USEC. IGNACIO: Isang mapagpalang araw sa mga minamahal kong kababayan sa loob at labas ng bansa. Muli ninyo kaming samahan, alamin ang mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19 dito sa Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
ALJO BENDIJO: At sa ngalan naman ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo kasama ninyong aalam sa mga totoong impormasyon tungkol sa mga hakbang ng ating pamahalaan laban sa nakamamatay na sakit na COVID-19.
USEC. IGNACIO: Basta Laging Handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman halina’t samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala Aljo, sa pagsisimula ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila noong Sabado at kasabay nang pagbubukas ng mga malls at iba pang establishments ay nagdagsaan din ang mga taong sabik lumabas mula sa kanilang mga tahanan matapos ang animnapung araw na mahigpit na pagpapatupad ng stay at home policy sa bansa.
Naiintindihan naman daw ito ni Senator Bong Go pero aniya ay huwag pa rin sana tayong magpakampante dahil hindi imposibleng mangyari sa bansa ang tinatawag na second wave ng COVID-19. Bukod sa maaari kasing magdulot ang pagdagsa ng mga pasyente na lagpas sa kapasidad ng ating mga pasilidad sa pagbagsak ng healthcare system sa Pilipinas ay maaari rin nitong maabos ang pondo ng bansa.
Paalala pa ng Senador na wala pang vaccine ang COVID-19 at walang nakakaalam kung magkano ang kakailanganin para dito kaya naman pakiusap niya sa bawat isa, maki-cooperate sa mga alituntuning ipinatutupad para hindi na mas dumami pa ang bilang ng COVID-19 positive sa bansa. Narito ang naging pahayag ni Senator Bong Go.
[VTR]
ALJO BENDIJO: At samantala, kasabay ng paalala na iyan ay tuluy-tuloy din naman ang pag-abot ng tulong ni Senator Bong Go sa ating mga medical frontliners. Sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga pribadong tao at organisasyon ay nakapag-turnover ang opisina ni Senator Go ng mga bigas, facemask at thermal scanners sa Northern Mindanao Medical Center sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ang nasabing pasilidad ang pinakamalaking public tertiary hospital at referral center ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Northern Mindanao na kamakailan lang ay binigyan ng accreditation ng DOH para magsagawa ng COVID-19 testing.
Bukod diyan ay nakapag-turnover din ng donasyon sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City, Southern Philippines Medical Center sa Davao City, at Davao Regional Medical Center naman sa Tagum City.
USEC. IGNACIO: Samantala, PAGCOR ikinatuwa ang pagkahuli sa 265 Chinese nationals dahil sa illegal Offshore Gaming Operations sa Las Piñas City. Ayon sa PAGCOR, resulta ito sa mas pinaigting nilang laban sa mga non-registered offline gambling operation o NOGO sa bansa. Ilang linggo lang kasi bago ito, ilang iligal na pasugalan din ang nahuli naman sa Makati City. Dahil sa ginawang paghihigpit ng PAGCOR sa mga regulasyon ng mga POGO at sa paglilimita rin ng operasyon ng mga ito ay naging mas madali ang pagtukoy sa mga hindi rehistrado at illegal na gambling operations sa bansa.
Tuluy-tuloy din naman ang pakikipagtulungan ng PAGCOR sa PNP, NBI, Bureau of Immigration at DOJ sa pagsugpo sa mga iligal na aktibidad ng offshore gaming sa bansa.
Kasama rin nating magbabalita maya-maya sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service at si John Aroa mula sa PTV Cebu.
ALJO BENDIJO: Usec., Rocky, silipin naman natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa Pilipinas. As of 4 P.M. kahapon, May 17, 2020, nakapagtala na po nang dagdag na dalawandaan at walong kaso ng COVID-19 positive sa bansa sa kabuuang bilang na 12,513 cases; pitumpu’t apat naman ang nadagdag sa mga gumaling sa kabuuang bilang na 2,635 recovery cases; habang nadagdagan naman ng pito ang mga nasawi sa kabuuang bilang na 824. Eighty-three percent or 174 sa mga bagong kasong ito ay nanggaling sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Ang patuloy at paulit-ulit po naming paalala: Huwag nang lumabas ng tahanan kung hindi naman po kinakailangan, ugaliin ang pagsusuot ng facemasks at paghuhugas ng mga kamay, at laging panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ang 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, SUN at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens.
Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang www.doh.gov.ph/covid19tracker
ALJO BENDIJO: Samantala, makakasama natin sa ating Public Briefing sina LTFRB Chairperson Atty. Martin Delgra; ang tagapagsalita naman ng Department of Health, Undersecretary Maria Rosario-Singh-Vergeire; Philippine Ambassador in Libya, Ambassador Elmer Cato; at si MMDA Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago.
USEC. IGNACIO: Aljo, una nating makakausap si Atty. Martin Delgra, ang Chairperson ng LTFRB. Magandang umaga po sa inyo, sir. Atty. Delgra? Magandang araw po, sir. Opo, sir, naririnig ninyo po kami?
ATTY. DELGRA: Napuputol po. Hindi ko po kayo naririnig nang maayos.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ito na lang po—pero ngayon po ay naririnig ninyo na ako nang maayos, sir?
ATTY. DELGRA: Pasensya na po, wala po akong naririnig. Sorry po.
USEC. IGNACIO: Okay. Aljo, balikan na lang natin si Atty. Martin Delgra. Marami kasing mga tanong ngayon eh, nakita mo ba iyong mga sasakyan sa labas?
ALJO BENDIJO: Ngayon kasi parang ang daming tanong, Usec., tungkol sa tricycle. Although iyong tricycle, under naman ng LGUs iyan. Iyong mga jeepney, papaano mag-o-operate diyan? Magkano ang pamasahe?
