USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Huling araw na ng 2020 bago salubungin po ng bansa ang bagong taon, ihahatid muna namin sa inyo ang mga balita’t impormasyon na mahalaga pong malaman ng bawat Pilipino. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Good morning, Usec. Pakikinggan natin ang panig ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga napapanahong issue at makikibalita rin tayo sa mga lalawigan kasama ang Philippine Broadcasting Service at People’s Television. Ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Mula po sa PCOO, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio; at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado; si National Action Plan Deputy Chief Implementer and Testing Czar, Secretary Vince Dizon; at si Manila City Mayor Isko Moreno.
BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
USEC. IGNACIO: At para po sa ating unang balita: Serbisyo ng tanggapan ni Senator Go para sa bawat Pilipino wala pong patid sa kabila ng iba’t ibang hamon na dumating sa bansa ngayong taon. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, sitwasyon sa Lungsod ng Maynila atin naman pong alamin. Muli nating makakasama sa programa si Mayor Isko Moreno. Magandang araw po, Yorme.
MANILA MAYOR MORENO: Hi, Usec. Magandang araw sa iyo Usec. Rocky, kay Aljo at sa mga staff natin diyan sa studio. Happy New Year sa inyo at saka sa mga manunood.
USEC. IGNACIO: Happy New Year. Alam ko po naka-mobile kayo at alam naming bising-busy kayo Yorme pero ngayon pong magmi-Media Noche, paano ba naghigpit ang mga awtoridad para hindi na po maulit iyong eksena noong Pasko kung saan po dumadagsa ang mga last minute shoppers sa Divisoria at iba pang pamilihan po sa inyong lungsod, Mayor?
MANILA MAYOR MORENO: Well una, salamat sa Diyos matatapos na ang taon, ilang oras na lamang ay patuloy na pinipilit gampanan ng national government, local government iyong programang paano natin masu-suppress iyong impeksiyon sa komunidad. At dahil diyan, pinagpapasalamat din natin sa taumbayan na sa Lungsod ng Maynila despite of us opening up new businesses so that we can continue to support the economy and to cushion the socioeconomic impact sa tao ay nasa 308 as of yesterday iyong ating naging impeksiyon at nanatiling nasa 300 level sa loob ng Disyembre sa kabila ng nagkaroon nang maraming challenges katulad ng nabanggit ninyo Usec. Rocky ‘no, talagang dumagsa ang tao.
Siguro, alam mo hindi mo na rin masisi ang tao na sa sobrang excitement, magpa-Pasko, first time na may pandemic, Pasko; so nakalabas sila after 10 months. But be that as it may, Usec. Rocky katulad na rin ng tanong mo, umasa kayo na patuloy nating ipatutupad iyong minimum health standard na pinatutupad ng IATF. But gumawa rin tayo ng mga bagay na kung saan paano natin madi-declog ‘no iyong galawin ng tao sa isang convergence area like Divisoria. Kaya naglunsad tayo ng mga pamilihan, matulungan ang negosyante, iyong maliliit na negosyante nag-open up tayo katulad sa Mehan Garden, sa Cartilla at iba’t iba pang lugar sa lungsod.
At sa awa naman ng Diyos masaya tayo kasi maraming kumita, maraming nakaikot, mababa ang impeksiyon… mayroon pa ring panganib – nais ko ng ipaalala ha mga kababayan, while it is true na medyo mababa ang impeksiyon against our population and density per square kilometer ng Lungsod ng Maynila na napakataas ay mayroon pa ring nakaambang panganib. Kaya ngayong bagong taon, Usec. Rocky, patuloy nating ipatutupad – a few hours ago iyong pagpapaalala sa mga taumbayan na huwag na munang bumili ng paputok, mag-save muna ng pera kasi may panganib na COVID tapos may pangamba pa o panganib na nakaamba ‘no na baka sila madisgrasya sa mga paputok.
In 2021 there are some uncertainties – economically speaking ‘no, kaya hinihikayat po ang mga tao na huwag na munang gumastos sa mga bagay na maari ding makapagpahamak sa kanila at [garbled] muna sila ng mga pera na kinita nila, bonus… all other [garbled] 2020. Ingatan natin ang ating sarili sa 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ating kasama na si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po iyong tanong niya: Can you give us an update on your ongoing operations against unauthorized COVID-19 vaccines smuggling in Manila and the reported illegal vaccination hubs in the city? Mayor…
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Opo. Una, iyong sa ating nagtanong, umasa kayo na ang pamahalaan ng Lungsod ng Maynila, two weeks ago ay minu-monitor na namin iyong mga ganiyang gawain na napabalita. In fact, I even directed Major Ibay and Director Levi Facundo na siyasatin iyong nasabing area. So far naman ho ay wala pa ho tayong naaaktuwalan at talagang nababantayan na partikular na area or establishment. But rest assured that these things are not going to be allowed in the City of Manila because these are unauthorized [connection cut]
USEC. IGNACIO: Mukhang naputol ang linya ng komunikasyon natin. Mayor, can you hear us na po? Okay, siguro babalikan na lang natin si Mayor Isko Moreno maya-maya lamang. Wala pong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Okay, nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Muli po nating balikan si Yorme. Yorme, pag-usapan po natin iyong sinasabi natin kanina about vaccination. Mayor, pasensiya na po naputol tayo.
