Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Tuloy pa rin po ang ating laban sa COVID-19 kaya naman narito po muli kami upang ihatid ang mainit na balita’t impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang krisis na ito.

BENDIJO: Kasama pa rin ang mga kawani ng pamahalaan na handang sumagot sa ating mga katanungan, samahan ninyo po kaming muli ngayong umaga para sa isang makabuluhang talakayan. Ako po si Aljo Bendijo. Usec., good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, makakasama po natin sa programa sina Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City; Engineer Abraham Sales, Executive Director ng Toll Regulatory Board; Attorney Ramon Quimbo, Chief Communication Officer ng Metro Pacific Tollways Corporation; at si Governor Rodito Albano III ng Isabela.

BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Sa ating mga balita: Senator Bong Go nagbigay ng ayuda sa mga displaced workers mula sa sektor ng edukasyon; health promotions ng DOH nais ayusin ng senador upang mas maintindihan ng publiko ang tungkol sa vaccination plan. Ang detalye, narito po: [NEWS CLIP]

BENDIJO: Updates naman tayo tungkol sa Easytrip RFID at iba pang mga detalye na nais malaman ng ating mga motorist, makakasama natin ngayong araw si Attorney Romulo Quimbo, MTPC Chief Communication Officer. Magandang umaga po, Attorney Quimbo.

ATTY. QUIMBO: Magandang umaga at salamat sa pagkakataon at sa mga tagapakinig.

BENDIJO: Opo. Kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio, Attorney, this is Aljo Bendijo. Naging issue po nga itong pong pila, napakahabang pila ng mga sasakyan para lang po magpakabit ng RFID. Ngayon daw ay mayroon nang tawag na oras, itong online RFID reservation and appointment system. Papaano po ito, anong proseso nito, Attorney?

ATTY. QUIMBO: Salamat. Simple lang naman, pumunta lang sa mga social media accounts ng NLEX Corporation, ng CAVITEX, ng Easytrip, may makikita po kayo doon QR link. Puwede pong kunan ng picture iyon sa cellphones ninyo at iyon naman ay makukuha ninyo na iyong information, magpi-fill up kayo at lalagay ninyo iyong basic information. ‘Pag nalagay ninyo po iyong information na iyon, mayroon pong reply, ibibigay po doon iyong exact na araw, lugar at saka petsa ng pagkakabit ng RFID. Wala na hong pila, by appointment po iyon.

Marami po tayong installation areas na by appointment only so pakinabangan po natin iyong pagkakataon na iyon dahil po ‘pag nakuha ninyo po iyong reply, may QR code din kayo, iyon lang ang dadalhin ninyo. No need to fall in line, babasahin lang po iyong QR code, kakabitan na kayo ng RFID.

BENDIJO: Saan po iyong mga installation areas, Attorney Quimbo, iyong sinasabi po ninyo?

ATTY. QUIMBO: Ah, marami. Iyong by appointment—halo po ang installation area po natin Aljo ‘no. Iyong iba, iyong normal nating installation areas, ito po ay nasa mga loob ng expressway, ito po ay nasa mga customers service centers natin. In other words kung bibiyahe po tayo, puwede namang tumabi muna at magpakabit muna doon sa installation centers. We have 51 installation centers sa buong network, sa loob po ng mga expressways natin. So, depende po kung saan po kayo nakatira.

Doon naman sa by appointment, siguro nakakawalong by appointment areas na tayo for the oras, our booking system. Mantakin lang na tingnan iyong ano—mangyari lang tingnan iyong mga lugar na iyon for the quick installation on the appointment date kasi po kayo po ang mamimili ng mga dates ninyo eh.

BENDIJO: Let’s say iniiwasan natin dito sir iyon pong pila, iyong mahabang pila.

ATTY. QUIMBO: Opo. Iyon po ang—actually dalawa po ang gusto nating mahagilap dito, Aljo ‘no. Number one, wala hong pila. Number two, iyon pong kailangan lang magbiyahe on or before by December 1, ang kailangan naman ng RFID.

Gusto naming kunin itong pagkakataon, kung hindi naman po tayo nagbibiyahe madalas or regular user, puwede naman ho tayong maghintay after December 1, January, February… wala hong problema. In other words, huwag na ho tayong makisabay doon sa panic buying na tinatawag dahil po ang kailangan talagang makapagpakabit iyon pong mga regular users natin – mga mangangalakal, mga naghahatid po ng pasahero, iyon pong mga commuters natin everyday – sila po na lang pagbigyan po natin. Kung hindi naman po tayo regular user, puwede naman hong next year tayo magpakabit.

