PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH
HOSTED BY PCOO UNDERSECRETARY ROCKY IGNACIO AND ALJO BENDIJO
February 9, 2021 (11:00 A.M. – 12:00 NN)
USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas.
Ating punuin ang kaalaman at impormasyon ang araw na ito hatid ng mga opisyal ng pamahalaan na atin pong makakausap. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO; magandang umaga sa’yo, Aljo.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Magandang umaga sa ating mga kababayan. Makikibalita rin tayo sa mga pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang inyong lingkod, Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Simulan na natin ang isang oras na talakayan po ngayong araw ng Martes, Pebrero a-nuebe. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa lahat, nanawagan po si Senator Christopher “Bong” Go sa mga traders na isaalang-alang munang muli ang ginagawang pork holiday ngayong ipinatutupad ang price ceiling sa Metro Manila para sa kapakanan ng mga mahihirap na mamimili. Panoorin po natin ito:
[VTR]
ALJO BENDIJO: Namahagi naman ng tulong na pagkain, ng mga bitamina, face masks at face shield si Senator Bong Go at gayun din ang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga residente ng Dimasalang, Masbate na lubos na napinsala ng mga nagdaang kalamidad, ang ilan pa sa kanila ay may espesyal na regalong natanggap mula sa butihing Senador. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Naghatid din ng tulong si Senator Bong Go sa bayan ng Montalban sa Rizal para sa mga residenteng nasalanta naman ng Bagyong Ulysses. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, siya po ang ikasiyam na uupong AFP Chief of Staff sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagpasok niya bilang hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, nanumpa siyang lalabanan ang mga banta sa seguridad sa loob at labas ng bansa. So ano po ang dapat asahan ng taumbayan sa ilalim ng kaniyang liderato? Pag-uusapan po natin iyan kasama mismo ang Chief of Staff ng AFP, Lt. General Cirilito Sobejana. Magandang umaga po, General; and congratulations po sa inyong appointment, General Sobejana!
LT. GENERAL SOBEJANA: Magandang umaga din po, Ma’am Rocky. At maraming salamat po sa inyong pagbati.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama ko po si Aljo Bendijo ngayong araw, General.
General, noong nag-assume po kayo ng post as AFP Chief, sinabi ninyo po na you will professionalize the military. So sa anong aspeto po ito, General?
LT. GENERAL SOBEJANA: Well, professionalism is a very broad term and I wanted to be specific. Gusto ko pong maramdaman talaga ng taumbayan iyong relevance ng ating Armed Forces of the Philippines lalo na’t kami ay mandated to serve the people and secure the land.
So we will stay as is and we have to really do our best effort to make a difference and make things happen. And which such guidance, I emphasized during my first command conference that to be a professional soldier, we should do our job, following the rule of law; we should give due respect to human rights. And being in the profession of arms, we should strictly adhere to the provisions of the international humanitarian law.
USEC. IGNACIO: Opo. General, may kinalaman din po ba ito sa tila kuryente ng intel information na nababanggit kamakailan ng ilang military official sa publiko, General?
LT. GENERAL SOBEJANA: Ma’am, we should learn lessons from our mistakes ano and we need to rectify and be deliberate in all our actions. So kasama na po sa guidance ko, ma’am, na we have to exercise due diligence para lahat ng sinasabi natin na… we are very sure to … with the concrete evidences rather than just making statement. Eh mahirap nang bawiin po, kapag nasabi mo na, nasaktan mo na iyong subject so it’s hard to get back what you have said.
USEC. IGNACIO: Kaya nga po when you assume the post po, mainit po iyong issue General ng red-tagging ano po, sa ilang individual at grupo. So, ano po iyong directives ninyo sa mga officers natin tungkol sa pagpapangalan po sa mga nauugnay ‘di umano, sa New People’s Army?
LT. GENERAL SOBEJANA: Tulad ng sinabi ko po, ma’am kanina, we should be very careful. Ang default is that the public or everybody is our friend then as we do our job. As we do our job in a very deliberate manner, malalaman natin kung sino iyong mga enemies of the state. Then, once they are accurately identified then we have to exert our effort, come up with our strategy, our various projects, activities and programs na ma-win over natin itong mga threat to national security.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam po namin na kauumpisa ninyo lang po, General, pero pinaiimbestigahan ninyo raw po ang naging pahayag ni NTF-ELCAC spokesperson tungkol po sa isang journalist na nagsulat ng artikulo sa kaso ng dalawang Aeta na biktima umano ng Anti-Terror Law. Ayon po kay sir Parlade, communist propagandist ang mga naturang mamamahayag. May resulta na po ba ang imbestigasyong ito?
