USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Siksik sa impormasyon kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan laban sa COVID-19 ang muli naming ihahatid sa inyo.
BENDIJO: Kasama pa rin siyempre ang ating mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Good morning, Usec.; ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Mula po sa PCOO, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Antipolo City Mayor Andrea Ynares, DILG Undersecretary Martin Diño, at Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE.
BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at Youtube page.
USEC. IGNACIO: Para po sa ating unang balita: Senator Bong Go tiniyak sa publiko na magiging epektibo at ligtas ang paparating na COVID-19 vaccine sa bansa upang maibalik ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa pagpapabakuna. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Batay naman sa inilabas na pinakabagong IATF Resolution No. 95, papayagan nang lumabas ng kanilang tahanan ang mga edad sampu hanggang animnapu’t limang taong gulang sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine simula a-uno ng Pebrero. Hinihikayat naman ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng General Community Quarantine na magkaroon din ng kaparehong polisiya sa pag-relax ng age restrictions. Aprubado na rin ang Professional Licensure Exams ng PRC na nakakasa ngayong Enero hanggang Marso.
BENDIJO: Tungkol naman sa naitalang UK variant ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Health Department nagpositibo sa swab test ang walong pasahero na nakasabay ni Patient 0 sa Emirates Dubai-Manila Flight No. EK332. Bukod sa kanila, limang close contacts din ni Patient 0 ang nagpositibo sa COVID-19 – ito ang kaniyang nobya, ina ng pasyente, dalawang co-passengers na pawang nagnegatibo sa unang test na isinagawa at isang healthcare worker mula sa Quezon City na naka-assign sa index case.
Mula namang dumating sa bansa ang mga pasahero mula Dubai ay agad naman silang nag-quarantine at inilipat na sa isolation facility nang malamang positibo sa RT-PCR test. Ipinadala na ang kanilang samples for genome sequencing upang matukoy kung UK variant din ito. Ganito rin ang ginawa sa limang close contacts ni Patient 0. Hinihintay na lamang lumabas ang resulta ng sequencing mula sa Philippine Genome Center.
Samantala, nagpapatuloy naman ngayong araw ang pagdinig ng Senado tungkol sa National COVID-19 Vaccine Roadmap ng pamahalaan. Humaharap muli ngayon sina Secretary Galvez at DOH Secretary Francisco Duque sa tanong ng mga mambabatas.
USEC. IGNACIO: Yes. Nakita rin natin, kasama rin si Secretary Vince Dizon diyan.
At upang kumustahin ang paghahanda ng Antipolo LGU sa mangyayaring rollout ng COVID-19 vaccine sa kanilang siyudad, makakausap natin si Antipolo City Mayor Andrea Ynares. Magandang araw po, Mayor.
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Hi. Good morning, Usec. Rocky; good morning, Aljo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama ko po si Aljo Bendijo. Mayor, kumusta po iyong isinagawa ninyong inspection kamakailan sa isang cold storage facility for COVID-19 vaccines sa Antipolo City; kakayanin po ba na maabot iyong temperature and handling requirement po ng iba’t ibang uri ng vaccines?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: I’m very optimistic ma’am na makakaya namin. In fact, after my interview with you today, ngayon po, ngayong mga oras na ito ay pupunta naman kami doon sa susunod na storage facility na paglalagyan muli ng aming mga vaccines na in-order.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ano po iyong strategies ninyo sakaling dumating na iyong mga COVID-19 vaccines sa inyong lungsod? May specific location na po ba tayo na ihahanda kung saan magsasagawa po ng pamamahagi ng COVID-19 vaccine at as of now po ba sapat iyong vaccinators sa inyong bayan?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Yes, ma’am. Like what I’ve said ma’am, we have enough qualified vaccinators. But then again, we just want to make sure na halimbawa in the middle of ng pag-i-injection hindi magkaproblema. So kaya nga po sinasabi ko, kung sino ang gustong mag-apply sa amin, sila po ay aming mabibigyan ng trabaho.
At ready po kami ma’am, na-identify na po namin iyong 50 sites namin. So 50 sites of vaccination centers and we have 300 pax, ang magba-vaccine po sa kanila tatlong vaccinators sa isang site po ito. So more or less magkakaroon kami nang 15,000 na mababakunahan per day.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay. Naibalita na kayo po ay bibili ng iba’t ibang brand ng bakuna, ika nga a little of everything. So anu-ano po ang mga ito at tig-iilang dose po ang nakatakda ninyong bilhin?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: It’s worth 300 million, ma’am. Nakapag-order na po kami sa AstraZeneca, Moderna and Gamaleya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor nag-survey din ba kayo para doon sa gusto ng inyong constituents na bibilhing bakuna at paano kung kakaunti lamang po iyong may gusto ng ibang klaseng—itong brand na ito na bibilhin po ninyo at papaano po nila tinatanggap iyong pagdating ng bakuna? Diyan po ba sa inyong lungsod ay open po o gusto ng inyong mga kababayan na talaga po sila ay magpabakuna na?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Ganito po ma’am, ang inuna po kasi namin doon sa survey ay iyong aming mga frontliners. Ngayon po nakapag-submit na po kami at iyan po ay nasa DILG na and then iyong sa aming mga kababayan naman, ongoing po ang aming pagpa-survey.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagdating po doon sa information dissemination tungkol sa COVID-19 vaccine, ano pong ginagawang efforts ng inyong pamahalaan para mahikayat naman po iyong publiko na magpabakuna o—magpapabakuna ka rin ba, Mayor?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Yes po. Actually po last night nang kinausap ko na po, magkakaroon kami ng ad ng education-information campaign para sa aming mga kababayan para po maintindihan po nila ang kahalagahan po kung bakit sila kailangang bakunahan, iyan po.
