Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kami muli para sa isa na naman pong oras ng makabuluhang talakayan kasama ang buong puwersa ng PCOO. Ihahatid din namin sa inyo ang mga pinakahuling balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. Tututukan ninyo po ang mga kapaki-pakinabang na mga impormasyon na ibabahagi ng mga panauhin natin mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Chief Media Communications Officers Small Business Corporation, si Ma’am Azel Solano; at Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment.

ALJO BENDIJO: Kung mayroon po kayong mga katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

USEC. IGNACIO: Ang ating unang balita: Sa nalalapit po na pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccine sa bansa, Senator Bong Go nanawagan sa kinauukulan na tiyaking mapuproteksyunan at masusunod ang temperature requirement ng bawat bakuna. Samantala, bukas naman po ang Senador na magpaturok ng COVID-19 vaccines sa harap ng publiko upang mas maraming Pilipino pa ang mahikayat na magpabakuna. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Good news naman po para sa mga MSMEs na nakikinig sa atin ngayon na nagbabalak po na magbukas muli ng kanilang mga negosyo, patuloy pa rin po ang pagtanggap ng DTI ng loan application sa ilalim ng Bayanihan COVID-19 Assistance to Restart Enterprises or CARES program. Para ipaliwanag po ang proseso ng pautang na iyan, makakausap po natin si Ma’am Azel Solano, ang Chief Media Communications Officer ng Small Business Corporation. Good morning, Ma’am Azel.

MS. AZEL SOLANO: Magandang umaga po, Usec. Rocky and Sir Aljo.

USEC. IGNACIO: Opo. More than two billion worth of loan applications po ang inaprubahan ng DTI at SB Corporation para po sa ating mga negosyante. Ilan pong kababayan natin ang katumbas niyan na ating natulungan? Ma’am, Azel?

MS. AZEL SOLANO: Usec., [garbled] hindi ko po narinig ang inyong tanong. Pasensiya na po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sinasabi nga po, may dalawang bilyong piso po na loan applications ang inaprubahan po ng DTI at ng SB Corporation sa ating mga negosyante. So ilang pong kababayan natin iyon pong magiging katumbas na natulungan po ng mga ito?

MS. AZEL SOLANO: Sa ngayon po, ma’am, mga 22,000 na po na business owners iyon, ang katumbas po ng two billion na napautang na natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero para lang po sa mga hindi pa nakakaalam ano, Ma’am Azel, puwede bang umutang po iyong mga magninegosyo pa lang o dapat po ba ay existing na MSME ka na?

MS. AZEL SOLANO: Ang goal po, ma’am, ng Bayanihan CARES is really to save the businesses and to the save the employees. So ang priority pa po natin ngayon ay iyong mga negosyante na mayroon na pong existing businesses at least one year po na existing na po iyong negosyo nila, puwede po silang mag-apply sa Bayanihan CARES.

Pero kung OFW po sila na nakauwi o hindi po nakaalis dahil sa pandemya, puwede po silang mag-apply din para po makasimula sila ng sarili nilang negosyo dito sa bansa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po ba iyong mga qualifications, requirements, application process at ilang araw po ba bago maaprubahan iyong applications sa loan program, ma’am?

MS. AZEL SOLANO: Kailangan lang po iyong mga basic identity document nila: Isang government issued ID, kailangan din po natin ang kanilang e-mail at valid mobile number dahil doon po tayo magku-communicate ng mga updates at ng status ng kanilang application.

Ngayon, aside po doon, kung nakakapagsumite na po sila ng financial statement sa BIR, iyon po iyong hihingiin natin, 2018 or 2019 lang po na financial statements so mayroon na po dapat sila niyang kopya.

Kung hindi po sila nakakapagsumite pa sa BIR, ang alternative po natin ay tatlong pictures at isang video po, one-minute video lang po ng kanilang business, patunay po na existing na po iyong negosyo at existing po iyong lugar kung saan po sila nagninegosyo.

Pangatlo po, kung wala po silang nasa-submit pa sa BIR, hihingian lang po natin sila ng barangay permit or mayor’s permit ng 2019 and 2020. Iyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. So bale hindi naman gaanong kahirap iyong mga requirements ano po kasi kung, uulitin natin, kung wala iyong requirement sa BIR, puwede po iyong sa barangay, Ma’am Azel.

