USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, ngayon po ay Martes, November 24, 2020. Isang oras na naman ang ating pagsasaluhan para sa isa na namang makabuluhang balitaan at talakayan, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
ALJO BENDIJO: Magandang umaga, Usec. Maki-update tayo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa kanilang mga hakbang tungo sa tuluy-tuloy na pagbangon ng bansa mula sa mga kalamidad at krisis, ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
ALJO BENDIJO: Samantala, naitala po ang dagdag na isandaan tatlumpu’t siyam na kaso ng mga gumaling mula sa COVID-19 kahapon. Iyan po ay base sa pinakahuling bulletin ng health department kung saan umakyat na sa 386,604 ang total recoveries sa bansa mula sa sakit. Limampu naman ang nadagdag sa mga nasawi ng sa buwan ay umabot na sa 8,173. One thousand seven hundred ninety-nine naman ang bagong kaso ng mga nahawaan ng sakit kaya ngayon ay nasa 420,640 na. Kahapon, bahagyang bumababa ng reported cases na umabot sa 1,799 pero ito pa rin ang pangalawa sa pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo.
Ang Cavite pa rin ang pinagmulan ng pinakamataas na kaso kahapon na may 154 new cases. Sumusunod naman ang Rizal with 114 cases, nasa ikatlong puwesto ang Lungsod Quezon na may 99 na mga bagong kaso; ang Bulacan, nakapagtala rin ng 76 na mga bagong kaso. Samantalang animnapu’t pito namang kaso ang nadagdag sa COVID-19 cases ng Laguna.
Mula 5.8% na ating nai-report kahapon, umakyat sa 6.1% ng total cases ang hindi pa gumagaling mula sa sakit, katumbas ito ng 25,837 cases.
USEC. IGNACIO: Sa bilang ng active cases, maliit na porsiyento o.26% ay moderate cases lamang, nasa 2.9% ang severe at 5.5% naman ang nasa kritikal na kundisyon; ang mga walang sintomas o asymptomatic ay 7.8%; samantalang malaking bahagi naman o 33.5% ay mild cases lamang.
Samantala, muli po naming ipinapaalala sa lahat na maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kalilimutang magsuot ng face mask at magdala ng alcohol. Huwag ding kakalimutan ang inyong quarantine pass, ganoon din po ang listahan ng inyong mga bibilhin o mga gagawin sa labas ng bahay. Mainam din na magdala rin ng bottled water at tissue paper. Ito po’y mga simpleng hakbang lamang pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Samantala, sistimatiko at komprehensibong national vaccination program laban sa COVID-19 isinulong ng Senate Committee on Health and Demography para siguruhing mauunang mabakunahan ang higit na nangangailangan. Narito ang report:
[VTR]
ALJO BENDIJO: At samantala, nito pong Sabado, inanunsiyo ni DOLE Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang lifting ng deployment ban para sa mga medical worker na nais makapagtrabaho sa abroad. Paliwanag ni Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque na sa pamamagitan nito’y mapapraktis ng health care workers ang kanilang propesyon at makakatulong pa sa ating lokal na ekonomiya.
At para po pag-usapan iyan, makakasama natin si Undersecretary Bernard Olalia, ang Administrator ng Filipino Overseas Employment Administration. Magandang umaga, Administrator Olalia.
Babalikan natin mamaya si Usec. Nagkakaproblema lang po tayo sa ating komunikasyon. Balikan natin mamaya. Walang audio si Usec. Olalia. Marami po tayong tanong – kung mayroon na bang mga nurses o mga medical workers ang nakaalis na ng bansa ‘no, nakapag-avail na po dito sa pag-lift ng suspensiyon ng atin pong pamahalaan para makapagtrabaho sa ibayong dagat ang atin pong mga—dati, Usec., itong mga medical frontliners natin, nangangailangan tayo nito pero parang bumababa na nga kasi raw ang bilang ng mga nahawaan, so ni-lift na itong suspensiyon ng mga medical frontliners natin/workers, na makapag-abroad.
