Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayang nakatutok saanmang panig ng mundo. Muli ninyo kaming samahan ngayong umaga para po mag-Explain, Explain, Explain ng mga pinakahuling hakbang ng pamahalaan para sa pagbabakuna kontra COVID-19. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Ako naman si Aljo Bendijo. Ngayon po ay a-diyes sa buwan ng Pebrero 2021, araw ng Miyerkules, ibig sabihin muli nating makakatuwang ang Philippine Information Agency para po sa mapagkakatiwalaang impormasyon lalo na sa mga nangyayaring simulation ngayon sa pagdi-deploy ng mga bakuna kontra COVID-19.

USEC. IGNACIO: Simulan na po natin ang special edition ng Public Briefing #LagingHandaPH at ito po ang COVID-19 Vaccines Explained.

Simulan na natin ang balitaan ngayong umaga. Pansamantala pong pagpapaliban ng implementasyon ng child car seat policy sinuportahan po ni Senator Bong Go. Aniya dapat lang na huwag muna magpatupad ng isang batas na makakadagdag lang sa gastusin ng taumbayan lalo na’t nasa pandemya pa ang bansa. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: At sa naging sunud-sunod na insidente ng sunog simula pa noong nakaraang buwan, maraming pamilya ang nawalan ng tirahan at hanapbuhay. Kaya naman dinayo ng outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan ang Novaliches sa Quezon City, sa Sta. Ana at sa Sampaloc, Maynila, Barangay 69 sa Caloocan, Davao City at Davao Del Norte para po mamahagi ng ayuda. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Patuloy din ang ginagawa ng pamahalaan na pagbibigay ng amnestiya at pangalawang pagkakataon sa mga sumukong rebelde. Kaugnay niyan po ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na magtatatag ng National Amnesty Commission. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: At sa puntong ito’y muli tayong makibalita sa isinasagawang information campaign ng pamahalaan tungkol sa ating National Vaccination Roadmap. Makakausap natin via phone patch ang Director General ng Philippine Information Agency, Usec. Ramon Cualoping III. Maayong buntag, DG Mon.

PIA DIR. GEN. CUALOPING III: Maayong buntag, Aljo. Nandito kami ngayon sa Prosperidad, Agusan Del Sur kaya naka-phone patch muna tayo. Kasama ko ngayon dito sa Agusan si Secretary Martin Andanar at nag-iikot kami sa buong CARAGA Region para i-rollout iyong ating COVID-19 vaccines communications activation natin, Aljo.

BENDIJO: Opo. So ito’y parte po ng pag-iikot ‘no, Explain, Explain, Explain na ginagawa ng PIA, ng pamahalaan para sa information drive ng gobyerno kontra siyempre uunahin natin iyong mga pekeng balita. DG Mon, tuluy-tuloy itong rollout ‘no ng vaccine communication ngayon sa CARAGA Region?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Aljo, yes. Actually, may magandang balita tayo na puwede nating i-share sa ating mga kababayan. Kahapon, Aljo, nag-simulation na tayo noong pag-arrive, nang pagdating ng vaccine. So ginawa natin ito kahapon sa NAIA at sa Mactan-Cebu Airport kahapon. Nag-simulation na tayo pagbaba ng vaccine galing sa eroplano, pagsakay nito sa van at pagdala sa RITM, doon sa Alabang. At sa Mactan-Cebu naman, galing sa airport papunta sa Vicente Sotto Medical Center.

Tapos, Aljo, kanina siyempre sa Davao, ginawa rin natin iyong simulation kaninang umaga. Dumating sa Davao airport iyong eroplano around 8 A.M., tapos dinala natin iyong convoy papuntang Southern Philippine Medical Center. So gusto nating sabihin sa mga kababayan natin, Aljo, na handang-handa na po ang gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Duterte at sa guidance ng ating Committee on Health Chair, si Senator Bong Go, at siyempre ng Vaccine Czar natin, si Secretary Charlie Galvez na simulan ang ating vaccination program sa lalong madaling panahon, Aljo.

ALJO BENDIJO: So iyan po, nagpapasalamat tayo siyempre sa tulong ng bawat isa – ng PCOO dito, ng PIA at ng RTVM – lahat na, mga agencies sa ilalim po ng PCOO.

