Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Walang patid pa rin ang paghahatid namin ng mga napapanahong impormasyon para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Patuloy pa rin ang aming pagpapaalala sa lahat na maging ligtas at sumunod sa health and safety protocols na itinakda ng pamahalaan ngayong Kapaskuhan. Ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Laging pagkatandaan, basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

ALJO BENDIJO: Sa mga balita po: Malacañang tiniyak ang hustisya para sa mag-ina na pinatay ng isang pulis sa Tarlac. Narito detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mga kababayan naman natin sa Tacloban City at Balayan, Batangas nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan at tanggapan ni Senator Bong Go. Panoorin natin ang ulat na ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Patuloy pa rin ang paghahatid ng tulong sa mga residente sa Pampanga na apektado ng Bagyong Ulysses mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mula sa grupo ni Senador Bong Go. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, umakyat na sa 429,207 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa bansa matapos pong madagdag ang 82 recoveries kahapon. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 1,721 naman ang bagong bilang ng mga nahawa ng COVID-19 kaya umabot na ito sa kabuuang 461,505. Sampu naman ang dagdag sa nasawi na ngayon ay umabot na sa 8,957.

ALJO BENDIJO: Ang Lungsod ng Davao ang pinagmulan ng highest number of reported cases. At kukuha lang tayo ng update tungkol sa balitang iyan.

USEC. IGNACIO: Iyan, pinagmulan – Davao pa rin, Aljo. Uhum.

BENDIJO: Davao pa rin, sumunod ang Quezon City, Rizal, Laguna at ang City of Manila. Mula sa 4.7% na ating naiulat kahapon, umangat po iyan sa 5.1% ng total cases, iyong mga aktibong kaso, na may kabuuang bilang na 23,341. Nananatili pa ring mild cases ang pinakamarami sa mga aktibong kaso, sumunod ang mga walang sintomas/asymptomatic 8.5%; ang critical cases sa 5.9%; 0.3% naman severe; at 0.34% moderate cases.

USEC. IGNACIO: Ang amin pa rin pong paalala ngayong Kapaskuhan, maging maingat po tayo para hindi mahawa o makahawa ng sakit. Mainam din po kung masusustansiyang pagkain ang ating ihahain sa Noche Buena at Media Noche. Malaki po ang maitutulong nito para mapalakas ang ating resistensiya at kung tayo naman po ay lalabas ng bahay, huwag pong kalilimutang magsuot ng face mask at face shield na may full coverage o iyong sakop po iyong buong mukha ninyo.

Muli maging BIDAsolusyon sa COVID-19, para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Nakakalungkot na balita nga po mga kababayan ang pagkamatay ng mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio matapos pong barilin ng isang pulis sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong Linggo ng hapon. Ayon po sa naunang report, nagsimula ang away nang sawayin ni Police Corporal Jonel Nuezca ang paggamit ng boga o improvised na kanyon ng pamilya Gregorio hanggang humantong ito sa alitan sa right of way.

Isang oras po matapos maganap ang insidente ay kusang sumuko ang suspek at ngayon po ay nasa custody na ng Paniqui Municipal Police. Nauna namang sinabi ng pulis na ang nangyaring ito ay maituturing na isolated case at hindi sila makapapayag na madungisan ang pangalan ng PNP na pinagsusumikapan ngayong ayusin ng kasalukuyang pamunuan. Kaugnay niyan, makakausap po natin ang tagapagsalita ng Philippine National Police na si Police Brigadier General Ildebrandi Usana. Magandang umaga po, sir.

PBGEN. USANA: Ma’am good morning po at sa inyo pong mga tagapakinig, good morning din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Una po sa lahat, kumusta na po ang takbo ng sariling imbestigasyon ng PNP sa kasong ito?

