USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Samahan ninyo kaming muli para sa isa na namang oras na makabuluhang talakayan kasama pa rin ang iba’t ibang kawani ng pamahalaan. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Good morning, Usec. At ngayong umaga mahahalagang updates kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic ang ating alamin, ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Doctor Madeleine Valera, former DOH Undersecretary; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire; at Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval.
BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat or updates ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
At para sa mga balita: Illegal Logging Task Force muling bubuhayin ng DILG kaisa ang DENR at iba pang sangay ng pamahalaan. Narito ang report: [NEWS CLIP]
USEC. IGNACIO: Kaugnay sa mga balita na umano’y delayed na sahod at hazard pay ng ating mga frontliners at update sa COVID-19 cases sa bansa, makakausap po natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin na natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula kay Red Mendoza po ng Manila Times: Presidential Adviser Joey Concepcion said that the private sectors’ signing of the deal with AstraZeneca for more than 2 million doses of the vaccine is a big risk for the private sector but a worthy risk as it will allow the reopening of the economy. Sa panig po ng Department of Health, do you think po it is worth the risk of the private sector to acquire these vaccines kahit pa daw po hindi ito nakakapasa sa clinical trials?
DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, ito naman ay mga negosasyon pa lang ano na ginagawa sa ngayon. If the private sector place that, para bang nagkaroon na sila nang paunang mga agreements ‘no with these companies, hindi naman po iyan mangyayari hanggang hindi nakakapasa po iyang mga bakunang iyan dito po sa regulatory process natin. It’s just like they are having this advance commitment para lang makasigurado na mayroon tayong allocation na ganito kadami kung sakali sa private sector. Pero hindi naman po iyan ibibigay kung hindi pa papasa sa regulatory process natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza: Magkakaroon po ba daw ng guidelines on how the private sector can acquire vaccine? Iri-regulate po ba ito para hindi basta-basta ang pag-acquire nila ng vaccine na wala pang clinical trial?
DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon na ho tayong existing na regulatory process and we always say that ‘no, na lahat po na papasok na teknolohiya dito has to undergo this regulatory process na mayroon tayong vaccine experts panel and then it goes through the Food and Drug Administration. ‘Pag lumabas na po sa Food and Drug Administration, it has been registered and authorized, it is the free market na po iyan ano, puwede nang mag-access ang ating private sector.
So yes, there is regulatory oversight ang gobyerno natin, hindi natin papayagan na makapasok sa ating merkado kung sakali na wala pang rehistro o authority from FDA kasi hindi masisiguro kung ito ay ligtas at saka ito ay epektibo.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Athena Imperial ng GMA News: Ano po iyong guidelines ng Department of Health para sa Christmas parties? Recommended po ba na mag-Christmas party, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Ito po iyong ating naipalabas ‘no through our department circular. Ang sinasabi po natin, mayroon ho tayong mga alternative ways of doing our Christmas parties. Alam ho natin na sabik na ang ating mga kababayan na gawin iyan pero sana intindihin pa rin nila na nandiyan pa rin iyong virus and kung maaaring maiwasan po natin iyong pagsasama-sama ng maraming tao ay iwasan po natin iyan.
Doon po sa guidelines, naglagay po tayo ng low, medium and high risk activities that we’ll be doing at hindi muna natin nirirekomenda para sa parating na Kapaskuhan.
So iyon lang po na kung mag-party kayo, dapat within the household lang. Huwag na muna tayong mag-imbita ng mga ibang kamag-anak na pupunta pa sa ating bahay. Nandiyan pa rin ho iyong pag-physical distance natin, huwag na muna po tayong magkakaroon ng mga buffets style ng kainan kasi maari din po na magkaroon tayo ng mga impeksiyon ukol dito and also iyong well ventilated space dapat.