[Garbled] magpapabakuna. Sorry ma’am ha kasi iba pala ‘pag live sa Facebook. This is my second time lang, the first one is Secretary Andanar so hindi ako masyadong sanay so ipagpaumanhin ninyo po.
But then again, kung ako ang magpapabakuna, magpapabakuna po ako. Pipili ba ako? Kaya lang hindi po ako makikipag-agawan sa mga frontliners natin but if it will encourage my constituents para po magpabakuna sila, gagawin ko po iyon, magpapabakuna ako before them.
USEC. IGNACIO: Opo. Base naman po sa inyong monitoring, ano po iyong updates sa kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Antipolo, mas tumaas po ba ito kumpara noong mga nakaraang linggo, Mayor?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Mayroon po tayong mga new cases, but mas lamang po iyong ating recoveries. Kaunti lamang po sila at tuluy-tuloy naman po ang pagpapatupad po natin ng prevent, detect, isolate and reintegrate. Kasama siyempre po dito ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng mask, face shields at physical distancing at regular sanitation, and disinfection.
USEC. IGNACIO: Opo. Naitala nga po sa bansa iyong unang kaso ng UK variant, at napakalapit po ng Antipolo sa Metro Manila. Sakaling magkaroon po ng – huwag naman po sana, ano po – ng local transmission, paano po nakahanda ang inyong LGU dito?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Since day one naman, ma’am, napaka-bless po namin dahil masipag ang aming mga tao po sa pagti-testing. And nagkaroon po kami ng kapasidad na mag-test talaga. Naging aggressive po ang Antipolo sa pagti-test ng mga tao, so kaya naman po. And we have enough quarantine facilities po and we also do contact tracing, ma’am. In fact, we have an interconnectivity agreement with Pasig and Mayor Rex Gatchalian of Valenzuela.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po iyan sa contact tracing app naman kung saan interconnected na po ang ilang mga siyudad, bukod po sa Valenzuela nga at Pasig City, may iba pa po bang mga lungsod kayo na balak i-connect?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Sa amin po, yes, we would welcome it. Kung sino po iyong gustong makipag-ano sa amin, okay po kami. We are open to that kasi napanood ko po si Secretary Vergeire last night at ang sinabi niya, mayroon nga silang sina-suggest na app. Ready naman po kami doon sa sinasabi ni Dra. Vergeire na interconnection na app na gusto ni Undersecretary Vergeire, ready po kami doon; hinihintay lang namin po din sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, paano naman po nakakaapekto sa inyong laban sa COVID-19 iyong mga contact tracers na nag-end na po ng contract? Sa ngayon, ilan na po iyong inyong active contact tracers?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Ma’am, in-absorb po namin sila. Kasi dito po sa Antipolo, ang priority po talaga po namin ay iyong kalusugan ng bawat isa sa amin ditto, so we protect each other. So even if medyo magastos po, kinaya po namin at kinakaya po namin na i-absorb po sila.
USEC. IGNACIO: Mayor, sa ibang balita naman po. Para sa kaalaman ng mga nanunood, hanggang kailan po ba itong extension ninyo ng deadline para po sa payment ng mga business permits? At may mga inilatag po ba kayong insentibo o pribilehiyo sa mga negosyong natamaan po, naapektuhan ng pandemya?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Usec. Rocky, I’m happy to inform you, ma’am, that we have four satellites po. Kasi dito sa city, minsan ang daming tao, so nagkaroon po kami ng agreement with SM Cherry, with Vista Mall, with Robinsons, and [unclear], iyan po iyong market namin dito.
So we have four satellites and ang payment po namin is online payment, through PayMaya. And we are so blessed, ma’am, na hanggang February 26 free po, hindi po magtsa-charge ang PayMaya sa amin. So malaking tipid din po ito para sa ating mga taxpayers kahit papaano. So I’m happy na hanggang Feb. 26 lang po siya.
At saka po, mayroon po kami, since it’s COVID, iyong mga tao po na ang kita ay bumaba, mababa sa 200,000, ito po ay winaive [waived] na po namin for now para po sa suporta na rin po sa aming mga kapuwa.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay, Mayor, ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating manunood at siyempre, partikular po sa mga taga-Antipolo City?
