USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang oras ng makabuluhang talakayan kaugnay sa mga ipinatutupad na programa ng pamahalaan ngayong tayo ay nasa new normal ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Biyernes. Good morning, Aljo.
ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. At pag-usapan natin ang puspusang paghahanda ng pamahalaan para sa paparating na bakuna ngayong Linggo. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: At mula po sa PCOO, ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr., at Assistant Secretary Dominique Tutay mula po sa Employment and General Administration Cluster ng DOLE.
ALJO BENDIJO: Kung may mga comment po kayo ay i-post lamang iyan sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
USEC. IGNACIO: Sa ating unang balita: Matapos nga po ang mahaba-habang paghihintay, sa Linggo, ikadalawampu’t walo ng Pebrero ay inaasahang darating na ang unang batch ng Sinovac vaccine sa bansa; Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go personal na sasaksihan ang makasaysayang turnover ceremony ng pinakaunang bakuna kontra-COVID-19 sa bansa. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Mauuna munang mabakunahan ang ating mga sundalo dahil sa uri ng COVID-19 vaccine na unang darating sa bansa. Ang tanong: Handa na ba sila para tanggapin ang Sinovac vaccine kung sakali sa susunod na linggo? Para sagutin iyan, makakausap po natin si AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo. Good morning po, General.
AFP SPOKESPERSON MGEN AREVALO: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky. Sa atin pong mga nakikinig, kay Aljo at sa lahat po ng nanunood po sa atin, magandang umaga.
Handa na po ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Tutok na tutok po dito ang ating AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Cirilito Sobejana upang siguruhin na sa sandali po na mag-rollout na ang pagbabakuna ay handa po ang AFP upang tumugon doon po sa tatlong support roles na kailangan nating gawin:
- Unang-una po, doon sa security;
- Ikalawa, doon po sa medical health practitioners kung kakailanganin, puwede po tayong tumulong;
- At ikatlo po, doon sa tinatawag nating logistical support lalung-lalo na doon po sa paghahatid ng mga bakuna buhat sa mga cold storage facilities patungo doon sa mga designated natin na vaccine sites.
Magkaganoon man, ganoon din po sa Armed Forces of the Philippines, handa na rin po tayo sa ating gagawing pagbabakuna sa ating mga tauhan. Pangunahin po diyan siyempre iyon pong ating mga medical health frontliners sapagka’t sila po ang mai-expose, higit na-exposed, lalung-lalo na po kapag nag-rollout na nga ito dahil bukod pa po doon sa dati na nating ginagawa na pagtulong sa paglaban sa pandemya hatid ng COVID-19 ay tayo po ay mapupunta sa frontlines sa paghahatid ng bakuna doon sa mga komunidad na mangangailangan ng mga bakunang ito.
Dahil po dito, mayroon po tayong 304 AFP medical services personnel na inihanda po natin upang tumulong diyan sa gagawin natin. At nagsasagawa na nga po sila ng mga simulation exercises upang tingnan ang ating… at subukan ang ating kahandaan. Sa katunayan, ang V. Luna Medical Center at ang Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital ay nagsagawa na po ng kani-kanilang mga simulation exercises.
Mayroon po tayong pitumpu’t dalawang vaccination teams at mayroon din po tayong binilang na 47 vaccination sites, iyan po ay sa loob ng mga kampo ng military na mayroon pong treatment facility.
Doon naman po sa mga lugar kung saan wala pong treatment facility ang mga kampo, may koordinasyon po tayong ginagawa sa local government units at sa lokal na Department of Health upang sa ganoon ay doon natin gagawin ang ating pagbabakuna.
Ang target po natin, Usec. Rocky and Aljo, ay makapagbakuna tayo ng isandaang personnel kada isang araw.
At kagaya po nang nasabi ko na doon sa mga nagdaang briefing at mga panayam, binanggit po natin na ayon po sa ating AFP Chief of Staff, kailangan po lahat ng sundalo ay mabakunahan dahil nga po sa mahalagang papel na ating ginampanan, patuloy na gagampanan at gaganapin pa dito sa rollout nga na ito lalo na mai-expose tayo.
Ayaw po natin na tayo mismo na naghahatid ng bakuna na hindi protektado ang makahawa ng virus doon sa mga kababayan natin na gusto nating tulungan kaya kailangan nating ma-vaccinate.
Dahil po sa dapat lahat ay mabakunahan, kung ano po ang inilalaan ng pamahalaan, at pinagpapasalamatan po natin ito at nagpupugay tayo doon sa mga nag-donate ng vaccine para sa ating kasundaluhan sapagka’t para sa amin, tinuturing po namin ito na pagkilala nila sa mahalagang papel na ginagampanan ng inyong mga kawal sa paglaban dito sa pandemya na ito. Kaya po kung ano ang available, at sa ngayon ay Sinovac po iyon, ay lahat po ng available na vaccine ng Sinovac ay gagamitin sa ating mga kawal.
