USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao at sa ibayong dagat. Samahan ninyo kami sa panibagong linggo ng balitaan tungkol sa mga pinakahuling proyekto ng ating pamahalaan, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec; ako naman po si Aljo Bendijo. Gaya po ng naging success ng unang broadcast ng ating programa sa Mindanao Media Hub noong Sabado ay makakaasa po kayong hindi hihinto ang pamahalaan para bigyan kayo ng access to information ang lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng bansa.
USEC. IGNACIO: Totoo iyan, Aljo. At palaging tandaan: Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
ALJO BENDIJO: Usec., samantala sa pinakahuling tala ng Department of Health ay umakyat na sa 408,634 ang kabuuan bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa matapos maitala ang dagdag na 9,062 recoveries kahapon, dalawampu’t siyam naman ang mga nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 8,554 na. Nasa 1,768 ang bilang ng mga bagong nahawaan ng COVID-19 na sa kabuuan ay umabot na sa 439,834 cases.
Ang pinakamataas na bilang kahapon ay nagmula po dito sa Lungsod Quezon na umabot sa 112. Ang Laguna ay nakapagtala rin ng 94 new cases; hindi naman nalalayo ang Rizal na may 90 na mga bagong kaso; 71 cases naman ang mga bagong kaso sa Davao City; at 69 cases sa Benguet.
Malaki po ang binaba sa bilang ng active cases na ngayon ay nasa 5.1% na lang ng total cases dulot ito ng mataas na bilang ng recovery tuwing Linggo na kahapon nga ay umabot iyan sa 9,062 ang mga gumaling.
USEC. IGNACIO: Sa bilang ng active cases, 84.2% dito ay mild cases lamang, 6.2% ang walang sintomas, 6.1% ang kritikal, 3.1% ang severe, samantalang 0.34% naman ang moderate cases.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Samantala, naging matagumpay po ang kauna-unahang broadcast na ginawa ng ating programa noong Sabado sa bagong bukas na Mindanao Media Hub sa Davao City sa pangunguna po ni PCOO Secretary Martin Andanar at ang inyong lingkod kung saan naging panauhin po natin si Senator Bong Go at si DBM Secretary Wendel Avisado.
Sa kaniyang naging pahayag, sinabi ni Senator Go na puwede nang maihalintulad sa British Broadcasting Corporation o BBC ng United Kingdom ang Mindanao Media Hub dahil nandito na po ang iba’t ibang uri ng media gaya ng telebisyon, radyo, print at online para po sa mga taga-Region X hanggang XIII at sa BARMM; at ito na rin po ang umano’y tutugon sa kakulangan sa tama at sapat na impormasyon ng ilan nating mga kababayan sa Mindanao. At ito rin po ang kauna-unahang media hub ng Presidential Communications Operations Office at ng attached agencies nito sa labas ng Metro Manila.
Asahan na rin umano ang pagtatayo ng mga kaparehong media centers sa Visayas naman sa susunod na taon.
ALJO BENDIJO: Samantala, para naman tanggalin ang pangamba ng maraming Pilipino sa pagpapabakuna, Senator Bong Go hinamon sina COVID-19 Czar Secretary Carlito Galvez at DOH Secretary Francisco Duque III na maunang magpabakuna.
Senator Go hiniling din na unahin ang mga nasa poor, mga mahihirap at vulnerable sector. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, kauna-unahang Malasakit Center sa Lalawigan ng La Union pinasinayaan sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City; iba pang imprastruktura sa lalawigan, sisimulan na rin. Narito po ang report:
[VTR]
ALJO BENDIJO: At samantala, sa La Union pa rin, ilang market vendors pinagkalooban ng konting tulong ng tanggapan ni Senator Go at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ang detalye sa ulat na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, sa darating na December 21st ay ipagdiriwang naman ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang 85th year in service na may temang, “AFP at 85: Pinag-isang Lakas na Maaasahan ng mga Pilipino.”
Pag-usapan po natin ang mga maging accomplishment ng AFP sa nagdaang taon, makakausap po natin ang AFP Chief-of-Staff, General Gilbert Gapay. Magandang umaga po, General, at welcome po sa ating Public Briefing!