USEC. IGNACIO: Uhum. Mula pa rin po kay Athena: Puwede po ba iyong pagbisita sa mga kaanak o pagtanggap ng mga bisita tuwing Pasko?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ang ating nirirekomendahan na sana huwag na muna po tayong magkaroon ng mga ganitong pagtitipun-tipon dahil dito po maaaring magkaroon ng mga paghahawa-hawa ng impeksiyon. Kung maari within the household muna iyong magpa-party, huwag na muna ho tayong magkaroon nang pagpunta sa kamag-anakan this coming holidays dahil iyan po ay napaka-risky at iyan po ay maaring makapagdulot ng pagtaas uli ng kaso dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Rida Reyes ng GMA, ang patanong niya: Tuwing Christmas season po naging practice na ng ilang local and national government officials na magsagawa po ng Christmas outreach programs. Ano po ang guidelines ng DOH tungkol dito; posible pa rin po bang masunod ang social distancing protocols sa ganitong activities?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ang atin pong gustong bigyan ng request ‘no na sana po hinihikayat natin, both the national government agencies and local government units na sana magkaisa po tayo dito sa mga ipinapatupad natin na maiwasan muna po natin ang mga ganitong activities because it’s going to draw crowd at kapag ho maraming tao, nandiyan po iyong posibilidad ng risk of being infected. So sana po kung mayroon po tayong mga outreach programs, maipatupad natin ito pa ring mga existing minimum public health standards natin at mayroon ho tayong mga pamantayan depende sa quarantine level ng isang lugar kung ilang tao lang ang puwedeng magsama-sama sa isang lugar na well-ventilated kapag ho papayagan natin ang mga ganitong activities.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Rida Reyes: May strategy in mind ba ang Department of Health kung paano po maa-achieve ang herd immunity to COVID? WHO said dapat may targeted vaccination of people most likely to transmit the virus in order to achieve 60 to 70 percent immunity.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky ‘no, it’s already included in our vaccine implementation plan kung saan unang-una sinabi na rin po ng ating Vaccine Czar that we need to reach about 70 million of our population so that we can achieve herd immunity. But we know there are a lot of factors for us to be able to achieve that kaya nga ang sabi natin, iyon muna tayo sa strategy na targeted tayo, iyong priority population the most vulnerable at iyong mga taong iyan naman kasi po ang talagang frequently exposed or iyong mga indigents at saka mga senior citizen, sila po iyong at risk of getting the infection more than the rest of the population. So ito po iyong mga strategies na tinitingnan natin na gagawin natin kapag nagpatupad tayo ng pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ba daw iyong rason bakit nadi-delay diumano, ang sahod, hazard pay at special risk allowance ng ating mga frontliners? Saan po ba talaga nagkakaroon daw ng problema?
USEC. VERGEIRE: Marami pong factors iyan, Usec. Rocky ‘no. Unang-una, iyong interpretation ng batas natin, iyong Bayanihan I and Bayanihan II. Doon po sa Bayanihan I, nagbigay ng authority itong batas na ito na magbigay tayo nitong mga incentives sa ating healthcare workers pero specific po iyan na sinabi doon lang sa nag-duty during the time of ECQ noong March 15 to May 16 – that was Bayanihan I. And noong pinalabas po iyan, marami po sa ating mga facilities ang walang additional budget or extra budget for that, so what we did was to provide additional funds to our government facilities para maibigay po iyang mga incentives ng ating mga healthcare workers.
Doon sa Bayanihan II po na [garbled] mayroon na tayong AO 35 and 36 at nakapag-download na rin tayo ng pera para dito para maibigay na.
So doon naman ho sa mga isyu katulad po sa UP na isyu, hindi po sila under ng DOH, so hindi ho galing sa atin ang budget nila. Nakapagsabi na rin sila na kulang talaga iyong budget nila for MOOE kaya hindi nila maibigay, although mayroon na ho silang na-source na funds at mari-resolve na po nila iyong issue.
So ang isa pa hong factor kung bakit nadi-delay, hindi lang naman po ang gobyerno ang may proseso – kailangan iyong mga healthcare workers also kapag hiningan po sila ng needed requirements or document para mai-facilitate ang kanilang suweldo, naipapasa rin po nila nang tama, kumpleto at saka on time. Kaya lang po minsan nagkakaroon din ng delays dito sa prosesong ito kaya minsan nagkakaroon tayo ng mga delays na ganito.
Pero in the whole po and bottom line natin, ayaw po natin na nagkakaroon ng ganitong isyu because we know the value of our healthcare workers. Kaya po sa tuwing nagkakaroon ng ganito, we investigated at once at binibigyan po natin ng solusyon para diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may lumabas din pong balita na posible diumanong magdulot ng pagkabaog sa mga lalake ang COVID-19. Ano po ba ang paliwanag dito?
USEC. VERGEIRE: Ito po ay ating pinag-aaralan ‘no. Actually, nakita po natin iyang artikulo na iyan noong isang linggo, at ito po naman ay ibinigay natin sa ating mga eksperto para bigyan tayo ng appropriate na pagpapaliwanag kung paano ito. So maglalabas po siguro tayo ng pagpapaliwanag sa isang linggo. Pero ang sinasabi ko lang, ito pong mga ganitong mga binibigay ‘no, kailangan pag-aralan muna natin; huwag muna nating paniwalaan. We should have adequate and further evidence para dito bago po tayo makapagsabi at makapagrekomenda sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. May report din po na ayon daw po sa former vice president ng Pfizer na hindi na raw po kailangan ng bakuna dahil tapos na o natapos na raw po ang laban sa COVID-19 pandemic. Totoo po ba ito at ano po ang masasabi ninyo dito, Usec?
USEC. VERGEIRE: Well, alam naman po ng ating mga kababayan kung ano po ang estado natin ngayon. Alam po nila, alam nating lahat na mayroon pa rin hong mga naitatalang mga kaso sa araw-araw natin na mayroon tayo dito sa pandemyang ito. So hindi po totoo na tapos na iyong pandemic, nandito pa rin ho iyong virus. At hanggang hindi po tayo nakakahanap ng tamang gamot o tamang bakuna ay the virus is here to stay. That’s why we cannot be complacent, kailangan tuluy-tuloy pa rin po ang pagpapatupad ng minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, Usec., gaano na po karaming medical health workers iyong tinamaan ng sakit, nagpapagaling sa COVID-19? May mga reports pa rin po ba kayong natatanggap kaugnay doon sa sinasabi nating discrimination sa ating mga health workers? Mayroon pa po ba nito?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Sa ngayon po, we have 233 active cases ‘no ng COVID-19 among our healthcare workers. Ibig sabihin, sila po iyong nagpapagaling pa lang dito sa sakit na ito. Mayroon pong 12,002 na naka-recover na dito sa virus, and that is 97.5.%. And mayroon tayong .6% lang na case fatality rate.
