USEC. IGNACIO: Magandang umaga po. Ngayon po ay araw ng Lunes, January 18, 2021, panibagong linggo para maghatid ng balita’t impormasyon sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng mundo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Samahan ninyo muli kami para sa isang oras ng talakayan tungkol sa pinakamaiinit na isyu sa bansa. Ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating mga balita: Senator Bong Go nagbabala sa mga patuloy na nagpapakalat ng fake news kaugnay sa COVID-19 vaccine. Hinimok din niya ang mga kapwa mambabatas na gumawa ng isang batas laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa panahon ng pandemya. Narito ang detalye:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Sa Barangay Talao-Talao naman sa Lungsod ng Lucena sa Probinsiya ng Quezon, ilang mga residente na ang pangunahing kabuhayan ay pangingisda ang nakatanggap ng tulong mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa opisina ni Senador Bong Go. Ang ilang mga mangingisda may personal ding hiling sa Senador. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa Lucena City pa rin halos isanlibong market vendors naman po ang inabutan din ng tulong ni Senator Bong Go kasama ang DTI at DSWD. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa mga nagpupunta ng palengke, tiyak pong napapailing na po kayo sa presyuhan ng karne at gulay ngayon. Kakulangan daw po sa supply ang sanhi kung bakit napakamahal ng mga pangunahing bilihin. Paano kaya tinitiyak ng Department of Agriculture na hindi masasaid ang supply nito sa merkado? Ipapaliwanag po iyan sa atin ng kanilang kalihim na si Secretary William Dar. Secretary, good morning po. Welcome po sa Public Briefing #LagingHanda, Mr. Secretary.
DA SECRETARY DAR: Usec. Rocky, good morning. Happy New Year po at magandang araw po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Happy New Year din po, Secretary Dar. Unahin ko po muna ito, Secretary Dar, ano po: Ayon po kay Chairman Rosendo So ng SINAG, malaking tulong daw po para mapondohan ang pagbabakuna ng nasa labing-isang milyong magsasaka sa bansa kung lalakihan muli ang taripa sa mga mechanically deboned meat or iyong mga karneng nasa mga delata; pero buwelta po ng meat importers, doon na lang daw po sa agricultural competitiveness and enhancement fund sila kumuha ng pambakuna. Ano po ang tugon ninyo dito; at paano po natin sila matutulungan sa usapin na ito, Secretary?
SEC. DAR: Well unang-una, talaga namang ang mga magsasaka ay considered din sila na frontliners. So, isasangguni po natin sa gobyerno na mabakunahan din ang mga farmers. They are about 11 million farmers, 12 million, ganoon. Now, iyong pagtaas ng taripa ng MDM (mechanically deboned meat) ay itong taon na ito ay nag-decide na iyong Tariff Management Group na huwag muna itaas iyong taripa. So, isa na akong boto doon at sumang-ayon ako na i-maintain iyong 5%, kasi para hindi tataas iyong presyo ng mga processed foods para mas may mabili din na mura ang mamamayan. So, iyon po ang aking masasabi doon sa subject na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng African Swine Fever, hinimok po ng Chairman ng SINAG na paigtingin daw po ng pamahalaan itong tinatawag nating border entry ng mga frozen goods sa bansa. Dahil ito raw po iyong nagdadala ng sakit sa mga alagang baboy nila. Ano po ang ginagawa na ng Department of Agriculture tungkol dito, Secretary?
SEC. DAR: Tama po, pinapaigting natin, tama iyon. Mas lalo iyong mga illegal na pork and pork products, doon palagi kami may nasasabat. At talagang maigting po ang pagkumpiska. Kung doon sa may mga import clearances naman ay talagang binubusisi po natin. So, iyong watch for their inspection ay ginagawa natin. At for the longer term, mayroon na tayong ongoing design at ma-implement na rin itong taon na ito, iyong construction ng inspection or evaluation area diyan sa MICT, para mas may espasyo para doon sa evaluation namin sa first quarter.
USEC. IGNACIO: So, Secretary, sa ngayon po, ano po iyong mga ginagawa na mga hakbang ng Department of Agriculture, para naman daw maiwasan o mapigilan din po iyong tinatawag natin na meat smuggling?
SEC. DAR: Well, we are in tandem with BOC, kasi kasama dapat kami ng Bureau of Customs doon sa pagsabat or I mean, doon sa pagmanman, surveillance, intelligence, lahat ng smuggled items at talagang kukumpiskahin iyan kapag alam natin na smuggled. Iyon ang number one. Wala ng ibang paraan, but to confiscate itong illegal and smuggled foods.
USEC. IGNACIO: Secretary, ayon pa rin po sa SINAG, hindi pa daw po nila natatanaw na magno-normal ang supply ng karne ng baboy sa bansa lalo na po at nakaamba pa rin po iyong ASF sa Visayas region, binanggit din po niya iyong Mindanao. May ilalabas po ba kayong pondo para makapagbukas muli ang mga negosyanteng huminto ng pag-aalalaga po ng baboy?