BENDIJO: Opo. Limandaang piso daw ang minimum na kailangang i-load sa RFID? Tanong iyan ng ilan sa ating mga kababayan. Hindi ba ito maaring maging flexible at kung magkano na lang ang toll fee na kanilang kailangan ay iyon lang po ang kanilang puwedeng ilu-load?

ATTY. QUIMBO: Salamat, oo. Actually hindi po ito maintaining balance, initial load po ito. Initial load lang naman ito. In other words, siguraduhin lang po natin na may load po iyong RFID sticker ninyo o iyong account dahil po ito po naman magsasaad na pagpasok ninyo po sa tollgate, wala po kayong hassle – hindi kayo, titigil, hindi po kayo nakakaabala doon sa mga nasa likod ninyo.

So iyong P200 po natin initial load, consumable po iyon, hindi po nag-i-expire – for Class 1 vehicles iyon, sa mga ordinaryong sasakyan. So hinihikayat po namin, hindi po nawawala iyon, mag-initial load lang po tayo. In other words, siguraduhin lang na mayroon naman talagang pambayad para hindi kayo makaabala sa ibang tao.

BENDIJO: Opo. Nabanggit po natin iyong tungkol sa RFID load. Papaano po natin masisiguro na hindi po mangyayari itong ‘kain-load’, opo, kain-load katulad ng mga nangyayari po sa mga cellphone, Attorney.

ATTY. QUIMBO: Okay. Number one, ang load po natin ay hindi nag-i-expire, hindi po nag-i-expire. Number two, may account ho tayo. Ito hong nawawalang load, mayroon tayong mga natatanggap na report na hindi po nagtutugma iyong balanse na nakikita nila sa account nila doon sa actual na ni-load nila. Timing lang ho iyon, it’s just a timing issue. In other words, doon po sa record, sa system, iyong load po ninyo kung ano po iyong ginamit ninyo, iyon lang po ang mababawas – wala hong sobra, wala hong kulang. Inu-audit po tayo.

So we assure everybody na iyong load po ninyo na ilalagay, may kaunting delay lang sa pagbato ng information kasi po hindi po real time naman iyong ibang pag-load pero makakaasa po kayo, hindi po mawawala iyong load dito and this does not expire anyway.

ALJO BENDIJO: May sistema bang tinatawag na deactivation account doon po sa mga nagpapakabit na mga motorista ng RFID pero hindi po nila madalas ginagamit, Attorney?

ATTY. QUIMBO: Hindi po, wala po kaming deactivation fee or charge. Mangyari lang pong tawagan po iyong aming hotline o iyong aming contact, mga account persons namin kung magpapa-deactivate na. Parang ano lang naman iyon, business courtesy lang naman iyon. Kapag hindi ninyo na po gagamitin, mangyari lang pong tumawag o mag-e-mail para lang ma-reflect doon sa record na hindi ninyo na po gagamitin iyong RFID. Halimbawa, ibibenta ninyo na po iyong sasakyan, I mean, mga ganoong bagay.

ALJO BENDIJO: Opo. Doon naman po sa madalas na mangyari din, itong error, may error sa inyo pong Easytrip mobile application. Mayroon bang mas mabilis na paraan para po mai-check kaagad natin iyong balanse kung sakaling sira nga itong app, itong Easytrip app, application, Attorney?

ATTY. QUIMBO: Thank you for that, Aljo. Iyong Easytrip app po, nag-upgrade na ho tayo. Talagang we we’re swamped with new applications. We have a total of 820,000 new accounts. So medyo nabulunan lang po nang kaunti iyong ating app, but we have already upgraded it so tuluy-tuloy lang po iyon. Pag-check po ng balance natin, paki-pasok lang po doon sa Easytrip app at medyo malapit na po sa real time iyon. May kaunti pong delay because of the volume of applicants – 820,000 po ang mga bagong accounts natin. Kailangan lang ng kaunting pasensiya, but we assure everybody that the app itself is useful. Tiyempuhan lang po natin at makikita naman po iyong account balance. Real time balance po ang makikita natin doo sa app na iyon.