As to the discrimination, noong una po tayo ‘no, mga early months of the pandemic, talagang nakita natin iyan at naririnig at naobserbahan na mayroon talagang diskriminasyon. Pero as the months have passed, nakita po natin na unti-unti naman pong nawala na, na-accept na ng mga tao iyong value ng ating mga healthcare workers kung gaano po sila kahalaga sa atin at hindi po sila dapat ma-discriminate.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para naman po sa mga fallen medical health workers, kumusta po iyong update sa ipinamamahagi ninyong financial assistance para po sa mga naiwang pamilya?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec., so nakapag-release na po kami ng 53 na checks for COVID-19 severe cases and 55 checks for COVID-19 related deaths.
Para po doon sa mga severe cases, mayroon [garbled] pa na ibibigay na, for check issuance na. And for the deaths, mayroon po tayong lima pa na for check issuance. And then we are now currently evaluating 79 cases of severe cases for healthcare workers and 20 more deaths na ini-evaluate natin kung totoo ba talaga, naba-validate, it’s about COVID-19 ang kanilang sakit o kaya pagkakamatay para mabigyan na ho natin sila ng kanilang benefit.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa pag-lift naman po ng deployment ban sa mga medical professionals, limited lang po. Papaano ba ang magiging siste sa pag-apruba ng mga papayagang makaalis?
USEC. VERGEIRE: Actually, ma’am, it was provided doon sa resolution ng IATF kung saan sinasabi nila, mayroong 5,000 medical professionals madi-deploy per year. Ang basic rationale, is for us, the country, will be left with enough healthcare workers especially kapag nagkakaroon tayo ng mga ganitong sitwasyon like pandemics at hindi nauubusan ang ating bansa.
So pag-uusapan pa po ang implementing guidelines for this deployment strategy, at magbibigay po tayo ng information in the coming days.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang po ang inyong mensahe para sa mahigit tatlong libong bagong mga doktor sa bansa. At ano po ang ginagawa ng Department of Health para hikayatin sila na huwag na po munang mangibang bansa?
USEC. VERGEIRE: Yes. Unang-una po, siyempre gusto ho natin silang i-congratulate lahat. And this is quite a feat and we like to congratulate you coming from the Department of Health. Niri-recognize po natin iyong value ng ating mga doktor and the rest of our healthcare workers. And ang atin pong mga ginagawa ngayon, we already have standardized our salaries in government para po naman maging competitive ang mga suweldo ng ating mga doktor dito sa gobyerno. Mayroon din ho tayo na malawak na mga training programs in our hospitals na maaari naman pong maging interested ang ating mga doktor para dito na lang po mag-train and not to go abroad.
So, mayroon na ho tayong enough na mga incentive programs para po sa ating mga doktor at hinihikayat po natin sila na manatili dito; tayo ay magsilbi sa ating bayan at tulungan ninyo po ang gobyerno para po tayo ay magkaroon nang mas maayos at robust na health system.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
ALJO BENDIJO: At samantala, sa iba pang mga balita: Higit isanlibong residente ng Plaridel, Bulacan na naapektuhan ng pagbaha, tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Narito ang report:
[VTR]
ALJO BENDIJO: At sa gitna po ng ating laban sa COVID-19, may ibang mga sakit, kagaya ng cancer, ang patuloy pa rin na nilalabanan ng ilan nating mga kababayan. At upang mas maintindihan natin ang kanilang kalagayan, makakausap natin ang former Undersecretary ng Department of Health na si Dr. Madeleine Valerio. Magandang umaga po, Dr. Valerio.
DR. VALERA: Magandang umaga, Aljo. Puwede i-correct lang, Valera, Dr. Valera. Baka magtampo ang asawa ko, akalain niya iba na asawa ko.
BENDIJO: Opo. Pasensiya na po Dr. Valera. Opo, sorry po. Sorry, tao lang. [laughs]
DR. VALERA: Okay lang. [laughs]
BENDIJO: Anyway kasama natin si Undersecretary Rocky Ignacio, Dr. Valera. Sa ngayon kumusta po Doc. ang sitwasyon ng mga kababayan po nating lumalaban sa sakit na cancer lalo na po iyong mga lagay ng kanilang pagpapagamot sa mga ospital po?