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Opo, opo. Aljo, nagpapasalamat kami sa PTV, sa inyo at sa Laging Handa dahil malaking tulong ito para ma-convince natin ang ating mga kababayan na magpaturok, magpa-vaccinate dahil ang goal talaga natin lalo na sa communication side ay ma-convince ang 70% ng population natin, Aljo, na magpaturok. Kasi that’s the only way para ma-achieve natin iyong tinatawag nating herd immunity. Kasi kapag hindi tayo umabot ng 70%, hinding-hindi tayo makakabalik sa normal na pamumuhay natin bago nangyari ang COVID-19, Aljo.

So malaking tulong itong programa, itong Laging Handa, si Usec. Rocky, si Sec. Martin at sa inyo, Aljo, malaking tulong ito para malaman ng ating mga kababayan sa mga tagapanood natin at tagapakinig para malaman nila kung ano ba talaga ang good news na dala ng COVID-19 vaccines, Aljo.

ALJO BENDIJO: Unsa ma’y pulso sa atong mga igsoon diha sa Agusan del Sur? Ano ang pulso ng bayan natin diyan sa inyong pagbisita sa Agusan, DG Mon tungkol sa bakuna?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Aljo, before me mag-istorya, before we started speaking to them, mayroon siyempre iyong usual may pagdududa, pag-agam-agam kasi nga may nababasa sila sa Facebook na mga fake news. Ngunit nagawa naman natin ang ating role – nag-Explain, Explain, Explain tayo. Kahapon ay kasama namin si Governor Corvera ng Agusan del Norte, si Mayor Lagnada ng Butuan. Tapos ngayon katabi namin dito si Governor Cane ng Agusan del Sur at si Vice Governor Tortor ng Agusan del Sur. Humingi tayo ng tulong sa kanila at partnership kasama ng kanilang mga liga ng mga barangay, youth leaders, senior citizen na leaders, LGBT, lahat ng sectoral groups nila para tulungan tayo na mag-explain at magkaroon ng acceptance.

So, so far, Aljo, the past three days na naa mi diri sa Caraga, successful ang mission. Unya, we will go to Surigao until Thursday and Friday para ipadayon, ipatuloy natin ang ating pag-convince at pag-Explain, Explain, Explain sa ating mga kababayan kung ano ba talaga ang magandang maidudulot ng COVID-19 vaccine, Aljo.

ALJO BENDIJO: Opo. Anong mga partikular na mga fake news ang kinu-correct ngayon ng PIA, DG Mon, para maintindihan ng ating mga kababayan ang kahalagahan talaga nitong programang pagbabakuna?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: I think, Aljo, ang main concern nila, kasi may mga nababasa sila na marami raw na side effect or nakakamatay daw iyong vaccine. Ito pa, Aljo, may nagsabi pa na nakakabaog. At may nagtanong, Aljo, ito pinakanakakatawa—

ALJO BENDIJO: Ano iyon?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Nakakalbo daw iyong mga tao kapag na-vaccinate. Sabi ko – joke ito ha, joke – sabi ko baka kalbo talaga iyong tatay kaya naging kalbo iyon, hindi iyon dahil sa vaccine. So iyon iyong mga kailangan nating i-correct, may mga urban legend, may mga siyempre haka-haka, nababasa silang mga memes sa Facebook or sa Twitter kaya kinukorek naman natin, kinukorek natin na lahat ng bakuna na ituturok sa ating mga kababayan – sabi nga ni President Duterte – safe and effective vaccines lamang ang ibibigay. Safe and effective na may approval ng ating FDA at ng vaccine panel of experts sa pamumuno po ng Department of Science and Technology, and libre ito para sa lahat.

Kaya hindi rin totoo, kasi may nababasa daw sila, Aljo, sa Facebook na may mga iba raw ay naniningil na, pre-order ng vaccine. Hindi ho totoo iyon dahil ibibigay ho ng gobyerno na libre para sa lahat ng mga mamamayan ang vaccines, Aljo.

ALJO BENDIJO: Oo, kasi kung may mga pekeng balita, may mga pekeng bakuna rin. Nag-warn na rin ang FDA tungkol diyan, DG Mon, na huwag tangkilikin ang mga hindi rehistradong mga bakuna before FDA.

