Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #58
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Sa ating patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic, marami sa ating nakasanayan ang kinakailangang baguhin – importanteng mga okasyon at pagtitipon ang pansamantalang ipinagpaliban. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Good morning, Usec. Mga pamamaraan na makakatulong upang manatiling ligtas mula sa banta ng pandemya kaya naman mahalaga na makialam at makiisa sa mga gabay ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Ngayong umaga, isang oras na naman po ng siksik sa impormasyon at diskusyon na kailangan ninyong malaman ang muli naming ihahatid sa inyo. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakausap natin sina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III; Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez; at Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya.

Makakasama rin natin sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Aljo, sa pagbabalik trabaho ng mga empleyado sa kabila ng pagbubukas ng ilang mga industriya, alamin natin ang update diyan tungkol sa mga pangyayaring iyan at makakausap natin si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Magandang araw po, Secretary.

SEC. BELLO: Hello, Rocky, Aljo. Maayong buntag.

USEC. IGNACIO: Sir, good morning.

BENDIJO: Good morning po.

USEC. IGNACIO: Sir, unahin ko na po iyong patanong ng ilang mga kasamahan natin. Kasi kani-kanina lamang ay lumabas iyong memorandum na ipinalabas po ng Malacañang doon po sa dagdag na tulong na mula po sa 12 million beneficiaries ay mayroon pong five million eligible households na puwedeng tumanggap ng tulong. Paki-elaborate po ito, Secretary.

SEC. BELLO: Rocky, referring doon sa CAMP ‘no, iyong programa namin na COVID-19 Adjustment Measures Program. Dito namin binibigyan iyong mga formal workers na hindi nakapagtrabaho dahil naka-quarantine sila. Ngayon, nabigyan na namin po lahat ang mga almost 660,000 na mga formal employees ng P5,000 cash assistance. Ang nabayad namin diyan is about 3,280,000,000 plus – hanggang doon na lamang po, Rocky, iyong aming pondo. Pero iyong hindi namin nabigyan, they can apply with the Department of Finance and SSS, they have a program called Small Business Wage Subsidy Program. Puwede silang makatanggap din doon ng P5,000 to 8,000 cash assistance depende kung saan region ka.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, paano daw po iyong ngayong ginagawang coordination ng DOLE sa mga private sectors upang masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga manggagawang nagbalik na sa kanilang trabaho?

SEC. BELLO: Rocky, may pinalabas kami kasama namin si Secretary Mon Lopez ng DTI, mayroon kaming guidelines on how to prevent and protect our workers when they go back to work.

Essentially madali lang iyan: Pagpasok mo ng opisina, kailangan dumaan ka doon sa kukuha ng temperature mo, tapos maghuhugas ka ng alcohol, tapos aapakan mo iyong carpet doon na mayroong disinfectant. In the meantime, you have to be wearing your facemasks. And then, of course, the most important things is you must observe iyong social distancing para maiwasan ang pagpasok at pag-transmit ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Secretary, isa po sa requirement ng mga empleyado ay iyon pong pag-submit ng kanilang health check list. Maaari ninyo po bang ibahagi kung anu-ano po iyong nakapaloob dito at ano po ang kahalagahan ng pagkakaroon nito?

SEC. BELLO: Iyong ano lang naman iyan, checklist kung ano iyong mga sintomas sa kanila, kung halimbawa inuubo sila, nagkakaroon sila ng diarrhea or any symptomatic expression na maaaring makapag-determine kung iyong ating worker ay symptomatic.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may nagpadala lang po ng katanungan ang ilan po sa kasamahan natin sa Malacañang Press Corps. Mula po kay Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Kung positive na daw po talaga iyong second tranche ng SBWS [Small Business Wage Subsidy] gaya ng nakasaad sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Congress dahil marami na raw po ang nag-aabang sa text ng SSS?

SEC. BELLO: Iyan iyong sa binanggit ko kanina, iyong Small Business Wage Subsidy na isang programa ng Department of Finance together with SSS and BIR.

BENDIJO: Maayong buntag. This is Aljo Bendijo, Sec. Anu-ano po ba ang iba pang mga health requirements na dapat sundin o ipatupad ng mga kumpanya sa kanilang pagbabalik operasyon?

SEC. BELLO: Hello, Aljo. Sa akin ba naka-ano iyong tanong mo?

BENDIJO: Opo, sa inyo po iyon. Ano po iyong mga—kasi new normal life, papasok na po tayo, iyong mga health requirements lang na dapat sundin, na ipatupad ng mga kumpanya sa kanilang pagbabalik operasyon?

SEC. BELLO: Aljo, nasabi ko na kanina kay Usec. Rocky na pagpasok mo sa opisina, dadaan ka doon sa checkpoint na kukuha ng temperature mo, huhugasan iyong kamay mo, aapakan mo iyong rug na mayroong disinfectant, kailangan naka-facemask ka, at pagdating mo sa trabaho ay kailangan i-observe mo iyong social distancing.

In the meantime, iyong employer naman has to provide all the medical equipment to ensure the work place is safe and is free from COVID-19 at saka iyong transmission and contamination is prevented.

BENDIJO: Opo, dapat sundin natin itong minimum health standards. Isaisip natin mga kababayan lagi, Secretary, hindi po ba?

SEC. BELLO: Opo, iyan. Iyon po ang aming guidelines na inisyu ng DTI at ng DOLE para sa ganoon ay ma-prevent ang contamination ng COVID-19 sa workplaces.

BENDIJO: Opo. Maiba po tayo, Sec. May mga reports po ba kayong natanggap na inirereklamo ang kanilang mga employers dahil sila po ay pinipilit na pumasok sa kani-kanilang trabaho sa kabila po ng kawalan ng masasakyan? Hindi po ba dapat lamang na mag-provide ang mga kumpanya ng shuttle service para sa kanila, Secretary?

SEC. BELLO: So far naman, Aljo, wala pa namang nagrereklamo sa amin na pinipilit sila ng kanilang employers. Kasi alam naman ng mga employers na kung gusto nilang pumasok ka, alam nila na wala kang sasakyan, hindi ka makakarating sa iyong workplace, so kung gusto nilang pumasok ka ay kailangan mag-provide sila ng shuttle facility. Kung hindi nila ma-provide iyon, hindi ka mapipilit pumasok sa trabaho.

BENDIJO: Liwanagin po natin, Secretary, para sa ating mga nakikinig ngayon at nanunood: Entitled pa rin ba ng hazard pay ang mga manggagawang papasok sa mga lugar na nasa ilalim po ng Modified Enhanced Community Quarantine at ng General Community Quarantine?