ALJO BENDIJO: May mga request ba sa inyo, sir, na halimbawa ay may mga subdivision na dumadaan talaga iyong mga residente ng mga subdivision o villages na dumadaan sa mga expressways na doon na lang sa kanila pong mga subdivision ‘no, magtalaga po tayo ng mga booths upang sa ganoon ay hindi po madagdagan iyong napakahabang pila doon po sa mga designated [area] kung saan puwedeng magpa-install ng RFID?

ATTY. QUIMBO: Oo, tuluy-tuloy iyong ating installations sa mga subdivision, sa mga LGUs, sa mga kumpanya – kasi marami po corporate accounts – tuluy-tuloy lang po iyon.  Iyon naman po ay by appointment lang iyon, isinasangguni lang sa opisina ng Easytrip. At iyong mga LGUs po natin – marami na po tayong events na pagkakabit na nangyari – we have had more than 300 installation events sa mga subdivision, sa mga LGUs. The latest pong LGU natin sa City of Manila. Si Yorme po ay nag-sponsor po ng dalawang araw na installation – very successful po.

So doon po sa mga nasa LGUs, pakisangguni lang po sa mga city hall ninyo para umabot po sa amin na gusto ninyong magpakabit doon; i-schedule lang po natin iyon. Wala po tayong tatanggihang LGU; as long as mayroon po tayong request, magkakabit po tayo.

ALJO BENDIJO: Sa dami po ng mga kumukuha ng RFID ngayon, sir, magmumulta ba ang mga hindi po aabot sa deadline? Ano po ang mangyayari sa kanila?

ATTY. QUIMBO: Ganito po, Aljo, ang gumagamit na po ng RFID natin ngayon magmula noong August when we started, nasa 35% lang tayo, ang ratio ng RFID to cash. The other day po, nasa 65% na po tayo. So makikita ninyo po na iyong mga motorista po natin ay talagang nagku-comply na po. Ibig sabihin, pataas na nang pataas po iyong gumagamit po ng RFID, more than double, since August lang po ito.

So we are very encouraged na iyong mga motorista natin, tuluy-tuloy lang ang pagpapakabit. Ang target naman po namin, aabot lang kami ng two million eh. Sa ngayon kasi ang naikakabit na namin, mga 850,000 since August, in addition to our 1.4 million. So malapit na pong ma-reach iyong aming target na 100%. Alalahanin po natin, hindi naman po lahat ng tao ay gumagamit ng expressway every day. Ang amin pong forecast, iyong amin pong target ay based po iyan sa araw-araw na bilang namin on the average. So malapit na po naming ma-fulfill iyong 100%.

At inaasahan po namin, kung mayroon mang darating doon na walang RFID, doon pa rin sa tollgates namin makakabitan. Inaasahan po namin, we are assuring everybody, kung wala po kayong RFID by December 1 at talagang magbibiyahe kayo the following day, doon pa sa tollgate ay makakabitan po namin kayo. You don’t need to worry about any “multa” or any violation.

ALJO BENDIJO: Mensahe na lamang po, Attorney, sa taumbayan na nakikinig at nanunood po ngayon.

ATTY. QUIMBO: Salamat po. We take this opportunity ano, as I said kanina, malapit na pong mag-70% ang record po natin na mga gumagamit ng tollgates po ng Metro Pacific Tollways. At inaasahan po namin na tataas pa ito.

So doon po sa araw ng RFID 100, hundred percent cashless, makakaasa po kayo na ready po iyong mga tauhan namin, ready po iyong system namin. Magtulung-tulong po tayo para makaiwas po tayo sa COVID, at ito naman po ay para sa kapakanan nating lahat.

Lastly, iyon pong mga hindi talaga madalas magbiyahe, puwede naman pong maghintay next month na lang, December, or sa Pasko or sa New Year. Makakaasa po kayo, pagpasok ninyo po sa tollgate at wala kayong RFID, mayroon pong magkakabit doon. Don’t worry, we will install the RFID sticker in your car as you enter.

ALJO BENDIJO:  Maraming salamat, Attorney Romulo Quimbo. Mag-ingat po kayo, sir. Thank you so much.

ATTY. QUIMBO: Thank you very much. Thank you very much, Aljo and Usec.

USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Samantala, makibalita naman tayo sa kasalukuyang sitwasyon sa Probinsiya ng Isabela, makakausap po natin ngayon si Isabela Governor Rodito Albano III. Magandang araw po, Governor.

ISABELA GOVERNOR ALBANO: Magandang araw sa inyo. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumusta na po kayo at ang ating mga kababayan diyan sa Isabela?

ISABELA GOVERNOR ALBANO: Ako, pagod. Iyong mga kababayan ko mukhang ano rin, naglilinis-linis na, at saka maliwanag na rito at maganda na iyong panahon.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po may ilang lugar pa bang lubog sa baha? At papaano po, naibalik na po ba iyong kuryente sa buong probinsiya?

ISABELA GOVERNOR ALBANO: Oo, sa ibang lugar siguro, kaunti na lang iyon. Pero nakakadaan na, nadadaanan na iyong mga [kalsada], nakakaabot na iyong mga sasakyan doon sa mga barangay na sinasabing isolated.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po pagdating doon sa pamamahagi ng mga tulong o donasyon? Ano po iyong ginagawa ninyong istratehiya ng LGU para po mabilis na maipaabot iyong mga tulong ng mga nangangailangan pa rin po?

ISABELA GOVERNOR ALBANO: Binababa namin sa mga mayors at saka mga barangay captains, at marami ring tumutulong dito – may mga dumarating, mga senador. Katulad ngayon si Bong Revilla ay nandito sa amin ngayon sa mga bayan, sa bayan ng Echague. At kasama namin siya para magkaroon ng inspirasyon ang ating mga kababayan. At natutuwa kapag nakakakita kasi ng mga ganitong mga senador at mga artista rin. Noong isang araw, nandito rin – si Ivana ba iyon? Ivana.

At saka ang dami na naming natatanggap ngayon lalung-lalo na sa pamahalaan, kay Presidente Rodrigo Duterte, nagbigay nang halos 20,000 sacks ng bigas para maipamahagi doon sa mga tao. Ganoon din po iyong mga tulong na galing sa kaniyang pamilya, lalo na kay Inday Sara at saka iyong kapatid na congressman, Pulong Duterte, at sila ay nakapagpamahagi ng malaking halaga para maibili ng mga kasangkapan ng mga taong naapektuhan ng baha.

USEC. IGNACIO: Governor, ano pa po daw iyong mga pinakakakailanganin ninyong tulong na dapat matanggap para po sa ating mga kababayan bukod po doon sa pinakamahalaga na tubig at pagkain?

ISABELA GOVERNOR ALBANO: Iyong ano na lang, iyong rehabilitasyon ng mga daan, iyong rehabilitasyon ng mga tulay nila. Anyway, isasalang naman kami, iyong mga senador tutulong naman. Maraming nag-pledge na mga senador na tutulong sa pag-ano ng mga imprastraktura na na-damage dito sa Lalawigan ng Isabela.

USEC. IGNACIO:   Opo. Governor, sa pagbangon po ng lalawigan ng Isabela, ano po iyong uunahin ninyong pagtuunan ng pansin?

GOVERNOR ALBANO:   Pagtutuunan namin ng pansin iyong kalusugan nila kasi marami ngayon na nabaha, iyong post-flooding trauma nila ‘no—[signal cut]

USEC. IGNACIO:   Mukhang nawala sa linya ng komunikasyon natin si Governor Rodito. Babalikan natin siya maya-maya lamang po.

Okay. Aljo, nagpapatuloy iyong ating mga paghahatid ng balita mula pa rin sa mga lalawigan na naapektuhan pa rin po ng sunud-sunod na bagyo. Aljo?

BENDIJO:   Usec., tumungo muna tayo diyan sa Mindanao, kung ready na ang ating PTV Davao. Live mag-uulat si Jay Lagang ng PTV Davao. Jay, kumusta sa Davao mataas daw COVID?

[NEWS REPORT BY JAY LAGANG]

BENDIJO:   Maraming salamat, Jay Lagang!

USEC. IGNACIO:   Puntahan naman natin si Jorton Campana mula po sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORT BY JORTON CAMPANA]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana.

BENDIJO:   Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa ibang parte ng bansa sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila. Makakasama din natin si Czarinah Lusuegro-Lim mula sa Philippine Broadcasting Service. Czarinah.

