Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #64
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Simula sa Lunes sasailalim na ang ilang mga lugar sa bansa sa General Community Quarantine at kabilang na nga dito ang Metro Manila. Kaya ngayong araw marami sa mga katanungan ng ating mga kababayan ang bibigyan natin ng linaw at kasagutan. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Good morning Usec. Rocky. Muli isang oras na naman ng makabuluhang diskusyon at mahalagang impormasyon ang dapat ninyong malaman at aming hatid siyempre kasama pa rin ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Ako naman po Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa tanong ng ating kababayan maya-maya lamang makakausap natin sina Presidential Spokesperson Harry Roque; NBI Executive Officer Cybercrime Division, Atty. Michelle Valdez ng National Bureau of Investigation. At mula sa Department of Justice sina Undersecretary Markk Perete at Usec. Emmeline Aglipay-Villar.

Makakasama din natin sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon ang mga PTV correspondents mula po sa iba’ ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service.

BENDIJO: Samantala, sa ginanap ng virtual hearing nitong Miyerkules, pinangunahan ni Senator Bong Go ang pagtalakay sa Senate Bill 1471 na naglalayong baguhin ang Republic Act #11036 o ang Mental Health Act. Layunin ng bill na ito ay baguhin ang Section 5 ng nasabing batas sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong provision upang ang sinumang gagamit ng serbisyo ay agad na makakatanggap ng compensation benefits o anumang special financial assistance.

Ayon kay Dr. Napoleon Arevalo ng National Center for Mental Health, bilang inisyatibo na tulungan ang mga Pilipino na nakakaranas po ng mental health issues ngayong pandemya, naglunsad sila ng mental health hotline.

Dagdag pa niya nakikipagtulungan ang NCMH sa ibang ahensiya para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino pagdating sa kanilang mental well being kasama na rin ang mga distressed OFWS na nakabalik na sa kanilang mga tahanan.

Ayon pa kay Senator Go ngayong panahon ng pandemya, dapat anyang siguruhin, na pahalagahan, isulong at protektahan ang mental health.

USEC. IGNACIO: Sa patuloy na pagharap ng bansa laban sa banta COVID-19, hinimok ni Senator Go na suportahan ang miyembro ng Micro Small Medium Enterprises partikular na ang mga nasa local production ng COVID-19 specific medical devices at personal protective equipment. Hinikayat ng Senador ang DTI na tumingin ng iba pang programa at serbisyo gaya ng pondo sa pagbabago at pag-asenso na maaaring makatulong sa mga nagtatrabaho.

Dagdag pa niya importante ang suporta na ito para mapagaan ang pinapasan ng mga negosyante at ng mga empleyado nito. Nais ng bansa na mapabilis ang panunumbalik ang sigla ng ekonomiya habang sinisiguro na sapat ang emergency equipment para makabalik sa normal ang ating buhay at ekonomiya.

Upang sagutin ang mga katanungan ng ating mga kababayan sa nalalapit na pagsasailalim ng maraming lugar sa Modified Community Quarantine at ang General Community Quarantine makakausap atin ngayon si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang araw po, Secretary?

SEC. ROQUE: Magandang araw Pilipinas. Magandang araw Usec. Rocky at Aljo.

Nagpulong po kahapon ang inyong IATF at ito po ang napagkasunduan. Uulitin ko lang po iyong mga lugar na nasa GCQ at MGCQ kasama na po iyong mga siyudad na naaktuhan na po ang kanilang mga apila.

So, ang mga lugar pong ito ay nasa ilalim ng General Community Quarantine mula a-uno ng Hunyo hanggang a-kinse ng Hunyo: Ang probinsya ng Pangasinan, ang buong Region 2, ang buong Region 3, ang Region 4-A, ang National Capital Region kasama po ang Municipality of Pateros.

Sa Region 7 po, nasa ilalim po ng GCQ sa Visayas ang Region 7.

Nasa GCQ naman po sa Mindanao ang Zamboanga City at ang Davao City.

Lilinawin ko po: ang Cebu at ang Mandaue City po ay nasa GCQ na rin.

So, uulitin ko po: Ang mga lugar na nasa GCQ, Pangasinan, Region 2, Region 3, Region 4-A, NCR and Municipality of Pateros, Region 7, Zamboanga City, Davao City at saka ang siyudad ng Cebu at ang Mandaue.

Ang lahat po ng iba pang lugar sa Pilipinas na hindi ko nabanggit, lahat po kayo ay nasa Modified GCQ.

Ano ba ho ang ibig sabihin ng GCQ? Ang GCQ po ay iyong mga pagpapatupad ng mga temporary measures kasama na po iyong paglilimita sa galaw at transportasyon, iyong pagre-regulate po ng ilang mga industriya at saka iyong presensiya po ng ating kapulisan para ipatupad ang community quarantine protocols.

Ang MGCQ, ito po iyong transition between GCQ at iyong tinatawag nating new normal. Ang mangyayari po diyan magiging mas relaxed po ang ating mga limitasyon sa paggalaw at transportasyon at iyong mga pagbukas po ng ating mga industriya; bagama’t mayroon pong presensiya ng ating kapulisan para mag-enforce pa rin ang community quarantine protocols.

Naaprubahan din po ang Resolution Number 41. Sa mga barbero at beauty parlor, kayo po ay nasa Category 3 na at ang ibig sabihin sa ilalim ng GCQ pupuwede kayong magbukas pero hanggang 30% capacity lamang at magsisimula po ito sa ika-7 ng Hunyo. Matapos po ang dalawang lingo pupuwede pong ma-increase hanggang 50% ang inyong capacity.

Ang mga barbero at salon sa MGCQ pupuwede na po hanggang 50% ang operating capacity at matapos ang tatlong lingo pupuwede na po ang 100%.

Pero huwag po kayong masyadong ma-excite dahil limitado po ang mga barbero at mga salon sa paggugupit, wala pa ring facial, wala pa ring sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eye brows; hanggang gupit lang tayo.

