Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ngayon po ay December 4, 2020. Tuluy-tuloy po ang paghahatid natin nang mainit na balita’t impormasyon ukol sa mga hakbang ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang COVID-19 at ang krisis na dulot nito, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

BENDIJO: Makakasama din natin ngayong umaga ang mga kawani ng pamahalaan na handang sumagot sa iba’t ibang isyung pambayan. Maghahatid din ng ulat ang mga PTV correspondents at ang Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang probinsiya. Mula po rito sa Davao City, ako naman si Aljo Bendijo. Usec., maayong buntag.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga sa iyo Aljo at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayon pong sunud-sunod ang pagsubok na ating kinakaharap, para kay Senator Bong Go, mahalaga po ang pagkakaroon nang maayos na koordinasyon ng mga pambansang ahensiya at lokal na pamahalaan upang maiwasan ang malubhang epekto ng mga kalamidad. Para sa iba pang detalye, narito po ang report:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: At isa nga sa tinututukang balita sa nagdaang linggo ay ang pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 dito po sa Davao City. Katunayan, top 1 pa rin ang lungsod sa pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa datos iyan ng Department of Health kahapon. Tunghayan natin ang pinakahuling sitwasyon dito sa Davao City, mula kay Julius Pacot ng PTV Davao.

[NEWS REPORT]

Daghang salamat, Julius Pacot.

Samantala, dineklara na po ang outbreak sa loob ng Davao City Jail dahil sa dami ng mga bilanggo na nagkakasakit sa COVID-19 kaya makakausap natin ngayon si BJMP Davao Region Spokesperson, Jail Senior Inspector Edo Lobenia upang matukoy ang pinagmulan ng hawaan ng mga preso. Maayong buntag, Captain Lobenia.

J/INSP. LOBENIA: Magandang umaga Aljo at lalung-lalo na sa ating mga tagapakinig.

BENDIJO: Captain, kailan po ba kayo unang nakapagtala ng COVID-19 sa Davao City Jail at papaano lumobo ang bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19?

J/INSP. LOBENIA: Noong una kaso natin na-confirm ng Department of Health is on November 21, so walong PDL ang nagpositibo at the same time ngayon mayroon tayong 68 Persons Deprived of Liberty at walong personnel na mayroong COVID.

BENDIJO: Okay. So iyon po ang huling bilang, walo na mga Persons Deprived of Liberty na ang nahawaan. How about iyong mga personnel ng BJMP na nag-positive sa COVID-19?

J/INSP. LOBENIA: Ang mayroon tayo ngayon is 8 personnel po na mayroong COVID-19 at the same time nasa maayos naman po silang kalagayan. Most of the cases sa Davao City Jail are asymptomatic, wala po silang mga symptoms kaya naman we are continuing our monitoring on their health especially in body temperature, from time to time nagsa-submit tayo ng report dito.

BENDIJO: So naka-isolate na rin sila Captain ‘no sa isolation facility na inihanda ng pamahalaang lungsod ng Davao?

J/INSP. LOBENIA: Tama ka diyan, Aljo. Sa katunayan naka-isolate na rin iyong ating mga personnel at the same time iyong ating mga Persons Deprived of Liberty sa loob din ng Davao City Jail.

BENDIJO: Obligado ba kayong i-test lahat ng mga nakakulong ngayon diyan sa Davao City Jail, Senior Inspector?

J/INSP. LOBENIA: Ang advice po sa atin ng Department of Health is we just conduct an extensive contact tracing kung saan iyong mga mayroon lang direct contact dito ang advice to undergo mass testing.

BENDIJO: Paano naman ginagawa iyong isolation? Alam natin na masikip ang ating mga kulungan ngayon. Nakakakuha naman sila nang sapat na treatment, itong mga kababayan nating nakabilanggo diyan?

J/INSP. LOBENIA: Alam mo Aljo, for 9 months kasi hindi tayo nagkaroon ng COVID dito sa Davao, recently lang tayo nagkaroon. Iyong 9 months na iyan naging capacity-building natin ito, nagkaroon tayo ng multi-stakeholder engagement kung saan napalakas natin iyong mga training ng ating mga personnel. Iyong ating isolation facilities naghanda po kami dito sa BJMP kaya rest assured we are on the top of the situation, nasa mabuting kalagayan po iyong ating mga kapatid sa bilangguan.

BENDIJO: Okay. So may ginagawa naman kayong programa/plano para sa ganoon mapaluwag natin, maiwasan natin iyong siksikan talaga sa loob ng mga kulungan natin sa BJMP?

J/INSP. LOBENIA: Tama ka diyan, Aljo. Sa katunayan mayroon tayong kinu-construct na bagong Davao City Jail, located ito sa Wangan. Hopefully, malipatan natin ito in the year 2022.

BENDIJO: 2022. Mandatory po ba ang pagsusuot naman ng face mask pati na face shield sa lahat ng mga preso, sa loob ng piitan?