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Yes, yes. Kasi ang dapat, dapat tangkilikin lang natin ay iyong kung ano ang i-administer ng Department of Health, katulong siyempre ang ating mga local government units – iyong mga authorized lang na brand ng Food and Drug Administration natin at ng Department of Health. Kung hindi ho nakalagay doon sa listahan ng Department of Health, huwag na huwag pong magpaturok doon at doon lang tayo sa opisyal natin na ibibigay ng national government sa tulong ng mga local government units, Aljo.

ALJO BENDIJO: So all systems go na po ang rollout na ngayon ay may sunud-sunod ng simulation diyan?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Yes, all systems go na tayo. We are ready. We are prepared. The logistics are there. We have the cold storage facilities. Sa Metro Manila, sa Metro Cebu at sa Metro Davao po ay reding-ready na iyong cold chain natin, even among the different cities. Dito sa Caraga, binanggit sa amin ni Governor Corvera at ni Governor Cane, pareho sila ng Agusan del Norte at ng Agusan del Sur, na handang-handa na rin sila sa pagdating ng mga vaccines.

At ngayong buwang na ito, Aljo, magsisimula na tayo magtuturok. And maybe next week, Aljo, pagbalik ko sa programa, puwede na nating sabihin kung sino iyong unang matuturukan at ano ang mangyayari sa proseso, Aljo.

ALJO BENDIJO: Oo. Ano ba ang mauuna dito, DG Mon, iyong mga maunlad na siyudad diyan – Mindanao muna tayo – Davao ba?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Ang mauuna kasi based sa prioritization program na inilahad ng ating Vaccine Czar na si Secretary Charlie Galvez ay iyong mga areas na mataas iyong kaso, iyong high risk areas. So Metro Manila, Cebu City, Cebu, and then Davao and then Region IV-A. Tapos priority natin at this point ang mga healthcare workers natin at mga frontliners.

ALJO BENDIJO: So iyong mga bakuna ay manggagaling talaga ng Metro Manila iyan or from Davao, idi-distribute sa kanayunan, outside the…?

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Opo, opo. Kasi ang Manila, Cebu and Davao ay may mga international airport, so puwedeng direct iyong arrival doon sa mga airports na iyan, iyong Manila NAIA, Mactan-Cebu Airport, pati sa Davao International Airport puwedeng mag-land doon at idi-distribute iyan sa lahat ng sulok ng Pilipinas through land, sea, air travel po.

ALJO BENDIJO: Okay. Panghuling mensahe na lang, Usec. DG Mon, sa ating mga manunood ngayong mga oras na ito at mga nakikinig din.

PIA DIR. GEN. CUALOPING: Aljo, maraming salamat, again, for the opportunity and for giving us the air time to Explain, Explain, Explain to our kababayan kung ano ba talaga ang magandang maidudulot ng COVID-19 vaccine. At sa mga kababayan natin na nanunood ngayon sa PTV at sa lahat ng mga private media partners natin, sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, kami po ay nagsasabi na better days are coming; the COVID-19 vaccines are coming. The Philippine government is ready. We are prepared and we are here to save lives in order to revive hope, to save our future.

Daghang salamat sa inyong tanan. Daghang salamat, Aljo.

BENDIJO: Daghang salamat, Usec. Ramon Cualoping III ng Philippine Information Agency.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan muna natin ang mga balitang nakalap ng PBS-Radyo Pilipinas mula kay John Mogol. John?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

At para po magbigay naman ng update tungkol sa simulation exercises na ginagawa ng pamahalaan bilang paghahanda sa malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 na magsisimula na ngayong Pebrero, makakausap po natin mula sa Department of Health, si Director Ariel Valencia. Good morning po, Director Valencia.

DIR. VALENCIA: Magandang araw po, Usec. Rocky po at sa ating mga tagapakinig at tagapanood.

USEC. IGNACIO: Go ahead po, sir.

DIR. VALENCIA: Kahapon po nagkaroon po tayo ng simulation exercise kung paano po ang ating bakuna na darating mula po sa ating COVAX Facility ay ating tatanggapin at paano po natin ito ililipat sa ating sa health facilities.

Unang-una po, kasama po natin ang ating Secretary kahapon upang saksihan po ang ginagawa nating simulation.