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Pasensiya na kayo ha, oo. Nag-iikot kasi ako, may mga iniinspeksiyon kasi ako. But be that as it may, with regard to the last question ‘no: Rest assured that minu-monitor namin ito araw-araw because we will not allow this. We will not allow our people to be fooled around by these claims that iyong products nila ay COVID-19 vaccine. Kasi ang gusto natin, ang ipagamit sa tao ay iyong itinakda ng ahensiya ng gobyerno, like in this case, iyong FDA. Kasi kahit papaano masasabi natin iyan ay mga sertipikadong ligtas ayon sa mga regulasyon.
At as we all know, particularly with the COVID-19 vaccine, may mga produkto naman na na napayagan na ng iba’t ibang bansa, noong kani-kanilang bansa. So siyempre, ang ating reference diyan ay as much as possible kung ano na rin iyong nakilala ng ibang bansa. But then again, we have to go back to our own rules. So hihintayin natin, at nananawagan ako sa mga kababayan natin, huwag kayong magpapatusok kahit kanino ng mga gamot ng COVID-19 na kini-claim kasi delikado po iyan sa inyo kung hindi po iyan sertipikado.
Ang Lungsod ng Maynila, ang pamahalaan natin, tutulong sa national government. As you all know, the President directed the IATF that he wanted to acquire vaccine for the Filipinos, for ours, sa mamamayan ‘no. Now, in line with that policy, your City Government about four months ago already appropriated to help and augment the effort of the national government to acquire a vaccine. So antabayanan lang natin, mga kababayan. Anyway, ang laki na ng hirap natin pare-pareho, sampung buwan na, hirap na hirap na tayo sa emosyon, hanapbuhay, health issues and so on and so forth. But konting tiis na lang, mga kababayan. Akalain ninyo nga nakaraos tayo, ilang oras na lang 2021 na. So sunod na lamang tayo sa mga alituntuning pinatutupad ng pamahalaan, at para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, naglaan po ang inyong lungsod ng 200 million pesos budget para COVID-19 vaccine, so pinaplano ninyo bang dagdagan ito by next year once na magkaroon na nga po ng approved vaccines?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Opo. Kapag mayroon ng vaccine na nabigyan ng EUA under Executive Order 121 of President Duterte ay makaka-acquire na tayo kasi may pera tayong itinabi. Now, if there is a need, Usec. Rocky, if there is a need to acquire more to keep our people safe ay kakanselin ko pa iyong iba pang mga programa kung kaya pang kanselin, maibili ko lang ng bakuna para mabigyan natin ng kapanatagan ang tao, na magkaroon na ng peace of mind, and we will do so, Usec. Rocky. We will not hesitate.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, alam ko kayo ay nag-iinspeksiyon, sabi ninyo nga naglilibot kayo. Pero may mga naitalang reports na po ba ng aksidente na related sa mga paputok diyan sa Maynila? Gaano po kayo kahanda lalo na iyong mga ospital kasi may COVID-19 pa? At iyong tanong po ng bayan: Bawal po ba daw sa Manila iyong pailaw o kung anuman iyong gagamitin nila kahit nandoon po sila sa kanilang mga bahay, Mayor?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Una, ipinagbabawal natin ang maraming uri ng paputok; pangalawa, hindi natin hinihikayat na magkuwitis-kuwitis sila; hanggang maaari nga gusto ko magsubi sila ng pera, magtabi sila ng pera, mag-save ng pera. Kasi puwede naman nating i-celebrate itong holiday ng iba pang mga ways. Katulad noong bata kami, kaldero nagkakatalo. So there are so many ways to celebrate the holidays. At totoo iyan, may mga ilan nang napabalita but rest assured na katulad iyong kaninang nangyari, nagkampanya tayo, iyong ating 12 bagong ambulansiya na galing sa Estados Unidos. Usec. Rocky, nakikita mo iyong malalaking ambulansiya?
USEC. IGNACIO: Yes, Mayor
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Iyon in-operate today officially in preparation of New Year at kung sakaling may mangyaring aberya. Ganoon din ang MDRRMO, they were on high alert and too our six hospitals; iyong six LGU hospitals naka-ready din iyon pati ang ating mga doktor.
Nakahanda naman tayo pero [choppy audio] wala ng—sumunod na lamang sa simpleng panawagan ang mamamayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman pong nalalapit na piyesta ng Quiapo, kanselado man ang Traslacion tiyak pa rin po – naku – dudumugin pa rin ito ng mga deboto sa Simbahan ng Black Nazarene para makapagsimba. Naku, hindi natin mapipigil po iyan, ano po, Mayor? Ano po iyong nailatag na plano upang matiyak na nakakasunod pa rin po sa health protocols ang mga mananampalataya?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Maraming salamat, ‘no, kila Mon Sy, maraming salamat sa mga hijos, at iba pang organisasyon sa Quiapo na napagkasunduan na na walang Traslacion. Iyon po iyong isang mabigat na challenge ano.