MS. AZEL SOLANO: Tama po kayo, Usec. Rocky. And sinimplify na po talaga natin iyong mga requirements ngayon, kung ano na lang po iyong mayroon na sila before the pandemic, iyon po iyong hinihingi natin dahil siyempre kinu-consider din po natin iyong safety ng mga applicants natin.

And fully online po iyong application process natin so ina-advise po natin parati iyong mga applicants natin na ihanda na po iyong scanned copy or ‘di kaya naman po ay malinaw na litrato ng kanilang mga documents dahil ia-upload na lang po nila ito sa website natin which www.bayanihancares.ph

Sagutin ko lang po iyong kanina na tanong ninyo, Usec. Rocky. Iyong processing time po natin, commitment po natin is ten to fifteen working days po, so mga two to three weeks po basta siguraduhin lang po na tama po ang lahat ng in-encode dahil online po iyong mga pangalan nila at kung anu-ano pa pong ilang details, at kumpleto po iyong mga i-upload na documents.

USEC. IGNACIO: Opo. So hanggang magkano naman daw po iyong puwedeng i-loan ng mga MSMEs?

MS AZEL SOLANO: Ang pinakamaliit po na puwedeng utangin para po doon sa mga negosyante na ang puhunan po ay 50,000 pesos sa negosyo nila – mga sari-sari store po pasok na po iyan – ten thousand pesos po puwede po nilang minimum na mautang hanggang five million pesos po depende po sa kung ano po iyong financial standing nila before ng pandemya. So mayroon naman po tayo diyan computation.

USEC. IGNACIO: Opo. So kahit po ganoon na kaliit o kalaki iyong kanilang malu-loan, ang sinasabi po, kagandahan nito, walang interes na ipinapataw sa umuutang at may kunsiderasyon na ibinibigay sa pagbabayad, tama po ba ito?

MS AZEL SOLANO: Tama po kayo, Usec. Rocky. Wala pong interes ang Bayanihan CARES, wala din po kaming hinihingi na collateral at mayroon po tayong binibigay na grace period hanggang isang taon. Ibig sabihin po noon, hindi pa muna po iisipin ng mga negosyante natin iyong pagbabayad sa utang; magpu-focus po muna sila sa pag-restart po ng kanilang business. And then later on, after a year po, kung isang taon ang pipiliin nila, doon pa lang po sila magsisimulang magbayad.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Azel, sa mga nakalipas ba buwan, ano po iyong naging observation ninyo pagdating doon sa naging recovery ng mga MSMEs sa buong bansa?

MS AZEL SOLANO: Noong kasagsagan po ng pandemic, ma’am, out of 3,000 po na na-interview ng DTI na negosyante, 38% po sa kanila ang nagsara or nag-temporarily close po ng kanilang negosyo. Ngayon, dahil po noong late of last year po nagsisimula na pong magbukas ng iba-ibang sectors natin, five percent na lang po iyong natitirang nagsara. So maganda po iyong nakikita natin na improvement or development sa mga MSMEs.

Kaya lang mayroon pa po tayong … may mga negosyante pa rin po talaga na natatakot dahil nga po siyempre ito ay utang. But parati po namin silang ini-encourage na ito po, mayroong programa ang gobyerno na napakaganda po na financing program na makakatulong sa kanila para mag-bounce back po at makaisip ng mga iba-ibang ideas po para ibalik ang kanilang negosyo at of course, maisalba po ang kanilang mga empleyado.

USEC. IGNACIO: Opo. Base po sa natitira ninyo pang pondo, ilang loan applications ang kaya pa pong i-proseso ng DTI at SB Corporation ngayon pong 2021?

MS AZEL SOLANO: Ang target po kasi namin, ma’am, this year mga 60,000 po – 50 to 60,000 po na MSMEs. Nationwide po kasi mayroon po tayong isang milyon na MSMEs, marami pa po talaga iyong nangangailangan pero with the amount of fund that we have, hopefully po mas marami pang MSMEs ang makapag-apply.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Azel, may tanong tayo mula kay Kyle Atienza po ng Business World: Ano daw po ang posisyon ng Small Business Corporation doon sa proposed 420-billion Bayanihan 3 which sets aside at least 100-billion for establishments in critically impacted industries and P52-billion for subsidy to help small businesses meet their obligation to employees?