PBGEN. USANA: Well, naisampa na po iyong kaso at eventually iyong prosecutor has also filed the information. No bail recommended po sa kaniya, two murder cases ang kakaharapin niya po. Sa administrative case, pinamamadali na rin po ng ating butihing Chief PNP General Debold Sinas ang pagka-conduct ng administrative investigation sa Internal Affairs Service and he is expecting that this case will be brought to his attention the soonest time possible for the dismissal of subject officer po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maaasahan po ba daw ang mabilis na desisyon sa kaso ni Jonel Nuezca na isa pong Master Sergeant? May timeline po ba kayong ibinigay sa inyong Internal Affairs Service?

PBGEN. USANA: Well, we leave it to the Internal Affairs Service but because of the pieces of evidence that are very strong, eventually the IAS will have to dispose of the case immediately or the soonest time possible po. So, makakaasa po ang publiko na iyong dismissal case will be in order po.

USEC. IGNACIO: Nauna na pong ipinahayag ng PNP na ang kasong ito ay isolated case lang. Kinukondena po ito ng ilang grupo dahil maraming kaso na raw po ng police brutality ang nagaganap sa ating bayan. Ano po ang reaksiyon ng PNP dito?

PBGEN. USANA: Kung titingnan naman po nila ang bilang ng Philippine National Police, we are 221,000 strong members at wala pa ho itong bilang ng mga nag-commit ng violations to even 5%. So nakikita ho natin mas marami pong mga pulis na matitino, mas marami pong ang interes is makapagsilbi nang tapat sa bayan at marami po kaming mga nagawa sa mga mamamayan na hindi po nagagawa naman ng iba pang mga nasa government. So I guess this is unfair to the Philippine National Police na akusahan dahil lamang sa kagagawan ng isang police officer.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tungo naman po tayo sa tanong ng ating mga kasamahan sa media. May tanong po si Leila Salaverria, ito po iyong tanong niya: Bigyan ninyo daw po kami ng update sa paggamit ng body cameras for policemen. How many are now in use? If none have been deployed? When can we expect daw po policemen to start using them regularly?

PBGEN. USANA: Ang pag-procure po ng body camera is already in process being handled by the Directorate for Logistics and rest assured that as soon as these are all procured, these will be distributed to our operatives dahil ito na rin po ang hangarin ng Philippine National Police na magbigay nang strength sa kanilang mga efforts sa operation and accomplishments po nila. At kung sakali man pong may mga lapses, ito rin po magiging basis kung ano po ang nangyari dito po sa mga operations ng ating mga kapulisan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Leila Salaverria ng Inquirer: Are you committed po to the use of police body cameras especially in light of allegations of police brutality?

PBGEN. USANA: Mayroon na pong mga efforts, may mga initiatives na rin po ang ilang mga units. Ang SAF troopers mayroon pong ilang mga body cameras na kanila ring ginagamit na rin and I guess these will eventually be a matter of course pagdating po sa mga operational functions ng police, so much so na mayroon ding mga encounters ang mga police officers na nagku-cause din ng death among our ranks and we hope that with the body cameras, makikita po kung ano po iyong mga efforts ng ating mga kapulisan pagdating po sa paglaban sa mga criminal elements.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi tungkol pa rin po sa pangyayari sa Paniqui, Tarlac, General, isa sa dahilan ng insidente ay tungkol doon sa right of way. Maaari bang ipag-utos ng pamahalaan sa mga lungsod, sa mga namumuno lalo na sa Metro Manila na tugunan iyong tungkol sa right of way problem dahil isa daw po ito iyong naging sanhi ng kaguluhan?

PBGEN. USANA: Kung ito nga po iyong dahilan kung bakit po natin sinasabi na iyong usapin kay Nuezca ay something that is personal to him at hindi po ito connected sa kaniyang performance as a police officer. Bagama’t ang local government may have the responsibility to address iyong usaping ito, we would still suggest sa mga police officers na maging mahinahon at huwag mapang-init ang ulo pagdating sa mga usapin na nakapaloob sa kanilang community lalo na sa kanilang neighbors.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may tanong po si Joseph Morong ng GMA-7: Paki-paliwanag po kung bakit nakalusot sa dating mga kaso niya si Nuezca?