Para po makita natin ang ating flow chart kung saan po ang ating exercise ay nagsimula na dumating ang eroplano po ng Philippine Airlines galing po sa international flight at doon po nagsimula na buksan ang cargo para po ito ay ibaba po sa ating tarmac; kasabay po niyan ang pagbibigay po ng clearance ng ating Bureau of Customs, kasama po ang iba pang ahensiya ang Department of Health, Food and Drug Administration upang tingnan ang lahat po ng dokumento. At iyan po ay kaagad po na in-unload po sa ating aircraft at isinakay po sa ating refrigerated van na kung saan po diyan ilalagay papunta po ng transportation sa ating RITM, ang ating Research Institute for Tropical Medicine kung saan siya po ang paglalagakan ng ating COVID-19 vaccines. At pagkagaling po doon sa ating RITM, matapos po siyang tignan, ma-inspect po ng ating inspection committee ay siya po ay tatanggapin ng ating RITM para po ilagay sa ultra-low freezer.

So, makikita po natin, napaka-sensitive po ng ating bakunang ito sapagkat ngayon lang po iyong unang pagkakataon na we will be handling a -70 to -80 degrees centigrade na vaccines at kasama po diyan pagkatapos pong mailagak iyan sa ultra-low freezer na lagayan po ng COVID-19 ay doon na rin po ay inihanda ang mga listahan para po sa mga dadalhing vaccine naman sa ating mga receiving facilities.

So mula po sa RITM nagkaroon po tayo ng packing kung paano po ang tamang paglalagay, paghawak ng ating bakuna, kasi kailangan po diyan ay isang dry ice para po ma-maintain po ang temperature at kasama po diyan ang may mga temperature logger tayo. And from RITM po ay idinala po iyan sa ating mga hospitals; tatlong ospital ang dinalhan kahapon, ang PGH, Lung Center of the Philippines at ang Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa may Caloocan. Kasabay din po na dinispatch ang ating bakuna papuntang Cebu at Davao.

Kaya po doon sa total time po ng ating simulation ay makita po natin na mas mabilis po kaysa sa ating inilaan na oras ang atin pong simulation. Mula po sa four hours and 20 minutes na target time ay mga two hours and… almost three hours po ang ating nakonsumo.

Sa susunod pong slide, gusto ko lang pong ipakita, ano po ba iyon klase ng ating packing. Tulad ng binanggit ko kanina, medyo sensitibo po itong bakunang ito at makikita natin sa ating screen, dalawang klase po ang puwedeng gamiting lagayan ng bakuna mula po sa Pfizer, mayroon pong soft box at aero safe.

Makikita po ninyo diyan may sarili po siyang dry ice na lagayan po, ang atin pong bakuna ay nakalagay po sa tray, ang isang tray po niyan ay mayroong 195 vials at iyong isang box po niyan ay may limang tray. So, iyong total vials po na nandiyan sa box na iyan is 975 vials na puwede pong gamitin para sa 4,875 doses. So, ang critical po rito ay iyong ating data logger na makikita po diyan na na-maintain ang temperaturang kailangan po ng ating bakuna.

Kasama po natin dito sa simulation exercise po ang iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan, katulong ang ating mga private sector na nagbigay po ng kanilang panahon at resources upang siguraduhin po na ang atin pong vaccines na dadating po ay mapag-iingatan at makakarating po nang ligtas sa ating mga health facilities.

Kasama po natin, una, ang Department of Health, ang Supply Chain Management Service po, at ang Bureau of Custom na naglagay po sila ng one-stop shop kung saan ang atin pong mga bakuna po magkakaroon po iyan ng early clearance prior to arrival at iyan po ang nakaganda sa ating simulation, sapagkat zero-time po ang iginugol doon sa processing sapagkat nagkaroon po ng prior clearance.

Kasama po natin ang Philippine Airlines na nagbigay po sa atin ng air transport at tumulong po sa loading and unloading ng ating mga bakuna. At mayroon din po tayong third party logistics na kasama ang Pharmaserv and [unclear] kung saan po sila ang nag-provide ng refrigerated van at tumulong po na dalhin ito sa mga facilities natin.

Nandiyan din po ang Food and Drug Administration na tiningnan po ang ating mga storage facilities at mga dokumento po na may kinalaman sa clearance po ng ating vaccine.

But of course, ang Research Institute for Tropical Medicine bilang sila po ang depository ng ating COVID-19 vaccines at nasa kanila po ang ultra-low freezer na akma doon sa kailangan po ng ating bakuna.