Subalit, kung mayroon po kaming mga kasamahan na hindi po gusto na Sinovac ang ituturok sa kanila na bakuna, which by the way Sinovac is 91% effective ayon po iyan sa Food and Drug Administration, ay puwede pong pumili ng ibang brand ng bakuna ang ating mga sundalo. Sabihin lamang po nila na gusto nila ng ibang brand. Subalit, dahil hindi naman iyong ang laan para sa AFP, na kailangan mabakunahan, kailangan po na sila ang magbabayad ng bakuna na kanilang brand ng bakuna na gustong maiturok sa kanila.
So sa ngayon po, ito ang ating pinaghahandaan lalo na po’t dumating na ang balita na sa darating na araw ng Linggo ay darating na po ang bakuna kaya po lalong nagpupursige ang inyong Armed Forces of the Philippines upang ating handaan hindi lamang po dito sa National Capital Region kung hindi maging sa mga units natin in the field especially iyong ating mga unified command/commanders na nakatuon ngayon ang pansin sa bahaging ito ng ating pagtupad sa ating mahalagang tungkulin, ready na po sila at patuloy na nagmu-monitor upang ma-implement natin ang role ng AFP dito sa rollout ng bakuna, Usec.
USEC. IGNACIO: May tanong po ang ating kasamahan sa media. Mula po kay Joseph Morong ng GMA News: Kailan daw po sisimulan iyong vaccination sa mga sundalo; at iyong lugar po ba puwede ninyo nang banggitin kung saan po ito, iyong inyong mga vaccination sites?
MAJ. GEN. AREVALO: Mayroon na tayong listahan, Usec., we can mention that ano. Dito po sa area ng Northern Luzon Command – sa Cordillera Administrative Region, Regions I, II and III – mayroon po tayong kabuuang anim na mayroong DOH license na at mayroon na pong anim na ina-update ko pa po iyong listahan kung may DOH authorization na.
Dito po sa Kamaynilaan, sa National Capital Region, ang unit po na in charge diyan itong JTF o Joint Task Force National-Capital Region, mayroon po tayong lima na with DOH license na and mayroon pa pong tatlo na kinukunan natin ng authorization.
Sa Southern Luzon Command area, sa Region IV-A, mayroon po tayong lima at mayroon pa tayong tatlo na for DOH authorization.
Sa Region V naman, isa ang with license na at isa ang ating, ina-update ko pa nga po iyong listahan kung may DOH authorization na as of this time as we are conducting the briefing.
Dito naman po sa Western Command, Region IV-B sa Palawan, mayroong isa na may license na at isa ang kinukunan natin ng authorization pa.
Sa Central Command ano po, sa Regions VI, VII and VIII – sa Region VI, mayroon pong isang with DOH license na; sa Region VII, dalawa ang with license, dalawa ang kinukunan natin; sa Region VIII, isa ang kinukunan natin ng authorization.
Samantala sa Western Mindanao Command sa Region VI, tatlo ang with license na at sa BARMM, isa ang with DOH license na at isa ang kinukunan pa natin.
Samantala, sa lugar naman po ng Eastern Mindanao Command sa Region X, isa ang with license na, isa ang kinukunan pa natin.
Region XI isang mayroon at isang kinukunan pa ng authorization.
Sa kabuuan po niyan, ang may lisensiya na po or kumbaga accredited na ng DOH ay umaabot sa bilang na dalawampu’t pito at iyon pong dalawampu ay bina-validate ko pa po, ina-update ko pa po ang listahan kung by this time ay nadagdagan na po o na-authorize na iyong dalawampu na iyon. So handa na po tayo para sa ating gagawing pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: [Off mic] Joseph Morong, ano. Bakit naman daw po hindi puwedeng tumanggi ang sundalo at pilitan po ba daw ito kasi hindi ba daw po kayo nag-aalangan na 50.4% lang ang efficacy rate ng Sinovac?
MAJ. GEN. AREVALO: Maganda pong tanong iyan ano at gusto na po natin itong i-address doon sa ibang quarters na parang ang pinalalabas po ay parang hindi po nagmamalasakit o hindi nagmamahal ang Armed Forces of the Philippines sa aming mga tauhan. Ang AFP leadership po, then and now, are concerned with our personnel.
Kung hindi pa po bakuna ang ating pinag-uusapan, kahit po sa bagay ng training o paghahanda sa isang delikadong misyon na haharapin ng sinumang sundalo, binibigay po natin ang lahat ng training, lahat ng equipment at proteksiyon na kailangan niya upang siguruhin na we care for their welfare – that whenever they go on the field, on the frontline, protektado sila, handa sila at mayroon silang kakayahan upang ipagpatuloy ang misyon at protektahan ang kanilang sarili.
Ganoon din po dito sa vaccine ano po, 91% po ang efficacy nito ayon sa Food and Drug Administration. So kung magkaganoon po, mayroon din po siyang Emergency Use Authorization. So wala pong masama dito sa vaccine na ito kaya po alam natin na sila ay haharap sa mahalagang misyon, hindi po natin puwedeng iwanan iyong misyon na iyon. Ito pong iniatang sa ating mga balikat ay buong puso nating niyayakap at tinatanggap at isusulong natin para makarating sa ating mga kababayan ang mahalagang bakunang ito.