USEC. IGNACIO: Korek, at saka pati sa tricycle din.
ALJO BENDIJO: Sa tricycle kasi isa lang …parang isang pasahero bawat isang tricycle unit na puwedeng bumiyahe.
USEC. IGNACIO: Sige, babalikan natin si Atty. Delgra ng LTFRB. At this point, makakausap na rin natin ang tagapagsalita ng MMDA, si Assistant Secretary Celine Pialago. Magandang araw sa iyo, Asec.
ASEC. PIALAGO: Magandang araw, Usec. Rocky. At sa lahat po ng nanunood at nakikinig ng Laging Handa Press Briefing, magandang araw po.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kasama rin natin si Aljo. Nag-uusap nga kami kanina, nakakagulat din kasi iyong biglang pagsikip ng ating mga kalsada sa unang araw lang pag-shift natin sa Modified Enhanced Community Quarantine. So paano po ito tinutugunan ng MMDA?
ASEC. PIALAGO: Usec. Rocky, mahina po at wala po akong masyadong maintindihan. Pero narinig ko po iyong unang tanong, ma’am, tungkol po sa transition ng MECQ. Just let me guess po kung ano po iyong natutukoy ninyong tanong, mas dumami po iyong bilang ng mga sasakyan simula po noong Sabado ‘no dahil po kailangan pong isa-isahin at ikumpira iyong sakay ng mga sasakyan, kung sila po ba ay kasama sa Authorized Persons Outside of Residence since nadagdagan nga ho iyong mga establisyimento at sektor na nagbukas po ngayon sa MECQ.
Pero, ma’am, ngayon po as we speak, hindi naman po ganoon kabigat ang daloy ng trapiko sa EDSA. Iyong mga checkpoints po natin ay nadagdagan din ho ‘no. Noong una ho, sa EDSA iyong sa Shaw Boulevard, ang checkpoint. Pero po kanina, Usec., noong kinunfirm [confirmed] po natin ito sa HPG, nadagdagan po ito at mas dumami po ang ating personnel sa ground para po tiyakin na lahat po ng sakay ng mga private vehicles, lalo na po iyong mga naka-shuttle services, dapat po, Usec., dala nila ang kanilang company ID. Dahil po noong Saturday, napakadami po ng mga pagkakataong pinabalik po at pinababa iyong mga walang dalang company ID at mga basic documents. Iyon po iyong mga usual na nagiging problema along the way, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga pagbabago ba sa mga road rules sa Metro Manila ngayong nasa MECQ na tayo?
ASEC. PIALAGO: Again po, Usec, iyong mga ipinagbabago po sa kalsada?
USEC. IGNACIO: Yes.
ASEC. PIALAGO: Well, Usec, ngayon pong MECQ, wala naman pong mga public transportation sa ngayon. Pero po nadagdagan ang mga checkpoints at nadagdagan po iyong mga shuttle services. Pero, Ma’am, mag-iiba na po iyong sitwasyon kapag tayo po ay tumawid na sa General Community Quarantine, kung saan po, Usec, ipapatupad po ang single route sa EDSA. Maybe doon po iyong confusion ng iba nating kababayan, kasi po MECQ wala pong public transportation, pero po sa GCQ, single route po sa EDSA. So, mayroon pong 61 route sa EDSA, dumadaan po diyan araw-araw. Noon – 4,000 city buses po ang kabuuang dumadaan dito sa Metro Manila – 2,500 po ang dumadaan po sa EDSA. Pero with this single route sa EDSA, magiging 600 na lamang po iyan.
So, ang magiging ruta po sa EDSA ay iisa na lang, so Monumento to MOA vice versa, iyan po ang magiging sistema, Usec Rocky pagpasok po ng GCQ. Pero sa ngayon MECQ wala pong public transportation kaya po dapat maging maliwanag po iyan sa ating mga kababayan.
BENDIJO: Asec, magandang umaga. Sa nakita nating surge ng tao sa labas and for sure ito po ay magtutuluy-tuloy sa mga susunod pang araw, ano po ang gagawing aksiyon ng MMDA para hindi lumala ito?
ASEC. PIALAGO: Iyon alin, sir, ang hindi po lalala? Pasensiya na talaga, sir, at choppy po iyong signal—
BENDIJO: Iyong dagsa ng mga tao, dagsa ng mga sasakyan sa susunod na araw, inaasahang, mas – huwag naman po sanang lumala at ma-control iyan ng MMDA. So, ano po ang mga gagawin ninyong aksiyon para hindi lumalala ang problemang iyan?
ASEC. PIALAGO: Well, Sir Aljo, iyong pakikipag-ugnayan po ng MMDA at PNP ay tuluy-tuloy at hanggang maaari po ay napag-usapan na sa mga entry points pa lamang po ay masala na iyong mga pribadong sasakyang pumapasok po dito sa Metro Manila, napakaimportante po niyan. At pangalawa po, since nadagdagan na po iyong mga establisyimento at work force na maaari pong bumiyahe under MECQ, paalala lang po doon sa mga naka-shuttle services, ihanda po natin ang ating mga company ID, kasi sir tiyak pong dadami, ang iniiiwasan po natin dito ay ang mayroon pong mga lumabas.
So sa pakikipagtulungan po sa PNP, Sir Aljo, ay magtutuluy-tuloy po ang pagdagdag sa mga checkpoints, paiigtingin po at sisikapin po natin sir na tiyakin, na iyong mga nakasakay sa mga pribadong sasakyan ay otorisadong lumabas. Iyon lang naman po, sir. Kaya po nagkakaroon ng traffic build-up dahil po nadagdagan na po iyong mga sector na maaaring lumabas. So, pakiusap lang po, para iwas delay, iyong mga basic documentation ay ihanda po natin, para hindi po tayo naha-hassle, hindi po tayo pinapabalik ng ating mga personnel sa ground.