J/INSP. LOBENIA: Yes, Aljo. Actually iyong ating mga Persons Deprived of Liberty ‘pag may mga activities is naka-face mask sila at the same time naka-face shield. Pero sa ngayon especially sa Davao City Jail is temporarily po suspended iyong ating mga jail activities. Nais ko lang ding linawin na iyong may COVID lang po is dito lang po sa Davao City Jail Main so the rest of our jail facilities in Davao Region are COVID-free.

BENDIJO: Okay. How about iyong dalaw? Pinagbabawalan ba ninyo itong sistemang pagdalaw ng mga kamag-anak ng mga preso ngayon?

J/INSP. LOBENIA: Aljo, hindi naman po bawal iyong dalaw pero mayroon tayong bagong programa sa BJMP, ito iyong ating e-dalaw kung saan sa pamamagitan ng video conferencing/tele-conferencing, nakukumusta po ng ating mga kababayan lalung-lalo na iyong kanilang mga pamilya kung ano ang kalagayan nila sa loob ng piitan. Importante sa BJMP na magkaroon ng time to time na kumustahan para magkaroon nang sapat at effective na rehabilitasyon, Aljo.

BENDIJO: So online lang ‘no, e-dalaw, so wala talagang physical na pumupunta sa mga kulungan ngayon na mga dadalaw sa ating mga preso.

J/INSP. LOBENIA: Yes, tama ka diyan Aljo.

BENDIJO: Okay. So ito bawal talaga, walang dalaw muna?

J/INSP. LOBENIA: Wala pong dalaw muna. No contact po muna, mina-maximize natin, niyu-utilize natin iyong ating e-dalaw program sa BJMP sa buong Pilipinas at lalung-lalo na rin dito sa Davao Region.

BENDIJO: Okay. Ano ang aasahan ng ating mga kababayan, Senior Inspector, mula sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology para matiyak na COVID-19 free ang ating mga bilangguan?

J/INSP. LOBENIA: Aljo, ginagawa po ng BJMP ang kaniyang tungkulin, ang kaniyang trabaho 24/7. Nagpapasalamat nga ako sa ating mga personnel at the same time sa ating mga Jail Wardens sa kanilang sakripisyo na ibinibigay sa ating pagsiserbisyo sa bayan upang magampanan lamang ang tungkulin natin dito. Rest assured we are on top of the situation, ginagawa po ng BJMP ang kaniyang lahat na makakaya. From time to time nagku-coordinate tayo sa Department of Health at the same time with other stakeholders.

At saka Aljo gusto ko lang din i-plug sana iyong aming livelihood products, online bazaar dito sa BJMP Davao Region. Puwede po kayong bumisita sa aming Facebook page para naman sa ganoon matulungan natin iyong ating mga PDL na nasa loob ng kulungan.

BENDIJO: How about iyong kung saka-sakaling severe at hindi naman asymptomatic ‘no na ma-detect na may COVID-19, positive ang mga bilanggo o ‘di kaya ay, huwag naman, mga personnel ng BJMP, saan sila dadalhin?

J/INSP. LOBENIA: Established iyong protocol natin dito, Aljo. Mayroon tayong isolation na hinanda iyong local government unit of Davao at the same time iyong ating mga health personnel dito sa BJMP-Davao. Actually, continues iyong aming dialogue at the same time engagements sa ating community para matulungan tayo sapagkat, Aljo, hindi po kaya ng BJMP ang ganitong mga problema sapagkat prison health is a public health. Naniniwala po kami sa BJMP na kapag tayo ay tulung-tulong na magsama-sama, malalampasan din po natin iyong ganitong mga problema.

BENDIJO: Okay. So handang-handa naman ang ating pamahalaan at ang lokal na pamahalaan ng Davao na magbibigay po ng assistance kung saka-sakali na, huwag naman po sana, talagang hindi maiwasan hangga’t walang bakuna, walang gamot ay kakalat pa ang COVID-19 lalung-lalo na diyan sa BJMP.

J/INSP. LOBENIA: Tama ka diyan, Aljo, pero sabi ko nga kaya po natin ito lahat, kaya po ng BJMP, kaya po nating mga Pilipino ito.

BENDIJO: Maraming salamat, BJMP Davao Region Spokesperson, Jail Senior Inspector Edo Lobenia. Daghang kaayong salamat, sir.

J/INSP. LOBENIA: Maraming salamat din Aljo at lalung-lalo na sa ating mga tagapakinig.

BENDIJO: Amping, ayu-ayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, kung lagi pong nasa listahan ang Davao City sa COVID-19 monitoring, ano naman kaya ang epekto nito sa kaniyang mga karatig-probinsiya? Sasagutin po iyan ni Department of Health Region XI Director Annabelle Yumang. Magandang araw po, Director.

DIRECTOR YUMANG: Good morning po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, isa po ang Davao Region sa na-identify ng OCTA Research bilang isa daw po sa epicenter ng COVID-19 sa bansa. Manageable pa po ba ang estado ngayon ng COVID-19 sa Region XI at kumusta po iyong lagay ng ating mga health facilities?