USEC. IGNACIO: Oo [inaudible] na hindi naman tayo magkukulang dito sa bansa. Napakahalaga pa rin po ng—kailangan sila sa sitwasyon pa rin na naandiyan pa rin po iyong banta ng COVID-19 kahit pa sinasabi natin na may mga report na nga na may bakuna. So kailangang balansehin iyan ng pamahalaan.
ALJO BENDIJO: Okay, sige, balikan natin, Usec., si Attorney Olalia. Nandiyan na? Attorney Olalia, magandang umaga po.
USEC. OLALIA: Magandang umaga po, sir; magandang umaga po, ma’am. Magandang umaga po sa mga nanunood po at mga kababayan po natin sa buong sulok po ng mundo. Kumusta po tayong lahat?
ALJO BENDIJO: Opo, Usec., this is Aljo Bendijo. Kasama rin natin si Usec. Rocky Ignacio. Mayroon po bang mga nurses, mga medical workers natin na nakapag-avail na po nitong magandang balita na nai-lift na po ang suspensiyon nila para po makapagtrabaho sa ibayong dagat?
USEC. OLALIA: Tama po kayo, sir. Kung maaalala po natin, noong mga nakaraang buwan, during the time of the pandemic, nagkaroon po tayo ng policy for the temporary suspension of the deployment of our health care workers – nangunguna na po dito iyong mga nurses po natin.
Kung maaalala rin po natin, nagkaroon din ng exemption doon sa tinatawag nating temporary suspension na kung saan pinayagan po natin na makaalis iyong mga nurses natin na may perfected contract initially ang date po is March 8. And then pinalawig po natin ito na ginawa po nating August 31, 2020.
Ngayon po, tama po kayo, ibinalita po ng ating mahal na Secretary of the Department of Labor, si Secretary Bello, na lifted na po iyong temporary suspension ng ating HCWs [health care workers] pero may ceiling po na papayag po tayong mag-deploy, huwag lamang po hihigit na 5,000 [unclear].
ALJO BENDIJO: Oho, so limitado po talaga ang kanila pong deployment ‘ika nga, Usec. Olalia, dahil nandiyan pa rin po ang pandemya, mayroon pa rin po tayong banta ng COVID-19 sa Pilipinas. Baka kako iyon pa ang tanong nila, eh baka aalis na halos lahat ng mga health workers natin. May limitasyon talaga ‘no ang kanila pong deployment, tama ho ba?
USEC. OLALIA: Opo, tama po tayo na mayroon pa pong pandemic at kinakailangang i-address po natin iyong ating healthcare system at hindi po natin papayagan na magkaroon po ng problema dito po sa sariling bansa natin pagdating po sa pandemya. Kaya kinakailangan balansehin po natin iyong interes, iyong national interest natin to address the COVID-19 because there is still a national health emergency at titingnan din po natin iyong opportunity na ibinibigay natin sa ating mga minamahal na mga OFWs lalung-lalong na sa HCWs (Healthcare Workers) na mabigyan sila ng opportunity to work abroad.
BENDIJO: Mayroon po bang first batch na mga healthworkers natin na aalis? Kailan po ito, Usec.?
USEC. OLALIA: Bagama’t patuloy po iyong proseso po ng deployment natin dahil po doon sa exemption, tayo po ay nagsisimula nang tumanggap ng mga application. Nangunguna po dito iyong application ng mga foreign workers na gusto pong mag-hire ng ating mga nurses.
Pangalawa po rito, tumatanggap na rin po tayo ng application para po doon sa additional job orders ng mga accredited foreign employers po natin.
Ito po kasing dalawang proseso na ito itinigil po natin ito noon pong nagkaroon ng temporary suspension. At tayo rin po sa POEA ay tumatanggap na po ngayon, nagpuproseso ng mga direct hires, agency hires at iyong tinatawag po natin na government-to-government deployment po natin.
BENDIJO: So, mayroong parang direct hires. Ano bang mas maganda po, itong dadaan sa agency or diretso na po silang iha-hire ng kanilang mga employers sa abroad?