MS AZEL SOLANO: Katulad rin naman po ng Bayanihan 2, iyon po iyong isinusunod natin sa Bayanihan CARES (COVID-19 Assistance to Restart Enterprises), talagang dahil po mandato naman po ng Small Business Corporation ang talagang i-prioritize ang MSMEs, tulungan silang mabigyan ng financing program at mga kaakibat na programa katulad ng marketing, capacity building.

So, iyong Bayanihan 3 po na pinu-propose, talagang susuportahan po namin iyan and we look forward po to coming up with different financing programs para mas marami pa tayong matulungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Azel, napansin ninyo ba na medyo dumami iyong mga nag-apply ngayon ng loan lalo na ngayon na sinasabing paparating na iyong bakuna sa bansa?

MS AZEL SOLANO: Totoo po iyan, ma’am. Sa data po namin, mas marami na po talagang mga nag-apply compared po last year pero puwede pa pong mag-apply. Kaya maraming salamat nga po dahil naimbitahan ninyo po ang Small Business Corporation ngayong umaga kasi talagang we are going to have a massive information campaign po dahil marami pa po rin na hindi nakakaalam about Bayanihan CARES kaya iyon nga po. Sana nga po talaga mas marami pa po ang makapag-isip-isip at ma-consider itong unique at talagang makakatulong na programa para po sa negosyo nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Azel, kunin ko na lang po iyong mensahe at iyong pag-encourage mo sa ating mga kababayan partikular po sa mga small businesses sa ating bansa. Go ahead, ma’am Azel!

MS AZEL SOLANO: Okay. Ang parati po naming sinasabi, ngayon po talaga very uncertain po iyong panahon natin. Hindi natin alam ang mangyayari next year o di kaya naman po, in the next few months. But then ang mga MSMEs natin dito sa Pilipinas at anywhere in the world po talaga very creative iyan at makakaisip at makakaisip ng paraan para po makabawi dito sa nangyaring losses at mga problema po na naidulot ng pandemya.

Ito pong Bayanihan CARES, wala pong interest, wala pong collateral at makakapag-avail po kayo ng grace period na hanggang isang taon. Binibigyan po kayo ng opportunity at ng time para po mag-focus sa kung ano po iyong gusto ninyong ideas para makapag-navigate po tayo sa tinatawag na new normal.

Ang Bayanihan CARES po ay online pero kung nahihirapan po kayong maka-access sa internet, puwede po kayong pumunta sa mga negosyo centers ng DTI at sa mga field offices po ng Small Business Corporation at matutulungan po namin kayo sa pag-submit ng inyong loan application.

Inaanyayahan din po namin kayo na i-follow po iyong Facebook page ng Small Business Corporation dahil marami rin po kaming mga information na shini-share doon para po bago po kayo makapag-apply, well informed na po kayo sa mga kailangan ninyo pong ihanda bago mag-submit po ng application.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Ma’am Azel Solano, ang chief media communications officer ng Small Business Corporation. Stay safe, Ma’am.

  1. SOLANO: Maraming salamat po, ma’am Rocky.

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. At sa iba pang mga balita, patuloy po ang pagbangon ng ating mga kababayan sa Lungsod ng Marikina na sinalanta ng Bagyong Ulysses. Kaugnay diyan, mahigit 3,000 po sa kanila ang nakatanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senador Bong Go. Naroon din ang DSWD na namahagi ng financial assistance sa ating mga kababayan. Sa iba pang mga detalye, panoorin natin ang report na ito.

[VTR]

BENDIJO: At Samantala, holiday bukas mga kababayan, dahil po iyan sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ibig sabihin sa mga magigiting nating mga manggagawa na papasok po bukas, mayroon po kayong extra pay ha.

Ang patakaran sa holiday pay at iba pang mga update sa compliance ng ilang kumpanya sa minimum health standards ang atin pong alamin kasama si Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco, Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment (DOLE). Magandang umaga po, ma’am!

DOLE ASEC. CUCUECO: Good morning po Mr. Aljo and si Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood ngayon po ng Laging Handa, PTV-4. Magandang umaga po sa inyong lahat.

BENDIJO: Opo. Asec., isa po sa pinakamainam na paraan para tulungan ang ating ekonomiya mula sa epekto po ng pandemya, iyon pong mahigpit na pagpapatupad ng mga pamantayan katulad po ng DOLE-DTI Joint Memorandum Circular on Workplace Prevention and Control of COVID-19. Sa inyo pong datos, ma’am, eh ilan pong mga pagawaan sa bansa ang nainspeksiyon na po ninyo noong 2020 at ilan rin po sa kanila ang sumunod na, compliant sa nasabing joint circular?