At kasama po natin ang PNP at MMDA na nagbigay po ng security sa ating transport ng ating vaccines. Kasama po sila sa nagbigay ng convoy kung saan po nakita natin na naging smooth ang transport ng ating mga bakuna at nagbigay po talaga ng kasiguruhan na ang ating mga bakuna ay makakarating po nang oras sa ating mga health facilities.

Iyan po siguro ang huling slide, Usec. Rocky. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Valencia, since timely deployment po ng bakuna naka-focus iyong simulation exercises kahapon, anu-ano po ang kino-consider ninyo na – huwag naman po sana ano po – maging problema sa pagbiyahe ng bakuna mula po sa NAIA and how are we preparing for this?

DOH DIR. VALENCIA: Napuputol po, Usec., pakiulit lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon po talagang naka-focus tayo doon sa exercise ano po. iyong mula po pagdating ng bakuna sa NAIA at dadalhin doon sa lugar or sa RITM. So, ano po iyong kinukonsidera ninyo o makikita ninyo na pupuwedeng maging problema – na sana naman po wala po – sa pagbiyahe dahil napakahalaga po nito dahil ang alam po natin hindi siya puwedeng basta natatagtag or matatagalan sa biyahe. Papaano po ang ginagawang paghahanda dito ng pamahalaan, Director?

DOH DIR. VALENCIA: Okay, salamat po sa katanungan. Unang-una, kasama po sa ating contingency plan ang ating mga pamamaraan kung papaano po ito iha-handle. Una, mayroon pong special training po ang ating mga cold chain managers, supply officer at ang ating pharmacist para po iyong tamang paghawak at pag-alaga po ng bakuna.

Kasama rin po doon, kahapon ay binigyan-pansin po iyong pagbababa po ng ating vaccines na hangga’t maaari po wala po talagang movement, na masyado kaya diretso na po iyan sa ating freezer van.

Pangatlo po, ang ating pong security group sa pangunguna nga po ng PNP at MMDA, ang magsisiguro po na magiging ligtas hindi po maaabala ang ating mga sasakyan na may dala ng bakuna patungo po sa ating RITM at iba’t-ibang ospital po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kailan naman daw po gagawin iyong simulation exercises sa pagbiyahe ng bakuna? Alam ko po, mayroon tayong nakita na gagawin dito sa Visayas and Mindanao, may mga direkta po bang idi-deliver na bakuna sa mga international airport natin? Kasi kanina ito po ba iyong ginawa dito sa may bahagi ng Davao?

DOH DIR. VALENCIA: Actually, kasabay rin po natin, nagkaroon din ng simulation ang Cebu at Davao. Katunayan, kanina pong madaling araw nagkaroon po ng simulation ang Davao kasi isinabay po ang ating bakuna sa eroplano po papunta ng Davao mula nang bandang ala-singko po ng umaga at iyan po ay nakarating sa ating airport at kung paano po ang ginawa nating sistema sa ating simulation dito sa Metro Manila ay ganoon din po ang ginawa nila.

Sila po, mula sa airport hanggang sa southern Philippines Medical Center kung saan po doon naman inilagak ang bakuna po ng COVID-19 ay umabot po sila nang isang oras at labing anim na minuto. So, tiningnan po natin iyong time in motion para po masiguro natin na the lesser time, with too fast to transfer safely and carefully po ay mailagak agad sa ating mga cold chain facility po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa inaasahan pong pagdating ng bakuna, hopefully by next week ano po, na-settle na po ba natin iyong mga kasunduan sa mga cold storage facilities? Tayo po ba ay may mga kontrata nang napirmahan sa pagpapahiram nila ng kanilang pasilidad?

DOH DIR. VALENCIA: Actually po, ongoing po kasi ang ating procurement ng ating third party provider. Ito pong ginawa nating exercise ay kasama po sa contingency plan na mayroon tayong magagamit po agad kung biglaang dumating po ang bakuna natin sa ating national airport po.

So, ito po ay ating talagang tinitingnan at tinututukan po ng ating Undersecretary for procurement na maibigay po kaagad at mai-award ang ating third party provider para po kapag na-award na po natin, gagawa rin po kami ng the same process upang makita po iyong capacity ng bawat isa po.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Joseph Morong, hindi ko po alam kung alam na ninyo po ito pero mayroon na po ba daw date or kailan daw po ang inaasahang pagdating ng mga bakuna sa bansa?