PBGEN. USANA: Ito po ang niri-review rin ng ating pamunuan dahil medyo mabibigat po iyong mga kaso sa kaniya. May dalawang suspetsa naman po na nangyari sa kaniya pero iyong apat po dahil na-dismiss po iyong kaso, we will validate and of course, the presumption of innocence is placed upon him. Most likely baka nakaka-present din siya ng ebidensiya in his favor. But we will review the cases that most likely itong nakapaloob sa mga less grave or mga serious neglect pati na rin iyong grave misconduct, dalawang homicide po ito, magkakaroon po nang pag-aaral na isasagawa ang Internal Affairs Service po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Miguel Aguana ng GMA-7: Following daw po iyong double murder incident sa Tarlac, some lawmakers are calling for the reimposition or revival of the death penalty. Ano po ang stand ng PNP dito?

PBGEN. USANA: Well, the PNP has also spoken as regards the position of the organization with regard to the bill, as regard to death penalty po – we are in support of that. In fact kahit dito po sa kaso ni Nuezca, if it deserves that death penalty be imposed, then the PNP has already spoken that such a case deserves death penalty po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: Given Nuezca’s case, do you still think off duty policemen should carry their firearms? If yes, how will you prevent them from using their firearms for personal vengeance?

PBGEN. USANA: There are bigger number of police officers po na nagha-handle ng kanilang firearms responsibly. Alam po nila iyong sense of responsibility to making sure that the firearms will be used properly and alam naman din po nila iyong training that comes with it, pati po iyong kanilang idea that firearms shall only be used as a defense of oneself or defense of stranger. So in this case, ang mga police officers are responsible enough to make sure na kahit off duty nila ay kaya nilang pangalagaan ang pagdadala ng firearm nila at ito lang po sa kay Nuezca, isa pong halimbawa ito na hindi niya alam kung bakit siya nagdala ng firearm that time.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Jam Punzalan ng ABS-CBN: What would you like to say to Filipinos fearing abuse from policemen who are sworn to protect them but are doing the opposite?

PBGEN. USANA: Isa lang po iyan na opinyon, ginagalang po naming lahat ng mga nagiging akusasyon ngayon dahil kay Nuezca. Pero tingnan rin ho natin iyong napakaraming mga magagandang halimbawa na nai-share na rin po ng ating mga kapulisan. Hindi na po mabilang ito, siguro naman magiging fair and just din na bigyan ding pansin ang mga heroic acts ng ating kapulisan over this particular case of Nuezca.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Jam Punzalan ng ABS-CBN: What would you like to say to Filipinos fearing abuse from policemen who are sworn to protect them but are doing the opposite?

PBGEN. USANA: Isa lang po iyan na opinyon. Iginagalang po namin lahat ng mga nagiging akusasyon ngayon dahil kay Nuezca pero tingnan rin ho natin iyong napakaraming magagandang halimbawa na nai-share na rin po ng ating mga kapulisan. Hindi na po mabilang ito, siguro naman magiging fair and just din na bigyan ding pansin ang mga heroic acts ng ating kapulisan over this particular case of Nuezca.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow-up lang po si Joseph Morong ng Channel 7: So status quo po, puwede pa rin bang magdala ng baril ang off duty na pulis?

PBGEN. USANA: Opo. Sabi naman po natin hindi dapat ito makaapekto sa morale ng mga police personnel natin. Magpapatuloy lang po ang serbisyo sa bayan at iyong pong pagtatalaga ng firearm is meant to defend the lowly, the oppressed, the civilians who cannot even fight against criminal elements at kami po ang magiging sandigan nila upang paglabanan ang mga masasamang loob po.

USEC. IGNACIO: General, may suggestion na dapat daw po ipaubaya na sa NBI iyong kustodiya o jurisdiction sa suspect ng pamamaslang dito sa Paniqui, Tarlac para wala daw po whitewash o special treatment lalo na’t ang level po ng distrust ng tao sa PNP ay masyado nang masasabing mataas. Your opinion daw po dito?

