USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng ating mga tagasubaybay sa loob at labas ng bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Ako naman si Aljo Bendijo, hahalili kay PCOO Secretary Martin Andanar at katuwang ninyo sa pagbabalita ng mga pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19.
Lagi po naming paalala sa lahat: Ugaliing magsuot ng face masks, mag-sanitize, i-observe ang physical distancing sa mga kasama. At kung wala namang importanteng lakad, manatili na lamang sa bahay.
USEC. IGNACIO: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon, September 14, 2020, ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 4,699 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa 265,888 na kaso; 53,754 po sa bilang na iyan ang nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 249 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 207,504 habang dalawang daan at limampu’t siyam naman ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 4,630 na.
Muli na naman pong tumaas kahapon ang bilang ng reported cases na pumalo na sa 4,699. Ito na po ang pangalawa sa pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo. Sa Metro Manila nagmumula ang pinakamataas na bilang, kahapon ay umabot sa 1,498 na bagong kaso ang naitala. Pangalawa dito ang lalawigan ng Cavite na may 221 na new cases, sumunod ang Bataan na may 198 na bagong kaso, samantalang pang-apat naman ang Bulacan na may 185 cases at hindi nalalayo ang Batangas na may 176 new cases.
Umangat naman ang bilang ng active cases mula sa 18.9% ng total cases na ating naiulat kahapon, umakyat ito sa 20.2% na may kabuuang bilang na 53,754.
ALJO BENDIJO: Umangat din ang bahagdan ng mild cases mula sa 87.6%, umakyat ito sa 88.4%. Nasa 8.2% naman ang walang sintomas, samantalang nasa 1.3% ang severe at 2.1% naman ang nasa kritikal na kundisyon.
Samantala, muli po naming paalala sa lahat na maging BIDA Solusyon sa laban na ito kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagdi-disinfect ng inyong kapaligiran. Siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas hinahawakan. I-disinfect ang mga ito gamit ang 0.5% bleach solution. Madali lang po itong gawin: Ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solution sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Gamitin ito sa pag-disinfect ng mga doorknobs, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa. Mga simpleng paraan lang po pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang numerong 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: At para naman po sa ating mga balita: Senator Bong Go pinaalalahanan ang mga ahensiya ng gobyerno na maging produktibo sa paggamit ng Bayanihan II funds. Ayon kay Senator Bong Go, dapat siguruhin ng mga executive agencies na magagamit ang pera ng bayan nang tama at makakarating ang tulong sa pinakanangangailangan at pinakaapektadong mga kababayan.
Dagdag pa niya, dapat din maging transparent ang mga ahensiya sa kung anong mga programa ang gagastos para sa naturang pondo.
ALJO BENDIJO: Senator Bong Go, nagpadala ng tulong sa kapwa niya Davaoeño na naapektuhan ng sunog sa Barangay Leon Garcia, Sr., Agdao, Davao City. Bukod sa livelihood assistance katuwang ang Department of Trade and Industry, nagpadala si Senator Bong Go ng mga bagong face masks at face shield na kanilang magagamit bilang proteksiyon.
Kasama po nating magbabalita mamaya naman sina Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Services, Danielle Grace de Guzman mula sa PTV-Cordillera, John Aroa mula sa PTV-Cebu at Regine Lanuza mula sa PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakapanayam natin ngayong umaga sina Undersecretary Jonathan Malaya, ang tagapagsalita ng DILG; Dr. Cindy Soliman, Chairperson, Department of Human Resource Management, College of Business Administration ng PUP; Divine Mon-Valle, founder ng Monkeys Forward, USA; at Avel Rivera, Local Youth Development Officer III ng Manila Youth Development and Welfare Bureau.
ALJO BENDIJO: Kung may gusto kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Samantala, maki-update na po tayo sa mga hakbang ng Department of Interior and Local Government kaugnay pa rin po sa pandemyang ating nararanasan. Makakasama natin ang Spokesperson ng DILG, walang iba kung hindi si Undersecretary Jonathan Malaya. Usec., good morning po.