DOH DIR. VALENCIA: As per information po, iyon pong sa COVAX ang ating hinihintay. Iyon na lamang pong specific date at saka po iyong ginamit nating basehan ng simulation kahapon, iyong sinasabi po natin na 117 [thousand] doses of Pfizer vaccine which is good for around 58,000 na katao po. So, iyan po iyong sa ngayon ang nakikita nating mayroon tayong impormasyon sapagkat iyon pong iba’t-ibang bakuna po ay ongoing pa ho ang negotiation po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, tuloy-tuloy din po iyong simulation exercises na ginagawa ng DOH kasama po ang iba’t-ibang LGUs ano po. So, kumusta po iyong assessment ninyo so far? Ilang LGUs po ang handa nang tumanggap ng bakuna by next week po?

DOH DIR. VALENCIA: Tayo po naman naniniwala po, because of the simulation, may mga nakita po tayong another areas for improvement. Kung saan po gusto nga po ni Sec. Galvez, is precise ang ating actions at specifically po iyon pong handling, proper handling of vaccines po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong si Joseph Morong dito: Papaano daw po iyong proseso ng pagpaparehistro po? Siguro po noong mga magpapabakuna o magpapalista?

DOH DIR. VALENCIA: Okay. Iyon pong proseso po noong ating pagpapalista, ginagawa po iyan sa LGU level na po. Kasama na po sa microplan nila at alam na po ng mga local government units kung saan po iyong itinatakda nilang vaccination center at doon po sila magpapalista po, ang ating mga kababayan, lalung-lalo na po kasi sa local level na po ang immunization?

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po iyong mga vaccination operation centers sa mga LGUs sa Metro Manila, sa Cebu, Davao? Ngayon po ang deadline para i-activate ang mga ito, all set na po ba ito o reding-ready na po ba ang mga ito?

DOH DIR. VALENCIA: Ang assessment po na ibinigay sa atin, feedback ng ating mga region po, dahil unang-una, itong darating po na COVID vaccine po ng Pfizer ang priority pong bigyan ay ang ating mga health workers, iyong mga frontliners kaya po diretso po sa mga hospitals natin.

So, doon po ang bakuna muna, lahat ng frontliners po ng hospital at iyon pong mga susunod na mga darating pong bakuna iyan po naman ay ibabase po natin sa allocation list ng ating programa at kung gaano karami at para saan, ay iyon po ang aming gagawin namang basehan sa ating pagbibigay po nito or distribution sa iba’t-ibang facilities po.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong mga vaccinators, Director Valencia? Kumpleto na po ba iyong ating mga vaccinators sa bawat ospital at LGU para po mag-administer noong mga mauunang darating na bakuna?

DOH DIR. VALENCIA: Opo. Nagkaroon po ng mga micro-planning ang bawat facility, even the hospitals at iyan po ay base naman sa information pong binigay sa atin ng ating Task Group on Vaccination dahil sila po ang in charge on how to implement the actual vaccination doon sa mga identified facilities ng ating mga hospitals and local government unit.

USEC. IGNACIO: Opo. Magkakaroon daw po ng final rehearsal dito sa arrival ng vaccine. Makikilahok po ba ulit ang lahat dito sa simulation na ito?

DOH DIR. VALENCIA: Ay, Usec., medyo naputol po, sorry. Naputol po iyong audio.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na po, Director, ano. Pero ang tanong ko po ay may nagsasabi po na magsasagawa pa rin ng final rehearsal noong arrival ng vaccine. Makikilahok ba lahat dito sa simulation? Bakit po magkakaroon pa ng final? Ano po iyong aspeto na dapat ay mayroong ganito? Mayroon po ba tayong nakikita na posibleng maging problema?

DOH DIR. VALENCIA: Kung nakuha ko po iyong tanong, kung bakit magkakaroon pa uli ng another exercise, tama po ba?

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong final rehearsal daw po.

DOH DIR. VALENCIA: Yeah. Actually, ang gusto kasi po ng atin pong operation center ay masiguro po na seamless ang magiging aksiyon po natin in terms of the actual transport of all the vaccines na darating po. So during the simulation exercise po, nakita po na may mga area pa na mas mapapaganda po natin iyong operation at upang mas maging efficient po iyong ating pagganap sa ating trabaho lalo na po sa paghawak, pag-distribute ng ating mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, last na lang po. Ikinukonsidera din po ba ninyo sa pagdating ng bakuna iyong magiging lagay ng panahon at iyong sitwasyon ng trapiko?