DIRECTOR YUMANG: Okay, good morning po. Base doon sa mga Bayanihan to Heal Act II ‘no na nalabas ng government, ini-enjoin talaga natin iyong mga private hospitals to increase their bed capacity to 20% and for the government hospitals to 30%. So sa ngayon po, iyong mga private hospitals naman natin lalo na dito sa Davao City, nakapag-increase na po sila to 196 beds na po ang na-allocate nila for COVID beds. So ongoing pa rin iyong pag-uusap natin with the private hospitals and we are supporting the private hospitals through deploying some of the nurses ‘no sa mga private hospitals natin kasi sumusulat na po sila sa amin na iyong mga needs nila are really the human resources. So ito po iyong ngayon ang ginagawa natin dito sa region po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ilan naman po iyong apektadong healthcare workers? Katulad ng sinabi ninyo nga po, sumusulat na sila para sa kanilang mga pangangailangan, may tinamaan po ba ng COVID-19 or nagsasabi po ba sila na nahihirapan sila at humihingi ng timeout?

DIRECTOR YUMANG: So sa ngayon po mayroon na tayong 1,252 na mga health workers including other frontliners po na affected ng COVID-19 ‘no. And so far naman po during the pandemic naman, sila din talaga iyong nagdu-duty sa hospital caring the COVID-19, even mga suspect pa lang po – probable, inaalagaan na po nila and they are in constant exposure to these patients.

So with that po, mayroon naman tayong ginagawa with our health workers tulad ng may hotels po sila, ina-accommodate po iyong mga nagdu-duty sa hospitals or sa mga temporary treatment and monitoring facilities. Nag-stay po sila, may accommodation po sila to avoid naman contamination or magiging ano naman, ma-at risk naman iyong mga kapamilya nila.

So, so far naman po with regard to those nag-positive or iyong namatay na health worker natin, we were able to provide iyong compensation benefit nila, to the families especially iyong namatay and ongoing na po ngayon iyong compensation to other health workers na mabigyan po sila lalo na iyong mga mild to moderate cases na mga health workers.

USEC. IGNACIO: Alam po natin na napakahigpit na patakaran ang ipinatutupad sa Region XI ano po na may kaugnayan sa pag-prevent nang pagkalat ng COVID-19. Pero kayo po sa panig ninyo, inirirekomenda ninyo po ba sa mga LGUs iyong sinasabi nating lockdowns?

DIRECTOR YUMANG: Mayroon kasi tayong IATF at saka mayroon tayong RIATF, so ito po iyong gumagawa ng mga hakbang kung anong magiging community quarantine classification ng isang lugar po. So may iba naman na at the province level, gumagawa din sila ng kanilang mga hakbang kung mag-lockdown sila sa isang lugar. But kung doon naman sa pangmalakihan or for the region-wide, recommendatory po iyong RIATF po natin.

USEC. IGNACIO: Director, may isinasagawa daw po kayong tinatawag na aggressive community testing? Ano po ang layunin nito at ano po ang inaasahan ninyong magiging resulta o mangyayari dito?

DIRECTOR YUMANG: So, ito naman po sa aggressive community testing, ito po ay isang strategy ng ating IATF na tutulong po sila sa isang lugar na maraming cases or sinasabi nating high prevalence ng COVID-19. So ito po ay isang rapid, mabilisan na pag-testing ng mga may exposure sa COVID na mga individuals, especially those with high prevalence o iyong may mga malaki iyong cases nila sa kanilang area. So nakikita naman po natin na in Davao City we have already covered ‘no, with this aggressive community testing.

Na-cover po natin ang 15 districts po ng Davao City, but we also include the neighboring province like Davao del Sur, we include Digos City and also we include Sta. Cruz which is also very near from Davao City and also in Davao del Norte, we include Tagum City, Panabo City, Island Garden City of Samal and also Kapalong – these are the areas where our aggressive community testing being conducted.

So we started in coordination with the ACT Team coming from the national office and also in close coordination ‘no – kasi iyong mga LGUs naman natin, sila iyong nagpipili kung saan gagawain iyong aggressive community testing sa kanilang lugar – so close coordination po tayo and this started last December 1 and it will end this coming December 8. So depende na po iyan sa mga RHUs at sa mga rural units or sa mga local government units kung ipagpatuloy nila iyong aggressive community testing. Kasi pagkatapos nitong December 8, puwede din nilang ipagpatuloy iyong kanilang aggressive community testing sa kani-kanilang munisipyo or siyudad.

USEC. IGNACIO: Director, kapansin-pansin sa datos na may mga bata, as young as three-month old baby po ang tinatamaan ng virus. So, gaano po ba ka-vulnerable sa COVID-19 iyong mga ganitong mga edad ng bata?

