Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng mga Pilipinong nakatutok sa ating programa saan mang sulok ng mundo; ngayon po ay araw ng Miyerkules, January 20, 2021. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Ako naman po si Aljo Bendijo. Mga isyung may kinalaman pa rin sa epekto ng COVID-19 sa ating bansa, gayundin ang isyu ng korapsiyon sa mga local executives ang atin pong pag-uusapan sa loob ng isang oras. Maaari kayong makibahagi po sa ating usapan sa pamamagitan nang pag-comment sa ating livestream sa PTV Facebook at YouTube page.

USEC. IGNACIO: Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa mga balita natin ngayong araw: Sa kabila po ng magkakaibang panig tungkol sa presyo ng bakuna laban sa COVID-19, Senator Bong Go umapela na magkaisa at magbayanihan para sa transparency at para mapabilis ang pagbabakuna sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Mga bayan ng Plaridel at Marilao sa Bulacan personal na binisita ni Senador Bong Go kasama ng ilang ahensiya ng pamahalaan para po maghatid ng tulong sa mga market vendors at sa mga nasunugan sa probinsiya. Ang detalye sa ulat na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa Surigao del Sur naman, sa tatlong magkakasunod na araw ay muling bumisita ang outreach team ni Senator Bong Go sa mga nasalanta ng Bagyong Vicky Disyembre nang nakaraang taon. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Umakyat po sa 27,857 ang kabuuang bilang ng active cases sa bansa matapos maitala ng Department of Health ang dagdag na 1,357 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon; 324 naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit sa kabuuang may 466,249 habang 69 po ang nasawi sa kabuuang 9,978. Suma total 504,084 katao ang nagkaroon ng COVID-19 sa buong bansa. Pinakamababa sa nakalipas na isang linggo ang kasong naitala kahapon pero nananatili pa rin itong mas mataas sa isanlibo.

Ang highest number of new cases ay nagmula pa rin sa Davao City, sumunod naman dito ang Rizal na may 71 cases, Quezon City with 66 cases, Pampanga 54 at hindi naman po nalalayo ang Benguet na may 52 na bagong kaso.

Samantala 27,857 pa ang bilang ng mga aktibong kaso, katumbas ito ng 5.5% ng COVID-19 total cases. Mild cases pa rin ang pinakamarami na nasa 86.1%, ang mga walang sintomas ay 6.1% ng active cases, 4.7% ang critical, 2.7% ang severe, samantalang 0.42% naman ang moderate cases.

BENDIJO: Kung kayo po ay bumibiyahe gamit ang pampublikong sasakyan, sundin natin ang 7 Commandments: Una, huwag kakalimutang magsuot ng face mask at face shield. Ipagpaliban din ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono. Bawal ang pagkain sa loob ng sasakyan. Kinakailangan din na may sapat na ventilation at regular na nagsasagawa ng disinfection. Bawal po ang magsakay ng symptomatic passenger. At ang panghuli, kinakailangan sumunod sa appropriate physical distancing.

Muli maging BIDASolusyon sa COVID-19, sundin ang mga inilatag na basic health protocols saan man po tayo tutungo. At paalala rin po, iwasan ang pagtangkilik at pagpapakalat ng mga pekeng balita tungkol sa paparating na bakuna kontra COVID-19. Maging mapanuri sa mga impormasyon na ating nakikita sa social media.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, i-dial ninyo po ang mga numerong (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, bisitahin po ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Balita naman mula sa Cordillera – kampanya laban sa COVID-19, mas pinaigting pa kasunod ng pagbaba ng compliance rate ng mga tao sa minimum health standards sa rehiyon. Ang detalye ihahatid in Alah Sungduan, live.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

BENDIJO: Puntahan natin ang mga balitang nakalap naman sa mga lalawigan ng bansa, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. John…

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Thank you, John Mogol.

USEC. IGNACIO: Ilang kabataan po ang kumakapit na sa maling gawain para makaraos lamang sa pang-araw-araw na pangangailangan ngayong may pandemya. Pero hindi raw dapat masakripisyo ang mga bata sa krisis na ito.