Sa pagtupad po ng misyon na iyan, kailangan protektado ang ating mga tauhan. With 91% efficacy para sa vaccine na ito at may EUA naman po siya, wala naman po tayong nakikitang dahilan kung bakit sila hindi dapat bigyan ng bakuna. Kahalintulad nito, Usec. Rocky, eh para pong iyong mga sundalo natin na binibigyan natin ng protective equipment sa paglaban dahil haharap nga po siya sa isang matinding kalaban. Hindi po natin puwedeng payagan na maging optional kung gusto niyang magsuot o hindi, kung ito po ay bahagi at ito po ang available. Hindi dahil sa siya ay may duda o agam-agam sa force protection equipment ay hindi niya ito isusuot. These are part of our uniform, part of protecting our people.
On the contrary, nagmamalasakit po at minamahal natin ang mga tao natin kaya bago po natin sila idi-deploy, sisiguruhin din po natin, kaya nga may mga simulation exercises tayo, sisiguruhin natin na sila ay trained, sila ay equipped at sila ay may proteksiyon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. General, pero may choice naman daw po ba iyong mga military officers kung anong brand ng vaccines ang gusto nila subalit sila po ang magbabayad ng bakuna ano po. Paano po ba iyong magiging sistema para diyan gayong hindi naman po ipinagbibili ang mga bakuna?
MAJ. GEN. AREVALO: Tama po iyon ano. Just to show that there are some modifications that we—while we’re caring for our people, there’s also modification na iyon nga po, kung gusto nila, puwede po silang magpaturok ng brand na gusto nila – sabi nga natin at cost for them. Kung hindi pa po siya available then by that time hindi naman po natin alam kung by the time is commercially puwede na po siyang bilhin. But as a concept, as a principle – iyon po ang sinasabi natin – if they really want to opt for another brand apart from effective na vaccine na mayroon na tayo na inilaan para sa ating mga sundalo, then they could exercise that option.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero may iba po bang brand ng bakuna iyong naka-line up para sa ating mga sundalo, General?
MAJ. GEN. AREVALO: Ang naka-line up po para sa atin, Usec. Rocky, ay Sinovac. Ang impormasyon po na mayroon tayo buhat doon sa isandaang libo na dinonate [donated] sa Department of National Defense, ang huli pong impormasyon ko, subject to further validation ay 50,000 dito ipagkakaloob sa ating mga sundalo. Doon po sa limandaang libong natitira para sa uniformed personnel, hindi pa po namin alam kung mababahagian tayo.
Magkaganoon man… magkaganoon man Usec. Rocky, Aljo, sinasabi po namin na hindi po kami nakikipag-agawan, hindi po kami nakikipag-unahan sa pagbabakunang ito. Ang amin po, kung ano ang mailaan at maipagkaloob sa amin, tatanggapin po namin sapagkat mahalaga sa amin na protektado ang ating mga kasamahan, handa silang harapin ang mahalagang misyon na kailangan nilang gampanan at ito po ay ipakikita natin sa pamamaraang kagaya nito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang po ni Joseph. Kailan daw po mag-i-start iyong pagbabakuna sa mga sundalo?
MAJ. GEN. AREVALO: Joseph, as soon as available na iyong bakuna sa ating mga sundalo, handa na po tayo. As I’ve been saying, nagkaroon na po tayo ng simulation exercises, mayroon na po tayong listahan na ginagawa kung sino iyong mga magiging priority.
And then by the way ano, Usec. Rocky, kung mayroon sa aming mga kasamahan, although presumably, kasi sabi nga po 91% effective po ito eh lalo na doon sa mga in good physical condition, and presumably ang miyembro ng AFP are in good physical condition. Ngayon kung mayroon po sa amin ang may tinatawag na co-morbidities at kung mayroon po silang mga, ‘ika nga, mga medical reasons for them to be exempted from the policy ay puwede naman po nila itong isama doon po sa ginagawa nating canvass na sabihin na sila po ay mayroong medical health condition or reasons kung bakit hindi sila dapat mabakunahan. At ito po naman ay ating kinu-consolidate at ibibigay natin sa higher headquarters, sa isang awtorisadong unit natin upang tingnan ito para mabigyan po ng konsiderasyon.
Bottom line, Usec. Rocky, our AFP leadership led by Lt. Gen. Cirilito Sobejana cares for our people. We’re sending them the frontline, ready, prepared and protected. Kaya kung anong available, iyon po ang ibibigay sa atin but they may exercise the right to choose the brand if they really would not want this. Kaya po Usec., mayroon po kaming troop information and education, continuing po ito ano, nagpapatuloy po ito upang sa ganoon iyon pong – normal lang naman po iyan – iyong mga agam-agam lalo na kung nababasa lang natin, naririnig sa usap-usapan, kailangan po natin ng mga eksperto na magpapaliwanag niyan. And that is precisely what we’re doing para sa ganoon mawala po iyong agam-agam, ma-educate po ang ating mga kababayan, ang ating mga kasundaluhan at ang atin pong leadership ay nanduroon upang siguruhin na ang kanilang interes, ang kanilang kalusugan ay mapuprotektahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Joseph. Sabay-sabay po ba daw na gagawin iyong pagbabakuna dito sa nabanggit ninyo pong 27 na sites?