DIRECTOR YUMANG: Tama po kayo, may mga bata po tayong affected with the COVID-19 ‘no. Pareho lang din po siya sa mga matatanda na vulnerable din po. Kasi kung titingnan mo, hindi lang dahil iyong immature pa iyong system ng isang bata or not yet fully developed ang three months old, but iyong exposure ng bata sa kaniyang environment ‘no. Kung titingnan mo may mga nakapaligid din sa kaniyang mga malalaki na or mga older/elder nila so may tsansa talaga na mahawaan ang isang three months old with COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ngayon pong ilan ay pinapayagan iyong paglabas ng mga menor de edad sa mga commercial establishment, basta po may ordinansa mula sa LGU; hindi po natin sinasabing lahat ano po. Inaasahan ba natin dahil dito iyong pagtaas ng bilang ng kaso sa mga ganitong edad sa bata?

DIRECTOR YUMANG: Kahit hindi naman po iyong menor de edad ‘no iyong pag-usapan natin. But, kung istrikto lang na susundin ng mga tao – either you are a minor or you are elderly – kung istrikto lang ninyo i-follow iyong minimum heath standards natin lalo na ngayon na may mga kaso tayo, iyan ay isang malaking bagay na po, like wearing of face mask, kahit saan ka pupunta; kung sasakay ka ng public vehicles or pupunta ka sa pampublikong lugar then magdistansiya, distance at least 1 to 2 meters naman from each other, para hindi naman kayo magkadikit ng mga tao. And also iyong frequent hand washing po, kailangan natin frequent hand washing or i-sanitize iyong kamay natin and then iyon ang alamin ang katotohanan po. So ito iyong BIDA Solusyon na sinasabi natin. So, kung ito lang ay mapagpatupad ng kada isang tao, ma-minor man siya, menor de edad man siya o hindi, ito ay isang pamamaraan po na makapag-prevent po na ang isang tao na hindi po siya magkasakit ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi ngayong December, talaga naman ang ating mga magulang ay masasabi na talagang kung hindi maiiwasang ilabas iyong mga bata. Ano po iyong maipapayo ninyo sa mga magulang para po maprotektahan pa rin sa sakit iyong kanilang mga anak?

DIRECTOR YUMANG: Sa ngayon po Ma’am, iyon pa din talaga ang kailangan nating gawin, iyong BISA Solusyon natin. Palagi talaga nating i-remind, ipaalala natin sa mga kabataan, being a mother or being a member of the family. Lahat sila talagang ipapaalala talaga nila iyong pagsusuot ng face mask at saka face shield lalo na kung pupunta sila sa mga pampublikong lugar, sumasakay sila ng public vehicles. Then sanitize iyong kamay from time to time, then distance, at least one to two meters, then alamin ang katotohanan.

So ito lang po ang kailangan nating ipaalam sa mga magulang na sana kung iyong mga anak nila, kung hindi man lang kailangan lumabas ng bahay, hindi importante, kasi kung titingnan mo ngayon, ang pag-aaral naman is di ba walang face to face ngayon, parang nasa loob lang ng bahay ang mga bata ngayon na nag-aaral. So ibig sabihin niyan kung hindi lang talaga importante ang pupuntahan ng isang bata or ng menor de edad, huwag na lang silang payagang maglabas ng kanilang bahay po.

USEC. IGNACIO: Director, pinag-uusapan na kasi iyong bakuna. Sakali naman pong may bakuna na sa Metro Manila, Cebu at Davao daw po ang priority areas for vaccination. So, naplano na po ba ninyo kung paano iyong logistics o iyong pag-transport at pag-iimbak ng COVID-19 vaccine. At ang tanong po dito, may hawak pa rin po ba kayong listahan ng mga nasa priority list na babakunahan?

DIRECTOR YUMANG: Ma’am sa ngayon, ongoing pa po iyong consultative meetings natin with our national office, with the Department of Health, kaya hindi pa namin maipalabas iyong buong listahan. Pero nakikita naman namin na priority pa din iyong health workers, iyong mga senior citizens and also the indigent communities. So ito po iyong nakikita natin na… pero wala pa pong final na list of the individuals to be immunized for COVID-19 po.

USEC. IGNACIO: Director, tayo ay patuloy na lumalaban sa COVID-19. Ano na lamang po ang nais ninyong sabihin sa mga kababayan ninyo sa Davao Region, Director Yumang?

DIRECTOR YUMANG: So, sa mga taga-Davao Region or sa buong Region XI, lalo na ngayon na tumataas iyong kaso natin, i-remind lang talaga namin palagi nating isasaisip iyong BIDA Solusyon:

  • So ano iyong ‘B’ – bawal ang walang mask. So ibig sabihin kahit saan ka pupunta ngayon, kapag lumabas ka ng bahay, huwag mong kalimutan ang magsuot ng face mask at saka face shield.
  • Pangalawa ‘I’ – i-sanitize ang kamay from time to time.
  • Then ‘D’ – dumistansiya ng isa o dalawang metro sa mga kausap o sa mga tao.
  • Then ‘A’ – is alamin ang katotohanan.

