USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuluy-tuloy pa rin po ang paghahatid namin ng mahahalagang impormasyon kasama pa rin ang mga panauhin na handang sumagot sa mga tanong ng bayan.
BENDIJO: Ngayong araw po, Sabado, a-bente tres sa buwan ng Enero, 2021 siksik rin ang ating talakayan kaugnay sa COVID-19 pandemic at iba pang mga napapanahong issue sa ating bansa. Ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Mula po sa PCOO, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina POEA Administrator Usec. Bernard Olalia; LRTA Spokesperson, Attorney Hernando Cabrera; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at Youtube page.
USEC. IGNACIO: Para sa ating unang balita: Hinikayat ni Senator Bong Go ang mga opisyal ng gobyerno at mga kapwa mambabatas na tapusin na ang agam-agam sa vaccine roadmap ng pamahalaan at sa halip ay magtiwala sa proseso dahil aniya nasasayang lamang ang oras sa pagdududa at maraming buhay ng ating mga kababayan ang nakataya sa ating laban sa COVID-19. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Ika-siyamnapu’t siyam o 99 na Malasakit Center naman sa bansa binuksan nito lamang Huwebes sa Region II Trauma and The Medical Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya. At dahil po diyan, isa na namang kababayan natin ang nabunutan ng tinik ika nga sa dibdib matapos na matulungan ng Malasakit Center sa kanilang hospital bill. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Upang makibalita naman po kaugnay sa mga online transactions ng pamahalaan para sa mga manggagawang Pilipino na nangingibang bansa, makakausap po natin muli sa programa si POEA Administrator Usec. Bernard Olalia. Magandang araw po, Usec.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Magandang araw po, Usec. Rocky. Magandang araw po sa mga nakikinig po at nanunood po sa programang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama po natin si Aljo Bendijo ngayong araw. Usec., paano po ba ang magiging sistema ngayong maari na pong magpa-revalidate ng kanilang OECs o ito po ba iyong Certificate of Employment—Overseas Employment Certificate ng mga OFWs sa mga international airports natin sa bansa?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po kayo, Usec. ‘no. Dahil po sa utos na rin ng ating mahal na Pangulo na bawal ang mahabang pila at kinakailangan ang serbisyo ay mabilis lalo na sa ating mga OFWs na nagnanais lumipad para humanap ng trabaho abroad at dahil na rin po sa pandemya na wala pong mga pampublikong sasakyan at ang kinakailangan po ang gawin po natin, ilapit po natin ang serbisyo sa kanila.
Iyon pong mga OFWs natin na aalis at may expired OEC, hindi na po kailangang pumunta sa POEA. Diretso na po sila sa aktuwal na alis at lipad po nila sa NAIA. Doon po sa airport mayroon po tayong Labor Action Center na kung saan may POEA personnel na naghihintay at sila na po ang bahalang mag-revalidate ng expired OEC.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kung ako po ay babalik naman sa parehong bansa at pareho rin ang employer, kailangan ko pa po bang sumalang dito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo, magandang katanungan po iyan ‘no lalung-lalo na marami sa mga kababayan natin iyong tinatawag na balik-manggagawa ‘no. Kapag kayo po ay balik-manggagawa, kayo po ay babalik sa dating employer at dating bansa, kayo po ay OEC exempt. Ipapakita lamang ninyo iyong certificate po na OEC exemption, hindi na po kailangan ng revalidation.
USEC. IGNACIO: Opo. May exemptions po ba iyong POEA kung sinu-sino lamang iyong maaaring makapag-revalidate sa mga paliparan, Usec.?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Lahat po ng OFWs natin na may tangan na expired OEC, puwede po silang pumunta diretso sa LAC [Labor Action Center] sa NAIA para po sa revalidation. Ang tanging exempted lang po doon ay iyong mga BM [Balik Manggagawa] exempt na kung saan hindi na po kailangan ng OEC.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., ano po iyong mga papeles na kakailanganin nilang maipakita?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: ‘Ayun, napakahalaga po ‘no. Para po sa revalidation ng expired OEC, kailangan pong dalhin ninyo [garbled] palabas po ng bansa, kailangan lang po in the same documents na ipapakita ninyo sa BI. Anu-ano po ang mga dokumentong ito na ipapakita ninyo sa BI? Nangunguna po dito iyong [garbled] employment contract. Pangalawa po, iyong pasaporte ninyo [garbled] at least 6 months from the date of the departure. Pangatlo po, dapat iyong working visa ninyo. Ito po iyong mga ilan lang sa mga dokumentong kailangan [garbled] that you will show [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi maraming nanunood pong OFWs online dito sa ating programa ano po. Kung may problema sila sa kanilang OEC dahil sa employment status, paano po matutugunan ito? Matutugunan ba agad ito ng mga personnel na itinalaga ninyo sa airport? Kahit daw po ba weekend may tao doon?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Napakagandang katanungan po muli iyan Usec. Dati po ‘pag may mga nakalagay na maling estado o mga status doon OEC kailangan pumunta pa po sila sa POEA para po maglagay ng amendment o revision doon sa mga nakalagay sa OEC. Pero ngayon po dahil may revalidation na rin tayo at inu-authorize na rin natin iyong ating mga LAC, pumunta lang po sila sa LAC at iyong ating personnel ay otorisado na pong gumawa noong mga kinakailangang corrections.