GENERAL GAPAY: Rocky, Aljo, magandang umaga sa inyong dalawa at magandang umaga sa ating mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Sir, salamat po at naging panauhin namin kayo dito. Madalas po na sinasabi ni Pangulong Duterte na ang ating mga sundalo po ay iyong tinatawag na ‘errand boy’ ng Pilipinas dahil sa kahit anong klase ng sakuna ay kayo po ang unang-unang sumusugod para makipagbakbakan, mag-rescue o kaya naman po magbigay ng relief assistance sa loob ng 85 years. So, paano po patuloy na ginagampanan ng AFP iyong mandato ninyo to protect the people and secure the state despite po nang mga challenges na hinarap natin ngayong taon?
GENERAL GAPAY: Tama, sa December 21 ay we will celebrate ang 85th founding anniversary ng Armed Forces of the Philippines. At bagama’t mayroon tayong COVID, we will keep it a simple but meaningful celebration. At ang tema natin sa taong ito is, “AFP at 85: Pinag-isang Lakas na Maaasahan ng mga Pilipino.”
So, dito ay showcase natin, iha-highlight natin iyong mga accomplishments ng inyong Sandatahang Lakas sa nakaraang taon sa areas of peace and security, humanitarian assistance and disaster response and maging iyong suporta ng inyong Armed Forces of the Philippines sa mga developmental efforts ng ating national government at ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang parte ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Paano patuloy na tumutugon itong AFP dito sa long-standing problem po ng insurgency sa ating bansa ngayong kabi-kabila pa rin po iyong panggugulong ginagawa ng mga makakaliwang grupo sa ating mga kababayan?
GENERAL GAPAY: Patuloy naman, relentless ang ating operations against iba’t-ibang internal threat groups at unang-una diyan ang CPP-NPA na patuloy ang ating pagtugis dito sa mga armadong grupo na have splintered into small formations na nandoon lang sa hinterlands. Identified naman, hindi naman sa buong bansa but mayroon silang pockets sa hinterland sa Mindanao, sa Visayas and sa Luzon at tuluy-tuloy ang ating operations against these NPAs and I am proud to report that the Armed Forces of the Philippines is winning the war against the various threat groups, ano.
Sa NPA, mula January this year mahigit 7,000 na ang ating na-neutralize na NPAs at ang karamihan diyan ay nag-surrender, mga 6,600 iyong nag-surrender then 1,991 iyong nasawi sa mga engkuwentro natin, armed encounters with security forces at 250 naman iyong ating na-apprehend.
Bukod diyan, more than 1,500 na armas ang ating nakalap resulting from those relentless operations ng different AFP units. At ang isang bagay pa na nais naming i-highlight ay iyong 491 improvised explosive devices, ito iyong mga IEDs, na patuloy pa ring gumagamit ang NPA nito. Bagama’t ipinagbabawal na ito sa International Humanitarian Law, paggamit ng mga landmines and IEDs, pero ang mga NPA ay talagang gumagamit pa rin nito.
At 491 ang ating mga na-recover na IEDs resulting from iyong operations natin, security operations at marami na ring NPA leaders ang ating na-neutralize from the national, regional, provincial, and front levels. Kaya ang inyong Armed Forces is winning the war against the CPP-NPA. Patuloy ang paghina ng puwersang ito at sa pakikipagtulungan natin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, iyong NTF-ELCAC natin, at sa ating mga stakeholders, hindi na magtatagal na tuluyan na nating maso-solve, permanently, itong ating problema sa insurgency. So, iyan Rocky ay patungkol sa CPP-NPA.
Mayroon din tayong mga local terrorist groups na kino-confront ang inyong Armed Forces. Nandiyan iyong Abu Sayyaf Group, ang BIFF, ang Maute Terrorist Group. Ito ay mga factions na luminya sa DI, iyong Daulah Islamiyah, iyong ISIS na tinatawag natin mula noong mag-umpisa ito mga tatlong taon na ang nakalipas.