So ito lang po ang sa ngayon na magiging pinaka-epektibo natin na gagawin lalo na wala pa tayong vaccine na although coming ang vaccine, but ngayon hindi pa dumating dito sa atin sa Davao City o sa Davao Region. So iyon po ang pinakaimportante nating gagawin lalo na malapit na ang ating Kapaskuhan po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DOH Region XI Director Annabelle Yumang.

Samantala, narito naman ang COVID-19 situation sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of December 3, 2020 naitala ang 1,0621 newly reported COVID-19 cases, 92 dito ay galing sa Davao. Ang total number of confirmed cases na ngayon ay 435,413. Naitala rin kahapon ang sampung katao na nasawi, kaya umabot na po sa 8,446 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na po sa 399,325 with 328 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng active cases ay 27,642.

BENDIJO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsailalim sa COVID-19 tests kung kinakailangan; at siyempre katuwang pa rin natin ang Philippine Red Cross. Kung nais po ninyong pagpa-swab test sa Red Cross, narito ang mga hakbang na dapat ninyong gawin:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, imbestigasyon sa naging dahilan ng malawakang pagbaha kamakailan sa probinsya ng Cagayan suportado ni Senator Bong Go, narito po ang report:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba pang lalawigan ng bansa, makakasama natin si Czarina Lusuegro-Lim mula pa rin sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po tayo. Marami po sa atin ngayon ang kumukonsumo ng prepaid internet at phone load credits para sa komunikasyon, online learning at pagkalap ng impormasyon. Kaya naman po aalamin natin ang detalye sa isang panukalang batas na magtatanggal po ng expiration sa ating mga load, makakasama natin ang may akda po nito na si Senator Win Gatchalian. Good morning Senator.

SEN. GATCHALIAN: Good morning Usec. Good morning sa ating mga tagapakinig at televiewers.

USEC. IGNACIO: Senator, anu-ano po ba iyong magiging benepisyo ng taumbayan sa inyong Senate Bill No. 365 o iyong tinatawag na ‘The Prepaid Load Forever Act’?

SEN. GATCHALIAN: Usec. Rocky, bigyan lang natin ng kaunting background itong panukala natin. Mayroon na tayong batas na nagtatanggal po ng expiry dates sa mga gift check. So, kung bibili tayo ng gift check sa mall o bibili tayo ng gift check sa ibang mga tindahan, wala na po expiry date iyan. Dati po may expiry date kaya napipilitan kang gastusin at kung minsan nakakalimutan mo na. Ngayon parehong konsepto ay dapat nating i–apply sa mga prepaid cell cards or prepaid data plan.

So, for example, bibili ka ng load, dapat wala na itong expiry date dahil itong load na ito ay binili mo na, pera mo na ito, in fact, in-advance payment mo na ito. Ganoon na rin sa data load lalo na sa ngayong panahon na ito dahil marami sa ating mga kababayan ay nag-o-online learning, ginagamit ang computer sa pag-aaral at madalas silang bumili ng load. Kaya timely itong proposal natin dahil marami sa ating mga kababayan ay naging habit na o naging kaugalian na iyong paggamit ng internet sa pag-aaral at ganoon na rin kapag may negosyo. Kaya ang konsepto nito ay very basic lang, kung ano iyong binili natin, dapat huwag nang lagyan ng expiry date dahil iyan po ay pera na ibinayad na natin dito sa load at data.

USEC. IGNACIO: Senator, gaano po karaming internet and telco subscriber po ang makikinabang dito?

SEN. GATCHALIAN: Marami tayong subscribers, in fact ang subscribers ng cellphone natin, Usec., ay mas marami pa sa populasyon natin. Tinatayang mga halos 110 million ang subscribers ng cellphone kaya lumalabas nga parang pati sanggol eh may cellphone. Pero alam naman natin na marami sa atin dala-dalawa iyong cellphone o dala-dalawa iyong numero kaya marami talaga ang gumagamit ng cellphone.

Ngayon, dumadami na rin ang gumagamit ng data. Makikita natin na karamihan ng ating mga kababayan, ang binibili nilang cellphone ngayon ay iyong mayroon ng kapasidad na mag-internet o kapasidad na para mag-messenger at dahil dito, gumagamit tayo ng data. At marami sa ating mga kababayan ayaw na ring maging iyong post-paid dahil papadalhan ka pa ng pagsingil, so binibili nila ay prepaid. In fact, masasabi ko almost 80% ng ating subscribers ay mga prepaid buyers.

So, sa ganitong punto ang ating mungkahi ay dapat huwag na lagyan ng expiry date. Kung gusto mong gamitin iyon, gamitin mo. Kung hindi mo magagamit eh huwag ng mawala iyon dahil hindi naman fair, hindi naman patas po na (choppy audio).

USEC. IGNACIO: Bilang [chairman ng] Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture, ano naman po sa tingin ninyo iyong dahilan kung bakit kakaunti pa lamang daw po iyong tumatangkilik doon sa DepEd TV episodes at maging iyong iba pong online content for distance learning?