SEC. BELLO: Aljo, iyong hazard pay is only given to workers or employees in the public sector. Wala pa tayong hazard pay para sa private sector employees.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, magandang araw ulit. Bigyan-daan ko lang po iyong tanong muna ng ating kasamang si Pia Rañada ng Rappler: There are OFWs in Pasay quarantine facility daw po who have been stuck there for over a month after testing negative. They can’t go home because their certificates have not been printed yet. What’s taking the government so long? How can the process be expedited so they can go home to their families?

SEC. BELLO: Thank you, Usec. Rocky, that’s a very relevant question. I’m sure Secretary Lopez is listening. During our meeting yesterday, I insisted that with respect to our OFWs, after going through the process of quarantine, swabbing and other forms of testing, kailangan may definite period, definite timeline na kailangan after those processes, makakaalis na sila.

Kasi ang daming nakakarating sa amin talaga Usec. Rocky na 25 days na sila nandoon pa sila. Mayroon na nga incident na nagpakamatay eh because of that eh. Kaya anyway, the IATF committed that from henceforth ay lilimitahin na nila iyong timeframe para sa ganoon after iyong 14-day quarantine, in about 5 days makakalabas na iyong ating mga OFWs.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, mamaya itatanong din natin iyan kay DTI Secretary Ramon Lopez. Pero ito po, mayroong nagpapatanong din. Kumusta naman daw po iyong AKAP at TUPAD financial assistance programs ng DOLE para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa pinatutupad na quarantine, ano daw po iyong update natin tungkol dito?

SEC. BELLO: Ah okay iyan, Rocky. I’m very pleased to announce na after giving us 1.5 billion and nakita naman natin na mukhang kakapusin, nagdagdag ang ating Pangulong Duterte ng 1 billion. So now we have 2.5 billion na ibibigay sa ating mga OFW na nawalan ng trabaho o kaya hindi nakapagtrabaho dahil sa quarantine. So far, we have given 130,000 of our overseas workers amounting to 1.3 billion so mayroon pang naiiwan Usec. Rocky na 1.2 billion para sa ating mga OFW.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, hindi po nire-require ng DOH na sumailalim ang mga empleyado sa COVID test bago bumalik trabaho pero may mga ilang kumpanya po na piniling sagutin ang pagpapa-test sa kanila. Pero Secretary, mayroon din po kasing nagrereklamo sa atin na iyong mga employer nila, pinipilit silang magpa-test bago pumasok pero sila daw po iyong sagot doon sa pagpapa-test. Eh ang sabi po nila, naiintindihan nila iyong sitwasyon ng kanilang mga employers dahil sa epekto pa rin ng COVID-19, pero sila rin naman daw po ay apektado din. So ano daw po iyong maitutulong sa kanila ng gobyerno?

SEC. BELLO: Well actually Rocky, you cannot compel the employer to spend for the testing. Pero if they will require their employee to be tested before they will report to work, then they have to shoulder the expense for the testing.

USEC. ROCKY: Opo. Iyon po iyong dapat ipaabot doon sa kaalaman ng mga employers na huwag pong pilitin naman iyong kanilang mga empleyado na sila ang magbayad noong pagpapa-test, Secretary.

SEC. BELLO: Tama po iyan, tama po iyan. Tama iyan Rocky, hindi mo puwedeng pilitin. But if you want talaga na ma-test sila, okay, puwede silang mag-test pero ikaw ang gumastos para sa testing nila.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary last na lang po din, may patanong lang daw po. Kung pupuwede daw po ba na iyon daw pong kanilang mga—na dahil hindi sila nakapasok sa trabaho, sinasabi daw po ng kanilang mga employer, iyong hindi nila pagpasok puwede daw pong ikarga sa vacation leave. Kung puwede daw po ba iyon?

SEC. BELLO: Puwede po, puwede po Rocky kung mayroon pa. Baka nagamit na nila, wala na sila so no-work, no-pay.

USEC. ROCKY: Okay, opo. Si Aljo po may katanungan, Secretary.

BENDIJO: Opo. Thank you, Usec. Secretary sa darating na May 25, dineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang regular holiday para po sa pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid nating mga Muslim. At kaugnay niyan, nag-release ang DOLE ng advisory tungkol sa payment rules para sa mga empleyado na papasok. Pakipaliwanag po nito, Secretary.

SEC. BELLO: Okay, Aljo. Simple lang iyan, kung pumasok ka, 200% ang suweldo mo. ‘Pag hindi ka pumasok, 100% lang. Pero itong pagbabayad nito, puwede namang i-delay kasi naman because of the COVID-19 pandemic, you have to understand the situation of our employers, puwede munang i-postpone iyong pagbabayad ng holiday pay.

BENDIJO: Okay. Nasa kalahating buwan na tayo ngayon ng taon Secretary, at ano ba ang aasahan ng mga naghahanap ng trabaho, iyong mga job seekers? Iyong mga nasa ilalim po ng GCQ, maari ba silang maghanap ng trabaho at may mga limitasyon ba ang DOLE para sa kanila?

SEC. BELLO: Iyon ang number one responsibility natin sa DOLE, Aljo ‘no. Unang-una, we have to protect employment. At all cost, we will try to protect iyong employment ng isang employee. That is why marami kaming mga schemes na pumapayag naman iyong mga employer na sa halip na tanggalin iyong ating mga manggagawa, eh bibigyan na lang sila ng… halimbawa, instead na papasok sila 5 days a week, gagawin na lang 3 days, puwede iyon.

Puwede ring gawin nila na rotation o itong grupo na ito, itong linggo ito mag-report; next week, ibang grupo naman, puwede rin iyon. Basta mayroong mga flexible work arrangement, ang importante lang hindi mawala iyong employment status noong worker. Puwede nga iyong worker, “O doon ka muna sa branch namin sa Isabela dahil kasi wala masyadong trabaho dito, doon ka muna,” puwede rin iyon. Puwede ring sabihin na, “Huwag ka munang pumasok ng isang buwan, next month ikaw naman, 1 month,” ganoon, puwede rin iyon.

These are what we call the flexible work arrangement between the employer and the employee, para sa ganoon hindi naman mawalan ng trabaho iyong ating mga empleyado. Mabawasan nga lang ang kita, pero okay na; mas maganda na iyong nabawasan ang kita kaysa nawalan ng trabaho.

USEC. ROCKY: Opo, dapat binabalanse ano po Secretary. Secretary ngayon pong ipinatutupad na ang MECQ at GCQ sa ilang mga lugar sa bansa, balik operasyon na rin ba ang mga nasa government services? May mga limitasyon po ba pagdating sa mga ino-offer na services?