LT. GENERAL SOBEJANA: Well, nabasa ko lang po over the news na sinabi ni Secretary of National Defense na paiimbestigahan sa akin iyong mga statement ni General Parlade accusing a media practitioner na supporter ng local terrorist group.
Ito naman dapat malinaw sa ating tagapakinig, na si General Parlade ay designated spokesperson ng NTF-ELCAC and at the same time, he is the commander of the Southern Luzon Command. With that statement of our good Secretary ay inatasan ko po iyong aking chief ng provost marshal na makipag-ugnayan sa NTF-ELCAC, particularly iyong strategic communication committee at alamin kung iyon bang sinasabi ni General Parlade sa public ay with the blessing of the said committee.
USEC. IGNACIO: General, follow-up question po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, dahil nga po sa sinabi na rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “might have gone too far in tagging an Inquirer reporter” po. So, ang tanong po niya dito: What indeed do you plan to do with the controversial General who seems to have singlehandedly turn public opinion against the AFP with his statements?
LT. GENERAL SOBEJANA: We wanted to be deliberate, ma’am, we give due process. Kaya ang una ko pong ginawa dahil individual member of the organization ang naging subject for investigation, inatasan ko iyong ating provost marshal who is responsible on that matter, at first thing first na sinabi ko sa kaniya, makipag-ugnayan ka muna sa NTF-ELCAC dahil iyon na nga, General Parlade is the designated spokesperson.
Hindi natin malaman kung itong mga sinasabi ba ni General Parlade ay may blessing ng strategic committee ng naturang task force dahil mahirap naman na may subordinate unit of the task force being an integral part of it, tapos iimbestigahan mo. Kumbaga, it should not be the proper way of doing it.
USEC. IGNACIO: Opo. As the new AFP chief-of-staff, ano po iyong bago daw pong maio-offer na strategy ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para puksain po ang problema o tapusin ang problema ng insurgency sa bansa lalo na po iyong si Pangulong Duterte ay tila wala na po talagang balak makipagkasundo sa CPP-NPA-NDF?
LT. GENERAL SOBEJANA: Unang-una ma’am, we need to accurately identify the enemies of the state. Alam naman natin mayroong New People’s Army, mayroong Abu Sayyaf Group, mayroon tayong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, mayroong Dawlah Islamiya inspired groups, mayroong remnants of the Maute.
So, ang pinakamabigat na challenge is to accurately identify them. Now, once they are accurately identified then we will give them a good fight. Not necessarily combat, because there are a lot of ways of solving problem. So, combat is just one, of course, mayroon tayong operations other than war, na ginagawa din po.
USEC. IGNACIO: General, ano naman daw po iyong take ninyo sa maritime dispute natin specially that China has this new Coast Guard law na maaari pong mag-open fire sa mga foreign vessels sa mga area na kini-claim po nila?
LT. GENERAL SOBEJANA: Well, iyong pronouncement ng China na their Coast Guard can open fire to people intruding into their territory, it’s very alarming po iyan. I should say it’s a very irresponsible statement dahil ang ating mga kababayan ay hindi naman pumunta sa lugar na iyan sa disputed area para makikipaggiyera kung hindi naghahanapbuhay.
So, ang gagawin natin as part of our mandate to secure the people, increase po natin iyong ating visibility through the deployment of more naval asset. But I just want to make clear that our Navy presence there is not to wage war against China but to secure our people.
USEC. IGNACIO: Regarding naman po sa modernization program ng Sandatahang Lakas – isa po ulit kayo sa magtataguyod nito, ano po, sa inyong panunungkulan – so, ano po iyong aasahan ng ating mga kababayan sa pagpapalakas po ng puwersa ng AFP?
LT. GENERAL SOBEJANA: Mayroon pong [inaudible] na accelerate po natin ang ating modernization program. We should be at par with our neighbors. So, we are almost towards 2028, which we envisioned to become a word class Armed Forces that is a source of national pride, I should say that we are now on our 60% in as far as modernization is concerned.
So, mayroon na po tayong mga naka-line up na mga new weapons system, modern equipment, individual equipment of our soldiers, and organizational equipment as well as the enhancement of our various facilities that will really boost the morale of our soldiers. And of course, we capacitate our hospitals para sa ganoon iyong confidence level ng ating mga kasundaluhan, if they are deployed in the frontlines ay mataas.
USEC. IGNACIO: Bilang nasa frontline po ang mga sundalo, so ano po iyong kanilang opinyon, pananaw, perception sa paparating na bakuna? Handa na rin po ba silang ma-inoculate?
LT. GENERAL SOBEJANA: Sa total population po ng Armed Forces, ang mauuna po, iyong 25% lamang dahil siyempre iniintindi din natin iyong ibang sektor ng ating populasyon lalo na iyong mga may edad na, iyong mga kailangan na mga may sakit, iyon ang priority natin.