BENDIJO: May mga paalala ba kayo sa ating mga kababayan, Asec?
AESC. PIALAGO: Well, Sir Aljo, sa ngayon po ang nagiging sitwasyon po ng MMDA ay isang ahensiya na katuwang po ng PNP-HPG sa pagtalima naman po sa ilang mga usapin ng transportasyon, lalo na po kapag tayo ay nasa GCQ na. Ang MMDA po ay nakikipagtulungan sa DOTr, LTFRB, DPWH. Marami pong pagbabago kapag tayo ay GCQ na: Malilimitahan po ang mga bus stops; magkakaroon po ng markings ang mga loading at unloading areas; Ang buses routes po ay posibleng mailipat sa left side at maglalagay na lamang po ng foot bridge para sa ating tatawid na kababayan.
Ang initial plan po pagpasok po ng GCQ, which is nasa MECQ lang po tayo, para lang po mas maganda iyong paghahanda – ang EDSA po ay magiging connecting road na lang. So, ang plano din po, sir Aljo, ang target, magkakaroon ng bike lane malapit sa bangketa, so, ito po ang ginagawa ng DOTr at nakasuporta po ang MMDA diyan. Sa side po ng enforcement, kung ano po ang tingin natin na mas mapapaganda at magiging mas epektibo, iyon po ang gagawin natin katuwang po sila at ang ibang ahensiya.
BENDIJO: Okay. Maraming salamat sa inyong panahon, Asec. Celine Pialago ng MMDA. Ingat po kayo, Ma’am.
AESC. PIALAGO: Salamat po, sir Aljo.
USEC. IGNACIO: Samantala balikan po natin si Atty. Martin Delgra, ang Chairperson ng LTFRB. Magandang umaga po, Attorney. Aljo, mukhang hindi pa tayo masyadong naririnig ni Atty. Delgra. Pasensiya na po, kasi iyan po ang inaabanangan talaga ng tao, malaman “papaano ba kami magbibiyahe ngayong nasa MECQ?” At siyempre kailangan naiintindihan nila kung ano rin ang ibig sabihin ng MECQ.
BENDIJO: Ano iyong mga restrictions lalo na kasi maraming nagtatanong ngayon kung may tricycle na sa Pasig. Kasi, Usec, may tricycle na sa Pasig ngayon at saka sa Taytay. Mayroon bang jeep na bumibiyahe? Iyan tanungin natin kay Atty. Delgra kung okay na. Attorney magandang umaga po. Good morning. Maayong buntag, sir.
USEC. IGNACIO: Atty. Delgra, sir, last week po ay naglabas kayo ng guidelines tungkol sa pag-resume ng taxi at TNVS operations for GCQ areas. Ano po iyong mga requirements na kailangan para payagan pong bumiyahe ang mga ito; in full blast na po ba papayagan iyong operasyon nito?
BENDIJO: Okay, may problema pa nang kaunti – so TNVS iyon ‘yun. Pero ang tingin ko doon, Usec., limitado pa rin.
USEC. IGNACIO: Pero basta bawal ang angkas talaga daw eh.
BENDIJO: Iyon ang gusto kong itanong kay Asec. din. Kasi halimbawa, mister mo o misis mo iyong kaangkas mo, kasama naman kayo sa bahay? Iyon yata ang alituntunin at panuntunan pa rin ng pamahalaan, wala munang angkas, wala munang back ride sa mga nagmo-motor ngayon.
USEC. IGNACIO: Okay, Aljo, balikan na natin is Atty. Delgra. Mukhang maganda ang sasabihin nito kasi napuputol tayo.
BENDIJO: Wala pa, so mga balita muna tayo. Alamin natin ang mga nakalap po ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga kasamahan sa labas ng Metro Manila, kasama si John Mogol. John, magandang umaga.
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Usec. Rocky, bukod sa patuloy na banta po ng COVID-19 sa buong mundo, ay isa pang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan na nagtatrabaho at naninirahan sa bansang Libya ay ang nagpapatuloy na civil war na dinaranas ng bansa.
USEC. IGNACIO: Kaya naman po kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan sa North Africa partikular po sa bansang sa Libya. Makakausap natin si Philippine Ambassador Elmer Cato mula po sa Tripoli, Libya. Siya rin po iyong concurrent jurisdiction in Tunisia, Algeria at Nigeria. Magandang araw po, Ambassador.
AMBASSADOR CATO: Well, Good morning, USec. Ignacio. Good morning, Aljo. Kumusta kayo diyan?
BENDIJO: Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Before anything else, Ambassador, COVID-19 check po muna tayo. Ano po iyong latest sa status ng COVID diyan sa Libya, Tunisia. Algeria at sa Nigeria? At kumusta naman po iyong mga ginagawa ninyong measures para po hindi maapektuhan ang ating mga Pilipino doon?
AMBASSADOR CATO: Well, so far, you’d be surprised na Libya only has sixty-five cases of COVID-19 compared to its neighbors, Algeria, Tunisia. Iyong Algeria has around seven thousand cases na; iyong Tunisia, more than one thousand; Nigeria almost nine hundred na ano.
So, we really are surprised and at the same time we feel fortunate na mababa iyong cases dito sa Libya.
Iyong mga concern natin dito, of course, of the 2,300 Filipinos we have here in Libya, half are in the health sector ‘no – mga nurses, medical technologists at ibang mga technicians. So, we are concerned about possible exposures since magiging frontliners sila dito. Napaka-importante ng role nila dito sa healthcare system sa Libya. We have another one thousand kababayan who are working in the oil sector which we think naman are not exposed since most them are working in oil fields ano.