SEC. BELLO: Government iyan [laughs], government iyan, sa Civil Service iyan. Pero anyway, skeletal force muna ngayon ang mga nasa gobyerno, skeletal force muna iyan Rocky. Pero sakop iyan ni Civil Service Chairman [Alicia dela Rosa] Bala.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, ano na lang po iyong inyong mensahe sa lahat ng manggagawa sa bansa ngayon pong pupuwede na pong mula MECQ, papasok tayo ng GCQ. Sa harap pa rin po iyong ating pagbalanse sa ekonomiya at siyempre po, doon po sa kaligtasan ng maraming Pilipino. Ano pong mensahe ninyo, Secretary?

SEC. BELLO: Ang aming gustong iparating sa ating mga manggagawa ay alagaan nila iyong kanilang trabaho, napakahalaga iyan because if they treasure their work, I’m sure iyong employer will also treasure their partnership with our workers.

Kaya sa panahong ito na mayroong konting kahirapan ang negosyo, eh intindihin nila ang kalagayan ng ating mga employers. Kung mayroong mga arrangement na mapagaan nang konti ang kalagayan ng mga employers, dapat makipag-usap ang ating mga workers with their employers para sa ganoon mapapagaan ang kalagayan ng mga employers and in the process, mapapatuloy iyong operation nila.

But then kung hindi ka talaga makapasok, ang number one payo ko sa ating mga manggagawa, kung hindi rin lang kayo makapasok, stay home – that is the best way to stay nowadays. Iyon ang aking pinakamagandang payo Usec. Rocky.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DOLE Secretary Bello. Mabuhay po kayo.

SEC. BELLO: Thank you, Rocky. Thank you, Aljo. Maayong buntag sa lahat.

BENDIJO: Thank you, Secretary. Samantala Usec. ‘no, tinawag naman ni Senator Bong Go ang pansin ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na mag-provide nang mas marami pang technical at vocational training at skills enhancement opportunities sa mga Pilipino lalo na sa mga displaced worker para matulungan silang makahanap ng iba pang mga livelihood opportunities. Aniya, marami sa mga tao ang nahihirapan dahil sa kawalan ng stable na trabaho.

Hinikayat rin ni Senator Go na magsagawa ng technical and vocational education and training o TVET o itong TVET programs na makatutugon sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya. Ayon pa sa butihing senador, ang TVET programs ay mahalaga para makapagbigay ng employment opportunities sa mga Pilipino.

Sa kabilang dako naman, pinakiusapan ni Senator Go ang DTI, Department of Trade and Industry na patuloy suportahan ng mga maliliit na negosyo, ang mga negosyante, MSMEs. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang credit partners nila ang tumutulong sa MSMEs gaya ng microfinance institutions, rural banks at mga kooperatiba. Aniya, sila ang nagdedetermina kung sino ang kailangang tulungan at kadalasan ang nanghihiram ay parte ng asosasyon katulad ng Market Vendor Association at iba pa.

BENDIJO: At sa pagbubukas ng ilang mga establishment sa ilalim po ng Modified Enhanced Community Quarantine, nagdudulot po ito ng pangamba sa kaligtasan ng ilan nating mga kababayan dahil po sa mga health protocols na maaring malabag katulad ng physical distancing, itong social distancing. Kaya naman upang kumustahin natin ang update diyan makakausap natin si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Magandang araw po, Secretary.

SEC. LOPEZ: Magandang araw po, Mr. Aljo at saka kay Usec. Rocky; at sa inyo pong mga tagasubaybay magandang umaga po.

BENDIJO: Sec, isang linggo makalipas ipatupad itong Modified at General Enhanced Community Quarantine kung saan ay pinayagan na nga ang ilang sa mga establishment na magbalik na ng operasyon. Ano po ang masasabi ninyo sa isang mall, kumalat po sa social media na nakitaan po ng kawalan ng social distancing, Secretary?

SEC. LOPEZ: Opo. So, ang ginawa po natin, right on that very day ay tayo rin ay nag-conduct ng inspection kasama ang DTI team para malaman talaga kung totoo iyong mga nababalitaan natin.

And sa amin pong findings, in fact on the opposite, on the contrary ay wala nga pong tao sa mall. Ito pong nakikita nating litrato ay napansin po namin iyan po iyong sinasabi nila iyong bagong pagbukas, sabay-sabay nagpasukan; siyempre bagong bukas noong umaga, subalit after that ay nag-disperse na rin ang mga tao patungo sa kani-kanilang mga pinuntahan na tindahan. Ang parati po talagang may mga tao siyempre ay iyang mga supermarket.

Pero doon po sa aming na obserbahan, sa mga major malls din po ito, usually iyong mga matataong lugar ay nakapila po sa labas, may silya mga two meters apart, ang mga tao nakaupo, nag-aantay patiently bago ho sila makapasok sa loob mismo ng supermarket.

So, very orderly po ang aming naobserbahan, piniktyuran ko pa mismo, nasa camera ko, sa cellphone, shinare natin ito sa mga Viber group natin, just to show na naoobserbahan naman po ang ating mga patakaran. Nasabi ko kanina on the contrary, wala ngang tao, ang estimate namin base rin sa pag-survey amin sa loob, mga 20% lamang ng usual crowd ang nandoon sa mall on a Sunday afternoon na alam naman po natin ay punung-puno ng tao ang ibang malls, lalo na noong pre-COVID na panahon.

At saka ang mga bukas na tindahan, hindi rin ganoon kadami, siguro mga nasa 25% lang ang bukas na tindahan, marami pa ring sarado kahit allowed na silang magbukas. Ganoon pa ho, I think may adjustment pa ito.

Iyong ibang mga kumalat naman sa social media, ang feedback sa atin doon ay iyon po ay mga litrato noong SAP distribution. Sarado pa ang mga mall noon kaya nandoon po sila sa labas at akala mo punung-puno dahil iyon ang distribution ng SAP sa isang probinsya. If I am not mistaken, ang feedback sa Valencia City. So, iyon po—saka siguro po, tuloy pa tayong mag-obserba para ho malaman natin kung talagang may mga violation.

Pero dito po sa nakita natin, maayos po, may mga health protocol marshals pa ang mga mall, nagbibigay ng direksyon kung saan maglalakad ang tao, may mga arrow signs sa sahig, may mga floor markings para ho one way ang lakaran, hindi nagsasabay-sabay o mga nagbubungguan, mga ganoon po ang patakaran na sinabi natin sinusunod po.

USEC. IGNACIO: Secretary, unahin ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan na si Leila ng Inquirer: Has the DTI conducted its inspection of restaurants? What is the IATF’s decision about the proposal to allow them to reopen in GCQ areas?