MAJ. GEN. AREVALO: Ongoing iyong [garbled] kung kaya natin ng—magagawa natin nang sabay-sabay then we will do it ano. Ang lagi po nating binabanggit, hindi lang po pagbabakuna sa aming mga kasamahan ang aming pinaghahandaan. Kasama na po diyan iyong tatlong support roles na binanggit ko sa inyo kanina na mandato pa rin po ng inyong Armed Forces. So both duties taken together, we will calibrate our actions lalung-lalo na po iyong tanong kung sabay-sabay po ba ang gagawing pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Leila Salaverria ng Inquirer: Kung hindi daw po kasama ang sundalo o AFP sa 10,000 Sinopharm ng PSG?
MAJ. GEN. AREVALO: Wala po akong impormasyon na mayroon pong iba pa na mababakunahan or nabakunahan ng Sinopharm aside from the members of the Presidential Security Group, kung iyon po ang itinurok sa kanila. And for the nth time, atin pong bibigyan-diin na ang pagbabakuna po ng members ng PSG ay hindi pakikipag-unahan, panlalamang sa kanino man.
Iyon po ay isang kabayanihan po actually na tutuusin sapagkat ginawa po nila iyon bilang pagsulong ng kanilang mahalagang misyon na protektahan ang Pangulo ng bansa at Commander-in-Chief at protektahan sa lahat ng uri ng kalaban at maging sa kanila mismo na maaaring nahawaan ng SARS-COV 2 virus at maaaring maihawa nila sa ating Pangulo at Commander-in-Chief.
Kaya po ang ginawa nila is in compliance or in furtherance, in pursuit to their delicate mission to protect the President of the Republic and the Commander-in-Chief against all threats – physical, medical and any kinds of threats.
USEC. IGNACIO: General, kasama po ba sa listahan ng mababakunahan iyong mga reservist, kasi may mga personalidad po na miyembro niyan?
MAJ. GEN. AREVALO: Kung sila po ay kasama sa ating mga frontliners, kasama po sila sa mababakunahan.
USEC. IGNACIO: Clarification daw po ulit, sabi ni Joseph: Ilan daw po ang mababakunahan ngayon sa pagdating ng Sinovac sa mga sundalo natin?
MAJ. GEN. AREVALO: Hindi pa po ako makapagbigay ng bilang ano. Kasi kapag binigay ko na po iyong bilang parang kinukotahan na po natin ano, kinukotahan na natin ang pamahalaan na ganito ang ibigay ninyo sa amin.
As we were saying, kung magkakaroon po kami ng naunang estimate, sinabi po natin na iyon pong mga frontliners lang po muna natin. Pero kung ilan po ang maipagkaloob sa atin, gagamitin po natin iyon judiciously and we are going to make sure na hindi po masasayang kada patak ng bakunang ito para sa ating mga kawal.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo.
BENDIJO: Sa iba pang mga balita: Walang tulog ang serbisyo dahil walang tigil ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan at tanggapan ni Senator Bong Go para sa ating mga kababayan na biktima ng kalamidad matapos lamunin ng apoy ang Parola Compound sa Tondo, Manila itong madaling araw ng Linggo. Nitong Miyerkules personal na bumisita at namahagi si Senator Go ng ayuda sa mahigit 300 pamilyang nasunugan. Naroon din ang DSWD, Department of Agriculture, DOLE at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na handang umalalay sa ating mga kababayan. Narito ang ulat:
[VTR]
BENDIJO: Isa ba kayo sa mga nais mag-travel pero nagdadalawang-isip dahil sa dami po ng mga requirements na kinakailangan, alamin natin ang balakin diyan ng Department of Tourism kasama si DOT Undersecretary Benito Bengzon Jr. Magandang araw po, Usec.
DOT USEC. BENGZON: Magandang araw, Aljo and Usec. Rocky. Good morning po.
BENDIJO: Isang dahilan kung bakit maraming mga lokal na turista ang nagdadalawang-isip na bumiyahe ngayon, domestic travel, ito pong guidelines na pinatutupad ng mga local government units, Usec., dahil bawat destination ay paiba-iba raw ang hinihingi. Nagkaroon na po ba kayo ng meeting with IATF at local governments tungkol dito? Posibleng maisa na lang, mai-unify ang mga requirements, Usec?
DOT USEC. BENGZON: Well, ito po iyong instruction ni Secretary Berna Romulo-Puyat ‘no, na gawing mas simple itong mga requirements.
Katatapos lamang po ng aming study, ang tawag ito iyong “evolving landscape on domestic travel” kung saan nag-survey kami ng mahigit 7,000 mga respondents at isa doon sa mga tinanong namin sa mga respondents: Ano ba iyong nakikita ninyong inconvenience sa pagbibiyahe? At siguro hindi na rin kataka-taka sa ngayon na ang number one na dahilan na binanggit nila is iyong iba-ibang protocols requirements ng mga LGUs; 81% po ng mga respondents ang nagsabi ito iyong pinaka-inconvenient.