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Para po sa mga kababayan ko dito sa Antipolo, handa po ang ating lungsod para mapangalagaan ang bawat isa sa atin. Titiyakin po natin na mayroong vaccines laban sa COVID-19. Susubukan po nating magkaroon ng iba’t ibang vaccine based sa availability from the manufacturers, in cooperation of course with our national government. At sisiguruhin po natin na mayroon tayong sapat na kaalaman dito bago kayo magpasya kung kayo po ay magpapabakuna o hindi po.
According to the national government, and I agree with the President, sisiguraduhin po ng ating lokal na pamahalaan na maging safe, sure and secure ang ipatutupad po nating vaccination program. Hinihiling ko po na tutukan ninyo palagi ang updates na ibibigay ng munisipiyo at sa kaniya-kaniya po nating mga barangay patungkol po dito.
Ang Facebook page po namin ay Jun-Andeng Ynares, iyon po. Hinihiling ko lamang po ang kooperasyon ng bawat isa sa inyo, sa vaccination program na ito. Through the best effort nating lahat ay sama-sama po nating mapangalagaan ang kalusugan at seguridad ng bawat isa sa ating community.
We will all heal as one. Kaya po natin ito basta tayo ay sama-sama at nandiyan ang President Digong Duterte na talaga namang nakasuporta po sa mamamayang Pilipino. So maraming salamat po, sir, Mr. President, sa guidance at sa mga tulong po na ibinibigay ninyo sa amin. And we are hoping, sir, we are hoping, Mr. President, na sana po iyong mga supplies katulad po ng cottons, ng syringe, ng mga PPEs ay, as promised po, maibigay po sa amin. Pero alam ko po na tutupadin ninyo ang pangako ninyo dahil ang Presidente natin ay may isang salita. I’m a fan, Mr. President. So maraming salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Mayor Andrea “Andeng” Ynares.
ANTIPOLO CITY MAYOR YNARES: Thank you, ma’am.
USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Nakatutok pa rin kayo sa Public Briefing #LagingHandaPH.
At sa kaniyang naging public address nitong Lunes pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 89 na mga barangay executives sa listahan ng mga umano’y sangkot sa anomalya sa SAP distribution, makibalita tayo sa usaping iyan mula mismo kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Undersecretary Martin Diño. Magandang umaga po, Usec?
DILG USEC DIÑO: Magandang, magandang umaga, Aljo. At of course sa lahat ng nanunood at nakikinig sa atin saan mang sulok ng mundo, good morning!
BENDIJO: Kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio, Usec. Diño.
Itong mga pangalan po sa listahan na binasa ng Pangulong Duterte, ito ba iyong nailabas noong September last year na sangkot sa SAP anomaly; bakit po kaya ito isinapublikong muli ng Pangulo noong Lunes?
DILG USEC DIÑO: Katunayan iyan ay tuluy-tuloy nating ginagawa dito sa DILG. Actually, iyon unang sinampahan natin sa Ombudsman ay umaabot na more than 100, tapos ito ay siguro dahil paalala na rin natin na tuluy-tuloy ang ginagawa ng DILG lalung-lalo na dito sa mga reklamo sa Social Amelioration Program na kung saan kami na mismo dito ang nagpapa-file sa Ombudsman at ang mga ebidensiya siyempre iyong mga affidavit na ginawa noong mga nagrireklamo sa akin na kung saan ito iyong mga pinaghati-hati iyong dapat sa isang beneficiary.
Pangalawa namang reklamo diyan, iyong siyempre pinipili daw ng ating mga barangay official kung sino ang bibigyan, minsan ang binibigyan pa ay iyong mga disqualified.
Pagkatapos mayroon ding reklamo diyan na kung saan iyon daw Social Amelioration Card ay mayroong halaga, tapos may processing fee. So ito iyong iba’t ibang kaso na nag-case build up ang ating legal department sa pamumuno iyan ng ating Director, Director Atty. [Romeo] Benitez.
At ito Aljo ay sa buong Pilipinas iyan ‘no. Dito sa Metro Manila, napakarami pa ng ating inimbestigahan lalung-lalo na iyong mga malalaking barangay. At kaya ito ay maging warning sa kanila na hindi pa tayo tapos, dahil talagang iyong kampanya ni Presidente laban sa korapsiyon ay down to barangay level iyan. Kaya nga dito pati iyong… ngayon, tinitingnan na din namin, iyong pananalapi ng barangay, pati iyong sistema ng pagwi-withdraw ngayon dahil marami kaming complaint na natanggap dito na just a simple certification ni Kapitan, the treasurer can withdraw all the money in the bank.
Kaya iyang 89 na iyan ay umpisa lang iyan, pero araw-araw mayroon tayong sinususpinde, mayroon tayong tinatanggal sa puwesto at nagpapasalamat ako [garbled] dahil napakabilis nilang umaksiyon ngayon.