Now, noong Lunes po nag-order po ang ating Presidente na pauwiin matapos lumabas ang PCR tests results ng 24,000 na mga kapwa Pilipino nating mga OFWs na nagsi-uwi na.

Ang mabuting balita po, sa ngayon po araw ng Sabado, mayroon pang isang araw, out of 24 thousand, 22,426 na po ang napauwi sa pamamagitan ng eroplano, sa pamamagitan ng bus at ng barko at ang lahat po iyan ay binayaran ng gobyerno sa pamamagitan ng OWWA.

Welcome home, mga kapatid nating mga OFWs.

Now, kinakailangan din po nating pag-aralang mabuti ang magiging DOTR guidelines tungkol sa pampublikong transportasyon sa ilalim po ng GCQ. Unang-una, lahat po pasahero, konduktor at saka driver kinakailangan po may suot na face mask, kinakailangan po mayroong cashless payment, kinakailangan mayroong thermal scanners, kinakailangan mayroong pong alcohol at sanitizers, kinakailangan mayroon pong disinfection of high touch services ng behikulo, kinakailangang mayroong disinfecting facilities at kinakailangan mayroong hakbang na gagawin para po sa contact tracing.

Para naman sa DOTR guidelines mayroon pong phase iyan. Sa unang Phase 1, mula June 1 hanggang June 21, ang papayagan lang po ay ang mga tren, ang mga bus augmentation, ang mga taxis at TNVS, ang mga shuttle services na P-to-P buses, ang mga bisikleta, ang mga tricycles na kinakailangan mayroong LGU clearance. Sa Phase 1 wala pa po tayong pamprobinsyang mga bus na papasukin sa Metro Manila

Sa Phase 2 naman po, June 22 hanggang 30, ang pupuwede lang mga pampublikong sasakyan ay mga Public Utility Buses, ang mga modern Public Utility Vehicles at ang mga UV Express. Magkakaroon din po tayo ng transformation ng EDSA alinsunod po sa pet project ng ating ‘Tol,’ Senator Francis Tolentino magkaroon po tayo ng mga bike lanes, magkakaroon po ng mga plastic bollards, stencil markings at signages. Magkakaroon po tayo ng pedestrian crossing, magkakaroon po ng mga paints, mga signage at sa mga speed bumps.

At — bago po ito — magkakaroon tayo ng segregated bus lane; magkakaroon po tayo ng concrete barriers sa mga istasyon at magkakaroon tayo ng low barriers at lanes. At mayroon na po tayong boarding area na mayroong scaffolding, mga pintura, at mga signages.

Okay, so pagbigyan naman natin ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps na magtanong. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary unahin natin iyong tanong ni Tina Mendez ng Philippine Star: Congress will adjourn this coming week, will the President certify as urgent the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o iyong CREATE? What about the 1.3 trillion stimulus package for COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, tingnan po muna natin ‘no. Pero kung kinakailangan po, wala namang problema iyan; it’s a request from the President to hold special sessions.

USEC. IGNACIO: Mula naman kay Leila ng Inquirer: Has the President certified as urgent the extension of the Bayanihan Law? Does the Palace want the law extended as is or does it want more powers for the President as proposed in some versions? What additional powers or authority does it want for the President if any?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan, we prefer po sana na 90-day extension doon sa current powers granted to the President.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po kay Bella Cariaso ng Bandera: Umaalma po ang mga transport groups sa desisyon na huwag payagan ang mga jeepney na bumiyahe ngayong GCQ. Sabi nila, halos tatlong buwan na silang walang trabaho at umaasa sila na makakabalik na po sa trabaho pagdating ng GCQ. May plano ang PISTON na magsagawa nang sabayang pagbusina para iapela ang desisyon ng pamahalaan. Ano po ang komento ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE: Pasensya na po sa ating mga kapatid na namamasada ng mga jeepney, pero pinag-aaralan pa po kung paano magkakaroon ng social distancing sa ating mga jeepneys. Bagama’t mayroon na po tayong bahagyang pagbukas o pagpayag sa mga pampublikong transportasyon, eh ang pangunahing guideline po diyan, social distancing. Eh ang mga jeepney po kasi harapan, so napakahirap na magkaroon ng social distancing; pero pag-aaralan pa po iyan dahil mayroon naman pong mga prototype na jeepneys na kung saan every other seat ang kanilang pinauupuan. Kung lahat po ng jeepneys ay pupuwedeng mabago iyong kanilang upuan sa ganitong paraan, eh pag-aaralan po iyan ng IATF.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Bella Cariaso. Secretary, hindi ba daw mas delikado ang senaryo ng mga empleyado na nagkukumpulan sa kalye habang naghahanap ng masasakyan dahil magiging limitado ang mode of transportation gayung halos lahat po magbabalik-trabaho na simula June 1st?

SEC. ROQUE: Well lahat po tayo babalik sa trabaho pero iniengganyo pa rin natin ang ating mga employers na magkaroon ng 50/50 scheme ‘no, kung saan 50% work in situs, 50% sila’y magtatrabaho sa bahay ‘no. Puwede rin silang magkaroon po ng rotating schedule para hindi limang araw ang pasok ng kanilang mga manggagawa. Siguro mas kaunting araw pero mas mahabang oras para sa ganoon masigurado natin na mga singkuwenta porsiyento po ng work force ang nasa opisina dahil limitado pa rin po ang public transportation.

Ang sumatotal po natin ay ang LRT, MRT, mga 12% capacity pa lamang; ang ating mga bus between 10 to 50 percent lamang pero sa simula po parang mga 20% pa lamang iyan.

So mga employers, nananawagan po tayo, gumawa po tayo ng mga hakbang nang hindi lahat ng mga empleyado ay sabay-sabay na nasa opisina dahil imposible rin naman po ang mag-social distancing kung babalik tayo sa dati.

USEC. IGNACIO: Mula naman kay Rose Novenario ng Hataw. Ano daw po ang reaksiyon ninyo sa naging pahayag ng Migrante International na enough of Duterte regime’s garbage-like treatment of OFWs?