USEC. MALAYA: Usec., magandang umaga sa iyo at magandang umaga po sa lahat ng ating tagapanood sa Channel 4.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po ulit sa Public Briefing Laging Handa. Nito lamang pong pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ang walumpu’t siyam na barangay chairperson ng Office of the Ombudsman matapos ninyo po silang sampahan ng reklamo dahil sa mga naging anomalya sa pamimigay ng unang tranche ng Social Amelioration Program. So anu-ano po iyong mga naging basehan ninyo para mapatunayan ang kanilang pagkakasala, Usec.?
USEC. MALAYA: Opo, tama po iyan. Nagpalabas po ng preventive suspension ang Office of the Ombudsman laban sa 89 punong barangay sa buong bansa dahil nga po nahanapan natin ng ebidensiya, at ito ay isinampa natin sa opisina ng Ombudsman. Ang sabi po ng Ombudsman, itong 89 na ito ay mabigat ang mga ebidensiyang nakalap natin kaya naman sila ay napatawan ng preventive suspension.
Iba-iba po ang mga kasong nakalap natin sa laban sa kanila. Iyong iba ay may mga kaltas doon sa first tranche ng Social Amelioration. Iyong iba naman ay nag-splitting or naghati ng SAP sa dalawang pamilya o tatlong pamilya. Iyong iba naman ay may mga bogus or mga pekeng benepisyaryo na nakalagay sa listahan.
Pero, Usec., linawin ko lang, na of all the 42,000 barangays nationwide ay maliit lang naman na porsiyento itong mga nahanapan natin ng kaso. So the vast majority of our public officers in the barangays ay maayos naman po ang kanilang serbisyo. Iyon nga lang, mayroon tayong ilan na pasaway na napilitan po tayong magsampa ng kaso sa opisina ng Ombudsman.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng lahat, Usec., ano po ba ang ibig sabihin kapag sinabing preventive suspension?
USEC. MALAYA: Opo. Ang preventive suspension po ay technically hindi penalty, kasi nga po tuluy-tuloy pa rin naman iyong kaso laban sa mga barangay officials na ito. So hindi pa po sila nahahatulan ng guilty or what, doon sa kanilang mga kaso. Ang preventive suspension po ay isang measure na tinatanggal ang isang tao sa puwesto kahit hindi pa tapos ang kaniyang kaso para hindi niya maimpluwensiyahan iyong conduct ng investigation. Kasi po madalas, dahil ang isang public official ay nakaupo ay kaya niyang impluwensiyahan or i-threaten or i-intimidate iyong mga witnesses.
So ang ginawa po ng Ombudsman, dahil nga po sa sabing bigat ng kaso laban sa kanila ay minabuti ng Ombudsman na isuspinde sila ng six months habang nililitis ang kaso para hindi nila maapektuhan ang pagsasagawa ng imbestigasyon. Pero hindi pa po ito ang penalty; ito lamang ay isang preventive measure.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong si Joseph Morong ng GMA-7. Tinatanong niya iyong 89 po bang binabanggit natin, puro mga barangay captains po ba iyon?
USEC. MALAYA: Opo, puro po barangay captains iyon. Kasi po iyong ibang mga co-conspirators nila – may mga barangay kagawad, mayroon ding mga barangay treasurers, barangay secretaries at kung minsan ay mga social workers mula sa mula sa munisipiyo – sila naman po ay nasampahan ng kasong kriminal ng PNP-CIDG.
So, USec., dalawang effort po ito: Mayroon po tayong sinampahan ng administrative cases ng DILG mismo sa opisina ng Ombudsman at dahil din po sa kautusan ni Secretary Año, mayroon din po tayong na-file-an ng kaso sa mga piskal, sa mga iba’t ibang prosecutors office sa buong bansa. At ang nag-file naman po ng mga kasong ito ay ang Philippine National Police–CIDG at nandoon po iyong mga civilian co-conspirators, mga other barangay officials – including barangay kagawad, barangay treasurer and barangay secretary.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., dahil iyon daw mga naturang punong barangay mapapasailalim nga sa preventive suspension sa loob ng anim na buwan. So, sino po iyong hahalili doon sa kanilang mga posisyon?
USEC. MALAYA: Opo. Kadalasan po iyong first kagawad ang hahalili po sa posisyon. Doon po sa order ng ating Ombudsman ay inatasan ng Ombudsman ang mga mayors na sila ang mag-implement nitong desisyong ito kasi nga po ang mga barangay ay under their jurisdiction. At ang DILG naman po ang sisiguro na maging smooth ang service nitong suspension order na inilabas ng Ombudsman at sisiguraduhin ho natin na walang gap or gap diin sa public service. So, sisiguraduhin po natin iyong hahaliling first kagawad ay mapapanumpa natin kaagad-agad kapag na-serve na po ng ating mga mayor iyong preventive suspension order.