The same thing with Sto. Niño para sa amin, sa Kapistahan ng Sto. Niño. Dalawang malaking piyesta kasi sa amin, Usec. Rocky, pero ipinagpapasalamat ko rin iyan kay Bishop Pabillo at sa liderato ng Catholic Church sa ating lungsod na very cooperative sila.
Now, may plano na ang pamahalaan at simbahan kaya let me take this opportunity: Sa mga manunood, mga deboto, mayroon pong mga gagawing bagay na amin pong hihingin sa inyo partikular na po iyong disiplina. Iyon po ang ipinakikisuyo namin na sana kapag nag-umpisa na kaming manawagan, mag-umpisa na kami maglatag ng mga plano eh pinakikisuyuan ko po iyong ating mamamayan na habang tayo ay sumasampalataya o nagsisimba at nagdidiwang ng Kapistahan ng Poong Nazareno at Sto. Niño eh sana po sumunod tayo doon sa mga alituntuning ipatutupad para na rin naman sa kaligtasan ng lahat.
Ilagay natin sa ating isipan na mayroong tatlong libo mahigit pa sa buong Metro Manila na active cases ng COVID and I think even Jesus for that matter sasabihin sa atin niyon eh kailangan mahalin natin ang sarili natin, mahalin natin ang kapwa natin, eh kaya kailangan siguro dito natin maipakita sa pagdiriwang ng kapistahan ang tunay na pagmamahal sa kapwa at pagsunod sa Diyos.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sa tingin ko po ay dumating na kayo sa inyong pupuntahan para mag-inspeksiyon ano po—
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Opisina.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon sa amin. Ano po ba ang iinspeksiyunin ninyo, Mayor, ngayon?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Iyon ano… Kasi mamaya hindi ba hindi tayo [technical difficulties]
USEC. IGNACIO: Yes, Mayor?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Iyong ating [technical difficulties] iyong show mamaya para sa taumbayan as an alternative in… you know, alternative natin sa paputok to celebrate at salubungin ang Bagong Taon. Mayroon tayong show mamaya, ang drone show para sa mga taga-lungsod. At ila-live na lang natin for some to enjoy. It will be the biggest drone show sa bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po na tanong. Huhulihin ba daw po ang mga mahuhuli na magpapailaw kahit na doon sa loob ng subdivision o nasa kanilang mga tahanan, Mayor?
MANILA MAYOR ISKO MORENO: Well, we are always certain about our rules but while it is true that we’re trying to be diplomatic as much as possible by asking o hinihikayat but kung may lalabag po, marami pong pulis na naka-deploy sa buong Maynila at marami pong posibleng mahuli dahil huhulihin po talaga. As much as possible ayaw natin maghulihan Bagong Taon. Gusto natin—alam mo iyong, Usec. Rocky, iyong mairaos na lang natin nang mapayapa at ligtas ang lahat as much as possible. Mas gusto ko iyon, iyon iyong goal natin.
Kaya nga parang nga kung minsan para kaming sirang plaka eh, paulit-ulit ng paalala, dinidiplomasya natin nang dinidiplomasya but then again, we will… we will. Marami pong pulis, huwag ninyo na pong subukin. Wala pong piskalya ngayon, kapag nahuli kayo ng pulis sa violation ng mga batas, naku Diyos ko, biruin ninyo unang linggo ng taon nasa oblo kayo. Malamig ho ang bakal doon, malamig ho ang semento, malamig ang panahon. malungkot po ang magiging sitwasyon natin. Hindi ho magandang bukana ng taon nasa oblo tayo.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat! Narinig po ng marami ang paalala ni Mayor Isko Moreno. Maraming salamat po sa inyong panahon. Happy New Year, Mayor!
MANILA MAYOR ISKO MORENO: [Choppy audio] kay Aljo, Happy New Year! Sa mga staff ninyo, Happy New Year sa inyo. Mag-iingat kayo. Sa mga manunood, kapit lang, walang bibitaw. Maganda ang ating—although mayroon talagang panganib pero so far naman maganda ng ating sitwasyon pagdating sa impeksiyon. Pero huwag tayong bibitaw kasi talagang mabilis pong lumago ang COVID-19, makapaminsala ho’t nakamamatay.
Pero bagong taon, salamat sa Diyos ligtas tayong lahat. Kayo diyan, Usec. at mga staff ninyo. So, life must go on at patuloy tayong maging ligtas at mag-ingat sa darating na bagong taon at may awa ang Diyos makakaraos din po tayo.
Happy New Year sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Thank you. Thank you, Mayor.
BENDIJO: Happy New Year din, Mayor ‘Yorme’ Isko Moreno. Samantala, tunghayan naman natin ang isa pang tampok na isyu. Nito lamang Lunes ay pinirmahan ng Pangulong Duterte ang P4.5-Trilyon National Budget para sa taong 2021. Ang pondong ito ang sinasabing gagamitin ng pamahalaan para tayo ay makaahon, maka-recover sa krisis na dulot ng COVID-19. Kaya naman upang pag-usapan ang mga mahalagang punto sa 2021 GAA, makakausap natin si DBM Secretary Atty. Wendel Avisado.