As far as the assistance being extended by the embassy, for the past two weeks nakipag-ugnayan tayo sa International Organization for Migration (IOM) para makapag-deliver tayo ng food assistance sa ating mga kababayan dito. Nasabi nga kanina there’s an ongoing civil war dito sa Libya at marami na iyong naapektuhan.
The oil sector, tinamaan nang husto iyan dahil there was a shutdown sa oil production at ilan na sa ating mga kababayan lalo na iyong mga contractual, iyong no work no pay ay ipinatigil muna pansamantala sa kanilang mga trabaho at ilan sa kanila ay nandito sa Tripoli. So, we have to deliver around 200 food packs by this afternoon courtesy of the IOM.
Nakipagtulungan din ang Embahada sa mga private companies dito like Riviera Group at nag-donate din sila ng pagkain na ishinare rin natin sa ating mga kababayan. May mga leaders ng Filipino community na nag-share din ng kanilang resources at kami dito sa embahada nag-contribute din kami since we do not have a budget from DFA for food assistance.
Ang mga kasama naman natin sa DOLE, sa Philippine Overseas Labor Office, iyong cash assistance being extended to Filipinos affected by COVID-19 ay 100 na iyong beneficiaries so far and nagdi-distribute in sila ng food vouchers. May mga kababayan rin tayong tumutulong like iyong grupong (unclear) ano, yesterday they brought face shields na ibibigay natin sa ating mga kababayang frontliners.
So, as far as the COVID situation is concerned, okay pa tayo. So far, as I’ve said earlier, sixty-five cases and tatlong deaths lang so far here in Libya. Our main concern really is the (garbled) tayo ng rockets dito. Siyempre, worried na worried iyong embahada dahil iyong risk na maging collateral damage ang ay napakalaki at ilan ng mga hospitals kung saan nagtatrabaho ang ating mga kababayan ay tinatamaan ng mga rockets ano. So, iyon iyong concern ng embahada dito sa Libya at this point.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi nga po, Ambassador, bukod sa COVID-19, iyon nga po iyong ikinukuwento ninyo na may mas matagal ng problema na kinakaharap ang Libya, ito nga po iyong ongoing civil war. Pero kumusta naman po kayo at saka iyong ating Filipino community diyan tungkol pa rin—na may kinalaman po sa usapin ng security?
AMBASSADOR CATO: Well, so far, suwerte tayo because yesterday may rocket attacks na naman at tinamaan iyong isang evacuation center at may mga foreign nationals na tinamaan. Since the outbreak of the latest conflict, iyong civil war dito has been going on since 2011 pero nagkaroon ng hostilities na naman April last year and we’re fortunate, marami nagdadasal sa atin from our kababayan everywhere, na we only had two wounded so far. Pero iyon nga, dahil matindi iyong bakbakan lately at nakalapit na sa Tripoli mismo, nasa loob na ng Tripoli iyong labanan ay at risk iyong ating mga kababayan.
In fact, we have ngayon two officers from the Armed Forces of the Philippines who are here with us, si Lt. Col. (unclear) at saka si Lt. Col. (unclear), ipinadala ni Secretary Delfin Lorenzana dito para tulungan kaming mag-assess sa situation at malaki ang tulong nila, nagagabayan ang ating mga kababayan for them to be really careful dahil nakikita natin kung saan patungo iyong labanan ano.
And based doon sa assessments natin, nakapasok iyong labanan sa mga areas na malapit na kung saan nakatira o nagtatrabaho ang mga kababayan natin kaya everyday we’re worried, especially in the past two weeks may escalation but handa iyong embahada, ready naman tayo, may contingency plans tayo but unfortunately, because of the current lockdown, medyo mahihirapan tayo in terms of repatriating Filipinos who want to go home.
As of now, we have about forty Filipinos who have requested the embassy for assistance in going home but dahil naka-lockdown, sarado iyong borders, sarado iyong mga airports, ay hindi natin sila mailikas as of the moment but on standby tayo diyan.
So, as I’ve said, iyong concern namin dito is iyong mga shelling ano ho. As you can see in the pictures, ayan malapit sa embassy kung minsan nakikita ninyo iyong usok coming from artillery strikes or rocket strikes or airstrikes at nakita ninyo rin naglagay kami ulit ng Philippine flag sa taas ng embassy.
Kalilipat lang namin sa isang bagong location, Usec., we transferred to a safer location at medyo malayo tayo sa gulo and we’ve been advising our kababayan since… alam ninyo naman last year we recommended the (garbled) alert level para mailigtas natin ang ating mga kababayan but you know, like all our OFWs they went abroad for their families so it really is difficult for them to choose to go home, so hindi ho natin sila mapuwersa, we just tell them that the embassy is ready to repatriate you of you want to.
So, kung gusto ninyong manatili rito, that’s fine pero iyong pakiusap namin, sometimes to the point of sounding like a broken record ano, paulit-ulit na lang namin sinasabi kung ayaw ninyong umalis, please make sure na kung malapit na kayo sa lugar na mga pagsabog o palitan ng putok ay either stay indoors or temporarily move to safer areas.
So, iyon ang ating panawagan sa kanila and they’ve been heeding that naman ano, lumipat sa mga kaibigan nila or sometime during the early stages of the war we accommodated sa POLO shelter natin iyong ilang nurses natin mula sa isang area na grabe iyong bakbakan ano. So, iyon iyong situation natin ngayon and sana matapos na itong gulo na ito. Nakakaawa din iyon situation noong Libyan people dito.
At gusto ko ring sabihin ano… tayo, the Philippines, is one of the few countries that still maintain an active diplomatic presence here in Tripoli and karamihan ng mga embahada ay nagsi-alisan na, lumipat sa Tunisia as early as 2011 but consistent with the policy of the President ano, we are here, we never left and we will not leave because we have to look after the members of the Filipino community here, there are still about 2,300 of them as I’ve said earlier.