SEC. LOPEZ: Opo. So, sa ngayon po kahit po MECQ ang mga restaurant ay partially open iyong mga kusina nila para sa takeout and deliveries. Ang isa pong pinag-aaralan nila at bukas po ay mag-inspection tayo ng mga magsa-sample, magde-demo kung paano iyong health protocol in a restaurant para po ma-evaluate natin kung maganda na po ang proteksiyon ng mga workers at mga customers sa isang restaurant na magda-dine in.

So, again iyon pong delivery and take out allowed po; so iyong dine in ang pinag-aaralan natin kung may sapat na safety na po ang ating mga magiging costumers doon, ang ating mga kababayan. So isa po iyon sa oobserbahan, kasama na rin po ang pag-review po ng… may mga magde-demo din na mga barber shops and salons, para ho kung tayo po ay magiging GCQ na ay ito po ay pinag-aaralan ngayon kung dapat na rin silang buksan.

USEC. IGNACIO: Secretary, nitong nagdaang lingo po nagsagawa din po kayo ng surprise visit sa ilang mga shopping malls, iyong kanina nga pong kinukuwento ninyo. Pero napansin din po ninyo na karamihan po ay sumusunod doon nga sa pinag-utos na physical distancing. Sa tingin po ninyo may mga kailangan pang ma-improve sa ating mga guidelines para ma-ensure lang po talaga na hindi talaga magkakaroon pa ng spread ang COVID-19?

SEC. LOPEZ: Opo. Sa ngayon sa nakita po amin doon ay halos kumpleto na, ang idadagdag pa nila doon, which we suggested ay iyong mga sanitation stations. Ibig sabihin, halos sa bawat mga maraming lugar ay mayroong sanitation stations na kung saan puwedeng mag-alcohol ang mga tao doon sa loob ng mall. Pero as to social distancing, as to mga signages kumpleto na po sila doon, kumpleto ang mga signages. Na-obserbahan din namin sa pagsakay ng escalator, mga one meter apart at the least.

So nasusunod naman po, so iyon na ho, very orderly. In fact, may isa ngang department store para hindi masyadong dumami iyong tao sa loob, may mga saleslady at salesman na lumalabas at may mga silya sa labas noong department store at kinukuha na nila iyong order, para bang ano ba ang bibilhin ninyo sa loob. Para bang sa toll gate may mga lumalapit na na magkokolekta ng toll. So ganoon din ang ginagawa sa department store.

Maraming innovation para lamang hindi magsiksikan sa loob. So, I think naman tayo, so far po satisfied tayo sa pagsunod. At saka ang mga tao po ay mga naka-mask, iyon po ang importante. Kasi po kahit po may mga tao na diyan, importante iyong social distancing at saka mask, kapag iyon po ang nasusunod at saka iyong constant sanitation ay wala po talagang magkakahawaan kapag ganoon po ang sinunod talaga.

USEC. IGNACIO: Secretary, may katanungan po iyong ating kasamahan sa Malacañang Press Corps na si Joseph Morong ng GMA7. Ito po iyong tanong niya: What are the guidelines for loan interest and finance charges in insurance collection under Bayanihan Act until May 31?

SEC. LOPEZ: Opo. Under sa Department of Finance iyan, iyong mga loan amortization. Ang alam po natin diyan ay tuloy pa rin ang kanilang deferment, ang hindi pagbayad and without interest and penalties. Iyon po ay ayon sa Bayanihan We Heal as One Act na may deferment po ang payment ng mga amortization na walang karampatang interest at penalties. So, alam po namin, base ho sa guidelines din na ni-review at inilabas ng IATF, ito po ay magpapatuloy sa panahon po ng ECQ at saka Modified ECQ.

BENDIJO: Secretary, nito lamang a-16 ng Mayo na lift na iyong price freeze para sa basic commodities natin. May mga ulat ba kayong natanggap kaugnay po sa mga hindi sumusunod sa suggested retail price ng DTI at kung inyong na-observe din, Secretary, totoo bang may mga pagtataas na sa mga pangunahing bilihin natin ngayon?

SEC. LOPEZ: Okay. Dito po sa pagdating sa pag-shift po mula sa price freeze patungo sa suggested retail price, wala pa ho kaming nakuhang mga report ng violation dahil ang maganda po talaga diyan sa SRP mataas po ang compliance. Masasabi natin mga 100% iyan dahil talaga hong constant ang pagsunod pati pag-monitor natin sa mga groceries and supermarkets sa pagsunod po ng SRP ng mga basic necessities and prime commodities.

Dito naman sa mga palengke pagdating sa mga agriculture products doon po nakikita natin may mga variation or paggalaw depende po sa supply and demand. Pero ang DA naman po nag-impose din ng SRP sa mga pangunahing bilihin na agriculture products. So natutukan din natin iyan at if ever kung may mga reports ng pagtaas iyon po iyong ina-address naman po ng DA at saka ang DTI tumulong din diyan sa pag-monitor niyan.

BENDIJO: Bukas naman po ang tanggapan ng DTI sa mga reklamo Secretary at may sasagot naman sa mga tawag nila kung saka-sakali?

SEC. LOPEZ: Opo. Mayroon po tayong hotline na 1384, parang 1-DTI iyan, 1384 at doon po kami kumukuha ng mga leads para mapuntahan kung saan may nag-o-overprice, may nagpo-profiteering or kung ang duda o observation parang may nagho-hoarding, iyon po pinupuntahan po ng DTI.

At maganda nga ho itong partnership natin with the NBI at saka ng kapulisan particularly CIDG na marami na tayong nahuli, kulang sa 500 na ang mga naaresto diyan dahil nga sa mahigpit na pag-implement nitong mga batas na ito. Even online pinupuntahan, nagba-buy bust din tayo diyan sa mga online kaya nga ho lagpas 400 na ang mga nahuli diyan.

BENDIJO: Secretary, pag-usapan naman natin, ito po importante, lagay po ng mga medical supplies sa Pilipinas. At unti-unti na ngang nagkakaroon tayo uli ng supply – magandang balita po iyan – ng alcohol at face masks sa mga drug stores at supermarkets. Masasabi ba nating ito po’y magtutuluy-tuloy na?

SEC. LOPEZ: Opo. May magandang trending ngayon na ang mga alcohol, even face mask ay ‘pag bumili tayo available na. In fact, ang face mask nga po, dahil maganda naman ang supply situation, ina-allow na natin… recently nilakihan na natin iyong allocation, imbes na lima bawat buyer ay sampu na. Kaya ho natin ina-adjust iyon kasi ginagawa ho, sini-seal po iyong sampu, by 10’s ang pagpakete ngayon para ho isang buyer, hindi na binubuksan iyong isang pakete, selyado pa rin at iyon po iyong binibenta.