So ito po ay pinag-uusapan na namin with the partners from the private sector, iyong mga hotels, resorts, travel agents, tour operators pati iyong mga airlines. At natutuwa naman kami dahil noong isang araw, ipinahayag na ng DILG that they will support the efforts to simplify the requirements for moving around the different destinations. Sa tingin namin malaki ang maitutulong nito sa pag-engganyo ng ating mga kababayan na umikot doon sa mga destinations na nagbukas nitong nakaraang ilang buwan.
So, tinututukan po namin ito, itong isyu ng differences or the different LGU protocols at tinitingnan din namin, may dalawa pang factors na binanggit sa survey. Iyong pangalawa kasi iyong cost of testing, 68% noong respondents ang sabi nila is malaking isyu sa kanila itong cost of testing. Kaya nga ang ginawa ng Department of Tourism, nakipag-ugnayan kami sa Philippine General Hospital kung saan sina-subsidize namin 50% noong cost ng RT-PCR. So lumalabas po na 900 pesos na lang iyong cost ng testing. Mayroon din kaming partnership with Philippine Children Medical Center, 50% din po ang subsidy kung sana lumalabas 750 na lamang iyong cost ng testing.
So, ito po iyong mga hakbang na ginagawa namin para maengganyo itong ating mga kababayan na umiikot at suportahan ang aming domestic tourism efforts.
BENDIJO: May time frame kayo diyan, Usec., kung kailan maipatutupad iyan?
DOT USEC. BENGZON: Nag-umpisa na po itong subsidy ‘no. Siguro ang beneficiaries namin with the partnership with the PGH siguro mahigit 12,000 na eh ano. Doon sa partnership namin sa Philippine Children Medical Center, ganoon din kadami from 11,000 to 12,000. So, siguro doon sa mga bibiyahe doon sa mga domestic tourism destinations, pumunta po kayo sa PGH or sa PCMC para makapag-avail kayo nitong 50% subsidy.
BENDIJO: Sang-ayon ba kayo sa ginawa ng Cebu naman na inalis na ang swab test para sa mga turista? At posible rin po bang ito ay i-recommend ng Tourism Department sa iba pang mga tourist spot sa bansa?
DOT USEC. BENGZON: Well, ito pong desisyon ng Cebu, nirirespeto po namin iyan kasi this is—ang pakay naman namin sa Department of Tourism is iyong slow but sure restart of tourism in the different destinations. So ang mahalaga dito, kailangan kasi sundin natin iyong protocols in all the critical touch point – bago ka umalis, bago ka sumakay ng eroplano, pagdating doon sa mga destinations. So, ito pong pag-alis ng swab test, of course, this is the decision of the local government unit. On the part of the DOT, ang tinitingnan lang naman namin diyan is ay kailangan lang na safe hindi lamang itong turista, but more importantly iyong mga tourism frontliners at saka po iyong host communities.
ALJO BENDIJO: Opo. USec., may tanong dito si Naomi Tiburcio ng PTV: Ngayong araw ay inaasahang pag-uusapan ng IATF ang pagkakaroon ng common and unified travel requirements, ano po ang inyong masasabi – ang Department of Tourism – sa mga suhestiyon na ito ng DILG at papaano makakabenepisyo sa turismo ang panukalang ito?
DOT USEC. BENGZON: Well, suportado po namin itong hakbang ng DILG na i-streamline at i-simplify itong protocols at saka requirements dahil nakikita nga natin that ito iyong pinakamalaking issue ‘no, pinakamalaking inconvenience na nababanggit, hindi lamang ng mga turista pero iyong mga ka-partners namin from the different tourism companies.
So, ang nakikita natin is kapag inaprubahan ito, naging uniform or naging standard iyong protocols natin, talagang dadami ang mga Pilipino na iikot. Kasi doon din sa survey na ginawa naming, ang maganda dito eh karamihan sa mga Filipino ‘no, great majority they’re okay with complying with ano eh, iyong pagsuot ng face mask, ng face shield, okay sila sa contact tracing, okay sila doon sa pag-fill-up ng health declaration.
So, ito iyong cooperation na maganda. Nakikita natin doon sa mga travelers, so siguro ang hinihintay na lang natin is iyong pag-standardize ng mga travel requirements.
ALJO BENDIJO: Nag-file kayo ng kaso sa mga nameke ng kanilang mga swab test para makapasok sa Boracay, tama ba, Usec.? Gaano po karami ang natatanggap ninyong ulat kaugnay sa pamimeke ng swab test result at ang puwedeng kakaharapin nilang mga kaso rito?
DOT USEC. BENGZON: Tama po iyan. Mayroon kaming nahuli, doon sa pakikipag-ugnayan namin with the local government, mayroon kaming nahuling anim doon sa Boracay na nameke ng kanilang test results ‘no. Doon naman sa El Nido, mayroon kaming nahuling dalawang turista na ganoon din ‘no, na nag-falsify noong kanilang test results.
And kasama ito doon sa mga prohibited acts ‘no, iyong tampering of records related to iyong mga health concerns. So, siguro ang pakiusap lang namin doon sa mga bibiyahe, huwag na ho kayong mameke kung ang concern ninyo is iyong cost ng RT-PCR, nandiyan po ang PGH, nandiyan po ang PCMC. Napakababa na po iyong cost noong testing.