SEN. GATCHALIAN: Magandang tanong iyan, Usec. In fact, kung may oras po ang ating kababayan at mayroon silang access sa YouTube, tingnan nila iyong YouTube ng DepEd TV, ang gaganda ng kanilang mga palabas doon. Napakalinaw, ang gagaling ng ating mga guro at makakatulong ito sa pag-aaral ng bata.

Ang nakakalungkot dito nakita ko sa YouTube ang subscribers ay 50,000 lang, eh kung mayroon tayong 23 million na estudyante, wala pa sa kalingkingan po iyong 50,000. So, makikita natin na kaunti lang ang gumagamit po ng YouTube para panoorin itong mga TV modules. Kaya TV pa rin po ang pinaka-popular sa pagpapalabas nitong mga modules na ito at ang ating panawagan sa ating mga kababayan ay huwag kakaligtaan na manood ng TV kung kailangan na nilang manood sa kanilang pag-aaral dahil nakakatulong talaga.

Napakaganda iyong TV modules na ginawa ng DepEd at makakatulong sa pag-aaral. Kung hindi naman nila mapanood sa TV, puwede nilang balikan sa YouTube pero dapat may access nga sila sa internet.

USEC. IGNACIO: Iyon nga po iyong susunod kong tanong. Sa palagay ninyo, Senator, ano iyong nagiging problema? Kasi sayang po katulad ng sinabi ninyo, 50,000 lang iyong nakakapanood sa YouTube, so dapat po ba talagang asikasuhin, katulad ng isinusulong ninyo na talagang itong internet ay mas lalo pang mapalakas, Senator?

SEN. GATCHALIAN: Usec., may isang pag-aaral akong nakita, ang sabi ng pag-aaral na ito, kung ang bata ay mayroong computer sa bahay at may access sa internet, mas gagaling siya at ang kaniyang grado at performance ay tataas. Ito ay isang pag-aaral ng mga dalubhasa. Ang ibig sabihin dito, ang computer at access sa internet ay hindi na ito luho, hindi na ito kumbaga, hindi na ito iyong extra, kung hindi ito ay pangangailangan na, basic necessity na. Puwede na natin itong ihahalintulad sa kuryente at tubig na pangunahing pangangailangan natin.

Sa pag-aaral nang isang bata, ang laptop at ang internet ay pangunahing pangangailangan na, basic requirement na ito. Kaya isa sa pinag-aaralan namin ngayon at isusumite na rin ho namin ito para mapakinggan na ay mabigyan po ng laptop at access sa internet ang bawat mag-aaral.

So, ito iyong tinatawag nating One Learner One Laptop Bill at ito po ay para po matulungan ang ating mga kabataan magkaroon ng access sa internet at makatulong ito sa kanilang pag-aaral at maging matalino at maging mas magaling itong ating mga estudyante dahil mayroon silang kapasidad na pumasok sa internet at mag-aral.

Kagaya ng sinabi ko, hindi na nga ho luho ito, ito ay mga pangunahing pangangailangan na ng isang estudyante.

USEC. IGNACIO: Senator, magtatapos na po ang first quarter sa ating mga paaralan, ano po iyong assessment ninyo so far, dito po sa tinatawag nating Blended Learning System at ano po sa tingin ninyo na dapat pang tutukan next year, kasi sinasabi po natin ang bakuna paparating pa lamang po sa atin?

SEN. GATCHALIAN: Napakahirap, Usec. Marami akong kausap na guro, punong-guro, mga mayor at itong modular natin ay kahit papaano ay nailunsad natin, kahit papaano ang bata ay nakakapag-aral pero hindi garantisado ito na tatalino at gagaling iyong bata dahil alam naman natin na marami rin pong mga bagay na hindi kontrolado po ng ating gobyerno.

For example po, iyong magulang. Sa mga feedback na nakukuha ko lalo na sa kanayunan marami sa ating mga magulang ay naii-stress at nahihirapan dahil sabi nila, “Kami mismo hindi kami nagtapos ng high school. Kami mismo hindi kami nagtapos ng elementarya, paano namin matuturuan iyong aming mga kabataan?”

At ito ay napakalaking hamon dahil kailangan talaga ang partisipasyon ng magulang sa magandang pag-aaral po ng ating mga kabataan. Kaya for next year, Usec., ako ay nananalangin na sana iyong vaccine ay dumating na para makabalik na sa normal at makapasok po ang ating mga kabataan. Pero tingnan din natin iyong posibilidad na doon sa mga lugar na walang COVID eh mapayagan na po iyong tinatawag natin na localized limited face-to-face classes dahil kailangan nang gabay at pagtuturo ng guro sa mga bata lalo na sa mga batang nahihirapang mag-aral nang sarili.

USEC. IGNACIO: Tayo po ay isa sa mga umaasa na talagang makakarating na sa atin ang bakuna, ano po Senator. So, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, siyempre particularly po sa mga magulang at dito sa ating mga mag-aaral.

SEN. GATCHALIAN: Usec., gamitin ko na itong oportunidad para magpasalamat po sa ating mga guro, punong-guro at non-teaching staff dahil patuloy nilang ginagampanan iyong kanilang responsibilidad na maghatid ng edukasyon sa ating mga kabataan.