So, 25% ang unang mabakunahan among our soldiers at ito iyong mga frontliners natin in our fight against COVID-19. Ito iyong mga medical practitioners, mga doctors, nurses, mga med-tech na naka-deploy to help our partners in the civil government in our fight against COVID-19.
USEC. IGNACIO: General, alam naman po natin na paparating na po iyong ating mga bakuna. Ano po ang magiging role ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para dito?
LT. GENERAL SOBEJANA: Considering po na strategically deployed tayo, kami po ay aktibong tutulong sa Department of Health sa pag-rollout ng bakuna at ang ating mga doctors, nurses and even ang mga sasakyan natin both sa lupa, himpapawid at sa dagat, ay gagamitin natin for that purpose.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasi kagabi po si Pangulong Duterte ay nagbabala po sa New People’s Army na huwag pakialaman iyong gagawin po ng gobyerno sa pagdi-deliver po sana nitong mga bakuna na darating sa bansa. So, papaano po ang proseso o mga gagawing kahandaan ng Armed Forces para dito?
LT. GENERAL SOBEJANA: Well, diyan natin makikita po kung talagang they are human because ang gagawin po natin is humanitarian activity tapos i-disrupt nila, so makita ng taumbayan na talagang salot sila ng ating lipunan.
So, ganunpaman, mayroon pa naman tayong 75% of our strength that ensures the security of people who are undertaking vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong lang po si Joseph Morong ng GMA-7 para sa inyo, General: Would you know daw po when we can expect the arrival of the vaccines because President Duterte tasked the AFP and PNP to guard the vaccine?
LT. GENERAL SOBEJANA: Ma’am, honestly hindi ko po alam. I know General Galvez is designated as the Vaccine Czar, mas maganda siguro ma’am sa kaniya na lang natin po itanong at basta nandito kami to support the rollout of that vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. General, ano na lamang daw po ang dapat asahan ng ating mga manunood sa inyong pamumuno sa AFP? Kunin ko po ang inyong mensahe sa maraming Pilipino.
LT. GENERAL SOBEJANA: Ma’am, titiyakin po namin na gagawin namin ang lahat naming kakayanan upang manatili tayong tahimik at mapayapa at maisulong natin iyong kaunlaran in partnership with our local government units, the provincial government, regional up to the national level. So we will let EO 70, the mechanism of convergence work towards that end. So we will walk together so that we will win together and at the same time heal together in as far as our fight against the COVID-19 is concerned.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Lieutenant General Cirilito Sobejana. Stay safe po, General.
LT. GENERAL SOBEJANA: Maraming salamat din po ma’am sa pagkakataon at ganoon din po kayo, stay safe and God bless.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
BENDIJO: At samantala nitong mga nagdaang araw, maraming mga balita ang lumabas tungkol sa bakuna para sa COVID-19. Nandiyan ang pagkakaapruba ng China sa Emergency Use Authorization ng kanilang Sinovac at ang pagpapatigil muna sa paggamit ng AstraZeneca sa South Africa dahil hindi raw ito epektibo sa bagong variant nila roon. Kaugnay diyan ay makakapanayam natin si FDA Director General Eric Domingo para sa mas detalyadong paliwanag sa mga usaping ito. Magandang araw po, Director—o DG Domingo.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Hi. Good morning, Aljo. Magandang umaga po, Usec. Rocky.
BENDIJO: Opo. Unahin natin itong Sinovac, sir. Aprubado na raw ng China ang kanilang bakuna for public use. Ano po ang status ng Sinovac dito sa Pilipinas, DG?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well actually nabalitaan po natin iyan ano at hinihingi nga natin doon sa aplikante natin iyong kopya noong kanilang official conditional approval sa China para po masuri din natin. As of now, today mayroon pa ho silang isa-submit lang ‘no na mga dokumento at saka mga sagot sa katanungan ng ating mga experts. So ongoing ang evaluation natin nitong Sinovac at hopefully matapos na sa lalong madaling panahon.
BENDIJO: So, ito ba’y puwedeng gamitin sa mga nakatatanda nating mga kababayan gaya ng pagpayag na ginawa ng bansang Indonesia dito sa Sinovac?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well sa ngayon po hindi pa natin nakikita iyong recommendations ‘no ng ating mga expert panel. Pero ang nabasa ko karamihan ng mga study sample, iyong kasama sa clinical trial ng Sinovac ay edad na disi-otso hanggang 59 years old, 18 to 59. So tinitingnan pa natin iyong kanilang data tungkol sa safety at saka efficacy nito sa older population at magiging parte iyon ng ating mga recommendation kung sakali.