At hindi rin po kayo makakalusot dahil marami pong paraan para malaman kung napeke itong mga test results ninyo eh. So, again, pakiusap namin mag-cooperate po tayo, dumaan tayo sa proseso at sundin natin iyong mga requirements.
ALJO BENDIJO: Follow-up po. Mabilis naman ba ang ginagawa ninyong pag-verify sa mga RT-PCR result upang makatiyak pong hindi kakalat doon sa tourism destination iyong COVID-19?
DOT USEC. BENGZON: Ito po iyong kagandahan QR code at saka doon sa health declaration at saka iyong contact tracing dahil pagpasok mo doon sa tourism destination na iyan mayroon ka ng QR code and in all the establishments that you will go to, kailangan mong i-ano iyan, parang ii-scan mo iyan eh, so, in other words alam natin iyong movements ng turista while in the tourist destination.
Siyempre, iyong isang very important requirement natin diyan para payagang makapasok iyong turista kailangan mag-check-in siya doon sa DOT accredited establishments. So, this is also one way of monitoring the movement of our tourist. At kami nagpapasalamat doon sa mga partner-LGUs namin dahil maganda po ang monitoring at saka tracking natin ng mga turista doon sa mga destinations na nagbukas na.
ALJO BENDIJO: Inirirekomenda rin ng Tourism Department ang pagbubukas ng Intramuros sa taumbayan without age limit para magkaroon ng isang araw na family day. Papaano natin masisiguro, Usec., ang kaligtasan ng mga pamilyang tutungo roon?
DOT USEC. BENGZON: Well, ito po ang isa sa mga isinusulong natin, na bigyan ng pagkakataon itong mga pamilya na makapasyal sa Intramuros without any age restrictions. Ito pong konsepto na family day at saka pag-aalis ng age restrictions ginagawa na rin ito sa ibang bansa eh. So, ang gusto lang natin, magkaroon ng opportunity dahil itong leisure or travel ay ano eh, lumalabas nga doon sa survey rin namin na it’s one way of keeping people’s sanity.
Doon naman sa tanong kung papaano natin masisiguro iyong kaligtasan, karamihan naman dito sa mga pamilya na ito ay manggagaling sa isang household, in other words, magkakasama sila itong mga nakaraang ilang buwan at basta huwag lang silang lalayo kasama pa rin nila iyong pamilya nila, masisiguro natin ang health and safety.
ALJO BENDIJO: Update naman tayo tungkol sa travel bubble arrangements sa ilang domestic destinations, Usec.? Any update?
DOT USEC. BENGZON: Well, marami na po tayong mga destinations na binuksan ano, over the last several months. Si Secretary Puyat has been very busy inspecting all these destinations. Iyong mga nagbukas siyempre, Boracay, Bohol, Baguio, Ilocos Norte, Ilocos Sur ‘no.
At ang konsepto dito basically, ito iyong mga tourism bubble, mayroon kang movement na iko-contain mo at pagdating doon sa lugar, sa destinations, iyong iikutan mo is mga establishments na mayroong mga health and safety protocols ‘no. Nakatitiyak tayo na ligtas iyong ating mga kababayan.
Siguro pagdating ng tamang panahon kapag inalis na nila iyong mga restrictions on international travel, maaaring i-explore na rin natin iyong possibility na mga tourism bubbles with neighboring countries.
ALJO BENDIJO: Unti-unti naman nang binubuksan ang ating ekonomiya, sa tingin ninyo ba na panahon na para tuluyang buksan na rin ang mga tourist spots sa Pilipinas sa mga dayuhan na siyang malaking kontribusyon sa industriyang ito, Usec.?
DOT USEC. BENGZON: Well, ang desisyon na iyan ipapaubaya natin sa IATF. Ang role naman ng Department of Tourism is siguraduhin na iyong mga health and safety protocols in the different subsectors of tourism are in place. Kami, ginagawa namin itong mga safety protocols sa accommodation establishments, sa tourist land transport, sa mga restaurants, sa mga tourist attractions.
So, dadating din tayo sa panahon na iyan. But in the meantime, ang focus natin is domestic tourism. Babanggitin ko na rin ito, Aljo, na iyong revenue natin actually sa domestic tourism umabot nang mahigit ano eh – at least noong 2019 mahigit P3-trillion. So, may kumpiyansa kami na talagang makakatulong ito sa pag-accelerate ng recovery ng ating industriya.
ALJO BENDIJO: Opo. May mga katanungan din ang ating mga kasamahan sa media, Usec. Mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ang tanong po niya: You recently announced that the DOT along with other national tourism organizations worldwide will continue in its pursuit to develop and innovate ways to assist destinations and businesses in the new normal. How and what exactly are the innovative ways?