USEC. IGNACIO: USec., my pahabol pa rin si Joseph Morong ng GMA 7: Ilan daw po iyong co-conspirators and ano po iyong mga areas?
USEC. MALAYA: Okay. Hanapin ko lang iyong datos natin huh… Hindi ko sa ulo iyan lahat at kung—almost 400 po iyan lahat-lahat na mga civilian co-conspirators.
So, ito pong mga iba naman na finile-an natin ay 447 individuals for violations of RA 3019, RA 11469 and RA 673, iyon po ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Bayanihan Act and the Code of Conduct of Government Officials and Employees – 447 po lahat iyan. 211 are elected local and barangay officials; 104 are appointed barangay officials – ito po iyong mga barangay tanod, barangay health workers or barangay secretary or barangay treasurer; and 132 ay mga civilian co-conspirators nila.
Ito pong mga kasong isinampa ng CIDG ay nililitis na ngayon ng ating mga city and provincial prosecutors sa buong bansa at ang iba po ay nakapag-file na ng information sa mga korte. So, may sarili na pong prosesong pinagdadaanan itong mga 447 suspects na ang nag-file naman ay ang ating kapulisan.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., may tanong naman po si Sam Medenilla: Paano po ang gagawin na proseso ng DILG para naman daw po sa hiring ng contact ng tracers? Nabanggit po ni Secretary Año na ang target na applicants po for the said vacancies are displaced workers or repatriated OFWs. Magko-conduct po ba ng job fair and DILG or will it just coordinate with DOLE to select potential applicants daw po?
USEC. MALAYA: Opo. Yes, USec. Linawin ko lang po na ito pong 50,000 contact tracers are augmentation lamang kasi marami na po tayong contact tracers sa buong bansa ngunit dahil nga po sa mas mataas na ratio na in-adopt ng IATF, iyong tinatawag na Magalong Formula, kailangan po nating palakasin at padamihin pa ang ating mga contact tracers. Kaya po nandoon po sa Bayanihan Act 2, nagbigay po ng pondo ang Kongreso for the hiring of 50,000 contact tracers.
So, doon po sa tanong kung papaano po ang proseso, ang application po nito ay sa DILG provincial and city offices. Ibig pong sabihin, iyong atin pong mga kababayan na pasok sa kuwalipikasyon ay puwede pong mag-apply sa mga iba’t ibang city, field offices ng DILG. For example, dito po sa Metro Manila, lahat po ng munisipyo ay mayroon po kaming opisina. Diyan po sa Lungsod ng Maynila, nasa fourth floor o third floor po ang aming opisina at puwede po kayong mag-file.
Iyon naman pong mga nasa probinsiya, sa mga provincial offices po kayo ng DILG mag-apply. At kung saka-sakaling malayo po ang inyong lugar sa kapitolyo ay puwede ninyo pong i-submit ang inyong application sa aming mga municipal offices na nasa munisipyo at sila na po ang magpo-forward ng inyong application sa mga probinsiya.
So, decentralized po ang aming application, huwag po kayong magus-submit sa amin sa DILG Central Office dahil hindi rin po namin mapoproseso iyan, ang dami po niyan, 50,000 lahat po iyan.
So, as mentioned, we are giving preference doon sa mga nawalan ng trabaho provided na pasok sila sa qualifications and the qualifications are they should be a graduate or college level of an allied medical course like nursing and similar courses o kaya naman graduate or a college level of criminology course. Iyan po ang mga preferences natin at kung wala po tayong makuha diyan sa dalawang iyan, we will open it up to other college courses.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Sam Medenilla: Kung may na-sanction na po kaya ang DILG na LGU regarding sa issuance of permits for the construction of telecommunication towers? If yes, ilan na po kaya at may timeline po kaya ang DILG when all of the pending permits should be released?
USEC. MALAYA: Opo. Dahil po doon sa ipinalabas na kautusan ng ating Pangulo na pabilisin ang paglalabas ng mga permits ng mga telco towers at dahil na rin doon sa Joint Memorandum Circular na inilabas ng ARTA, DILG at ba pang mga ahensya, mas bumilis po iyong paglalabas ng mga permits mula sa mga telecommunication companies.