Maayong adlaw sa imo, Atty. Secretary Avisado.
SEC. AVISADO: [muted]
BENDIJO: Sec., naka-mute yata kayo, Sec. Paki-check, hindi naman ka namin marinig.
SEC. AVISADO: Ayan. Daghang salamat, Aljo.
BENDIJO: Klaro na, klaro na, Sec.
SEC. AVISADO: Daghang salamat ug maayong buntag kanimo at magandang umaga rin kay Usec. Rocky at sa lahat ng bumubuo ng PCOO at PTV 4 po at sa lahat ng manunood.
BENDIJO: Happy New Year po. Kumpara noong 2020, Sec., gaano kalaki ang nadagdag sa ating 2021 General Appropriations at aling sektor ang may significant increase sa budget allocation para po next year, 2021?
SEC. AVISADO: Sige po. Makaraang pirmahan o nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11518 or the General Appropriations Act for Fiscal Year 2021 ay lumabas po iyong mga sektor na kung saan nabigyan ng pinakamalaking bahagi ng ating national budget.
At dito nga nangunguna ang edukasyon. The Education sector received 751.7-Billion, mas mataas kaysa noong 2020 na nasa 659 bilyon lamang.
Ang Department of Public Works and Highways naman ay tumaas ito hanggang 687.3-Billion; samantalang noong last year nasa 431-Bilyon lamang.
Ang DILG ay nagkaroon ng 249.3; samantalang last year nasa 236-Bilyon lamang sila.
Ang Health naman po, tumaas ng 210-Billion at ito naman nasa 183 lamang last year.
Ang Defense ay tumaas din nang 205, nanggaling sa 179.
Ang Department of Social Welfare and Development, 176 billion at ito ay as adjusted na sa 171 lamang sila.
Ito naman sa Department of Transportation tumaas nang bahagya, nasa 87.9 o almost 88 billion nanggaling sa 84 billion.
Ang Agriculture naman ay tumaas nang 71 nanggaling sa 66 lamang at sa Judiciary tumaas din nang bahagya from 41 to 45 at ang Labor and Employment from 36 to 37 billion.
Samakatuwid Aljo and Usec. Rocky ay talagang naka[garbled] doon sa tema ng ating budget for next year na sinasabing “Reset, Rebound and Recover”. At hindi lang, ito liliwanagin ko lang, hindi lang po Department of Health ang may budget for COVID-19. Lahat po ng ahensiya at departamento ng pamahalaan ay mayroon din po silang sariling programa na patungkol dito sa pandemya. Kaya kung susumahin natin ang kabuuan ng COVID-19 response ng ating pamahalaan, umaabot po sa 838 billion po iyan total – all departments and agencies sama-sama po. Hindi lang po Department of Health ang talagang naglagak ng pera para tustusan ang pangangailangan ng ating bayan patungkol dito sa pandemya.
So, sa kabuuan nakikita natin na mayroong pag-asa at basta sabi nga ni Yorme kanina, hold on lang tayo, kapit lang tayo dahil nandiyan naman ang Panginoon, tutulungan tayo.
BENDIJO: Opo. Secretary, sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking bahagi sa inilaang pondo next year. Isa ba itong factor na iyong pag-shift na natin sa online learning system?
DBM SEC. AVISADO: Iyan talaga tumaas iyan, Aljo, dahil nga sa alternative system of learning eh hindi pupuwedeng mag-face-to-face eh. Noong huling meeting ng Gabinete with the President, pumayag na nga sana si Presidente na on a pilot basis basta lang may pagbibigay naman ng permiso ang mga magulang ay pupuwede doon sa mga malalayong lugar na malayo din sa impeksiyon. Subalit nitong huli ay ni-recall ni Pangulong Duterte iyong kaniyang prior approval kaya nga po hangga’t wala pa talagang vaccine ay wala munang face-to-face classes, Aljo. Kaya dito napunta naman sa mga gadgets kung tawagin – iyong mga tablets, mga computers, iyong mga laptops etcetera at iyong mga modules, dito napunta lahat ang gastusin ng pamahalaan patungkol sa edukasyon.
BENDIJO: Opo. Secretary, ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, bagaman malaki ang itinaas ng budget para sa health sector kumpara nitong 2020, bakit po pang-apat lamang ito sa may pinakamalaking pondo sa pangkalahatan, 2021 national budget? Hindi raw po ba dapat mas pagtuunan ng pansin natin ang pangangailangan ng sektor ng kalusugan?
DBM SEC. AVISADO: Tulad na nga ng sinabi ko, hindi lang naman Department of Health ang may sariling programa para sa pandemya. Lahat po ng departamento tulung-tulong po iyan, mayroon din po silang programa patungkol sa pandemya or sa COVID-19 pandemic kaya nga po binanggit ko kanina kung susumahin natin lahat, aabot nang 838 billion iyan. Pero dito mismo sa Department of Health dahil nakatutok sila sa HRH, iyong Human Resource for Health, iyong acquisition ng mga PPEs and other protective equipment, dito po, iyon po ang bulto ng kanilang budget po dahil hiwalay din iyong budget para sa procurement ng vaccine.