So, iri-report ko na rin, Rocky, iyong ating accomplishments against the local terrorist groups. So, against the Abu Sayyaf Group naman, since January hanggang December 4 of this year, 187 ang na-neutralize natin na Abu Sayyaf Group at 134 na firearms ang ating nakalap through our relentless and intensified security operations at karamihan din nito ay mga nagsu-surrender na Abu Sayyaf Group members.
Sa BIFF naman, may 232 tayong na-neutralize mula January at nakakalap tayo ng 193 forearms. At iyong Maute Group naman, ito iyong sumalakay sa Marawi noong 2017, 61 ang na-neutralize natin sa hanay nila at 52 firearms naman ang ating nakalap from the Maute Terror Group. So, iyan iyong mga internal security threat groups na kinakaharap ng ating Armed Forces of the Philippines.
At siyempre mayroon tayong concern sa external defense, lalung-lalo na sa West Philippine Sea. Iyong ating pagbabantay naman sa ating territory to assert our sovereignty and preserve our territorial integrity.
Patuloy 24/7 iyong ating maritime and aerial patrols sa West Philippine Sea and kasama na iyong northern and eastern seaboard natin; patuloy din iyong monitoring natin ng mga intrusions ano ng mga vessels and aircraft.
Dati-dati wala tayong kakayanan na ma-monitor ito pero ngayon dahil sa mga modern equipment na ating natanggap mula sa AFP Modernization Program, we are able to monitor, na-improve natin iyong ating maritime domain awareness capability. So—and we have established an effective military presence sa West Philippine Sea.
Gayun pa man ang ating thrust diyan, we are being guided, iyong actions natin by iyong strategy ng ating government, iyong peaceful resolution ng all issues sa West Philippine Sea, nandiyan iyong diplomatic means natin to address the problems there and of course iyong rules-based order na panawagan ng lahat ng mga bansa na na-involved diyan sa West Philippine Sea.
So may internal threats tayo, may external threats at iyong ating mga kasundaluhan, ang inyong Armed Forces of the Philippines ay nakikita rin natin sa panahon ng kalamidad. Itong nakaraan na sunud-sunod na bagyo, nakita naman natin na—dahil ang inyong Armed Forces ay ang main effort ano when it comes to search, rescue and retrieval operations. Then after that, pagkatapos niyan magta-transition naman tayo upang tulungan ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa ating relief and rehabilitation operations. Just like right now, very much involved ang ating mga units sa Northern Luzon, Southern Luzon sa rehabilitation effort dahil na rin iyong pagsalanta ng Bagyong Ulysses.
So ito lamang ang ilan sa mga mandato ng inyong Armed Forces of the Philippines at talagang sa abot kaya natin, ito ang ating pini-perform ngayon ng ating kasundaluhan at ako nga’y saludo sa ating kasundaluhan at sa lahat ng bumubuo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil bagama’t sa kakulangan pa natin sa kagamitan at sa iba pang resources ay patuloy pa rin ang ating pagganap sa ating mandato as expected ng ating mga kababayan. Dahil ang inyong Armed Forces ay tunay na maaasahan kahit sa anong larangan.
USEC. IGNACIO: Opo. General Gapay, kanina po nabanggit ninyo na rin po iyong West Philippine Sea ano po. May tanong lamang po si Joseph Morong ng GMA-7, if I may po, ang tanong niya: How many are the Chinese vessels in the West Philippine Sea and during what period did you observe this number? Do you consider this illegal?
GENERAL GAPAY: Sorry, as to the numbers, we’ll get back to you. There are some intrusions in our territorial waters that were monitored and our Armed Forces challenged them ano, tsina-challenge natin itong mga vessels which are entering our territorial waters. Although we are governed by maritime laws—iyong ating lahat ng movements diyan sa West Philippine Sea are governed by maritime laws and mayroon tayong tinatawag na right of innocent passage. Then when they enter our territorial waters, mayroon tayong protocols na they have to—magpapaalam sa atin ano and of course kasama na diyan iyong kanilang intention.
So ito iyong mga activities natin diyan in assertion of our sovereignty and protection of our territorial integrity diyan sa West Philippine Sea. Iyong mga activities naman ng Chinese vessels, when they are in the international waters performing—may mga fishing activities sila, may mga research vessels din yata namu-monitor, these are legitimate naman and these are not hostile activities on the part of the Chinese vessels. But just the same, all of these are being monitored by your Armed Forces through our local or what we call the littoral monitoring stations strategically deployed sa West Philippine Sea and course kasama na diyan iyong regular maritime and aerial patrols natin.