SEC. DAR: Mayroon tayong P400 million para sa pang-repopulation po ng hog industry. At iyon po ay ikakasa na itong Enero. Number two, iyong kakulangan ng mga pork dito sa bansa ay pinapabilis din po natin iyong pagdating, iyong under the minimum access volume na 54,000 metric tons, na dapat pumasok na itong February or Marso, para mayroon tayong mga pandagdag na supply dito po sa bansa. On top of that, we are still mobilizing pork or pork products from the green zones ng Visayas and Mindanao and Luzon as well.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, may mga specific location na po ba daw tayo na kung saan talaga, na-clear na po iyong ASF at maaring magsagawa ng repopulation?
SEC. DAR: Mayroon na po, palagi iyon, may sentinel approach na tinatawag kapag ang isang lugar ay nauna nang mayroong outbreak na ASF ay mayroon kaming nilalagay na tatlo, limang baboy, kung ito ay mayroon, that will indicate na kung mayroon pa o wala na. So, doon puwede n mag-umpisa muli ang backyard hog raisers.
USEC. IGNACIO: Opo, puwede po ba nating mabanggit iyong mga rehiyon na sinasabi ninyo Secretary iyong clear po sa ASF?
SEC. DAR: We will not just have it regional, kasi there are 11 regions na na apektado ditto, pero hindi naman lahat ng rehiyon, I mean In that area ay apektado every square inch. Doon sa 11 regions, 37 provinces po ang apektado, but only doon sa 37 provinces; 415 cities or municipalities lang ang apektado; in terms of barangays, 2130 barangays ang apektado. So, mas marami pang areas na hindi apektado.
USEC. IGNACIO: Secretary, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Clay Pardilla ng PTV: Pinag-iisipan po ba ng Department of Agriculture na mag-import ng mas maraming baboy para ma-stabilize ang presyo nito?
SEC. DAR: Tama po, kasama po sa plano at pinag-aaralan na namin iyong dagdagan itong minimum access volume to triple what is allowed. Ang allowed ngayon ay 54,000 metric tons isang taon, eh kung puwede i-triple ito para madagdagan itong pork supply sa bansa
USEC. IGNACIO: Opo. May tatlong tanong po ang ating kasamang si Jorge Cariño ng ABS-CBN: Una po, ano daw po ang factor sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin?
SEC. DAR: Well, unang-una broadly, sa fruits and vegetables naman, alam naman ninyo iyong nangyari na santacruzan ng mga bagyo. So, ang report po ay iyong mga pinakbet vegetables ay apektado. In terms of the highland vegetables ay mga 10% ng apekto lang doon sa highlands. Galing ako doon noong December doon at marami tayong mga highlands vegetables. So, dapat itong highland vegetables ay hindi dapat masyadong magtaas ng presyo. Now, another factor na tumaas ay itong mga traders na bringing produced from the ‘Bagsakan areas’, from the provincial areas ay masyadong mataas po ang bigay nila dito sa mga wet markets sa Metro Manila. So iyon, mayroon na kaming kinakasa na economic intelligence para makasuhan itong mga traders na unscrupulous or profiteers sila. So, iyon po ang ating ginagawa.
USEC. IGNACIO: Ang ikalawang tanong po ni Jorge Cariño, ano po ang ginagawa ng gobyerno sa isyu ng inflation?
SEC. DAR: Well, for us from the agriculture sector po ay marami kaming ma-mobilize na food supply para dito mas lalo sa mga Metro areas like Metro Manila, para maibaba iyong presyo. Iyon po ang aming pakay.
USEC. IGNACIO: Ang ikatlong tanong niya, hanggang kailan daw po ang forecast na tatagal ang sitwasyon, Secretary?
SEC. DAR: Ang fruits and vegetable dapat mas marami nang supplies nitong Enero at saka Pebrero, so bababa na ang presyo. Pero iyong nasabi ko kanina na iyong mga traders ay kakasuhan po namin iyong masyadong unscrupulous sila, nagpo-profit sobra – so iyon makakatikim sila ng full force of government.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula sa News 5 desk, sa TV 5: Does the DA po have plans of regulating the sale of very expensive plants, umaabot daw po kasi ng 1.5 million pesos iyong ibang price?
SEC. DAR: Dapat naman itong panahon ng pandemya huwag sasamantalahin ng mga nagtitinda ng mga ornamental plants na iyan kasi halos lahat po ng Filipinos gustong may tanim sa bahay or ornamental plants. Pero wala pa kaming balak na mag-regulate po niyan, sana makitulong itong mga nagnenegosyo sa ornamental plants na ibaba iyong presyo kasi nandiyan naman, hindi naman ini-import iyan; kahit imported dapat hindi naman masyadong mataas.