USEC. IGNACIO: Opo. In-extend din po ng POEA iyon ngang sinabi ninyo kanina na Balik Manggagawa Online Evaluation System. Para po sa kaalaman ng lahat, paano po ang proseso dito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Iyon pong BM Online Evaluation System po natin, ito iyong [garbled] online natin. Ang kaibahan lamang po nito, kapag po iyong ating BM, iyong Balik Manggagawa natin na OFW ay babalik po sa ibang bansa pero iba na po iyong kaniyang employer o kaya babalik po siya sa ibang bansa, pareho ang employer niya pero iba na po iyong estado niya, iba na po iyong kaniyang family name so ang kailangan lang po dito mag-log on po sila or mag-log in doon sa dati nilang BM online account. At pagkatapos po punan iyong mga dokumento po na kinakailangan i-load doon sa system na iyon at automatic po magri-register doon at bibigyan po ng panibagong OEC.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. sa ngayon, gaano na daw po karami iyong mga nagri-register at ilang araw po iyong hihintayin bago po makumpleto iyong kanilang transaction?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po ang ating BM, 70% na bahagi po niyan ang lumalabas sa ating bansa, sa total deployment po natin ano. So kung ang total deployment po ng BM ay hindi hihigit na—4,000 po iyan, ang average on the monthly basis ‘no, so marami po iyan. So dahil po na marami pong OFWs natin ang kailangang humingi po ng tulong sa BM online, ginawa po namin ito para maiwasan po iyong pagpunta sa POEA. Instead na pupunta po sila sa POEA, mag-log in na lang po para ma-issue na iyong OEC nila. Iyon pong proseso napakadali, within a period of, say 10 minutes, lalabas na po iyong inyong OEC kapag kumpleto po lahat ng dokumento ninyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. dahil na rin sa malaking epekto ng pandemya ano po, may balak po ba kayong gawing regular na itong programang ito para daw po ma-decongest din iyong inyong field offices?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, sang-ayon po ako sa inyong mungkahi Usec. Rocky. Importante po sa panahon ngayon na gawin po nating efficient ang pagbibigay po ng serbisyo sa ating mga kababayan. Ito pong ginagawa nating mga online transactions na ito dahil po sa pandemic, atin pong gagawing regular services na po ng POEA ‘no. Ito na po iyong magiging new normal natin ‘no. Hindi na po natin pahihirapan pa iyong mga OFWs natin at ang gawin po natin ay ibigay po natin iyong mabilis na serbisyo para po sa kanilang lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Magandang balita po iyan. Last December din po nagkaroon kayo ng online job fair. May mga target dates po ba ang POEA para naman sa online job fairs ngayong taon?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku Usec., alam ninyo po napaka-successful noong ating unang online job fair ‘no. Ginawa po natin ito para tugunan ang problema ng online scam. [Garbled] kaya tayo po ay naglunsad ng online job fair. Ang susunod po nating online job fair, antayin lamang po ang anunsiyo, baka ito pong first week or second week po ng February at ang magiging katuwang po natin dito iyong PESO-Olongapo at tayo po ay mag-i-aim na hindi bababa ng sampung licensed recruitment agencies po ang ating iimbitahin. So mag-antabay lamang po ng further instructions at kami po ay maglulunsad ulit ng pangalawa pong aming online job fair po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., kumusta naman po iyong pagtanggap sa ating mga OFWs sa ibang bansa na wala naman pong travel ban sa atin lalo na’t may UK variant na po sa bansa?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, pinag-iingat po natin Usec., iyong ating mga kababayang OFW, lalung-lalo na iyong mga frontliners po natin [unclear] ‘no. Tayo po sa POEA ay agaran pong naglalabas nang appropriate labor advisory kung ano po iyong umiiral na health and safety protocols doon po sa destination countries. At iyong mga licensed recruitment agencies po na nagri-recruit at nagdi-deploy sa ating mga OFWs, mayroon po kaming advisory diyan na i-closely monitor ang ating mga OFWs at mag-submit ng report at tulungan po kung nangangailangan nang agarang tulong.
USEC. IGNACIO: Pero Usec., mayroon na ba kayong natanggap na report na itong ilan nating mga kababayan medyo nahirapan doon sa pagpasok sa ibang bansa dahil nga po sa report na nagkaroon na rin ng UK variant dito sa atin?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: [Garbled] sumusunod lamang po kasi sa safety protocol at iyong existing health protocols iyong ating mga OFW. So bago po sila umalis, alam na po nila iyong gagawin po nila. Mayroon pong dapat ipakita na negative COVID test within a certain number of hours prior to their departure, kinakailangan po iyon. At tumutulong naman po iyong ating mga officials on the ground lalung-lalo na iyong mga agencies po nandidiyan naman katuwang natin sa ating OFW. Kung may problema, agaran naman po nating tinutulungan iyong ating mga OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na rin po iyong monitoring ninyo sa mga illegal recruitment na nagkalat online? May mga nasampolan na po ba kayo, Usec.?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, alam ninyo po Usec. Rocky last weekend lang nag naglunsad po nang malawakang activity ang anti-illegal recruitment branch po natin at may na-entrap, caught in the act, mga illegal recruiters po na gumagamit ng online at nagpapanggap po na sila po ay lehitimong representative sa POEA. Ginagamit po iyong ating symbol at saka emblem. Kaya po kami naglunsad ng napakamaigting na kampanya laban po sa kanila at nahuli po natin sila at sila po ay sasampahan natin ng kaso. Nakikipag-ugnayan din po tayo sa ating mga katuwang dito po sa anti-illegal recruitment po natin nang sa ganoon wala na po sanang mabiktimang mga OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. Para sa mga kababayan nating OFW naman po na may concern, saan po sila maaaring lumapit Usec.?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Iyon pong mga OFWs po natin na naghahangad po ng mga impormasyon, nandudoon po sa official POEA website natin, iyong www.poea.gov.ph. Kung gusto po ninyong makakita ng valid job orders at kung sinu-sino po ang mga agencies po na puwedeng makatulong sa inyo. Iyong may mga problema naman po sa mga processing sa OEC, nandiyan po iyong aming hotline, iyong 24/7 namin – 8722-1144, 8722-1155. Iyon po namang nangangailangan ng legal assistance, mayroon na po tayong ilulunsad na online legal assistance ‘no, nandoon po ang link sa aming POEA website at kami po ay puwede ninyo pong ma-contact din anuman pong oras at araw. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayang OFWs at siyempre doon pa nga sa mga nagnanais pong magtrabaho abroad?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Sa mga kababayan din natin lalung-lalo na mga OFWs po natin na nagnanais magtrabaho sa abroad, mayroon po iyong tinatawag na third country hire ‘no. Marami pong magbibigay sa inyo ng offer kapag kayo po ay nasa ibang bansa na at kayo po’y lilipat sa ibang bansa, iwasan po natin ito. Magtanong po kayo doon po sa ating mga labor attaches, sa mga POLOs po natin at sila po ang nakakaalam kung ano po ang tamang proseso.