DOT USEC. BENGZON: Well, dalawang bagay:
First, is that iyong World Travel and Tourism Council and even the United Nations World Tourism Organization have been pushing for standard protocols around the globe. Ang ibig pong sabihin nito, kung ano iyong requirements in a particular country in terms of testing, in terms of contact tracing, health declarations, ganoon din ang magiging requirements sa ibang bansa para hindi pabago-bago. Kung papaano natin inii-standardize iyong requirements sa mga LGUs, iyon din ang gustong mangyari in the international destinations;
Pangalawa, talking about innovations, ang nakikita is ano eh, there will be greater preference for low density but high value kind of tourism experience at marami diyan mga outdoor ‘no, iyong mga well-ventilated. Kaya nakikita natin that the tourist, whether foreign or local, will go for iyong mga hiking, biking, mountaineering, they will still go to the beach. Ito iyong magiging mga bagong preferences natin. Of course, while making sure that the health and safety protocols are still in place in all the critical touch points.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong oras, DOT/Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr.
DOT USEC. BENGZON: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin naman po natin ang estado ng mga manggagawa na pilit nilalampasan po ang hamon ng pandemya pati na rin ang suportang ipinaaabot ng pamahalaan para sa kanila. Makakausap po natin si Assistant Secretary Dominique Tutay mula po ito sa Employment and General Administration Cluster ng DOLE. Welcome back, ASec.!
DOLE ASEC. TUTAY: Maraming salamat po, Usec. Rocky, at magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa inyo pong datos, ilan po ba iyong mga kababayan natin iyong maaaring makinabang sakaling ilagay po ang bansa dito sa tinatawag nating mas maluwag na community quarantine?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Noong Enero po nitong taon na ito, mayroon pong mga 25,226 workers mula sa 1,421 po na establishments na tuluyan na pong nawalan ng trabaho. Pero mayroon pa rin po tayong mga tinatawag na workers under flexible work arrangements and temporary closure, umaabot po ito ng mga 108,000.
So kung luluwagan po natin iyong ating ekonomiya, ito po ay mga 108,000 po ang maaaring tuluyan na rin pong maging five days a week na sila or six days a week, at iyong mga nasa temporary closure po ay maaari na rin pong makabalik.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ano na po iyong status ng ating National Employment Recovery Strategy o iyong tinatawag na NERS na naglalayong tulungan na hindi lamang po iyong ating mga kababayang manggagawa kung hindi pati na rin po iyong mga establishments katulad nang nasabi ninyo nga, may ilan talagang nawalan ng trabaho, na lubhang naapektuhan po ng pandemya? Nasimulan na po ba iyong rollout nito?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo, nasimulan na po natin iyong National Employment Recovery Strategy. In fact po, iyong tinatawag po natin na Financial Institution Strategic Transfer Act ay napirmahan na po ng ating Pangulong Duterte noong February 16. Ito po ay isa sa mga polisiya na na-enroll po doon sa ating NERS Action Plan. And then alam naman po natin ngayon na umuusad na rin po sa Kongreso at mas mabilis po ang pag-usad nito, iyong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Bill or CREATE Bill. So ito po ay ilan lamang sa mga polisiya na naka-enroll po sa ating NERS.
And then iyon pong mga program po natin kagaya po ng Build, Build, Build at saka po iyong Balik Probinsiya, iyan naman po ay ongoing. Samantala, iyong iba pong mga projects and action plans po naka-enroll sa NERS ay binubuo po o binabalangkas po ngayon iyong mga implementation mechanisms po at may mga fine prints pa rin po tayo na ginagawa po sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Asec., pinag-uusapan ba sa DOLE iyong hiling ng ilang mga employers na dagdagan ng oras ng pagtatrabaho o iyong tinatawag na expanded working hours bilang isa raw po sa mga tugon para tulungan ang ating ekonomiya na makabangon po dahil sa epekto ng pandemya?
DOLE ASEC. TUTAY: Mayroon pong bill na nakasalang dito sa Kongreso at ang DOLE naman po ay nakonsulta tungkol sa bagay na ito. Open po ang Department of Labor and Employment sa mga ganitong konsultasyon, but we have to keep in mind, Usec. Rocky, na may threshold din po iyong ating mga manggagawa, physically and mentally po. Kaya nga po sa Labor Code ay otso oras po iyong talagang nakalagay na oras na paggawa.
Kapag in-extend po kasi natin iyong oras ng paggawa, maaari pong mag-suffer iyong ating physical and mental well-being. Pangalawa po, kapag in-extend ninyo po kasi iyong hours of work ng ating mga manggagawa, it will not in any way help in terms of employment creation or generation dahil instead na mag-hire po tayo ng maraming manggagawa, i-extend na lamang iyong kanilang oras.
Kung titingnan po natin iyong make up ng ating labor force dito po sa Pilipinas, malaki pong porsiyento iyong tinatawag po natin na nasa production age ng population and therefore, if we want to really reap iyon pong demographic dividends po natin, kailangan po iyong atin pong mga workers, mas maraming mga workers po ang mag-participate sa labor.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, bukod po nga dito sa NERS at itong wage subsidy, ano pa po raw ang programa ng DOLE na maaaring asahan ng ating mga kababayang manggagawang naapektuhan ang trabaho dahil sa pandemya?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Sa ngayon po iyong ating COVID Adjustment Measures Program, ongoing pa po. Nakapag-benefit na po ito nang mahigit isang milyon na workers in the formal sector kasama po diyan iyong education and tourism sector workers po natin.