USEC. OLALIA: Mayroon po tayong tinatawag na mga mechanisms para po sa protocol natin para matulungan natin at mapangalagaan iyong welfare ng ating mga OFWs. Kasama po natin, partner, ito pong mga tinatawag nating licensed recruitment agencies. Kapag po kasi sila dumaan sa mga licensed recruitment agencies, mayroon po silang mga tinatawag na responsibilities at ito po, nangunguna dito iyong deployment ng ating OFW ay kinakailangan i-monitor po nila.
Hindi po nagtatapos iyong kanilang responsibility pagkatapos po ng deployment, nagsisimula pa lang po iyon dahil kinakailangan i-monitor po nila at pangalagaan iyong ating mga OFWs abroad. At kapag may problema po iyong ating OFWs na hinaharap, kinakailangan i-report po sa POEA at tutulungan iyong mga OFWs po.
BENDIJO: Opo. Isinusulong po ngayon sa Kongreso, Usec., na bigyan po ng mas mataas na starting pay ang mga nurses ng pamahalaan – P32, 053 ang kanila pong suweldo ngayon at gagawin po iyang P60, 901, doble na po ito, sobra pa sa doble siguro ito. Sa tingin ninyo ba ay mababawasan ang pag-alis ng ating mga nurses lalo na sa pamahalaan dahil po sa panukalang ito diyan sa Kongreso?
USEC. OLALIA: Maganda naman po at atin pong in-address din iyong malimit na problema na sinasabi ng ating mga nurses na nagtatrabaho dito po sa ating bansa. Isa po iyon, iyong sinasabi nilang mababa po iyong kanilang tinatanggap na suweldo. Mabuti po at inangat na po at binigyan na ng kaukulang pansin iyon pong problema nila sa suweldo.
Siguro naman po makakatulong ito sa mga nurses po natin na dito na sa ating bansa nagdesisyon na magtrabaho kasama ng kanilang pamilya. Alam po natin na mataas po kasi iyong tinatawag na social cause kapag sila po ay umalis ng bansa. Pero alam ninyo po, sa totoo lang po, mataas pa rin ang diperensiya ng suweldo po natin dito sa ating bansa at iyong inu-offer po na suweldo sa ibang bansa.
Iyon pong ibang destination countries ang pinakamababa po nilang natatanggap diyan hindi po bababa ng P100,000/month. Starting salary palang po iyon, kapag po sila ay fully acknowledged nurse na doon sa destination country po na kung saan sila nagtrabaho, umaangat po ito at tumataas po nang husto iyong kanila pong tinatanggap na suweldo.
BENDIJO: May mga ilang bansa po sa Gitnang Silangan, unti-unti na ring pinapaluwag ang tinatawag na Kafala system o itong sponsorship system para po sa mga manggagawa na nais magtrabaho sa kanilang bansa. Mayroon pong pagbaba ba sa bilang ng kaso ng pang-abuso, pagmamalupit, Usec., sa ating mga kababayang OFWs sa mga bansang ito?
USEC. OLALIA: Malaking tulong po iyong nabanggit ninyo na pag-alis doon sa tinatawag na Kafala system lalung-lalo na po sa Middle East. Iyon pong Kafala system tulad po ng nabanggit ninyo, ito po iyong sponsorship na kung saan iyong direct employer po ang nagdedesisyon kung kailan niya gustong paalisin at bigyan ng exit permit iyong ating worker kapag po nagnanais na siyang umalis.
Karamihan po humahantong po ito sa mga welfare cases na kung saan inaabuso iyong ating mga OFWs lalung-lalo na po sa ating mga domestic workers. At kapag sila po ay naabuso, hindi po natin kaagad mapapa-repatriate iyong ating OFW dahil po sa exit permit na kinakailangan. Iyong exit permit ay ibibigay lamang ng nag-sponsor na foreign employer kapag po gusto niya, in other words, discretionary po ito.
Ngayon, dahil tinanggal po iyong Kafala system, ang mangyayari po niyan, iyong labor mobility ng ating mga HSWs (Household Service Workers) ay napakaganda na. Anytime na gusto po nilang umalis, sila po ay makakaalis. Anytime na gusto nilang palitan iyong kanilang employer dahil ito ay isang abusadong employer ay magagawa din po nila.