[NEWS REPORT BY ESTRELLA LOQUE/RP KALINGA]

[NEWS REPORT BY GEMMA NARIT/RP LEYTE]

[NEWS REPORT BY JOHN CUADRASAL/RP TANDAG]

BENDIJO:   Maraming salamat, Czarinah Lusuegro-Lim.

USEC. IGNACIO:   Muli po nating balikan si Governor Rodito Albano III ng Isabela. Good morning po ulit, Governor.

GOVENOR ALBANO:   Pasensiya na naputol tayo kanina.

USEC. IGNACIO:   Opo, pasensiya na rin po. Governor, uulitin ko lang po iyong tanong na sinabi natin kanina bago po tayo naputol. Sa pagbangon po ng Isabela, ano po iyong uunahin ninyong pagtuunan ng pansin?

GOVENOR ALBANO: Ang pagtutuunan namin ng pansin iyong kalusugan ng ating mamamayan ditto, iyong after flooding, iyon ang kailangan gawin natin ay kalinisan [unclear] kasi—

USEC. IGNACIO:   Governor, kumusta po iyong mga nag-stay sa evacuation center, kumusta po iyong mga kalusugan nila, iyong ating kababayan? Sila po ba ay nakabalik na rin sa kanilang mga bahay?

GOVENOR ALBANO:   Halos lahat nakabalik na at saka binibigyan na natin ngayon ng todo-todong relief. Ang dami kasing relief na dumating dito, na-overwhelmed kami. Kung na-overwhelm kami sa pagdaloy ng tubig ganoon din iyong pagdaloy ng relief at ako ay natutuwa dahil iyong bayanihan spirit ay bumabalik na naman sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:   Governor, para naman po sa mga nais pa ring mag-abot ng tulong sa ating mga kababayan, saan po sila maaaring tumawag o magpaabot ng impormasyon na gusto nilang magbigay ng tulong sa inyo?

GOVENOR ALBANO:  Okay lang sa amin, iyong aanuhin na lang namin iyong pagbangon. I-reserba na lang natin muna iyong pagtulong kasi umaapaw na rin iyong tulong dito sa amin. Kami po ay nagpapasalamat sa intensiyon ninyo at hihingi na lang kami ng dasal ulit para tuluyang makabangon ho kami,

At huwag po kayong mag-alala at ibu-broadcast naman naming kung talagang mangangailangan kami. Mahirap kasi ngayon baka mamaya eh mahirap sanayin iyong mga tao magpalimos sa amin eh! So, ang ginagawa namin ngayon since umaapaw naman iyong relief at sobra-sobra na at ngayon, ipamahagi ito para at least eh bumangon nang sarili at magsumikap pa ang ating mga kababayan dito sa Lalawigan ng Isabela.

USEC. IGNACIO:   Governor, alam ko pong abalang-abala kayo. Kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan.

GOVENOR ALBANO:   Kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat na tumulong sa amin lalung-lalo na kung ano. Hindi ko na po babanggitin iyong pangalan nila at baka maging mapako pa iyong dating namin dito ano. At kami ay lubus-lubusang nagpapasalamat sa lahat po ng tumulong sa amin at ang maigaganti na lang namin sa inyo ay ang aming pagdadasal at taos-pusong pagpapasalamat sa inyo pong lahat diyan na tumulong po sa amin.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po, Isabela Governor Rodito Albano III.

GOVENOR ALBANO:   Thank you! Thank you, thank you.

USEC. IGNACIO:   Para naman alamin ang sitwasyon ngayon sa Cebu City, narito po si John Aroa.

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyong report, John Aroa.

Samantala, mga biktima ng kalamidad sa Rodriguez, Rizal, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan at sa tanggapan ni Senator Bong Go. Ang detalye, narito po: [VTR]

Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of November 19, 2020 naitala ang 1,337 newly reported COVID-19 cases; ang total number of confirmed cases ngayon ay 413,430. Naitala rin kahapon ang 41 katao na nasawi kaya umabot na sa 7,998 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 374,939 with 286 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 30,493.