Kaya nga po sa ngayon, mayroon tayong 25 billion na standby fund under Bayanihan 2 for procurement of vaccine, mayroon tayong nauna nang nasa National Expenditure Program for 2021 na 2.5 billion at naglaan pa nang 70 billion ang Kongreso under Republic Act No. 11518, iyong General Appropriations Act for 2021 na kung saka-sakaling kailangang bumili ay mayroon – under unprogrammed lamang iyan – mayroon nang bale authority to already procure the medicine. At saka iyong kay Secretary Sonny Dominguez ng Department of Finance, puwede naman nating kunin iyan, iyong pera na iyan if that’s not out-rightly funded under the GAA either through bilateral, multilateral, domestic or foreign borrowings.
So makakayanan talaga natin na makalap iyong pera o halaga na iyan para ibili noong vaccine. By the way hindi naman sa isang taon lang maba-vaccinate natin lahat ma-inoculate natin eh. So, may programa iyan – minimum of 3 up to 5 years iyan. So huwag lang manerbiyos ang mga kababayan natin dahil hindi naman papayag si Pangulong Duterte at ang ating pamahalaan na mawawalan tayo ng pera na pambili ng vaccine. Mayroon po tayong pera pambili ng vaccine.
BENDIJO: Opo. Ito, tama ho ba figures kong hawak – 72.5 bilyong piso for COVID-19 vaccine, Sec. ‘no? 2.5 bilyong piso lamang po daw diyan ang nasa ilalim ng Department of Health. Iyong natira ay unprogrammed appropriations na. Papaano po tayo makakasiguro na ang natitirang 70 billion pesos ay magagamit talaga para sa bakuna at hindi kung saan-saang pagkakagastusan lamang po?
DBM SEC. AVISADO: Ay, maliwanag po ang instruction at direktiba ng Pangulo na siguraduhin na iyong pera ay mapunta sa tamang pagkakagastusan. Kaya nga po nagpauna na si Secretary Dominguez na kung pera lang Mr. President ang kailangan para sa procurement o sa pagbili ng vaccine ay mayroon na po tayong nakahanda. Kaya lamang hindi pa natin talaga alam kung ilang milyon ang available, saan natin bibilhin. Kaya iyong ating Vaccine Czar, si Secretary Charlie Galvez ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pharmaceuticals sa buong mundo at pakasiguro tayo na hindi man natin makuha nang buo sa isang pharmaceutical, sa iba din makakakuha tayo doon.
Kaya mention was made already about the MOU signed between the government through Secretary Galvez with AstraZeneca, tapos iyong sa [garbled], tapos iyong sa Moderna, tapos iyong sa COVAX, tapos dito sa Sinovac/Sinopharm… iba’t ibang pharmaceutical ang pinag-uusapan natin dito o pharmaceutical companies para po makasiguro tayo na hindi man tayo makakuha nang ganoon kalaking bulto ay makukuha natin sa iba’t ibang sources po.
BENDIJO: Opo. Secretary, bigyan lang natin ng daan ang katanungan mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: CNN-PH reported that the Budget Secretary told them in a text message that some items under the spending plan have been vetoed. Could you expound on what some of the vetoed items in the budget plan are?
DBM SEC. AVISADO: Ah, sige po. Although ang veto message naman ng Pangulo naka-post sa aming website subalit mabanggit ko lang – 12 special provisions and 1 proviso was subjected to direct veto by the President for being riders or inappropriate as they do not relay to particular appropriations or tend to amend existing laws. So kapag ganiyan pong issue ang pag-uusapan, the President under the Constitution and by way of existing jurisprudence has the right to exercise his direct veto power.
At ito po nasa Department of Labor and Employment, iyong alien employment permit; sa DOLE iyong Philippine Overseas Employment Administration on the use of income. Doon naman sa Philippine Racing Commission on the use of income, sa Optical Media Board on confidential fund, sa Subic Bay Metropolitan Authority on the authority to utilize excess dividends, sa Department of Trade and Industry on the use of savings…
Sa Department of Agrarian Reform on the condonation of interests, penalties and surcharges; sa Department of Trade and Industry naman iyong sa credit mediation services; sa Department of Transportation on public utility vehicle modernization program; at dito naman sa proviso under Section 76 of the general provisions on Intelligence Funds; sa Department of Education on task budgeting system; sa Commission on Higher Education on task budgeting system again; at mayroon din iyong sa forensic laboratory division ng Department of Justice Public Attorney’s Office.
Sa kabilang dako, mayroong 46 special provisions and general provisions that were subjected to conditional implementation to ensure efficient use of public funds, adherence to laws, rules and regulations, shared fiscal responsibility and to clarify the policy of the General Appropriations Act as an allotment order. So 46 po ito.