Alamin natin ang hakbang ng pamahalaan sa pangunguna po ng Department of Social Welfare and Development kung paano matutuldukan ang child pornography sa bansa, makaka-usap po natin si DSWD Undersecretary Rene Glen Paje. Good morning po, Usec.

DSWD USEC. PAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky; at magandang umaga rin sa ating mga [garbled]

USEC. IGNACIO: Opo, kasama natin si Aljo Bendijo ngayong araw. Usec., unahin natin iyong Bayanihan II. Ano na po iyong update sa implementasyon ng Bayanihan II?

DSWD USEC. PAJE: Sa ngayon ay mayroon na tayong… nasa 2.7 billion pesos na iyong ating naipamahagi sa emergency subsidy assistance. Ito ay naibigay sa 436,756 na mga kuwalipikadong benepisyaryo. Ito iyong datos natin na mula January 19 o kahapon.

Kasama rin dito iyong mga 71,000 mahigit na benepisyaryo na nagmula sa mga lugar na naitalagang granular lockdown at ganoon din iyong mga non-4Ps beneficiaries natin na nasa 365,032.

Nais lang din nating bigyan-diin dito na kahit tapos na iyong effectivity ng ating Bayanihan II ay patuloy pa ring makakatanggap at patuloy pa ring mamamahagi ng emergency subsidy assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo dahil nakalaan naman na ang pondo para dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ilalim naman ng tinatawag na AICS, ilang benepisyaryo na po ba ang natulungan na dito?

DSWD USEC. PAJE: Iyong ating AICS o Assistance to Individual in Crisis Situation ay nasa 700,000 na benepisyaryo na iyong ating nabigyan mula noong nakaraang taon, iyong 2020 ano; at ito ay nagkakahalaga ng 3.5 billion pesos iyong ating naipamahagi.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po itong Livelihood Assistance Grant o LAG na ipinamamahagi ng DSWD?

DSWD USEC. PAJE: Ito pong Livelihood Assistance Grant o iyong LAG na tinatawag natin ay bahagi ng recovery phase na nagbibigay ng nasa halagang 15,000 sa mga pamilya na miyembro ng mga informal sector o iyong mga na-displace din dahil sa pagpapatupad ng community quarantine.

Ang halaga na ito ay maaaring gamitin ng mga benepisyaryo na tulong sa paghahanap ng trabaho, pagtatayo ng maliit na negosyo o suporta habang sila ay naghahanap ng kanilang panibagong kabuhayan – ito po iyong LAG natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano na po iyong status nito, iyong update sa status ng implementasyon ng LAG?

DSWD USEC. PAJE: Sa ngayon po ay nasa mahigit 77,000 na beneficiaries na iyong nabigyan po natin nito. At nagkakahalaga na po ng nasa 841 million o mahigit 841 million pesos iyong ating naipamahagi as of yesterday, January 19.

USEC. IGNACIO: Usec., ilan bayan po iyong sumailalim ulit sa Enhanced Community Quarantine katulad po dito sa Tuguegarao City na ilalagay po sa sampung araw na MECQ, pati rin po iyong Borongan City. May matatanggap po ba silang ayuda mula po sa DSWD?

DSWD USEC. PAJE: Iyan po ay pinag-aaralan natin ngayon pero sa ngayon ay wala pang pinal na desisyon diyan. Marahil po ay makakatanggap sila sapagkat iyan naman ay naaayon sa ating ipinatutupad na mandato. Wala pa po tayong eksaktong listahan nung mga lugar na mabibigyan niyan, at ito po ay ipagbibigay-alam natin sa lalong madaling panahon kapag mayroon na tayong definite na mga datos tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi may mga lugar po sa mga kanayunan o lalawigan iyong nagpapatupad po ng mahigpit na community quarantine dahil sa tumataas pong kaso ng COVID-19. So kailangan po ang koordinasyon with DSWD, Usec.?

DSWD USEC. PAJE: Tama po. Patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan lalo na po sa IATF. Tayo po ay kabilang sa mga ahensiya na nakikipagtrabaho diyan at mahigpit po ang ating ugnayan sa mga ibang ahensiya upang maipatupad ang iba’t ibang alituntunin na nais ipagawa ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Noong isang gabi po ay si Pangulong Duterte po ay nagpalabas ng pahayag bilang suspensiyon po na pagpapataw sa mga barangay captain po na sangkot po doon sa katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program. So ano po ang pahayag dito ng DSWD?