We have now an enhanced maritime domain awareness capability, so lahat ito ay part ng ating pag-protect and pag-preserve ng ating territory diyan sa West Philippine Sea.
USEC. IGNACIO: Opo. General, iyong second question niya: Why do you think the Chinese are there and what are we going to do aside from filing diplomatic protest?
GENERAL GAPAY: Well, all our actions are guided ano by the… unang-una, iyong peaceful means of resolving any issue arising from West Philippine Sea through diplomatic means, the diplomatic protest and we have to play part here ano when it comes to addressing issues in West Philippine Sea without being… you know, putting aside our sovereignty and territorial integrity. So, the Armed Forces is continuously monitoring lahat ng activities sa West Philippine Sea.
USEC. IGNACIO: So, papaano po iyong ginagawa ninyong—sinasabi na checkpoints? Aktibo rin kayo sa AFP humanitarian assistance kasi po siyempre ‘pag dumating po iyong kalamidad at kasama na po iyong pandemic, ang isa po talaga sa mga inaasahang asset para makatulong, itong AFP. So, papaano po ang ginagawa ninyong operasyon nationwide?
GENERAL GAPAY: So when it comes to HADR [Humanitarian Assistance and Disaster Relief] ano, right now we are very much involved in supporting the national government pati iyong mga local government units in addressing itong COVID-19 pandemic threat. So makikita natin na the AFP, aside from supporting the PNP doon sa mga quarantine assistance points natin, iyong mga COVID checkpoints, we are also providing medical augmentation, medical health teams in the different quarantine facilities both outside and inside military camps.
And recently nga we sent augmentation medical teams in Cebu, Bacolod and Davao kung saan may surge ang incidents of COVID. Then aside from that, walang humpay din iyong pag-transport natin ng medical supplies, iyong mga PPEs and even iyong test kits natin ano na nanggagaling pa sa abroad. So iyong ating naval vessels, iyong ating aircraft ng Philippine Air Force, ito ang nagta-transport nito so that we will be assured of continuous supplies of test kits, PPEs and other medical supplies.
And of course iyong mga kababayan din natin na ni-repatriate from abroad, kinuha rin ng naval vessels natin iyan at upang makauwi sila dito sa ating bansa. And recently, we are now gearing up preparing to support other agencies – ito naman sa distribution and transport nitong vaccines once they are made available.
GENERAL GAPAY: So, itong ginagawa ng ating Armed Forces ngayon, talagang patuloy ang ating suporta when it comes nitong ating government efforts to address itong COVID-19 pandemic.
Then, iyong HADR naman natin, Rocky, ito katatapos lang ng Typhoon Ulysses, sunud-sunod na bagyo iyon, tatlo iyon at after noong search and rescue retrieval operation kung saan first responder ang inyong AFP, nag-shift ngayon ang ating puwersa sa relief and rehabilitation operations upang makabangon, makatulong para bumangon iyong mga affected na areas na nasalanta nitong mga bagyo. So, nandiyan iyong ating mga AFP Units, from road clearing, construction of establishment, rebuilding of houses and other structures. Iyong serbisyo ng relief goods and maging medical teams na rin sa mga evacuation centers and iyong mga hotspots na talagang severely affected nitong mga nakaraang bagyo. So, makikita rin ninyo na nandiyan pa rin ang ating mga AFP Units, patuloy ang pagtulong sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: General, nabanggit mo kanina iyong vaccines, so naglalatag na po ang ating AFP kung sakaling dumating na po iyong vaccine sa bansa. So, ano po ang magiging role ng ating mga sundalo o AFP dito, General?
GENERAL GAPAY: So, initially ang tasking natin diyan is, sa transport and distribution ng vaccines, lalung-lalo na doon sa far flung areas na hindi talaga maabot ng ibang ahensiya ng ating gobyerno. So, we will be guided by the provisions and the guidelines that will be published by the IATF dito. So, we are utilizing ang ating air, naval and ground assets. Tutulong tayo sa pag-distribute ng vaccines. Alam naman natin na this is a very delicate goods – itong vaccine, kailangan ito cold chain, cold storage. Kaya iyong just in time dapat, hindi na pagdating, i-administer kaagad.