Ang mahalaga lang po dito ay iyong policy naman ng Pangulo na wala po siyang vineto na mga projects po, bagkus ang kaniya ay tulad ng sinabi niya as a policy, it is important that for new budgetary items introduced by Congress that are not part of the National Expenditure Program shall be subject to the observance of the national government’s cash programing and the observance of prudent and responsible fiscal management, applicable rules and procedures during budget execution and approval by the President based on program priorities of the government.
Kaya pursuant to that, amin naman pong ipagbibigay-alam sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan patungkol dito sa bagong budgetary items na nailatag sa General Appropriations Act, at iri-require namin sila na mag-submit ng revised agency performance targets dahil nadagdagan sila ng mga projects, among other supporting documents as may be applicable like iyong request for issuance of SARO and NCA.
So ang mabuti po dito, ang maganda lang dito, dahil sabi ng Pangulo na titingnan na lang natin iyong mga projects na naihain, at iyan ba ay sang-ayon sa priorities ng gobyerno; may kakayanan ba ang ahensiya o department o kagawaran na mag-implement niyan sa loob ng isang taon; at pangatlo, iyan ba ay talagang implementation-ready o shovel-ready kung tawagin. So based on this, makakaasa naman ang ating mga mamamayan na tuluy-tuloy lang po iyong implementation ng ating project next year; wala pong maaantala. Iyon pong conditional implementation ay in short, iyan po iyong for later release. Kasi po iyong unang bugso ng release po, automatic po iyan kapag nasa National Expenditure Program, comprehensive po ang release niyan. Iyong mismong General Appropriations Act, iyon na po iyong General Allotment Release Order kumbaga; iyong instead na SARO, iyong GARO na mismo.
ALJO BENDIJO: Mula kay Victoria Tulad, Sec., ng GMA News: Ano iyong examples ng new items sa 2021 budget na dapat dumaan pa sa approval ng Pangulong Rodrigo Duterte? Iyong guidelines para sa paggamit ng barangay development program ng NTF-ELCAC, Secretary?
DBM SEC. WENDEL AVISADO: Opo. Iyon pong mga sinasabing new items, iyon iyong mga CICA kung tawagin – Congress-Introduced Changes or Amendments; so iyon po iyong mga nadagdag outside of the National Expenditure Program.
So iyon po iyong rirebyuhin ng executive department kung sang-ayon nga ba doon sa pamantayan ng pag-implement mga projects. At wala naman hong problema doon dahil tuluy-tuloy lang po iyong trabaho namin patungkol diyan. Tulad ng sinabi ko kanina, magsa-submit lang, i-inform lang namin ang mga departments and agencies na may dagdag silang mga projects at i-inform namin sila na ito iyong mga requirements tapos isusumite naman nila sa amin, gagawin ko rin kaagad ng rekumendasyon para sa Pangulo for approval.
Iyon naman pong sa guidelines po ng barangay development program, nandiyan po sa General Appropriations Act na minamandato po ang [garbled] gumawa ng guidelines in coordination with the National Task Force on ELCAC. Kaya po gagawin po namin, nakahanda na rin po iyan at ilalabas na po namin within the month of January po.
ALJO BENDIJO: Okay. Daghan kaayong salamat. Maayong Pasko og mabungahong bag-ong tuig sa imo diha, DBM Secretary Wendel Avisado.
DBM SEC. WENDEL AVISADO: Salamat sagkaayo ka nimo, Aljo, kay Usec. Rocky. Ug maayong Pasko [dialect] kanatong tanan.
ALJO BENDIJO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.Samantala, upang linawin naman po ang isyu kaugnay sa isang hotel quarantine facility sa Batangas na inirireklamo umano ng ilang balikbayan na dumating doon kahapon, makakausap po natin si National Action Plan Deputy Chief Implementer and Testing Czar Secretary Vince Dizon. Good morning po, Secretary Vince.
SEC. VINCE DIZON: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga, Sir Aljo.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po ba talaga ang nangyari dito sa insidente sa Canyon Woods sa Batangas? At naayos na po ba ito? Kumusta daw po ang lagay ng mga naka-quarantine doon?
SEC. VINCE DIZON: Unang-una po, Usec. Rocky, para lang po maintindihan ng ating mga kababayan, iyon pong mga kababayan natin at ilang mga foreigners na nanggaling sa mga bansa na napasama sa order po ng IATF na kailangang mag-undergo ng 14-day mandatory facility quarantine dahil mayroon silang mga bansang pinanggalingan na mayroon ng bagong strain ng bagong COVID-19 ay dinala po sa isang hotel sa Tagaytay at sa Batangas – sa Canyon Woods. At iyon pong hotel na iyon ay matagal na pong ginagamit natin para i-quarantine ang ating mga OFWs. Ito po ay isang maayos na hotel. Hindi lang po ito 5-star hotel pero dahil nga po gusto nating tulungan ang ating mga kababayan, ito pong hotel na ito ay in-offer natin sa mga dumating galing sa iba’t ibang bansa kahapon at ito po ay libre na pinup-provide ng ating gobyerno.
So mayroon po kasing mga napabalita na hinu-hostage daw po ang ating mga kababayan at ilang mga dayuhan – hindi naman po ito totoo ‘no. Ito po ay kasama sa mga napakaistriktong kailangan nating gawin para mapigilan ang pagpasok ng bagong strain ng COVID-19 kaya po kailangan 14 days po sila mag-stay sa isang facility bago sila makauwi sa kani-kanilang mga final destination.