DSWD USEC. PAJE: Ganoon din po, simula naman po noong umpisa ng pagpapatupad ng SAP tayo po ay nakipag-ugnayan sa DILG sapagkat sila po ang may sakop ng mga LGUs. At mahigit—marami na rin po ang nasampahan ng kaukulang kaso at ang iba po ay kasalukuyan ding iniimbestigahan.

Marapat po siguro sa DILG natin ito—mabibigyan po ito ng linaw ng DILG sapagkat sila po ang may hawak ng mga kaso na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kamakailan po ay nagrekumenda ang Philippine Institute of Development Studies patungkol po doon sa kinakailangang pagbabago o adjustment sa cash grants na ibinibigay po sa mga beneficiaries o iyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang mapabilis po iyong cash delivery mechanism. So ano po ito at ano po iyong adjustment na ipatutupad ng DSWD?

DSWD USEC. PAJE: Iyong narekumenda po ng PIDS ay patungkol sa kinakailangang pagbabago. Sinusuportahan po ng DSWD ang rekumendasyon ng PIDS na magkaroon ng adjustment sa ating cash grants na ibinibigay sa mga 4Ps beneficiaries.

Aayusin po natin ang mekanismo nito, lalung-lalo na iyong patungkol sa delivery ng cash grants. Iyong sa rekomendasyon po nila na dagdag na cash grant ay sa palagay naman po natin ay napapanahon at dahil nga dito sa pandemyang hinaharap natin ay binigyan po natin ito ng konsiderasyon.

Simula ng nakaraang taon po, noong 2020 ay nakatanggap na nang mas mataas na grants ang mga beneficiaries natin sa 4Ps. Ito po ay nasasabi doon sa RA 11310 o iyong 4Ps Act. Ito ay para sa kalusugan, mga household beneficiaries ay nakatanggap na ng P750 bawat buwan. Ito po ay nadagdagan o iyong mula P500 ay nadagdagan ng P250 kaya P750 per month na po iyong tinatanggap ng ating mga beneficiaries.

Ang educational grant naman po, para sa mga batang nasa senior high school ay may P700 na mula sa dating P500. Samantalang ang educational grant naman po para sa mga junior high school at elementary ay nananatiling nasa P500 at P300 sa loob ng sampung buwan. Ito po ay mayroon ding karagdagang rice subsidy na P600 bawat buwan.

Hindi na po malayo na magkaroon din ng dagdag na cash grants lalo na sa pagpapaloob sa 4Ps o napapaloob sa 4Ps Act, na ang Advisory Council ng programa ay maaaring magrekomenda ng karagdagang halaga dito sa ating mga cash grants.

Alam po ng DSWD iyong hamon ng cash grant delivery mechanisms kaya’t ito po ay ginagawa nating prayoridad na pag-aralan sa 4Ps National Project Management Office upang maibigay sa mga beneficiaries natin ang maagap at nararapat na cash grants.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nitong mga nakaraang linggo po ay naging laman ng balita iyong pagtaas nga ng bilang ng mga transaksiyon na may kinalaman po sa child pornography kung saan ang ilan sa ating mga kabataan po, napipilitang magbenta ng maseselang larawan o video dahil gipit po sa pera ang pamilya. Bilang kasama po sa konseho against child pornography, ano po iyong aksiyon ngayon ng DSWD para po matugis ang mga nasa likod nito at mailayo po iyong mga bata sa mga iligal na gawain?

DSWD USEC. PAJE: Bilang Chair po ng Interagency Council Against Pornography or iyong (IACAP) na tinatawag natin, ang DSWD ay nakikipag-ugnayan din po sa NBI o iyong National Bureau of Investigation para mahanap, para ma-track natin at mahuli iyong mga perpetrators at mabigyan nang nararapat na proteksiyon at intervention ang mga kabataan na nasasangkot dito.