DOH DIR. VALENCIA: Well, kasama po sa contingency planning po lahat iyan eh. Kamukha po kahapon during the exercise, may mga ipinasok pong mga sitwasyon at nakapag-adjust po naman iyong mga different units. So kasama po talaga sa ating simulation iyong backup plan na dapat pong ihanda para po masiguro po natin na ligtas ang ating mga bakuna at hindi maapektuhan po ang deliveries po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Okay. Director, maraming salamat po sa inyong panahon at aantabayanan po namin ulit iyong final simulation exercise na gagawin ng ating pamahalaan. Stay safe po, Director Valencia. Salamat po sa inyong panahon.

DOH DIR. VALENCIA: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, mahigpit na contact tracing isinasagawa sa dalawang bagong kaso ng COVID-19 UK variant sa La Trinidad, Benguet. Si Jorton Campana nakatutok sa balitang iyan. Jorton…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Jorton Campana ng PTV Cordillera.

Department of Health Region XI at lokal na pamahalaan ng Davao City nagsagawa ng simulation exercises sa pag-transport ng vaccine papunta sa Southern Philippines Medical Center. Ihahatid iyan ni Regine Lanuza ng PTV Davao. Regine…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Regine Lanuza ng PTV Davao. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHanda. Samantala, quarantine violators sa Lungsod ng Cebu umabot na sa mahigit 800 individuals simula a-uno ng Pebrero. Ang buong detalye ng balitang iyan, hatid sa atin ni John Aroa ng PTV Cebu. John…

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.

Aarangkada na rin ang clinical trials ng mga pharmaceutical companies sa ating bansa para alamin ang efficacy ng mga bakuna nila kontra COVID-19. May ilang mga nag-aalinlangan na sumali rito dahil sa iba’t-ibang haka-haka.

Kaya narito po ang paliwanag ng Department of Health tungkol sa misconception o sa mga maling paniniwala tungkol sa nangyayaring clinical trials. Panoorin natin.

[AVP]

BENDIJO: Samantala, sa pinakahuling talaan ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng 1,235 ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa na sa pangkalahatan ay umabot na sa 540,227 cases.

Ito na ang naitalang pinakamababang reported cases sa nakalipas na labindalawang araw; 53 naman ang mga gumaling. Samantalang, mas mataas dito ang dagdag na nasawi na nasa 65. Sa kabuuan ay mayroon ng 499,764 recoveries at 11,295 deaths sa buong bansa.

Mula sa 5.2% ng total cases, umakyat muli sa 5.4% ang active cases na may kabuuang bilang na 29,167; 94.1% naman sa mga kasong ito ay mild o ‘di kaya ay asymptomatic; 2.7% ang critical; 2.6% severe at 0.61% naman ang moderate cases.

USEC. IGNACIO: Isapuso po natin ang pagiging BIDA Solusyon sa Covid-19 para matiyak po ang ating kaligtasan, ng ating pamilya at ng ating komunidad. Sumunod po tayo sa minimum public health standards. Isuot ng tama ang face mask at face shield. Sumunod sa wastong physical distancing at palagiang maghugas o di kaya ay mag-sanitize sa ating mga kamay.

Para po sa inyong mga katanungan at concern tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02-89426843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555.

Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyong bisitahin ang covid-19.gov.ph.

Marami pong salamat muli sa pagtutok ninyo sa COVID-19 Vaccines Explained, hatid sa inyo ng PCOO, PTV-4 at PIA.

Muli po ang aming paalala: Mag-face mask at face shield kada lalabas ng bahay; palagiang maghugas ng kamay at matutong mag-physical distancing sa lahat ng pagkakataon.

Sa ngalan po muli ni Sec. Martin Andanar, ako ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Aljo, salamat!

BENDIJO: Thank you, Usec. At maraming salamat din sa ating mga kasamahan sa media sa pagiging katuwang natin sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa ating mga kababayan. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Samahan ninyo kami muli bukas para sa mga karagdagan pang impormasyon tungkol po sa pinakamainit na isyu sa bansa. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)