So ibig sabihin lang noon ay nagno-normalize na, nakakahabol na ang supply sa demand lalo na diyan sa alcohol at saka sa face mask. At dumadami po ang ating local producer, iyon po ‘yung magandang development na itinutulak po ng DTI ito mula noong umpisa ay ma-encourage ang mga local manufacturers natin na pumasok at gumawa rin ng mga ganitong critical health products.

At ngayon po ang DBM-PS, iyong Procurement Service under kay Usec. Lao, sila po ay nagkokonsidera at binibigyan ng preference iyong mga local manufacturer para ho ang pera ng bayan, ang government budget nagagamit at napupunta sa local manufacturer, hindi po lumalabas ng ating bansa. Ang makikinabang po iyong empleyado dito sa local manufacturing sector.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary noon lamang May 18 po, nagsimula nang tumanggap ng applications para sa mga nais maging beneficiary po ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES Program ng DTI para sa micro and small business enterprises. Ilan ba talaga po iyong target nating beneficiaries nito?

SEC. LOPEZ: Opo. Kung kokompyutin natin, assuming mga 20,000 ang pautang sa bawat mangungutang na micro, puwedeng umabot ito sa 50,000 na borrowers. Again, puwedeng the reverse, kung ang magiging average ay mga 50,000 naman ng pautang ay puwedeng umabot lamang ito sa 20,000 borrowers. Kasi 1 billion sa ngayon ang na-budget po dito, na mababang interes, 0.5% per month o 6% per year at may 6-month grace period bago magkaroon ng loan term payment na 2 years or 24 months.

So maliit po iyan kung libo lamang ang pag-uusapan na mga borrowers. Dahil alam natin kung ang micro entrepreneur, eh lagpas 1 million po iyan. Kaya nga ho mayroon hong—timing na timing iyong panukalang batas mula ho sa Kongreso at sa Senado na madagdagan itong pondo na ito dahil ito naman pong serbisyo na ito maibibigay natin to the extent mayroon pong budget. At ang ambisyon po, ang plano po dito sa panibagong suporta na ibibigay ho ng ating Kongreso at Senado ay sana zero interest pa ito, na puwede hong ibigay dito po sa Small Business Corporation at ito po ang magpapautang.

Puwede rin po itong maibigay dito sa mga iba ring financial institutions po na tulad ho ng Landbank at ng DBP. Ang importante ho, mayroon hong pondo na makarating sa ating mga micro SMEs dahil sila po, they account for 70% ng mga empleyo dito po sa ating bansa. So mahalagang magtuluy-tuloy ang kanilang negosyo, maka-restart sila para hindi rin sila mag-layoff ng mga empleyado at tuluy-tuloy iyong income noong mga empleyado nila. Para ho ‘pag may income sila, mayroon pong magtuloy, ma-revive ang demand ng mga produkto at sa ganoon ay iikot na ang gulong ng ekonomiya ulit. ‘Pag may demanda kasi, mas gaganahan at dadami uli ang mga magpo-produce nitong mga produkto po.

And of course kasama na diyan iyong ating paghikayat na ang ating mga kababayan to buy locally made products para ho ang pagsagana ng ekonomiya ay mangyari dito sa ating bayan at hindi po sa labas.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, kaugnay pa rin po noong economic relief program ninyo, magkano daw po iyong interes at ang magiging sistema para naman daw po sa pagbabayad nito?

SEC. LOPEZ: Iyong economic relief, iyong 1 billion na ito ay 6% per annum, 24 months to pay pero may 6 months muna na grace period. At napakadali po manghiram dito, importante lang may negosyo sila bago March 15, mayroon silang business registration. Ibig sabihin ng business registration, from DTI or from SEC at may Mayor’s Permit kasi ‘pag may Mayor’s Permit, mayroon na rin iyang BIR, ibig sabihin registered sila, nagbabayad sila ng tax.

Ngayon kung below P50,000 ang hihiramin, puwede po iyong kahit barangay clearance lang. Itong mga micro entrepreneurs po natin na ang certificate nila ay from barangay, puwede rin sila manghiram dito para maipagpatuloy iyong kanilang pagnegosyo.

BENDIJO: Secretary, para sa mga kababayan natin na nagbalik na sa kani-kanilang mga trabaho, liwanagin lamang po natin sana. Sino raw ang dapat na sumagot sa COVID-19 test kung mayroon man, at PPEs na kanilang gagamitin, Secretary?

SEC. LOPEZ: Okay. Siyempre po ‘pag gamit po sa operation ng pagnegosyo, ito po ay dapat ibibigay ng kumpanya lalo na kung kailangan ito sa negosyo, kung extra protection tulad ng mga PPEs at masks, provided naman iyan usually at dapat ng mga negosyo, ng mga kumpanya.

Doon naman sa pag-test, again ulitin natin, ang guidelines po ng DOLE nabanggit ni Secretary Bello kanina, DOLE-DTI guidelines aligned with the DOH na ang iti-test po ay iyong symptomatic, iyong may mga sintomas at iyong may mga exposure sa mga taong may sakit. Kaya po iyon po, doon naka-focus ang pag-conduct ng PCR test lalo na doon sa mga taong medyo masama ang pakiramdam. But all the others can resume back to work at hindi po kailangan silang i-test.

Kailangan lang silang i-screen at ang screening ay ibig sabihin pi-fill up-an ang health declaration to answer these questions na nabanggit ko nga ‘no, kung sila ba ay may exposure or may masamang pakiramdam, at siyempre iyong temperature checking, iyon po ‘yung kasama sa screening. But beyond that, kung ‘no’ ang sagot naman nila doon, ibig sabihin malusog sila, puwede silang bumalik sa trabaho.

Kailangan lang iyong mask at iyong social distancing pati kasama ho sa protocol natin iyong pagre-rearrange ng opisina. As much as possible one-way ang mga daanan, iba-ibang alleys o kaya ang mga lamesa ay hindi magkakatapatan, facing one direction para hindi ho magkakatapatan; or iyong mga meeting as much as possible, video conferencing na lang. Bawal din iyong malakihang meeting, iyong mga ganoon po ang protocol, nakasaad po sa ating mga guidelines na in-issue at pinublish din po itong guidelines na ito.

BENDIJO: Opo. Secretary, very challenging po talaga itong pahihintulutan na ang dine-in sa mga restaurants ngayon. So niri-review ninyo kung puwede ho ba iyan ‘no pagpasok natin sa GCQ. Ang tanong lang po dito, kung saka-sakaling mga miyembro ng pamilya nagpa-reserve sa isang restaurant, halimbawa, iisang bubong lang naman sila nakatira, puwede ba iyon? Iku-consider ba ninyo iyong option na iyan na puwede silang mag-dine in sa isang restaurant or reservation halimbawa?