Ang mga batang naaabuso ay inilalagay sa kustodiya or custody ng department at sumasailalim sila sa appropriate psychosocial interventions. Ganoon din po ang ugnayan natin sa DILG lalo na po doon sa mga local council for protection of children para patuloy po ang pagbibigay ng impormasyon ukol sa child pornography at para sa prevention, early detection at mga posibleng aksiyon laban sa mga perpetrators ng gawaing ito.

Pinapalakas po natin ang koordinasyon sa mga miyembrong ahensiya through iyong IACAP at pinapalakas din po ang kampanya natin laban dito sa child pornography lalung-lalo na po ngayong panahon ng pandemya.

Bukas po iyong ating hotline para dito kung saan puwedeng maisumbong o puwedeng mag-report sa mga ganitong iligal at masamang gawain.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong hotline para po marinig ng ating mga kababayan na nais pong magsumbong sa otoridad?

DSWD USEC. PAJE: Para sa Luzon po, ang atin pong PNP-WCPC ay 0945-863-2235. Ulitin ko po, 0945-863-2235; sa Visayas naman po ay 0932-410-8483 at sa Mindanao naman po ay 0928-064-6425 o kaya ay 0917-180-6037. Mayroon din pong karagdagan pa, itong Aling Pulis Hotline, ito po ay 919-777-737. Ito po iyong mga hotlines natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan po iyong mga maaaring tawagan para po makapagsumbong ano po. Usec., kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, especially po, doon sa mga magulang na may ganiyan pong pangyayari sa kanilang mga anak at papaano po ba tinutugunan ng DSWD kung alam na po ng magulang nila na ganiyan iyong nangyayari sa kanilang mga anak?

DSWD USEC. PAJE: Unang-una po, ang mensahe natin sa mga magulang lalo na’t ngayong pandemic na maraming oras, maraming panahon ginugugol sa internet o sa mga site ang ating mga anak. Dapat po ay patuloy nating subaybayan at patnubayan ang ating mga anak at kung mayroon tayong napapansin na kakaiba o hindi dapat na ginagawa ay maaaring ipagbigay-alam po sa ating Local Social Welfare and Development Officers sa inyong mga munisipyo, sa inyong mga lalawigan o kaya naman po ay sa mga Women’s Desk ng ating PNP, ng ating kapulisan.

Ito po ay hindi dapat mangyari. Ito po ay hindi dapat masira ang kinabukasan ng ating mga bata, ang ating mga anak, ang ating kabataan dahil lamang po sa mga ganitong gawain.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DSWD Undersecretary Rene Glen Paje. Mabuhay po kayo.

DSWD USEC. PAJE: Maraming salamat din po at mabuhay kayo Usec. Rocky at magandang umaga sa ating mga tagapanuod.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Aljo, napakaimportante na dapat natutugunan ng DSWD din, ano? Siguro sa tindi na rin ng kahirapan kaya nagagawa ito kahit, hindi natin sinasabing lahat ano, iyong may magulang na siguro alam nila na may ganiyang pangyayari sa kanilang anak. Hindi ko alam kung papaano nila gagawin iyon, na mapigilan.

BENDIJO: Eh papaano kasi Usec. sa internet, sa social media kahit sino puwede maka-access sa napakaraming website ng pornography, sa website—sa online.

USEC. IGNACIO: Iyong mga binanggit niyang numbers, iyong hotline, mamaya sisikapin nating mai-flash sa ating TV screen kasi napakahalaga po na marinig, makita at malaman po ng ating mga magulang iyong tamang otoridad na pagsusumbungan at para magkaroon din nang mabilis na aksiyon. Katulad nga sinabi ni Usec. Paje na nagkakaroon na rin sila ng koordinasyon sa National Bureau of Investigation at maging sa DILG para po sa agarang pag-aresto ng nasa likod ng ganitong insidente para po sa ating mga kabataan na ang nais lamang po makapag-aral nang maayos.

BENDIJO: Hayan, so mag-ingat din tayo ha. Baka may mag-send sa inyo ng mga larawang ganitong klase, mga bata ang involved. Naku, hindi po kayo titigilan ng batas niyan, baka kayo ay makulong pa ‘no. Napakabigat po ng parusa ng child pornography sa bansa natin.