Talagang napakalaking hamon lalo na itong mga dumaang bagyo. Sa pagpunta ko sa mga lugar na nasalanta ay ni module eh wala na iyong mga bata dahil nabasa, naiwan na nila sa kanilang mga tahanan, eh napakalaking hamon. Pero ganoon pa man ang ating mga guro ay nagpupursige na maturuan at masigurado na ang ating mga kabataan ay nakakatanggap nang maayos at de kalidad na edukasyon.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Sherwin Gatchalian.

SEN. GATCHALIAN: Maraming salamat, Usec.

BENDIJO: Para alamin naman ang sitwasyon ngayon sa Cebu City, narito ang report ni John Aroa.

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

Daghang salamat, John Aroa. Magtungo naman tayo diyan sa Baguio, live, may report si Breves Bulsao. Breves, magandang—

[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO]

At samantala, makakausap natin sa linya ng ating komunikasyon ang bagong commander po ng Joint Task Force COVID Shield, Police Lt. Gen. Cesar Binag. Magandang araw po, Gen. Binag.

P/LT.GEN. BINAG: Good morning, Aljo at saka kay Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig at nanunood.

BENDIJO: Malalaman lang po namin, gusto po namin tanungin ang inyo pong mga programa at proyekto, General, nakalatag na mga plano ngayon sa ating bansa sa paglaban pa rin ng COVID-19. Ano po ang pinagtutuunan po ninyo ngayon ng pansin?

P/LT.GEN. BINAG: Tamang-tama, katatapos lang ng aming meeting ng Joint Task Force COVID Shield. Nandudoon ang representante ng Armed Forces, Philippine Coast Guard at saka ng Bureau of Fire.

Ni-review nga namin iyong latag, unang-una dito sa atin sa Metro Manila kasi ito iyong pinaka, sabi nga natin, iyong sentro natin. Pinagtuunan natin ng pansin doon iyong mga areas of convergence katulad ng markets, public markets tapos iyong mga mall, siyempre, simbahan tapos iyong ating mga ports, seaports at iyong ating mga sasakyan kung saan ay iyong public transport.

So, iyon iyong mga areas na pinag-usapan namin kanina at dinoble ng ating kapulisan, katulong ang ating kasundaluhan, ang aming deployment dito para iyong visibility. Mayroon pa kaming tinawag na social distancing patrol na ito iyong ipinag-utos ng ating Chief PNP, si Gen. Sinas may hawak na yantok iyan, isang metro iyan pangsaway, tapos panukat, pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo.

So, iyon iyong isa. Tapos inutos din natin, Aljo, sa ating mga hepe, makipag-coordinate sila sa mga mall managers para naman doon sa pagpapatupad ng mga protocols sa loob naman ng mall kasi sa kanilang sakop iyon. Saka iyong atin namang regulatory body, ng ating mga security guards dinagdagan nila iyong kanilang post to post inspection para naman doon sa security guards na nagbabantay ng malls ay masunod talaga, makita natin kung sinusunod nga iyong protocol na ipinapatupad natin na binigay ng IATF.

So, iyon ang ilan sa mga napag-usapan namin. Among others iyong simbahan, iyan mahaba rin pala iyong pag-uusap namin patungkol doon sa Simbang Gabi. Nakikipag-coordinate na iyong ating mga hepe sa kanilang kaniya-kaniyang mga parish priest na nasasakupan nila para doon sa scheduling. Unang-una, para mas maraming misa, mas naka-spread iyong attendance ng tao, so iyong 30% mapapasunod natin iyon.

Iyon lang muna, Aljo.

BENDIJO: General, ano po ang magiging strategy ninyo para mas maging epektibo pa iyong pagpapatupad ng mga quarantine protocols lalo na’t malapit na pong mag-Pasko? Dito po sa Davao City live po tayo ngayon dito, eh napakahigpit po ng kanila pong ipinatutupad na health protocols. In fact, nag-issue po ng Executive Order ang Pangulong Duterte na isailalim ito sa liquor ban, mayroon ding curfew po sila dito, Gen. Binag.

P/LT.GEN. BINAG: Salamat. Iyong binigyan natin ng diin kanina sa ating mga kapulisan, iyong mga commanders kanina, to work closely with their local government unit, iyong kanilang counterpart doon kasi ito iyong binigyan ng kapangyarihan ng IATF na magpatupad ng tinatawag na nating reasonable restrictions para malabanan nga itong COVID.

So, kung ano iyong ipinapatupad ng LGU, dapat nandudoon ang support natin at kasama na nga dito iyong mga binanggit ko kanina, iyong mga ina-announce na bawal ang Christmas party, mass gathering, nandidiyan pa rin, bawal ang carolling, iyong mga bagay na iyan at siyempre, in support of the minimum o iyong ating tinatawag na reasonable restriction na ini-impose ng ating mga local government unit, 7 katulad diyan sa Davao.