Hindi lang iyan sa social amelioration, pati sa road clearing operation natin, dahil iyan ay mandato ng ating mga barangay. Kasama din diyan ang mga Manila Bay Clean up. Kapag hindi sila tumalima sa pinag-uutos unang-una ng ating Pangulo, dahil marching order niya iyan. Kaya’t umasa kayo na first batch pa lang iyan, may kasunod pa iyan, iyong mga listahan na patuloy na ilalabas ng ating Pangulo doon sa mga gumagawa ng katiwalian most especially graft and corruption down to barangay level.
BENDIJO: May sapat bang dahilan na sila ay mayroong kasalanan at nahatulan ba silang may kasalanan, guilty sa kasong isinampa sa kanila, Usec?
DILG USEC DIÑO: Sa totoo lang wala pang desisyon iyan, iyan ang ginawa ng preventive suspension ng ating Office of the Ombudsman habang iniimbestigahan iyong mga alegasyon laban sa kanila. Mayroon tayong tinatawag na due process at binibigyan naman sila ng pagkakataon para sagutin iyong mga nag-akusa sa kanila na kanilang mga ka-barangay. At siyempre hindi naman tayo agad-agad na magdedesisyon tungkol diyan. Pero siyempre sabi nga natin, ito ay nagkaroon ng case build up katulong natin dito ang CIDG noong time na iniimbestigahan itong mga naging alegasyon laban sa kanila at ipinasa sa Ombudsman at ang ginawa ng Office of the Ombudsman ay nagpataw sila ng preventive suspension habang matinding iniimbestigahan iyong mga kaso laban sa kanila. Hindi pa judgment iyan, ano lang iyan, preventive suspension para hindi na nila magamit ang kanilang puwesto habang iniimbestigahan iyong kaso. So, iyan po iyong preventive suspension na napataw sa kanila.
BENDIJO: Kayo ba ay naniniwala na lulusot po iyan sa korte, sa Sandiganbayan ngayong nasa Ombudsman pa ang mga kasong iyan ng mga diumanong tiwaling mga barangay officials, Usec?
DILG USEC DIÑO: Ide-determine natin iyan, ang magdi-determine niyan ay Ombudsman in the event na isasampa pa nila iyan sa Sandigan.
Ako nga, sabi ko nga, siguro maging babala na ito sa inyo, dahil… lalung-lalo na ngayon na iyong mga proyekto ng barangay, iyon ang mga mabibigat – iyong malversation of public funds, falsification of public documents, ghost deliver, ghost employee, ghost project eh mayroon na tayong Bantay Korapsiyon dito sa DILG at ako sa barangay level ay masusi na tinitingnan na natin iyan.
Again, uulitin ko, ito ang promise ng ating Pangulo na lilinisin niya sa natitira niya na mahigit isang taon ay ilalaan niya sa paglilinis ng ating gobyerno at ito na nga iyong fight against graft and corruption from national down to barangay level.
BENDIJO: Opo. Antayin pa po ba natin ang desisyon ng korte nito, Usec, bago sibakin sila sa puwesto?
DILG USEC DIÑO: Correct! Hindi naman DILG ang nagsisibak diyan, ang DILG lang ang nagpapatupad. Kung ano ang naging resulta ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, kami lang ang mag-i-implement ng kanilang mga hatol dito sa ating nakasuhang barangay officials.
Hindi po DILG ang magsususpinde, hindi DILG ang nagtatanggal, it is always the Office of the Ombudsman at saka iyong ating mga korte. At saka mayroon din tayong tinatawag na City and Municipal Council na puwede doon isampa din ang kaso laban sa mga barangay officials.
Kaya lang mayroon tayong napapansin ngayon at mayroon ding nilapit sa atin na huwag sanang gamitin sa politika iyong mga pagsuspinde ng mga city at saka munisipiyo laban doon sa mga kagawad, mga barangay captain dahil siyempre, iimbestigahan din namin iyan, baka mamaya ay baka politically motivated na iyong nangyayaring pagsususpinde sa kanila. So, ito naman ang aming maipapangako doon sa mga matino, mahusay na mga barangay official na naglilingkod sa ating pamahalaan.
Ako gusto ko ngang kunin itong pagkakataon na ito, Aljo, na pasalamatan ang ating mga barangay, there are 42,046 barangay all over the Philippines. Ang iniimbestigahan natin ngayon ay nasa more or less 500, ibig sabihin mayroon tayong 41,500 na matino, mahusay, maaasahan, may malasakit at may tapang na mga barangay officials sa Pilipinas.
Just imagine, more or less ten months na tayo dito sa pandemya, pinangunahan ng barangay iyan, pati pagla-lockdown ng ating mga barangay, pag-distribute ng pagkain, pagbantay sa mga quarantine procedure, tapos iyan na nga iyong pagbigay sa social amelioration.