Kahit na ikaw ay—may nag-send sa inyo at nai-save mo sa cellphone mo o kaya sa laptop at iyan ay na-check, ‘naku patay tayo diyan. Iyan ay—mag-iingat po tayo at makipagtulungan tayo sa otoridad para mapigilan natin at matulungan ang ating mga kabataan. At responsibilidad din ng mga magulang bantayan po ang inyong mga anak.

USEC. IGNACIO: Oo, iyon nga ang sinasabi natin, Aljo. Talagang dapat iyong mga magulang talaga nakatutok kaya ang hindi ba, hindi rin natin masisisi ang ibang mga magulang talagang nagtatrabaho rin para din sa—lalo pa nagkaroon ng pandemya talagang todo-kayod po ang lahat para talaga maiahon iyong pang-araw-araw na kakainin, pamumuhay ng bawat pamilyang Filipino.

At ito ngang pangyayaring ito, Aljo, kasi nga sinasabi nila sa social media kasi nga nasa blended learning din so nabubuksan, nagbubukas ang ating mga kabataan ng internet, hindi ba, kaya sana talaga mas mahigpit na pagbabantay para po maiwasan ito.

Aljo, magbabalik muna ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

BENDIJO: Makibalita tayo po tungkol sa ginagawa pa ring vaccine procurement ng mga siyudad dito po sa Kalakhang Maynila, makakapanayam natin si MMC chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez. Mayor Olivarez, magandang araw po! Mayor? Mayor Olivarez, good morning!

MAYOR OLIVAREZ: Opo. Magandang umaga po! Good morning po! Magandang umaga po!

BENDIJO: Opo. This is Aljo Bendijo, Mayor Olivarez, kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio dito po sa Public Briefing Laging Handa.

MAYOR OLIVAREZ: Yes, Yes po. Opo, opo. Magandang umaga po ulit!

BENDIJO: Sinabi ng DILG na mas mainam kung maglagay ng 50% cap sa pagbili ng bakuna ng mga LGUs at ili-limit ito sa 50% lang ng populasyon ng bawat lokalidad. Reaksiyon ninyo po dito, Mayor?

MAYOR OLIVAREZ: Opo. Iyan po ang huling pinag-meetingan po namin with Secretary Galvez na at least mag-a-allocate ang ating city ng 30% para doon sa ating vaccination doon po sa ating population lalong-lalo na po iyong ating mga priority na iba-vaccine sa mga susunod na buwan.

BENDIJO: Sino po ang uunahin natin kung nandiyan na po iyong bakuna, Mayor?

MAYOR OLIVAREZ: Uunahin po natin based doon sa priorities iyong ating mga frontliners, iyon pong ating mga health frontliners iyan po iyong ating uunahin. Tapos iyong aming isusunod po diyan iyon pong atin pong mga senior citizens, iyong ating mga indigent na senior citizens pero basically wala na pong pipiliin po diyan – iyong indigent o hindi man indigent kasama po iyan; iyon pong ating mga vulnerable sector iyan po iyong mga susunod po diyan.

BENDIJO: Oho. How about iyong mga senior citizens, papaano po? Pupuntahan na lang sa mga bahay? Papaano natin ipapaliwanag sa kanila na ang mga bakunang available sa mga susunod na araw ay safe sa kanila?

MAYOR OLIVAREZ: Yes. Iyon pong messaging, dapat po tama po ang messaging kasi wala naman po tayong in-implement, ang atin pong DOH doon sa ating mga City Health Office na hindi po dumaan sa FDA. Iyong makakakuha po ng EUA, iyong Emergency Utilization Authority, na ibig sabihin po noon dumaan po ito sa proseso at safe po ito doon po sa mga sektor na ating iba-vaccine.

BENDIJO: Opo. Ngayong may EUA na iyong Pfizer, pinag-uusapan rin kung may preferred vaccine brand ang mga Metro Manila mayors. Sa inyo po sa Parañaque, ano pong brand ng bakuna ang inyo pong bibilhin?

MAYOR OLIVAREZ: Opo. Mayroon na po kaming tripartite agreement kasama po ang ating national government at iyong atin pong pharmaceutical na AstraZeneca, iyon po iyong una. Nagkaroon na po tayo ng initial na 200,000 na intent to buy para po sa ating vaccine na AstraZeneca.