Iyong mga nasa ating bansa naman, mayroon po tayong mga opisina dito, mayroon tayong mga contact numbers. Puwede ninyo po kaming kontakin at kami naman po ang gagabay sa inyo para hindi po kayo maging biktima ng mga illegal recruiters po. Marami pong salamat at ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras, POEA Administrator, Undersecretary Bernard Olalia.
Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Nakatutok pa rin kayo sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Makibalita tayo sa muling pagbabalik operasyon ng ilang istasyon ng LRT line 2 na isinara noong 2019 matapos masunog ang kanilang power supply equipment, makaka-usap natin ngayong umaga sa LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera. Magandang araw po, Atty. Cabrera!
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Aljo, good morning; good morning sa ating mga viewers, sa ating mga listeners.
BENDIJO: Atty. Cabrera kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio.
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Usec. Rocky, good morning po.
BENDIJO: Kumusta po ang unang araw ng pagbabalik operasyon ng LRT-2 sa Santolan, Katipunan at Anonas Stations kahapon at gaano po karami ang mga pasaherong bumiyahe, Attorney?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Aljo, iyong kahapon, maraming natuwa ‘no. Kaya lang in terms of passengers, apparently parang hindi pa nalalaman ng karamihan noong ating pasahero na nag-resume na tayo ng operation.
Actually, we opened at 5:00 in the morning kahapon, Friday, pitong tao lang iyong nandoon sa Santolan compared doon sa regular ridership niyan na around 44,000 daily noong bago magkaroon tayo ng pandemya. So, ang talagang ridership niyan is around 44,000.
Pero sabi ko, apparently parang hindi pa nila alam na nagbukas na tayo, so around mga 7 people lang noong nagbukas tayo. But eventually habang lumakad iyong araw kahapon, dumami ng dumami hanggang sa gabi.
BENDIJO: Opo. Matagal ang dating po ng mga tren sa mga tatlong istasyong nito, tama ho ba at ano ang dahilan, Atty. Cabrera?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Yes. Aljo, kasi ang nangyari diyan, nasunog nga iyong ating tinatawag na rectifier stations, ito iyong parang pinaka-transformer ng power supply natin. Kaya lang iyong long term repair nito would take one year, so nag-start ang repair sometime noong October last year, 2020, so aabutin pa sila ng around November or October this year. Kaya lang hindi tayo puwedeng maghintay ng ganoon pa katagal, so minabuti natin na magkaroon tayo ng tinatawag na short term solution.
So iyong short term solution, kailangan gawin ng ating contractor in three months’ time na maglagay ng mga temporary equipment, temporary power supply facility. So, mabilis nilang nagawa ito, in less than three months na-install nila ito para lang maibalik natin ang serbisyo. Ang problema lang nito, Aljo, kapag temporary iyong mga equipment mo, may kapalit pagdating sa operation content mo. So ang isang kapalit nito is iyon nga mabagal iyong takbo ng ating mga tren. Ang ating operational speed sa line 2 is 60 to 70 kilometers per hour. Kaya lang pagdating dito sa area na nagmula Anonas hanggang Santolan, using iyong ating temporary power supplies facilities, aabot lang ng 30 kilometers per hour iyong takbo ng ating mga tren, so mabagal.
And then ang magiging effect din nito is malalayo iyong agwat ng ating mga tren. Ang ating operational headway na tinatawag is around 5 to 7 minutes. Kaya lang dito temporary supply ng kuryente natin, iyong system niya, aabot tayo ng around 14 minutes iyong ating paghihintay. So iyon iyong kapalit noong ating inilagay na temporary measure para lang maibalik natin sa serbisyo iyong ating mga tren sa tatlong istasyon na iyan.
BENDIJO: Opo. Dahil po sa tagal ng takbo ng mga tren sa parteng iyan, Attorney maapektuhan ba ang iba pang operasyon sa ibang mga istasyon ng tren?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Tama iyon. Dahil mabibinbin iyong takbo noong mga tren at iyong agwat noong mga tren doon sa tatlong istasyon na ito, magkakaroon ito ng domino effect doon sa remaining areas naman ng ating sistema; so iyong takbo ng tren magmula ng Cubao hanggang Recto apektado rin. Somehow mayroong domino effect na nangyayari.