Ito po iyong nangyari kahapon, mayroon pong mga ibang pasahero na hindi po yata naging acceptable iyong Canyon Woods sa kanila pero makikita naman po natin ‘no, dito sa mga pictures na actual na pinapakita ngayon although hindi siya 5-star hotel, hindi naman po madumi at maayos naman po ano at matagal na pong ginagamit ito ng ating mga kababayang umuuwi.
Pero binigyan po natin ng choice, ng option ang iba nating mga kababayan at iyong mga foreigner na kung mayroon silang gustong ibang hotel, puwede po silang pumili nang mas magandang hotel sa listahan ng DOH at ng National Task Force. Pero iyon pong hotel na iyon na mapipili nila na mas maganda eh kailangan po sila na po ang magbabayad noon dahil hindi na po kaya ng gobyernong bayaran ang mas magandang hotel dahil ito po ay mas mahal.
Ito po ay tinanggap naman po noong ibang mga pasahero na dumating. Kaya po kagabi halos kalahati po noong mahigit isandaang mga pasahero na dinala sa Canyon Woods ay inilipat na po natin sa kanilang mga napiling hotel kagabi po at nag-provide na rin po tayo ng transportation para sa kanila. Kaya po matapos iyong lahat ng confusion at mga nangyari kahapon eh hopefully po eh na-satisfy na po natin iyong iba nating mga kababayan at pati na rin po iyong ating mga dayuhan na dumating. Humihingi po tayo ng pag-iintindi at pag-unawa, pero hopefully po eh naayos na po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isang paglilinaw lang. Sila po ba ay OFW at saang bansa po sila galing? Kunin ko lang po rin iyong mensahe, nagkaroon po ba daw ng problema sa coordination dito sa nasabing quarantine facility dahil nagkaroon nga daw po ng mga reklamo at sinasabi, allegedly, abandonado daw po iyong quarantine hotel na ibinigay sa kanila? Ano po ang mensahe ninyo sa kanila?
SEC. DIZON: Unang-una po ‘no, ang ating mga kababayan na dumating at dinala sa Canyon Woods ay mostly po mga returning overseas Filipinos; mayroon pong konting OFWs, mayroon din pong mga dayuhan. Hindi po totoo na walang coordination ‘no, in fact, ready po iyong Canyon Woods na tumanggap ng mga iba’t ibang mga pasahero galing sa ating mga airport dahil nga po matagal na silang designated quarantine facility, mga tatlong buwan na po silang nag-o-operate.
Mayroon lang pong mga iba sa ating mga pasahero na hindi po yata na-satisfy doon sa hotel ‘no. Naiintindihan naman po natin iyon at kaya po tayo nagbigay ng option sa kanila na kung mas gusto nilang mas magandang hotel eh kakailanganin lang po na sila na po ang mag-shoulder noon, kaya po nailipat na po sila kagabi. Mayroon naman pong mga ilan na nag-opt na po na mag-stay doon dahil nga po ito ay libre na pinu-provide ng ating gobyerno para po maibsan din po iyong hirap na kailangang danasin ng ating mga kababayan dahil nga po kailangan silang 14 days na mag-quarantine – at siyempre naman po, medyo mabigat po iyon ‘no kung sila pa po ang magbabayad noon kaya nagpu-provide po ang ating gobyerno nang mga ganitong klaseng mga facility na although hindi naman 5 star pero sa tingin naman po namin eh acceptable naman po sa iba nating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta naman po iyong ating mga kababayan na naka-quarantine naman diyan sa New Clark City?
SEC. DIZON: Opo. Ako po ay nandito ngayon sa New Clark City, sa Athletes Village, okay naman po, nandito po ang ating mga kababayan mostly from the United Kingdom. Pinipilit po natin na lahat po ng kanilang mga pangangailangan ay naibibigay natin pero siyempre po ‘no, alam po natin na medyo mahirap po iyong dinadanas ng ating mga kababayan ngayon dahil nga po 14 days po sila kailangan mag-stay muna dito para naman po mapigilan natin ang pagkalat, ang posibleng pagkalat nitong bagong strain. Pero pinipilit po natin na lahat ng kanilang kailangan ay naibibigay natin.
In fact po ngayong gabi, magbibigay din po tayo ng special na meal sa kanila para naman po maganda-ganda po ang kanilang Media Noche kahit na po alam natin na medyo mahirap ang dinadaanan nila ngayon dahil hindi nila kasama ang kanilang mga pamilya pero pinipilit po natin na kahit papaano po naibibigay po ng ating gobyerno ang kanilang mga kailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ilang kasama natin sa media ano po, although nasagot na ninyo iyong iba dito, pero baka may karagdagan lang po kayong sagot sa kanila. Basahin ko lang po: Reports that there are OFWs po who are supposed to be undergoing quarantine on government facilities but slipped past yesterday. Ano iyong comment ninyo on this? Is it true? If so, ano daw po iyong pupuwede ninyong action na gawin para maiwasan po iyong mga ganito, Secretary?