As a matter of fact, ang sabi po ng ARTA, kung hindi aaksiyunan nang tama ng mga LGU, ang atin pong ARTA na mismo ang maglalabas ng certificate of compliance para dire-diretso na ang construction ng mga telecom towers.
Mula po noong ipinalabas ng ating Pangulo iyong kautusang iyon ay bumilis na po ang paglalabas ng mga permits ng mga LGUs. Wala na po kaming natatanggap na mga reklamo mula sa mga telecommunication companies or kaya naman sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Arianne Merez ng ABS-CBN: Ano po daw ang komento ng DILG sa plano ng PNP na i-monitor ang social media post para sa quarantine violations?
USEC. MALAYA: Opo. Suportadong-suportado po iyan ng DILG, iyang naging kautusan ng Philippine National Police maging iyong kanila pong hakbang na maglagay ng special page, na Facebook page for quarantine violators at ang gagawin lang po ng ating mga kababayan ay i-tag iyong Facebook page na iyon.
Ang posisyon po ng DILG ay wala pong nalalabag na kahit anumang batas dito nor are we violating the right to privacy. Maliwanag po ang naging mga desisyon ng Supreme Court diyan na kung ang isang tao mismo ang nag-post ng isang bagay ay hindi po iyan violation of the right to privacy kasi kung iyong tao mismo ang hindi rumespeto sa kaniyang privacy, how can it be justified na magiging pribado pa iyan kung siya mismo ang naglagay niyan sa public sphere.
So para po sa amin, kailangan pong imbestigahan ng ating kapulisan ang mga naka-post sa social media because that was already a public post. So, basis po iyan for investigation. So, ang gagawin po ng ating kapulisan kapag mayroon pong nakita, they will have to validate it at not solely base it on the post itself.
So, marami na po tayong mga kababayan na tumulong sa kapulisan at sa DILG at marami po tayong mga quarantine violations na nahuli dahil sa monitoring ng social media. Iyong mga tupada, iyong mga pinagbabawal sa quarantine na mass gathering, lahat po iyan ay naaksiyunan ng ating kapulisan at ng DILG dahil sa suporta ng ating mga kababayan sa social media. So hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na ipatuloy lang po idulog sa kapulisan through social media ang mga iba’t ibang quarantine violations na kanilang nakikita.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. balikan ko lang iyong 89 barangay captains na nagkaroon ng preventive suspension. Kasi iyong naturang insidente, ito po iyong kauna-unahang mass suspension sa kasaysayan ng bansa. So, paano po masisigurado ng DILG na hindi na po ito mauulit lalo na ngayon na ongoing pa rin po iyong distribution ng second tranche ng Social Amelioration Program?
USEC. MALAYA: Tama po kayo, Usec. Sa tagal ko po sa gobyerno, ngayon lang po ako nakarinig na sabay-sabay, 89 ang preventively suspended. kadalasan po niyan paisa-isa, dalawa ‘no so nagpapasalamat po ang kagawaran, especially Secretary Año sa ating Ombudsman, si Justice Samuel Martires sa kaniyang agarang aksiyon sa mga alleged violation sa Social Amelioration Program. Nagpapatunay po ito na sa panahong ito, especially sa panahon ng pandemya, wala pong puwang ang any form of corruption sa mga programa ng gobyerno partikular ang Social Amelioration dahil ang Social Amelioration po ay para tumulong sa mga mahihirap na lubhang naapektuhan nitong problema natin, itong ating global pandemic.
Dito naman Usec., sa second tranche ay wala na tayong masyadong report na naririnig dahil ang payout naman at distribyusyon ng second tranche ay electronic na ang ating ginagamit. Hindi na po kagaya noong dati, kagaya ng pinapakita natin sa TV natin ngayon na cash na ipinamimigay ‘no. Ang naging istratehiya po ng DSWD ay ipadala ito through the financial service providers like GCash, PayMaya and the various banks ‘no. So wala na po tayong inaasahan na mga reports ng anomalya with regards to the distribution of the second tranche of the Social Amelioration Program.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang ako, Usec., kasi may nagtatanong sa akin. Iyong mother niya kasi parang 92 years old na, wala daw natatanggap na SAP. Kasama po ba iyong mga senior citizen dito?