DR. VALERA: Noong unang buwan, mga bandang April/May at saka even up to July at August medyo hirap iyong ating mga kababayan na may cancer na magpa-chemotherapy kasi nga iyong mga lockdowns at saka hirap din sila, walang transportation. But now medyo okay na, may mga cancer groups na tumutulong na sila ay mabigyan ng mga transport means para makapunta sa mga hospitals at pagkatapos iyong mga hospital naman ay mayroon din silang ginawang paraan para hindi na mahalo sila, mga cancer patients, sa mga ibang pasyente lalo na may COVID.
We have to also be aware na kapag hindi nakakuha ng cancer therapy ang ating mga Pilipinong may cancer, mas delikado silang magkaroon ng COVID at mamatay sa COVID. So may study rin na ginawa ang Lancet na ‘pag sila naman ay nabibigyan ng kanilang tamang therapy at continues na nabibigay sa kanila ay sila naman ay madaling makaiwas sa COVID.
BENDIJO: Para po sa kaalaman ng atin pong mga nakikinig at nanunood po ngayon Dr. Valera, ano po itong tinatawag na immunotherapy na tinatawag po? Immunotherapy.
DR. VALERA: Ah, okay. Immunotherapy – magandang tanong iyan Aljo ‘no, oo – medyo may pagka-scientific lang ang ating explanation diyan.
Ang immunotherapy is a type of cancer treatment that boosts the body’s natural defenses. Lahat tayo may mga immune system ‘di ba? Sabi nga natin even cancer cells are inside our bodies pero dahil malakas ang ating immune system ay hindi agad nakakapasok ang mga impeksiyon. Sabi nga ni Senator Bong Go, kung malakas ang inyong immune system ay madali mong malabanan ang mga sakit – ganoon din sa cancer.
So kapag ang ating immune system ay matibay, hindi ka agad-agad magkakaroon ng sakit kagaya ng cancer. So iyong immunotherapy, it’s a new treatment na nilalabanan niya ang cancer substances in our body. Mayroong made in the lab, mayroon naman na mismo ‘yung iyong immune system ibu-boost niya ‘yung iyong sariling immune system.
So you introduce iyong immunotherapy treatment para i-improve ‘yung iyong sariling immune system.
BENDIJO: Opo. Mayroon din tayong tinatawag na National Integrated Cancer Control Act. Dr. Valera, can you tell us more about this? Ano po iyong ginagawang hakbang para po masiguro ang pondong kakailanganin for innovative treatments katulad po nitong dini-discuss nating immunotherapy para po sa mga cancer patients sa ilalim nitong NICCA, Dr. Valera?
DR. VALERA: NICCA, oo. Salamat, Aljo ‘no.
NICCA kagaya ng Universal Healthcare Law ay isa sa batas na naipasa noong 2019 February, ano iyon eh, gift of love of the Senate and the Congress and our President. So itong NICCA na ‘to will provide additional cancer support to our patients. Included sa NICCA iyong pagkakaroon ng funding of cancer assistance fund o pagkakaroon ng tinatawag na cancer assistance fund at pagka-formulate o pagka-setup ng National Cancer Council na para siya mismo ang gagawa ng mga polisiya kung paano suportahan ang mga cancer patients kagaya ng paggawa ng consensus clinical practice guideline, kung paano gagamutin ang mga cancer patients, it includes innovative treatment options, kung magkano ang cost of cancer care.
Dahil iba-iba kasi ngayon ang cost ng cancer care at para mabigyan nang magandang tamang budget ang NICCA ay dapat alam natin kung magkano talaga ang cost ng pagti-treat ng cancer, that will also include other innovative treatment options kagaya ng immunotherapy.
BENDIJO: Opo. Iyong mga hakbang, anu-ano po itong mga hakbang mula po sa pamahalaan at iba’t ibang stakeholders, Dr. Valera, na kinakailangan para po masimulan iyong full implementation po nito?
DR. VALERA: Well of course umpisa, ma-setup muna natin ang cancer council kasi hindi pa siya nasi-setup eh one year na. Sana naman po… nakikinig siguro ang aking dating staff, si Usec. Vergeire ngayon na sana maibulong niya na baka naman ma-setup na natin ang National Cancer Council na composed ng mga dalubhasa sa cancer na mga doctor, mga siruhano/surgeons, cancer patients group, cancer advocates at iba pang mga espesyalista na tutulong para gumawa ng polisiya tungkol sa cancer care.
Sumunod diyan ay ang pagbigay ng budget. Alam ko na medyo hirap tayo ngayon sa budget dahil mayroon nga tayong COVID pero sana naman ay mabigyan din nang tamang budget ang NICCA, tinatawag na NICCA kasi useless magkaroon ng law kung wala naman itong pera na para mai-implement at maibahagi sa mga pasyente.
At ang pangatlo, ay magkaroon nang magandang pag-aaral. Ano pa bang mga magandang options, care treatment options na puwedeng ibahagi o ibigay at i-recommend ng cancer council. Under the UHC Law kasi, mayroong binuhay na isang committee – tinatawag na Health Technology Assessment Committee. Paano ngayon ang relasyon ng Health Technology Assessment Committee na siya mismong gagawa ng polisiya kung ano iyong mga bagong teknolohiya ‘no, technologies kagaya ng mga vaccines at mga gamot na puwedeng bilhin ng gobyerno at puwedeng bayaran ng PhilHealth.