At ngayon naglabas kami ng memorandum circular ngayon: Memorandum Circular 2021-007. Ano ito? Ito na iyong inutos to all provincial governors, city and municipal mayors, punong barangays, DILG Regional Directors, BARMM Minister of Local Government, ito iyong tinatawag nating Interim Preparatory Guidelines in Implementation of National Vaccination Program. Barangay na naman ang isa sa pangunahing magtatrabaho tungkol dito, dahil alam naman natin na mayroon tayong mga barangay health worker kada barangay at saka mayroon tayong Barangay Health Emergency Response Team.
Nandidito na rin sa amin ang listahan kung sino ang unang-una na babakunahan at ito ngayon ang ginagawa ng ating mga barangay at saka in the event na kung anong i-utos ng Inter-Agency Task Force, barangay ang magpapa-implement niyan – down to barangay level – kaya talagang iyon ang frontliner natin.
Actually, hindi lang ang mga barangay health worker eh, hindi lang ang mga health emergency response team natin – God, ang mga tanod natin24/7 nakabantay iyan! Tapos siyempre, sinong nangunguna diyan? Ang mga barangay captain at ang ating mga kagawad may kaniya-kaniyang area of responsibility iyan at they make sure na nagiging functional ang ating mga tauhan sa barangay.
Kaya kung anuman ang iutos ng national, kung ano ang iutos ng local, nandiyan po nakaabang lang ang barangay at tugunan kung ano man ang iutos sa amin. So, talagang malaking-malaki ang parte na gagampanan ng ating mga barangay dito sa nangyayaring pandemya.
BENDIJO: Opo. May mga katanungan ang ating mga kasamahan sa media, Usec. From Kris Jose of Remate Online. Ang tanong po niya: Sa tingin ninyo po madaragdagan ang 89 barangay chairman na nahaharap ngayon sa reklamong graft and corruption at mayroon po bang mga barangay kagawad na kasabwat ni barangay chairman sa usaping ito?
USEC. DIÑO: Malamang! Sigurado ako diyan. Sinabi ko nga sa inyo itong 89 ay sa social amelioration pa lang. Ang pinakamalaki ngayon ay iyong pondo ng barangay na kung saan nga nawi-withdraw ng barangay treasurer ang pananalapi ng barangay na certification lang galing kay kapitan.
Noong barangay captain ako for almost 13 years, bago makapag-withdraw ang aming treasurer, dadaan ka muna sa fiscal control. Lahat ng mga project mo mayroon kang dokumento muna. Pagkatapos kapag natapos ang proyekto, bago ka makapunta sa bangko o bigyan ka ng accounting para to withdraw, mayroong pinakamahalagang dokumento.
Ano ito? Barangay Council resolution authorizing the barangay treasurer to withdraw fund and to pay such project. Ito ay pinipirmahan ng mga barangay kagawad. Kaya nga may check and balance sa barangay eh dahil kung wala ang resolusyon na iyan, hindi makakapag-withdraw ng pera ang treasurer sa barangay.
Pero ngayon, kahit wala iyang dokumento na iyan, just a simple certification ni kapitan na may availability of fund – God, the treasurer can withdraw iyong sa depository bank ng mga barangay, tapos ang liquidation gagawin na lang sa end of the year!
Eh… Iyan na nga, pagdating na pagdating namin ni Secretary Año dito sa DILG, iyan ang agad ang aming pinuna na bakit ganiyan kaluwag dahil siyempre, ang dami ngayon na may disallowance.
Nandiyan ang COA, sila ang makakapagpatunay nito na maraming barangay ang hindi nagli-liquidate. Eh, dapat iyan kapag hindi mo na-liquidate eh dapat makasuhan ka na dahil unang-una, nailabas mo na ang pera. I-explain mo ngayon kung saan napunta o anong proyekto ang ginawa.
So, itong mga bagay na ito ngayon ay dinideklara [tinitingnan] na ng aking opisina as Undersecretary for Barangay Affairs. At magpapalabas na rin kami ng mga inventory para malaman namin kung saan dinala ang pera ng barangay. Lalung-lalo na dito sa Metro Manila, ang laki-laki ng mga pondo ng barangay dito, milyun-milyon.
Dapat malaman naman ng taumbayan o malaman ng inyong constituent kung saan ninyo iginugol iyong napakalaking pera na iyan. Mayroon ngang barangay dito umaabot ng 188-Million taun-taon ang kanilang pondo.
BENDIJO: Ang laki huh!
USEC. DIÑO: Ganiyan kalalaki dito sa Metro Manila. Kaya’t siguro tama lang itong panahon na ito na talagang tingnan natin at para naman ma-justify kung saan nagugugol o nagugugol ba nang tama.