SEC. ROQUE: Naku, inuwi po natin ang lahat ng manggagawa natin, binigyan natin ng libreng PCR testing, binigyan natin ng libreng pamasahe sa eroplano, sa bus at sa barko. Hindi po iyan garbage-like treatment, VIP treatment po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Katanungan naman mula sa social media: Papayagan na rin ba sa Lunes ang mga domestic flights?

SEC. ROQUE: Well theoretically po, ang lahat ng flights ng GCQ to GCQ ay papayagan na. Pero aantayin po natin ang CAAP na sila po ang mag-provide ng guidelines at kinakailangan din ng panahon ng ating mga airplane companies para maghanda po sa resumption ng kanilang operations.

USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang-daan ko iyong tanong ng RMN, Secretary. Paano daw po mangyayari sa SAP distribution? Kamakailan po kasi sinabi ng DILG na mabibigyan ng second tranche iyong mga nakatira lamang sa ECQ at MECQ areas. Pero ngayon po, paano daw iyong Metro Manila, Davao City, Regions II, III, IV-A, Albay at Pangasinan na under ng GCQ habang ang natitirang lugar sa bansa ay MGCQ na?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po, iyong pangalawang buwan ng ayuda sa SAP, 12 million po iyan, ibibigay pa rin doon sa mga nakatira sa mga lugar na nanatiling ECQ or MECQ.

Tapos bibigyan din po natin iyong limang milyong additional na mga pangalan alinsunod sa order ni Presidente na dapat mas marami ang mabigyan kung hindi ang lahat. Pero siyempre po, itong buwan ng Hunyo dahil lahat po tayo ay nasa GCQ na ay wala pong ayuda.

Pero doon po sa resolusyon ng IATF na naaprubahan ‘no, mayroon pa ring mga barangays, mga zona, mga building, mga subdivision na pupuwede pong ma-subject to ECQ pa rin sang-ayon po sa order ng city mayors ‘no sa mga highly urbanized cities. Mayroon din pong mga munisipyo at saka mga component cities na pupuwedeng ilagay under ECQ sa order po ng gobernador. Sa kaparehong pagkakataon po, dapat mayroong sang-ayon ng local na IATF. Iyong mga pocket na nasa ECQ po, siyempre po hahanapan ng paraan para mabigyan pa rin ng ayuda.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni Virgil Lopez ng GMA News Online: May we know why the President traveled to Davao City? Kailan po siya umalis ng Manila at kailan po ang balik niya?

SEC. ROQUE: Kahapon po umalis ang Presidente. Ang alam ko po ay iyong huling talumpati niya sa bayan ay manggagaling po or magaganap po sa Davao. At umaasa rin po ako na ang isang press briefing natin ay doon po sa Panacañang sa susunod na linggo.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong dito iyong taumbayan: Ano daw po ang masasabi ninyo sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 nitong sunud-sunod na araw kung saan kahapon nga lang po ay naitala ang nasa mahigit isang libong bagong kaso?

SEC. ROQUE: Nalinawan na po iyan ni Usec. Vergeire ng Department of Health. Ang bagong kaso lang po kahapon ay 43, pero malaki po iyong numero dahil naalala ninyo po, mayroon tayong 7,000 na backlogs sa laboratoryo na mayroon pang subject to verification ng Department of Health para masigurado na hindi doble ang bilang sa isang tao.

So kaya po lumobo nang ganiyan kalaki na mahigit sa isanlibo dahil kasama po iyan iyong mga resulta na nanggaling sa lab na lumabas na subject to verification ng DOH. Pero 43 lang po iyong bagong kaso kahapon.

USEC. IGNACIO: Secretary, paano naman daw po—

SEC. ROQUE: Inaamin ko po gaya ng nasabi ko sa—iyong nasabi ko sa dati kong… nauna kong press briefing, ang kailangan po siguro ay bagong presentasyon ng datos dahil ang datos naman hindi nagbabago. At susubukan na po namin na magkaroon ng bagong presentasyon sa araw ng Lunes or Martes sa susunod na linggo.

USEC. IGNACIO: Marami pa ring nagtatanong nito, Secretary. Paano daw po iyong magiging sistema sa pagbiyahe sa mga lugar na nasa GCQ na nais pumunta sa lugar na nasa ilalim naman ng MGCQ, kung papayagan daw po ito?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang papayagan ay GCQ to GCQ; ang GCQ to MECQ, indispensable travel pa rin po iyan at nasa lokal na pamahalaan po na nasa MGCQ kung ano ang requirements nila. Mayroon pa rin silang kapangyarihan na humingi ng health clearance; mayroon pa rin silang kapangyarihan na ilagay sa quarantine iyong mga manggagaling sa GCQ area na papunta sa MGCQ.

Ang advise ko po, makipag-ugnayan po sa lokal na pamahalaan kung saan kayo pupunta nang wala pong maging aberya sa inyong biyahe.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, huling tanong na lang po mula kay Bambi Purisima: Totoo ba daw na isinama sa test iyong Fabunan at may approval na ni PRRD iyon?

SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan! Lilinawin ko: hindi po totoo iyan. Ang nangyari po, sumulat po sa opisina ko ang isang Atty. Fabunan at finorward ko po ang letter niya kay DOST Secretary Dela Peña.

Importante po kasi na bago maibigay sa publiko ang kahit anong gamut, kasama na po diyan iyong Fabunan, kinakailangan rehistrado sa FDA. At ngayon po, mayroong cease and desist order ang Fabunan galing sa FDA kasi wala pa pong tinatawag na clinical studies.

Iyong clinical studies iyan po ang magsisiguro na hindi magiging banta sa kalusugan ng ating mga kababayan iyang bagong gamot.

So, ini-refer ko po sila kay Secretary Dela Peña dahil ang gumagawa po ng mga clinical studies ay ang DOST at mga pamantasan. Kung ibibigay po nila ang patent sa gobyerno, pupuwedeng DOST po ang magbayad.