So dapat mag-usap silang dalawa ng cancer council at iyon ay magagawa lamang kung may maganda tayong mga datos, mga data na puwedeng gawing basis as evidence for coming up with the proper policies. Mayroon na ngayon, madami na ngayong gumagawa ng mga ganoong pag-aaral, kumakalap ng mga datos para maging evidence sa mga bagong polisiya sa cancer treatment.
BENDIJO: Opo. Dr. Valera, ano pong dapat gawin ng atin pong mga kababayan, mga pasyente po na may sakit na cancer at iyon pong nangangalaga ng mga pasyenteng may sakit na cancer at iyon pong mga advocate groups nito pong may sakit na cancer at ilan pang mga organisasyon upang tawagan po ng pansin ang atin pong mga kinauukulan na magkaroon na po nang proper funding/pondo of cancer care dito po sa ating bansa?
DR. VALERA: Magandang tanong din iyan, Aljo ‘no. Kaya naipasa rin ang NICCA ay dahil sa mga advocates at saka sa mga pagsulong ng mga cancer patients group. Isa sa mga active na grupo ng mga pasyente ay ang mga cancer patients. Mayroon silang tinatawag na ‘connect and collect’ strategy – meaning, they continuously gather information, perspectives and they partner with other institutions, public and private, para ma-intensify iyong support at sustain iyong momentum and solidify the agreement on priorities for cancer care.
So sana nga, with the patients’ voices, cancer patients’ voices ay marinig ito ng Department of Health, ng ating mahal na Pangulo, at ang mga iba pang mambabatas para maisulong na talaga kung ano iyong nasa NICCA Law. Sayang naman eh, ang ganoong batas na kung mai-implement sana, ito ay isa sa mga batas na maaalala at hindi makakalimutan ang ating mahal na Pangulong Duterte.
ALJO BENDIJO: Opo. Malaking challenge po talaga, Dr. Valera, ito pong pagpupondo ng immunotherapy. Papaano po natin masisiguro na talagang tuluy-tuloy lang, masu-sustain ito pong funding treatment ng atin pong national government at ilan pang mga stakeholders, Doctor?
DR. VALERA: Well, just like any health financing, hindi lang siguro sa cancer, isa sa problem ang sustainability – ang funding. Continue dapat ang pag-aaral – magkano ba talaga ang cost ng cancer care? Magkano ba talaga ang presyo ng isang immunotherapy? Madami kasing type ng immunotherapy, so ano ba talaga ang puwede nating ma-prioritize among the different existing immunotherapies. Mayroon na ngayon dito sa bansa natin at hindi lang siguro dapat ang gobyerno ang gagawa ng paraan for sustaining them. Nandidiyan din ang mga private corporations, ang mga pharmaceutical who can also support and help in ensuring na available itong mga immunotherapies na ito at other innovative cancer treatment at a cost that can be affordable.
Iyan ang palaging problema natin, paano nga natin ito mapa-prioritize among the different diseases lalo na ngayong may COVID. Pero siguro, hopefully, once na available na itong ating funds at itong mga immunotherapies ay naibigay na at nagagamit na ay bababa na ang presyo ng treatment. Ganoon din naman in any other diseases, kagaya ng COVID vaccine – it’s a kind of immunotherapy vaccine. So umpisa medyo mahal, kalaunan, bumababa na rin ang presyo ng treatment. Pero kailangan sama-sama tayo, tulung-tulong para maisulong itong bagong batas at mai-sustain ang support lalung-lalo na ang financial support, ang funding sa ating mga kababayang may sakit na cancer.
ALJO BENDIJO: Opo. Doc, papaano po nai-improve ng immunotherapy, sa pangkalahatan po, ang buhay ng mga cancer patients?
DR. VALERA: Okay. Sabi ko nga, madaming type ng immunotherapy. Tayo, may sarili tayong immune system. Parang ninja iyan ng katawan natin. So kapag may dumating na o nasa loob natin, nakikita niya na ito ay nag-a-activate ng masama o hindi ito umaayon sa tamang itsura niya, ang immune system natin can release a protein na puwede niyang dakmain at patayin iyon. Pero kung mahina ang ating immune system, so hindi niya magagawa iyon, wala tayong ninja to support our immune system.
So mayroong tinatawag na mga monoclonal antibodies that will boost your immune system at ini-inhibit iyong cancer cells. Ang cancer cell, may mga checkpoints iyan eh, parang sa kalye din natin ‘di ba may mga checkpoints. So ang ating tinatawag na monoclonal antibodies will boost your immune system by inhibiting or stopping the immune checkpoints. Iyong immune checkpoint is normally used by the body to naturally stop the immune system’s response and prevent it from attacking healthy cells. Unlike iyong chemotherapy, regular chemotherapy, pati iyong normal and healthy cells ay naapektuhan at nasisira at namamatay.