USEC. IGNACIO: Opo. Noong January 11, Secretary, sa Cabinet meeting po, nag-present po kayo sa Pangulo ng mga plano para po sa food security ng bansa. Sa mga measures na iyon halos grassroots o nakaasa po sa mga kababayan natin kung magiging maganda ang resulta ng programa. So, paano ninyo po hinihikayat na maging involved sa “Plant Plant Plant” program ng pamahalaan?
SEC. DAR: Tama po. Itong budget ng Department of Agriculture nitong taon na ito – 86-billion na total, ay naka-focus po doon sa kanayunan at iba’t-ibang departments po ang ating partners sa mga iba’t-ibang banner programs. Of course, local government units po ang aming main partners kasi sila po iyong nakatoka doon sa mga kanayunan.
So, ang gagawin po natin ngayon mas mahigpit pa iyong partnership. Magpipirmahan kami ng memo of agreement para partnership talaga, mayroong din equity ang local government units so that aasikasuhin po nila ang mga constituencies doon.
So, iyong ating pinapa-approve sa Cabinet ay iyon – “Plant Plant Plant” paiigtingin pa, ang daming department po na makisama; iyong processing, marketing, itong logistic support talagang paiigtingin pa; at itong “Kadiwa ni Ani at Kita”; iyong price monitoring and enforcement, elevated response ang ginagawa po natin dito sa Metro Manila. We are coordinating with Metro Manila Development Authority kasi ang frontliner or first responders sa price monitoring and adjudicate enforcement ay ang mga LPCCs (Local Price Coordinating Councils) na headed by the local chief executives.
So, lahat po mayroon na tayong laban na programa, bagong strategy against the African Swine Fever – Bantay ASF sa barangay level.
USEC. IGNACIO: Opo—
SEC. DAR: So, ganoon po we will [garbled] that the whole-of-government and the whole-of-nation approach is mobilized para mas mataas pa iyong ating food security level itong taon na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Rida Reyes ng GMA 7. Secretary, ito po ang tanong niya: Noong Martes daw po ng gabi nang mapabalita na mayroon na daw pong African Swine Fever sa Abuyog, Leyte. Nalalagay daw po sa panganib ang mga alagang baboy ng mga magsasaka sa buong rehiyon. May mga animal quarantine checkpoint na nga raw pong inilagay pero wala naman daw pong bantay ang naturang checkpoint, Secretary?
SEC. DAR: Well, we have to see to it na may bantay. I’ll call the regional director to see to it na nandoon siya sa labanan, sa ground zero kasi ayaw namin na kumalat iyong sa Abuyog at sana ma-contain natin.
Ang pag-spread niyan ay… iyon nga kapag may infected na pig or kinatay mo pa, iyon mag-ii-spread, so ayaw nating mangyari iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kuhanin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa aming mga consumers pati na rin po sa ating mga magsasaka sa bansa.
SEC. DAR: Tama po. Itong unang parte ng taon sama-sama po tayo, lahat po tayo magtatanim, mayroon namang mga vegetables na puwedeng itanim at anihin in one month time, two months time, para sa ganoon matulungan natin din ang mga magsasaka – those who are in commercial farming – para mas sapat pa iyong ating pagkain hapag hapunan—
I mean, three square meals a day.
Dito po sa Metro Manila, tuloy-tuloy pa rin iyong urban agriculture at mas lalo pang paiigtingin po natin ang community farming, sa mga bakanteng lugar diyan sa mga iba-‘t-ibang subdivision.
So, lahat po ng makaya po natin na maitaas iyong ating food sufficiency level ay gagawin po natin at whole-of-nation approach is really needed para gagaan naman itong mga challenges natin sa agrikultura.
Ang dami pong challenges na talagang umapekto sa agrikultura natin, mas lalo na po ang “Santa Cruzan” na mga bagyo noong Nobyembre. At ito na nga, mayroong ng impact ngayon iyong pagtaas ng presyo pero lahat po ginagawa po natin para ma-mobilize po natin iyong food supplies na galing po sa mga hindi apektadong lugar.
So, umasa po kayo na nandiyan palagi ang gobyerno po ninyo. National government is always partnering iyong sa mga frontliners. Mga food security czars po dapat ay ang mga local chief executives at sana tutulong na rin sila dito po sa pagbaba ng presyo ng mga food supplies natin.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Agriculture Secretary William Dar. Mabuhay po kayo, Secretary!
SEC. DAR: Mabuhay po kayo!
ALJO BENDIJO: Ngayong araw naman, January 18, ay nakatakdang bumalik sa regular session ang Kongreso at isa sa sinasabing unang tatalakayin ay ang constitutional reform o mas kilala sa tawag na charter change. Kaugnay diyan ay makakapanayam natin si DILG Usec. Jonathan Malaya. Magandang umaga sa iyo, Usec.!
DILG USEC. MALAYA: Yes… Magandang umaga, Aljo at magandang umaga po sa lahat ng ating sumusubaybay sa umagang ito!
ALJO BENDIJO: Kasama din natin si Usec. Rocky, Usec. Malaya.