BENDIJO: Opo. How about itong Sputnik V, Usec., ano po ang estado ng bakunang ito pagdating sa aplikasyon diyan po sa FDA? Sputnik V.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Medyo same din ‘no, medyo kasabay din ito noong Sinovac. Itong ating mga regulators mayroon pang hinihingi na mga dokumento just to prove iyong good manufacturing practice to assure us on the quality of the product at saka iyong stability niya, at saka iyong makakasigurado daw tayo na ‘pag nakarating siya dito eh nasa mabuting lagay ‘no, itong produkto at hopefully maka-comply na rin sila sa madaling panahon.
BENDIJO: Opo. Ipinahihinto naman sa bansang South Africa, mga bansa doon ang rollout ng AstraZeneca, Usec., itong vaccine ‘no, AstraZeneca dahil hindi raw kasi mataas ang efficacy nito sa variant na mayroon sila doon. Ano po ang magiging epekto nito sa EUA na ibinigay ninyo sa AstraZeneca, ng FDA para naman sa paggamit nito sa Pilipinas?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well sa ngayon wala namang epekto ito sa atin dahil iyong variant na South African ay hindi pa naman nakikita dito sa Pilipinas. Kahit naman iyong UK variant ay kakaunting-kakaunti lamang, meaning ang circulating virus dito sa atin is kahawig na kahawig pa rin naman noong original na virus na ginamit para i-develop iyong AstraZeneca vaccine. So at this time nandiyan pa rin naman ang ating EUA, walang pagbabago ito at sumulat din sa atin ang WHO kaninang umaga, sinasabi nga na wala pa rin naman silang nakikitang pagbabago ‘no sa mga indications nitong AstraZeneca vaccine but they will keep everybody updated kung nagbabawas nga ang kaniyang efficacy sa circulating na virus at this time.
BENDIJO: Opo. Inyo pong reaksiyon sa sinabi po ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na may mga pribadong organisasyon o mga grupo na bumibili ng bakuna at pinababayaran pa raw sa kanilang mga empleyado ang presyo po nito at kahit wala pong marketing authorization na inilabas pa ang FDA.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well bawal po iyan ano at huwag po kayong bibili dahil wala pong produkto, wala pa pong bakuna sa buong mundo na mayroong marketing authorization. Ibig sabihin na fully developed na, na maaari nang ibenta sa publiko. In fact napag-usapan namin iyan ni Secretary Duque kagabi kasama nga nitong mga healthworkers natin and he agrees ‘no.
So the DOH and FDA will be coming up with a statement to be very clear ‘no, na ang bakuna po ay maaari lamang ma-access through the government vaccination program. Kung sakali man na ang gobyerno ay mag-designate ng mga LGU o kaya mga private company to be part of the vaccination program, eh nasusunod din po iyon sa alituntunin ng Department of Health. At siyempre po, kasi pinangako naman talaga ni Pangulo ‘no na libre ang bakuna at hindi po babayaran itong mga ito.
BENDIJO: Opo. Libre po ‘no iyong mga awtorisadong bakuna, libreng ipamamahagi po iyan sa ating mga kababayan. Eh papaano po iyong ibang mga kababayan natin na gustong mauna magpabakuna kahit pa hindi tapos mabakunahan iyong mga priority—nasa listahan po ng priority list? Ito ba’y posible, Usec.?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well hindi po ano kasi talagang susundin po talaga iyong priority list ng government. In this case po, kailangan kasi talagang sumunod tayo sa alituntunin po ng pamahalaan kasi limited po talaga ang bakuna at kailangan unahin muna natin iyong healthworkers, iyong mga very vulnerable na maaaring mamatay ‘pag magkasakit pero aabot naman po iyan sa atin lahat.
Ang binibili po nila Secretary Galvez na bakuna ay halos 150 million, enough po iyon sa more than 70% of the population po ng Pilipinas. Ibig sabihin lahat po ng gustong magpabakuna eh talagang mababakunahan po ngayong taon na ito.
BENDIJO: Opo. Balikan ko lang po iyong efficacy o interim analysis, tama ho ba? Eh kung saka-sakali huwag naman po na makapasok sa atin itong mga bagong variants, South Africa o kaya diyan sa Europa. Ito pong mga mayroon nang EUA na mga bakuna sa Pilipinas, effective ba ito, Usec.? AstraZeneca iyong sa South Africa iyon; Sinovac, opo, iyong mga puwede nang available sa atin.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Opo. Sa ngayon po naghihintay pa tayo ng datos nila tungkol sa mga bagong variant dahil siyempre po originally iyong kanilang dinivelop itong mga bakunang ito ang talagang predominant pa is the original variant of the COVID-19. Pero since tuluy-tuloy naman nga po ang development ng mga vaccines, alam natin na itong mga vaccine manufacturers, kaya niri-require po natin sila ‘no na kailangan kumpletuhin ang development kasi minu-monitor nga po nila. At kung kakailanganin, maaari naman po kasing i-revise or i-tweak nang konti iyong mga vaccine para maging responsive din siya doon sa mga newer na variants.