Tapos iyong mga SK, ito din huh. Warning ko ito sa mga barangay captain, ‘no, sa mga barangay officials. Naglabas na ang COA ng guidelines, iyong pera ng SK ilagay ninyo sa depository bank nila. Huwag ninyo nang pakialaman iyan dahil oras na may nagreklamo na SK sa akin at iniipit ninyo ang pondo ng barangay, eh kapag nakita namin na may probable cause pa-file-an namin kayo ng kaso dahil sa pag-ipit ninyo sa pera ng SK.
So iyan, Aljo, ang sagot ko diyan.
BENDIJO: From Ivan Mayrina ng GMA News, Usec. Ang tanong niya po: Ano ang inaasahang mararamdamang pagbabago sa barangay level sa paglabas ng IATF Resolution No. 95 na nagbaba ng age limit na puwedeng lumabas ang ten (10) years old hanggang 65?
USEC. DIÑO: Alam mo, wala tayong magagawa. Susunod at susunod lang ang barangay diyan pero sabi ko nga, talagang marami ding magulang naman ang ayaw naman palabasin talaga iyong anak nila dahil nga mayroong lumabas na naman na bagong strain, ‘no. Siyempre, kahit ako bakit ko palalabasin ang aking anak kahit na sabihin mong puwede na.
Pero iyan ang itinadhana ng batas, sundin natin. Ang gagawin lang ng barangay ay imo-monitor natin iyan. At iyon na nga, sabi nga from 10 to 65 puwede na ngayong lumabas ng bahay. So, ayan, ang mangyayari lang diyan ano, talagang mahigpit na pagbabantay ng barangay. At ngayon pinagagamit ko sa barangay iyong kanilang mga CCTV dahil napakalaking bagay niyan.
Kailangan niyan sumunod sa protocol. Kahit na mayroong mga bata na pinayagan na ngayon, kailangan naka-face shield iyan, naka-face mask tapos siyempre, i-observe ang social distancing. At saka tingnan natin ang mga protocol na ginagawa ng mga mall o kung saan man iyong mga business establishment na magbubukas diyan dahil kailangan hindi naman puwede na siksikan sila doon sa ano at makakapag-generate na naman tayo ng pagdami ng mga mahahawa.
So, laging handa ang ating mga kabarangayan diyan at basta kami, kung ano ang iuutos ng Inter-Agency Task Force, kung ano ang iuutos ng local government, susunod lang tayo. at doon naman sa mga barangay official na hindi susunod dito sa ipinag-uutos na ito eh mayroon ng nakaakibat na kaparusahan in the event na talagang nagpapabaya ka sa tungkulin mo. Nasa batas iyan, nasa Local Government Code iyan na nakalagay diyan, Book 3 Chapter 3 Section 389, ayan ang kapangyarihan ng punong barangay.
Dapat general welfare ng kaniyang community ang kaniyang inuuna at siyempre, nakalagay diyan, the punong barangay shall implement all laws na itinakda ng local at national [government] – maliwanag tayo diyan. Ginusto ninyo na maging barangay official, ito po ang katungkulan na inyong dapat gampanan.
USEC. IGNACIO: Usec., may tanong naman po mula kay Kenneth Paciente ng PTV: Paano po pinaghahandaan ng DILG ang vaccination rollout sa mga barangay? Magpapatupad po ba ng uniform na proseso ang DILG para sa mga barangay na kanila pong susundin oras na mag-rollout na po ng COVID-19 vaccines?
USEC. DIÑO: Heto na po ang DILG Circular, Memorandum Circular 2021-007. Nandidito na po, ito ay ilalabas na namin at ito po ay naka-address to all provincial governor, city and municipal mayor, punong barangay, DILG regional directors, BARMM Minister of Local Government. Subject: Interim Preparatory Guidelines in Implementation of National Vaccination Program.
Heto na po at saka nandidito na rin po kung sino iyong mga priority na mabibigyan. Ito po ay ipamimigay sa mga taong nabanggit dito sa memorandum circular na ito, down to barangay level.
USEC. IGNACIO: Sino po iyong mga taong nabanggit na ipa-prioritize, Usec.?
USEC. DIÑO: Okay. Base dito sa ano… ayan… Annex 1. Heto sila – sino ang mga first priority – frontliner health worker, public and private health facility hospital, DRC… so, ito… tapos public health, tapos personnel ng Philippine hospital at field worker – LGU, contact tracer. Sunod, barangay health worker at saka barangay health emergency response team. Tapos other NGA, DSWD, DepEd, DILG, Bureau of Jail, tapos Bureau of Correction.
Okay… ayun iyong mga first priority. Second priority, indigent senior citizen.
Tapos, third priority, pertaining to senior citizens.
Fourth priority, remaining indigent population.
Fifth priority, uniformed personnel – PNP, AFP, at PCG, BFP, CAFGU.
Total – 24, 066, 028. Iyan po ang ano… first ano natin… list dito po sa aming inilabas.
USEC. IGNACIO: Opo. Sige, aantayin na lang po namin Usec. iyong opisyal na paglalabas po niyan.