Pagdating ng mga tren doon, kaya na nilang bilisan, apektado pa rin iyong ating tinatawag na headway, iyong paghihintay ng ating mga pasahero doon sa pagdating ng tren sa bawat istasyon.
BENDIJO: Update lang po ako doon sa report and findings ng Rolling Stock Diagnostic Tools na nakitaan po ng anomalya iyong binili na hindi naman akma doon sa isinulat at inaprubahan ng Bids and Awards Committee at iyong mga escalator na ilan ba iyong capacity at hindi po nasunod din. Sir, ano po ang nangyari sa mga empleyado ng LRTA na involved po dito?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Well, i-explain ko lang mabuti, Aljo. Number one, iyong apat na item na iyan na mga binili, actually nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na imbestigasyon. So nagkaroon ng imbestigasyon ang PACC, but as early as December 2019 – so 2019 pa ito – around mga December, si Administrator Berroya nag-utos na rin ng hiwalay na imbestigasyon internally. And nagkataon ako iyong chairman noong komite na iyon, fact finding committee. So, we are not only investigating iyong mga apat na nabanggit mo, we are also investigating others, iyon iyong nilagay na doon sa order sa amin na imbestigahan namin.
Doon sa Diagnostic Tools na iyan, natapos na namin iyong aming report, actually umaabot siya ng 115 pages iyong aming report tungkol diyan. Doon pa lang sa isang item na iyon umabot na ng 115 pages. Tapos iyong kanyang supporting document, halos iyong isang dangkal iyong kapal ng kanyang supporting document at iyong report na ito naibigay na namin kay Administrator Berroya at inaksiyunan naman ni Administrator Berroya, ipinasa niya naman doon sa mga concerned offices na siya namang susunod na gagawa ng kaukulang hakbang doon sa aming report. Kasi iyong aming komite, fact finding pa lang iyon.
Ang binabanggit ko na report na iyon is ito iyong tungkol sa Diagnostic Tools, so mayroon na kaming findings, kumpleto iyan very intensive, extensive iyong aming report diyan. Sabi ko umabot ng 115 pages.
At iyon naman sa re-railing na tools na nabanggit doon sa PACC report, nasa stage na kami na sinusulat na namin iyong aming report diyan. So, based doon sa mga nakalap naming mga testimonies and mga documents, aabutin ulit ng mga mahigit isang daang pages na naman iyan pagdating doon sa actual report.
Iyon namang dalawa pa, iyong nabanggit na escalator at saka iyong articulating boom ‘no, parang train ito, ongoing pa iyong aming imbestigasyon diyan. We already started getting documents and then naka-schedule na rin kami ng mag-conduct ng mga formal inquiries. So iyon iyong ginagawa natin diyan.
Like I have said, hindi lang iyan iyong apat na iyan ang pinaimbestigahan ni Administrator Berroya talagang lahat ng mga procurement pinatingnan niya sa amin at unti-unti naming ginagawan ito ng kaukulang fact finding activities.
BENDIJO: Okay. May katanungan din ang ating mga kasamahan sa media, Atty. Cabrera. Mula kay Catherine Valente ng The Manila Times: The LRTA had been investigating iregularidad po sa procurement ng 170.3 million pesos worth of equipment for the LRT-2 since 2019. Bakit po walang naririnig daw ang taumbayan at ano po ang resulta ng imbestigasyon ng LRTA, were charges filed?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Well, iyong sabi ko nga mayroon na kaming isang natapos na report, iyon iyong Diagnostic Tools. In fact as of last week I already received a subpoena coming from Chairman Jimenez ng PACC, nanghihingi na sila ng copy ng report. And this Monday, I will be already providing copy of the report noong nauna naming imbestigasyon tungkol doon sa diagnostic tools.
And then, secondly, sabi ko nga based doon sa utos na ginawa ni Administrator Berroya, hindi lang iyong apat na items ang pinapaimbestigahan niya sa amin, practically iyong office order na nag-create noong aming fact finding committee, ang utos sa amin imbestigahan namin lahat ng procurement na isinasagawa ng PS-DBM. Kasi ang nag-procure ng lahat ito, actually gumamit kami ng… iyong pasilidad o iyong tinatawag natin na services ng Procurement Service ng DBM para sila ang mamili noong ating mga kaukulang equipment at lahat ito ay pinaimbestigahan ni Administrator Berroya.
BENDIJO: Mula pa rin kay Catherine, Attorney: Ano po ang aksiyon na gagawin ng LRTA regarding the PACC findings on this matter. Chairman Dante Jimenez said the commission will share its findings to the special task force headed by the DOJ to further strengthen the case. Will LRTA also coordinate with the Task Force and forward its probe results or evidence to support the filing of charges against those involved in this anomaly?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Yes, Aljo ganito. Iyong report ng PACC apparently wala pa kaming kopya. I have been asking iyong legal department namin, wala pa kaming natatanggap. This coming week, I will be asking other departments kung may natanggap na kami doon sa copy ng binabanggit na ginawa ng PACC.
But iyong coordination, we have been coordinating with PACC, ilang beses na kaming nag-appear, myself ako dalawang na akong nag-appear sa PACC. I have brought a lot of documents sa PACC, I have answered a lot of questions and sabi ko nga this coming Monday, I will be turning over copy of our initial report, full report na ito on one item. And again, we will be fully coordinating with them.