So, lilinawin ko po: hindi pa po approved ang Fabunan, subject pa po iyan to cease and desist order ng FDA.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Presidential Spokesperson Harry Roque. Stay safe po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, USec. Rocky at magandang umaga buong Pilipinas.

BENDIJO: Samantala, makakausap naman natin sa puntong ito, USec., sina Department of Justice Undersecretary Markk Perete at Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar. Magandang araw po, USec.!

USEC. AGLIPAY-VILLAR: Magandang umaga po.

BENDIJO: Opo. USec., ngayong nahaharap tayo sa pandemya, itong COVID-19 pandemic, ano-ano po iyong focus, inuuna o pina-prioritize na kaso ng Department of Justice?

USEC. AGLIPAY-VILLAR: Ngayon po, siyempre, iyong mga konektado sa mga nagaganap ngayong response natin sa COVID katulad ng iyon pong mga ospital na nadidiskubre na walang lisensya; mga doktor na gumagamot doon sa mga ospital na iyon na walang lisensya. Ang NBI po kasama ng pulis ay sinisigurado na madiskubre itong mga ito at kumalap ng mga ebidensiya para makapag-file ng kaso.

Bukod diyan, siyempre iyong mga violation ng Price Act; iyong mga ini-exploit pa iyong ating pinagdadaanan ngayon na nagbebenta ng mga medical goods and supplies at mga kinakailangan para sa hygiene and sanitation na nagdadagdag ng presyo o mataas ang presyo. So, ito po ay isa sa mga iniimbestigahan din ng NBI, ng Department of Justice para ma-file-an ng kaso at ma-prosecute.

BENDIJO: Opo. Nasa linya ng telepono din si USec. Perete. USec., good morning!

USEC. PERETE: Yes, good morning! Maidagdag lang po natin, nasabi ho ni USec. Villar iyong violations ng Price Act. Tama ho iyon, in fact, isa sa mga pina-prioritize ng Department iyong to make available iyong mga na-seize na goods especially iyong mga PPEs, iyong mga medical equipment. Itini-turnover natin ito sa DTI para naman matapos iyong tinatawag nating forfeiture proceedings para ito ay ma-turnover sa mga hospitals na nangangailangan.

In fact, as of last week po, iyong DTI says na mayroong around 40 million worth of PPEs, iyong confiscated nationwide. So, inuuna ng ating National Prosecution Service iyong forfeiture ng goods na ito para mai-forward sa ating mga hospitals at the same time, of course, nasabi na rin ni USec. Villar, iyong ECQ violations as well as iyong cybercrime cases natin kasi ayon sa report ng PNP, tumataas iyong number of cybercrime cases because of the extensive use of internet and computer technology during the lockdown.

BENDIJO: Opo. Itong mga PPEs na nakukuha natin, USec., ito ba’y puwedeng ipamigay doon sa mga nangangailangan?

USEC. PERETE: Tama ho. Iyon ho iyong isa sa mga inuuna ng Department of Justice precisely nagkaroon tayo ng inter-agency na circular para hindi i-retain iyong mga PPEs and medical equipment na na-cease during the operations ng prosecution service. Ang talagang pakay natin dito ay magamit ng ating mga hospitals, especially public hospitals iyong mga PPEs habang dinidinig pa iyong kaso.

BENDIJO: Safe naman po itong gamitin, USec.?

USEC. PERETE: Well, isa sa mga protocols na nakalagay doon sa circular ay kailangang i-inspect ng FDA iyong mga PPEs and medical equipment bago ito i-donate or ipamahagi sa ating mga hospitals.

BENDIJO: Opo. Kaliwa’t-kanan nga po iyong operasyon na isinasagawa ng NBI ngayon katuwang siyempre ang Department of Justice at ang Bureau of Immigration sa pagtutugis ng mga underground clinics na gumagamot sa mga Chinese nationals na suspected as COVID-19 positive. Ilan na po ba ang ating nadidiskubre dito, USec. Perete?

USEC. PERETE: So far, based on the reports din ng media natin, kasi iyong filing ng NBI hinihintay pa ng ating National Prosecution Service but we know that there has been around three hospitals and si Secretary Guevarra also issued a directive this week doon sa ating NBI to continue iyong kanilang operations against underground hospitals.

This is very important ano kasi iyong ating batas ay nagre-require not only ng registration and accreditation ng ating mga hospitals but also doctors to ensure na iyong kanilang medical protocols as well as iyong mga ginagamit nilang gamot are in consonance with what is required by the medical profession. And iyong proliferation ng mga hospitals underground may compromise iyon health and safety ng ating mga patients. So, continuous iyong ating operation diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., Perete, sakali pong mapatunayan, ano po iyong mga charges na ipinapataw natin sa kanila lalo na sa mga banyaga o dayuhan na sangkot po?

USEC. PERETE: There are a number of laws that may have been violated with the proliferation ng underground hospitals. Of course, iyong Medical Act is one of those laws, ang sinasabi doon, iyong illegal practice of medicine is punishable by imprisonment of not less than one year, not less than five years.

Of course, iyong sa Immigration din naman natin, mayroon tayong requirements na iyong pagpasok ng mga foreigners eh conditioned upon their full compliance and iyong pagsunod sa ating mga batas at alituntunin. And if they engage in behavior that is illegal then that is considered a violation of our Immigration laws which is a ground also for our Immigration authorities na simulan iyong proceedings for possible deportation ng mga foreign nationals.

So, these are among the possible na liability – criminal as well as Immigration-related liability ng mga foreigners who may be violating our laws.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., Perete, kamakailan po inaresto ng NBI ang dalawang Chinese nationals na nagpapatakbo ng isang makeshift medical facility sa Pampanga para sa mga suspected COVID-19 patients. Kumusta na po iyong kaso tungkol dito?