So tutulong tayo doon, iyong just in time delivery administration nitong vaccine, plus of course, we are also anticipating peace and order in certain areas. Siyempre hindi naman lahat mapagbibigyan. May mga priority ang ating national government, kagaya ng number one sa list ng priority iyong mga frontliners, particularly iyong mga health workers natin and medical staff, then iyong mga senior citizens, iyong mga indigents and nasa poor communities and of course, iyong iba pang nasa priority list ng ating government. So, lahat ito, tutulong ang inyong Armed Forces ‘di lamang sa transport, pag-distribute, maging sa pagbantay na rin ng peace and order at kung saan pang tulong ang maibigay natin na hihingiin ng Inter-Agency Task Force.
USEC. IGNACIO: General, nasaan na po ba ang AFP as far as modernization program is concerned? Nakikipagsabayan na po ba iyong ating Hukbong Sandatahan sa military forces sa ibang bansa?
GENERAL GAPAY: So, gradually, we are rebuilding and establishing iyong credible defense force that is at par with our neighboring countries. Right now, maybe masasabi natin, we are already at 60% at par with our neighboring countries. But once iyong mga nasa modernization pipeline, na-deliver na iyan, medyo paparehas na tayo. And right now, we are gaining the respect of our neighbors, as far as iyong defense capability is concerned.
Makikita naman natin iyong thrust ng ating Pangulo na talagang palakasin ang Armed Forces natin. Sabi nga niya, nais niyang makita ang isang malakas at tunay na maaasahan na Armed Forces once he step down in 2022, at iyon ang kaniyang ginagawa. Makikita naman natin iyong Navy natin, it is now again turning into a ‘Blue Water Navy’, mayroon na tayong mga frigates, corvettes na talagang pang blue water iyan, to patrol our territory and EEZ – Territorial waters and EEZ. Then mayroon na tayong fighting jets ulit. Napakahabang panahon na nawala ito sa capability ng ating Philippine Air Force. Kung malalaman ninyo F5 iyong huling jet natin at ngayon mayroon na tayong FA50s and soon, bago bababa ang ating Pangulo magkakaroon na rin tayo ng multi-role fighters, the likes of the F-16s sa inventory ng ating Air Force.
Ganoon din ang ating ground forces, makikita natin iyong kanilang ground mobility, amphibious capabilities, nandiyan na rin makikita natin. At ito ay sinubukan natin sa katatapos lang na AFP joint exercise – iyong AJEX – iyong dagat, langit, lupa. Ito ay unilateral/localized, kumbaga localized Balikatan ito involving different units from the Army, Air Force, Navy, Special Operation Forces natin, mga Marines natin para mapalakas ang ating joint operations. At dito nai-showcase natin iyong ating modern capabilities, iyong ating modern equipment at higit sa lahat nai-showcase natin iyong kakayanan ng ating mga kasundaluhan. Modern na rin ang thinking ng ating mga kasundaluhan at handa na silang i-operate, i-man itong mga modern equipment. Kaya in no time, Rocky, we will be at par with our ASEAN neighbors.
USEC. IGNACIO: Nakakatuwa po, General, kasi ang naabutan ko iyong F5, iyong Blue Diamond pa. Pero, General, i-share na rin ninyo sa amin kung ano pong mga aktibidad ang gagawin ninyo in celebration po ng 85th anniversary ng AFP?
GENERAL GAPAY: Well, itong ating 85th celebration would be a simple but meaningful because of the COVID nga. Katunayan pinostpone na natin, kinansel na natin iyong Christmas celebrations on the units. Alam mo, we always look forward to this, but because of the pandemic, kinansel natin ito. But still we will be celebrating, but in a simple and meaningful way, compliant sa mga bio-safety measures and standards na pini-prescribed ng ating IATF.