At ito pong EUA po na nakuha ng Pfizer, ongoing po iyong negotiation po ng ating City po diyan para maka-reserve rin po tayo at makabili po tayo doon po sa allocation. Kasi alam naman po natin iyong Pfizer iba po iyong refrigerant po niyan eh, kailangan po negative 70 to 80 degrees, negative. So, basically iyon pong mga highly urbanized city ang mayroon pong kayang mag-avail noong Pfizer.

BENDIJO: Timeframe po natin, Mayor na kailan ba talaga maumpisahan ang vaccination dito sa Metro Manila?

MAYOR OLIVAREZ: Doon po sa latest na notice sa atin ng DOH, itong February iyon po iyong target po nila iyong February. Iyon po ang huling ibinigay po sa aming acknowledgement at information.

BENDIJO: Opo. Usec., may tanong? May tanong si Usec. Rocky, Mayor.

USEC. IGNACIO: Mayor Olivarez, tanong lamang po iyong ating kasamang si Joseph Morong ng GMA 7. Ito po ang tanong niya kung naririnig ninyo po, Mayor: Magkano po daw – at nabanggit ni rin – anong vaccine ang binili ng mga siyudad at kailan daw po iyong pinaka-unang pagbabakuna ng mga siyudad? Anong siyudad po ang mauuna sa palagay ninyo, Mayor?

MAYOR OLIVAREZ: Opo. Sa Metro Manila po simultaneous po iyan, wala pong mauuna pong siyudad. Simultaneous po i-implement iyong ating vaccination kaya nga po lahat po ng LGUs sa Metro Manila naghahanda na po lahat noong ating vaccinator pati po ang ating logistic, pati kung saan po magkakaroon po ng vaccination center ay hinahanda na po iyan ng atin pong LGU. Kaya po simultaneously po iyan, hindi po pipiliin kung sinong siyudad sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Mayor, magkano daw po ang aabuting budget para sa pagbili ng vaccine?

MAYOR OLIVAREZ: Ang Parañaque po, initially, nag-allocate po kami ng 250-Million. 250-Million ang first allocation po natin pero mayroon po kaming standby credit line doon po sa Landbank na 1-Billion para po sa needed po natin sa vaccination.

USEC. IGNACIO: Aljo?

BENDIJO: Nagsasagawa na ng simulation exercises ang Manila City noong nakaraang araw. Mayor, may plano ba ang Metro Manila Council na sundan ang simulation exercises na ito as a whole?

MAYOR OLIVAREZ: Yes, yes. Actually, pinag-uusapan na po namin iyan. Sa bawat LGU magkakaroon na po ng simulation tungkol po sa vaccine na ito para po makita po natin iyong time and motion study para po malaman po ng bawat LGU. Iyan po ay napag-usapan na at naka-prepare na po at gagawin po ng bawat city po iyan sa Metro Manila.

BENDIJO: Iyong mga matatanda po, kung may pakiusap na kung pupunta na lang sa bahay para bakunahan, puwede ho ba iyon?

MAYOR OLIVAREZ: Lalo na ho iyong mga vulnerable, iyong mga matanda na hindi po makalabas ng bahay dapat puntahan po sila sa bahay nila.

BENDIJO: Opo. Pero iyong vaccination, nakausap ko kahapon si Usec. Diño, magtatalaga sila ng mga programa na vaccination sa mga basketball courts?

MAYOR OLIVAREZ: Magkakaroon po ng mga vaccination center po iyan sa bawat isang LGU po iyan para doon po mayroong scheduling na pupunta po doon. At ngayon po sa Parañaque ongoing na po iyong aming pre-registration para po maging orderly. Iyong pre-registration po natin through online at mayroon rin po tayong manual na registration doon sa barangay at saka health center.

BENDIJO: Opo.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, pasensiya na po may tanong pa rin ulit po, follow-up ni Joseph Morong ng GMA 7: Ipaliwanag lang daw po iyong proseso paano malalaman kung sila ang babakunahan at procedure po para po sa lahat ng siyudad at siyempre, bigyang emphasis – libre po itong bakuna na ito, Mayor?