BENDIJO: Opo. Ambassador magandang umaga, this is Aljo Bendijo. May nais ba kayong iparating pa sa ating mga kababayang naninirahan at nagtatrabaho ngayon diyan? Iyong communication po nila para mai-abot ang kanilang problema sa ating embahada po diyan, papaano po?
AMBASSADOR CATO: Aljo, the embassy is constantly in touch with our kababayan here. Tinatawagan natin sila, almost every day we are in touch with them. May private Facebook group tayo, we discuss issues ano. So we are constantly in touch with our kababayan and alam naman nila kung ano iyong dapat gawin sa kasalukuyan with regards to COVID-19 and the current conflict.
And we would like to assure our kababayan na hindi kami aalis. Instructions iyan ni Secretary Locsin, na we have to stay here and look after our kababayan, at iyong policy nga din na walang iwanan. So nandito kami lahat, for the past year halos walang umuwi sa amin dahil we want to make sure that we would be here to lead our people out of harm’s way.
And malaki iyong pasasalamat natin sa ating mahal na Pangulo dahil a few months ago noong nagpadala sila ng barko rito, din-divert iyong ating BRP Gabriela Silang ano, iyong pinakabagong vessel ng ating Philippine Coast Guard at naka-standby iyon sa Malta ready to come to leave/evacuate our kababayan kung kinakailangan pero kailangan nang bumalik diyan. Pero despite of that, we would like to assure iyong community natin dito sa Libya na nandito tayo, and the same goes to their families in the Philippines.
But of course we just want to tell them at the same time, that iyong response mechanisms ng ating embahada are quite limited because of COVID and the current conflict. So in cases where there will be request for assistance na hindi natin matugunan kaagad dahil may nangyayaring kaguluhan, dahil priority rin natin iyong safety and security ng ating nandito. Dahil once na-compromise tayo, na-compromise iyong embahada, there will be no people to assist our kababayan. Lalung-lalo na ngayong sarado iyong Libya, kahit na magpadala tayo ng mga teams na galing sa Manila ay hindi basta-basta makapasok. So that’s why we have to really make sure na intact kami rito, safe and secure.
At the same time, I’d like to take this opportunity also to assure iyong mga kababayan natin sa Algeria. For the past 2 weeks, we have been working with them. All two hundred—[garbled] Filipinos ‘no, have requested assistance in going home to the Philippines. Sa Algeria 152, working for Hyundai, Samsung and other companies ‘no, mostly construction workers ito at humingi sila ng tulong sa atin dahil natatakot din sila sa COVID.
As mentioned earlier ‘no, dito sa North Africa, Algeria have confirmed cases of 7,019 as of last night and hindi natin masisi iyong ating mga kababayan na kahit may work pa sila rito compared to going home with no work, dahil sa pangamba nila na ma-infect sila ay nag-request na ng assistance mula embahada at nakipag-ugnayan tayo sa mga employers, iyong Hyundai at saka iyong Samsung. At sa tulong ng ating mga kasama sa POEA [garbled] trying to [garbled]. In-explain natin sa ating mga kababayan dahil iyong sa Algeria, 152, hindi tayo basta-basta makapagpadala ng eroplano para kunin sila.
So we have to work with our colleagues in other countries like Morocco for instance, kabubukas lang ng ating embahada sa Rabat. Last year, Morocco was still under the jurisdiction of the Philippine embassy in Tripoli but nabuksan nga natin iyong embahada sa Rabat. I was told there are [garbled] Filipinos who have requested the assistance for repatriation. Kaya siguro magre-request tayo ng sweeper flight to fetch iyong mga kababayan natin sa Algeria/Morocco at isasabay na rin iyong mga nandito sa Libya at saka sa Tunisia. So all in all, about 300 Filipinos sa Africa ang matutulungan nating makauwi.
BENDIJO: Okay. Thank you very much for your time, Ambassador Elmer Cato. Ingat po kayo diyan, sir. Thank you.
USEC. IGNACIO: Iyan, napakahirap ng sitwasyon ni Ambassador Cato. Samantala, balikan po natin si Atty. Martin Delgra, ang Chairperson ng LTFRB. Magandang umaga po, Attorney?
CHAIRMAN DELGRA: Opo, magandang umaga. Pasensiya na po kanina kung hindi po ako naririnig. I hope marinig ninyo na po ako ngayon.
USEC. IGNACIO: Yes, loud and clear, Attorney. Last week po ay naglabas kayo ng guidelines tungkol sa pag-resume po ng taxi at TNVS operations for GCQ areas. Ano po iyong mga kailangang requirements para po payagang bumiyahe ang mga ito, at saka in full blast na po ba iyong papayagang operasyon?
CHAIRMAN DELGRA: Opo. Unang-una, iyong pagpapalabas ng mga alituntunin ng LTFRB patungkol sa pagdi-deploy ng mga public transport, hindi lang po sa Metro Manila, kundi all across the country, alinsunod na rin po sa alituntunin at mandato ng Inter-Agency Task Force. Ang ibig pong sabihin niyan, we have to comply, most especially and principally, on the public health standards that we need to put in place sa ating mga pampublikong sasakyan.
So, unang-una po rito iyong safety consideration. Mayroon pong humihiling na mga operator na kung puwede payagan na sila. Ang sinasabi po natin dito, it is as between public transport and public health. Alam natin kung saan tayo kikiling dito. Ibig sabihin, iyong principal consideration would still be public health.
Having said that, ang tuluy-tuloy na panawagan po natin dito na kahit na pinayagan na iyong mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na puwede nang tumakbo, sinasabi pa rin po natin, our message would still be na kung wala po kayong dahilan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain, medisina, emergency o magtatrabaho – kung puwede lang po, stay home.