USEC. PERETE: Hinihintay natin iyong ipa-file ng NBI sa National Prosecution Service. I understand inaaral ng NBI iyong cases that will be filed because there might be multiple violations committed by these foreign nationals.

Pero iyong ating Bureau of Immigration has also placed these nationals doon sa tinatawag nilang alert list to make sure na hindi sila tatakas sa ating mga paliparan habang hinihintay iyong kaso na pina-file laban sa kanila.

BENDIJO: For USEC. VILLAR: Sa kabila po ng pandemya, maraming mga natatanggap na reports po ang Department of Justice kaugnay sa cybercrime. So far, gaano karami na po, USec., ang nasasampahan ng kaso at anu-ano po ang mga kaso na maaaring ipataw sa mga mapapatunayang nagkasala?

USEC. VILLAR: Salamat po sa tanong. Katulad nga ng nabanggit kanina ni Usec. Perete, isa sa pinagtutuunan din ng pansin ng Department of Justice ngayong pandemya ay ang pagtaas ng mga insidente ng child-sexual exploitation sa ating internet. At ang mga kaso ng cyber tip line, mga report ng CyberTipline Reports galing sa National Center of Missing and Exploited Children, tumaas ang bilang ng mga child sexual exploitation material, na galing sa Pilipinas habang panahon ng lockdown. Pero nagko-conduct pa lang ng mga operasyon ngayon para makahanap ng ebidensiya para maka-file ng kaso patungkol dito sa mga incidents ng CyberTipline Reports na natanggap ng ating Office of Cybercrime.

So, ang mga puwedeng i-file na kaso dito ay violation of cyber pornography and Anti-Child Pornography Act, violation of the Anti-Trafficking in Persons Act. So, considered as child trafficking, which is qualified trafficking in person ang online sexual exploitation of children. So, ang penalty po diyan ay life imprisonment, mabigat po.

At sa kasalukuyan ang Inter-Agency Council Against Trafficking ay nakapaggawa na ng rescue operations and since the lockdown nagkaroon na kami ng limang rescue operations sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, mayroon sa Cebu, sa Pampanga, sa Metro Manila at ang kadalasang mga edad ng mga nare-rescue ay between from baby pa lang po, usually mga na-rescue namin, may 7 years old, may 3 years old, may 5 years old, may 14 years old.

So, kailangan natin ang Inter-Agency Council Against Trafficking ay talaga naman pong hindi pinapabayaan ang aming responsibilidad despite iyong mga additional na responsibilidad ng NBI dahil doon sa mga nabanggit nila na ginagawa nila patungkol sa Price Act, patungkol sa mga illegal na clinic ay hindi naman pinapabayaan pa rin ang amin pong mga responsibilidad sa paghanap at pag-iimbestiga patungkol dito pag-increase ng mga kaso ng online sexual exploitation of children.

BENDIJO: Usec, may pananagutan ba sa batas ang sinumang mapapatunayang nanunuod niyan online o kaya naman ay nakatanggap siya sa cellphone niya, ipinorward lang sa kaniya at nanunuod siya at napatunayan na talagang siya ay nanunuod ng ganiyang klaseng kalaswaan child trafficking online?

USEC. VILLAR: So pag ang involved sa trafficking ay ang mga minors, mas mahigpit ang batas, hindi kinakailangan na magkaroon ng exchange of payment para ma-consider na ang isang tao ay nag-i-exploit ng bata under the Anti-Trafficking in Persons Act. Basta mapatunayan na ang purpose ng tao na nanunuod ay para i-exploit ang bata na nasa video o nasa picture ay maaring mai-consider na violation of Anti-Trafficking in Persons Act.

So, kailangang patunayan na ang rason para sa pagnood ng video na iyon ay para ma-exploit ang bata. Kung nagkamali lang ng bukas, napanood dahil napadala hindi alam kung ano ang pinadala, puwedeng mapatunayan na hindi naman ini-intend o hindi sinasadya ng taong eksploytahin o pagsamantalahan ang batang nasa video.

So, kung mayroong tao na nakatanggap ng ganitong video na my child sexual exploitation material maaaring i-report sa IACAT action line 1343 action line at maaari ding mag-report sa Facebook account ng Inter-Agency Council Against Trafficking, puwede pong i-forward sa amin at mayroon po kaming close coordination with Facebook para po sa immediate o mabilisang pagtanggal ng mga ganitong post.

BENDIJO: Opo. Usec, kaugnay diyan, isang women and child trafficking sa problemang kinakaharap po ng Pilipinas. Gaano po kalaki ang naging epekto nito, ng community quarantine sa pagtaas nito at ano po iyong nakikita ninyong dahilan?

USEC. VILLAR: Ngayon pong lockdown, alam naman po natin na ang mga tao, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa ay required na manatili sa loob ng bahay. Dahil doon ang mga tao po ay maraming oras na ginugugol sa internet, so nakakababad po ang mga tao, hindi lang dito kung hindi sa ibang bansa. So, on the demand side, sa ibang bansa, usually ang mga nagde-demand ng child exploitation material ay galing sa ibang bansa, dahil nasa bahay lang sila, tumataas iyong demand ng child sexual exploitation material. Kasi kung dati marami silang pinagkakaabalahan, ngayon nasa bahay lang sila, nasa computer lang sila.

On the supply side naman, una, ang mga facilitators o iyong mga traffickers ay kadalasan iyan iyong mga magulang o kaya mga kamag-anak ng mga bata na pinagkakatiwalaan ng mga bata. So dahil lockdown 24/7 kasama po ng mga bata ang mga facilitators nila, dahil usually sa isang bahay lang sila nakatira. Dahil ang mga bata nasa bahay lang buong araw at kasama nila iyong trafficker nila mas mayroong tiyansa na ma-exploit po sila.

Pangalawa, dahil po marami pong mga nawalan ng trabaho ngayong lockdown, marami po sa mga facilitator natin ay daily wage earners, nawalan po sila ng kita, ng livelihood o income ngayong period ng quarantine.