USEC. MALAYA: Opo. Depende po sa katayuan Usec. ng senior citizen. Kung siya ay head of the household ay definitely po qualified siya. Kasi uulitin ko lang po, ang SAP ay hindi naman per individual basis, ang SAP po ay per family basis. So iyong atin pong mga senior citizens, if you continue to be the head of the household at wala namang ibang nag-apply sa inyong tahanan ay kayo po ay kuwalipikado sa SAP. So iyon pong mga tumanggap ng first tranche, kung hindi naman po kayo duplicate ‘no, kung hindi kayo 4Ps or hindi kayo nag-apply sa TUPAD or sa iba pang programa ng gobyerno, kailangan ho kayong makatanggap ng second tranche ‘no. Makipag-ugnayan lang po kayo sa DSWD dahil DSWD na po ang may control sa second tranche of the SAP.
Doon naman po sa ating mga kababayan na hindi natin naisama sa first tranche, mayroon po tayong waitlisted at kasama rin po sila doon sa ipamimigay na second tranche ng Social Amelioration. Iyong dalawang buwan na hindi sa kanila naibigay ay ibibigay sa kanila nang isahan at marami na po tayong mga kababayan na nakatanggap na po ng kanilang second tranche—and the two months, sorry, the two tranches that constitute the Social Amelioration Program for the waitlisted. Ang alam ko po Usec. ay ang target ng DSWD ay tatapusin nila lahat ng benepisyaryo before the end of the month.
Sa mga mayroon pong concerns at reklamo sa SAP, makipag-ugnayan po kaagad kayo sa pinakamalapit na opisina ng DSWD.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., medyo maiiba naman ako. Usec. Malaya, pagdating naman po sa rehabilitasyon sa Manila Bay, may mga nagsasabi na nasa 389 million pesos daw iyong inilaan na pondo para sa paglalagay nga po ng buhangin. Totoo ba ito, Usec.? Saan po daw kinuha iyong pondo? Ito po iyong mga tanong po ng ating netizen.
USEC. MALAYA: Opo. Iyon po kasing kinukuwestiyon ng ilang sektor ay iyong dolomite na ginagamit ngayon ng DENR para sa Manila Bay rehabilitation, iyan nga pong pinapakita natin sa ating screen ‘no. So ang sinasabi po nila, iyan daw cost ng dolomite na iyan ay almost 400 million pesos at ito po ay nasagot na mismo ng DENR sa budget hearing sa Kongreso. At sinabi nga po nila that the cost of this dolomite – iyon po ang pinagdidebatehan natin, dolomite po ‘no – is only 28 million at kasama na po diyan iyong cost of the material, the transportation, the taxes and all the fees para po madala iyan from Cebu to the Manila Bay area.
So kung iyan po ang kanilang kini-criticize, that is the cost of the dolomite. Ngayon kung mayroon pa pong ibang gastusin diyan I’m not sure that that can be explained very well by the DENR and by the Department of Public Works and Highways. Bukas naman po ang lahat ng datos na iyan para malaman natin that definitely kung ang pinag-uusapan lang naman ang dolomite – dahil marami pa pong ibang mga gastusin ‘no – pero kung ang kinukuwestiyon nila ang dolomite na iyan, that is not costing 300-something. The dolomite itself only costs 28 million.
Ngayon kung ang tatanungin naman po, Usec., ay saan nanggaling iyong pondong iyan, hindi po kinuha iyan sa COVID response ‘no. Kasi laging sinasabi itong pagpapaganda ng ating Manila Bay ay nakaapekto sa COVID response ng gobyerno kasi ang pondong iyan ay kailangan nakalaan sana sa COVID, ngayon ay ginamit diyan. Wala pong katotohanan iyan whatsoever. Bakit po? Dahil po ang pinagkunan po ng pondo para sa Manila Bay rehab ay 2019 General Appropriations Act. Wala pa pong COVID noong panahon na iyon at bago po nagka-COVID iyan po ay na-bid out na and na-award na po sa isang contractor.
Therefore, we are now contractually obligated diyan sa proyketong iyan at hindi po natin puwedeng balewalain na lang iyan dahil mayroon na pong contractual obligation ang ating pamahalaan at tungkulin din po ng pamahalaan na pagandahin, to preserve, to protect and rehabilitate Manila Bay.