So medyo matalino itong mga cancer cells kasi, it can find ways to hide from your immune system by activating these checkpoints. So iyong checkpoint inhibitors will stop the ability of the cancer cells to stop the immune system. So imbes na iyong cancer cell ay i-stop ang immune system para labanan sila, iyong checkpoint inhibitors will stop iyong ability ng cancer cell para hindi i-stop ng cancer cell ang iyong immune system. And therefore, this monoclonal immune therapy will amplify your body’s immune system to help destroy the cancer cell.
ALJO BENDIJO: Opo.
DR. VALERA: Medyo maano ‘no, scientifically? But kung iisipin, madaling intindihin. You need a booster to your immune system so your cancer cell will not be attacking your own self.
ALJO BENDIJO: Opo, kasi mayroon talaga tayong cancer cell na nasa ating katawan so pangalagaan na lang po natin iyan, Doc, tama ho ba ‘no, na iyong mga paraan na talagang mabubuhay sa huli so dapat pataasin natin ang ating immune system.
Pero aside po doon sa treatment, Doc, ano po iyong iba pang mga efforts/pagsisikap na ginagawa natin para ipakita ang suporta sa lahat ng mga may cancer lalo na sa kanilang pakikipaglaban dito po sa sakit na ito?
DR. VALERA: Well, mostly kaming mga cancer advocates, gumagawa kami nga ng ganitong mga information campaign para matulungan ang ating mga pasyente. Mayroon na ngayong sini-set up, kasama na rin ang UHC, iyong tinatawag na navigation system. Like sa Philippine Children’s Medical Center, sa PCMC, na when I was an undersecretary, mayroon silang tinatawag na navigation system that helps the patients where to find medicines, where to find additional financial support. Ang mga pharmaceutical industry naman, they provide also some special low-cost care for which they can assist the patients, may special discount silang binibigay. May mga cancer groups na tumutulong para hanapan ang mga mahihirap nating kababayan na may cancer na magkaroon sila ng cancer treatment.
At mayroon din ngayong grupo ng mga pasyente na nag-aaral ng health technology assessment para makagawa rin sila ng mga magagandang researches at makatulong din sa gobyerno para magkaroon ng magandang evidence. So tulung-tulong, sama-sama, nagtutulungan kami para mapaabot sa ating mga kababayan iyong tamang cancer care at matulungan din ang gobyerno na with all this burden of COVID ay more or less mayroon namang nakikisama para maipatupad itong NICCA at maibigay ang mga services sa ating mga kababayan. Hindi kasi kakayanin ng isa lang eh, dapat magtulungan tayo.
ALJO BENDIJO: Opo. Totoo po iyan, Doctor Valera. Nakalimutan ko lang iyong kataga kanina, iyong free radicals, iyon ang iwasan natin na pumasok sa katawan para hindi magti-trigger ng cancer cells. So dapat i-boost natin ang immune system.
Samantala, Doc, may mga katanungan po tayo mula po sa ating mga kasamahan sa media na nais pong magtanong po sa inyo. Mula kay Red Mendoza ng Manila Times. Ang kaniya pong tanong: Ina-assure po ba ng mga ospital natin na mapapangalagaan ang mga cancer patients laban sa COVID-19 dahil sila ay isa sa mga vulnerable ngayong panahon na ito, Dr. Valera?
DR. VALERA: Thank you, Aljo ‘no. Oo, ang Department of Health ay may na-identify na mga tinatawag na apex hospitals – government hospitals that are providing cancer care. Ang mga private hospitals din, lalo na iyong mga tertiary private hospitals all over the country, sila rin ay nagsimulang i-open ang kanilang cancer services sa mga pasyente. And na-mention ko nga kanina, may ginawa silang paraan para ang mga cancer patients ay hindi mahalo sa ibang mga COVID patients o iba pang mga pasyente para iwas infection at maprotektahan din sila.
May available na ngayon, open na sila and I hope the cancer patients will not be afraid to go to the hospitals to have their treatment dahil sabi nga natin, safe pang pumunta sa ospital ngayon kaysa sa mall.
BENDIJO: Opo. Doc., ano na lang po ang inyo pong mensahe sa atin pong mga tagasubaybay ngayong umagang ito?
DR. VALERA: Salamat sa pagkakataon na mabigyan kami ng panahon para maibahagi ang bagong tinatawag na innovative options for cancer treatment. Sana naman ay maipatupad na natin bago matapos ang taon, ang NICCA, by having the Cancer Council established para magkaroon nang tamang funding at sana naman po ay continuous ang support na maibahagi ng ating gobyerno at ng iba pang mga pribadong sektor sa ating mga kababayang may cancer.
Isa sa ho sa saklap ng magkaroon ng isang cancer ay dahil sa gastusin na ito ay—pagka sa mga treatment niya at madami na rin ho ngayon mga bagong cancer treatment na makakatulong para gumanda po ang quality of life ng ating mga pasyente para naman humaba ang kanilang buhay at habang may cancer, hindi ho magiging masyadong masakit ang kanilang nararamdaman.
It’s not just to keep our patients alive but we should keep them well enough to enjoy life with their family, love ones and friends.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon.
