media post?
PLTGEN. ELEAZAR: Actually, ang talagang nahuli po natin ay isang situation lang, ito po iyong sa Taguig. Kasi noong maglabas naman po tayo ng Facebook account, ito ay noong September 11 lang naman. Pero before that nakaka-receive po tayo noon at ang ginagawa po natin, depende sa ebidensiya na nakukuha natin, eh nakapag-file tayo ng kaso. Tatandaan po natin na kung ang pag-aaresto na gagawin natin – kahit anong kaso iyan, kahit iyan ay violation ng ordinansa o ng ating Revised Penal Code – kailangan na mahuli natin sa akto. Dahil kapag hindi natin nahuli sa akto, kailangan kumuha tayo ng ebidensiya para mag-file tayo ng kaso, at iyon po usually ang nakikita natin dito po sa posting ng social media information dahil more often than not, ito pong mga impormasyong ito ay tapos na, after the fact na. Unless, kung makuha agad namin at makapagresponde tayo at makita nila sa akto kagaya nang nangyari po noong gabi ng Sabado.
BENDIJO: Salamat po sa inyong panahon, stay safe po, Lieutenant General Guillermo Eleazar. Ang pinuno po ng Joint Task Force COVID-19 Shield.
PLTGEN. ELEAZAR: Maraming salamat din, Aljo and Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol. John?
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Maraming salamat, John Mogol. Alamin natin ang pinakahuling mga balita naman mula diyan sa Cordillera, PTV Cordillera, kasama si Eddie Carta. Eddie?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV Cordillera. Magbabalita naman diyan sa Davao City si Julius Pacot. Julius?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot mula po sa PTV Davao. Samantala, Aljo, pasalamatan rin natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 – mabuhay po kayo. At siyempre, Aljo—
BENDIJO: USec., may COVID pa rin ha. Ating mga kababayan, naka-CQ pa rin tayo, community quarantine.
USEC. IGNACIO: At siyempre kanina nga—maganda ding balita iyong kay Eddie Carta sa Cordillera na Sept. 22, tatanggap na sila ng mga turista. Isang napakaganda ring hakbang, pero siyempre katulad nga ng sinabi mo, huwag po tayo magpakampante, talagang sumunod po tayo doon sa health and safety protocols para sa atin po iyan. Hindi porke po nagbubukas na iyong ating mga establishment eh magpapakampante na po tayo. Basta iyon pong sinasabi maliit na bagay po ang ating gagawin na maghuhugas ng kamay, magsusuot ng face shield, ng face mask – eh napakalaki pong tulong para po maiwasan iyong COVID-19.
BENDIJO: So, bale kortesiya na rin sa iba na sumusunod talaga sa mga panuntunan na ipinapatupad ng ating pamahalaan.
Katulad ng nangyari diyan sa Tagaytay, kanina nga, USec., nabalita eh open na sa mga turista ang probinsiya ng Cavite. Bago ka makarating ng Tagaytay, dadaan ka muna ng Cavite kung manggagaling ng Metro Manila. So kung maaari ay iwasan na muna natin ang tumungo sa mga lugar na malayo sa atin kung mayroon naman tayong puwedeng puntahan na makabili tayo ng pagkain or ipa-deliver na lang sa bahay siguro para maiwasan ang hawaan. Mas maganda kung sa bahay delivery na lang, madami namang ganoon.
USEC. IGNACIO: Oo, do ba sinasabi nga lagi ng ating pamahalaan kung wala po kayong importanteng gagawin sa labas, mas mainam po na manatili na lamang tayo sa ating mga tahanan.
Pero ikaw, Aljo, ‘di ba—ako katulad ngayon, wala tayong suot ngayon, pero malayo tayo. Kasi kapag nakakakita tayo ng mga nagkukuwentuhan na malalapit na walang suot na face shield at saka face mask parang may mali na, naiisip mo ‘di ba. So nagiging ganoon na iyong ating pananaw dahil na rin sa pagsunod natin at sa pagiging maingat natin.
BENDIJO: Huwag nating kalimutan lagi ito pong mga minimum, kasi ngayon eh minimum health standard – palakasin pa natin, pataasin pa natin to the max para maiwasan natin ang pagkalat at hopefully, USec., by December ay masaya ang ating Pasko.
USEC. IGNACIO: Sana nga po. At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala: Be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. At ako po si Rocky Ignacio mula po sa PCOO.
BENDIJO: Daghang salamat. Ako naman po si Aljo Bendijo. USec. Thank you so much.
USEC. IGNACIO: Samahan po ninyo muli kami bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)