PBGEN. USANA: Well, kung iyong kay Nuezca po, sadya pong talagang nagkaroon ng epekto sa mga paningin ng mga mamamayan pero sabi ko nga po, ang PNP ay mananatiling matatag sa pagsiserbisyo sa bayan.

Iyong kaso po ay naisampa na po, nandoon na ho sa prosecutor at eventually once the commitment order is issued by the court he will be transferred to the BJMP. We welcome the assistance that may come from the NBI but the case has already been filed in court po. The DOJ will have the responsibility now.

USEC. IGNACIO: Opo. Upang masawata raw po iyong tinatawag na police criminality at brutality ay hinihikayat ang Kongreso na gumawa ng batas na maglilipat sa PNP Internal Affairs sa ilalim po ng Department of Justice. Maaari po ba—ano pong stand ng PNP dito?

PBGEN. USANA: We welcome any conceivable idea how to improve the level of services of the PNP even in cases where administrative action has to be handled by a separate body. Right now the Internal Affairs Service is under the Office of the Chief PNP, so I guess the leadership perspective remains na ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon ay naaayon sa kagustuhan ng ating Chief PNP na mapalinis po ang ating hanay.

We have internal cleansing program, we also have the Integrity Management Enforcement Group at mayroon din po kaming mga iba pang mga interventions to ensure that police officers are professional, they behave well pagdating po sa public decorum and I guess they have had all the training activities na in-attend-an na magbibigay sa kanila ng tatas pagdating po sa pagsiserbisyo sa bayan po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, nabanggit po ng Pangulo kagabi ang tungkol sa neuro exam at mental state ni Nuezca. Ano pong repormang ginagawa ng PNP sa neuro exam ng mga aplikanteng pulis?

PBGEN. USANA: Sa ngayon po, ang mga pamamaraan ng pagku-conduct ng neuro exam ay doon po sa recruitment, sa schooling, at sa promotion pero mabuti na lang at sa pagkakasabi ng ating Presidente, puwede po naming isagawa ito on and off, maybe every six months or one year para ma-determine po iyong level of behavior ng police officers namin in the field because very stressful po ang work ng police. I guess people would understand na talagang sa dami ng trabaho ng pulis, minsan ang pamilya niya ay napapabayaan niya rin. So, this is one thing that we will address eventually po.

USEC. IGNACIO: Opo. Suggestion naman po ni Senator Panfilo Lacson na dapat daw po i-turnover na ang service firearm sa tuwing mag-o-off duty ang isang pulis. Ano po ang tingin ninyo para dito?

PBGEN. USANA: Wala naman pong problema doon sa advisory coming from our former Chief PNP Senator Lacson, it’s just that at this point iyong policy as regards bringing their firearm is meant to really address the criminality in the area. Hindi naman po kasi namimili ang mga kriminal at ang pulis naman po is working 24/7, so titingnan po natin kung how we can create the balance po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po iyong morale ngayon ng PNP sa pangyayaring ito at ano po iyong magiging mensahe ni Chief PNP Debold Sinas para po sa mga pulis?

PBGEN. USANA: Trabaho pa rin po talaga, ma’am. In fact, just yesterday we have a big accomplishment laban sa iligal na droga, 272-million, 42 kilos po ng shabu ang nasabat at nagkaroon po ng encounter between our operatives and the syndicates ng drugs ‘no and then along with that marami pa rin pong mga naging accomplishment ng pulis.

That means nandoon pa rin po iyong morale ng ating mga kapulisan, hindi po tayo apektado although nakakalungkot dahil talagang hindi dapat nangyari ito po sa mag-ina but we already expressed condemnation against the act of our police officer and rest assured that we will still be here ready, willing and able to protect our people po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, maiba naman tayo. Mula po nang inanunsiyo ang pagbabawal sa pagsasagawa ng party o social gathering ngayong holiday season, so far, mayroon po ba kayong nahuhuli ng lumalabag dito at kumusta na iyong implementasyon ng health protocol sa tulong po ng ating social distancing patroller sa mga public places gaya ng malls?