DOLE ASEC. CUCUECO: Ang DOLE naman nationwide nag-inspect na ng more than 70,000 establishments at ang compliance naman natin po sa joint memo circular ay humigit naman sa 90%. So talagang sumusunod naman po ang ating mga kumpanya o establisyimento sa mga sinasabing mga requirements doon sa guidelines kung ano ang mga dapat gawin sa isang lugar ng paggawa para ang mga manggagawa ‘pag pumasok ay maging ligtas at malayo sa panganib ng COVID.

BENDIJO: Opo. Mula po sa mga inspeksiyong isinagawa po ninyo, aling bahagi po ng circular na ito, DOLE-DTI Circular na nahirapang sumunod ang mga factories, mga pagawaan lalo na iyong ito na ay ipinatupad ng pamahalaan?

DOLE ASEC. CUCUECO: Intindihin ho natin kasi karamihan ho ng mga nainspeksiyon ay iyong mga nasa small at saka micro kasi iyan naman ho din talaga ang napakamalaking porsiyento ng mga kumpanya dito sa ating bansa. Ngayon ang mga nahirapang silang sumunod, iyong tinatawag na—iyong programa na sinasabi natin gawin at may mga safety officer, health officer na magpapatupad sa programang ito.

Nandoon din po—alam ninyo naman po iyong health declaration form, malamang ho dahil nga maliliit itong mga kumpanya ay hindi na nila sinusunod na iyong mga empleyado ‘pag papasok ay sumasagot dito sa importanteng mga katanungan kung sila ay nararamdaman, iyong health declaration po. Mayroon din ho doon na hindi na rin nagti-temperature check. So ito iyong mga kadalasan ho naming nakita, pero agad-agad din naman ‘pag na-inspect, sinasabi din ho ng mga inspector ng DOLE na dapat nilang i-comply dahil itong mga pamamaraan na ito ay makakabigay ng mga preventive actions para iyong transmission ng COVID sa lugar ay mahinto.

BENDIJO: Opo. Ano naman po iyong ginagawang hakbang ngayon ng DOLE sa pangunguna ng Bureau of Working Conditions upang matiyak natin o masiguro at atin pong matulungan na makasunod ang mga pagawaan sa itinakdang minimum health standards, Asec.?

DOLE ASEC. CUCUECO: Nandoon pa rin ho, nandoon pa rin iyong inspeksiyon, tuluy-tuloy ho natin iyan at mas lalong paiigtingin para hindi ho maghanap ng—iyong mga—kumbaga i-penalize, kung hindi para makatulong ho.

Iyong mahihirapang mag-comply, sinasabi namin sa mga inspector, gawin natin lahat para mabigyan nang tamang impormasyon at turuan kung papaano din silang puwedeng mag-comply.

So iyong mga sinasabing health declaration form, kasi nandoon na ho iyan, naka bahagi na iyan sa Joint Memo Circular, iyong tinatawag na template. At ngayon nga nandoon na rin iyong tinatawag na contact tracing form at iyong mga ibang pamamaraan pa na contactless para masagot iyong health declaration.

Pangalawa, nandudoon pa rin naman ang DOLE na tumitingin kami ng mga polisiya para lalong makapagbigay kami ng mga guidelines/advisory kung papaano ba talagang mababa ang risk ng COVID. Nasa pipeline na ho namin na maglalabas ng polisiya tungkol sa ventilation. Alam naman po natin na ang bentilasyon, kapag papasok ng malinis na hangin at maglalabas ng mga contaminated air ay talagang magbababa ng risk.

Lalo na sa opisina, sa lugar ng paggawa o kung isipin na natin, in a place na maraming tao, putting in proper ventilation ay talagang magbababa ng risk o iyong panganib. At kung may isang tao doon na—hindi mag-spread ba, kung hindi madadala sa labas at hindi maaapektuhan, at least bring down the risk na hindi maapektuhan iyong mga ibang nasa tabi niyang kapwa manggagawa niya.

So itong ventilation guidelines ay lalabas na rin po kasi pina-finalize na po natin iyan at ito ay talagang importante lalo na sa mga malls, sa restaurant kasi alam naman ho natin enclosed iyong mga karamihan. Sa hotels, ano ang mga ventilation, adequate ventilation na dapat gawin at [garbled] consumer, kami iyong magsasabi sa’yo na, “Uy mukhang may problema ang bentilasyon dito at kung mayroong may sakit, baka magkakaroon ng hawaan.” So tuloy ho itong mga paglalabas ng [garbled] po.