DR. VALERA: Maraming salamat sa inyo.
BENDIJO: Opo, Dr. Madeleine Valera. Maraming salamat po, Dr. Valera.
Samantala, kakapasok lang po na balita kaugnay po sa tuluy-tuloy na pagbuhos nang malakas na ulan, muli na naman pong binaha ang ilang mga kabahayan diyan sa Zone 5, 6 at 7 sa Annafunan East, Tuguegarao City. Kaya naman pinapaalalahanan ang mga kababayan natin sa mga lugar na iyan na maghanda sa posible pang pagtaas ng baha at kung maaari ay lumikas na. Naglabas na rin po ng road status advisory ang NDRRMC sa mga kalsada at tulay na hindi na puwedeng madaanan ng mga motorista ngayong araw. Kaya naman manatiling nakatutok sa PTV para sa iba pang mga updates.
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman sa pagpasok at paglabas ng bansa sa gitna ng flight restrictions dahil sa COVID-19 pandemic, iyan ang ating alamin kasama si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval. Magandang araw po.
Ms. Dana? Okay, mukhang nawala sa linya ng komuni—Ms. Dana, naririnig ninyo na po ako? Okay, balikan na lang po natin si Ms. Dana Sandoval.
BENDIJO: Samantala sa iba pang mga balita, tatlong kababayan natin mula naman sa Cavite, Pasay at Caloocan ang pinaabutan din ng tulong. Alamin natin ang kanilang kuwento, narito ang report: [NEWS CLIP]
USEC. IGNACIO: Okay. Balikan na po natin ang Spokesperson ng Bureau of Immigration, si Ms. Dana Sandoval. Ma’am, good morning po.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Good morning, Aljo. Good morning. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana, ano po iyong protocol para sa mga foreign investors na muli na pong pinapayagang makapasok sa bansa?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well [garbled] na pumapasok sa bansa even for [garbled]…
USEC. IGNACIO: Okay. Ms. Dana, babalikan po namin kayo ano po kasi nagkakaroon po ng…choppy po iyong inyong komunikasyon sa atin.
Samantala, dumako naman po tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of November 27, 2020 umabot na po sa 425,918 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,631 new COVID-19 cases kahapon. 46 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na po sa 8,255 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 387,616 with 370 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 30,047.
Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan po nang pagsailalim ng COVID-19 test kung kinakailangan at siyempre katuwang pa rin po dito ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin: [VTR]
Okay. Muli po nating balikan si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval. Magandang araw po Ms. Dana, paumanhin na po.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Hi. Good morning po, Usec. Rocky and Aljo. Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po ulit dito sa ating Laging Handa Public Briefing. Ms. Dana, ano po iyong protocol para sa mga foreign investors na muli na pong pinapayagang makapasok sa bansa?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well it’s the same po, iyong protocols po natin for foreign investors and other foreign nationals po na pinapayagan po natin na pumasok ng bansa. Kailangan po nila nang valid and existing visa, so kailangan po mayroon po sila either EO 226 – SIRV under EO 226 or 47(a)(2) issued by the Department of Justice or Section 9d, iyong Treaty Trader’s Visa, iyan po iyong mga pinapayagan under foreign investors. Also they should have a pre-booked quarantine facility and a COVID testing provider and of course subject po sila sa maximum capacity ng in-bound passengers as set po by the National Task Force for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana sa inyong tala, puwede ninyo po bang ikumpara kung gaano karaming foreign nationals ang dumating na sa bansa ngayong taon at gaano rin po karami iyong mga umaalis at inaasahang aalis pa po ng bansa?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, nakikita po natin parang nagkaroon po ng exodus ng mga foreign nationals dito sa bansa. For the first time po siguro in history or in a long time eh mas marami po iyong umaalis kaysa sa dumadating po. For 2020, nasa 1.5 million po ang dumating dito sa Pilipinas samantalang, almost sa three million na po ang umaalis po ng bansa. So mas marami po iyong umaalis ng Pilipinas. And we this trend po siguro until the end of the year, until the early next year po na marami pong umaalis habang mayroon pong pandemic. I’m sorry, rather, two million po iyong umalis ng bansa for 2020.
So this has a big effect po siguro sa atin dahil for the past few years po, nakikita po natin upward iyong trend po ng foreign arrivals dito sa bansa following na rin po ng pinaigting po na efforts ng Department of Tourism to invite foreign tourists dito sa Pilipinas, so nakikita po natin na malaki po ang magiging impact nito sa ating ekonomiya as well.
USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon po ay inilabas na ng IATF na puwede na rin iyong mga balikbayan dito na visa-free. Ano po ang detalye tungkol dito?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes po, yesterday po ay pinayagan na po ng IATF. Iyong balikbayan po, just for clarification para po sa mga viewers natin and listeners, iyon po iyong spouse and children of Filipinos, as well as iyong former Filipino po – iyong dati pong Pilipino na naging foreign national na – kasama po iyong kanilang asawa at iyong mga anak po. So kailangan po, ang requirements po diyan is they should be travelling with the Filipino or the former Filipino and they get a one-year balikbayan privilege.