Kaya dahil sa nangangailangan sila ng pera, marami sa kanila ay natutukso, bumabalik o kaya ay pumapasok sa pagbebenta ng child sexual exploitation material online.

So isang pang dahilan na existing kahit may lockdown o wala ay dahil ang Pilipinas ay mayroong robust money service business network. So alam naman po natin na marami tayong OFWs kaya sa mga kasuluk-sulukan ng Pilipinas, mga barangay sa probinsya marami po tayong mga money service businesses kung saan maaring magpadala ng pera at dahil hindi sila heavily regulated, hindi masyadong requirements na kinakailangan kaya natatago iyong mga identity ng mga nagpapadala ng pera.

Bukod po doon, ang Pilipinas po magaling po tayo sa English language, ang mga factors na ito taken together ang nagiging dahilan para ang Pilipinas ay binansagang global hot spot of online sexual exploitation of children.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Usec. Perete, kaugnay naman po sa mga local government official na sangkot sa katiwalian sa Social Amelioration Program, ilan po ba ang nasampahan na ng kaso at paano natin sinisiguro na mananagot sila sa batas at wala na ulit mananamantala sa kaban ng bayan?

USEC. PERETE: Well, based on reports of our DILG ‘no may 25 silang planong kasuhan. Although so far, sa inventory ng DOJ, mayroon tayong apat na currently filed cases against various officials from the barangay pataas. So, there are—of course, iyong mga batas natin, iyong una tinitingnan natin iyong Bayanihan to Heals as One Act; of course nandiyan din iyong obligation nila under the Local Government Code as well as the Revised Penal Code.

So, all of these laws will have to be used not only by our law enforcers, but also by our Prosecutors in evaluating, iyong possible liability ng mga officials from the barangay to other Local Government Unit in relation to the distribution of the Social Amelioration Program.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Perete, nito lamang May 11 nagkaroon po ng Virtual Counter Terrorism Workshop na dinaluhan ng DOJ officials. Maari ninyo po bang ibahagi sa amin iyong mga ilan po sa napag-usapan sa nasabing workshop at ano po ang layunin nito?

USEC. PERETE: Well of course, we foresee kasi na even during the time of the pandemic, malamang baka gamitin ng mga terrorists iyong opportunity—to exploit the opportunity para gamitin iyong online as well as other means na ma-infiltrate iyong ating jurisdiction ‘no. So iyong workshop natin supposedly this would be a physical workshop, pero ang ginawa natin is ginawa siyang online para matuloy, and ang purpose nito is really to look at the new means by which iyong terrorists are moving to recruit as well as to propagate iyong kanilang mga advocacies.

So iyon ‘yung pinaka-purpose ng ating counter-terrorism workshop and ito ay dinaluhan ng mga law enforcers as well as prosecutors para maintindihan din nila on how to prosecute iyong terrorists given the new landscape that we are facing.

BENDIJO: Opo. Para po sa inyo po, Usec. Perete at mamaya kay Usec. Villar. Mensahe na lang po para sa ating mga kababayan.

USEC. PARETE: Well again, the Department of Justice of course is in charge of making sure that law and order will prevail. And ang pakiusap po natin sa ating mga mamamayan especially now that we are somewhat relaxing iyong restrictions on movement, huwag naman ho nating abusuhin kasi once we violate iyong batas, hindi lamang legal liability iyong pinag-uusapan natin pero in this time of the pandemic eh mayroon hong repercussions iyan sa ating kalusugan at sa kalusugan ng ating mga mahal sa buhay at ng mga kababayan.

BENDIJO: Opo. Usec. Villar…

USEC. VILLAR: Para po sa ating mga kababayan, ang Department of Justice po ay nandito po para tumulong po sa inyo kung mayroon po kayong mga na-encounter na problema, kung mayroon po kayong mga nalalaman na impormasyon tungkol sa mga violation ng batas na mga nabanggit namin kanina o kaya iba pong mga violation ng batas, maari po ninyong ipaalam sa amin at nandito po kami para mag-imbestiga, para po makatulong sa inyo at makapag-file ng kaso at maprotektahan ang inyong mga karapatan.

So sana po ay magtulung-tulungan po tayo para po tayo po ay mag-heal as one bilang isang bayan at magtulung-tulungan para makaraos po tayo sa COVID.

BENDIJO: Maraming salamat sa inyong panahon, DOJ Undersecretary Markk Perete and Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa National Bureau of Immigration, makakausap natin si Atty. Michelle Valdez, NBI Executive Officer for Cybercrime Division. Magandang araw po, Attorney.

ATTY. VALDEZ: Magandang araw Usec. Rocky and Sir Aljo.

USEC. IGNACIO: Attorney, maraming pagbabagong nangyayari dahil sa COVID-19. Ngayon may ipinatutupad na community quarantine, mas pini-prefer ba ang online transaction kaya naman po marami na rin po iyong engaged online tulad po sa social media. So far, gaano po karami ang mga natatanggap ninyong reports na may kaugnayan po sa cybercrime?

ATTY. VALDEZ: Tama po iyon, Usec. Rocky ‘no, madami na po tayong nare-receive na reports on online frauds or any other cyber-related crime related to the COVID pandemic. With this po, wala po akong specific na number na hawak ngayon but ang alam po natin is dumoble po iyong bilang ng ating mga cyber computer-related fraud cases. So isa na po diyan is iyong ating mga phishing attacks where these cybercriminals take advantage of the situation of our citizens na nasa loob lang po tayo ng bahay, we take hold of our computers and cellphones para po sa ating mga daily transactions.

So with this po, nabibiktima po iyong ating mga kababayan by giving their personal details, bank details and other personal details wherein dito na po pumapasok iyong unauthorized transactions. So other cases po na related is the online shopping scams, dahil nga po hindi tayo makalabas magti-tend tayo to purchase items online and hindi po natin nakikita or nagpo-proliferate po dito ngayon iyong mga bogus sellers or fraudsters wherein nagbebenta po sila ng mga items na hindi naman talaga existing. After we paid them the corresponding prices, mawawala na lang po sila bigla or the items will not be delivered to our home addresses.