PBGEN. USANA: Ma’am, naging panawagan na rin po ng mga iba-ibang ahensya ng gobyerno mula sa IATF hanggang sa DOH pati na rin po sa Philippine National Police, ang ating Presidente nanawagan na rin po na kung puwede mag-stay na lang sa bahay para maiwas iyong pagkakaroon ng pagkakahawa, ‘no.

Kasi ang paglalabas ng mga tao ngayon dahil nag-reopen ng economy – Christmas time tapos maraming gustong mamili – ito po iyong opportunity ng COVID-19 na mag-penetrate sa mga populated areas, iyong areas of public convergence. Even if our police officers are spread to ensure iyong social distancing between and among the shoppers, kailangan pa rin po ng self discipline among our people.

And we hope na hindi po magkaroon ng upsurge ng cases ng COVID-19 lalo na’t magkakahawaan po doon sa mga pamamahay dahil galing po iyong ilan sa mga miyembro nila ng pamilya sa labas at pupunta sa loob ng pamamahay, doon na po magkakaroon ng problema.

Iyong mga reunion, iyong mga pagpupunta sa bahay-bahay, iyong mga malawakang mga pagkakaroon ng salu-salo, ito po ay ipinagbabawal. Kung kayo ay isang pamilya, we allow you kahit sampu po kayo basta kayo-kayo lang po magsi-celebrate; pero kung kayo po ay mag-i-invite pa ng mga kamag-anak galing sa probinsiya, sana po ay iwasan po natin ito kasi nandiyan pa rin po ang COVID-19 at hindi pa naman po lumalabas sa ating environment po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may pahabol na tanong lang si Jam Punzalan ng ABS-CBN: Ang tanong lang po niya: A media report says the number of policemen who tested positive for illegal drug use increased by 42.85% this year compared to last year. How quickly are they dismissed from PNP and how does this affect the police role in the war on drugs?

PBGEN. USANA: Kung titingnan ninyo po, the transparency of our police officers is such na talagang we really are addressing police officers who are into illegal drugs. Meaning, iyong paggamit ng iligal na droga talagang we do not condone this at very clear ang instruction ni Chief PNP: The moment they are found positive they will be dismissed.

Whether or not there is an increase or decrease in the number of our police officers, we are geared towards improving our services by removing the misfits and scalawags specially sa anti-illegal drugs campaign dahil ito po iyong national program ng ating Presidente, dapat sa loob ng hanay ng Philippine National Police, isa po ito sa maging programa din and we are doing this as part of our campaign po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa patuloy na pagpapaunlak ninyo sa aming imbitasyon, Police Brigadier General Ildebrandi Usana, ang tagapagsalita po ng Philippine National Police.

Salamat po, General.

PBGEN. USANA: God bless, ma’am! Salamat din po.

USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

ALJO BENDIJO: Kayo po ay nanunood pa rin ng Public Briefing #LagingHandaPH. Sa kabila po ng pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo ng mga manggagawa sa entertainment industry. Nito lamang ay inaprubahan ng Kongreso ang Eddie Garcia Bill na layong mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa likod at harap ng camera. Kaugnay niyan ay makakausap natin si FDCP Chairperson Undersecretary Liza Diño-Seguerra.

Usec. Diño-Seguerra, magandang araw po.

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Magandang umaga, Sir Aljo. Kumusta ka?

ALJO BENDIJO: I’m fine. Kasama rin natin si Usec. Rocky, Usec.

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Hi, Usec. Rocky.

ALJO BENDIJO: Kumusta po ang lagay ng film industry sa bansa, Usec? Unti-unti na bang nakakabangon ang ilang production houses sa naging epekto ng pandemya?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Opo. Actually, because of the safety protocols na nilabas po ng ating gobyerno ay nag-resume na po ang mga production shoots. Siguro nasa 30% na po ang nag-uumpisa ulit na mag-production. According to our registration, mayroon na po tayong mga 480 production shoots na nag-register po dito sa ating safe filming program para maasistehan po sila kung paano po sila makakapag-conduct ng kanilang mga shooting pero sinasapuso pa rin natin ang pag-aalaga at pag-prioritize sa kaligtasan ng ating mga workers.