Having said that, kailangan din po natin na maghanda rin ‘no kasi alam natin na doon na tayo patutungo sa – hopefully, sooner than later – na luluwag na iyong mga restrictions kasi maganda na iyong datos doon sa … datos pagdating sa virus ano. So pinayagan na po natin last week iyong paglabas ng operation for taxi and TNVS, and yet as I have said, there are safety consideration:
Unang-una po iyan, iyong kailangan masunod iyong social distancing. So in so far as the taxi and TNVS is concerned, hindi po puwedeng lampas ng tatlong tao ang puwedeng sumakay at iyong pangatlong tao po nasa harap. Pero hindi rin po puwedeng sumakay sa harap kung kailangan din po na mayroon iyong tinatawag na barrier na maghihiwalay sa driver from the passengers. Iyong barrier na iyan plastic at transparent, again, for purposes of reducing the risk of transmission;
Sinusulong na rin po natin iyong cashless transaction for taxi and TNVS. Alam po natin na sa TNVS, karamihan diyan, ang bayad po nila is through cashless at ganoon na rin po sa taxi. In fact kagabi po—kahapon, Linggo, nagpulong po tayo doon sa mga providers now, iyong mga tinatawag na cashless payment providers. Iba-iba po itong mga providers na ito, iyong mga TNC mayroon na rin po silang naka-built in na mga electronic payment scheme doon sa kanilang mga mobile apps.
Nandoon po iyong mga GCash, PayMaya, sQuid Pay. Nandoon rin po iyong mga tinatawag na cashless payment provider na gumagamit ng card, kagaya ng BEEP. So pinagpulungan po natin, iyong kahapon, so that we will be able to push cashless transaction. Bakit po natin sinusulong ito? Para po, again to reduce, if not avoid, transmission of the virus by using cash.
BENDIJO: Opo. Chairman, paano naman po ang iba pang mga pinapayagang mga PUVs sa GCQ areas katulad ng bus, mga pampasaherong jeep at mga tricycle? May mga alternatibong paraan ba tayong naiisip na gagawin na paraan ng kanilang pagbabayad?
CHAIRMAN DELGRA: Opo. You mentioned two things po, Aljo, iyong isang pagpapahayag ng mga ibang modes of public transport. Tama po kayo na doon sa mga GCQ areas, kung kailangan po na—first, pinapayagan na po iyong mga bus at modern jeepney. Mayroon po tayong tinatawag na hierarchy of public transport na sinusunod, ito po iyong instruction ni Secretary Tugade that we need to set certain priorities or preferences kung sinu-sino at anong klaseng pampublikong sasakyan ang puwede sa ngayon given public health consideration ‘no.
Unang-una po, nasa taas iyong bus. Bakit po? Dahil alam naman din po natin na because public transport will now be running at least or at most, half their capacity. Then we need to deploy those modes of public transport na mas maraming makakasakay, iyon po ‘yung bus.
Pangalawa po, iyong modern jeepney. Ang susunod po niyan, kung kulang pa rin po doon sa mga lugar na kailangan nang patakbuhin iyong public transport—again, in answer to demand ‘no. No matter how they press demand may be, kasi po alam naman din po natin na may mga tao, klaseng tao na hindi pa puwedeng lumabas ‘no kagaya noong mga minor at saka mga senior. At saka kahit na iyong mga taong puwedeng lumabas, limitado rin iyong option na lumabas ‘no.
So having said that, alam natin iyong demand ay mas mababa kaysa dati. But however on the part of supply, mababa din iyong kapasidad na puwedeng patakbuhin iyong isang pampublikong sasakyan or because of public health consideration, iyong tinatawag nating social distancing measure. So inuuna po natin iyong bus, iyong modern jeepney.
Now having said that as well, na mayroon kayong tanong tungkol sa cashless, iyon din po ang sinusulong natin ‘no. Iyong mga bus po, we have encouraged them and pushed them to go cashless po, so that is our mandate so that, again, to avoid transmission of the virus.
If I may say, ito po iyong programa nito, hindi po ito bago. Even before this pandemic came into our lives, sinusulong na po natin ito as part of our modernization program of our public transport. Ngayon lang nagiging urgent itong pangangailangan to go cashless, kaya mabilis at pinaigting pa natin iyong polisiya for all public transport to go cashless po.
USEC. IGNACIO: Medyo magiging crucial po iyong contact tracing dito if ever po na magkaroon, and with this ire-require po ba ng LTFRB ang bawat driver ng taxi at TNVS na magkaroon ba ng logbook? How would this work? Kailangan bang i-report ito regularly sa LTFRB?
CHAIRMAN DELGRA: Magandang tanong po iyan. Alam ninyo po, part of the safety protocol is contact tracing measures that we will put in place for public transport system. Unang-una po sa bus, iyong sa bus po, minandato po natin na ‘pag lalabas na po sila at papayagan na po sila doon sa mga lugar na puwede silang tumakbo, kailangan po mayroon silang manifesto ng kanilang mga pasahero, kasama iyong pangalan, contact number ‘no. On the part of the bus operator, iyan po ang gagawin ng driver at konduktor doon sa loob ng pampublikong sasakyan.
On the part of the passenger, we are requesting them and appealing to them na kung puwede maisulat din iyong mga sinasakyan ninyo na pampublikong sasakyan. So just in case ‘no, God forbid, mayroon pong balita na mayroon pong isang tao na positibo na nakasakay doon sa isang bus na sinakyan nila, madali lang po silang i-trace – both on the part of the operator at on the part noong mga pasahero.