So other than that po, mayroon po tayong mga donation scams wherein they invite the public to donate PPEs and other items po para sa ating mga frontliners but then hindi po pala sila legitimate or authorized entity to distribute these items. So iyong mga pinapadala po nating cash donations eh sa iba po napupunta instead of the supposed recipient of these donations.

So other than that po, may mga dumoble rin po tayong cases ng OSEC, kagaya nga po noong binanggit ni Usec. Villar kanina, we have lots of reports of OSEC or ating Online Sexual Exploitation of Children. Na-discuss na po iyan ni Usec. Villar so idadagdag ko na lang po iyong other cybercrime natin na dumoble rin po ngayong panahon ng pandemic which is fake news proliferation or ito po iyong pagpapakalat ng mga maling balita kaugnay po ng COVID pandemic na nagko-cause po ng chaos or ng confusion among the public or Filipino citizens.

USEC. IGNACIO: Attorney, kasabay ng community quarantine na ipinatutupad ay ang pagtaas naman ng kaso online, child sexual exploitation sa bansa. Base po sa inilabas na report ng DOJ, tumaas nang halos 264% ang mga report na kanilang natatanggap kaugnay sa online sexual exploitation sa mga kabataan. Paano po ang investigation na ginagawa natin sa mga natatanggap pong reports?

ATTY. VALDEZ: We are in close coordination po with the Department of Justice, Office of the Cybercrime, along also with the Anti-Human Trafficking Division of the NBI wherein nakikipag-coordinate din po kami with social media administrations like Facebook and other social sites or platforms para po ma-takedown itong mga pages na kung saan napo-proliferate po ang mga child pornography materials.

BENDIJO: Opo. Attorney, ano naman po ang mga hakbang na ginagawa po ng NBI upang mabigyan ng solusyon ang tumataas na kaso ng online cybercrime sa bansa? Ano po sa tingin ninyo ang mga mekanismo na dapat na gawin ng pamahalaan upang masugpo ang ganitong uri ng pang-aabuso?

ATTY. VALDEZ: Yes po. Bukod po sa concerted efforts po with other agencies like the DTI and other remittance centers, financial institutions, mayroon po kaming mga projects like awareness campaign para po educated ang ating mga citizens in using responsively the internet or ating—yes, internet or other social media platforms.

Kaugnay din po diyan sir, mayroon din po kaming tanggapan dito, sa Cybercrime Division po mismo, bukas po ang aming division sa lahat po ng reports and other complaints ng cybercrime. Puwede po tayo personal na pumunta dito sa opisina namin, mayroon din po kaming email address or NBI hotline na kung saan po 24/7 ay puwede po naming tanggapin ang lahat po ng complaints kaugnay po sa cybercrime.

USEC. IGNACIO: Attorney, para po sa kaliwanagan ng ating mga manonood, ano ba iyong pinagkaiba ng cyberbullying at online libel?

ATTY. VALDEZ: Bagama’t marami po talagang nalilito between cyberbullying and online libel, kasi po actually iyong end result po nito is halos pareho like po iyong paninirang-puri ika nga po nila ‘no. Pareho pong naaapektuhan iyong kanilang mga biktima, parehong nasisiraan ang kanilang reputasyon and dignity sa ibang tao.

The difference lang po na nakikita po natin siguro is that iyong online libel, mayroon po tayong specific law which penalizes that which is violation of the Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 wherein specifically provided po therein cyber libel. Whereas po iyong cyber bullying, wala pa po tayong specific law which penalizes that. Kung may mga complaints po tayo or cases na nare-receive regarding cyber bullying, bumabagsak din po siya on online libel depending po on the requisites or requirements na present para po pumasok siya bilang online libel.

USEC. IGNACIO: Ano naman po iyong mapapayo ninyo sa ating mga kababayan upang makaiwas sa cybercrime?

ATTY. VALDEZ: Sorry po, USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Ano po ang maipapayo ninyo sa ating mga kababayan para makaiwas po sa cybercrime?

ATTY. VALDEZ: Again po ano, hindi naman po tayo nagkulang siguro sa pagpapaalala po sa ating mamamayang Pilipino na maging mapagmatyag po tayo sa pakikipag-deal po natin online.

Think before you click, wika nga po nila. Lahat po ng billings natin online pag-isipan po nating mabuti bago tayo mag-click. We have to check it twice or thrice or even more than that; iyong mga websites na pinapasok natin make sure na iyong URL natin is with an extension of https which is a secure internet extension tapos po i-verify din po natin lahat ng mga nakakausap natin online; verify natin also with using the internet kung hindi man po using the internet puwede po tayong tumawag sa NBI hotline to verify kung ang mga online sellers na ito kung saan nakikipag-transact tayo is legitimate or existing talaga.

And also po, iyon po… bukas po ang NBI hotline 24/7 para po tumanggap ng inyong mga queries kapag po may mga confusions tayo or doubts sa mga nakakausap natin online.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Atty. Michelle Valdez, NBI Executive Officer Cybercrime Division.

ATTY. VALDEZ: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang makatulong sa kanilang mga kababayan, nagkaroon ng programa ang pulis ng Siargao na Hardin ng Pagbabago na layong paunlarin ang pagsasaka sa mga komunidad na maaaring pagkuhanan ng pondo, pagkain at tiyak na maipagmamalaki ng mga Siargaonan.

Kaugnay niyan, makakausap po natin ang isa sa mga nangunguna sa pangangasiwa sa programang ito, si Police Captain Vicente Panuelos, Jr., chief of police ng General Luna Police Station po ng Surigao del Norte.

Magandang tanghali po!

PCPT. PANUELOS: Magandang tanghali po sa lahat ng manonood ng inyong programa.

BENDIJO: Captain Panuelos, maayong udto sa imo diha. Sir, paano ba nagsimula iyong Hardin ng Pagbabago Project?