So, two-pronged itong ating celebration ngayon sa December 21, unang-una is pagbibigay pugay, in recognition of the hard work, sacrifices and selfless service ng lahat ng kasundaluhan, lahat ng bumubuo ng ating Armed Forces of the Philippines sa pagsisilbi upang pangalagaan ang kapayapaan at makatulong na rin sa kaunlaran ng ating bayan. So, we will recognize this, iyong kabayanihan ng ating mga kasundaluhan at iyong pangalawa, we will also take advantage of this celebration as a thanksgiving naman sa ating mga stakeholders na sumuporta sa inyong Armed Forces.
Alam mo, Rocky, we cannot have accomplished itong mga in-enumerate ko kanina na accomplishments, in terms of international security operations, external defense, humanitarian assistance, development efforts without the support and cooperation ng ating stakeholders, kaya isa rin sa mga highlight ng ating 85th anniversary ay iyong thanksgiving at pag-award ng kapayapaan award sa ating mga stakeholders bilang pasasalamat sa kanilang pagtitiwala at suporta sa inyong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. At mayroon din tayong simple demonstration ng ating capabilities, noong ating modern capabilities ng Armed Forces, may simple demonstration tayo para maipakita naman natin sa ating mga kababayan na nag-improved na ang kakayanan, ang capability ng ating Armed Forces upang maproteksiyunan, hindi lamang ang ating mga kababayan – maging ang ating teritoryo. So, iha-highlight natin din ito, isho-showcase natin itong ating modern capabilities.
At ang lahat ng ito ay napapailalim sa ating tema ngayong taon “AFP at 85: Pinag-isang Lakas na Maaasahan ng mga Pilipino.” So, our theme this year encapsulates lahat nitong mga activities na ito.
Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaulak sa amin at congratulations po sa 85 years ng AFP! Mabuhay po kayo General Gilbert Gapay, Chief-of-Staff ng AFP.
Huwag po kayong aalis dahil magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Halos isang buwan matapos manalasa ang sunud-sunod na bagyo sa Kabikulan, kumustahin natin ang lagay ng probinsiya ng Albay at papaano sila unti-unting bumabangon ngayon sa kabi-kabilang dagok na kanilang naranasan. Makakasama natin ngayong umaga si Albay Governor Al Francis Bichara.
Governor Bichara, magandang umaga po.
GOV. BICHARA: Magandang umaga din sa inyong lahat.
BENDIJO: Governor, this is Aljo Bendijo. Kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio.
Governor, sunud-sunod na po itong pinsalang dulot po ng mga bagyo lalo na po diyan sa inyong probinsiya sa Albay. Kumusta po ang ginagawa nating restoration activities diyan lalo na sa supply ng kuryente, sa tubig, sa ating mga lansangan, mga nasirang mga establisyimento, mga nawalan po ng hanapbuhay?
GOV. BICHARA: Okay. Maganda na ang takbo ngayon at bumabalik na sa normal. May kuryente na, kaunti na lang iyong walang kuryente at saka iyong relocation site inumpisahan na namin. Tuloy-tuloy pa rin ang tulong na dumarating galing sa mga iba-ibang mga institutions, mga organizations, foundations, at malaking tulong ito.
Nagpapasalamat din ako at dinagdagan ni Presidente iyong calamity fund namin at malaking tulong na ito. So, ang Christmas namin ay hindi na iyong malungkot na Christmas pero hindi pa iyong talagang normal na Christmas, at least bumabalik na tayo sa normal.
BENDIJO: Opo. Salamat sa Panginoon at naibalik na lalo na ang kuryente po diyan sa Albay. Governor, alam naman po natin na mayroon pa ring pandemya, itong COVID-19 pandemic, kumusta po ang bilang ng mga nahawaan po ng sakit na COVID-19 diyan sa Albay?
GOV. BICHARA: Sa ngayon, for the past three days, zero COVID kami and ang mga positive ngayon, at least 55 pero mga mild lang naman, minor at saka may mga dating—iyong iba may mga sakit talaga eh, delikado kaya nandoon sila sa regional hospital ng DOH. Pero iyong sa amin, para sa (garbled) naman eh zero kami ngayon, walang pasyente.
So, maganda ang takbo rito at least for the past three days zero kami ng COVID.