SEC. LOPEZ: Well, bale kung GCQ na at let’s say by that time naaprubahan naman natin ang sistema ng protocol, health protocols na io-observe kapag dine-in, by that time ay ia-allow naman po kahit sino sila, of course, puwedeng pamilya or magkakaibigan. Ang nakikita ho kasi naming design dito, sa protocol na ito na ipatutupad ay magkakalayo ang upuan, if ever may mga physical barrier na iyon bang mga transparent na either plastic or fiber glass para lang ma-prevent iyong pagkalat o transmission ng possible na kung may sakit man iyong isang tao doon.

So iyon po iyong talagang kailangang ma-observe, ma-implement para ho sigurado at maiwasan ang transmission. Kasi ho tayo naman talaga, matagal na nating ipinaglalaban na ibalik ang pagbukas nitong mga ekonomiya tulad ho ng dine-in, they account for 70% ng revenue ho ng restaurant kaya napaka-importante iyan. Pero sa pagbubukas po, napaka-importante din naman na hindi rin kumalat or bumabalik tayo sa isang malalang sitwasyon at magkaroon o kumalat ang sakit. Kaya ho importante ay calibrated po ang pagbukas at with all the necessary health precautions para ho makamit natin nang pareho ang maintaining health pati ho reviving the economy.

BENDIJO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at pagbibigay ng update, DTI Secretary Ramon Lopez.

SEC. LOPEZ: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa huling tala ng DOH patungkol sa COVID-19. As of May 22, 2020, 4 P.M., umabot na po sa 13,597 ang naitalang kumpirmadong may kaso ng COVID-19; 857 naman po ang bilang ng mga nasawi. Pero patuloy pong tumataas ang bilang ng mga gumagaling na pumalo na sa 3,092.

Samantala, muli naman nating makakasama sa programa si Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang araw po.

USEC. MALAYA: Magandang araw po, Usec. Rocky. At magandang araw naman, Aljo.

USEC. IGNACIO: Usec., ano na po iyong obserbasyon ninyo sa naging unang linggo ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila?

USEC. MALAYA: Hello, Usec., can you repeat the question? Hindi ko masyadong nakuha.

USEC. IGNACIO: Usec., ano po iyong observation ng DILG noong naipatupad na sa unang linggo itong MECQ sa Metro Manila?

USEC. MALAYA: Well, Malaki pong adjustments para sa atin ‘no, ang dami pong lumabas na ating mga kababayan. But it was, you know really natural naman kasi nga nagbukas tayo ng napakalaking porsiyento ng ating ekonomiya. I think, some 80% ‘no, although iyong iba naman ay 50% operation lamang.

So siyempre iyong ating mga kababayan ay na-excite na sila ay makakapagbalik trabaho na so medyo na-overwhelm po nang konti iyong ating kapulisan. Ngunit marami [garbled] kapulisan ngayon ‘no gaya noong pagtatalaga ng mga mobile checkpoints at iyong pag-transfer ng ilang mga checkpoints natin sa ilang mga lugar para naman hindi magkaroon ng tukod doon sa mga lugar kung saan naiipon ang mga sasakyan.

So ang aming pakiusap po talaga sa ating mga kababayan ay kung wala naman silang essential na gagawin sa labas or hindi naman sila papasok sa mga trabahong pinapahintulutan ng ating pamahalaan, huwag na po silang magtangkang lumabas dahil mas mahigpit po ang ating kapulisan sa implementasyon ng ating Modified Enhanced Community Quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Malaya, nabanggit kahapon ni Usec. Diño patungkol sa mga barangay officials po na nahaharap sa mga kaso kaugnay doon sa pamamahagi ng Social Amelioration Program. Ano na po ba ang status nito? Gaano na ba talaga karami iyong lumabag? Maaari ninyo ba kaming bigyan ng detalye pa rin sa proseso at pagdaraanan nito?

USEC. MALAYA: Unang-una po, nagpapasalamat kami sa ating mga kababayan na tumugon sa panawagan hindi lamang ng ating Pangulo kung hindi ni Secretary Eduardo Año na i-report sa kani-kanilang mga pulisya, police station, ang mga alegasyon ng katiwalian sa Social Amelioration Program.

Sa huling tala po ng ating kapulisan, umabot na sa higit 400 ang ating mga kababayan na pumunta sa kani-kanilang mga police stations at nagsampa ng reklamo laban sa kanilang mga kapitan o mga barangay officials na di-umano ay sangkot sa katiwalian.

At dahil nga po sa puspusang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group, mayroon na po tayong apatnapu’t dalawa or 42 na mga barangay officials sa buong bansa ay nahaharap na ngayon sa kasong kriminal.

If you will remember, Usec. Rocky, inilipat po ni Secretary Año ang lahat ng imbestigasyon tungkol sa mga katiwalian sa SAP mula sa DILG field offices papunta sa Philippine National Police-CIDG. So wala na po iyong dati nating sistema na magsho-show cause order pa. Ngayon po kapag isyu na ng katiwalian ay sa pulis na po diretso.

At kami po ay natutuwa dito sa naging aksyon ng ating CIDG dahil nakapagsampa na po sila ng kaso sa iba’t ibang prosecutor’s office sa buong bansa. At mayroon pa po tayong mga labing-limang kaso na inihahanda na rin at mayroon pa po tayong under investigation na 93.

So, Usec. Rocky, antayin ninyo lang ang announcement ng DILG sa mga susunod na araw kasi sa tingin ko po ay lulobo pa iyong mga numero ng mga barangay officials na sasampahan ng kaso ng ating pamahalaan.

BENDIJO: Usec., naglabas po ng direktiba ang DILG na magkaroon ng desks sa lahat ng PNP police stations para iyan sa mga locally stranded nating mga kababayan. Ano po iyong assistance na maaaring ibigay ng Philippine National Police sa mga na-stranded, Usec?

USEC. MALAYA: Opo, tama po iyan, Aljo. Nagpalabas po ng kautusan si Secretary Año sa lahat ng ating police station sa buong bansa na maglagay ng desk, help desk para sa mga stranded nating mga kababayan. Salamat po at natanong ninyo po ako sa tanong na iyan dahil nga po madaming fake news na kumakalat kung papaano po ang proseso ng paghihingi ng travel authority kung kayo ay isang stranded individual.