PCPT. PANUELOS: Ang Hardin ng Pagbabago Project nagsimula po iyan sa mga problemang nakikita ko, na-observe ko dito sa Siargao noong panahon na mayroong mga tourism. So, nakita ko dito sa Siargao na talagang iyong mga farmers ay nagsitigilan na sila sa pagiging farmers. So ang nangyari naging busy sila sa tourism lahat. So, nagkaroon ng mga masamang epekto ito sa mga locals at ibang mga negosyo lalo na iyong maliliit kasi naging mas focused sila sa tourism dahil nga sa dala ng dagsa ng mga dayuhan sa Siargao island.

BENDIJO: Opo. Marami nga po ang—

PCPT. PANUELOS: So, nakita ko iyong pangangailangan ng farmers—

BENDIJO: Go ahead po. Captain? Marami pong natutuwa diyan, daghang nalipay sa proyektong iyan diyan sa Siargao dahil bukod sa nakakatulong sa mga taga-Siargao ay naging daan din ito upang mangibabaw ang bayanihan ng ating mga kababayan sa ngayon. Gaano na ba karami ang volunteers sa programang Hardin ng Pagbabago diha, Captain?

PCPT. PANUELOS: Ang volunteers po ay marami na ho, bale hindi ko na ho—mga nagsa-sign-up hindi ko na po masyado napa-follow but I think nagkaroon tayo ng dagsa ng mga volunteers especially doon sa mga dayuhan, mga business sectors, sa lahat ng sektor kasi ang layunin ng programang ito ay talagang i-encourage ang pamayanan na magbuklud-buklod para maabot namin iyong food security ng Siargao Island specially during problem like this pandemic and then especially kung sakaling bumalik na ulit iyong tourism.

So, mahirap naman kung one-sided iyong economy ng isang island na kung saan (garbled) iyong mga pangyayaring ganito, iyong ating buong mundo, so magkakaroon ng hindi magandang epekto ito sa mga tao dito sa Siargao Island.

At mapapansin natin talaga na iyong mga tao talaga ay tinanggap ito at nakikita din nila iyong sinsero ng ating mga kapulisan sa pagtulong sa kanila at nire-regard din ng mga kapulisan sa Siargao Island as a… malaking tulong para ma-empower ang mga farmers sa kanila. Kasi naniniwala ako na iyong mga kapulisan ay hindi lamang taga-bantay, taga-protekta sa mga tao, maaari din siyang maging magandang halimbawa or isang magandang leader or community organizers para ma-empower ang mga marginalized natin na mga magsasaka.

Kasi sa ngayon makikita naman natin at halos ngayon lang natin nakikita iyong kahalagahan ng magsasaka dahil sa ngayong pandemic but during normal times parang wala tayong nakikitang—iyong komunidad ay parang binabale-wala na lang iyong mga magsasaka.

So, itong project na ito ang layunin talaga ay i-empower iyong marginalized farmers para may magandang epekto rin ito sa peace and order hindi lang sa Siargao but sa kung saan man na pamayanan na mag-adopt ng ganitong klaseng programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Captain, napakagandang programa iyan kasi nailalapit ninyo talaga ang pulis sa komunidad o sa mga residente talaga. Pero paano po iyong sistema ninyo sa pagtatanim at papaano po iyong ani? Gaano po karami ang pamilyang nakikinabang po o natutulungan ng proyektong ito?

PCPT. PANUELOS: Bale ho, within two months-time we were able to mobilize or organize thirty farm organization, marami pang nagsa-sign-up gamit po iyong pulis natin as community organizers. More than thirty farm sites iyong [signal fade], that is before the COVID kasi almost two year ko na po itong ginagawa (garbled) iyon po iyong ginagawa kong proyekt0 at ang pulis natin ay natututong mag-lead sa pamayanan at bukod sa pagiging pulis ay nagiging siyang community leader.

At dahil dito, iyong mga ani ng—iyong mga farmers na dating ano… nagsibalikan sila at natuwa sila sa epekto nito. So, ngayon iyong ani nila ay naibebenta na nila kasi sila lang din naman iyong makikinabang noon at tinuturuan din natin itong farmers na ito at farmer organization na ito na maging independent din na kung saan maihahatid ng Hardin ng Pagbabago iyong farm organization doon sa pagiging independent organization at ma-venture niya ang pagiging business minded organization para mas ma-discover pa nila ang kanilang mga potential bilang farmers.

Sa pamamaraang ito, itong mga farmers natin ay hindi na sila kumbaga parang hindi na nila mapi-feel na pinapabayaan sila ng komunidad kasi kailangan din natin talaga (garbled) they are the basic givers ng mga goods natin. Sino pa ba? Lahat tayo busy sa ating mga trabaho pero kapag pinabayaan natin iyong farmer natin mapapabayaan din nila ang kanilang trabaho na kung saan lahat tayo ay magsa-suffer.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa inyong oras at kami po ay sumasaludo sa proyekto ninyo na nakakatulong po sa inyong mga kababayan, Police Captain Vicente Panuelos Jr., chief of police ng General Luna Police Station ng Surigao del Norte. Salamat po at mabuhay po kayo!

BENDIJO: Usec Rocky, alamin naman natin ang pinakahuling mga balita mula sa Davao. May report si Clodet Loreto.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: At iyan po ang aming nakalap na impormasyon. Muli nais nating pasalamatan ang mga nakasama natin sa programa pati na rin po Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, maraming salamat po sa inyong walang sawang paglalaan ng oras para sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo.

Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operation Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pinatutupad na guidelines o panuntunan ng pamahalaan. Ipinapaalala din po namin sa lahat na laging panatilihin ang physical distancing at pagsusuot ng facemask. Hangga’t maaari ay huwag na rin po tayong lumabas ng bahay.

Muli sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ang inyong igala, Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo Aljo. Nagpapasalamat din tayo kay Asec. Queenie Rodulfo. At sa ating pagbabayanihan malalampasan natin ang pagsubok na ito, Together We Heal as One. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)