So ito pong balikbayan, sila po ay kailangan included po sila doon sa list ng hundred fifty-seven countries that are visa-free according to Executive Order no. 408. And same din po iyong protocols iyong kailangan nilang harapin pagdating po nila dito sa Pilipinas. And recommendation po namin is, additionally, is that they should cue together pagdaan nila sa Immigration for easier reference po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana, kasi dahil diyan inaasahan ninyo iyong pagdating ng mga pinapayagan diyan sa IATF na bagong regulasyon. So maglalatag po ba nang mas mahigpit pa rin na patakaran ang Bureau of Immigration para matiyak pa rin po na nasusunod iyong health and safety protocol nang sa ganoon ay hindi pa rin kumalat iyong COVID-19 po?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Definitely po, we’re very strict po dito sa ating social distancing sa ating airport lalo na po ngayong paparating na Kapaskuhan. We’re expecting, maaari pong pumalo moderately iyong damage po ng pasahero. But it will not be as much as the previous years. Sa tingin po natin ay hindi po ito papalo ng ganoong karami kagaya po ng mga nakaraang taon.
And following nga po itong pag-a-allow po sa mga balikbayan, it would allow po the Filipinos to be reunited po with their families ngayong Kapaskuhan. So we’re very strict about that and we are on standby po na magdagdag ng additional personnel kung sakali po na dumami po muli ang mga bumibiyahe this coming Christmas season.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana, maiba po ako ano. Kaugnay naman dito sa pastillas scam na iniimbestigahan sa bureau, plano pong mag-hire ng mga bagong personnel. So kumusta na po iyong update na isinasagawang organizational assessment po?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Kasama po iyan sa mga long-term solutions na nakikita po natin is magdagdag po tayo ng personnel lalo na po it’s 86 iyong na-implicate dito sa pastillas scam po which is a big blow dito po sa manpower ng ating mga tauhan po sa airport.
So we’re looking at iyong i-expedite po iyong hiring process for another one hundred Immigration officers sa mga susunod na buwan. Ito po iyong mga nag-apply pre-pandemic po, bago pa po iyong pandemic. And gusto po natin ma-expedite po agad itong hiring process nitong mga ito at kaagad-agad po ay mai-deploy po sila para maihabol po sa Christmas season.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Dana, sa gitna po na kinakaharap na isyu ng Bureau of Immigration, tinitingnan po nina Commissioner Morente iyon pong tinatawag na long-term solution sa pagpasa sa proposed Bureau of Immigration Modernization Law. Anu-ano po ba ang nakapaloob dito, at kung sakali, gaano kalaki po ang maitutulong nito sa tanggapan?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, Usec. Rocky, nakikita talaga natin na iyong bagong law is the long-term solution for this problem na paulit-ulit pong nagiging problema ng bureau. Our law is an eight-year old law; lumang-luma na po siya and iyong mga provisions po niya are already outdated, hindi na po siya applicable for modern times. So we see the need for the immediate passing of our law, and it will answer so many problems of the bureau. It will answer salary woes; iyong mga systemic issues po ng bureau, it will answer that; it will plug loopholes sa policies; update fines and penalties; ensure proper division and power; and of course, confer to the commissioner the proper disciplinary power.
Kasi ito po iyong nakikita natin na isa sa mga importante na mabigyan po ang commissioner ng disciplinary power over the personnel para halimbawa po umaga ay nakita po natin na may kalokohan ang isang tauhan po ng Immigration, immediately po sa hapon ay makakapagbaba na po tayo ng preventive suspension.
USEC. IGNACIO: Opo. So bale matitiyak po dito na sa pamamagitan nitong mga bagong patakaran na ito o sa batas ay talagang maiiwasan po iyong sinasabing anomalya sa Bureau of Immigration?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Definitely po. It will tighten po itong ating pagbabantay sa mga activities po ng mga tauhan natin, as well as iyong pinakabatas po natin kasi iyon po iyong pinaka-bibliya na sinusunod po ng mga Immigration officers in enforcing Immigration laws. So mawawala po iyong vague policies – may mga vague po na polisiya diyan – and mata-tighten po iyan para po mas maipatupad po nang maayos ng Bureau.
USEC. IGNACIO: Okay. Ms. Dana kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Siguro po ay reminder nito pong Christmas season sa mga bibiyahe po, make sure po that we follow the health protocol; we always wear our facemasks, our face shield; alcohol po, lagi pong magdadala; and proper handwashing.
But always po ang aming nirirekomenda pa rin po, kagaya ng Department of Health, it’s always best po to stay at home.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval.
Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Davao, puntahan natin si PTV correspondent Clodet Loreto. Clodet?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw ng Sabado. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas [KBP].
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
ALJO BENDIJO: At samantala, 27 days na lang, Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy lang po ang ating pagtulong at ang pagmamahal sa kapuwa dahil iyan ang tunay na diwa ng Pasko. Daghang kaayong salamat, Usec., ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aljo. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)