DILG USEC. DIÑO: Padadalhan kita, padadalhan kita ng kopya.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po. Maraming salamat po sa inyong oras, Usec. Diño. Stay safe po.
DILG USEC. DIÑO: [Garbled] Nagpapasalamat ako, pero puwedeng makadagdag?
USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead po.
DILG USEC. DIÑO: Iyong road clearing. Mga barangay captain at magdi-deadline na tayo. Trabahuhin lang natin iyong road clearing operation kailangan na masaayos natin iyan dahil mayroon ding kaakibat na responsibilidad ang ating mga barangay diyan sa road clearing operation.
So sa inyong lahat, stay safe – wear face mask, face shield, social distancing at siyempre iyong mga contact tracer natin sa barangay tuluy-tuloy po iyan, iyong protocols sundin lang. So maraming salamat po sa inyo. Mabuhay!
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po! At para naman talakayin ang karapatan at proteksiyon ng ating mga kasambahay, muli po nating makakasama sa programa si Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla, Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Magandang araw po!
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Magandang umaga po, Usec. Rocky and Sir Aljo at sa lahat po ng nanunood at nakikinig ng #LagingHanda.
USEC. IGNACIO: Opo. Noong Lunes po ay ipinagdiwang natin iyong ikawalong taon simula nang maisabatas po ang Republic Act 10361 o iyong batas po na nangangalaga sa kapakanan ng ating mga domestic workers o iyong ating mga kasambahay. Maari po ba nating idetalye kung sinu-sino po ang sakop ng nasabing batas at ano iyong mga probisyon na itinatakda nila hinggil po sa usapin ng working conditions at ang pangangalaga rin po sa interes at kapakanan ng ating mga kasambahay?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Usec. Rocky, ang sakop po ng batas kasambahay, ito po iyong mga karaniwang kasambahay natin tulad noong naglilinis, nagluluto, iyong mga all-around, kasama din po diyan iyong mga yaya, kusinero/kusinera, labandero, hardinero. Ngunit hindi po kasama diyan iyong mga empleyado ng service providers like janitors and janitress at iyong mga family drivers hindi po sakop, iyon pong nasa foster family arrangement at sino man pong may kinalaman sa gawaing bahay na panaka-naka lamang po at paminsan-minsan.
At kasama din po sa coverage natin dito sa kasambahay iyong mga tinatawag po nating kabataang kasambahay na nag-i-edad 15 to 17 years old pero with certain conditions po. Hindi po sila puwedeng magtrabaho nang higit sa walong oras sa isang araw at hindi rin po puwedeng magtrabaho nang labis pa sa apatnapung oras sa loob ng isang linggo at hindi rin po natin pinapayagan na magtrabaho sila mula 10 P.M. hanggang 6 A.M. of the following morning.
Ipinapaalala rin po natin sa ating publiko na bawal po ang mag-engage ng kasambahay na ang edad ay 14 years old pababa.
USEC. IGNACIO: Okay. Para rin po naman sa kaalaman ng publiko ay ano naman po iyong obligasyon ng employer sa ating mga kasambahay gayun din po iyong mga hindi dapat gawin naman ng kasambahay sa kanilang employer, Attorney?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. Base po sa IRR dapat po magkaroon ng kontrata sa pagitan ng employer at ng kasambahay – ito po ay para maprotektahan ang karapatan at pribilehiyo ng ating mga kasambahay.
So para po sa mga employers, maari po nilang makuha ang standard employment contract or tinatawag po nating Form Batas Kasambahay-1 sa ating mga Public Employment Service Office sa lokal na gobyerno at sa malapit na opisina ng Department of Labor and Employment.
Doon po sa kontrata, nakasaad po doon iyong mga tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan ng isang kasambahay. Nakasaad din po diyan iyong minimum wage nila na kung halimbawa ay siya ay nagtatrabaho sa NCR, dapat po hindi ho mababa sa P5,000 per month. Nakasaad po din iyong tagal, uri at oras ng trabaho, lingguhang oras o araw ng pahinga and doon din po nakalagay iyong mga pinahihintulutang kaltas tulad po ng SSS, PhilHealth and Pag-IBIG. Sinasabi po ng batas na they have to be mandatorily covered ng SSS, PhilHealth and Pag-IBIG at other terms and conditions of employment.
Ito pong kontratang ito dapat po gawin po ito nang tatlong copies para po iyong isang kopya sa kasambahay at iyong isa naman po sa employer at ang isa naman po ay para ibigay sa ating mga barangay. Bukod dito kailangan po natin irehistro ang mga kasambahay sa Registry of Domestic Workers na matatagpuan sa ating mga bara-barangays.
At sinasabi rin po sa batas na kailangang bigyan ng paggalang ng employer ang mga karapatan ng kasambahay. Kaya po hindi po dapat siya ma-subject sa anuman na pang-aabuso tulad noong masasakit na salita, psychological harm at lalo na ang physical na pag-abuso and even sexual harassment.