BENDIJO: Hindi naman tayo nagkulang po ng awareness campaign lalo na iyong [garbled] rito, Asec.?

DOLE ASEC. CUCUECO: Yes po. Actually noong lumabas ang joint memo circular, hanggang ngayon ho pinapatuloy ho namin at pinapaigting na namin ang awareness raising. We connect with the employers, with the workers groups and with other stakeholders. Ngayon na maglalabas ho ng bagong polisiya ay mag-aano pa rin ho kami, we will continue to work with all the stakeholders para alam naman po nila itong mga advisory or guidelines, like I said sa ventilation na dapat sundan.

BENDIJO: Opo. May mga recommendations ba kayo, may mga karagdagang pamantayan upang masiguro po na hindi lang kaligtasan ang pinag-uusapan natin dito pati na rin po pangkalahatang kapakanan ng atin pong mga manggagawang Pilipino sa mga pagawaan, Asec.?

DOLE ASEC. CUCUECO: Yes, marami hong mga rekomendasyon po kaming nakalagay doon. Isa lang po ‘to ‘no, iyong ventilation tapos siyempre nandoon pa rin naman iyong mga pagsusunod ng minimum public health standards, nandoon pa rin naman iyong mga awareness din natin for those who are now so willing to be informed about the vaccines. Kasi alam naman po natin na dito na rin [garbled] ang sunod na ano ng ating campaign [garbled]. So maraming na ho ang humihingi ng mga [garbled] at iyan naman din po ay kinu-connect ho namin sa mga experts like sa vaccine, sa health para makakapagbigay nang tunay na kaalaman po.

BENDIJO: Ano po iyong mga maaaring maging kaparusahan sa mga pagawaan na mapapatunayan pong hindi sumusunod sa pagpapatupad ng minimum health standard, Asec.?

DOLE ASEC. CUCUECO: Ang aming joint memo circular naman po ay nakapaloob sa isang mas malaking batas, ito iyong safety and health law na may mga penalties doon. Pero bago po natin pag-usapan ang penalty, gusto pa rin po naming gawin na tutulong po kami sa mga kumpanyang na, kumbaga may violation, na-inspect, hindi nakasunod. Tanungin natin kung bakit hindi sila nakasunod, iyon ba ay kulang sa impormasyon o di kaya hindi nila alam kung paano. So, nandoon po iyong tutulungan din po naming siya, pero kung talagang ayaw sumunod, nandoon na iyong penalty. So, iyong mga penalties, it will range from P20,000 to P100,000 per day depending po kung sa anong klaseng violation po iyan.

BENDIJO: Isa po sa mga regular ninyong ini-inspection, iyon pong pagsunod ng mga employers hinggil sa tamang work conditions ng atin pong mga Filipino workers, katulad ng tamang pagpapasahod, iyong benepisyo, kaligtasan nila, safety and health po. Kaugnay po niyan maaari ba ninyong ipaliwanag, lalo na sa ating mga kababayan, mga manggagawang mga Pilipino lalung-lalo na sa pribadong sektor ang holiday pay. Dapat nilang matanggap kung saka-sakaling sila ay pumasok halimbawa po bukas, eh holiday bukas sa kanilang trabaho, Chinese New Year po bukas na dineklarang special non-working holiday, ASec?

DOLE ASEC. CUCUECO: Oo, ang holiday pay po ay binibigay po iyan sa mga magtatrabaho sa mga araw na holiday. So, it is work that is done during holidays, kaya kapag hindi nagtrabaho doon, di siyempre wala hong bayad. Now, sa special holiday like itong Chinese New Year, so 30% po iyan per hour of the day’s work. So kung eight hours po iyan, 30% of iyong basic pay niya, tapos kung nag-overtime pa. So again it’s still 30% of that excess. And then kung naging ano pa iyan, rest day din po niya, mas madadagdagan po ang premium na tatanggapin niya. So, I think it will be up to 50%. So, all of these should be considered, kasi po ito ay holiday, pero nagtrabaho ang isang manggagawa, may mga premium pay po diyan. Naglabas na po ng advisory ang DOLE tungkol diyan po sa Chinese New Year at sa EDSA, February 25 po.