In other words, malaking tulong po ito para ibaba iyong number o bilang po ng ating mga welfare cases sa abroad.
BENDIJO: May mga modus din na lumalabas online, Atty. Olalia, nambibiktima ng mga kababayan natin na nais pong makapagtrabaho sa mga bansa katulad ng bansang Korea. May mga Facebook pages din na gumagamit sa pangalan ng POEA para po mag-alok ng trabaho. Kayo po ba ay aware po dito? Ano pong ginagawang aksiyon ngayon ng POEA sa mga illegal na gawaing ito?
USEC. OLALIA: Iyan po iyong tinatawag nating mga online scam ngayon pong mga panahon ng pandemya. Medyo dumami po iyong mga kababayan po natin na nabibiktima ng online scam particularly doon sa overseas employment industry.
Kaya po bilang tugon, ang POEA po kasi ay gumagawa ng mga hakbang para po maiwasan iyong mga kababayan natin maging biktima ng illegal recruitment. Mayroon ho kaming tinatawag dito na preventive measures at remedial measures.
Iyon pong preventive measures namin to prevent illegal recruitment nangunguna po rito iyong pagbibigay ng labor advisory sa ating mga OFWs at mga Filipino na gusto pong mag-abroad. Binibigyan po namin sila ng babala na ito po iyong kasalukuyang scheme na ginagawa ng mga illegal recruiters at iiwasan po natin ito. May mga help branch po kaming binabanggit nang sa ganoon maiwasan po na mabiktima iyong mga kawawa nating mga OFWs at nagnanais makapagtrabaho sa abroad.
Iyon naman pong remedial measures po natin sa POEA, mayroon po tayong anti-illegal recruitment branch na aktibo pong tumutugon at tumutulong po sa naging biktima ng illegal recruitment. Kami po iyong nagbibigay ng advice, kami po iyong tumutulong para sa pagda-draft ng mga complaint at pagkukuha ng mga sinumpaang salaysay or affidavits po sa kanila, kami rin po iyong nagri-represent sa kanila as private prosecutor sa korte para i-prosecute iyong mga akusado dito sa illegal recruitment. Bigyan po natin ng hustisya iyong mga kababayan po natin na naging biktima ng illegal recruitment.
BENDIJO: Usec., balikan ko lang po iyong issue ng lifting natin sa suspension ng pagpapadala ng mga medical health workers natin, mga nurses sa abroad. Maliban po sa Gitnang Silangan at Amerika, may mga bansa bang nag-aalok din ng serbisyo ng ating mga kababayan katulad po diyan sa Europa na puwede pong mag-apply ang atin pong mga nurses? Saang bansa po ito?
USEC. OLALIA: Ang mga top destinations po natin sa ating healthcare workers lalung-lalo na sa nurses, nandiyan po ang Middle East, tama po kayo. Nangunguna po diyan iyong KSA, iyong Kingdom of Saudi Arabia. Mayroon po kasi tayong bilateral labor agreement na kung saan ang ating bansa at ang bansang KSA ay nag-agree na magpapadala po tayo ng mga nurses sa kanilang bansa.
Pumapangalawa po diyan sa Middle East iyong ating deployment din sa Qatar, sa Kuwait, sa UAE. Dito naman po sa Europa, nangunguna po dito na destination countries ng mga nurses natin, iyon pong sa UK, sa Germany. Sa Germany po, mayroon tayong tinatawag na Triple Win agreement. Isa po iyong bilateral agreement na kung saan government-to-government po ang ating deployment.
Apart from this G2G deployment sa Triple Win po sa Germany, mayroon din po tayong private propped na kung saan involved naman sa deployment ng nurses iyong ating mga partners tulad po ng licensed recruitment agencies.