BENDIJO: Gen. Binag, follow-up tayo sa social media. May mga ulat na nahuhuling lumalabag sa quarantine protocol?

P/LT.GEN. BINAG: Yes. Kanina sa report sa amin magmula noong sinimulan natin ito noong March 17 hanggang ngayon, mahigit na 700,000 iyong ating either na-warning-an, na-penalize dahil sa mga ordinansa na inisyu tapos iyong iba naman naaresto. So, ganito tayo kahigpit iyong ginagawa natin, of course, depende na sa sitwasyon ng mga local government units. Tuloy-tuloy iyan, hindi ko lang ma-detalye iyan kasi depende na sa sitwasyon na hinaharap ng ating kapulisan doon sa kanilang LGU.

USEC. IGNACIO: Good morning po, Gen. Binag, si Rocky po iyo. General, bigyang-daan po natin iyong tanong ng kasamahan natin sa media. May tanong po sa inyo si Joseph Morong ng GMA News, ito po ang tanong niya: Required pa po ba ang travel pass at kung required pa ano po ang mechanics?

P/LT.GEN. BINAG: Ganito iyong ipinapayo ko sa ating kababayan para mas maliwanag. Kung sila ay bibiyahe, alamin nila iyong kanilang point of destination, iyong LGU na nakakasakop doon at kung anong klaseng restriction ang ini-impose doon. Okay? Alamin iyong sequence doon. So, kapag nalaman nila iyon, ang minimum naman kasi na dala-dala mo, ID, tapos susunod iyong barangay health certificate, tapos kung mas mataas ang restriction na ini- impose ng LGU na iyon, nandoon na iyong RT-PCR test na negative.

Tapos may mga sitwasyon naman na kung ang pupuntahan mo ay walang ganoong klaseng restriction pero along the way dadaan ka sa isang may restriction na ganoon, nag-i-issue tayo ng travel pass permit. Ito iyong tinatawag nating TPP at iniisyu nga ito ng ating PNP. Puwede mo itong kunin sa police station para iyong police station natin doon iku-coordinate niya doon sa point of destination mo na police station din na pupunta ka doon plus iyong madadaanan kasi lahat ng hepe natin, may issued sila na smart phone at rekta ang pasa ng information doon. Iyon iyong para mas madaling maunawaan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: May follow-up din si Joseph Morong ng GMA 7: Papaano naman daw po iyong quarantines, especially those people going home to their provinces, required pa po ba daw na mag-quarantine?

P/LT.GEN. BINAG: Iyon na nga, uulitin natin, bago sila pumunta kung saan mang lugar iyon, titingnan ho nila kung ano iyong restriction na ini-impose ng local government unit na iyon at sundin natin iyon. Binanggit ko na kanina, magmula doon sa basic hanggang doon sa RT-PCR test, kasi ayaw nating mangyari – ilan na ho iyong mga nai-report na rin sa atin, bumiyahe ang isa nating kababayan pagdating doon hindi niya alam required pala iyong ating RT-PCR, kung ayaw niya naman na-quarantine siya, nasayang iyong araw niya – 14 days or pinabalik siya.

So, ganoon lang po kasimple. So, para ho hindi na tayo malito kasi iba-iba nga [ang sitwasyon]. Binigyan nga ng kapangyarihan iyong ating LGU na mag-impose ng kanilang, term na definite, iyong reasonable restriction to fight COVID.

USEC. IGNACIO: Gen. Binag, kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating ma kababayan.

P/LT.GEN. BINAG: Muli, kami po ay nag-a-appeal sa ating mga kababayan, sama-sama nating labanan itong COVID. Ang inyong Task Force COVID Shield kasama ng pulis, ng Armed Force, Coast Guard at saka Bureau of Fire, hindi po namin kayang bantayan bawat square meter ng buong Pilipinas, kaya kung hindi kayo makikipagtulungan mas mahihirapan po tayo na mapagtagumpayan itong laban na ito sa COVID. Sama-sama tayo at dalangin natin na mapagtagumpayan natin ito lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, ang Joint Task Force COVID Shield commander.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: Bagama’t patuloy pa rin ang pagharap natin sa krisis na dulot ng COVID-19, tuloy lang ang ating pagtutulungan, pagmamahal sa kapwa dahil iyan po ang tunay na diwa ng Pasko. Daghan kaayong salamat Pilipinas, gikan diri sa dakbayan sa Davao, mula po dito sa Davao City, ako po si Aljo Bendijo.

Usec., daghang kaayong salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo! Mga kababayan, 21 days na lamang po Pasko na! Abangan po ninyo ang aming network Christmas station ID mamaya po iyang ala-sais ng gabi sa Ulat Bayan.

Sa anumang hamon po ng buhay, handog po ng PTV sa bawat Filipino saan mang panig ng mundo ang makapagbigay ng pag-asa at inspirasyon. Tandaan po natin na sa kabila ng mga pagsubok sa ating bayan, tuloy ang Pasko basta’t magkakasama tayo.

Maligayang Pasko po sa ating lahat.

Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)