So linilinaw ko lang po sa lahat ng ating mga kababayan, especially iyong mga stranded na ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar sa bansa: Dalawa lang po ang kailangan ninyong ihandang dokumento – iyong medical certificate at iyong travel authority. At ito pong medical certificate ay makukuha ninyo sa inyong municipal or city health office. At ito pong medical certificate na ito ay hindi po kayo kailangang magpa-rapid test or kayo ay magpa-PCR test – hindi po. Ito pong medical certificate ay nagsasaad lamang na hindi kayo contact, suspect or probable or confirmed COVID-19 case, at nakasaad din po na kayo po ay nag-14-day quarantine base sa protocols ng DOH.

At kung kayo ay naging positibo man sa COVID-19 ay negatibo na kayo dahil dumaan kayo sa PCR test ng dalawang beses. Ngayon po kapag hawak na po ninyo itong medical certificate na ito ay puwede na po ninyo pong dalhin ito doon sa health desk ng PNP at doon naman po ninyo isusumite ito para po mabigyan kayo ng travel authority. At ito pong travel authority na ito, ito lang po ang dalawang dokumento na kailangang ipakita ninyo doon sa inyong lugar kung saan kayo uuwi at tatanggapin po kayo ng inyong Local Government Unit kung mayroon po kayong dalawang dokumentong ito.

So, sa mga stranded po na ating mga kabataan na nandito sa Metro Manila o kung nasaan mang lugar, magtungo po kayo sa inyong Local Government Unit para makakuha ng medical certification at sa inyong Philippine National Police station para naman po sa travel authority.

BENDIJO: Kaugnay na pa rin diyan Usec, sa gitna ng pandemya kinakailangan pa rin bang maningil ang mga Local Government Units ng medical fees sa mga naipit nating mga kababayan, mga na-stranded? Paano raw kapag wala silang pambayad, hindi na raw ba sila makakauwi sa kani-kanilang mga bayan?

USEC. MALAYA: Tama po kayo, magandang tanong po iyan. Dahil nakarating po sa amin sa DILG na mayroong mga LGU na nagtsa-charge ng hanggang P3,ooo para makakuha ng medical certification.

Siguro po panahon na para umapila sa ating mga Local Government Unit na kaya nga po gustong umuwi na nitong mga ito dahil wala na nga po silang pangtustos sa kanilang pang-araw-araw dahil sila nga po ay stranded. At kung na stranded na nga po sila ay hihingan pa natin sila ng napakalaking halaga ay that defeats the entire purpose of seeking a medical certification. Gusto na po makauwi nitong ating mga kababayan. So, sana po huwag nating pahirapan pa sila.

At kung mayroon pong mga reports na ganito, Aljo, ipaalam po ninyo kaagad sa amin sa DILG. Madalas naman po na nilalabas ninyo ang aming mga emergency operations center hotline sa inyong screen. Tumawag lang po kayo sa amin sa DILG, so that we can call the attention of that Local Government Unit na sa panahon ng COVID ay humihingi ng napakalaking halaga para makakuha lamang ng medical certificate ang ating mga kababayan na gusto ng makauwi sa kani-kanilang mga lugar.

At para naman po doon sa mga may katanungan tungkol sa travel authority na ang mag-i-isyu ang Joint Task Force COVID Shield sa pangunguna ni General Guillermo Eleazar, mayroon pong mga numero ang Philippine National Police Command Center at ito po iyon, sa Smart puwede pong tumawag sa 0998-894-0013 at para naman po sa Globe 0917-538-2495. Ito pong mga numerong ito ay ang numero po ng Philippine National Police Command Center tungkol po sa mga katanungan tungkol sa travel authority.

USEC. IGNACIO: Usec, kamakailan nagbigay ng babala ang DILG na ipapasara ang mga malls kung hindi daw po maipapatupad ng maayos iyong physical distancing. Paano iyong ginagawang koordinasyon naman ng DILG sa PNP para ma-monitor ninyo iyong establishment na talagang sila ay sumusunod sa guidelines?

USEC. MALAYA: Opo, Usec. Rocky, noong isang araw po ipinatawag ng PNP sa kautusan ni Secretary Eduardo Ano ang lahat ng mga head security ng lahat ng mall sa buong Metro Manila. At nagkaroon po ng meeting, iyong iba po virtual meeting, iyong iba naman po ay nandoon sa Kampo Crame para po pag-usapan iyong mga pamantayan sa mga mall.

Kanina po ipinaliwanag ni Secretary Lopez ng kaunti iyong mga pamantayan kagaya po ng bawasan iyong mga lagusan or mga entrance/exit ng lahat ng mall. Kailangan po iyong mga entrance, entrance lamang at iyong mga exit, exit lamang ang gagawin. At iyon pong pagsakay sa elevator ay kailangan pong mga senior citizens po lamang at person with disability or mga buntis. At doon naman po sa mga elevator, mayroon pong distansiya ng [garbled]

Mula po noong nagkaroon ng koordinasyon ang mga mall operators at kanilang head of security ay naging mas maayos na po ang aming monitoring sa mga malls. Mas istrikto po sila sa implementasyon ng physical distancing at tuluy-tuloy lang po ang aming pagmo-monitor para po masunod ang lahat ng ating mga quarantine protocol sa lahat ng malls sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo, sa pagbubukas ng mga industriya, inaasahan po ang dami ng mga lalabas sa kanilang mga bahay. Ano po iyong hakbang na ginagawa ng DILG at PNP upang mas mapaigting pa iyong pagpapatupad ng batas?

USEC. MALAYA: Well, mayroon na pong mga listahan ang ating kapulisan na hawak-hawak nila sa mga checkpoints. Iyon nga po iyong APOR or Allowed Persons Outside of Residents. At mayroon pong isang listahan na para sa MECQ at mayroon naman pong listahan para sa GCQ.

Ngunit lilinawin ko lang po, Usec, habang nandito po ako sa inyong programa na para po sa mga nagtatrabaho sa mga industriyang pinapayagan ng ating batas or pinapayagan ng IATF, ang kailangan ang po ninyong ipakita ay ang inyong company ID or certificate of employment sa ating kapulisan. Iyon lang po! Hindi po kayo kailangan humingi ng travel authority. Ang mga travel authority po ay para po iyan sa mga stranded individuals.

Kung kayo po ay nagtatrabaho sa isang establisyimentong pinapayagan ng IATF na mag-operate, ang kailangan lang po ninyo ay ang inyong company ID.

Kasi nga po, Usec., na-monitor ko po sa balita na sa Rodriguez, Rizal ay humihingi pa ng travel authority ang ating mga kababayan para pumasok sa trabaho. Hindi po tama iyan at kami po ay nakikipag-ugnayan na kahapon pa sa munisipyo ng Rodriguez, Rizal para po pigilan nila iyong ganoong klaseng sistema. Dahil nga po na-monitor ko po sa balita na napakahaba ng pila sa munisipyo para humingi ng travel authority na hindi naman po kailangang humingi, dahil nga po ang travel authority ay para sa mga stranded.