BENDIJO: Opo. Balik po tayo pagbabalik operasyon ng LRT Line 2. Kahit po fully operational na, Attorney, may ilang ongoing repairs pa rin ba na dapat asahan ang mga pasahero at kailan po ito inaasahang matatapos?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Well unang-una diyan, ongoing iyong ating station rehabilitation projects, so ina-upgrade natin iyong physical structures noong ating mga istasyon – pinipinturahan natin iyong mga sirang mga pasilidad, inaayos natin lahat iyan. Ongoing din iyong ating escalator project, iyon nga, iyong papalitan natin na mga escalators and then mayroon din tayong mga gagawin ngayon for the 3 stations na nabanggit natin, mag-i-install na rin tayo noong—iyong cashless na transaction na machine ano.
Kasi during the pandemic, nakapag-install na tayo ng cashless equipment para sa ticket vending natin doon sa Cubao hanggang Recto. So by next week we will be coordinating naman na makapaglagay tayo ng mga cashless na machine or equipment para sa pagbibenta ng ticket naman dito sa tatlong istasyon na ito.
And then ibalita ko na rin siguro na as announced by DOTr, iyong ating extension na dalawa papuntang eastward ng Line 2, ito iyong magiging dalawang istasyon natin, iyong Marikina Station at saka Antipolo Station. Mag-i-start sila mag-operate by April 26, iyon ‘yung target natin so hopefully matuloy ito, tuluy-tuloy na iyong ating trabaho doon. So by April 26 gumagana na po iyong dalawang extension natin.
BENDIJO: So, iyong speed restriction ninyo 30 kilometers per hour pa rin, Attorney?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Yes. Iyong speed restriction natin pagdating noong tren sa Anonas hanggang sa may Santolan, 30 kilometers per hour iyan. So kapag natuloy naman na iyong extension, paglabas noong tren doon sa Santolan Station towards naman sa Marikina Station hanggang sa Antipolo Station, babalik siya sa 60 to 70 na kilometers per hour naman. So doon lang sa portion na iyon na affected iyong takbo, iyong bilis ng takbo noong ating mga tren.
BENDIJO: Assurance na lang Attorney na hindi na po mauulit iyong nangyaring insidente noong October 2019.
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Yes. Isa iyan sa mga tinutukan natin. Kumuha tayo nang mga experts na magagaling tungkol diyan sa power supply equipment natin. At isa sa mga nakita kong pinag-uusapan noong isa sa mga coordination meeting namin is that they will be installing additional mga lighting arresters sa area para maiwasan – kasi ang naging sanhi noong ating aberya noon, lumalabas doon sa technical report is that nagkaroon tayo ng lightning strike – so, ito iyong ia-avoid natin by installing additional lightning arresters.
BENDIJO: May plano ba kayong pag-isahin na lamang po ang contact tracing na gamit din ng MRT para mapabilis, Attorney?
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Well, sa ngayon wala kaming ginagamit na contact tracing but I have attended several coordination meeting at isa sa mga tinitingnan namin is iyong mismong ticketing system itself. Kasi iyong ating ticket ngayon na ginagamit, iyong Beep card, actually puwede siyang irehistro at narirehistro siya. So iyong platform na iyon, puwedeng i-modify iyon in such a way na maka-capture na niya iyong data, iyong personal data noong ating pasahero.
So wala ka nang gagamitin pang ibang system, wala ka nang ibang pi-fill up-an pa, simply register iyong gamit mong card and then automatic na iyon – every time na papasok ka, naka-capture naman noong system iyong data noong card na iyon; sino ka, kasi nirehistro mo, iyong other personal data po and then most importantly iyong labas at pasok mo doon sa Sistema. Ibig sabihin, kapag pumasok ka ng Cubao, sumakay ka ng tren, naka-record doon eh and then kung saan ka lalabas, anong oras naka-record din doon.
So built in na, built in na iyong ating contact tracing doon sa ticket natin. Isa iyon sa mga tinitingnan natin. Of course we are still also coordinating with DOTr kung ano pa iyong puwede nating gawin tungkol sa bagay na ito.
BENDIJO: Opo. Paalala at mensahe na lang, Attorney, sa ating mga kababayan na sasakay po ng LRT 2.
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Again Aljo ‘no, it’s good news na nakapag-resume na tayo doon sa tatlong istasyon kaya lang ang ipapaalala po namin sa ating mga pasahero na tuluy-tuloy pa rin po iyong implementasyon noong ating mga health at saka safety protocol. Unang-una po diyan, dapat may temperature scan po tayo bago pumasok, and then aapak po tayo doon sa foot bath, and then i-spray-an po ng alcohol iyong ating mga kamay, and then dapat naka-face shield, dapat naka-face mask, and then mayroon po tayong social distancing sa loob ng istasyon at saka sa loob ng tren – .75 meters po iyan.
And then habang nasa loob po tayo ng tren bawal po ang kumain, uminom, magsalita o gumamit po ng cellphone. And then mayroon din po tayong marshal sa loob po ng tren. So iyong tren po natin sa Line 2 tagusan po iyon so, puwedeng maglakad po iyong marshal from end-to-end so, nababantayan po niya iyong ating mga pasahero for the proper implementation noong ating mga health protocols.
And then lastly po, every after loop po ng isang tren, bawat isang ikot po ng tren sina-sanitize po natin iyong loob ng tren ano. So mayroon po tayong team na papasukin po iyong tren at habang ito po ay bumubuwelta pabalik doon sa isang direksiyon, kanila namang idi-disinfect iyong ating tren. And then tuluy-tuloy din po ang disinfection noong ating mga station facilities especially ho doon sa mga common touched services like po iyong handrail, iyong ticket vending machine ano.