Para naman po sa ating mga kasambahay, paalala po, maari pong tapusin ng inyong employer ang inyong kontrata kung kayo ay may masamang asal at pagsuway ng kasambahay sa mga utos ng employer, kapuna-puna na pagpabaya o madalas na pagpabaya, pandaraya o pakikipagmatigasan sa inyong employer at paggawa ng krimen.
At idadagdag ko lang po Usec. Rocky dahil sinasabi po kasi sa kasambahay, kung maka-contract po siya ng sakit, puwede po itong ground for termination. Pero nililinaw po natin na kung halimbawa po siya po ay nakapag-contract ng COVID ay hindi dapat pabayaan ng employer ang kasambahay, na dapat pagbayarin ng hospital treatment. Dapat po sagutin ng employer lalung-lalo na po iyong mga employer na hindi in-enroll ang ating kasambahay sa SSS at PhilHealth.
Dahil po ang SSS po ay mayroong Employees Compensation Benefit para sa ating mga kasambahay at ang benefit po nito ay sinasabi na kung halimbawa sila po ay naka-contract ng COVID, mayroon po silang daily income na benefit na P480 per day up to 14 days po ito, plus cash assistance na P10,100 at medical reimbursement.
At sa PhilHealth naman po, covered naman po ang testing ng ating kasambahay provided member po sila at kung confirmed cases of COVID, mayroon din po silang matatanggap na compensation depending po sa severity ng pneumonia.
And nagpaalala din po ang Occupational Safety and Health Standards Center, kailangan din tayong sumunod sa mga safety protocols para po maiwasan ang COVID-19 sa ating mga tahanan. Una po iyong physical distancing and palagiang paghugas ng kamay at paglinis ng kapaligiran at tamang pagsuot ng face shield at face mask. And then kasama rin po dito, bigyan din po natin ng mga appropriate PPE ang ating kasambahay lalung-lalo na po sa gawain na may connection po sa paglilinis at pagdi-disinfect ng bahay.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasabay po ng pagdiriwang ng ikawalong taon ng pagsasabatas nga ng batas ng kasambahay ay ang paglulunsad ng DOLE sa pangunguna ng Bureau of Workers with Special Concerns o BWSC na #ParaKayK. Ano po iyong layunin nito at maaaring asahan ng ating mga kasambahay dito?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Pagkatapos po ng limang taon matapos maipasa ang batas, nilunsad na po natin iyong isang umbrella program para sa mga kasambahay. And then pinag-utos po ni Secretary na i-scale up pa po ang ating efforts kaya nga po ito pong #ParaKayK, ito po ay tinatawag natin na promotion, advocacy of rights and other assistance for kasambahay. Dito po ang layunin natin ay bigyan ng prayoridad ang mga kasambahay sa paggawa, sa lahat ng mga programa at mga adbokasiya na magbibigay ng proteksiyon sa kanilang mga karapatan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kung sakali lang po na may katanungan o nagnanais na humingi ng assistance ang ating mga kasambahay, ganoon din po iyong employer, saan po sila maaaring sumangguni?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Usec. Rocky, maaari po silang pumunta po sa nearest field office ng Department of Labor and Employment or puwede din pong tumawag sa ating hotline, DOLE hotline na 1349 o ang numero po ng Bureau of Workers with Special Concerns, ito po ay 8404-3336.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, ang Director IV ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Stay safe po!
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Maraming, maraming salamat po, Usec. Rocky, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon po for the third time. Thank you po, Usec. Rock and Sir Aljo.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat din po.
Sa puntong ito, dumako na po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
ALJO BENDIJO: Sa iba pang mga balita: Mga residenteng biktima ng magkahiwalay na sunod sa Alfonso at Bacoor, Cavite nakatanggap ng ayuda mula sa tanggapan ni Senator Bong Go at mga ahensiya ng pamahalaan. Para naman tuluyang makabangon ang ating mga kababayan sa Probinsiya ng Quezon na sinalanta ng Bagyong Quinta noong nakaraang taon, kamakailan ay nagpaabot din ng tulong pinansiyal, food packs, bisikleta at tablet ang opisina ni Senador Go sa mga bayan ng San Narciso at San Francisco sa Quezon Province. Para sa detalye ng mga balitang iyan, panoorin natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, nito lamang Martes ay namahagi rin po ang tanggapan ni Senator Go ng tulong para naman sa mga kababayan nating nasunugan sa Barangay Bagumbayan, Quezon City. Narito po ang detalye:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Puntahan naman natin si Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera. Jorton?
[NEWS REPORTING]
ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Jorton Campana.
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat din si John Aroa. John?
[NEWS REPORTING
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa.
Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, January 21st, 2021, umabot na sa 507,717 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 1,783 new COVID-19 cases kahapon; 74 na katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 10,116 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy din ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 467,475 matapos makapagtala ng 500 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 30,126.
At iyan nga po ang ating mga balitang nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
ALJO BENDIJO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Mula sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)