Pero as of this time, ang kanila pong mga pag-aaral so far ay wala naman ‘no. Maaari pong bumaba in the future ang efficacy pero sa ngayon naman po ay magagamit pa ‘to sa karamihan ng infection dito sa atin.
BENDIJO: Opo. Tungkol naman sa usapin ng mga pekeng bakuna. Mayroon ba kayong nahuli na, Usec./DG, na mga nagbibenta nito?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, sa Pilipinas naman po wala pa ano. Nakikipagtulungan tayo ngayon sa PNP, sa Bureau of Customs po at saka sa NBI to make sure nga po na walang makapasok, lalo na ngayon na parating na ang mga totoong bakuna. Kapag dumating po kasi iyong mga genuine or authentic vaccines, ito rin po iyong time na maaaring may sumabay na mga fake na vaccines. So we have to be very, very careful at binabantayan naman po. Ngayon nga po may simulation exercise – ang pagdating ng bakuna mula po sa eroplano, sa airport at makarating sa ating storage facility. Kaya nandiyan nga po iyong babala natin sa mga kababayan natin, huwag po kayong bibili ng bakuna o magpapabakuna ng sa labas po ng vaccination program ng government, dahil lahat po ng authentic o totoong bakuna ay papasok po sa vaccination program ng government. Kapag po iyan ay galing sa labas, maaari po talaga na fake iyan.
BENDIJO: Para naman po sa katanungan ng ilan nating mga kasamahan sa media, narito po si Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga, DG. May tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: You recently warned the public against unapproved COVID-19 vaccines being peddled illegally into the country. And there are reports that some private entities daw po are purchasing COVID-19 vaccines, even if the Food and Drug Administration has not issued any marketing authorization yet for COVID-19 vaccines which indicates the existence of a COVIUD-19 vaccine black market. What is the FDA doing about this?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, talaga pong bawal iyan and we are really working closely with our law enforcement agencies. So, even if the private companies will get access to the vaccines, ito po ay through the NTF lamang ano, through Secretary Galvez and Secretary Duque lamang at ito ay dinu-donate nila o binibigay ng libre sa kanilang mga empleyado. Bawal po ang sale ng bakuna. So far nakakita po tayo ng mga text ng ganiyan, may nag-o-offer for sale, pero wala pa namang actual na bakunang naibenta. Pero iyon nga po, wina-warning na namin, ngayon pa lamang na bawal po ang pagbibenta ng bakuna and we want to urge the public na kapag po mayroon talagang naibenta sa kanila, binayaran nila o binilhan, paki-report po sa FDA. Because this is a violation of the conditions of Emergency Use Authorization.
USEC. IGNACIO: DG, tanong naman po ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN kung may update na po daw sa EUA ng Sinovac, kanina sinabi na po ninyo iyan kanina, ang Gamaleya and Bharat Biotech, may bago ba daw pong nag-a-apply para sa EUA o clinical trial?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: So, si Sinovac at saka si Gamaleya, we are still waiting for some answers to queries by the experts and some documents. Para lang doon sa side ng production saka quality ng product and they are still undergoing evaluation. Si Bharat biotech until now has not submitted any clinical trial phase 3 results, so we have not started evaluating that. Baka ang possible na mag-apply in the next few weeks would be Moderna, they already had asked us questions and we give them information on the process. And siguro po mga susunod natin, iyong Novavax na galing sa Serum Institute of India. Pero so far wala pa po sila parehong submission.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po ni Kristine Sabillo. Can you please clarify daw po the timeline of your self-isolation and when you knew your staff member tested positive for COVID-19. Some viral social media post are saying you were in Boracay over the weekend. Have you returned to Manila?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Baka po hindi ako ang tinatanong ni Kristine, hindi po ako nag-self-isolate, nasa office po ako, nandito po ako sa Maynila.
USEC. IGNACIO: So, malinaw po iyon, Usec., na hindi po kayo iyon, ano po. Mula kay Joseph Morong ng GMA 7: AstraZeneca has been proven ineffective daw po in some countries against new COVID strains, how is that going to affect our vaccine rollout and iyon pong already issued EUA?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: So, it was found to have decreased effect in South Africa because of, sa kanilang strain, the predominant doon. At this time, hindi pa naman nakikita dito iyong strain na iyon, and the predominant strain here is still responsive to the AstraZeneca vaccine, so wala namang pagbabago sa EUA. But, I guess this is where our surveillance of the circulating strains will really come in at babantayan natin. Kasi kung talagang magkaroon ng ganoong pagbabago, then maaaring magbago din tayo ng indication or used ng vaccine.