SEC. DIZON: Unang-una po USec. Rocky, ang lahat po ng ating mga quarantine facility ay binabantayan ng ating Philippine National Police, ano po iyan, 24/7 po iyan nakabantay ang ating mga dakilang mga pulis. Wala pa po kaming nakukuhang report na mayroong nakakatakas although mayroon pong mga ibang mga OFW natin na nag-request sa kanilang mga LGU, through their LGUs na makauwi ‘no dahil sa mga extreme exception at extreme circumstance.
Halimbawa po may namatay sa pamilya o mayroong kapamilyang kailangang-kailangan ng medical assistance lalo na po iyong mga OFW natin na healthworkers na galing abroad, iyon po ay kinu-coordinate natin sa ating mga local government units. At kapag po pumayag ang ating local government units, sila po ay tini-turnover natin sa kanila at sila po ay nagku-quarantine sa kanilang mga LGU.
Pero po nakabantay po tayo para nga po talaga mapigilan natin sa lubos ng ating makakaya ang pag-spread nitong bagong strain at paglapag nitong bagong strain sa Pilipinas. Alam naman po natin eh napakarami na pong mga bansa, pati po ang mga mayayamang bansa eh napasok na nitong bagong strain. Tayo po eh sa lubos ng ating makakaya eh pinipilit po natin na mapigilan ito at kasama po itong ginagawa natin ngayon sa mga dagdag na stringent measure para po sana ay mapigilan natin ang pagpasok ng bagong strain ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary sa pagpasok naman daw po ng bagong taon, paano pa po paiigtingin ng pamahalaan ang laban kontra COVID-19?
SEC. DIZON: Tuluy-tuloy po ang ating efforts ‘no lalung-lalo na sa pamumuno po ni Secretary Charlie Galvez, ang ating Vaccine Czar. Ito po ang magiging talagang major focus ng ating gobyerno na mapaabot na ang bakuna sa ating mga kababayan ngayong 2021 para naman po kahit papaano eh tuluy-tuloy na po ang solusyon natin na pangmatagalan dito sa COVID-19. Pero apart from that po eh tuluy-tuloy pa rin lang po natin ang ating pag-iingat. Kailangan pong tulungan tayo ng ating mga kababayan, magsuot pa rin tayo lagi ng mask, ng ating face shield, maghugas lagi ng kamay at magdistansiya sa ating mga kababayan sa lubos ng ating makakaya.
At tuluy-tuloy pa rin po ang ating testing, tracing, treatment strategy kagaya na ng ginagawa natin ngayon na nagku-quarantine po tayo nang 14 days sa mga bansang nakapasok na ang bagong strain. Hindi po matitinag ang loob ng pamahalaan pero hinihingi po natin pa rin ang kooperasyon ng ating mga kababayan lalo na sa pagpasok ng bagong taon.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Vince Dizon, partikular po sa pagbibigay-linaw sa mga usaping ito. Salamat po. Happy New Year, Secretary.
SEC. DIZON: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Maraming salamat, Aljo. Sa ating mga kababayan, Happy New Year. Ingat po tayo lagi.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
BENDIJO: Good health always, Secretary. Sa iba pang mga balita, ilang araw bago sumapit ang bagong taon, mga pasyente, kanilang mga bantay at medical frontliners sa Southern Philippines Medical Center at Davao Regional Medical Center ang hinatiran po ng tulong ng tanggapan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita mula sa PTV Davao, may ulat po ang ating kasamang si Regine Lanuza. Regine?
[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA/PTV DAVAO]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
BENDIJO: Higit sa isang libong residente mula naman sa mga bayan ng San Francisco at Talacogon, Agusan del Sur na binaha noong pananalasa ng bagyong Vicky, hinatiran din ng tulong pamahalaan at sa tanggapan ni Senator go kahapon. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para sa iba pang balita, puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera.
[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO/PTV CORDILLERA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Bulsao.
BENDIJO: Samantala—
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa report ng Department of Health kahapon, December 30, 2020, umabot na sa 472,532 ang total number of confirmed cases. Samantala, naitala naman ang 1,014 new COVID-19 cases kahapon. 68 katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 9,230 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy pa rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 439,509 matapos makapagtala ng 580 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 23,793.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
BENDIJO: Samantala, 12 oras na lang, 2021 na! Kaya sa kabila po ng hirap na pinagdaanan natin sa taong ito, 2020 nawa’y maging positibo pa rin ang ating pananaw sa buhay. Ingat po at happy, happy New Year sa inyong lahat! Good health always. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, USec.
USEC. IGNACIO: Happy New Year, Aljo! At siyempre binabati natin ang DWIZ si Edwin Eusebio. Salamat po sa inyong pagtutok. Samantala, sama-sama po nating salubungin ang 2021 nang may ngiti at bagong pag-asa. Pag-asa na malalampasan din natin itong pandemya.
Mula po sa Presidential Communications Operations Office at siyempre sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH na bumabati sa inyong lahat ng isang ligtas at masaganang Bagong Taon.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)