Kung kayo po ay papasok sa trabaho, all you need to show to the police is just your company ID or kung anumang dokumento na nagpapatunay na kayo ay nagtatrabaho sa isang industriyang pinapahintulutan ng IATF na mag-operate. At ang ating mga pulis po ay mayroon pong listahan iyan na kanilang titingnan kung iyong kumpanya ay allowed. At kung allowed po kayo, papadaanin po kayo ng ating kapulisan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa paglilinaw, Usec. Malaya, kasi iyan po iyong isa sa maraming reklamo at tanong na aming natatanggap dito sa istasyon sa PTV. Maraming salamat po DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

USEC. MALAYA: Maraming salamat din po.

BENDIJO: Usec. Rocky, samantala kani-kanina lang ay naitala po ang 5.1 magnitude earthquake, kaya naman kaugnay po niyan nasa linya ng ating telepono si PHIVOLCS Director Renato Solidum. Director magandang umaga po.

DIR. SOLIDUM: Magandang umaga Aljo at Usec. Rocky.

BENDIJO: Opo, nasaan po iyong epicenter ng lindol kanina, Director?

DIR. SOLIDUM: Ang epicenter po ay nasa San Luis, Aurora, 16 na kilometro Southwest ng bayan na ito at in-upgrade po namin iyong magnitude sa magnitude 5.4. So bahagyang malakas po ito, ang lalim po nito ay mababaw, 7 kilometro lang mula sa ibabaw. Dahil po dito naramdaman ang paglindol, malakas sa Baler na intensity 6, intensity 5 naman sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora sa Aurora Province, intensity 4 sa Casiguran at Dingalan, Aurora, ganundin sa Gabaldon at Palayan City, Nueva Ecija. Intensity 3 sa Obando, Bulacan, Villasis, Pangasinan at ganoon din sa Paranaque at Antipolo, Rizal at ibang bahagi ng Central Luzon hanggang Baguio City. Ganundin sa Metro Manila intensity 2 at ganundin po sa Camarines ay naramdaman din ito ng intensity 1. So, malawak-lawak, pero iyong damage na ating dapat tingnan ay kung mayroon nga ba dito sa bayan ng Baler. Kasi ang intensity 6 ay puwede na po tayong magkaroon ng minor damage. So far wala pa tayong natatanggap kung ano ang detalye tungkol dito.

BENDIJO: Sir, wala pong naitalang mga danyos perhuwisyo, mga damages at aasahan ba nating may mga aftershocks ito, Director?

DIR. SOLIDUM: Possible pong magka-after shock, posibleng ring magkaroon ng minor damage, iyon po ang kailangang mai-report ng mga bayan diyan sa Aurora sa Office of Civil Defense kung may nangyari talaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano ba iyong naging dahilan po daw ng pagyanig?

DIR. SOLIDUM: Ito pong lindol kanina ay isang tectonic earthquake, pagkilos po ito ng fault diyan sa Aurora.

BENDIJO: Okay. Director, paalala na lang po… USec?

DIR. SOLIDUM: Yes, tamang-tama ano. Sa panahon ng COVID, dalawa ang ating risk na tinitingnan: Mula sa natural hazards at siyempre sa COVID. Kaya kapag nagkakaroon ng mga malalakas o malaking magnitude na natural hazards, isipin natin parati ang physical distancing kapag tayo ay nag-e-evacuate at kapag tayo ay pumupunta sa isang lugar na ginamit na evacuation area. Kailangan po nating panatilihin ang mga ganitong protocols kahit sa oras ng emergency o mabilisang mga pangyayari.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, PHIVOLCS Director Dr. Renato Solidum.

BENDIJO: Samantala, naglabas po ng official statement ang Philippine Medical Association sa naging pahayag po ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion sa isang interview kaugnay sa paggamit ng rapid test para sa mga empleyadong magbabalik-trabaho at naging komento nito patungkol sa mga doktor.

Narito ang report.

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Kaugnay niyan, naglabas na rin ng pahayag si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion kung saan humingi po siya ng paumanhin sa kaniyang mga naging pahayag.

Aniya, sa panahon ngayon mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat sa gitna po ng kinakaharap na pandemya.

Aniya, wala siyang isyu sa mga frontliners, iginagalang at nagpapasalamat siya sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa gitna ng krisis na nararanasan ng buong bansa.

USEC. IGNACIO: Samantala, Aljo, sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin mula sa Philippine Broadcasting Service, si Dennis Principe.

[NEWS REPORTING BY OMAR ANTHONY AQUINO]

[NEWS REPORTING BY DAHLIA ORIT]

[NEWS REPORTING BY ELOIZA MOHAMMAD]

[NEWS REPORTING BY DAHLIA ORIT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Dennis Principe.

BENDIJO: At samantala, Sangguniang Kabataan at youth leaders mula sa iba’t ibang parte ng bansa nakiisa sa ginanap na 3rd COVID-19 Virtual Town Hall Meeting. Para sa iba pang mga detalye kaugnay diyan, may report si Tricia Bersano.

[VTR/REPORTING BY TRICIA BERSANO]

BENDIJO: Maraming salamat, Tricia Bersano.

USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang pinakahuling balita sa Probinsiya ng Davao, maghahatid ng ulat si Clodet Loreto.

[NEWS REPORTING BY CLODET LORETO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Clodet Loreto ng PTV Davao.

BENDIJO: Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded na sa Maynila dahil po sa Enhanced Community Quarantine makauuwi na. Alamin natin ang iba pang mga detalye sa report ni Naomi Tiburcio.

[NEWS REPORTING BY NAOMI TIBURCIO]

BENDIJO: Maraming salamat, Naomi Tiburcio.

USEC. IGNACIO: At iyan po ang aming nakalap na impormasyon. Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong araw, at siyempre salamat din sa iyo, Aljo, at sa ating mga nakausap sa kanilang oras na inilaan para sa programa. Salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

BENDIJO: Maraming salamat din sa tiwala, Usec. Rocky. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Sa pagharap natin sa new normal, kinakailangan ng dobleng pag-iingat. Sa pakikiisa at sakripisyo ng lahat, pagiging responsable sa bawat aksyon na gagawin, kapalit naman nito ay kaligtasan hindi lang para sa’yo ngunit maging sa mga nasa paligid mo.

BENDIJO: At sa ating pagbabayanihan, malalagpasan natin ang pagsubok na ito. Together, we heal as one. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

BENDIJO: Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)