Buhay na naman ang usapin ng “Cha-Cha,” sir, at kasabay diyan ay ang pagtutol din ng mga kritiko mostly mula sa mga detractors ng administrasyon. Bakit po ulit, Usec., at timely na isulong na ang “Cha-Cha” ngayon kahit na may pandemya?
USEC. MALAYA: Actually, matagal na pong isinusulong ng ating administrasyon iyang pagbabago ng ating Saligang Batas. Ang napagkasunduan po sa Kongreso ay amyenda na lamang.
ALJO BENDIJO: Opo.
DILG USEC. MALAYA: Hindi nga po revision ng ating Konstitusyon. So, ang napili po nilang amyenda ay hindi na iyong mga political reforms or iyong pagbabago ng sistema ng gobyerno o kaya naman iyong pagpapalawig sa kanilang termino ngunit ang napili po nila ay iyong pagtanggal sa mga tinatawag na restrictive economic provisions of the Constitution.
At para po sa amin sa DILG mahalaga po iyan dahil kailangan po nating makabangon nang maayos dito sa pandemyang ating kinakaharap. At makakatulong po sa recovery ng ating bansa kung mas lalago ang foreign direct investment sa ating bansa at alam naman po iyan ng ating mga eksperto na isa sa mga malaking balakit sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa ay ang ating mga restrictions sa ating Konstitusyon.
Ang sabi nga po ng iba, karamihan sa ating mga kababayan ay gustong mangibang bansa dahil doon makakahanap ng trabaho sa ibang bansa. So, ang gusto po sana namin ay instead na sila ay pupunta pa sa ibang bansa, dito na lang pumunta ang mga dayuhang mamumuhunan at dito na lang maghanap ng trabaho ang ating mga kababayan.
ALJO BENDIJO: Opo. Sa kagawaran po ninyo malalaman kung suportado ng nakararami “Cha-Cha” dahil nasa ilalim po ninyo ang mga lokal na pamahalaan. Ano po ang sentimyento ng mga lokalidad tungkol po dito, Usec.?
USEC. MALAYA: Opo! Napakalakas po ng suporta sa pag-amyenda ‘no. Again, let me clarify Aljo and Usec. Rocky: Ang pinag-uusapan po natin dito ay amyenda lamang dahil iba pong usapin iyong revision or iyong pagbabago ng sistema ng gobyerno ng ating bansa.
Kung pag-uusapan po natin iyong amyenda lamang ay ang DILG po ay umikot noong 2019 at bago mag-pandemya sa 72 provinces across the country. Nagkaroon po kami ng mga provincial road shows at sa lahat ng provincial road shows na ito ay napakalakas po ng suporta ng ating mga kababayan.
In fact, nagkaroon po kami ng signature campaign pagkatapos ng road shows namin at nakakalap po kami ng lampas sa kalahating milyong pirma at ito pong kalahating milyong pirmang ito or 550,000—around 600 ay mismong ako ang nag-abot sa Committee on Constitutional Amendments sa pangunguna po ni Congressman Alfredo Garbin.
At inabot ko po sa kanila itong mga signatures or mga lagda na ito bilang patunay na sumusuporta ang ating mga kababayan sa pagbabago ng ating—amyenda. Sa pag-aamyenda sa ating Saligang Batas. Lumalabas po, Usec. Rocky at Aljo, sa aming pag-iikot sa buong bansa, na kapag pinapaliwanag namin nang maganda sa ating mga kababayan, naiintindihan nila iyong gusto nating mangyari and because of that, lumalagda po sila. At ito pong mga lagdang ito, kagaya nga po ng sinabi ko ay ibinigay ko na po sa ating Kongreso. At bukas po ito na i-verify ng kahit sinumang grupo or kahit sinumang kongresista. Kung gusto nilang tingnan iyong mga signatures at i-verify iyong mga pirma ay kami po ay nakahanda na buksan itong mga lagdang ito.
ALJO BENDIJO: May sapat pa ba tayong panahon, Usec., at by 2022 ay eleksiyon na? At iyong assurance ng tanong ng taumbayan na hindi po i-amend ang political, tawag nito, parte po ng usapin ‘no, usaping political pagdating sa charter change?
DILG USEC. MALAYA: Aljo, kung pag-uusapan natin ay revision or papalitan natin iyong buong Saligang Batas natin, wala na pong oras. Ngunit ang pinag-uusapan lang po ngayon sa ating Kongreso ay iyong amyenda. At maglalagay lang po ng isang linya which is lalagyan po natin ng “unless otherwise provided by law”. Ibig lang pong sabihin nito ay pinapalakas lang po natin iyong flexibility, na ang Kongreso na ang magdesisyon kung itong mga industries na ito ay lilimitahan pa natin ang pagpasok ng 100% na dayuhang mamumuhunan.