And then panghuli po, ipinagbawal na rin po namin iyong pagbili ng ticket sa tellers. So ang lahat po ng bentahan ng ticket sa ticket vending machine. And then mayroon rin po tayong mga cashless equipment na puwede silang mag-load ng kanilang mga ticket using cashless system. Kung mayroon silang PayMaya or iba pang mga application na naka-enroll na po doon sa system na iyon, puwede na ho silang mag-load without using cash habang nandoon po sila sa istasyon. So iyon po iyong ating mga paalala sa ating mga pasahero.
BENDIJO: Maraming salamat po, Attorney Hernando Cabrera, LRTA Spokesperson. Ingat po.
LRTA SPOKESPERSON CABRERA: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Clodet Loreto ang pinakahuling balita doon. Clodet…
[NEWS REPORT]
Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.
BENDIJO: Balik po sa ating mga balita: Senator Bong Go naghain ng panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng premium contributions sa PhilHealth. Para sa detalye ng balitang iyan, panoorin natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, January 22, 2021, umabot na 509,887 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 2,178 new COVID-19 cases kahapon. 20 na katao ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 10,136 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy pa rin po ang pagdami ng nakaka-recover na umakyat na sa 467,720 matapos makapagtala ng 250 new recoveries sa kabuuang total ng ating active cases ay 32,031.
BENDIJO: Kinumpirma rin ng Kagawaran ng Kalusugan ang 16 na panibagong kaso ng COVID-19 UK variant sa bansa. Labindalawa riyan ang galing sa Bontoc, Mountain Province kung saan tatlo sa mga pasyente menor de edad; dalawa naman ay mga OFW mula sa bansang Lebanon lulan ng Philippine Airlines flight #PR8661; samantalang ang dalawang huling pasyente ay mula sa La Trinidad, Benguet at Calamba sa Laguna, sumatotal 16 po na mga bagong kaso ng B117 variant. Tatlo sa kanila ay naka-recover na sa sakit. At dahil diyan umapela naman ang chairman ng Senate Committee on Health and Demography na si Senator Bong Go na pag-isipan muli ng IATF ang desisyon nito na payagan ang mga bata na edad sampu pataas na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan.
VTR OF SEN. GO
USEC. IGNACIO: Kaugnay ng balitang iyan, muli nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.
USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Bagung-bagong balita nga po iyong nagpositibo sa COVID variant na 16 na indibidwal. Ano po ang history ng mga pasyenteng ito at nagkaroon sila ng ganitong uri ng SAR-COV 2; may direct contact ba sila sa mga pasahero mula sa Dubai?
USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, Usec. Rocky, pinag-aaralan pa po natin ‘no. The sequencing results were out yesterday and we immediately coordinated with the local government of these different individuals. At tayo po ngayon ay kumakalap ng sapat na impormasyon para makapagbigay sa publiko.
Ang atin lang pong alam dito po sa Bontoc, mayroon pong isang kababayan natin na umuwi last December 13 at siya po ay na-test negative at nakapunta po siya doon sa kaniyang hometown sa Bontoc ng December 14. Nagkaroon po sila ng mga kaunting mga selebrasyon with their family at nagkaroon ng ritual because of their beliefs at dito na po nag-umpisa ang mga sintomas pagkatapos nito. Pero kinakalap pa nga po natin ang mga tamang impormasyon para mai-relay natin sa publiko ng maayos.
USEC. IGNACIO: Usec., kailan daw po naisalang for genome sequencing ang samples nila?
USEC. VERGEIRE: Ang samples ng mga ito ay magkakahalo ‘no. So mayroon po tayong nasalang noong two weeks ago na dalawa at ito iyong mga taga-Lebanon na ang una nilang resulta na lumabas ay hindi lumabas iyong variant, but it was questionable according to our scientist in the Philippine Genome Center. So they decided to re-run it. But the rest, iyong 14 pa ho ay na-run nitong linggo lang na ito, itong last run natin at ito nga po lumabas kahapon ang mga resulta ng ito.
USEC. IGNACIO: So, mayroon po kayong dapat na coordination na sa sinakyang eroplano na nagmula sa Lebanon, Usec?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. We were able to coordinate already last night with the specific agencies to get the manifesto para po makapag-expand tayo ng ating contact tracing.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kasalukuyan nabanggit na nga po ninyo iyong mga measures na ginagawa. So, kumusta po iyong contact tracing dahil mukhang marami-rami na naman to Usec.?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. We were able to mobilize already our regional offices para makahiram muna tayo ng mga tao na puwede nating ilagak ngayong Sabado at Linggo pansamantala para lang po madagdagan an mga tao especially here sa CAR Region natin.
So, we were able to coordinate with the Regions I, II and III and of course iyong CAR Region natin at magdi-deploy po tayo ng around 50 additional contact tracers diyan sa lugar ng Bontoc para maisagawa ngayong Sabado at Linggo ang intensive na contact tracing natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa report nga po ng DOH, iyong sa Calamba City po ay nag-negative na at naka-recover na; pero dito po sa Bontoc, magkakaroon ba daw ng lockdown, Usec., para daw po ma-contain iyong pagkalat ng sakit?