BENDIJO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang hakbang na dapat ninyong gawin: [VTR]

Samantala, Tactical Operations Group ng Air Force tumugon agad sa request na rescue operation ng Isabela PDRRMC noong kasagsagan ng baha. Dahil maagang naghanda ang Air Force, nakapagpadala sila ng dalawang disaster response teams sa Ilagan City. Magdamag nilang tinulungan ang mga na-stranded na indibidwal sa Purok 3, Barangay Alinguigan at Capitol Hills sa Ilagan City. Kinabukasan, tumuloy ang water search and rescue team sa Tuguegarao City. Nagpadala rin ng karagdagang air assets ang Philippine Air Force Headquarters sa Cagayan.

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin na po natin ang ating mga kababayan sa Baguio City, makakausap po natin si Mayor Benjamin Magalong, ang ating COVID-19 Contact Tracing Czar. Magandang umaga po, Mayor.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Good morning po sa inyo at good morning po kay Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama po natin si Aljo Bendijo, Mayor. Mayor, unahin na po natin ang tanong mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Cedric Castillo ng GMA-7, ito po ang tanong niya: May significant increase po ba sa COVID cases sa Baguio kaya naghigpit ulit sa borders; epekto po kaya ito ng muling pagpasok ng mga turista?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Okay, good question po ‘no. First, gusto ko lang klaruhin iyong naging basis ng OCTA sa kanilang study, works, data… ito iyong data ng mga 2 to 3 weeks ago kaya lumabas talaga na high risk which is true, na talagang tumaas iyong aming kaso. Pero for the past 2 weeks talagang nasa downtrend na kami at ito’y pinakita namin sa Department of Health, pinakita namin kay Usec. Rosette together with her team at nakita nila talaga na mayroon na talagang downtrend. In fact if you will compare it to our situation in October wherein we had 2 major outbreaks noon, that was about 500 plus na infection at we were then hitting about 57 or 52 cases a day. Now we are down to less than 20 a day na kami and in fact kahapon nasa 14 cases na lang kami. So nasa downtrend kami ngayon ano.

Pero iyong paghihigpit namin, ang resulta noon—the reason why we continue to sustain it is nakita namin na naging effective. Inumpisahan namin sa Itogon for a 14-day na strict border control. Nakita namin iyong significant na downtrend so itinutuloy pa rin namin sa ibang mga karatig na munispyo, iyong boundary namin sa kanila para talagang ma-sustain namin iyong aming intervention na border control coupled with iyong contact tracing, coupled with iyong expanded testing at aggressive testing. Kaya tuluy-tuloy iyong pagpapatupad namin ng strict border control for the next 14 days lang naman and after that ili-lift na namin.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Cedric Castillo: Paano po ang mga gulay at ibang kalakal, saan po puwedeng malusutan o madadaanan nila?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: These are exempted, exempted sila sa inspection. Tuluy-tuloy pa rin ‘no, free movement pa rin ang mga goods and at the same time iyong mga APORs and iyong healthworkers, tuluy-tuloy pa rin ang galaw nila at they are given free passage doon sa mga checkpoints natin sa border.

USEC. IGNACIO: Opo. Reaksiyon din sir sa statement daw po ng Saint Louis University Hospital of the Sacred Heart na hindi daw po muna makakatanggap ng COVID patients.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ito iyong situation talaga ng ating mga hospitals dito sa Baguio. We have 5 major hospitals sa Baguio kaya lang ang problema is ang total isolation beds lang natin is 118. Tulad ng Saint Louis University, they have only 20. Iyong ibang hospital dito they only have 8, mayroong mga 7. BGH lang ang mayroong mataas na number of isolation beds so ang total niyan is 118.

Ang problema was that, there were series of infection/transmission among our healthworkers. So kung iku-confine, saan mo iku-confine if you are the owner or manager of a top management hospital, maski na asymptomatic iyong patient or [garbled] siyempre sarili mong healthworker, iku-confine mo sa sarili mong hospital. So kinakain niya iyong mga hospital beds that should been allotted to other COVID severe cases.

So ang ginawa namin ngayon, to solve that is nagtayo kami ng isang step down facility. We have an existing treatment facility na isolation facility rin na Sto. Niño, a former hospital, ginawa naming step down facility iyon. So iyong mga gumagaling na na mga healthworkers natin sa mga hospital, puwede nang i-transfer doon and still they can still be covered by PhilHealth.