So sa tingin ko po, itong maliit na pagbabagong ito in certain sections of Article 12 and many other provisions of the Constitution, sa tingin po namin ay mayroon pa tayong oras dahil mayroon naman pong tinatawag na Constituent Assembly mode of amending the Constitution. At ang plano po ng ating Kongreso ay magtawag ng plebisito sabay sa ating idaraos na national election sa 2022. Lumalabas po dito, Aljo, na kung ang eleksiyon ay sabay sa plebisito ay hindi po makikinabang ang mga kongresista dahil wala pong term extension na mangyayari. Kung ito po ay ipipilit bago mag-eleksiyon, may problema po iyan. Pero kung sabay naman po, wala pong magsasabi na magpapasok tayo ng term extension dito.
Ngayon, doon naman po sa mga tanong na papaano tayo makakasiguro na walang maipapasok na political amendments diyan, puwede po nilang isa-isahin iyong laman ng resolusyon, resolution of both Houses na ipinasa ni Speaker Lord Allan Velasco, at maliwanag po doon kung ano iyong mga proposed amendments. So ang gagawin na lang po ng ating mga taumbayan at lahat ng mga sektor ay bantayan nang maigi iyong wording ng resolution. Because the resolution right now is just focused on economic amendments, and wala po tayong nakikita na mga political amendments doon.
ALJO BENDIJO: Opo. Sa mga nagdaang administrasyon, Usec., marami na rin ang nag-attempt na isulong itong Cha-Cha. Sa palagay ninyo, Usec., ay palaging may pagtutol talaga mostly from the Senate na nangyayari kaya hindi ito naitutuloy?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Lagi pong isyu dito iyong tinatawag na timing na bakit daw sa dulo na lamang sinusulong ito. Nguni’t hindi po iyan puwedeng masabi sa administrasyong ito dahil bago pa man po tumakbo ang Pangulong Duterte sa pagka-Presidente, sinabi na po niya ito na ito iyong kaniyang agenda, na talagang isusulong niya ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas.
So hindi po pupuwedeng sabihin ng ibang sektor na bigla na lang sila nabigla, na bigla na lang silang na-sidestep dito or bigla na lang itong bumulaga when in fact, talaga naman pong nasa listahan iyan bago pa man po ang Pangulong Duterte nagsumite ng kaniyang certificate of candidacy, maliwanag na po na gusto niyang amyendahan ang ating Saligang Batas. So, hindi po maki-question na ito ay panibagong proposal ng administrasyong Duterte.
Pero kung ang question naman po ay timing, mas importante nga po sa panahon ng pandemya ‘no, iyong mga nakaraang administrasyon, wala po silang pinagdaanang pandemya. Ngayon po, kailangan pong makabangon ang ating ekonomiya. So ito pong ating kinakaharap na pandemya ngayon is even a greater argument na palakasin natin ang ating ekonomiya. At ang layunin na lang naman po nitong ating sinusulong ngayon ay mabuksan natin ang ating ekonomiya at bigyan natin ng solusyon iyong original sin ‘no na tinatawag ni Dr. Sicat.
Noong humarap po siya sa Kongreso, sinabi ni Dr. Sicat na ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution ay ang original sin kung bakit hindi makausbong nang ganoon kalakas ang ating ekonomiya compared to our population. So kung tatanungin po kami tungkol sa timing, there is no better time than now and there is no bad timing to a good idea. And I think panahon na po para maamyendahan natin ang isang Saligang Batas na 33 years old na at alam na natin iyong mga pagbabagong kailangan nating gawin.
ALJO BENDIJO: Wala bang nabanggit doon na i-amend iyong partylist system, Usec.?
DILG USEC. MALAYA: Wala po ‘no. Doon sa napag-usapan po sa Kongreso ay hindi po kasama ang pag-amyenda sa partylist system. Although, ang alam ko po, ang Senado ay maghahain na, si Senate President Tito Sotto ng amyenda doon sa partylist law at baka po masolusyunan na iyong problemang iyon through an amendment of the partylist law and not an amendment of the Constitution.
ALJO BENDIJO: Iyon pong suhestiyon ni Secretary Lopez na magpasa na lang ng economic bills instead of charter change dahil po gahol na ang panahon. Ano po ang stand ninyo doon?
DILG USEC. MALAYA: Unang-una po, hindi naman po gahol ang panahon dahil mayroon pa pong isang taon bago tayo mag-eleksiyon. Pangalawa po, hindi naman po mutually exclusive ang economic bills to the amendment of the economic provisions of the Constitution; puwede naman po itong sabay. Wala naman pong magsasabi na dahil isinusulong natin ang amyenda ng ating Saligang Batas ay hindi na puwedeng magpasa ang Kongreso ng mga bills providing for a fiscal stimulus to Congress.
Ang sinasabi lang po ng DILG ay sa tingin po namin ay nagawa na ng Kongreso ang lahat ng tungkulin nito with regards to vaccine and with regards to COVID response. Una po, ipinasa nila iyong Bayanihan I, pinasa nila iyong Bayanihan II, pinasa nila iyong validity ng Bayanihan II and they passed the General Appropriations Act which already provided for funding for COVID response.