USEC. VERGEIRE: Yes. Actually that is the primary recommendation of our expert dito po sa task force na binuo ng IATF na talagang i-lockdown muna iyong area. But yesterday, when we coordinated with the local government officials, naka-lockdown na pala sila ng mga dalawang linggo na. And ang rekomendasyon na lang natin ay ipagpatuloy pa nila ng additional two weeks so that we can be able to confine the cases doon lang po sa area na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit sa inyong ulat na tatlo nga sa kanila naka-recover na po. Ibig sabihin po ba nito ay nakabalik na sila sa kanilang mga bahay?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. But they are being continuously monitored especially noong nalaman nga itong resultang ito, sila po ay binisita, isa-isa at kinausap at binigyan po sila ng mga payo na kailangan pa rin po ng continues monitoring tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon naman pong nag-negatibo na si Patient Zero for UK variant, ano po iyong susunod na hakbang para naman daw po matiyak na talagang negatibo na siya sa sakit at hindi na makakahawa pa?
USEC. VERGEIRE: Actually, wala po tayong binago sa ating mga protocols, because the mechanisms and the processes ng virus ay hindi naman po nag-iba. Ganoon pa rin po ang mode of transmission, ganoon pa rin po iyong incubation period na ating tinitingnan.
Ang atin lang pong extra safeguard na ginawa dito ay bago po natin Ilabas ang ating index case from Dubai ay kailangang mag-negatibo siya sa kaniyang test at ito naman ay nangyari na negatibo na siya. We are just waiting ‘no, na kailangan ma-x ray po siya ulit, because he was found to have pneumonia. So kailangan maresolba na po ang pulmonya bago po natin siya payagang makauwi. Atin din po siyang binilinan na tayo ay magmu-monitor pa rin sa kaniya regularly hanggang siguro mga isang buwan para lang po makita kung talagang fully recovered siya after this period of time.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po doon sa natitirang dalawang pasahero ng Emirates flight na sinakyan din ng ating Patient Zero. Ayon po sa DOJ, hindi raw po kayo lumapit sa kanila para magpatulong sa NBI sa paghahanap, Usec?
USEC. VERGEIRE: Actually, it was—ako na mismo po, ang kausap ko po ang isa po sa isang executive ng Department of Justice and kagabi nga lang po naisumite ko na sa kaniya iyong mga pangalan nitong dalawang hinahanap pa natin na mga individuals and they have—iyong executive po ay nag-commit naman po that they will be referring this to the National Bureau of Investigation para matulungan tayong mahanap itong dalawang individuals na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., at kung makita man daw po itong dalawang pasahero na ito, balak po ninyo silang kasuhan dahil sa mali o kulang-kulang na impormasyon na sana ay hinihingi ng batas para sa mabilis na contact tracing?
USEC. VERGEIRE: Well, ang objective natin ito, Ma’am, unang-una, kaya natin sila gustong hanapin is to trace them at makita pa rin natin kung sino iyong mga nakasalamuha nila, mabigyan din sila ng payo.
Makikita natin ang sistema natin ay kailangan pa natin talagang ma-improve pa. So kailangan lang i-improve ang system and give initial warning for the succeeding passengers para po dito sa mga kumpletong detalye na ito and sa susunod po magsa-sanction na po talaga tayo.
USEC. IGNACIO: Oo, dapat Usec. Kasi talagang siniseryoso nila iyong mga ibinibigay nilang impormasyon doon sa kailangan ano po. Pero kumusta po iyong mga pasahero ng Philippine Airlines flight na sinakyan ng dalawang positibong OFW mula sa Lebanon. Hihingi na rin ba kayo ng tulong sa NBI para sa mabilis na proseso, Usec?
USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po iyong NBI naman po ay ito po iyong extra measure natin kapag talagang hindi natin mahahanap ang ating mga kababayan. Sa ngayon katulong po natin ang DILG, ang Philippine National Police and of course, si Mayor Magalong, tutulungan niya po tayo para talagang mas mabilis po nating mahanap ang mga indibidwal na mga tao na ito. Pero ngayon, kung sakaling mga isa o dalawang araw na talagang hindi na natin mahagilap ang mga kababayan natin, tayo na po ay magsusumite na ng mga pangalan sa National Bureau of Investigations para makakuha pa tayo ng additional details ng mga pasyenteng ito.
USEC. IGNACIO: Opo, naiulat po na na-detect na sa bansang Germany ang Brazilian variant na COVID-19 makakaya rin po ba nating ma-detect itong mga ganitong uri ng virus sa bansa, Usec?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, katulad ng aming laging ipinapaliwanag, kapag gumawa po tayo ng whole genome sequencing, hindi lang po iyong UK variant ang ating hinahanap. Nakikita rin po diyan ang mga iba’t ibang variant na puwedeng present dito po sa ating bansa. At sa ngayon, wala pa naman po tayong nakikita na talagang cause of concern or may public health implication dito sa mga variants na nakikita natin. Although siyempre tayo po ay nagbibigay paalala sa ating mga kababayan na kahit na wala pa ho iyong ibang klase ng variants dito ipagpatuloy lang ho natin iyong mga health protocols natin.
USEC. IGNACIO: Opo, gagawin daw po ninyo iyong dalawang beses na ang testing para sa mga inbound travelers para daw po makatiyak na hindi kakalat ang virus sa bansa. Ang ikalawang test daw po ay gagawin sa ikalimang araw ng quarantine. Ano po ang medical na paliwanag sa likod nito?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, so ang paliwanag po diyan dahil alam po natin na ang isang tao na kapag siya ay na-expose sa virus ay hindi naman siya agad-agad magsu-show ng symptoms o hindi agad-agad na magpupositibo sa test. So ang appropriate time po para tayo ay makakuha ng positibo, maging accurate ang test is on the 5th to 7th day, kasi diyan po pinakamataas ang load ng virus sa isang tao, whether you will be symptomatic or asymptomatic. Kaya iyong mga dumadating po nating pasahero na mga nagnenegatibo, marami po nababalitaan natin biglang positibo na pagdating sa local government and we want to prevent this and avoid this to happen kaya po naglagay tayo ng ganiyang measure so that we can be more accurate in our testing implementation.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec., dahil po diyan magiging doble rin po ang gastusin para sa test, posible po bang saliva test na rin iyong gamitin sa kanila at ano na po ang estado nito, aprubado na po ba iyong pag-aaral na ginawa ng Red Cross?