MAYOR OLIVAREZ: Yes, libre po iyan, Usec., at doon po sa pre-registration mayroon pong questionnaire po nakalagay po doon. So, base po doon sa kanilang ipi-fill-up na questionnaire po sa pre-registration, bibigyan po sila ng message through our social media kung hindi man doon sa kanilang e-mail, doon sa barangay, para po iyong priorities kung sino po iyong iba-vaccine on a particular day. Scheduling po iyon para hindi po magkasabay-sabay.

BENDIJO: Nakipagpulong ba kayo, Mayor, kay bagong chairman ng MMDA, si Chairman Benhur Abalos at kumusta po ang inyong pakikipagpulong?

MAYOR OLIVAREZ: Opo, opo. Nagpulong po kami last Friday sa kaniya at hindi lang po nagpulong, nagpunta na rin po siya sa mga LGU po. Katulad po kahapon, nandoon po siya sa City of Parañaque po, sa munisipyo at nagkaroon po kami ng meeting po doon na one-on-one with MMDA Chairman Abalos.

BENDIJO: Opo. Kumusta po ang ating kampanya para ipaliwanag sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga senior citizen na kung may mga available nang bakuna eh huwag pong matakot?

MAYOR OLIVAREZ: Tama po iyan. Iyong aming public information office po natin ay pinadadala po iyong tamang messaging na hindi po iyong mga fake news. So, ito po ay galing po sa DOH na ang atin lang iba-vaccine po rito iyong mayroon na pong EUA na ibinigay ng FDA.

BENDIJO:   Mensahe na lang po sa pangkalahatan, Mayor, sa atin pong mga kababayang nanonood at nakikinig po sa mga oras na ito.

MAYOR OLIVAREZ: Opo. Maraming salamat po sa pagkakataon. Gusto ko lang pong ipaalam po sa ating mga kababayan na prevention is the best medicine. Iyon pong ating face mask, iyong face shield po natin, distancing, at paghuhugas po ng kamay, importanteng-importante po iyan.

BENDIJO: Thank you po, Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City. Mag-iingat po kayo!

USEC. IGNACIO: Okay. Kanina po ay bumisita si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa ilang cold storage facility sa Laguna na tinitingnang pag-iimbakan po ng mga COVID-19 vaccine na darating sa bansa. Live mula sa Laguna, magbabalita ang ating kasama si Louisa Erispe.

[NEWS REPORT BY LOUISA ERISPE]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Louisa Erispe. Katulad nga ng sinabi din ni Mayor Olivarez, talagang iyong ating Metro Mayors naghahanda na sa darating na bakuna. So, nakita natin ang pagsasagawa ng inspection sa pangunguna ni Secretary Carlito Galvez at ni DOH Secretary Duque, na napakahalaga iyong storage talaga na lalagyan ng bakuna na talagang siguradong-sigurado kung ano iyong temperatura na kailangan.

BENDIJO: Ganoon ba kalamig iyong sa Pfizer? Negative 70, tama ba? Ganoon kalamig. So, kinakailangan talaga iyong storage requirement. Pero mauuna yata iyong ibang mga brands dito, Usec. So, pakiusap lang sa ating mga kababayan eh iwasan lang natin ang pagpapakalat ng mga pekeng balita. Tumulong po tayo sa pamahalaan dahil ginagawa ng pamahalaan ang lahat. Dati naghahanap tayo ng bakuna, ngayon may bakuna na!

USEC. IGNACIO: Hindi makakatulong iyon, Aljo, hindi ba? Kung patuloy tayong magpapakalat ng peke, nananakot – hindi ba? Hindi makakatulong para sa ating bansa.

BENDIJO: Totoo iyan. Bumisita naman po si PCOO Secretary Martin Andanar sa Sugbo, diha sa Dakbayan sa Cebu, para pangunahan po ang paglulunsad ng Pagdu-aw Central Visayas na naglalayong maghatid ng tamang impormasyon tungkol sa vaccination roadmap ng pamahalaan. May ulat si John Aroa live. John?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa PTV-Cebu!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo!

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Thank you, Aljo.

BENDIJO: Maraming salamat, Usec.! Ako naman ho si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)