BENDIJO: Opo. Mayroon pa ba tayong mga kababayang nananatili sa mga evacuation centers diyan? Iyong mga na biktima po ng mga nagdaang kalamidad, kumusta po sila ngayon, Governor?
GOV. BICHARA: Okay naman at masaya sila dahil halos araw-araw may nagdadala sa kanila ng tulong at itong mga bahay na nilibing ng lahar ay iyon ang mga nasa evacuation center; iyong iba nasa kamag-anak nila. In fact, next week mayroon kaming (garbled) bazaar sa ground zero namin, iyong…. tawag doon…. iyong mga ukay-ukay, iyong mga nag-donate ng doon ng mga damit at mga tsinelas, kitchen utensils, blankets, so parang Christmas shopping sila. May mga (garbled) at susukatin nila iyong mga kukuhanin nilang mga damit.
Sila—iyong mga PNP (garbled), sila ang mag-aayos ng mga bahay dahil bumili ako ng maraming construction materials at para hindi magulo, PNP na ang—nag-volunteer sila, iyong PNP, sila magtatrabaho para ayusin iyong mga bahay ng mga ibang mga nabiktima ng bagyo. So maganda, organized din ang relief operations.
BENDIJO: Opo. Iyon pong pagtulong natin sa ating mga kababayan na muling itayo ang kanilang mga bahay, doon pa rin po ba sa mga lupang dati ng natirikan at naitayong mga bahay po nila or may plano po tayong i-relocate na po sila, Governor?
GOV. BICHARA: Doon muna sila dahil iyong mga may lupa, gaya ng Tabaco City iyong mga ibang bayan-bayan, (garbled) pera ng NHA pero may mga ready ng lupa. Iyong sa Guinobatan, hindi ko na hihinitayin iyong NHA, sabi ko, umpisahan na namin ito para may (garbled).
BENDIJO: Nabanggit ninyo po kanina na at least po magiging masaya at tuloy pa rin ang Pasko po diyan sa Albay. So, kumusta po ang celebration ng ating mga kababayan po diyan lalo na doon po sa mga naapektuhan ng kalamidad maging po sa pandemya, Governor?
GOV. BICHARA: Eh dahil sa mga guidelines ng Inter-Agency ay bawal sa labas mag-ipun-ipon, sa bahay sila magsi-celebrate ng Christmas nila. At least iyong mga restaurant dito, nagbubukas na pero bawal pa rin isama iyong mga bata dahil iyon ang nasa guidelines. So iyong mga bata, iyong mga senior citizens ay sabay silang magsi-celebrate. Anyway, malapit na ring dumating iyong vaccines, so kaunting tiyaga na lang.
BENDIJO: Opo, mensahe na lang sa pangkalahatan, Governor, lalo na sa inyong mga constituents po diyan sa Albay?
GOV. BICHARA: Maalala ninyo mas sanay kami sa bagyo, iyong probinsiya namin, maraming malalakas na bagyo dumating dito na flexible naman kami dito. Kaso lang siyempre kung kulang ang tulong, siyempre mabagal din ang recovery. Pero sa mga tulong na dumating dito eh mapapabilis natin ang recovery natin, siguro by January, normal na itong mga kalagayan namin dito sa Albay.
At marami pong salamat sa mga tumulong sa amin, mula kay Presidente dahil nadagdagan nila iyong calamity fund namin at saka iyong iba pang mga tulong ng mga senador; congressman na pumunta dito; iyong mga governors na tumulong dito; mga mayors at sa ibang probinsiya na tumulong rin dito. And natuwa nga ako dahil hindi ko akalain na ganito ang kapatiran dito sa ating bayan, sa ating bansa.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Albay Governor Al Francis Bichara. Thank you po.
GOV. BICHARA: Salamat din.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
BENDIJO: Dako tayo sa Cordillera Region, may balitang hatid si Florence Paytocan mula sa PTV-Cordillera. Florence?
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Maraming salamat, Florence Paytocan ng PTV-Cordillera.
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa Davao City kasama si Regine Lanuza. Regine?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV-Davao.
Maraming salamat po sa ating mga partner-agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. Eighteen days na lang po, Pasko na!
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)