So para po sa tingin po namin ay nagawa na ng Kongreso iyong kanilang tungkulin in so far as COVID response, mas maganda na tutukan naman nila iyong long-term solution to the pandemic which is the lifting of the restricted economic provisions in the Constitution.
ALJO BENDIJO: Mapunta tayo sa usaping COVID, Usec., tungkol sa rehiring ng mga contact tracers. Fifteen thousand lang daw ang iri-rehire ng DILG from 50,000 contact tracers last year? Bakit po, Usec?
DILG USEC. MALAYA: Yes, totoo po iyan. Fifteen thousand lang po ang available na puwede naming ma-rehire dahil ang naibigay po sa aming budget na ang Kongreso ay 500 million lamang for this year, at mayroon pa pong naiwang pondo na more than one billion last year. So kung itu-total po namin lahat ito, it’s around 1.9 billion, and that is enough to rehire 15,000 contact tracers for at least six months.
Ngayon, hindi po kailangan mabahala ang ating pamahalaan dahil ito pong hiring ng DILG ay augmentation lamang. Mayroon na po tayong contact tracers sa araw na ito ‘no, right now, 255,854. Ganoon po kadami na ang ating contact tracers sa buong bansa. And kung babasehan po natin iyong ratio na ibinigay sa atin ng DOH na one contact tracer to 800, ang kailangan lang po natin ay 135,000 contact tracers. Eh mayroon na nga po tayong 255,854. So we have more than enough contact tracers already operating in the country. So wala pong kailangang ikabahala because we have sufficient number at present.
BENDIJO: Opo. Iyong banta po nitong bagong COVID-19 variant, so sapat po iyan sa palagay ninyo ang bilang ng mga contact tracers?
DILG USEC. MALAYA: Ang gagawin po ng DILG ay magpo-focus na lang po tayo ng contact tracers na galing sa DILG po, hindi po iyong existing natin.
Iyong galing po sa DILG, we will focus it doon sa mga focus areas natin, iyong mga tinatawag nating high risk areas na mataas ang attack rates. So that means, we will rehire more in NCR, more in Cebu, more in Davao and in other areas. Pero po ang naging polisiya po namin across the board, 30% of the existing will be retained. So, lahat po ang LGUs ay mayroon pa ring maiwan na contact tracer, pero mababawasan na nga lang po iyong galing po sa DILG. Ngayon iyong existing po nila, tuloy lang po ang trabaho nila.
So the contact tracing capacity and the contact tracing manpower of the government is very strong.
ALJO BENDIJO: Nito lamang ay sinabi po ni Usec. Densing, sir, na aabisuhan ng DILG ang mga LGU tungkol sa pagbili ng bakuna para lang sa kalahati o 50% na populasyon. Bakit dapat na ilagay ang cap na ito, Usec.?
USEC. MALAYA: Well, napag-usapan po iyan sa vaccine team led by Secretary Galvez. I think ang naging approach po ng ating pamahalaan ay dahil nga mayroon ng national government procurement. Iyon po talagang LGU is simply an augmentation of the national government.
Let me just, I hope everyone will take note, na bago pa man po itong LGU procurement na ito ay mayroon na pong P82.5 billion na nasa General Appropriation Act para po sa pagbili ng bakuna by the national government. So, ito pong procurement ng mga LGUs na may pera is simply to augment what already is provided by the national government. So para po siguro masiguro na lahat lugar sa buong bansa ay makakatanggap ng bakuna, kaya po pineg po sa 50% iyong ating local government procurement.
ALJO BENDIJO: Bigyan po natin ng pagkakataon ang tanong mula sa ating mga kasamahan sa media, Usec.
Mula kay Mav Gonzales ng GMA 7: Anu-anong probinsya o LGU ang nagsabi na gusto nila ng Chinese vaccine? Ang Cainta po kasi tumigil na negotiation dahil ayaw raw ng mga residente doon ng gawa mula China.
DILG USEC. MALAYA: Okay. Kapag ang usapin ay LGU procurement, the LGUs are free to negotiate with whatever pharmaceutical company they would wish to negotiate and bukas po iyan. So lahat po ng posible na kausapin nila ay puwede nilang kausapin, ngunit ang paki-usap lang namin ay bago magpirmahan ay kailangan coordinated with the National Task Force COVID-19 particularly po si Vaccine Czar General Carlito Galvez. Ang dahilan po niyan ay kailangan po masiguro natin iyong kalidad noong bibilhin nilang vaccine at the same time iyong distribution nito sa buong bansa at pangatlo para po makasiguro na FDA approved lamang ang mga bakunang bibilhin ng ating mga local government units.