BENDIJO: All right. Mensahe na lang DG Eric sa ating mga kababayang nanunood at nakikinig ngayon tungkol pa rin sa mga pekeng bakuna at ang paparating po vaccination program?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Opo, alam ko po naiinip na tayo, pero padating na po ang mga bakuna. At ang vaccination program po, government lamang po ang gagawa nito at ang kanilang mga ka-partners. Ang Pangulo po, ipinangako niya na bibili ng bakuna para mabakunahan lahat ng Pilipino na gustong makatanggap nito. And the government is really working hard. So, huwag po tayong, kapag may nag-text sa atin, kapag mayroon sa ating nag-offer huwag po tayong maniniwala, dahil po ang ating mga vaccines are still under Emergency Use Authorization and may only be procured by government and used by government in the vaccination program. Paghandaan na lang po natin, kapag para tinawag na tayo, nabasa na po natin at naintindihan po natin ang bakuna na ibibigay sa atin.
BENDIJO: Maraming salamat, Usec. Eric Domingo. Mabuhay po kayo, mag-ingat, sir.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Good news po sa mga kababayan nating commuters, dahil kung noon po ay nakikita lamang ninyo iyong subway sa ibang bansa, ngayon po ay posible na itong masakyan dito sa Pilipinas dahil sa pinaplanong construction ng Metro Manila Subway sa pangunguna po ng Department of Transportation. At para po pag-usapan iyan, makakasama po natin si DOTr Undersecretary Timothy Batan. Good morning po, Usec.
DOTR USEC. BATAN: Yes, good morning po.
DOTR USEC. IGNACIO: Usec., usap-usapan po last week iyon nga pong pagdating nga ng pinakamalaking bahagi po ng tunnel boring machine na gagamitin po sa paghuhukay para sa Metro Manila Subway. Ang ibig bang sabihin nito ay talagang sigurado na pong masisimulan iyong proyekto this year at kung masisimulan po, kailan po ito?
DOTR USEC. BATAN: Siguradong-sigurado na po na masisimulan itong ating Metro Manila Subway Project, dahil po nandiyan na po ang ating pondo o iyong pera po na kailangan natin galing po sa Japan at tulad nga po ng nasabi ay last week dumating na po iyong una sa 25 po na mga tunnel boring machine na gagamitin po natin para sa subway. Ito pong dumating last week, ito po iyong tinatawag natin na cutter head iyan po iyong pinakamalaking component po ng ating tunnel boring machine. Iyan po ay mayroong bigat na 7 tons out of iyong 700 tons po na tina-tunnel boring machine at iyong iba pong mga parte nito ay parating na po nitong Marso at Abril at ia-assemble po iyan doon sa ating construction site by the third quarter po of this year.
USEC. IGNACIO: Paano po exactly iyong arrangement ng DOTr with Japan sa mga tunnel boring machines na ito? Ito po ba daw ay binili na ng DOTr o kasama po ito sa loan natin sa kanila for this particular project, Usec?
DOTR USEC. BATAN: Ito pong mga tunnel boring machine natin, iyang 25 po na iyan, iyan po ay kasama doon po sa kontrata natin with our Japanese contractors. So bale po iyong pinahiram sa ating pera ng Japan ginamit po natin iyan para kumuha ng mga kontratista na galing din po ng Japan at iyan pong kontratista nating iyan ang bumili po nitong mga tunnel boring machine natin.
USEC. IGNACIO: Usec, ito po iyong sinasabi na most expensive transportation project under the Duterte administration ano po. So puwede po ba nating malaman kung magkano po iyong total loan ng Pilipinas para sa proyektong ito, at paano po iyong payment terms?
DOTR USEC. BATAN: Hindi po ito ang pinakamalaki nating transportation project, mayroon pa po tayong mas malaki. Dito po muna tayo. Ang Metro Manila Subway Project po ay 350 billion po ang project cost natin, 85% po niyan ay ipauutang po sa ating Japan at ang terms po ng ating pautang 40 years to pay, mayroon po tayong 0.1% na interest at mayroon po tayong tinatawag na grace period na 12 years. Ang ibig pong sabihin niyang grace period na iyan hindi po natin uumpisahang bayaran ito pong utang natin 12 years into our loan agreement. So halimbawa po matatapos po ang subway natin ng 2025, iyong principal po ay hindi natin uumpisahang bayaran until 2030. So, ginagamit na po, napapakinabangan na po natin ang Metro Manila Subway Project, hindi pa po natin inuumpisahan bayaran iyong utang.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., nabanggit mo hindi ito iyong most expensive, mayroon po ba tayong pinakamalaki, pinakamahal na proyekto po under DOTr?