Sa US din po, nagpapadala din po tayo ng mga nurses natin ano. So ang akin pong ibig sabihin lamang, halos sa buong mundo ‘no, number one preferred choice po ng mga foreign employers ang ating mga kababayang nurses kaya pinapangalagaan po natin sila, binibigyan po natin ng ayuda lalo na ngayon sa panahon ng pandemya na kung saan kailangan i-implement po natin iyong istrikto nating mga health protocols at ibigay po natin iyong kinakailangan nilang mga—
BENDIJO: Opo. Usec. Olalia bago po tayo magtapos, mensahe po natin sa ating mga manunood at nakikinig po sa mga oras na ito. Go ahead po, Usec.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Salamat po, sir; salamat po, ma’am. Sa mga kababayan po natin ano, in line doon sa ating prevention na maging victims po kayo ng illegal recruitment, maglulunsad po kasi ang POEA ng tinatawag nating online jobs fair next week ‘no. Ito pong online na ito ay tugon para maiwasan iyong paglaganap ng pandemya ‘no.
Instead of a physical job fair, magkakaroon po tayo ng online ‘no. So iyong aming link ay makikita lamang po sa POEA website at kami po ang gagabay at direktang magsu-supervise nitong online jobs fair.
Tulong po namin ito sa mga kababayan nating OFWs, iyong mga gusto pong mag-abroad, iyong gusto pong magkaroon ng opportunities na mabigyan nang magandang buhay iyong kani-kanilang mga pamilya at ito rin po ay tulong natin upang matugunan iyong problema po natin sa pandemya.
Kung may mga kinakailangan po kayong mga assistance lalung-lalo na po sa repatriation, naririto rin po ang POEA, OWWA at DOLE na handang tumugon at handang tumulong po sa inyo pong lahat. Maraming salamat.
BENDIJO: Maraming, maraming salamat din Undersecretary Bernard Olalia, Administrator ng POEA.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Thank you, sir. Ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Samantala po sa kabila na pinagdaanang trahedya sa kani-kanilang mga lugar dulot ng sunud-sunod na bagyo at malawakang pagbaha, laking pasasalamat pa rin ng ilang residente ng Lagonoy, Camarines Sur at ng ilang bayan sa Rizal sa tulong na dumating mula sa pamahalaan. Narito po ang ulat: [NEWS CLIP]
Samantala, makibalita naman tayo sa Davao City kasama si Rodirey Salas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Rodirey Salas.
Samantala, sa bagong memorandum order na ipinalabas ng LTFRB, iri-require na rin umano ang pagtatanim ng puno bago mabigyan ng prangkisa ang mga nag-a-apply. Para dito, makakausap natin sa kabilang linya si Attorney Martin Delgra III, ang Chairperson ng LTFRB. Good morning po, Attorney Delgra.
LTFRB CHAIR DELGRA: Magandang umaga umaga din po sa inyo Usec. Rocky at Aljo at sa inyong mga nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa pagbabalik po ng motorcycle taxis kahapon, bakit po daw ang tagal na ginagawang pilot study. Bago po ang pandemic, ano na po ba iyong na-accomplish ng technical working group sa pilot study na ito at kailangang i-continue pa ulit ngayon?
LTFRB CHAIR DELGRA: Patuloy naman din po iyong pagri-review ano, iyong sa pilot study po na implementation of the motorcycle taxi. In fact as we speak, nagmi-meeting po iyong technical working group together with the Chair of the technical working group na si Asec. Egay Galvante ng LTO kasama na rin po iyong tatlong partisipante nitong pilot study na ito. So hopefully we will be able to gather all the facts that needs to be done including the compliance to the public health protocols sa pagsasakay ng ganitong klaseng mode of public transport.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney Delgra, kabilang na daw po sa mga requirements ninyo sa mga kukuha ng prangkisa ang pagtatanim ng puno. Totoo po ba ito? Ano po daw iyong rationale behind this order at kailan ito magiging effective kung mayroon man pong ganito?
LTFRB CHAIR DELGRA: Opo. Salamat po sa tanong, Usec. Rocky. Tama po kayo na mayroon po tayong pinalabas na—iyong LTFRB po ay may pinalabas na memorandum circular kung saan nagmamando po na iyong mga aplikante during the initial implementation which should become effective December 1, all applicants for new applications of a new franchise including those corporations and cooperatives of existing franchises na magri-renew ‘no, iyong tinatawag nating extension of validity o magri-renew ng kanilang prangkisa, kailangan magtanim ng puno – one tree for every unit that they are going to apply for a franchise or one tree for every unit that they are going to renew for such franchise.