ALJO BENDIJO: May pag-aaral ba kayo kung gaano po kalaki ang inilugi ng buong industriya ngayong 2020, Usec?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Well, ang box-office revenue po natin talaga ang pinakanaapektuhan dahil hanggang ngayon po ay sarado pa po ang mga sinehan. Ang typical box-office gross natin na 11.5 billion kada taon, December na po ngayon, so malamang talagang almost nasa 10 billion or more ang estimated na nawala na po sa industry in terms of box-office.

In terms of the productions naman po na nagsyu-shoot, malaki na rin po ang nawawala sa kanila dahil wala pong platforms para maipalabas ang kanilang mga pelikula. And ito naman pong mga production shoots, nasa 30% po ang inilalaki ng cost na kailangan po nilang idagdag dahil po sa safety ang health protocols natin.

We understand po iyong situation ng ating mga producers, talagang kailangan po nating mag-adjust, kailangan nating humanap ng mga bagong platforms para maipalabas ang ating mga pelikula. Pero sana po ay i-prioritize talaga natin ang safety sa ating mga productions dahil may mga nari-receive po kaming mga reports na sa mga productions po ay nagkakaroon po tayo ng mga COVID cases at marami pong nai-expose na mga workers within these productions.

Itong last po naming na-receive ay isang production po, 18 ang naging positive sa COVID. So while we want to support our industry na mag-re-open po, sana po talaga mas maging mahigpit at sundin po natin ang protocols na ibinibigay po ng ating government para protektahan po ang lahat sa pandemya.

ALJO BENDIJO: Ang paglipat natin sa digital screening ay sustaining ba para maisalba ang industriya, Ma’am Liza?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Well, of course, bagung-bago po ito sa ating industriya pero nakakabilib po talaga iyong resilience ng ating mga stakeholders ‘no. Mayroon na po tayong mga local streaming platforms na naghu-host po ng mga pelikula natin. Katulad po itong nalalapit na MMFF, ang upstream po ay digital platform kung saan mapapanood po ngayon ang mga pelikulang tampok dito sa ating yearly festival na inaabangan po ng lahat.

Ito lang pong natapos na Pista ng Pelikulang Pilipino na in-organize ng FDCP, FDCP created its own digital platform; it’s called FDCP Channel. At itong streaming platform na po na ito ay ang maghu-host sa mga pelikula natin na naghahanap ng opportunity para mapanood nang mas maraming tao at kumita ‘no dahil po right now, because of the closure of the cinemas, wala pa rin talaga tayong place para mag-monetize po ng ating mga nagawang mga pelikula.

Marami pa pong mga local streaming platforms na lumalabas ngayon. And we’re very happy that kahit papaano po, talagang pinakatinamaan po talaga din ang aming industriya dito po sa pandemic, nagri-recover at nagsasama-sama po para maka-survive dito sa ating pinagdaraanang krisis.

ALJO BENDIJOOpo. Chairperson Liza, may ayuda bang ibinibigay ang FDCP sa mga stakeholders ninyo para mapasigla muli ang industriya ng pelikulang Pilipino?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Opo. Nag-umpisa po kami doon sa DEAR (Disaster Emergency Assistance and Relief) program ‘no, noong pagpasok pa lang po ng pandemya ay namigay po kami ng 5,000 to 8,000 sa mga film workers natin. Pagkatapos po noon, talagang ni-lobby po namin sa ating mga legislators na maisama ang ating mga workers sa Bayanihan II Act.