BENDIJO: ASec., kung sakaling may problema po ang ating mga kababayan sa kanilang mga employers, saan po sila maaaring tumawag o kaya ay dumulog?

DOLE ASEC. CUCUECO: Hindi naman ito lingid sa marami at talagang nakakatanggap kami ng ma complaints, mag-email lang po kayo sa askbwc@gmail.com o di kaya puwede po silang tumawag sa hotline po ng DOLE 3990. So, puwede po silang dumulog doon, puwede po silang mag-email sa amin. Tingnan na lang po ninyo sa aming website, nandoon po iyon. Even of course through the BWC office itself, ang aming telephone number 527-34-78. Pasensiya na po hindi ko name-memorize, 8527-34-78.

BENDIJO: Opo, mensahe na lang po sa taumbayan, ASec. Message po ninyo?

DOLE ASEC. CUCUECO: Alam po ninyo nandito pa ang COVID. At saka maski nabakunahan hindi po kaagad-agad mawawala. Kaya talagang importante po ang ating kaligtasan at ang prevention at proteksiyon. Iyan lang ho ang talagang magagawa po natin, para hindi po tayo magkasakit nitong COVID na alam naman natin na puwede pong maging asymptomatic, puwede pong maging severe. Kaya sumunod pa rin tayo sa minimum public health protocols, iyong mask, iyong shield, iyong frequent disinfection, physical distancing. Hindi po mawawala iyan at maski nabakunahan na po tayo, sumunod pa rin tayo at talagang tinitingnan pa rin naman ng gobyerno ang mga pamamaraan para lalong magawan ng mga pamamaraan at maprotektahan tayong lahat dito sa COVID o maski sa ano pang pandemya.

BENDIJO: Okay, maraming po sa inyong oras, Asec. Maria Teresita Cucueco. Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment. Thank you.

DOLE ASEC. CUCUECO: Thank you din po. Magandang umaga po sa inyong lahat.

BENDIJO: Tunghayan natin ang pinakahuling mga balita naman mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa PBS, Philippine Broadcasting Service, Czarinah?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro, mula sa Philippine Broadcasting Service.

USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera, Eddie?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta.

BENDIJO: Tungo po tayo sa Davao hatid ni Jay Lagang ang pinakahuling balita doon. Jay magandang tanghali, maayong ugto.

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang salamat Jay Lagang.

USEC. IGNACIO: Mahigit walumpung mga residente ng nasunugan sa Tambo, Paranaque City po ang nakatanggap naman ng tulong mula sa tanggapan ni Sen. Go, DSWD, NHA at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Panoorin po natin ito:

[VIDEO CLIP]

USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, February 10, 2021, umabot na po sa 541,560 ang total number of confirmed cases matapos maitala ang 1,345 new COVID-19 cases kahapon. 140 na katao naman po ang bagong mga nasawi, kaya umabot na sa 11,401 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 499,971 matapos po makapagtala kahapon ng 276 new recoveries. Ang total active cases ay 30,188 sa ngayon.

Marami na po ang naghihintay sa pagdating ng Covid-19 vaccines. Nagbibigay kasi ito ng pag-asa sa ating mga kababayan na malampasan ang crisis na dulot ng pandemya. Panoorin po natin sa video na ito kung gaano nga ba kahalaga ang pagbabakuna.

[VIDEO CLIP]

BENDIJO: At kapapasok lang na balita, humihingi ng tulong ngayon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Bureau of Quarantine matapos isang pasyente na positibo sa UK variant ang ‘di umano’y inilipat basta-basta na lang ng kaniyang manpower agency mula sa quarantine hotel sa Maynila patungo sa isang apartment sa Barangay Commonwealth sa Quezon City ng wala man lang abiso sa kanila. Ang pasyente po ay isang OFW na nag-aasikaso ng kaniyang papales palabas ng bansa. Nagpositibo siya noong January 18 at noong a-singko ng Pebrero ay lumabas ang resulta ng kaniyang genome sequencing kung saan nakitaan siya ng B117 variant. Nagsasagawa na ng contact tracing at testing ang QC LGU sa lugar. Inilipat na rin sa home facility ang nasabing pasyente at kaniyang kasama sa apartment.

USEC. IGNACIO: At yan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa ating laban sa Covid-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language access team for Covid-19. Ako po si Aljo Bendijo. Thank you USec.

USEC. IGNACIO: Salamat Aljo. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)