DOTR USEC. BATAN: Mayroon pong dalawa, nandiyan po iyong tinatawag nating North-South Commuter Railway Project iyan po ay P777 billion. Iyan po iyong proyekto natin na 147 kilometers mula po Clark International Airport all the way po to Calamba station sa Region IV-A. So iyan po ang pinakamalaki nating proyekto, 147 kilometers, fully elevated, 22 stations, 400 trains, iyan po ay magku-connect ng tatlong rehiyon ng Metro Manila, ang Region III po, ang Central Luzon, nandiyan po ang National Capital Region o ito pong Kamaynilaan natin at nandiyan din po ang ating Region IV-A or ang Calabarzon.
Iyan pong P777 billion project po natin na iyan ay iyan po ay funded na rin po, hindi lang po ng JICA kasama po niya ang Asian Development Bank. So iyan po ang pinakamalaking proyekto ng Asian Development Bank in its history, yan din po sang pinakamalaking proyekto ng Philippine government in history at iyan po ang pinakamahabang commuter rail project ng JICA in history, iyan po iyong tinatawag nating North South Commuter Rail na kinabibilangan po ng PNR Clark Phase 1, Phase 2 at ang PNR Calamba.
USEC. IGNACIO: So, update lang po, ano na po ang update dito sa proyektong ito, Usec?
DOTR USEC. BATAN: Iyong Phase 1 po natin is a full pledge construction na po tayo, iyong unang 38 kilometers from Tutuban to Malolos inaanyayahan po natin kung gusto po ninyong bisitahin iyong ating construction site ay makikita po natin na nandiyan na po iyong mga poste, nandiyan na po iyong mga girders at iyong tren po natin, iyong unang tren para sa Phase 1 will be already delivered po by December of this year.
Iyon pong Clark Phase 2 natin, iyan po iyong 523 kilometers mula Malolos hanggang Clark nai-award po natin ang kontrata noong Oktubre po last year, kasalukuyan pong ongoing tayo sa mobilization and by the middle of this year po ay makikita na rin po natin ang construction niyang Phase 2.
Iyon naman pong Calamba, iyong from Maynila po papuntang Calamba, ongoing po ang procurement natin, iyan po ay maia-award po natin by the middle of this year. So iyan po, total po niyan 147 kilometers, mayroon po tayong 22 local governments, tatlong rehiyon and 35 stations throughout the North South Commuter Rail.
USEC. IGNACIO: Opo. Balikan po natin iyong usapin tungkol sa Subway, Usec. By end of year din daw po mararanasan na iyong partial operation, totoo po ba ito ng Subway na ito and that is more than ten months from now. Gaano po ka-optimistic ang DOTr na partially po mabubuksan ang Subway this year para sa mga commuters?
DOTR USEC. BATAN: Iyan pong partially na mao-operate po natin is iyong major components po noong Subway natin, kinabibilangan po iyan noong East Valenzuela Station, iyong Philippine Railway Institute po natin at pati iyong depot po natin sa Valenzuela. So ang direction po kasi ni Secretary Tugade para po dito sa Subway at sa lahat po ng proyekto natin sa DOTr ay kung mayroon po tayong mauumpisahan o mabubuksan na isang component o isang segment po ng mga proyekto natin ay buksan na po natin para po makita na po at maranasan po noong ating mga commuters iyon atin pong mga bagong proyekto at magtuluy-tuloy po hangga’t matapos ang lahat ng mga proyektong ito.
USEC. IGNACIO: Usec., base sa inyong pag-aaral, gaano kalaki po iyong mababawas ng Subway system na ito sa heavy traffic po sa Metro Manila?
DOTR USEC. BATAN: Malaki po iyong maibabawas, dahil hindi lang po sa Subway, kabilang po iyong—mayroon po kasi tayong 13 na rail projects, hindi lang po sa Kamaynilaan kung hindi pati po sa ibang rehiyon, kasama po ang Mindanao.
Ang isang tren po kasi kung titingnan natin… sa Subway po halimbawa, ang isang tren ng Subway mayroon pong walong bagon. First time po nating makikita iyan dito, ang nakikita lang po kasi natin apat na bagon sa LRT 2, tatlong bagon sa MRT 3, apat na bagon sa LRT 1. For the first time po in the Philippines, magkakaroon po tayo ng walong bagon, ang haba po ng tren na iyan, kasya po diyan ang humigit-kumulang 2,500 po na mga pasahero. At siyempre po iyong ilan diyan sa mga pasahero na iyan, imbes po na gumamit ng sasakyan, imbes po na gumamit po ng bus o ng jeep, mayroon po diyang lipat doon po sa ating mga tren. At iyan po ang tinatawag natin na paglipat mula po sa daan patungo po sa tren, iyan po ang inaasahan natin na makakapag-contribute doon po sa pagluwag noong atin pong road transport.