So naaprubahan po ang more than 5,000 workers po na nakalista under the national registry. Ang DOLE po ang magri-release ng mga ayudang ito. I think, it’s 5,000 under the CAMP assistance at naaprubahan na po ito. Inaayos lang po namin sa DOLE kung paano po makakatulong ang FDCP sa pagpasa ng mga requirements dahil nasa amin naman po iyong mga requirements ng mga workers natin ‘no dahil po nagkaroon na po kami ng earlier program.

Para naman po sa mga producers natin, katatapos lang po ng deliberations namin para sa Create Philippine Films. So ito po ay funding program ng FDCP para makatulong po sa pagbibigay ng pondo sa ating mga producers, sa mga film makers natin na gumagawa ng script at ginagamit nila itong panahong ito ng quarantine sa pagdi-develop ng mga magagandang pelikula, hanggang sa mga producers po natin at distributors na naghahanap ng funding para po maipalabas ang kanilang mga pelikula, makipag-partners sa mga streaming platforms like Netflix at iba pa pong puwede pa nilang pagpalabasan ng films.

So mayroon po tayong funding ranging from 300,000 up to five million pesos po para po sa mga film makers natin at producers.

ALJO BENDIJO: Kumusta naman ang pagsunod sa health protocols ng mga tapings at shootings? Naiwasan po ba iyong COVID-19 transmission sa mga location at set, ma’am?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Marami naman po na talagang nag-i-employ ng very strict protocols pagdating po sa set ‘no. More than the minimum standards po iyong kanilang ginagawa – may mga swabbing, may mga PCR tests po na ini-employ ang iba’t ibang productions. Pero mayroon din pong mga mangilan-ngilan na productions na talaga pong baka mas kailangan pa nilang i-revisit ang kanilang mga existing protocols dahil marami po sa mga workers natin ang nai-expose sa virus.

Ito nga pong sinabi ko just a while ago, we had one production where 18 po ang naging positive sa COVID at hindi pa po diyan nabibilang ang mga taong nagiging PUI dahil na-expose po sila dito sa mga COVID positive workers.

Nakakaalarma po ito dahil hindi lang po natin pinag-uusapan ang kaligtasan ng ating mga workers, pati po ang kanilang kabuhayan dahil hindi po sila nababayaran dito sa mga ganitong klaseng situations. Mayroon po kaming mga nari-receive ngayon na mga workers na hindi po nakukompensahan dahil in the middle of the shoot ay naging positive po sila, dinala po sila sa quarantine, kailangan po nilang mag-quarantine ng labing-apat na araw – wala pong bayad iyong iba sa kanila dito.

So nakikipag-ugnayan po kami sa DOLE at nakikipag-ugnayan din po kami sa mga production companies para po matulungan itong ating mga workers dahil ang goal naman po natin talaga ay dapat maging responsable po tayo dito po sa ating pag-conduct ng mga shoots dahil kabuhayan—buhay po ang maaring kapalit ‘no kung hindi po natin ito ipa-prioritize.

BENDIJO: Opo. Samantala, Chairperson Liza, paano makakatulong sa mga manggagawa ng TV, radio at pelikula ang panukalang Eddie Garcia Act? Gaano ba karami ang makikinabang sa mga benepisyong hatid ng nasabing bill?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Naku po, ito po talagang Eddie Garcia Act ay magbabago po talaga po sa landscape ng buong industriya – hindi lang po ng pelikula pero lahat po ng manggagawa sa creative industry dahil mabibigyan na po natin sila ng benepisyo, masisigurado po natin na lahat po ng mga workers natin ay may kontrata, nakasulat po doon ang kanilang mga susuwelduhin at mga—kung gaano po sila katagal magtatrabaho sa production na ito dahil ngayon po medyo informal ‘no, kaliwaan po; iyong iba wala po talagang mga kontrata and this poses a lot of risk sa mga workers po natin dahil minsan hindi po sila nababayaran o kaya hindi po nakukumpleto iyong kanilang mga dapat na tanggapin.