At having said that, iyong sinasabi ninyo pong tanong sa contact tracing, kaya minumungkahi po natin na pinu-push natin iyong booking online for both TNVS and taxi, kung babalik tayo doon sa taxi and TNVS. Kasi po mayroon na po iyong sistema na iyong tinatawag nating mobile apps, that would take care of contact tracing measure kasi mayroon na po iyong tinatawag na travel history na may record doon sa mobile apps nila. So we would also encourage that as well.
Iyong manifesto po or logbook na kailangan isusulat iyong mga pasahero nila, hindi lang po sa bus po iyan, kung hindi sa lahat ng public transport system – jeep, taxi, lahat na po.
USEC. IGNACIO: Attorney, mayroon bang penalty o dapat parusa doon sa mahuhuling hindi po susunod sa guidelines na ito?
CHAIRMAN DELGRA: Tama po. We are appealing that all would have to comply. We keep on saying that this is a shared responsibility of all and by all ‘no. Hindi lang po sa gobyerno ito na sinusulong kung hindi pati na rin po iyong ating mga stakeholders lalong-lalo na sa mga operators ng pampublikong sasakyan. I hope they comply and we are mandating them to comply.
However, if they will not comply ‘no, then mayroon pong karampatang parusa po iyan ‘no. Iyong karampatang parusa, based on our Joint Administrative Order 2014, iyong unang penalty po niya, P5,000 per violation, tataas po iyan sa susunod na violation, P10,000 at susunod pa hanggang P15,000 at aabot sa suspension or cancellation ng kanilang mga prangkisa.
If I may say, if I may clarify that, iyong pagpapatakbo po ng mga pampublikong sasakyan na sinabi ko na po kanina – bus, jeepney, taxi or TNVS – ang minimum requirement po niyan ay may prangkisa po sila. Pero hindi po sapat iyong prangkisa lang, kaya kailangan pa rin silang kumuha ng special permit.
Ang pagpapatupad po ng ating mga polisiya dito sa LTFRB at DOTr, nakipag-ugnayan na po tayo sa DILG for purposes of monitoring lalong-lalo na sa baba ‘no. Kasi alam natin na the main implementing agency dito sa mga alituntunin at mandatos ng IATF, ang DILG. So we have been engaging DILG on this one and we appreciate the support of the DILG particularly sa baba. I’m referring to the LGU at sa PNP na kaakibat po natin dito sa pagpapatupad ng mga polisiya pagdating sa public transport.
BENDIJO: Attorney, para naman sa mga private shuttles na uupahan ng mga private companies na maghahatid-sundo ng kanilang mga employees, anong certification process ang kailangan nilang pagdaanan? And so far, ilan na pong mga company shuttles ang nagparehistro sa LTFRB for MECQ areas po, Attorney?
CHAIRMAN DELGRA: Medyo naputol sa huling bahagi ng tanong mo, Aljo, pero nakuha ko iyong tanong ninyo po. Tama po iyong sinabi ninyo na especially in Metro Manila and in other places na classified as Modified ECQ, hindi pa po pinapayagan iyong public transport system ‘no. Iyong sinasabi po nating taxi na nagpalabas na tayo ng MC, in those areas na Modified ECQ, hindi pa po sila pinapayagan. Iyong mga sinasabi natin, even as early as May 1, kasi mayroon na pong mga GCQ areas that were classified na pinapayagan na po iyong mga pampublikong sasakyan, ganoon pa man, they still have to comply with the requirements of the IATF.
So dito tayo sa mga lugar na classified as Modified ECQ. Ang pinapayagan lang po na mga pampublikong sasakyan ay mga shuttle service ‘no. I’d like to emphasize that itong shuttle service is what we are mandating and encouraging especially doon po sa mga kumpanya na pinapayagan na po na bumalik sa kanilang mga trabaho iyong mga empleyado nila. Alam natin under ECQ, piling-pili lang po iyong mga essential services. Ngayon under Modified ECQ, mayroon pang dagdag na mga serbisyo na pinapayagan na.
So the mode of public transport [garbled] approved by the IATF is through shuttle service. Bakit po? Ang mangyari po nito, makakasiguro po na iyong mga empleyado na makakapunta sa kanilang pinagtatrabahuan, on time, kasi hatid-sundo po ito so makakasiguro po tayo. Pangalawa, on the part of the employer ‘no, serbisyo na rin po ito sa kanilang mga empleyado, kasi sila po iyong magha-hire ng shuttle service para sa kanilang mga empleyado. And then again, makakasiguro iyong employer or kumpanya na iyong mga empleyado nila would be able to report to office on time.
And I would like to emphasize also na iyong public health consideration dito sa sa shuttle service. Kasi dedicated at focus iyong serbisyo na ito, bahay – trabaho; bahay – trabaho, hindi na po sila kukuha ng mga ibang modes of public transport, lalabas ng bahay at sasakay ng bus together with other people na hindi ninyo po kilala. So, dito po sa shuttle service, dedicated ang serbisyo at nakakasiguro kayo na contained iyong grupo ng mga tao na kasama ninyo galing sa bahay papunta sa trabaho.
So, iyon po iyong bakit natin inirekomenda at in-approve naman din po ng IATF and this was also alinsunod na po sa alituntunin ng ating mahal na Secretary, Secretary Tugade in coordination with the DOTr po.
BENDIJO: Opo. Chairman, may tanong po si Tina Mendez mula sa Philippine Star: Ano daw ang plano ng gobyerno sa pag-deploy ng mga modern jeepney post quarantine period?
Chairman, can you hear me?
CHAIRMAN DELGRA: I’m sorry hindi ko po nakuha. Aljo, iyong bu—
BENDIJO: Iyong ano lang po … ano po ang gagawin ng gobyerno—
CHAIRMAN DELGRA: Ang narinig ko lang po iyong—
BENDIJO: Anong planong gagawin ng gobyerno sa pagde-deploy ng mga modernong jeepney, post quarantine period po, chairman?