Itong initial implementation na ito will run for at least three months so that this will be our contribution to a healthy and clean environment. Alam na rin po ninyo na iyong malaking programa na isinusulong po ng LTFRB at ng DOTr sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Art Tugade, itong PUVMP, PUV modernization Program kung saan hindi lang po natin minu-modernize at tina-transform iyong public transport, kung hindi sinisiguro na rin natin na maprotektahan at ma-preserve iyong clean environment with the use of modern environment-friendly vehicles.
USEC. IGNACIO: Clarification lang, Attorney, papaano po ito tatakbo exactly? May quota po ba kung ilang puno ang kailangang itanim bago mabigyan ng prangkisa ng LTFRB?
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Sa nasabi ko na po iyong requirement po ng bawat operator, they will have to plant a tree, one tree for every unit that they are going to apply for a franchise or one tree for every unit that they are going to renew. If it is an existing franchise po at tatakbo po ito ng tatlong buwan at tinitingnan po natin dito na mayroon tayong target na mga something like 50,000 in the next three months. They will have to coordinate with the LGU kung saan sila nakabase or with the DENR for purposes of securing the seedlings kung saan itatanim nila sa mga lugar that will be designated by either by the LGU as I have said, where they are based or by the DENR, depende po kung saan iyong mga critical areas na puwede nating pagtataniman ng mga puno po.
USEC. IGNACIO: Attorney, may tanong lang po iyong ilang kasamahan natin si media, si Evelyn Quiroz po, patungkol pa rin ito doon sa memorandum circular po ninyo na 2020-076 kaugnay po ng pagri-require ng planting trees na naging mandatory for those applying for a transport franchise, matapos nga po iyong sunud-sunod na baha at naranasan mula sa Bagyong Rolly at Ulysses. Ang tanong po niya, how do you propose to implement such a measure and how will you validate po the required proof presented by those applying for a franchise?
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Opo, patungkol naman po sa proof of compliance as we have mentioned earlier, kailangan po iyong mga operator makipag-ugnayan sa LGU o sa DENR kung saan po sila naka-base at iyong pagtatanim po nila, they will have to show proof na tinanim nila iyan, they will have to show pictures kung saan sila nagtanim at mayroon pong certificate of compliance na ii-isyu ng either LGU o ng DENR patungkol na rin po sa pagtatanim ng mga puno na ito. Alam na rin po ninyo kung paano pinagbabasehan po natin itong memorandum circular na ito dahil na rin po sa mga nangyayaring mga trahedya, sa mga baha na dulot ng bagyo. Alam natin na hindi natin mapigilan iyong bagyo pero ma-mitigate po natin iyong consequences nitong mga bagyo na ito, nakita na rin natin at nakita ni Secretary Tugade rin sa paglilibot niya doon sa Region II, particularly kung saan isa sa mga reasons why nagdudulot ng baha doon sa mga lugar na iyan na natatamaan ng bagyo, eh dahil nakakalbo na iyong mga bulubundukin natin. So, I think, it is just but right for us, as part of our collective responsibility to do what we need to do, and in this case, we need to plant trees.
So, iyon po ang gagawin natin and in fact, if I may already make mention of this na iyong minamandato po natin ay gagawin din po natin, kasi pinaplano na rin po natin ng buong ahensiya ng LTFRB ay gagawa po ng nationwide tree planting activity which is set on December 5 this year. Itinaon po natin sa December 5, because it is also a significant date, it being the United Nation Commemoration of the World Soil Day. So, that’s how important that day is, that we need to commemorate it with the nationwide tree planting activity po.
USEC. IGNACIO: Attorney, noong nakaraan po ay pumirma rin ang LTFRB ng MOA with Quezon City LGU para naman po sa bus augmentation program ng siyudad na may 8 proposed routes at dadaan pa raw po ito sa evaluation ng LTFRB. Ano po ang ibig sabihin nito?