Pati po ang working conditions ‘no, alam ninyo naman po na minsan po ang isang production umaabot nang 36 hours isang shoot at marami na po tayong mga namatay na mga direktor at mga manggagawa dahil dito. Because of this Eddie Garcia Act, mama-maximize po hanggang 12 hours ang shoot at puwede pong ma-extend kahit konting oras po because of a tripartite council. Pero ang maganda po dito ay ang gobyerno po ay nakatutok to make sure na may compliance po ang lahat ng mga production companies sa pangangalaga, to make sure that we have a safe environment sa ating industriya as we continue to make films po para po sa ating mga manunood.

BENDIJO: Magandang balita po iyan Chairperson Liza dahil talagang gumugulong na ang bill na iyan para sa kapakanan ng ating mga manggagawa sa pelikula, sa telebisyon, maging sa radyo. So, umaasa kayo na iyan ay agad na maisabatas?

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Yes po. At this point po nakapasa po siya sa Kongreso, unanimous decision po with no objections, the whole Lower House really supported this. Ang next step na po natin ay masuportahan din po siya ng Senado at naniniwala din po ako na ang ating mahal na Presidente ay talagang susuporta po dito po sa welfare at pagbibigay nang priority.

After 100 years of Philippine cinema, mabibigay na po natin ang karampatang proteksiyon ng ating mga workers and we know that the President fully supports, mahal na mahal po niya ang mga workers ng ating film industry. So we look forward to this at nagpapasalamat po kami sa lahat ng naging champions ng bill na ito para talagang mabigyan na nang maayos na guidelines at minimum standards to protect our workers.

BENDIJO: Mensahe na lang, Chairperson Liza, sa ating mga kababayan, sa mga tagatangkilik at mga manggagawa ng pelikulang Pilipino.

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Para po sa aming mga ka-industriya, mag-ingat pa rin po tayo, nasa pandemic pa rin po tayo. Alam ko pong lahat po tayo ngayon ay nagkukumahog na makahanap ng trabaho at dahil talagang hirap na hirap po tayo ngayon. Pero you can be rest assured na FDCP is here to assist in whatever way we can at pangalagaan po natin ang ating mga sarili dahil kakaiba po talaga ang ating industriya when it comes to production shoots ‘no.

For our producers at sa mga gumagawa po ng mga pelikula, mag-abide po tayo sa mga safety protocols. Ang FDCP po kasama po ng DOLE, DOH at lahat po ng government agencies, nandito po kami para gabayan kayo ‘no. In terms of violation of certain protocols, puwede po nating pag-aralan kung paano po natin—ano po iyong mga gaps, ano po iyong kailangan nating i-identify para po mas lalo po nating ma-enforce iyong safety ‘no para sa ating productions.

At para naman po sa ating mga manunood, ngayon po namin kailangan lalo pa ang inyong suporta ‘no. Mayroon po tayong Metro Manila Film Festival na lalabas po ngayong December 25. Maipakita ninyo po ang inyong suporta sa film industry by watching these films legally. Mayroon po tayong upstream.ph kung saan mapapanood ninyo po ang lahat ng mga pelikulang ito. Puwede ninyo pa rin pong i-celebrate ang Christmas kasama ng inyong mga pamilya sa loob ng inyong mga bahay by watching these films.

So Merry Christmas po sa inyong lahat at sana po ay suportahan natin ang pelikulang Pilipino.

BENDIJO: Merry Christmas po, Usec. at maraming salamat Undersecretary Liza Diño-Seguerra, Chairperson of Film Development Council of the Philippines.

FDCP UNDERSECRETARY LIZA DIÑO-SEGUERRA: Merry Christmas po.

BENDIJO: Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa buong kapuluan, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas. Ria…

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region. May balitang hatid si Eddie Carta. Eddie…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV Cordillera.

BENDIJO: Makibalita tayo diyan sa Lungsod ng Davao kasama si Julius Pacot. Julius, maayong udto.

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Salamat, Aljo. Merry Christmas.

BENDIJO: Merry Christmas, Usec. Ako naman si Aljo Bendijo. Tatlong araw na lang at Paskung-Pasko na.

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)