Iyon naman pong wage subsidy, ito po ay naisumite na po natin sa Office of the President. Mayroon na rin pong nakuhang copy ang ating Secretary Wendel Avisado. At ito pong proposed wage subsidy po, ang gusto po natin dito ay ma-preserve po iyong employment ng ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga nasa temporarily closed na company, mayroon pong about 2.5 million na mga manggagawa po na affected po diyan.
Iyong iba pa pong programa na niru-rollout po natin ngayon, iyon pong youth employment programs po natin. Last week—I think this week lang, sorry. This week, nagkaroon po tayo ng pirmahan with Mayor Isko Moreno ng Maynila para po doon sa ating JobStart program. And naibalita rin po namin sa kaniya na mayroon po tayong government internship program na iru-rollout din po sa Maynila.
Alam po natin, halimbawa, kung 500 program beneficiaries po ito sa isang LGU lamang and the work is good for six months, malaking bagay po ito. At kung mai-rollout po ito sa ibang lugar, may multiplier effect po ito, Usec. Rocky. And then, talagang magkakaroon po ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ma-employ po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilan po bang manggagawa sa formal sector iyong nabigyan na natin ng financial assistance sa ilalim naman po ng CAMP? At ilan pa rin po ba ang bilang na ito na naayudahan na natin mula naman po sa education sector at sa tourism? Saan po daw maaaring sumangguni ang ating mga manggagawa na hindi pa rin po daw nakukuha ang kanilang financial assistance?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Iyon pong ating CAMP, nabanggit ko mga mahigit isang milyon na po iyong nabiyayaan po nito. Doon po sa education sector, mayroon about 45,000; and doon naman po sa tourism sector, mayroon na po tayong mga 171,000.
Ngayon po, mayroon pa pong open application for workers in the tourism sector at humigit-kumulang 400,000 pa po ang maaaring makinabang po dito.
Doon po sa mga hindi pa po nakatanggap ng ayuda, maaari pong itsek nila—kung nag-apply na po sila at hindi pa nakakatanggap, pupuwede po nilang itsek iyong status nila sa reports.dole.gov.ph. Kung matatandaan ninyo po noong nag-apply po kayo, mayroon po kayong reference number, so puwede ninyo pong tingnan lang iyong estado po ng inyong application sa reports.dole.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., para naman po sa kaalaman ng ating publiko, ano po iyong mga sektor at trabaho ngayon iyong nananatiling in demand at maaari nilang aplayan?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Sa ngayon po ay masigla pa rin po iyong ating BPO sector and then iyong manufacturing po natin [garbled] construction and iyong government sector po.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po iyong ating—huling tanong po ng kasama nating si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ang tanong po niya: The Department of Labor and Employment is planning daw po to provide a 3-month wage subsidy for workers meant to help cushion the impact of the COVID-19 pandemic. Saan po kukunin ang budget nito?
DOLE ASEC. TUTAY: Okay. Ito pong aming wage subsidy program na naisumite na po sa Department of Budget and Management, tatlo po iyong tiningnan namin o prinupose [proposed] namin na maaaring pagkuhanan ng pondo. Unang-una po, maaari pong mag-reprogram o mag-realign doon po sa continuing 2020 funds na hindi po nagamit; pangalawa po, kung may mga savings pa po iyong ating Bayanihan II; and pangatlo po, kung puwedeng mag-identify din po ang DBM ng ibang fund source po para matugunan po iyong pangangailangan sa proposed wage subsidy program po ng DOLE.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.
DOLE ASEC. TUTAY: Maraming salamat.
ALJO BENDIJO: Thank you po. Sa iba pang mga balita: Mga pamilyang biktima ng sunog sa Parañaque, Caloocan at Quezon City inabutan din ng tulong ng tanggapan ni Senador Bong Go at mga ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Tunghayan naman natin ang ulat sa iba pang mga lalawigan sa bansa, makakasama po natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
BENDIJO: Dito naman sa PTV-Cordillera, may ulat din si Alah Sungduan. Alah!
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Maraming salamat, Alah Sungduan. Tungo naman tayo sa Davao, hatid ni Regine Lanuza ang pinakabagong balita roon. Regine, maayon Udto.
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Maraming salamat, Regine Lanuza.
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, February 25, 2021, umabot na sa 568,680 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 2,269 ng mga bagong kaso; 72 na katao naman ang panibagong mga nasawi kaya umabot na sa 12,201 ang total COVID-19 deaths. Dumarami pa rin naman po ang mga kababayan natin na nakaka-recover sa sakit na ngayon po ay nasa 524,042 matapos makapagtala ng 738 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman ngayon ay 32,437.
At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayon araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Asahan ninyo po ang aming patuloy na paghahatid ng impormasyon na mahalagang malaman ng bawat Pilipino. Ako po si Aljo Bendijo. Usec., thank you.
USEC. IGNACIO: Salamat, Aljo. Sa ngalan ni Sec. Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po muli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)