Ngayon, papaano po namin masasabi na hindi po naapektuhan ang COVID-19 funds ng gobyerno? Dahil po ang pinagkunan ng COVID-19 response ay ang 2020 GAA, iyong General Appropriations Act ngayong taon ito at iyong Bayanihan I Law and the Bayanihan II Law. Wala pong kaugnayan iyong GAA 2019 sa mga batas naman para sa ngayong taon at iyong mga batas pa na tinatawag nating Bayanihan I and Bayanihan II. So wala pong katotohanan whatsoever iyong sinasabi na itong pondo daw na ito ay kinuha natin sa COVID-19 response. Mas maganda na po iyong maliwanag, Usec.
USEC. IGNACIO: Okay. Usec., kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating manonood.
USEC. MALAYA: Iyon po, ang DILG po ay nananawagan sa ating mga kababayan, patriotic individuals na gusto pong tumulong sa ating pamahalaan na tapusin na ang problema sa COVID. Ito pong ating contact tracing program, sa tingin namin sa DILG, is the game-changer that will allow us to finally end problems of COVID-19 in the country.
Kung kayo po ay interesado at kayo po ay kuwalipikado, mayroon pong mga available slots ang DILG for contact tracers. Makipag-ugnayan lang po kayo sa pinakamalapit na DILG field office o kaya naman pumunta po kayo sa mga website or Facebook page ng iba’t ibang mga DILG offices sa buong bansa para malaman ninyo po iyong proseso at mga dokumento para makapag-apply.
Pero uulitin ko na lang po, ang kailangan lang po ay application form, Personal Data Sheet, NBI clearance at drug test. At ito po ay puwede ninyo nang isumite for assessment ng ating mga DILG field offices nationwide.
Maraming salamat po uli, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: USec., pasensiya na may pahabol pong tanong iyong ating kasamahan sa Malacañang Press Corps, si Vanz Fernandez. Ang tanong po niya: paano daw po mapoprotektahan naman ng DILG ang isang barangay chairman na kinakasuhan ng isang walang kredibilidad na nagsusumbong ng walang katotohanan sa opisina daw po ng DILG?
USEC. MALAYA: Hindi naman po ang DILG ay makikinig na lamang sa kung anumang haka-haka. Ang amin pong ginagawa ay kami po ay nag-iimbestiga through our units sa baba. Kadalasan po gumagawa po kami ng fact-finding team para malaman po kung itong mga alegasyon na ito ay may basehan o kung hindi naman paninira lamang. And on these basis, doon po kami nagsasampa ng kaso sa Ombudsman.
So dalawa pong steps iyan, USec., the first is our internal investigation sa loob ng DILG; ang pangalawa naman po ay iyong proseso sa Office of the Ombudsman.
So, in both instance, kinukuha po ng DILG ang panig ng bawat isa; inaalam po namin iyong panig ng complainant at inaalam din po namin ang panig ng public official bago po kami nagsasampa ng kaso. Kung sakali man pong mai-file namin ang kaso sa Ombudsman ay pasasagutin din po kayo sa Office of the Ombudsman. So, sinisiguro po ng DILG na makukuha po namin ang inyong panig bago po kami magsampa ng kaso.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo, USec. Jonathan Malaya ng DILG. Stay safe, USec.
USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.
(VTR)
BENDIJO: Samantala, pagtulong naman sa mga kabataang naapektuhan ng pandemya, iyan po ang ating pag-uusapan kasama sila Dr. Cindy Soliman, ang chairperson ng Department of Human Resource Management, College of Business Administration sa Polytechnic University of the Philippines (PUP); Miss Divine Mon-Valle, ang founder po ng Monkeys Forward, USA; at kasama din natin si Avel Rivera, ang Local Youth Development Officer III ng Manila Youth Development and Welfare Bureau.
Ang una po nating katanungan ay para po kay Dr. Cindy Soliman. Magandang tanghali po. Dr. Cindy?
DR. SOLIMAN: Magandang tanghali po sa ating mga manunuod, ganundin sa iyo, sir Aljo. Magandang tanghali po.
BENDIJO: Dr. Cindy ano po itong RESAP at ano po ang layunin nito?