ALJO BENDIJO: Usec., parting words na lang para sa mga manunuod sa atin ngayon?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Siguro ipasok ko na rin, Aljo, iyong announcement ng DILG noong nakaraang Biyernes na ang road clearing program po 2.0 ay ine-extend ng aming kagawaran, nagpalabas po si OIC Undersecretary Bernardo Florece ng memo sa lahat ng local government units na binibigyan po ng one week extension ang lahat ng ating mga LGUs.
So, mayroon pa pong isang linggo ang lahat ng mga LGUs natin na paigtingin ang kanilang road clearing alinsunod na rin po sa naging direktiba ng ating Pangulo na kailangan tanggalin lahat ng mga obstruction sa lahat ng kalsada at ibalik ang mga bangketa sa mamamayan at sa publiko.
Kami po ay nananawagan din sa lahat ng mga local government units na maglagay po sila ng mga ‘no parking sign’ sa lahat ng lugar especially sa mga national highways para po maging visual reminders sa ating mga kababayan na bawal mag-park sa mga lugar na iyan.
At kami rin po ay nagpalabas na rin ng direktiba sa ating Philippine National Police na tumulong sa mga local government units sa mga road clearings, specially po sa pagtanggal sa mga nakahambalang sa mga kalsada, sa mga pangunahing mga lansangan kung saan sila ay bawal mag-park.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat po, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo, sir! Good morning.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, Usec. Rocky at maraming salamat Aljo, mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: Samantala, lumagpas na sa 500,000 mark ang bilang ng mga nagkaroon ng COVID-19 sa bansa.
Base po sa pinakahuling tala ng Department of Health, nadagdagan ito ng 1,895 cases; 5,868 ang naitalang gumaling sa sakit sa kabuuang bilang ng 465,991 recoveries. Labing-isa naman ang nasabi kaya umabot na ito sa kabuuang bilang ng 9,895 deaths.
Nanatili pa ring mataas ang naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw. Kahapon ang ika-apat na araw na mas mataas sa 1,500 ang reported cases sa nakalipas na isang linggo. Parehong mahigit 100 cases ang naitala bagong kaso sa Lungsod ng Davao at Quezon City. 65 new cases naman ang nai-report sa Isabela, 63 sa Pampanga at 62 cases sa Bulacan.
Ang active cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa COVID-19 ay 24, 691, ito po ay 4.9% ng total cases sa bansa. Sa mga aktibong kaso 84.6% ang mild cases, 6.6 % ang asymptomatic, 5.3% ang critical, 3% ang severe at .47% ang moderate cases.
ALJO BENDIJO: Nanatili pa rin ang travel ban sa mahigit 30 bansa hanggang katapusan ng Enero upang hindi na kumalat pa ang bagong COVID-19 variant sa bansa.
At muli po kaming nanawagan at nagpapaalala sa taumbayan, huwag po tayong agad na maniwala sa mga pekeng balita, mga fake news tungkol sa bakuna kontra-COVID-19. Iwasan natin ang pagse-share ng mga report na hindi naman verified. Kumuha po tayo ng impormasyon mula sa mga lehitimong media organization.
Ngayong Pebrero ay inaasahan ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Ang amin pong pakiusap eh kaunting tiis na lang at ipagpatuloy natin ang pagsunod sa basic health protocols. Muli po hindi tayo nahuhuli pagdating sa pag-procure ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.
At para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maari po ninyong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-89426843. Para po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555.
Patuloy kayong makibalita sa pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol pa rin sa COVID-19, bisitahin po ninyo ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap mula sa mga lalawigan ng bansa, kasama si John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT BY APRIL SALUCON/RP-TUGUEGARAO]
[NEWS REPORT BY PEN POMIDA/RP-BORONGAN]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol.
ALJO BENDIJO: Muli namang nagpaalala ang DOH-Cordillera sa publiko tungkol sa mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan. Ito ay kasunod ng tuluy-tuloy na pagtaas nga ng bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon. May ulat si Florence Paytocan ng PTV-Cordillera, live. Florence?
[NEWS REPORT BY FLORENCE PAYTOCAN/PTV CORDILLERA]
ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Florence Paytocan ng PTV-Cordillera.
USEC. IGNACIO: Samantala, balita naman mula sa Cebu City. Nasa mahigit 300 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa siyudad sa loob lamang ng isang linggo kaya naman ang active cases dito umabot sa mahigit 600. Ang detalye mula kay John Aroa ng PTV-Cebu.
[NEWS REPORT BY JOHN AROA/PTV-CEBU]
USEC. IGNACIO: Daghang salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.
Ngayong linggo ang itinakdang weeklong celebration ng 2nd founding anniversary ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kumustahin natin ang ginagawang adjustment sa rehiyon sa pangunguna ng Bangsamoro Transition Authority, makakausap po natin si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim. Magandang umaga po at welcome sa Public Briefing.
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa ating viewers.