CHAIRMAN DELGRA: Post… Actually, iyong mga—if I got your question, napuputol po, sorry po, Anjo. Pero kung nakuha ko iyong tanong ninyo about modern jeepney po, kasama na rin po iyan doon sa preferences or priority kung sino po iyong bibigyan natin ng special permit whether now under … in those areas that are classified as GCQ or even after.
BENDIJO: Okay.
CHAIRMAN DELGRA: Kasi hindi na rin po natin alam kung kailan matatapos itong pandemic na ito, so even if they are allowed to allowed to run under the… in those areas classified as GCQ, hindi pa rin natin [garbled]. So, iyong mga… sa mga public health consideration na kailangan natin ikonsidera at i-implement sa ating mga public transport system, tuloy-tuloy pa rin po ito.
I don’t know if I got your question correctly, sir. Napuputol po kasi, sorry po.
BENDIJO: Tama po iyon, Chairman, nasagot ninyo po. Maraming salamat sa inyong panahon, Atty. Martin Delgra ng LTFRB. Mag-ingat po kayo, sir!
CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po at kayo rin po, keep safe.
BENDIJO: Sa ngayon po ay puntahan natin ang balitang nakalap ni John Aroa mula sa PTV Cebu.
John, maayong buntag!
[NEWS REPORT BY JOHN AROA]
BENDIJO: Daghang salamat John Aroa, PTV Cebu.
USEC. IGNACIO: Kanina, Aljo, ay nabanggit natin sa ating news report iyong second wave ng COVID-19 na hindi imposibleng mangyari dito sa Pilipinas. Ito kasi po ay naranasan at kasalukuyang pinagdadaanan ng mga kilalang mauunlad na bansa gaya ng Singapore at South Korea.
Isa ang Singapore sa mga naunang nagkaroon ng kaso ng COVID-19 sa labas ng China na agad namang inaksiyunan ng pamahalaan nito sa pamamagitan ng maagang pagpapatupad ng lockdown at travel ban sa bansa. Ganoon din ang pagpapaigting ng information drive at contact tracing dito.
Sa loob ng ilang buwan po nagpakita ng mababang bilang ng daily infection at mataas na recovery rate ang Singapore ngunit sa pagpasok po ng buwan ng Abril ay naiba ang ihip ng hangin. Noong April 20 ay naitala sa bansa ang all time high na 1,400 new infections kung saan sa kasalukuyan ay nasa humigit kumulang 20,000 na po ang kabuuang kaso dito. Ito po ang itinuturing na pinakamataas sa buong Southeast Asia at ASEAN region.
BENDIJO: At Usec., kapareho rin nito ang naging sitwasyon sa South Korea matapos ang malaking pagbaba ng mga naitalang kaso sa bansa na tumagal nang ilang araw ay nagluwag ang mga polisiya sa South Korea lalo na sa social at physical distancing. Pinayagan ding magbukas ang karamihan sa mga negosyo tulad ng mga bar, clubs, at mga restaurants.
Ilang araw matapos ang six-day national holiday sa bansa noong huling lingo ng Abril kung saan karamihan ay nag-celebrate sa mga bar, muling nagtala ng unti-unting pagtaas ng COVID-19 cases sa South Korea. Ang dapat sana ay pagbubukas ng ilang klase dito noong nakaraang linggo ay nauwi sa pagbabalik ng mga restrictions at muling pagsasara ng mga establishments doon.
At ngayon nga, maging sa mismong siyudad ng Wuhan kung saan sinasabing nagsimula ang pagkalat ng COVID-19 ay nakapagtala ng panibagong anim na kaso ng sakit, 35 araw matapos i-lift ang 76-day lockdown sa siyudad.
USEC. IGNACIO: Kaya po talagang hindi malayong mangyari iyong tinatawag nating second wave kapag nagkaroon po ng kapabayaan ang bawat isa sa atin. Kaya ang ating paalala, stay at home lalo’t kung wala pa naman pong mahalagang gagawin o bibilhin sa labas.
Samantala, silipin na natin ang bilang ng COVID-19 cases sa ASEAN region as of 6:30 A.M. kanina po. Nananatiling nangunguna ang Singapore sa may pinakamataas na bilang na nagpositibo sa sakit sa buong rehiyon, sinusundan pa rin ito ng Indonesia, pangatlo naman po ang Pilipinas.
Sa kabuuan, ang Singapore din ang may pinakamataas na recovery cases habang ang Indonesia ang may pinakamaraming bilang ng casualty.
Sa buong mundo naman po ay naitala na ang kabuuang 4,708,415 COVID-19 positive; 1,726,771 naman po ang naka-recover; habang 314,915 naman po ang nasawi.
USA pa rin po ang bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo habang pangalawa ang Russia. Kapansin-pansin din ang patuloy pang pagtaas ng kaso sa United Kingdom na ngayon po ay nasa ikatlong puwesto na sinusundan ito ng Brazil at ng Spain.
Samantala, sa patuloy pang paglaganap ng sakit ng COVID-19 sa ating bansa, isa sa mga pinaka-apektadong sektor ay ang mga kabataan. Isa po sila sa itinuturing na pinaka-vulnerable sa ating lipunan kaya naman po ang panawagan ng isang grupo sa bansa: Save the children.
Panoorin po natin ito.
[VIDEO PRESENTATION]
BENDIJO: Maraming salamat sa ating mga naging panauhin ngayong araw at sa ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon.
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 sa inyong araw-araw na pakikiisa sa ating programa. Mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa Presidential Communications Operations Office.
Aljo, thank you.
BENDIJO: Thank you din, Usec. At sa ngalan ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)