If you look at our total isolation beds sa buong siyudad, we have a total of 654. Ang nagagamit pa lang diyan is 39% kaya we have enough isolation beds for our positive cases and besides, bumababa na iyong mga positive cases ho namin. At one time umabot pa ho kami ng almost 700, now we are down to 300 plus na lang.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, follow up lang. Ito po iyong bahagi ng paghingi daw po ng timeout ng ating medical community diyan sa Baguio sa lahat ng public activities dahil nga po dumadami ang kaso. Ano daw po ang naging desisyon ninyo dito?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: We cannot blame them because ang perception nila is dumadami iyong kaso dahil nga doon sa nakikita nilang situation sa ospital. Pero noong pinakita namin, we engaged them last Sunday afternoon noong pinakita namin iyong data sa kanila, we were very transparent sa kanila, pinakita namin kung ano iyong ginagawa ng local government, anong ginagawa ng mga health services – saka nila na-realize na it’s an overreaction.

So nagkaroon kami ng commitment, nakita nila kung ano iyong mga pinapatupad namin so we continue to sustain it. Ito iyong mga ginagawa namin ngayon na sinu-sustain namin tulad ng stricter border control. It was a commitment that I made to these doctors. So they decided not to pursue iyong kanilang demand na magkaroon ng timeout kasi nakita naman nila na sufficient iyong ginagawa ng ating government at nakita rin naman nila iyong sincerity natin at iyong transparency natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, mayroon pong sinasabi dito na kaugnay sa contact tracing na ayon daw po sa World Health Organization ay medyo mahina po daw di-umano ang ating contact tracing efforts. Ano po ang masasabi ninyo dito?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Which is true. I cannot, you know—which is true. Based on data, nandoon pa rin tayo sa 1:7. Kanina, I was briefing iyong ating NTF. If you remember, our benchmark is kapag urban, it should be 1:37; and for rural, ito should be around 1:30 ang contact tracing efficiency ratio.

But if you look at the contact efficiency ratio nationwide, we are still pegged at 1:7. And one of the major factors kung bakit contributory factors, kung bakit nangyayari iyan is dahil kasi walang encoding system na maayos iyong ibang local government – mano-mano pa rin and arbitrary pa rin nilang pini-fill out. Kunwari, hula-hula na lang pero kapag tatanungin mo sa kaniya, “Ano ba iyong line list na close contacts ni Magalong?” wala silang maipakita. Pero ilalagay nila doon, “Hindi, 1:12 iyan,” pero wala silang maipakita. So there is no system; there is no proper encoding, iyon ang nakita naming major na contributory factor.

So we’re now coming up with a uniform data collection tool na compatible sa COVID-KAYA, compatible din po sa CDRS (covid-19 data repository system) na ginagamit natin, so that it will support our analytical tools and immediately idyi-generate iyong mga data, analytics na kailangan natin ma-generate. So iyon ang direksiyon po natin.

Again, ini-emphasize po natin uli, na dapat talagang paigtingin pa lalo ang ating contact tracing, lalung-lalo na sa local government. That’s why I’m encouraging/urging that it should be leadership-driven; dapat talagang makialam at deeply involved ang ating local government officials, especially the mayors, pagdating sa contact tracing.

USEC. IGNACIO: Mayor, kailangan daw po ng almost 135,000 na contact tracers sa buong bansa. Posible po kaya itong ma-achieve o gaano po karami na mayroon tayo sa ngayon?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: I believe iyong 135,000, iyon na ang the most sufficient number to be able to address itong contact tracing requirement. Pero again, it should be aligned with budget – ilan ba ang kaya ng budget natin? Now, we were able to generate an amount to support iyong 50,000, so let’s work with 50,000. I-optimize na lang natin iyong utilization ng 50,000.

But the big question now is, the 50,000 is only as good as December, anong mangyayari ngayon sa next year? Wala na namang budget. Mabuti na lang nakita iyan ng ating mga senators, especially si Senator Recto na what’s going to happen after December, walang budget. So this is something being worked out now with the Senate para magkaroon uli ng additional fund to support our contact tracers for the next one, in 2021.