DR. SOLIMAN: Ang RESAP po, ito po ay Remote Education Stipend Amidst Pandemic. Ang layunin po nito ay makatulong sa mga kabataang nais makatapos ng pag-aaral at makipagsabayan na matuto sa tinatawag nating distance learning sa kabila ng hirap na dulot ng pandemic na ito. Sa bawat P5,000 po na malilikom ay isang estudyante po ng PUP ang ating matutulungan sa kaniyang internet needs sa connectivity. Itong programa po ay tulong para sa (garbled) HR in collaboration with the People Management Association of the Philippines (PMAP) Foundation, Inc., Monkeys Forward, USA and Manila Youth Development and Welfare Bureau.
BENDIJO: Dr. Cindy, how about itong impact na naidulot ng COVID-19 pandemic sa mga mag-aaral natin diyan sa PUP kumusta po?
DR. SOLIMAN: Alam po natin ang profile ng ating mag-aaral sa state universities, kaya nga po sila nasa state universities dahil limitado po ang kanilang kakayanang pinansyal ‘di lalo na po ngayong mayroong pandemic. Malaki po ang naging epekto sa kanilang kabuhayan ng kanilang pamilya, sa income ng kanilang pamilya. Halos lahat po—actually lahat po ng aming in-interview na applicant ng RESAP, marami po sa kanila (gabled) iyong iba po sa kanila, nag-apply na bilang kasambahay, pero nakakatuwa po, dahil nag-enroll po sila. At napakalaking hamon po na ang kanilang expenses (garbled) pangangailangan ng internet connectivity para lamang po makipagsabayan sa ating distance learning.
BENDIJO: Para naman po kay Mr. Avel Rivera. Good morning from the Philippines. Ginoong Avel, ano po itong papel ng Manila Youth Development and Welfare Bureau sa programang ito at ano po ang kahalagahan ng proyektong ito sa mga kabataan lalo na ngayong panahon po ng COVID-19 pandemic?
Mr. Rivera? Balikan na lang po natin si Mr. Rivera. For Miss Divine Mon-Valle. Good morning, Miss Divine, from the Philippines.
MISS MON-VALLE: Hello po, sir Aljo. Can you hear me?
BENDIJO: Opo, malinaw po. Ano naman ang papel—what is the role of Monkeys Forward in this particular program and what made you support the RESAP; ano po ang kaibahan nito sa iba pang mga scholarship program?
MISS. MON-VALLE: Okay po. So iyong role po ng Monkeys Forward, we are a partner. So I am very fortunate to be a stakeholder in this program. I am involved in catering to the deliverables, such as being a speaker at our upcoming webinar, participating in our mentorship program and the sponsorship.
So for this upcoming school year, I am committed to sponsoring 11 students and here I am today trying to promote the program so that we can raise additional funds to help more students.
What made me support these programs? The purpose aligns with the vision I have for Monkeys Forward. And also, I interviewed some of the students and heard their personal stories, their career aspirations and I believed in their potential. I can very much relate to their stories because I was born and raised in the Philippines in the same environment, under the same circumstances. So, I am just proud of this program because together with PUP, with Manila Youth Development and Welfare Bureau. With PMAP Foundation, we have developed this program with the shared purpose and that’s setting up our students for success in addition to the financial assistance we are committed into helping our students with their personal and professional development.
BENDIJO: Thank you. Live at diretso po iyan galing po sa Amerika. Balikan po natin si Dr. Cindy Soliman. Dr. Cindy, para po sa ating mga kababayan na may mabuting kalooban, saan po nila puwedeng ipadala ang kanilang donasyon?
DR. SOLIMAN: Bago ko po ibigay ang impormasyon tungkol po diyan, sir. Gusto lang po naming samantalahin din ang pagkakataong ito upang anyayahan ang ating mga manunuod sa aming upcoming free (garbled) distance learning and much more that will be on October 1, 9 to 8 PM. So kung gusto po ninyo na mag-participate dito (garbled) na hindi lamang financial aid ang maitutulong ninyo sa mga kabataan, kung hindi ang pag-develop ng kanilang growth mind set, (garbled) during this pandemic at matutunan nila on how to thrive, kung paano umunlad sa kabila ng pandemic na ito.