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Actually po, nagpirmahan na po ng MOA last Friday with the Quezon City government. LTFRB and DOTr is very supportive of the program the Quezon City government to provide free bus service doon sa kanilang mga constituents, kababayan nila sa Quezon City. So, tuluy-tuloy na po itong programa ng Quezon City government at sinusuportahan po ito lubos ng LTFRB at ng DOTr.
USEC. IGNACIO: Attorney, tuloy pa rin ba daw po iyong pamamahagi ng LTFRB ng cash assistance dito po sa mga jeepney drivers until now? Kumusta na po iyong completion naman ng cash subsidy program na ito under the Bayanihan 2?
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Good that you have asked that question. Tuluy-tuloy po iyong pagbibigay ng fuel and cash subsidy under the Bayanihan 2: To Recover as One Act. Binigyan po ng Kongreso at in-allocate po ng 1.1 billion pesos para po dito sa proyekto na ito. Bibigyan ang bawat unit ng public utility vehicle ng P6,500 to cover operating expenses and alam po natin na ito po iyong transport sector ay isa doon sa mga sector na talagang tinamaan sa pandemyang ito at minabuti na rin ng Kongreso na bigyan ng ayuda ito. So, as regards that po, we already have given out 782 million for the last ten days, less than two weeks po, and we would be able to hopefully complete the distribution of the fuel and cash subsidy within the end of November. Iyon po ang target po namin.
USEC. IGNACIO: Attorney, para po sa kapakanan ng ating mga jeepney drivers ano po, paano daw po nila makukuha itong cash subsidy, magkano daw po ito?
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Iyon pong ayuda for the fuel and cash subsidy for the adversely affected transport sector, ito po iyong ayuda para sa mga PUV operators, mga jeepney operators, buses, UV express at saka, as I have said jeepney ano. Iyong sa jeepney operators po naibigay na po, sa pamamagitan ng PPP cards which was actually a program of the government last year. So, ginamit lang po natin iyong mekanismo doon sa PPP cards, iyong pantawid pasada cards kung saan doon po natin hinulog iyong ayuda na tig-6,500 each per unit.
USEC. IGNACIO: Attorney Delgra, maraming salamat po sa inyong panahon. Kunin ko na lang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayang driver, operator at commuters.
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Opo, salamat po sa pagkakataong ito at ibabalita lang po namin din iyong mas malaking programa that we are tasked to implement which is the service contracting program. Tuluy-tuloy po ito, initially we have addressed, we have covered the program for Manila, Cebu and Davao at nakikita natin na may mga pangangailangan din sa ibang rehiyon and so we are expanding the program in the other regions. To name a few – Caraga, Region X, Region VI, Region IX, including Ilocos in Region I. Iyon po ang gagawin po natin. In fact, there is a big event for tomorrow in order to invite the drivers here in Metro Manila for an on-boarding seminar and training para maipasulong pa natin iyong service contracting program ng gobyerno. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Atty. Martin Delgra III, Chairperson ng LTFRB. Mabuhay po kayo, sir.
LTFRB CHAIRPERSON DELGRA: Salamat po.
BENDIJO: Makibalita naman po tayo sa mga kaganapan sa Senado kasama si Eunice Samonte. Eunice?
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Maraming salamat, Eunice Samonte.
USEC. IGNACIO: Samantala, panukala para sa karagdagang pondo ng mga LGU na naapektuhan ng Bagyong Ulysses pirmado na. Panuorin natin ang detalye sa ulat na ito:
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.
(NEWS REPORTING)
BENDIJO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Maghahatid naman ng balita diyan sa Cebu si John Aroa, John?
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa. Mga residente sa Cagayan na naapektuhan ng bagyong Ulysses, nagpasalamat sa pagtulong ng pamahalaan. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. 31 days na lang at Pasko na! So, importante dito pagbibigayan at pagmamahalan, iyan ang tunay na diwa ng Pasko. Maraming salamat Usec.
USEC. IGNACIO: Tuloy pa rin ang Pasko sa ating mga puso at siyempre dahil iyan ang kapanganakan ni Jesus Christ. Salamat sa iyo, Aljo. Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)