USEC. IGNACIO: Opo at salamat po and congratulations po sa ikalawang taong anibersaryo ninyo, ano po. Sa kabila po kasi ng epekto ng pandemya, masasabi ba natin, sir, na may significant achievement ang Bangsamoro Transition Authority noong nakaraang taon po?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: So far, marami naman ang nagawa namin na mga programs, specially during the COVID pandemic, marami sa protocols. But however, karamihan sa programa namin ay nakalatag ngayon sa 2021. Kasi noong 2020, mostly ang naging task namin is to restructure the government at the same time mayroong mga laws na gagawin, so doon tayo na-focus. Most of our programs are now in 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta na po iyong naging pag-uusap ng Bangsamoro Transition Authority sa Kongreso tungkol naman po sa extension ng transition period? Are they open po to amend the Bangsamoro Organic Law lalo pa’t suportado naman po ito ng Pangulo?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually, maganda ang pag-uusap namin sa Kongreso, una naming binisita iyong sa mga Lower House. Nag-usap kami ni Speaker, Minority Floor Leader, limang ibang mga congressmen doon.
USEC. IGNACIO: Opo.
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: So, lahat naman sila ay very supportive. Sinabi nila na we really need extension kasi iyong task namin as BTA, transition authority, ay masyadong malaki na hindi kayang gawin ng three years lang, kailangan mag-extend tayo.
So, sa Senate din ay nag-usap kami, mula kay Senate President at nag-usap kami via Zoom. Iyong sina Majority Floor Leader, Minority Floor Leader, so lahat din sila ay talagang suportado rin na ma-extend iyong BTA.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta naman po iyong decommissioning process na ginagawa ng BTA para naman po sa mga combatants? Ilan na po ang na-decommission sa kanila at ilan po iyong target na mahikayat pa po ng BTA?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually, ito nga ang isang nakikita namin na kailangan bigyan ng panahon dahil sa ngayon ang na-decommission lang natin is 13,500.
Iyong una is symbolic unit kung saan 1,500 were decommissioned, then sumunod iyong 12,000. So, mayroon tayong ngayon at 13,5000 na na-decommission. And then mayroon pang remaining 28,000 na target nating nai-decommission. And dito sa first decommissioning, hindi pa nai-deliver sa kanila iyong mga social packages na dapat na ibigay sa kanila. So ito iyong challenge natin na kailangan [unclear]. Kasi iyong decommissioning is a bilateral agreement sa central government at saka BARMM government. So ngayon, nai-submit na namin iyong next 14,000 na to be decommissioned.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pasensiya na po ‘no, may tanong po iyong ating kasamahan sa media, si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Ito po ang tanong niya: How many MILF combatants daw po have been decommissioned; at kailan po ulit ang next phase of decommissioning at ilan po ang involved?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually, ang target natin idi-decommission is 40,000. Ngayon, ang unang na-decommission is 1,500, sumunod iyong 12,000. So mayroon tayong 13,500 na na-decommission na. Pero mayroon pang remaining, mas marami pa iyong remaining, iyong second place at saka third place ay mas marami iyon dahil 28,000. So iyon ang challenge natin kasi kailangan ma-decommission ito at [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, magkano po iyong approved budget ng BARMM for 2021 daw po? At magkano din po ang nakalaan para naman po sa rehabilitation and development po ng probinsiya sa BARMM? At kung may allotted budget na rin po ba kayo para sa vaccine procurement?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Ang budget namin for 2021 is more or less, mga [unclear] billion [unclear] total budget namin for 2021. Ito iyong block grant at kasama na rin dito iyong special development fund. So ito ay inilatag namin, mayroon kaming development fund na naipasa na sa parliament. So mayroon kaming budget na naipasa rin so ito ay budget ng lahat, iyong aming fund for 2021. So lahat ng mga local government, mga municipalities, mga provinces ay mayroon silang program at projects na matatanggap sa 2021 dahil lahat budget na ito is distributed among five provinces, two cities and iyong 63 barangays. So maganda naman ang distribution ng budget.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister Ebrahim, ano po ang mga aktibidad naman po na naka-line up para sa week-long celebration po ng second founding anniversary ng BARMM?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Sa ngayon po ay kick off ceremony kanina, kaninang umaga, kick off ceremony. And then nagkaroon kami ng symbolic signing of MOA with the… memorandum of agreement with the municipal mayors na kung saan patatayuan namin ng mga municipal hall, mga administrative building, at saka iyong iba pang mga programa. So nagkaroon din kami ng distribution ng mga relief goods, [unclear] distribution kasi mayroon pang mga susunod na mga araw. And then nai-turn over na rin namin iyong sea ambulance na binili namin at saka iyong rescue vehicle para sa COVID-19 na binili rin namin.
So lahat nito—maraming mga programa na nakalatag ngayon during this [garbled]. Mayroon din kaming mga launching ng mga different program, flagship programs, mga ceremonial turnover, mga arm chairs at saka iyong ibang mga … more on education.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Chief Minister Ahod Ebrahim. Mabuhay po kayo.
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Thank you very much, Usec. Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
ALJO BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. Daghang salamat, Usec.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa’yo, Aljo. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)