USEC. IGNACIO: Ito po iyong siguradong matatanong ng marami ano po. Paano daw po masisiguro iyong safety nito, Usec., bukod doon sa – naku, huwag naman po – iyong worst case scenario na lindol o baha. Paano naman po nasiguro m ng DOTr na matibay po iyong foundation noong mga lugar na dadaanan nito lalo pa ang Metro Manila po ay prone to liquefaction?
DOTR USEC. BATAN: Palagi pong sinasabi ni Secretary Tugade na wala po tayong kumpermiso sa kahit anong proyekto pagdating po sa safety at iyan po ay isinagawa natin from the beginning. Noong namimili pa lang po tayo ng ating partner dito po sa Subway project, kinonsidera na po natin iyon experience nila, iyong kakayanan po nila dito po sa Subway at iyan po ang isa sa mga dahilan kung bakit po napili natin ang Japan. Dahil alam naman po natin na ang Japan po ang isa sa pinakamalaking network po ng mga Subway sa kabuuang ng… in the world, sila po iyong isa sa may pinakamalaking network at hindi lang po iyan. Kung titingnan po natin iyong mga kondisyon sa Japan, madalas po silang lindulin, madalas po silang ulanin, nagkakaroon pa nga po silang tsunami, mayroon po silang mga reclaimed areas.
So noong pinag-aralan po natin iyong mga kondisyon sa Japan at iyong kanilang kakayanan, experience, nakita po natin na kapag pinili po natin iyong mga Japanese partners natin, iyong ididisenyo at itatayo po nilang Subway dito sa Kamaynilaan ay kakayanin pong ma-address itong mga tinatawag natin na flooding, earthquake at iba pong mga natural disaster risk na sanay na sanay po sila doon sa Japan.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa impormasyon, Usec. Batan. Mabuhay po kayo.
DOTR USEC. BATAN: Salamat po and good morning to all the listeners.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, narito si Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radio Pilipinas.
BENDIJO: Samantala, kapansin-pansin ang bahagyang pagbaba ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Davao City. Ihatid sa atin ni Julius Pacot ng PTV-Davao ang detalye. Julius.
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region. Pagtataguyod ng katutubong Tingguian ng Abra, tampok sa selebrasyon ng National Arts Month 2021. Ihahatid sa atin iyan ni Alah Sungduan mula po sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.
BENDIJO: Ayon po sa DOH-VII, mahigit 2,000 medical frontliners ang makakatanggap ng bakuna sa COVID-19 sa rehiyon. Ang buong detalye ng balitang iyan, ihahatid sa atin ni John Aroa. John, maayon udto.
[NEWS REPORT]
BENDIJO: Maraming salamat John Aroa, PTV-Cebu. Samantala, umakyat na sa 538,995 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,690 ang bagong naitala base iyan sa inilabas na datos ng Department of Health kahapon. 23 naman ang mga nadagdag na gumaling at 52 ang nasawi. Sa kabuuan 499,772 na ang mga gumaling at 11,231 ang nasawi dahil pa rin sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Kahapon po ay bumaba ng 100 ang reported cases kung ihahambing sa sinundan nitong araw. Ito na po ang ika-walong araw na mas mababa sa 2000 ang kasong naitatala.
Muli namang sumampa sa 5.2% ang active cases. Ito po ay may total count na 27,992. Ang mild at asymptomatic cases ay nasa 93.9%; bumaba naman sa 2.8% ang critical cases; 2.7% ang severe at .63 % ang moderate cases.
Isapuso po natin ang pagsunod sa minimum public health standards. Isuot ng tama ang face mask at face shield. Dumistansiya po ng mahigit isang metro, katulad namin ni Aljo at regular po na maghugas ng kamay. Ang mga ito po ay ang ating mabisang depensa laban sa anumang variant ng COVID-19.
Muli po, ang aming din paalala huwag tangkilikin po ang pekeng bakuna, ganoon din po ang mga pekeng impormasyon patungkol sa COVID-19 vaccine. Kunin po natin ang ating impormasyon mula po sa legitimate media organizations.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns, tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894 26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555.
Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
Maraming salamat po sa ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for Covid-19. Mabuhay po kayo.
Natapos na naman po ang ating balitaan at talakayan. Tumutok po muli kayo bukas dito sa ating programa. Ako si Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.
BENDIJO: Thank you, Usec. At ako naman si Aljo Bendijo
USEC. IGNACIO: At ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. Magandang tanghali po sa inyong lahat.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)