This will still be a long and enduring battle. Looking at the latest development sa vaccine, I don’t think we will be able to vaccinate/ immunize everyone dito sa Pilipinas by 2021. We’re still looking at about 40% pa siguro ang dapat nating i-vaccinate in 2022. So those are the things na we should be prepared. It will be a long and enduring battle pa.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] pagpapatupad ng safety protocols sa mga turistang pumapasok sa Baguio City. May mga bago po bang guidelines kayong ipinapatupad?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Wala pa rin. We’re sticking to the, you know, iyong previous guidelines that all visitors have to pre-registered doon sa aming Baguio Bisita. Those travelers with essential travel, they have to register doon sa hdf.baguio.gov.ph. Pagdating dito, iisa lang ang proseso – pagdating sa checkpoint, they will be checked; titingnan iyong mga QR codes nila, after that they will be escorted doon sa mga triage namin. We have three triage facilities dito: One, exclusively for OFWs and dalawa for our travelers.

Ngayon, pagdating sa triage, they will now be examined; titingnan uli iyong kanilang QR code; titingnan iyong kanilang mga dokumento; and at the same time, iyong mga travelers na wala pang RT-PCR 72 hours prior to their arrival, they will be subjected to RT-PCR—well, they have a choice: RT-PCR or antigen. Kung mag-RT-PCR sila, that’s a cost of about 3,500 t0 4,000 pesos but they will be able to get the result in 46 hours. If they go for the antigen, that’s 1,300 pesos. Uniform po iyong rate namin dito at iyong Region I pagdating sa antigen; and they will get the result in 15 minutes. And from that, after that, they can already go around dito sa Siyudad ng Baguio. Kung kinuha nila iyong antigen, after five days, they have to re-swab na naman po ng antigen kung mag-i-extend po sila rito sa Baguio.

USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lang po ang mensahe ninyo sa publiko partikular po sa ating mga kababayan sa Baguio City, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Okay, sa atin pong kababayan sa Siyudad ng Baguio, we’d like to assure po na ang COVID-19 situation natin dito is a very, very manageable – at a very, very manageable level. Huwag po kayong matakot, we still continue to encourage you to go out except iyong bago po nating nilabas po na executive order na medyo hinihigpitan po natin iyong above 65 po dahil nagkakataon po na nakita ho namin sa aming analytics na marami po tayong severe cases na ang mga pasyente po ay iyong mga above 65.

Pasensiya na po kayo, it will only take for 14 days. After that po ulit, papayagan na naman po kayong lumabas para ma-enjoy po ninyo iyong ating surroundings. But nevertheless, kung may essential travel po kayo outside of your residence, you will be allowed to go out. So please bear with us. Ginagawa po namin lahat ang paraan para po maayos iyong ating sitwasyon natin dito sa Siyudad ng Baguio. You are safe, you will always be. Your safety and health is our priority. In the same manner na ganoon din po iyong ating mga bisita rito.

So hintayin lang po natin. We want everything to be in place para pagdating po ng December ay mababa na po talaga iyong ating kaso at talaga pong tuluy-tuloy po, at maayos po nating ma-celebrate iyong Christmas season.

Maraming, maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

USEC. IGNACIO: Mayor, may pahabol lang po si Cedric Castillo ng GMA 7: Sa local tourists from other regions, hindi pa rin ba allowed pumasok sa Baguio City?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Puwede na po. Ina-allow na po namin ang region… we no longer restricts… magmula po noong October, hindi po namin niri-restrict lang sa Region I ang tourist or travelers iyong pag-akyat po ng Baguio. Ini-open na po namin sa ibang regions kaya lang ho mayroon tayong ceiling, mayroon po tayong cap; nilagay po natin sa 500. As of today, ang nakikita lang po natin na daily arrivals is around 300 plus pa lang dito sa Baguio, There was even a time na noong one particular weekend, umabot po ng 400 pero hanggang doon lang po iyong numbers pa lang na nakikita namin sa aming system.

So we encourage more people to come up to the City of Baguio, and we just would like to assure you that you are safe. Bumababa na po ang kaso natin sa Siyudad ng Baguio and all the systems are in place to make sure that you are safe and you will be healthy in the City of Baguio.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Hindi po natin nakasama ngayong araw si Engineer Abraham Sales ng Toll Regulatory Board dahil po siya ay kasalukuyang nasa isang mahalagang pagpupulong.

At iyan nga po ang aming balitang nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

ALJO BENDIJO:  Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

ALJO BENDIJO: At samantala, 35 days na lang Paskung-pasko na po. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19 at may mga kalamidad pa, lagi rin po nating tandaan na ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kapuwa ay ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat muli. Ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you.

USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Mula pa rin po sa PCOO, sa ngalan ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)