USEC. VERGEIRE: Yes, just this week ‘no, nito pong Lunes, tayo po ay Wednesday, nakipagpanayam po tayo with the Philippine Red Cross they presented their results dito po sa ating laboratory experts panel at napagkasunduan naman po, it was agreed by the laboratory experts panel na puwede nang payagan. So, immediately ibinigay po natin ang rekomendasyon na ito sa Secretary of Health at ipinarating sa Philippine Red Cross na puwede ng gamitin ang saliva as alternative specimen. Pero ang kondisyon po ng lab experts sa mga Philippine Red Cross Laboratories muna gagamitin dahil kailangan pa ho nating antayin iyong resulta naman po ng validation test ng RITM para magamit po ng iba nating laboratoryo sa bansa.
USEC. IGNACIO: Opo, samantala ano po iyong magiging posisyon naman ng Department of Health, dito Usec., sa IATF sa paglabas ng mga bata hanggang sampung taong gulang lalo na at tatlo na po sa mga bagong kaso ng UK variant ay mga menor de edad?
USEC. VERGEIRE: Ito naman pong posisyon ng IATF ‘no let me just ano. Noong nag-meeting naman po ay ito po ay para sa ekonomiya. So we would like to balance health and economy, iyan po ang inaano ng ating IATF officials, pero ang atin lang pong safeguards diyan kaya naman po ang DOH ay nagkaroon ng positive recommendation also during that time, was because may safeguard tayo na kailangan magku-comply lahat sa minimum public health standards. Kasi kung magku-comply naman lahat maiiwasan natin na dumami iyong kaso. Pero sa ngayon na lumalabas na itong variant ay nandito, nakaapekto rin sa tatlong kabataan dito sa mga kaso sa ngayon, amin pong iniisip na baka sakali na makapagrekomenda tayo na maaari muna nating hindi ipagpatupad ito pong paglabas ng mga bata, so that we can prevent more infections. But nevertheless, tayo po ay makikinig sa kung anumang desisyon ng IATF na ibibigay sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo, sa panahong nararamdaman pa lang po natin iyong spike of cases nitong holiday season tama po ba ito, masasabi po ba ninyong tama ang timing ng pagluwag na ito sa age restriction o baka lalo pa pong lumobo ang kaso ng COVID-19?
USEC. VERGEIRE: Well, as I have said, kung magdidesisyon man ang IATF na binabalanse natin ang ekonomiya natin at saka ang ating kalusugan. Kailangan nating isipin na ang IATF naman ay may mga safeguards na pinapatupad, katulad nga po ng minimum public health standards.
So as I have said, if only all people will be implementing or complying with the minimum public health standards strictly and then wala pong magkakasakit sa atin. So ito pong ganitong mga trends na nakikita natin na tumataas ang mga kaso and lalo na ngayon may variant and this variant can increase the transmissibility. Ang sabi ko nga po, kung mas maiiwasan po natin ang paglabas and especially that we have expanded the ages, sana po ay mapag-isipan natin ito ng mas mabuti. So iyan po ang pag-uusapan sa susunod na IATF po.
USEC. IGNACIO: Opo, sa ngayon po, Usec., ano po iyong mensahe ninyo sa mga magulang na magdadala ng mga bata sa pampublikong lugar?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, so gusto lang ho namin bigyan ng paalala ang ating mga magulang, ang mga nanay, ang mga tatay, mga ate at kuya, kung sakali po na dadalhin natin ang mga kabataan dito sa mga lugar like sa malls, sa mga iba’t ibang public places alalahanin po natin na kailangan din po natin silang proteksiyunan. So we have to do this minimum health protocols na sinasabi natin, pati po sila and iwasan po ninyo na dalhin ang ating mga kabataan doon sa masyadong maraming tao, kasi diyan po ang tiyansa na magkakahawa-hawaan at magkaroon din ng sakit ang bata. So, kung wala naman ho tayo talagang kailangang ipaglabas o hindi naman kailangang talagang dalhin ang bata sa labas, iwasan na po muna natin ito sa ngayon, dahil nga po nakikita natin na medyo tumataas ang ating mga kaso and the variants have been detected already in some parts of the country.
USEC. IGNACIO: Usec., sa usapin ng bakuna naman po, balak maging katuwang ang mga guro sa vaccination team once na mag-start na ang rollout, kung sakali po ano po ang magiging role nila.
USEC. VERGEIRE: Kailangan po natin ipaintindi sa ating mga kababayan, hindi po natin sinasabi na magtuturok ng bakuna ang ating mga guro. Kung sakali po na hihingin natin ang tulong ng ating mga guro, sila po ay makakasama dito po sa mga sinasabi nating counselors, those who are going to disseminate information, those who are going to explain the information about vaccines to our community. So ito po ang magiging role ng ating mga guro kung sakaling hihingin po natin ang kanilang tulong.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Rosario Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, USec.
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
BENDIJO: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you Usec.
USEC. IGNACIO: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Magsama-sama muli tayo sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)