Kumakatok po kami sa puso ng ating mga kababayang Pilipino, sa bawat P5,000 po na aming malilikom, isang estudyante na po ng PUP ang ating matutulungan para sa kaniyang internet connectivity upang sabayan sa distance learning education. Huwag na po nating hintayin na ang ating mga kabataang pag-asa ng bayan ay mawalan din po ng pag-asa. Tulungan din po natin sila. Please deposit, doon po sa ating may mga mabuting kalooban via InstaPay, Landbank of the Philippines-G. Araneta Branch, PUP Trust Receipts, PUP Trust Fund, account numbers 082102063.
BENDIJO: Opo, balikan natin is Mr. Avel Rivera. Mr. Avel, ano po ang papel naman nitong proyektong ito, itong Manila Youth Development and Welfare Bureau sa napakagandang programang ito at ang significance o importansiya, kahalagahan ng proyektong ito sa ating mga kabataan lalo na ngayon na mayroon tayong kinakaharap na krisis, itong COVID-19 pandemic?
MR. RIVERA: Sa ngalan po ng aming Director Alexander Layos, aming Mayor, Mayor Isko Moreno. Ang papel po ng aming tanggapan ay di ba ho nangangalaga kami para doon sa kalinga ng kabataan at isa rin po ito sa pinakamalaking proyektong isinasagawa ng Lungsod ng Maynila, tinitingnan po ang kahalagahan ng (garbled) Sabi nga po ni Mayor Isko, napakahalaga po ng edukasyon bilang tuntungan ng iyong magiging pangarap sa buhay. Ngayon pong pandemic na ito, mas lalo pong dapat na magpursige ang kabataan na matuto na maraming mga larangan na puwedeng matutunan ang mga kabataan, kaya lang po sabi nga natin, may kakulangan sa pangpinansiyal. Lahat po iyong layunin nito, kaya nga po nagkaroon ng collaboration na ipaabot sa mamamayang Pilipino na may mga nangangailangan na matulungan na (garbled) gastusin na kinakaharap ngayon ng kabataan para sa kaniyang pag-aaral
BENDIJO: Maraming salamat po, Ginoong Avel. Dr. Cindy, Miss Divine, ‘andiyan pa kayo ano. Unahin muna natin si Miss Divine. Any message sa lahat ng ating mga kababayan na suportahan ang inyong proyekto?
MISS MON-VALLE: Yes po, thank you. Sir Aljo. I hope that our viewers can see the benefits that this scholarship program will offer to our students. So, for those looking for opportunities to help, please do consider donating to this program. Maraming salamat po.
BENDIJO: Thank you, Miss Divine. Live po iyan direct from the United States of America. Dr. Cindy, your message please?
DR. SOLIMAN: Yes po, sa ating mga mahal na manunuod, sa ating kababayan, pahalagahan po natin ang ating mga kabataan sa kanilang edukasyon. Sapagkat sila po ang ating future leaders, future leaders na (garbled) someday. Maraming salamat po.
BENDIJO: Ginoong Avel Rivera. Sir, mensahe na lang po ninyo.
MR. RIVERA: Opo, para po sa ating mga kababayan, pangunahin po sa Lungsod ng Maynila na hindi lamang ang mga matatanda, ang mga PWD, kung hindi mahalaga rin kay Mayor Isko ang kalinga at edukasyon para sa kabataan. (garbled)
BENDIJO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Cindy Soliman ng Polytechnic University of the Philippines, Miss Divine Mon-Valle ng Monkeys Forward, USA at Ginoong Avel Rivera ng Manila Youth Development and Welfare Bureau. Ingat po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Salamat Ria Arevalo. Alamin naman natin ang pinakahuling mga balita mula naman sa PTV-Cordillera, kasama si Danielle Grace De Guzman, Danielle.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat Danielle Grace De Guzman ng PTV-Cordillera. Mula naman sa Cordillera, puntahan natin ang mga kaganapan sa Cebu, kasama si John Aroa, John.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa, PTV-Cebu. Magbabalita naman diyan sa Davao City, Regine Lanuza, Regine maayong udto.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao. Pasalamatan po natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala, be the part of the solution – wear mask, wash hands, keep social distance, stay at home.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, mula po sa PCOO. Salamat sa iyo, Aljo.
BENDIJO: Maraming salamat din, Usec. Rocky. Ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Samahan ninyo kami muli bukas dito sa public briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)